Followers

Saturday, July 25, 2015

Love, Stranger (Chapter 5)

AUTHOR'S NOTE:
(PLEASE READ!) =)

First, nasabi ko last chapter na i-eedit ko ang Chapter 1-4 ng "Love, Stranger". But then since hindi kakayanin ng oras ko dahil back to school ako (currently studying nihongo), sa BOOK or E-BOOK version (SOON in BUQO) na lang po ng "Love, Stranger" ang EDITED AND BETTER VERSION NG STORY NA ITO. Syempre, may pera na pong involve iyon at dapat lang na maganda ang pagkakasulat nun. I'll try to edit pa rin po kung kaya ng oras ko pero minsan hindi na talaga kaya eh.

Second, I would like to thank everyone na bumabasa ng "Love, Stranger". Welcome po ang feedback and suggestion para maimprove ko pa ang pagsusulat ko.  I accept any criticism as long as hindi bastos ang pagkakasabi.

You can add me on facebook. I want to keep in touch with you guys.
https://www.facebook.com/gabriel.montenegro.35
Please like my page na rin. Thanks in advance!
https://www.facebook.com/whitepal.gabriel
Again. FRIDAY - SUNDAY po ako nag-uupdate ng story. Once or twice a week.
Muli, MARAMING SALAMAT!
(Sa chapter 7, babatiin ko ang ilan sa mga readers ko. Hehehe. One of my ways to thank you guys.)

(PREVIOUS CHAPTER CLICK HERE!)


======================================================================


CHAPTER FIVE


Binati kami ng isang malaking gate na gawa sa kahoy at copper. Tumingala ako at nakita ko ang mga beams na sumusuporta sa napakalaking gate. Traditional Torii o Japanese gate ito, pero sobrang kapal at laki talaga.

“Nabanggit mo kanina na kaya ka marunong mag-japanese dahil sa work mo.”

“Yeah.”

“So ano ang work mo?”

Tumingin ako sa kanya. Nakatingin siya sa akin habang sinusundan niya ang European couple na kasama namin sa tour bus.

“Why do you ask?” I gave him a quizzical look.

“Random question lang.” sabi niya sabay tingin sa akin. Weird ng taong ito, tinatanong ko siya kanina sa Happo-en Garden tungkol sa sarili niya para makilala ko siya pero hindi ako sinagot ng maayos. He’s making fun of me. So I think I should do the same.

“Call-boy.” sagot ko sa kanya habang diretsong nakatingin ang aking mga mata sa kanya. Kitang-kita ko ang paglaki ng kanyang mga mata.

“Seryoso ka?” alam kong hindi siya makapaniwala sa sinagot ko. Nakakatawa ang itsura niya.

“Yeah. I can do it with a girl or boy.” seryoso ang tono ng aking boses habang diretsong nakatingin sa kanya. “Iyan din ang work ko pag nasa pinas ako. Foreigners ang customer ko.” dagdag ko pa sabay ngiti. Nakatingin pa rin siya sa akin. Mistulang nakakabinging katahimikan ang bumalot sa aming dalawa. Tanging swelas ng aming sapatos at mga daldalan ng mga kasama namin ang ingay na aming naririnig.

Ilang segundo ang lumipas ay bigla akong humalakhak. Nagbago ang kanyang mukha. Bakas ang inis dito.

“I got you there.”  sabi ko habang humahalakhak. Halos mangiyak-ngiyak ako sa kakatawa.
“Nice talking ka rin eh nuh?” naiinis niyang sabi.

“So how does it feel na sagutin ka ng hindi maayos?” sabi ko habang tinataas-taas nang paulit-ulit ang aking kilay na para bang nang-iinis. “You did that to me remember? Tatay Rome na tambay na may doseng anak at lahat panganay.” sabay halakhak. Yes! Nakaisa ako.

“Funny bro.”

“Yeah dude. Funny. Ngayon inamin mong nakakatawa ang mga sagot mo.” napansin kong napakamot siya ng ulo. Natauhan siguro si gago sa kagaguhan niya kanina. I made him taste his own medicine.

Dinaanan namin ang ilang mga puno at mga halaman. Tumigil kami saglit sa tapat ng isang barandilyang kulay gray. Katabi ng barandilya ang isang kulay pink na signboard na nakasulat sa hiragana at kanji characters. May english translation naman sa ibaba na nagsasabing, “No tresspassing of visitors”.

“The only thing you can’t find in the Tokyo Imperial Palace is the Imperial Palace.” sabi ng aming tour guide.

“What the heck? So why on earth did they call this The Tokyo Imperial Palace in the first place kung hindi mo man lang naman makikita ang palasyo?” malakas na sabi ni Rome. Tumaas ang kanan kong kilay sa narinig. Dahan-dahan akong tumingin ako sa kanya. Nakatingin siya sa aming tour guide.

“Imperial family lang ang pwedeng pumasok doon. Obviously it’s a palace, duh. Sige nga, kailan ba naging open sa public ang MalacaƱang?” sabat ko sabay cross-arm at tiningnan siya ng matulis. Common sense ang sagot sa tanong niya.

“In the first place dapat hindi na nila ito ginawang tourist spot. Paasa lang. And look ang daming CCTV dito. Sobrang taas ng security.” sabi niya habang nakabusangot ang mukha. Now he’s whining. Wala na sa katuwiran.

“Ang nega mo alam mo iyon? Tandaan mo, ang Emperor ng Japan na lang ang natitirang Emperor sa mundong ito, hindi lang by title dude dahil siya mismo ang namumuno. So I think it’s logical lang na taasan ang security rito.” malakas na binura ng palad ko ang aking mukha. Hindi talaga ma-take ng katawan ko ang ka-negahan ng taong ito. Namumuro na siya kaninang-kanina pa bago umalis sa Tokyo Tower.

“Marami talagang kaartehan ang mga palasyo. Parang disneyland mo...” hindi niya natapos ang sasabihin niya. I cut his shit off.

“Huwag mong idamay ang disneyland ko! Maybe bitter ka sa Palasyo dahil sinisimbolo nito ay happily ever after na wala ka.” sigaw ko sa kanya. Napansin ko ang pagbabago sa kanyang mukha. Nawala ang inis na naka-rehistro sa kanyang mukha. Straight face na ito. Kapansin-pansin ang kanyang mga mata, parang nawala ito sa sarili. Natakatingin ito sa kawalan. Alam kong malalim ang kanyang iniisip. Hindi ko alam kung ano ito pero alam kong hindi ito maganda.

Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit ko nasabi ang mga bagay na iyon. I know, it might hurt him. Mali, talagang nasaktan siya roon, ramdam ko at kita ko sa mga mata niya. Sometimes I’m tactless lalo na kapag sumasabog na ang emosyong nararamdaman ko. May mga bagay akong nasasabi na hindi maganda at nakakasakit ng damdamin ng ibang tao. Pero paano ko mapipigilan ito if he’s provoking me from time to time? Ang hirap din kaya.

“Okay, I’m sorry Rome. I didn’t mean to say that. Hindi ko rin alam kung saan ko iyon nakuha. But please, stop being nega. Ang lakas makahawa eh.” nagbitiw ako ng isang buntong hininga. Tiningnan ko siya. His eyes is full of emotions that I can’t decipher. Alam kong tinamaan siya. Alam kong masakit ang mga sinabi ko.

Isang nakakabinging katahimikan ang bumalot sa amin. Nagpatuloy kami sa paglalakad habang sinusundan ang aming tour guide. Naramdaman ko ang pagtama ng mainit-init na sinag ng araw sa aking balat. Kahit ganoon ay malamig pa rin ang hanging sumasalubong sa aking mukha at kamay na tanging nakalabas na parte sa balot na balot kong katawan. Winter ngayon sa Japan.

“Rome. I’m sorry okay.” paghingi ko ulit ng tawad.

“Don’t think about it. Tama ka, it’s my fault for being so negative.” sagot niya. Tahimik. Muli kong narinig ang swelas ng aming mga sapatos. Yumuko ako at tinuon ang aking mga mata sa dinadaanan naming sementadong kalsada. Ramdam ko pa rin ang mainit-init na sinag ng araw, sumasabay ito sa init na nararamdaman ko sa aking katawan. Para akong linulusaw sa hiya, sa pagiging insensitive. Nakakainis. I hate this feeling. Ayoko talagang nakakasakit ng ibang tao.

Ilang minuto ang lumipas at tumigil ang aming grupo sa tapat ng isang higanteng gate. Kamukha ng gate na ito ang pinasukan naming gate kanina, masmalaki lang ito at may mga gwardiyang nakabantay. Nakasarado rin ang higanteng gate.

Nagsalita ang aming tour guide, kahit english ang salita niya o kahit maghapon siya, hindi ko siya maiintindihan dahil binabagabag ako ng aking kunsensiya.

Tumingin ako kay Rome. Seryoso pa rin ang mukha nito. Dinaanan ko ng tingin ang kanyang mga mata. Ang lalim ng kanyang iniisip. Alam ko namang ayaw niyang mag-open up. Nasabi ko rin kanina na maganda ang mayroon kami ngayon, strangers. Walang dapat masaktan sa sasabihin ng isa’t-isa. Walang maaattach. We’re not even friends. Pero kahit na stranger siya sa akin ay hindi ko gustong makita siyang ganyan. I know how it feels. I’ve been there. Naranasan ko iyan sa aking linimot na nakaraan; ang pagsalitaan ng masama.

How can I make him feel better?” tanong ko sa aking sarili.

How can I make him open up?” sigaw ko sa aking sarili. Nagbitiw ako ng isang buntong hininga.

“I feel your weight dude. Ang bigat-bigat mo. I know na kahit magtanong ako hindi mo sasagutin kung ano man ang dinadala mo. But you know what? I think you should change your perspective.” mahinahon kong sabi. Tumingin siya sa akin. Bakas sa kanyang mga mata ang bigat na kanyang nararamdaman.

“What do you mean?”

“Sa mundong ito, hindi maiiwasan ang mga bagay na hindi maganda. Minsan masasaktan tayo, minsan madadapa, at dadalhin natin ang mga bagay na ito sa araw-araw. But you know what? Sometimes you just have to loosen up and look on the positive side.”

“Madali para sa iyo sabihin iyan.” Inalis niya ang tingin sa akin. Tinuon niya ito sa malayo. Maraming puno ang area ng Imperial Grounds na iyon.

Tumingala ako. Nakita ko ang mahinahong pagsasayaw ng mga ulap. Pumikit ako. Lumitaw sa aking utak na parang pelikula ang mga nangyari sa aking nakaraan.

“Kahit kailan hindi naging madali ang buhay ko. Kung alam mo lang ang mga pinagdaanan ko Rome... Kung alam mo lang.” muli kong naramdaman ang bigat sa aking puso. Parang may kung anong tumutusok-tusok dito. Ito ang mga bagay na binaon ko sa limot sa loob ng maraming taon Binitiwan ko ang isang malalim na buntong hininga.

“I’m sorry.”

Dumilat ako at tumingin sa kanya.

“Huh? Why do you say sorry?” naguguluhan kong tanong.

“I mean, I’m sorry to hear that.”

“You don’t have to. Wala kang kasalanan.”

Hindi siya nagsalita. Binitiwan niya ang isang malalim na hinga. Muling bumalot sa amin ang katahimikan. Inikot ko ang aking mga mata. I saw some massive stone ramparts. Siguro parte iyon ng dating Fortress ng palasyo during ancient times. Muli kong tinuon ang aking mga mata sa gate na bantay sarado. May mga rumoronda pang guwardiya dito. An exclamation point appear in my head. Napangiti ako.

“Alam mo para kang Palasyo na iyan.” sabay turo sa gate at mga massive stone ramparts sa di kalayuan.

“Bakit naman?”

“Kasi ang bigat-bigat mo. Tapos nakataas pa ang defences mo.”

“Joke ba iyan?” bahagya siyang ngumiti.

“Pwedeng oo pwedeng hindi.” sabi ko sabay ngiti. He gave me a quizzical look.

“We want to see and enter the Palace pero hindi pwede dahil nga bawal. If we will sneak naman, yari tayo dahil mataas ang security nito... Parang ikaw, may mga taong gusto kang tulungan to make you feel better, pero paano nila magagawa iyon if you won’t let them. Tama ba ako?” sabi ko sabay ngiti. Tinaas-taas ko rin ang aking kilay, a sign na mag-agree siya sa sinabi ko. Tama naman kasi talaga. Kailangan lang niya tanggapin kasi ‘yun ang totoo.

“So you’re saying that you want to help me? You want to make me feel better? Naks, concern!” ngumiti siya. Bumakat ang malalim na dimples sa kanyang pisngi.

Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. He got it all wrong!

“Tange! Ano ka chicks? This applies to everyone na gusto kang tulungan Rome. Mga taong may care sa iyo.”

“Now I get it. May care ka pala sa akin.” preskong sabi nito.

“Wow ha... Honestly I feel bad lang kanina. Hindi ko gustong makapanakit ng damdamin ng ibang tao. I hate it. Kaya ginagawa ko ito para mawala ang guilt ko.” sabi ko sabay cross-arm at tinuon ang mata sa malayo.

“Aminin mo na.”

“Whatever dude. At isa pa, huwag kang negative lagi. Hindi maganda. Lagi kang tumingin sa positive side. Change your perspective.”

“Idealistic ka talaga. Ikaw si Mr. Positive na gusto tingnan ang lahat sa magandang side kuno. Aminin mo minsan na pangit ang mga nangyayari.”

“Hindi naman porket pangit ang nangyayari ay pangit na ang lahat. Malay mo may reason bakit nangyari iyon.”

“Like?”

“Example, may pupuntahan ka at sasakay ka ng bus. Pero na-traffic ka at nakaalis yung bus na gusto mong sakyan at sa ibang bus ka na-sakay. Tanong, pangit ba lahat iyon?”

“Oo.”

“Talaga? Eh paano kung ang naunang bus na gusto mong sakyan ay may holdaper? Or maaaksidente pala ang bus na iyon at mahuhulog sa bangin? ‘Di ba blessing in disguise ang traffic? ‘Di ba blessing in disguise na ibang bus ang nasakyan mo? Look on the positive Rome. Tingnan mo ang sitwasyon na panig sa iyo, not against you.”

Hindi siya kumibo. Nakatingin lang siya sa akin. Ilang saglit pa’y muling naglakad ang aming grupo. Tumigil kami sa isang rebulto. It depicted a man riding horseback on a rearing horse. Kulay dark-green ito.

“This is Kusunoki Masashige, he is a great samurai warrior who fought for Japan’s Emperor in the early 14th century. He epitomized courage, loyalty and devotion to the Emperor.” sabi ng aming babaeng tour guide.

“Buti pa noon uso ang loyalty at devotion. Ngayon wala na.” biglang sambit ni Rome. Tiningnan ko siya. Nakatingin siya sa rebulto. Bakas sa mga mata nito ang lungkot. Sabi ko na eh may malalim siyang dinadala. Alam ko, kasi ramdam ko.

“Nag-eexist pa rin naman ang ‘yan ngayon ah.”

“I don’t think so. Tanga na lang ang naniniwala ‘dyan ngayon.” matigas at madiin niyang sabi. “Parang ‘yang samurai na iyan. Tingnan mo namatay siya para sa Emperor.” dagdag nito nang marinig ang sinabi ng aming tour guide tungkol sa kabayanihang nagawa nito.

“Parang pagmamahal lang iyan. Handa kang gawin ang lahat para sa taong mahal mo.” sabi ko. Tumingin siya sa akin. Matulis itong nakatutok sa akin.

“Oo, kaya katangahan ang magmahal. Dahil sa huli masasaktan ka lang. Tingnan mo siya, namatay pa.” he said in a cold tone. Agad itong tumalikod at naglakad. Sinundan niya ang dalawang European couple na naglalakad sa kanyang harap. Sumunod ako sa kanya at pinatong ang kanan kong braso sa kaliwa niyang balikat. Tumingin ako sa kanya. Nakatingin siya sa sinusundan naming European couple.

Naisip ko, kanina sa Happo-en Garden may nakita kaming newly-wed couple. I saw his eyes bago niya ako akbayan palayo sa lugar na iyon. It’s the same emotion na rumehistro sa mata niya na nakita ko sa elevator ng Tokyo Tower at ngayon while he’s talking about loyalty. Then now he’s looking at these couples na nasa harap namin. Parehas na parehas ang nababasa ko sa mga mata niya.

Broken hearted ito. Confirm. Hay.” pagkasabi ko noon sa sarili ko’y narinig kong tumunog ang aking sikmura. Napatingin siya sa akin.

“I’m hungry.” sabi ko.

“Ha? Kakakain lang natin ng lunch bago pumunta rito ah.”

“Dude, fine dining restaurant iyon. Tipid na tipid ang pagkain. Gusto ko buffet. Ayun, solve na solve ako pag ganoon.” sabi ko sabay ngiti. I’m trying to divert his attention. Ayoko namang malungkot siya.

“Eh paano kung hindi buffet? Like unli rice?”

“Pwede. Pero mas gusto ko unli ulam. Eat all you can.”

“Matakaw.” sabi niya sabay ngiti. Muling lumitaw ang kanyang dimples. He’s so cute pag ganyan ang itsura niya. Nakangiti. Ang sarap niyang tingnan pag ganyan siya.

“Bakit ikaw ayaw mo?”

“Gusto.”

“Edi matakaw ka rin.”


Tawanan. Tinitigan ko ang kanyang mukha. Napaka-light ng aura nito. Sana lagi na lang siya ganito. Sana lagi siyang masaya. Siguro I’ll try to use my best asset na lang. Ang pagiging optimistic. Maybe something good will come out from it. Hindi lang para sa akin, para rin sa kanya.

***


“Nakakatuwa talaga ang tour guide natin nuh?” bakas ang ngiti sa kanyang labi.

“Yeah. At magaling siya mag-english ha. Karaniwan kasi sa mga Japanese hindi marunong eh. Masyado silang makabayan.” sagot ko habang nakatingin sa aming tour guide. Nakatayo ito katabi ng bus driver. Ilang saglit pa’y umupo ito at nagpahinga.

“Yeah. Pero mas nakakatuwa ka.” sabi niya sabay tingin sa akin. Isang nakakalokong ngiti ang binitiwan niya.

“So mukha akong clown sa paningin mo?”

“Medyo.”

“Gago.” sabi ko.

Tawanan. Binuksan niya ang kanyang gray backpack. Kinuha niya ang isang chewing gum at inabot sa akin.

“Thanks.” binuksan ko ito at sinubo. Binuksan niya rin ang kanya at sinubo ito. “Ang dami mong baon na chewing gum.”

“Gusto ko laging may nginunguya. Para hindi ako makatulog.” sabay tingin sa labas ng bintana.

“Why?”

“I want to enjoy this tour. Gusto ko makalimot sa lahat ng problema ko.” sabi niya. Tumingin siya sa akin at nagbitiw ng isang pilit na ngiti. Ngumiti ako. Slowly I clap my hands.

“Congrats!” masaya kong sabi habang patuloy na pumapalakpak.

“Why?” kumunot ang kanyang noo. Bakas sa kanyang mukha na naguguluhan ito.

“You lowered your defence. Makakatulong iyan sa gusto mong mangyari.” sabay ngiti. “Mabuhay si Rome!” sigaw ko. Wala namang makakaintindi sa kagaguhan ko dahil kami lang ang Pilipino sa loob ng tour bus. Hehehe. Hindi niya napigilang humalakhak. Alam kong mukha akong tanga pero okay lang.

“That’s the reason kaya kita binibigyan ng chewing gum. Para hindi ka makatulog.”

“Para maaliw ka?” malakas kong sabi sa kanya.

Tumango siya sabay ngiti.

“Asus. Kailangan mo pala ako. Tapos sinusungitan mo ako kanina.”

“Hoy, hindi kita sinusungitan.” medyo napalakas ang kanyang boses.

“Yes you did.” sigaw ko sa kanya.

Inikot ko ang aking mga mata. Pagod ang lahat ng kasama namin habang ang ilan dito’y unti-unting bumabagsak ang ulo dahil sa pagod. Malamig ang buga ng aircon ng tour bus kaya naman mas masarap matulog at magpahinga. Tiningnan ko siya.

“Ang ingay natin. Mahiya naman tayo sa mga nagpapahinga.”

“Okay lang iyan. Kaysa naman makitulog tayo. Gusto ko ngang sulitin ang tour di ba? Isipin mo na lang, atin ang bus na ito at tayo lang ang tao.”


Parang atin ang mundo.” bulong ko sa sarili ko. Hindi ko napigilang mapangiti. Hindi ko maiwasang kiligin nang palihim. 




ITUTULOY


4 comments:

  1. Paganda ang kwentong to. Thanks sa update Mr Author.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hi. Maraming salamat po sa pagbabasa. Sana basahin niyo hanggang sa matapos. Promise di kayo magsisisi. ^_^

      Delete
  2. Maganda story Gab. Gusto ko ang mga wisdom talks nila, pero naghihintay ako ng something big especially kay Rome, lalo na yung signature mo Gab na mga pasabog at twists kagaya sa una mong story "Love Me Like I Am". Hugot at deep emotions din. Yun kasi signature mo Gab at pinakanagustohan ko sa iyo.

    - Zefyr

    ReplyDelete
    Replies
    1. Pwede ba naman mawala yun dude? Hahaha. Wala pa po tayo sa gitna ng Story antabay lang po. :-) But here's the thing, this is not like LMLIA na heavy drama. Light lang po ito pero nandoon pa rin po ang sinasabi niyo, ibang hugot at atake nga lang. I hope you'll like it pag nabasa niyo. ^_^

      Have a nice day!

      Delete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails