By Michael Juha
Sperm Shower
Natulala ang inay sa pagkarinig niya sa
aking sinabi. Hindi siya nakapagsalita at tiningnan na lang ako. “Ma... nakinig
ka ba? Bakla ako ma. Bakla ang anak mo. Isang bakla na umiibig sa isang lalaki
na hindi maaaring magmahal sa isang katulad ko.”
Hindi pa rin siya umimik.
“Maaaaa!” ang sigaw ko
“Nasaan doon ang kasalanan mo?” ang
tanong niya. “Naghintay akong sabihin mo ang kasalanan mo?”
“Bakla ako ma.”
“Iyan lang?”
Tumango ako.
“Julyo... di ba sabi ko sa iyo, kilala
kita. Matagal ko nang alam na bakla ka, ngunit hindi ko lang na-confirm dahil
iniisip ko na baka confused ka pa, o baka mali rin ako. Ngunit noong una pa
lang nating isinama si Jerome na kumain. Alam ko na. Kilala ko ang kilos ng
isang taong umiibig at naglalandi. Malandi ako kaya alam ko, iyan. Baka akala
mo ay hindi kita nahalata. Kahit iyong pagka-worry mo kay Jerome nang binugbog
siya. Takot ka sa dugo na ni ayaw mong magpabakuna ngunit kay Jerome, nagpakuha
ka talaga ng dugo. At 4 cups of blood pa! At ikaw rin ang nagmungkahi na
bayaran natin ang pagpapa-ospital niya, huwag nang sinigilin ang ninakaw niyang
motor na bigay ko sa iyo dahil sabi mo, naawa ka sa kanya. Di ba? 50K kaya
iyon. Ano tayo charity? Ikaw nga kapag namimili ako ng gamit natin, nagagalit
ka kapag umaabot ng 5K ang gastos. Tapos iyong 50K? Ganyan mo siya kamahal,
girl!”
Natawa nanagulat naman ako sa kanyang
sinabi. “Girl talaga? At bkit palagi mong sinasabi sa akin na gusto mong
magkaapo...? Tapos may inirereto ka pang babae sa akin?”
“Pangarap lang naman iyang magkaapo. Sinubukan
lang kita. Malay ko, baka kakayanin mo. Pero at the same time, tanggap ko naman
na hindi lahat ng pangarap ay nakakamit, di ba? Bakla ka, straight ka, wala
namang nagbabago. Bilog pa rin ang mundo, tumatakbo pa rin ang araw, tumataas
pa rin ang mga bilihin, kurakot pa rin ang mga pulitiko, nariyan pa rin si Coco
Matrin sa Ang Probinsiyano. At ikaw, anak ko pa rin... at hindi nababawasan ang
pagmamahal ko sa iyo, bagkus ma tumutindi pa dahil nagpakatotoo ka lang naman.
At syempre, mahal mo rin ako. Nariyan tayo para sa isa’t-isa. Iyan ang
mahalaga.” nahinto siya saglit, naging seryoso ang mukha at yumuko. “Ang worry
ko lang naman talaga anak ay para sa iyo.” Ang sambit niyang hindi
makatingin-tingin sa akin. “Paano kung tumanda ka na at wala kang anak? Sino
ang mag-aalaga sa iyo kapag wala na ako?”
Sa sinabing iyon ng inay at nakita ko pa
ang pagdaloy ng kanyang mga, napaiyakna rin akong muli. Sa buong buhay ko ay ni hindi ko
nakita ang aking inay na umiyak. At kung umiiyak man siya, itinatago niya iyon sa
akin. Ayaw niyang ipakita sa akin na nasaktan siya, na nalungkot siya. Ayaw
niyang mag-alala ako sa kanya. Napakatatag niya. Gusto niyang palaging masaya,
palagi kaming tumatawa.
Tumayo ako at niyakap siya. “Salamat ma
na tanggap mo ako. Sana ay hindi mo ako ikahiya.” Ang sambit ko.
“Bakit naman kita ikahiya? Matalino ka, academic
scholar, nangunguna sa klase. Very talented. Kaya ba iyan ng ibang straight na
mga lalaki o babae? Bakit kita ikakahiya? Atsaka anak, hindi kasalanan ang
pagiging bakla. Kung kasalanan ang pagiging bakla, kasalanan na rin pagiging
lumpo nang ipinanganak, ang mga special children, ang mga ipinangank na may
pisikal at mental na kapansanan.”
“At bakit ka naman umiyak?” ang tanong
ko.
Tinitigan niya ako. “Naawa nga lang ako
sa iyo. Alam mo, mahirap ang buhay na walang katuwang, walang nagmamahal. Alam
ko iyon dahil di ba... nag-iisa akong palakihin ka, walang katuwang. Alam kong
ramdam mo rin ang sakit nang walang ama. Ngunit mas masuwerte pa rin ako dahil
nariyan ka. Ngunit ikaw...? Paano ka?”
Nahinto ako. Pinahid ko ang mga luhang
patuloy pa ring dumaloy mula sa aking mga mata. Tama naman kasi ang inay. May
punto siya. Sa pagtanda ko at sakalaing wala naang inay at lola, mag-isa na
lang ako, walang katuwang, walang anak. “Naintindihan naman kita ma na wala
akong ama. Hindi kita sinisisi. Alam ko kung gaano mo ako kamahal. Atsaka ma,
huwag mong isipin ang kinabukasan ko.
Kaya ko iyan. Ako pa. Ikaw nga nakaya mo. Anak mo ako. Pareho tayong matapang,
matatag.” Ang sagot ko na lang.
“At maganda.” Ang dugtong niya. Kahit
talaga nasa gutna ng kalungkutan ay hindi mawala ang pagka-kumedynte ng aking
inay. “basta anak, worried lang ako sa future mo.”
“Ma… sa sinabi ko na okay lang ako.
Pilitin ko na lang na makapagtapos ng pag-aaral,, magproceed sa pagkuha ng MA,
para mas tumaas ang aking ranggo sa trabaho, kagaya mo, maging manager o mas
mataas pa, upang maging financially stable. Aalagaan ko kayo ng lola. Mag-ipon
na rin para sa pagtanda ko para may magastos kapag hindi ko na kayang
magtrabaho at masakitin na. Tapos, para may kasama, kukuha na lang ako ng
katulong.”
“Lalaking katulong na kasing guwapo ni
Jerome.”
“Mama naman! Seryosong usapan eh!”
“Biro lang anak. Pero tama ka sa mga
plano mo... at dahil advanced na ang siyensiya ngayon, maari tayong maghanap ng
babaeng mag-surrogate ng anak mo. In that way, matupad pa rin ang pangarap ko
na magkaroon ng apo. At ikaw, may katuwang pa rin sa iyong pagtanda. O di ba?”
Doon na ako sumigla. Hhindi ko naisip na
puwede na pala ang ganoon. Nakita ko rin ang pagsigla sa mukha ng inay. “Tama,
ma! Habang malakas pa po kayo, maghanap tayo ng taong maaaring mag-surrogate ng
anak ko. Ang galing niyo talaga!” ang sambit ko.
“Kaya nga manager ako, di ba?”
“Dahil matalino ka.”
“Dahil maganda.”
Napangiti na lang ako at niyakap ko ang
inay.
Hinaplos niya ang aking buhok. “Kaya
ikaw, anak... tandaan mo palaga, kahit ano man ang gawin mo na ikaliligaya mo,
huwag lang manakit ng kapwa o mag take advantage, o tapakan ang karapatan at
kaligayahan ng iba, o mang-rape ng lalaking hinid ka mahal, nariyan lang ako.
Palagi akong susuporta sa iyo. Wala akong pakialam sa buhay mo kung iyan ang
ikaliligaya mo. Go.”
Tinitigan ko na lang ang aking inay
habang binitiwan ko ang isang matipid na ngiti. “I love you, ma...”
“I love you too, anak.” Ang sagot niya,
nahinto nang sandali. “Itigil na nga natin itong drama ah! I hate drama! Punyeta
nasira na ang make up ko! Mag retouch na naman ako nito!”
Natawa na rin ako. Binuksan niya ang
kanyang bag at nagretouch ng kanyang make up.
“So hindi mo talaga type si Jerome ma?”
Nahinto siya sa kanyang pagmi-make up at
tiningnan ako. “Type??? E, di lalo kang iiyak. Baka magbigti ka pa.” ang sagot
niya. “Gusto ko lang talaga siya para sa iyo. Ramdam kong type mo siya at
kinikilig ako habang iniisip ko kayong dalawa. Kaya parang anak na rin ang
turing ko sa kanya.” Ang sambit niya at pagkatapos ay kumanta, “Alam
kong hindi mo pansin, narito lang ako, naghihintay na mahalin, umaasa kahit di
man ngayon, mapapansin mo rin, mapapansin mo rin...”
Lumaki naman ang aking mga mata sa kinanta niya. “Ibig
sabihin ay sinadya mo talagang iyong kanta na iyon ang i-request na kantahin ng
banda para maniwala si Jerome na sa akin galing iyon?”
Tumango ang aking inay. “Naman!”
“I-ibig sabihin ay wala ka sanang tutol kay Jerome?”
“Wala. Mahal mo eh. At bagay na bagay kayo. Parehong guwapo.
Parehong matangkad. Halos magkamukha nga lang kayo. Ayiiiii! Kakakilig.”
“Waaah! Daya.” Ang sagot ko. Ngunit natahimik ako sandali. Nalungkot.
“Kaso nga, ma, hindi nga kami puwede. Sinabi na niya sa akin na lalaki siya at
hindi niya ako maaaring mahalin. At iyon na nga, girlfriend na yata niya ang
anak ng may-ari ng bar. Tapos may fuckgirl pa siyang minsan ay dinadala sa
kuwarto, o baka nakikipagkita pa rin siya sa labas. Tapos, ikakasal na rin siya
sa paggraduate niya next year. Imposible na maging kami pa. Ang daming babae
niya, nakapila ang iba.” Ang sambit ko.
“Okay lang iyan, July. At least sinabi niya ang totoo, di ba?
Hindi ka niya niloko. At ngayon na alam mo na, it’s time to accept it and move
on. I-focus mo na lang ang atensyon mo sa ibang bagay, like sa pag-aaral, o
kung gusto mo, explore possibilieties. Marami kang friends sa facebook ‘di ba?
At mahilig kang magbabad sa internet. Why don’t you start to be friends with
them, chat, have some meetup... Malay mo baka d’yan mo mahanap ang taong
magmamahal sa iyo.”
Dahil gabi na kaming natapos, iminungkahe ng inay na sa
accommodation niya muna ako matutulog. Bawal daw sana kaso nang ipinagpaalam
niya sa general manager niya na anak niya ako at walang matutuluyan sa gabing
iyon at may problema pa kung kaya ay pinayagan siya. Malaki naman kasi ang
accommodation ng inay dahil manager level siya. At dahil anak naman ako, kaya
pinayagan siya ngunit hindi lalampas sa isang linggo ang pagtira ko sa
accommodation niya.
Alas 10 ng gabi nang nakarating kami sa accommodation ng
inay. Maya-maya lang ay tumunog ang aking cp. Nang tiningnan ko kung sino ang
tumawag... si Jerome. Ramdam kong muli ang paggapang ng galit sa sa buong
sistema ko. Kaya imbes na sagutin, hinayaan ko lang itong mag-ring.
Napansin ito ng inay. “Hindi mo ba sasagutin ang tumawag na
iyan?”
“Si Jerome iyon, ma.” Ang sagot ko.
“O e di kausapin mo siya nang maayos. Baka nag-alala lang
iyong tao sa iyo. Ako man ang roommate mo, mag-alala din ako sa iyo.”
“May sulat ako sa kanya ma... alam niya na umalis na ako
roon.”
Hindi na sumagot ang aking inay. Ipinagpatuloy na lang niya
ang pag-ayos sa isang foldable bed na kasya lang ang isang tao. Ipinuwesto niya
iyon sa kabilang kanto ng kuwarto niya.
Patuloy pa rin sa pag-ring ang aking cp. At hindi lang ring,
may message alert pa. Halos hindi ko na mabilang kung naka-ilang ring ito at
naka-ilang message alerts nang tuluyan ko nang pinatay ang power ng aking cp.
“Haist... ang hirap umibig no?” ang sambit na lang ng inay.
Hindi na ako sumagot pa. Ramdam ko sa puso ang sinabi niya.
“Pero kung ako sa iyo, July, kausapin ko siya. Lalo na kung
siya ang mag-initiate na kausapin ka. Kung gusto mong isara ang pinto mo sa
kanya, kausapin mo muna siya upang maghiwalay kayo ng landas ng matiwasay,
walang mga issues na hindi na-settle, nagkaintindihan, at higit sa lahat,
manatili kayong magkaibigan. Mahirap iyang kapag nagpang-abot kayo sa isang
lugar, o nagkasalubong kayo sa daan ay nag-iisnaban kayo, o tila hindi
nag-exist ang bawat isa. Ang bigat sa damdamin niya. Masakit sa puso.”
Maya-maya ay ang cp naman ng inay ang nag-ring. Tiningnan ko
siya, iniisip na baka si Jerome iyon. Minuwestrahan ko siya na huwag sagutin
kapag si Jerome. Ngunit nang tiningnan niya ito kung sino, wala sa directory
niya ang numbero. Kaya sinagot niya. Baka raw kasi tungkol sa trabaho sa
factory, o baka rin ay may emergency.
“Hello? Sino ito?” ang tanong ng inay.
Doon na ako kinabahan nang nilingon ako ng inay, itinuro niya
ang cp niya habang tinakpan ito, bumulong sa akin. “Si Jerome.”
Agad ko siyang minuwestrahan na huwag sabihin na naroon ako
sa kanya. Ngunit hindi yata ako napansin ng inay.
“A eh… wala siya rito, Jerome. Bakit? Hindi pa ba siya umuwi?
Hindi kaya may binili lang sa labas ng boarding house?” “Hindi naman tumawag sa
akin. Baka may pinuntahan lang.” ang kunyaring inosenteng tanong ng inay.
“Patay ang cp niya? Bakit? Nag-away ba kayo? Okay Jerome, Bye…” ang mga sagot
ng inay habang kausap niya si Jerome. At baling sa akin. “Punyeta ka! Pati ako
ay nagsisinungaling nang dahil sa pag-ibig na yan! Naawa ako kay Jerome!
Alalang-alala sa iyo!”
“Hindi nag-alala iyon, ma. Kung nag-alala iyon, hindi siya
makikipaghalikan doon sa anak ng boss niya!”
Napatingin sa akin ang inay. “Wala ka namang karapatan,
Julyo. Sinabi naman niyang hindi ka niya kayang mahalin, di ba? Hindi ka niya
pinaasa.”
“Oo naman, ma. Pero tama ba na alam niyang mahal ko siya pero
may babae pala siyang pinapatulan? Kunyari ay iyong Ressa niya hindi na niya
dinadala sa kuwarto pero ibig sabihin pala ay baka lihim din silang nagtatagpo
sa labas? Di ko na alam kung alin ang totoo sa kanyang mga sinabi, ma.”
“Hay naku… kung ako lang, hindi ako magagalit kasi, wala
naman siyang sinabi na may relasyon kayo. At isa pa, pakinggan mo muna ang
panig niya. Mag-usap kayo, July.”
“Ah, basta ma. Ayoko nang makipag-usap sa kanya.”
Hindi pa rin nahinto ang pag-uusap namin tungkol kay Jerome.
Dati kasi ay limitado ang mga ikinuwento ko sa kanya tungkol kay Jerome. Ngunit
sa pagkakataong alam na niya na bakla ako at mahal ko si Jerome, lahat-lahat ay
ikinuwento ko na. At medyo gumaan ang aking pakiramdam na hayan, naipalabas ko
rin ang mga hinaing ko, ang mga nararamdaman ko, ang sakit na naranasan ko, ang
mga bagay na ikinagalit at nagustuhan ko kay Jerome. May saya rin akong naramdaman
na may isang taong interesadong makinig at naintindihan niya ang iyong
naramdaman. Iyon lang ang kagandahan sa nangyari. Nakita ko kung gaano ako
kamahal ng aking inay.
“Kalimutan mo na siya, huwag mo na siyang ilagay sa iyong
isip, at huwag mo na siyang pagnasaan.” Ang sambit ng inay.
“Pagnasaan talaga?”
“Kapag may kahit katiting na pagnanasa ang tao sa iba, iyan
ang dahilan kung bakit mabilis silang tumanda. Tingnan mo ang ibang mga kasama
ko sa work, nasa 30’s pa ang mga edad. Walang mga jowa pero puro lalaki ang nasa
isip, ang pinag-uusapan. Iyong mga heartache nila sa lalaking kahit ayaw na sa
kanila ay hinid pa rin makapag move on. Hayun ang mga mukha ay kulubot na.
Dahil nagnanasa lang sila sa mga bagay o lalaki na hindi para sa kanla. Pero
kung ang taong pinagnasaan nila ay nakakatalik nila, nakakaniig, iyan ang
nakakabata ng mukha. Lalo na kung ang dagta ng lalaki ay ihihilamos pa nila.”
“Huh!” ang gulat kong reaction. Parang lumihis kasi siya.
“Totoo iyan. Iyong iba pa nga, iyong ihi mismo ng lalaki nila
ang inihilamos at ipinapaligo. Habang nasa shower sila at nakatayong umiihi ang
lalaki, nasa harap naman ang babae at isina-shower ang ihi ng lalaki nila.”
Gusto kong matawa sa sinabi niya. May nabasa kasi ako tungkol
sa medical benefit daw ng ihi. May nakita rin akong video sa India na
ipinapaligo ang ihi ng baka. Habang umiihi ang babaeng baka, ang isang bata
naman ay tuwang-tuwa na nagshower rito. “Ano ba iyang pinagsasabi mo ma!” ang
nasambit ko na lang.
“At alam mo ba na ang semen ay composed of over 200 separate proteins, as well as vitamins and
minerals including vitamin C, calcium, chlorine, citric acid, fructose, lactic
acid, magnesium, nitrogen, phosphorus, potassium, sodium, vitamin B12, and
zinc.” Dugtong pa niya.
“Ma! Stop it!”
“Ang sinabi ko lang naman ay huwag mo na siyang isipin dahil
tatanda ka nang wala sa oras.”
“Ba’t napunta sa tamod at ihi na ihilamos at ipaligo? At may
pa trivia ka pa tungkol sa sperm?”
“Tip lang iyan kung paano ka bumata at gumanda. Kumbaga sa
nobela, side story.”
“At lulunukin pa talaga iyong sperm?”
“Hmmm. Sa sinabi ko
na, ang semen ay may mga proteins, vitamins
and minerals, vitamin C, calcium, chlorine, citric acid, fructose, lactic acid,
magnesium, nitrogen, phosphorus, potassium, sodium, vitamin B12, and zinc. It’s
healthy! Huwag sayangin ang bigay ng kalikasan! Kaysa bibili ka pa ng mga
supplements na kung anu-ano.”
“Ba’t ikaw, hindi ka naman tumanda. Hinihilamos at iniinom mo
rin ba ang tamod at pinapaligo ang ihi ni Mang Kanor?”
“Hindi si Mang Kanor… hindi ko siya type!” sabay talikod at
tawa. “Hihihihihi!”
Kinabukasan hinatid ako ng aking inay patungong eskuwelahan.
Maaga akong nakarating gawa nang may pasok din ang inay. Kaya upang hindi siya
ma-late, ako muna ang inihatid niya. Normal naman ang lahat sa pagpasok ko.
Dumeretso agad ako sa klase. May mga kaklase na akong naroon. Dahil maaga pa,
wala pa ang professor namin. Nakita ko ang isang grupo ng mga babaeng
pinaikutan ang isa sa kanila na may hawak na cell phone, may litrato at video atang
tinitingnan, nagtitilian sila habang tinitingnan ang video, iyong kilig na
kilig ang mga reaksyon.
“Ang guwapo talaga niya! Nakakakilig! Oh my God!!! Bagay na
bagay sa kanya ang kanyang uniporme! Waiter pala siya?” ang sambit ng isang
estudyante.
“Ngayon ko nga lang din nalaman eh. OMG! Pupuntahan natin ang
bar nila friends!”
“Sige! Sige! Sa Friday na!!!” ang sagot din ng iba pang mga
babae.
Palihim kong sinilip ang kanilang tinitingnan. Nang nakita
ko, si Jerome pala ang nasa litrato, kasama ang mga babaeng iyon sa table #8
nang gabing pumasok kam ng inay sa bar nila. Nag-upload pala ang isa sa mga
babaeng naroon.
Napabuntong hininga na lang ako. Naramdaman kong muli ang
galit ko kay Jerome.
Maya-maya ay pumasok na ang aming guro. Nagsimula ang klase.
Nasa ganoon ako na seryoso sa pakikinig sa guro at pagsali sa
recitation nang muli kong napansin ang mga babaeng lihim na nagtatawanan,
kinilig at tingin nang tingin sa labas. Napalingon na rin ako. Laking gulat ko
nang nakita ko sa may hallway si Jerome, nakatayo lang doon, nakasandal ang
likod sa may baluster. Salamin kasi ang bintana ng aming kuwarto kaya nakikita
ang pang-itaa na katawan kung sino man ang nasa labas.
Lihim kong inusisa kung ano ang ginawa niya roon. Ngunit wala
akong nakitang kasama o kakuwentuhan. Nakatayo lang siyang ganun, nakaharap sa
room namin na tila nagdisplay, di ko maintindihan.
Kunyari ay hindi ko siya nikita. Bagamat panay ang pa-cute ng
mga babae sa kanya, ako naman ay dedma. Hinayaan ko na lang siya. Alam kong
mapapagod din siya at aalis.
Ngunit hindi siya umalis. Hanggang sa natapos ang aming
klase. At dahil lilipat naman ako at ibang mga estudyante sa ibang room,
sumabay ako sa maramihan at lumihis ako sa kabilang direksoyn ng hallway. Kahit
umikot pa ako ng daan, okay lang sa akin upang hindi niya masundan.
Nang nasa sunod na klase na ako, nakahinga ako nang maluwag
dahil wala na siya. Ngunit maya-maya lang ay muli na namang kinilig ang isan
ggrupo ng mga babaeng nagbubulungan at itinuro siya. Hindi ko talaga alam kung
ano ang pakay niya at kung bakit niya ginawa iyon. Pero kagaya ng sa unang
klase, dedma pa rin ako.
Ngunit hindi niya ako nilubayan. Hanggang sa natapos ang mga
klase ko sa umaga ay naroon pa rin siya. Hindi siya pumasok sa klase niya at
naroon lang nakatambay sa labas ng mga klase ko.
Kaya sa oras ng pananghalian, naisipan kong sa loob ng
canteen ako kakain imbes na sa kadalasang kinakainan ko. No entry ang parte ng canteen
na iyon sa mga estudyante. Ngunit nakiusap ako sa isang kaklase ko na working
student na kung maaari ay sa dining area ng mga working students ako kakain, sa
loob mismo ng canteen. Mabuti naman at pumayag siya. Kaya hindi ako nasundan ni
Jerome.
Sa mga klase ko sa hapon ay ganoon pa rin ang ginagawa ni
Jerome. Dahil sa takot ko na baka may masamang balak siya sa akin, o kaya ay
aabangan na naman niya ako sa labas, tinawagan ko ang inay na sunduin ako.
“July naman! Mas mauna kang lalabas sa klase mo eh.”
“Hayaan mo ma, maghintay ako sa iyo.” Ang sagot ko naman.
Kaya nang lumabas na ako ng klase, palihim akong nagpunta sa
libraray muna, sa isang sulok na walang katao-tao. Naupo ako sa pinaka sulok
noon habang hinihintay ko ang inay.
Kumuha ako ng isang libro at binuklat iyon, binasa. Habang
nasa ganoon akong pagbabasa, dumating naman si Carlo, iyong pinakauna kong
kaibigan sa unibersidad na nabugbog din ng mga kaibigan ni Jerome. Tumabi siya sa
akin.
Naibsan ang kaba ko sa pagtabi ni Carlo sa akin. Baka kasi
biglang susulpot si Jerome at may gagawing masama. At least, may kasama ako. Nakipagkuwentuhan
si Carlo sa akin. Nagpasalamat siya sa pagligtas ko sa kanya sa pambubugbog ng
grupo ni Jerome, Kinumusta rin niya ako tungkol sa klase ko, kung nagustuhan ko
ba ang unibersidad.
Nasa ganoon kaming pagkukuwentuhan nang nakita na lang namin
na nakaupo na si Jerome sa harap namin. Nahinto kami sa aming pag-uuap ni
Carlo.
Habang takot na nakayuko si Carlo at hindi makatingin-tingin
kay Jerome, ako naman ay matulis ang tingin kay Jerome.
“Pare... ikaw iyong binugbog ng grupo namin sa may lumang
power house, ano?” ang tanong ni Jerome kay Carlo.
“Yes boss.” Ang maiksing sagot ni Carlo na hindi pa rin
makatingin kay Jerome.
“Nabitin ako doon ah. Di ko pa natikmang patamaan ang mukha
mo. Kung dadalhin kaya kita bukas doon, saan mo gustong patamaan? Pumili ka, sa
mata, sa ilong, sa bibig?” ang tanong ni Jerome kay Carlo na halatang namutla
at nanginig habang ipinakita naman ni Jerome ang kanyang kamao na
inihahampas-hampas pa niya sa ibabaw ng mesa habang tinitigan niya si Carlo,
iyong titig may pagbabanta.
Hanggang sa hindi na nakatiis si Carlo, “Tol... mauna na ako
sa iyo.” Ang pagpapalam niya sa akin sabay din tayo at alis.
“Ba-baye!” ang sagot naman ni Jerome na kumaway pa kay Carlo.
Gusto ko sanang sumama na lang kay Carlo ngunit ayaw kong
pag-initan naman siya ni Jerome. Kaya nagpaiwan na lang ako. At baling ko kay
Jerome, “Ba’t mo tinakot iyong tao?”
“Ay, nariyan ka pala? Sorry ah. Di kita napansin.” ang
sarkastiko niyang pagbati sa akin na nakangiti pa at kumaway-kaway at
kinikindat-kindatan ako.
Ang kapal ng mukha mo!” ang bulyaw ko.
“Makapal ba? Kaya pala maraming na in love sa mukhang ito.”
sabay bitiw ng nakakalokong tawa.
“Baka feeling mo lang.”
“Siguro nga. Kasi iyong iba, iniwanan na lang ako basta eh.”
“Bakit? Iyon bang nag-iwan sa iyo ay kasintahan mo? Mahal mo?
Ba’t ka concerned?”
“Wala lang. Gusto ko sana siyang mahalin. Pero ayaw niya yata
eh.”
Doon na ako umalma. Alam kong bluff at bolada lang niya iyon
upang bumalik ako sa kanya. “Gago! Tarantado! Sinungaling! Huwag mo na nga
akong kausapin!”
Nasa ganoon akong pang-aaway kay Jerome nang napadayo naman
sa lugar namin ang Director ng Student Affairs, may hinahanap na libro sa shelf
na malapit sa kinauupuan ni Jerome. “Sir, can I ask a question?” ang tanong ko
sa kanya.
Nahinto siya sa paghahanap sa libro at tiningnan ako. “Yes?”
“What should a student do if someone is harassing a him?” ang
tanong ko habang palihim na nilingon si Jerome. Actually, tinanong ko lang iyon
upang hindi aalis ang director at takutin na rin si Jerome.
“If a student is being harassed, he can file a complaint to
my office and I will call that student or I will investigate the matter.” Ang
sagot niya.
“Ah...”
“Why? Is there someone harassing you?” ang tanong niya na
tiningnan si Jerome.
“A, errr...” ang sagot kong tiningnan din si Jerome na sa
pagkakataong iyon ay nakayuko at nagkunyaring inosentng nagbabasa sa libro na
nauna ko nang binasa. “No, Sir... no.” ang sagot ko na lang.
Nang nakaalis na ang direktor, nakita ko namang tumatawa si
Jerome.
“Ba’t ka natuwa?” ang sambit ko.
“Nag-uusap ang dalawang bakla.” Ang sagot niya.
“Paano mo nalamang bakla iyon?”
“Ako ang pakay noon. Kunyari lang na naghahanap ng libro.
Kanina pa tingin nang tingin iyon sa akin.”
“Feelingero ka talaga. Isusumbong kita.”
“O di isumbong mo, para magkaalaman na mag-sister pala kayo.”
Sabay tawa.
“Siguro nakatikim na rin iyon sa iyo, no?”
“Opps! Di ba sinabi ko sa iyo na ayaw ko sa bakla?”
Hindi na ako sumagot. Narinig ko na naman kasi ang paulit-ulit
na sinasabi niyang iyon.
“Saan ka natulog kagabi?” ang paglihis niya sa usapan.
“Pakialam mo!” ang bulyaw ko.
“Bumalik ka na, Tol please...?” ang sambit niyang naging
seryoso na ang boses.
Doon na ako tumayo at tinumbok ang kabilang section ng library
at nagtago sa isang shelf. Nang nakita kong sumunod siya sa akin sa kabilang
section ngunit nilampasan lang ako, doon na ako dali-daling bumalik sa
pinagmulang section at tinumbok ang spiral na stairway, bumaba ako patungo sa
ground floor at natatakbong lumabas.
Nagtatakbo pa rin akong tinungo ang likuran ng main building,
doon mismo sa may lumang generator house. May kadiliman na sa oras na iyon at
nakakatakot ang lugar ngunit may lihim na daanan kasi roon patungo sa kabilang
highway. Wala akong choice. Iyon ang tinumbok ko. Tinawagan ko na lang ang inay
na doon niya ako sunduin sa highway na banda roon.
Naka-alpas ako kay Jerome sa araw na iyon. At nang nasa accommodation
na ako ng aking inay doon ko na sinabi sa kanya na natatakot ako kay Jerome. Ikinuwento
ko sa kanya ang lahat na ginawa ni Jerome sa buong maghapon.
“Kaya nga, July, kausapin mo siya. Alam mo naman pala ang
ugali ni Jerome eh. Mabuti nga, soft response ang ipinakita niyang defense
mechanism sa sitwasyon.”
“Anong soft response?”
“Ang tao kasikapag nakakaranas ng pain, nagti-take over ang defense
mechanism niya to respond to pain. Kagaya mo, nasaktan ka, ang response mo ay
withdrawal. Iniwanan mo siya. Ang ibang tao naman kapag ganyan ang sitwasyon
like iyong mga tinatawag na melancholic, baka nagkukulong na sa kuwarto at
nag-iiyak. Iyong mga phlegmatic naman, dahil mga relaxed and peaceful-quiet
type sila ay natatanggap nila ito as part of life and they become more
religious, samantalang ang mga sanguine naman, kagaya ko, idadaan ko iyan sa
paglalakwatsa, shopping, o di kaya ay pag-iinom o paglalasing kasama ang mga
kaibigan. Si Jerome, sa nature niya, usually ang defense mecahnism niyan ay ang
pagbabasag ng mga gamit, nambubugbog ng tao, he can even go to exteremes like
maghurumentado or mang hostage, mga ganyan. Pero sa kaso mo, he acted the opposite.
He is the one punishing himself...”
“G-ganoon ba ma? K-kaso, natatakot ako ma, baka may masamang
balak siya sa akin.”
“I don’t believe he can do that. Pero as always, makakatulong
ang kausapin mo siya, nak. I always believe in dialogue.”
“Ayoko ma...” ang maiksi kong sagot.
Kinabukasan, nagpahatid uli ako sa aking inay patungo ng
school. At himala na hindi ko nakita si Jerome sa buong maghapon na klase ko.
Ngunit nang bandang uwian na, doon naman ako kinabahan. May narinig na naman
kasi akong usap-usapan ng mga estudyanate na may kasalukuyang binubugbog na
naman daw ang grupo ni Jerome. At biglang pumasok sa isip ko si Carlo na
pinagbantaan ni Jerome. Dali-dali kong tinungo ang lumang power house ng
unibersidad.
Nang narating ko na ang power house, may binugbog ngang
estudyante. Ngunit hindi si Carlo. Isang first year college student sa ibang
department na nayabangan daw ang grupo nina Jerome at Archie dahil iba raw kung
makatingin at nang sinita ng isang kasama nila, ang sagot ay “Bakit sino ka ba?
Kung maka-asta ka ay parang ikaw ang siga rito!” kaya doon nag-init ang ulo ng grupo.
Nakita kong si Jerome ang bumubugbog sa estudyante. Duguan
ang bibig at ilong niya, ang polo na puti ay nabalot sa dugo.
Hinarangan ko si Jerome. “Sige, ako ang bugbugin mo! Ito ba
ang sinabi mo na hindi ka na mambubugbog?! Sinungaling! Kaya ayaw ko nang
maniwala sa iyo, eh!” ang bulyaw ko sa kanya.
Nahinto si Jerome. Ngunit nagtawanan ang ibang miyembro ng
grupo. “Wow pare! May sumpaan na pala kayo!”
Nakatitig na lang si Jerome sa akin. Nilapitan naman ako ni
Archie. “Talagang nasanay ka nang makialam sa amin no? Bakit? Ano mo ba si
Jerome? Boyfriend mo? Siguro masarap kang humalik at parang sunod-sunuran na
lang sa iyo si Jerome, ah. Nakabibighani ba ang halik mo?” Ang sambit niya
sabay tingin kay Jerome. “Palagi na lang eh. Kapag nandito ka, nagagambala ang
aming grupo, nasisira ang aming activity. Natulala si pareng Jerome kapag nakita
ka! Ano bang mayroon sa inyo? Ha?!!!” Dugtong niya.
Hindi umimik si Jerome. Hindi ko na rin pinatulan ang kanyang
sinabi. Ang mahalaga sa akin ay nahinto si Jerome sa pananakit niya sa
estudyante.
“Pareng Jerome, tikman ko itong boyfriend mo ha?” Ang sambit
ni Archie sabay hila sa akin, niyakap ako at nilock ang kanyang braso sa
katawan ko.
Pinilit kong makaalpas sa kanyang yakap. Nang tangkain na
niyang halikan ang aking bibig, at inilapit niya ang kanyang bibig sa bibig ko,
bigla siyang nahinto gawa ng pagsusuntok sa kanya ni Jerome. Natumba kaming
dalawa ni Archie sa semento dahil sa malakas na suntok ni Jerome sa kanya. At
habang nakahandusay kami sa semento, hindi nilubayan ni Jerome sa pagsuntok si
Archie. Nanlaban si Archie at hinila ang binti ni Jerome dahilan upang matumba
si Jerome. Nang silang dalawa na ang nakabulgata sa semento, nagsambuno sila.
INupuan ni Archie ang tiyan ni Jerome at inundayan niya ng suntok si Jerome.
Nang gumulong naman si Jerome, nalaglag si Archie sa pagkaupo sa tiyan ni
Jerome. Si Jerome naman ang umupo sa tiyan ni Archi at sinuntok nang sinuntok
niya sa mukha si Archie.
Habang nasa ganoon silang kaguluhan, niyaya kon umeskapo ang
nabugbog na estudyante. Hanggang sa nakalayo kami sa lmang power house at nakasakay
ng tricycle.
Kinagabihan sa accommodation ng inay habang kumakain kami ng
hapunan, nag-ring ang kanyang cp. Ngunit nagulat na lang ako nang narinig ang
sagot niya sa tumatawag. “Oo nandito siya sa aking accommodation, Jerome. Ngunit
kung gusto mo siyang kausapin huwag muna ngayon, okay?” Ang narinig kong sagot
ng inay.
Iyon lang at saka pinutol na ng inay ang linya.
“Ba’t mo sinabing nandito ako, ma? Kakainis naman o!” ang
pagmamaktol ko pa. “Baka pupunta dito iyon?!!!”
“Ito naman! Masyado kang feelingero! Hindi ka pupuntahan
noon. Ano ka, babae? Mahal ka?” ang pang-aasar pa niya.
“Eh, nag-stalk na nga sa akin sa eskuwelahan eh!!!” ang
dugtong kong pagmamaktol.
“Hanggang doon na lang iyon.”
Maya-maya ay nahiga na kami ng inay. Siya ay sa kama niya at
ako, sa foldable bed na pang-isang tao lang. Kahit nakahiga na kami, hindi pa
rin kami nahinto sa pagkukuwentuhan.
Nasa kasagsagan kami ng aming kuwentuhan nang nag-ring ang
intercom. “Hello, guard, anong problema?” “Ano???” “Sabihin mo sa kanyang umuwi
na dahil tulog na ang anak ko.” Ang sagot ng inay sabay baba sa telepono. At
baling sa akin, “Si Jerome! Nasa labas ng gate at gusto ka raw makausap. Pero
sinabi ko sa guard na pauwiin siya.”
Doon na naman nabulabog ang isip ko.
Maya-maya ay nag-ring uli ang intercom. Sinagot ng inay.
“Ano??? Nariyan pa rin siya?” “Bumuhos ang malakas na ulan? Sabihin mo sa kanya
na umuwi na siya at mababasa lang siya! Bukas na kamo niyang kausapin ang anak
ko.” “O sige, sige... kausapin ko.”
Maya maya ay nakausap na ng inay si Jerome. “Yes Jerome.
Umuwi ka na muna sa boarding house niyo, okay? Magkasakit ka niyan. Bukas mo na
siya kausapin ha?” “O s-sige... narito siya.” Ang sambit ng inay atsaka inabot
sa akin ang receiver ng intercom.
“Ma... ba’t naman ako?” ang bulong ko.
“Makulit. Sabihin mo na lang na umuwi na siya at malakas pala
ang ulan sa labas, dinig na dinig sa telepono. Makikinig iyan sa iyo.” Ang bulong
din ng inay.
Wala na akong nagawa kundi ang kausapin siya. “Hello” ang
sambit ko.
“Tol... umuwi na tayo sa boarding house, pleaseee.
Nagmamakaawa ako sa iyo. Mag-usap tayo ng masinsinan.”
May naramdaman akong awa sa pagmamakaawa na iyon ni Jerome.
Para sa isang siga na katulad niya, na hindi tumatanggap ng pagkatalo, hindi
marunong magpakumbaba, ang narinig kong pagmamakaawa niya ay malaking bagay
iyon para sa kanya. Ngunit buo na ang pasya ko. “Jerome, wala na tayong
pag-uusapan pa. Malakas ang ulan kaya umuwi ka na, okay? Sabi nga ng inay ay
baka magkasakit ka. Umuwi ka na please.”
“Kausapin mo muna ako, ‘tol...”
“Huwag ka ngang makulit Jerome!” ang pagtaas na ng boses ko. “Umuwi
ka na. Bye...” sabay baba sa receiver.
Bumalik ako sa aking higaan. “Tulog na tayo ma.” Ang sambit
ko. Nabulabog na naman ni Jerome ang aking isip sa gabing iyon. At imbes na
gusto ko pang makipag-usap sa aking inay, natuliro na naman ang aking isip. Gusto
ko ng tahimik. Gusto kong ipahinga ang aking isip.
Tumayo ang inay upang patayin ang ilaw, iniwan ang lamp shade
na nakabukas. Nang bumalik sa kanyang kama ay humiga na tumagilid patalikod sa
akin. “Okay, good night, anak.” Ang sambit ng inay.
“Good night ma.”
Ngunit hindi ako makatulog. Pabaling-baling lang ako sa aking
higaan. Nang tiningnan ko an gaking relo, lampas ala-1:00 na ng madaling araw.
Hindi ako nakatiis, dahan-dahan kong tinungo ang rack ng intercom at tiningnan
ang numero ng guwardiya sa directory. Nang nahanap na, pinindot ko ang numero.
“Hello, guard?” ang sambit ko.
“Yes, Sir. Ano pong atin?”
“Nariyan pa ba si Jerome?”
“Nandito po sa labas ng gate. Nasa gilid ng kalsada. Itinaboy
ko nga, ayaw namang umalis. Hindi ko na lang po itinawag kay Ma’am baka tulog
na po siya.”
“Ano???” ang sambit ko. “Nariyan pa rin siya? Kahit umuulan?”
“Opo. Basang-basa na nga eh. Nakaupo sa semento nakasandal sa
poste ng ilaw, parang hindi alintana ang ulan eh.”
“Ano iyan, July?” ang tanong ng inay nang narinig niyang may
kausap ako.
“Si Jerome ma... nasa labas nakaupo sa may poste ng ilaw sa
labas ng gate, basang-basa raw! Kanina pa!”
“Diyos ko!” ang sambit ng inay na agad ring bumalikwas at
inagaw sa akin ang receiver ng intercom. “Guard, papasukin mo na lang iyan siya
sa flat ko. Ako na ang bahalang mag-explain bukas kay GM.” Ang sambit ng inay.
Maya-maya lang ay may kumatok. “Hala buksan mo.” Ang utos ng
inay.
Bagamat may pag-aalangan, sinunod ko ang utos ng inay.
Pagbukas na pagbukas ko pa lang sa pinto ay naroon si Jerome, walang expression
ang kanyang mukha na tiningnan ako. Basang-basa ang buong katawan. “Pasok!” ang
bulyaw ko.
“Magbihis ka Jerome. Maligo ka muna sa shower” ang sambit ng
inay.
Nahinto ako at napatitig sa inay na nakahiga sa kanyang kama,
nakatagilid patalikod sa amin. Binuksan ko kasi ang ilaw. Baka ayaw niyang
makita ni Jerome na may itinapal siyang kung anu-ano na pampaganda sa kanyang
mukha. “Magbihis? At saan naman siya kukuha ng damit?” ang padabog kong tanong.
Doon na tumagilid paharap ang inay sa amin, ang kanyang mukha
ay puting-puti dahil sa kanyang itinapal na parang maskara, mata at bibig lang niya
ang nakikita. “Alangan namang panty ko at palda ang ipasuot mo sa kanya. Dinala
mo na ang lahat mong damit dito, di ba? Ipahiram mo sa kanya!” at baling kay
Jerome, “Hala Jerome, mag shower ka muna...” sabay balikwas naman kanyang kama
at binitbit ang kanyang unan at kumot.
Nang nasa loob ng shower na si Jerome, saka siya humiga sa
aking foldable na kama.
“Ba’t ka humiga sa kama ko?”
“Maliit ito, at mas malaki ang kama ko.”
“So???”
“Doon kayong dalawa matulog.”
“Inay naman! Ba’t hindi natin siya patulugin sa labas? Doon
sa sitting room? D’yan sa sofa mo puwede naman ah!”
“Maliit iyang sofa ko. Ang tangkad niyang si Jerome, lalampas
ang binti niya d’yan, kawawa naman. Atsaka ayaw kong tinutulugan ang sofa.”
“Steff, may tuwalya ka ba?” ang sambit ni Jerome na nasa loob
pa ng shower.
“Tiningnan ako ng inay. “Hala, bigyan mo ng tuwalya...”
Tinungo ko ang kabinet at kumuha ng tuwalya. Nang nasa labas
na ako ng banyo, inihambalos ko ang tuwalya sa mukha ni Jerome sabay talikod.
Nang bumalik na ako sa higaan, naroon na ang inay, plastado
na sa foldable bed, nakapikit na ang mga mata.
Umupo ako sa gilid ng foldable bed. “Ma naman eh!!! Ba’t mo
pa kasi pinapasok iyan. Lalo mo akong pinahirapan!” ang bulong ko.
“Alangan namang kami ang magtabi sa kama, July, ano ka ba!
Baka gapangin ako niyan! Babae ang gusto niyan at babae ako.”
“Matanda ka na ma. Di ka type noon.”
“Anong matanda? Tingnan mo nga itong mukha ko kung matanda?
At huwag mong upuan iyang gilid ng foldable bed! Pag nagcollapse ito, sige ka
tayong tatlo ang magtabi sa kama ko. Tingnan natin kung sa sino ang sisipingan
niya sa atin.”
“Ma, naman eh!”
“Ano bang masama kung magtabi kayo! Kung gusto mo ay lagyan
mo ng harang ang gitna para hindi ka matukso na dakmain iyang pagkalalaki niya!
Atsaka, ikaw rin ang nagsabi na minsan ay tabi kayo sa pagtulog di ba? Ang arte
mo! Feeling mo naman ay may matris ka. Hindi ka mabuntis, gaga!”
“Ang bastos mo ma.”
“Ikaw ang bastos... Nag-iisip ka ng masama.” ang sagot niya sabay
tagilid patalikod sa akin at sa ilaw. “Matulog na ako.”
“Salamat Steff na pinapasok mo ako. At sorry sa
pang-iistorbo. Mabuti ka pa, naawa sa akin.” Ang sambit ni Jerome nang
nakalabas na siya ng banyo.
“Walang problema Jerome. Sige matulog na kayo. Sa kama kayo
ni July. Matulog na rin ako. May pasok pa tayo bukas.” Ang sambit ng inay.
Nang tinanggal ni Jerome ang tuwalya, wala pala siyang brief
kaya lantad na lantad ang kanyang pagkalalaki.
Dali-dali kong nilapitan siya at piningot ang kanyang tainga,
hinila patungo sa cabinet kung saan nakalagay ang aking mga damit. “Ba’t hindi
ka nag-brief? Nagdisplay ka pa talaga ng ari mo!!!” ang pabulong kong paninisi
sa kanya.
“Aray ko, ‘tol! Masakit!” ang pabulong niyang sambit,
napangiwi ang mukha.
“Bakit hindi ka nag-brief?!”
ang pigil ko ring bulyaw sa kanya.
“Hindi mo ako binigyan!” ang pabulong niyang sagot niya habang
hinawakan ang aking kamay na nanatiling nakapingot sa kanyang tainga.
“Nagsabi ka sana, gago ka! Anong akala mo sa akin manghuhula?”
ang bulong ko pa rin.
“Galit ka eh! Aray ko ‘tol masakit.”
“Tangina mo, pati dito ay binulabog mo kami.” Doon ko na
binitiwan ang kanyang tainga nang dinampot ko na ang aking brief. Nang nakuha
ko na iyon, imunudmod ko ito sa kanyang mukha. “Isaksak mo iyan sa baga mo!”
Hayun, isinuot niya ang brief ko atsaka humiga na sa kama. At
nauna pa talaga siyang humiga.
Nakatayo akong tiningnan siya, nakapamaywang habang siya
naman ay nakatihaya sa kama na tiningnan ako. At marahil dahil nanlilisik ang
mga mata kong nakatingin sa kanya, bigla niyang tinakpan niya ng kumot ang ang
kanynag mukha na tila nahiya.
Sa totoo lang, nakyutan talaga ako sa porma niyang iyon. Parang
isang bata na may ginawang kabalbalan at nang nadiskubre ay hindi makatingin sa
sobrang hiya. Lalo na nang tiningnan ko pa ang katawan niyang hindi natabunan
ng kumot, suot niya ang brief ko at bakat ang malaking umbok ng kanyang
pagkalalaki. Hindi ko mapigilan ang gumapan na naman ang paghanga sa ganda ng
kanyang katawan.
“Usog ka roon!” ang sambit ko nang humiga na ako.
Umusog siya. Nang nakahiga na ako, hinila ko naman ang kumot,
sinolo ko ito upang wala siyang magamit. Ngunit naawa rin ako, Malamig kasi ang
aircon at umuulan pa. “Hati tayo sa kumot!”
Hinila niya ang kumot at itinalukbong iyon sa buong katawan
niya.
“Tangina, paano ako makatulog nito, may ahas akong katabi.”
Ang bulong ko sabay tagilid patalikod sa kanya.
Naramdaman kong gumalaw siya, tila tumagilid. “Sabihin mo
kasi sa akin kung ano ang gusto mo, ‘tol. Sumusunod naman ako sa sasabihin mo
eh.”
“Alam mo naman kung ano ang gusto ko, di ba? At hindi mo kayang
ibigay iyon. Tanggap ko iyan kaya ako lumayo sa iyo. Bakit ngayon
hinahabol-habol mo ako? Upang tuksuhin ako? Upang gawing gago? Upang saktan mo?
Mas maganda pa iyang binubugbog mo ako eh, kaysa ganyang sinasaktan mo ang
damdamin ko. Sobrang sakit kung alam mo lang.”
“Siguro... kung alam mo lang ang kuwento ng buhay ko, ‘tol,
baka maintindihan mo talaga ako kung bakit hindi ko kayang ibigay sa iyo ang
gusto mo.”
“Alam ko na ang kuwento ng buhay mo, tanga! Hiwalay ang mga
magulang mo, may inay ka ngunit itinakwil ka, at galit ka sa iyong ama.”
“May mas malalim pa riyan na hindi mo alam, na sobrang sakit,
at hindi ko kayang ipaalam kahit kanino…”
Doon ako natahimik. Mistulang hinataw ng isang matigas na
bagay ang aking ulo sa pagkarinig sa kanyang sinabi. Matalinghaga. Kung ako man
ay labis na nasaktan sa karanasan niya sa buhay, ano pa kaya kung sa sinabi
niyang iyon na may mas matindi pa? Pakiwari ko ay napakasakit ng kanyang
karanasan na iyon kung ano man iyon. Hindi na ako umimik pa. Ayaw ko ring
tanungin siya kung ano iyon. Alam kong hindi niya sasabihin. Natameme ako.
Tahimik.
Ngunit binisag
niya ang katahimikan. Kumanta siya, pabulong. “Alam kong hindi mo pansin, narito lang
ako, naghihintay na mahalin, umaasa kahit di man ngayon, mapapansin mo rin,
mapapansin mo rin...”
Napatingin ako sa kanya. Naalala ko ang ipinakanta ng inay sa
banda. “Hindi galing sa akin iyon, tanga! Ang inay nagrequest noon!”
“Siya nga ang nagsabi na galing sa iyon iyon, di ba?”
“Iniinis lang niya iyong mga malalanding babaeng nagdedicate
din sa iyo ng kanta!”
“Pero sa lahat ng kanta ay iyon pa?”
“Anong paki ko kung iyon ang
pinili niya? At hindi ko alam kung bakit niya pinili iyon, tanga!” ang sagot
ko.
Tahimik.
Ikaw nga may pa-dedication pa.
At kinantahan ko na talaga siya inasar ko. “No one ever saw me like you do, all
the things that I could add up to, I never knew just what a smile was worth,
but your eyes say everything without a single word, 'cause there's somethin' in
the way you look at me, it's as if my heart knows you're the missing piece, you
made me believe that there's nothing in this world I can't be, I never know
what you see, but there's somethin' in the way you look at me” At dinagdagan ko pa ng, “Ewww. Pra kanino kaya iyon?”
“Una, gusto
ko talaga ang kantang iyan. Iyong melody nya, ang mensahe niya. Sabi ko sa
sarili sana ay may isang taong makakantahan ko niyan. Tapos noong gabing
pumasok kayo sa bar, bigla na lang sumagi ang kantang iyon sa isip ko. Sa
mensahe naman, sabi sa kanta ‘No one ever
saw me like you do...’ di ba sabi ko sa iyo, walang ni isa mang tao sa
mundo ang tunay na nagpapahalaga sa akin. Alam kong may mga taong nagkakagusto
sa akin ngunit alam ko rin na ang gusto nila ay kung ano lang ang nakikita nila
sa akin sa panlabas. Hindi kagaya mo, nakikita mo ang kalooban ko. Kahit na
masama ang mga ginagawa ko, nakikita mo pa rin sa kabutihan ng loob ko, na may
halaga pa rin ako. ‘I never knew just
what a smile was worth’ iyang ngiti mo, gusto ko, hinahanap-hanap ko. Lalo
na kapag nakita ko iyang mga ngipin mo na may braces. ‘you made me believe that there's nothing in this world I can't be’
iyan iyong pinakagusto ko. Di ba ikaw rin ang nagsabi na itama ko ang buhay ko,
ituwid ang landas na tatahakin ko, na buuin ang mga pangarap ko, at na kahit
anong gusto kong kamtin sa buhay ay kaya kong kamtin? D’yan pa lang, bull’s eye
na ang kanta na iyan para sa iyo.”
Hindi ako
umimik.
Nagpatuloy
siya. “Tapos, iyang ‘coz there’s
something in the way you look at me’ kitang-kita naman eh. Sa tingin mo pa
lang, alam kong patay na patay ka sa akin. Sa tingin mo ay nakikita kong
pinagpapantasyahan mo ako, pinagpi-piyestahan diyan sa isip mo.”
Doon na ako
tumagilid paharap sa kanya at sinambunutan siya. “Anong sabi mo? Anong sabi mo?
Ulitin mo nga? Gago ka, ah!” Kung nandito lang ang aking pamatpat ay pinalo na
kita sa puwet. Gusto mo iyon?
“Kaya umuwi
na kasi tayo, naroon ang pamatpat mo sa boarding house natin. Doon ay puwede mo
akong paulin.” Ang sambit niya habang nakatitig sa akin.
Ewan, hindi
ko lubos maisalarawan ang naramdaman ko sa sandaling iyon. May naghilahan sa
aking sistema. Nagmamakaawa ang puso ko na patawarin siya ngunit nagmamatigas ang
aking isip na huwag akong padaig sa tukso niya, panlilinlang lang niya iyon.
Tahimik.
Tinitiga ko na lang siya.
Binasag niya
ang katahimikan habang nanatili siyang nakatitig sa akin, hinaplos pa niya ang
pisngi ko. “Nagresign na ako sa work ko, dahil sa iyo. At kung papayagan mong
maging roommate ko uli, hayaan mong ipagkaloob ko sa iyo ang pinakatago-tagong
napakasakit na karanasan ko, ang pinakiingatan kong sikreto kung bakit ayaw na
ayaw kong magkaroon ng realsyon sa bakla. Bibigyan kita ng karapatan na baguhin
ang pananaw ko, na pagalingin ang sugat na nandito sa puso at kaluluwa ko, kung
papaya ka.” Ang sambit niya.
Iyon na ang
turning point. Iyong matinding galit na naramdaman ko sa kanya ay mistulang biglang
natunaw at nawala ang lahat nang iyon. Napatitig na lang ako sa kanya.
Nagtitigan kami. Doon ko na napansin ang pasa sa kanyang
pisngi, ang black eye sa kanyang kanang mata, at ang pumutok na gilid ng
kanyang labi gawa ng pagtanggol niya sa akin at pakikipagsuntukan kay Archie
nang tinagkang halikan ako ng huli.
Binitiwan
ko ang isang matipid na ngiti sabay haplos ko sa kanyang mukha na nabugbog.
Hinaplos koi to.
Sinuklian
din niya ang ngiti ko at hinayaan niyang haplusin ko ang pisngi niya.
“So
sasama ka na sa akin bukas?” ang mahinang tanong niya.
Tumango
ako.
Hindi
na siya nagsalita pa. Tinitigan niya ako atsaka hinaplos din niya ang aking
pisngi.
Nasa ganoon
kaming sweet moment ng pagtitigan ni Jerome nang biglang, “Paghahambalusin ko
kayo d’yan. Doon kayo sa sitting room maglandian! Kapag ganyang may nakikita at
naririnig akong akong naglalandian at wala akong katabi, nag-aamok ako. Kaya
doon kayo sa labas bago pa man ako pumuntang kusina at maghanap ng itak. Hala,
labas Jerome. Labas July! Doon ninyo ipagpatuloy kung ano man iyang kalandian
ninyo. Kung gusto ninyong mag sperm or urine shower ay doon ninyo gawin iyan sa
labas, huwag dito sa kuwarto ko! Huwag ninyo akong inggitin! Labas! Labas!
Nakakainis kayoooo!” Ang pagsingit ng inay.
(Itutuloy)
where is chapter 11 of ang roommate kong siga? I wish i could read the last part of the story!
ReplyDeletewhere is the 11th episode of ang roommate kong siga? I wish i could read it coz the story is very inspiring and empirical...
ReplyDeleteThank you so much author
ReplyDeleteThank you so much
ReplyDeleteDi lang maamin sa sarili ni Jerome na may naramdaman na syang pagmamahal kay July......
ReplyDeleteSalamat sir mike sa update....
ReplyDeleteOmg!!!
ReplyDeleteKakakilig Sir Mike. Kelan ang next update?
ReplyDeletewalang ka kupas kupas pa rin ang pagsusulat mo kuya mike,,, salodo ako sayo... godbless po...
ReplyDeleteThanks ulit sir...next update please..
ReplyDeletenice story,sobrang nakakakilg.,good luck author s mga susun0d na update
ReplyDeletenice story,sobrang nakakakilig,good luck author
ReplyDelete