Followers

Friday, August 9, 2013

'Unexpected' Pre-Finale

Hi!

Ito na ang pre-finale! Yay.

Maraming salamat sa lahat ng patuloy na sumusuporta. Napansin ko sa mga comments niyo na marami ng naiinis kay Josh. Well, truth to be told, I can't blame you, dahil ako rin mismo ay naiinis na rin sa kanya haha. But I guess talagang ganoon ang naging paraan ko para i-craft siya. Lahat naman ng mga characters may kanya-kanyang personalities eh. It just so happens na ganoon ang kay Josh. And aminin natin, kung hindi man lang nag-inarte si Josh ay malamang matagal ng natapos ang story na ito, at hindi na ganoon kaexciting (assuming na exciting nga siya haha).

Abangan ang next update! Baka medyo matagalan, dahil syempre, kailangan kong pagbutihan ang pagsusulat noon. :)

Huwag kayong mag-alala, dahil mahaba ang finale. :)) Napansin kong may pagkamaikli pala ang mga chapters na naisusulat ko haha. Anyway...

Happy Reading!

Pre-finale

Josh.

“Gab.” nakangiti kong bati sa kanya. Nginitian niya ako pabalik, isang ngiting wagas at tila walang dinadalang problema. “Ano iyon, bes?” maligalig niyang pahayag at matapos ay inilingkis niya ang mga daliri niya sa mga daliri ng kamay ko na siyang ikinagulat ko. Napabalikwas na lamang ako at napatayo, binigyan ko siya ng isang nagtatakang tingin.

“Ano bang problema mo?” nagugulumihanan kong tanong. Nakita ko naman ang pagkawala ng sigla sa mukha niya. Nakita ko ang paglamlam ng mga mata niya, ang panlalata ng mga balikat niya. “Josh, ano? Wala ba talaga akong pag-asa sa’yo?” matamlay niyang tanong sa akin. Napakunot naman ang kilay ko sa tanong niya. Ano bang meron sa bestfriend ko ngayon?

“Josh, mahal kita.” sabi niya. At doon ay tila isang bagyo ang humataw sa akin. Pakiramdam ko ay nagising ako sa isang napakahimbing na tulog, at bumalik lahat ng nangyayari sa realidad ko. “Sa tingin mo ba, pag naging babae ako, may pag-asa na ako sa’yo, Josh?” at sa mga sandaling iyon ay nagsimula ng tumulo ang mga butil ng luha mula sa mga mata niya. Hindi ako makapagreact.

At doon ay humagulgol na siya, na siyang nagparamdam sa akin ng matinding paghihinagpis.

“Sa tingin mo ba, kung susubukan mo lang, kaya mo rin akong mahalin? Ang sakit-sakit na kasi, bes.” hinihingal niyang pahayag dahil sa sobrang paghagulgol.

“Gab...” at natameme na lamang ako.

“Ano bang kailangan kong gawin para mapansin mo ako, bes?” pagpapatuloy niya, ngunit hindi pa rin siya sumagot. Ilang sandali pa ay naglakad na siya sa akin papalayo. At doon ko napagtanto ang ginawa ko sa kanya. Agad-agad ko siyang hinabol, at hindi ako nabigo dahil napigilan ko siya. Hinawakan ko ang kanyang braso at ihinarap siya sa akin. 

“Gab, huwag mo akong iwan. Gab!” nagmamakaawa kong sabi sa kanya.

Ngunit ilang sandali pa ay parang binalewala lamang niya ang sinabi ko at nagpatuloy siya sa paglalakad papalayo. SInubukan kong habulin siya, ngunit kahit anong bilis ko ay hindi ko siya maabutan. Pinanood ko na lamang siya habang patuloy na lumalayo ang katawan niya mula sa akin, habang nadadagdagan ang laki ng distansya sa pagitan namin.

--

Panaginip.

Dali-dali kong naramdaman ang bigat ng katawan ko, at ang matinding sakit ng ulo. Nang sipatin ko ang alarm clock ko ay nakita kong alas nuebe na pala ng gabi. Agad-agad ko rin namang naramdaman ang kawalan ng buhay sa loob ng kwarto, at doon ko napagtanto na hindi ko na pala katabi si Matt. Alam kong tumabi siya sa akin, at niyakap ako na siya ko namang tinugunan nang maramdaman ko iyon nang maalimpungatan ako ng panandalian. Napansin ko rin na wala na ang note sa palad ko, which meant na nabasa na niya ito. Sana ay maintindihan niya ang sitwasyon ko, at hindi siya mapagod maghintay.

Muli kong naalala ang napanaginipan ko, at hindi ko na ikinagulat na nakita ko na lamang muli ang sarili kong umiiyak. Ito na nga ba ang sinasabi ko, paano ko maibibigay ang sarili ko kay Matt kung palagi na lamang akong nagtatago sa anino ng pagmamahal ko para kay Gab? Paano ko siya mamahalin ng tuluyan kung habangbuhay kong sisisihin ang sarili ko sa ginawa ko kay Gab? Paano niya ako patuloy na mamahalin kung palagi ko na lamang iniisip ang kapakanan ni Gab?

Paano kami magmamahalan kung hindi ko mapakawalan ang sarili ko mula kay Gab?

Alam ko kung gaano na nahihirapan si Matt. Itanggi man niya, kahit ano pang pagpapanggap sa pamamagitan ng pagpapatawa, ng pang-aaliw sa akin, ay alam kong nakatago doon ang mga hinanakit niya sa akin. Oo, alam kong may hinanakit siya sa akin hindi man niya sabihin. Hindi ko siya masisi, dahil heto siya, handang-handa na, ngunit heto ako, nakatanga pa rin sa mga alaala ng nakaraan.

Sana ay hindi dumating ang panahon na pagsisihan ko ang lahat, dahil huli na pala ako at tuluyan ng napagod si Matt kahihintay sa akin.

Believe me, Matt. I am trying.

--

Matt.

“Hi, bes. Alam kong by this tym gcing ka na. Don’t bother going to school, cnabi ko na kay tita na wag ka na mna pmasok, at mgpahinga ka nlng muna. Ako na bhala sa mga mami-miss mong requirements. Pagaling ka, ah. Wag mo akong pinag-aalala. I love you x 340148108423103913 :)).” ang text ko kay Josh kinabukasan.

“Ok. Salamat. Ingat ka. :-)” simple niyang reply, na siyang ikinalungkot ko.

Bakit walang ‘I love you too’?, sa isip ko.

Wala sa loob kong kinaladkad ang sarili ko papasok ng school. Paggising ko kaninang umaga ay ibang bersyon ng sarili ko ang nakita ko sa salamin. Mugto ang mga mata ko, at may maliliit na eyebags ang nagbabadyang tumubo sa ilalim nito. Hindi ako nakatulog, mahirap mang aminin ay buong gabi ako nag-iiiyak, dahil sa nangyari kahapon.

Iginala ko ang mga mata ko sa buong school para hanapin si Janine. Nakita ko siyang nakaupo sa isa sa mga lamesa kasama si Nikki. Nang magtama ang tingin namin ay agad tumayo si Janine, naglakad patungo sa akin at binigyan ako ng isang yakap. “Kamusta ka na?” malalim niyang tanong sa akin. Alam kong kahit hindi pa namin sinasabi sa kanya ang tungkol sa amin ni Josh ay may hinala na siya. Natutuwa naman ako dahil hindi siya nakikialam, at tila alam niya na hindi ito ang tamang pagkakataon para magtanong.

“Punta tayo sa likod ng stage.” diretso kong sabi at nanguna sa paglalakad. Agad namang sumunod ang dalawang babae ng walang tanong. Alam kong nagkakaintindihan kami na gusto ko munang magpunta sa isang tahimik na lugar kung saan makakapag-usap kaming tatlo ng masinsinan.

--

“What’s up?” tanong agad ni Nikki nang makaupo na kami sa sahig sa likod ng stage. “Okay naman. I’m getting by.” matamlay kong tugon. Si Janine naman ay napansin kong nakakunot ang mga kilay niya, kaya tinanong ko siya. “Anong meron sa’yo ngayon?” inosente kong tanong. Napailing naman siya at napabuntong-hininga.

“Ewan ko lang, ha. Pero my instincts tell me may something sa inyong dalawa ni Josh.” nagsususpetsa niyang pahayag sa akin. Agad ko namang naaalala na hindi ko pa pala nasasabi sa kanya. Si Nikki naman din ay wala pa ring alam ukol sa pag-amin sa akin ni Josh. Maging ang pag-amin ko noong field trip ay hindi ko pa rin naikwento sa kanya. Doon ko narealize na... simula ng magkaaminan kami ni Josh, parang na-isolate ko na ang sarili ko from the outside world. Masyado akong naka-focus sa kanya, na nakalimutan ko ng bigyang-pansin ang ibang mga tao sa paligid ko. Hindi ko rin naman masisi ang sarili ko, dahil matagal ko na itong pinangarap, eh.

“Huwag niyo na nga akong gaguhin, Matt. After ng unang gabi natin noong field trip napansin kong sobra, as in sobra niyong nilalayuan ang isa’t-isa. Doon pa lang nagtataka na ako, kasi alam ko namang bati na kayo at wala na kayong pinag-awayan. Then, nitong sembreak din noh. Kapag nagyayaya akong lumabas tapos nalaman niyong sasama ang isa, may laging excuse! Kaloka. Ano ba talagang nangyayari, ha? I feel so left out.” nagtatampo niyang pahayag.

“Girl, easy lang.” baling ni Nikki kay Janine bago niya ako bigyang-pansin. “Oo nga, Matt. Ano bang meron sa inyo? I know a few things, pero napansin ko rin na after ng sembreak, parang may nag-iba naman sa inyo. Kung noong field trip, sobrang layo niyo sa isa’t-isa, nitong pumasok na tayo ulit sobrang close close niyo na ni Josh. As in. Parang may nangyayari talagang something. Iyong iba nga nating classmates nagtataka na, eh. Ewan ko lang, ha. Ayoko kasing mag-assume. Ano ba talagang meron, Matt?” mahabang sabi sa akin ni Nikki.

“Sorry, guys. Hindi ko pa pala nasasabi.” medyo nahihiya kong pahayag bago kamutin ang ulo ko. Paano nga ba ako magsisimula? “Ok, magkkwento na ako. Pero promise niyo na hindi ito makakalabas. And, huwag niyong sasabihin kay Josh na may sinabi ako. Hindi nga pala siya makakapasok kasi may sakit siya.” pagsisimula ko. Medyo nag-alala naman ang dalawang babae dahil sa binalita ko sa kanila, ngunit agad-agad din nila akong pinilit na magpatuloy.

“Jans, remember ‘yung sinabi ko sa’yo about telling Josh na mahal ko siya?” tanong ko sa kanya. Tumango naman siya. “Well... I did.” nakayuko kong pahayag. Narinig ko naman ang pagsinghap niya. “WEH! Tangina ka! Bakit ngayon mo lang kinwento?!” pagrereklamo niya, habang hinahambalos ang likod ko ng mga palo. Iginiya ko naman ang mga kamay ko upang harangan ang pagiging bayolente ng kaibigan ko.

“Hoy! Oo na, sorry na!” depensa ko. Medyo kumalma naman siya pagkatapos noon. “Ano ng nangyari? Paano ka nagtapat? Shet!” paghikayat niya sa aking magpatuloy. “Oo nga, Matt!” excited namang tugon ni Nikki. Namula naman ako dahil naaalala ko na naman ang unang gabi ng field trip... kung paano ko siya hinalikan. Ikkwento ko ba iyon sa dalawang ito?

“Ano na?!” hindi mapakaling tanong ni Janine.

Umatras naman ako ng ilang hakbang, tinatantya ang magiging reaksyon ng dalawa. Judging how they reacted nang sabihin ko pa lang na nagtapat ako kay Josh... natatakot na ako para sa buhay ko. Lalo na kay Janine.

“Ahh eh... hinalika—“ at hindi pa ako nakakatapos sinasabi ko nang magreact agad ang dalawang babae. “AAAAAK! Shet!” eksaheradang sigaw ni Janine habang nagtatalon at tila nanginginig sa kilig. Si Nikki naman ay nakita kong tulala lamang at nakabukas ang bibig, tila hindi inaasahan ang magiging rebelasyon ko. Nakita ko na lamang ang mga paa kong naglalakad pakaliwa-pakanan. I fidgeted for a while, ramdam pa ang pamumula ng mga pisngi ko.

“Shet kinikilig ako. Whooooo.” pagpapatuloy ni Janine habang pinapaypayan ang sarili niya gamit ang mga kamay niya. “Oh my God. That is so cute. Naiimagine ko, girl!” at sa wakas ay nakapagsalita na rin si Nikki. Nag-apir ang dalawang babae at matapos ay nginisian ako na siya lalong nakapagpamula ng mga pisngi ko.

Sandaling tahimik ang paligid namin.

“Pero... I don’t get it. Ganon-ganon na lang iyon? I mean... oh my God! He rejected you kaya hindi ka niya pinapansin?! Hindi niya nagustuhan ‘yung ginawa mo? Akala ko mutual, oh God.” singhap ni Nikki. Nangunot naman ang noo ko dahil sa sinabi niya, ngunit agad ko namang naalala na wala pa palang alam ang dalawang babae tungkol sa mga nangyayari. “At least... bati na kayo, ‘di ba? Which meant nakausap mo na siya about the kiss? And you’re friends again?” pagpapatuloy niya, tila pinapapalakas ang loob ko. Si Janine naman ay nanatiling tahimik panandalian bago siya mapatayo.

“Oh my God. Matt. Oh my God. CONGRATULATIONS!” natutuwa niyang sigaw at matapos ay binigyan niya ako ng isang mahigpit na yakap. “OH MY GOD!!! Grabe.” hindi pa rin niya maka-get over na bulalas. “Girl, anong nangyari sa’yo?” clueless na tanong ni Nikki. Magsasalita na sana ako at magtatanong ukol sa di maipaliwanag na reaksyon ni Janine nang putulin ni Janine ang dapat kong sasabihin.

“Matt, I shouldn’t be telling this, pero... the night of your birthday, umamin si Josh sa akin na mahal ka niya.” kinikilig niyang pahayag. “Ano?!” hindi ko makapaniwalang tanong. Naiimagine ko ang eksenang tinutukoy ni Janine, at biglang bumilis ang tibok ng puso ko just thinking about Josh saying that he loves me. Napangiti ako ng wala sa oras.

“I still don’t get it. Anong explanation sa behaviour nila... Oh my God. Ibig sabihin mahal din ni Josh si Matt... and nagkaaminan na sila kaya bati na sila? FINALLY!!!” Unang naguluhan si Nikki, ngunit nang mapagtagpi-tagpi na niya ang mga nangyayari ay nagtitili at nagtatalon na ito sa tuwa. “Oh my God, Matt. Please tell me tama ako!” baling niya sa akin, excited sa magiging tugon ko.

Tumango na lamang ako at yumuko. This is the first time I technically told someone... hindi ko alam kung saan ko ilulugar ang nangyari sa pagitan namin ni Tita Stella.

“Ayyy, oh my God, shet friend. Dapat i-celebrate ito!” masayang-masaya na sabi ni Janine, si Nikki rin naman ay narinig ko na lamang na humahagikgik. Hindi ako nagre-react, dahil the truth is, ang dami kong pinoproblema. Kahit masaya para sa akin ang dalawa kong kaibigan ay agad-agad namang bumabalik sa akin ang nangyari kagabi, ang pagtawag ni Josh ng pangalan ni Gab. At doon ay tila sunud-sunod na mga bombang sumabog sa isipan ko ang mga bagay na kaakibat noon.

“Bakit natahimik ka?” takang tanong ni Janine.

Wala na akong sinayang na oras at naikwento ko na sa dalawa lahat ng mga hinanakit ko. Kailangan ko rin naman ng mapaglalabasan ng sama ng loob. I’ve been the strong one sa amin ni Josh, kasi kailangan, eh... ngunit minsan, kahit ang isang matatag na tao ay kailangan din ng kalinga ng iba. I found solace in these two friends of mine, kaya naman sobrang thankful ako, dahil ang laki ng iginaan ng pakiramdam ko.

Natahimik ang dalawang babae matapos ang mahaba kong paliwanag. Naikwento ko sa kanila lahat-lahat. Ang pagiging lutang palagi ni Josh, ang nangyari sa kanila ni Gab, at ang nangyari kagabi. Pinigilan ko ang sarili kong maging emosyonal, para naman makitaan nila ako ng lakas ng loob at patunayan sa kanilang hindi ako mapapagod maghintay.

Niyakap na lamang nila ako bilang tugon.

--

Buong araw ako tumatawag kay tita upang kamustahin ang kalagayan ni Josh, at natuwa naman ako nang sabihin ni Tita na okay na si Josh at patuloy pa rin sa pagpapahinga. Pinasalamatan ko si tita at naglakad na palabas ng school nang masipat ko ang isang mukhang dahilan ng malaking bahagi ng paghihinagpis ko. Napagdesisyunan kong dapat ko ng linawin ang mga bagay-bagay, na dapat ko na siyang kausapin.

Hindi lang para sa akin, ngunit para na rin kay Josh.

Nadatnan ko siyang mag-isang naglalakad patungo sa parehong direksyong tinatahak ko, ngunit nauuna siya ng may kalayuang distansya. Hindi na ako nagdalawang-isip pa, at tinawag ko ang pangalan niya, determinadong tuldukan na ang lahat ng paghihirap namin ni Josh.

“Gab!”

Nang lumingon siya ay nakita ko ang madaliang pagbabago ng ekspresyon ng mukha niya: mula sa kanyang normal na ekspresyon, ay nakita kong daliang kumunot ang mga kilay niya, hanggang sa tuluyan ng purong galit ang nakita ko sa mga mata niya. Iginiya na niya ang buong katawan niya paharap sa direksyon ko. Medyo natakot ako sa nakitang ayos ni Gab. Ito ang unang pormal naming pag-uusap kung sakali, at nakikita kong hindi ito magiging madali.

Ngunit kakayanin ko para kay Josh.

“Ikaw? Anong kailangan mo?” maangas niyang tanong, bakas ang nag-aapoy na galit sa tono ng boses niya. Aaminin kong gusto kong ibato pabalik sa kanya ang ginawa niyang pagsagot, ngunit naisip kong hindi ito ang tamang panahon upang labanan ang galit ni Gab sa pamamagitan ng galit ko... teka, ibig sabihin, galit talaga ako sa kanya? Now that I thought of it... oo, galit ako sa kanya, dahil binalewala niya si Josh sa loob ng matagal na panahon.

“Pwede ba kitang makausap?” simpleng tanong ko. Maging ako ay nagulat sa pagiging mahinahon ko. “You are already talking to me, dumbass.” sarkastiko niyang balik sa akin, at sa mga oras na iyon ay gusto ko na siyang sugurin at ambahan ng mga suntok. They weren’t kidding when I heard na may ganitong aura talaga si Gab na nakakatakot, idagdag mo pa ang suplado niyang reputasyon sa school, at ang pagiging student leader niya na siyang dahilan kung bakit sadyang maraming nai-intimidate sa kanya.

Napabuntong-hininga ako, pilit pinakakalma ang sarili ko.

“Seryoso ako. Kinakausap kita ng maayos. I hope I get the same treatment from you. Uulitin ko, pwede ba tayong mag-usap?” kaswal kong pakikitungo sa kanya. Nanatili ang kanyang ekspresyong puno ng galit hanggang sa tumalikod na lamang siya at naglakad pabalik ng school. “Anong—“ magproprotesta na sana ako nang putulin ako ng sumunod niyang sinabi. “Follow me.” habang patuloy siyang naglalakad. SInundan ko siya hanggang sa makarating kami sa office ng student council.

Naupo siya sa isang mahabang bench at inanyayahan niya akong maupo sa espasyo malapit sa kanya. Agad naman akong sumunod sa kanya.

--

Gab.

Of all people, I never thought that I’d be spending my afternoon with Matt.

I did my best to keep a low profile, which was quite unnerving, given my position in school. Ngunit pinagbuti ko pa rin iyon for Josh’s sake. Nagpromise kasi ako sa kanyang magpapakalayu-layo muna ako hanggang wala pa siyang desisyon... which frustrates me a lot, dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin siya tumatawag. Ngunit dahil na rin sa hindi niya pagkibo sa akin ay nabubuhayan ako ng loob, dahil hindi pa niya ako tuluyang nire-reject, which meant that he’s still taking his time to think things, to assess his love for me.

May pag-asa pa pala.

And then this shit decides to show up and tells me that he wants to talk to me. Nang una ay nagalit pa ako, remembering kung ano ang nangyari sa huli naming encounter, and remembering that he was the person who basically kicked me out of Josh’s life. Oo, aaminin kong malaki rin ang kasalanan ko kay Josh, ngunit ang kaso kasi ay... everything was going smoothly between the two of us, and bigla na lang naglaho si Josh na parang bula, only to find out I’ve been replaced by this prick sitting with me inside my office.

It was basically my, and Matt’s fault, why I was replaced.

“Well?” tanong ko, dahil mahigit na sa limang minuto ay hindi pa rin siya nagsasalita, which drives me to my edge. Hindi ako patient na tao, kaya each passing second ay nadadagdagan ang pagkairita ko sa taong ito dahil sa pagkainip. At bawat segundong dumadaan ay lalong umiigting ang galit ko para kay Matt.

Finally, he spoke.

“Gab, mahal mo ba si Josh?” pagsisimula niya.

Thanks for starting easy.

“Oo.” walang takot kong sagot sa tanong niya. I don’t like where this is going. Bakit ba niya ako tinatanong? Anong kinalaman niya dito? Homophobe ba siya at gusto niya akong ilayo na ng tuluyan kay Josh? Pinadala ba siya dito ni Josh upang balaan akong lumayo na sa kanya? Sa mga naiisip kong ito ay tila lalong pinamumukha sa akin ng tadhana ang pagkatalo ko. It seems like reality is shoving every possible way to let me know that I didn’t deserve Josh.

Tiningnan niya ako ng malalim, at napatango.

“Kasi... ako rin, mahal ko siya. Mahal na mahal ko siya, Gab.” tila nanghihina niyang pahayag bago siya tuluyang mapayuko.

I felt like I was hit by a storm after what he told me.

“Gab, mahal ko siya. More than you could ever know. Nahihirapan na ako, dahil nakikita ko siyang sobrang nasasaktan sa nagawa mo sa kanya, sa ginawa niya sa’yo.” napabuntong-hininga siya bago magpatuloy. Ako naman ay wala pa ring masabing kahit ano, dahil sadyang nabigla talaga ako at natigilan sa rebelasyon niya.

“Natatakot si Josh. Nagui-guilty siya, dahil sa ginawa niya sa’yo. And it pains seeing me na hindi ko magawang alisin ang pain niya. Alam ko, Gab, ikaw lang ang tuluyang makagagamot sa mga sugat niya.” nagmamakaawa niyang pahayag. At aaminin kong medyo lumambot ang puso kong bato sa mga narinig ko sa kanya. Nakikita ko kasi ang sinseridad sa mga mata niya. More importantly... nakita ko ang sarili ko sa kanya ngayon.

“Gab, please. Talk to him. Patawarin mo na siya para maging masaya na siya. Let him go...” pagpapatuloy niya, ramdam ko ang pait at pangangailangan sa boses niya. Hindi pa rin ako nagsasalita.

At makalipas ang ilang sandali ay nasaksihan ko ang isang pangyayaring hindi ko inaasahan.

Lumuhod sa harap ko si Matt, at nagsimulang umiyak.

“Please, Gab. Hindi maibigay ni Josh sa akin ng buo ang pagmamahal niya dahil sa—“ and in that point it seemed like all the things that caused me not to speak earlier broke down.

“Ano?” malakas kong tanong, hindi makapaniwala sa narinig ko.

“Gab, mahal ako ni Josh. At mahal ko siya.” sagot niya. Naramdaman ko ang tila pagbigat ng katawan ko sa narinig ko.

Talo na ako.

I always knew na mahal niya si Matt. I saw it in Josh’s face that night when I told him I loved him. Takot lang akong komprontahin siya, at aminin sa sarili ko ang nakita ko sa kanya. Ayaw ko mang aminin sa sarili ko, kaya ako naging desperado nang gabing iyon, ay dahil naisip ko ang posibilidad ng pagkatalo. Iniisip ko pa lang na may ibang tao na ang may hawak ng puso ni Josh, lalo kong sinisisi ang sarili ko sa mga kagaguhang nagawa ko.

“I’m begging you, Gab. Do this for him. Hell, do this for me! Gab, kung alam mo lang... kung gaano kasakit na nakikita ang taong mahal mo na kasama mo, ngunit hindi lubusang masaya sa piling mo. Gab, ako ang kasama ni Josh, pero alam kong hindi ako ang nakikita at naiisip niya!” at doon ay bumigay na si Matt at humagulgol habang nakaluhod pa rin sa harap ko.

“Kaya nga lumapit ako sa’yo, dahil alam kong ito na lang ang natitirang paraan para matapos na ang paghihirap ni Josh, para mawala na ang takot niya. Gab, he’s been hiding in your shadows! Masyado mo siyang pinapahirapan by staying away from him. Distance does not do anything, Gab. It made him worse. Hanggang hindi mo siya pinapatawad, patuloy pa ring ikukulong ni Josh ang sarili niya.” mahaba niyang pahayag.

Nakatitig pa rin ako sa kanya na parang isang istatwa.

--

Matt.

Walang naging reaksyon si Gab.

“Gab, alam ko kung gaano ako ka-selfish na tao at ako pa, of all people, ang humihingi sa iyo ng ganitong kalaking pabor. Please, hayaan mo ng maging maligaya si Josh.” pagmamakaawa ko. Sa mga oras na iyon ay kinalimutan ko na lahat ng alam ko ukol sa pride, and self-worth. Hindi ko akalaing madadala ako sa ganitong punto ng pag-ibig. Ngunit hindi ako nagsisisi.

“Pa—paano naman ako? Mahal ko rin siya. Hindi madali ang hinihingi mo.” tanong niya, at nang masdan ko ang mukha niya ay nakita ko ang isang mukhang bakas ng hinagpis. Ito rin marahil ang mukhang nakita ni Josh noong gabi bago ang field trip, at ngayong nakita ko na ito, ay hinding-hindi ko na masisi si Josh. Ibang-ibang Gab ang nasa harapan ko ngayon. Napakalayo sa imahe ni Gab sa school, kung saan lahat ng estudyante ay ginagalang siya. Tila sa mga oras na iyon ay lahat ng mga pader na binuo niya para protektahan ang sarili niya ay tuluyan ng nabuwag.

“Exactly. Kapag mahal mo ang isang tao, willing kang ibigay ang kasiyahan niya. Gab... ang gusto ko lang ay mapatawad mo na si Josh. At lalo siya magiging masaya kung magkakaayos muli kayo. Gab... mahal ka ni Josh, at importante ka sa kanya kaya siya nagkakaganito. Please, huwag mong ipagkait sa kanya iyon.” pagpapatuloy ko habang walang sawa ang pag-agos ng mga luha mula sa mga mata ko.

Ilang minuto siyang walang reaksyon at nakatingin lamang sa kawalan.

Tumayo na ako at mataman siyang tiningnan bago siya bigyan ng huling mensahe.

“Gab, mahal ko si Josh. Pareho natin siyang mahal. Sana—mali—alam kong naiintindihan mo ang pinanggagalingan ko. Huwag mo sanang isipin na ginagawa ko ito para lang tuluyan na siyang maagaw sa’yo. Alam mong alam ko na ang dahilan ng lahat ng ito, ay gusto ko lamang na lumigaya na siya. Matalino kang tao, Gab. Alam kong naiintindihan mo ako, dahil nagmamahal ka rin naman, eh. Sana pag-isipan mo ito, Gab. Please.” huli kong pahayag. Akala ko ay wala na akong makukuha mula sa kanya, ngunit nagkamali pala ako.

Nagsisimula pa lamang.

“I feel so alone! All my life, I’ve been searching for love, for attention, dahil kahit sariling pamilya ko hindi iyon maibigay sa akin! And then, there’s Josh. Siya ang nagparamdam sa akin noon. To have him taken away just like that... napakasakit, Matt! Now, tell me! Tell me that you know how I really feel! You don’t know anything, Matt. You never lived my life. You never experienced coming home to no one around to ask you how your day was. I never experienced the love of a father, hell—even my mother, mas tinuturing pa niyang anak niya ‘yung business namin kaysa sa akin! Matt, with Josh I feel that I matter! That I can be something—that, I can be loved! Now, with everything I told you, how do you expect me to let go of him that easily, huh?! You insensitive son of a bitch!” galit niyang bulyaw sa akin, and surprisingly, wala akong naging reaksyon. Hindi ako nagalit sa kanya, at imbes ay awa pa ang naramdaman ko para sa kanya.

“And you know what frustrates me? Is that I’m the cause of his pain! He doesn’t deserve this. He doesn’t deserve me! Kahit pa mahal ko siya, alam kong ako ang dahilan kung bakit siya ganiyan ngayon, kaya nasasaktan ako! Sobra, Matt. It pains me so much knowing to myself that I can never have him! I’ve hurt him so much already, hindi ko na kayang gawin iyon ulit sa kanya. I’ve been a coward all my life, and look where this got me... I guess I need to be brave and let him go, kahit sobrang sakit.” at doon ay nagsimula na siyang humagulgol.

Walang sabi-sabi ay inakbayan ko siya. Hindi naman siya tumutol sa ginawa ko at nagpatuloy lamang sa pag-iyak si Gab. “Just promise me... na aalagaan mo siya, na mamahalin mo siya. Iyon lang, Matt. That’s all.” huli niyang sabi. Magsasalita pa sana ako para pakalmahin siya nang walang sabi-sabi ay pinagtabuyan niya ako palabas ng office niya. “Just go.” walang kaemosyong-emosyon niyang sabi.

Napabuntong-hininga na lamang ako at nagdesisyong umuwi na ng bahay.

--

FAST FORWARD.

Sa paglipas ng mga linggo—oo, linggo—naging mabuti na ang lagay ni Josh. Nakikita ko na ang mga ngiti niya, ang mga tawa niya, at mas nararamdaman ko na ang pagmamahal niya sa akin. Okay na rin sila ni Gab, at nakapag-usap na rin sila, at nagkaayos. Maging kami ni Gab ay nagkaayos na rin, and have settled all issues between the two of us. For once, everything is falling into place...

...if only things were that simple.

Matt, magtigil ka nga! Nababaliw ka na naman, pagsita ng utak ko.

Kabaligtaran ang lahat ng nangyayari ngayon.

Paunti-unti kong nararamdaman ang paglayo ng loob ni Josh sa akin. Unti-unti ay nararamdaman ko ang nagbabadyang pagkawala niya sa akin. Palagi siyang tulala, at hindi makausap ng maayos. Kung noon ay natitiis ko pa, dahil kapag kaming dalawa na lamang ay tila bumabalik siya sa kanyang dating sarili, ay iba na ngayon. Palagi siyang iritable, at hindi makausap ng matino. Tuwing mags-space out siya ay pilit niyang itatanggi na may bagay na bumabagabag sa kanya, ngunit ramdam ko... ramdam kong nag-iba na ang samahan naming dalawa. I gave him the space he’s asking.

At ramdam kong wala akong magawa para ibsan ang mga kasalukuyang nangyayari.

Pero tinitiis ko pa rin, kasi ayaw kong maramdaman niyang susukuan ko siya, kahit sa totoo lang ay may isang napakaliit na bahagi ng pagkatao ko ang tinatanong ang sarili ko kung may halaga pa ba ang laban na ito. Sa tuwing dumadating ang mga ganitong pagkakataon kung saan kinukwestyon ko na ang mga ginagawa ko para kay Josh, iniisip ko na lamang ulit ang pinagmulan lahat ng ito: ang pagmamahal ko sa kanya, at muli kapag nangyayari iyon ay bumabalik ang determinasyon kong ipagpatuloy ang laban.

Isang araw ay nagulat na lamang ako nang ipatawag kaming dalawa ni Nikki sa Principal’s office. Syempre noong una ay medyo kinabahan ako, dahil sa pagkakaalam ko ay wala naman akong nagawa para maging rason ng disciplinary action at kailangan pa akong ipatawag sa Principal’s office. Ganoon din naman si Nikki na halata sa kanya ang pagtataka.

Nang pumasok ako sa Principal’s office ay nagulat ako nang madatnan ko ang mangilan-ngilang estudyanteng nakatayo sa harap ng table ni Principal Porciuncula. Nalingon naman si sir at inacknowledge ang presensya namin ni Nikki, at pinapunta kami sa harap niya. Hanggang ngayon ay clueless pa rin ako kung ano ang pakay namin dito.

“Malamang ay nagtataka kayo kung bakit ko kayo pinatawag dito.” pambungad niya, stating the obvious. Tumango na lamang ako bilang pagtugon, at ang iba ay nanatiling tahimik. “I summoned you all here, because malapit na ang Intramurals ng school.” pagpapatuloy ni sir. Nangunot naman ang noo ko. Anong kinalaman namin sa Intramurals? Hindi naman ako student council, or athlete para maging involved, maliban na lamang kung...

Tanginang ‘yan. Huwag naman sana, protesta ng utak ko.

“Sir, I don’t understand. Ano po ang magiging involvement namin sa Intrams?” tila hindi na rin nakatiis si Kath, isa sa mga ka-batch ko mula sa ibang section. Sinang-ayunan naman naming lahat ito, at tumango ang lahat ng estudyanteng kasama namin. Nagkatinginan kami ni Nikki. Tila may ideya na kami kung ano ba ang balak ni sir, at napapailing na lamang ako sa mga naiisip ko. Sana ay mali ang akala ko.

“Well, the past week, I’ve asked all the advisers of all the sections of the High School Department to choose 2 potential candidates from their advisory classes for the pageant.” pahayag ni sir. Napa-facepalm naman ako sa utak ko, dahil tama ang inaakala ko. First of all, ayokong-ayoko ng mga ganitong patimpalak. Ikalawa, alam kong magkakalat lamang ako. Ano kayang nakain ni Ms. de Vera at ako ang naisipan niyang ipadala bilang representative ng section namin? Kung kay Nikki ay naiintindihan ko pa, eh kasi kakaiba naman talaga ang ganda niya, with her pixie cut and all. Eh ako? I mean, hindi naman sa pagbubuhat ng bangko, pero alam ko namang may ibubuga naman ang itsura ko kahit papaano... ang issue ko lang is ‘yung self-confidence ko. Alam kong alam ni ma’am na hindi ako aktibo sa klase, kaya naman medyo naiinis ako talaga sa kanya ngayon. Naka-drugs ata si ma’am, eh. Ikatlo, alam kong hindi ako pwede basta-bastang magback-out dito. Kailangan munang makausap ang magulang ng estudyanteng may balak umatras bago siya payagan. Apparently, the pageant in this school is a big deal. Iyon ang kalakaran dito, kaya naman ang sabi nila, kapag napili ka, matuwa ka. Pwes, ako hindi!

“And since 25th year ng school natin this year, it’s going to be one major event. The school hired trainers, and choreographers to assist you all throughout. And medyo magiging busy kayo dahil sa training at marami sigurong beses na hindi kayo makaka-attend ng klase, pero don’t worry, excused kayo everytime may class kayo na tatamaan ng training.” mahaba niyang pahayag.

Ano ba ‘yan!

Ito ang pinakaikinalumo ko, dahil dito, dahil sa pesteng pageant na ito... alam kong malalayo ako kay Josh. Hindi ko na siya gaano mababantayan, and napakaperfect timing naman talaga nitong pageant, dahil tila on the rocks na ang samahan namin. Hindi man kami nag-aaway, wala man sa aming nagsasalita, alam naming tila may lamat na kung anuman ang nasimulan namin. Ewan ko ba, naiinis na rin ako sa kanya, eh. Masyado niyang dinidibdib si Gab. Nandito naman ako, eh.

Kaya walang nangyayari sa amin, eh, dahil patuloy pa rin niyang kinukulong ang sarili niya kay Gab!

--
“Hoy, friend. Anong nangyari, bakit pinatawag kayo sa principal’s office?” tanong ni Janine matapos kaming makabalik galing sa office. “Nasaan si Josh?” pag-iiba ko sa usapan. “Nag-CR. Hoy, ano? Bakit nga?” tanong ulit ni Janine. Ayaw niyang bitawan ang subject na gusto niyang malaman. Napabuntong-hininga ako, seeing na kahit anong gawin ko ay hindi magpapatinag si Janine. “Intrams. Pageant. Contestant.” simple at walang gana kong sagot.

“Emergherd!” singhap niya. “Pffft.” inis kong pahayag. “Hoy! Oh my God! Excited na ako! Ako stylist, and make-up artist mo! Please, please, please, please, please!” reaksyon ni Janine habang magkalapat pa ang dalawa niyang kamay na tila nagdadasal. “Janine, kakausapin ko si Papa para i-atras ako sa competition. This is not really my thing.” pagpapaliwanag ko na siya agad namang tinutulan ni Janine. “Matt, look! Can’t you see? Ito na ang perfect opportunity!” excited niyang pahayag. Binigyan ko na lamang siya ng isang nagtatanong na tingin, dahil hindi ko talaga makuha ang sinasabi niya. “To bring back the spark, noh! Hoy, pansin ko kasi na medyo nagkakalamigan na kayo ni bebe Josh. Gamitin mo ‘tong pageant para ma-impress mo siya! Show him kung sino ang papakawalan niya, more importantly, KUNG GAANO KALAKI ANG MAWAWALA SA KANYA, kapag pinagpatuloy pa rin niya ang panlalamig sa’yo.” makahulugang pahayag ni Janine.

Napaisip ako sa sinabi niya.

Seems like this pageant is not a bad idea after all.

--

Itutuloy...
--
Damn, matatapos na pala talaga 'to! Anong gusto niyong mangyari sa finale? :)

8 comments:

  1. Mamamatay si josh. Joke haha nice work mr.authorr!!!kagNdaa

    ReplyDelete
  2. Ganda ! Mgkakaron b ng Book 2 ?

    ReplyDelete
  3. arte ni josh hahaha, pakamatay nalang sia haha

    ReplyDelete
  4. mananalo c MATT sa pageant at d same time sa puso ni JOSH! YESSSS! a very happy ending between the 2 lovers w stronger friendship of GAB, JANINE AND NIKKI. whoooooo!.

    ReplyDelete
  5. Matauhan na sana c josh sa kaartehan nya kapag nawala pa c matt saka cya magsisisi. Show to him matt...go go go sa pageant. Tnx sa update

    Randzmesia

    ReplyDelete
  6. sana GAB-MATT nalang magkatuluyan tapos kapag malaman ni JOSH na may relasyon ang dalawa, magpapakamatay nalang si JOsh..tatalon sa bangin..PAK CHECK! Hahahaha HAHAHAHA

    ReplyDelete
  7. Matt-Janine, JOSH-GAB magka2loyan, FINAL n yan! sarap bunotin lahat pilikmata ne Josh s 22o lng pati kilay hehe(ang taray)
    hnd nmn pla msaya c Josh k Matt, time to part ways, simple as that!
    What makes ds stori "Unexpected"????? hmmmmmm... kitakits nlng s finals :)

    AtSea

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails