Hi!
Ito na ang pre-finale! Yay.
Maraming salamat sa lahat ng patuloy na sumusuporta. Napansin ko sa mga comments niyo na marami ng naiinis kay Josh. Well, truth to be told, I can't blame you, dahil ako rin mismo ay naiinis na rin sa kanya haha. But I guess talagang ganoon ang naging paraan ko para i-craft siya. Lahat naman ng mga characters may kanya-kanyang personalities eh. It just so happens na ganoon ang kay Josh. And aminin natin, kung hindi man lang nag-inarte si Josh ay malamang matagal ng natapos ang story na ito, at hindi na ganoon kaexciting (assuming na exciting nga siya haha).
Abangan ang next update! Baka medyo matagalan, dahil syempre, kailangan kong pagbutihan ang pagsusulat noon. :)
Huwag kayong mag-alala, dahil mahaba ang finale. :)) Napansin kong may pagkamaikli pala ang mga chapters na naisusulat ko haha. Anyway...
Happy Reading!
Pre-finale
Josh.
“Gab.”
nakangiti kong bati sa kanya. Nginitian niya ako pabalik, isang ngiting wagas
at tila walang dinadalang problema. “Ano iyon, bes?” maligalig niyang pahayag
at matapos ay inilingkis niya ang mga daliri niya sa mga daliri ng kamay ko na
siyang ikinagulat ko. Napabalikwas na lamang ako at napatayo, binigyan ko siya
ng isang nagtatakang tingin.
“Ano
bang problema mo?” nagugulumihanan kong tanong. Nakita ko naman ang pagkawala
ng sigla sa mukha niya. Nakita ko ang paglamlam ng mga mata niya, ang panlalata
ng mga balikat niya. “Josh, ano? Wala ba talaga akong pag-asa sa’yo?” matamlay
niyang tanong sa akin. Napakunot naman ang kilay ko sa tanong niya. Ano bang
meron sa bestfriend ko ngayon?
“Josh,
mahal kita.” sabi niya. At doon ay tila isang bagyo ang humataw sa akin.
Pakiramdam ko ay nagising ako sa isang napakahimbing na tulog, at bumalik lahat
ng nangyayari sa realidad ko. “Sa tingin mo ba, pag naging babae ako, may
pag-asa na ako sa’yo, Josh?” at sa mga sandaling iyon ay nagsimula ng tumulo
ang mga butil ng luha mula sa mga mata niya. Hindi ako makapagreact.
At
doon ay humagulgol na siya, na siyang nagparamdam sa akin ng matinding
paghihinagpis.
“Sa
tingin mo ba, kung susubukan mo lang, kaya mo rin akong mahalin? Ang
sakit-sakit na kasi, bes.” hinihingal niyang pahayag dahil sa sobrang
paghagulgol.
“Gab...”
at natameme na lamang ako.
“Ano
bang kailangan kong gawin para mapansin mo ako, bes?” pagpapatuloy niya, ngunit
hindi pa rin siya sumagot. Ilang sandali pa ay naglakad na siya sa akin
papalayo. At doon ko napagtanto ang ginawa ko sa kanya. Agad-agad ko siyang
hinabol, at hindi ako nabigo dahil napigilan ko siya. Hinawakan ko ang kanyang
braso at ihinarap siya sa akin.
Ngunit
ilang sandali pa ay parang binalewala lamang niya ang sinabi ko at nagpatuloy
siya sa paglalakad papalayo. SInubukan kong habulin siya, ngunit kahit anong
bilis ko ay hindi ko siya maabutan. Pinanood ko na lamang siya habang patuloy
na lumalayo ang katawan niya mula sa akin, habang nadadagdagan ang laki ng
distansya sa pagitan namin.
--
Panaginip.
Dali-dali
kong naramdaman ang bigat ng katawan ko, at ang matinding sakit ng ulo. Nang
sipatin ko ang alarm clock ko ay nakita kong alas nuebe na pala ng gabi.
Agad-agad ko rin namang naramdaman ang kawalan ng buhay sa loob ng kwarto, at
doon ko napagtanto na hindi ko na pala katabi si Matt. Alam kong tumabi siya sa
akin, at niyakap ako na siya ko namang tinugunan nang maramdaman ko iyon nang
maalimpungatan ako ng panandalian. Napansin ko rin na wala na ang note sa palad
ko, which meant na nabasa na niya ito. Sana ay maintindihan niya ang sitwasyon
ko, at hindi siya mapagod maghintay.
Muli
kong naalala ang napanaginipan ko, at hindi ko na ikinagulat na nakita ko na
lamang muli ang sarili kong umiiyak. Ito na nga ba ang sinasabi ko, paano ko
maibibigay ang sarili ko kay Matt kung palagi na lamang akong nagtatago sa
anino ng pagmamahal ko para kay Gab? Paano ko siya mamahalin ng tuluyan kung
habangbuhay kong sisisihin ang sarili ko sa ginawa ko kay Gab? Paano niya ako
patuloy na mamahalin kung palagi ko na lamang iniisip ang kapakanan ni Gab?
Paano
kami magmamahalan kung hindi ko mapakawalan ang sarili ko mula kay Gab?
Alam
ko kung gaano na nahihirapan si Matt. Itanggi man niya, kahit ano pang
pagpapanggap sa pamamagitan ng pagpapatawa, ng pang-aaliw sa akin, ay alam kong
nakatago doon ang mga hinanakit niya sa akin. Oo, alam kong may hinanakit siya
sa akin hindi man niya sabihin. Hindi ko siya masisi, dahil heto siya,
handang-handa na, ngunit heto ako, nakatanga pa rin sa mga alaala ng nakaraan.
Sana
ay hindi dumating ang panahon na pagsisihan ko ang lahat, dahil huli na pala
ako at tuluyan ng napagod si Matt kahihintay sa akin.
Believe me, Matt. I am trying.
--
Matt.
“Hi, bes. Alam kong by this tym gcing ka
na. Don’t bother going to school, cnabi ko na kay tita na wag ka na mna pmasok,
at mgpahinga ka nlng muna. Ako na bhala sa mga mami-miss mong requirements.
Pagaling ka, ah. Wag mo akong pinag-aalala. I love you x 340148108423103913 :)).” ang text ko kay Josh kinabukasan.
“Ok. Salamat. Ingat ka. :-)” simple niyang reply, na siyang
ikinalungkot ko.
Bakit walang ‘I love you too’?, sa isip ko.
Wala
sa loob kong kinaladkad ang sarili ko papasok ng school. Paggising ko kaninang
umaga ay ibang bersyon ng sarili ko ang nakita ko sa salamin. Mugto ang mga
mata ko, at may maliliit na eyebags ang nagbabadyang tumubo sa ilalim nito.
Hindi ako nakatulog, mahirap mang aminin ay buong gabi ako nag-iiiyak, dahil sa
nangyari kahapon.
Iginala
ko ang mga mata ko sa buong school para hanapin si Janine. Nakita ko siyang
nakaupo sa isa sa mga lamesa kasama si Nikki. Nang magtama ang tingin namin ay
agad tumayo si Janine, naglakad patungo sa akin at binigyan ako ng isang yakap.
“Kamusta ka na?” malalim niyang tanong sa akin. Alam kong kahit hindi pa namin
sinasabi sa kanya ang tungkol sa amin ni Josh ay may hinala na siya. Natutuwa
naman ako dahil hindi siya nakikialam, at tila alam niya na hindi ito ang
tamang pagkakataon para magtanong.
“Punta
tayo sa likod ng stage.” diretso kong sabi at nanguna sa paglalakad. Agad
namang sumunod ang dalawang babae ng walang tanong. Alam kong nagkakaintindihan
kami na gusto ko munang magpunta sa isang tahimik na lugar kung saan
makakapag-usap kaming tatlo ng masinsinan.
--
“What’s
up?” tanong agad ni Nikki nang makaupo na kami sa sahig sa likod ng stage.
“Okay naman. I’m getting by.” matamlay kong tugon. Si Janine naman ay napansin
kong nakakunot ang mga kilay niya, kaya tinanong ko siya. “Anong meron sa’yo
ngayon?” inosente kong tanong. Napailing naman siya at napabuntong-hininga.
“Ewan
ko lang, ha. Pero my instincts tell me may something sa inyong dalawa ni Josh.”
nagsususpetsa niyang pahayag sa akin. Agad ko namang naaalala na hindi ko pa
pala nasasabi sa kanya. Si Nikki naman din ay wala pa ring alam ukol sa
pag-amin sa akin ni Josh. Maging ang pag-amin ko noong field trip ay hindi ko
pa rin naikwento sa kanya. Doon ko narealize na... simula ng magkaaminan kami
ni Josh, parang na-isolate ko na ang sarili ko from the outside world. Masyado
akong naka-focus sa kanya, na nakalimutan ko ng bigyang-pansin ang ibang mga
tao sa paligid ko. Hindi ko rin naman masisi ang sarili ko, dahil matagal ko na
itong pinangarap, eh.
“Huwag
niyo na nga akong gaguhin, Matt. After ng unang gabi natin noong field trip
napansin kong sobra, as in sobra niyong nilalayuan ang isa’t-isa. Doon pa lang
nagtataka na ako, kasi alam ko namang bati na kayo at wala na kayong
pinag-awayan. Then, nitong sembreak din noh. Kapag nagyayaya akong lumabas
tapos nalaman niyong sasama ang isa, may laging excuse! Kaloka. Ano ba talagang
nangyayari, ha? I feel so left out.” nagtatampo niyang pahayag.
“Girl,
easy lang.” baling ni Nikki kay Janine bago niya ako bigyang-pansin. “Oo nga,
Matt. Ano bang meron sa inyo? I know a few things, pero napansin ko rin na
after ng sembreak, parang may nag-iba naman sa inyo. Kung noong field trip,
sobrang layo niyo sa isa’t-isa, nitong pumasok na tayo ulit sobrang close close
niyo na ni Josh. As in. Parang may nangyayari talagang something. Iyong iba nga
nating classmates nagtataka na, eh. Ewan ko lang, ha. Ayoko kasing mag-assume.
Ano ba talagang meron, Matt?” mahabang sabi sa akin ni Nikki.
“Sorry,
guys. Hindi ko pa pala nasasabi.” medyo nahihiya kong pahayag bago kamutin ang
ulo ko. Paano nga ba ako magsisimula? “Ok, magkkwento na ako. Pero promise niyo
na hindi ito makakalabas. And, huwag niyong sasabihin kay Josh na may sinabi
ako. Hindi nga pala siya makakapasok kasi may sakit siya.” pagsisimula ko.
Medyo nag-alala naman ang dalawang babae dahil sa binalita ko sa kanila, ngunit
agad-agad din nila akong pinilit na magpatuloy.
“Jans,
remember ‘yung sinabi ko sa’yo about telling Josh na mahal ko siya?” tanong ko
sa kanya. Tumango naman siya. “Well... I did.” nakayuko kong pahayag. Narinig
ko naman ang pagsinghap niya. “WEH! Tangina ka! Bakit ngayon mo lang
kinwento?!” pagrereklamo niya, habang hinahambalos ang likod ko ng mga palo.
Iginiya ko naman ang mga kamay ko upang harangan ang pagiging bayolente ng
kaibigan ko.
“Ano
na?!” hindi mapakaling tanong ni Janine.
Umatras
naman ako ng ilang hakbang, tinatantya ang magiging reaksyon ng dalawa. Judging
how they reacted nang sabihin ko pa lang na nagtapat ako kay Josh... natatakot
na ako para sa buhay ko. Lalo na kay Janine.
“Ahh
eh... hinalika—“ at hindi pa ako nakakatapos sinasabi ko nang magreact agad ang
dalawang babae. “AAAAAK! Shet!” eksaheradang sigaw ni Janine habang nagtatalon
at tila nanginginig sa kilig. Si Nikki naman ay nakita kong tulala lamang at
nakabukas ang bibig, tila hindi inaasahan ang magiging rebelasyon ko. Nakita ko
na lamang ang mga paa kong naglalakad pakaliwa-pakanan. I fidgeted for a while,
ramdam pa ang pamumula ng mga pisngi ko.
“Shet
kinikilig ako. Whooooo.” pagpapatuloy ni Janine habang pinapaypayan ang sarili
niya gamit ang mga kamay niya. “Oh my God. That is so cute. Naiimagine ko,
girl!” at sa wakas ay nakapagsalita na rin si Nikki. Nag-apir ang dalawang
babae at matapos ay nginisian ako na siya lalong nakapagpamula ng mga pisngi
ko.
Sandaling
tahimik ang paligid namin.
“Pero...
I don’t get it. Ganon-ganon na lang iyon? I mean... oh my God! He rejected you
kaya hindi ka niya pinapansin?! Hindi niya nagustuhan ‘yung ginawa mo? Akala ko
mutual, oh God.” singhap ni Nikki. Nangunot naman ang noo ko dahil sa sinabi
niya, ngunit agad ko namang naalala na wala pa palang alam ang dalawang babae
tungkol sa mga nangyayari. “At least... bati na kayo, ‘di ba? Which meant
nakausap mo na siya about the kiss? And you’re friends again?” pagpapatuloy
niya, tila pinapapalakas ang loob ko. Si Janine naman ay nanatiling tahimik
panandalian bago siya mapatayo.
“Oh
my God. Matt. Oh my God. CONGRATULATIONS!” natutuwa niyang sigaw at matapos ay
binigyan niya ako ng isang mahigpit na yakap. “OH MY GOD!!! Grabe.” hindi pa
rin niya maka-get over na bulalas. “Girl, anong nangyari sa’yo?” clueless na
tanong ni Nikki. Magsasalita na sana ako at magtatanong ukol sa di maipaliwanag
na reaksyon ni Janine nang putulin ni Janine ang dapat kong sasabihin.
“Matt,
I shouldn’t be telling this, pero... the night of your birthday, umamin si Josh
sa akin na mahal ka niya.” kinikilig niyang pahayag. “Ano?!” hindi ko
makapaniwalang tanong. Naiimagine ko ang eksenang tinutukoy ni Janine, at biglang
bumilis ang tibok ng puso ko just thinking about Josh saying that he loves me.
Napangiti ako ng wala sa oras.
“I
still don’t get it. Anong explanation sa behaviour nila... Oh my God. Ibig
sabihin mahal din ni Josh si Matt... and nagkaaminan na sila kaya bati na sila?
FINALLY!!!” Unang naguluhan si Nikki, ngunit nang mapagtagpi-tagpi na niya ang
mga nangyayari ay nagtitili at nagtatalon na ito sa tuwa. “Oh my God, Matt.
Please tell me tama ako!” baling niya sa akin, excited sa magiging tugon ko.
Tumango
na lamang ako at yumuko. This is the first time I technically told someone...
hindi ko alam kung saan ko ilulugar ang nangyari sa pagitan namin ni Tita
Stella.
“Ayyy,
oh my God, shet friend. Dapat i-celebrate ito!” masayang-masaya na sabi ni
Janine, si Nikki rin naman ay narinig ko na lamang na humahagikgik. Hindi ako
nagre-react, dahil the truth is, ang dami kong pinoproblema. Kahit masaya para
sa akin ang dalawa kong kaibigan ay agad-agad namang bumabalik sa akin ang
nangyari kagabi, ang pagtawag ni Josh ng pangalan ni Gab. At doon ay tila
sunud-sunod na mga bombang sumabog sa isipan ko ang mga bagay na kaakibat noon.
“Bakit
natahimik ka?” takang tanong ni Janine.
Wala
na akong sinayang na oras at naikwento ko na sa dalawa lahat ng mga hinanakit
ko. Kailangan ko rin naman ng mapaglalabasan ng sama ng loob. I’ve been the
strong one sa amin ni Josh, kasi kailangan, eh... ngunit minsan, kahit ang
isang matatag na tao ay kailangan din ng kalinga ng iba. I found solace in
these two friends of mine, kaya naman sobrang thankful ako, dahil ang laki ng
iginaan ng pakiramdam ko.
Natahimik
ang dalawang babae matapos ang mahaba kong paliwanag. Naikwento ko sa kanila
lahat-lahat. Ang pagiging lutang palagi ni Josh, ang nangyari sa kanila ni Gab,
at ang nangyari kagabi. Pinigilan ko ang sarili kong maging emosyonal, para
naman makitaan nila ako ng lakas ng loob at patunayan sa kanilang hindi ako
mapapagod maghintay.
Niyakap
na lamang nila ako bilang tugon.
--
Buong
araw ako tumatawag kay tita upang kamustahin ang kalagayan ni Josh, at natuwa
naman ako nang sabihin ni Tita na okay na si Josh at patuloy pa rin sa
pagpapahinga. Pinasalamatan ko si tita at naglakad na palabas ng school nang
masipat ko ang isang mukhang dahilan ng malaking bahagi ng paghihinagpis ko.
Napagdesisyunan kong dapat ko ng linawin ang mga bagay-bagay, na dapat ko na
siyang kausapin.
Hindi
lang para sa akin, ngunit para na rin kay Josh.
Nadatnan
ko siyang mag-isang naglalakad patungo sa parehong direksyong tinatahak ko,
ngunit nauuna siya ng may kalayuang distansya. Hindi na ako nagdalawang-isip
pa, at tinawag ko ang pangalan niya, determinadong tuldukan na ang lahat ng
paghihirap namin ni Josh.
“Gab!”
Nang
lumingon siya ay nakita ko ang madaliang pagbabago ng ekspresyon ng mukha niya:
mula sa kanyang normal na ekspresyon, ay nakita kong daliang kumunot ang mga
kilay niya, hanggang sa tuluyan ng purong galit ang nakita ko sa mga mata niya.
Iginiya na niya ang buong katawan niya paharap sa direksyon ko. Medyo natakot ako
sa nakitang ayos ni Gab. Ito ang unang pormal naming pag-uusap kung sakali, at
nakikita kong hindi ito magiging madali.
Ngunit
kakayanin ko para kay Josh.
“Ikaw?
Anong kailangan mo?” maangas niyang tanong, bakas ang nag-aapoy na galit sa
tono ng boses niya. Aaminin kong gusto kong ibato pabalik sa kanya ang ginawa
niyang pagsagot, ngunit naisip kong hindi ito ang tamang panahon upang labanan
ang galit ni Gab sa pamamagitan ng galit ko... teka, ibig sabihin, galit talaga
ako sa kanya? Now that I thought of it... oo, galit ako sa kanya, dahil
binalewala niya si Josh sa loob ng matagal na panahon.
“Pwede
ba kitang makausap?” simpleng tanong ko. Maging ako ay nagulat sa pagiging
mahinahon ko. “You are already talking to me, dumbass.” sarkastiko niyang balik
sa akin, at sa mga oras na iyon ay gusto ko na siyang sugurin at ambahan ng mga
suntok. They weren’t kidding when I heard na may ganitong aura talaga si Gab na
nakakatakot, idagdag mo pa ang suplado niyang reputasyon sa school, at ang
pagiging student leader niya na siyang dahilan kung bakit sadyang maraming
nai-intimidate sa kanya.
Napabuntong-hininga
ako, pilit pinakakalma ang sarili ko.
“Seryoso
ako. Kinakausap kita ng maayos. I hope I get the same treatment from you. Uulitin
ko, pwede ba tayong mag-usap?” kaswal kong pakikitungo sa kanya. Nanatili ang
kanyang ekspresyong puno ng galit hanggang sa tumalikod na lamang siya at
naglakad pabalik ng school. “Anong—“ magproprotesta na sana ako nang putulin
ako ng sumunod niyang sinabi. “Follow me.” habang patuloy siyang naglalakad.
SInundan ko siya hanggang sa makarating kami sa office ng student council.
Naupo
siya sa isang mahabang bench at inanyayahan niya akong maupo sa espasyo malapit
sa kanya. Agad naman akong sumunod sa kanya.
--
Gab.
Of
all people, I never thought that I’d be spending my afternoon with Matt.
I
did my best to keep a low profile, which was quite unnerving, given my position
in school. Ngunit pinagbuti ko pa rin iyon for Josh’s sake. Nagpromise kasi ako
sa kanyang magpapakalayu-layo muna ako hanggang wala pa siyang desisyon...
which frustrates me a lot, dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin siya
tumatawag. Ngunit dahil na rin sa hindi niya pagkibo sa akin ay nabubuhayan ako
ng loob, dahil hindi pa niya ako tuluyang nire-reject, which meant that he’s
still taking his time to think things, to assess his love for me.
May
pag-asa pa pala.
And
then this shit decides to show up and tells me that he wants to talk to me.
Nang una ay nagalit pa ako, remembering kung ano ang nangyari sa huli naming
encounter, and remembering that he was the person who basically kicked me out
of Josh’s life. Oo, aaminin kong malaki rin ang kasalanan ko kay Josh, ngunit
ang kaso kasi ay... everything was going smoothly between the two of us, and
bigla na lang naglaho si Josh na parang bula, only to find out I’ve been
replaced by this prick sitting with me inside my office.
It
was basically my, and Matt’s fault, why I was replaced.
“Well?”
tanong ko, dahil mahigit na sa limang minuto ay hindi pa rin siya nagsasalita,
which drives me to my edge. Hindi ako patient na tao, kaya each passing second
ay nadadagdagan ang pagkairita ko sa taong ito dahil sa pagkainip. At bawat
segundong dumadaan ay lalong umiigting ang galit ko para kay Matt.
Finally,
he spoke.
“Gab,
mahal mo ba si Josh?” pagsisimula niya.
Thanks for starting easy.
“Oo.”
walang takot kong sagot sa tanong niya. I don’t like where this is going. Bakit
ba niya ako tinatanong? Anong kinalaman niya dito? Homophobe ba siya at gusto
niya akong ilayo na ng tuluyan kay Josh? Pinadala ba siya dito ni Josh upang
balaan akong lumayo na sa kanya? Sa mga naiisip kong ito ay tila lalong
pinamumukha sa akin ng tadhana ang pagkatalo ko. It seems like reality is
shoving every possible way to let me know that I didn’t deserve Josh.
Tiningnan
niya ako ng malalim, at napatango.
“Kasi...
ako rin, mahal ko siya. Mahal na mahal ko siya, Gab.” tila nanghihina niyang
pahayag bago siya tuluyang mapayuko.
I
felt like I was hit by a storm after what he told me.
“Gab,
mahal ko siya. More than you could ever know. Nahihirapan na ako, dahil
nakikita ko siyang sobrang nasasaktan sa nagawa mo sa kanya, sa ginawa niya
sa’yo.” napabuntong-hininga siya bago magpatuloy. Ako naman ay wala pa ring
masabing kahit ano, dahil sadyang nabigla talaga ako at natigilan sa rebelasyon
niya.
“Natatakot
si Josh. Nagui-guilty siya, dahil sa ginawa niya sa’yo. And it pains seeing me
na hindi ko magawang alisin ang pain niya. Alam ko, Gab, ikaw lang ang tuluyang
makagagamot sa mga sugat niya.” nagmamakaawa niyang pahayag. At aaminin kong
medyo lumambot ang puso kong bato sa mga narinig ko sa kanya. Nakikita ko kasi
ang sinseridad sa mga mata niya. More importantly... nakita ko ang sarili ko sa
kanya ngayon.
“Gab,
please. Talk to him. Patawarin mo na siya para maging masaya na siya. Let him
go...” pagpapatuloy niya, ramdam ko ang pait at pangangailangan sa boses niya.
Hindi pa rin ako nagsasalita.
At
makalipas ang ilang sandali ay nasaksihan ko ang isang pangyayaring hindi ko
inaasahan.
Lumuhod
sa harap ko si Matt, at nagsimulang umiyak.
“Please,
Gab. Hindi maibigay ni Josh sa akin ng buo ang pagmamahal niya dahil sa—“ and
in that point it seemed like all the things that caused me not to speak earlier
broke down.
“Ano?”
malakas kong tanong, hindi makapaniwala sa narinig ko.
“Gab,
mahal ako ni Josh. At mahal ko siya.” sagot niya. Naramdaman ko ang tila
pagbigat ng katawan ko sa narinig ko.
Talo na ako.
I
always knew na mahal niya si Matt. I saw it in Josh’s face that night when I
told him I loved him. Takot lang akong komprontahin siya, at aminin sa sarili
ko ang nakita ko sa kanya. Ayaw ko mang aminin sa sarili ko, kaya ako naging
desperado nang gabing iyon, ay dahil naisip ko ang posibilidad ng pagkatalo.
Iniisip ko pa lang na may ibang tao na ang may hawak ng puso ni Josh, lalo kong
sinisisi ang sarili ko sa mga kagaguhang nagawa ko.
“I’m
begging you, Gab. Do this for him. Hell, do this for me! Gab, kung alam mo
lang... kung gaano kasakit na nakikita ang taong mahal mo na kasama mo, ngunit
hindi lubusang masaya sa piling mo. Gab, ako ang kasama ni Josh, pero alam kong
hindi ako ang nakikita at naiisip niya!” at doon ay bumigay na si Matt at
humagulgol habang nakaluhod pa rin sa harap ko.
“Kaya
nga lumapit ako sa’yo, dahil alam kong ito na lang ang natitirang paraan para
matapos na ang paghihirap ni Josh, para mawala na ang takot niya. Gab, he’s
been hiding in your shadows! Masyado mo siyang pinapahirapan by staying away
from him. Distance does not do anything, Gab. It made him worse. Hanggang hindi
mo siya pinapatawad, patuloy pa ring ikukulong ni Josh ang sarili niya.” mahaba
niyang pahayag.
Nakatitig
pa rin ako sa kanya na parang isang istatwa.
--
Matt.
Walang
naging reaksyon si Gab.
“Gab,
alam ko kung gaano ako ka-selfish na tao at ako pa, of all people, ang
humihingi sa iyo ng ganitong kalaking pabor. Please, hayaan mo ng maging
maligaya si Josh.” pagmamakaawa ko. Sa mga oras na iyon ay kinalimutan ko na
lahat ng alam ko ukol sa pride, and self-worth. Hindi ko akalaing madadala ako
sa ganitong punto ng pag-ibig. Ngunit hindi ako nagsisisi.
“Pa—paano
naman ako? Mahal ko rin siya. Hindi madali ang hinihingi mo.” tanong niya, at
nang masdan ko ang mukha niya ay nakita ko ang isang mukhang bakas ng hinagpis.
Ito rin marahil ang mukhang nakita ni Josh noong gabi bago ang field trip, at
ngayong nakita ko na ito, ay hinding-hindi ko na masisi si Josh. Ibang-ibang
Gab ang nasa harapan ko ngayon. Napakalayo sa imahe ni Gab sa school, kung saan
lahat ng estudyante ay ginagalang siya. Tila sa mga oras na iyon ay lahat ng
mga pader na binuo niya para protektahan ang sarili niya ay tuluyan ng nabuwag.
“Exactly.
Kapag mahal mo ang isang tao, willing kang ibigay ang kasiyahan niya. Gab...
ang gusto ko lang ay mapatawad mo na si Josh. At lalo siya magiging masaya kung
magkakaayos muli kayo. Gab... mahal ka ni Josh, at importante ka sa kanya kaya
siya nagkakaganito. Please, huwag mong ipagkait sa kanya iyon.” pagpapatuloy ko
habang walang sawa ang pag-agos ng mga luha mula sa mga mata ko.
Ilang
minuto siyang walang reaksyon at nakatingin lamang sa kawalan.
Tumayo
na ako at mataman siyang tiningnan bago siya bigyan ng huling mensahe.
“Gab,
mahal ko si Josh. Pareho natin siyang mahal. Sana—mali—alam kong naiintindihan
mo ang pinanggagalingan ko. Huwag mo sanang isipin na ginagawa ko ito para lang
tuluyan na siyang maagaw sa’yo. Alam mong alam ko na ang dahilan ng lahat ng
ito, ay gusto ko lamang na lumigaya na siya. Matalino kang tao, Gab. Alam kong
naiintindihan mo ako, dahil nagmamahal ka rin naman, eh. Sana pag-isipan mo
ito, Gab. Please.” huli kong pahayag. Akala ko ay wala na akong makukuha mula
sa kanya, ngunit nagkamali pala ako.
Nagsisimula
pa lamang.
“I
feel so alone! All my life, I’ve been searching for love, for attention, dahil
kahit sariling pamilya ko hindi iyon maibigay sa akin! And then, there’s Josh.
Siya ang nagparamdam sa akin noon. To have him taken away just like that...
napakasakit, Matt! Now, tell me! Tell me that you know how I really feel! You
don’t know anything, Matt. You never lived my life. You never experienced
coming home to no one around to ask you how your day was. I never experienced
the love of a father, hell—even my mother, mas tinuturing pa niyang anak niya
‘yung business namin kaysa sa akin! Matt, with Josh I feel that I matter! That
I can be something—that, I can be loved! Now, with everything I told you, how
do you expect me to let go of him that easily, huh?! You insensitive son of a
bitch!” galit niyang bulyaw sa akin, and surprisingly, wala akong naging reaksyon.
Hindi ako nagalit sa kanya, at imbes ay awa pa ang naramdaman ko para sa kanya.
“And
you know what frustrates me? Is that I’m the cause of his pain! He doesn’t
deserve this. He doesn’t deserve me! Kahit pa mahal ko siya, alam kong ako ang
dahilan kung bakit siya ganiyan ngayon, kaya nasasaktan ako! Sobra, Matt. It
pains me so much knowing to myself that I can never have him! I’ve hurt him so
much already, hindi ko na kayang gawin iyon ulit sa kanya. I’ve been a coward
all my life, and look where this got me... I guess I need to be brave and let
him go, kahit sobrang sakit.” at doon ay nagsimula na siyang humagulgol.
Walang
sabi-sabi ay inakbayan ko siya. Hindi naman siya tumutol sa ginawa ko at
nagpatuloy lamang sa pag-iyak si Gab. “Just promise me... na aalagaan mo siya,
na mamahalin mo siya. Iyon lang, Matt. That’s all.” huli niyang sabi.
Magsasalita pa sana ako para pakalmahin siya nang walang sabi-sabi ay
pinagtabuyan niya ako palabas ng office niya. “Just go.” walang
kaemosyong-emosyon niyang sabi.
Napabuntong-hininga
na lamang ako at nagdesisyong umuwi na ng bahay.
--
FAST FORWARD.
Sa
paglipas ng mga linggo—oo, linggo—naging mabuti na ang lagay ni Josh. Nakikita
ko na ang mga ngiti niya, ang mga tawa niya, at mas nararamdaman ko na ang
pagmamahal niya sa akin. Okay na rin sila ni Gab, at nakapag-usap na rin sila,
at nagkaayos. Maging kami ni Gab ay nagkaayos na rin, and have settled all
issues between the two of us. For once, everything is falling into place...
...if
only things were that simple.
Matt, magtigil ka nga! Nababaliw ka na
naman, pagsita ng utak
ko.
Kabaligtaran
ang lahat ng nangyayari ngayon.
Paunti-unti
kong nararamdaman ang paglayo ng loob ni Josh sa akin. Unti-unti ay
nararamdaman ko ang nagbabadyang pagkawala niya sa akin. Palagi siyang tulala,
at hindi makausap ng maayos. Kung noon ay natitiis ko pa, dahil kapag kaming
dalawa na lamang ay tila bumabalik siya sa kanyang dating sarili, ay iba na
ngayon. Palagi siyang iritable, at hindi makausap ng matino. Tuwing mags-space
out siya ay pilit niyang itatanggi na may bagay na bumabagabag sa kanya, ngunit
ramdam ko... ramdam kong nag-iba na ang samahan naming dalawa. I gave him the
space he’s asking.
At
ramdam kong wala akong magawa para ibsan ang mga kasalukuyang nangyayari.
Pero
tinitiis ko pa rin, kasi ayaw kong maramdaman niyang susukuan ko siya, kahit sa
totoo lang ay may isang napakaliit na bahagi ng pagkatao ko ang tinatanong ang
sarili ko kung may halaga pa ba ang laban na ito. Sa tuwing dumadating ang mga
ganitong pagkakataon kung saan kinukwestyon ko na ang mga ginagawa ko para kay
Josh, iniisip ko na lamang ulit ang pinagmulan lahat ng ito: ang pagmamahal ko
sa kanya, at muli kapag nangyayari iyon ay bumabalik ang determinasyon kong
ipagpatuloy ang laban.
Isang
araw ay nagulat na lamang ako nang ipatawag kaming dalawa ni Nikki sa
Principal’s office. Syempre noong una ay medyo kinabahan ako, dahil sa
pagkakaalam ko ay wala naman akong nagawa para maging rason ng disciplinary
action at kailangan pa akong ipatawag sa Principal’s office. Ganoon din naman
si Nikki na halata sa kanya ang pagtataka.
Nang
pumasok ako sa Principal’s office ay nagulat ako nang madatnan ko ang
mangilan-ngilang estudyanteng nakatayo sa harap ng table ni Principal
Porciuncula. Nalingon naman si sir at inacknowledge ang presensya namin ni
Nikki, at pinapunta kami sa harap niya. Hanggang ngayon ay clueless pa rin ako
kung ano ang pakay namin dito.
“Malamang
ay nagtataka kayo kung bakit ko kayo pinatawag dito.” pambungad niya, stating
the obvious. Tumango na lamang ako bilang pagtugon, at ang iba ay nanatiling
tahimik. “I summoned you all here, because malapit na ang Intramurals ng
school.” pagpapatuloy ni sir. Nangunot naman ang noo ko. Anong kinalaman namin
sa Intramurals? Hindi naman ako student council, or athlete para maging
involved, maliban na lamang kung...
Tanginang ‘yan. Huwag naman sana, protesta ng utak ko.
“Sir,
I don’t understand. Ano po ang magiging involvement namin sa Intrams?” tila
hindi na rin nakatiis si Kath, isa sa mga ka-batch ko mula sa ibang section.
Sinang-ayunan naman naming lahat ito, at tumango ang lahat ng estudyanteng
kasama namin. Nagkatinginan kami ni Nikki. Tila may ideya na kami kung ano ba
ang balak ni sir, at napapailing na lamang ako sa mga naiisip ko. Sana ay mali
ang akala ko.
“Well,
the past week, I’ve asked all the advisers of all the sections of the High
School Department to choose 2 potential candidates from their advisory classes
for the pageant.” pahayag ni sir. Napa-facepalm naman ako sa utak ko, dahil
tama ang inaakala ko. First of all, ayokong-ayoko ng mga ganitong patimpalak.
Ikalawa, alam kong magkakalat lamang ako. Ano kayang nakain ni Ms. de Vera at
ako ang naisipan niyang ipadala bilang representative ng section namin? Kung
kay Nikki ay naiintindihan ko pa, eh kasi kakaiba naman talaga ang ganda niya,
with her pixie cut and all. Eh ako? I mean, hindi naman sa pagbubuhat ng
bangko, pero alam ko namang may ibubuga naman ang itsura ko kahit papaano...
ang issue ko lang is ‘yung self-confidence ko. Alam kong alam ni ma’am na hindi
ako aktibo sa klase, kaya naman medyo naiinis ako talaga sa kanya ngayon.
Naka-drugs ata si ma’am, eh. Ikatlo, alam kong hindi ako pwede basta-bastang
magback-out dito. Kailangan munang makausap ang magulang ng estudyanteng may
balak umatras bago siya payagan. Apparently, the pageant in this school is a
big deal. Iyon ang kalakaran dito, kaya naman ang sabi nila, kapag napili ka,
matuwa ka. Pwes, ako hindi!
“And
since 25th year ng school natin this year, it’s going to be one
major event. The school hired trainers, and choreographers to assist you all
throughout. And medyo magiging busy kayo dahil sa training at marami sigurong
beses na hindi kayo makaka-attend ng klase, pero don’t worry, excused kayo
everytime may class kayo na tatamaan ng training.” mahaba niyang pahayag.
Ano ba ‘yan!
Ito
ang pinakaikinalumo ko, dahil dito, dahil sa pesteng pageant na ito... alam
kong malalayo ako kay Josh. Hindi ko na siya gaano mababantayan, and
napakaperfect timing naman talaga nitong pageant, dahil tila on the rocks na
ang samahan namin. Hindi man kami nag-aaway, wala man sa aming nagsasalita,
alam naming tila may lamat na kung anuman ang nasimulan namin. Ewan ko ba,
naiinis na rin ako sa kanya, eh. Masyado niyang dinidibdib si Gab. Nandito
naman ako, eh.
Kaya
walang nangyayari sa amin, eh, dahil patuloy pa rin niyang kinukulong ang
sarili niya kay Gab!
--
“Hoy,
friend. Anong nangyari, bakit pinatawag kayo sa principal’s office?” tanong ni
Janine matapos kaming makabalik galing sa office. “Nasaan si Josh?” pag-iiba ko
sa usapan. “Nag-CR. Hoy, ano? Bakit nga?” tanong ulit ni Janine. Ayaw niyang
bitawan ang subject na gusto niyang malaman. Napabuntong-hininga ako, seeing na
kahit anong gawin ko ay hindi magpapatinag si Janine. “Intrams. Pageant.
Contestant.” simple at walang gana kong sagot.
“Emergherd!”
singhap niya. “Pffft.” inis kong pahayag. “Hoy! Oh my God! Excited na ako! Ako
stylist, and make-up artist mo! Please, please, please, please, please!”
reaksyon ni Janine habang magkalapat pa ang dalawa niyang kamay na tila
nagdadasal. “Janine, kakausapin ko si Papa para i-atras ako sa competition.
This is not really my thing.” pagpapaliwanag ko na siya agad namang tinutulan
ni Janine. “Matt, look! Can’t you see? Ito na ang perfect opportunity!” excited
niyang pahayag. Binigyan ko na lamang siya ng isang nagtatanong na tingin,
dahil hindi ko talaga makuha ang sinasabi niya. “To bring back the spark, noh!
Hoy, pansin ko kasi na medyo nagkakalamigan na kayo ni bebe Josh. Gamitin mo
‘tong pageant para ma-impress mo siya! Show him kung sino ang papakawalan niya,
more importantly, KUNG GAANO KALAKI ANG MAWAWALA SA KANYA, kapag pinagpatuloy
pa rin niya ang panlalamig sa’yo.” makahulugang pahayag ni Janine.
Napaisip
ako sa sinabi niya.
Seems
like this pageant is not a bad idea after all.
--
Itutuloy...
--
Damn, matatapos na pala talaga 'to! Anong gusto niyong mangyari sa finale? :)
Mamamatay si josh. Joke haha nice work mr.authorr!!!kagNdaa
ReplyDeleteGanda ! Mgkakaron b ng Book 2 ?
ReplyDeletearte ni josh hahaha, pakamatay nalang sia haha
ReplyDeletemananalo c MATT sa pageant at d same time sa puso ni JOSH! YESSSS! a very happy ending between the 2 lovers w stronger friendship of GAB, JANINE AND NIKKI. whoooooo!.
ReplyDeleteMatauhan na sana c josh sa kaartehan nya kapag nawala pa c matt saka cya magsisisi. Show to him matt...go go go sa pageant. Tnx sa update
ReplyDeleteRandzmesia
sana GAB-MATT nalang magkatuluyan tapos kapag malaman ni JOSH na may relasyon ang dalawa, magpapakamatay nalang si JOsh..tatalon sa bangin..PAK CHECK! Hahahaha HAHAHAHA
ReplyDeleteMatt-Janine, JOSH-GAB magka2loyan, FINAL n yan! sarap bunotin lahat pilikmata ne Josh s 22o lng pati kilay hehe(ang taray)
ReplyDeletehnd nmn pla msaya c Josh k Matt, time to part ways, simple as that!
What makes ds stori "Unexpected"????? hmmmmmm... kitakits nlng s finals :)
AtSea
POSTED NA ANG FINALE! :D
ReplyDelete