Followers

Sunday, August 11, 2013

His Husband (Memoirs)



PREVIOUS 3 PARTS:

           PART 22 AND 23          Were Chasing The Word 'Forever'




Author's Note:

     Maraming Salamat po sa pagsubaybay :) Hanggang ngayon hindi pa rin ako maka-move on dun sa isang Anonymous na nag-comment, Grabe sobrang maraming THANK YOU PO :D Pati na rin kay AtSea, Randzmesia and Vhin :*






When He Says: Memoirs




Mga dapit-hapon ng lumapag ang eroplanong sinasakyan ni Dustin galing America.. Nakaramdam siya ng kaba at excitement dahil magkikita na muli sila ni Roxanne.. Alam niyang malaki ang nagawa niyang kasalanan sa pag-iwan dito ilang taon na ang nakararaan.. Umalis siya dahil hindi sa ayaw niya na at hindi na niya mahal si Roxanne. Blinock-mail siya ng tatay nito na ibabaon sila nito sa hirap pag hindi nito sinunod na mangibang bansa.





Wala nang nagawa si Dustin nuon na magdesisyon na pumayag sa gusto ng tatay ni Roxanne, alam niya ang lahat ng nangyari kay Roxanne.. ito ay dahil pinamamanmanan niya ito sa tauhan niya.. Mayaman na si Dustin ngayon at isa na siya sa tinitingalang arkitekto sa America.





Ngayon nasa isang sitwasyon siya na kailangan niyang harapin ang nagawa niya.. Ibinalita sa kanya ng tauhan niya dito sa PIlipinas ang ginagawa ngayon ni Roxanne. Dali-dali siyang pumunta sa pinakamalapit na Police Station at sinabi ang nangyayari sa Playground kung saan maraming pwedeng mapahamak. Napahawak na lang siya sa mukha dahil siya ang may kagagawan nito, hindi lang naman si Roxanne ang nasaktan niya kung hindi pati ang nasira nilang anak.





“Ahhhhhhh..” halos mapasabunot siya sa kakaisip, Ang mga pulis naman ay naga-antay na lang ng mobile.





“Sir handa na po ang lahat.” Sabi nung pulis.





Sumakay na siya sa kotse sunod lamang sa mga Pulis, kinakabahan siya sa pwedeng magawa ni Roxanne. Kilala niya ito, grabe ito magalit at gumanti sa sinuman ang nakasakit o nakagawa ng hindi maganda dito.





Mga ilang sandali pa ay nakapasok na sila sa Village at tinungo ang playground, naabutan niya si Roxanne na may tinututukang baril sa isang lalaking nakapasak ang bibig at nakatali, may katabi siyang isang parang bouncer at may hawak itong dalawang lalaki, ang isa ay kung hindi siya nagkakamali yuon ang pinsan ni Roxanne na si John Paul.





“ROXANNE.” Ang sigaw ni Dustin pero sabay ng pagsigaw niya ang pagpindot nito sa gatilyo at hinarang ng pinsan nitong si John Paul.





“Dustin.” Naluluhang sabi ni Roxanne..





Lumapit ang mga pulis kay Roxanne at duon sa kasama nitong lalaki, nakita niya ang pinsan nito na umiiyak habang nakatingin sa lalaking duguan ang ulo dahil sa pagkatama nito sa bato nung hinarang ni John Paul ang bala.




“Fuck, dalin na natin siya sa Ospital.” Ang sabi nung lalaking halos mukha ng baliw dahil sa pag-iyak nito.





Tinulungan ni Dustin sina Evo, sinakay agad nito sa kotse at mabilisang dinala sa pinakamalapit na Ospital. Nang madala nila ito ay hindi nagtagal si Dustin at pumunta sa presinto kung saan naroon si Roxanne.





EVO’S SIDE:



Were currently here sa ospital kung saan nasa emergency room pa rin si Kristen, si JP naman ay tulala na nakaupo sa tabi ko.. I know kailangan ko siyang pasalamatan sa pagsalo niya sa bala na dapat sana ay kay Kristen.. Hinihintay niya lang ang nurse upang magamot ang sugat niya kaya siya nasa tabi ko.




“JP.” I said.




“Evo, I don’t know kung mapapatawad mo pa ‘ko, pero I’m sorry for everything.” Humahagulgol nitong sabi.




“It’s ok, wala ka namang kasalanan, you’re just blinded by love for my Kristen.” I said and pat his back.





“No, kasalanan ko ‘to.” He said.





“Walang may kasalanan nito JP.”





Hindi na lang siya sumagot at hikbi na lang nito ang naririnig ko.. He’s guilty pero hindi ko naman siya dapat sisihin since si Roxanne ang may pakana ng lahat ng ito.




“Sir, gagamutin na po natin ang sugat niyo.” Sabi ng nurse kay JP.




Unti-unti itong tumayo at pumasok sa kwarto, ako naman ang mga hiwa ko sa kamay ay itinali ko na lang ng panyo, hindi nanaman ito masyadong dumudugo kaya hindi ko na inaksayahan pang magpagamot, I’m on mix emotions at masyadong pre-occupied ang utak ko..Naramdaman ko na lang ang pagtulo ng mga luha ko.




“Mukhang malaki ang problema mo Kuya, ito oh.” Tumingala ako at nakita ko ang isang magandang bakla na hawak ang isang panyo.




Hindi ko alam pero kinuha ko ang panyo at pinunas sa mata ko at sa mukha kong madumi, nakita ko siyang ngumiti.




“Ako nga pala si Jade.” Inabot nito ang kamay nito sa akin..




“Evo Patrick Yu.” Sabi ko and grab his hands.




“Ano nga palang ginagawa mo dito.?” Tanong niya.




Kwinento ko sa kanya ang lahat and I think mga 30 minutes din kaming magkausap, nakita ko ang awa sa mukha niya ..




“Uhmm nice meeting you Evo, una na ko ah.? Don’t worry ipagdadasal ko ang asawa mo.” Sabi niya. Then I just gave a fainted smile.




Halos kakaalis lang ni Jade ng lumabas ang doctor mula sa kwarto kung saan ginagamot si Babe.




“Sino ang pamilya ng pasyente.?” Tanong ng doctor at luminga-linga.




“I’m His Husband, Doc.” I said at lumapit sa kanya.




Nakita kong sumeryoso ang mukha nito, Shit.!





3rd Person’s POV (Focus ito sa PAST nila  Kristen.)



Nagulat siya ng matulak siya ni JP at sa hindi inaasahang pagkakataon ay tumama ang ulo nito sa bato… Bigla na lang parang may kung anong memorya ang unti –unting bumabalik sa utak niya.. Nagsimula ito nuong.




Matagal ng naninirahan sina Krisanta at Stephen sa village na matagal na sa lugar, mayaman ang pamilya nila.. Mayroon silang dalawang anak.. Sina Paulo at Kristen.. Bata pa lang ay pansin na ni Krisanta ang mahinhin na pagkilos ni Kristen, hindi niya naman masabi ito sa anak dahil bata pa lang ito 5 na taon pa lang ‘nun si Kristen at next year ay mag-aaral na ito ng kindergarden.




Nakatanaw lang si Kristen sa balkonahe ng bahay nila ng makita niya ang isang bata na mukhang bagong lipat sa tapat ng bahay nila, hindi niya alam kung bakit napapangiti siya pag tinitignan niya ito ng palihim, sulyap-sulyap lang..




Lumipas ang isang linggo at pasukan na, wala na ang kuya niya kaya siya lang mag-isa sa bahay, ang mga magulang naman nito ay busy sa mga trabaho nila.. Malungkot si Kristen kaya pumunta siya sa playground upang sana ay maglaro.




Nakita ni Kristen ang batang lagi niyang tinitignan sa harap ng bahay nila, napangiti siya at dumukot ng candy sa bag niya.. Lumapit siya dito..




“Gusto mo ng candy kuya.?” Sabi ni Kristen na agad namang kinuha ng bata.




“Sure.” Nakita ni Kristen ang napakagandang ngiti nito na ikinangiti niya rin.




“Ako nga pala si Kristen Delos Reyes.” Sabi ni Kristen at umupo sa tabi nung lalaki.




“I’m Evo Patrick Yu.”  Sabi nito at ngumiti ulit kay Kristen.




Simula ‘nun ay naging magkaibigan at lagi na rin silang naglalaro sa playground.Isang araw ay wala ang pamilya ni Evo kaya napagdesisyunan niyang magligid sa Village nila, lagi namang wala ang magulang niya kaya ok lang sa kanya ang mag-gala basta hindi lalabas ng Village. Habang naglalakd ay napansin ni Kristen ang isang batang nasa labas ng bahay nito at umiiyak..




“Bakit malungkot ka bata.?” Sabi ni Kristen at tinignan naman siya nung bata.




“Nag-away kasi yung mama at papa ko.” Umiyak ulit yung bata at nataranta si Krisnten.




“Anong pangalan mo.?” Out of nowhwere na tanong ni Kristen.




“Ako si John Paul, you can call me JP, can we be friends.?” Sabi nito at tumigil na sa pag-iyak.




“Sige friends na tayo, ako nga pala si Kristen.” Sabi ni Kristen at inabot ang kamay nito na agad namang tinugon ni JP.




Simula ‘nun ay naging magkakalaro at magkaibigan silang tatlo, pero laging nagkakagalit sina Evo at JP dahil minsan ay nagagalit sila pag ang isa sa kanila ay binibigyan ni Kristen ng atensyon.. Kung sa pagiging matanda ay matatawag itong selos.




Hapon nuon at si Evo at Kristen lang ang nasa playground, masaya si Evo dahil solo niya lang si Kristen.. Hindi mapagilan ni Kristen na umamin na, aminado siyang may iba siyang nararamdaman kay Evo.. Yung puso niya abnormal pag kasama niya ‘to tulad ngayon na parang walang oras, nakatigil ang mundo..




“Alam mo, pag kasama kita.. Iba ang nararamdaman ko.” Sabi ni Kristen.. totoo naman kasi ‘yun.




“I feel that too Tenten.” Sabi ni Evo habang nakatingin diretso sa mga mata ni Kristen..




“Hoy, parang kayo lang ang magkaibigan.” Biglang sigaw ni JP.




Hindi alam ni Evo at Kristen na narinig niya lahat ng pinag-usapan nila, galit siya kay Kristen pero mas galit siya kay Evo.. Ilang beses niya na itong nakitang laging naglalapit ang mukha, isa pa ay nuong nasa tapat sila ng bangin at nagsumpaan.. Nandun din siya..




Naglaro lang silang tatlo, inis nanaman si Evo dahil nawala nanaman ang sana’y moment nilang dalawa ni Kristen.. Sa sobrang galit naman ni JP ay kinuha nito ang bracelet ni Evo na bigay ng nanay nito sa kanya.. Pasimple lamang at nakuha niya din..




Kinabukasan ay halos halughugin na ni Evo ang buong bahay nila para mahanap ang napaka-importanteng bracelet na ‘yun.. Regalo sa kanya ‘yun ng Mommy niya nung birthday niya nung isang taon.




Malungkot siyang tumungo sa playground at nakita niyang may sinusungkit si Kristen sa puno.. Tumingin si Evo at nakita niyang bracelet niya pala yung kinukuha ni Kristen..




“Patpat diba bracelet mo ‘yun.?” Tanong ni Kristen. Tumango lang si Evo na malungkot pa rin.




“Tss wag ka na sad makukuha din natin ‘yan.” Sabi ni Kristen.




Ilang sungkit pa ay hindi nila talaga ito makuha, dismayado si Kristen na makuha ito dahil ayaw niyang maging malungkot si Evo..




“Kargahin mo ‘ko Evo.” Sabi ni Kristen.




Pinilit siya ni Kristen at maabot na sana nila ito pero umuga si Evo dahil nabibigatan siya kay Kristen. Pero hindi na nakaya ni Evo at tuluyan niyang nabitawan si Kristen, parehong tumama ang ulo nila sa bato.. Nakita iyon lahat ni John Paul, dali siyang humingi ng tulong.




Nadala sa ospital si Kristen at Evo na parehong duguan ang ulo… Umamin si JP sa kanila na siya ang nagpalagay sa Driver nila nuong bracelet.. iyak lang ng iyak nuon si JP.. Nagsisisi siya sa nagawa.. Hanggang lumipas ang 3 araw ay nagising na si Evo.. nagulat ang Mommy nito at si Krisanta na wala itong maalala. Kinabukasan din nuong araw na yun ay nagising na rin si Kristen.. nanlumo sila dahil kapareho din ito ni Evo.




Simula ‘nun ay napagpasyahan ni Krisanta at Stephen na ipamahala muna ang kumpanya nila kila Anthony at Ysabelle.. Oo hindi sila naghirap.. pinakasal lang nila ang dalawang bata dahil alam nilang sila lang ang makakapagbalik ng nakaraan nila.. Dahil hindi utak ang susi sa memorya kung hindi ang puso.




Nabale-wala nuon si JP at lumipat na rin ng Village hanggang sa nalaman niya na lang na sa Public School naga-aral si Kristen.. Sumunod na lang siya dito at duon ay nakilala niya na ang bagong Kristen.





EVO’S SIDE:


Pumasok ako sa loob ng kwarto at nakita kong nakahiga si Kristen.. (malamang nakahiga..) Hinimas-himas ko ang buhok niya at tumulo nanaman ang luha ko..



“Kristen, mahal na mahal kita gumising kana please.” Sabi ko kay Kristen.



Ligtas siya sabi ng doctor, mabuti na lang daw at hindi nag clot ang dugo nito sa utak dahil mas delikado daw iyon.



“Kristen..” malambing na sabi ni Evo.



Nagulat na lang ako ng unti-unting bumukas ang mga mata nito.. lalong tumulo ang mga luha ko..



“Kristen.” Masiglang sigaw ko.



“Patpat.” Niyakap ko na lang siya..









Habang mayakap ay hinalikan ko siya agad.. Sobrang saya ko… Sobra :)









Author's Note:

     Oha ! HAHAHAH Sunod na po ang Ending nitooo :D Again maraming maraming salamat po sa pagbabasa ! :D








5 comments:

  1. sarap nmn s pakiramdam na-acknowledged ung comment ko hehe thank you din sau mr.Author ;)
    Ang cute kasi ng mag-asawa Evo-Kristen so gnun pla history nla tatlo.
    Sad kc last chapter ang susunod :(

    Atsea

    ReplyDelete
  2. Haizt Mr. Author, anu pa nga bang masasabi sa sobrang ganda ng story na to....ang sarap balikan sa simula kc hindi talaga siya nakakaboring basahin...sa totoo lang marami na kong nabasang story na kagaya nito pero ngayon lang talaga ako naka appreciate dahil sa ganda ng flow...alam mu yun, kuha mu yung gusto ng mga mambabasa, para sa akin ha.....kumbaga ikaw bilang author, ito ang gusto mo ibibigay ko yung ganon ba.....isa pa sa nagustuhan ko dito yung comedy, drama, action at romance akalain mo yun napagsama mo lahat dito, kaya iba talaga,....at may time na napapahagalpak ako ng tawa pagdating sa mga kakulitan which is hindi ko pa nabasa sa ibang story like this....the best...

    Mr. Author ikaw na talaga.....ikaw na talaga ang favorite author ko...hehehehehe...


    EXCELLENT!!!!


    P.S. pwede mag request....if its ok with you, kung pwede ako makahingi ng electronic copy nito kahit sa word document lang para ma compile ko sya...kung ok lang naman....kung hindi ok lang din....

    ReplyDelete
  3. ammm kelan po ipopost ung last part ending. apka
    gandang kwento po. sobra. salmat

    ReplyDelete
  4. WAAAAAAAAWWW!
    Patpat, Tenten. Ankyut. :"> HAHA

    This story have just made my day. ;)

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails