(PLEASE READ!) =)
First, nasabi ko last chapter na i-eedit ko ang Chapter 1-4 ng "Love, Stranger". But then since hindi kakayanin ng oras ko dahil back to school ako (currently studying nihongo), sa BOOK or E-BOOK version (SOON in BUQO) na lang po ng "Love, Stranger" ang EDITED AND BETTER VERSION NG STORY NA ITO. Syempre, may pera na pong involve iyon at dapat lang na maganda ang pagkakasulat nun. I'll try to edit pa rin po kung kaya ng oras ko pero minsan hindi na talaga kaya eh.
Second, I would like to thank everyone na bumabasa ng "Love, Stranger". Welcome po ang feedback and suggestion para maimprove ko pa ang pagsusulat ko. I accept any criticism as long as hindi bastos ang pagkakasabi.
You can add me on facebook. I want to keep in touch with you guys.
https://www.facebook.com/gabriel.montenegro.35
https://www.facebook.com/gabriel.montenegro.35
Please like my page na rin. Thanks in advance!
https://www.facebook.com/whitepal.gabriel
https://www.facebook.com/whitepal.gabriel
Again. FRIDAY - SUNDAY po ako nag-uupdate ng story. Once or twice a week.
Muli, MARAMING SALAMAT!
(Sa chapter 7, babatiin ko ang ilan sa mga readers ko. Hehehe. One of my ways to thank you guys.)
(PREVIOUS CHAPTER CLICK HERE!)
(Sa chapter 7, babatiin ko ang ilan sa mga readers ko. Hehehe. One of my ways to thank you guys.)
(PREVIOUS CHAPTER CLICK HERE!)
======================================================================
CHAPTER FIVE
Binati kami ng isang malaking gate na
gawa sa kahoy at copper. Tumingala ako at nakita ko ang mga beams na
sumusuporta sa napakalaking gate. Traditional Torii o Japanese gate ito, pero
sobrang kapal at laki talaga.
“Nabanggit mo kanina na kaya ka
marunong mag-japanese dahil sa work mo.”
“Yeah.”
“So ano ang work mo?”
Tumingin ako sa kanya. Nakatingin
siya sa akin habang sinusundan niya ang European couple na kasama namin sa tour
bus.
“Why do you ask?” I gave him a
quizzical look.
“Random question lang.” sabi niya
sabay tingin sa akin. Weird ng taong ito, tinatanong ko siya kanina sa Happo-en
Garden tungkol sa sarili niya para makilala ko siya pero hindi ako sinagot ng
maayos. He’s making fun of me. So I think I should do the same.
“Call-boy.” sagot ko sa kanya habang
diretsong nakatingin ang aking mga mata sa kanya. Kitang-kita ko ang paglaki ng
kanyang mga mata.
“Seryoso ka?” alam kong hindi siya
makapaniwala sa sinagot ko. Nakakatawa ang itsura niya.
“Yeah. I can do it with a girl or
boy.” seryoso ang tono ng aking boses habang diretsong nakatingin sa kanya. “Iyan
din ang work ko pag nasa pinas ako. Foreigners ang customer ko.” dagdag ko pa
sabay ngiti. Nakatingin pa rin siya sa akin. Mistulang nakakabinging
katahimikan ang bumalot sa aming dalawa. Tanging swelas ng aming sapatos at mga
daldalan ng mga kasama namin ang ingay na aming naririnig.
Ilang segundo ang lumipas ay bigla
akong humalakhak. Nagbago ang kanyang mukha. Bakas ang inis dito.
“I got you there.” sabi ko habang humahalakhak. Halos
mangiyak-ngiyak ako sa kakatawa.
“Nice talking ka rin eh nuh?” naiinis
niyang sabi.
“So how does it feel na sagutin ka ng
hindi maayos?” sabi ko habang tinataas-taas nang paulit-ulit ang aking kilay na
para bang nang-iinis. “You did that to me remember? Tatay Rome na tambay na may
doseng anak at lahat panganay.” sabay halakhak. Yes! Nakaisa ako.
“Funny bro.”
“Yeah dude. Funny. Ngayon inamin mong
nakakatawa ang mga sagot mo.” napansin kong napakamot siya ng ulo. Natauhan
siguro si gago sa kagaguhan niya kanina. I made him taste his own medicine.
Dinaanan namin ang ilang mga puno at
mga halaman. Tumigil kami saglit sa tapat ng isang barandilyang kulay gray.
Katabi ng barandilya ang isang kulay pink na signboard na nakasulat sa hiragana
at kanji characters. May english translation naman sa ibaba na nagsasabing, “No
tresspassing of visitors”.
“The only thing you can’t find in the
Tokyo Imperial Palace is the Imperial Palace.” sabi ng aming tour guide.
“What the heck? So why on earth did
they call this The Tokyo Imperial Palace in the first place kung hindi mo man
lang naman makikita ang palasyo?” malakas na sabi ni Rome. Tumaas ang kanan
kong kilay sa narinig. Dahan-dahan akong tumingin ako sa kanya. Nakatingin siya
sa aming tour guide.
“Imperial family lang ang pwedeng
pumasok doon. Obviously it’s a palace, duh. Sige nga, kailan ba naging open sa
public ang MalacaƱang?” sabat ko sabay cross-arm at tiningnan siya ng matulis.
Common sense ang sagot sa tanong niya.
“In the first place dapat hindi na
nila ito ginawang tourist spot. Paasa lang. And look ang daming CCTV dito.
Sobrang taas ng security.” sabi niya habang nakabusangot ang mukha. Now he’s
whining. Wala na sa katuwiran.
“Ang nega mo alam mo iyon? Tandaan
mo, ang Emperor ng Japan na lang ang natitirang Emperor sa mundong ito, hindi
lang by title dude dahil siya mismo ang namumuno. So I think it’s logical lang
na taasan ang security rito.” malakas na binura ng palad ko ang aking mukha.
Hindi talaga ma-take ng katawan ko ang ka-negahan ng taong ito. Namumuro na
siya kaninang-kanina pa bago umalis sa Tokyo Tower.
“Marami talagang kaartehan ang mga
palasyo. Parang disneyland mo...” hindi niya natapos ang sasabihin niya. I cut
his shit off.
“Huwag mong idamay ang disneyland ko!
Maybe bitter ka sa Palasyo dahil sinisimbolo nito ay happily ever after na wala
ka.” sigaw ko sa kanya. Napansin ko ang pagbabago sa kanyang mukha. Nawala ang
inis na naka-rehistro sa kanyang mukha. Straight face na ito. Kapansin-pansin
ang kanyang mga mata, parang nawala ito sa sarili. Natakatingin ito sa kawalan.
Alam kong malalim ang kanyang iniisip. Hindi ko alam kung ano ito pero alam
kong hindi ito maganda.
Hindi ko maintindihan ang sarili ko
kung bakit ko nasabi ang mga bagay na iyon. I know, it might hurt him. Mali,
talagang nasaktan siya roon, ramdam ko at kita ko sa mga mata niya. Sometimes
I’m tactless lalo na kapag sumasabog na ang emosyong nararamdaman ko. May mga
bagay akong nasasabi na hindi maganda at nakakasakit ng damdamin ng ibang tao.
Pero paano ko mapipigilan ito if he’s provoking me from time to time? Ang hirap
din kaya.
“Okay, I’m sorry Rome. I didn’t mean
to say that. Hindi ko rin alam kung saan ko iyon nakuha. But please, stop being
nega. Ang lakas makahawa eh.” nagbitiw ako ng isang buntong hininga. Tiningnan
ko siya. His eyes is full of emotions that I can’t decipher. Alam kong tinamaan
siya. Alam kong masakit ang mga sinabi ko.
Isang nakakabinging katahimikan ang
bumalot sa amin. Nagpatuloy kami sa paglalakad habang sinusundan ang aming tour
guide. Naramdaman ko ang pagtama ng mainit-init na sinag ng araw sa aking
balat. Kahit ganoon ay malamig pa rin ang hanging sumasalubong sa aking mukha
at kamay na tanging nakalabas na parte sa balot na balot kong katawan. Winter
ngayon sa Japan.
“Rome. I’m sorry okay.” paghingi ko
ulit ng tawad.
“Don’t think about it. Tama ka, it’s
my fault for being so negative.” sagot niya. Tahimik. Muli kong narinig ang
swelas ng aming mga sapatos. Yumuko ako at tinuon ang aking mga mata sa
dinadaanan naming sementadong kalsada. Ramdam ko pa rin ang mainit-init na
sinag ng araw, sumasabay ito sa init na nararamdaman ko sa aking katawan. Para
akong linulusaw sa hiya, sa pagiging insensitive. Nakakainis. I hate this
feeling. Ayoko talagang nakakasakit ng ibang tao.
Ilang minuto ang lumipas at tumigil
ang aming grupo sa tapat ng isang higanteng gate. Kamukha ng gate na ito ang
pinasukan naming gate kanina, masmalaki lang ito at may mga gwardiyang
nakabantay. Nakasarado rin ang higanteng gate.
Nagsalita ang aming tour guide, kahit
english ang salita niya o kahit maghapon siya, hindi ko siya maiintindihan
dahil binabagabag ako ng aking kunsensiya.
Tumingin ako kay Rome. Seryoso pa rin
ang mukha nito. Dinaanan ko ng tingin ang kanyang mga mata. Ang lalim ng
kanyang iniisip. Alam ko namang ayaw niyang mag-open up. Nasabi ko rin kanina na
maganda ang mayroon kami ngayon, strangers. Walang dapat masaktan sa sasabihin
ng isa’t-isa. Walang maaattach. We’re not even friends. Pero kahit na stranger
siya sa akin ay hindi ko gustong makita siyang ganyan. I know how it feels. I’ve
been there. Naranasan ko iyan sa aking linimot na nakaraan; ang pagsalitaan ng
masama.
“How
can I make him feel better?” tanong ko sa aking sarili.
“How
can I make him open up?” sigaw ko sa aking sarili. Nagbitiw ako ng isang
buntong hininga.
“I feel your weight dude. Ang bigat-bigat
mo. I know na kahit magtanong ako hindi mo sasagutin kung ano man ang dinadala
mo. But you know what? I think you should change your perspective.” mahinahon
kong sabi. Tumingin siya sa akin. Bakas sa kanyang mga mata ang bigat na
kanyang nararamdaman.
“What do you mean?”
“Sa mundong ito, hindi maiiwasan ang
mga bagay na hindi maganda. Minsan masasaktan tayo, minsan madadapa, at
dadalhin natin ang mga bagay na ito sa araw-araw. But you know what? Sometimes
you just have to loosen up and look on the positive side.”
“Madali para sa iyo sabihin iyan.” Inalis
niya ang tingin sa akin. Tinuon niya ito sa malayo. Maraming puno ang area ng
Imperial Grounds na iyon.
Tumingala ako. Nakita ko ang
mahinahong pagsasayaw ng mga ulap. Pumikit ako. Lumitaw sa aking utak na parang
pelikula ang mga nangyari sa aking nakaraan.
“Kahit kailan hindi naging madali ang
buhay ko. Kung alam mo lang ang mga pinagdaanan ko Rome... Kung alam mo lang.” muli
kong naramdaman ang bigat sa aking puso. Parang may kung anong tumutusok-tusok
dito. Ito ang mga bagay na binaon ko sa limot sa loob ng maraming taon Binitiwan
ko ang isang malalim na buntong hininga.
“I’m sorry.”
Dumilat ako at tumingin sa kanya.
“Huh? Why do you say sorry?”
naguguluhan kong tanong.
“I mean, I’m sorry to hear that.”
“You don’t have to. Wala kang
kasalanan.”
Hindi siya nagsalita. Binitiwan niya
ang isang malalim na hinga. Muling bumalot sa amin ang katahimikan. Inikot ko ang
aking mga mata. I saw some massive stone ramparts. Siguro parte iyon ng dating
Fortress ng palasyo during ancient times. Muli kong tinuon ang aking mga mata
sa gate na bantay sarado. May mga rumoronda pang guwardiya dito. An exclamation
point appear in my head. Napangiti ako.
“Alam mo para kang Palasyo na iyan.” sabay
turo sa gate at mga massive stone ramparts sa di kalayuan.
“Bakit naman?”
“Kasi ang bigat-bigat mo. Tapos nakataas
pa ang defences mo.”
“Joke ba iyan?” bahagya siyang
ngumiti.
“Pwedeng oo pwedeng hindi.” sabi ko
sabay ngiti. He gave me a quizzical look.
“We want to see and enter the Palace
pero hindi pwede dahil nga bawal. If we will sneak naman, yari tayo dahil mataas
ang security nito... Parang ikaw, may mga taong gusto kang tulungan to make you
feel better, pero paano nila magagawa iyon if you won’t let them. Tama ba ako?”
sabi ko sabay ngiti. Tinaas-taas ko rin ang aking kilay, a sign na mag-agree
siya sa sinabi ko. Tama naman kasi talaga. Kailangan lang niya tanggapin kasi ‘yun
ang totoo.
“So you’re saying that you want to
help me? You want to make me feel better? Naks, concern!” ngumiti siya. Bumakat
ang malalim na dimples sa kanyang pisngi.
Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. He
got it all wrong!
“Tange! Ano ka chicks? This applies
to everyone na gusto kang tulungan Rome. Mga taong may care sa iyo.”
“Now I get it. May care ka pala sa
akin.” preskong sabi nito.
“Wow ha... Honestly I feel bad lang kanina.
Hindi ko gustong makapanakit ng damdamin ng ibang tao. I hate it. Kaya ginagawa
ko ito para mawala ang guilt ko.” sabi ko sabay cross-arm at tinuon ang mata sa
malayo.
“Aminin mo na.”
“Whatever dude. At isa pa, huwag kang
negative lagi. Hindi maganda. Lagi kang tumingin sa positive side. Change your
perspective.”
“Idealistic ka talaga. Ikaw si Mr.
Positive na gusto tingnan ang lahat sa magandang side kuno. Aminin mo minsan na
pangit ang mga nangyayari.”
“Hindi naman porket pangit ang
nangyayari ay pangit na ang lahat. Malay mo may reason bakit nangyari iyon.”
“Like?”
“Example, may pupuntahan ka at sasakay
ka ng bus. Pero na-traffic ka at nakaalis yung bus na gusto mong sakyan at sa
ibang bus ka na-sakay. Tanong, pangit ba lahat iyon?”
“Oo.”
“Talaga? Eh paano kung ang naunang
bus na gusto mong sakyan ay may holdaper? Or maaaksidente pala ang bus na iyon
at mahuhulog sa bangin? ‘Di ba blessing in disguise ang traffic? ‘Di ba blessing
in disguise na ibang bus ang nasakyan mo? Look on the positive Rome. Tingnan mo
ang sitwasyon na panig sa iyo, not against you.”
Hindi siya kumibo. Nakatingin lang
siya sa akin. Ilang saglit pa’y muling naglakad ang aming grupo. Tumigil kami
sa isang rebulto. It depicted a man riding horseback on a rearing horse. Kulay
dark-green ito.
“This is Kusunoki Masashige, he is a great
samurai warrior who fought for Japan’s Emperor in the early 14th century. He
epitomized courage, loyalty and devotion to the Emperor.” sabi ng aming babaeng
tour guide.
“Buti pa noon uso ang loyalty at
devotion. Ngayon wala na.” biglang sambit ni Rome. Tiningnan ko siya.
Nakatingin siya sa rebulto. Bakas sa mga mata nito ang lungkot. Sabi ko na
eh may malalim siyang dinadala. Alam ko, kasi ramdam ko.
“Nag-eexist pa rin naman ang ‘yan
ngayon ah.”
“I don’t think so. Tanga na lang ang
naniniwala ‘dyan ngayon.” matigas at madiin niyang sabi. “Parang ‘yang samurai
na iyan. Tingnan mo namatay siya para sa Emperor.” dagdag nito nang marinig ang
sinabi ng aming tour guide tungkol sa kabayanihang nagawa nito.
“Parang pagmamahal lang iyan. Handa
kang gawin ang lahat para sa taong mahal mo.” sabi ko. Tumingin siya sa akin.
Matulis itong nakatutok sa akin.
“Oo, kaya katangahan ang magmahal.
Dahil sa huli masasaktan ka lang. Tingnan mo siya, namatay pa.” he said in a
cold tone. Agad itong tumalikod at naglakad. Sinundan niya ang dalawang
European couple na naglalakad sa kanyang harap. Sumunod ako sa kanya at
pinatong ang kanan kong braso sa kaliwa niyang balikat. Tumingin ako sa kanya.
Nakatingin siya sa sinusundan naming European couple.
Naisip ko, kanina sa Happo-en Garden
may nakita kaming newly-wed couple. I saw his eyes bago niya ako akbayan palayo
sa lugar na iyon. It’s the same emotion na rumehistro sa mata niya na nakita ko
sa elevator ng Tokyo Tower at ngayon while he’s talking about loyalty. Then now
he’s looking at these couples na nasa harap namin. Parehas na parehas ang
nababasa ko sa mga mata niya.
“Broken
hearted ito. Confirm. Hay.” pagkasabi ko noon sa sarili ko’y narinig kong
tumunog ang aking sikmura. Napatingin siya sa akin.
“I’m hungry.” sabi ko.
“Ha? Kakakain lang natin ng lunch bago
pumunta rito ah.”
“Dude, fine dining restaurant iyon.
Tipid na tipid ang pagkain. Gusto ko buffet. Ayun, solve na solve ako pag
ganoon.” sabi ko sabay ngiti. I’m trying to divert his attention. Ayoko namang
malungkot siya.
“Eh paano kung hindi buffet? Like
unli rice?”
“Pwede. Pero mas gusto ko unli ulam.
Eat all you can.”
“Matakaw.” sabi niya sabay ngiti.
Muling lumitaw ang kanyang dimples. He’s so cute pag ganyan ang itsura niya.
Nakangiti. Ang sarap niyang tingnan pag ganyan siya.
“Bakit ikaw ayaw mo?”
“Gusto.”
“Edi matakaw ka rin.”
Tawanan. Tinitigan ko ang kanyang
mukha. Napaka-light ng aura nito. Sana lagi na lang siya ganito. Sana lagi
siyang masaya. Siguro I’ll try to use my best asset na lang. Ang pagiging
optimistic. Maybe something good will come out from it. Hindi lang para sa
akin, para rin sa kanya.
***
“Nakakatuwa talaga ang tour guide natin nuh?” bakas ang ngiti sa kanyang labi.
“Yeah. At magaling siya mag-english
ha. Karaniwan kasi sa mga Japanese hindi marunong eh. Masyado silang makabayan.”
sagot ko habang nakatingin sa aming tour guide. Nakatayo ito katabi ng bus
driver. Ilang saglit pa’y umupo ito at nagpahinga.
“Yeah. Pero mas nakakatuwa ka.” sabi niya
sabay tingin sa akin. Isang nakakalokong ngiti ang binitiwan niya.
“So mukha akong clown sa paningin mo?”
“Medyo.”
“Gago.” sabi ko.
Tawanan. Binuksan niya ang kanyang gray
backpack. Kinuha niya ang isang chewing gum at inabot sa akin.
“Thanks.” binuksan ko ito at sinubo.
Binuksan niya rin ang kanya at sinubo ito. “Ang dami mong baon na chewing gum.”
“Gusto ko laging may nginunguya. Para
hindi ako makatulog.” sabay tingin sa labas ng bintana.
“Why?”
“I want to enjoy this tour. Gusto ko
makalimot sa lahat ng problema ko.” sabi niya. Tumingin siya sa akin at
nagbitiw ng isang pilit na ngiti. Ngumiti ako. Slowly I clap my hands.
“Congrats!” masaya kong sabi habang
patuloy na pumapalakpak.
“Why?” kumunot ang kanyang noo. Bakas
sa kanyang mukha na naguguluhan ito.
“You lowered your defence.
Makakatulong iyan sa gusto mong mangyari.” sabay ngiti. “Mabuhay si Rome!”
sigaw ko. Wala namang makakaintindi sa kagaguhan ko dahil kami lang ang
Pilipino sa loob ng tour bus. Hehehe. Hindi niya napigilang humalakhak. Alam
kong mukha akong tanga pero okay lang.
“That’s the reason kaya kita
binibigyan ng chewing gum. Para hindi ka makatulog.”
“Para maaliw ka?” malakas kong sabi
sa kanya.
Tumango siya sabay ngiti.
“Asus. Kailangan mo pala ako. Tapos
sinusungitan mo ako kanina.”
“Hoy, hindi kita sinusungitan.” medyo
napalakas ang kanyang boses.
“Yes you did.” sigaw ko sa kanya.
Inikot ko ang aking mga mata. Pagod
ang lahat ng kasama namin habang ang ilan dito’y unti-unting bumabagsak ang ulo
dahil sa pagod. Malamig ang buga ng aircon ng tour bus kaya naman mas masarap
matulog at magpahinga. Tiningnan ko siya.
“Ang ingay natin. Mahiya naman tayo
sa mga nagpapahinga.”
“Okay lang iyan. Kaysa naman
makitulog tayo. Gusto ko ngang sulitin ang tour di ba? Isipin mo na lang, atin ang bus
na ito at tayo lang ang tao.”
“Parang atin ang mundo.” bulong ko sa sarili ko. Hindi ko napigilang mapangiti. Hindi
ko maiwasang kiligin nang palihim.
ITUTULOY
Paganda ang kwentong to. Thanks sa update Mr Author.
ReplyDeleteHi. Maraming salamat po sa pagbabasa. Sana basahin niyo hanggang sa matapos. Promise di kayo magsisisi. ^_^
DeleteMaganda story Gab. Gusto ko ang mga wisdom talks nila, pero naghihintay ako ng something big especially kay Rome, lalo na yung signature mo Gab na mga pasabog at twists kagaya sa una mong story "Love Me Like I Am". Hugot at deep emotions din. Yun kasi signature mo Gab at pinakanagustohan ko sa iyo.
ReplyDelete- Zefyr
Pwede ba naman mawala yun dude? Hahaha. Wala pa po tayo sa gitna ng Story antabay lang po. :-) But here's the thing, this is not like LMLIA na heavy drama. Light lang po ito pero nandoon pa rin po ang sinasabi niyo, ibang hugot at atake nga lang. I hope you'll like it pag nabasa niyo. ^_^
DeleteHave a nice day!