Part1 Part2 Part3 Part4 Part5 Part6
Tahimik na titinignan ni Ate Helen
ang kaniyang kapatid na si Josh na mahimbing na natutulog at talaga namang
hindi siya makapaniwala sa sinabing findings ng Doctor na nagkaroon ng Selective
Memory Loss ang kaniyang kapatid mula sa pagkakahulog nito sa Bubong.
Hindi muna pina-uwi ng Doctor si
Josh sa bahay dahil binigyan ito ng series of test and laboratories upang
makapaniguradong walang masamang nangyari dito at nang matapos ay wala namang
nakita ang Doctor kay Josh na life threatening na sysmptoms.
Hinintay muna ng Doctor na
makatulog muli si Joshua saka ipinaliwanag nito kina Ate Helen, Wax and Banessa
ang situation ni Josh.
Hindi talaga makapaniwala si Ate
Helen sa sinabi ng Doctor dahil alam niyang sa T.V. lang niya nakikita ang
pagkakaroon ng Selective Memory Loss at higit pa dito'y parang hindi nababagay
sa kaniyang kapatid ang magkaroon ng ganitong uri ng Amnesia dahil napakaSosyal
pakinggan ang term na 'Selective Memory Loss'.
Mas lalo pang naConfirm ng Doctor
ang kaniyang Diagnosis sa Case ni Josh nang ipinaalam ni Ate Helen na pangalawang
pagkakataon na ni Josh na mahulog sfrom the rooftop.
Ikinuwento ni Ate Helen ang time
noong nahulog ang kaniyang kapatid noong bata pa ito at laking gulat ni Wax na
malamang right after the evening lang ito na nangyari nang bumisita siya and
his family sa bahay nina Josh para makapagpaalam na luluwas na sila sa Manila.
Naging malinaw na ang lahat kay
Wax kung bakit nakalimutan ni Josh ang childhood memories nito na kasama siya
at ngayon nga'y pakiramdam ni Wax ay para ba siyang pinaglalaruan ng tadhana
dahil for the second time ng pagkakahulog ni Josh sa bubong ay bumalik ang
childhood memories nito ngunit ang nabura naman sa mga ala-ala ng kaniyang
bestfriend ay ang mga nangyari between them when they recently spent their
times together sa Calauag.
Imbes na magtaka ang Doctor ay
naging bilib na bilib ito't proud na proud pang ipinakita nito sa tatlo ang
X-ray ni Joshua at talaga namang ipininPoint pa ng Doctor sa tatlo kung gaano
kakapal at katigas ang skull ni Joshua.
niRest Assure ng Doctor sa tatlong
nasa ligtas na kalagayan si Joshua at nakalog lamang ang utak nito at ang ipinayo
na lamang nito kina Ate Helen na hintayin na lamang nila na bumalik ang ala-ala
nitong si Josh at hindi naman masyadong malaki ang magiging impact nito sa life
ni Josh dahil isang tao lamang ang nakalimutan nito.
Kahit na hindi nagsasalita itong
si Wax ay damang-dama nina Ate Helen at Banessa ang pagiging Upset nito sa
nangyari sa kaniyang BestFriend.
NagDecide si Ate Helen na siya na
lamang ang mag-i-iStay sa hospital upang samahan si Josh at para na rin makapagPahinga
na si Wax na talaga namang Haggard na haggard and Stress na Stress sa nangyari.
Tahimik lamang itong si Banessa dahil alam niyang Clueless itong si Ate Helen
at tanging siya lamang ang nakaka-alam kung bakit ganoon ka Emo itong si Wax.
Ibinilin ni Ate Helen kay Wax na ihatid
si Banessa sa bahay nito na siya namang tinunguhan lamang ng tahimik ni Wax at
bago tuluyang umalis si Wax sa ER ay nilapitan muna niya ang natutulog na si
Josh at binigyan ito ng bahagyang pisil sa isang balikat nito at pagkatapos ay tahimik
at mabilis na lumakad ng papalabas si Wax. Nginitian na lamang ni Banessa si
Ate Helen at pagkatapos ay sumunod na din ito kay Wax papalabas ng ER.
Matagal ding pinagmasdan ni Ate Helen si Wax at nakakahinga na siya ng
maluwag dahil alam niyang ligtas na ang kaniyang kapatid ngunit ang pakiramdam ngayon
ni Ate Helen ay para bang ang sarap barugin ng Palo-palo ang ulo ng kaniyang
kapatid at baka sakaling bumalik ang memory nito about Wax.
**********************************
Tahimik na inihinto ni Wax ang
kaniyang Revo sa tapat ng bahay nina Banessa at saka niya pinindot ang button
para iUnlock ang Door ni Banessa.
"Wax..." Ang tanging
mahinang nasambit na lamang ni Banessa dahil talaga namang para siyang hindi
makahinga sa loob nang Revo dahil sa pananahimik nilang dalawa ni Wax since
nang umalis sila from the hospital hanggang sa makarating nga sila sa kaniyang
house.
"Wax... Sorry..." Ang
muling sinambit ng guilty na si Banessa nang hindi siya nakarinig ng reply from
Wax.
"Wax..." Ang ulit muli
ni Banessa dahil ayaw talaga nitong palagpasin ang magdamag na hindi siya
kinikibo ng kaniyang Classmate na si Wax. Aminado si Banessa sa kaniyang sarili
na kung hindi dahil sa kaniya'y hindi mahuhulog si Josh mula sa bubong.
"Wax naman... Sorry
talaga..." Ang muling paghingi ng tawad ni Banessa sa nanahimik na si
Joaquin. Magsasalita na sana ulit itong si Banessa dahil nanahimik pa din si
Wax kaya lang ay para bang umurong ang kaniyang dila nang makita niya ang
pagbagsak ng matatabang luha ng kaniyang classmate.
Biglang nagPanic si Banessa dahil
alam niya't 100% siyang sure na may 'Something' between Wax and Josh at siya
ang dahilan kung bakit umiiyak ngayon si Wax. Hindi makahagilap ng sasabihin
itong si Banessa dahil alam na alam niya at naiintindihan niya ang kasalukuyang
situation ni Wax.
"Wax..." Ang malumanay
na sinambit muli ni Banessa at talaga namang hindi siya nakatiis na hagurin ang
likod nito at on cue namang lalong naging audible ang paghikbi ni Wax.
Halos tumagal ng less than five
minutes ang pag-iEmo ni Wax at talaga namang nakaramdam si Banessang parang
sinasaksak ng isang mapurol na Bread Knife ang kaniyang puso dahil ramdam na
ramdam talaga niya ang paghihinagpis ng kaniyang Classmate.
"Sorry talaga..." Ang
ulit muling sinabi ni Banessa kay Wax.
"Di ba Unffair..." Ang
hindi mapigilang tanong ni Wax kay Banessa. Matagal ding hindi nakasagot itong
si Banessa dahil talagang affected na affected siya sa nangyayari kay Wax.
Hindi din naman kasalan ni Wax na maging magDrama dahil ito ang kauna-unahang
pagkakataong maInlove talaga.
"Kailan pa kayo..." Ang
malumanay na tanong ni Banessa kay Wax.
"The evening after ng Santa
Cruzan..." Ang reply naman ni Wax.
Alam ni Banessang parang
napakabilis lang ng pagkakaroon nina Wax and Josh ng 'Something' ngunit alam
din niyang hindi maiaalis ang Fact na since in their Childhood ay halos
magkaDutong na ang mga bituka ng dalawa na talaga namang nauunawaan ni Banessa.
"I do understand..." Ang
mahinang sambit ni Banessa at hindi na nito mapigilang yakapin si Wax dahil sa
pagkaawa. Si Banessa ang taong nakakaintindi talaga sa situation nina Wax and
Josh.
"Don't lose hope Dear...
Destined kayo to be together ng bestFriend mo..." Ang pagpapakalma ni
Banessa kay Wax na siya namang ikinatahimik nitong isa.
"Di ba... Nagkita ulit kayo
after how many Years and kahit na nakalimutan na ni Wax ang childhood memories
niya with you eh naging maganda naman ang result and bumalik ang dati n'yong
samahan when you arrive here... And mas lalong naging malalim pa nga..."
Ang sunod na sinambit ni Banessa sa tahimik na humihikbing si Wax.
"Just don't give up
ha..." Ang muling sambit ni Banessa kay Wax while she's crossing her
fingers at nagdaDasal na sana'y nakatulong ang kaniyang mga sinabi upang
pagaanin ang mabigat na kalooban ni Wax.
"I'm so sorry talaga... I
won't let Josh na makalimutan niya ang nangyari sa inyo simula nang dumating ka
dito..." Ang muling sambit ni Banessa kay Wax at walang pasabing binigyan
niya ng isang smack sa cheek si Wax.
"Galit ka ba..." Ang
tanong muli ni Banessa sa kaniyang Classmate dahil hindi talaga makaya ng
kunsensya nito ang kaniyang nagawang pagSira sa Moment nina Josh and Wax sa
bubungan.
Umiling lang si Wax at pilit na
ngumiti.
"Nope... Gustuin man kitang
bugbugin right now eh it won't help..." Ang mahinang sambit lamang ni Wax kay
Banessa.
"Ang baet-bait mo talaga
Joaquin! Hmmmm... Don't worry talaga..." Ang sinambit ni Banessa kasabay
ng kaniyang mahigpit na pagHug muli kay Wax at wala pang three seconds ay
nagmamadaling bumaba na ito sa Revo at baka tutuhanin kasi ni Wax ang
pang-guGulpi sa kaniya.
"Take Care..." Ang
paalam ni Banessa kay Wax bago nito isinara ang pintuan ng Revo.
Nag-Inhale and Exhale lamang si
Wax to Compose himself and while he's driving pauwi na sa bahay nina Josh ay
nakatatak pa din sa kaniyang isipan ang sinabing Word ni Banessa a while ago,
Ang word na 'Destiny'.
**********************************
"Huwag kang mag-alala Wax...
Pag-uwing pag-uwi ni Josh eh ihuhulog ulit natin sa bubong!" Ang nakaSmile
na pag-aalo ni Aling Myrna kay Wax habang hinahagod-hagod nito ang likuran ng
Rakista.
Pagkadating palang kasi ni Wax sa
bahay ay kinamusta na agad ng nag-aalalang si Aling Myrna kay Wax ang kaniyang
anak at katulad ng kaniyang anak na si Helen ay nakahinga na din ito nang
maluwag dahil ipinaalam ni Wax kay Aling Myrna na nasa mabuti ng kalagayan itong
si Josh ngunit hindi mapigilan ni Wax na mag-Emote na naman at naikuwento niya
kay Aling Myrna na nagkaroon na naman si Josh ng Selective Memory Loss nang
mahulog ulit ito na siya namang ipinagtaka ng Nanay ni Josh.
"Okay lang po..." Ang
sambit ni Wax at medyo slight nang gumaan ang kalooban ni Wax dahil sa
pagbibiro ni Aling Myrna.
"S'ya magpahinga ka na't para
kang lambot na lambot." Ang sambit ni Aling Myrna kay Wax habang
nagtatarangka na ito ng buong bahay. Tahimik lamang itong si Wax na
tinutulungan si Aling Myrna and after na makapagLock up na sila'y nagGoodNight
na si Wax sa matanda't tamad na tamad na pumasok na siya sa room nila ni Josh.
Habang nakahiga'y ipinagpatuloy ni
Wax ang kaniyang pag-iEmo habang paulit-ulit sa kaniyang isipan ang salitang
'Destiny'.
"Baka talagang magBestFiend
lang tayo..." Ang talunang nasambit ni Wax sa kaniyang sarili kasabay ng
walang tigil na pagpatak ng kaniyang mga luha.
**********************************
"Di ba tapos na ang Fiesta...
Ba't nandidito kayo?" Ang gulat na tanong ni Wax sa lahat nang makita
niyang nandoon ang lahat ng kaniyang mga Elementary Classmate.
Sina Wax and Aling Myrna ang
sumundo kina Josh and Ate Heen from the hospital habang si Banessa nama'y nagVolunteer
na magStay sa bahay nina Aling Myrna't habang On the way ang mga nangGaling sa
Hospital ay pinagteText lahat ni Banessa ang kaniyang mga Classmate upang
pumunta sa bahay nina Josh at nang nandoon na ang mga ito'y ipinaalam ni
Banessa sa mga ito ang nangyari kay Josh at sa new Selective Memory Loss nito.
Nag-ingat si Banessa na hindi
isama sa kaniyang kuwento ang kaniyang nakitang ginagawa nina Josh and Wax sa
bubong before na mahulog itong si Josh.
"Kala ko ba nagkaAmnesia
ka?" Ang tanong kay Josh ng isa nilang classmate na si Patrick.
"Ha?" Ang nagtatakang
sambit ni Josh kay Patrick.
"Tanga! Selective Memory Loss
lang!" Ang saway ng wife ni Bentong kay Patrick.
"Talaga bang hindi mo
naaalala si Wax?" Ang curious na tanong ni Bentong kay Josh.
"Ang weird nga eh! Ha ha
ha!" Ang masayang sambit ni Josh sabay akbay niya kay Wax na tahimik na
lamang na tumingin kina Banessa, Ate Helen at Aling Myrna.
"Teka lang at iiinit namin ni
Nanay ang mga natirang buko Pie kahapon." Ang sambit naman ni Ate Helen
para may maMerienda ang lahat.
Habang nagprePrepare ang mag-ina
ng snacks para sa kanilang mga bisita'y sinimulan nang ikinuwento ng mga
classmate nina Wax kay Joshua ang mga nangyari noong mga nakaraang araw at ang
mga nangyari noong Santa Cruzan and Fiesta.
"HA?! Hindi mo maalala nang
muntikan ng malunod si Wax dahil sayo?" Ang naibulalas na sambit ni
Bentong kay Josh dahil hindi talaga siya makapaniwala sa Case nito.
"Anong nalunod?" Ang
biglang tanong ni Aling Myrna sa lahat.
"Bakit walang nagkuwento
nito?" Sambit naman ni Ate Helen sa mga naBuking na magkaClassmate. Ni
isa'y walang tapang na nagsalita't natakot sa mag-ina.
"Let me explain..." Ang
sambit ni Banessa at ito na mismo ang nagsabi sa nangyari. Habang nag-iExplain
si Banessa'y napansin nitong medyo namutla ang mukha ni Josh at kitang-kita
niyang pinagpapawisan ang noo nito.
"PUTRES KANG BATA KA!!!"
Ang galit na galit na sambit ni Aling Myrna nang malaman niyang pinilit pala
nitong si Josh na dalhin sa malalim itong si Wax kahit nagsasabi na ang isang
hindi marunong lumangoy.
"ARAY!!!" ang angal ni
Josh nang batukan siyang bigla ng kaniyang nanay. Hindi talaga napigilang
seltukan ni Aling Myrna ang pasaway na si Josh.
"Ano... Naaalala mo na si
Wax?" Ang tanong agad ni Aling Myrna sa anak. Nagbabakasakali kasi itong
si Aling Myrna na kumalog ulit ang utak ng anak.
"Ang kulit naman eh! HINDI
NGA!!!" Ang naiinis na sambit naman ni Josh sa kaniyang nanay.
"Titimpla ko muna kayo ng
kape!" Ang sunod na sinambit ni Josh sa lahat sabay tayo't pasok sa
kusina. Naiwang nakaNganga ang lahat at talaga namang hindi nila maAbsorb ang nangyari
kay Josh.
Ang alam talaga ng lahat ay kung
sakali mang mayroong taong makakalimutan itong si Josh ay siguradong hindi si
Wax dahil Super close at para ng magkapatid silang dalawa.
**********************************
"HUWAW NAMAN! Ang mga timpla
ng kape namin eh hindi mo nakalimutan!" Ang bilib na bilib na sambit ni
Bentong nang iniabot ni Josh ang tinimpla niyang Black Coffee para dito.
"Ako pa!" Ang mayabang
na sambit naman ni Josh habang iniaabot niya ang kaniyang mga itinimplang
ibat-ibang kape sa lahat.
"Walastik ka din ano!"
Ang hindi mapigilang nasabi naman ni Banessa kay Josh habang nagsiSip siya ng
kaniyang favorite na Nescafe Mild.
"Ang weird talaga." Ang
nasambit na lamang ni Patrick sa situation habang pinagmamasdan niya ang hawak
niyang baso. Pinagtimpla ng Baristang si Josh si Patrick ng paborito nitong Iced
Coffee combination ng Kopiko Brown at Nescafe Creamy Latte.
"Yan ba ang Favorite Coffee
mo?" Ang tanong naman ni Ate Helen kay Wax habang umiinom ito ng iniabot ni
Josh na Kape. Umiling lamang itong si Wax dahil ang itinimplang kape ni Josh sa
kaniya'y Kopiko Black na 3-in-1. Ang paboritong Coffee kasi nitong si Wax ay
Black Coffee with no sugar. Kasing Bitter ng kaniyang nararamdaman sa mga
sandaling iyon.
"Ang gwapo ko talaga!"
Ang masayang sambit ni Josh habang tinitignan niyang isa-isa ang mga pictures
na kinuha ng kaniyang Ate Helen noong Santa Cruzan.
"Ang cute natin oh!" Ang
sunod na naibulalas ni Josh sabay pakita niya kay Wax ng kaniyang hawak na
Digicam.
Nagbigay na lamang si Wax ng isang
fake na smile habang tinitignan niya ang Image sa Digicam. Kung gaano silang dalawa
kasayang nakatawa't magkaakbay ni Josh ay kabaligtaran naman ng kaniyang nararamdaman.
"Okay lang bang puntahan ko
ngayon ang Band ko?" Ang sambit ni Wax sa lahat out of Nowhere. Tahimik na
tinignan ni Wax ang mga mata nina Aling Myrna, Ate Helen and lastly ay ang kay
Banessa.
Tumungo na lamang si Banessa na
sinang-Ayunan naman ng mag-ina at wala pang ilang seconds ay mabilis na umalis
na si Wax.
Tahimik lamang ang lahat na nakatingin
sa tumatawang si Josh.
Tuwang-tuwa talaga sa pagtingin ng
mga pictures ang Clueless na si Josh at wala itong pakialam kung umalis ang
kaniyang BestFriend.
**********************************
"Balik na ba kayong
Manila?" Ang bungad ni Wax sa kaniyang Band nang magkita-kita sila sa
Jollibee sa bayan.
"After Lunch." Ang sagot
naman ni Dennis.
"Baka magalit si Madam
Banessa kapag hindi tayo nananghalian sa kanila bago umuwi." Ang sambit
naman ng kanilang Bassist.
"Buti nalang at Classmate mo
pala ang may-Ari ng Agency. SmallWorld!" Ang hindi mapigilang maibulalas
ng kanila namang Keyboard Player. Tuwang-tuwa talaga ang mga kaBandMates ni Wax
dahil sure na sure na silang makakaPag-Abroad sila.
"Sige... Sabay na din
ako..." Ang mahinang sambit ni Wax sa lahat.
"Dennis... Can You Drive the
Revo?" Ang pakiusap ni Wax sa kanilang drummer na siya namang nagConfirm
without any Hesitation.
Hindi kasi alam ni Wax kung
makakapagDrive siya ng maayos at magulong-magulo ang kaniyang utak dahil hanggang
ngayo'y hindi pa din siya makapaniwala sa nangyari sa kanilang dalawa ni Josh.
Pagkatapos ng ilang mga minutes
lamang ay nagpaalam na itong si Wax sa kaniyang Band para bumalik na sa bahay
nina Josh upang makapag-impake na.
**********************************
Malalim ang iniisip ni Wax habang
nagdriDrive siyang pabalik kina Josh. Hindi niya talaga alam ang kaniyang
gagawin kay Josh para maalala nitong muli siya. Gustong pa niyang magStay kina Josh at magbakasakaling baka makatulong
ang kaniyang pamamalagi sa tabi ng kaniyang BestFriend upang manumbalik ang
recent memory nito with him pero nahihirapan siya sa situation.
Labis na nasasaktan itong si Wax
sa tuwing sasabihin ni Josh na hindi nito naaalala ang kanilang pinagsamahan. Hindi
talaga matanggap ni Wax ang mga nangyari.
After all the things that happened
between him and Josh at sa isang iglap lamang ay nabura ang lahat-lahat.
"BULLSHIT!!!" Ang galit
na naisigaw ni Wax kasabay ng kaniyang malakas na pag-apak sa Break. Kamuntikan
na niyang masagasaan ang Askal ni Tandang Sora at ang Tropa nitong nasa gitna
ng kalsada.
POT! POT! POT!
Nagdadabog na sa pagBosina itong
si Wax ngunit balewala pa din ito sa mga Askals at sinabayan pa talaga namang
hindi nagpatalo ang mga ito at sinabayan nila ang malakas na pagbosina ni Wax
ng kanilang malalakas na pagkahol. Siga talaga ang tropa ng Askal ni Tandang
Sora sa baranggay nina Josh.
Hindi na din nakapagpigil itong si
Wax at talaga namang banas na banas siya sa mga Askals at talaga namang BadTrip
na BadTrip siya sa nangyari kay Josh. Hindi na nagdlawang isip at bumaba na itong
si Wax sa kaniyang Revo upang bugawin ang mga sigang Askal.
Ngunit ang totoo'y ang pagbaba ni
Wax ang talagang hinihintay ng mga sigang Askal at ang unang-unang sumugod kay
Wax ay ang Askal ni Tandang Sora. Talaga namang nagwaWating ang buong Tropa ng
mga Askals at Full Force nilang dudumugin itong si Wax.
Habang palapit ng palapit ang mga
Askal sa pangunguna ng Pet ni Tandang Sora'y hindi natinag sa pagkakatayo itong
si Wax na siya namang biglang napansin kaagad ng Askal ni Tandang Sora.
Biglang napahinto sa pagsugod ang
leader ng mga sigang Askal ng Baranggay Yaganak na siyang ikinahinto naman ng
buong Tropa nito.
Ilang minutes na pinagmasdan ng
Askal ni Tandang Sora si Wax at talaga namang nagtataka ito kung bakit hindi
ito natatakot sa kanila at nang magtama ang paningin ng Askal leader at ang
paningin ni Wax ay biglang nanlaki ang dalawang mata ng Pet ni Tandang Sora.
Mabilis pa sa alas-kuwatrong
nagtatakbo papauwi sa tindahan ni Tandang Sora ang Leader ng mga Askal kasunod
ang kaniyang buong tropa.
Nasindak sila sa namumula't
nanlilisik na mga mata ni Wax.
Galit na galit talaga si Wax dahil
sa nangyari sa kaniya and that time ay talaga namang gustong-gusto niyang Murderin
ang sigang Askal ni Tandang Sora kasama na ang buong Tropa nito.
"I don't have any reason to
stay here..." Ang galit na naiusal na lamang ni Wax habang pasakay ulit
siya sa kaniyang Revo.
Nag-Give Up na si Wax sa kanilang
dalawa ni Josh and kahit alam niyang mahirap tanggapin na hanggang
magBestFriend na lamang silang dalawa ni Josh after all the Moments ng pinagsamahan
nila sa kaniyang pagStay sa Calauag.
At that time na habang
ipinagpapatuloy ni Wax ang kaniyang pagbagtas sa kalye papunta sa bahay nina
Josh ay nagDecide na siya that He will be Thankful nalang at kahit papaano'y
bumalik na din ang Childhood Memories ni Josh na kasama siya.
**********************************
"Mag-iingat ka Wax ha!"
Ang bilin ni Aling Myrna kay Wax sabay Yakap niya dito't pagkatapos nama'y si
Ate Helen ang yumakap kay Waxs at nagpaalam.
"Pasensya ka na sa kapatid
ko't nangGagalaiti kay Banessa't napikon na naman kanina sa asaran nila kaya
ayaw pumunta dito." Ang nakaSmile na explain ni Ate Helen sa nakaSmile na
si Wax.
Inimbitahan din ni Banessa sina
Aling Myrna na sa bahay na niya mananghalian at madami pa naman kasi siyang
natirang handa. Nandoon din ang mga iba pang mga Classmate ni Wax na
inimbitahan din ni Banessa. Si Josh lang ang hindi pumunta at nagsabing may
pupuntahan pa daw ito na mas importante pa kaysa sa paLunch ni Banessa.
Talagang nagpaLunch si Banessa
bilang Farewell na Salo-salo niya For Wax and His Band at bilang pasasalamat na
din dahil sa pagtutugtog nila sa Plaza kagabi.
Malaki ang ikinatuwa ng Mag-inang
Aling Myrna't Ate Helen nang malaman nilang May Agency pala itong si Banessa at
lalo silang nagulat na ito ang magpapadala sa Abroad sa Band nina Wax.
"Basta babalitaan kita kapag
mayProgress na kay Josh." Ang sambit ni Banessa kay Wax.
"Don't bother. Hayaan mo na
lang siya na kusang makaalala." Ang talunang sambit ni Wax.
"Don't give up
Please..." Ang bulong ni Banessa kasabay ng pagHug niya kay Wax.
"Nay, Pakisabi na lang po kay
Josh na Salamat." Ang last na sinabi ni Wax sa kaniyang parang Nanay na
ding si Aling Myrna na tumungo na lamang at kanina pa itong desididong sermunan
pag-uwi ang kaniyang pasaway na anak.
"Thank you talaga." Ang
paulit-ulit na sinasambit ni Josh sa lahat hanggang sa makasakay na siya ng
kaniyang Revo't makaalis na dahil sa ipinakitang warm na pagtanggap sa kaniya
at sa napakaHospitable na pakita sa kaniya while he was Staying sa Calauag.
"Okay ka lang ba..." Ang
tanong ng Drummer nilang si Dennis kay Wax nang mapansin nitong walang kibong
nakatingin lang sa labas itong si Wax.
"Inaantok lang ako." Ang
matamlay na sambit ni Wax kay Dennis kasabay ng pagtatakip niya ng Hanky sa
kaniyang mata.
Gamit ang kaniyang isang kamay ay
itinukod ni Wax sa bintana ang kaniyang siko upang masuportahan ng kaniyang kamay
ang kaniyang Head upang magkunwaring matutulog.
Habang mapayapang binabagtas nina
Wax ang pauwing Manila'y sumasabay din ang pagpatak ng kaniyang mga luha't
pagtatanong niya sa kaniyang sarili dahil kahit hanggang ngayo'y hindi pa din
niya matanggap na Hanggang BestFriend na lamang ang Destiny niya with Josh.
Hindi rin maalis sa isipan ni Wax
kung tama bang mahalin niya si Josh na more than just a friend.
**********************************
Tahimik lamang na pinagmamasdan ni
Josh ang paghampas ng mga alon sa mga bato't buhangin dahil ang pakiramdam ni
Josh ay para bang nakikiramay sa kaniyang feelings ang paghampas ng mga alon sa
Dalampasigan ng Capuluhan Beach.
Dito nagpunta si Josh kaninang
nagpaalam siyang hindi sasama sa invitation sa Lunch sa bahay nina Banessa.
Alam niyang pupunta din kasi doon si Wax at kasama ang Band nito.
Halos gumuho ang buong kalooban ni
Josh kanina nang makita niyang nag-iimpake na at narinig niyang sasabay na ang
kaniyang BestFriend na si Wax sa Band nito pauwing Manila.
Hindi na namalayan nitong si Josh
na gumuguhit na pala sa kaniyang dalawang pisngi ang mga matatabang mga luha na
nagmumula sa kaniyang mga namumugtong mga mata kasabay ng pag-usig sa kaniya ng
kaniyang kunsesya.
Hirap na hirap si Josh na
magpanggap na nakalimutan niya ang mga pinagsamahan nila ni Wax since na
magising siya sa Hospital.
Nang mahulog kagabi mula sa bubong
itong si Josh at maalog muli ang kaniyang utak ay bumalik sa kaniya ang
kaniyang mga Childhood Memories niya na kapiling ang kaniyang BestFriend na si
Wax ngunit walang nabura sa kaniyang mga ala-ala at malinaw na malinaw pa din
kay Josh ang lahat ng mga nangyari sa kanila at ang pinagsamahan nila ni Wax
noong mga nagdaang araw.
Napasuntok sa buhangin itong si
Josh kasabay ng matinding pag-uusig sa kaniya ng kaniyang kunsesya.
Aminado sa kaniyang sarili si Josh
na mahal niya si Wax na higit pa sa BestFriend at masaya siya kapag nakikita
niyang masaya ang kaniyang BestFriend na si Wax.
Hindi talaga malaman ni Josh sa
kaniyang sarili kung saan niya nahugot ang strength upang huwag maapektuhan sa
pagsaSuffer ni Wax ang kaniyang ginawang pagpapanggap sa harapan ng lahat.
"PUTANG INA NAMAN!" Ang
malakas na nasambit ni Josh at talaga namang galit na galit siya sa kaniyang
sarili dahil sa ginawa niya sa kaniyang BestFriend na si Wax.
Pinagsisisihan ni Josh na naunahan
siya ng takot kaya niya nagawa ito kay Josh.
Natatakot si Josh dahil alam
niyang hindi panghabang-buhay na nasa Calauag si Wax at lagi niyang
makakapiling. Babalik at babalik ito sa Manila and the fact na nalalapit na ang
pag-alis nito ng Bansa.
Natatakot din itong si Josh dahil
hindi pa siya handa sa lahat-lahat.
Hindi Ready si Josh na may ibang
taong makaalam na Bisexual siya.
Hindi talaga inaasahan ni Josh na
may makakakita't makakaalam sa namamagitan sa kanilang dalawa ni Wax.
Hindi pa niya tanggap ang kaniyang
Sexuality kaya nama'y nagpakaSelfish siya't gumawa ng paraan upang putulin na
ang lahat ng namamagitan sa kanila ni Wax at upang maprotektahan din niya ang kaniyang
macho image sa kanilang lugar.
Alam ni Josh na pareho silang
nasasaktan ni Wax at tanggap na din ni Josh na hindi na niya pupuwedeng bawiin pa
ang lahat ng kaniyang nasimulan na at labis niyang pinagsisisihan talaga ang
kaniyang ginawa.
"Wax..." Ang mahinang
nasambit na lamang ni Josh sa mga sandaling iyon.
Gustuhin mang mayakap ni Josh ang
kaniyang BestFriend na si Wax sa mga sandaling iyo'y napakaimposible na.
Batid ni Josh at tanggap niyang nasa
huli ang pagsisisi.
To Be Continued
Embedded music comes from Timmy Cruz's I LOVE YOU BOY and Allona's SOMEONE's ALWAYS SAYING GOODBYE both Covered by Toni Gonzaga :)))
ReplyDeleteNahirapang pumili si Ponse kaya ginawa ko na laang dalawa :)))
GoodEvening Po Senyong Lahat :)))
Eto nga pala ang ipinalit ko sa 'Hayok', Click the title below if you want to read it... Tinopak kasi ako kaya lalagyan ko ng Story yaan :)))
Nakitulog Ang Kumpare Ng Daddy Ko 1
TAKE CARE AND REGARDS SENYONG FAMILY
haha nice one
ReplyDeletehahaha pero astig talaga ung mga aso. parang mga gangster ang dating hehehe. meh ganun talaga? hehehe next na po.
Tenchu Kuyang Anon sa pagSubaybay and pag-Iwan ng Comment :)))
DeleteTalagang ganoon ang mga Dogs sa Quezon hahaha :)))
See you after 3 days :))) Malapet na itong matapos :)))
Tenchu po sa pagsama kina Josh and Wax hanggang sa huli
haha bat di mo kaya gawan ng istorya ung mga aso kuya ponse kung bakit sila ganun kaadik hehehe charot.. hahaha
ReplyDeleteMahilig po kasi silang tumambay sa Kalye kuyang Anon kaya ganoon sila kaadik :))) Nyahahaha :)))
DeleteTenchu po sa pagbasa't Pag-iwan ng Comment :)))
TC and regardz po senyong Family :))) Stay Blessed palage :)))
ur welcome. sana after this istory gumawa ka pa ng maraming kwento na magaganda. well gudluck na lng sa buhay mo at godspeed.
DeleteAwww sad break up na ba? Maganda kuya kung may twist uli para humaba yung story :)
ReplyDeleteWe still have Mr.LoveDoctor :))) But hanggang part10 na laang ito :))) Like ng mga nauna kong kuwento :))) As usual :)))
DeleteHaaayyyyyyyy.. ramdam ko ung sakit ng dibdib nilang dalawa... Mahirap talaga ma-in-love sa befriend... nice story.. Kaabang-abang...
ReplyDelete-arejay kerisawa
Nice to meet you Kuya Arejay :))) Tenchupo sa pagsama kina kuya Josh and kuya Wax :))) See you po after three days :))) Ingatz po palage :)))
Deletega*o pala to si josh eh...grrr
ReplyDeleteaffected much :-(
Kaya nga kuya Pj eh :))) nasa huli aang pagsisisi :)))
Deletekaya nga gawa gawa ng ganyang bagay tapos magsisi.. ayoko talaga sa nga taong puro akala gusto ko yung straight to the point talaga hehehe
DeleteTae nkapahirap pag nabibitin k sa pag-eemote... Paluha n ako weh kaso nabitin.. Bumalik tuloy ung butil ng luha ko.. Lol
ReplyDeleteParang di ka na nasanay kay Ponse kuya Jm kaya :))) Ganyan pag malapit ng matapos :))) See you po after 3 days :)))
Deleteayun at natawa nanaman ako sa asong gangster! hanep manong! galing! sabi na nga bat nagpapanggap lng si josh na may amnesia.. habulan na ba ang susunod na kabanata? hihihi
ReplyDeleteHindi pa To :))) Hahaha :)))
DeleteNext chapter nah!!! Kakabitin nman hahaha...
ReplyDeleteSee you after 3 days Mr.Richie :))) Ingatz po palage and regards senyong Family :)))
Deleteang galing mo talaga kuya ponse :)
ReplyDelete-will wayne
Hindi po magaling si Ponse kuya Will :))) Adik po si Ponse :))) Hahahah :)))
DeleteNice meeting you :))) Tenchu po sa pagsama kina kuya Wax and kuya Josh hnggang sa huli :))) TC palage :)))
grabe naman ang twist parang true talaga. hayzt! ayan maarte ka kasi Josh iiyak din pala. wew!
ReplyDeleteadik pa rin ang mga askal. ang kyut haha pero takot din pala lols.
sana may pov ang askal ni tandang sora para maintindihan nating mabuti kung bakit peg nilang takotin sina Josh at Wax haha...pls kuya ponse.
(begging mode)
May mga BIs talagang ganon kuya Junixson :))) Ayaw aminin sa sarili at ayaw mabuking :)))
DeleteAng hirap naman ng request nyo :))) WAAAHHHH :)))
Shubukan ni Ponse :))) TC palage :)))
Ang ganda ng twist kaso nakakalungkot..
ReplyDelete- gavi
Kasama po yan Mr.Gavi sa kwento :))) See you after three days :)))
Deletemy pnagmanahan pla ang mga dogs ng Quezon :))
ReplyDeleteanyway, that’s so mean, josh! ang bad bad ng gnawa m! mtapos m paduguin eh iiwan m sa ere? u are so so mean! humpf!
Saan naman nagmana Lawfer ???
Deletemana sa author :))
DeleteWahhhhh kuya ponse nakikisabay sa lungkot ang kwento nila sa aking pinagdadaanan. Sana wag na patagalin ni josh ang paglilihim. Sana mahuli sya ni Banessa na umiiyak bago mahuli ang lahat. Ay ewan nakakapraning mag isip.
ReplyDeletePero best scene ko pa din ang band aid hehehe. Adik ka ponse. Naisip ko tuloy magdala lagi ng band aid bukod sa condom. I will never look at bandaid the same anymore dahil sayo lol!!!
Ingat lagi ponse mwahhhhh
Take Care ka din palage Mr.Stan :))) Hugz :))) Magandang band Aid yung may Hello Kitty Print :))) Hahaha!!! :))) HUGZ ULET :)))
DeleteIngat ka palage and Regards seyong Family Mr.Stan :))) Stay Blessed :)))
talagang may scene yung aso ah :)) hahaha anyway nakakaiiyak naman sundan mo pa ng I'll be by edwin McCain :( anyway nice story feeling ko malapit nanaman matapos :(
ReplyDeleteloving your DILF lover blog pala hehe
ReplyDeleteMalapit nang matapos yaan kuya Papz :)))
Deletehaayy as usual dating gawi hehehe Nice work Kuya Ponse ! ano po next nyo? wala ba ka ba yung medyo madrama ng kunti? hehe
DeletePapz, I already started my 'Rich Boy Loves Poor Girl' na Straight Story The Yuppie Is My Puppy and after naman ng Kwento nina Wax and Josh eh I'll post the next M2M story ko :)))
DeleteCharutera din etong si Josh, sarap jombagin.
ReplyDeleteWawa naman si Wax, nag-give up agad.
Ahrael
Hindi mo naman talaga masisi si Wax at talagang umasa siya :))) Kaw ba naman makaranas ng happiness with your bestfriend at naging kayo Jec :)))
DeleteTsk. Ang ganda talaga ng story. Maraming salamat po author! Sana po happy ending, please po.
ReplyDelete-K
Nice to meet you kuya K :))) Tenchu po sa pagbasa't pagComment :))) Take Care po palage and Stay Blessed :)))
DeleteSee you after three Days :)))
Can't wait for the next chapter.unpredictable talaga.
ReplyDeleteSee you po kuyang anon after three days :))) Tenchu po sa pagbasa't pagIwan ng Comment :))) TC palage and Stay Blessed :)))
DeletePutek nmn biti, ang arte nmn ni josh,pero srap bshin hindi sya ganon kbigat s dibdi,,hehe,bakit po sinasbi ng iba n mtatapos n eh wla p nmn ganong nangyayaring bastusan hehe jok lng po,wla p msyadong pasabog hahaha,salamt kuya anghusay tlaga,,pakis nga po,muwah,,,salamt,,hi!junixson,,
ReplyDeletePutek nmn biti, ang arte nmn ni josh,pero srap bshin hindi sya ganon kbigat s dibdi,,hehe,bakit po sinasbi ng iba n mtatapos n eh wla p nmn ganong nangyayaring bastusan hehe jok lng po,wla p msyadong pasabog hahaha,salamt kuya anghusay tlaga,,pakis nga po,muwah,,,salamt,,hi!junixson,,
ReplyDeleteAlam kasi nila Kuya Junixson na maikli lang ang mga Story kasi ni Ponse :)))
DeleteXOXO
Ah gnon po b,pansin ko nga po s ibang story nyo,katatapos ko ngalang pong basahin ung korean novel nyo hehe,bago lang po ksi,bago lang ding inamin s srili n bi din pala ako hirap hahahahagago lang talaga,hahaha,salamat bakit b dodle ang mga comment ko,,anyare,,,o tanga lang,,
DeleteAt least inamin mo at tinaggap mo ng buong puso ang sexuality even if na mahirap... you'll get used to it... tignan mo nga si PIOLO hanggang ngayon eh hirap na hirap pa din umamin... Kaya nga nagalit ang kumare kong si KC eh.
DeleteHahaha tinangap ko n ngaba o wala lang talaga akong magawa.hehehe slamat syo marian salamt..pero itatago ko ito hangat kya ko,,,hahagago lang talaga..wala pdin pang ktuloy bosing hehe sbik lang,
DeleteAng sakit naman :(.... zenki of kuwait
ReplyDelete