Followers

Monday, April 30, 2018

Ang Roommate Kong Siga [10]


By Michael Juha


Sperm Shower

Natulala ang inay sa pagkarinig niya sa aking sinabi. Hindi siya nakapagsalita at tiningnan na lang ako. “Ma... nakinig ka ba? Bakla ako ma. Bakla ang anak mo. Isang bakla na umiibig sa isang lalaki na hindi maaaring magmahal sa isang katulad ko.”

Hindi pa rin siya umimik.

“Maaaaa!” ang sigaw ko

“Nasaan doon ang kasalanan mo?” ang tanong niya. “Naghintay akong sabihin mo ang kasalanan mo?”

“Bakla ako ma.”

“Iyan lang?”

Tumango ako.

“Julyo... di ba sabi ko sa iyo, kilala kita. Matagal ko nang alam na bakla ka, ngunit hindi ko lang na-confirm dahil iniisip ko na baka confused ka pa, o baka mali rin ako. Ngunit noong una pa lang nating isinama si Jerome na kumain. Alam ko na. Kilala ko ang kilos ng isang taong umiibig at naglalandi. Malandi ako kaya alam ko, iyan. Baka akala mo ay hindi kita nahalata. Kahit iyong pagka-worry mo kay Jerome nang binugbog siya. Takot ka sa dugo na ni ayaw mong magpabakuna ngunit kay Jerome, nagpakuha ka talaga ng dugo. At 4 cups of blood pa! At ikaw rin ang nagmungkahi na bayaran natin ang pagpapa-ospital niya, huwag nang sinigilin ang ninakaw niyang motor na bigay ko sa iyo dahil sabi mo, naawa ka sa kanya. Di ba? 50K kaya iyon. Ano tayo charity? Ikaw nga kapag namimili ako ng gamit natin, nagagalit ka kapag umaabot ng 5K ang gastos. Tapos iyong 50K? Ganyan mo siya kamahal, girl!”

Natawa nanagulat naman ako sa kanyang sinabi. “Girl talaga? At bkit palagi mong sinasabi sa akin na gusto mong magkaapo...? Tapos may inirereto ka pang babae sa akin?”

“Pangarap lang naman iyang magkaapo. Sinubukan lang kita. Malay ko, baka kakayanin mo. Pero at the same time, tanggap ko naman na hindi lahat ng pangarap ay nakakamit, di ba? Bakla ka, straight ka, wala namang nagbabago. Bilog pa rin ang mundo, tumatakbo pa rin ang araw, tumataas pa rin ang mga bilihin, kurakot pa rin ang mga pulitiko, nariyan pa rin si Coco Matrin sa Ang Probinsiyano. At ikaw, anak ko pa rin... at hindi nababawasan ang pagmamahal ko sa iyo, bagkus ma tumutindi pa dahil nagpakatotoo ka lang naman. At syempre, mahal mo rin ako. Nariyan tayo para sa isa’t-isa. Iyan ang mahalaga.” nahinto siya saglit, naging seryoso ang mukha at yumuko. “Ang worry ko lang naman talaga anak ay para sa iyo.” Ang sambit niyang hindi makatingin-tingin sa akin. “Paano kung tumanda ka na at wala kang anak? Sino ang mag-aalaga sa iyo kapag wala na ako?”

Sa sinabing iyon ng inay at nakita ko pa ang pagdaloy ng kanyang mga, napaiyakna rin  akong muli. Sa buong buhay ko ay ni hindi ko nakita ang aking inay na umiyak. At kung umiiyak man siya, itinatago niya iyon sa akin. Ayaw niyang ipakita sa akin na nasaktan siya, na nalungkot siya. Ayaw niyang mag-alala ako sa kanya. Napakatatag niya. Gusto niyang palaging masaya, palagi kaming tumatawa.

Tumayo ako at niyakap siya. “Salamat ma na tanggap mo ako. Sana ay hindi mo ako ikahiya.” Ang sambit ko.

“Bakit naman kita ikahiya? Matalino ka, academic scholar, nangunguna sa klase. Very talented. Kaya ba iyan ng ibang straight na mga lalaki o babae? Bakit kita ikakahiya? Atsaka anak, hindi kasalanan ang pagiging bakla. Kung kasalanan ang pagiging bakla, kasalanan na rin pagiging lumpo nang ipinanganak, ang mga special children, ang mga ipinangank na may pisikal at mental na kapansanan.”

“At bakit ka naman umiyak?” ang tanong ko.

Tinitigan niya ako. “Naawa nga lang ako sa iyo. Alam mo, mahirap ang buhay na walang katuwang, walang nagmamahal. Alam ko iyon dahil di ba... nag-iisa akong palakihin ka, walang katuwang. Alam kong ramdam mo rin ang sakit nang walang ama. Ngunit mas masuwerte pa rin ako dahil nariyan ka. Ngunit ikaw...? Paano ka?”

Nahinto ako. Pinahid ko ang mga luhang patuloy pa ring dumaloy mula sa aking mga mata. Tama naman kasi ang inay. May punto siya. Sa pagtanda ko at sakalaing wala naang inay at lola, mag-isa na lang ako, walang katuwang, walang anak. “Naintindihan naman kita ma na wala akong ama. Hindi kita sinisisi. Alam ko kung gaano mo ako kamahal. Atsaka ma, huwag  mong isipin ang kinabukasan ko. Kaya ko iyan. Ako pa. Ikaw nga nakaya mo. Anak mo ako. Pareho tayong matapang, matatag.” Ang sagot ko na lang.

“At maganda.” Ang dugtong niya. Kahit talaga nasa gutna ng kalungkutan ay hindi mawala ang pagka-kumedynte ng aking inay. “basta anak, worried lang ako sa future mo.”

“Ma… sa sinabi ko na okay lang ako. Pilitin ko na lang na makapagtapos ng pag-aaral,, magproceed sa pagkuha ng MA, para mas tumaas ang aking ranggo sa trabaho, kagaya mo, maging manager o mas mataas pa, upang maging financially stable. Aalagaan ko kayo ng lola. Mag-ipon na rin para sa pagtanda ko para may magastos kapag hindi ko na kayang magtrabaho at masakitin na. Tapos, para may kasama, kukuha na lang ako ng katulong.”

“Lalaking katulong na kasing guwapo ni Jerome.”

“Mama naman! Seryosong usapan eh!”

“Biro lang anak. Pero tama ka sa mga plano mo... at dahil advanced na ang siyensiya ngayon, maari tayong maghanap ng babaeng mag-surrogate ng anak mo. In that way, matupad pa rin ang pangarap ko na magkaroon ng apo. At ikaw, may katuwang pa rin sa iyong pagtanda. O di ba?”

Doon na ako sumigla. Hhindi ko naisip na puwede na pala ang ganoon. Nakita ko rin ang pagsigla sa mukha ng inay. “Tama, ma! Habang malakas pa po kayo, maghanap tayo ng taong maaaring mag-surrogate ng anak ko. Ang galing niyo talaga!” ang sambit ko.

“Kaya nga manager ako, di ba?”

“Dahil matalino ka.”

“Dahil maganda.”

Napangiti na lang ako at niyakap ko ang inay.

Hinaplos niya ang aking buhok. “Kaya ikaw, anak... tandaan mo palaga, kahit ano man ang gawin mo na ikaliligaya mo, huwag lang manakit ng kapwa o mag take advantage, o tapakan ang karapatan at kaligayahan ng iba, o mang-rape ng lalaking hinid ka mahal, nariyan lang ako. Palagi akong susuporta sa iyo. Wala akong pakialam sa buhay mo kung iyan ang ikaliligaya mo. Go.”

Tinitigan ko na lang ang aking inay habang binitiwan ko ang isang matipid na ngiti. “I love you, ma...”

“I love you too, anak.” Ang sagot niya, nahinto nang sandali. “Itigil na nga natin itong drama ah! I hate drama! Punyeta nasira na ang make up ko! Mag retouch na naman ako nito!”

Natawa na rin ako. Binuksan niya ang kanyang bag at nagretouch ng kanyang make up.

“So hindi mo talaga type si Jerome ma?”

Nahinto siya sa kanyang pagmi-make up at tiningnan ako. “Type??? E, di lalo kang iiyak. Baka magbigti ka pa.” ang sagot niya. “Gusto ko lang talaga siya para sa iyo. Ramdam kong type mo siya at kinikilig ako habang iniisip ko kayong dalawa. Kaya parang anak na rin ang turing ko sa kanya.” Ang sambit niya at pagkatapos ay kumanta, Alam kong hindi mo pansin, narito lang ako, naghihintay na mahalin, umaasa kahit di man ngayon, mapapansin mo rin, mapapansin mo rin...”

Lumaki naman ang aking mga mata sa kinanta niya. “Ibig sabihin ay sinadya mo talagang iyong kanta na iyon ang i-request na kantahin ng banda para maniwala si Jerome na sa akin galing iyon?”

Tumango ang aking inay. “Naman!”

“I-ibig sabihin ay wala ka sanang tutol kay Jerome?”

“Wala. Mahal mo eh. At bagay na bagay kayo. Parehong guwapo. Parehong matangkad. Halos magkamukha nga lang kayo. Ayiiiii! Kakakilig.”

“Waaah! Daya.” Ang sagot ko. Ngunit natahimik ako sandali. Nalungkot. “Kaso nga, ma, hindi nga kami puwede. Sinabi na niya sa akin na lalaki siya at hindi niya ako maaaring mahalin. At iyon na nga, girlfriend na yata niya ang anak ng may-ari ng bar. Tapos may fuckgirl pa siyang minsan ay dinadala sa kuwarto, o baka nakikipagkita pa rin siya sa labas. Tapos, ikakasal na rin siya sa paggraduate niya next year. Imposible na maging kami pa. Ang daming babae niya, nakapila ang iba.” Ang sambit ko.

“Okay lang iyan, July. At least sinabi niya ang totoo, di ba? Hindi ka niya niloko. At ngayon na alam mo na, it’s time to accept it and move on. I-focus mo na lang ang atensyon mo sa ibang bagay, like sa pag-aaral, o kung gusto mo, explore possibilieties. Marami kang friends sa facebook ‘di ba? At mahilig kang magbabad sa internet. Why don’t you start to be friends with them, chat, have some meetup... Malay mo baka d’yan mo mahanap ang taong magmamahal sa iyo.”

Dahil gabi na kaming natapos, iminungkahe ng inay na sa accommodation niya muna ako matutulog. Bawal daw sana kaso nang ipinagpaalam niya sa general manager niya na anak niya ako at walang matutuluyan sa gabing iyon at may problema pa kung kaya ay pinayagan siya. Malaki naman kasi ang accommodation ng inay dahil manager level siya. At dahil anak naman ako, kaya pinayagan siya ngunit hindi lalampas sa isang linggo ang pagtira ko sa accommodation niya.

Alas 10 ng gabi nang nakarating kami sa accommodation ng inay. Maya-maya lang ay tumunog ang aking cp. Nang tiningnan ko kung sino ang tumawag... si Jerome. Ramdam kong muli ang paggapang ng galit sa sa buong sistema ko. Kaya imbes na sagutin, hinayaan ko lang itong mag-ring.

Napansin ito ng inay. “Hindi mo ba sasagutin ang tumawag na iyan?”

“Si Jerome iyon, ma.” Ang sagot ko.

“O e di kausapin mo siya nang maayos. Baka nag-alala lang iyong tao sa iyo. Ako man ang roommate mo, mag-alala din ako sa iyo.”

“May sulat ako sa kanya ma... alam niya na umalis na ako roon.”

Hindi na sumagot ang aking inay. Ipinagpatuloy na lang niya ang pag-ayos sa isang foldable bed na kasya lang ang isang tao. Ipinuwesto niya iyon sa kabilang kanto ng kuwarto niya.

Patuloy pa rin sa pag-ring ang aking cp. At hindi lang ring, may message alert pa. Halos hindi ko na mabilang kung naka-ilang ring ito at naka-ilang message alerts nang tuluyan ko nang pinatay ang power ng aking cp.

“Haist... ang hirap umibig no?” ang sambit na lang ng inay.

Hindi na ako sumagot pa. Ramdam ko sa puso ang sinabi niya.

“Pero kung ako sa iyo, July, kausapin ko siya. Lalo na kung siya ang mag-initiate na kausapin ka. Kung gusto mong isara ang pinto mo sa kanya, kausapin mo muna siya upang maghiwalay kayo ng landas ng matiwasay, walang mga issues na hindi na-settle, nagkaintindihan, at higit sa lahat, manatili kayong magkaibigan. Mahirap iyang kapag nagpang-abot kayo sa isang lugar, o nagkasalubong kayo sa daan ay nag-iisnaban kayo, o tila hindi nag-exist ang bawat isa. Ang bigat sa damdamin niya. Masakit sa puso.”

Maya-maya ay ang cp naman ng inay ang nag-ring. Tiningnan ko siya, iniisip na baka si Jerome iyon. Minuwestrahan ko siya na huwag sagutin kapag si Jerome. Ngunit nang tiningnan niya ito kung sino, wala sa directory niya ang numbero. Kaya sinagot niya. Baka raw kasi tungkol sa trabaho sa factory, o baka rin ay may emergency.

“Hello? Sino ito?” ang tanong ng inay.

Doon na ako kinabahan nang nilingon ako ng inay, itinuro niya ang cp niya habang tinakpan ito, bumulong sa akin. “Si Jerome.”

Agad ko siyang minuwestrahan na huwag sabihin na naroon ako sa kanya. Ngunit hindi yata ako napansin ng inay.

“A eh… wala siya rito, Jerome. Bakit? Hindi pa ba siya umuwi? Hindi kaya may binili lang sa labas ng boarding house?” “Hindi naman tumawag sa akin. Baka may pinuntahan lang.” ang kunyaring inosenteng tanong ng inay. “Patay ang cp niya? Bakit? Nag-away ba kayo? Okay Jerome, Bye…” ang mga sagot ng inay habang kausap niya si Jerome. At baling sa akin. “Punyeta ka! Pati ako ay nagsisinungaling nang dahil sa pag-ibig na yan! Naawa ako kay Jerome! Alalang-alala sa iyo!”

“Hindi nag-alala iyon, ma. Kung nag-alala iyon, hindi siya makikipaghalikan doon sa anak ng boss niya!”

Napatingin sa akin ang inay. “Wala ka namang karapatan, Julyo. Sinabi naman niyang hindi ka niya kayang mahalin, di ba? Hindi ka niya pinaasa.”

“Oo naman, ma. Pero tama ba na alam niyang mahal ko siya pero may babae pala siyang pinapatulan? Kunyari ay iyong Ressa niya hindi na niya dinadala sa kuwarto pero ibig sabihin pala ay baka lihim din silang nagtatagpo sa labas? Di ko na alam kung alin ang totoo sa kanyang mga sinabi, ma.”

“Hay naku… kung ako lang, hindi ako magagalit kasi, wala naman siyang sinabi na may relasyon kayo. At isa pa, pakinggan mo muna ang panig niya. Mag-usap kayo, July.”

“Ah, basta ma. Ayoko nang makipag-usap sa kanya.”

Hindi pa rin nahinto ang pag-uusap namin tungkol kay Jerome. Dati kasi ay limitado ang mga ikinuwento ko sa kanya tungkol kay Jerome. Ngunit sa pagkakataong alam na niya na bakla ako at mahal ko si Jerome, lahat-lahat ay ikinuwento ko na. At medyo gumaan ang aking pakiramdam na hayan, naipalabas ko rin ang mga hinaing ko, ang mga nararamdaman ko, ang sakit na naranasan ko, ang mga bagay na ikinagalit at nagustuhan ko kay Jerome. May saya rin akong naramdaman na may isang taong interesadong makinig at naintindihan niya ang iyong naramdaman. Iyon lang ang kagandahan sa nangyari. Nakita ko kung gaano ako kamahal ng aking inay.

“Kalimutan mo na siya, huwag mo na siyang ilagay sa iyong isip, at huwag mo na siyang pagnasaan.” Ang sambit ng inay.

“Pagnasaan talaga?”

“Kapag may kahit katiting na pagnanasa ang tao sa iba, iyan ang dahilan kung bakit mabilis silang tumanda. Tingnan mo ang ibang mga kasama ko sa work, nasa 30’s pa ang mga edad. Walang mga jowa pero puro lalaki ang nasa isip, ang pinag-uusapan. Iyong mga heartache nila sa lalaking kahit ayaw na sa kanila ay hinid pa rin makapag move on. Hayun ang mga mukha ay kulubot na. Dahil nagnanasa lang sila sa mga bagay o lalaki na hindi para sa kanla. Pero kung ang taong pinagnasaan nila ay nakakatalik nila, nakakaniig, iyan ang nakakabata ng mukha. Lalo na kung ang dagta ng lalaki ay ihihilamos pa nila.”

“Huh!” ang gulat kong reaction. Parang lumihis kasi siya.

“Totoo iyan. Iyong iba pa nga, iyong ihi mismo ng lalaki nila ang inihilamos at ipinapaligo. Habang nasa shower sila at nakatayong umiihi ang lalaki, nasa harap naman ang babae at isina-shower ang ihi ng lalaki nila.”

Gusto kong matawa sa sinabi niya. May nabasa kasi ako tungkol sa medical benefit daw ng ihi. May nakita rin akong video sa India na ipinapaligo ang ihi ng baka. Habang umiihi ang babaeng baka, ang isang bata naman ay tuwang-tuwa na nagshower rito. “Ano ba iyang pinagsasabi mo ma!” ang nasambit ko na lang.

“At alam mo ba na ang semen ay composed of over 200 separate proteins, as well as vitamins and minerals including vitamin C, calcium, chlorine, citric acid, fructose, lactic acid, magnesium, nitrogen, phosphorus, potassium, sodium, vitamin B12, and zinc.” Dugtong pa niya. 

“Ma! Stop it!”

“Ang sinabi ko lang naman ay huwag mo na siyang isipin dahil tatanda ka nang wala sa oras.”

“Ba’t napunta sa tamod at ihi na ihilamos at ipaligo? At may pa trivia ka pa tungkol sa sperm?”

“Tip lang iyan kung paano ka bumata at gumanda. Kumbaga sa nobela, side story.”

“At lulunukin pa talaga iyong sperm?”

 “Hmmm. Sa sinabi ko na, ang semen ay may mga proteins, vitamins and minerals, vitamin C, calcium, chlorine, citric acid, fructose, lactic acid, magnesium, nitrogen, phosphorus, potassium, sodium, vitamin B12, and zinc. It’s healthy! Huwag sayangin ang bigay ng kalikasan! Kaysa bibili ka pa ng mga supplements na kung anu-ano.”

“Ba’t ikaw, hindi ka naman tumanda. Hinihilamos at iniinom mo rin ba ang tamod at pinapaligo ang ihi ni Mang Kanor?”

“Hindi si Mang Kanor… hindi ko siya type!” sabay talikod at tawa. “Hihihihihi!”

Kinabukasan hinatid ako ng aking inay patungong eskuwelahan. Maaga akong nakarating gawa nang may pasok din ang inay. Kaya upang hindi siya ma-late, ako muna ang inihatid niya. Normal naman ang lahat sa pagpasok ko. Dumeretso agad ako sa klase. May mga kaklase na akong naroon. Dahil maaga pa, wala pa ang professor namin. Nakita ko ang isang grupo ng mga babaeng pinaikutan ang isa sa kanila na may hawak na cell phone, may litrato at video atang tinitingnan, nagtitilian sila habang tinitingnan ang video, iyong kilig na kilig ang mga reaksyon.

“Ang guwapo talaga niya! Nakakakilig! Oh my God!!! Bagay na bagay sa kanya ang kanyang uniporme! Waiter pala siya?” ang sambit ng isang estudyante.

“Ngayon ko nga lang din nalaman eh. OMG! Pupuntahan natin ang bar nila friends!”

“Sige! Sige! Sa Friday na!!!” ang sagot din ng iba pang mga babae.

Palihim kong sinilip ang kanilang tinitingnan. Nang nakita ko, si Jerome pala ang nasa litrato, kasama ang mga babaeng iyon sa table #8 nang gabing pumasok kam ng inay sa bar nila. Nag-upload pala ang isa sa mga babaeng naroon.

Napabuntong hininga na lang ako. Naramdaman kong muli ang galit ko kay Jerome.

Maya-maya ay pumasok na ang aming guro. Nagsimula ang klase.

Nasa ganoon ako na seryoso sa pakikinig sa guro at pagsali sa recitation nang muli kong napansin ang mga babaeng lihim na nagtatawanan, kinilig at tingin nang tingin sa labas. Napalingon na rin ako. Laking gulat ko nang nakita ko sa may hallway si Jerome, nakatayo lang doon, nakasandal ang likod sa may baluster. Salamin kasi ang bintana ng aming kuwarto kaya nakikita ang pang-itaa na katawan kung sino man ang nasa labas.

Lihim kong inusisa kung ano ang ginawa niya roon. Ngunit wala akong nakitang kasama o kakuwentuhan. Nakatayo lang siyang ganun, nakaharap sa room namin na tila nagdisplay, di ko maintindihan.

Kunyari ay hindi ko siya nikita. Bagamat panay ang pa-cute ng mga babae sa kanya, ako naman ay dedma. Hinayaan ko na lang siya. Alam kong mapapagod din siya at aalis.

Ngunit hindi siya umalis. Hanggang sa natapos ang aming klase. At dahil lilipat naman ako at ibang mga estudyante sa ibang room, sumabay ako sa maramihan at lumihis ako sa kabilang direksoyn ng hallway. Kahit umikot pa ako ng daan, okay lang sa akin upang hindi niya masundan.

Nang nasa sunod na klase na ako, nakahinga ako nang maluwag dahil wala na siya. Ngunit maya-maya lang ay muli na namang kinilig ang isan ggrupo ng mga babaeng nagbubulungan at itinuro siya. Hindi ko talaga alam kung ano ang pakay niya at kung bakit niya ginawa iyon. Pero kagaya ng sa unang klase, dedma pa rin ako.

Ngunit hindi niya ako nilubayan. Hanggang sa natapos ang mga klase ko sa umaga ay naroon pa rin siya. Hindi siya pumasok sa klase niya at naroon lang nakatambay sa labas ng mga klase ko.

Kaya sa oras ng pananghalian, naisipan kong sa loob ng canteen ako kakain imbes na sa kadalasang kinakainan ko. No entry ang parte ng canteen na iyon sa mga estudyante. Ngunit nakiusap ako sa isang kaklase ko na working student na kung maaari ay sa dining area ng mga working students ako kakain, sa loob mismo ng canteen. Mabuti naman at pumayag siya. Kaya hindi ako nasundan ni Jerome.

Sa mga klase ko sa hapon ay ganoon pa rin ang ginagawa ni Jerome. Dahil sa takot ko na baka may masamang balak siya sa akin, o kaya ay aabangan na naman niya ako sa labas, tinawagan ko ang inay na sunduin ako.

“July naman! Mas mauna kang lalabas sa klase mo eh.”

“Hayaan mo ma, maghintay ako sa iyo.” Ang sagot ko naman.

Kaya nang lumabas na ako ng klase, palihim akong nagpunta sa libraray muna, sa isang sulok na walang katao-tao. Naupo ako sa pinaka sulok noon habang hinihintay ko ang inay.

Kumuha ako ng isang libro at binuklat iyon, binasa. Habang nasa ganoon akong pagbabasa, dumating naman si Carlo, iyong pinakauna kong kaibigan sa unibersidad na nabugbog din ng mga kaibigan ni Jerome. Tumabi siya sa akin.

Naibsan ang kaba ko sa pagtabi ni Carlo sa akin. Baka kasi biglang susulpot si Jerome at may gagawing masama. At least, may kasama ako. Nakipagkuwentuhan si Carlo sa akin. Nagpasalamat siya sa pagligtas ko sa kanya sa pambubugbog ng grupo ni Jerome, Kinumusta rin niya ako tungkol sa klase ko, kung nagustuhan ko ba ang unibersidad.

Nasa ganoon kaming pagkukuwentuhan nang nakita na lang namin na nakaupo na si Jerome sa harap namin. Nahinto kami sa aming pag-uuap ni Carlo.

Habang takot na nakayuko si Carlo at hindi makatingin-tingin kay Jerome, ako naman ay matulis ang tingin kay Jerome.

“Pare... ikaw iyong binugbog ng grupo namin sa may lumang power house, ano?” ang tanong ni Jerome kay Carlo.

“Yes boss.” Ang maiksing sagot ni Carlo na hindi pa rin makatingin kay Jerome.

“Nabitin ako doon ah. Di ko pa natikmang patamaan ang mukha mo. Kung dadalhin kaya kita bukas doon, saan mo gustong patamaan? Pumili ka, sa mata, sa ilong, sa bibig?” ang tanong ni Jerome kay Carlo na halatang namutla at nanginig habang ipinakita naman ni Jerome ang kanyang kamao na inihahampas-hampas pa niya sa ibabaw ng mesa habang tinitigan niya si Carlo, iyong titig may pagbabanta.

Hanggang sa hindi na nakatiis si Carlo, “Tol... mauna na ako sa iyo.” Ang pagpapalam niya sa akin sabay din tayo at alis.

“Ba-baye!” ang sagot naman ni Jerome na kumaway pa kay Carlo.

Gusto ko sanang sumama na lang kay Carlo ngunit ayaw kong pag-initan naman siya ni Jerome. Kaya nagpaiwan na lang ako. At baling ko kay Jerome, “Ba’t mo tinakot iyong tao?”

“Ay, nariyan ka pala? Sorry ah. Di kita napansin.” ang sarkastiko niyang pagbati sa akin na nakangiti pa at kumaway-kaway at kinikindat-kindatan ako.

Ang kapal ng mukha mo!” ang bulyaw ko.

“Makapal ba? Kaya pala maraming na in love sa mukhang ito.” sabay bitiw ng nakakalokong tawa.

“Baka feeling mo lang.”

“Siguro nga. Kasi iyong iba, iniwanan na lang ako basta eh.”

“Bakit? Iyon bang nag-iwan sa iyo ay kasintahan mo? Mahal mo? Ba’t ka concerned?”

“Wala lang. Gusto ko sana siyang mahalin. Pero ayaw niya yata eh.”

Doon na ako umalma. Alam kong bluff at bolada lang niya iyon upang bumalik ako sa kanya. “Gago! Tarantado! Sinungaling! Huwag mo na nga akong kausapin!”

Nasa ganoon akong pang-aaway kay Jerome nang napadayo naman sa lugar namin ang Director ng Student Affairs, may hinahanap na libro sa shelf na malapit sa kinauupuan ni Jerome. “Sir, can I ask a question?” ang tanong ko sa kanya.

Nahinto siya sa paghahanap sa libro at tiningnan ako. “Yes?”

“What should a student do if someone is harassing a him?” ang tanong ko habang palihim na nilingon si Jerome. Actually, tinanong ko lang iyon upang hindi aalis ang director at takutin na rin si Jerome.

“If a student is being harassed, he can file a complaint to my office and I will call that student or I will investigate the matter.” Ang sagot niya.

“Ah...”

“Why? Is there someone harassing you?” ang tanong niya na tiningnan si Jerome.

“A, errr...” ang sagot kong tiningnan din si Jerome na sa pagkakataong iyon ay nakayuko at nagkunyaring inosentng nagbabasa sa libro na nauna ko nang binasa. “No, Sir... no.” ang sagot ko na lang.

Nang nakaalis na ang direktor, nakita ko namang tumatawa si Jerome.

“Ba’t ka natuwa?” ang sambit ko.

“Nag-uusap ang dalawang bakla.” Ang sagot niya.

“Paano mo nalamang bakla iyon?”

“Ako ang pakay noon. Kunyari lang na naghahanap ng libro. Kanina pa tingin nang tingin iyon sa akin.”

“Feelingero ka talaga. Isusumbong kita.”

“O di isumbong mo, para magkaalaman na mag-sister pala kayo.” Sabay tawa.

“Siguro nakatikim na rin iyon sa iyo, no?”

“Opps! Di ba sinabi ko sa iyo na ayaw ko sa bakla?”

Hindi na ako sumagot. Narinig ko na naman kasi ang paulit-ulit na sinasabi niyang iyon.

“Saan ka natulog kagabi?” ang paglihis niya sa usapan.

“Pakialam mo!” ang bulyaw ko.

“Bumalik ka na, Tol please...?” ang sambit niyang naging seryoso na ang boses.

Doon na ako tumayo at tinumbok ang kabilang section ng library at nagtago sa isang shelf. Nang nakita kong sumunod siya sa akin sa kabilang section ngunit nilampasan lang ako, doon na ako dali-daling bumalik sa pinagmulang section at tinumbok ang spiral na stairway, bumaba ako patungo sa ground floor at natatakbong lumabas.

Nagtatakbo pa rin akong tinungo ang likuran ng main building, doon mismo sa may lumang generator house. May kadiliman na sa oras na iyon at nakakatakot ang lugar ngunit may lihim na daanan kasi roon patungo sa kabilang highway. Wala akong choice. Iyon ang tinumbok ko. Tinawagan ko na lang ang inay na doon niya ako sunduin sa highway na banda roon.

Naka-alpas ako kay Jerome sa araw na iyon. At nang nasa accommodation na ako ng aking inay doon ko na sinabi sa kanya na natatakot ako kay Jerome. Ikinuwento ko sa kanya ang lahat na ginawa ni Jerome sa buong maghapon.

“Kaya nga, July, kausapin mo siya. Alam mo naman pala ang ugali ni Jerome eh. Mabuti nga, soft response ang ipinakita niyang defense mechanism sa sitwasyon.”

“Anong soft response?”

“Ang tao kasikapag nakakaranas ng pain, nagti-take over ang defense mechanism niya to respond to pain. Kagaya mo, nasaktan ka, ang response mo ay withdrawal. Iniwanan mo siya. Ang ibang tao naman kapag ganyan ang sitwasyon like iyong mga tinatawag na melancholic, baka nagkukulong na sa kuwarto at nag-iiyak. Iyong mga phlegmatic naman, dahil mga relaxed and peaceful-quiet type sila ay natatanggap nila ito as part of life and they become more religious, samantalang ang mga sanguine naman, kagaya ko, idadaan ko iyan sa paglalakwatsa, shopping, o di kaya ay pag-iinom o paglalasing kasama ang mga kaibigan. Si Jerome, sa nature niya, usually ang defense mecahnism niyan ay ang pagbabasag ng mga gamit, nambubugbog ng tao, he can even go to exteremes like maghurumentado or mang hostage, mga ganyan. Pero sa kaso mo, he acted the opposite. He is the one punishing himself...”

“G-ganoon ba ma? K-kaso, natatakot ako ma, baka may masamang balak siya sa akin.”

“I don’t believe he can do that. Pero as always, makakatulong ang kausapin mo siya, nak. I always believe in dialogue.”

“Ayoko ma...” ang maiksi kong sagot.

Kinabukasan, nagpahatid uli ako sa aking inay patungo ng school. At himala na hindi ko nakita si Jerome sa buong maghapon na klase ko. Ngunit nang bandang uwian na, doon naman ako kinabahan. May narinig na naman kasi akong usap-usapan ng mga estudyanate na may kasalukuyang binubugbog na naman daw ang grupo ni Jerome. At biglang pumasok sa isip ko si Carlo na pinagbantaan ni Jerome. Dali-dali kong tinungo ang lumang power house ng unibersidad.

Nang narating ko na ang power house, may binugbog ngang estudyante. Ngunit hindi si Carlo. Isang first year college student sa ibang department na nayabangan daw ang grupo nina Jerome at Archie dahil iba raw kung makatingin at nang sinita ng isang kasama nila, ang sagot ay “Bakit sino ka ba? Kung maka-asta ka ay parang ikaw ang siga rito!” kaya doon nag-init ang ulo ng grupo.

Nakita kong si Jerome ang bumubugbog sa estudyante. Duguan ang bibig at ilong niya, ang polo na puti ay nabalot sa dugo.

Hinarangan ko si Jerome. “Sige, ako ang bugbugin mo! Ito ba ang sinabi mo na hindi ka na mambubugbog?! Sinungaling! Kaya ayaw ko nang maniwala sa iyo, eh!” ang bulyaw ko sa kanya.

Nahinto si Jerome. Ngunit nagtawanan ang ibang miyembro ng grupo. “Wow pare! May sumpaan na pala kayo!”

Nakatitig na lang si Jerome sa akin. Nilapitan naman ako ni Archie. “Talagang nasanay ka nang makialam sa amin no? Bakit? Ano mo ba si Jerome? Boyfriend mo? Siguro masarap kang humalik at parang sunod-sunuran na lang sa iyo si Jerome, ah. Nakabibighani ba ang halik mo?” Ang sambit niya sabay tingin kay Jerome. “Palagi na lang eh. Kapag nandito ka, nagagambala ang aming grupo, nasisira ang aming activity. Natulala si pareng Jerome kapag nakita ka! Ano bang mayroon sa inyo? Ha?!!!” Dugtong niya.

Hindi umimik si Jerome. Hindi ko na rin pinatulan ang kanyang sinabi. Ang mahalaga sa akin ay nahinto si Jerome sa pananakit niya sa estudyante.

“Pareng Jerome, tikman ko itong boyfriend mo ha?” Ang sambit ni Archie sabay hila sa akin, niyakap ako at nilock ang kanyang braso sa katawan ko.

Pinilit kong makaalpas sa kanyang yakap. Nang tangkain na niyang halikan ang aking bibig, at inilapit niya ang kanyang bibig sa bibig ko, bigla siyang nahinto gawa ng pagsusuntok sa kanya ni Jerome. Natumba kaming dalawa ni Archie sa semento dahil sa malakas na suntok ni Jerome sa kanya. At habang nakahandusay kami sa semento, hindi nilubayan ni Jerome sa pagsuntok si Archie. Nanlaban si Archie at hinila ang binti ni Jerome dahilan upang matumba si Jerome. Nang silang dalawa na ang nakabulgata sa semento, nagsambuno sila. INupuan ni Archie ang tiyan ni Jerome at inundayan niya ng suntok si Jerome. Nang gumulong naman si Jerome, nalaglag si Archie sa pagkaupo sa tiyan ni Jerome. Si Jerome naman ang umupo sa tiyan ni Archi at sinuntok nang sinuntok niya sa mukha si Archie.

Habang nasa ganoon silang kaguluhan, niyaya kon umeskapo ang nabugbog na estudyante. Hanggang sa nakalayo kami sa lmang power house at nakasakay ng tricycle.  

Kinagabihan sa accommodation ng inay habang kumakain kami ng hapunan, nag-ring ang kanyang cp. Ngunit nagulat na lang ako nang narinig ang sagot niya sa tumatawag. “Oo nandito siya sa aking accommodation, Jerome. Ngunit kung gusto mo siyang kausapin huwag muna ngayon, okay?” Ang narinig kong sagot ng inay.

Iyon lang at saka pinutol na ng inay ang linya.

“Ba’t mo sinabing nandito ako, ma? Kakainis naman o!” ang pagmamaktol ko pa. “Baka pupunta dito iyon?!!!”

“Ito naman! Masyado kang feelingero! Hindi ka pupuntahan noon. Ano ka, babae? Mahal ka?” ang pang-aasar pa niya.

“Eh, nag-stalk na nga sa akin sa eskuwelahan eh!!!” ang dugtong kong pagmamaktol.

“Hanggang doon na lang iyon.”

Maya-maya ay nahiga na kami ng inay. Siya ay sa kama niya at ako, sa foldable bed na pang-isang tao lang. Kahit nakahiga na kami, hindi pa rin kami nahinto sa pagkukuwentuhan.

Nasa kasagsagan kami ng aming kuwentuhan nang nag-ring ang intercom. “Hello, guard, anong problema?” “Ano???” “Sabihin mo sa kanyang umuwi na dahil tulog na ang anak ko.” Ang sagot ng inay sabay baba sa telepono. At baling sa akin, “Si Jerome! Nasa labas ng gate at gusto ka raw makausap. Pero sinabi ko sa guard na pauwiin siya.”

Doon na naman nabulabog ang isip ko.

Maya-maya ay nag-ring uli ang intercom. Sinagot ng inay. “Ano??? Nariyan pa rin siya?” “Bumuhos ang malakas na ulan? Sabihin mo sa kanya na umuwi na siya at mababasa lang siya! Bukas na kamo niyang kausapin ang anak ko.” “O sige, sige... kausapin ko.”

Maya maya ay nakausap na ng inay si Jerome. “Yes Jerome. Umuwi ka na muna sa boarding house niyo, okay? Magkasakit ka niyan. Bukas mo na siya kausapin ha?” “O s-sige... narito siya.” Ang sambit ng inay atsaka inabot sa akin ang receiver ng intercom.

“Ma... ba’t naman ako?” ang bulong ko.

“Makulit. Sabihin mo na lang na umuwi na siya at malakas pala ang ulan sa labas, dinig na dinig sa telepono. Makikinig iyan sa iyo.” Ang bulong din ng inay.

Wala na akong nagawa kundi ang kausapin siya. “Hello” ang sambit ko.

“Tol... umuwi na tayo sa boarding house, pleaseee. Nagmamakaawa ako sa iyo. Mag-usap tayo ng masinsinan.”

May naramdaman akong awa sa pagmamakaawa na iyon ni Jerome. Para sa isang siga na katulad niya, na hindi tumatanggap ng pagkatalo, hindi marunong magpakumbaba, ang narinig kong pagmamakaawa niya ay malaking bagay iyon para sa kanya. Ngunit buo na ang pasya ko. “Jerome, wala na tayong pag-uusapan pa. Malakas ang ulan kaya umuwi ka na, okay? Sabi nga ng inay ay baka magkasakit ka. Umuwi ka na please.”

“Kausapin mo muna ako, ‘tol...”

“Huwag ka ngang makulit Jerome!” ang pagtaas na ng boses ko. “Umuwi ka na. Bye...” sabay baba sa receiver.

Bumalik ako sa aking higaan. “Tulog na tayo ma.” Ang sambit ko. Nabulabog na naman ni Jerome ang aking isip sa gabing iyon. At imbes na gusto ko pang makipag-usap sa aking inay, natuliro na naman ang aking isip. Gusto ko ng tahimik. Gusto kong ipahinga ang aking isip.

Tumayo ang inay upang patayin ang ilaw, iniwan ang lamp shade na nakabukas. Nang bumalik sa kanyang kama ay humiga na tumagilid patalikod sa akin. “Okay, good night, anak.” Ang sambit ng inay.

“Good night ma.”

Ngunit hindi ako makatulog. Pabaling-baling lang ako sa aking higaan. Nang tiningnan ko an gaking relo, lampas ala-1:00 na ng madaling araw. Hindi ako nakatiis, dahan-dahan kong tinungo ang rack ng intercom at tiningnan ang numero ng guwardiya sa directory. Nang nahanap na, pinindot ko ang numero. “Hello, guard?” ang sambit ko.

“Yes, Sir. Ano pong atin?”

“Nariyan pa ba si Jerome?”

“Nandito po sa labas ng gate. Nasa gilid ng kalsada. Itinaboy ko nga, ayaw namang umalis. Hindi ko na lang po itinawag kay Ma’am baka tulog na po siya.”

“Ano???” ang sambit ko. “Nariyan pa rin siya? Kahit umuulan?”

“Opo. Basang-basa na nga eh. Nakaupo sa semento nakasandal sa poste ng ilaw, parang hindi alintana ang ulan eh.”

“Ano iyan, July?” ang tanong ng inay nang narinig niyang may kausap ako.

“Si Jerome ma... nasa labas nakaupo sa may poste ng ilaw sa labas ng gate, basang-basa raw! Kanina pa!”

“Diyos ko!” ang sambit ng inay na agad ring bumalikwas at inagaw sa akin ang receiver ng intercom. “Guard, papasukin mo na lang iyan siya sa flat ko. Ako na ang bahalang mag-explain bukas kay GM.” Ang sambit ng inay.

Maya-maya lang ay may kumatok. “Hala buksan mo.” Ang utos ng inay.

Bagamat may pag-aalangan, sinunod ko ang utos ng inay. Pagbukas na pagbukas ko pa lang sa pinto ay naroon si Jerome, walang expression ang kanyang mukha na tiningnan ako. Basang-basa ang buong katawan. “Pasok!” ang bulyaw ko.

“Magbihis ka Jerome. Maligo ka muna sa shower” ang sambit ng inay.

Nahinto ako at napatitig sa inay na nakahiga sa kanyang kama, nakatagilid patalikod sa amin. Binuksan ko kasi ang ilaw. Baka ayaw niyang makita ni Jerome na may itinapal siyang kung anu-ano na pampaganda sa kanyang mukha. “Magbihis? At saan naman siya kukuha ng damit?” ang padabog kong tanong.

Doon na tumagilid paharap ang inay sa amin, ang kanyang mukha ay puting-puti dahil sa kanyang itinapal na parang maskara, mata at bibig lang niya ang nakikita. “Alangan namang panty ko at palda ang ipasuot mo sa kanya. Dinala mo na ang lahat mong damit dito, di ba? Ipahiram mo sa kanya!” at baling kay Jerome, “Hala Jerome, mag shower ka muna...” sabay balikwas naman kanyang kama at binitbit ang kanyang unan at kumot.

Nang nasa loob ng shower na si Jerome, saka siya humiga sa aking foldable na kama.

“Ba’t ka humiga sa kama ko?”

“Maliit ito, at mas malaki ang kama ko.”

“So???”

“Doon kayong dalawa matulog.”

“Inay naman! Ba’t hindi natin siya patulugin sa labas? Doon sa sitting room? D’yan sa sofa mo puwede naman ah!”

“Maliit iyang sofa ko. Ang tangkad niyang si Jerome, lalampas ang binti niya d’yan, kawawa naman. Atsaka ayaw kong tinutulugan ang sofa.”

“Steff, may tuwalya ka ba?” ang sambit ni Jerome na nasa loob pa ng shower.

“Tiningnan ako ng inay. “Hala, bigyan mo ng tuwalya...”

Tinungo ko ang kabinet at kumuha ng tuwalya. Nang nasa labas na ako ng banyo, inihambalos ko ang tuwalya sa mukha ni Jerome sabay talikod.

Nang bumalik na ako sa higaan, naroon na ang inay, plastado na sa foldable bed, nakapikit na ang mga mata.

Umupo ako sa gilid ng foldable bed. “Ma naman eh!!! Ba’t mo pa kasi pinapasok iyan. Lalo mo akong pinahirapan!” ang bulong ko.

“Alangan namang kami ang magtabi sa kama, July, ano ka ba! Baka gapangin ako niyan! Babae ang gusto niyan at babae ako.”

“Matanda ka na ma. Di ka type noon.”

“Anong matanda? Tingnan mo nga itong mukha ko kung matanda? At huwag mong upuan iyang gilid ng foldable bed! Pag nagcollapse ito, sige ka tayong tatlo ang magtabi sa kama ko. Tingnan natin kung sa sino ang sisipingan niya sa atin.”

“Ma, naman eh!”

“Ano bang masama kung magtabi kayo! Kung gusto mo ay lagyan mo ng harang ang gitna para hindi ka matukso na dakmain iyang pagkalalaki niya! Atsaka, ikaw rin ang nagsabi na minsan ay tabi kayo sa pagtulog di ba? Ang arte mo! Feeling mo naman ay may matris ka. Hindi ka mabuntis, gaga!”

“Ang bastos mo ma.”

“Ikaw ang bastos... Nag-iisip ka ng masama.” ang sagot niya sabay tagilid patalikod sa akin at sa ilaw. “Matulog na ako.”

“Salamat Steff na pinapasok mo ako. At sorry sa pang-iistorbo. Mabuti ka pa, naawa sa akin.” Ang sambit ni Jerome nang nakalabas na siya ng banyo.

“Walang problema Jerome. Sige matulog na kayo. Sa kama kayo ni July. Matulog na rin ako. May pasok pa tayo bukas.” Ang sambit ng inay.

Nang tinanggal ni Jerome ang tuwalya, wala pala siyang brief kaya lantad na lantad ang kanyang pagkalalaki.

Dali-dali kong nilapitan siya at piningot ang kanyang tainga, hinila patungo sa cabinet kung saan nakalagay ang aking mga damit. “Ba’t hindi ka nag-brief? Nagdisplay ka pa talaga ng ari mo!!!” ang pabulong kong paninisi sa kanya.

“Aray ko, ‘tol! Masakit!” ang pabulong niyang sambit, napangiwi ang mukha.

“Bakit hindi ka nag-brief?!”  ang pigil ko ring bulyaw sa kanya.

“Hindi mo ako binigyan!” ang pabulong niyang sagot niya habang hinawakan ang aking kamay na nanatiling nakapingot sa kanyang tainga.

“Nagsabi ka sana, gago ka! Anong akala mo sa akin manghuhula?” ang bulong ko pa rin.

“Galit ka eh! Aray ko ‘tol masakit.”

“Tangina mo, pati dito ay binulabog mo kami.” Doon ko na binitiwan ang kanyang tainga nang dinampot ko na ang aking brief. Nang nakuha ko na iyon, imunudmod ko ito sa kanyang mukha. “Isaksak mo iyan sa baga mo!”

Hayun, isinuot niya ang brief ko atsaka humiga na sa kama. At nauna pa talaga siyang humiga.

Nakatayo akong tiningnan siya, nakapamaywang habang siya naman ay nakatihaya sa kama na tiningnan ako. At marahil dahil nanlilisik ang mga mata kong nakatingin sa kanya, bigla niyang tinakpan niya ng kumot ang ang kanynag mukha na tila nahiya.

Sa totoo lang, nakyutan talaga ako sa porma niyang iyon. Parang isang bata na may ginawang kabalbalan at nang nadiskubre ay hindi makatingin sa sobrang hiya. Lalo na nang tiningnan ko pa ang katawan niyang hindi natabunan ng kumot, suot niya ang brief ko at bakat ang malaking umbok ng kanyang pagkalalaki. Hindi ko mapigilan ang gumapan na naman ang paghanga sa ganda ng kanyang katawan.

“Usog ka roon!” ang sambit ko nang humiga na ako.

Umusog siya. Nang nakahiga na ako, hinila ko naman ang kumot, sinolo ko ito upang wala siyang magamit. Ngunit naawa rin ako, Malamig kasi ang aircon at umuulan pa. “Hati tayo sa kumot!”

Hinila niya ang kumot at itinalukbong iyon sa buong katawan niya.

“Tangina, paano ako makatulog nito, may ahas akong katabi.” Ang bulong ko sabay tagilid patalikod sa kanya.

Naramdaman kong gumalaw siya, tila tumagilid. “Sabihin mo kasi sa akin kung ano ang gusto mo, ‘tol. Sumusunod naman ako sa sasabihin mo eh.”

“Alam mo naman kung ano ang gusto ko, di ba? At hindi mo kayang ibigay iyon. Tanggap ko iyan kaya ako lumayo sa iyo. Bakit ngayon hinahabol-habol mo ako? Upang tuksuhin ako? Upang gawing gago? Upang saktan mo? Mas maganda pa iyang binubugbog mo ako eh, kaysa ganyang sinasaktan mo ang damdamin ko. Sobrang sakit kung alam mo lang.”

“Siguro... kung alam mo lang ang kuwento ng buhay ko, ‘tol, baka maintindihan mo talaga ako kung bakit hindi ko kayang ibigay sa iyo ang gusto mo.”

“Alam ko na ang kuwento ng buhay mo, tanga! Hiwalay ang mga magulang mo, may inay ka ngunit itinakwil ka, at galit ka sa iyong ama.”

“May mas malalim pa riyan na hindi mo alam, na sobrang sakit, at hindi ko kayang ipaalam kahit kanino…”

Doon ako natahimik. Mistulang hinataw ng isang matigas na bagay ang aking ulo sa pagkarinig sa kanyang sinabi. Matalinghaga. Kung ako man ay labis na nasaktan sa karanasan niya sa buhay, ano pa kaya kung sa sinabi niyang iyon na may mas matindi pa? Pakiwari ko ay napakasakit ng kanyang karanasan na iyon kung ano man iyon. Hindi na ako umimik pa. Ayaw ko ring tanungin siya kung ano iyon. Alam kong hindi niya sasabihin. Natameme ako.

Tahimik.

Ngunit binisag niya ang katahimikan. Kumanta siya, pabulong. “Alam kong hindi mo pansin, narito lang ako, naghihintay na mahalin, umaasa kahit di man ngayon, mapapansin mo rin, mapapansin mo rin...”

Napatingin ako sa kanya. Naalala ko ang ipinakanta ng inay sa banda. “Hindi galing sa akin iyon, tanga! Ang inay nagrequest noon!”

“Siya nga ang nagsabi na galing sa iyon iyon, di ba?”

“Iniinis lang niya iyong mga malalanding babaeng nagdedicate din sa iyo ng kanta!”

“Pero sa lahat ng kanta ay iyon pa?”

“Anong paki ko kung iyon ang pinili niya? At hindi ko alam kung bakit niya pinili iyon, tanga!” ang sagot ko.

Tahimik.

Ikaw nga may pa-dedication pa. At kinantahan ko na talaga siya inasar ko. “No one ever saw me like you do, all the things that I could add up to, I never knew just what a smile was worth, but your eyes say everything without a single word, 'cause there's somethin' in the way you look at me, it's as if my heart knows you're the missing piece, you made me believe that there's nothing in this world I can't be, I never know what you see, but there's somethin' in the way you look at me” At dinagdagan ko pa ng, “Ewww. Pra kanino kaya iyon?”


“Una, gusto ko talaga ang kantang iyan. Iyong melody nya, ang mensahe niya. Sabi ko sa sarili sana ay may isang taong makakantahan ko niyan. Tapos noong gabing pumasok kayo sa bar, bigla na lang sumagi ang kantang iyon sa isip ko. Sa mensahe naman, sabi sa kanta ‘No one ever saw me like you do...’ di ba sabi ko sa iyo, walang ni isa mang tao sa mundo ang tunay na nagpapahalaga sa akin. Alam kong may mga taong nagkakagusto sa akin ngunit alam ko rin na ang gusto nila ay kung ano lang ang nakikita nila sa akin sa panlabas. Hindi kagaya mo, nakikita mo ang kalooban ko. Kahit na masama ang mga ginagawa ko, nakikita mo pa rin sa kabutihan ng loob ko, na may halaga pa rin ako. ‘I never knew just what a smile was worth’ iyang ngiti mo, gusto ko, hinahanap-hanap ko. Lalo na kapag nakita ko iyang mga ngipin mo na may braces. ‘you made me believe that there's nothing in this world I can't be’ iyan iyong pinakagusto ko. Di ba ikaw rin ang nagsabi na itama ko ang buhay ko, ituwid ang landas na tatahakin ko, na buuin ang mga pangarap ko, at na kahit anong gusto kong kamtin sa buhay ay kaya kong kamtin? D’yan pa lang, bull’s eye na ang kanta na iyan para sa iyo.”

Hindi ako umimik.

Nagpatuloy siya. “Tapos, iyang ‘coz there’s something in the way you look at me’ kitang-kita naman eh. Sa tingin mo pa lang, alam kong patay na patay ka sa akin. Sa tingin mo ay nakikita kong pinagpapantasyahan mo ako, pinagpi-piyestahan diyan sa isip mo.”

Doon na ako tumagilid paharap sa kanya at sinambunutan siya. “Anong sabi mo? Anong sabi mo? Ulitin mo nga? Gago ka, ah!” Kung nandito lang ang aking pamatpat ay pinalo na kita sa puwet. Gusto mo iyon?

“Kaya umuwi na kasi tayo, naroon ang pamatpat mo sa boarding house natin. Doon ay puwede mo akong paulin.” Ang sambit niya habang nakatitig sa akin.

Ewan, hindi ko lubos maisalarawan ang naramdaman ko sa sandaling iyon. May naghilahan sa aking sistema. Nagmamakaawa ang puso ko na patawarin siya ngunit nagmamatigas ang aking isip na huwag akong padaig sa tukso niya, panlilinlang lang niya iyon.

Tahimik. Tinitiga ko na lang siya.

Binasag niya ang katahimikan habang nanatili siyang nakatitig sa akin, hinaplos pa niya ang pisngi ko. “Nagresign na ako sa work ko, dahil sa iyo. At kung papayagan mong maging roommate ko uli, hayaan mong ipagkaloob ko sa iyo ang pinakatago-tagong napakasakit na karanasan ko, ang pinakiingatan kong sikreto kung bakit ayaw na ayaw kong magkaroon ng realsyon sa bakla. Bibigyan kita ng karapatan na baguhin ang pananaw ko, na pagalingin ang sugat na nandito sa puso at kaluluwa ko, kung papaya ka.” Ang sambit niya.


Iyon na ang turning point. Iyong matinding galit na naramdaman ko sa kanya ay mistulang biglang natunaw at nawala ang lahat nang iyon. Napatitig na lang ako sa kanya. Nagtitigan kami. Doon ko na napansin ang pasa sa kanyang pisngi, ang black eye sa kanyang kanang mata, at ang pumutok na gilid ng kanyang labi gawa ng pagtanggol niya sa akin at pakikipagsuntukan kay Archie nang tinagkang halikan ako ng huli.

Binitiwan ko ang isang matipid na ngiti sabay haplos ko sa kanyang mukha na nabugbog. Hinaplos koi to.

Sinuklian din niya ang ngiti ko at hinayaan niyang haplusin ko ang pisngi niya.

“So sasama ka na sa akin bukas?” ang mahinang tanong niya.

Tumango ako.

Hindi na siya nagsalita pa. Tinitigan niya ako atsaka hinaplos din niya ang aking pisngi.

Nasa ganoon kaming sweet moment ng pagtitigan ni Jerome nang biglang, “Paghahambalusin ko kayo d’yan. Doon kayo sa sitting room maglandian! Kapag ganyang may nakikita at naririnig akong akong naglalandian at wala akong katabi, nag-aamok ako. Kaya doon kayo sa labas bago pa man ako pumuntang kusina at maghanap ng itak. Hala, labas Jerome. Labas July! Doon ninyo ipagpatuloy kung ano man iyang kalandian ninyo. Kung gusto ninyong mag sperm or urine shower ay doon ninyo gawin iyan sa labas, huwag dito sa kuwarto ko! Huwag ninyo akong inggitin! Labas! Labas! Nakakainis kayoooo!” Ang pagsingit ng inay.

(Itutuloy)

12 comments:

  1. where is chapter 11 of ang roommate kong siga? I wish i could read the last part of the story!

    ReplyDelete
  2. where is the 11th episode of ang roommate kong siga? I wish i could read it coz the story is very inspiring and empirical...

    ReplyDelete
  3. Di lang maamin sa sarili ni Jerome na may naramdaman na syang pagmamahal kay July......

    ReplyDelete
  4. Salamat sir mike sa update....

    ReplyDelete
  5. Kakakilig Sir Mike. Kelan ang next update?

    ReplyDelete
  6. walang ka kupas kupas pa rin ang pagsusulat mo kuya mike,,, salodo ako sayo... godbless po...

    ReplyDelete
  7. Thanks ulit sir...next update please..

    ReplyDelete
  8. nice story,sobrang nakakakilg.,good luck author s mga susun0d na update

    ReplyDelete
  9. nice story,sobrang nakakakilig,good luck author

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails