Sa lahat ng readers at followers ng blog na ito, ako po sana ay may konting favor sa inyo. At sana pagbigyan nyo po ako dito.
Kasali po ang ating minamahal na writer na si MICHAEL JUHA, sa dinadaos na PEBA (Pinoy Expat Blog Awards), kaya gusto ko po sana hingiin ang inyong supporta. Si MICHAEL JUHA po ang may akda ng "Ang Kuya Kong Crush ng Bayan", at maraming pang storya na ating minahal at sinubaybayan. Sana po ay supportahan natin sya. I will give out instructions kung pano nyo po kami matutulungan. :)
Una, BASAHIN AT MAGCOMMENT: (This is a great story indeed! MUST READ!!)
PEBA ENTRY - PANTALAN
http://michaelsshadesofblue.bl
Pangalawa, ILIKE ang PAGE:
PEBA FB PAGE
http://www.facebook.com/PEBAWA
Pangatlo, paki LIKE and COMMENT sa PIC:
PEBA PIC ENTRY
http://www.facebook.com/photo.
Pang-apat, BUMOTO sa POLL: (#24 Entry. Michael's Shades of Blue.)
POLL VOTING
Sana po ay pagbigyan nyo ang aking munting hiling. Ito po ay pakiusap ko sa inyo. Na sana ay pagbigyan nyo din po. Maraming salamat po. :)
By: mikejuha
email: getmybox@hotmail.com
fb: getmybox@yahoo.com
--------------------------------
Fifteen years old lang ako, third year high school noong dinapuan ng isang karamdaman ang aking cornea. Unti-unting nag-blurred ang aking paningign at ang sabi ng mga duktor, tuluyang mabubulag daw ako within two months kapag hindi naagapan ng transplant ang aking mga cornea.
Ang problema, walang perang pantustos ang aking mga magulang sa transplant at kung mayroon man, mahirap din daw maghanap ng donor. Wala kasing maayos na trabaho ang aking itay at ang inay naman ay naglalako lamang ng kakainin.
Sobrang hirap ang aking nadarama, hindi lang sa nangyari sa akin kundi sa nakikitang hirap na naramdaman din ng aking mga magulang. Kaya napagdesisyunan kong umalis na lang sa amin at tutungo sa isang probinsya kung saan nandoon ang aking tiyuhing pari. Doon ipagpatuloy ko ang aking pag-aaral hanggang sa makahanap ang tiyuhin ko ng sponsor at donor ng cornea. At sana ay may mahanap siya dahil kung hindi, guguho ang lahat ng aking mga pangarap. Masakit man, pumayag na rin ang mga magulang ko.
Tanghali, habang naglalakbay ang barko na aming sinasakyan patungo sa probinsiya. Naisipan kong mag-ikot, maghanap ng isang magandang puwesto upang magmuni-muni.
Nong makahanap ako ng lugar na halos walang tao, doon ako tumambay. Pinagmasdan ko ang magagandang tanawin – ang dagat, ang maliliit na isla na aming nadadaanan at ang mga berdeng kahoy sa mga isla na iyon na tila masasayang sumasayaw sa bawat hampas ng ihip ng hangin.
Binitiwan ko ang malalim na buntong hininga, sumagi sa isip na marahil ay iyon na ang huling sandali na masisilayan ko ang ganoon kagandang paligid. Hindi ko namalayang tumulo na pala ang mga luha ko. Sobrang hirap ng aking kalooban. Pakiramdam ko ay wala na akong pag-asa. Parang nawalan ako ng ganang mabuhay pa.
Nasa ganoon akong katinding pagkahabag sa sarili noong naramdaman ko ang malakas na udyok na wakasan na lang ang paghihirap ng kalooban.
Isinampa ko na ang aking isang paa sa barandilya at handa nang tumalon noong sa di kalayuan ay may sumigaw, “Tol… huwag mong gawin iyan! Masama iyan!”
Parang naumpog ang aking ulo sa malaking bato sa pagkarinig ko sa kanyang boses at biglang nanumbalik sa tamang katinuan ang aking isip.
Bigla akong napalingon sa pinagmulan ng boses. Isang binatilyong kasing-edad ko lamang, maputi at med’yo payat ang pangangatawan. Nagmadali siyang lumapit sa akin. “Bakit ka tatalon?”
Hindi ako nakasagot sa tanong niya. At ewan ko rin ba, naalimpungatan ko na lang ang sariling napahagulgol. Iyon bang feeling na nakahanap ka ng kakampi. At ikinuwento ko sa kanya ang lahat.
“Alam mo tol… sabi nila, lahat daw ng bagay sa mundo ay may dahilan…” sabi niya.
“Iyan nga ang mahirap kasi hindi ko alam kung ano ang dahilan bakit ako binigyan ng ganitong karamdaman eh. Bakit ako pa?” Sagot ko naman.
Hindi siya nakasagot agad. “Sabi ng itay sa akin… hindi daw mahalaga kung alam natin o hindi ang dahilan tol kung bakit tayo may karamdaman o nasa mahirap na kalagayan. Kasi, napakalaki ng kaalaman ng taong gumawa ng buhay upang maintindihan natin ang kanyang mga plano sa mundo. Ang mahalaga lang daw ay ginawa natin ang lahat upang ma-enjoy ang buhay at gamitin ito upang makatulong sa kapawa, dahil ang buhay daw ay parang eskuwela. Kapag natapos mo na ito, may marka ka. May pasado, may cum laude, magna cum summa, summa cum laude. Ngunit… may bagsak din.”
Napangiti naman ako sa sinabi niyang bagsak. Parang ang gaan ng loob ko sa kanya. “Paano iyong mga bagsak? Babalik uli sila sa buhay?”
Natawa siya. “Baka sa impyerno ang bagsak nila” sagot niya. “Ikaw, gusto mo bang maging bagsak?” dugtong niya.
“Ewan…” ang sagot ko na lang. Di ko pa kasi matanggap ang sakit na naramdaman dahil sa aking kalagayan. At parang wala na rin akong pakialam pa sa buhay.
“Basta ako tol… gusto kong pumasa, kahit cum laude lang masaya na ako. Tama kasi ang sinabi ng itay; maiksi man o mahaba ang buhay basta i-enjoy ang bawat sandali na nabubuhay ka at gawing makabuluhan ito, kahit sa maliliit na paraan. Dahil kapag kahit napangiti mo lang ang isang tao, nakakapagdulot din ito ng saya sa puso mo.”
“E… ako, mabubulag na. Paano ako makakapagdulot ng saya sa ibang tao kung sarili ko ay hindi ko mapasaya? Paano ako magkaroon ng saya sa puso?”
“Heto ang isipin mo, paano kung natuloy ka sa pagtalon d’yan” turo niya sa dagat “at namatay ka? E, di nalungkot ang mga taong nagmamahal sa iyo? Ang iyong itay at inay? Ang iyong mga kaibigan? Hindi mo ba naisip kung ano ang kanilang maramdaman? Wala ka bang pakialam kung magdusa sila sa iyong pagkawala ng wala sa oras?”
Hindi ako nakaimik. Tama din naman ang sinabi niya. Para tuloy lumabas na makasarili ako.
“Ako nga pala si Ariel… ikaw?” ang paglihis niya sa usapan sabay abot ng kamay sa akin.
“Noel…”
Inaamin ko, may sayang dulot ang pagiging magkaibigan ni Ariel. Pakiramdam ko ay pansamantalang nalimutan ko ang aking problema. Masarap kasi siyang kausap at ni sa porma at sa pagsasalita niya ay wala kang makitang ni kaunting pag-alala sa buhay. Parang wala siyang problema. Nakaka-inspire. “Siguro… perpekto ang buhay niya” sa isip ko lang.
“Sa may central park, sa pinakagilid nito, malapit sa seawall mismo ay may malaking kahoy na ang puno ay hindi kayang yakapin kahit limang tao. May hagdanan ito patungo sa itaas, sa tree house. Kaunti lang ang umaakyat dahil sabi nila ay may multo daw. Ngunit hindi ako naniniwala dito. At ito ang paborito kong puntahan. Lalo na kapag Linggo, pagkatapos kong magsimba. Malapit lang kasi siya sa simbahan. Presko ang hangin at kapag dumungaw ka sa terrace ng tree house, napakaganda ng tanawin… Dalawin mo ito minsan, magkita tayo doon. Ala-una ng hapon hindi ako pumapalya kada Linggo. Kita tayo doon ha?
“S-sige…” ang sagot ko na lang bagamat parang wala lang sa akin ito. Hindi ko kasi alam kung hanggang kailan lang ako makakita.
Maya-maya, pinarinig niya sa akin ang kantang paborito daw niya –
Lately I’ve been winning battles left and right
But even winners can get wounded in the fight
People say that I’m amazing
I’m strong beyond my years
But they don’t see inside of me
I’m hiding all the tears
Chorus:
They don’t know that I come running home when I fall down
They don’t know who picks me up when no one is around
I drop my sword and cry for just a while
(Look up for His smile)
‘Coz deep inside this armor
The warrior is a child (Aahhh)
Unafraid because His arrow is the best
But even soldiers need a quiet place to rest
People say that I’m amazing
I never face retreat, oh no
But they don’t see the enemies
That lay me at His feet
Chorus:
They don’t know that I come running home when I fall down
They don’t know who picks me up when no one is around
I drop my sword and cry for just a while
(Look up for His smile)
‘Coz deep inside this armor
The warrior is a child (Aahhh)
They don’t know that I come running home when I fall down
They don’t know who picks me up when no one is around
I drop my sword and cry for just a while
(Look up for His smile)
‘Coz deep inside this armor
The warrior is a child (Aahhh)
“Maganda no?” tanong niya.
May pag-aalangan sa aking isip na sagutin siya ng “Oo”. Kasi, hindi ko maintindihan ang ibig sabihin. Ngunit sinagot ko pa rin siya ng “O-oo.”
“Ano bang pamagat niyan?”
“The warrior is a child?”
“Anong ibig sabihin niyan?”
“Tungkol iyan sa isang taong matapang na parang isang warrior, sa buhay nga lang. Bagamat madami na siyang naipanalong laban, may mga panahon din na umiiyak siya, hindi alam ng lahat. Ngunit patuloy pa rin siyang nagpakatatag, sinusuong ang mga pagsubok at hamon sa buhay dahil alam niya, may isang taong nasa taas na nasasandalan niya.”
Alam ko religious ang kantang iyon. At sa kalagayan ko, parang nawalan na ako ng tiwala pa sa nasa taas. “S-sino naman ang tinutokoy na warrior?” ang naitanong ko na lang.
Hindi siya sumagot. Maya-maya, “Lahat tayo ay warrior. Nakikipaglaban sa mga hamon at pagsubok sa buhay… nagpapakita ng tapang sa kabila ng ating patagong pag-iyak. Kaya ikaw, huwag kang gu-mive up sa buhay. Puwede kang umiyak ngunit dapat ay lumaban ka.”
Namangha ako sa kanyang mga binitiwang salita. Malalim ang mga ito para sa isang kagaya niyang kasing edad ko lang. “Pero bakit ba kailangan nating makikipaglaban? Bakit kailangang magkasakit ang mga tao, may maghirap…?”
Ngumiti siya. “Di ba sabi ko, hindi naman natin kailangang malaman ang dahilan. Basta isipin na lang natin na may dahilan ang lahat…”
Hindi na ako umimik. Ayaw ko kasing makipagdebate. At hindi ko rin maintindihan kung bakit iyan ang paborito niyang kanta.
Gusto mo, theme song natin iyan?” tanong niya.
Natawa naman ako. Kasi una, parang ang bago-bago pa naming magkakilala pero may theme song na agad. Pangalawa, hindi ko talaga masyadong naappreciate ang kantang napili niya para gawing theme song namin.
Ngunit sa kabilang banda, may tuwa din akong nadarama. Ibig sabihin, feeling close na talaga kami. “S-sige ba.” Ang sagot ko na lang.
At binitiwan niya ang isang ngiting pilit. Parang may lungkot akong napansin sa kanyang mga mata.
Iyon ang natandaan ko sa aming di inaasahang tagpo ni Ariel. Hanggang sa hindi namin namalayang dumaong na pala ang barko sa pier.
“Tol… mauna na ako. Hinahanap na ako ng inay!” ang sambit niya at dali-daling tumakbo.”
“Tol…!” ang sigaw ko, nabigla sa bilis ng kanyang pagpapaalam. Gusto ko pa sana kasing itanong kung saan siya nakatira. Nguit bigla siyang nawala sa gitna ng mga nagsiksikang tao sa loob ng barko na naghahanda na rin sa pag disembark.
Laking panghihinayang ko dahil hindi man lang ako nakapagpasalamat sa kanya. Kung hindi sa kanya ay maaring nalunod na ako at nawala na sa mundong ito.
Dali-dali akong bumalik sa aming pwesto. HInahanap na rin pala ako ng aking ina na nakahanda nang lumabas ng barko at nag-alala na sa akin.
Pinilit ko pang hanapin si Ariel sa mga taong nakipila sa paglabas. Ngunit bigo ako. Hanggang sa nakalabas na ang lahat ng pasahero at wala ni anino ni Ariel ang nakita ko. Umalis kami ng pier na puno ng lungkot ang aking puso.
Naka-dalawang linggo din ako sa parish at pansamantalang naiwaglit ko sa isipan si Ariel dahil ang palaging sumisiksik sa isipan ko ay ang hirap na dinaranas. Lalo na’t ramdam ko ang lalo pang paglabo ng aking paningin sa bawat araw.
Isang araw, biglang sumagi sa aking isip si Ariel. Parang bumalik-balik ang aming maiksing pagku-kwentuhan sa barko at ang kanyang mga sinabi. At naalala ko ang tree house. “Tamang-tama, araw ng Linggo ngayon, baka nandoon siya!” sigaw ng isip ko.
Malapit lang sa tinutuluyan ko ang central plaza. Nilalakad ko lang ito at nakita ko nga ang sinabi niyang malaking puno sa gilid mismo ng sea wall.
“Ang laki ng puno!” sigaw ng isip ko. Sobrang taba kasi nito at matayog pa. At ang ganda ng porma ng mga sanga. Mistula itong mga braso na nakaunat at may sinasalo na kung ano galing sa langit. At nakita ko nga ang tree-house sa itaas nito. At may kalakihan din.
Dali-dali kong hinanap ang hagdanan patungo sa itaas at noong makita, umakyat ako, dala ang sobrang excitement na baka nandoon si Ariel.
Ngunit bigo ako dahil bagamat may iilang tao sa tree-house, hindi isa sa kanila si Ariel.
“Tama nga si Ariel. Napakaganda ng lugar na ito!” sigaw ko sa sarili noong dumungaw ako sa terrace. Ngunit noong sumagi sa isip si Ariel, napa-buntong-hininga naman ako ng malalim. “Nasaan na kaya siya…?”
Bababa na sana ako noong mula sa aking likuran ay may isang boses ng batang tumawag sa aking pangalan. “K-kuya Noel? Kayo po ba si N-Noel?”
Nilingon ko ang pinagmulan ng boses at nakita ko ang isang batang nasa may 10 taong gulang. “Ako nga… bakit mo ako kilala?”
“Sabi kasi sa akin ni Kuya Ariel na matangkad daw kayo, mahaba ang buhok at may malaking nunal sa pisngi. Kayo nga po!”
Excited naman ako sa narinig na sinabi ng bata. “K-kilala mo si Ariel? N-nasaan siya? Ano ka niya? At bakit hindi siya nakapunta dito?” ang sunod-sunod kong tanong.
“Pamangkin po niya ako. Gustong-gusto po niyang pumunta dito, kaso…” hindi na naituloy ng bata ang sasbihin. “Puntahan na lang po natin ang bahay ng Tito Ariel para po malaman ninyo ang nangyari. Iyan po ang bilin niya sa akin, samahan ko daw po kayo sa bahay nila. Inaabangan po talaga kita dito e.” dugtong ng bata.
“G-ganoon ba?” ang naisagot ko, nababalot ng pagtataka ang isip.
Isang sakayan ng tricyle lang ang layo ng bahay nina Ariel sa central plaza kaya agad naming narating ito. Excited na excited ako na makita muli siya at makausap.
Ngunit laking pagkagulat ko noong sa kanilang maliit na bahay ay may nakaburol.
Sinalubong ako ng ina ni Ariel. Umiiyak. “Mabuti at dumating ka, Noel. Noong nakaraang linggo ka pa hinahanap ni Ariel! Hayan siya, hindi mo na naabutang buhay.”
Pakiramdam ko ay may pumutok na malakas na bomba sa aking harapan. “B-bakit po? Ano po ba ang nngyari?” tanong ko.
“H-heto, gumawa siya ng liham para sa iyo. Ibigay ko daw ito kung sakaling mahanap ka namin. Basahin mo na lang para malaman mo ang lahat.” At ibinigay na sa akin ang sulat.
“Dear Tol Noel. Inaasam-asam kong sana ay maabutan mo pa ako ng buhay. Subalit… mukhang hindi na mangyari pa ito. Kung hindi man mapagbigyan na makausap kita, dito na lang sa sulat ko sabihin sa iyo ang lahat. Alam mo, na-miss kita tol… Pasensya na, hindi ko na talaga kayang magpunta sa central park…
Aaminin ko… na noong una tayong nagkita sa loob ng barko, tatalon sana ako sa dagat upang wakasan na ang buhay. May cancer kasi ako tol… galing kami ng inay noon sa duktor ko sa Maynila. Tanggal na ang isa kong kidney noon, at sa pagpapasuri naming iyon, napag-alaman sa resulta ng mga tests nila na kinapitan na rin ng cancer ang aking natitirang kidney at kumalat pa ito sa ibang bahagi ng aking internal organs. Wala nang silbi pa ang gamot o kidney transplant kasi, kalat na siya. Kumbaga, naghintay na lang ako ng kamatayan.
Kaya sa sandaling iyon ay buo na ang isip ko na magpatiwakal. Subalit naudlot ito noong nakita kitang tatalon na sana sa dagat. At ewan ko ba, biglang nangibabaw ang instinct kong pigilan ka. At sa pagpigil ko sa iyo ay para rin akong nahimasmasan at nagising mula sa isang masamang panaginip. Nanumbalik sa isip ko ang mga payo ng itay; na ang buhay ay may katuturan at ang lahat ng mga kaganapan sa mundo ay may dahilan...
Aaminin ko, nahirapan akong intindihin ito. Sino ba ang nakakaalam sa dahilan kung bakit ako magdusa, di ba? Ngunit pinilit ko ang sariling matanggap ang lahat ng maluwag sa aking puso. At naalala kita. Naisip ko na baka ikaw ang dahilan kung bakit kailangan ko pang lumaban hanggang sa aking pinaklahuling hininga…
At marahil ay ikaw nga ang dahilan, tol. Nitong isang araw, nalaman kong may isang mayamang tao na siyang mag-sponsor sana sa pagpagamot sa akin. Nagpatulong kasi ang inay sa isang TV program at nalaman niya ang kaso ko. Natuwa ako, hindi dahil para sa sarili kungdi para sa iyo. Kinausap ko siya na na ikaw na lang ang kanyang tulungan dahil wala namang lunas ang aking karamdaman. At pumayag siya tol. Pumayag na rin akong tanggalin na ang aking mga cornea para sa iyo. At bukas na ito gagawin. Kung kaya heto, sumulat na ako sa iyo ngayon.
Kung magiging tagumpay ang operasyon mo, siguradong makakakita ka na uli. Ok na lang siguro na hindi mo na ako maabutang may hininga pa kasi kung nagkataon, maging bahagi rin naman ako ng iyong buhay.
Alam mo, tama talaga si itay, ang buhay ay may katuturan at ang lahat ng mga kaganapan dito ay may dahilan. May dahilan kung bakit tayo nagkita sa barko. May dahilan kung bakit napigil kita sa paglundag mo sa dagat. At ikaw ang dahilan kung bakit hindi ako natuloy sa pagpatiwakal... at ngayon, alam mo na siguro kung bakit nangyari ang lahat.
Ang hiling ko lang tol, na sana… sa maiksing buhay ko, hindi ako bagsak. Kahit pasado lang sana ang matamong grado ko, happy na ako. Hindi siguro sapat ang mga ginawa ko sa buhay upang matamo ang kahit gradong cum laude man lang (smile).
Basta tol… ingat ka na lang palagi at sana, maging matatag ka sa buhay kagaya ng isang tunay na ‘warrior’. At palaging tandaan, dapat ipakita mo ang iyong tapang. OK lang ang umiyak, ngunit huwag gumive-up at bumitiw sa mga unos ng buhay’. Ang iyong kaibigan. –Ariel –
PS. Kapag dinalaw mo ako sa aking puntod, huwag mong kalimutang ipatugtog ang ating theme song ha? Aasahan ko iyan...“
Hindi ko lubos maisalarawan ang aking labis na naramdamang lungkot at paghanga sa kabutihang ipinamalas ni Ariel. At naalimpungatan ko na lang ang sariling naglupasay at nagsisigaw habang yakap-yakap ang kanyang kabaong, “Toooooooollllllllllll!!!!! Patawad! Hindi ko alam tooooooolllllllllllllllllllllllllllllll!!!”
Sobrang shocked talaga ako sa nangyari at may naramdaman ding matinding pagkahiya sa sarili. Ako na ang dinadaing lang ay ang paningin, parang katapusan na ng mundo ang dating sa akin. Samantalang siya, na buhay ang unti-untign nawala, hindi ko nakitaan ng kahit kaunting pag-alala. Bagkus, nagawa pa niyang tumawa at magbigay ng payo sa akin. Napakatapang niya. “K-kaya pala gusto niya ang kantang ‘The Warrior is a Child’. Siya pala ang warrior sa kantang iyon!” sigaw ng isip ko.
Sa araw mismo ng burol ni Ariel ginanap ang operasyon sa mga mata ko. Kailangan daw kasing madaliang gawin ito. At isang malaking tagumpay ang operasyon.
Noong lubos na gumaling na ang sugat sa aking mga mata, dumalaw ako sa puntod ni Ariel. Noong nasa harap na ng kanyang puntod, pinatugtog ko ang aming kanta.
The Warrior Is a Child – Gary Valenciano Song Lyrics
At habang tumutogtog ang kanta, ibinulong ko naman ang aking mensahe –
“Salamat sa lahat tol… Tama ka, may katuturan ang buhay at may dahilan ang lahat ng bagay sa mundong ito. Ngayon, alam ko na ang dahilan kung bakit mo ako sinagip at hindi ako natuloy sa paglundag sa dagat; dahil ikaw pala ang kasagutan sa aking paghihirap. Alam ko na rin ang dahilan kung bakit hindi ka natuloy sa pagkitil sa iyong sariling buhay; dahil ibigay mo pa pala muna sa akin ang iyong mga mata bago ka lumisan. At alam ko na kung bakit gustong-gusto mo ang kantang iyan; dahil darating din pala ang araw na maintindihan ko ang kahulugan nito at malaman kung sino ang warrior na ipinahiwatig mo sa kanta – ikaw iyon dib a? Dahil sa kabila ng iyong pakikipaglaban sa buhay, nanatili kang matatag at ipinakita ang mukha ng kasiyahang mabuhay. Nagsisisi lang ako dahil sa panahon pala ng iyong lihim na pag-iyak, wala ako sa piling mo. Sana ay nadamayan kita. Sana ay sinabayan na rin kita sa pag-iyak upang kahit sa ganitong paraan, ay maibsan ang iyong paghihirap…
Di bale tol… siguro naman ay payapa ka nad’yan. Ako, heto, tatahakin pa ang mahirap na landas ng buhay. Ngunit huwag kang mag-alala, magpaka-‘warrior’ din ako. Pangakong magiging matatag, matapang, at ipanalo ko ang ano mang laban sa buhay... para sa iyo. At tulad mo, hanggang sa huli kong hininga lalaban ako.
Salamat sa pagbigay mo sa akin ng pagkakataong ma-enjoy at maapreciate ang ganda ng mundo. Salamat sa pagbukas mo sa aking isipan tungkol sa kahalagahan ng buhay. Pangako ko sa iyo, alagaan ko ang mga matang bigay mo, at i-enjoy ko ang buhay. Gagawin ko ang lahat upang maging makabuluhan ang panandalian kong pagtira sa mundong ito… upang sa araw na ako naman ang ga-‘graduate’, maging katulad din ako sa iyo… Di ba ikaw ang nagsabi na ang buhay ay parang eskuwela? At sa panahon ng iyong pagpanaw, para na rin itong isang graduation. Nainggit nga ako sa iyo eh; kasi, nakamit mo ang lahat ng mga medalya sa iyong pag graduate. Hindi ka lang pasado, tol; hero ka pa. Ikaw ang hero ko. Sinagip mo na nga ako sa tangka kong pagtalon sa dagat, at heto ngayon, binigyan mo pa ako ng pangalawang pagkakataong masilayan ang ganda ng mundo. Idol kita talaga; saludong-saludo ako sa iyo…
Paalam tol. Ma-miss din kita...”
Pagkatapos ko siyang kausapin, isinukbit ko sa krus ng kanyang puntod ang ginawa kong malaking sash na ang nakatatak ay: “SUMMA CUM LAUDE”
Wakas.
grabe ka kuya Mike...malamang -malaman talaga...huhu di ko nga lang mabasa ng maayos kasi natatakpan ng kuha mga mata ko...galing mo poh talaga!!
ReplyDeleteanu ba yan kuya mike kararating ko lng ng office pina iyak muna ako, hehehhehe...very nice kuya! kudos to you!
ReplyDeleteInspiring ang kuwento,, naka touch sa ibuturang ng puso. thank you so much angd more power. sana madami ang magsulat ng message at lkapulutang ng aral
ReplyDeletenatouch naman ako sir mike. very nice...
ReplyDelete-Kearse
Mikey
ReplyDeleteAt last.. you write a very, very inspiring story again.
"The moment of enlightenment is when a person's dreams of possibilities become images of probabilities."
Just keep it up ..
andito lang ako
tc :)
Austin Blue
Odiba.. naiyak nnmn ako.. i miss reading stories like this.. ung tipong chicken soup for the soul.. hays.. nice sir mike!! :) KUDOS!!
ReplyDeleteAt siyempre naiyak nnmn ako d2.. kahit maikli ang storya,pero punong puno ng aral s buhay... Job well done nnmn kuya mike... grabe...
ReplyDeletePinaiyak ako ng kwento na ito.Very inspiring.hehehe..May aral din ito na mapupulot. Good Job Author!
ReplyDeletenaiyak ako ng husto dto... nakakainspire... dapat tlga gawin mo lahat ng bagay para magenjoy ka sa buhay para wala kang regrets... xmpre dapat good deeds ang gagawin...
ReplyDeletekeep up the good work kuya mike...
Wow..ang galing. :) Sobrang sarap isipin na may mga ganito pang tao sa mundo.
ReplyDeleteshet.. napahagulgol na naman ako.. bakit pa parati na lang may namamatay??? lol
ReplyDeleteeto yung mga type ko na stories.. yung kahit na 'predictable' yung susunod na mga tagpo eh madadala pa rin yung emotion mo.. akala mo handang-handa ka na at hindi ka maaapektuhan.. pero, yun, sa pagbasa ko pa lang sa sulat ni Ariel, para akong batang namatayan ng pinakamamahal na alagang aso T_T
first tym q mg comment d2.grabe!!!pnaiyak u aq.tgos hanggang buto!!!
ReplyDeletesuper nice kuya mike..
ReplyDeleteKUYAAAAAAAAAAAA!!!! please naman patawanin mo na ako! iyak nlang naabutan ko dito sa blog nyo. :( Pero ho ,grabe ang gaan sa pakiramdam pagkatapos. Sna nabasa to nung dlawang nasangkot sa SM na barilan, di sana natuloy binalak nila. Hope you continue to inspire us more in life! Maraming salamat ho sa mga aral. -Nixon John
ReplyDeletekuya mike ang ganda po na inspired ako.. salamat dito kuya!
ReplyDelete-----john G.
napakaganda kua, as always my napulot na naman aq... mraming salamat kua sa pagbahagi nito^^
ReplyDeleteGBY
binasa ko ito kanina pagkamulat ng aking mga mata habang nakahiga pa sa aking kama...ek ek v1 yung nabasa ko ahe.
ReplyDeletemadalas akala natin tayo na ang may mas malubhang kalagayan, na makaranas lang ng mabigat na pagsubok sumusuko na agad tayo ngunit may iba pa pala na mas malala ang problema kesa sa problema natin.
this has been an eye-opener Sir Mike, thumbs up! simple lang ang kwento...ngunit MALAMAN!
very inspiring..
ReplyDeleteGod bless.. -- Roan ^^,
Grabe!! Sobra akong naiyak! Sobrang maganda ito. It's so inspirational :)
ReplyDeleteWinner!
ReplyDeleteyes!!!! nag-post na ulit si kuya mike!!!!
ReplyDeletegrabe naiyak aq ah grabe so inspirational naisip q narin magpakamatay pero di ko magawa siguro hanggang isip lang kasi wala naman buting idudulot un e...
ReplyDeleteNakarelate aq kahit tapos ko nang basahin kapag naaalala ko tong story naluluha ulit ako me kurot talaga sa puso
Keep inspiring all of us.
Thanks
saludong'saludo din aq xeo kuya mike para sa napakagandang kwentong ito....
ReplyDeleteMillions of teardrops shed :-((
ReplyDeleteI didn't expect na iiyak ako ng gani2..an eye opener!
ReplyDeletesh*t.. naiiyak ako... waahhh!!!!
ReplyDeleteso inspirational talga to!!!!! lam mo kua mike nito q lang nalman tong blog na to!!!!at sulit talaga aq sa mga kwento mo??? salmat sa nagtext skin para dito magbasa ng ganitong kagandng mga story!!!!+639487808215 yan no. q kung naalala pa ng ngtxt skin ng blog na to! thank u so much!!! nadelete q kc digit mo kaya slmat na lang ulit!!!!
ReplyDeleteSalamat po sa Napakagandang Kwentong to....thanks too kasi naiyak ako dahil minsan di ko alam na natatalo n pala ko sa laban ...dito ko muling an realized na madami pa akong dapat paghandaang laban....TUnay pong napakasaya ang magdugtong at magbigay ng buhay lalo n sa mga taong di mo kilala..di mo kaanu anu..kasi dun ko napaptunayang likas at taos puso kong naipapadama ang kalinga na di mapapantayan ng kayamanan...ang pusong nagmamahal at wagas kung dumamay...sadyang napkahiwaga ng lahat ng bagay kaya habang ksama p natin sila iapakita n natin na mahal naitn sila....
ReplyDeleteAng GANDA..Simple pero sobrang makahulugan ng story...
ReplyDeleteAn excellent inspiring story which affect me coincidentally I am losing hope as well but after reading the story it strike me to back in the track of life and pursue until I reach the finish line. Only Him knows when I can finish it...just keep running.
ReplyDeleteAn excellent inspiring story which myself also losing hope but after reading it I realize the people that surrounds and love me so much. Is it coincidence or destiny? Thank you for the awakening. Keep up and God Bless us all...
ReplyDeletehi mike, sobra akong naapektuhan ng story mo, ngayon ko lang nabasa ito at honestly, im a colon cancer victim, nasa stage 3 na ako at alam ko malapit na rin ako makipagkita sa ating Creator, nabigyan mo ako ng hope and inspiration sa story na ito kahit na sobrang lungkot ko na these days parang me sumundot sa puso ko at gumising sa damdamin ko na d pa tapos ang lahat at yung sagot sa tanong ko na bakit ako pa ang nagkaroon ng sakit na ganito, nalaman ko na at nasagot na rin kahit paano. congrats!
ReplyDeleteAnother heartwarming story from you Sir Mike :3
ReplyDeleteAng ganda nya talaga and talagang napakaganda ng lesson ng story na ito
totoo na hindi tayo dapat sumuko sa buhay at may dahilan ang lahat sa mga nangyayari sa atin sa buhay. Hindi man natin lubos maintindihan kung bakit ganito pero for sure may dahilan yan that would bring us to our own happiness :)
again... kudos to you :3
ang sakit.... bawat buhay ay may mga pagsubok na dapat nating tahakin bilang alagad ng diyos dapat tayong magpasalamt sa buhay kung anong meron tayo. Dapat nating labanan ang mga pagsubok. Ika nga habang may buhay may pag asa.
ReplyDeletetotoo ngang sa bawat sakit na ating mararamdaman mayroon tayong bago at makabuluhang matututunan hindi ko alam kung bakit ganun pero "hindi naman mahalaga malaman ang dahilan basta alam mong may dahilan" ^__^
ReplyDeletethis blogsites taught me the value of our life and how hard it may be we still need to enjoy and cherish every moment because we don't know what tomorrow can be??
Sometimes it is a Sad Reality...
That nothing last forever...
-Jasper
Saludo ako sa iyo Sir Mike sa pagbibigay mo ng liwanag sa mga taong nagugulumihanan sa buhay, sa pagpapaalala na maswerte pa ang sinumang mambabasa sa kanyang kalagayan kasi mayroong mas nakakahabag na kalagayan kaysa sa kanya. Salamat at sana ay lalo ka pang makapag-limbag ng mga akdang tulad nito.
ReplyDeletePS. sa pagbasa ko sa mga nilimbag mong mga nobela at short stories, muling naengganyo ako na magsulat muli...sana makapagsulat ako bagaman busy ako sa aking trabaho at pag-aaral.
Lubos na gumagalang,
DR
Waw. Para akong sinaksak sa dibdib. Tagos na tagos. Ang galing. The story felt so real. The emotions. Nakaka overwhelm. Tumulo nlng bigla yung luha ko.
ReplyDeleteTnx for reminding us to keep our faith no matter how difficult our lives could be.
~frostking