Followers

Sunday, April 28, 2013

Love. Sex. Insecurity. [Chapter 9]




Love. Sex. Insecurity.
[Chapter 9]



By: Crayon




****Aki****

7:13 pm, Monday
March 14




Nagising ako pasado alas siyete ng gabi. Kailangan ko ng magluto ng hapunan namin ni Kyle dahil iinum pa sya uli ng gamot. Nakayakap pa rin siya sa akin ng mga sandaling iyon sinalat ko ang kanyang noo. Bumaba na ang kanyang lagnat. Bukas ay maari na siyang makauwi. Hinalikan ko siya sa noo bago ako tumungo ng kusina.

"Grabe pinagsasamantalahan mo ang tulog...", nagulat ako sa biglang pagsasalita ni Kyle.

"Bakit mo ko hinahalikan ha?", dagdag pa niya habang matamang nakatingin sa akin.

"Ha? Kasi ano... ano lang... may ano ka kasi... may lamok! Oo may lamok sa noo mo! Pinaalis ko lang...", kabado kong sagot...

"Hinahalikan mo ang lamok para umalis, ganon?", halata ang pagpipigil niya ng tawa.

"Oo, sige na dyan ka muna, handa ko lang yung dinner natin.", paalam ko sa kanya. Hindi na siya sumagot, narinig ko na lang siyang tahimik na humahagikgik. Dumiretso na ako sa kusina.

Pumunta ako ng lababo at ilang beses rin akong huminga ng malalim para kalmahin ang sarili dahil medyo napahiya ako sa ginawa ko. Nakakahiya dahil nahuli niya ako na nagnanakaw ng halik. Arggggghhhh... Isinantabi ko muna iyon at sinimulan ko ng lutuin ang pinamili ko kaninang umaga. Balak kong gumawa ng sinigang na hipon para may hihiguping sabaw si Kyle.

"Ano yan?"

Damn! Muntik na kong mabawasan ng daliri. Nagulat ako sa biglang pagsulpot ni Kyle habang naghihiwa ako ng mga pang-rekado.

"Sinigang.", maiksi kong sagot.

"May maitutulong ba ako?"

"Ah wala, kaya ko na to. Wag mo muna pagurin ang sarili mo."

"Ok."

Nakita ko siyang tumungo sa may verandah. Iniwan ko muna sandali yung niluluto ko at sinundan siya. Nakita ko siyang sinisindihan ang isang yosi. Tama ang aking hinala, pasaway talaga ang isang 'to.Agad akong lumapit at hinablot ang nakasupalpal na yosi sa bibig niya, kinuha ko na din ang lighter para di siya makapagsindi muli. Tiningnan niya ko na parang nagtatanong kung bakit ko ginawa iyon.

"Bawal magyosi, may sakit ka pa.", yun lang ang sinabi ko at bumalik na ng kusina.

Maya-maya lang ay nakita ko si Kyle na umupo sa may dining table malapit sa akin. Trinabaho niya ang pagpuputol ng sitaw para sa ulam namin. Hinayaan ko lamang siya at inasikaso ko ang paghahanda ng sinaing.

"Bakit ang tagal mo nawala Aki?", di ko inaasahan ang tanong na yun mula sa kanya. Medyo seryoso ang boses niya tila nang-uusig.

"Work. Nagkaproblema sa site namin sa Davao, ako ang na-assign para umayos nun at medyo natagalan bago maging ok ang lahat.", diretsa kong sagot.

"Hmmm, eh bakit parang nagtago ka? Kahit mga kaibigan mo hindi mo binabalitaan?"

"Ha? Hindi naman sa nagtago sobrang busy lang?"

"Oa naman sa pagkabusy yung hindi magawang magtext kahit isang beses sa loob ng isang taon.", tawa lang ang naisagot ko kay Kyle. Mabuti nang hindi na ako magkomento dahil baka may masabi pa akong hindi dapat.

"Single ka pa din?", mas kaswal na ang tono niya ngayon, parang yung Kyle na kinagiliwan kong kausap dati. Yung kapag pinikit mo ang mata mo at pinakinggan siya magsalita, alam mong nakangiti siya habang nakikipagusap sayo.

"Hindi ka naman nag-dedeliryo niyan? Kung anu-ano naiisip mo e."

"Hahaha, hindi ah, dali na sagutin mo na yung tanong ko."

"Bakit ba gusto mo malaman?"

"Wala lang, nakikibalita lang sayo. Tsaka para alam ko din kung may biglang mananakit sakin kasi niyakap kita kanina."

"Haha, kulit mo talaga. Oo single pa din ako."

"Wala kang nagustuhan o niligawan sa Davao?"

"Wala."

"Siguro di ka maka-move on sa akin no?"

Napanganga na lang ako sa sinabi niya. Hindi ko inaasahan yon.

"Joke yun, tumawa ka.", dagdag pa ni Kyle habang nakangiti. Nyeta, bwiset din tong isang to minsan.

"Ewan ko sayo, lakas na naman ng topak mo."

"Hindi naman pinipilit ko lang maging masaya.", seryoso niyang sabi.

"Oh magda-drama na naman."

"Hindi ah. Mag-stay ka na ba for good dito sa Manila o bigla ka na namang mawawala."

"Baka dumito muna ako pansamantala. Bakit ba puro ako tinatanong mo, ikaw ba anung balita sayo?"

"Ganun pa din naman, wala naman masyadong bago."

"Hindi ka na nag-aral uli?"

"Hindi na uli pero baka matuloy na this sem."

"Good for you."

"Oo, kesa mamroblema ako sa lintik na pag-ibig na yan. Mag-aral na lang uli ako. Naisip kong magandang diversion yon kesa trabaho. Toxic na kasi sa work ko ngayon e. Balak ko na nga mag-submit ng resignation.", mahaba niyang paliwanag.

"Saan ka ba nag-aaral dati?"

"Sa Laguna."

"Wow, bulacan, laguna, isang sakay lang ng jeep ha. Bakit dun?, anung school ka ba?"

"Hindi lang halata pero UPLB ako. Isko."

"Uy! Matalino."

"Pero iniisip ko wala na ako halos kakilala nun sa mga kakurso ko malamang naka-graduate na yung mga ka-batch ko. Kaya medyo tinatamad ako kasi malamang I'll be a loner."

"Samahan na lang kita."

"Sira. Bahala na. Basta tatapusin ko muna yang pag-aaral ko para tigilan na din nila papa ang pangungulit sa akin."

"So ikaw naman ngayun ang mawawala ganun?",may himig ng pagtatampong sabi ko sa kanya.

"I guess,part ng plan ko yun ang mawala. Ayaw ko munang magpunta sa mga lugar na pinupuntahan ko noon. Ayaw ko muna maglandi. Ayaw ko munang magpakita sa mga taong nakakakilala sa akin dito sa Manila. Gusto ko muna makalimot at ayusin muna ang sarili ko. Baka nga masyado na akong pariwara tulad ng sinasabi nila. Kapag bumalik na ako sa UP, i'll start building a new me. Lahat ng naging mali ko itatama ko."

"Kung kelan naman ako nakabalik tsaka ka aalis."

"Sinu ba kasi nagsabi sayong umalis ka noon. Huwag ka magalala di mo naman ako katulad. Pwede mo naman akong i-text o tawagan."

"Hahaha, pwede din ba kitang puntahan sa laguna?" 

"Bahala ka."

"So we'll be expecting a new you pagbalik mo?"

"Hahaha maganda yang ideyang yan. Bakit hindi? Malay mo pagbalik ko transgender na ako. Tahahahaahaha", nagtawanan lamang kami sa biro niya.

"Tapatin mo nga ako, kaya mo ba to ginagawa ay para maging mas bagay ka sa taong gusto o para mas magustuhan ka niya?"

"Honestly, hindi ko alam. Siguro umaasa ako na magustuhan niya ako o magiba ang tingin niya sa akin, maari din na gusto kong ipakita sa kanya kung anung nawala sa kanya. O pwedeng masyado akong nasasaktan ngayun na mas gusto ko na lang ang lumayo. Hindi ko alam, Aki. Napakagulo ng utak ko, di ko alam kung anu na talagang nararamdaman ko. O kung anung dahilan ng mga gagawin ko."

"Mamimiss kita.", sinsero kong banggit sa kanya.

"Uguk! Isang taon ka nga nawala hindi mo man lang naisip na itext ako, tas ngayon aartehan mo ko na mamimiss mo ko... sinong maniniwala sayo.", pabiro niyang sagot sa akin.

Tumalikod na lamang ako kay Kyle at hinarap ang niluluto ko.

"Kung alam mo lang Kyle.", mahina kong sabi sa aking sarili.

--------

Nang matapos akong magluto ay masaya kaming kumain ni Kyle. Masaya kaming nagkwentuhan tungkol sa mga nangyari sa amin sa nagdaang taon. Wala na ang tampo niya sa akin at sa mga sandaling iyon ay di mo rin iisipin na may pinagdadaanan siya. Para lang kaming dalawang masayang magkaibigang sabay na kumakain.

Sabay din naming niligpit ang aming pinagkainan. Naghaharutan pa kami habang naghuhugas ng pinggan. Nang papainum ko naman siya ng gamot ay tila bata siyang nagtatakbo sa loob ng unit ko at nagpapahabol sa akin. Sinakyan ko naman ang trip niya, para lang kaming tangang nagpapaikot-ikot sa loob ng bahay. Puro tawa lang, tila hindi namin alam kung paano ang malungkot. Ang sarap isipin na lagi lang kaming ganito, pero alam kong hindi ganon ang realidad.

Nang mapansin kong mag-aalas diyes na ay inaya ko na siyang mahiga sa kwarto.

"Dito na lang tayo sa sofabed mo matulog, hindi masaya sa kwarto e.", hiling niya sa akin.

Hinanda ko na ang aming tutulugan. Bago mahiga ay pinatay ko na ang lahat ng ilaw, hindi kasi ako sanay matulog ng maliwanag.

"Kyle, ok lang ba, papatayin ko lahat ng ilaw ah." Tumango lamang siya sa akin bilang sagot.

Nang makahiga na ako sa sofabed ay kusa nang kinuha ni Kyle ang kanang braso ko at ginawa muling unan. Siniksik niya ang sarili sa akin. Iniyakap ko na rin ang kaliwa kong kamay sa kanya saka ko siya hinalikan sa noo.

"May lamok uli?", biro ni Kyle sa akin.

"Hehehe oo eh."

"Thank you Aki."

"For what?"

"For being there when i needed a friend.", hinalikan kong muli siya sa noo.

"Like what i said pwede mo kong kuya o bespren, and open pa rin yung offer ko kung gusto mo ko maging boypren."

"Hahah sira, ayaw ko muna ng ganyan. Aayusin ko muna sarili ko."

"Right.", saka muling halik sa noo niya. 

"Magsindi na kaya tayo ng katol o kaya magspray na tayo ng baygon sa paligid. Masyado atang madaming lamok, nakakarami ka na eh."

"Hahaha, sorry kala ko di mo binibilang.", kinurot niya ako sa tagiliran na lalo ko lang ikinatawa.

Natahimik kami sandali. Ilang minuto ding walang nagsalita, akala ko ay nakatulog na si Kyle kaya hindi ko na siya kinulit pa.

"Aki..."

"Hmmm?"

"Nagkagusto ako kay Renz nung umalis ka. We became friends after you left. Madalas kaming magkasamang lumabas. And you know me, you know i'm a flirt. We had sex not just once, several times. Actually, we became some sort of fuck buddies.", sa puntong yon ay lalo kong niyakap si Kyle, alam kong nahihirapan siya magkwento. Narinig ko na siyang suminghot marahil ay lumuluha na naman siya. "Gusto kita sabihan non kaso di na kita makontak. I know we dated once and that wouldn't happen kung di ka naman interesado sakin. So i guess it would be proper to set your expectations kaya gusto kita makausap. After a month or two of going out and making out, i realized i was falling for him. I can't believe it at first kasi parang masyadong mabilis at di ganun ang konsepto ko ng pag-ibig. Pero habang tumatagal nun ko nakumpirma na na-in love nga ako sa kabarkada mo.", ramdam ko na ang pamamasa ng manggas ng suot kong shirt.

"I didn't tell Renz, kasi natatakot ako. Ayaw kong masayang ang pagkakaibigan namin. I tried to stop myself from loving him but its like stoping my heart from beating. Hindi madaling gawin at hindi ko kayang gawin. You know Renz, he's naturally sweet and caring, kaya ang hirap na hindi siya mahalin. Kontento na ako maging magkaibigan lang kame. But things just got messed up, so messed up. Everything was shattered, i dont know what's left of us. I'm not blaming him for what happened, i'm hating myself for what i've done. Ang hirap ng ganito. Yung pakiramdam na ang laki ng nawala sayo dahil yun ang pinili mo. I decided to let go, kasi hindi ko kayang panindigan. Kasi natatakot ako."

"Shhh... i know, hindi na natin mababago ang nangyari na. But you have a life ahead of you, and you always have the choice to do things right this time. Bata ka pa Kyle, you won't be able to do all things right. You will always come to a point where you will make mistakes, but its not about how many mistakes or failures you've had, but on how you learn from these things."

"Nakakatakot kasi, para bang hindi matatapos yung sakit. Parang ayaw ko ng magmahal muli."

"You can never be happy if you will always be afraid to do what makes you happy. Alam ko nasasaktan ka, trust me i know the feeling ng masaktan ng dahil sa pag-ibig. Like you, i decided to let go of the person i love, hindi ko pinanindigan yung nararamdaman ko. Nagpadaig ako sa takot ko at insecurities. And that was my biggest mistake cause it didn't brought me anywhere, letting him go didn't make me happy, seeing him cry over another guy didn't make me any happier, and i know for a fact that wasting the chance of being with him again would take away my happiness. "

"Hindi ko alam Aki, napapagod na din kasi ako. Parang di ko na kayang sumugal uli. What do i have to offer kung naipatalo ko na ang puso ko?"

"Hindi ko naman sinabing gawin mo na lahat ngayon. Pick up your heart's broken pieces, then put them back together. You definitely need time to do that. You don't need to be on a rush. Ngayun nasasaktan ka, umiyak ka lang wala ka namang choice eh, hindi naman instant ang makapag move on eh. Kapag ok ka 
Na uli at napag-isipan mo na ang mga nangyari, you start setting things right. Kung gusto mo si Renz make him fall for you."

"Haaaayyy. At kung hindi niya talaga ako mahal?"

"Ako ang magmamahal sayo. Hehehe", biro ko sa kanya.

"Tado. Seryoso ako."

"Then we'll take it from there."

"Hindi kasi ganung kasimple yun."

"Makulit ka talaga nu?", tumawa lamang si Kyle ng mahina. "Bakit di mo simulan sa pagtulog para gumaling ka na. Saka mo na isipin kung anung susunod mong gagawin kapag magaling ka na."

Siniksik lamang ni Kyle ang kanyang mukha sa dibdib ko at lalong hinigpitan ang yakap sa akin.

"Goodnight Aki."

"Goodnight little prince."

Nakakalungkot lang isipin na kahit gaano kami kasaya kanina still bago siya matulog ay si Renz pa rin ang iniisip niya. At sinulsulan ko pa siya na paibigin ang karibal ko sa pag-ibig niya. Minsan talaga kahit anong diploma sa eskwela meron ka, nagiging tanga ka pa rin pagdatinh sa pag-ibig.




****Kyle****


9:23 am, Tuesday
March 15




Ayaw ko munang idilat ang aking mata. Hihintayin ko na lang na gisingin ako ni Aki. Magaan na ang aking pakiramdam, sa tingin ko ay kaya ko ng umuwi ng Bulacan mamaya. Hindi na muna ako papasok sa trabaho ko, tatawagan ko na lang aking bisor upang ipaalam na may sakit ako.

May naramdaman akong panginginig sa aking tabi. Napilitan akong dumilat at lingunin si Aki. Nakatalukbong siya ng kumot, namamaluktot habang nanginginig sa ginaw. Sinalat ko ang kanyang noo at leeg. Mainit ang kanyang katawan, mukhang nahawa siya ng sakit sa akin. Na-guilty ako dahil ako ang nagpupumilit na tumabi sa kanya, sa kanya tuloy nalipat yung sakit ko.

Tumayo na ako mula sa sofabed, tinungo ko ang kusina upang maghanap ng maaaring lutuin. Naisip kong gumawa ng sopas, yun lang kasi ang kaya kong lutuin na may sabaw. Tiningnan ko ang laman ng ref, mukhang walang pang-rekado sa sopas na nabili si Aki. Naisipan ko na lang sumaglit sa malapit na grocery store na pinuntahan niya kahapon. Naghilamos na lang ako at nagmumog ng mouthwash tsaka umalis ng unit niya.


------------


Wala pang kwarenta minutos ay nakabalik na ako. Nakarinig ako ng malakas na boses mula sa lobby ng condo ni Aki. Nakita kong kausap ni Aki ang isa sa mga security guard. Nakasuot lang siya puting v-neck na t-shirt at boxer shorts na pinantulog niya.

"Bakit niyo kasi hinayaang makalabas? May sakit yung taong yun. Paano kung bigla na lang siya mag-collapse sa daan.", narinig kong sigaw ni Aki sa walang malay na security guard.

"Pasensya na po sir...", sagot ng security guard.

"Anu pang magagawa ng pasensya mo.", naisip ko ng sumabat dahil naawa ako sa walang salang security guard.

"Aki!", tawag ko sa kanyang pansin. Lumingon naman siya sa direksyon ko at mabilis na lumapit.

"Saan ka ba nanggaling ha?! Hindi ka ba marunong magpaalam?!", galit na bati niya sa akin. Hindi niya na ako hinintay makasagot. Hinila niya na ako sa aking kamay patungong elevator. Gawa ng pagkabigla ay di na ako nag-abala pang sagutin ang kanyang tanong.

Tahimik lamang ako sa loob ng elevator. Marahil ay labis siyang nag-alala sa akin kaya siya galit na galit ngayon. Hindi ko na kasi naisip magpaalam o mag-iwan ng note dahil sa pagmamadali.

Nilingon ko si Aki para tingnan ang kanyang mukha. Nakasibangot pa rin siya at salubong ang kilay. Nang bumukas ang elevator sa floor niya ay muli niya akong hinila papunta sa unit niya. Naiwan pang nakabukas ang pinto ng unit niya. Nang makapasok kami ay lalong humigpit ang hawak niya sa aking kamay.

"Aki, masakit.", mahina kong usal.

"Sa susunod naman na aalis ka, sabihan mo naman ako. Kung di mo magawang magpasalamat, magpaalam ka naman ng maayos para di ganito ang pag-aalala ko sayo.", medyo mahinahon na siya ngayon pero halata pa rin ang inis sa boses niya. Napayuko na lamang ako.

"Sorry, bumili lang naman ako saglit sa grocery. Hindi ko alam na magigising ka agad.", medyo nanginginig pa ang boses ko dahil parang naiiyak ako sa ginagawa niyang pagpapagalit sa akin. Naaalala ko ang pagtatalo namin ni Renz nung isang gabi.  Pilit kong pinipigil ang aking luha, hindi naman pwede na laging ganito ako ka-sensitive sa lahat ng mangyayari sa akin.


Bumuntong hininga na lang si Aki at tumalikod na sa akin. Narinig ko ang pagsara ng pinto ng kwarto niya. Dinala ko na ang mga pinamili ko sa kusina. Saglit akong umupo sa dining table at yumukyok sa aking braso. Nang medyo kumalma na din ako ay inasikaso ko na ang pagluluto ng sopas. Malamang ay gutom na si Aki at kailangan pa niyang uminom ng gamot.

Sinikap kong pasarapin ang sopas na niluluto ko dahil balak kong gawin yung peace offering. Nang matapos ay pinagsalin ko si Aki sa isang mangkok at nilagay sa tray. Nagtimpla rin ako ng juice.

Dinala ko ang tray sa kwarto niya. Mahina akong kumatok sa pinto bago pumasok. Dinatnan kong tulog si Aki at nakatalukbong muli ng kumot. Nilapag ko muna ang aking niluto sa kanyang side table.

"Aki...", mahina kong tawag sa kanya ngunit di siya sumagot. Sinubukan ko muli siyang tawagin at nilakasan ko na ang aking boses ngunit di pa rin niya ako sinagot. Naupo ako sa gilid ng kama niya sinubukan ko siyang yugyugin.

"Hmmm...", mahina niyang ungol.

"Gumawa ako ng sopas, kain ka na. Tsaka, bati na tayo please. Hindi ko naman naisip na mag-aalala ka ng ganun. Sorry talaga, hindi na mauulit.", humarap naman siya sa akin at umupo mula sa pagkakahiga.

"Pasaway ka kasi. Akin na nga yang sopas, kanina pa ako nagugutom eh.", ngumiti na siya sa akin this time. Kinuha ko naman ang tray para makakain na siya, nilapag ko ito sa kanyang harapan. Sinalat kong muli ang kanyang noo. Nagulat ako dahil lalo siyang uminit kumpara kanina. Nakasama ata sa kanya ang pagkagalit niya kanina.

"Aki kaya mo pa ba? Ang taas na ng lagnat mo eh, dalhin na kaya kita sa ospital.", iniiwas niya naman ang kanyang mukha.

"Hindi na, lagnat laki lang 'to", panggagaya niya sa sinabi ko kahapon.

"Siraulo! 6' 2" na ang height mo, tas gusto mo pa lumaki. Balak mo maging higante?"

"Hahaha, 6 flat lang height ko. Kaya ko pa naman. Kumuha ka na lang ng pagkain mo. Di ba nga sabi mo di masaya kumain mag-isa, kaya sabayan mo ko kasi may kasalanan ka pa sa akin."

"Grabe, pinagluto na nga kita ng peace offering eh."

"Kulit mo talaga. Kumuha ka na nga ng pagkain mo."


Kumuha ako ng sariling pagkain at sabay kaming kumain ni Aki. Matapos yon ay pinainom ko na siya ng gamot upang bumuti ang kanyang pakiramdam. 

"Kyle tulog tayo.", yaya niya sa akin.

"Sige lang, magpahinga ka lang diyan. Babantayan kita."

"Ee, gusto ko katabi kita eh. Tara na.", hindi na ako umangal pa upang makapagpahinga na siya. Nahiga ako sa kanyang tabi. Katulad ng dati ay hinayaan niya akong mahiga sa kanyang braso at saka ako mahigpit na niyakap. Panatag ang loob ko sa tuwing ganito ang posisyon namin ni Aki. Makalipas ang ilang minuto ay nakadama na ako ng antok kaya di ko na napigilang matulog.



****Kyle****

11:13 am, Wednesday
March 16




Bumuti na ang pakiramdam ni Aki, halos wala na siyang lagnat. 
Mabuti na lamang at malakas ang kanyang resistensya. Kailangan ko ng umuwi ng Bulacan at bumalik sa trabaho bukas ng gabi. Since ok na ang pakiramdam ni Aki ay maari ko na siya sigurong iwan.

Kasalukuyan kaming kumakain ngayon ng aming pananghalian.

"Masarap ka pala magluto no?", bati ni Aki sa niluto kong afritada.

"Natuto lang ako kay mama.", sagot ko sa kanya. "Aki, uuwi na pala ako ng mga after lunch. Pupunta pa kasi ako ng bahay sa Bulacan at kailangan ko na ding pumasok sa work bukas ng gabe."

"Sino ng magbabantay sa akin?", nagpapaawa pa ang mukha niya habang nagtatanong.

"Bakit masama pa ba ang pakiramdam mo? Wala ka naman na halos lagnat ah."

"Hehehe wala na nga. Ayaw ko lang na umalis ka na.", seryoso niyang sagot. Di na ako umimik at tinuloy na lang ang pagkain.

"Wag ka na lang muna kasi pumasok", biglang sabi ni Aki.

"Hindi pwede, ilang araw na nga akong wala eh."

"Kelan kaya uli kita makikita?"

"Ewan. Ikaw ba, di ka na babalik ng Davao?", tanong ko naman sa kanya.

"Sa 19 ko pa balak bumalik dun."

"Hmmm..."

------

Matapos naming kumain ay nagpaalam na ako kay Aki na aalis. Nagpasalamat ako sa lahat ng naitulong niya. Nagpumilit pa siyang ihatid ako sa terminal ngunit hindi na ko pumayag dahil medyo mainit pa siya dahil sa sakit niya.

Nagulat naman ang aking mga magulang sa biglaan kong pag-uwi. Nagpalusot na lamang ako na wala akong pasok sa opisina kaya naisipan kung umuwi. Nagpahinga lamang ako sa bahay nnamin. Namiss ko din ang aking sariling kwarto at kama. Gusto ko lang umuwi ng Bulacan dahil iba pa rin ang pakiramdam na makapagpahinga sa kinalakihan mong tahanan. Kaya wala akong ginawa kundi ang matulog sa aking kwarto. Pilit kong iwinaksi sa aking isip ang mga problema ko, saka ko na lang sila muling haharapin pagbalik ko ng Maynila. 

Kinabukasan ng gabi ay umalis din ako ng bahay upang pumasok sa trabaho. Hindi ko naman maaring takasan ang work ko dahil sa personal kong problema. Tutal dalawang araw na lang naman at off ko na din uli.

Kailangan kong ituloy ang buhay ko dahil di naman titigil ang pag-ikot ng mundo kahit gaano kabigat ang problema ng isang tao. 


...to be cont'd

5 comments:

  1. ganda nito, nakakainspired

    ReplyDelete
  2. bet ko to but nakakatamad basahin kasi ang tagal ng updates. hmp!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Pasensya na po talaga sa late na update...try ko po maging mas frequent... medyo busy kasi talaga ngayon eh...

      Delete
  3. mr crayon. Ano po work niyo at bc kau? hehe

    iimaginin ko plng si Aki hot na hot na

    ReplyDelete
    Replies
    1. uhmmm, CSR po, pero madame akasi ako pinagkakaabalahan aside from work. :)

      salaamat po sa pagbabasa... :))

      Delete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails