Followers

Wednesday, April 4, 2018

Tok-Hang 18 (B-2)


By Michael Juha
getmybox@hotmail.com



Stupid Gay!

Pati ang mga barkada nina Timmy at John na kasabay nilang nag-enroll, dahil napag-usapan nilang magsabay-sabay sa pag-enrol ay hindi makapaniwala na hinarangan ng kanilang Dean ang pag-enrol nila.

Agad na tinungo ng dalawa ang Dean’s office. Sinamahan pa sila ng mga barkada.

“I recommended banning the two of you from enrolling in this university because of the video scandal.” Ang paliwanag ng Dean.

“Sir, isn’t it unfair? We are not the ones doing sex in the video! We did not do anything like that in the toilet. We admit teasing and joking around. But having sex? I can’t take it! I can’t do it!” ang sagot naman ni Timmy.

“I’m sorry. But in my findings, it’s the two of you. Of course you will deny that. I can understand taht. It is normal for accused persons to deny. It alway happens.”

“Sir, we are not liars!” ang pagtaas ng boses ni John.

“Mr. Iglesias, this is an office. You don’t have to shout at me.” ang sagot naman ng Dean.

“Then why don’t you investigate again, or create a committee composed of Faculty members and even student council officials, give that committee a guideline and a time frame so that there will be a thorough and impartial investigation.” Ang mungkahi ni Timmy.

“Are you implying that I’m not impartial?” ang sagot naman ng Dean.

“I did not say that, Sir. What I’m trying to suggest is that the whole story should come out! The truth can’t be established by watching that video only. There may be stories behind that video. Is the video authentic?”

“There is no need for that. I know what I’m doing and I know, it’s the two of you who are in that video.”

Natahimik si Timmy at John. Hindi sila halos makapaniwala sa sobrang pagka-unreasonable ng Dean.

Maya-maya ay tinitigan ni John ang Dean. “Sir, tell me honestly. Are you angry with us? Is there anything in us which you are angry with? Did we do something bad to you?”

“Mr. Iglesias, I am not angry with anyone. I just happen to be the Dean and I have the responsibility to impose the rules, and to see to it that the students follow rules, are trained with the right values, guided with the right moral and ethical standards.”

“And who decides this moral and ethical standards, Sir? You?” ang tanong ni John.

“Everyone knows that homosexuality is an immoral act, Mr. Iglesias. And I know that Mr. Suarez and you have an immoral, homosexual relationship. It’s a fact, right? Although you don’t admit it, it’s known by many Freshmen students. And for a fact that you admitted that part in the video with your faces and you are hugging, what is there to investigate? The rest of the video must be the two of you! The two of you are doing immoral acts!”

“Sir, do you know that you are unfair, biased, bigot, and homophobic? And who in the world appointed you to be the authority and guardian of morality? You are not even a religious person to preach us about morality. You don’t have the moral high ground to tell us we are immoral persons.” ang sambit ni Timmy.

“I am the Dean of this department so I know how to implement the rules!” ang sagot ng Dean.

“Then implement the rules but don’t tell us what is moral and immoral! The job of the religious people.”

“So you won’t allow us to enroll because of your belief?” ang pagsingit ni John.

“That is correct. People like you have no place in this university! You are a bad example to other youths!”

Dismayadong lumabas ng office ang dalawa. Sa isip nila ay wala silang laban sa pagka irrational ng kanilang Dean lalo’t hinusgahan na sila.

“Ano ang nangyari, Tok?” ang tanong kaagad ng mga barkada na naghintay sa labas ng opisina ng dean.

“Talagang idiniin ng Dean na kami iyong nasa video!” ang galit na sabi ni Timmy.

“OMG! Paano na iyan? Hindi na talaga kayo makapag-enrol?” ang tanong ni Joy.

“Sabihin mo lang, Tok kung kailangang mag-rally kami to support you, sasabihin ko sa mga Freshmen. Baka pati ibang level ay may susuport rin dahil balita ko ay marami ring galit sa bagong Dean natin na iyan eh.”

“Huwag.” Ang sagot ni John. “Ako na lang muna ang maghanap ng paraan.”

“Nariyan na naman iyang ikaw na lang ang maghahanap ng paraan, eh.” Ang tila pagmamaktol naman ni Timmy.

Napalingon ang mga barkada kay Timmy. “Oo nga Hang. Dapat ay sabihin mo sa amin ang plano mo. Malay mo ay may maidagdag kami o maitutulong.”

“Oo sasabihin ko rin sa inyo kung ano ang plano ko.” Sabay akbay niya kay Timmy, “Wag ka na ngang magtampo Tok… tayong dalawa na ang magplano.”

“Uyyyy! Ka-sweet!” ang biro naman ng barkada.

“Umlais ka nga riyan! Mamaya mavideohan naman tayo!” ang sambit ni Timmy.

Tawanan.

So iyon ang napagkasunduan nila. Napagdesisyunan nila na ituloy na lang ang pagpa-enrol ng mga barkada habang hinanapan pa nila ng paraan ang kaso nina Timmy at John.

“Doon muna tayo matutulog sa apartment ko, Tok.” Ang mungkahi ni John.

“Bakit?”

“Magresearch ako tungkol sa rules ng school, tungkol sa Dept of Education kung saan tayo maaaring dumulog sa porblema natin.” Ang sagot ni John.

“Ah sige. Okay lang sa akin.” Ang sagot ni Timmy.

Sa gabing iyon ay halos magdamag na nakatutok si John sa kanyang laptop. Maya-maya, “Tok… kakausapin ko na lang muli ang Dean bukas. Ito ang plan A natin. Kapag di pa rin siya madaan sa magandang pakiusap, sa Plan B na tayo. Ang plan B ay hikayatin natin na mag-rally ang mga barkada natin. Magpost tayo sa social media ipaalam ang rally natin against sa Dean habang ilalakad natin ang reklamo sa Dept of Education or kahit saang sangay ng gobyerno tungkol sa Dean na iyan.

“May nahanap ka ba sa research mo?”

“Mayroon naman, mga sangay ng gobyerno kung saan ay puwede tayong magreport. Ngunit mas maganda siguro kung makisuyo muna ako, magmakaawa sa kanya. Idaan muna natin sa pagpakumbaba. Medyo tough kasi ang pagra-rally. Maliban sa maperwisyo natin ang ibang estudyante at klase, baka lalabas na masama din tayo. Atsaka, hindi tayo sure kung may papanig sa atin. Baka kahit sa ibang school ay mahirapan tayong mag-enrol kapag nalaman nilang pasimuno tayo ng rally…”

Nag-isip si Timmy. “S-sige, Subukan mo, Hang.”

Tinitigan niya si Timmy. “Gagwin ko talaga iyan, Tok. Hindi ako papayag na mahinto ka sa pag-aaral. Kahit ako na lang ang mahinto, okay lang sa akin. Pero ikaw… alam kong iyan ang pinakapangarap mo sa buhay. Kaya pipilitin kong gawin ang lahat na kaya kong gawin upang maabot ang pangarap mong iyan.”

“Tange! Dapat tayong dalawa ang makapag-enrol. Hindi tin ako papayag na ako lang. Kung ako lang ang mag-enrol, maghanap na lang tayo ng ibang unibersidad. Iyong magkasama pa rin tayo.”

“Alam ko namang mas mahal mo ang unibersidad na ito, eh. Nandito ang lugar mo, nandito ang buong barkada na nagpapasaya sa atin, sa lugar na ito nabuo ang pagmamahalan natin, at higit sa lahat, nandito ang himlayan ng inay mo.

“Basta, kung ako lang din ang puwedeng mag-enrol, huwag na. Dapat ay kasama ka.”

Napangiti si John. Malaswa ang nasa utak. “Hmmm. Ayaw mo lang talagang mahiwalay sa akin eh. Mami-miss mo ito” sabay turo niya sa kanyang harapan na halatang tinigasan na.

“Baliw! Umalis ka nga riyan!” ang sambit ni Timmy nang tinangka ni John na yakapin siya at halikan ang kanyang bibig.

Nagpambuno sila. Ngunit dahil gusto rin naman talaga ni Timmy, bumigay rin siya. Naglapat ang kanilang mga labi. Matagal. Mapusok.

Sa gabing iyon ay sinamsam nila ang tamis ng kanilang pagmamahalan.

KINABUKASAN ay muling bumalik si John sa unibersidad. Siya lang mag-isa ang nagpunta. Dumeretso siya sa office ng Dean.

“Ano ang nangyari?” ang tanong kaagad ni Timmy nang nakabalik na si John sa apartment.

“Hayun… nanghingi ako ng tawad sa mga sinabi natin sa kanya. Nag-explain ako na noong high school pa lang ako ay wala akong ganang mag-aral, na bale-wala lang sa akin ang lahat, walang pakialam kung makapag-aral o hindi. Ngunit nang na-meet kita, ikaw ang dahilan kung bakit ako nagpursige ng pag-aaral, dahil na-inspired sa iyo. Tinanong ko siya kung bilang Dean ay wala bang puwang sa kanyang puso ang pagtulong sa mga kagaya ko na na from bad boy ay na-enlightened at na-encourage na mag-aral ngunit dahil sa nangyari ay hayaan na lang niya sa kanyang mga kamay na ang isang katulad ko ay mapariwara, masayang ang buhay, masadlak sa kasamaan. Sinabi ko rin sa kanya na kung gusto niya ay siya ang magiging personal na mentor ko… natin. Sinabi ko rin sa kanya na sayang ang talent at talino mo, ang promising na kinabukasan mo. Tapos sinabi ko na bigyan tayo ng chance kasi, kung ang Diyos ay nagbibigay ng chance, bakit siya ay hindi. Halos basahan ko na nga lang ng bible eh.”

“Tapos? Iyong issue tungkol sa atin?”

“Sinabi ko sa kanya na hindi totoo.”

Doon ay napatingin si Timmy kay John. Na-touched siya sa sinabi niyang iyon. Nag-iba kasi ang takbo ng isip ni John sa puntong iyon. Kung dati ay siya itong pursigido na ipaglaban at panindigan sa pamamagitan ng pag-out nila sa kanilang relasyon to the point na nagplano na nga siya para i-announce ang status nila, na kaya niyang ipagsigawan pa sa buong mundo ang relasyon nila ay gagawin niya. Si Timmy lang naman kasi ang umaayaw dahil hindi pa siya handa. Ngunit dahil lang sa gusto niyang makapag-aral sila at maabot ni Timmy ang kanyang papangarap kaya niya binago ang kanyang paninidigan at ipinagkaila na niya ito sa kanyang Dean.

“Anong desisyon niya?” ang tanong ni Timmy.

“Pag-isipan daw niya. Babalik ako bukas.” Ang sagot ni John.

“Sa tingin mo ba ay bibigay din siya?”

“Sa tingin ko ay malaki ang chance Tok.”

“Sana papayag siya, Hang… Ayoko talagang mahinto sa pag-aaral. Ayoko ring lumipat sa ibang school kung maaari.”

“I’ll try my best, Tok. Para sa iyo.”

Sa gabing iyon ay hindi mapakali si John. Hindi siya makatulog at malalim ang iniisip. Hindi niya kasi alam kung magbago niya ang isip ng kanilang Dean at payagan na silang mag-enrol. At kung hindi man, hindi na rin niya alam pa kung paano i-convince ang kanyang Dean.

Kinabukasan, muling bumalik si John sa Dean’s office at sa pgkakataong iyon ay nakuha niya ang matamis na “oo” ng Dean.

Agad niya itong ibinalita kay Timmy na tuwang-tuwa naman nang malaman ang magandang balita.

“Tok… may problema lang sa pagpayag ng Dean na mag-enroll muli tayo.”

“Ano?”

“Kailangang patunayan daw natin na wala tayong relasyon. At hindi tayo magsama sa school, dapat ay malayo tayo sa isa’t-isa. Paghiwalayin daw niya tayo. Binigyan niya ako ng mga schedules para sa klase mo, at klase ko. Ang klase ko ay panggabi mula alas 2:30 ng hapon hanggang alas 9:30 ng gabi samantalang ang sa iyo naman ay sa mula alas 7 ng umaga hanggang alas 2:30 ng hapon.”

Ipinakita ni John ang schedule na ibinigay ng Dean sa kanila. Tiningnan ito ni Timmy.

“So paano iyan? Hindi tayo magsama sa school?” ang tanong ni Timmy.

“Iyon na nga. Kahit daw sa labas ay kailangang huwag tayong makita na nagsama.”

“Grabe naman iyan!” ang sambit ni Timmy.

“Kaya mo?” ang tanong ni John.

“Kung iyan lang ang paraan ay sige. Magkikita pa naman tayo sa bahay, di ba? Ang importante ay tuloy pa rin ang pag-aaral natin.”

Niyakap ni John si Timmy. Nagyakapan sila.

Kinabukasan ay nag-enrol silang dalawa. Nang naroon na sila sa registrar’s office, ramdam nina Timmy at John na kakaiba ang tingin ng mga staffs sa kanila. Ang iba ay nagtatawanan, ang iba ay nagbubulungan.

Balewala lang iyon kay John. Si Timmy naman ay naiilang. Hindi siya sanay na ganoon ang trato sa kanya ng mga tao. Ayaw niyang kinikondena, minamaliit ang pagkatao, kinukutya.

Nang pina-process na ang kanilang class cards, hindi man nila sinabi ang kanilang mga schedules, automatic na alam na agad ito ng registrar. Panggabi si John at pang umaga naman si Timmy.

Nang nagsimula na ang klase, sina Timmy at mga barkada ang magkasama. Si John naman ay nag-iisa sa panggabi. Bagamat kasama ang mga barkada, malungkot pa rin si Timmy at syempre, ang buong barkada dahil hindi na nila nakakasama si John sa kanilang umpukan, harutan, tawanan. Kahit sa kanilang inuuwian, sa apartment na sila dahil mas malapit iyon sa eskuwelahan. Gabi na kasi kapag umuuwi si John. Mahirap umuwi sa bukid kapag gabi, at malayo pati. Kaya doon na rin si Timmy. Ngunit kahit nasa isang bahay lang sila, halos hindi sila magpang-abot. Gabing-gabi na kapag umuuwi si John at halos matutulog na si Timmy kapag dumating na si John sa apartment. Sa umaga naman ay maagang gigising si Timmy gawa nang alas 7 ang pasok niya. Si John naman ay tulog pa. Limitado ang oras nila na magsama. Tanging Sabado at Linggo lang ang mga araw na full day silang nagkakasama, maliban na lang kung may activity si Timmy sa school, na hindi naman puwedeng sumama si John dahil bawal nga silang magkita na magsama. At pinakamalungkot sa kanilang bagong arrangemt ay hindi na nila alam ang bawat galaw ng isa’t-isa sa eskuwelahan.

Tapos, heto pumasok na naman sa eksena si Julie. “Hi friendships!” ang sambit ni Julie habang lumalapit ito sa umpukan ng magbarkada sa student center.

Napangiwi naman sina Joy at iba pang mga babae.

“Nandito na naman ang ahas!” ang bulong ni Joy sa mga kasamang babae.

“Oh mg God! Napanuod ko ang video ninyo ni John.” Ang sigaw ni Julie kay Timmy nang nakaupo na sa kanilang umpukan. “In fairness nakakaturn-on. Babae ako pero now, kinikilig na ako sa tambalang boyxboy! Love wins talaga! Kaya ngayon, tanggap ko na kaibigan na lang talaga kami ni Timmy. No chance na kumbaga”

“At wala ka namang kinalaman sa paglabas ng video na iyon?” ang sambit ni Joy kay Julie.

“Oh my God! Hindi ko magagawa iyan, Joy! Alam mo namang love ko iyang si Timmy!”

“O bakit si Felix Alberto, iyong gustong i-confiscate ang lupain nina Timmy ay inimbento mo!” ang dugtong ni Joy.

“Wala akong kinalaman d’yan, Joy! Hindi ko magagawa iyan. Baka iyong Bell at ex ni John din ang may pakana!”

“Eh bakit mukhang tuwang-tuwa ka sa paglabas ng video?”

“Hindi ako natuwa dahil sa video, Joy! Natuwa ako dahil narealize ko na tama lang pala na tapusin ko na ang kahibangan ko sa kanya dahil bakla nga siya, di ba?”

Nagkatinginan naman ang magbarkada sa pagkarinig ng salitang bakla. Tapos ay tiningnan nila si Timmy na hindi nagsalita at yumuko na lang, halatang nasaktan. “Iyong bibig mo kung ayaw mong busalan kita, isara mo!” ang sigaw ni Joy kay Julie.

“Bakit? Hindi naman talaga natin mapipilit ang bakla na magpakalalaki, di ba?” ang sagot din ni Julie na lumaki pa ang mga mata sa pagbibigay-diin sa kanyang punto.

“Aba! At talagang gusto mong ilampaso ko iyang mukha mo sa semento, ha! Umalis ka rito!!!” Ang sigaw ni Joy na lumapit sa likuran ni Julie at doon ay tumayo, galit na galit ang mukha at nakapamaywang.

Sumunod din ang ibang mga babae, sina Jane, Fe, Emily, at dalawa pang mga babaeng kaibigan din nila. Tumayo rin sila katabi ni Joy sa likuran ni Jane.

“Kayo naman… gusto ko lang namang makipag-kaibigan sa inyo eh.” Ang bigla ring pagbaba ng boses ni Joy.

“Makipagkaibigan? O manlait! At tandaan mo, hindi kami naniniwala na wala kang kinalaman dito! Baka ikaw ang gumawa ng video at ikaw rin ang tagatsutsu sa halimaw.” Ang pahiwatig ni Joy sa Dean. “At kung bakit ka nandito ay dahil gusto mong making sa usapan namin para ireport mo, ano!”

“Hindi ah! Wala akong kinalaman d’yan, Joy. Gusto ko lang talagang maging kaibigan kayo!”

“Alis! Kung ayaw mong masaktan!” ang pananakot ni Joy.

Tiningnan ni Julie ang iba pang mga babae na nasa tabi ni Joy at lahat sila ay matulis ang titig kay Julie. Kaya wala nang nagawa si Julie kundi ang umalis.

Bagamat napaalis nina Joy si Julie, malaking impact naman ang eksenang iyon para kay Timmy. Nakaramdam siya ng lungkot. Hindi niya ito ipinahalata. Tahimik lang siya at kinimkim niya ang lahat. Malungkot siya na hinid niya kasa-kasama si John, ang damage pa ng video scandal sa kanya ay masakit at malalim.

Isang araw, may ipinatawag na meeting ang student council. At dahil si Timmy ang Chairman ng Freshmen ng Business Management Department kung kaya ay obligado siyang mag-attend bilang representative ng mga freshmen ng Business Management sa student council.

Nang nasa loob na si Timmy, pinili niya ang upuan sa pinakadulo ng room, malayo sa ibang mga council members. Syempre, may video scandal siya at alam ni Timmy na napanuod na iyon ng mga kapwa niya representatives. Nahiya siya.

Pagkatapos ng roll call, bago sinimulan ang discussions ng main agenda, nagsalita ang President ng student council. “I’m sorry to inform the studint council that Mr. Timmy Suarez will be expelled from this body as per a memo by the Dean’s office with the approval of the President of the university.”

Gulat na gulat si Timmy sa narinig. Ang lahat ng mga miyembro ng student council ay nagulat din, nilingon nila ang kinaroroonan ni Timmy.

“Point of clarification, Mr. President.” Ang biglang pagsingit ng chairman-representative ng 2nd year Business Management.

“Yes Mr. Retanan. What is your point of clarification?” ang tanong ng president ng council.

Tumayo ang Chairman ng 2nd year Business Management. “I just want to clarify if it is stipulated in the bylaws of this student council that a Dean or any of the Administrators can simply expel from this body any representative or officer of the council?”

Doon ay nagbubulungan ang mga miyembro ng student council. Ang iba ay tumango-tango. Ang tanong na iyon ay nakapagbukas sa kanilang isipan tungkol sa ganoong issue.

“Because we have to remember that we are here because we were elected by our constituencies. And I think that only our constituencies can remove us from this position, or if it is our voluntary act of stepping down. Why does a Dean have the power to expel us?” ang pagpapatuloy ng representative.

“Actually, our bylaws is silent on any provision regarding removal of any member from this council by any Administrator of the university. However… since this student council is under the tutelage and administration of the university, we are then covered under the rules of the university.”

“So Mr. President, we are not really independent.”

“Ah… we are independent, provided that we don’t go against the rules of the university.”

May isang representative na tumaas ang kamay. “Mr. President, on what ground was Mr. Suarez expelled?”

“Have you not seen the video? That is the ground.” Ang sagot ng president.

“And was that really investigated – thoroughly? I’ve heard it’s not them in the video.” Ang dugtong ng representative.

“The Dean has already decided on the issue. We have to trust the wisdom of the Dean.”

“When it comes to issues that may ruin reputation f the innocent, I don’t think we can entrust the whole process of finding the truth to the wisdom and judgment of only one person, Mr. President, unless that person is omnipotent, omnipresent, or God.”

“I have answered that question already. The Dean has decided.” Ang sagot ng presidente.

“The Dean is God, Mr. President?” ang muling pagsagot ng representative.

“I didn not say that.”

May isang representative na tumaas din ng kamay. “Then, if this is already decided by the Dean, why would the expulsion have to be in this manner? Why do you have to invite him and then fire him in front of us. Isn’t it rude and inhuman? Isn’t it humiliating on the part of Mr. Suarez? Why not just call him privately prior to this meeting and tell him that he is not welcome to the meeting anymore because he is expelled?”

“That’s the order of the Dean of Business Management. According to him, Mr. Suarez can explain his side in front of us.”

“What is there to explain, Mr. President when he is already fired? It’s like shooting the person in the head and after he died, you asked him if he has any complaint! Is that it?”

Hindi nakasagot agad ang presidente. “I guess it was my fault. I should have let him explain his side first. I take the blame for that. And I would like to apologize to Mr. Suarez.” Ang nasabi niya habang tiningnan niya si Timmy.

Nag thumbs up naman si Timmy.

Tumaas ng kamay ang isa pang representative. “Can we then ask Mr. Suarez to shed light regarding that video, if it’s okay with him? I mean I know this is late but maybe we would like to be enlightened on what really happened. Was it them?” ang sambit niya habang tiningnan niya si Timmy.

“No, sorry, I have nothing to say anymore.” Ang mahinang sagot ni Timmy. “This has already been decided by the Dean and, according to the president, we have to trust his wisdom and judgment. And as one representative said, I was shot and already died. I can’t talk anymore.” Ang sagot ni Timmy. Sobrang lungkot at hiya niya sa pagkakataong iyon. Kung maaari lang na umiyak siya sa harap ng mga representatives ay ginawa na niya. Ngunit ayaw niyang ipakitang kaawaan siya.

Napatingin silang lahat kay Timmy. Naawa. Naramdaman nila ang kalagayan niya. Maya-maya ay may isang representative na lumipat ng upuan sa tabi ng inuupuan ni Timmy. Sumunod ang isa pa. Tapos may isa uli. Hanggang halos lahat na sa kanila ay nag-umpukan na sa lugar ni Timmy. Pati ang vice president ay umupo na rin kasama sa grupo.

Tumaas ng kamay ang chairman-representative ng 3rd year Engineering. “Okay then, can we not at least vote if we agree or not with the memo of the Dean to expel Mr. Suarez?”

Doon na mas lalong lumakas ang boses ng mga council members, boses ng pagsuporta. “Yes!”

“No we can’t. The memo of the Dean is final and executory.” Ang sagot ng Presidente.

Dahil sa ingay ay nagsalita ang vice presidnet. “Mr. President, point of order!” ang sigaw niya. “I agree with the representative calling for a vote. Even for the sake of giving this body a little respect, or at least to show that we have a say and we have some degree of independence in the way our colleague here is being removed, I think it’s a redeeming value on our part if we can just vote, regardless of the outcome, to show that we have a voice here?”

Tumayo ang chairman-representative ng 3rd year Engineering. “I move that we vote whether to remove Mr. Suarez from this council or not.”

“I second the motion” ang sagot ng Vice President.

Walang nagawa ang president kundi ang i-allow ang mosyon. Nang magbotohan na, halos lahat ng miyembro ay tumaas ng kanilang kamay.

“95% voted in favor. The motion that we vote to retain or expel Mr. Suarez is approved.” Ang sambit ng presidente. And since you decided that we will vote. Who will put this into a motion.” Ang dugtong niya.

“I move that we retain Mr. Suarez to this council.” Ang sambit ng isang chairman sa Commerce Department.

“I second the motion.” Ang sagot naman ng 3rd year chairman ng Business Management.

Nagbotohan ang council…

“85% wanted Mr. Suarez to remain a srepresentative of this council, 5% abstained, ang 10% voted no. The affirmative wins. As per your vote, Mr. Suarez remains to be a member of this council.” Ang sambit ng president. “But… as I’ve said, even if this council decided to retain Mr. Suarez as a representative, there is no more effect on that since this has already been decided by the administration.” Ang dugtong niya.

“I disagree, Mr. President” ang sambit ng Vice President. “We decided it. We must abide by our decision!” ang dugtong niya.

Dahil sa sinabing iyon ng vice president, nabalot sa kaguluhan ang meeting. Halos magsigawan na ang mga representatives. Di magkarinigan.

Ngunit mas malakas ang boses ng vice president. “I move that this council abides by the majority decision to retain Mr. Suarez to the council.” Ang deretsahang pag mosyon ng vice president.

Biglang natahimik ang lahat.

“I second the motion.” Ang halos sabay-sabay na sigaw din ng maraming representatives.

Palakpakan.

Tumaas ng kamay ang isang representative na panig sa decision ng Dean. “I think we have to keep a level-headed discussion in the light of the decision by the management. Whether we like it or not, we are under the rules of the university. The school is here to protect us, to keep the system in order, to give the university the best environment conducive to growth and learning of its students. The Admininstration makes decision for the benefit and betterment of the students, not the other way around. That is their obligation. So, if that is the decision of the management, why not accept and respect it? After all, it must be for the good of all.”

Na kinontra naman ng isang representative. “Even if the decision is unjust? Even if it ruins the reputation of the wrong person? Is that betterment for you? The school itself encourages us to speak, to question ideas, and now here you are, telling us to bow our heads down and accept the decision of one person as if it was the decision of God?”

Dahil hindi na natiis ni Timmy ang pag-aargumento nila dahil sa kanya, tumaas siya ng kamay.

“Yes, Mr. Suarez.” Ang pag-acknowledge sa kanya ng presidente.

“First I would like to ask for forgiveness for dragging this council into the issue which some quarters tried to implicate me. How I wish that this council be spared from the controversy. But then since it’s already discussed here, I would like to appeal to you to please just follow the decision of the management. Honestly, my only desire is to finish my studies in this university. When the Dean decided that I can enrol again, I was just so happy. It’s the best thing that he did for me. Even if I have to suffer the humiliation of being wrongly accused, there is nothing for me to do. After all, each one of us has our own crosses to bear, has our own struggles to surmount. And life is full of injustice. No one is exempted. I have no complaint. I have been to many difficulties and I think I am strong enough to face this one. Thank you very much for your support. I deeply appreciate it. So I am pleading you to just let me leave this room so you can go about your usual business in peace and harmony.” Ang sambit ni Timmy.

Ngunit hindi siya pinayagan ng vice president. “Mr. Suarez, please don’t leave. You leave when the majority of the members will tell you to leave.” Ang sambit niya. At baling niya sa presidente. “Mr. President, I guess you have no other option but to call for a vote.”

Bigla ring nabalot ang silid ng katahimikan habang hinintay ang sagot ng presidente.

“Any objection to the motion?” ang tanong ng presidente.

Tumaas ng kamay ang representative na pabor sa desisyon ng Dean. “I object. There should be no more vote as this is just a waste of our time discussing an issue which is already decided. We can’t override Administration’s decision.”

Ngunit may kumontra din, isang representative galing sa Education department. “For the sake of justice, I am willing to waste my time. Even if we can’t override Administration’s decision if that is the case, at least I’ve stood up for what I believe in.” Ang sambit niya.

Pinalakpakan siya ng marami.

Nasa ganoon silang pagsisigawan, pagpapataasan ng boses at pagpapagalingan ng mga argumento nang sa hindi inaasahan ay biglang pumasok ang Dean ng Business Management, ang dean nina Timmy.

“What is the noise about?” ang sigaw niya.

Mistula namang nataranta ang presidente ng council. “S-sir, we were discussing about the expulsion of Mr. Suarez and the council decided to vote for it. In that motion, the council decided to retain Mr. Suarez as a representative and member of this council.”

“Didn’t I tell you that that memo is final, executory and it is not within the power of this council to question or to decide otherwise? You have no power to question, to veto, or override university management’s decisons.”

“I told them, Sir. I even told them that even if that the result was against Administraion memo, it wouldn’t change anything. The management has already decided.” Ang sagot ng presidente.

“So what is the commotion about? What are you arguing about???” ang pagtaas uli ng boses ng Dean.

Sumingit ang vice president. “Mr. President, I move that the Dean of Business Management be notified to leave this room!”

“I second the motion!” ang sigaw ng maraming representatives.

“YOU CAN’T EVICT ME FROM THIS ROOM!!!” ang bulyaw ng Dean, nanlilisik pa ang mga mata.

“Professor, this is a student council meeting. It is stated in our rules and procedures of the meeting that no Administrator, unless invited, shall attend or be inside the room where the meeting was held while the council is in session. No one invited you here. Therefore it is a violation of our rules. The university administrators approved these rules even before you were here.” Ang mahinahong paliwanag ng vice president.

“IF NO ONE INVITED ME HERE, I’M INVITING MYSELF!!!” ang sigaw muli ng Dean.

“Sir, with all due respect, you are not council member nor an authorized representative to invite someone. Therefore, you cannot invite yourself.” Ang sagot muli ng vice president. At baling niya sa presidente na mistulang namutla na, “Mr. President, please proceed the vote.”

Sumigaw muli ang Dean. “I AM NOT ALLOWING THAT VOTE TO PROCEED. YOU HAVE TO PROCEED TO DISCUSS THE MORE IMPORTANT AGENDA OF THIS MEETING RATHER THAN TO DISCUSS THE ISSUE OF THIS-“ turo niya kay Timmy “...HOMOSEXUAL BASTARD!”

“If that is your decision, professor, I guess there is no reason why we have to attend this meeting any longer. It will be useless for us to be here, only to be dictated by one person. Please excuse me.” Ang sambit ng vice president sabay walk out.

Sumunod ang iba pang mga student leaders sa paglabas. Hanggang ang naiwan ay si Timmy na lang, ang presidente ng student council at iilang mga loyalist na representatives ng presidente.

Galit na tiningnan ng Dean si Timmy. “So you are creating the commotion here? Why did you not just leave???” ang sigaw ng dean kay Timmy.

“I was about to leave, Sir when...” Hindi na natuloy ni Timmy ang sasabihin nang sumigaw muli ang Dean.

“THEN LEAVE YOU STUPID GAY!!!”

(Itutuloy)

2 comments:

  1. paksyete.. haha natapakan ang ego ni dean.. napagkaisahan siya hahaha. belat nga... buti nalang may v.p... haysss. sana lang may update si kuya mike. tapos may faces na yung mga bida natin si timmy at john. hehe.... tsaka si dean i think pogay di sya ehh.. wahahaha

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails