Title: A Dilemma of Love
Author: Menalipo Ultramar
E-mail: menalipodeultramar@gmail.com
Yoon Shi
Yoon as ALFONSE
Credits of
the pictures used above goes to its owners.
You may
contact me on the email address given above for any complaints or concerns.
------------------------------------------------------------------
Previous Chapter: Chapter 19
“Wow!!! Mayroon silang THE GODFATHER!!!”
Mabilis na pumunta si Chong sa shelf ng librong tinutukoy
niya. Kulay black itong libro na may rosas na graphics habang sa taas ng title
nito’y may kamay na ang hawak ay manipulator ng puppet na ang strings ay
nag-eextend sa title.
Nagulat si Fonse sa inasal ni Chong. Para kasi itong Homo
erectus na nakakita ng time machine. Halos hagkan na niya ang libro at haplusin
itong parang santo.
“Shocks, 375 pesos...” nanghihinayang na sabi ni Chong ng
makita niya ang presyo ng libro.
“Ano ba ‘yang libro na ‘yan?”
Inirapan lamang siya ni Chong. “Hindi mo ba alam, CLASSIC
ito. Alam mo bang dito ibinase ‘yung pelikulang ayon sa Audience polls eh
pinakamaganda kasunod ng Citizen Kane. Ang ganda kaya ng pelikulang ‘yun...”
Kumurap lamang si Fonse. Halatang walang alam sa pinag-sasabi
ni Chong.
“Kunsabagay, paano mo nga naman malalaman kung ano ito, eh
puro kayo videogames...” Hawak-hawak pa rin niya ang libro na parang ayaw na
niyang bitawan.
Kumuha si Fonse ng isang kopya ng libro at
tiningnan ang synopsis nito sa likod. “Eh tungkol ba saan ‘tong libro? Napanood mo na ba ‘yung
pelikula...”
“Patayan...” walang alinlangang sabi ni Chong.
Nanlaki ang mga mata ni Fonse. “Nakakatakot talaga ‘tong tao na ‘to...Puro patayan ang gusto...”
Saka tiningnan ni Chong si Fonse. “Si Don Corleone na
nandiyan sa synopsis, leader siya ng isang Mafia group. Kaso noong umayaw siya
sa offer ng isa ring negosyante sa drug business, tinangka siyang patayin.
Though nakasurvive siya, dahil na rin sa
old age, kailangan niya ng kapalit. Eh dalawa lang ‘yung anak niyang lalaki,
‘yung isa pinatay dahil gumanti sila noong binaril ‘yung tatay nila. ‘Yung
bunso na lang ‘yung natira para magmanage ng business nila. Eh kaso ayaw
tanggapin ng bunso kasi goodie-goodie daw siya, ayaw daw niyang pumatay at
gustong mamuhay ng tahimik kasama ng asawa. Pero kahit na reluctant, noong
nabaril ang tatay niya, um-oo na rin siya. It’s actually a story of a good man
who turned evil, dahil ‘yun ang idinidikta ng mga taong nakapaligid sa kanya at
sa huli, dahil pinili na rin niya...”
Nakatanga lang si Fonse. “Ahhhhh..oo...oo”
“I bet alam mo ‘yung The Godfather, maski ‘yung famous niyang
logo na puppeteer, pero hindi mo alam ‘yung kwento. At basing from the reaction
sa mukha mo ngayon, mukhang hindi mo pa rin alam...”
“Eh bakit hindi na lang siya umayaw sa pagiging Mafia, sa
gusto ng pamilya niya?” Nakangiting sabi ni Alfonse, tila pagpapatunay kay
Chong na naiintindihan niya ang pinagsasabi ng kausap.
Tiningnan siya ng seryoso ni Chong, at saka tumingin uli sa
libro. “...Kapag umayaw siya, maraming masasaktan, maraming mawawala. Una, mawawala
‘yung family businesses nila na itinaguyod ng tatay niya ng halos 50 years yata
o mahigit pa. Syempre, alam mo ng mangyayari nun, hihirap silang bigla LAHAT.
Hindi naman sila pwedeng lumipat kaagad sa legal na mga negosyo. Hindi rin
naman pwedeng ibang taong hindi nila kamag-anak ang magtake-over sa lahat ng
affairs nila. Mawawala ‘yung authority ng pamilya nila, alam mo na, paghaharing
mana-mana...” saka inilapag ni Chong ang libro sa shelf.
Nakatingin pa rin si Fonse kay Chong.
“...Pangalawa, kasi...gusto niyang alagaan ang tatay niya.
Noong nakita niya itong nabaril, naisip niya na walang ibang proprotekta sa
tatay niya kundi siya, na kahit malinis siyang tao, alang-alang sa tatay niya,
gagawin niya ang lahat, kahit na ang kapalit noon ay ang sarili niyang
konsensiya...” Nakatingin lang sa kawalan si Chong.
“Bakit parang may laman
‘yung sinasabi niya...” nasabi ni Fonse sa sarili habang matamang nakikinig kay Chong.
“...Pero ‘yun nga...” saka tiningnan ni Chong si Fonse.
“...Tuluyan siyang naging Mafia hood na handang pumatay ng kahit sino na
hahadlang sa interes niya. Natuliro lang siya, noong unang beses siyang
pumatay, noong pinatay niya ‘yung nag-utos na barilin ang tatay niya.
Pagkatapos noon, naging kalmante na siya, naging kalmante na tulad ng tatay
niya...” Bumuntong hininga siya. “...Naisip ko tuloy, ganoon naman talaga lahat
ng tao. At some point in our lives,
gagawa at gagawa tayo ng mga bagay na taliwas sa pagkatao natin, para maiba,
dahil nagsasawa na tayo. Pero pagkatapos nating maranasan ang kakaibang iyon,
bigla nating maiisip na hindi pala talaga iyon ang gusto natin, at saka tayo
babalik sa mga bagay na idinidikta ng mga taong nakapaligid sa atin, sa mga
bagay na kung ano talaga tayo, at sa mga bagay na gusto talaga nating piliin...”
“May laman talaga ang
mga sinasabi niya...” nasabi na lamang ni Fonse habang nakatitig sa mga mata ni Chong, na
nakatingin sa mga libro.
“Halika ka na...” saka naglakad papalayo si Chong mula sa
shelf, bakas sa mukha ang panghihinayang.
“Sandali...” Hinabol ni Fonse si Chong. “...Hindi mo ba
bibilhin ‘yung libro?”
Dahan-dahang naglalakad si Chong habang ang mga kamay niya ay
nasa likod. “Hindi muna, wala akong pera. Ang mahal kasi. Mas uunahin ko na
muna ‘yung materials sa miniature na bahay bago ‘yun...”
“...Bilhin ko na lang para sa’yo...”
Natigil si Chong at tumingin kay Fonse. “Ayoko, ayokong may
ibibili ka sa akin na kahit ano...”
“...Utang lang naman muna. Tsaka ako na lang ang bahala sa
materials doon sa scale model...”
“Hindi pwede, maghahati tayo sa lahat ng bagay na may
kinalaman doon sa project, mula sa pera hanggang sa pag-gawa. Hindi pwedeng
ikaw lang ang gagastos. At kung iniisip mong ikaw na lang ang gumastos para ako
na lang ang gumawa ng bahay, eh hindi ko rin ‘yun papayagan...”
“Sobra ka naman...” Pero muling nabigla si Fonse at hindi na
naituloy ang kanyang sinasabi. Dali-dali na namang tumakbo si Chong papunta sa
isang shelf, at saka dali-daling kinuha ang isang librong kulay pula. Halos
hagkan niya ito. Para na naman siyang Tabon Man na nakapanood ng TV.
“FUCK, meron silang Para Kay B!!! Wala na akong makitang
ganito sa ibang bookstore!!!”
Tiningnan siya ni Fonse na nakakunot ang noo. “Ano naman ‘yang libro na
iyan?”
“Para Kay B. Ang ganda kaya ng librong ito...” Saka niya tiningnan ang
likuran ng libro.
“Mukhang paborito mo...eh ‘di maganda nga talaga...”
“Ay, dyusko! Bakit ba ang mamahal ng mga bagay na ‘to! Maski
inspirasyon at pananaw ng tao, natutumbasan na rin ng pera...” Naibulalas na
lang ni Chong ng makita ang presyo ng libro, 250 ang nakalagay sa tag nito.
“Ano bang kwento niyan at gustong-gusto mo?”
Muli na namang inirapan ni Chong si Fonse. “Love story ‘to.
Medyo komplikado ‘yung plot para ikwento, pero ‘yung gist talaga, gumawa ‘yung
bidang lalaki ng limang magkaka-ibang kwento para doon sa babaeng mahal niya.
Sabi noong writer, ‘May quota ang pag-ibig. Sa bawat limang umiibig, isa lang
ang magiging maligaya.’ Tapos lahat ng kwento, babae ‘yung bida. Mahilig kasi
umarte ‘yung babaeng mahal nung lalaki, kaya ang ginawa niyang mga kuwento ay
‘yung pwedeng i-act ng babae...”
Nagkasalubong ang kilay ni Fonse. “Teka, ‘yung quota, na isa
lang ang magiging maligaya...totoo ba?”
Napangisi si Chong. “Bakit? Natakot ka para sa inyo ni
Grace?”
“Tae talaga nito, hindi
para sa amin ni Grace...” Tumulis ang tingin ni Fonse.
Saka binuklat ni Chong ang libro. “Hindi. May isang scene nga
sa libro na dinalaw nung mga imaginary characters ‘yung bidang lalake na
author. Sa limang babaeng bida doon sa kwentong ginawa niya, tatlo ‘yung
nagreklamong ang lungkot daw ng ending nila. ‘Yung dalawang natira, hindi
nagreklamo, kasi ‘yung isa na-inlove sa kapatid na lalake, ‘yung isa naman
lesbian love. ‘Yung tomboy, pinagpatuloy pa rin ‘yung relasyon nila noong
babaeng gusto niya, kahit na buhay pa ‘yung asawa ng babae. ‘Yung na-inlove sa
kapatid, hindi nagkatuluyan, nakulong ‘yung lalake dahil sa pagnanakaw noong
pinalayas ng mga magulang niya dahil nalaman ‘yung pinag-gagagawa nila.
Nagkaroon sila ng anak, kaso may diperensiya ‘yung bata, pero kahit na ganoon,
nakahanap ‘yung babae ng lalaking tumanggap sa kanya. Nakakatuwa ring part ng
libro eh ‘yung tinanong ng author ‘yung imaginary character na na-inlove sa
kapatid niya kung gusto daw ba niyang palitawin na hindi naman pala sila
magkapatid nung lalaki, na ampon ‘yung isa sa kanila. Biglang natuwa ‘yung
imaginary character, pero umayaw din siya...”
“Bakit ganito ang
nararamdaman ko? Bakit ganito?” Hindi maipaliwanag na lungkot ang unti-unting bumalot kay
Fonse.
“Sa huli sinabi noong author sa libro niya na wala na ‘yung
quota, na ‘yung mga characters na para sa sarili nila ang magdedecide kung
magiging masaya sila. Relative naman daw ang happiness, depende sa depenisyon
mo ng tuwa kung masaya ka nga ba talaga o hindi...”
Nakatitig pa rin si Fonse kay Chong.
“...Pero alam mo, sinabi din ng author na excuse lang daw
iyon ng mga malulungkot para palabasin na masaya rin sila, o para papaniwalain
ang sarili nila na masaya sila. Kaya nga ang galing-galing ng librong ito,
maski ‘yung author kinocontradict niya ‘yung sarili niya. Ang galing kaya ni
Ricky Lee dito! Tsaka ang ganda kaya ng ending niya...”
“Ano bang ending nung libro?” Lumiwanag ang mukha ni Fonse.
“Hindi nagkatuluyan ‘yung lalaking author tsaka ‘yung babaeng
gusto niya...”
Kaagad ring nawala ang pagliwanag ng mukha ni Fonse.
Unti-unti niyang tiningnan si Chong ng pailalim.
“...Noong natapos ng author ‘yung sinulat niya, tinangka
niyang ibigay iyon sa babae. Isinilid niya sa envelope tapos ang inilagay
niyang title, Para Kay B. May pagpokpok kasi ‘yung babae, may karelasyon na
anak ng politiko at nangangampanya sila noong binigay ng author ‘yung gawa.
Kaso nilapag lang ng babae ‘yung gawa niya sa isang upuan, na parang wala lang
pake doon. Nagkahiwalay silang walang closure. Sabi nga noong author, ganoon naman
daw talaga kadalasan, hindi katulad ng mga palabas sa telebisyon, na laging may
closure at ending. ‘Yung mga bagay daw na iyon eh hindi naman talaga nangyayari
sa totong buhay. Sumikat na author ‘yung lalaki dahil sa mga novel niya tungkol
sa society. Nagkaroon siya ng ilang relasyon, kaso hindi naman talaga tumagal.
Hanggang sa tumanda siyang binata na inaalala ‘yung isang letra, ‘yung letter
B...” Tumingin lang sa kawalan si Chong na parang nananaginip.
“Teka, nabasa mo na ‘yang libro diba? Bakit gusto mo pang
bilhin ‘yan?”
Mistulang nagising si Chong. “...Gusto ko kasi, kapag may
natutunan ako mula sa isang bagay, mahahawakan ko siya para maalala ko ‘yung
natutunan ko habambuhay. Gusto ko may mapanghahawakan ako...” bigla siyang
napangisi. “...’Yun ang isa sa mga fallback ko, kapag nagkaroon ako ng isang
attachment sa isang bagay nahihirapan na akong humiwalay doon. Kaya kung
maaari, ayokong sumusugal sa isang bagay ng alam kong wala akong mapapala...”
Patuloy pa ring tinitingnan ni Fonse si Chong. Maaliwalas man
ang tingin ni Fonse kay Chong, hindi mahahalatang may kurot ng lungkot sa
kanyang mga tingin.
Saka bumalik si Fonse sa shelf kanina kung saan nila nakita
ang ‘The Godfather’, ngunit habang matulin na naglalakad ay isang lalaki ang
nakabangga niya.
"Sorry bro..." sambit ng
lalaking nakabangga niya. Singkit din itong katulad niya at napakaputi rin.
Lalong pinalilitaw ng violet niyang polo ang maputi niyang balat. Hindi ganoon
katangusan ang ilong nito, ngunit sapat na para masabing ito'y matangos. Hindi
rin ito katangkaran, at mas mataas si Fonse ng halos four inches sa lalaki.
"Sorry din 'tol..." Saka
sinalubong ng isang babae ang lalaking nakabangga niya, nag-akbayan sila, at
saka nagpatuloy sa paglalakad.
"Teka, parang pamilyar 'yung lalaking 'yun ah..." nasabi na
lamang ni Fonse habang kumukuha ng kopya ng The Godfather mula sa shelf.
Dali-daling bumalik si Fonse sa
shelf kung nasaan si Chong. Nakita niya siyang hawak-hawak pa rin ang libro,
binabasa ang mga piling pahina nito, at bakas sa mukha nito ang matinding
lungkot.
"Gusto talaga niya 'yung libro..." Nangingiti
si Fonse sa binabalak niyang gawin.
Bigla niyang hinablot mula sa mga
kamay ni Chong ang libro. Nanlalaki ang mga matang tiningnan siya ni Chong,
ngunit nginitian lamang niya ito ng napaka-aliwalas.
"Ano na naman ang binabalak
mo?"
"Bibilhin ko 'tong The Godfather
at Para Kay B, para kay C..." Halos hindi na makita ang mga mata ni Fonse
dahil sa kanyang ngiti.
Tinaasan lamang siya ng kilay ni
Chong.
"...Uhhm, 'di ko nagets? Parang kay
Chong...letter C..." saka siya ngumiting nag-aalangan.
Kumurap ng dahan-dahan si Chong.
"Sige, tatanggapin ko 'yang mga librong bibilhin mo, pero gagawin ko 'yang
lugaw at ipapakain ko sa'yo..."
Ngumiti na lamang si Fonse. Ngumiting
aso.
"Halika na, bumili na tayo ng
kailangan nating bilhin..." Saka naglakad si Chong ng naka-krus ang mga
braso.
Tinitigan lamang ni Fonse si Chong
habang ang huli'y naglalakad ng dahan-dahan, buong pag-iingat at buong
pag-galang. Wari ay sinusuri niya ang bawat hakbang ni Chong na halos apat na
metro na ang layo sa kanya, kahit na pakiramdam niya'y nasa nagkabilang panig
sila ng mundo, magkita ma'y maraming pagsubok ang kailangang lampasan.
Unti-unting inilipat ang kanyang
tingin sa kulay pulang librong iyon. Para Kay B. Saka lang niya napansin ang
lalaking tila tatalon na nasa cover ng libro. Tila pagpapatiwakal. Ang
pagmamahal ay tila isang pagpapatiwakal.
"Hindi
kami matutulad sa mga bida ng librong ito...magiging happy ending
kame...hinding-hindi..."
Biglang napukaw ang pag-iisip niya
ng malakas na yabag ng mga paa. Pagkatingin niya’y nakita niya si Chong na
humahangos at halos lumipad sa paglalakad.
HInablot ni Chong ang kanyang mga
braso at dali-dali siyang dinala papalabas ng napakalawak na bookstore na iyon.
“...Uy, Chong bakit ka
nagmamadali...” Halos madapa si Fonse sa kakahila ni Chong. Ngunit kahit na
anong pangungulit ang ginawa ni Fonse ay wala siyang natanggap na sagot mula
kay Chong.
Ngunit nabigla siya ng biglang
tumigil si Chong. Pagka-angat niya ng kanyang tingi’y nakita niya ang lalaking
naka-violet na polo shirt, singkit, napakaputi, ngunit hindi katangkaran.
Nakita niya sa harap ni Chong ang
lalaking nakabangga niya.
Mas lalo siyang namangha sa naging
reaksiyon ni Chong. Nagulat ito na hindi nagpapalahata, tila yata napalunok pa
ito.
“Oh, Chong, kamusta...” bati ng
lalaking nakasalubong nila.
“Kilala niya si Chong? Saan sila nagkakilala? Tsaka nakita ko na itong
lalaki na ito eh, pero saan...”
Tsaka nahimasmasan si Chong.
Ngumiti siya ng napakatamis at humarap sa lalaking nasa harap niya. “Ah, eto
mabuti naman...” Tila nagniningning ang mga mata ni Chong. “Buset, bakit dito ko pa nakita ‘tong lalaki na ito...”
Itinuon ng lalaki ang tingin niya
sa kasama niyang babae. “Ah, Chong, si Janella, Janella si Chong...”
“Mali ‘yung pagpapakilala mo, dapat laging inuuna ‘yung babae...” Ngumiti na
lamang ng napakatamis si Chong. “Nice to meet you Janella...” Saka siya yumuko
ng kaunti.
“Nice to meet you din...” sagot
naman ni Janella kasabay ng pagsenyas ng ‘hi’.
“Ah, girlfriend ko pala si
Janella...”
Napako ang ngiti ni Chong habang
nakatingin sa babaeng kasama ng lalaking kaharap niya. “Sa-bi-ko-na-nga-ba...”
“Ah, Chong, ‘yung kasama mo...”
Dahan-dahang itinuon ni Chong ang
kanyang tingin sa lalaki, habang kumukurap din ng dahan-dahan. Napa-iwas na
lamang ng tingin ang lalaki.
“Ah, siya si Alfonse. Ka-group ko
sa isang project sa school. Gagawa kasi kami ng minaiture na bahay at bibili
sana kami ng materials ngayon...”
“Bakit parang sobra naman siyang magpaliwanag...” nasabi na
lamang ni Chong, habang patuloy paring iniisip kung saan niya nakita ang
lalaking kaharap nila.
“And Alfonse...uhmmm... si
Jasper...kaklase ko noong high school...”
Nanlaki ang mga mata ni Fonse. Tila
nalaman niyang switched at birth pala sila Chong at siya talaga ang galing sa
hirap. Pero joke lang iyon.
“Tang-ina, siya ‘yun! Siya ‘yung lalaking katabi ni Chong sa class
picture na nakita ko sa notebook niya. Siya ‘yung lalaking tuwang-tuwang at
halos kikilitiin na si Chong!!!”
“Oh, Jasper, alis na kami ah.
Pupunta pa kami sa ibang bookstore eh. Wala kasi ‘yung materials na kailangan
namin dito...” Ngumiti si Chong kay Jasper at kay Janella. Saka siya yumuko at
humakbang papalayo.
Ngunit bago pa niya maisagawa ang
pangalawa niyang hakbang, pinigilan na siya ni Fonse at hinawakan siya nito sa
braso.
Gulat na biglang napalingo si
Chong.
“Ah...Jasper...Janella...Hindi ko
lang basta classmate si Chong...” Itinuon ni Fonse ang tingin niya sa huli.
Unting-unting napakatanga si Chong.
Halos hindi na maipinta ang mukha niya. Halos hindi niya alam kung anong
gagawin niya. “Hindi pwede...hindi niya
gagawin iyon...”
“...si Chong...”
“Hindi niya sasabihin ‘yun...”
“...si Chong...ay boyfriend ko...”
-----------------------------------------------------
Ang kuwentong nagsimula sa aminan...
-----------------------------------------------------------------------------
”Chong...bakit ...bakit mo ba ako iniiwasan? Ah...oo... tama,
bakit mo nga ba ako iniiwasan? ”
”Gusto mo talagang malaman kung bakit kita iniiwasan?”
”Kasi gusto kita...”
Nanlaki ang mga mata ni Fonse sa kanyang narinig. Maski
ang igalaw ang kanyang katawa’y hindi niya maigalawa. Pinamasdan lamang niya si
Chong habang naglalakad ito ng buong pag-iingat. Kailangan ko siyang pigila, naisip niya. At isang paraang lamang ang alam
niya...
“EH GUSTO RIN NAMAN KITA EH!!!”
-----------------------------------------------------------------------------
Na napunta sa subukan at out-of-this-world na katanungan...
-----------------------------------------------------------------------------
"Bakit
mo ako gusto?"
“Ah,
kase, ano eh...uhmmm...”
“Pwede,
walang mga dahilan na ‘Because you made
me smile everyday and you made me feel all the happiness in life there is,’ na ‘Because
you showed me the real meaning of LOVE and you made me feel it,’ at lalo nang
‘Your presence in my life gave a new dimension to my existence.’ Ha, pwede?”
“Ah kase...”
“Kase
ano?”
“Uhmmmm...”
“Kasi...wala...”
Biglang nagdilim ang paningin ni Chong.
“HINDI
PWEDENG WALA!!! PAANO MO SOSOLUSYUNAN ANG ISANG BAGAY NANG HINDI MO NALALAMAN
ANG DAHILAN!!!
-----------------------------------------------------------------------------
Na nauwi sa isang kasunduan...
-----------------------------------------------------------------------------
“Oh,
edi...tayo na...” sambit ni Chong habang nakatingin sa langit.
“...Ser...yoso...ka...ba....?”
“...Sa
limang kondisyon...”
“Unang-una,
hindi ka makakakuha sa akin ng kahit anong uri ng sagot sa assignments, sa
quizzes, at sa mga major examinations. Pangalawa, hindi ka pwede magkaroon ng
kahit anong uri ng romantic relationship na labas ng sa atin. Mali, I doubt
kung magiging romantic ‘tong relationship natin. Uhmm, erotic? Hindi rin. Uhmm,
relationship na lang. In short, hindi ka pwedeng mangaliwa...”
Saka
unti-unting lumapit si Fonse at tinangkang akbayan si Chong. Pakiramdam niya
kasi’y nagseselos si Chong.
“Walang
yakapan, walang holding hands, walang halikan, walang dikitan ng balat, walang
encounters na lalagpas ng public zone...”
“Ha?”
“At
walang sexual intercourse...” saka siya tumingin sa akin ng patagilid at nang
may mababang kilay.
Nasa
harap na naman niya ang Chong na palagi siyang tinitikis, ang Chong na palagi siyang pinapahiya,
ang Chong na umaming may gusto sa akin.
“’Yan
ang pangatlo kong kondisyon...”
“Tayo...talaga
...niyan...?”
-----------------------------------------------------------------------------
At patuloy na sinusubok...
-----------------------------------------------------------------------------
...Lalong humigpit ang kanyang hawak ni Chong sa aking
bewang, humigpit ng may pagmamahal...
Magkadikit ang aming mga katawan, ang aming mga mata,
ang aming kaluluwa, mga labi na lamang ang hindi nagdidikit sa amin...
Unti-unti, may pag-iingat, dahan-dahan kong inilapit
ang aking labi sa kanyang labi. Marahan, kitang-kita ko sa kanyang mga mata ang
pagkagulat at pagkalito, pero bakas din ang pagpapa-ubayang angkinin ko ang labi
niya...
Sa kanyang mga mata lang ako nakatingin. Unti-unti.
Maski mga mata niya’y sa akin lang nakatuon. Dahan-dahan. Ang mga labi nami’y
magsasalo na. May pag-iingat. Hindi namin maipaliwanag ang aming nadarama...
At ngayon...nagdikit...
“Okay, tapos na
‘yung sayaw...” saka niya binitawan ang pagkakahawak sa aking bewang maski sa
akin kamay. Nahulog ako. Nauntog ang ulo ko sa sahig, habang ‘yung mga binti ko
ay nakabaluktot na natumba.
“ARAY!!!”
-----------------------------------------------------------------------------
At patuloy na sinusubok...
-----------------------------------------------------------------------------
Saka niya inilabas ang isang maliit na box na kulay pula at
inilagay ito sa gitna ng mesa. Shet!!! Ano kaya ‘yan? Singsing? Kwintas? Parang
masyadong maliit ‘yung box. Anklet? Eh sabi niya, isa sa akin, isa sa kanya.
Parang ang pangit naman kung anklet ‘yun. Parang mas malaking tsansa na
singsing eh, diba, isa sa akin, tapos isa sa kanya? Yes!!! Wahahaha!!! Puta,
ang sweet ng taong ito, parang gusto ko siyang yakapin at halikan sa harap ng
maraming tao...
...Hindi ko akalaing magiging masaya ako ng sobra ng ganito.
At hindi ko akalaing kay Chong ko pa mararanasan ang ganito...
...Saka niya binuksan ‘yung kahon...
...At sana hindi na nga lang niya binuksan. Shet...
“Ano ‘yan?” ang tanong ko sa kanyang dismayado.
“Bakit, ngayon ka lang ba nakakita ng ganito? Ano bang
ginagamit niyong pandikit ng notes sa ref niyo, rugby?” ang sagot niyang
nang-aalaska at halos natatawa.
Saka niya tinanggal mula sa kahon ang pahaba at maliit na
bagay na iyon na nakakabit sa isang pabilog na bakal sa dulo. Keychain ito
actually at talagang dalawang ganoon ang nasa loob ng kahon...
...pero kung ano ‘yung palawit ng keychain, isa itong bagay
na kapag nalaman ninuman ay matutunaw sila sa kagalakan...
“...Talagang ang regalo mo sa akin eh...” ang tanong ko sa
kanyang sa sarkastikong tono.
“...MAGNET???”
-----------------------------------------------------------------------------
Ng ikalimang salinlahi ng buhay na dugo ng mabunying si Adolf Hitler...
-----------------------------------------------------------------------------
”Chong, sino ’yung bagong babae ng mokong na ’to? Kilala ba
namin? Si Jenilyn ba?”
“Hindi mo pa ba alam...” ang sabi ni Chong na nakangiti kay
Lemuel.
Wala ’yan. Syempre kailangan lang niyang magdahilan para
maloko sila Lemuel. Eh ang galing kaya niyang mag-isip ng dahilan. Halos isang
iglap nga lang naisip niyang idahilan kay Jenilyn na nagwala si Grace kaya
andoon ako. Ang galing diba, kaya wala akong dapat ipag-alala. Ililigtas pa nga
ako ng taong ito eh.
”...Kami na ni Fonse...” ang sabi niya habang nakangiti pa
rin.
Biglang nawala ang sigla sa mukha ni Brix. Napalitan ito ng
pagkagulat na hindi mawari.
”...don’t worry, I forgive..."
Biglang napalingon sa akin si Fred. At ngayon, lalong tumulis
ang tingin niyang kanina pa nag-aapoy. Parang gusto na niya na kong patayin sa
mga tingin niya.
”...but I don’t forget, and the best part is...”
Dahan-dahang itinuon sa akin ni Chong ang kanyang tingin,
talagang ‘yung eyeballs lang niya ang gumagalaw. Pero bigla niyang inituon sa
akin ang kanyang ulo kasabay ng kanyang tingin. Nakakatakot. Parang mas dapat
pa akong matakot kay Chong kesa kay Grace…
“...I get even...”
-----------------------------------------------------------------------------
Saan tutungo ang napaka-sweet na love story na ito? Magkakaroon ba ng
happy ending para kila Chong at Fonse? Abangan sa hindi pa nalalapit na
pagtatapos ng...
A DILEMMA OF LOVE
-----------------------------------------------------------------------------
ang galing mo author!!! :))
ReplyDeletenapakagaling mo kuya!
ReplyDeletesinubaybayan ko ito mula umpisa,ang layo na ng narating nila,tayuan balahibo ko dun sa huling part yung mga eksenang nakakaloka sa nagdaang mga chapter,astig ka author!
ReplyDeleteWOW!!! Thank you TZEKAI !! Astig ka rin naman ah, ang ganda kaya ng 'Mamaw'...Mas mataas pa nga 'yung reads noon kumpara dito eh...XD
DeleteSir!!! please gawin nyo po sana itong libro, kasi...
ReplyDelete"Gusto ko kapag may natututunan ako mula sa isang bagay, mahahawakan ko siya para maalala ko yung mga natutunan ko habangbuhay"
please Sir. Author please pooooo!!! :D
-Kio
-Your no. 1 fan :D
Akalain mo 'yun XD. Pero thank you very much, sobrang thank you, super, duper, thank you XD. Kaso sa tingin ko, hindi 'to magagawang libro, wahahaha, tingin ko lang XD
DeleteGrabe Sir, ito po kasi ung tanging story na nagpabaliw sakin, nakakaaddict at hindi nakakasawa. Kakaiba yung story, hindi puros patweetums lang, may LESSON talaga na matututunan, kaya gusto ko talagang mahawakan at maalala to habangbuhay... :))
Deletep.s: NABALIW ako sa last part :D
honestly ang ganda nitoo!!!! woooohh grabe !!! kakilig!!! eto na yata un PINAKAMAGANDANG story na nabsa ko dto sa MSOB!!!!!! the best!!!!!!!!!!! cant wait 4 the next CHAPTER!!!! :)))
ReplyDeletegerald d j......santa rosa city