Followers

Saturday, April 20, 2013

Santuwaryo Ng Pag-ibig

(A story inspired by the movie Bangkok Love Story)
By: Michael Juha

Author's Note: Teaser part lamang po ito sa aking book na gagawin na sana ay mailabas this July. 

******************************

Year 2035:

TV News Headline: “Kuwento ng pag-ibig sa gitna ng gubat?”

Newspaper/Tabloid Headlines: “Wagas na pag-ibig ng Mt. Tigres!”

Radio Balita: “Isang nakakapanindig balahibo ngunit makabagbag-damdaming kuwento ng pag-ibig ang nadiskubre sa isang tagong kubo sa gubat ng Mt. Tigres...”

TV Drama Anthology: “Sadyang matalinghaga ang pag-ibig. Ito ay walang kinikilalang edad, walang kinikilalang sekswalidad, walang kinikilalang antas ng lipunan. Sabi nga nila... ang pag-ibig ay walang dahilan o paliwanag. Ito ay kusang sumisibol sa kahit anong pagkakataon, sa kahit saang lugar, o sa kahit anong estado ng buhay. Kadalasan ito ay hindi inaasahan. Minsan din, ito ay dumarating na parang isang masakit na biro ng tadhana. Ngunit kung ang isang pag-ibig ay wagas, mananatili itong matatag sa kabila ng mga matinding unos, dagok, at pagsubok sa buhay.

Ito ang tema ng kuwentong inyong matutunghayan. Ang kuwentong ito ay base sa isang sulat ng pag-ibig na aksidenteng natagpuan sa loob ng isang barong-barong sa kasukalan ng Mt. Tigres kung saan dahil sa kamangha-manghang kuwento ng pag-ibig na naganap doon, tinagurian na ito ngayong “Santuwaryo Ng Pag-ibig”. Samahan ninyo ako sa pagtuklas sa wagas na pagmamahalan nina Tob at Meg...

------------------------------------

“Si Meg At Ang Tawag Ng Mga Ibon”
Sa panunulat ni Tob, para sa pinakamamahal niyang si Meg

***

Ako si Tob. Isinulat ko ang kuwento kong ito dahil sa pagmamahal ko sa isang tao... si Meg.

Hindi pangkaraniwang insidente ang naging tulay upang mag-krus ng aming landas ni Meg. Galing ako sa bahay noon, kasama ang aking girlfriend na si Weng noong tinungo namin ang aming jewelry shop. Nabuo na kasi sa aking isip na pakakasalan ko si Weng at sa pagkakataong iyon, doon na ako, sa aming jewellery shop mag-propose sa kanya.

Walang kaalam-alam si Weng na sa araw na iyon ay magaganap ang isa sa pinakamemorableng araw sa aming buhay. Wala ring ibang taong nakakaalam sa gagawin ko maliban na lang sa driver ng bus na siya kong inarkila upang sorpresang iladlad ang streamer na ipinagawa ko. Ang alam lang ni Weng ay may ireregalo akong singsing sa aking ninang para sa nalalapit nilang silver wedding anniversary at siya ang pipili ng singsing para iregalo namin sa kanila.

Pagdating namin sa shop, ibinigay ko na kay Weng ang limang pares ng singsing na sadyang ipingawa ko upang pagpipilian niya. Noong nakapili na, lihim na akong nag-misscall sa bus driver. Iyon kasi ang hinihintay niyang hudyat upang pumarada siya sa harap ng shop at malantad ang streamer.

Maya-maya lang, nasa harap na ng shop ang bus. Kitang-kita ang malaking tarpaulin sa gilid nito, may litrato naming dalawa ni Weng at ang nakasulat, “Weng... I have made the most important decision of my life. I will marry you. –Tob”.

Bumusina nang napakalakas ang driver. Noong lumingon na si Weng, nanlaki ang kanyang mga mata dahil sa matinding pagkagulat sa nakita at nabasa. Pati ang mga tindira namin ay nabigla rin at nagpalakpakan.

Lumuhod ako sa harap ni Weng sabay abot sa singsing na napili niya, “Weng, will you marry me?”

Nagsisigawan ang aming mga tindera. At pati na si Weng ay namula, bakas sa mukha ang saya. At ang sagot niya, “Yes!”

At isinuot ko sa kanyang daliri ang singsing.

Nasa ganoon kaming eksena nang biglang sumulpot ang isang taong naka-bonnet. Hinablot niya sa leeg si Weng sabay deklara ng “Hold-up ito!!! Ilabas ang pera!!!”

Napalitan ng takot ang saya at excitement sana naming lahat. Hindi kami halos makakikos o makagalaw sa matinding pagkagulat.

“Oppppssss! Ihagis ang baril dumapa ka kung ayaw mong mapatay ko itong girlfriend ng bosing mo! Dapaaaaaa!!!” ang sigaw niya noong pumasok ang guwardiya at inusyuso kung bakit kami nagsisigawan.

Walang nagawa ang guwardiya kundi ang dumapa.

Noong nakadapa na ang guwardia, “Tanggalan mo ng mga bala ang iyong baril at hagis sa malayo!” At baling sa akin, “Alam kong may vault kayo... buksan iyon kung ayaw ninyong patayin ko itong babaeng ito! Daliiii!” ang sabi niya noong nakitang walang laman ang aming kaha gawa ng kabubukas pa lamang ng shop.

Sinunod ko pa rin ang utos niya. Tinungo ko ang silid kung saan nakalagay ang vault. Sumunod siya, hatak-hatak pa rin si Weng. Noong nabuksan na ang vault, iniutos sa akin ng hold-upper na ilagay ang pera sa bag.

Napuno na ng pera ang bag noong biglang binitiwan niya si Weng at sa akin na itinutok ang kanyang baril pagkatapos niyang mahawakan ang bag na naglalaman ng pera. Gulat na gulat ako. Akala ko ay ipuputok niya ang baril sa akin.

“Diretso sa motorsiklo mo at paandarin ito! Bilisan mo lang!” ang utos niya. Marahil ay nakita niya ang pagdating namin ni Weng sa shop na naka-motor. Motorsiklo kasi ang kinahihiligan kong sport, kung kaya ay ito rin ang aking service. Convenient kasi ito para sa akin. Maneuverable.

Noon ko naisip na baka gagamitin niya ako para sa kanyang pag-eskapo.

Agad din akong tumalima. Sa isip ko, mas mabuting ako ang dadalhin niya kaysa si Weng. Naka-buntot siya sa aking likuran, tinumbok ko ang motorsiklo kong nakaparada at pinaandar iyon. Agad siyang umangkas sa likuran, nakatutok pa rin sa ulo ko ang kanyang baril habang hawak-hawak naman sa isa niyang kamay ang bag ng pera.

“Huwag kang pumalag! Nasa tagiliran mo lang ang baril. At bilisan mo pa! Ambagal eh!” Sambit niya sabay diin ng dulo niyon sa aking tagiliran. Itinago na pala niya ito upang hindi mapansin ng mga tao. “Diretso lang. Sasabihin ko sa iyo kung kailan lumiko at kailan huminto!”

May isang oras din kaming naglakbay hanggang sa natumbok namin ang isang makipot na daan at sa dulo nito huminto kami, sa paanan ng isang bundok. Masukal ang lugar at napaligiran ito ng malalaking kahoy, malalaking kawayan at mga puno ng niyog. Walang katao-tao.

“Itago mo lang ang motor mo diyan sa gilid, takpan mong maigi ng mga dahon upang huwag makikita!” utos niya uli at nang matapos ako sa pagtago sa motor, inangat niya ang baril niya puntirya sa aking ulo. “Lakad!”

Naglakad kami ng halos isa pang oras, nakabuntot siya akin at nag-uutos kung saan dadaan.

Napakasukal ng lugar. Sa pakiwari ko ay walang ibang taong dumadaan sa rotang dinadaanan namin. Purong matatayog na kahoy, kawayan, niyog... At nakaharang ang mga makakapal at matatayog na damo.

Tumawid kami ng dalawang maliliit na ilog bago narating ang isang barong-barong. Sa gitna ng mga nagtatayugang kahoy at masukal na lugar, hindi mo maisip na may nakatayo palang barong-barong doon.

Noong nalingat siya, dali-dali akong akong tumakbo. Naisip ko kasi na kapag naroon na ako sa loob ng kubo, mahirapan na akong makatakas. Ngunit isang malakas na “Bang!” ang aking narinig kasabay sa pagbagsak sa isang naputol na sanga sa aking uluhan na tinamaan ng bala.

Bigla akong nag-freeze sa takot.

“Ang sunod na bala ay sa ulo mo tatama kapag itinuloy mo pa ang pagtakbo!” ang pagbanta niya, nakatingin sa akin ang mga mata ay nanlilisik sa galit.

Nilingon ko siya. Nakatutok pa rin sa akin ang kanyang baril. At noong narinig ko ang pagkasa pa niya rito, napilitan na akong dumeretso sa pinto ng kubo atsaka pumasok.

“Talian mo ang iyong mga paa!” utos niya noong nasa loob na kami ng kubo, at inihagis sa akin ang isang nakarolyong lubid.

Tinanggal niya ang kanyang bonnet. Doon ko na siya napagmasdang maigi. Tinandaan ko sa aking isip ang kanyang anyo upang kapag nakapagsumbong ako sa mga pulis, alam ko kung paano siya i-detalye. Sa tingin ko ay kasing edad ko lang siya, nasa 22 o 23, nasa 5’11 ang taas, medium built ang katawan, mahaba ang kanyang buhok, straight ngunit halatang pinabayaan. Matangos din ang ilong, makinis ang balat, may makakapal na kilay, may pagka singkit nang kaunti ang mga mata, at ang kanyang suot ay faded na straight-cut na maong, at ang t-shirt ay kupas na itim. May hitsura siya. Ang tindig ay parang sa isang modelo kung hindi man ay pang-action star.

“Ang sabi ko ay talian mo ang iyong paa! Huwag ako ang titigan!!!” ang sigaw niya.

Agad akong tumalima. Dinampot ko ang lubid sabay upo sa papag at sinimulan ko ang pagtali sa aking mga paa.

Tinangka kong luwagan ang tali ngunit matinik ang kanyang mga mata. “Oppss! Bawal iyan!” sigaw uli niya sabay angat ng baril at tutok noon sa aking noo.

Noong natapos ko na ang pagtali sa aking dalawang paa, inutusan naman niya akong tumayo at i-position ang aking dalawang kamay sa aking likod. Habang nakatalikod ako, tinalian niya ang mga ito. Napagtanto ko na nag-iisa lang siya sa kanyang ginawang krimen. Wala akong napansing ibang tao sa kubo.

“Talagang sagad sa buto ang kasamaan mo! Magsuntukan na lang kaya tayo. Matapang ka lang dahil sa baril mo! P***ng ina mo!” Sigaw ko sa sobrang galit, napakalutong pa ng aking pagmumura. Parang gusto ko na lang makipagsuntukan ng patayan sa kanya.

“Ayaw kong marinig ang pagmumura na yan. Magmura ka ng ibang bagay ngunit huwag idamay ang ina ko!” ang galit niyang sabi.

Ngunit lalo ko pang nilakasan ang pagmura ko. Malutong. “PU**** INA MOOOO!!!”

Doon na siya tumayo at muli itinutok sa aking ulo ang baril at ikinasa pa. Kitang-kita ko sa kanyang mukha ang matinding galit. “Kung mahal mo ang buhay mo at ang kasintahan mo, manahimik ka! Nakapatay na ako ng tao, gusto mo bang idagdag kita sa listahan?!”

Natahimik ako. Bagamat natakot, pilit kong huwag magpahalata. Pakiramdam ko kasi ay totohanin talaga niya ang kanyang banta.

Maya-maya, bigla siyang natahimik. Mistulang may pinakiramdaman. At agad niyang inilingkis ang isa niyang braso sa aking dibdib at hinila niya ako nang patayo, patalikod, pakaladkad.

“Saan mo ba ako dadalhin???!!!” sigaw ko, inisip na baka iyon na ang puntong papatayin na niya ako.

“Papatayin na kapag isang ingay mo pa!” at naramdaman ko na ang pagdampi ng dulo ng kanyang baril sa aking ulo.

Natahimik uli ako.

“Hindi ka dapat mag-ingay hanggang hindi ko sinasabi na maaari ka nang magsalita!” sambit niya habang binuksan ang isang lihim na taguan sa ilalim ng sahig lamang na tinakpan ng papag. Isang butas na kasya ang dalawang taong nakatayo.

Itunulak niya ako sa butas. Nalaglag ako. Muntik pang mauntog ang aking ulo sa takip na papag.

Ang buong akala ko ay doon na niya ako pagbabarilin. Ngunit bigla rin siyang lumundag pagkatapos maihagis ang bag ng pera sa loob at nagmamadaling tinakpan ang bunganga ng taguan. Doon ko napagtanto kung bakit. Halos kasabay lang sa pagsara niya ng taguan, narinig ko ang mga yapak ng tao. “Huwag kang sumigaw kung ayaw mong magkamatayan tayong lahat dito!” ang pagbanta niyang pabulong sa akin.

“Boss... wala naman dito eh!” Ang narinig kong sambit ng isa sa mga taong pumasok.

“Tangina! Ang ilap talaga ng taong iyon! May sa palos yata eh!” sagot naman ng isa.

“Hayaan na nga lang natin iyon boss! Hindi naman siguro tayo ikanta noon sa mga otoridad.”

“Anong hayaan? Gago ka ba? Pinatay niya ang si Batik! Ang pinakamatinik nating tauhan!”

“Pinatay rin naman natin ang kapatid niya boss eh. Patas na!”

“Um! Gago ka!” ang narinig kong ingay nang paghampas. Binatukan yata ang taong kausap. “Hindi mo ba alam na dahil sa ginawa niya, malaking halaga ng droga ang nawala sa atin! Milyon! Naintidihan mo, tanga?! At nasa panganib pa ang sindikato natin? Ikinanta na niya ang iba nating mga tauhan. Paano kung biglang sumulpot iyon at tumistigo sa imbistigasyon? E, di malaking eskandalo? Maluluklok pa kaya ang big boss natin sa puwesto sa sususnod na eleksyon kapag lumabas ang pangalan niya na sangkot sa sindikato? Maraming alam iyon! Kaya hindi tayo titigil hanggang hindi natin napatay ang gagong iyon. Order iyan ni big boss!!!” ang sigaw na ng kausap na halatang galit na galit.

“Yes boss!” ang sagot naman ng kasama.

Tahimik.

“Wala na bang ibang kamag-anak ang taong iyon na maaari nating kidnapin at pahirapan upang ang tao na iyan ang siya na mismong kusang lalapit sa atin at hindi na tayo mahirapan pang maghanap sa kanya?”

“Balita ko boss ay may inay pa siya…”

Natahimik sila sandali. “Hmmmm. Magaling. May naisip ako. “Tara na!” ang sagot ng nasabing boses ng boss sabay sa pagkarinig ko sa mga yapak na papalabas ng kubo.

Sa narining kong usapan ay may may naglalarong mga tanong sa aking isip. Napatingin ako sa kanya. Hindi ko akalain na sa likod ng kanyang ginawang krimen, may iba pa pala siyang problema. Ang hindi ko lang maintindihan ay ang ginawa niyang panghold-up. “Masama pa rin ang ginawa niya. Hold-upper pa rin siya...” bulong ko sa sarili.

Kitang-kita ko sa kanyang panga ang tila paggiling ng mga ngipin sa galit. Hindi ko lang alam kung ano ang laman ng kanyang isip.

“Aalis ako. Iiwan muna kita dito...” ang sambit niya noong wala na ang mga tao at nakalabas na kami sa aming taguan, nakatayo kaming pareho. Pinulot niya ang bag ng pera atsaka kinapa ang aking kanang harap na bulsa.

“Ano bang kinapa mo d’yan!!!” ang sigaw ko. Naaasiwa kasi ako dahil nakakalabit ng kanyang kamay ang aking pagkalalaki.

Ngunit hindi siya kumibo. Patuloy lang ang kanyang pagkapa sa bulsa ko hanggang sa nahugot niya ang susi ng motorsiklo. Naalala kong doon ko pala ito inilagay.

“Kalagan mo muna ako, tarantado! Paano kung babalik ang mga taong iyon at iniwan mo ako dito?!”

“E, di magpasalamat ka sa kanila...” Ang kalmante niyang sagot.

“Ano ba ang kailangan mo sa akin? Nasa iyo na ang pera, ano pa ba ang gusto mo?”

“Wala ka na roon...” sabay tumbok sa pinto at walang lingon-lingon na lumabas.

“Hoyyyy!!! Kalagan mo ako tarantado!!!”

Ngunit hindi na niya ako pinansin.

Noong ako na lang mag-isa, tinangka kong makaalpas sa pagkakalag niya sa akin. Ngunit mahigpit ang pagkatali niya sa aking mga kamay kung kaya ay kahit anong pilit kong kumawala, hindi ko magawa.

Sumigaw ako nang sumigaw sa pinaka-tuktok ng aking boses, Ngunit tanging narinig ko lang ay ang mga ibon at ingay ng mga sanga at dahon ng kahoy na nagkikiskisan sa bawat pag-ihip ng hangin.

Nakatulog ako sa pagod...

GABI NA noong nagising ako sa ingay na nanggaling sa marahang pagbukas ng kawayang pinto ng kubo. Hindi ko alam kung anong oras na iyon. Madilim, disoriented ang utak, at hindi ko nakikita ang taong pumasok. Ang tanging ginawa ko na lang ay ang maghintay at magmanman.

Naramdaman kong may inilatag siyang mabigat na bagay sa sahig, naglakad siya, at... “Kumusta.” Ang pagbati na narinig ko noong sinindihan na niya ang lampara. Doon ko nakitang siya pala. Napansin ko rin ang kanyang dala na inilatag sa papag ng kubo. Isang malaking sako ito na hindi ko mawari kung ano ang laman.

Hindi ko sinagot ang kanyang pagbati. Pinagmasdan ko na lang siya habang abala siya sa pagtanggal sa tali ng sako at sa pagpapalabas sa laman nito.

At doon kumawala ang matinding pagkagulat ko noong umusli ang nasa loob ng sako. Dalawang paa ng tao!

“Shitttt! Shittttttt!!!” ang pagsisigaw kong nanlaki ang mga mata at biglang napaigtad sa matinding pagkagulat at takot. “Pumatay ka ng tao?!!! Shitttt!!!” ang sigaw ko. Matindi ang takot kong naramdaman sa nakita, sumagi sa isip na baka na ang isunod niyang patayin.

Hindi pa rin siya kumibo sa pagsisigaw ko. Abala siya sa pagpapalabas ng bangkay habang ako naman ay nanginig, hindi magkamayaw sa pagsisigaw sa sarili ng “Shittt! Shitttt! Pumapatay pala talaga ang taong ito! Shittttt!!!”

Noong nakalabas na nang buo ang katawan ng tao, inayos niya ang pagkalatag nito sa sahig. Kumuha siya ng isang mahabang kawayang may hati sa gitna. Inilatag niya ito sa gilid ng bangkay. Hinugot naman niya mula sa plastic bag na dala rin niya ang isang bigkis ng kandila. Itinirik niya ang mga ito sa ibabaw ng kawayang nakatihaya. Sinindihan.

Pagkatapos, tumayo siya sa harap ng bangkay, nag-antada, at yumuko na tila taimtim na nalangin.

Doon na tila humupa ang aking takot. Hindi ko alam kung bakit niya dinala ang bangkay sa kubo niya, kung sino ang bangkay na iyon, kung bakit namatay iyon, at kung ano ang relasyon nito sa buhay niya... Maraming katanungan ang pumasok sa aking isip.

Maya-maya, nakita kong umupo siya sa isang gilid, nakaharap pa rin sa bangkay. Tila umiiyak.

Nakiramdam lang ako. Ayokong sirain ang eksena kung ano mang mayroon siya. May takot pa rin kasi akong naramdaman.

Sa katitingin ko sa kanyang ginawa, tila may unti-unti akong naramdamang kakaiba. Hindi ko lang alam kung awa iyon o matinding pagkamangha sa nasaksihan. Parang may isang malalim at masakit na kuwento sa likod ng aking nasaksihan.

May 30 minutos pa ang lumipas at hindi pa rin siya natinag sa tila isang pagdadalamhati. Nakatutok pa rin ang paningin sa bangkay. Tila may mga alaalang sinasariwa.

Maya-maya ay tumayo siya, dinampot ang isa pang plastic bag na nakalatag sa sahig atsaka lumapit sa akin. Umupo siya sa tabi ko, hinugot ang laman noon. Pagkaing pansit at adobo ang mga ito, nakalagay sa isang Styrofoam at halatang binili lamang sa isang turo-turo.

“Kumain ka. Pasensya na...” ang sambit lang niya sabay hugot din sa plastic na kutsara na nasa loob ng plastik, at kinutsara ang pagkain sa Styrofoam. Iniabot sa aking bibig ang kutsarang may laman. “Ibuka mo ang bibig mo.” Sambit niya.

Ngunit hindi ko ibinuka ang aking bibig. Inilayo ko ito at, “Bakit hindi mo na lang ako kalagan upang ako na ang susubo sa sarili ko? May mga kamay naman ako eh.” Ang sabi ko.

Hindi siya umimik. Tahimik niyang inilatag sa styrofoam ang kutsarang may laman na pagkain atsaka inabot at kinapa ang tali sa aking mga kamay. “Bukas... pagkatapos kong ilibing ang inay, ihahatid na kita sa inyo. Pasensya ka na, idinamay pa kita. Kailangang lang ng inay ang pera dahil sana sa kanyang operasyon upang palitan ang kanyang kidney. Hindi na siya nakaabot pa.” Sambit niya habang kinalagan ako, halatang pilit na nilabanan ang sakit ng kanyang kalooban.

Pakiramdam ko ay may isang matigas na bagay ang tumama sa aking ulo at ako ay natauhan. Bigla kong naramdam ang awa sa nakumpirmang inay pala niya iyong nakaburol at ang dahilan ng kanyang pang-hold up ay dahil gusto niyang masagip pa ang buhay nito.

Noong nakalagan na niya ang aking mga kamay, nag-aalangang dinampot ko ang pagkain. Hindi ako umimik.

“Naisoli ko na rin pala sa shop ninyo ang pera.” Sambit uli niya. Nakaupo na uli siya sa isang gilid. “At huwag kang mag-alala dahil ipinaalam ko sa kanila na bukas din ay ibabalik kitang nasa mabuting kalagayan...” dugtong pa niya.

Nahinto ako sa aking pagsubo at napatingin sa kanya. May naramdaman akong awa ngunit pilit na nilabanan ko ito. Gusto kong magmatigas. Sa isip ko, masama pa rin ang ginawa niya. Ang perwisyo na idinulot niya sa aking pamilya at sa kasintahan kong si Weng ay hindi matatawaran.

Itinuloy ko ang aking pagkain.

“May tubig din d’yan sa loob ng plastic na bag. Pagkatapos mong kumain, maaari ka nang matulog. May tulugan sa itaas” sabay turo sa bubong ng kubo. May kisame pala ito na gawa ng kawayan at sinadya upang magsilbi ring tulugan. “Gigisingin kita ng alas singko bukas ng umaga pagkatapos kong mailibing ang inay. Mas mabuti kapag ganoon kaaga dahil delikado para sa akin ang lumalabas... alam mo na.” hindi na niya itinuloy pa. Alam ko ang ibig niyang sabihin. Ang sindikato.

Sa buong gabi na iyon ay halos hindi na ako nakatulog. Naiidlip, nagigising, sisilipin siya, iidlip muli, tapos nagigising, sisilipin siya uli... At napansin kong hindi siya natulog. Talagang binabantayan niya ang kanyang ina. Nilamayan kumbaga, pinapalitan ang kandilang naupos na, nagdadalamhati. Minsan, parang kinakausap.

Tila pinipiga ang aking puso sa aking nakita. Kung galit at takot sa kanya ang naramdaman ko noong una, sa puntong iyon ay unti-unti ko na siyang naintindihan. May naramdamang hiya rin ako sa aking sarili. Iyon bang pakiramdam na hinuhusgahan ko na iyong tao na masama ngunit mali pala dahil nagawa lang niya ang isang bagay nang dahil sa labis na pagmamahal; dahil wala na siyang iba pang choice.

Alas 3 sa aking relo noong nagising ako. Wala siya sa loob ng barong-barong. Nang may narinig akong kaluskos sa likuran ng kubo, sinilip ko ito sa maliit na guwang. Mula sa isang maliit na lampara na nagsilbing ilaw, naaninag ko ang isang taong gumawa ng hukay. Alam ko, siya iyon.

Hindi rin ako nakataiis. Lumabas ako, naupo sa isang gilid at pinagmasdan siya. Ang straight-cut faded na maong na suot-suot niya sa pangho-hold up ay siya pa ring suot niya. Wala siyang damit pang-itaas. Sa matipuno niyang dibdib pababa sa kanyang abs ay makikita ang mga butil ng pawis na nagsilaglagan sa kabila ng malamig na simoy ng hanging dala ng madaling araw.

Hindi niya ako pinansin kahit alam kong alam niyang nakatutok ang paningin ko sa kanya. Tahimik siyang naghuhukay, naka-focus sa kanyang ginagawa, bakas sa mukha ang ibayong lungkot.

Mistulang sinaksak ang aking puso sa tanawing iyon. At sino ba ang hindi? Kahit siguro ang isang taong may pusong-manhid ay makaramdam ng pagkaawa kapag nakakita ng isang taong nagpighati, lalo na kapag ito ay isang anak na nawalan ng isang magulang.

Tumayo ako at nilapitan siya. “T-tutulungan kita...” sambit ko.

Hindi siya kumibo. Parang wala lang siyang narinig. Patuloy lang siya sa paghuhukay.

“K-kaninong puntod iyang nasa tabi?” ang tanong ko noong napansing may puntod pala sa tabi ng kanyang ginawang hukay. May pinahigang krus na kahoy sa ibabaw nito.

“Si Moh... kapatid ko, siya ang pinatay ng sindikato” ang maiksi niyang tugon.

Tumango na lang ako. Hindi na nagtanong pa. Lalo lang kasing nagpabigat iyon sa awa na aking nadarama. Kaya naghanap na lang ako ng isang matulis na kahoy upang makatulong sa kanyang paghuhukay.

Alas kuwatro sa aking relo noong natapos na ang hukay. Bumalik uli siya sa loob ng kubo, nakabuntot ako. Tinumbok niya ang bangkay at binalot ito ng banig. Pagakatapos ay kinarga sa kanyang braso.

Dali-dali kong tinungo ang pinto. Binuksan ko ito upang makadaan siya. Sumunod ako.

Noong nasa labas na, inilatag niya ang bangkay sa gilid ng hukay. Tumayo siya, nag-antada, tila nagdasal. Naki-antada na rin ako at nag-alay ng dasal. Pagkatapos, tinulungan ko na siyang dahan-dahang ibaba ang bangkay sa loob ng hukay.

Kitang-kita ko sa kanyang pisngi ang pagdaloy ng mga luha habang pinapala niya ang lupang itinatambak. Mistulang tinadtad sa sakit ang aking puso sa nasaksihang eksena. Marahil ay kung na-capture lamang ang nakita ng aking mga mata sa isang litrato, ito na ang isa sa pinakamasaklap na larawang makikita. Isang anak, gumagawa ng libingan para sa kanyang minamahal na yumaong ina.

Sobrang sakit ang nadarama ko sa tanawing iyon. Hindi ko akalaing masaksihan ang isa sa pinakamasaklap na pangyayari sa buhay na sa isang pelikula lamang nangyayari.

“Ang saklap siguro kapag ikaw ang nagpapala ng libingan para sa iyong mahal…” bulong ko sa sarili. Hindi ko namalayang tumulo na rin pala ang aking mga luha.

“Sabi ng inay kapag nasa bingit raw ng kamatayan ang isang tao, susunduin siya ng una nang pumanaw na mahal sa buhay. Bago binawian ng buhay ang inay, nabigkas daw niya ang salitang ‘Moh...’ Tatlong beses. Alam ko, sinundo siya ng kapatid ko. Saan man sila naroon ngayon, masaya na silang nagsama.” Ang sambit niya habang patuloy pa rin sa pagpapala.

Pagkatapos niyang takpan ang hukay inihiga niya ang isang krus na yari sa kaboy sa ibabaw nito. Pinagmasdan niya ito sa huling pagkakataon atsaka tinakpan ang dalawang libingan ng mga dahon at sanga.

Pumasok kami sa barong-barong at nilinis rin niya ang mga kalat. Ang bag na plastik, ang kawayang nilagyan ng mga kandila, ang pinagkakainan naming… lahat ay inilibing niya sa lupa. Sa paglinis niya sa paligid, nagmukhang walang taong tumira sa lugar.

Kinuha niya ang kanyang itim na t-shirt na nakasampay sa isang gilid at isinuot iyon. “Tara na... iuuwi na kita.” Ang casual niyang pagkasabi sabay hagis sa akin sa susi ng motorsiklo. “Ikaw na ang mag-drive!”

Sinalo ko ang susi. Hindi ko lubos maipaliwanag ang aking naramdaman. Parang may naghilahan sa loob ng aking isip. Ang isang bahagi ay nagnanais na manatili pa sa kubo kasama siya at ang isang bahagi naman ay nagnanais na makapiling ang aking kasintahang si Weng.

Hindi ako makapaniwalang ganoon na siya kalapit sa akin. Sa isang gabing nagsama kami, maraming nangyaring halos hindi pa rin ma-absorb sa aking utak. Kahit hindi kami nag-usap nang mahaba-haba, ang eksenang paglamay at paglibing niya sa kanyang inay ang tumatak sa aking isip, ang katanungan kung paano siya tinutugis ng sindikato, ang pagpatay nila sa kanyang kapatid… ang naramdamang pagkaawa ko sa kanya. Parang ganyan na siya kalapit sa akin. Parang kilala ko na siya nang napakatagal.

Wala kaming imikan habang naglakad kami sa masulok at makipot na daan pabalik sa kabihasnan. Sa isip ko ay naglalaro ang mga katanungan tungkol sa magiging kalagayan niya kapag nag-iisa na lang siya, kung saan siya kukuha ng pagkain, kung paano niya harapin ang tumutugis na mga myembro ng sindikato, kung sino ang dadamay sa kanya sa sakit na dala-dala ng kanyang damdamin.

Noong natumbok ko na ang pinagtaguan ng motorsiklo, pinatayo ko ito atsaka umangkas na. Walang imik na umangkas rin siya sa aking likuran.

“Ikaw... paano ka pala babalik dito?” ang tanong ko, ang boses ay may bahid na pag-alala.

“Ako na ang bahala doon...” ang sagot din niya. “Tayo na. Kailangan nating makaalis agad...” dugtong niya, halatang gusto na niyang putulin ang aming pag-uusap.

Pinaandar ko kaagad ang motorsiklo.

Wala kaming imikan habang binaybay ng motorsiklo ko ang kahabaan ng kalsada patungo sa bayan. Tila nakabibingi ang katahimikang namagitan sa amin.

“A-ano pala ang pangalan mo?” ang tanong ko. Hindi rin ako nakatiis.

“Meg...” ang matipid niyang sagot.

“Ako naman si Tob.” Sagot kong lumingon nang bahagya sa kanya.

Tahimik.

“Meg... g-gusto kong tulungan kita...” ang pagbasag ko sa katahimikan

“H-hindi na kailangan…”

“Hindi Meg... makakatulong ako sa iyo. May maitutulong ako.”

“Hindi ganyan kadali Tob...”

“P-paanong hindi ganyan kadali?”

Nasa ganoon akong paghihintay sa kanyang sagot nang bigla kong narinig ang, “Bang! Bang! Bang!”

“Shitttttt!!!” Sigaw ko habang lumingon sa aming likuran. Nakita ko ang tatlong motor na nakabuntot, ang nagdala ay mga nakasibilyan na sa porma pa lamang ay masasabi mong mga myembro ng isang sindikato.

“Bang! Bang! Bang!” ang narinig ko ring putok na nanggaling sa baril ni Meg. “Bilisan mo Tob!” ang sigaw niya. Dinig ko naman ang ingay ng tila pagbangga. Noong nilingon ko, natamaan pala ni Meg ang driver ng isang motor. Sumalpok sila sa isang concrete barrier.

Narinig ko uli ang mga putok. At muli, narinig ko rin ang ganting pagpapaputok ni Meg. “Bang! Bang! Bang!”

“Tob!!! M-may tama ako. Bilisan mo pa, Tob! Arrgggghh!” Ang narinig kong sambit ni Meg.

Taranta kong pinabilisan pa ang aming takbo. Top speed. Dahil mataas ang speed ng aking motor at halos kasing laki pa ng kotse ang mga gulong nito, hindi hamak na nakalamang kami sa kanila sa bilis. Mistualng isang kidlat ang pagpapatakbo ko.

“Bang! Bang! Bang!” ang narinig ko pang mga putok uli na nanggaling sa mga humabol sa amin. Ngunit malayong-malayo na kami.

“D-dalhin kita sa ospital Meg...”

“Huwag Tob... matutunton nila ako roon. B-bumalik na lang tayo sa kubo, may daan sa kabila... Doon sa kubo gusto kong mamatay. Doon mo ako ilibing Tob kung sakali...” Ang narinig kong sabi niya. At hindi na siya nagsalita pa.

“Shitttt! Huwag ka ngang magsalita ng ganyan! Mabubuhay ka Meg!” ang sagot kong nataranta na rin sa tuno ng kanyang pananalita.

Lumihis ako ng daan upang maligaw ang mga tumugis sa amin. Noong sigurado na akong hindi na nila kami nasundan, pinaharurot ko na ang motorsiklo patungo sa gubat.

Dali-dali kong itinago ang motorsiklo nang nakarating na kami sa paanan ng gubat. Pagkatapos, si Meg naman na tila mawawalan na ng malay ay kinarga ko sa aking bisig. Maraming dugo ang dumaloy sa kanyang sugat. Kaya patakbo ko siyang ibinalik sa kubo.

Nang nakarating na kami sa kubo, agad kong hinubad ang nababad sa dugo niyang t-shirt at pinataob siya sa higaan. Patuloy pa rin sa pag-agos ang dugo galing sa kanyang sugat. Pinahid ko ito. Doon ko nakitang nasa kanang bahagi ng kanyang likod ang tama, malapit sa joint na nagdugtong ng kanyang braso at balikat.

“Meg... nasa loob pa yata ang bala, kaya mo ba kung tanggalin natin? May kutsilyo ka ba? Baka delikado para sa iyo kung hindi ito matanggal?”

“H-huwag na Tob, huwag na.” Ang sagot niyang halatang nahirapan at nasaktan. “Magpahinga lang ako at kaya ko na uli ito. At ikaw... umuwi ka na. Hinintay ka ng mga magulang mo, ng kasintahan mo. Ayaw kong madamay din sila rito.”

“Meg... hindi kita puwedeng iwanan dito. Mamamatay ka!” Ang sabi ko. Pinunit ko na lang ang t-shirt ko at ginawa itong bendahe upang mahinto ang pagdurugo ng kanyang sugat. Hinayaan lang niya ako.

“Ok lang ako. Alam ko, ok lang ako. Kailangan ko lang magpahinga.”

“S-sige. Magpahinga ka lang.”

“G-gusto kong sa paggising ko ay wala ka na rito...” ang sambit niya noong natapos ko nang malagyan ng bendahe ang kanyang sugat.

“Meg, hindi ko puwedeng gawin iyan. Mamatay ka kapag nag-iisa ka rito!”

“Umalis ka na sabiiiii!!!” ang galit na galit na sigaw na niya.

“O-oo... s-sige. Aalis ako. Basta magpahinga ka lang ha? Huwag ka nang magalit Meg. Aalis ako.” Ang naisagot ko na lang. Ayaw kong magkipag argumento sa kanya habang nasa ganyang kalagayan siya. Ngunit sa isip ko ay talagang bababa ako upang bumili ng gamot, alcohol, at pagkain, at iba pang gamit at babalikan siya sa kubo.

Inakyat ko ang tulugan niya sa may bubong at noong nakita ko ang kumot, isinaklob ko ito sa kanya.

“Meg... aalis na ako. Magpahinga ka lang.” Ang pagpapaalam ko at tinumbok ang pinto ng kubo.

Hindi na siya sumagot.

Una kong pinuntahan ang aming bahay. Tuwang-tuwa ang aking ina nang makita akong ligatas at nasa mabuting kalagayan. Ipinaliwanag ko sa kanya na hindi likas na masama si Meg, nagawa lang niya ang pangho-hold up nang dahil sa pangangailangan ng pera para sa ina. Naintindihan naman ito ng aking ina. Pinatawad na raw nila si Meg at lalo na dahil ibinalik niya ang pera.

Tinawagan ko rin ang kasintahan kong si Weng. Nanghiningi ako ng paumanhin sa nangyari. Naintindihan din niya ang lahat. Gusto pa sana niyang magkita kami sa oras na iyon ngunit sinabihan ko siyang saka na dahil may mahalaga akong lakad at nagmamadali ako. Nagtanong siya kung ano ang lakad kong iyon ngunit sinagot ko na lang siyang “Saka ko na lang sasabihin”.

Lahat nang naisip kong puwede naming magamit ni Meg sa kubo ay binili ko, kasama na ang mga pagkain, kumot, iilang t-shirt, short, brief, sabon, toothbrush, shampoo, gamot kagaya ng anti-biotic, pain reliever, gamot sa lagnat, alcohol at iba pa. Pati lotion para sa lamok ay bumili rin ako. Dinala ko rin ang aking credit cards, nagbakasakaling magagamit ko iyon sa tamang panahon. Pati cp ay nagdala rin ako ng isa pa at extra pang battery. Kahit walang signal, maaaring magamit din naming pang-ilaw iyon sa dilim, o kahit sa pagpapatugtog ng music.

Mag aalas 6 na ng gabi noong nakabalik ako sa kubo. Marami akong bitbit. Hindi ko lubos maintindihan ang aking sarili. May excitement akong nadarama na muli ko siyang makita.

Ngunit laking pagkagulat ko noong hindi ko mahanap si Meg sa kubo.

Dali-dali kong inilatag sa sahig ang aking mga dala at lumabas. “Meg! Meggggg!!!” ang pagsisigaw ko.

Ngunit walang sumagot sa aking tawag. Ang tanging narinig kong ingay ay ang mga kuliglig na lang at mga panggabing hayop na nagsimula nang magsi-ingayan sa oras na iyon.

Inikot ko ang paligid ng kubo hanggang sa natumbok ko ang likurang bahagi kung saan naroon ang puntod ng kanyang ina at kapatid. Sa tabi ng puntod ng kanyang inay ay may bagong hukay. At bagamat mababaw lang ito at hindi natapos, naroon si Meg, nakahiga sa loob niyon at nakapikit ang mga mata!

“Meeegggg!!!!” ang sigaw ko sabay lundag sa loob ng hukay. Pinilit kong itinaas ang kanyang pang-itaas na katawan at ipinatong ito sa aking hita habang naupo ako sa lupa. “Meg! Anong ginawa mo???”

Dahan-dahan niyang iminulat ang kanyang mga mata. Halatang pagod at mapupungay. Pilit niya akong tinitigan. Ngunit imbes na sagutin ang aking tanong, isang tanong din ang kanyang isinagot. “B-bakit ka bumalik?”

“H-hindi ko kayang iwan ka rito, Meg.”

“Umalis ka na.”

“Meg please... hayaan mong tulungan kita. Kailangan mo ako, Meg!”

“Umalis ka na!” ang sigaw niya.

“G-gabi na Meg. Hindi ako puwedeng umalis... B-baka may mangyari sa akin sa daan.” ang palusot ko na lang.

Natahimik siya.

“Tara sa loob ng kubo...” sambit ko sabay hila ko sa kanyang katawan upang makatayo at makalabas siya sa hukay.

Hinayaan naman niya ako. Ramdam kong mas lalo pa siyang nanghihina kung kaya ay kinarga ko muli siya sa aking bisig patungo sa loob ng kubo.

Noong nasa loob na kami at nakahiga na siya sa papag, ipinalabas ko ang mga pagkaing dala-dala ko. “K-kumain ka muna Meg... para manumbalik ang lakas mo.”

Hindi siya kumibo.

Inilatag ko sa gilid ng kanyang higaan ang mga pagkain. “Susubuan kita Meg...” sambit ko sabay sandok ng pagkain sa kutsara at inilapit ito sa kanyang bibig.

Ibinuka niya ang kanyang bibig at hinayaan niya akong subuan siya. Binitiwan ko ang isang ngiti. Sinuklian din niya ito, bagamat pilit. Doon pa lang, sobrang tuwa na ang naramdaman ko.

At sinubuan ko pa siya uli, hanggang sa siya na mismo ang nagsabing ayaw na niya.

“Uminum ka muna ng gamot Meg. Isang anti-biotic laban sa impeksyon at ang isa naman ay pampatanggal sa sakit.”

Isinubo ko sa kanyang bibig ang mga gamot. Ibinuka niya uli ang kanyang bibig. Pati sa pag-inum niya ng tubig ay ako rin ang humawak sa bottled water at nagpainum sa kanya.

Iyon ang simula ng aming pag-uusap. Doon ko napag-alaman ang kuwento ng kanyang buhay. Ang namayapa niyang inay ay isa palang single mom. Ang kanyang ama ay isang anak mayamang mayroong ibang babae. Nalaman ito ng kanyang ina noong palaging may nagpupuntang babae sa bahay nila at nag-iiskandalo. Upang makalayo sa panggigipit ng nasabing babae, lumipat sila ng tirahan, sa isang eskwater area. Nag-apply si Meg ng trabaho, bilang isang delivery boy. Akala niya ay isang matinong trabaho ang napasukan niya. Ang mga idinideliver pala niyang epektos ay droga. Nalaman niya ito nang nahuli siya ng mga pulis at nakumpiska ang dala niya. Inimbistigahan siya at itinuro ang kumpanyang nag-hire sa kanya, pati na ang mga kasamahan at mga opisyal. Ngunit sa loob ng organisasyon ng mga pulis ay may kasabwat din ang mga sindikato. May isang pulis na lihim na nagbantang papatayin siya kapag nagsasalita pa siya.Ngunit doon isya natakot nang narinig ang usapan ng dalwang pulis na papatayin din siya sa loob ng kulungan. Tumakas siya. Noong nakatakas na, may nagtangkang bumaril sa kanya. Nahabol niya ang taong iyon at naagaw ang baril, napatay pa niya. Ngunit kinabukasan, patay rin ang kapatid niya. Pinatay ng sindikato. Sa araw na iyon, agad silang lumisan patungo sa gubat, dala-dala ang bangkay ng kanyang kapatid na isinilid nila sa isang malaking maleta.”

“Iyan ang dahilan kung bakit ako tinutugis ng mga pulis at sindikato... Iyan din ang dahilan kung bakit kami nanirahan sa gubat na ito.”

“Bakit hindi ka magsumbong sa mga otoridad?”

“Hindi mo alam kung sino ang mapagkatiwalaan. Kapag nagkamali ka, papatayin ka rin. Kagaya rin sa kaibigan iyan, hindi mo alam kung sino sa kanila ang mapagkakatiwalaan.”

Natahimik ako. Napaisip sa kanyang sinabi. Parang may kung anong matulis na bagay ang tumusok sa aking puso. Iyon marahil ang dahilan kung bakit gusto niyang umalis ako. “H-hindi ka ba nagtiwala sa akin Meg?” ang tanong ko.

“Hindi ko alam... Wala pa akong taong pinagkakatiwalaan maliban sa aking inay at kapatid.”

Natahimik ako. Sa isip ko lang ay hindi ko siya masisisi. Sa dami ba namang pinagdaanan niya sa buhay. “B-bakit ka pala doon nahiga sa hukay kanina? At bakit ka naghukay? P-para kanino?” ang paglihis ko sa usapan.

“Wala ka na roon...”

Tahimik.

Hindi ko na siya pinilit. “M-magpahinga ka na Meg... kakain lang ako at pagkatapos ay magpahinga na rin.” Ang sambit ko na lang.

Hindi na siya sumagot. Noong tiningnan ko siya, nakapikit na ang kanyang mga mata.

Habang kumakain, pinagmasdan ko ang kanyang anyo. Nakakaawa. Isang taong pinagkaitan ngunit pilit bumangon upang suungin ang mga hamon sa kanyang buhay.

Habang nasa ganoon akong pagmumuni-muni, napansin ko ang malaking bilog at stainless na pendant sa kanyang dibdib. Nakita kong suot-suot din niya ito nang hinold-up niya sa aming shop.

Dahan-dahan kong inagat ito atsaka binuksan. Isa itong relo at sa kanyang takip ay may mukha ng babaeng teenager. “Siguro ito ang kanyang inay.” Sa isip ko lang. Kahawig kasi ang litrato sa nakita kong bangkay ng kanyang ina. “Napakaganda pala niya noong bata pa siya!” bulong ko. Kaya pala may hitsura din si Meg dahil mukhang mestisa rin ang kanyang inay. “Sigurado, napaka-guwapo rin ng kanyang itay...” bulong ko sa sarili.

Muli kong ibinalik ang pendant sa ibabaw ng kanyang dibdib at nang matapos akong kumain, humiga na rin sa gilid ng banig na kanya ring hinigaan.

Mag aalas 12 ng hating gabi noong nagising ako sa mahihinang daing ni Meg. Nang ilapat ko ang aking palad sa kanyang noo, ramdam ko ang init dito. May lagnat siya. At nanginginig siya sa sobrang taas ng temperatura.

Tumayo ako at kinuha ang gamot. Kumuha rin ako ng tubig, ang sobrang bottled water namin sa hapunan. Pinainum ko siya. Kinuha ko rin ang mga nabili kong t-shirt, at kung anu-ano na lang na maaaring italukbong sa kanyang katawan.

Ngunit patuloy pa rin siyang nanginginig. Ang ginawa ko ay patagilid kong niyakap siya. Tiniis ko ang init sa kanyang katawan na lumapat sa aking balat, maibsan lamang ang kanyang panggiginaw.

Unti-unti, natahimik siya. Hanggang sa namalayan kong nakatulog din siya.

NAGISING AKO nang maaga kinabukasan. Habang tulog pa si Meg, inikot ko ang looban ng kubo, nagbakasakaling may lutuan upang magkapag init ako ng tubig. Wala kasing kusina ang kubo. Naisip kong sinadya iyon upang hindi mahalatang tinirhan.

Binalikan ko ang taguan namin. Wala. Doon ko nahanap ang mga ito sa katabing butas. May dalawang kaldero at may lighter. Mayroon ding tatlong pirasong plato at mug na yari sa lata.

Sinubukan kong lumabas ng kubo upang maghanap ng mapagkukunan ng tubig. Dala-dala ang isang kaldero, inikot ko ang lugar. At swerte namang natumbok ko ang isang maliit na talon. Marahil, ang talon din na iyon ang pinakukuhanan nila ng maiinum na tubig. Gamit ang kalderong dala, nagsalok ako ng tubig.

Mag-aalas 6 na sa aking relo noong kumulo na ang tubig. Kinuha ko ang mug sa lagayan nito, nilagyan ng tubig, atsaka gatas at asukal. Nagtimpla rin ako ng kape. Dala-dala ang dalawang mug ng kape at gatas, pumasok ako sa loob ng kubo.

Tulog pa rin si Meg. Inilagay ko ang dalawang mug sa gilid ng kanyang hinigaan. Inilapat ko ang aking palad sa kanyang noo. Medyo bumaba na ang init ng kanyang katawan.

Nagising siya sa aking ginawa.

“Meg... uminum ka muna ng gatas.” Ang sambit ko. “Anong gusto mong lutuin ko? May itlog akong binili, may delata rin.”

Ngunit hindi siya sumagot. Nanatili siyang nakatingin sa akin. “Bakit mo sinagip ang buhay ko?” ang halos pabulong niyang tanong sa akin.

Mistula akong nabusalan sa tanong niyang iyon. Hindi kasi iyon ang inaasahan kong sasabihin niya. “S-yempre, kailangan mo ang tulong ko.”

“Hindi. Kung sana ay pinabayaan mo na lang ako... Wala na sanang problema. Tahimik na sana ang buhay ko.”

Hindi ako nakasagot sa kanyang sinabi. Para bang kinokonsyensya pa niya ako na sinagip ko siya. Para akong nabusalan.

“Masama ang loob ko sa iyo.” Dugtong niya, sabay pikit sa kanyang mga mata.

Hindi na lang ako nagsalita. Bumalik ako sa labas ng kubo at ipinagpatuloy ang aking paghanda ng pagkain. Sa isip ko ay hindi ko siya masisisi. Depressed lang siya at nalito sa kanyang kalagayan.

Bumalik ako sa loob ng kubo dala-dala ang aking mga niluto. At laking tuwa ko sa aking nakita. Nakaupo na si Meg at ininum ang kape na iniwan ko.

Inilatag ko ang mga pagkain sa papag, sa tabi niya. “K-kumusta ang pakiramdam mo?”

Binitiwan niya ang isang buntong-hininga. Tiningnan lang niya ako.

“K-kumain ka Meg para manumbalik ang lakas mo. Marami-raming dugo rin ang nawala sa iyo.”

Ibinaba niya ang kape at tiningnan ang pagkain na inihanda ko. Sumandok siya ng kanin, kumuha ng piniritong itlog, hindi pinansin ang hotdog. At dahil sa sugat niya, nakita kong nahirapan siyang kumain.

“Susubuan na kita Meg...” ang sambit ko sabay kuha rin sa plato niya at sandok ng pagkain.

Hinayaan naman niya akong subuan siya. Nakailang subo lang ako sa kanya at humiga na siyang muli at ipinikit ang kanyang mga mata.

Kumain na rin ako at noong natapos, iniligpit ang lahat ng kalat, kagaya ng ginawa niya upang walang bahid ng dumi na mapaghinalaang may taong tumira sa lugar. Dahil may natira pang mainit na tubig, iyon ang dinala ko sa loob.

“Meg, pupunasan ko ang katawan mo...” ang sambit ko.

Hindi siya umimik. Binasa ko ang face towel sa mainit-init pang tubig. At dahil sinadya kong huwag damitan ang pang-itaas niyang katawan gawa ng kanyang sugat, ang dibdib niya ang aking unang pinunasan.

Nakapikit siya habang pinupunasan ko ang kanyang dibdib. Ngunit alam kong gising ang kanyang diwa at nakiramdam lang sa paglapat ng maligamgam na towel sa kanyang balat.

“Meg... hubarin ko ang pantalon mo ha?” ang pagpapaalam ko nang natapos ko na ang pagpunas sa kanyang dibdib at tiyan. At dahil hindi naman siya umimik, kusa kong tinanggal ang butones ng kanyang pantalon at binuksan ang kanyang zipper.

Hindi siya nagreact. Hinayaan pa rin niya ako. Noong nabuksan na ang kanyang zipper, lumantad sa aking paningin ang kanyang kulay itim na brief.

Hinila ko pababa ang kanyang suot na jeans. Bahagya pa niyang inangat ang kanyang beywang upang mahila ko ito. Pagkatapos, ang kanyang brief naman. Nagmistula siyang isang Adan aking paningin. Nakahiga, nakapikit lang ang mga mata... ngunit lantad ang nakabibighaning anyo.

Bigla kong naramdaman ang pagkalampag ng aking dibdib. Hindi ko alam kung bakit ngunit may excitement akong nadarama sa nakitang hubad niyang katawan.

Noong ang bahagi na ng kanyang pagkalalaki na ang aking pinunasan, tila may malakas na kuryenteng biglang dumaloy sa aking katawan. Hindi ko maintindihan kung bakit. Sa tanang buhay ko, noon lang ako nakahawak at nakapunas ng ari ng ibang lalaki.

Tiningnan ko ang mukha ni Meg. Nakamulat na ang kanyang mga mata at tinitigan ang mukha ko. Bagamat halos blangko ang kanyang tingin, alam ko, pinakiramdaman niya ang aking ginawa.

Tinitigan ko rin siya. Ngunit ako na rin ang pumutol sa pagtitigan naming iyon. May naramdaman akong hiya o hindi maipaliwanag na takot.

Itinuloy ko na lang ang pagpunas sa kanyang katawan hanggang sa natapos ko ito. “Meg, isuot mo itong shorts. Binili ko ito para sa iyo” sambit ko nang natapos na ang pagpunas ko sa kanyang katawan. Hinayaan pa rin niya ako na isuot iyon sa kanya. Pinasuot ko muna siya ng bagong brief na bili ko rin at pagkatapos ay ang short.

Iyon ang role ko. Ako ang tagaluto, tagapunas ng katawan niya, tagapainum ng gamot, tagaligpit sa mga kinainan at nilutuan namin, tagalaba, tagapamalengke ng mga kailangan.

Ang masaklap nga lang ay halos hindi siya nakikipag-usap sa akin. Kapag nagtanong ako either hindi niya ako sasagutin o kapag sinagot naman, isang salita lang. Palagi siyang nakasimangot, malungkot ang mukha, malayo ang tingin.

Ngunit naintindihan ko iyon. Maaaring ganyan lang talaga siya, o maaaring hindi pa rin siya nagtiwala sa akin, o maaari ring na-shock pa siya sa mga pangyayari sa kanyang buhay.

ISANG LINGGO ang nakalipas at nakakalakad na si Meg. Bumuti na ang kanyang kalagayan. At sa isang lingo ring iyon ay tumindi pa ang nararamdaman kong pagkalito sa aking sarili. Hindi ko maintindihan ang aking naramdaman; kung bakit pa ako nanatili sa lugar na iyon sa kabila ng dulot na panganib nito sa aking buhay, kung bakit ayaw kong may mangyaringmasama sa kanya. Noon lamang ako dumanas ng ganoong klaseng hirap. Sa tanang buhay ko, puro kasaganahan, kumportableng pamumuhay ang aking nalalasap. Lahat ng bagay na gugustuhin ko ay nakakamit, at ang lahat na lang na puwedeng ipagawa, iniuutos ko at ginagawa ng ibang tao para sa akin. Ngunit tila mas gusto ko na ang doon manirahan. Mas gustong kasama si Meg. Gusto kong tulungan siya, damayan sa kanyang kalagayan.

Ang isa pang nagpatuliro sa aking isip ay ang patindi nang patinding nararamdaman kong pananabik, ang pagkaawa ko sa kanya. At ang patindi nang patinding pagnanasa kong iyon ay tila nakakabaliw. Ito ang pinakamasakit na bagay na nagpagulo sa aking isip. Minsan, habang tinitingnan ko siya, napapabuntong-hininga na lamang ako. Kapag ganyang tulog siya, tinititigan ko ang kanyang mukha. Pakiramdam ko ay napaka-hopeless ko sa aking kalagayan. Minsan nahuhuli niya akong nakatingin sa kanya ngunit bigla ko ring ibaling ang paningin ko sa ibang lugar. Minsan din, siya naman itong nahuhuli kong tumitingin sa akin at kapag nahuli ko, bigla rin niyang ilihis ang kanyang paningin sa ibang bagay. Hindi ko alam kung ano rin ang nasa isip niya. Iginiit ko na lang sa aking isip na baka nagtatanong lang siya sa kanyang sarili kung bakit nanatili pa ako roon, kung may iba ba akong motibo. O maaari ring dahil matindi ang pag-iilusyon ko sa kanya kung kaya ay binibigyan ko na ng kahulugan ang mga bagay-bagay sa kanya, kahit wala itong kahulugan.

Nagluto na ako noon ng pananghalian noong sa pagpasok ko sa kubo, hindi ko siya mahanap. “Meg! Meg! Meggg!!!” ang sigaw ko habang inikot ang kapaligiran ng kubo.

Ngunit walang Meg na lumabas o sumagot sa akin. Kinakabahan na naman ako, nag-alala kung saan siya nagtungo. Pinuntahan ko ang talon at laking pasasalamat ko noong nandoon lang pala siya, nakalublub sa tubig ang kalahati ng kanyang katawan.

“Megggg! Tinakot mo ako ah!” ang sigaw ko.

Hindi siya sumagot. Tiningnan lang niya ako atsaka ipinagpatuloy ang paghilod sa kanyang balat gamit ang batong panghilod.

Dali-dali kong hinubad ang lahat ng saplot sa aking katawan. Noong nakahubad na, bumaba ako sa ilog. Ngunit sa aking pagmamadali, nadulas ako at tumilapon na nakatihaya sa paanan ng tubig.

Hindi kaagad ako nakatayo. Nanatili akong nakahiga sa sakit ng aking pang-upo.

Nilingon ko si Meg. Nakita ko ang pagtawa niya sa aking ayos na nakatihaya. Noon ko lang siya nakitang tumawa ng ganoon. Noong nakita niyang tiningnan ko siya, bigla din siyang tumalikod, ipinagpatuloy ang kanyang paghilod na parang wala lang nangyari.

Agad akong tumayo at lumusong sa tubig, tinumbok ang kinatatyuan niya. “Pinagtawanan mo ako Meg ha?” ang sigaw ko habang nagtatakbo akong lumusong sa tubig. At noong nasa tabi na niya ako, “Bakit mo ako pinagtatawanan?” ang tanong ko uli.

Nakahubad ang pang-itaas niyang katawan. Alam ko, walang saplot ang buo niyang katawan. “Para kang palaka.” Ang sagot din niya na parang wala lang, hindi ipinakita ang reaksyon sa kanyang mukha.

Natuwa naman ako sa sagot niya. At iyon ang nagpalakas ng aking kalooban upang biruin siya. “Ah palaka pala ha...” at pilit na hinablot ko ang kanyang kaliwang kamay. “Gusto mo, paghahampasin ko iyang sugat mo? Sige ka, sige ka...!”

Ngunit hindi niya ako pinatulan. Ngumiti lang siya at itinuloy ang paghilod sa kanyang likod gamit ang batong panghilod.

Sobrang tuwa ko sa ngiti niyang iyon. Iyon ang pinakaunang ngiti na nakita ko sa kanyang mga labi. Hindi pilit, at tila may ipinahihiwatig.

Napatitig ako sa kanya. Na-mesmerize sa angkin niyang kapogian. Doon ko napagmasdang maigi ang kanyang mukha. Ang makinis niyang balat, ang matangos na ilong, ang mga ngiping pantay, ang mga matang tila nakikipag-usap.

At marahil ay napansin niyang nakatitig ako sa kanya, yumuko siya bagamat ipinagpatuloy pa rin ang paghihilod sa kanyang likod.

“G-gusto mo... tulungan kitang hilurin ang likod mo?” nahirapan kasi siyang hilurin ang kanyang likod gawa ng kanyang sugat.

At sobrang tuwa ko noong walang imik na inabot niya sa akin ang hawak niyang panghilod.

Pumuwesto ako sa likod niya at sinimulan ang paghilod. Hindi ko lubos maipaliwanag ang aking nadarama. Para akong lumutang sa ulap na hindi mawari sa paminsan-minsang paglapat ng aking kamay sa kanyang balat.

Nang tingnan ko si Meg, nakapikit ang kanyang mga mata. Tila sinamsam niya ang sarap ng paghihilod ko.

At iyong ang nagpalakas sa aking loob. Igapang ko ang aking paghihilod patungo sa kanyang dibdib. Humarap ako sa kanya.

Akala ko ay papalag siya. Ngunit hinayaan pa rin niya ako. At habang ginawa ko ang paghilod sa kanyang dibdib, tinitigan ko siya.

Maya-maya, napansin kong iminulat niya ang kanyang mga mata. Tinitigan din niya ako. Tila nang-aakit ang kanyang titig.

Nagtitigan kami habang patuloy na iginapang ko ang paghilod sa kanyang dibdib, dahan-dahan pababa patungo sa sa kanyang tiyan...



A time for us, someday there’ll be
When chains are torn, by courage born
Of a love that’s free
A time when dreams, so long denied
Can flourish, as we unveil the love we now must hide

A time for us, at last to see
A life worthwhile for you and me
And with our love, through tears and thorns
We will endure as we pass surely through every storm

A time for us, someday there’ll be
A new world, a world of shining hope for you and me

A time for us, at last to see
A life worthwhile for you and me
And with our love, through tears and thorns
We will endure as we pass surely through every storm

A time for us, someday there’ll be
A new world, a world of shining hope for you and me

******************

Note
Teaser lamang po ito. Kaya pasensya na nabitin kayo... Ang kumentong aking magugustuhan ay makatatanggap ng libreng libro nito :-)

14 comments:

  1. I cried a river of tears...I wanna ask you a favor for the continuation of your story. If you cannot post it here, kindly me a copy through my e-mail at nilobautista765@ymail.com

    Thank you so much!
    Cordially yours,
    Burj of Abu Dhabi

    ReplyDelete
  2. Ano ba na naman ito may bago na namang aabangang basahin, teaser palang kaka inlove na mga characters. Parang yung movie ni Sandra Bullock na "While You Were Sleeping". Maiinlove ka sa mga characters ng story.

    Mr Author saan ba mabibili yung book?

    Big Thanks
    Ken of St Isidore

    ReplyDelete
    Replies
    1. Sir Mike
      Salamat nabasa ko na yung karugtong nitong story nyo kalungkot naman ng ending. Pero napakaganda parin dahil sa pag-amin noong isa na may pagtingin na noon pa.

      BIG BIG THANKS Sir Mike, he he he parang sa author na ko naiinlove ata ngayon.

      Ken Of St. Isidore

      Delete
    2. Saka bakit iba nag title he he he parang ayaw nyong ipabasa.
      Nagtatanong lang po???

      Delete
    3. Good am,
      Bakit nawala na po ang post nyo na karugtong nitong Santuwaryo ng Pag-ibig na may title na ??? at naka post ng Dec 2004. Inuulit kong basahin nawala na po?

      Delete
  3. after ko basahin to, nalungkot na ko.. nakarelate tlga ako ;(

    ReplyDelete
  4. kabitin!!!! pero mas guso ko po ung story ni meg n tob keysa sa movie kc masadong stressfull kc may hiv dun ung bidang lalaki
    AARHON:)

    ReplyDelete
  5. Wow pabili ng books para ng ung movie nga so love this story haha

    ReplyDelete
  6. SIR MIKE! Ang ganda ganda ganda ganda nito! Grabe habang binabasa q sya may mga nabubuong eksena sa isip ko, para akong nanonood ng Movie. Sa buong time na binabasa ko toh hindi maalis ung kabog ng dibdib at kilabot ko. Sobrang ganda,wew! Sayang at ito lang mababasa ko hihi! Cant afford ko bumili,anyways, maraming salamat po sa magagandang kwento,ang sarap magmahal dahil sa inspirasyong binibigay mo sir, Blr Tzekai nga po pala name ko sa fb :3

    ReplyDelete
  7. Si Idol sir mike isa rin pala xang taga hanga. Hindi q naisip na ang isang magaling na manunulat ay kagaya rin pala namin na may hahangaang isang obra. Hindi q paman nabasa ang buong kwent0ng ito, alam q pakikiligin, paiiyakin ako sa kwent0ng ito. Lahat naman ng obra m0 iy0n ang nararamdaman q. Pero ang kaibahan lang sa kwent0ng ito ay may bahid aksyon na iba sa mga nagawa m0 na. Nagpapatunay lang na si sir Mike ay isang versatile writer. Hindi paman gaan0ng matagal sa larangan ng pagsusulat ay naipakita na niya ang kahusayan niya. Worthy nga it0ng isapelikula. Lahat naman ang obra nya ay magandang isapelikula at tiyak qng maraming mga kabaklaan ang mainspire at makakarelate sa m0vie---na ang mga bakla ay n0rmal na tao dn na nakakaramdan ng pagmamahal at kailangan dn ng pagmamahal.

    ''Sanctuary of love'' I'm looking 4ward to read 8 0n bo0k and possibly could watch 8 on big screen, hoping 4 8. Sir Mike kaming mga fans m0, andto lang kami handang tatangkilik sa mga obra m0. Worthy naman ee. Thanks for being an inspirati0n to us! Go0dbless! M0re great stories of yours. I kn0w, kaya m0ng pantayan ang BLS...

    ReplyDelete
  8. Si Idol sir mike isa rin pala xang taga hanga. Hindi q naisip na ang isang magaling na manunulat ay kagaya rin pala namin na may hahangaang isang obra. Hindi q paman nabasa ang buong kwent0ng ito, alam q pakikiligin, paiiyakin ako sa kwent0ng ito. Lahat naman ng obra m0 iy0n ang nararamdaman q. Pero ang kaibahan lang sa kwent0ng ito ay may bahid aksyon na iba sa mga nagawa m0 na. Nagpapatunay lang na si sir Mike ay isang versatile writer. Hindi paman gaan0ng matagal sa larangan ng pagsusulat ay naipakita na niya ang kahusayan niya. Worthy nga it0ng isapelikula. Lahat naman ang obra nya ay magandang isapelikula at tiyak qng maraming mga kabaklaan ang mainspire at makakarelate sa m0vie---na ang mga bakla ay n0rmal na tao dn na nakakaramdan ng pagmamahal at kailangan dn ng pagmamahal.

    ''Sanctuary of love'' I'm looking 4ward to read 8 0n bo0k and possibly could watch 8 on big screen, hoping 4 8. Sir Mike kaming mga fans m0, andto lang kami handang tatangkilik sa mga obra m0. Worthy naman ee. Thanks for being an inspirati0n to us! Go0dbless! M0re great stories of yours. I kn0w, kaya m0ng pantayan ang BLS...

    ReplyDelete
  9. for me po first time ko mag comment dito po ehehehe gusto ko yung story nyo po
    kasi po iba yung settings ng story more on sacrifices,maganda yung concepts ng story and how the reader like me could be affect our feelings because of the emotions with in the scenario and the feeling of the main characters and their will be maney lessons that would be able to learned and it can be useful when we are facing the problems in life.And the story are differend form the others because of the event in scenario, the charecters, emotions, and last how they able to survived and to keep thier love alive.. aabangan ko talagang book na ito kasi alm kung maganda ang kinalalabasan ng story na ito tnx. yang po yung pananaw ko hehehehe meron pa sana pero d ko mai sulat eh hehehe.


    franz one of your silent reader

    ReplyDelete
  10. for me po first time ko mag comment dito po ehehehe gusto ko yung story nyo po
    kasi po iba yung settings ng story more on sacrifices,maganda yung concepts ng story and how the reader like me could be affect our feelings because of the emotions with in the scenario and the feeling of the main characters and their will be maney lessons that would be able to learned and it can be useful when we are facing the problems in life.And the story are differend form the others because of the event in scenario, the charecters, emotions, and last how they able to survived and to keep thier love alive.. aabangan ko talagang book na ito kasi alm kung maganda ang kinalalabasan ng story na ito tnx. yang po yung pananaw ko hehehehe meron pa sana pero d ko mai sulat eh hehehe.


    franz one of your silent reader

    ReplyDelete
  11. sir/kuya mike!!!
    great job!!kagabi ko xa nabasa at habang binabasa ko bumabalik sa isip ko ung kwento ng "Bangkok Love Story". May cd kasi ako nya kaya alam ko pa mga pangyayari or i mean ung flow ng story. Saludo ako sa'yo kuya mike. Isa na naman ito sa mga obra mo.
    Kilala mo ako, bihira ako mg-comment kasi mostly silent reader talaga ako. Habang binabasa ko xa, i cant help but break and cried out my heart sa intense ng situation..although nagulat na lang ako putol pala xa but it makes sense talaga.
    May mga twist ka na ginawa na mejo iba sa movie but i guess gusto mo lng xa lagyan ng excitement. i cant wait kung anu ang magiging kapalaran nina tob at meg sa Malaysia..anu ba ang naghihintay sa kanila duon? Anu nga ba ang magiging disisyon ng bawat isa? May pag-ibig pa bang dapat ipaglaban o kalimutan n lamang? At anu ang kahihinatnan ng pakikipagtunggali ni meg sa sindikatong tumutugis sa kanya? May kailangan ba magbuwis ng buhay para sa minamahal? Yan ung mga tanung n naglalaro sa isipan ko kaninang madaling araw..(2AM).
    Sa movie, ang pinaka-naka-antig sa akin ay ung time ng paglaya ni mek kung saan sinalubong xa ng bulag na partner nya..pero sa kasamaang palad pinatay pa rin xa..ang tagpong ung habang pumapatak ang ulan..kasabay ng pagluha ay ang pagkawala ng taong hinihintay at pinakamamahal nya...(huhuhu)..
    Grabe kuya mike...im looking forward for this wonderful work of yours to be serve to us,(your readers and supporters).
    Good luck and God bless!!

    it's me...jessie nepomuceno of laguna.

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails