Followers

Sunday, April 21, 2013

318 (Ang textmate ko) -4


318 (Ang textmate ko) -4

By: ImYours18
Email: nielisyours@yahoo.com.ph
Facebook Account: nielisyours@yahoo.com.ph


Authors note :

                Good Day sa inyong lahat MSOB readers and followers!


                Musta po kayo? Hehe :D


                Thank you nga po pala sa mga mambabasa na patuloy na tumatangkilik nitong gawa ko, kahit medyo magulo, haha, ako mismo ay minsan naguguluhan din sa gawa ko kaya pasensya na din po.  Thank you very much po sa mga nagbabasa at nakaka-appreciate hehe, kayo po ang inspirasyon ko kung bakit ako nagsusulat, kasi may nakaka-appreciate po kaya thankful ako.


                Sorry din po pala kung medyo late ang update. Medyo naging busy lang din po this week.


                Anyways, :D, open na po pala ang aking facebook account, you can add me guys (nielisyours@yahoo.com.ph), magpopost din po ako dyan ng update. You can also contact me on my facebook account :)


                Ito na po pala ang Chapter 4 ng aking akda, enjoy reading po..



Warning: Some words used in the story are foul words. Also, there are scenes which are seductive and not appropriate to the minor readers. This story is a work of fiction only and any parallel scenes, places and names to the reality are absolutely unintentional.


Any reaction, praise, violent reaction, complains and comments regarding to my story, please contact me:

Email and facebook account: nielisyours@yahoo.com.ph



  CHAPTER 4



 “TARANTADO KA HA?!  PIPILIIN MO KUNG SINO ANG KINAKALABAN MO HUH?!” Galit na galit na bulyaw ni Tristan pagkatapos suntukin ang lalaking nagkatapon ng chocolate shake sa T-shirt ko. Magkahalong kilig at pagkagulat naman ang naramdaman ko. Kilig, sapagkat hindi siya pumayag na hindi ako ma-iganti sa ginawa ng lalaking iyon, samantala pagkabigla naman dahil sa ginawa niyang pagtatangol sa akin, handa niya talaga akong ipagtangol sa lalaking iyon. Kitang kita ko naman ang expression ng mukha ni Tristan, halos mamula ito sa galit sa lalaking nagtapon sa akin ng chocolate shake pagkatapos niya ito suntukin. Parang nahinto saglit ang esksena pagkatapos suntukin ni Tristan ang lalaki. Nakahawak si Tristan sa kanyang mga kamao na parang nangigigil itong nakatingin sa lalaking nagtapon sa akin ng chocolate shake. Samantala, kani-kanina lang ay kakaunti ang mga estudyante sa school canteen pero dumami ito dahil sa gulong nangyari.


“P*TANG I*A, ANO BANG PROBLEMA MO PARE?!” Galit na tugon ng lalaking sinapak ni Tristan. Napaupo ito sa sahig ng canteen pagkatapos siyang tamaan ng suntok. Agad naman itong tumayo sa tulong ng mga kasama nitong kaibigan. Nabigla naman ako dahil hawak hawak ng lalaki ang labi nito, nagdugo pala ito dahil sa lakas ng tama ng pagkakasuntok ni Tristan. Akala ko ay hindi na gaganti ang lalaki, ng biglang “BLLLAAGG!!” Tila nanlaki naman ang mga mata ko sa nasaksihan. Pakiramdam ko ay umakyat ang lahat ng alam kong pressure sa katawan ko sa ulo ko. Parang gusto ko nang sugurin ang lalaking iyon. Kung marunong lang sana ako manuntok mga ateng! Paniguradong najombagan ko na iyon kanina pa noong pinagtawanan niya ako.


Labis ko namang ikinagulat ang ginawa ng lalaking iyon. Sino ba siya para suntukin ang lalaking pinakamamahal ko? Kung tutuusin ay siya nga ay may kasalanan dahil sa ginawa niya sa akin eh. Pinagtangol lang naman naman ako ni Tristan e, ngunit bakit ang lalaking iyon pa ang may gana na gumanti at magbitaw nang suntok upang gumanti kay Tristan?


“ANONG PROBLEMA KO?! T*NG *NA PARE, IKAW! BINASTOS MO YUNG KAIBIGAN KO!” galit na tugon ni Tristan. Kita kita sa mukha nito ang pamumula dahil sa sobrang galit.


“IYAN BA?” Sabay turo sa akin ng lalaki. Napansin ko din na ang ibang mga estudyanteng ususero ay tumingin din sa akin. “EH SIYA NGA ANG MAY KASALANAN KUNG BAKIT SIYA NATAPUNAN EH, TATANGA-TANGA KASI SIYA MAGLAKAD!” Panglalait pa ng lalaking iyon sabay tawa, nakita na rin ang limang lalaki na kasama nito. Mistula namang namintig ang tenga ko sa narinig. Lalapit na sana ako sa lalaking iyon upang pagsabihan at bulyawan ito ngunit pinigilan naman ako ni Nerrisse.


Akmang susuntukin na sana ulit ni Tristan ang lalaki dahil sa sinabi nitong panglalait sa akin, ng biglang..


“SPLAK!” Sinampal ni Nerrisse ang lalaki sabay hawi sa kamao ni Tristan na aamba na sana ng suntok. Nagulat na lamang ako at wala na pala si Nerrisse sa tabi ko at mabilis itong nakapunta sa kinaroroonan nila Tristan at nang lalaking iyon. “AND WHO DO YOU THINK YOU ARE SA CAMPUS NA TO PARA MANG-LAIT O MANGLIIT NG TAO? KITANG KITA LANG NAMAN NG ‘TWO BEAUTIFUL EYES KO’ KUNG PANO MO TINAPUNAN NG CHOCOLATE SHAKE ANG KAIBIGAN KO!” Pagtataray ni Nerrisse sabay turo sa kanyang mga mata na tila nagpapacute pa. “YOU DON’T HAVE TO BLAME HIM FOR YOUR MISTAKES! UMALIS NA KAYO BAGO KO PA IPATAWAG ANG MGA GUARD NG CAMPUS PARA I-COMPLAIN KAYO SA D.S.A.!” Mataray na pagkakasabi ni Nerrisse sa mga lalaking iyon. Parang natameme naman ang anim na lalaking iyon sa ginawa ni Nerrisse. Halos namula at bumakat din ang kamay ni Nerrisse sa pisngi ng lalaki. Namangha naman ako sa pinakita ng bagong kaibigan ko sapagkat kahit na galit na ito at halos mapuno na sa mga lalaki ay pinakita niya ang pagiging “cool” niya upang higit na mas maaasar ang mga lalaking iyon at ang nanliit sa akin.


Umalis na ang mga lalaki na parang napahiya sa mga taong nakapaligid. Samantala tumingin naman ito kay Tristan ng isang tingin na mistulang nagsasabi na “Hindi pa tayo tapos” o “Magtutuos pa tayo”.


“Okay, Tapos na ang shooting!” Pagsigaw ni Nerrisse sa mga nakiki-usyoso sa pagaaway na nangyari. Napansin ko naman na ang ibang mga estudyante na nakiki-usyoso ay natawa  sa pageeksenang ginawa ni Nerrisse.


Noong humupa na ang mga nakikiusyoso sa pagaaway at noong umalis na ang mga anim na lalaki na nagsimula ng gulo ay bumalik naman kami sa aming upuan.


Habang kami’y nasa upuan, namamayani ang katahimikan at tila walang gustong magsalita. Si Tristan ay humahawak sa kanyang duguang labi dahil sa tama ng suntok sa kanya. Nakaramdam naman ako ng awa para sa kanya, kung hindi dahil sa akin ay hindi sana siya nasugatan, samantalang si Nerrisse naman ay pahawak hawak pa sa kanyang noo at tila iniisip pa ang mga nangyari ilang minuto pa lamang ang nakakaraan. Napansin ko naman si Tristan na parang may kinukuha sa kanyang bag.


“Oh, eto..” Sabay bigay ng isang tribal t-shirt sa akin. Oo nga pala at halos mapuno ng chocolate shake ang t-shirt ko. Pano ba naman kasi,  puti ba ang sinuot ko na damit. Ang dami dami pa namang chocolate shake ang tumapon sa akin. Halos parang putik naman itong kumalat sa puti kong t-shirt.


Napangiti naman ako sa kanya. Napatitig sa kanyang mga mukha, pakiramdam ko ay siya ang “light and shining armor” at “guardian angel” ko dahil sa kabayanihang ginawa niya sa akin, napakagwapo niya talaga. Isang binatang moreno ang balat, may bilugang mga mata, matatangos na ilong, may kakapalang kilay na tama lang sa kanyang itsura, at mga kissable lips na tila kaysarap siilin ng halik. Still, I can’t imagine na pinagtangol niya ako kanina sa lalaking nanliit sa akin, parang panaginip ito sa akin. Ang lalaking pinapangarap at pinagnanasahan ko lamang sa litrato at text noon ay nandito na sa harap ko ngayon at hindi lang iyon, para akong isang prinsesang kinidnap ng mga halimaw at si Tristan ang lalaking nakatadhana upang magligtas at ikasal sa akin. Feeling ko tuloy ay ako ang prinsesa sa larong “super Mario” at si Tristan naman ang combine version ni Mario at Luigi upang iligtas ako. 


Nasa ganoon akong pagkakatitig kay Tristan nang biglang..


“Uhum.. Uhum…” Pagubo ni Nerrisse, nabasa ko naman sa kanya kung ano ang nais niyang ipahiwatig. “Wait lang guys ah?” Sabay tayo sa kanyang kinauupuan at bigay ng isang makahulugang titig at ngiti sa akin habang palayo at papuntang comfort room malapit sa may canteen. Naiwan naman kaming dalawa ni Tristan doon. Nakaramdam naman ako ng matinding hiya dahil sa ilang segundo kong pagkatitig sa kanya habang inaabot sa akin ang extra t-shirt niya. Hindi tuloy ako makatingin ng diretso sa kanya.


Tahimik lang.


Ilang segundong katahimikan.


“Salamat ah?” Pagbasag ko sa katahimikan.


“Para saan?” Tanong niya sa akin. Lalo naman akong humanga sa tinanong niya kung para saan ang pasasalamat kong iyon. Hindi ba “big deal” na maituturing ang pagtatangol niya sa akin sa mokong na nagtapon sa akin ng chocolate shake na iyon? Ang pagpapahiram niya sa akin ng tribal t-shirt niya pa parang bagong bago at hindi pa halos nagagamit, hindi ba “big deal “ sa kanya iyon? Para magpasalamat siya. Lalo tuloy akong humanga sa “prince charming” ko, kasi kahit na halos magkandasabog-sabog na ang nguso niya sa pagsapak sa lalaking iyon dahil sa pagtangol sa nangyari sa akin ay tinatanong niya pa kung para saan ako nagpapasalamat.


“Tinatanong pa ba yan? Sa lahat. Pinagtangol mo ko sa lalaking nakatapon sa akin ng chocolate shake kanina. Tapos eto” sabay muwestro ng pinahiram niya sa aking tribal shirt.


“Ah, e yun ba? Wala yun”


“Anong wala iyon? Sabog na nga yang labi mo, tapos wala lang iyon?” Sabay tawa ng mahina. “Hehehe, joke lang” Sabay hawak sa braso niya. Pakiramdam ko naman ay may dumaloy na boltahe ng kuryente sa aking katawan sa pagkakahawak ko sa kanyang braso.


“Hahaha! Oo, may ikekwento nga pala ako tungkol sa lalaking iyon”


“Yung nakatapon sa akin ng chocolate shake?” Usisa ko.


“Exactly! Yun nga.” Masigla niyang tugon.


“Ano naman ang tungkol sa kanya? Curious kong tanong.


“Same department lang kasi kami ng college last year sa university na to, naging kaklase ko din yan sa ilang subjects eh, actually, nag-shift din siya ng course” Kwento ni Tristan, natigilan siya sandali. “Ganyan din yan eh dati, laging nangaasar at saka laging nang-aaway, warfreak kumbaga, palibhasa talagang mayaman ang kanilang pamilya.. Parehas kaming nag-shift ng course sa iisang college, siya ay sa Business Administration at ako naman ay Accountancy ang kinuha na pinalit sa IT” Kwento ni Tristan. Nagtaka naman ako, bakit naman kaya niya kinekwento sa akin iyong lalaking iyon, e badtrip nga ako dun. Ewan ko ba, nangaasar ba to para ikwento pa sa akin ang pagkakakilala niya sa lalaking nakatapon ng chocolate shake sa akin o marahil siguro sinasabi niya lang ang tunay na ugali ng lalaking iyon upang maunawaan ko. Pero haler? Kayo ang tatanungin ko mga ateng? Pagkatapos niya ako hiyain sa mga estudyanteng nakakita sa insidenteng iyon ipaparating pa ni Tristan na “intindihin” na lang na ganoon lang talaga iyon. Ngunit hindi naman ako sigurado kung iyon nga ba ang sadya niya para sabihin sa akin ang tungkol sa paguugali ng lalaking iyon.


“Ahh.. Ganoon ba? Bakit mo naman na kwento iyan?” Sadya kong pagtanong sa kanya.


“Para iwasan mo na lang, loko-loko din kasi iyan e, baka may pinagdadaanan” Natatawang tugon sa akin ni Tristan. Ngayon ay nasagot na din ang mga tanong ko sa sarili ko. Ako lang naman pala ang inaalala niya. At hindi ko naman ma-idedeny, kinikilig din ako mga sister!


“Ah, salamat ah?”


“Wala iyon. Ito naman, pangbawi ko na rin sa pangaasar ko sayo kanina saka noong pinagtawanan kita noong nadulas ka haha” Natatawa niyang sabi. “Biro lang” Dagdag pa niya.


“Hahaha!” Pagtawa namin.


Tahimik.


“May itatanong ako sayo?” Pagbasag niya sa katahimikan.


“Ano iyon?”


“Hmmmm? May kilala kang Vi…”


“Uy, teh. Magpalit ka na ng damit ang dungis dungis mo na oh? Saka ikaw Tristan, tinawagan ko na yung nursing kong kaibigan para magamot na yang sugat mo sa dyan sa may labi mo.” Eksena ni Nerrisse sa gitna ng aming paguusap. Sa totoo lang noong narinig ko palang ang salitang “Vi..” Na naputol dahil sa pagsingit ni Nerrisse sa usapan namin ay alam ko nang ako bilang si “Vince” ang tatanungin niya kung kilala ko ba. Oo nga pala, kilala niya ako bilang Colby at napakilala ko sa kanya si Colby na pinsan kamo ni Vince. Laking pasasalamat ko naman kay Nerrisse na um-eksena sa gitna ng paguusap namin dahil kung hindi siya um-eksena, malamang ay mauutal ako sa pagiisip ng alibi at maaring magsuspetsa siya. Pakiramdam ko tuloy ay na two in one shot ako sa araw na to, una ay naramdaman niya ang vibration ng cellphone ko na nakakubli sa bulsa ko, pangalawa ay ang pagtatanong niya “sana” kung kilala ko ba si Vince na, pakilala ko ay pinsan ni Colby na nasa harap niya. Nako naman mga ateng, napaka-aga para magkabukuhan, hindi pa ready ang virgin kong katawan na ipagbugbog kung ano man ang maging reaction ni Tristan sa oras na mabuko ang kalokohang sinimulan ko.


Agad agad akong tumayo at nagmadaling pumunta ng banyo. Nasa isip ko pa rin kasi, paano kung muli niya akong tanungin?


Pagkarating ko ng banyo, dala dala ang bag ko at ang tribal t-shirt na pinahiram sa akin ni Tristan ay dumertso ako sa isang cubicle. Mistula naman akong nabunutan ng isang kutsilyong pakiramdam ko ay nakakasaksak sa aking puso sa pagtakas sa katanungang iyon ni Tristan.


“Hayyy! Muntik-muntikan na” Bulong ko sa sarili.


Agad ko namang hinubad ang namantsahang puting t-shirt at sinuot ang tribal t-shirt na pinahiram sa akin ni Tristan. Pagkasuot ko nito ay umihi ako sandali sa loob ng cubicle at lumabas. Pagkalabas ko ng cubicle ay naghilamos ako sa faucet ng cr na iyon.


“Keri mo to Colby! Hindi ka mabibisto, Keri mo to Colby! Hindi ka mabibisto, Keri mo to Colby! Hindi ka mabibisto, Keri mo to Colby! Hindi ka mabibisto” Pauli-ulit na sigaw ng isip ko sabay bitaw ng isang malalim na paghinga. Lumabas na ako ng CR.


Nagulat naman ako sa nasaksihan pagkalabas na pagkalabas ng cr. Isang babaeng napakaganda, matangkad, maputi at nakaputi na animo’y isang nursing student ang nakahawak sa mukha ni Tristan at dinadampian ng bulak ang sugatang labi nito dala ng pagkakasuntok. Pakiramdaman ko ay pinagpupunit-punit ang puso ko sa nasaksihan.  Ang sweet sweet kaya ng itsura nila. Para silang mag-jowa sa isang popular na eksena sa pelikula kung saan iilang inches na lang ang layo ng kanilang mga labi at sa mistula silang magnanakaw ng halik sa isa’t isa. Selos ba ito mga ateng?


“Ang harot harot naman nito!” Sa sarili ko lang. Parang kasing nagte-“take advantage” yung nursing student na iyon sa kalagayan ni Tristan. Imbis kasi na magseryoso siya sa ginagawa niya, pangiti-ngiti pa ito kay Tristan at parang close na close sila.


“Oh, teh tapos ka na pala, si Christine nga pala. Siya yung kaibigan kong nursing student sa university na to. Hiningi ko ng favor na gamutin tong sugat ni Tristan” Pagpapakilala ni Nerrisse sa kaibigan niya. Siya pala iyong sinasabi niya kanina sa akin na kaibigan niyang nursing. Todo mukmok pa naman ako kanina noong una ko siyang makita na nakahawak sa aking “boyfriend” este “textmate at classmate” ko lang pala. Pakiramdam ko naman ay nagtatalo ang dalawang side ng isip ko, sabi ng devil side ko “nanantsing yan”, at ang sabi naman ng mabuting side ng isip ko ay “nagmamagandang loob lang naman iyong tao”.


“Krrrriiinggg! Krrrriinnngg!” Tunog ng cellphone ni Christine, natigil naman siya sa pagpapahid ng gamot sa mga suagt ni Tristan.


“Wait lang guys ah?” Pagpapaalam ni Christine upang sagutin ang tawag.


“Okay” Tugon ni Nerrisse.


Tahimik.


“Uy teh” Tawag ni Nerrisse kay Tristan sabay kalabit sa may braso nito.


“Huh?” Nagtatakang tanong ni Tristan. Sa aking palagay ay naguluhan siya sa pagtawag sa kanya ni Nerrisse ng “Teh”.


“Ahh, ganyan lang ako tumawag, mapababae, lalaki, bakla, tomboy, “teh” o “ateng” ang tawag ko hahaha!” Paliwanag ni Nerrisse.


“Ahh. Ganoon ba? Bakit pala?” Tanong ni Tristan.


“May napansin kasi ako kanina e, parang may itatanong ka sa kaibigan ko.” Sabay tingin sa akin. “Haha, pasensya na ah? Naistorbo ko kayo kanina haha.” Ani ni Nerrisse, lubha naman akong nagulat sa kanyang sinabi. Shit! Ni-recall niya pa iyon?  Patay patayan na to. Ano ba naman to si Nerrisse? Ipapahamak pa ata ako nito.


“Ahh. Oo nga pala, Hmm Colby?” Akmang pagtatanong ni Tristan nang biglang..


“Excuse me guys, may emergency lang kasi. Isasama ko na lang muna si Nerrisse, Hmmm? Colby right?” Pagsingit ni Christina at nagtanong na parang hindi sigurado sa pangalan ko.


“Yes ako nga. Why?” Medyo mataray kong sagot sa kanya.


“Hmmm? Ikaw na lang muna ang bahala dito sa kaibigan natin” Sabay tapik sa balikat ni Tristan. “Ganito lang, ipahid mo lang itong bulak sa parte kung saan siya nagkasugat, wag mong lalagyan ng alcohol kasi nalagyan ko na yan before para ma-disinfect, basta ipahid mo lang tong bulak na may gamot ng dahan dahan.” Turo sa akin ni Christine, nagulat naman ako sa mga katagang lumabas sa kanyang bibig. Kung makapagutos ba naman kasi, pero hinayaan ko na lang, para naman iyon kay Tristan at saka emergency naman ang dahilan niya eh. One more thing, chance na iyan mga ateng.


“Yes! Pagkakataon ko na to!” Sa isip ko lang.


“Oh siya, aalis na kami ni Nerrisse. Kaw na ang bahala kay Tristan ah?” Paggagayak ni Christine.


“Sure” Simpleng sagot ko.


Maya maya ay umalis na din si Nerrisse at Christine. Tumabi naman ako sa gilid ng inuupan ni Tristan.


“Okay ka lang?” Pangangamusta ko sa kanya. Actually, I diverted the topic, mamaya kasi, maalala niya na naman ang tungkol sa tanong niya na hindi matuloy tuloy.


“Ayos lang naman” Simpleng sagot niya. Dinampot ko naman ang bulak na binigay sa akin ni Christina.


Kakaunti ang mga estudyante noon sa cafeteria. Sinimulan ko nang pahiran ng gamot sa bulak ang kanyang mga sugat sa kanyang labi. Una ay hinawakan ko muna ang kanyang makinis at walang katigya-tigayawat na pisngi. Pakiramdam ko naman ay may dumaloy na kuryente sa aking katawan sa paghawak kong iyon sa kanyang mga pisngi. Dahan dahan kong dinampian ng bulak ang kanyang mga pisngi.


“Napaka-gwapo mo talaga Tristan!” Sa sarili ko lang.


Habang nasa ganoon akong pagdadampi ng bulak sa kanya, randam na ramdam ko naman ang init ng kanyang hininga. Feeling ko tuloy ay nahihipnotismo ako, sa angking kakisigan at kagwapuhan niya. Ang mga bilugan ngunit at malalamlam niyang mga mata, matangos na ilong, makakapal na kilay, walang katigya-tigyawat na mukha, at ang kanyang mga labi na kaysarap siilin ng halik. Napaka-gwapo talaga ng Tristan ko, ang napakasarap niyang halikan.


Habang dinadampian ko ng bulak ang kanyang mga labi, tila napako din ang kanyang paningin sa akin. Nagka-ey- to-eye contact kami. Parang sinasabi ng kanyang mga titig na “Mahal kita, maari ba kitang halikan?” at ang tugon naman ng aking mga titig ay “Mahal din kita, at oo naman, maari mo akong halikan.” Feeling ko tuloy ay ang haba haba ng hair ko sa mga oras na iyon. 


Hanggang sa unti-unting naglapit ang mga labi. Wala na akong oras na inaksaya. Siniil ko siya ng halik at tila hindi naman nagpatinag si Tristan. Gumanti din ito at tila nasasarapan sa paglalapat ng aming mga labi. Hindi na namin alintana ang ibang mga estudyanteng marahil ay nakatingin na sa amin sa mga sandaling iyon. Napakainit ng kanyang mga labi. Hindi na rin niya inintindi ang sugat gawa ng pagkakasuntok sa kanya. Napakasarap ng kanyang mga labi at bawat hagod ng aming paghalik ay ibayong sarap ang dinadala sa aming mga katawan.


“ARRAAAYY!” Sigaw ni Tristan.


F*ck! Nag-iimagine lang pala ako. Nakapikit pala akong dinadampian ng bulak ang kanyang mga mata. Para naman akong gago na bumalik sa ulirat sa pagsigaw niyang iyon. Nadiinan ko pala ang pagpapahid ng gamot sa kanyang mga labi. Imbyerna! Ang buong akala ko pa naman ay moment of truth na kung saan makakamtam ko na rin ang isa sa aking mga pangarap, ang mahalikan si Tristan.


Hiyang hiya naman ako sa itsura ko kanina. Nakapikit kasi ako na dinadampian ng aking mga labi, este ng bulak ang labi ni Tristan. Pakiramdam ko tuloy ay napahiya ako sa kanya dahil kung makikita niyo lang ang itsura ko ay mas malala pa sa isang taong nag-“sleepwalk”.


“Sorry, sorry” Nahihiya kong sabi. Narinig ko naman ang mahina niyang hagikgik. Hayss. Wala na, sa aking palagay ang nahuli niya ang espresyon ng mukha ko kanina noong na-imagine ko na hinahalikan ko siya. Sa tingin ko, alam na niya na attracted ako sa kanya, patay na.


“Hey, its 1:45pm. Balik na tayo, may klase pa tayo ng 2pm e.” Pag-gayak ni Tristan sa akin.


“Ahhh, are you sure na okay ka lang? E paano yung tama mo dyan sa may nguso mo? Kaya mo na ba?” Pagaala ko. Girlfriend lang ang peg?


“Aysus, sanay na ako dyan pre. Haha, tigasin ata to!” Sabay flex ng kanyang mga muscles sa aking harap. Natawa at tila kinilig naman ako sa kanyang ginawa.


Dahil sa katangahan na ginawa ko, masasabi kong bistado na ako kay Tristan na attracted ako sa kanya. Ngunit ang tanong, attracted nga lang ba? Ang sagot dyan, ewan. Pero kanina ay nakaramdam ako ng kakaibang selos noong nakita kong nakadampi ang mga kamay ni Christine sa kanyang mga pinsgi at parang nagtatawanan sila. Siguro kung malalaman niya lang, or sabihin na nating kung alam na niya na ako si “Vince” masasabi kong higit lang sa attraction ang nararamdaman ko para sa kanya.


Naalala ko tuloy ang sinabi ng bestfriend kong si Xander noon, isang gabi na nag-overnight kami sa kwarto.


“Bes, may tanong ako.” Pagbasag ko sa katahimikan habang nagpipindot ako ng keyboard ng laptop ko at siya naman ay tinutugtog ang piano na nasa loob ng kwarto ko.


“Ano naman iyon?” Pagtugon niya.


“Hmmm? Paano mo ba malalaman kung attracted sayo ang isang tao?” Pagtanong ko sa kanya.


“Bakit mo naman naitanong yan Bes? May minanmanan ka ba na palagay mo attracted sa iyo?” Usisa ni Xander.


“Wala naman ahaha! May ma i-topic lang.”


“Huh? At bakit mo naman sa akin tinatanong iyan?”


“Tinatanong pa ba yan? E halos nga lahat ng babae sa campus natin kuhang kuha mo ang simpatya eh, malamang sanay ka na!” Diretsahan kong sagot sa kanya.


“Haha! Hmmm. Madali lang naman malaman iyan bes, una, sa mga titig pa lang iyan, kung sa tingin mo ay mistulang heaven na heaven siya sa pagtitig sa iyo, attracted sa iyo. Sa mga galaw, kapag dikit ng dikit sa iyo ang isang tao pero kapag nagkausap na naman kayo uutal-utal ito. Haha, minsan nga may isa akong, sige sabihin na nating “fan” ko, wala namang masama kung ganoon ko siya tawagin kasi siya naman ang nag-insist sa akin na fan ko siya. Kumakaen ako noon magisa sa cafeteria, iyon yung time na lumaban ka ng poetry quiz kaya ako lang ang magisa at walang kasabay. Biglang tumabi sa aking iyong babae, nakaramdam ako ng pagka-ilang siyempre. Tinitigan niya ako, yung sinasabi ko nga na mga titig na mistulang heaven na heaven, tapos maya maya ay napansin ko siyang pumipikit. Tawang tawa na ako nun bes, pinipigilan ko lang haha” Kwento ni Xander, sabay pigil ng kanyang tawa. “Hahaha, laughtrip nga iyong reaksyon niya noong bumalik siya sa ulirat eh, hahaha! Sorry ng sorry, e hindi naman kasalanan iyong ginawa niya, ako naman nagpipigil ng tawa dahil sa nakita kong pag i-imagine niya.” Dagdag pa niya.


“Ang sama naman hahaha! Bakit mo pinagtatawanan? Haha!”


“Hahaha! Hindi ko naman intension iyon eh, pero nung pumipikit kasi siya nakita kong medyo tumutulis iyong nguso niya eh, hahaha para bang nag re-request ng isang halik hahaha! Laughtrip bes! Ganoon pala kapag attracted ka o inlove ka sa isang tao, kung makapag-imagine, wagas hahaha!” Natatawa niyang kwento.


“Hahaha!” Tawanan kaming dalawa sa kwento niya.


At ngayon, tila na a-apply ko naman ang sitwasyong ng babaeng iyon sa sitwasyon ko. Sa palagay ko ay nagkaroon ng parallelism ang sitwasyon na kinalalagyan ko sa sitwasyon nung fan ni Xander. Maihahantulad ko din si ang nararamdaman noon ni Xander sa nararamdaman ngayon ni Tristan. Kung paano natatawa si Xander noong mga panahon na magkasama kami, marahil ay ganoon din ang pagtawag ngayon ni Tristan sa nasaksihan niya sa akin kanina.


Lumipas ang buong araw, alas-singko na ng hapon ng matapos ang huli naming subject para sa araw na iyon. Sumakay ako ng bus pauwi. Magka-iba pala ang daan na tatahakin namin ni Nerrisse dahil sasama pa ito sa kanyang kaibigan na si Christine upang mag-mall.


Habang nasa bus ako ay hindi ko maiwasan ang magisip ng mga bagay bagay na nangyari kanina. Hindi ko din sukat akalain na ang dami palang nangyaring  “hindi maganda” sa araw na ito. Pangyayaring hindi magaganda tulad nang nangyaring kahihiyan sa akin. Sa palagay ko tuloy ay napakaraming beses ko napahiya sa araw na iyon, sa simula pa lamang ng tanungin ako ni Tristan kung ako daw ba iyong lalaking nag-exhibition sa labas ng university noong kuhaan ng schedule. Pangalawa, ay ang ilang ulit na pag-vibrate ng cellphone ko dahil sa mga text messages niya. Pangatlo, ay ang pangliliit sa akin ng lalaking nakatapon ng chocolate shake sa akin. At ang pinakanakakahiya, ay ang pag i-imagine ko na hinahalikan ko si Tristan kung saan natawa siya dahil nahuli niya akong pipikit pikit. Hindi na ako nagtataka pa, dahil sa kalandian ko ay sa tingin ko huli na ako ni Tristan na attracted ako sa kanya.


Habang nagmumuni muni ako sa bus ay naramdaman ko ang vibration ng cellphone ko.


“Pahamak kang vibration ka! Mabago nga ang settings.” Sa sarili ko lang, kaya ang ginawa ko, imbis na vibration ay nilagyan ko na ilang ito ng mahinang ring tone at message alert tone.


Tristan: Uy!? Kamusta araw natin love? Hihi : )


Halos lagpas tenga naman ang ngiti ko sa nabasang text message niya.


Ako: Okay lang naman love. Hehe Ikaw kamusta?


Tristan: Okay lang din, eto may sugat yung labi.


Ako: Huh? Bakit? Anyare?


Kunwaring pagaalala ko. Syempre, kung hindi ako magpapakita ng pag-aalala sa kanya baka magtaka siya na alam ko. Ngayon pang, nagtataka siya dahil sa Colby Rivera na nasa harapan niya kanina at ang Colby Rivera na pakilala kong pinsan ko.


Tristan: Napa-away, Hmmmpp, bastos naman kasi iyong lalaki kanina e, tinapunan iyong kaibigan ko nang chocolate shake.


Nakaramdam naman ako ng kilig sa mga text niya.


Ako: Talaga? Oh kamusta ka naman ngayon? Okay ka na ba love?


Tristan: Okay na ako love. Hehe.


Hanggang sa makarating ako ng bahay namin ay nanatili kaming magkatext ni Tristan. Paguwi ko naman ng bahay ay halos nagkalat ang mga unan ko dahil sa sobrang kilig ay pinaghahagis ko ito. Naalala ko pa rin ang mga ginawa niya kanina, ang pagtatangol niya sa akin sa lalaking iyon. Sobra naman ang kilig ko pag-alala ng mga nangyari kanina, kahit na napahiya ako sa kanya at sa mga tao kanina ay hindi ko na naisip dahil sa sobrang kilig ko.


Lumipas pa ang mga araw at linggo, naging mas close kami ni Tristan sa text bilang ako si “Vince”. Sa school naman ay sa amin siya nila Nerrisse paminsan sumasama paminsan dahil hindi niya pa masyadong close ang mga lalaking classmates na amin. Ngunit, pa-minsan minsan ay sumasama din siya sa mga classmates naming lalaki upang makipaglaro ng mga online games. Si Nerrisse naman ay naging kaibigan ko na kasa-kasama ko talaga araw araw. May mga classmates kami na naiinis ng bahagya sa pinapakita niyang prankang paguugali pero marami naman ang humahanga sa kanya dahil sa pagiging totoong tao niya. Si Christine naman, ang kaibigan ni Nerrisse na pinagselosan ko dati, naging kaibigan ko rin siya at minsan ay nagbobonding din kaming tatlo nila Nerrisse.


Sa school, naging maganda naman ang performance ko sa unang buwan. Syempre, inspired at marahil ay alam niyo na kung kanino haha!


Sa amin ni Tristan, bilang magkatext ay parang lalong naging malalim ang pagtitinginan namin. Pinanindigan na namin ang tawagan na “love” kahit na sabihin kong MU pa lang estado n gaming relasyon. Iyon bang magkaibigan lang kami ngunit sweet sa isa’t isa, nagpapalitan ng “I LOVE YOU”, ngunit nagseselosan paminsan, lalo na kapag tinatawagan ko siya at busy ang phone niya paminsan. Sa ngayon, masasabi kong “INLOVE” na ako sa kanya.


Sa personal naman, magkaibigan kami ni Tristan. Oo nga at inlove ako sa kanya ngunit hanggang doon na lang siguro iyon : (, hindi niya naman alam na akong textmate niya na nakakaselosan niya at nakakapalitan ng “I LOVE YOU”, kung alam niya lang sana e di kuntento na ako. Haist.


Ngunit ang Mutual Understanding na inaakala ko ay isa palang malaking pagkakamali. Minsan ay may napansin ako sa isang GM ni Tristan matapos hindi ko masagot ang tawag niya gawa ng sobrang busy ko sa mga school works.


Tristan:

Good Evening guys, good sa inyo, sa akin hindi : (
Yung isa kasi dyan eh, ayaw sumagot ng tawag.

Text tayo habang di pa masyadong busy.


-gm
#Inlove? <3
#VR.


VR mean Vince Rivera? Hindi naman ako maaring magkamali e. Ako lang naman kasi ang ang katawagan niya at katextmate niya na sweet at may mutual understanding. Sa aking parte, kinilig ako, ngunit, napaisip ako ng malalim. Unang una sa lahat, isang malaking kalokohan si Vince Rivera dahil ang katextmate niya ay si JAKE COLBY RIVERA. Pangalawa, hindi ko naman kilala ang taong ginamit ko bilang profile picture sa dummy account na ginagamit ko at pakilala ko sa kanya. Pangatlo, ano na lang kaya ang magiging reaksyon niya kung ang Vince Rivera na si Jake Colby Rivera ay nasa harap niya at halos araw araw niyang nakikita. Haissst. Maloloka na ako sa kakaisip mga ateng!


Akala ko ay hanggang paramdaman lang siya, hanggang sa isang gabi ay tumawag siya sa akin.


“Hello?” Pagbubungad ko sa kanya.


“Oh kamusta?” Pangangamusta ni Tristan.


“Uhummm.. Eto okay lang naman, kakatapos lang kumain, ikaw love?”


“Hmmmm.. Kakatapos lang din kumain, eto nagtatype ng story analysis ko hehe..”


“Hmmmm? Nakakaistorbo ba ako love?” Tanong ko.


“Hindi naman, mahal ko ata ang tumatawag, ayiie..” Kinilig naman ako sa sinabi niyang iyon. Napangiti ako.


“Hahaha! Ikaw talaga love”


Pandaliang katahimikan.


“Hmmm Love? May tatanong pala ako sa iyo love?” Pagbasag niya sa katahimikan.


“Ano naman iyon?”


“Hmmmm.. Hindi pa ba tayo mag-eyeball?” Nagulat naman ako sa tanong niya. Ang akala ko kasi ay okay na siya sa gantong sitwasyon, ngunit sa tono ng pananalita niya ay tila sincere siya sa kanyang sinabi na gusto niyang makipag-eyeball dahil gusto niyang magkaruon kami ng mas malalim na pagsasama, higit pa sa mutual understanding.


“Hmmm. Sorry talaga, sobrang busy din kasi dito eh..” Pagpapaumanhin ko. Natahimik siya. “Bakit mo naman naitanong ulit yan?” Usisa ko.


“Syempre, gusto na kitang makita, hehe! Hmmm? Masaya kasi ako kapag magkatext at nagtatawagan tayo e. Parang hindi ako magkanda-ugaga sa pagpipindot ng cp ko kapag ikaw yung katext.. Siyempre, gusto kita makilala sa personal, hindi ba mas magiging masaya ako kung ganoon, maging ikaw…” Sobra ang ngiti ko sa mga sinabi niyang iyon. Nakakakilig kaya! “So, are you available this coming semestral break?” Nagulat naman ako sa pagyayaya niyang iyon. Seryoso ba siya?


“Hmmmm? Sige” Medyo cold kong tugon sa kanya sabay bitaw ng isang malalim na buntong hininga.


Haiiisstt. Paano na kaya ito? Napangakuan ko siya na makikipag-meet ako sa kanya this coming semestral break. Sino ang i-front ko sa kanya? Ni hindi ko nga kilala kung sino iyong ginamit kong profile picture sa dummy account ko sa facebook e. Sasabihin ko kaya ang totoo? E ano naman kaya ang maaring maging reaksyon niya kapag nalaman niya na ang textmate niya na mahal na mahal niya ay matagal niya na palang na-meet? Bubugbugin niya kaya ako? Rereypin? Sasampalin? Sasabunutan? E mukhang Malabo naman na matangap niya pa ako sa patawarin sa ginawa ko.


Buong gabi ko inisip ang mga bagay na iyon. Ang hirap mga ateng! Hindi ko na alam kung ano ba tong kalokohang pinasok ko. Naisip ko tuloy, oo kung itatago at itatago ko nga, lalabas at lalabas din naman ang totoo. Ngunit hindi pa kasi ako handa, oo nga at mahal ko na siya, pero nagkakasya ako sa sitwasyon na hanggang “text” lang o sige isama na natin ang “call” dahil eto nga ako, wala naman akong self confidence para iharap ang sarili ko sa kanya. Idagdag pa ang kalokohan na pinaggagawa ko. Paano kaya kung malaman niya ang buong katotohanan? Haissst..


Kinabukasan, sabado at mayroon kaming dalawang subject. Pagkarating na pagkarating ko ng classroom para sa unang subject ay hinahanap ko agad si Nerrisse. Parang gusto ko nang sabihin sa kanya ang lahat upang kahit papano ay mabawasan ang mga iniisip ko at syempre kailangan ko din naman ng advice from a friend especially sa napagulong sitwasyon na pinasok ko. Ngunit, hindi ko makita si Nerrisse sa umagang iyon. Tinext ko siya gamit ang isang number ko, ang isa kasi ay kasing number ay hindi ko nilalabas dahil kay Tristan, mahirap na, at baka mahuli. Exclusively ko lang iyon ginagamit upang maitext si Tristan. Absent pala si Nerrisse ng araw na iyon dahil may inasakiso daw ito para sa kanyang in a-applyan na scholarship.


Natapos ang klase, naglalakad ako kasama ang iba naming mga kaklase habang nagaasaran at nagibiruan habang tinatahak ang hagdan ng university nang biglang…


“Uy, wait lang!!” Tawag ng isang lalaki galing sa likuran naming. Si Tristan pala. “Colby!” Tawag niya sa akin.


“Uy? Bakit po?” Magiliw na tanong ko sa kanya.


“Hmmm? Diba magbu-bus ka pauwi? Sabay na tayo? Wala akong makasabay e, may pupuntahan akong kamaganak malapit sa inyo..”


“Ah.. Okay sige, tara na Tristan.” Yaya ko sa kanya.


“Ayyyiiieeee…” Biro ng mga classmate ko sa akin. Tawanan naman ang lahat. Pati si Tristan ay natawa na rin sa biro ng mga classmate ko, pero syempre ako, may halong kilig din.


Nakaalis na ang mga classmate ko at naiwan kaming dalawa ni Tristan sa may first floor ng university. May iniintay din daw kasi siyang classmate dati dahil may ibibigay siya dito. Naupo kami sandali sa may bench doon. Maya maya ay nakaramdam ako ng pagka-ihi kaya naman nagpaalam ako sa kanya.


“Tol, pabantay muna ng bag ko ah? Ji-jingle lang ako saglit, haha!” Pagpapaalam ko sa kanya.


“Hmmm? Okay sige, may tatawagan lang din akong importante. Intayin kita dito.” Tugon niya, hindi ko na nakuha pang sumagot dahil masakit na ang pantog ko sa sobrang pagka-ihi.


Hindi pa ako nakakalayo ng biglang..


Just shoot for the stars
If it feels right
Then aim for my heart
If you feel like” Tugtog ng isang pamilyar na tunog. Shit! Ringtone ko iyon ah?


Kinapa ko ang bulsa ko, wala pala doon ang cellphone ko!

Lumingon ako patalikod at nanlaki ang mata ko sa nakita. Ang bag ko na nakabukas ng bahagya kung saan nang-gagaling ang tugtog na “moves like jagger”. Kitang kita ko rin si Tristan na ang phone ay nasa tenga nito at tila may tinatawagan.





- I T U T U L O Y 

3 comments:

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails