Followers

Saturday, April 27, 2013

CAMPUS TRIO 13-14

Facebook: http://facebook.com/daredevilcute.100
E-mail: alvin1665@gmail.com
Blog: allaboutboyslove.blogspot.com

Ayan nangangalahati na ako sa reposting ko guys. Kaunting tiis na lang po at malapit na ang hinihintay niyong continuation ng story. Tungkol naman po sa aking blog, magiging open for public view din po siya sa mga susunod na araw.

Sa lahat po ng mga patuloy na nagcomment sa story kong ito, maraming-maraming salamat po at nagustuhan niyo ang story kong ito. Sana po ay magpatuloy ang inyong suporta at pagbabasa hanggang sa matapos ang story na ito.



[13]
"Doon ko na lang sasabihin sa inyo kaya bilisan na natin." ang sagot ni Bryan sa tanong ni Andrew.

Sa isip ni Andrew ay balewala lang sa kanya kung malaman ni Bryan ang tungkol sa bagay na iyon. Siyempre popular siya sa campus kaya imposibleng wala siyang hindi malalaman. Maari rin namang nabanggit na rin ito ni Troy sa kanya na una niyang pinagsabihan. Kaya hindi na niya ulit tatanungin pa ito.

Kasalukuyang nag-aagahan ang ina ni Andrew nang dumating sila.
"Kamusta naman ang kita anak?" ang tanong nito matapos makapagmano ang dalawa.
"Ayos lang po, ito po yung pera para makabili na agad kayo ng tanghalian natin."
"Sige anak, Bryan, mag-almusal na kayo at ako'y sasaglit lang sa palengke."
"Opo nay, sige po ingat kayo."

Umupo na sa hapag ang dalawa upang mag-agahan.
"Are you kidding? Ano naman ang mabibili sa halagang 65 pesos?" ang tanong ni Bryan pagkaupo nila ng hapag.
"Meron, naman kahit papaano, pero hindi masarap gaya ng kinakain niyong mga mayayaman."
"Talaga? Eh bakit niyo kinakain kung hindi naman pala masarap?"
"Ayos lang naman kung ano ang kakainin namin. Basta ang mahalaga ay mapunan ang kumakalam na sikmura. Laking pasalamat namin ni nanay na kahit papaano ay may grasya pang dumarating sa amin."

Sa di sinasadyang pagkakataon, nang sipatin ni Andrew ang kasama ay nahuli niya itong nakatitig sa kanya. Hindi niya mawari ang kahulugan ng mga titig na iyon mula sa maganda nitong mata.
Sa parte naman ni Bryan ay nanaig sa kanya ang concern at awa para kay Andrew and at the same time ay sobra ang pagkabilib nito sa kanyang mga positibong pananaw sa buhay. Nakaramdam din siya ng saya dahil kahit papaano ay kinausap na siya nito ng malumanay.

Nag-umpisa nang mag-agahan ang dalawa.
"Ito lang ang almusal niyo, tinapay at kape?" ang tanong ni Bryan nang mapansin na masyadong kaunti ang nakahain para sa dalawang tao.
"Naghahanap ka pa eh ito lang ang kaya namin. Pasensya na po ha kasi pumunta ka pa dito tapos magrereklamo ka."
"O yan ka na naman nagsusungit ka ulit sa akin. Ang bilis mag change ang mood mo ha."
"Hindi naman sa ganoon Andrew. Naisip ko lang na baka kulang yan sa atin."
"Almusal lang naman kasi ito, kung kulangin man eh pwede namang bawiin sa tanghali. Saka bihira lang naman kami mag-agahan. Ngayon nga lang ulit bumili nito si nanay dahil nandito ka."

"Ganoon ba?" ang naging tugon ni Bryan. Hindi siya makapaniwala sa pahayag ni Andrew na minsanan lang sila mag-agahan. Naisip niya na madalas palang pumapasok si Andrew nang hindi man lang nag-aalmusal. Mas nadagdagan pa ang awa na nararamdaman niya para dito.
"Alam mo ba Andrew ang kasabihan na ang Breakfast is the most important meal of the day, kasi dito nakukuha ng isang tao ang lakas sa buong araw."
"Alam ko at hindi ako tanga."
"Ang sungit mo talaga. Sinasabi ko lang naman ito dahil concern ako sa inyo."
"Ok. Salamat sa pagpapaalala. Pero anong magagawa ko, kapos talaga kami ni inay eh."
"Oh. Sige saan ba ang pinakamalapit na grocery dito para dagdagan natin ito."
"Wala, tindahan lang."
"Awts."

Dinukot ni Bryan sa kanyang bulsa ang leather wallet nito at tinigian kung mayroon siyang dalang pera.
"Paano na to puro credit card lang dala ko eh."
"Salamat na lang sa pag-abala mo, sige sa iyo na ito tutal namalengke na rin si nanay." si Andrew sabay bigay ng kanyang tinapay dito.
"No, ikaw na ang kumain, huwag ka nang mag-alala sa akin tutal pauwi na rin ako maya-maya. Sige na kainin mo na yan."
"Ok."

Bago magtanghalian ay agad na umalis si Bryan upang umuwi sa kanila. Nalaman niya kay Troy na pupuntahan ni Andrew ang bahay nila kaya pinaghahandaan na niya ang pagpunta nito sa kanila lingid sa kaalaman ni Andrew.
______
"Wow May kalayuan pala ang bahay nila" ang komento ni Andrew as kanyang sarili nang malaman niya mula sa mga pinagtanungan niya na sa Quezon City ang address na pupuntahan niya.

Pagkababa niya sa Cubao ay muli siyang nagtanung-tanong kung saan ang address na binigay niya. At nalaman niya ulit na sa bandang Tandang Sora pala ito. Naisip niyang tawagan si Troy para magpatulong na makapunta doon. Pumayag naman ito at sinabing hintayin ang pagdating niya sa tapat ng isang supermarket doon.

"Ang bilis mo ah" si Andrew nang mapansin ang agarang pagdating ni Troy sa lugar na pinaghihintayan niya.
"Tiyempuhan lang, sakto naman na may pinuntahan lang ako na malapit dito, tara sakay na."

"Sana sinabihan mo agad ako kanina para hindi ka na napadpad sa Cubao." si Troy habang nagmamaneho ng sasakyan.
"Akala ko kasi malapit lang iyon, saka sa totoo lang ayaw ko rin makaabala ng ibang tao. kaya pasensiya ka na Troy."
"Dont worry Andrew, ayos lang sa akin. Anytime na kailangan mo ng tulong, Im always here to help." ang tugon nito. Nagkangitian ang dalawa.
"Ah Troy may gusto sana akong malaman, tungkol sa pamilya ni Mam Sebastian kung mababait ba sila?" ang kanyang tanong para ngayon pa lang ay makagawa na siya ng paraan kung paano pakikisamahan ang kanilang pamilya.
"Sa tingin mo ba kukunin ka nilang tutor kung di sila mabait."
"Oo nga naman.Yung bunso niyang anak na tuturuan ko, makulit ba siya? Spoiled? Mahina ba talaga ang ulo niya?"
"Si Billy? Oo may pagkamakulit ang batang iyon. Tungkol naman sa utak niya, hindi naman siya ganoon kahina, gusto lang naman ng mom niya na masubaybayan ang pag-aaral niya."
"Ok. Eh kilala mo rin ba yung kapatid niya na nag-aaral din daw sa school natin?"

Natigilan saglit si Troy. "Ah... hmm... Oo naman."
"Mabait ba siya?
Nag-isip ulit si Troy bago magsalita. "Ahm, mayabang, maangas, masungit."
"Ganoon ba. Parang si Bryan lang ano."
Natawa si Troy. "Si Bryan talaga ang agad mong naisip ha."
"Oo naman, siya pa lang kaya ang kilala kong may ganoong mga ugali."
"Pero Andrew, noon yun. Sa ngayon nagbabago na siya dahil sa isang tao."
"Ha?" ang nagtatakang si Andrew."
"Todo effort siya ngayon sa pagbabago ng kanyang image at  pinipilit niya nang baguhin ang kanyang mga ugali na ayaw ng taong iyon."
:Ah, siguro girlfriend niya iyon."
"Hindi eh pero talagang gusto niya iyon. Basta Andrew, sa mga susunod na araw malalaman mo rin at mas makikilala mo pa siya."
"Hmmm...Ok."
"Andrew ako naman ang may itatanong sa iyo?"
"Sige ano ba yun?"
"Kung sakaling makita mo na sila at makilala ang isa sa kanila na hindi mo gusto, May chance bang tanggihan mo ang offer."
"Alam mo Troy, hindi ako namimili ng trabaho. Basta makakatulong sa amin ni nanay, tatanggapin ko. Sa ngayon babalewalain ko muna ang pansarili kong nararamdaman."
"I like your answer Andrew."
Nagkangitian ulit silang dalawa.
______
"Were here." si Troy matapos ihinto ang kanyang kotse sa tapat ng isang malaking bahay.
Binuksan ni Andrew ang pinto. "Wow ang yaman pala talaga ni Mam."
"Oo, so goodluck."
"Hindi ka na ba sasama sa loob?"
"No need. Ikaw lang naman ang may pakay sa kanila. At meron pa akong importanteng bagay na gagawin."
"Ganoon ba."
Tinapik ni Troy ang balikat ni Andrew. "Dont worry, everything will be allright. Sinabihan ko na sila na darating ka ngayong araw. Hinihintay ka na nila ngayon sa loob."
"Sige. Salamat talaga sa tulong mo Troy ha."
"Wala iyon basta ikaw Andrew."
"Sige Labas na ako."
Tangong may kasamang ngiti ang tugon ni Troy sa kanya.

Hinintay muna ni Andrew na umalis ang kotse ni Troy bago siya lumapit sa malaking gate. Nagbuzzer siya. Makalipas ang ilang saglit, isang babae ang lumabas mula sa pinto. Agad niyang nakilatis na katulong ito dahil sa pananamit nito.
"Magandang hapon po. Nandiyan po ba si Mam Sebastian."
"Kakaalis lang po eh may emergency kasi na meeting siya na pinuntahan. Sino po ba sila?"
"Ah ako po si Andrew yung kinuha po ni Mam na part time tutor."
"Ah ikaw pala. Sayang di mo naabutan si Mam. Pero nandito po si Senyorito Luis para kumausap sa inyo. Halika pasok ka na po."

Habang naglalakad papasok ay nililibot ni Andrew ang kanyang mga mata sa paligid. Manghang-mangha siya sa kanyang nakikita. Tila isang palasyo ito sa kanyang paningin.
"Upo po muna kayo diyan. Tatawagin ko lang si Senyorito Luis."
"Sige po salamat."

Pagkaalis ng katulong ay muli niyang nilibot ang kanyang mga mata at napansin niya ang mga larawan na nakapatong sa ibabaw ng isang shelf. Nilapitan niya ito. At sa mga nakita niya isang larawan ang nakatawag-pansin sa kanya. Mag-asawa ito kasama ang dalawang anak. Yung isa ay katabi ng tatay at ang isa ay karga ng nanay. Medyo luma na ito at kuha sa isang parke.
"Siya siguro si Mam Sebastian, ang ganda pala niya. May itsura din ang asawa niya. Pero teka yung anak nila parang pamilyar sa akin ito, parang nakita ko na siya kung saan." ang nasa isip ni Andrew."Ah ewan!"

Agad siyang bumalik sa kinauupuan nang marinig niya ang tinig ng batang lalaki. Sinilip niya ang hagdan at nakita niya na pababa ito. Napahinto ito roon nang makita niya si Andrew na nakaupo. Tila nahiya ito dahil sa bago sa paningin niya ang taong nakita.

Maya-maya pa ay narinig naman ni Andrew ang tinig ng isang lalaki at naisip niya agad na siya yung panganay.
"Billy, please tell him to wait for a while." ang sabi nito. Ngunit ang bata ay hindi pa rin nagsasalita at nananatiling nakatingin lang kay Andrew.

Sa ilang saglit ay nakita niya ang pagbaba ng isang lalaki doon.
"Oh bakit nandito ka pa, lapitan mo na at batiin ang bisita natin." ang sabi pa nito sa bata.

Kinarga nito ang kanyang kapatid papunta sa kinaroroonan ni Andrew.

At nanlaki ang mga mata ni Andrew sa pagkabigla sa taong kasama ng bata na nasa harapan niya ngayon. Nakasando ito ng puti at boxer shorts.
"Billy, siya si Kuya Andrew your new tutor. Please say hello to him." ang sabi pa nito habang nakangiti sa kanya.
"Hello po kuya Andrew, ako si Billy Joe. Nice to meet you." ang bati ng bata.
"Me too. Ang cute mo palang bata." ang tugon naman ni Andrew. Nginitian niya ito kahit pa na nagulat siya sa nangyari.

"Si Bryan pala yung anak niyang panganay. Ibig sabihin yung mama pala niya ang nagpapa-aral sa akin. Tapos hindi ko pa siya pinakikitunguhan ng maayos. Kaya pala pamilyar yung mukha sa picture, siya pala iyon." ang nasabi ni Andrew sa kanyang sarili sabay lingon ulit sa larawan. Sa mga oras na iyon, ang nasa isip ni Andrew ay ang hiya sa ina ni Bryan.

"Welcome to our home Andrew." ang nakangiting pahayag ni Bryan. Tumabi siya dito habang kandong ang kapatid nito.
"Huwag kang mag-alala Andrew. Mabait siya at tiyak magkakasundo kayo nitong younger brother ko. Aba mana yata ito sa akin!" ang sabi nito.

Napansin naman ni Bryan na hindi agad nakasagot si Andrew. "May problema ba Andrew? Hindi mo ba nagustuhan ang surprise ko sa iyo?"

Sa oras na iyonay hindi sinasadyang mapaluha ni Andrew.

Itutuloy...



[14]
"Oh bakit ka umiiyak?" ang tanong ni Bryan nang mapansin ang reaksyon ni Andrew.
"Naku wala ito. Hindi kasi ako makapaniwala sa mga nangyayari."
"Like what?"
"Yung ngayon. Hindi ko kasi akalain na mama mo pala ang nagpapaaral sa akin. Tapos kung anu-ano pa ang mga pinaggagawa ko sa iyo. May mga sinabi ako sayo na hindi maganda at sinusungitan pa kita. Nakakahiya tuloy lalo na sa Mom mo. Tapos kayo rin pala ang nag-alok sa akin ng trabaho kaya mas lalo akong nahiya."
"Billy laro ka muna sa taas ha, mag-uusap lang kami ni Kuya Andrew mo." ang utos niya sa bata.

Bago umakyat ang bata ay sinulyapan nito si Andrew at nginitian. Napangiti na rin siya dito.
"Ang cute talaga ng batang ito at kamukha talaga ni Bryan." ang naisip ni Andrew.

Nang makaalis ang bata ay nagpatuloy na ang kanilang pag-uusap.
"Pwede ba Andrew huwag mo nang isipin iyon. Kalimutan na natin ang nakaraan."ang pahayag ni Bryan. Inakbayan niya si Andrew.

Naramdaman naman niya na halos yakapin na siya ng pagkaaakbay nito.
 
"I cant believe na ang kilala kong Andrew na matapang, determinado at may positibong pananaw sa buhay ay maiiyak sa mga simpleng bagay na tulad nito. At take note may kahihiyan ka rin palang taglay ha."

Natawa si Andrew sa pahayag na iyon ni Bryan habang nagpupunas ng kanyang mga luha.
"Siyempre naman tao ako ano?"
"Namimilosopo ka pa dyan." ang natatawa na ring si Bryan.
"Pero Bryan, pasensya ka na sa naging pagtrato ko sa iyo noon."
"No. I cant accept your apology nang ganoon lang Andrew."

Napatingin naman si Andrew sa sagot na iyon ng kausap.
"Ahm I mean dapat may kapalit iyon."
"Yun ba sige ok lang kahit ano gagawin ko."
"Dalawang bagay lang, una, pag-igihan mo ang trabaho mo dapat matulungan mo talaga ang kapatid ko sa pag-aaral at pangalawa dapat maging mabait ka na sa akin. Huwag mo na akong susungitan pa. Kasi ang sakit ng puso ko kapag inaaway mo ako eh. Nakit mo naman lahat ng efforts ko kaya sa tingin ko wla nang dahilan para mainis ka ulit sa akin."

Natawa naman si Andrew.
"Ikaw ha tinatawanan mo ba ako?"
"Hindi. Masaya lang ako."
"Good. So ngayon babaguhin na natin ang lahat at magsisimula ito sa pagpapakilala ko sa aking sarili."

Tumayo si Bryan sa tapat ni Andrew at nagpakilala.
"I'm Bryan Luis Sebastian, eldest son of Dr. Florentina Sebastian and the most handsome guy in our university. The most adorable hunk of Campus Trio. Nice to meet you." ang pagpapakilala nito sa kanyang sarili sabay ngiti at nagpose ng papogi sign na sinabayan pa ng pagkindat.

"Cute!" ang di maiwasang masabi ni Andrew sa kanyang sarili sa nakita niyang paraan ng pagpapakilala ni Bryan. Nadala kasi siya ng magandang ngiti nito at mapupungay na mata na kahit sinuman ang makakita ay maaakit dito. 
"Ako si Andrew Tecson." ang pagpapakilala naman niya rito sabay ngiti rin. At nagkamayan silang dalawa.
"Ok, since formal na tayong magkakilala, I hope na sana maging maayos ang ating ugnayan."

Tumango lang si Andrew.
"Halika magmeryenda muna tayo habang hinihintay mo si mommy."

Masayang nagkuwentuhan ang dalawa habang kumakain. Sa mga oras na iyon narealize ni Andrew ang pagiging kwela ni Bryan. Hindi niya tuloy maiwasang maikumpara siya sa kanyang kaibigan na si Troy na madalas ay seryoso lang.

Maya-maya lang ay narinig ng dalawa ang  tinig ng isang babae at lumapit sa kanilang kinaroroonan.
"Magandang hapon po Mam Sebastian." ang magalang na pagbati ni Andrew sa dumating.
"Sa iyo rin iho." ang sagot nito.
"Maraming salamat po sa ibinigay niyong trabaho sa akin. Napakalaking tulong nito para sa aming pamilya."
"Ay naku iho huwag ka sa akin magpasalamat, dito sa anak kong si Luis. Siya ang nagrekomenda sa akin na kunin ka."
Sinulyapan ni Andrew si Bryan at nakita niyang nakangiti ito sa kanya.

"Iho, saan ka pala nakatira?" ang tanong ng ginang kay Andrew.
"Sa Tondo po mam."
"Ah malayo pala dito. Hindi ka ba nahirapan sa pagpunta dito?"
"Medyo po. Hindi ko kasi akalain na malayo nga. Nagpatulong po ako kay Troy na pumunta dito. Tinawagan ko siya sa isang phone booth nung nasa Cubao ako tutal naibigay naman niya sa akin ang kanyang contact number. Mabuti na lang at may sapat akong perang dala."
"Ah ok."
"Mom what if kung ako na ang maghatid-sundo sa kanya para hindi na rin siya gaano magastusan at mahirapan sa pagpunta dito." ang biglang pagsingit ni Bryan sa usapan nila.
"Good idea. Sige anak. So Andrew iho by next semester magsisimula ka na. Basta pag-igihan mo lang ang pagtuturo sa anak ko wala tayong magiging problema."
"Opo Mam."
"Everything clear so I have to go na. Mayroon pa akong pupuntahan na isa pang meeting. Luis ikaw na ang bahala sa bisita natin."
"Yes Mom. Sige po ingat kayo."
"Yung kapatid mo ipakilala mo na kay Andrew."
"Ok na po, nag meeet na sila kanina."
"Sige alis na ako."

Nagpatuloy ang dalawa sa pagmemeryenda pagkaalis ng ginang.
"Masyado talagang busy ang mommy mo" ang pagpuna ni Andrew.
"Oo, halos araw-araw umaalis yan. Maliban kasi sa pagiging admin ng school, inaasikaso din niya ang family business namin. Pero naiintindihan namin siya ni Billy. Kahit hectic ang schedule niya hindi naman kami niya pinapabayaan."
"Ah. Yung daddy mo naman nasaan?"

Napansin ni Andrew ang pagbabago ng mood ni Bryan sa kanyang tanong. Hindi agad ito nakasagot sa kanya.
"Sorry ha. Feeling close na tayo kung makapagtanong ako." ang paghingi niya ng paumanhin.
"4 years ago pa nang iwan kami ni Dad at nangibang bansa." ang biglang paglalahad nito. "Nung mga panahong iyon ay madalas na silang mag-away ni Mom. Lagi nilang pinagtatalunan ang pambababae ni Dad.  At nitong nakaraang taon lang nabalitaan namin na may iba na siyang pamilya."

"Naku sorry ulit dapat talaga hindi ko na tinanong iyon. Nakakahiya naman, masyado na yata akong namersonal sa iyo." ang pahayag ni Andrew na mapansin ang biglaang pagseryoso ng mukha ni Bryan.
"Ok lang ako Andrew. Dont worry. Your presence is enough para makamove-on na ako." ang nakangiti na nitong tugon.
"Talaga. Ikaw ha ang hilig mo namang mambola." si Andrew. Pero sa isip niya ay nakaramdam siya ng kilig sa sinabing iyon ng kausap.
"Ewan ko sa iyo. Kung ayaw mong maniwala di wag. Sige na tapusin na natin ito para maihatid na kita pauwi."
______
Lingid sa kaalaman ni Andrew ang lubos na kasiyahan ni Bryan sa mga nangyari. Naging pabor sa kanya ang resulta ng kanyang ginawang hakbang. Ito lang kasi ang paraan niya para makasama pa ng mas madalas si Andrew. Kaya sa gabing iyon matapos niyang maihatid si Andrew sa tirahan nito ay tinawagan niya sina Michael at Troy para sa celebration ng kanyang tagumpay.

"Congrats pare." ang sabi ni Michael nang dumating sila ni Troy sa napag-usapan nilang bar.
"Oo, sige order lang kayo. Treat ko lahat."
"Galante ka na ngayon ha. Sige sasamantalahin na namin ni Troy. ang pagkakataon."
"Bahala kayo."

Kahit papaano ay naging masaya na rin si Troy para sa kaibigan. Sa tagal nilang pagsasama ay ngayon lang niya nakita ito na ganoong kasaya. Masasabi niyang binago na ni Andrew ang pagkatao nito. Base sa takbo ng mga nangyayari, naisip niyang tama ang desisyong magpaubaya.
______
"Mabait pala yung kapatid mo." ang komento ni Andrew sa ipinakita ng bata sa unang araw ng tutorial nila.
"Siyempre naman mana sa kapatid." si Bryan na ikinatawa ni Andrew.
"Oo mga 1%."
"Grabe ka naman. Parang sinasabi mo na masama akong tao ah." ang medyo nagtatampo nitong pahayag. "Ano pa kaya ang dapat kong gawin para maappreciate mo ang kabaitan ko?"

Tumingin si Andrew sa kanya at napansin na nakababay face ito. Muli ay hindi niya maiwasang masabi ulit sa sarili ang salitang "cute"
"Wala na. Ito pa lang pagtulong mo sa akin ay sobra na. Malaki talaga ang naitulong nito sa pinansyal na pangangailangan namin ni nanay."
"Im very happy sa sobrang pag-appreciate mo sa ginawa ko. Hayaan mo this will not be the end. Basta nandito ako na tutulong sayo."
 
"Yan, Sige na tapusin mo na yang meryenda mo para maihatid na kita sa inyo. Baka kung saan pa mapunta ang usapan natin"ang pag-iba ng usapan ni Bryan nang mapansin si Andrew na medyo maluluha na ulit.
______
Makalipas ang dalawang buwan ay naging maayos ang takbo ng lahat para kay Andrew. Bukod sa matataas na grado na nakuha niya ng first semester ay wala rin siyang naging problema sa kanyang bagong trabaho sa pamilya Sebastian.

Sa mga panahon ding iyon ay mas lumalim pa ang samahan nila ni Bryan. Dahil sa kanyang trabaho ay halos araw-araw na silang magkasama. At doon nagsimulang umusbong ang kakaibang nararamdaman niya para dito.

Dalawang linggo ang lumipas at nagsimula ang second semester.

Sa panahong iyon sa school ay mas lalong sumikat si Andrew. Naging usap-usapan sila ni Bryan ng lahat ng estudyante roon. Hanggang sa isang araw, nalaman ni Andrew mula kay Dina ang hindi magagandang komento sa kanya na nakapaskil sa bulletin board sa lobby.

Kimumpirma niya ang naturang impormasyon pagkatapos ng kanyang klase. At nang makita niya ito ay halos maluha siya sa inis sa mga negatibo at di makatotohanang nakasulat doon gaya ng oportunista na dumidikit sa mayaman para magkapera at di matanggal ang scholarship, manggagamit at higit sa lahat ang di maiwasang pangangantyaw sa kanyang sekswalidad base sa mga larawang kuha nilang dalawa na magkasama sila.
 "Ano na ang balak mo ngayon Andrew?" ang tanong ni Dina sa kanya.
"Hindi ko alam Dina. Sa totoo lang nauubos na ang pasensya ko sa kanila. Halos araw-araw na lang e."
"Magpakatatag ka Andrew." ang biglang pagsingit ng isang boses na papalapit sa kanila na dahilan upang maglingunan ang lahat ng naroroon.
"Troy." ang nasambit ni Andrew.
"Kayong lahat, alisin na ito. Masyado na kayong nakakasakit ng tao." ang medyo pabulyaw niyang utos sa mga taong naroroon. At mabilis pa sa kidlat nila pinagtatanggal ang mga nakadikit doon.

"Sobrang hiya ko na sa sarili Troy. Kahit saan ako magpunta lagi ko na lang naririnig na pinag-uusapan ako."ang naibulalas na sama ng loob niya. Nakatambay sila ngayon sa likod ng campus.
Hinaplos ni Troy ang ulo ni Andrew. "Sa pagkakataong ito dapat ipakita mo na ang tunay na ikaw. Nasaan na ang nakilala kong Andrew na matapang, may paninindigan at di nagpapaapekto sa mga paninira ng iba?"
Lumingon si Andrew sa kanyang kausap. "Ewan ko ba, masyado na akong nadadala ng sitwasyon at saka nahihiya na ako kay Bryan. Dahil sa akin baka kung ano na rin ang iniisip nila tungkol sa kanya."
"I understand. Huwag kang mag-alala sa kanya, dahil hindi naman niya binibigyan na ng pansin ang mga iyon, di tulad ng dati na siya mismo ang rumeresbak sa sinumang bumubunggo sa kanya. Alam mo ba kung gaano siya kasaya nitong mga huling araw? Natutuwa kami ni Michael na makita siyang masaya di tulad noon na palaging seryoso at masungit. Natututo na siyang makitungo ng maayos sa mga taong nasa paligid niya. At sa mga routine niya sa araw-araw, kung dati pagkatapos ng klase ay nasa tambayan siya, ngayon ay nauuna na siyang umuwi, at dahil sayo yun. Thnaks Andrew na dumating ka para baguhin siya." ang mahabang pahayag ni Troy.

Lubos ang tuwa ni Andrew sa mga narinig niya kay Troy. Kahit siya rin mismo ay napapansin na niya ang mga pagbabagong ito ng kanyang kaibigan. Hindi man niya direktang sinabi ang mga ugaling dapat niyang itama ay kusa na itong ginawa  ni Bryan. Dahil dito ay mas tumindi pa ang nararamdaman ni Andrew para sa kanya.

"So halika Andrew isama kita sa aming tambayan para kung saka-sakaling maunang matapos ang klase mo ay doon mo na lang abangan si Bryan." ang yaya ni Troy sa kaniya.

"Welcome Andrew sa aming tambayan." ang pagbati sa kanya ni Michael na kasalukuyang nanonood ng TV. "Halika maupo ka muna at manood habang hinihintay mo si Bryan."
"Ano ang gusto mong kainin Andrew?" ang pag-entertain naman nito sa kanya.
"Sige kahit ano na lang."

Lumabas si Troy para bumili ng makakain nila. Si Andrew naman ay pinagmamasdan ang paligid ng tambayan. Masasabi niya na espesyal talaga ang campus trio sa university. Halos lahat ng bagay na makakapaglibang sa isang tao ay naroon na.

Ilang saglit pa at dumating na si Troy dala ang hamburger at softdrinks. "Kain muna tayo."
"Oo nga tara Andrew sabay ka na sa amin. Matatagalan pa siguro si Bryan dahil naglalaro pa ng basketball." si Michael.
"Salamat. Kayong dalawa bakit wala kayo doon?" ang naitanong ni Andrew. Kadalasan kasing magkakasama ang tatlo sa paglalaro nito na pinanonood ng karamihan sa mga estudyanteng nahuhumaling sa kanila.
"Simple lang. Wala kami sa mood maglaro. Ikaw kamusta naman ang mga araw mo na kasama ang kaibigan namin. Mabuti naman at nagkakasundo na kayo."
"Ayos lang. Madali lang naman makasundo ang kaibigan niyo."
"Ok, talagang tinamaan na siya sa iyo. Honestly nagtatampo din kami sa kanya minsan dahil nagiging madalang na ang pagsama na niya sa trip namin. Off-limits na rin siya sa mga girls sa pinupuntahan namin. Pero wala naman kaming magagawa, kung ano ang magpapasaya sa kanya ay susuportahan na lang namin." si Michael ulit.

Ilang minuto rin tumagal ang pag-uusap ng tatlo. Doon niya nalaman na mabait din pala si Michael. At makalipas ang isang oras ay dumating na ang hinihintay ni Andrew. Nakasuot pa ito ng jersey kita ang malatrosong braso nito at malalaking binti. Pawisan ang buo niting na hindi nakaapekto sa taglay nitong kakisigan.

"Oh Andrew kanina ka pa ba naghihintay?"
"Hindi naman." Ang nasa isip ni Andrew ngayon ay ang itsura ni Bryan.
"Salamat mga tol at inentertain niyo siya. Sige shower muna ako saglit para makaalis na tayo. Naghihintay na si Billy sa bahay." ang sabi nito sa kanya.
______
"Siguro nga makakabuti sa iyo kung doon ka na sa tambayan namin maghihintay sa akin. Anytime welcome ka doon." ang sabi ni Bryan habang bumibiyahe sila pauwi.
"Dinala ako ni Troy doon."
"Oo. Nabanggit niya rin sa akin ang nangyari kanina. Sabi niya na dinamdam mo ang mga panunukso nila sa iyo."
Napayuko na lang si Andrew.

"Huwag mo na lang sila pansinin pa. Ipakita mo na hindi ka nagpapaapekto. Im sure na magsasawa rin sila sa iyo. Inggit lang sila sa iyo dahil kasama mo ang pinakaguwapong hunk ng campus." ang dagdag nito sabay kindat sa kanya.
"Alam mo naman siguro kung ano yung mga pinipintas nila sa akin di ba? I...ikaw hindi ka ba naapektuhan sa sinasabi nila sayo. Idol ka nila sa campus, at ayaw ko naman na madamay ka sa mga pinagsasabi nila tungkol sa akin."

Sinulyapan siya ni Bryan habang nagmamaneho. "I dont care kung anuman ang sabihin nila tungkol sa akin.Wala namang mawawala sa akin di ba kaya hinahayaan ko sila. ang mahalaga ngayon ay ang aking kaligayahan, at iyon ay ang makasama kita."

Napangiti si Andrew sa narinig niya. At hindi rin niya napigilang kiligin sa mga narinig na ito sa kausap.
"Tama ka. Sige susubukan ko." ang sagot niya. "Ikaw, wala ka bang nararamdaman na kahit kaunting pagkainis sa kanila?"
"Kung noon oo pero iba na ngayon. Naalala mo naman yung ginawa ko noon di ba." ang sagot nito.

Nakuha naman agad niya ang ibig nitong sabihin. Naalala niya ang ginawa nitong pagpapakumbaba noon sa canteen sa pamamagitan ng paghingi ng paumanhin sa mga estudyanteng nasaktan niya at ang pagbibigay ng pangako na hindi na iyon mauulit pa.

Gayumpaman, may mga pangamba pa rin sa isip niya kaya naglakas-loob na siyang itanong iyon kay Bryan.
"Tutal alam mo namang lahat ang mga panunukso sa akin, gusto ko lang malaman ngayon kung ano ang mga iniisip mo sa akin, lalo na ang tungkol sa... ano" ang di matuloy-tuloy niyang pagtatanong.
"Teka paano ko ba ito sasabihin. Ah... ikaw hindi ka ba naiilang na mabigyan ng malisya ang pagsasama natin, tulad ng sinasabi ng iba"

Lumingon sa kanya si Bryan at naging seryoso ang mukha nito. "alam ko na ang ibig mong sabihin Andrew. Hindi naman maiiwasan yun eh na para tayong magsyota dahil sa madalas na pagsasama natin kaya tinutukso ka nilang "gay". Totoo ba talaga iyon Andrew ha?"

Nakaramdam na siya ng kaba sa mga oras na iyon.

Itutuloy...





32 comments:

  1. nice.. very smooth lang ang takbo ng story... go for gold:)

    ReplyDelete
  2. next chapters!!! :)

    ReplyDelete
  3. ,,,haaaaisssst, naa-adik sa magandang kwento

    jeddah, ksa

    ReplyDelete
  4. Next chapters please. =)

    ReplyDelete
  5. Ang saya!sa wakas maitutuloy na ang kwento na to..grabe last year ko pa nabasa tong Campus Trio..but I'm glad at nakabalik ulit to.

    Thanks for the update Sir :))

    ReplyDelete
    Replies
    1. Aip me ganun Aronn? Atat lang ang peg haha

      Delete
    2. Aip ganun na nga..atat lang ang peg..uyyyy!balik ka na dun!miss ka na namin. :))

      Delete
    3. Aip ganun na nga..atat lang ang peg haha!

      uyyyy!balik ka na dun..miss ka na namin :))

      Delete
    4. huh? bakit kilala mo ba ako?
      saan babalik?
      kamag anak mo yata si madam auring haha

      Delete
    5. LOL!

      Of course kilala kita..isa lang naman ang kilala ako dito at ikaw yun..daliiiii balik ka na dun..promise miss ka na namin.

      Delete
    6. ahahaha i think ur barking a wrong tree!
      marami kaya kaming nakakilala sa yo. sikat ka kasi. i wont mind if u would mention my name just to prove ur wild guess. im so confident that iba ung nasa isip mo haha:-)

      Delete
    7. Hmmm..am i really barking on a wrong tree?lol

      saka dude di naman ako sikat..iilan lang naman kayong nakakaalam kung sino talaga si Riley Delima..but anyway ok lang yan..usap na lang tayo sa pm..alam mo naman cguru fb account ko. :)

      Delete
    8. hala kinarir mo na talaga wild guess mo haha...di na ako babalik dun kasi outcast nyo na ako. tampo mode pa kasi ako.

      dito muna ako kay daredevil kasi na.hooked talaga ako sa wentong ito. kilig nuch lang ang peg! haha

      cge initials nalang ng name ko. hayzt!

      Delete
    9. This comment has been removed by the author.

      Delete
    10. HI ATE ARONN!!! BABASA KA DIN PALA NETO..
      PAREHAS NA TAU ADIK...
      NAG UMPISA KO BASAHIN MGA KWENTO
      NI DAREDEVIL NUNG MABASA KO YUNG PANTASYA...
      ANG GANDA... MISS NA MISS KO NA C KUYA CARLO KO!
      HUHUHU...BALIK KA NA!

      Delete
    11. OMG! ang pagkakataon nga naman. miss na rin kita BABY BOY! musta ka na? nagpang.abot rin tayo dito. di ba ako yong nag introduce sa u ng Pantasya? hahaha
      pareho na pala tayong adik sa mga wento ni daredevil hahaha

      go lang ng go, Baby Boy!

      Delete
    12. Bebe Mark!haha!uu naman..tagal ko na nga tong inaabangan..mabuti talaga at binalik to. :)

      J balik ka na dun..di ka naman namin ina out cast..wag mong isipin yun..kita mo nga si Bebe Mark miss na miss ka na nyan..welcome ka pa din ano ka ba?sana pag isipan mo pa din J.

      Delete
    13. hay naku sabi ko na nga bat si Jehohaz ang nasa isip mo haha

      Delete
  6. nice story. sana hanapin sya ng lola nya if ever buhay pa lola nya, mother ng father nya, para gumanda din naman buhay nila. thanks mr. author. cant wait for next chapter.

    ReplyDelete
    Replies
    1. hay naku i think walang twist na ganun. ang pagsisikap ni andrew ang makapagbabago ng takbo ng buhay nila. di ba graduating na si andrew dun sa probinsya? feel kong makahanap xa ng magandang trabaho at dun na cguro magtagpo ang landas nila ni bryan.

      pinangunahan ko pa ang author haha

      Delete
  7. Mooooooooore! :)

    -gavi

    ReplyDelete
  8. nakakabitin Mr. Author :( pero ok na ito mabilis update thanks ng marami :))

    ReplyDelete
  9. sana po ung chapter 15-16 posted na bukas ng umaga

    ReplyDelete
  10. Pasensya n po pero san nyo po b unang nbasa ito,,,atat n atat npo ksi ako,,,salamat,,,

    ReplyDelete
  11. Pasensya n po pero san nyo po b unang nbasa ito,,,atat n atat npo ksi ako,,,salamat,,,

    ReplyDelete
    Replies
    1. dun sa blog ni daredevil - ALLABOUTBOYS pero under nsintenance pa raw kaya restricted muna. baka sa susunod na mga araw ay for public viewing na.

      antay antay lang muna tayo.

      Delete
    2. hangang chap 27 lang yata dun. but for sure, madudugtungan na talaga ito haha

      Delete
  12. hihi :3 tanda ko pa toh lahat,wait ko chapter28. Dami nag aabang nito sa wattpad. Nicomment q dun sa chapter27 na itutuloy na to at nirerepost dto,nipost q pa ung link ng MSOB kaso binura nung may ari ng acct ung comment ko.

    ReplyDelete
  13. HayZz GRAbe talaga ang ganda talaga ng xtory na ito xana maupdate na ung NEXT CHAPTER.. Thanks auTHOR UR THE BEST

    ReplyDelete
  14. Sometimes medyo nagiging nakakalito yung story, pero maganda pa rin. Hehehe. Nakakainis lang tong si andrew, ang manhid manhid. LOL. Sometimes nagiging unrealistic din ang ibang scenes, pero it's okay. That's why it's called fiction right? Hehe

    ReplyDelete
  15. Tungsten rings can be worn as a wedding band, couple rings, promise ring or
    fashion ring. It definitely puts the whole matter
    of wearing a divorce ring to rest. The fashion consciousness of men has given rise to new styles and unique designs
    when it comes to finding the mens titanium rings perfect wedding
    band.

    Look at my web blog ... website

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails