Followers

Wednesday, June 12, 2013

A Dilemma of Love: Chapter 20

Title: A Dilemma of Love
Author: Menalipo Ultramar
E-mail: menalipodeultramar@gmail.com



 Rocco Nacino as CHONG
Yoon Shi Yoon as ALFONSE
Credits of the pictures used above goes to its owners.
You may contact me on the email address given above for any complaints or concerns.

------------------------------------------------------------------


Previous Chapter: Chapter 19
“Wow!!! Mayroon silang THE GODFATHER!!!”
Mabilis na pumunta si Chong sa shelf ng librong tinutukoy niya. Kulay black itong libro na may rosas na graphics habang sa taas ng title nito’y may kamay na ang hawak ay manipulator ng puppet na ang strings ay nag-eextend sa title.
Nagulat si Fonse sa inasal ni Chong. Para kasi itong Homo erectus na nakakita ng time machine. Halos hagkan na niya ang libro at haplusin itong parang santo.
“Shocks, 375 pesos...” nanghihinayang na sabi ni Chong ng makita niya ang presyo ng libro.
“Ano ba ‘yang libro na ‘yan?”
Inirapan lamang siya ni Chong. “Hindi mo ba alam, CLASSIC ito. Alam mo bang dito ibinase ‘yung pelikulang ayon sa Audience polls eh pinakamaganda kasunod ng Citizen Kane. Ang ganda kaya ng pelikulang ‘yun...”
Kumurap lamang si Fonse. Halatang walang alam sa pinag-sasabi ni Chong.
“Kunsabagay, paano mo nga naman malalaman kung ano ito, eh puro kayo videogames...” Hawak-hawak pa rin niya ang libro na parang ayaw na niyang bitawan.
Kumuha si Fonse ng isang kopya ng libro at tiningnan ang synopsis nito sa likod. “Eh tungkol ba saan ‘tong libro? Napanood mo na ba ‘yung pelikula...”
“Patayan...” walang alinlangang sabi ni Chong.
Nanlaki ang mga mata ni Fonse. “Nakakatakot talaga ‘tong tao na ‘to...Puro patayan ang gusto...”
Saka tiningnan ni Chong si Fonse. “Si Don Corleone na nandiyan sa synopsis, leader siya ng isang Mafia group. Kaso noong umayaw siya sa offer ng isa ring negosyante sa drug business, tinangka siyang patayin. Though nakasurvive siya,  dahil na rin sa old age, kailangan niya ng kapalit. Eh dalawa lang ‘yung anak niyang lalaki, ‘yung isa pinatay dahil gumanti sila noong binaril ‘yung tatay nila. ‘Yung bunso na lang ‘yung natira para magmanage ng business nila. Eh kaso ayaw tanggapin ng bunso kasi goodie-goodie daw siya, ayaw daw niyang pumatay at gustong mamuhay ng tahimik kasama ng asawa. Pero kahit na reluctant, noong nabaril ang tatay niya, um-oo na rin siya. It’s actually a story of a good man who turned evil, dahil ‘yun ang idinidikta ng mga taong nakapaligid sa kanya at sa huli, dahil pinili na rin niya...”
Nakatanga lang si Fonse. “Ahhhhh..oo...oo”
“I bet alam mo ‘yung The Godfather, maski ‘yung famous niyang logo na puppeteer, pero hindi mo alam ‘yung kwento. At basing from the reaction sa mukha mo ngayon, mukhang hindi mo pa rin alam...”
“Eh bakit hindi na lang siya umayaw sa pagiging Mafia, sa gusto ng pamilya niya?” Nakangiting sabi ni Alfonse, tila pagpapatunay kay Chong na naiintindihan niya ang pinagsasabi ng kausap.
Tiningnan siya ng seryoso ni Chong, at saka tumingin uli sa libro. “...Kapag umayaw siya, maraming masasaktan, maraming mawawala. Una, mawawala ‘yung family businesses nila na itinaguyod ng tatay niya ng halos 50 years yata o mahigit pa. Syempre, alam mo ng mangyayari nun, hihirap silang bigla LAHAT. Hindi naman sila pwedeng lumipat kaagad sa legal na mga negosyo. Hindi rin naman pwedeng ibang taong hindi nila kamag-anak ang magtake-over sa lahat ng affairs nila. Mawawala ‘yung authority ng pamilya nila, alam mo na, paghaharing mana-mana...” saka inilapag ni Chong ang libro sa shelf.
Nakatingin pa rin si Fonse kay Chong.
“...Pangalawa, kasi...gusto niyang alagaan ang tatay niya. Noong nakita niya itong nabaril, naisip niya na walang ibang proprotekta sa tatay niya kundi siya, na kahit malinis siyang tao, alang-alang sa tatay niya, gagawin niya ang lahat, kahit na ang kapalit noon ay ang sarili niyang konsensiya...” Nakatingin lang sa kawalan si Chong.
“Bakit parang may laman ‘yung sinasabi niya...” nasabi ni Fonse sa sarili habang matamang nakikinig kay Chong.
“...Pero ‘yun nga...” saka tiningnan ni Chong si Fonse. “...Tuluyan siyang naging Mafia hood na handang pumatay ng kahit sino na hahadlang sa interes niya. Natuliro lang siya, noong unang beses siyang pumatay, noong pinatay niya ‘yung nag-utos na barilin ang tatay niya. Pagkatapos noon, naging kalmante na siya, naging kalmante na tulad ng tatay niya...” Bumuntong hininga siya. “...Naisip ko tuloy, ganoon naman talaga lahat ng tao. At some point in our lives, gagawa at gagawa tayo ng mga bagay na taliwas sa pagkatao natin, para maiba, dahil nagsasawa na tayo. Pero pagkatapos nating maranasan ang kakaibang iyon, bigla nating maiisip na hindi pala talaga iyon ang gusto natin, at saka tayo babalik sa mga bagay na idinidikta ng mga taong nakapaligid sa atin, sa mga bagay na kung ano talaga tayo, at sa mga bagay na gusto talaga nating piliin...
“May laman talaga ang mga sinasabi niya...” nasabi na lamang ni Fonse habang nakatitig sa mga mata ni Chong, na nakatingin sa mga libro.
“Halika ka na...” saka naglakad papalayo si Chong mula sa shelf, bakas sa mukha ang panghihinayang.
“Sandali...” Hinabol ni Fonse si Chong. “...Hindi mo ba bibilhin ‘yung libro?”
Dahan-dahang naglalakad si Chong habang ang mga kamay niya ay nasa likod. “Hindi muna, wala akong pera. Ang mahal kasi. Mas uunahin ko na muna ‘yung materials sa miniature na bahay bago ‘yun...”
“...Bilhin ko na lang para sa’yo...”
Natigil si Chong at tumingin kay Fonse. “Ayoko, ayokong may ibibili ka sa akin na kahit ano...”
“...Utang lang naman muna. Tsaka ako na lang ang bahala sa materials doon sa scale model...”
“Hindi pwede, maghahati tayo sa lahat ng bagay na may kinalaman doon sa project, mula sa pera hanggang sa pag-gawa. Hindi pwedeng ikaw lang ang gagastos. At kung iniisip mong ikaw na lang ang gumastos para ako na lang ang gumawa ng bahay, eh hindi ko rin ‘yun papayagan...”
“Sobra ka naman...” Pero muling nabigla si Fonse at hindi na naituloy ang kanyang sinasabi. Dali-dali na namang tumakbo si Chong papunta sa isang shelf, at saka dali-daling kinuha ang isang librong kulay pula. Halos hagkan niya ito. Para na naman siyang Tabon Man na nakapanood ng TV.
“FUCK, meron silang Para Kay B!!! Wala na akong makitang ganito sa ibang bookstore!!!”
Tiningnan siya ni Fonse na nakakunot ang noo. “Ano naman ‘yang libro na iyan?”
“Para Kay B. Ang ganda kaya ng librong ito...” Saka niya tiningnan ang likuran ng libro.
“Mukhang paborito mo...eh ‘di maganda nga talaga...”
“Ay, dyusko! Bakit ba ang mamahal ng mga bagay na ‘to! Maski inspirasyon at pananaw ng tao, natutumbasan na rin ng pera...” Naibulalas na lang ni Chong ng makita ang presyo ng libro, 250 ang nakalagay sa tag nito.
“Ano bang kwento niyan at gustong-gusto mo?”
Muli na namang inirapan ni Chong si Fonse. “Love story ‘to. Medyo komplikado ‘yung plot para ikwento, pero ‘yung gist talaga, gumawa ‘yung bidang lalaki ng limang magkaka-ibang kwento para doon sa babaeng mahal niya. Sabi noong writer, ‘May quota ang pag-ibig. Sa bawat limang umiibig, isa lang ang magiging maligaya.’ Tapos lahat ng kwento, babae ‘yung bida. Mahilig kasi umarte ‘yung babaeng mahal nung lalaki, kaya ang ginawa niyang mga kuwento ay ‘yung pwedeng i-act ng babae...”
Nagkasalubong ang kilay ni Fonse. “Teka, ‘yung quota, na isa lang ang magiging maligaya...totoo ba?”
Napangisi si Chong. “Bakit? Natakot ka para sa inyo ni Grace?”
“Tae talaga nito, hindi para sa amin ni Grace...” Tumulis ang tingin ni Fonse.
Saka binuklat ni Chong ang libro. “Hindi. May isang scene nga sa libro na dinalaw nung mga imaginary characters ‘yung bidang lalake na author. Sa limang babaeng bida doon sa kwentong ginawa niya, tatlo ‘yung nagreklamong ang lungkot daw ng ending nila. ‘Yung dalawang natira, hindi nagreklamo, kasi ‘yung isa na-inlove sa kapatid na lalake, ‘yung isa naman lesbian love. ‘Yung tomboy, pinagpatuloy pa rin ‘yung relasyon nila noong babaeng gusto niya, kahit na buhay pa ‘yung asawa ng babae. ‘Yung na-inlove sa kapatid, hindi nagkatuluyan, nakulong ‘yung lalake dahil sa pagnanakaw noong pinalayas ng mga magulang niya dahil nalaman ‘yung pinag-gagagawa nila. Nagkaroon sila ng anak, kaso may diperensiya ‘yung bata, pero kahit na ganoon, nakahanap ‘yung babae ng lalaking tumanggap sa kanya. Nakakatuwa ring part ng libro eh ‘yung tinanong ng author ‘yung imaginary character na na-inlove sa kapatid niya kung gusto daw ba niyang palitawin na hindi naman pala sila magkapatid nung lalaki, na ampon ‘yung isa sa kanila. Biglang natuwa ‘yung imaginary character, pero umayaw din siya...”
“Bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit ganito?” Hindi maipaliwanag na lungkot ang unti-unting bumalot kay Fonse.
“Sa huli sinabi noong author sa libro niya na wala na ‘yung quota, na ‘yung mga characters na para sa sarili nila ang magdedecide kung magiging masaya sila. Relative naman daw ang happiness, depende sa depenisyon mo ng tuwa kung masaya ka nga ba talaga o hindi...”
Nakatitig pa rin si Fonse kay Chong.
“...Pero alam mo, sinabi din ng author na excuse lang daw iyon ng mga malulungkot para palabasin na masaya rin sila, o para papaniwalain ang sarili nila na masaya sila. Kaya nga ang galing-galing ng librong ito, maski ‘yung author kinocontradict niya ‘yung sarili niya. Ang galing kaya ni Ricky Lee dito! Tsaka ang ganda kaya ng ending niya...”
“Ano bang ending nung libro?” Lumiwanag ang mukha ni Fonse.
“Hindi nagkatuluyan ‘yung lalaking author tsaka ‘yung babaeng gusto niya...”
Kaagad ring nawala ang pagliwanag ng mukha ni Fonse. Unti-unti niyang tiningnan si Chong ng pailalim.
“...Noong natapos ng author ‘yung sinulat niya, tinangka niyang ibigay iyon sa babae. Isinilid niya sa envelope tapos ang inilagay niyang title, Para Kay B. May pagpokpok kasi ‘yung babae, may karelasyon na anak ng politiko at nangangampanya sila noong binigay ng author ‘yung gawa. Kaso nilapag lang ng babae ‘yung gawa niya sa isang upuan, na parang wala lang pake doon. Nagkahiwalay silang walang closure. Sabi nga noong author, ganoon naman daw talaga kadalasan, hindi katulad ng mga palabas sa telebisyon, na laging may closure at ending. ‘Yung mga bagay daw na iyon eh hindi naman talaga nangyayari sa totong buhay. Sumikat na author ‘yung lalaki dahil sa mga novel niya tungkol sa society. Nagkaroon siya ng ilang relasyon, kaso hindi naman talaga tumagal. Hanggang sa tumanda siyang binata na inaalala ‘yung isang letra, ‘yung letter B...” Tumingin lang sa kawalan si Chong na parang nananaginip.
“Teka, nabasa mo na ‘yang libro diba? Bakit gusto mo pang bilhin ‘yan?”
Mistulang nagising si Chong. “...Gusto ko kasi, kapag may natutunan ako mula sa isang bagay, mahahawakan ko siya para maalala ko ‘yung natutunan ko habambuhay. Gusto ko may mapanghahawakan ako...” bigla siyang napangisi. “...’Yun ang isa sa mga fallback ko, kapag nagkaroon ako ng isang attachment sa isang bagay nahihirapan na akong humiwalay doon. Kaya kung maaari, ayokong sumusugal sa isang bagay ng alam kong wala akong mapapala...”
Patuloy pa ring tinitingnan ni Fonse si Chong. Maaliwalas man ang tingin ni Fonse kay Chong, hindi mahahalatang may kurot ng lungkot sa kanyang mga tingin.
Saka bumalik si Fonse sa shelf kanina kung saan nila nakita ang ‘The Godfather’, ngunit habang matulin na naglalakad ay isang lalaki ang nakabangga niya.
"Sorry bro..." sambit ng lalaking nakabangga niya. Singkit din itong katulad niya at napakaputi rin. Lalong pinalilitaw ng violet niyang polo ang maputi niyang balat. Hindi ganoon katangusan ang ilong nito, ngunit sapat na para masabing ito'y matangos. Hindi rin ito katangkaran, at mas mataas si Fonse ng halos  four inches sa lalaki.
"Sorry din 'tol..." Saka sinalubong ng isang babae ang lalaking nakabangga niya, nag-akbayan sila, at saka nagpatuloy sa paglalakad.
"Teka, parang pamilyar 'yung lalaking 'yun ah..." nasabi na lamang ni Fonse habang kumukuha ng kopya ng The Godfather mula sa shelf.
Dali-daling bumalik si Fonse sa shelf kung nasaan si Chong. Nakita niya siyang hawak-hawak pa rin ang libro, binabasa ang mga piling pahina nito, at bakas sa mukha nito ang matinding lungkot.
"Gusto talaga niya 'yung libro..." Nangingiti si Fonse sa binabalak niyang gawin.
Bigla niyang hinablot mula sa mga kamay ni Chong ang libro. Nanlalaki ang mga matang tiningnan siya ni Chong, ngunit nginitian lamang niya ito ng napaka-aliwalas.
"Ano na naman ang binabalak mo?"
"Bibilhin ko 'tong The Godfather at Para Kay B, para kay C..." Halos hindi na makita ang mga mata ni Fonse dahil sa kanyang ngiti.
Tinaasan lamang siya ng kilay ni Chong.
"...Uhhm, 'di ko nagets? Parang kay Chong...letter C..." saka siya ngumiting nag-aalangan.
Kumurap ng dahan-dahan si Chong. "Sige, tatanggapin ko 'yang mga librong bibilhin mo, pero gagawin ko 'yang lugaw at ipapakain ko sa'yo..."
Ngumiti na lamang si Fonse. Ngumiting aso.
"Halika na, bumili na tayo ng kailangan nating bilhin..." Saka naglakad si Chong ng naka-krus ang mga braso.
Tinitigan lamang ni Fonse si Chong habang ang huli'y naglalakad ng dahan-dahan, buong pag-iingat at buong pag-galang. Wari ay sinusuri niya ang bawat hakbang ni Chong na halos apat na metro na ang layo sa kanya, kahit na pakiramdam niya'y nasa nagkabilang panig sila ng mundo, magkita ma'y maraming pagsubok ang kailangang lampasan.
Unti-unting inilipat ang kanyang tingin sa kulay pulang librong iyon. Para Kay B. Saka lang niya napansin ang lalaking tila tatalon na nasa cover ng libro. Tila pagpapatiwakal. Ang pagmamahal ay tila isang pagpapatiwakal.
"Hindi kami matutulad sa mga bida ng librong ito...magiging happy ending kame...hinding-hindi..."
Biglang napukaw ang pag-iisip niya ng malakas na yabag ng mga paa. Pagkatingin niya’y nakita niya si Chong na humahangos at halos lumipad sa paglalakad.
HInablot ni Chong ang kanyang mga braso at dali-dali siyang dinala papalabas ng napakalawak na bookstore na iyon.
“...Uy, Chong bakit ka nagmamadali...” Halos madapa si Fonse sa kakahila ni Chong. Ngunit kahit na anong pangungulit ang ginawa ni Fonse ay wala siyang natanggap na sagot mula kay Chong.
Ngunit nabigla siya ng biglang tumigil si Chong. Pagka-angat niya ng kanyang tingi’y nakita niya ang lalaking naka-violet na polo shirt, singkit, napakaputi, ngunit hindi katangkaran.
Nakita niya sa harap ni Chong ang lalaking nakabangga niya.
Mas lalo siyang namangha sa naging reaksiyon ni Chong. Nagulat ito na hindi nagpapalahata, tila yata napalunok pa ito.
“Oh, Chong, kamusta...” bati ng lalaking nakasalubong nila.
“Kilala niya si Chong? Saan sila nagkakilala? Tsaka nakita ko na itong lalaki na ito eh, pero saan...”
Tsaka nahimasmasan si Chong. Ngumiti siya ng napakatamis at humarap sa lalaking nasa harap niya. “Ah, eto mabuti naman...” Tila nagniningning ang mga mata ni Chong. “Buset, bakit dito ko pa nakita ‘tong lalaki na ito...”
Itinuon ng lalaki ang tingin niya sa kasama niyang babae. “Ah, Chong, si Janella, Janella si Chong...”
“Mali ‘yung pagpapakilala mo, dapat laging inuuna ‘yung babae...” Ngumiti na lamang ng napakatamis si Chong. “Nice to meet you Janella...” Saka siya yumuko ng kaunti.
“Nice to meet you din...” sagot naman ni Janella kasabay ng pagsenyas ng ‘hi’.
“Ah, girlfriend ko pala si Janella...”
Napako ang ngiti ni Chong habang nakatingin sa babaeng kasama ng lalaking kaharap niya. “Sa-bi-ko-na-nga-ba...”
“Ah, Chong, ‘yung kasama mo...”
Dahan-dahang itinuon ni Chong ang kanyang tingin sa lalaki, habang kumukurap din ng dahan-dahan. Napa-iwas na lamang ng tingin ang lalaki.
“Ah, siya si Alfonse. Ka-group ko sa isang project sa school. Gagawa kasi kami ng minaiture na bahay at bibili sana kami ng materials ngayon...”
“Bakit parang sobra naman siyang magpaliwanag...” nasabi na lamang ni Chong, habang patuloy paring iniisip kung saan niya nakita ang lalaking kaharap nila.
“And Alfonse...uhmmm... si Jasper...kaklase ko noong high school...”
Nanlaki ang mga mata ni Fonse. Tila nalaman niyang switched at birth pala sila Chong at siya talaga ang galing sa hirap. Pero joke lang iyon.
“Tang-ina, siya ‘yun! Siya ‘yung lalaking katabi ni Chong sa class picture na nakita ko sa notebook niya. Siya ‘yung lalaking tuwang-tuwang at halos kikilitiin na si Chong!!!”
“Oh, Jasper, alis na kami ah. Pupunta pa kami sa ibang bookstore eh. Wala kasi ‘yung materials na kailangan namin dito...” Ngumiti si Chong kay Jasper at kay Janella. Saka siya yumuko at humakbang papalayo.
Ngunit bago pa niya maisagawa ang pangalawa niyang hakbang, pinigilan na siya ni Fonse at hinawakan siya nito sa braso.
Gulat na biglang napalingo si Chong.
“Ah...Jasper...Janella...Hindi ko lang basta classmate si Chong...” Itinuon ni Fonse ang tingin niya sa huli.
Unting-unting napakatanga si Chong. Halos hindi na maipinta ang mukha niya. Halos hindi niya alam kung anong gagawin niya. “Hindi pwede...hindi niya gagawin iyon...”
“...si Chong...”
“Hindi niya sasabihin ‘yun...”
“...si Chong...ay boyfriend ko...”








-----------------------------------------------------
Ang kuwentong nagsimula sa aminan...
-----------------------------------------------------------------------------
”Chong...bakit ...bakit mo ba ako iniiwasan? Ah...oo... tama, bakit mo nga ba ako iniiwasan? ”
”Gusto mo talagang malaman kung bakit kita iniiwasan?”
”Kasi gusto kita...”
Nanlaki ang mga mata ni Fonse sa kanyang narinig. Maski ang igalaw ang kanyang katawa’y hindi niya maigalawa. Pinamasdan lamang niya si Chong habang naglalakad ito ng buong pag-iingat. Kailangan ko siyang pigila,  naisip niya. At isang paraang lamang ang alam niya...
“EH GUSTO RIN NAMAN KITA EH!!!”
-----------------------------------------------------------------------------
Na napunta sa subukan at out-of-this-world na katanungan...
-----------------------------------------------------------------------------
"Bakit mo ako gusto?"
“Ah, kase, ano eh...uhmmm...”
“Pwede, walang mga dahilan na ‘Because  you made me smile everyday and you made me feel all the happiness in life there is,’ na ‘Because you showed me the real meaning of LOVE and you made me feel it,’ at lalo nang ‘Your presence in my life gave a new dimension to my existence.’ Ha, pwede?”
“Ah kase...”
“Kase ano?”
“Uhmmmm...”
“Kasi...wala...”
Biglang nagdilim ang paningin ni Chong.
“HINDI PWEDENG WALA!!! PAANO MO SOSOLUSYUNAN ANG ISANG BAGAY NANG HINDI MO NALALAMAN ANG DAHILAN!!!
-----------------------------------------------------------------------------
Na nauwi sa isang kasunduan...
-----------------------------------------------------------------------------
“Oh, edi...tayo na...” sambit ni Chong habang nakatingin sa langit.
“...Ser...yoso...ka...ba....?”
“...Sa limang kondisyon...”
“Unang-una, hindi ka makakakuha sa akin ng kahit anong uri ng sagot sa assignments, sa quizzes, at sa mga major examinations. Pangalawa, hindi ka pwede magkaroon ng kahit anong uri ng romantic relationship na labas ng sa atin. Mali, I doubt kung magiging romantic ‘tong relationship natin. Uhmm, erotic? Hindi rin. Uhmm, relationship na lang. In short, hindi ka pwedeng mangaliwa...”
Saka unti-unting lumapit si Fonse at tinangkang akbayan si Chong. Pakiramdam niya kasi’y nagseselos si Chong.
“Walang yakapan, walang holding hands, walang halikan, walang dikitan ng balat, walang encounters na lalagpas ng public zone...”
“Ha?”
“At walang sexual intercourse...” saka siya tumingin sa akin ng patagilid at nang may mababang kilay.
Nasa harap na naman niya ang Chong na palagi siyang  tinitikis, ang Chong na palagi siyang pinapahiya, ang Chong na umaming may gusto sa akin.
“’Yan ang pangatlo kong kondisyon...”
“Tayo...talaga ...niyan...?”
-----------------------------------------------------------------------------
At patuloy na sinusubok...
-----------------------------------------------------------------------------
...Lalong humigpit ang kanyang hawak ni Chong sa aking bewang, humigpit ng may pagmamahal...
Magkadikit ang aming mga katawan, ang aming mga mata, ang aming kaluluwa, mga labi na lamang ang hindi nagdidikit sa amin...
Unti-unti, may pag-iingat, dahan-dahan kong inilapit ang aking labi sa kanyang labi. Marahan, kitang-kita ko sa kanyang mga mata ang pagkagulat at pagkalito, pero bakas din ang pagpapa-ubayang angkinin ko ang labi niya...
Sa kanyang mga mata lang ako nakatingin. Unti-unti. Maski mga mata niya’y sa akin lang nakatuon. Dahan-dahan. Ang mga labi nami’y magsasalo na. May pag-iingat. Hindi namin maipaliwanag ang aming nadarama...
At ngayon...nagdikit...
 “Okay, tapos na ‘yung sayaw...” saka niya binitawan ang pagkakahawak sa aking bewang maski sa akin kamay. Nahulog ako. Nauntog ang ulo ko sa sahig, habang ‘yung mga binti ko ay nakabaluktot na natumba.
“ARAY!!!”
-----------------------------------------------------------------------------
At patuloy na sinusubok...
-----------------------------------------------------------------------------
Saka niya inilabas ang isang maliit na box na kulay pula at inilagay ito sa gitna ng mesa. Shet!!! Ano kaya ‘yan? Singsing? Kwintas? Parang masyadong maliit ‘yung box. Anklet? Eh sabi niya, isa sa akin, isa sa kanya. Parang ang pangit naman kung anklet ‘yun. Parang mas malaking tsansa na singsing eh, diba, isa sa akin, tapos isa sa kanya? Yes!!! Wahahaha!!! Puta, ang sweet ng taong ito, parang gusto ko siyang yakapin at halikan sa harap ng maraming tao...
...Hindi ko akalaing magiging masaya ako ng sobra ng ganito. At hindi ko akalaing kay Chong ko pa mararanasan ang ganito...
...Saka niya binuksan ‘yung kahon...
...At sana hindi na nga lang niya binuksan. Shet...
“Ano ‘yan?” ang tanong ko sa kanyang dismayado.
“Bakit, ngayon ka lang ba nakakita ng ganito? Ano bang ginagamit niyong pandikit ng notes sa ref niyo, rugby?” ang sagot niyang nang-aalaska at halos natatawa.
Saka niya tinanggal mula sa kahon ang pahaba at maliit na bagay na iyon na nakakabit sa isang pabilog na bakal sa dulo. Keychain ito actually at talagang dalawang ganoon ang nasa loob ng kahon...
...pero kung ano ‘yung palawit ng keychain, isa itong bagay na kapag nalaman ninuman ay matutunaw sila sa kagalakan...
“...Talagang ang regalo mo sa akin eh...” ang tanong ko sa kanyang sa sarkastikong tono.
“...MAGNET???”
-----------------------------------------------------------------------------
Ng ikalimang salinlahi ng buhay na dugo ng mabunying si Adolf Hitler...
-----------------------------------------------------------------------------
”Chong, sino ’yung bagong babae ng mokong na ’to? Kilala ba namin? Si Jenilyn ba?”
“Hindi mo pa ba alam...” ang sabi ni Chong na nakangiti kay Lemuel.
Wala ’yan. Syempre kailangan lang niyang magdahilan para maloko sila Lemuel. Eh ang galing kaya niyang mag-isip ng dahilan. Halos isang iglap nga lang naisip niyang idahilan kay Jenilyn na nagwala si Grace kaya andoon ako. Ang galing diba, kaya wala akong dapat ipag-alala. Ililigtas pa nga ako ng taong ito eh.
”...Kami na ni Fonse...” ang sabi niya habang nakangiti pa rin.
Biglang nawala ang sigla sa mukha ni Brix. Napalitan ito ng pagkagulat na hindi mawari.
”...don’t worry, I forgive..."
Biglang napalingon sa akin si Fred. At ngayon, lalong tumulis ang tingin niyang kanina pa nag-aapoy. Parang gusto na niya na kong patayin sa mga tingin niya.
”...but I don’t forget, and the best part is...”
Dahan-dahang itinuon sa akin ni Chong ang kanyang tingin, talagang ‘yung eyeballs lang niya ang gumagalaw. Pero bigla niyang inituon sa akin ang kanyang ulo kasabay ng kanyang tingin. Nakakatakot. Parang mas dapat pa akong matakot kay Chong kesa kay Grace…
“...I get even...”
-----------------------------------------------------------------------------
Saan tutungo ang napaka-sweet na love story na ito? Magkakaroon ba ng happy ending para kila Chong at Fonse? Abangan sa hindi pa nalalapit na pagtatapos ng...
A DILEMMA OF LOVE

-----------------------------------------------------------------------------

8 comments:

  1. ang galing mo author!!! :))

    ReplyDelete
  2. napakagaling mo kuya!

    ReplyDelete
  3. sinubaybayan ko ito mula umpisa,ang layo na ng narating nila,tayuan balahibo ko dun sa huling part yung mga eksenang nakakaloka sa nagdaang mga chapter,astig ka author!

    ReplyDelete
    Replies
    1. WOW!!! Thank you TZEKAI !! Astig ka rin naman ah, ang ganda kaya ng 'Mamaw'...Mas mataas pa nga 'yung reads noon kumpara dito eh...XD

      Delete
  4. Sir!!! please gawin nyo po sana itong libro, kasi...

    "Gusto ko kapag may natututunan ako mula sa isang bagay, mahahawakan ko siya para maalala ko yung mga natutunan ko habangbuhay"

    please Sir. Author please pooooo!!! :D

    -Kio
    -Your no. 1 fan :D

    ReplyDelete
    Replies
    1. Akalain mo 'yun XD. Pero thank you very much, sobrang thank you, super, duper, thank you XD. Kaso sa tingin ko, hindi 'to magagawang libro, wahahaha, tingin ko lang XD

      Delete
    2. Grabe Sir, ito po kasi ung tanging story na nagpabaliw sakin, nakakaaddict at hindi nakakasawa. Kakaiba yung story, hindi puros patweetums lang, may LESSON talaga na matututunan, kaya gusto ko talagang mahawakan at maalala to habangbuhay... :))

      p.s: NABALIW ako sa last part :D

      Delete
  5. honestly ang ganda nitoo!!!! woooohh grabe !!! kakilig!!! eto na yata un PINAKAMAGANDANG story na nabsa ko dto sa MSOB!!!!!! the best!!!!!!!!!!! cant wait 4 the next CHAPTER!!!! :)))


    gerald d j......santa rosa city

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails