“bliss”
Chapter 3
"carlos" maya maya sigaw ng teacher namin. napatayo naman ako sa nagulat. "dahil tulala ka. sagutan mo sa board. show your solution." napakamot naman ako sa ulo. lahat ng subject kaya ko wag lang math. hehe di ko alam kung hahakbang ako dahil hindi ko naman alam ang sagot. di ko alam gagawin ko dahil nakatingin na sakin lahat ng classmate namin
"ma'am ako nalang." napalingon naman ako sa pinto at nakita ko si raymond na nakatayo habang ang laki laki ng ngiti!
"raymond?!" nasabi ko nalang sa sobrang gulat. ngumiti naman ito sakin mukang maayos na ang lagay nito base sa aura nito at mukang pagod ito marahil sa pagmamadali. dahil mababakas pa ang pawis sa mukha nito. "gwapo parin" nasabi ko nalang sa sarili ko.
"welcome back raymond" saad ng teacher namin. "sit down at dahil nakangiti ka na mr. carlos pumunta ka na dito sa board." saad pa nito. napakamot nanaman ako dahil di ko alam ang sagot at naeexcite parin ako dahil bumalik na si raymond.
"ah eh ma'am." sabi kong nagkakamot at pautal utal.
" What" sagot ng teacher namin na nakataas ng kilay.
"ma'am ako nalang po" napatingin naman ako sa likod at nakita ko si irish na nakatayo at todo ngiti sakin. napangiti naman ako dahil dun nagpasalamat ako ng lihim. pumunta na sya sa unahan muli naman akong umupo. as expected tama ang sagot nia. kumindat pa sya sakin ng mapadaan sa kinauupuan ko.
"tol namiss kita" sabi ko kay raymond na todo ngiti. totoo naman namiss ko talaga tong lokong to.
"mas namiss kita.!" pagyayabang naman ni raymond
"mr carlos and mr raymond gusto niyo magprisintang sumagot?" pareho naman kaming nagulat ni raymond at nanahimik. kahit gustong gusto na namin tumawa.
dumating na ang reccess at gaya ng dati sabay sabay kaming tatlo nila raymod at alvin pero humabol si irish dahil gusto niya daw sumama. ng nasa gilid na kami uli ng gym habang kumakain tuloy parin ang kwentuhan namin.
"tol payakap nga namiss talaga kita eh." sabi sakin ni raymond "oo naman" sagot ko naman ngunit bigla nalang akong niyakap ni irish. napakunot naman ang noo ni raymond sa pagtataka.
"kayo na?" tanong ni raymond na parang nag iba ang aura. or pwedeng sabihin na nakasimangot na ito.
"oo" sagot ni irish na todo ngiti.
"hindi noh" sabi ko naman na tinanggal ang kamay ni irish sa pagkakayakap.
"irish wagas makatsansing" sabi naman ni alvin. napasimangot naman si irish, at ng makita ko ung muka ni raymond hindi parin nagbabago ang expression niya nakasimangot parin. lumapit naman ako sa kanya at niyakap sya ng mahigpit. "namiss talag kita mond" hindi ko maintindihan naramdaman ko ng magdikit ang katawan namin winaglit ko nalang sa isipan ko kung ano man yun
"hasuuss ang swit naman" asar naman ni alvin. bumitaw naman ako kay raymond at ginulo ang buhok niya "smile na" sabi ko pa napangiti naman sya dahil dun.
bumalik na kami sa room mejo awkward habang sabay sabay kaming naglalakad napapansin ko kasi masama ang tingin ni raymond kapag dumdikit sakin si irish. Nang makarating kami sa room hindi na ko kinikibo ni raymond kahit magkatabi pa kami. pinabayaan ko nalang mejo clueless ako bakit sya ganun.
"bakit ang tahimik mo?" tanong ko sa kanya.
"ah wala lang." sagot naman niya na pilit ngumiti. tumabi naman sakin si alvin.
"ano problema? salamat wala na ang amazona.?" sabi ni alvin na umakbay pa sakin tinanggal ko naman ito agad ng makita kong nakatingin doon si raymond.
"ah wala balik ka na sa upuan mo" sabi ko kay alvin
"assuuus LQ agad kababalik lang. sigurado ako dahil kay amazona yun." asar pa ni alvin.
"gago" saad naman ni raymond.
Di ko nalang pinansin. kinabukasan walang pasok kaya naglakad lakad lang ako papuntang plaza. dahil wala naman magawa sa bahay at gusto ko umiwas sa utos hehe. patingin tingin lang kung saan saan. mauupo sa bench tapos kakain ng fishball. ang loner ko noh? hehe
Ganito ako lage minsan kung saan saan lang ako pumupunta naglakad lakad. minsan sa sementeryo dindalaw ang mother ko. kakausapin kahit di sumsagot. 2nd year ako ng mamatay mother ko dahil sa heart attack ang father ko naman nag-asawa na ng iba sumamana dun sa asawa nia. kalungkot noh?
Sa ngayon kaming pitong magkakapatid nalang ang magkakasama siguro nung mga unang taon malungkot talaga pero unti unti din namin nakasanayan mabuhay para sa sarili namin. nangilid ang luha ko ng maalala ang sitwasyon na wala ng magulang na nag-aasikaso. simula ng mangyari yun nagbago na ang buhay namin. kung dati maluwag kami at nabibili namin lahat ng gusto namin ngayon kailangan magtipid para mabuhay kami.
"pwede tumabi?" tanong ng tao mula sa likod ng lingunin ko si alvin pala. "bakit ka mag-isa?" tanong pa nito
"wala lang nagiisip isip lang ikaw bakit ka andito?" tanong ko naman habang sumusubo ng fishball. "gusto mo?" alok ko sa kanya.
"hindi ok lang. may binili lang ako jan sa malapit naisipan ko lang magpahinga muna dito." maghahapon na yon kaya medyo malamig na ang hangin. "ikaw bakit ka andito?" tanong naman nito.
"nagiisip isip nga lang kasasabi ko lang kanina eh." nakangiti ko naman sabi. napangiti naman sya dahil dun. napagmasdan ko uli sya. nakapangbahay lang sya pero gwapong gwapo parin. dami talagang magkakagusto dito.
"nagwagwapuhan ka nanaman sakin" sabi nito habang napakamot sa ulo
"uhm gwapo ka naman kasi. nakakainggit ung labi mo." sabi ko sa kanya habang kumakain.
"talaga. wala pang nakakahalik jan" sabi naman nito.
"ows maniwala imposibleng di pa kayo nagkikiss ni che.?"
"hindi pa nga promis gusto ko special ang first ko." seryoso nitong sabi. pahinge nga. inagaw naman nito ang stick ng fishball. binigay ko naman at sumobo sya ng isa pagkatapos binalik sakin ung stick.
"eh ikaw nakafirst kiss ka na ba.? ung labi mo nga din maganda parang sarap halikan.?" sabi pa nito
" baliw.. uhmm wala pa.. hindi ko muna iniisip yun bata pa tayo masyado.
"sabagay sige uwi na ko" tumayo na sya pero bigla syang yumuko at humalik sa pisnge ko. nagulat naman ako dahil sa ginawa niya.
"ano naman yun?" kunot noong tanong ko sa kanya. ngumiti naman sya
"goodbye kiss. hindi naman sa lips wag kang pavirgin jan" nakatawa nitong sabi "sige uwi na ko" naglakad na to palayo at ako naman naiwan na tulala parin, nahawakan ko nalang ang pisnge na hinalikan ni alvin. Yun ang first kiss ko "ang baliw non" nasabi ko nalang sa sarili ko.
kelan po ang kasunod? salamat, naaliw ako s pagbbsa.
ReplyDeletebharu
light lng xa pero masarap basahin..
ReplyDeletekeep it up!
<07>
Sarap basahin nito !!
ReplyDeleteIts getting exciting hehehe