Love. Sex. Insecurity.
[Chapter 7]
By: Crayon
****Kyle****
12:57 am, Monday
March 14
Kakalabas ko lang ng gate nila Renz. Pwede ako maghintay ng tricycle na maghahatid sa akin sa sakayan ng taxi sa kanilang subdivision ngunit mas pinili ko ang maglakad. Medyo kabisado ko na din naman ang daan sa subdivision nila dahil sa minsanan naming pagjojogging ni Renz sa paligid nito.
Nakatulala lang ako habang naglalakad pilit binabalikan ang mga pangyayari. Hindi ako makapaniwala sa mga nangyari, hindi ko alam kung galit sa akin si Renz o kung kakausapin niya pa akong muli. Tumulong muli ang luha ko sa isiping iyon, hindi na ako nagabalang punasan iyon dahil alam kong marami pang patak ang susunod na babagsak. Hinanap ko ang yosi ko sa aking bulsa at sinindihan agad iyon. Naupo muna ako sa tabi ng kalsada kasi parang nanlalambot ang mga tuhod ko.
How did things get out of hand? Ang tagal kong tiniis ang nararamdaman ko kasi ayaw kong humantong sa ganito.
Alam ko tinanong niya ako kung gusto ko siya maging boyfriend, hindi ako nakasagot dahil sa pagkabigla. Nang ipaulit ko sa kanya yung tanong niya inaya niya ako makipagsex. On normal circumstances, i would take that as a joke and will just mock him but this is nothing ordinary. I was at the point na napaka-vulnerable ko sa twing pag-uusapan ang anumang bagay tungkol kay Renz. When i heard his reply, i snapped. He kissed me before i go hysterical. It was the sweetest, most passionate and meaningful kiss i got from him. That kept me sane, but only for a while. After that I became irrational, kung anu-ano ang tumakbo sa isip ko. I decided to make out with him for one last time, after that i plan to stop seeing him. The feeling of knowing that the person you love thinks that you're some kind of a slut that he can always call whenever he needs a good scratch for his itch, made me go haywire. Ang sakit isipin na ganun ang tingin sayo ng taong mahal mo, ng tanging taong minahal mo. It hurted my ego, as a result i gave him what he wants. I played the role of a slut, i did everything to sexually please him. He may not be talking but the hardness of his manhood tells me that he was highly satisfied. When i was about to leave he asked me if i wanted to be his boyfriend, i choose not to answer him because i don't want to say anything that i might regret. But lucky me, his second question made me regret not answering his first. He asked me if im capable of loving, that hit me, that hurted me. Hindi ko alam kung anu ang gusto niya palabasin sa tanong na yon. Sobra akong nainsulto, nasaktan. Pride took over me, pinanindigan ko ang pagiging pokpok ko ng gabing yon. I gave him a no for an answer.
Napahagulgol na lang ako matapos alalahanin ang mga nangyari. Gusto ko siyang sisihin sa mga nangyari pero alam kong mali dahil ako ang nagdesisyon para sa amin. Pinili kong lumayo. Pinili kong iparating sa kanya na hindi pwede maging kame, na hindi ko kayang magmahal. Ang tagal kong hinintay na tanungin ako ng ganoon ni Renz pero pinili ko na tanggihan siya ng dumating ang pagkakataong iyon. Takot ako na kapag naging kame ay di kame magtagal dahil sa mas maraming mas kaakit-akit na lalaki at babae kesa sa akin na mas bagay sa kanya, takot ako na baka magsawa siya sa akin, takot ako na hindi ko magawa ang ineexpect niya sa akin bilang isang boyfriend, takot ako na ma-realize niya na hindi ako ang taong kailangan niya, na hindi ako ang mahal niya. Tinanggihan ko siya dahil sa mga INSECURITIES ko. Tinanggihan ko siya kasi ayaw ko siya mawala sa akin bilang isang kaibigan, pero mukhang nasayang lang ang pagtanggi ko dahil hindi ko na alam kung may natitira pa sa kung anumang meron kami noon.
Pinilit kong tumayo at magpatuloy na sa paglalakad, gusto ko nang makauwe sa Bulacan. At Kapag sinuswerte ka talaga, bigla namang umambon, wala akong masilungan kaya minadali ko na lang ang paglalakad dahil malayo pa ako sa sakayan ng taxi. Ilang minuto pa at sumagad na ang buhos ng ulan. Lalo akong nainis at napasalampak na lang muli sa gilid ng kalsada. Wala akong gustong gawin, parang binubuyo lang ako ng ulan na umiyak na lang sa isang tabi. Pinatong ko ang ulo ko sa tuhod ko at doon iniiyak ang lahat. Para akong bata habang umiiyak. Iniiyak ko ang galit na sa isang lalaking kaibigan pa ako unang nagmahal, ang inis sa sarili ko dahil hindi ko magawang sabihin sa kanya ang tunay kong nararamdaman, ang sakit na kwestyunin ka sa kakayahan mong magmahal, ang galit sa komplikado kong buhay, at ang kawalang pag-asa na maging masaya sa piling ni Renz. Ilang minuto din akong sumalampak at umiyak. Wala akong paki sa buhos ng ulan o kung may nakakakita man sa akin, ang gusto ko lang ay maiiiyak ang lahat ng hinanakit na matagal ko ding kinimkim.
Hindi ko namalayan ang pagtayo ng isang lalaki sa aking harapan gayundin ang pagtigil ng pagtulo ng ulan sa aking ulo.
"Bathing in the rain, won't win you the best actor award in Oscars.", nakuha ng pamilyar na baritonong boses na iyon atensyon ko. Itinaas ko ang ulo ko para tingnan kung sino ang nasa harap ko. Then i saw the guy i least expected to see.
****AKI****
1:35 am, Monday
March 14
I was riding a cab on my way home to our house in Mandaluyong. I took Samantha's advice, right after our conversation i booked a flight back to Manila. I plan to stay here for at least a week since things are going just fine in our site in Davao. I plan to surprise my mom, so i didn't let anyone know that i'm going home.
We just entered our subdivision when it started to drizzle rain, then it became a downpour. I saw someone sitting on the sidewalk, bathing in the rain. Im sort of a snob, so i won't normally approach someone and offer them a ride even if it is raining. But something so compelling is encouraging me to ask the driver to pull over and check on that person. We already pass through him but curiosity won over me. I asked the taxi driver to pull over. I search for my umbrella in my bag. When i found it, i went out of the cab and walk towards the guy on the sidewalk.
"Bathing in the rain, won't win you the best actor award in Oscars.", inis kong sabi sa lalaki, para kasi siyang tanga na nagpapaulan sa kalsada. Nakuha ko naman ang atensyon niya, iniangat niya ang kanyang ulo mula sa pagkakayuko at tumingin sa akin. Sa lahat ng nakakakilala sa akin sa Maynila, hindi ko inexpect o hiniling na siya ang unang makakita sa akin after being gone for more than a year. The guy i used to love.
Tinitigan niya lang ako ng ilang segundo, at muli ng yumuko na parang walang nakita.
"Hey,", di ko sya magawang tawagin sa pangalan niya, "get into the cab hahatid na kita kung saan ka pupunta."
"I don't know you.", malamig niyang sagot sa paanyaya ko. Nakadagdag yung lalo sa inis ko.
"I know you, we had sex before."
"So? marami na kong nakasex, hindi ko na din matandaan lahat ng pangalan at mukha nila. Kung isa ka sa kanila, Hi! Pero hindi ako interesado ngayon."
"I know. Don't be so childish and don't make yourself look so stupid. Walang taxi ang magdadaan dito."
"I don't care what people say."
Naiinis na ako sa pagiging unreasonable niya, idagdag pa na lalong lumalakas ang ulan. Ang malas ko lang kasi hindi ganun kasama ang ugali ko at hindi ko magawang iwan siya mag-isa habang umuulan.
"Ang hirap mo talaga pasunurin kahit kelan.", binitawan ko ang payong ko at sinimulang buhatin si Kyle na parang bagong katay na baboy.
"Damn! Put me down.", pagpupumiglas niya, "ayaw kong sumama sayo, mahirap bang intindihin yon. Ayaw ko sa'yo."
"Matagal ko ng alam yon na hindi mo ko gusto. Pwede bang wag ka masyadong malikot kundi ilalaglag kita sa putikan.", banta ko sa kanya.
Pinagbuksan kami ng taxi driver ng pinto, kaya madali kong naisakay si Kyle.
"Pasensya na manong, dadagdagan ko na lang po ang bayad sa inyo", paumanhin ko sa driverdahil tiyak na mababasa ang loob ng taxi. Tinanguan lamang ako nito at nagpasalamat. Binalikan ko naman ang payong na naiwan ko.
Nang makabalik ako ng sasakyan ay medyo kalmado na si Kyle. Binigyan ko ng direksyon ang driver kung saan kami pupunta, hindi ko maaring iuwe sa bahay namin si Kyle na ganito ang itsura. Nagpasya akong dalin siya sa condo ko kung
saan kami unang nagsex.
"Galing ka kela Renz?", tanong ko sa kanya. Magkasubdivision kame ni Renz at siya lang ang naisip ko na maaring puntahan dito ni Kyle, unless may iba pa syang kakilala sa subdivision namen.
Wala akong nakuhang sagot sa kanya. Nanatili lang sya nakatingin sa labas ng sasakyan, ni ayaw akong harapin.
"Bakit nagpapaulan ka kanina?", tanong kong muli.
Wala muli akong nakuhang sagot.
"Nag-aaral ka na ba uli?", pangungulit ko pa sa kanya. Hindi ko mapigilan ang magtanong sa kanya. Taliwas sa mga plinano ko dati. Ang balak ko noon ay hindi ko siya masyadong kakausapin kapag nagkita kami. Ewan, saka ko na proproblemahin ang gagawin ko, sa ngayon gusto ko muna sya makausap kahit saglit lang.
"Can you please stop talking as if you care for me when you didn't even text me for more than a year. Wag kang feeling close.", mataray niyang sabi ng hindi man lang ako nililingon.
Napasipol ako sa sinabi niya.
"So, namiss mo ba ako?", panunukso ko sa kanya.
"Give me a good reason why would i miss you."
Ako naman ang natahimik. Bakit nga ba niya ako ma-mimiss? Ang alam ko iniisip niya na what we had was just a one night stand. It was foolish of me to think it was something more than that.
****Kyle****
02:06 am, Monday
March 14
Mahigit isang taon niya din akong hindi kinausap o pinansin sa text, kaya ng lapitan niya ako kanina i pretended that i didn't know him. Hindi pa ako nakakaget-over sa away namin ni Renz, dadagdag pa ang biglang paglitaw ni Aki. Na lalo lang nakadagdag sa inis ko ng pilit niya akong kulitin at buhatin papasok sa taxi na sinsakyan niya.
Habang buhat-buhat niya ako kanina, may napansin akong kotse na nakaparada di kalayuan, it was a black toyota, kamukha ng kotse ni Renz. Imposibleng makita ang plaka para ma-confirm kung kay Renz nga ang kotse dahil medyo malayo mula sa amin yung kotse. And since lumabas kami ng subdivision, hindi ko na nakita pa kung sino na ang nakasakay sa itim na kotse.
Dahil sa kaiisip ng mga bagay na ito hindi ko namalayan ang pagtigil ng taxi. The place looks familiar.
"Pamilyar ba?", sabi sakin ni Aki sabay ngiti ng mapanukso.
Namula ang mukha ko sa naalala, this is where we first had sex.
"Tara na ng makapagbihis ka. Baka magkasakit ka pa."
Sinundan ko lang si Aki papasok ng building. Nang makarating kami sa unit niya ay agad niyang hinalungkat ang laman ng kanyang dalang bag. Nang makakita ng damit ay iniabot niya yon sa akin at pinagbihis ako. Hindi ako masyadong nagsasalita habang magkasama kame, una dahil may tampo ako sa kanya at pangalawa ay dahil sa pagod sa mga nangyari ngayong gabe hanggang maari ay ayaw ko makipagusap kahit kanino.
****Aki****
2:30 am, Monday
March 14
Hindi ko inaasahang magdudulot sa akin ng saya ang makitang muli si Kyle. Pero parang may mali, may lungkot sa mga mata niya. Gusto ko mang alamin kung anu, wala akong magawa he won't open up. Arrrggghhh!!! Bakit ko ba yun prinoproblema? I promised myself not to get involve with Kyle again. Pero wala akong magawa, may kakaibang dulot na saya ang mga ginagawa ko ngayon para kay Kyle at hindi ko magawang pigilin ang aking sarili.
Napalingon ako ng bumakas ang pinto ng banyo. Nakapagpalit na ng damit si Kyle at kapansin-pansin ang mapupula niyang mata.
"May yosi ka ba?", tanong niya bigla sa akin.
"Wala eh."
"Sige, napansin kong may convinience store sa baba, bili lang ako."
"Samahan na kita."
"Kaya ko, salamat na lang."
Hindi na ako nagpumilit, habang nasa baba si Kyle ay hinain ko na yung instant noodles na niluto ko para mainitan ang katawan niya.
5 mins.
10 mins.
20 mins.
30 mins.
Nag-alala na ako ng hindi siya makabalik makalipas ang 30 minuto kaya pinasya kong sundan na siya sa baba. Agad ko naman siyang nakitang nakaupo sa labas ng convinience store. Nagyoyosi lang siya at sa harap ay 2 beer in can. Napailing na lang ako. Mukhang may malaking problema si loko. Hindi ko muna siya pinuntahan, dumiretso ako ng pasok sa store at kumuha ng 6 pa na beer in can. Bumili na din ako ng yelo at kung anong pwede naming gawing pulutan. Sasakyan ko na lang muna siya sa trip niya ngayon, tutal mukhang hindi ko naman siya madadaan sa kaswal na usapan. Lumabas na ako ng store at inaya na siyang bumalik.
"Tara na Kyle, dun na tayo sa taas mag-inom.", hindi ko na siya inantay pang makasagot at nauna na ako sa paglalakad. Sumunod din naman si Kyle.
-----
"Ano 'yon?", turo niya sa nakahaing noodles sa lamesa.
"Nagluto ako ng noodles, kala ko kasi nagugutom ka. San mo gusto mag-inom? Dito sa salas, kusina, kwarto, o sa verandah?", hindi na naman niya ako sinagot. Sa halip ay diretsong lumakad patungo sa dining table.
"Ah ok. Saglit itabi ko lang yang mga nakahain.", nang akmang iaalis ko na ang mga bowl ng noodles ay pinigilan niya ako.
"Salamat", yun lang ang sinabi niya at sinimulan nang higupin ang malamig na sabaw ng noodles.
"Gusto mo iinit ko muna?", wala na naman akong nakuhang sagot sa kanya kaya hinayaan ko na lang siya.
Halos nangalahati rin ang noodles sa bowl niya ng tumayo siya at magpaalam. Dumiretso siya sa verandah at nagsindi ng yosi. Tinapos ko na lang ang aking pagkain dahil nagugutom din talaga ako.
Matapos kong iligpit ang pinagkainan namin, ay dinala ko na ang binili kong beer at yelo sa lamesa sa verandah. Hindi naman inaabot ng mahinang pag-ambon yung kinalalagyan namin kaya ok lang na dun kami uminom. Pinaglagay ko na ng yelo at beer sa baso si Kyle. Hindi na niya nagawang antayin na lumamig yung inumin at agad na niyang tinungga.
Tahimik lamang kaming uminom dalawa. Walang imikan. Wala ring tigil ang hithit niya sa sigarilyo. Napatigil ako ng may makita akong luhang pumatak mula sa mata niya. Hindi ako sanay na nakikita sya na ganito. Napaka-strong ng personality ni Kyle, adventurous, laging positive at confident, ganyan ang impression ko sa kanya. Pero sa pinapakita niya ngayon, he looks so vulnerable, parang gusto ko siyang yakapin at ipagtanggol sa mga nang-aaway sa kanya.
"Pwede namang umiyak, hindi mo kelangan pigilin yung mga luha mo.", yun na lang ang nasabi ko dahil di ko sya magawang lapitan, baka kasi galit pa din siya sa akin.
"Tang*na, last na talaga 'to", sumimsim siya ng alak mula sa kanyang baso at saka walang tigil na pinadaloy ang kanyang luha. Ininom ko ang sariling alak at tinuon ang pansin sa view sa aking harapan. Hindi ko kayang makita ang itsura ni Kyle. Wala akong ideya sa nangyayari. Hindi ko alam kung sino ang pinuntahan niya sa subdivision namin. Hindi ko alam kung anung nangyari sa kanya sa nakalipas na isang taon. At hindi ko rin alam kung anung magagawa ko para gumaan ang pakiramdam niya.
Mahigit sampung minuto rin siyang tahimik na umiyak.
"Do you think i deserve to be loved? I mean, i've slept with so many guys, im not sure if someone would still fall in love with me? If i still have the right to be loved.", bigla niyang tanong, hindi niya ako liningon patuloy lang siya sa pagluha.
"Kyle, everyone deserves to be loved. Even the sluttiest person on earth deserves to be loved.", sinsero kong sagot sa kanya.
"Ganun din ba ang tingin mo sa akin Aki? A slut?"
Kung nagkataong umiral ang galit ko sa kanya dahil sa nangyari noon malamang sinagot ko siya ng isang malutong na 'oo'. Pero hindi ganun ang sitwasyon ngayon, labis na awa ang nararamdaman ko para sa kanya.
"Tigilan mo na ang pag-iisip ng ganyan tungkol sa sarili mo."
"Aki, have you loved a person that you know can't love you in return?"
Hindi ko nasagot ang tanong niya na yun, biglang nagbalik sa akin ang lahat ng masakit na alaala ko kay Kyle.
FLASHBACK
I was so happy for the past 3 days. Tatlong araw mula nung una naming date ni Kyle, tatlong araw mula ng ipakilala ko siya sa aking mga kabarkada, tatlong araw mula nung una kaming natulog na magkasama. Sa tatlong araw na lumipas ay maya't maya kaming nagkukulitan ni Kyle. And in 3 days time, i have decided na seseryosohin ko si Kyle, i like him and i want to know him more. more than that, i feel like i want to be with him always. Ito siguro yung sinasabi nila na may sparks.
The problem is i don't know how to get close to him. Hindi sa pagmamayabang pero dahil sa pisikal ko na anyo, kadalasan ako ang sinusuyo, ako ang nilalapitan ng mga tao sa paligid ko. Sa kaso ko ngayon mukhang ako ang manunuyo at lalapit. Hindi ko alam kung panu ang tamang approach, ayaw ko naman na magmukhang presko kay Kyle. Hindi ko pa na-try na manligaw ng lalaki before.
Nun ko naisip na kausapin si Renz. Natulungan niya ako na kuhanin ang number ni Kyle, malamang matulungan niya din ako na gumawa ng next move. Mas sanay kasi mambola at manligaw sa akin si Renz, mas sociable siyang tao kesa sakin kaya alam kong may maipapayo siya sa akin.
That same day I decided to see Renz after i got off from work. May bahay sila sa subdivision na tinitirhan ng family ko, but like me, pinili niyang bumukod at maging independent. He lives in an apartment, not too far from my office. Hindi na ako nag-abalang i-text pa siya dahil ine-expect ko na nandun lang siya sa pad niya since i plan to go there after work hours.
His place was just a 20 minute ride mula sa office ko so i was there around 9:30 pm. Kumatok ako sa pinto ng unit niya pero walang sumasagot, naghintay ako ng mga ilang segundo pero wala talagang sumasagot. Kumatok akong muli, pero wala talaga atang tao. Tatawagan ko na sana siya ng may marinig akong papaakyat ng hagdan.
Nasa 2nd floor ng gusali ang studio type na apartment ni Renz. Walang hirap akong nakapasok since kilala naman ako nung guard sa baba dahil ilang beses na din naman nag-inom dito ang mga tropa kapag nagkayayaan. Narinig ko ang boses ni Renz, mukhang kadarating lang niya at may kasama siya. The other person answered Renz. The voice was so familiar, how can i forget it when it keeps on ringing in my head for the past 3days.
I didn't know what got into me but i choose to hide. Isang diretso lang yung building at may hagdan sa magkabilang dulo. Nagtago ako dun sa hagdan sa kabilang side, yung opposite nung inaakyat nila Renz. Mula doon ko pinanuod ang pagdating nila Renz.
Tama ang hinala ko kasama ni Renz si Kyle. Mukhang kanina pa sila magkasama, may mga bitbit silang pinamili at masayang nagtatawanan. Mukhang nakainom na din ang dalawa, pansin ang pamumula ni Kyle. Hindi ko masyado maintindihan ang pinag-uusapan nila kaya pinanod ko na lang ang mga kilos nila. Nakatayo lang sila sa harap ng pinto, habang hinahanap ni Renz ang kanyang susi. Sinusubukang buksan ni Renz ang ointo nang biglang ibinaling ni Kyle ang ulo ni Renz paharap sa kanya at walang paalam na hinalikan ito. It was a long and wild kiss. I can tell that Renz is not kissing him back. With that Kyle let go and just stared at Renz. Just a few seconds after that, Renz took the next move this time he kissed Kyle deeply. And Kyle gladly obliged. Ganun ang eksena nila hanggang sa makapasok sila sa loob ng unit ni Renz.
--------
"Hey, are you ok?", pukaw ni Kyle sa atensyon ko. Dun na natigil ang aking pagba-balik tanaw.
"Yes, i have. But i don't blame that person. It was my choice to love him. I was just so stupid to assume that he likes me.", seryoso kong sabi sa kanya.
"Cheers para sa mga bigo.", birong sagot ni Kyle.
****Kyle****
3:25 am, Monday
March 14
Naubos na namin ni Aki ang binili naming beer, gayundin ang yosing binili ko. Malapit ng sumikat ang araw pero ang pagluha ko mukhang matagal pa bago tumigil.
"Come on Kyle, let's get some sleep. Dun ka na sa bed ko, dito na lang ako sa sofa bed.", wika ni Aki habang nililigpit ang kalat namin.
Tumuloy naman ako sa kama niya at inihiga ang sarili. Nakatingin lamang ako sa kisame, di na mabilang ang buntong hininga na ginawa ko mula ng humiga ako. Sa mga nangyayare ngayon parang ang hirap gawin ng paghinga. Alam kong mas maraming tao ang may mas mabigat na problema kesa sa akin pero di lahat sa kanila nararamdaman ang sakit na nararamdaman ko ngayon. Another tear fell from my eye.
Napansin ko ang biglang pagdilim ng paligid, marahil ay pinatay na ni Aki ang mga ilaw sa labas.
5 mins.
10 mins.
15 mins.
Ine-expect ko na hindi talaga ko makakatulog sa dami ng iniisip ko. naisipan kong lumabas ng kwarto. Nakahiga na si Aki. Nakapatong ang kanang kamay sa noo at nakapikit. Marahil ay pagod na din sya sa naging byahe niya.
"Aki....", mahina kong usal. Ayaw ko naman siya magising kung sakaling tulog na nga siya.
"Hmmm....", sagot niya sabay dilat ng mata.
"I-i cant sleep...."
Umupo siya mula sa pagkakahiga.
"Go get your pillow, sleep here", wika niya sabay tapik sa pwesto sa tabi niya. Sumunod naman ako sa sinabi niya. Binalikan ko ang unan sa kwarto at nahiga sa tabi niya. Humiga ako ng patalikod sa kanya.
"Paano ka naman makakatulog niyan?", biglang sabi ni Aki.
Kinabig niya ako paharap sa kanya. Iniangat niya ang ulo ko iniunan ako sa maumbok niyang braso. Kinuha niya ang kaliwang kamay ko at iniyakap sa bewang niya. Ipinatong din niya ang kanang hita sa akin saka ako niyakap ng mahigpit. I feel warmth, security, comfort...
"Kapag di mo na kaya, sasabihin mo lang sa akin, ok? Pwede mo naman akong gawing kuya, o kaya bespren. O mas maganda boyfriend, hahaha."
Yumakap lang ako lalo kay Aki.
"Alam ko nasasaktan ka ngayon, pasensya na kung wala akong magawa para sayo.", sabay halik sa noo ko.
Napatingala ako dahil sa ginawa niya. Nakatingin lang ako sa mata niya.
"Salamat.", yun lang ang nasabi ko at muli kong isiniksik ang mukha ko sa dibdib niya.
"Sleep now my prince.", yun ang huli kong narinig bago ako nakatulog.
****Aki****
4:05, Monday
March 14
Tanging ang mahinang paghinga ni Kyle ang naririnig ko ng mga oras na ito. Hindi ko magawang matulog. Pinagsasawa ko ang sarili kong pagmasdan ang mukha ng taong minahal ko noon.
'Noon nga lang ba?' Bulong sa akin ng isang parte ng utak ko.
Hindi ko alam kung ano ang dapat itawag sa sarili, martir ba o sadista. Alam kong sa ginagawa kong ito masasaktan lang uli ako. Akala ko naka-move on na ko, hindi pa pala. Dahil sa mga sandaling ito nararamdaman kong mahal ko pa din siya. Bilang na bilang ang mga sandaling nagkasama kami ni Kyle kaya di ko rin lubos maintindihan kung bakit ganito na lang ako ka-attached sa kanya. Alam kong di lang awa ang nararamdaman ko para sa kanya.
Nung makita ko silang maghalikan noon ni Renz ay labis akong nasaktan. Pinili kong tanggapin ang offer sa akin ng boss ko na tumungo ng Davao at i-manage ang site doon. I isolated myself from the people i know, pati mga kaibigan ko nadamay dahil ayaw kong may malamang kahit na ano tungkol kela Kyle at Renz. Hindi ako umiyak kahit na sobra akong nasaktan. Nilunod ko ang sarili sa trabaho. I became snob, i didn't bother to make new friends, piling-pili ang mga naging kausap ko tanging si Samantha na sekretarya ko ang naging kasundo ko.
Bago ko bumalik ng Manila, nilagay ko na sa isip ko na panatilihin ang distansya sa pagitan namin ni Kyle. Obviously hindi yun ang nangyari dahil eto ko ngayon at kayakap ang taong nanakit sa akin.
Hindi pa ba sapat yung sakit na nadama ko noon para gustuhin ko pang makasama muli si Kyle?
I guess not, cause my heart is still willing to get hurt just to get another chance. Another chance for happiness. Another chance to be his knight in shining armor.
There i am, staring at my little prince, risking my everything for another chance, wishing his heart would be mine.
....to be cont'd....
Love it.but ur english sucks.hehehe.sori.
ReplyDelete