Followers

Thursday, August 1, 2013

Love. Sex. Insecurity. [Book 2 : Chapter 1]








Love. Sex. Insecurity.
[Book 2 : Chapter 1]



By: Crayon







****Kyle****




10:05 am, Tuesday
April 13






Kakatapos ko lamang maligo at kasalukuyan akong namimili ng isusuot na damit para sa araw na ito. Medyo lutang ang aking isip dahil hanggang sa puntong ito ay hindi ako makapaniwala na nakatapos na ako ng pag-aaral. Hindi rin ako makapaniwala na parang napakabilis lumipas ng dalawang taon sa aking buhay. Parang kailan lang ay bumalik ako sa Laguna para tapusin ang aking pag-aaral at takasan ang mga problema ko.



Sa loob ng dalawang taon na iyon ay napakaraming pagbabago ang nangyari sa akin. Hindi ko mapigilang pagmasdan ang aking sarili sa malaking salamin sa aking kwarto. Hindi naman sa pagmamayabang ngunit di maipagkakaila na malaki ang iginanda ng aking katawan. Ang dating mataba o chubby na Kyle noon ay may muscle na sa katawan. Malapad na balikat, matipunong dibdib, malaman na mga braso, at flat na tiyan. Hindi ko mapigilang 
mapangiti sa aking mga napansin. Nandoon pa rin ang aking chinito features na bumagay sa bagong hubog ng aking katawan.



"Feeling pogi.", natatawa kong sabi sa repleksyon ko sa aking salamin. 



Isinuot ko na ang napili kong stripe na tank top sando at khaki shorts. Inayos ko na rin ang aking buhok upang makaalis na ako. Nakatakda kasi kaming magkita ni Lui ngayon.



Nang makapaghanda ay naglakad na ako palabas ng aking inuupahang apartment. Habang naglalakad ay may mangilan-ngilan ding napapalingon sa akin. Medyo agaw atensyon kasi ang itsura ko ngayon. Kailan ko lang din kasi naisipan na i-showcase na ang aking magandang katawan. Dati kasi noong nagbubuhat pa lamang kami ni Lui sa gym ay hindi ako masyado nagsusuot ng sando o mga fitted na shirt dahil hindi pa ako confident sa aking itsura, kadalasan ay maluwag na shirt ang aking suot. Madalas nga akong laitin noon ni Lui dahil mukha raw akong tanga dahil sa aking  pananamit.



Kahit na may mga napapalingon sa akin ay wala akong binabati sa kanila. Hindi sa nagsusungit ako pero hindi ko din kasi sila kilala. Sa dalawang taong inilagi ko sa unibersidad ay pinanatili ko ang pagiging low profile. Tanging mga nagiging kaklase ko lamang ang nakakakilala sa akin. Hindi rin ako nag-abala na maghanap pa ng mga bagong kaibigan. Tanging si Lui lamang ang madalas kong kasama sa tuwing gusto ko ng makakausap. 



Hindi ko namalayan na nasa tapat na pala ako ng Boston Cafe, isang shop na madalas tambayan ng mga estudyanteng naghahanap ng libreng wifi. Agad akong pumasok at ganun pa din ang eksena. May ilang mga estudyante ang napalingon sa aking direksyon. Pakiramdam ko ay napaka-pogi ko sa araw na ito dahil sa atensyong nakukuha ko.



Lumapit ako sa counter at saka namili ng aking o-orderin. Nakakatuwang isipin na maging sa pagkain ay nagkaroon ako ng disiplina sa pagpili. Iniisip ko na ngayon kung ano ang maganda at hindi sa aking kalusugan. Since madalang naman ako kumain ng matatamis na pagkain ngayon ay hinayaan ko na ang aking sarili na umorder ng isang frappe at blueberry cheese cake. Napangiti pa ako sa babae sa counter habang sinasabi ang order ko dahil may biglang pumasok sa aking isipan. Tila kinilig naman ang babae sa aking biglang pagngiti.



Hinintay ko saglit ang aking order at ng makuha ito ay naghanap na ako ng mauupuan. Pumwesto ako sa isang couch para komportable kaming makapagkwentuhan mamaya ni Lui. Hinugot ko ang aking cellphone para makapag-net muna ako habang hinihintay kong dumating si Lui. 






Maya-maya ay may narinig akong pagbati sa may bandang pintuan ng cafe na nakapagpalingon sa akin.



"Hi Lui! Ang gwapo mo naman ngayon.", malakas na sabi ng isang babae.



"Salamat.", nakangiting wika ng mahangin kong kaibigan. Nakita ko siyang luminga-linga na parang may hinahanap. Itinaas ko naman ang aking kamay para kunin ang kanyang atensyon.



Nang makita ako ay nagpaalam siya doon sa babaeng kausap niya at bumili na ng makakain sa counter. Pagkatapos ay tinungo ang kinauupuan kong couch at sumalampak ng upo sa aking tabi. 



"Gwapo daw ako sabi nung babae, totoo ba?", nagpapa-cute niyang tanong sa akin.



"Umiral na naman ang pagiging uto-uto mo.", masungit kong sabi sa kanya habang humihigop ng kape.



"At ang sungit mo na naman. Meron ka uli?", nang-aasar niyang tanong. Sa pagkakataong iyon, mahina ko na siyang binatukan sa ulo na ikinatawa naman niya.



Kung ako ay may pagkamahiyain at masungit, si Lui naman ay kabaligtaran. Isa siya sa mga tinitilian sa campus dahil sa kanyang gwapong mukha at mala adonis na pangangatawan. Sobra niya ring ikinasisiya ang atensyon na nakukuha niya sa mga nakapaligid sa kanya. Habang ako ay minsang nanliliit kapag marami na ang nakatingin sa akin.



"Kamusta ang weekend mo?", pambungad kong tanong sa kanya.



"Okay naman. Nagpakapagod lang ako sa byahe, wala naman ako masyadong ginawa sa bahay eh. Ikaw?"



"Katulad lang ng dati, bahay, gym, takbo sa park. Nag-ayos na din ako ng gamit para sa pag-uwe.", kaswal kong sagot sa kanya.



"Kelan mo ba balak umuwi ha?"



"Baka next week. Tapos babalik na lang ako para kumuha ng transcript. "



"Sabay na tayo bumalik dito.", tumango lamang ako sa kanya.



"Anung gagawin mo mamaya?", tanong niyang muli sa akin.



"Bahay lang bakit?"



"Gala tayo dala ko yung kotse ko eh.", imbita ni Lui sa akin.



"Ayaw ko mamaya may mabangga ka pa, madamay pa ako.", biro ko sa kanya. Ginantihan niya naman ako ng isang kurot sa aking pisngi.



"Ang gwapo mo ngayon, bakit nag-sando ka?", nakangising tanong ni Lui.



"Bawal ba?", mataray ko na namang sagot sa kanya.



"Hindi, malamang sineseduce mo ko no?", nang-iinis niya banat.



"Tigas talaga ng mukha mo no.", bara ko sa kanya.



"Hindi lang mukha ang matigas sa akin ngayon.", malokong sabi niya sa akin.



"Tarantado ka, malibog ka talaga!", sabi ko sabay apak sa paa niya sa ilalim ng lamesa.



"Aray!", napalakas niyang sabi na umagaw sa atensyon ng mga tao sa shop.



"Baby, ok ka lang ba?", natatawang sabi nung babaeng bumati kay Lui kanina. Tumango lamang si Lui at bumaling muli ng tingin sa akin. Pilit ko namang pinipigil na mapahagikgik sa mga nangyayari.



"Nagiging bayolente ka na ha?"



"Kasalanan mo naman kasi. Isumbong kaya kita sa girlfriend mo.", nagbabanta kong sabi kay Lui.



"Isumbong mo, maganda nga yon para malaman niya na ikaw talaga ang mahal ko.", nakangiti niyang sabi.



"Alam mo ang sama mo.", sagot ko. Hindi naman inilihim sa akin ni Lui noon na may nagustuhan siyang babae. Hindi ko naman siya pinigilan na ligawan yung babae dahil wala naman kaming relasyon ng mga panahon na iyon at kaibigan lang talaga ang turing ko sa kanya.



Noong una ay naging masaya sila ng babae at akala ko ay titigilan niya na ang pangungulit sa akin. Ngunit naging selosa ang babae na labis na kinaiinisan ni Lui. Sinubukan kong bigyan ng payo si Lui pero ayaw niyang makinig. Tila nawalan na siya ng gana sa babae at napapadalas na ang kanilang pag-aaway. Sa ngayon ay balik siya ng pangungulit sa akin na medyo kinaiinisan ko.



"Yun ba ang dahilan kaya hindi mo ko magawang mahalin ha?", mahinang sabi ni Lui.



"Pareho tayong lalaki.", natatawa kong sagot.



"Handa akong magpa-sex change maging tayo lang.", biro niyang sagot.



"Ha ha ha, anu pang pakinabang ko sayo kung magpapa-sex change ka.", hindi ko na mapigilang matawa sa mga pinagsasasabi ni Lui. Kaya gusto ko ding kasama siya ay dahil sa kaya niya kong patawanin sa mga kalokohan niya.



"Manyakis ka!", nakasimangot niyang sabi sa akin. Patuloy lamang ako sa pagtawa sa kanya.



"Oh, anu nga alis tayo mamaya. Wala ka namang gagawin eh, party tayo sa may bandang timog.", pangungulit niya uli sa akin.



Napaisip naman ako bigla, matagal na din kasi simula ng huli akong magliwaliw sa Maynila. Sa nakalipas na dalawang taon ay nasanay ako na nasa Laguna lang. May mga bar din naman kasi dito na napupuntahan ko. Parang may kumikiliti sa aking paa kapag naisip ko na paparty akong muli sa Maynila. Kung dati ay pag-aalinlangan at takot ang aking nararamdaman. Ngayon naman ay excitement ang nananaig sa akin.



"O sige, anung oras tayo lalakad?", tanong ko.



"Hindi tayo maglalakad, sasakay nga tayo ng kotse ko di ba?!", binatukan ko siyang muli dahil sa kanyang pamimilosopo sa akin.



"Biro lang, mga 8:30 siguro pwede na."



"Kasama si Chay?", tukoy ko sa girlfriend niya.



"Hmp! Pano ko mag-eenjoy kung kasama yon. Bubwisitin lang ako non magdamag."


"Bakit ba kasi hindi mo pa hiwalayan. Since niloloko mo lang naman siya at parang sagad sa buto ang inis mo sa kanya, bakit pinahihirapan niyo pa ang isa't-isa?", di ko mapigilang itanong sa kanya.



"Hihiwalayan ko din siya, hinihintay ko lang mabuntis para masaya yung break up namin.", nakangising sagot ni Lui.



"Tarantado ka, subukan mong gawin yan. Ako mismo ang magbibitin sayo ng patiwarik.", sagot ko.



"Ha ha ha, bahala na si batman. Basta mamaya ha, daanan kita sa apartment mo.", tumango na lamang ako.



Ilang minuto rin kaming nagkwentuhan ni Lui sa cafe bago namin napadesisyunan na umuwi. Nang makarating sa bahay ay nahiga ako saglit sa kama. Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.







Nagising ako bandang alas sais ng hapon dahil sa tunog ng cellphone ko. Agad kong sinagot ang tawag at hindi ko na nagawa pang bigyan ng pansin ang caller id ng tumatawag.



"Hello?", medyo inaantok ko pang sagot.



"Kakagising mo lang ba anak?", agad ko namang nakilala ang boses ng aking ina.



"Ah opo, kamusta po kayo? Bakit napatawag po kayo bigla?"



"Mabuti naman kami dito, itatanong ko lang kung kailan mo balak na umuwi? Miss na miss ka na namin.", hindi ko mapigilang mapaluha. Miss na miss ko na din kasi sila mama.



"Wag po kayong mag-alala Ma, next week po ay uuwe na ako. Miss ko na din po kayo. Ikamusta niyo na lang po ako kela Papa."



"Sige anak. Magtext ka sa amin kung gusto mo magpasundo sa amin ha. Mag-ingat ka dyan at sa pag-uwi mo."



"Opo ma. Kayo din po yung mga maintenance niyo na gamot, wag niyo kalimutan inumin."



"Oo, sige na. Kinakamusta lang naman kita. Ingat ka dyan, i love you."



"Sige po ma, i love you din po. Bye."








Matapos ang pag-uusap naming mag-ina ay hindi ko na nagawa pang makatulog muli. Naisipan ko ng maligo para sa lakad namin ni Lui.



Katulad ng nasabi ko ay medyo excited ako na tumungo muli ng Maynila. Malaki ang naitulong sa akin ng pagtanggap ko sa nangyari sa amin ni Renz. Nabawasan ang mga bagay na iniiwasan ko. Hindi pa rin naman nawawala yung panghihinayang pero kumapara sa disposisyon ko dati ay di hamak na mas okay na ako ngayon.



Handa na akong harapin si Renz pero hindi ako sigurado sa magiging reaksyon ko kapag nagkita kami. Pero desidido ako na ayusin ang nasira naming pagkakaibigan noon.



Kapag okay na kami ni Renz ay si Aki naman ang kakausapin ko. Alam kong may kasalanan ako sa kanya kaya gusto ko din na humingi ng tawad. Wala akong balita sa dalawa pero batid kong magkru-krus muli ang landas naming tatlo at masasabi kong ready na akong harapin sila.



Matagal din akong nagbabad sa banyo, dumami din kasi ang mga ritwal na ginagawa ko. Kung anu-ano ang pinapahid ko sa katawan ko para gumanda ang aking kutis.



Nang matapos maligo ay hinarap ko naman ang damit na aking susuotin. Pumili na lang ako ng isang casual na long sleeves at tinernuhan ko na lang ng khaki na pants. Nang makapagbihis ay sinimulan ko na ang pagpapahid ng moisturizer sa mukha at pag-aayos ng buhok. Pinaliguan ko rin ang sarili ko ng pabango.



Nang humarap ako sa salamin ay nasayahan naman ako sa aking nakita. Katulad kaninang umaga ay maigi kong pinagmasdan ang aking itsura. Malayo na sa dating Kyle. Mas matikas na ang aking tindig. Hindi na lang basta cute, may dagdag ng sex appeal. 



Nahinto lamang ang aking pagbubuhat ng sariling bangko ng makarinig ako ng busina galing sa labas ng aking apartment. Naisip kong si Lui na iyon kaya, kinuha ko na ang aking wallet at cellphone saka lumabas ng bahay.






....to be contd...








AUTHOR'S NOTE:


Hello po sa lahat ng nagbabasa ng MSOB! Nagbabalik pong muli sila Kyle, Aki, Renz at Lui para magbigay ng saya at ngiti sa inyong mga labi. Pasensya na po kung medyo natagalan bago masundan yung book 1, medyo madami kasi akong mga pinaggagagawa sa mga nakalipas na araw. sana po ay patuloy ninyong suportahan ang kwento na ito.


Nais ko din pong magpasalamat sa mga sumuporta sa unang book ng LSI, sobra ko pong naappreciate ang naging pagtanggap niyo sa unang kwento na isinulat ko.... Special thanks din po sa mga nag-iwan ng komento sa mga Chapters ng LSI Book 1... Salamat kina <07>, ichigo XD (na isa sa mga unang sumuporta at matyagang nagcocomment nung mga panahong feeling ko walang nagbabasa ng story na to, hahaha :D) , vhin5 , Mark Xander Mendiola, junixson lim, mark, alejo john ibanez, Denmark Zulaybar, prince_jc , michael , Boom , unknown, Rain, dilan moor, the great pretender, leighborbon, randzmesia , Mr. A-Z , gerrick gamutin, slushe.love , black.skull, vien montillano , LJ manuel , robert_mendoza94@yahoo.com, K , julmax , Dexter Perez , carl , romar galupo , kiko, jeffrey mendoza, vintoy122092, Bry, kyo at sa lahat ng mga anonymous na nagcomment hahaha.... salamat din po sa lahat ng silent readers...


balik po tayo sa once a week na update, ill do my best to post 3 chapters at a time. Sana po ay patuloy ninyong suortahan ang istoryang ito... Enjoy reading!




-------crayon :))













5 comments:

  1. Wlang ikinupas ang galing mo parin mr author .,,naghintay talaga ako s kwento mo nice 1

    Julmax

    ReplyDelete
  2. wow!.. salamat po at may Book 2 na, matagal ko hinintay to.. at ngaun naeexcite ako sa mga mangyayari kay Kyle.. kung dati na chubby xa ay malakas na ang appeal nya, anu pa kya ngaun.. wew.. sna po mas madami pang twist ang mga susunod na chapter.. tnx po!




    <07>

    ReplyDelete
  3. I am happy na naipost muna itong book 2. Chapter 1 pa lang kaabang abang na. Tnx crayon.

    Randzmesia

    ReplyDelete
  4. WAAAAAHHHH SPECIAL MENTION AKO. NO PROBLEM KUYA EH MAGANDA NAMAN KWENTO MO EH. so:) sobrang natuwa ako dito sa pagpost mo weekly kong tinitignan tong MSOB kasi hinahanap ko lagi kelan labas ng book 2 mo.

    SO SOBRANG SAYA KO HIHIHI. Basa mode namun siguro ako hahaha.
    comment nalang ako laters :)

    KYLE-AKI PARIN PALA AKO BTW. :)


    -ichigo XD

    ReplyDelete
  5. at last... the one i'm waiting for, finally... thanks author.. you just made my day


    -kiko of sk

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails