“bliss”
Chapter 4
Lunes nanaman. nakakatamad talaga pumasok nasabi ko nalang sa sarili ko habang papasok sa gate ng school. inaantok pa talaga ko dahil nga super aga ng pasok sa likod ko bigla nalang may bumatok sakin. napaaray naman ako. nakita ko si niel na lumampas sakin na todo ngiti. ngumiti lang ako. "neil di mo masisira araw ko" nasabi ko nalang.
pagkapasok ko sa room nakita ko agad si raymond na nagsusulat seryosong seryoso pa to. nakita ko din si alvin na nakikipagusap kay che ngunit nang makita ako agad tong tumayo at lumapit sakin, nakita ko naman na napasimangot si che sa ginawa ni alvin.
"tol" sabi nito sabay tapik sa balikat ko. late ka na ah buti wala si ma'am ngaun." sabi pa nito ako naman talagang tinatamad at humikab pa.
"tinanghali ako ng gising eh baka magalit si che bigla mo nalang iniiwan." sabi ko at tumuloy na sa upuan ko. sumunod naman si alvin.
"morning" bati ni raymond pagkaupo ko. "morning din" balik kong bati sa kanya. at umupo na ko sa upuan ko. "ano sinusulat mo?" tanong ko pa kay raymond.
"ung mga namiss kong lessons hiniram ko kay alvin." saad ni raymond habang nagsusulat.
"kay alvin ka ng hiram? eh tamad magsulat yan eh.?" sabi ko na seryoso. nabatukan naman ako ni alvin "aray naman!" reklamo ko kay alvin.
" kumpleto yan noh." sabi nito
“weh” asar ko naman sa kanya.
“oo nga kumpleto yan masipag na ko magsulat eh may insipiration na eh” todo ngiti naman to.
“oo na sige na tawag ka ni che oh” sabi ko naman agad naman tong pumunta sa kinauupuan ni che.
binigay ko nalang kay raymond yung notebook ko nagpasalamat naman sya dahil dun. Maya maya bumalik naman si alvin sa upuan niya. absent nun ung 1st subject namin kaya medyo magulo ang klase ako naman nangalumbaba lang habang pinapanuod si raymond habang nagsusulat.
napakaamo talaga ng mukha niya parang ang bait bait sabagay mabait naman talaga sya. bakit kaya wala syang nililigawan. sa pagkakaalam ko wala, sa totoo lang mas masipag sya magaral kesa samin ni alvin. lagi syang nakakasagot kapag nagtatanong ang teacher namin. Ang bait bait pa. sarap niya siguro mahalin. Nasabi ko nalang sa sarili ko.
"konti nalang iisipin kong may gusto ka sakin" biglang sabi ni raymond nagulat naman ako kaya napatingin ako sa likod.
"ah eh anu ulit un?" napatawa naman sya. "wala!" sabi pa nito at bumalik sa pagsusulat. hindi na tuloy ako mapakali. sya naman pangiti ngiti lang. lalo naman akong nailang sa mga ngiti niya. ano ba iniisip ng loko na to. nasabi ko nalang sa sarili ko.
"ang gulo mo di ako makapagsulat ng maayos?" sabi nito pero todo ngiti parin
"eh kasi bakit ka ba ganyan ngumiti mukang aso." sabi ko naman
"aso? may aso bang ganito kagwapo?" todo pacute na sabi nito. napasimangot naman ako. "punta tayo sa bahay mamaya" maya maya sabi nito
"huh bakit?" tanong ko naman. "ano gagawin natin sa inyo?" dagdag ko pa
"ah wala lang para alam mo house namin. Sabi kasi ni Alvin dapat pupunta kayo samin kaso di mo naman alam." sabi nito habang nililigpit ang mga gamit. inabot naman niya sakin ang notebook ko. "salamat" sabi pa niya. "ok” sagot ko naman sa kanya.
Dumating nga ang uwian sabay sabay kaming tatlo sa paglabas ng room. nakita naman namin si irish sa gate na todo ngiti. napasimangot naman si alvin dahil dun. "ang amazona bow" nasabi nalang ni alvin. napangiti naman ako dun pati na rin si raymond.
"ako pinagtatawanan niyo noh. sabay ako sa inyo carlos." sabi ni irish na humarap pa sakin.
"ok lang sige." sabi ko naman
"may lakad pa tayo ah" sabat naman ni raymond
" saan.?"tanong ni alvin agad naman siniko ni raymond para senyasan.
"saan kayo pupunta sama ako? di ba carlos sasama niyo ko" sabi uli ni irish napakamot naman ako ng ulo dahil dun "ah eh"
"hatid ka na lang namin hanggang sakayan?" suhestiyon ni raymond "yeah oo nga" sagot ko naman. napanguso naman si irish dahil dun. nagpumilit parin ito pero hindi nagpatalo si raymod at alvin pinabayaan ko naman sila hanggang makasakay si irish.
"kulit talaga ng amazona na yun" simangot ni alvin napatawa naman ako. "type mo ba yun carlos?" tanong pa nito napahinto naman ako.
"ah eh maganda sya nacucutan lang ako" sabi ko naman.
"ah eh guys uwi na ko sabat naman ni raymond na mejo nakasimangot.
"wait di ba sabi mo punta tayo sa inyo ?" habol ko naman sa kanya.
"next time nalang." sabi nito habang naglakad ng mabilis naiwan naman kami ni alvin
"nangyari dun?" takang tanong ko kay alvin nakibit balikat naman ito.
Naglakad naman kami ni alvin kwentuhan lang ng kwentuhan sarap talaga niya kakwentuhan ang gwapo gwapo pa. "gusto mo sa bahay nalang tayo pumunta?" maya maya sabi nito. "baka malayo" sabi ko naman ngumiti lang sya.
Ok naman ang bahay nila up and down.. may kaya sila halata naman sa kutis ni alvin. dahil ,maputi siya at halatang alaga. Ngunit wala dun parents niya nasa trabaho daw. sabay naman kaming kumain sya pa naghanda ng pagkain namin. Nagkukwentuhan lang kami habang kumakain
“Ano naman kaya nangyare dun kay Raymond bigla nalang nangiiwan.” Maya maya hirit ko kay Alvin.
“baka nagseselos?” sabi ni Alvin na nakatingin sa pagkain niya sabay inom ng tubig. Nangunot naman noo ko dahil dun.
“selos? Bakit?” litong tanung ko kay Alvin nagkibit balikat lang sya.
pagkatapos kumain ay dumeretso naman kami sa kwarto niya.
"ganda pala ng kwarto mo eh" sabi ko naman lalakeng lalake kwarto niya may mga nakadikit pang mga sexing babae. Mabango naman kahit medyo magulo.
"sus ganda ka jan magulo nga eh." habang dinadampot niya ung mga nakakalat na damit niya.
"ok lang naman." naupo naman ako sa kama. nakita ko nalang sya kumukuha ng damit sa closet niya at naghubad sa harap ko. napatigil sya nung nakita niya na nakatingin ako. iniba ko nalang bigla ang tingin ko dahil naiilang ako. nahiya naman ako pag katingin ko sa kanya dahil nakabihis na sya. Nilagay naman niya ang mga damit niya sa labahan.
Maya maya tumabi sya sakin.
"uhm may sasabihin ako sau." sabi niya na nakatingin sa mukha ko.
"ano naman yun.?" medyo umurong ako palayo sa kanya at nagkunwaring may kinakalikot sa bag.
" uhm ano ..?” sabi ni alvin na nagkakamot ng ulo
“Ay may gitara ka pala.?” Tumayo naman ako at kinuha sa dingding yung gitara. Hindi talaga ko marunong nun pero para matanggal ung pagkaasiwa ko.
Nagkamot naman sya ng ulo “marunong ka ba nyan?” tanong niya. Umiling naman ako sabay ngiti”.
“Sus di ka naman pala marunong eh akin na nga yan.” Sabi ni Alvin sabay kuha ng gitara.
“anong gusto mong tugtog?” sabi niya na puwesto habang hawak ang gitara. Napatingin lang ako sa kanya. Gwapo naman niya habang tinitipa ung gitara niya.
“hoy anu?” gulat niya sakin. “natulala ka na sakin jan? astig ba?” sabay pacute habang hawak yung gitara.
“baliw ah ung guardian angel alam mo?” sabi ko naman
“oo naman” sabi niya at nagsimula tumugtug.
Pinagmasdan ko naman sya habang tumutugtug bawat buka ng bibig niya habang kumakanta. ang ganda ng boses niya at Ang gwapo niya talaga nasabi ko nalang sa sarili ko.
I will never let you fall
Ill stand up for you forever
I'll be there through it all
Even if saving you sends me in heaven
Nang matapos sya tumutug kumanata pa sya ng ibang kanta hinihiling pa niya na sabayan ko daw sya kaso panget boses ko kaya sabi ko na sya nalang. Pinagbigyan niya naman ako. Maya maya nagpaalam narin ako. Dahil masyado nang hapon.
Naisip ko habang pauwi kung bakit ganun kabait sakin ni Alvin swerte ko naman at nakahanap ako ng kaibigan na ganun kabait. Kahit alam ko na marami naman syang pwedeng kaibiganin pero ako parin ung nilapitan at kinausap niya.
Kinabukasan pagkapasok ko tumuloy agad ako sa upuan ko nakaupo naman si Raymond ngunit parang hindi ako nakita. Pero dahil medyo inaantok pa ko hindi ko nalang pinansin. Hanggang umabot ng recess.
Mas nauna pang kausapin ni Raymond si Alvin kesa sakin. Pinabayaan ko nalang dahil wala ako sa mood at tinatamad ako.
“carlos tara sa canteen tayo.?” Yaya sakin ni Alvin si Raymond naman hindi man lang tumingin.
“Kayo nalang hindi naman ako nagugutom eh.” Sagot ko.
“tara carlos tayong dalawa nalang libre kita.” Sabi naman ni irish. Napasimangot naman si Raymond pagkatingin ko.
“ok na ko dito thanks nalang.” Sabi ko.
Pinilit pa nila ko kaso wala talaga ko sa mood at dinagdagan pa ng hindi pagpansin ni Raymond. "Bahala nga sya sa buhay niya” nasabi ko nalang sa sarili ko. Umalis sila na di man lang ako nilingon ni Raymond.
Hanggang sumapit ang uwian ngunit di parin ako pinapansin ni Raymond. Sabay sabay kaming lumabas tatlo kahit walang imikan.
“May duty day tayo bukas” basag ni Alvin sa katahimikan.
“narinig ko nga” sabi naman ni Raymond habang naglalakad
“ok” sabi ko naman
“para kayong tangang dalawa bakit di kayo nagpapansinan.?” Sabi ni Alvin na humarang sa daan naming dalawa.
“sya lang” turo ko naman man kay Raymond.
“anong ako ikaw nga yun eh. Hindi ka man lang nag goodmorning kanina?” sabi nito na nakanguso natawa naman ako sa rason niya. Binatukan naman sya ni Alvin. “aray naman” reklamo nito
“dahil lang dun nagkakaganyan ka? Para kang sira” sabi naman ni Alvin. Hindi ko naman mapigilan tumawa.
Dahil lang dun di na namansin sa isip isip ko. Childish
“wala lang ako sa mood kanina.” Sabi ko nalang nagtuloy na kami sa paglalakad tulad ng dati kuwentuhan biruan tapos asaran. Napagusapan naming na magbaon ng lunch namin kinabukasan para dina kami umuwi. Dahil may training daw kami at duty ng ibang sections.
Dahil nga hindi na kami uuwi ng tanghali madami ako dala. Lunch tapos damit pamalit pagkatapos sapatos pa.. Pag pasok ko sa room sinalubong agad ako ni Raymond.
“dala mo ba lahat ng damit mo” nakangiti nyang tanong. Sabay kuha ng paper bag na dala ko.
“hindi noh” tumuloy na kami sa upuan. “wala pa si Alvin?” tanong ko kay Raymond nang makaupo na ko. maya maya dumating na din to tulad ko marami rin syang dala. Tumayo naman ako para tulungan sya.
Hanggang maguwian na dumeretso kami sa canteen para dun kumain at magpalipas ng oras dahil alas dos pa ang duty namin. Sabay sabay kami kumain tatlo tawanan lang kami ng tawanan.
“carlos dami mong dala ah para kang maglalayas.” Sabay kuha sa paperbag ko at kalikot ni alvin sa gamit ko.
“wala lang yan pamalit lang malamang kasi pawisan tayo mamaya eh kaya nagdala na ko ng extra saka parang ang konti ng dala mo ah?". Paliwanag ko sabay kuha sa paperbag ko.
"mas madami parin ung sayo." nakangiti nitong sagot
Medyo nahirapan kami sa training at duty ng ibang section madami kasing pasaway na studyante na hindi marunong sumunod sa order ng officers nila. Andun yung saway kami ng saway dahil daldal ng daldal habang naglilinis. Tapos ung iba tawanan ng tawanan. Nakakastressed haha
Hangang matapos ang duty at training namin sabay sabay ng nag-alisan ang mga studyante at naiwan pa lahat ng officers, medics at mga sp. Nagmeeting lang sandali pagkatapos ay pinauwi na din kami.
Halos lahat pagod na pagod. Kaya nagpahinga muna kami sa isang bench sa gilid ng quadrangle. Medyo mahangin non dahil pahapon na.
“grabe nakakapagod talaga ang sakit pa sa ulo.” Sabi ni Alvin na hanggang ngayon ay pawisan parin. Pero kahit ganun na itsura niya gwapo parin sya. Nangiti naman ako sa naisip ko.
“bakit ka naman nakangiti dyan?” tanong ni Alvin habang nagpupunas ng pawis. Binato ko sa kanya yung tuwalya ko.
“masama ngumiti.? Bakit kasi d ka nagdala ng panyo man lang?” sabi ko habang inaayos na ang laman ng paperbag ko. “nakalimutan ko eh” simpleng sagot niya.
" Ang dami mong dala tapos panyo pa talaga nakalimutan mo." asar ko pa sa kanya.
Tumigil muna kami dun ng ilan pang sandali dahil sarap ng simoy ng hangin. Kwentuhan lang ng mga kapasawayan ng mga studyanteng binantayan namin.
“tara na” yaya ni Raymond
“Magbibihis lang ako sandali sa cr ang init eh.” Paalam ko sabay lakad patungo sa cr.
“bilisan mo huh” habol pa sakin ni Raymond. Ngumiti lang ako sa kanya saka tumuloy sa paglalakad.
Nang nasa cr na ko may mga nakasabay pa kong studyante nagkukuwentuhan ung iba umiihi sa urinal. Pumasok naman ako sa isang cubicle at nagsimulang magbihis. Naririnig ko pa yung usapan ng dalawang studyante puro tungkol sa kalokohan at babae. Natatawa nalang ako habang nagbibihis sa pagkakarinig ko broken hearted ung isa kaya todo advice ung kaibigan. Parang iiyak naman ung isa. Ung isa naman nagaasar pa, Mga kabataan talaga ngaun nasabi ko nalang.
Lumabas naman ako sa cubicle at pumunta sa salamin. Napansin ko nakatingin sila habang inaayos ko ang buhok ko. humarap naman ako sa kanila.
“ah kuya baliktad yung damit mo?” sabi ng studyante na halatang gustong tumawa.
“style yan?” sabi ko naman sabay ngiti sa kanila. Tawanan naman sila nakitawa nalang ako tumalikod ako sa kanila at hinubad ung shirt ko at binaliktad. Tumatawa parin sila pag harap ko. napatingin naman ako sa kasama nila na tahimik lang parang ang lalim ng iniisip. Tiningnan naman nila kung kanino ako nakatingin.
“ah kuya broken hearted kaya ganyan. Jerome kailmutan mo na kasi yun.” Sabi ng kaibigan nito sabay tapik pa sa balikat.
“ang babata niyo pa puso kagad problema niyo. Enjoy niyo lang muna wag ilugmok ang sarili kung talagang kayo eh magiging kayo talaga.” Sabi ko naman
“Salamat kuya.” Sabi nalang ni Jerome. Napatingin ako sa mukha niya, gwapo naman sya mukhang inosente ang mukha sigurado maraming magkakagusto dito dahil ang charming ng dating, parang ang bait bait kung magsalita, ang tanga naman ng babaeng yun nasabi ko nalang sa sarili ko. nagpaalam na ko sa kanila at lumabas na ng cr.
“tagal mo naman” reklamo ni Alvin.
“ano bang ginawa mo sa cr?’” tanong naman ni Raymond
“nagbihis malamang”sagot ko habang inaayos ko buhok ko. “ang fresh ko kayo mga hulas na” natatawa kong sabi sa kanila. Binatukan naman ako ni Raymond napa aray naman ako.
“fresh mo nga dami mo naman dala” asar sakin ni Raymond. Tawa naman ng tawa si Alvin.
“fresh ka nga pero mas gwapo parin ako” sabi naman ni Alvin na tawa ng tawa. Napasimangot naman ako.
Totoo naman yung sinabi ni Alvin wala akong panama sa gwapo niya. Kaya pinabayaan ko nalang simple lang kasi ako. Sya ang daming nagkakagusto mapababae o mapabading man. Kahit sino magkakagusto sa kanya ganun din si Raymond. Pero mas lamang lang ng konte si Alvin dahil mas maputi sya kay Raymond.
"mas gwapo kaya ako.?" saad ni raymond saka umakbay sakin. " di ba carlos.?" napatingin naman ako sa kanya nailang ako dahil ang lapit lang ng mukha naming dalawa kaya tinggal ko agad yung kamay niya sa balikat ko.
“sus tara na baka gabihin pa tayo sakay na tayo huh mag gagabi na eh.” Sabi ko habang inaayos ang mga gamit ko. maya maya nagsimula na kaming maglakad palabas ng school dala dala naman ni Raymond ang ibang gamit ko.nung una ayaw ko sana ipadala pero mapilit sya kaya pinabayaan ko nalang.
Kanya kanya na kami ng sakay dahil magkakaiba ang lugar namin. Nauna si Alvin pagkatapos ay ako. “ingatz” sabi ni Raymond pagkatapos sumaludo pa sakin. Ngumiti lang ako sa kanya.
Pagdating ko sa bahay habang inaayos ko ang mga gamit ko biglang may nalaglag na kapirasong papel mula sa paperbag. Banasa ko naman.
Maniniwala ka ba kung malaman mo
Ikaw yatang tinatangi ng puso kong ito
Iisipin mo kaya nagbibiro lamang ako
Mahal kita, Mahal kita palagay ko.
Nangunot na lang ang noo ko sa pagtataka “kanino naman to” nasabi ko nalang iniisip ko nalang baka nagkamali lang nag lagay dahil ang tanga naman nun kung ako ang magugustuhan kaya Malabo. Inipit ko nalang to sa isa sa mga notebook ko. pagkatapos kumain ng hapunan ay nakatulog agad ako dahil sa pagod.
nice! ganda
ReplyDeletenext na po
:)
ReplyDeletesalamat. s sobrang excited, dina ko nagcomment dito. dire-diretso basa ko hanggang chapter 7. siguro yung chapter 8 bukas meron na. salamat.
ReplyDeletebharu