Followers

Thursday, August 1, 2013

Si Louie At Ang Aking Mga Ala-Ala 11

Si Louie At Ang Aking Mga Ala-Ala
Written By: Baste31 - j.a.c.
Chapter 11: Malas
Please Click The Link For Previous Chapters: COMPILATION


 Walang araw na dumaan na hindi pumasok sa isip ko ang away namin ni Louie. Pati si Mama at Papa napansin na rin ang kakaibang lungkot ko kapag umuuwi ng bahay. Isang sabado dumalaw samin si Paul na may dalang balita pero bago pa nya ikwento sa akin yung sasabihin nya inaya muna sya ni Mama sa kwarto para kausapin.
Pagkatapos nilang mag-usap sinabi ni Mama na dapat daw ay kausapin ko si Louie at makipagbati. Pero kahit na ano ang sabihin ni Mama nagmatigas pa rin ako, 
"masakit ang mga sinabi nya kaya dapat mag-sorry sya sa akin!" ang sabi ko kay Mama.
 "kahit tayo ang dahilan kung bakit nawalan sya ng trabaho?" ang sabi naman ni Paul. 
Doon ko nalaman na natanggal pala si Louie sa bar dahil sa pagpilit namin sa kanyang sumama ng fieldtrip. Nagpaalam pala sya sa boss nya pero hindi sya pinayagan. At dahil confident ako na sasama samin si Louie umabsent pa rin sya para lang mapagbigyan ako. 
Nang marinig ko yun biglang nawala lahat ng galit ko kay Louie, napalitan ito ng pagsisi ko sa sarili. Natanggal na pala sya sa trabaho pero hindi nya man lang kami sinisi sa nangyari. Kaya hindi ko man pinahalata kina Mama, buo na sa isip kong makipag-ayos kay Louie. Nang umuwi na si Paul pumanik na ako sa kwarto ko, iniisip kung pano akikipagbati kay Louie. Ilang minuto pa may nagtext sakin na unregistered number. 
"tol, galit ka pa ba sakin? Louie to." napangiti naman ako nang malamang nagtext si Louie. 
Akala ko hindi nya gagamiting yung regalo ko sa kanya. Heheh. 
"hindi" ang maigsi kong reply. 
"talaga?" 
"oo, pwede ba tayong magkita ngayon?" ang naging maigsing pag-uusap namin ni Louie. 
Maya maya nagtext naman si Paul. 
"Ian silipin mo nga sa bintana mo yung naiwan ko, importante kasi yon!" nagtataka ako kung ano yung naiwan ni Paul ni hindi naman sya dumaan sa gilid ng bahay. 
Laking gulat ko nang makita ko si Louie sa garden namin nakatingala mukhang alam nyang sisilip ako. Napangiti naman ako at nagtataka kung pano sya napunta dun. Ngumiti rin sya sakin at sumigaw. 
"ngingiti ka na lang ba dyan o papapasukin mo ko?" ang tanong ni Louie sa 'kin. 
"pano ka napunta dyan? Tara na dito!" ang masaya kong aya sa kanya. 
Agad naman syang pumasok sa bahay at pumanik sa kwarto ko. Nang pumasok sya sa kwarto ko naupo ako sa gilid ng kama. 
"tol, halika upo ka dito sa tabi ko" ang seryoso kong anyaya kay Louie habang tinatapik yung kama tanda na doon sya umupo. 
Umupo naman sya sa tabi ko nang walang tanong. Ilang segundo rin akong di nagsalita at.. 
"loko ka talaga!" sabay mahinang batok ko kay Louie. 
"aw." "bakit di mo sinabi na hindi ka pinayagan ng boss mo?!! Akala mo ba matutuwa ako na natanggal ka sa trabahong loko ka!!" sabay gulo sa buhok ni Louie. Hindi naman sya nagpatalo at gumanti. 
"e ikaw! Akala mo ba papayag ka na di ako sasama ha!!" tinulak nya ako pahiga at nagpambuno na kami sa kama. 
Lahat ng sama ng loob namin ni Louie ay idinaan na lang namin sa pagkukulitan at harutan. Kinalimutan na namin lahat ng aming hindi pagkakaintindihan. Nang mapagod nahiga kami dalawa sa kama at naging seryoso ang usapan namin ni Louie. Nakatingala lang kaming pareho sa kisame na nag-usap. "
Louie.." 
"oh, bakit?" 
"sorry natanggal ka sa trabaho dahil sakin ha?" 
"ayos lang yun, isa pa wala na tayong magagawa dun." 
"sorry din sa mga nasabi ko. Hindi ko naman sinasadya.." 
"ayos lang yon.." --- 
"Ian.." ang sabi naman ni Louie.. 
"hm?" 
"sorry din ha? Alam ko nasaktan kita sa mga sinabi ko. Hindi lang ako sanay na binibigyan ng kung ano-ano, at ayaw kong kinakaawaan ng mga tao." 
"ayos lang.. Kasalanan ko rin naman, alam ko yon pero pinilit ko pa ring bigyan ka ng cellphone." nang masabi ko yun napatingin sakin si Louie at pilit na ngumiti. 
"bakit ba kasi minamalas ako kapag kasama kita? Hehe.." ang biro sakin ni Louie. 
"minamalas pala ha?!" magsisimula na sana kaming magharutan ng may kumatok sa pinto. 
"Christian, Louie?" tawag samin ni Mama. 
"Ma?" binuksan ni Mama yung pinto at sinabi saming magluluto na sya ng dinner. 
Sinabi rin nya kay Louie na 'wag na munang umuwi at samin na kumain. Hindi naman tumanggi si Louie at sumama na kami kay Mama pababa ng kitchen.

Tumulong kami ni Louie magluto ng spaghetti at afritada. Nang tapos na kaming magluto tinawag na ni Mama si Papa habang inaayos namin ni Louie yung mga pinggan sa table, sabi ko si manang na lang ang mag-aayos non pero mapilit si Louie at sinabing madali lang naman daw gawin yon. Napakatahimik habang kumakain kami ng dinner. Parang may anghel na dumaan. Natapos na lang ang katahimikan ng magsalita si Papa. 
"ehm.. Louie.." "po?" "balita ko wala ka na raw trabaho?" 
"ah e.. Opo, maghahanap na nga po ako ng bagong trabaho." 
"I see.. I was thinking kung gusto mong magtrabaho samin.. As a driver iho." 
"ho?" ang sagot ni Louie na medyo nabigla. Para namang kumampay ang mga tenga ko sa saya ng narinig. At biglang sumingit sa usapan.. 
"Talaga Pa?" 
"Yes, yun ay kung gusto ni Louie. Ano Louie?" Sasagot na sana ako para kay Louie ng, Oo Papa payag sya, payag sya. Kaya lang ayaw kong magkaroon na naman kami ng hindi pagkakaunawaan kaya kunwari hindi ko na lang sila pinapansin at nanahimik sa upuan. 
"Wow talaga po? Salamat ho Sir,trabaho na po yan kaya hindi na ako tatanggi." "
Good, so magsimula ka na sa Monday 5am dapat nandito ka na." 
"opo Sir!" "And one more thing iho. Wag mo na kong tawaging Sir. Uncle na lang at sa Mama ni Christian Aunty ok?" 
"opo uncle." napangiti naman ako sa usapan nila Papa. 
Halatang hindi comfortable si Louie sa bagong tawag nya kay Papa. Kaya simula nong lunes halos araw araw ko nang nakasama si Louie at lalo akong napalapit sa kanya. 
Parang hindi kumpleto araw ko kapag hindi ko sya nakita o nakasama. Lalong sumigla ang mga sumunod na mga araw simula non, lalo kong pinagbutihan ang pag-aaral. Lalo ding sumigla ang buong bahay namin dahil kay Louie. Ngayon hindi ko na sya matatawag na bahay kung hindi isang tahanan. Dumating ang final exams at matataas ang grades na nakuha ko, pero mas mataas ang mga nakuhang grades ni Paul na halos i-perfect lahat ng exams. 
Maganda na sana ang pagtatapos ng first semester, kung hindi lang sa subject naming Philosophy. Hindi nagbigay nang final exam ang Sir namin sa Philo pero required ang lahat na pumunta sa isang bahay ampunan. 


To Be Continued

No comments:

Post a Comment

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails