Followers

Monday, September 26, 2011

Ang Tutor 6



*********************Sunday 2:00am*************************



Nang dumating si Matthew sa life ng magDaddy ay naramdaman ulit ni Arthur ang matagal na niyang hindi nararamdam since nang niligawan niya noon si Liz. Talagang magulo ang isipan ni Arthur sa kaiisip when unconsciously niyang hinalikan sa cheeks si Matthew at maliwanag pa sa sikat nang araw na Matthew kissed him back at hindi lang kiss but they hugged each other bago siya pumasok sa office.

Alam ni Arthur ang kaniyang sexuality and when he married His late wife Liz ay hindi na niya naramdaman na maAttract sa same sex dahil si Liz ang kaisa-isang tao that completed his life and lalo pang nakumpleto ang buhay niya when Jenny was born. Liz and Jenny became the world of Arthur at mahal na mahal niya talaga ang mga ito.

Malaki ang naging impact sa buhay ni Arthur ang sudden death of Liz at aminado naman itong si Arthur na like his daughter ay nangungulila pa rin talaga siya kahit isang taon na nang mamatay ito. Kahit ano pang pakita niya sa kaniyang daughter and sa ibang tao that he was strong but sa tuwing nag-iisa siya ay hindi niya maiwasang malungkot dahil sa pagkamatay ni Liz. Ang pakiramdam ni Arthur ay talagang may nagkulang at may part siya sa kaniyang pagkatao ang biglang nawala. Gulong-gulo ang isipan ni Arthur dahil hindi talaga niya iniExpect na may slight na something siyang nararamdam kay Matthew. Ang hindi alam ni Arthur ay same din ang nararamdaman ni Matthew at pareho silang bothered that evening doon sa nangyari between them.

Nakatulog si Arthur sa kaniyang study room habang nakaupo siya sa kaniyang Lazy Boy sa kakaisip niya sa nangyari between him and Matthew. 

Naalimpungatan itong si Artur dahil may narinig siyang familiar na boses na tumatawag sa kaniyang name kaya nama'y kahit gusto niyang ituloy ang naudlot niyang sleep ay idinilat niya ang kaniyang mga mata to see who is calling.

"Art! Art! Art! Wake up!" Ang narinig ng naalimpungatang si Arthur na isang familiar voice ng isang babae na makulit na tumatawag na sa kaniyang name.

"Who's there?" ang inaantok at tinatamad na tanong ni Matthew.

"It's me." Ang masayang sagot naman ng boses ng babae. Narinig ni Arthur na nasa harapan niya ang babaeng nagsasalita. Kinurap-kurap muna ni Arthur ang kaniyang mga eyes at saka tinignan niya ung sino ang babaeng nasa harapan niya. Halos mapatalon sa kaniyang kinauupuang Lazy Boy itong si Arthur when he saw kung kanino galing ang voice. 

"Mommy?! Liz?! Is that you?!" Ang shock na tanong ni Arthur sa babaeng nasa harapan niya.

"No, Si Angelina Jollie ito!" Ang sagot naman ng nakaSmile na babae kay Arthur.

"MOMMY! IKAW NGA!" Ang excited and shock na nasambit ni Arthur sa kaniyang asawa, sarcastic and palabiro pa rin itong si Liz. Tumayong bigla itong si Arthur sa kaniyang Lazy Boy para yakapin si Liz dahil miss na miss na niya talaga ito pero natigilan siya nang napansin niya ang suot nito. NakaWhite na Sun Dress si Liz and may something slight glowing na nagmumula sa suot-suot nitong dress.

"Patay ka na di ba?" Ang biglang nasambit bigla ni Arthur sa kay Liz. Biglang natawa ng malakas si Liz sa kaniyang asawa dahil sa hitsura ng pagkaShock ng face nito.

"Hindi ko namang itinatanggi na patay na ako! Bakit? Hindi ba kita pwedeng dalawin sa dream?" Ang witty na sagot naman ni Liz. Tila ba natauhan itong si Arthur at biglang napaupo ulit ito sa kaniyang Lazy Boy.

"Smart Ass ka pa din Mommy." Ang talunang sambit ni Arthur sa kaniyang asawa. Matalas din ang dila kasi nitong si Liz and napakaWitty sa kaniyang pagsagot pag nagtatalo paminsan sila ni Arthur noong nabubuhay pa ito at laging si Arthur ang asar talo kay Liz.

"Panaginip lang pala." Ang nasambit ni Arthur sa kaniyang sarili. Nakahinga siya ng maluwag dahil ang akala niya noong una'y totoo ang lahat then ang sunod na pumasok sa isip niya ay namatay na siya kaya nakita niya ang kaniyang Late wife.

"Yes. This is a dream. I can't help it Art." Ang sabi ni Liz sa hindi pa rin makapaniwalang si Arthur.

"Bakit now lang kita napanaginipan?" Ang biglang tanong ni Arthur kay Liz.

"I'm busy and mahirap ipaliwanag." Ang maikling sagot lang ni Liz. NakaSmile pa din ito.

"I miss you Mommy. Lalo kang gumanda." Ang naiiyak na sambit ni Arthur at tumayo siyang muli para ituloy ang kaniyang naudlot na pagHug kay Liz.

"I know, hindi mo na kailangang sabihin Art. Kaya ako bumisita sa Dream mo eh may dapat tayong pag-usapan." Ang mabilis na sambit ni Liz kay Arthur. Natigilan ulit itong si Arthur sa paglapit niya kay Liz.

"Kahit kailan eh panira ka ng moment Mommy!" Ang sambit ni Arthur kay Liz. Hindi pa din nagbabago ang kaniyang late wife kahit sa kaniyang Dream.

"May sinabi ka kanina before kang makatulog." Ang paCurious na sambit ni Liz kay Arthur. Parang napaAtras si Arthur sa sinabi ng ni Liz. Lumagpas ng one minute ang silence between him and Liz. Nahiya kasi itong si Arthur sa sinabi ni Liz.

"Come on. Tell me Art. Sige na." Ang sweet na pangungulit ni Liz para iSpill-Out ni Arthur ang gumugulo sa isapan nito. Hindi pa din nagsasalita si Arthur. "Makaalis na nga!" Ang sinabi ng nakaSmile na si Liz when Arthur decided to be silent. NagPanic naman si Arthur sa sinabi ni Liz dahil ayaw pa niya itong umalis.

"I'm confused!" Ang pag-amin ni Arthur kay Liz. NapaSmile pang lalo si Liz.

"Ang cute mo talaga Daddy pagnakoCorner ka!" Ang masayang sabi naman ni Liz. Napasimangot lang itong si Arthur. Ito ang isa pang nagustuhan ni Arthur kay Liz. In times na nagkakaroon siya ng problema ay Jolly pa din ang personality ni Liz at nahahawa siyang magLighten up.

"I'm serious Mommy." Ang mahinang sambit ni Arthur. Talagang Dilema niya ang pagkakaroon ng slight feelings for Matthew.

"Kaya naman dinalaw kita sa Dream mo eh." Ang sinabi naman ni Liz kay Arthur dahil kita niya sa face nito ang pagkaProblemado.

"Isa lang ang masasabi ko Art. I married you because of who you are. I don't care if you're a bisexual. Hindi nakasagabal sa relationship and marriage natin and sa pagiging Father mo ang sexuality mo." Ang mahinahong salita ni Liz kay Arthur. Nakikinig lang si Arthur kay Liz. Ipanagpatuloy muli ni Liz ang kaniyang pagsasalita.

"That's who you are Arthur. Kung saan ka liligaya. Kung saan kayo magiging happy ni Jenny. Just be yourself. Kung anong nararamdaman mo, sundin mo. Just like what you did nang niligawan mo ako then nagOut ka sa akin before you propose to me. Ganoon ang gawin mo Arthur. Magpakatotoo ka sa feelings mo and alam kong kakayanin mo yan Daddy." Ang pagtatapos ni Liz. Biglang gumaan ang loob ni Arthur sa sinabi sa kaniya ng kaniyang late wife. NapaSmile itong si Arthur at napaSmile din naman si Liz dahil kitang-kita niya sa expression ng face ni Arthur na para itong nabunutan ng isang malakaing tinik sa dibdib.

"Bagay na bagay kayo ni Katrina!" Ang biglang sinabi ni Liz kay Arthur na ikinasimangot namang bigla nito. Hindi mapigilan nitong si Liz na iGoodtime lagi itong si Arthur dahil pikon nga ito.

"Panira ka talaga Mommy!" Ang natatawang sambit ni Arthur kay Liz. Alam ni Arthur na alam na alam ni Liz ang kaniyang nararamdaman for Matthew. Hindi na ito slight something but naging bigtime na ang kanyang feelings for Matthew sa mga sandaling iyon.

"O pano. Got to go na!" Ang sunod naman na sinabi ni Liz kay Arthur.

"Mommy can you just stay pa for just a while?" Ang pag-lalambing ni Arthur kay Liz.

"Busy sabi ako and any seconds eh you will wake up na." Ang malambing na paliwanag naman ni Liz sa kaniyang asawa.

"Last nalang Mommy." Ang hirit muli ni Arthur. NagSmile nalang si Liz.

"May Heaven ba?" Ang curious na tanong ni Arthur kay Liz.

"Yes. Heaven is real, I'm happy there. Naranasan ko din ang Heaven with you and with Jenny." Ang medyo naiiyak na sinabi ni Liz kay Arthur pero nakaSmile pa din ito.

"Bye Arthur." Ang next na sinabi ni Liz kay Arthur. Biglang nagPanic itong si Arthur dahil hindi pa niya nahaHug itong si Liz. Nagmamadali siyang tumayo't nilapitan itong si Liz but biglang narinig ni Arthur ang tunog ng alarm ng kaniyang phone.

Napabalikwas si Artur sa kaniyang Lazy Boy  kasabay ng kaniyang pagdilat. Inilibot ni Arthur ang kaniyang mga paningin sa buong study room and wala pa ding pinagkaiba ang hitsura ng kaniyang Study Room. Sumandal ulit itong si Arthur sa kaniyang Lazy Boy at tumingin sa portrait ng nakaSmile na si Liz.

"Thanks Mommy." Ang masayang sambit ni Arthur at talagang thankful siya na kahit sa dream ay concern pa din si Liz sa kanila.



*************************7:30am*********************



After na magShower itong si Arthur ay kaagad siyang nagbihis upang kausapin itong si Matthew at talagang gusto niya itong makausap ng masinsinan tungkol nga doon sa nangyari sa kanilang dalawa. Nabasa kasi one time ni Arthur na ang mga unconcious na ginagawa ng mga tao ay ang mga bagay na kanilang itinatago sa kanilang mga sarili. 100% sure si Arthur sa kaniyang nararamdaman at naiisip. Arthur is hoping na pareho lang sila ni Matthew ng nararamdaman. He will take a risk at sasabihin niya ang totoo kay Matthew about himself and his feelings towards him. Just like what he did noon kay Liz.

Paglabas nang room ni Arthur ay sumalubong sa kaniya ang amoy ng kasalukuyang pinipritong Tocino. Kaagad niyang sinundan ang amoy at nang makarating na siya sa Kitchen ay para bang nanlambot ang tuhod niya nang makita niyang nakaupo si Matthew sa kitchen table at matamlay na nagkoCoffee. 

Napalunok itong si Arthur nang mapansin siya ni Matthew na nakatayo sa entrance ng kitchen at tinignan siya nito. Nagdadalawang isip itong si Arthur na kausapin si Matthew. Kitang-kita ni Arthur na naNgangalumata si Matthew at ang medium size na eyebags nito. Hindi kasi nakatulog si Matthew last night dahil sa kakaisip kagabi about sa nangyari nga sa kanila ni Arthur. Magkasabay na nagsalita sina Arthur and Matthew.

"I need to talk to you." Ang sabi ni Matthew.

"May sasabihin ako sa'yo." Ang sabi naman ni Arthur.

Nagkaroon ng ilang seconds na silence between the two of them. Nagpapakiramdaman silang dalawa kung sino ang unang magsasalita hanggang makaAmoy sila ng parang may nasusunog. Kaagad na tumayo itong si Matthew dahil naalala niyang bigla na nagpipirito pala siya ng Tocino for breakfast. Kaagad siyang sinundan ni Arthur. Kasabay nang pagpatay ni Matthew ng gas stove ay hinawakan siya ni Arthur sa kaniyang mga braso't iniharap siya nito. Napapikit na  lamang si Matthew nang lumapat ang lips ni Artur sa kaniyang lips.

After a few seconds ay napahawak na si Matthew sa arms ni Arthur at nagReact na siya sa kisses nito. Hindi na kailangang mag-usap pa sina Arthur and Matthew that time at napagtanto na nila ang kanilang feelings sa bawat isa.

"GOOD MORNING DADDY! GOOD MORNING TITO MATT!" Ang biglang narinig ng dalawa na kanilang ikinagulat at kaagad namang naghiwalay sila sa kanilang pagkiKiss sa bawat isa. 

"Good morning baby!" Ang masayang sambit ni Arthur habang lumapit siya kay Jenny at kaagad siyang niyakap naman ni Jenny. Good mood na good mood itong si Arthur dahil sa nangyari. Kabaligtaran sa biglang naramdaman ni Matthew.

Although overwhelmed si Matthew and happy siya dahil naConfirm niya ang kaniyang feelings for Arthur andnasagot ang malaking katanungan sa kaniyang isipan kung open ba itong si Arthur sa mga katulad niyang Bisexual ay hindi naiwasan nitong si Matthew na mangamba for Jenny. Alam niya ang mga challenges na pwedeng kaharapin ni Jenny and hindi pa din masyadong nakakaRecover sa pagkamatay ng Mommy nito.

"Can I go na?" Ang sinabi ni Matthew kay Arthur. Nagtakang bigla itong si Arthur sa sinabi ni Matthew at saka lang niya napansin ang suot ni Matthew.

"Day Off." Ang maikling sinabi na lang ni Matthew kay Arthur. Hindi makatingin ng straight si Matthew kay Arthur.

"Dito ka nalang magBreakfast." Ang sinagot naman ni Arthur. Gusto talaga niyang kausapin ng masinsinan itong si Matthew.

"May lakad kami ng nanay ko ngayong umaga." Ang pagsisinungaling naman ni Matthew. 

Gusto talaga umalis ni Matthew that time at gulong-gulo ang kaniyang isipan. Tumango na lang si Arthur at agad namang lumabas si Matthew sa Kitchen at baka hindi siya payagan ni Jenny na umalis. Umiling-iling nalang si Arthur sa act ni Matthew at happy siya na nagReact sa kaniya mga kisses ito.

"After breakfast Baby dalhan natin si Mommy ng mga Flowers ha." Ang malambing na sambit ni Arthur kay Jenny para yayain itong pumunta ng Cemetery.

"Sure Dad." Ang masayang pagConfirm naman ni Jenny sabay yakap niya sa kaniyang Daddy.

"Sama natin si tito Matt next time ha?" Ang dagdag pa ni Jenny sa kaniyang Daddy.

"Sure." Ang nakaSmile na answer naman ni Arthur sa kaniyang daughter habang iniaayos na niya ito sa Kitchen table para sa kanilang breakfast.



************************10:30am*******************************



Nabagot si Matthew sa kaniyang kuwarto kaya naman naisipan niyang puntahan ang kaniyang Yaya. Napagod at slight na sumakit ang kaniyang ulo sa kakaisip kay Arthur and Jenny. Happy siya with Arthur pero ang iniisip niya ay ito ngang si Jenny. Para bang napakabilis ng mga nangyari sa kanila or naiImagine lang niya iyon. Kahit ayaw aminin ni Matthew sa kaniyang sarili na tumindi ang feelings niya towards Arthur ay hindi mawala-wala sa kaniya ang pangamba na baka mangyari ulit sa kaniya ang masakit na nangyari between him and his ex. 

"WazzUp Yaya!" Ang masayang bati ni Matthew sa kaniyang Yaya nang makita niyang kasalukuyang nagluluto ito.

"Ay tumawag pala ang Mommy at Daddy mo. Hindi sila makaka-uwi mamayang gabi at naExtend ang kanilang Out Of Town meeting." Ang sinabi ng Yaya ni Matthew sa kaniya. Nagkibit-balikat nalang si Matthew at sanay na sanay na siya sa kaniyang mga Parents.

"Gusto mo akong tulungan?" Ang sunod na sinabi naman ng Yaya ni Matthew sabay ngiti niya sa kaniyang alaga. NagSmile back naman itong si Matthew at agad na tinulunggan naman niya ang kaniyang Yaya. 

Gustuhin mang magAsk ni Matthew kung ano ang magiging opinion ng kaniyang Yaya about his situation ay nagDecide na lamang siya to keep quiet nalang at hindi pa talaga siya ready na magsabi kanino man about his sexuality. 

Napansin naman ng Yaya nitong si Matthew ang pananahimik nito ngayong araw simula ng umuwi ito dahil sa tuwing kasama niya si Matthew ay masaya itong palagi at kinukulit siya. NagDecide din naman ang Yaya ni Matthew to keep silent din at hihintayin nalang niya ang kaniyang alagang lumapit at magsabi sa kaniya kung anuman ang nagpapaBother dito.



*****************************12:30pm**********************



"Wow ha! Magaling pala kayong magluto Sir Matt!" Ang masayang sambit ni Deborah kay Matthew habang kumakain. Sabay-sabay na nagLunch sina Matthew, Ang Yaya nito, Ang dalawang maid nila na sina Deborah at Maricar at ang driver nilang si Dodong. Nakagawian na din ni Matthew na sumabay sa pagkain sa kanilang mga maid sa tuwing wala ang kaniyang mga Parents sa bahay.

"Siyempre naman! Kanino pa ba yan matututo." Ang masayang sagot naman ng Yaya ni Matthew kay Deborah.

"Swerte ng mapapangasawa n'yo Sir Matt!" Ang segunda mano naman ni Dodong. Nasamid bigla itong si Matthew at napaSmile nalang siya sa kaniyang mga kaharap sa table.

"Napagluto mo na ba sina Jenny?" Ang pabirong tanong ng Yaya ni Matthew. Napatigil si Matthew sa kaniyang pagkain. Biglang natauhan naman ang kaniyang Yaya sa pagkakadulas nito. 

"How did you know about Jenny?" Ang gulat na tanong bigla ni Matthew sa kaniyang Yaya kasabay ng pagtingin niya kina Dodong at Deborah. Agad namang itinuro ni Dodong si Deborah. Nahalata kaagad ni Matthew sa mukha ni Deborah na ito ang salarin kung bakit nalaman ng kaniyang Yaya ang kanilang secret.

"Okay lang naman yan anak. Promise. Hinding-hindi namin sasabihin kina Ma'am at Sir." Ang pang-aalong sinabi ng Yaya ni Matthew. Nakita niya kasi ang mukha ng kaniyang alaga na biglag nagPanic.

"Tutor po ako ni Jenny." Ang nahihiyang paliwanag ni Matthew sa kaniyang Yaya.

"Hindi ka ba interesadong magPart-time sa Kompanya ng Mommy o Daddy mo?" Ang tanong ng Yaya ni Matthew.

"Pass muna ako Yaya. Para makaPagUnwind bago mag-aral ulit." Ang natatawang sambit na lamang ni Matthew sa kaniyang Yaya. Alam naman kasi ng Yaya niya na umuwi siya para makapagPahinga and babalik din naman siya sa U.S. para magMasteral. Napangiting bigla itong si Matthew nang may magandang idea na pumasok sa kaniyang isip.

"Anong sabi ko Deborah pag may nakaalam kung anong ginagawa ko." Ang nakaSmile na sinabi ni Matthew kay Deborah. Natigilan sa pagkain bigla sina Dodong and Deborah dahil alam nila ang sinasabi ni Matthew. Nagpatuloy sa pagsasalita itong si Matthew nang wala siyang nakuhang reply from the two.

"Di ba sisisantihen ang magsasabi ng secret." Ang sagot ni Matthew sa kaniyang question habang nakaSmile siyang nakatingin pa din kay Deborah. Napalunok naman sina Dodong at Deborah.

"Last day mo na dito. Mag-impake ka na mamayang gabi." Ang sunod na sinabi ni Matthew kay Deborah with a serious tone.

"S-s-s-sir Matt?" Ang nagpaPanic na sambit ni Deborah kay Matthew.

"Last day mo na dito." Ang serious pa rin na reply ni Matthew. "Sasama ka sa akin tomorrow. Dun ka muna kina Jenny." Ang masayang idinagdag bigla ni Matthew. Kitang-kita niyang nakahinga ng mabuti sina Dodong at Deborah sa kaniyang announcement. Napangiti lang itong si Matthew habang OA na nag-eExpress ng kaniyang kaba itong si Deborah. Medyo nagdaDoubt si Matthew sa kaniyang naisip na plano.



***********************Monday 5:30am************************



Nagpahatid sina Matthew kay Dodong sa kanilang kotse at bumaba nalang sila sa entrance ng Village para walang makakitang mga kapitbahay nina Arthur na sakay-sakay sila ng isang mamahaling kotse. Kagabi pa lang ay naBriefing na ni Matthew si Deborah sa kaniyang mga gagawing trabaho kina Arthur at kung anong story ang sasabihin niya just in case na mag ask ng question si Arthur. 

Pinagtago muna ni Matthew si Deborah sa likod ng isang puno bago siya nagDoorbell sa gate nina Arthur. Agad namang pinagbuksan siya ni Arthur. Still in the same get-up si Arthur papuntang Office. Iniabot ni Matthew ang paper bag niyang dala to Arthur na may lamang packed food at nang kinuha na iyon ni Arthur ay agad na umakmang yayakapin niya sa Matthew pero mabilis na nakaiwas si Matthew sa pagyakap nito't tahimik na binuksan na lang niya ang gate for Arthur. Medyo napasimangot si Arthur sa action ni Matthew pero hindi na  siya nagsalita. NagDecide na lang si Arthur na kakausapin niya by hook or by crook si Matthew pagka-uwi niya.

Tahimik nalang na nagtinginan sina Arthur and Matthew hanggang maka-alis na itong si Arthur papuntang office. After three minutes ay sinenyasan na ni Matthew si Deborah para tawagin na ito. Ang plano nitong si Matthew ay ipapakilala niya si Deborah kay Arthur pagkauwi nito from the office.



********************5:30pm**********************



NagBosina si Arthur sa harapan ng kanilang house dahil tamad na tamad siyang bumaba from his car dahil naging stressfull ang kaniyang buong day sa office. Okay lang naman sa kaniya ang naging work load niya for that day kaya lang ay iniisip niya nga si Matthew the whole day at parang may nararamdaman siyang something odd and weird dito kaninang morning. Bukod pa doon ay biglang sinabihan siya ng secretary ng kanilang President na isasama siya nito sa isang Out of Town na meeting at may kailangan din silang pag-usapang dalawa. 

Hindi mapakali ngayon si Artur dahil hindi siya nakatanggi sa alok sa kaniya ng kanilang President dahil sinabi nitong talagang life and death ng kanilang Company ang pag-uusapan nila this weekend and kitang-kita naman sa mukha and ramdam ni Arthur sa Aura ng kanilang President na para itong may big problem kaya nama'y napaYes siya sa invitation nito kanina. 

Ngayon nga habang hinihintay niyang magOpen ang kanilang gate ay nag-iisip siya ng magandang sasabihing excuse kay Jenny dahil this coming weekend din ang birthday nito and nakapagPromise siya kay sa kaniyang daughter na ipapasyal niya ito sa Ocean Park. NagStop sa pag-iisip si Arthur nang makita niyang bumukas na ang gate at nagulat siya nang makita niyang isang maid in uniform ang nagbukas.

"Who are you?" Ang tanong agad ni Arthur sa maid na nagbukas sa kaniya ng gate nang maipasok na niya ang kaniyang Car at makababa na dito.

"Ansabe mo Sir?" Ang balik tanong naman ng maid. May naalalang bigla si Arthur kung saan niya narinig ang ganoong reply pero hindi na niya pilit ito na alalahanin pa. Tinanong ulit niya ang maid. Ang isip-isip ni Arthur ay baka maid lang ito ng one of His neighbor.

"Ang sabi ko, Sino ka ba?" Tanong ulit ni Arthur.

"I'm Deborah." Ang cool na sinagot lamang ng maid kay Arthur.

"Kaninong maid ka?" Ang tanong naman ulit ni Arthur kay Deborah dahil akala niya'y mag-iintroduce pa ito sa kaniya ng ibang info.

"Sa inyo Sir." Ang maikling sagot lang ni Deborah. Napakunot ng noo si Arthur at nagGiveUp na lang siya na kausapin itong nagpakilalang maid nila. "Padala siguro ni Katrina." Ang isip-isip ni Arthur sa kaniyang sarili.

"Saan sina Jenny and Matt?" Ang tanong muli ni Arthur kay Deborah and this time ay umaasa siyang maayos na magAnswer ito.

"Nasa loob po at nagdradrama yung dalawa Sir." Ang sagot ulit ni Deborah. NagSigh nalang itong si Arthur at kaagad na pumasok na sa loob nang bahay. Para siyang lalong napagod sa usapan nila ni Deborah.

"DADDY!" Ang iyak na salubong ni Jenny kay Arthur sabay takbo nito papunta sa direction ni Arthur. Kaagad namang nag-alala si Arthur at agad niyang niyakap at kinarga si Jennifer.

"Daddy! Hu hu hu! Tito Matt is leaving." Ang sumbong ni Jenny sa kaniyang daddy na ikinagulat naman ni Arthur. Mas lalong naStress siya sa kaniyang nadatnang situation sa bahay.

"What's happening?" Ang tanong ni Arthur sa nakatayong si Matthew.

"Nakahanap na ako ng Yaya for Jenny. Si Deborah. Cousin ko. Ayaw na niya kasing sumama sa mga amo niya at for good na kasing titira ang iyon sa Province." Ang kinakabahang paliwanag ni Matthew kay Arthur. Hindi pa din siya makatingin ng straight kay Arthur.

"What I mean is about you leaving." Ang upset na sambit ni Arthur kay Matthew. 

"Don't let tito Matt leave! Please Daddy!" Ang iyak muli ni Jenny sa kaniyang Daddy.

"Take Care of Jenny." Ang sambit ni Arthur kay Deborah nang makita niya itong pumasok na sa living room.

"Ansabe mo ulit Sir?" Ang reply na question ni Deborah kay Arthur. Pinakarga ni Arthur si Jenny kay Deborah at hindi na tinagalog pa ni Arthur ang kaniyang iniutos dito.

"Wait lang Baby ha. I'll talk to your tito Matt." Ang malambing na sabi ni Arthur kay Jenny and then nilapitan niya si Matthew sabay hawak sa braso nito't hila papunta sa Kitchen.

"Why are you leaving?" Ang medyo upset na question ni Arthur kay Matthew.

"Ang usapan natin for the meantime lang akong magbabantay kay Jenny. Pinakiusapan ko ang pinsan ko na dito nalang pumasok kaysa maghanap pa ng ibang amo. So, hindi na ako kailangang magStay dito. Sabi ko naman kay Jenny eh lagi namang pupunta ako every weekdays para magTutor." Ang explain ni Matthew kay Arthur sticking sa story na ginawa niya about Deborah.

"Yun lang ba?" Ang tanong ulit ni Arthur.

"What do you mean?" Ang sambit naman ni Matthew.

"Hindi na mauulit yung nangyari sa atin." Ang explain naman ni Arthur kay Matthew. Just like Jenny ay naUpset din itong si Arthur sa decision ni Matthew.

"Hindi naman yun." Ang pagsisinungaling ni Matthew kay Arthur pero the truth is kaya hindi na magstaStay si Matthew sa house nina Arthur ay natatakot itong maging malalim ang kaniyang feelings for Arthur.

"Kung hindi yun, Ano ang reason?" Ang naiinis na sinagot ni Arthur. Hindi nakapagsalita si Matthew.

"I like you Matt and huwag mong ipagkaila na hindi ka nagreact sa kiss ko." Ang sunod na sinabing direct to the point ni Arthur kay Matthew. Tameme pa din itong si Matthew.

"Do you like me ba?" Ang tanong ulit ni Arhur kay Matthew. Nagulat si Matthew sa question ni Arthur dahil he didn't expect that question to come out from Arthur. "Bakit ayaw mong sumagot?" Ang muling sinabi ni Arthur kay Matthew. Talagang by Hook or by Crook ang approach ni Arthur kay Matthew.

"I like you." Ang mahinang sambit ni Matthew. Hindi n'ya nakayang magsinungaling kay Athur at talagang naCorner siya nito.

"Dito ka muna magStay, let's continue kung ano ang routine natin." Ang sinabi ni Arthur kay Matthew.

"Baka Confused ka lang." Ang hirit bigla ni Matthew.

"Nope.Matagal ko nang kilala ang sarili ko and nagOut ako kay Liz." Ang sagot naman ni Arthur kay Matthew. 

"How about you?" Ang balik ng question ni Arthur kay Matthew. Tumungo lang itong si Matthew. 

"Can we just give this a chance. Kahit one week lang. Please." Ang isinunod agad ni Arthur kay Matthew. Sinamantala niya ang pagkakaCorner niya at pagkaDefenseless ni Matthew. Tumango ulit si Matthew but this time tinandaan niya ang sinabi ni Arthur.

"One week. Pag hindi nagWork eh yun na yun." Ang pagkoConfirm ni Matthew kay Arthur.

"A Gentleman's word. Promise!" Ang masayang sambit naman ni Arthur kay Matthew sabay yakap dito. "And may out of town business meeting ako na napakaImportant  this weekend. Ikaw na ang bahala sa birthday ni Jenny ha." Ang last na hirit ni Arthur kay Matthew. Talagang sinamantala ni Arthur ang moment.



********************11:30pm*******************



Hindi pa din madalaw-dalaw ng antok si Matthew at talaga namang napasubo siya sa proposal ni Arthur sa kaniya.

"One week lang naman. Goodluck!" Ang sambit ni Matthew to himself. Hindi niya talaga malaman kung ano ang kaniyang nararamdaman talaga. Gusto niyang parang hindi. Masaya siya with Jenny and her Daddy at napag-alamanan niya ang lahat-lahat nang ikinuwento ni Arthur ang kaniyang pagiging bisexual nito sa kaniya. Ganoon din naman ang kaniyang ginawa.

Ang iniisip talaga ni Matthew ay ito ngang si Jenny pero nagDecide siyang saka nalang niya iisipin iyon after a week pag nagworkOut ang napag-usapan nila ni Arthur na gawin munang secret ang kanilang relationship. 

Ang isa pang iniisip ni Matthew ay ang pag-aOut of town ni Arthur sa darating na weekend na siya namang birthday ni Jenny. Medyo naUpset si Jenny nang malaman nitong cancel ang promise ng kaniyang Daddy na pagpasyal nilang dalawa sa Ocean Park pero naging masaya naman ito nang malamang magstaStay na ang kaniyang tito Matt sa kanilang house kahit may bago na siyang Yaya. NagPromise naman si Arthur kay Jenny na next weekend nalang ito babawi pero sad si Matthew for Jenny dahil naranasan din naman niya ang magCelebrate ng Birthday na hindi present ang kaniyang mga Parents at ang Yaya lang niya ang kaniyang kasama. Biglang napaSmile si Matthew nang maalala niya ang kaniyang Yaya. Kaagad niyang kinuha ang kaniyang phone at tinawagan ni Matthew ang kaniyang Yaya.

"Yaya, Ano pong ginagawa n'yo?" Ang tanong ni Matthew matapos magHello ang kaniyang Yaya sa other line.

"Nanonood ng telenovela. Ang dami ngang Commercial eh!" Ang naiinis na sagot naman ng Yaya ni Matthew. "Kamusta kayo? Si Deborah?" Ang dagdag na Questions pa ng Yaya ni Metthew.

"We're okay naman Yaya. At home agad si Deborah." Ang explain ni Matthew.

"Buti naman. Teka, bakit napatawag ka?" Ang tanong ulit ng Yaya ni Matthew sa kaniyang alaga.

"Yaya, Gusto kong magHeld ng Birthday Party for Jenny." Ang nakaSmile na sambit ni Matthew sa kaniyang Yaya.









To Be Continued


S Club 7 - Never Had A Dream Come True Mp3

No comments:

Post a Comment

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails