Followers

Sunday, April 15, 2018

Ang Roommate Kong Siga [7]


By Michael Juha
getmybox@hotmail.com

***
Spaghetting Nagpapalambot Ng Puso

“Sila ba ang mga magulang mo, Jerome?” ang tanong ng inay.

“Hindi…” ang sagot ni Jerome. “A, e… k-kalimutan na natin iyon Steff. Ayaw kong talbugan ang drama ninyong mag-ina.” Ang sambit ni Jerome, sabay tawa.

Napatingin ang aking inaya sa akin. Alam kong kagaya ko ay nabitin siya sa sagot ni Jerome. Alam kong alam din niya na may mas malalim pang kuwento ang buha yni Jerome na ayaw niyang ipaalam sa amin. Tumawa na lang din kami. Wala na kaming nagawa kundi ang ipagpatuloy ang pagkain. Napag-usapan din namin na mag-file siya ng leave nang isang linggo upang dalawin niya ang aming lola sa bukid. Gusto sana niyang isama ako ngunit dahil may pasok pa nga ako, hindi ako puwede.

Sa lumipas na ilang raw pa, ay naging normal na sa amin ang ganoong set-up. Sa pagpasok sa ekuwelahan ay ako ang magdadala ng bisekleta at sya ang nakaback-ride, ganoon din sa paguwi galing eskuwelahan, nakaback-ride pa rin siya.

Isang araw, tapos na ang klase noon at hinihintay ko siya sa may parking lot ng mga sasakyan dahil pauwi na kami, may narinig akong usap-usapan mula sa mga estudyanteng dumaan na may kasalukuyang binubugbog na naman daw ng mga bully sa may lumang genrartor house. Ang estudyanteng dinala ng mga bully roon ay isa sa pinaghinalaang nagpabugbog kay Jerome.

Dahil nabahala ako, dali-dali kong tinungo ang likuran ng main building kung saan ay naroon ang lumang power generator ng unibersidad. Nang nasa labas na ako ng building ay may narinig akong sigaw. “Umamin ka! Putang-ina mo! Gusto mong ipapatay ang lider namin? Papatayin ka muna namin!!! Pati ang putang-inang pamilya mo!!!”

Dali-dali akong pumasok. Doon ay nakita ko ang apat na estudyanteng nagsasalitan sa pambubugbog sa isang estudyanteng nakasandal sa sementong dingding. Duguan ang kanyng ilong at bibig.

Nang tinitigan ko ang mukha ng estudyante. Nakilala ko siya. Siya si Marco, third year na Engineering student na siyang pinakaunang estudyanteng nakausap ko sa campus nang magpa-enrol ako. Naligaw ako noon sa paghahanap sa opisina ng registrar at siya ang tumulong sa akin. Talagang inihatid niya ako sa mismong office. At sinamahan niya ako sa pag-comply ng proseso hanggang sa matapos ko ang buong enrolment sa araw na iyon.

Nasa ganoon sila kaabala sa pananakit kay Marco nang bigla akong pumagitna. “Huwag niyo siyang bugbugin!” ang sigaw ko.

Ngunit dahil sa biglaang pagpagitna ko, ako ang natamaan sa mga suntok nila. Muntik akong matumba. Tila umkiot ang aking paligid sa tama ng suntok sa aking ulo.

Nahinto sila nang makitang ako ang tinamaan nila. Natandaan kasi ako ng iba sa kanila na nandoon sa kuwarto nang dinalaw nila si Jerome at nag-inuman doon.

“Ah… ang roommate ni Jerome!” ang sambit ni Archie, ang pangalawang lider ng grupo na nandoon din nang binisita nila si Jerome sa boarding house. Nakilala pa niya ako. “Ba’t mo kami hinarangan? Ano mo ba ito???” ang galit niyang tanong.

Nilingon ko si Marco, ang estudyanteng binugbog nila. “P-pinsan ko siya. Oo… p-pinsan ko!” ang sagot ko.

“Pareng Jerome!!! Nandito ang mahal mong roommate! Nakialam!” ang sigaw ng Archie na nilingon ang likuran ng building,

Mula roon ay pumasok si Jerome na nakita kong nagsasara pa ng kanyang zipper, halatang katatapos pa lang umihi. “Alis d’yan kung ayaw mong madamay.” Ang utos niya sa akin.

Tinitigan ko siya. “Kung ayaw kong umalis, anong gagawin mo?” ang pagmamatigas ko pa.

“Wow lumalaban pare! Matapang! Gusto ko yan!” ang sambit ni Archie.

“Hindi yan kayang saktan ni pareng Jerome! Wifey niya iyan eh! Paano na lang pag gabi? Walang masisipingan?” ang pagbibiro naman ng isa pa nilang kasama.

Tawanan!

“Kung ako ang hubby niyan ay hindi ko talaga kayang saktan iyan!” dagdag pa ng isa. “Aba’ ang mahirap maghanap ng ganyang ka-poging wifey!”

Tawanan uli.

“Alis dyannnn!” ang muling pagsigaw ni Jerome sa akin.

“Aalis lang ako kapag hindi ninyo siya sasaktan!” ang matigas ko ring sagot.

“Palaban talaga, pare!” ang sambit uli ni Archie. “Hayaan mo na lang si wifey, pareng Jerome. Alam naman naming mahal mo iyan, eh.”

Ngunit mas lalo pang nag-init si Jerome sa mga patutsada ng grupo niya. “ALIS DYAN KUNG AYAW MONG MASAKTAN!!!” Ang bulyaw niya.

Ngunit nagmatigas pa rin ako. “Kila—“

Hindi ko na naituloy pa ang sasabihn ko sana gawa ng simbilis ng kidlat na pagtama ng kamao ni Jerome sa aking bibig.

Mistulang nakakita ako ako ng daan-daang bituin sa sakit na nadama ko sa kanyang suntok. At naalimpungantan ko na lang na lumagapak ako sa sahig at napahawak sa aking bibig na nasuntok.

Narinig ko ang pagtatawanan ng mga barkada ni Jerome. “Nalintekan na! Hindi na makakantot iyan mamaya?!” ang sambit ng isa sa mg abarkada nila.

Ngunit hindi sila pinansin ni Jerome. “Sinabi ko na sa iyo na alis! Tangina ang tigas ng ulo! Alis na kung ayaw mong mabugbog!!! ALISSSSS!!!” ang sigaw uli ni Jerome sa akin.

Hinaplos ko ang aking bibig na natamaan. Nakita ko sa aking palad ang dugo. Pumutok ang aking bibig sa malakas na suntok niya.  Masama ang loob ko kay Jerome. Tumayo ako at minuwestrahan si Marco na aalis kami. Tumalima si Marco. Tumakbo kaming dalawa palayo.

“Salamat ha?” ang sambit ni Marco nang nasa may main building na kami ng eskuwelahan.

“Okay lang.” ang sagot ko.

“Napahamak ka pa tuloy.”

“Walang problema, ‘tol. Wala ka naman talagang kasalanan, di ba?”

“kaya nga eh. Paano ko magagawa ang ipabugbog si Jerome. Wala naman akong galit sa kanya. Atsaka hindi ko kayang manakit ng tao. Mas gugustuhin ko pang ako ang saktan kesa ako ang manakit ng tao.”

“Kaya nga eh. Kadesente at kabait mong tao... Pero paano ka ba nila napagbentangan na siyang nagpabugbog kay Jerome?”

“Hindi ko nga alam eh. Baka napagkamalan lang ako.” Ang sagot ni Marco.

Dahil sa inis ko kay Jerome, hindi ko na siya hinintay pa. Sinakyan ko ang bisekleta niya pauwi at iniwanan ko siya. Nang nasa boarding house na ako tiningnan ko ang aking mukha sa salamin. Namaga ang aking labi, halatang pumutok at may dugo pa. Masakit din ang ulo ko, iyong natamaan ng suntok ng mga kasama ni Jerom. Kumuha ako ng ice bag, nilagyan ito ng ice at idinampi ko sa aking bibig.

May mahigit isang oras at dumating si Jerome. Paika-ikang pumasok sa kuwarto.

“Sa Linggo ay aalis na ako rito.” Ang sambit ko sa kanya.

Hindi siya sumagot. Inilagay niya ang kanyang knapsack sa ibabaw ng kanyang mesa, may dinukot sa loob. Nang nadukot na ito, nakita ko ang isang balot ng pagkain. Nakatatak kasi sa balot ang pangalan ng fast food. Inilagay niya iyon sa ibabaw ng aking mesa kung saan ako kasalukuyang nagbabasa ng libro.

“Ano iyan?” ang mataray kong tanong.

“Spaghetti.” Ang sagot niya.

“Para kanino?”

“Sa iyo.”

Mistulang lumambot ang puso ko sa pagkarinig sa sagot niyang iyon. Alam niyang paborito ko ang spaghetti. Ngunit galit pa rin ako sa kanya. “Ano iyan? Suhol? Pagkatapos mo akong suntukin ay ngayon, pakakainin naman?”

“Ikaw kasi, nakialam ka pa. Alam mo namang nandoon ang mga barkada ko. Nasa kasagsagan sila ng init, tapos pumagitna ka pa.”

“Kaya sinuntok nila ako. Tapos, ikaw naman ang nanuntok sa akin, at pinadugo mo pa talaga ang bibig ko ha!”

 Natahimik siya. Yumuko. “Ayoko kasing pinagloloko eh.”

“Ah... ayaw mong kinakantayawan kang magsyota tayo, mag-asawa, ganoon? Ayaw mong sabihin nilang bakla ka o pumapatol ka sa kapwa lalaki. Ganoon ba iyon?”

Hindi siya umimik.

“Puwes, hindi ko matatanggap iyang sorry mo. At iyang spaghetti mo, lamunin mong mag-isa!” ang bulyaw ko. “Atsaka alam mo bang iyong taong binugbog ninyo ay siya iyong pinakaunang estudyante na nakilala ko sa campus? Siya ang tumulong sa akin sa pagpapa enrol dahil naligaw ako at naawa siya sa akin. Iyon ba ang klaseng taong magbabalak sa iyo ng masama?”

“H-hindi ko alam.”

“Hindi mo alam dahil sinuntok mo ako at hindi ka man lang nagtanong!”

At doon ay lumapit siya talaga sa kain at hinaplos-haplos ang aking likod. “Sorry na.”

“Saan ka kumuha ng pera? Nagnakaw ka uli? Bigay ng babae mong manyak?” ang tanong ko.

“Nanghiram ako ng pamasahe kay Archie. Ngunit naglakad na lang ako at ibinili ko na lang ng spaghetti ang pera para may pasalubong ako sa iyo.”

Sa sinabi niyang iyon ay mas lalo pang lumambot ang aking puso. Iyon ang pinakaunang pagkakataon na binigyan niya ako ng pasalubong. Tila inilagay ang puso ko sa loob ng pressure cooker at pinalambot ito ng buong araw. Alam kong nahirapan pa si Jerome sa paglalakad. Napansin ko nga nang sinuntok niya ako ay na outbalance siya at natumba. At lalo na nang pagkatapos niyang ibigay sa akin ang pasalubong niyang spaghetti ay hinawakan niya ang aking panga at tiningnan ang aking labi na pumutok.

Wala na akong nagawa kundi hayaan siya habang inusisa ang pumutok kong labi. Halos halikan na lang niya ako sa lapit ng kanyang mukha sa mukha ko habang tinitingnan niya ito. Ilang minuto rin iyon. Ewan kung sinadya niyang patagalin iyon. Tinitingnan niya ang sugat, tapos tinitingnan niya ang aking mga mata. Nang magkasalubong ang aming mga tingin ay ibabaling naman niya ito sa pagtingin sa aking sugat.

“Kukuha ako ng hydrogen peroxide sa first aid cabinet ng boarding house.” Ang smabit niya. “Nilinis mo na ba iyan?” dugtong niya habang hawak-hawak pa rin niya ang aking panga.

“Nilinis ko na. Pero huwag mo nang lagyan ng hydrogen peroxide.”

“Hindi. Lalagyan natin para bukas pagpasok mo ay hindi na iyan mamamaga.” Ang sambit niya habang paika-ikang lumasa ng kuwarto.

Nang nakabalik na siya, dala na niya ang gamot at nilapatan ang aking sugat. Muli niyang hinawakan ang aking panga, habang inilapat niya ang gamot.

“Nalakasan ko pala ang pagsuntok ko sa iyo.” Ang sambit niya.

“Malamang. Pumutok iyan eh.” Ang sarkastiko kong sagot.

“Na outbalance kasi ako kaya iyong buong puwersa ko ay napunta sa aking suntok.”

“Dapat kasi, tigilan mo na iyang pananakit sa ibang estudante.” Ang sambit ko.

“Next time kasi makinig ka sa akin. Huwag kang pasaway.”

Doon na ako umalma. “At ako pa ngayon itong pasaway? Hindi pa ako nakaganti sa iyo, Jerome. Gusto mong tuluyan ko nang baliin iyang isang binti mo?

Natawa siya. “Oo na. Ako na ang pasaway. Huwag kang malikot para hindi magkalat ang gamot sa labi mo.”

“Kain ka na.” ang sambit niya nang matapos na niya akong lapatan ng gamot.

“Ikaw?” ang tanong ko.

“Kakain na lang ako sa mess hall ng boarding house.” Ang sagot niya. “Libre naman doon eh.” Dugtong niya.

“Sabay na lang tayo. Sa mess hall na rin ako kakain.” Ang sagot ko.

“Eh paano iyang spaghetti na binili ko sa iyo?”

“Mamaya na iyan bago matulog. Hati tayo niyan.” Ang sagot ko.

Binitiwan niya ang isang matipid na ngiti habang tinitigan ako. Pagkatapos ay hinaplos niya ang gilid ng aking labi na ginamot niya.

Tuluyan nang nalusaw ang aking galit. Siguro nga, dahil mahal ko na siya kung kaya ay kaunting pagpapakita ng pag-intindi niya sa akin ay napapawi na ang galit ko. Ganyan naman talaga kapag mahal mo ang isang tao. Madali mong mapatawad. Kahit pumutok pa ang labi mo, spaghetti lang ang katapat. Subukan ninyo, kayong may mga jowa. Paputukin ninyo ang labi ng inyong mahal, tapos bigyan ninyo ng spaghetti, siguradong lalambot din ang mga puso nila. Buweno, kapag hindi naman lumambot ang puso ng jowa ninyo sa spaghetti, magdusa kayo. Putangina ninyo. Kuwento lang ito, kaya huwag ninyong totohanin.

Kaya iyon, sabay kaming kumain sa mess hall at pagkatapos ay pumasok sa kuwarto. Bago kami natulog ay sabay din naming kinain ang spaghetti. Ang sweet.

“Tol... sana ay huwag mo muna akong iwan.” Ang sambit ni Jerome nang pareho na kaming nakahiga sa sarili naming mga kama.

Tumagilid akong paharap sa kama niya. Nakita kong nakatagilid din siyang paharap sa akin. Kagaya ng palagi niyang ginagawa, nakabrief lang siya o di kaya ay naka-boxers. At naka-boxers siya sa gabing iyon. Iyong itim na fit at bakat ang malaking bukol sa kanyang harapan.

“Magaling ka na di ba?” ang tanong ko.

“Hindi pa. Mahirap pa rin para sa akin ang maglakad. Alam mo na. Wala akong perang pamasahe sa tricycle. Kailangan kong maglakad patungo sa school. Kung nandito ka, palagi tayong sabay aalis at uuwi galing sa school. Palagi akong aangkas sa bike habang ikaw ang taga-dala nito.”

“E di ba makakabuti sa iyo kapag naglalakad ka. Exercise.” Ang sagot ko.

“Ang lupit mo naman sa akin. Maglalakad ako ng halos kalahating oras?”

“At ako pa ngayon ang malupit. “Ikaw itong nambubugbog ng tao, pinadugo mo ang bibig ko, ako ang malupit?”

“Hindi ka man lang ba maawa sa akin? Hintayin mong gagaling na ako totally dahil kapag nangyari iyan, maghahanap na ako ng part-time job, kagaya ng sa fast food chain, as bar tender or waiter.” ang sagot niya habang tumihaya.

May punto naman siya. Napaisip ako at pinagmasdan ang anyo niya. Naroon pa rin ang mapanuksong katawan, lalo na ang malaking umbok sa kanyang harapan. Muling nanumbalik ang aking isip ang naudlot na balak noong nagyaya siyang mag-inuman kami. Biglang naalipin ng kapilyuhan ang aking isip. “Anong kapalit?” ang tanong ko.

“Ikaw... di ba sabi ko, game naman ako. Kahit anong gusto mo.”

Ramdam ko na naman ang biglang paggapang ng kakaibang kiliti at init sa aking katawan.  “Kahit magtabi tayong matulog sa kama?” ang tanong ko uli.

“Di ba okay naman sa akin iyon? Kahit ngayon na. Halika, tabi tayo!” At siya pa talaga iyong nagyaya sa akin!

Doon na mas lalo pang kumalampag ang aking dibdib sa sobrang excitement. Ramdam kong tinigasan ako sa sinabi pa lang niyang iyon. “Eh paano kung may mangyari sa atin?”

“Kagaya ng?”

“K-kagaya ng lalapastanganin kita. Alam mo namang bakla ako, di ba? Alam mong crush kita, di ba? Alam mong gusto kita...”

“Kaya mo bang gawin iyon sa akin?”

“19 na ako, Jerome. Alam ko na kung paano gawin iyon.” At talagang pinagdiinan ko ang kalandiang nasa isip ko.

“I mean, okay lang ba sa iyo na habang nag-eenjoy ka sa ginagawa mo, ang kapartner mo naman ay tila naaasiwa at hahayaan ka lang niyang gawin ito sa kanya dahil ang kapalit nito ay ang gusto niya sa iyo?”

Mistulang binatukan ako ng isang matigas na bagay sa sinabing iyon ni Jerome. Tama naman siya. Nakaka-insulto ito. Parang nakikipag-sex ka lang sa isang tuod. O sa isang taong patay. O sa isang taong habang nilalaro mo ang kanyang pagkalalaki ay sa kaloob-looban niya ay may pandidiri o napilitan lang. Parang ang sakit. Okay lang siguro kung sex lang talaga ang habol ko, kagaya ng bayarang pakikipagtalik. Ngunit mahal ko siya. Matikman ko man siya ngunit parang nakakababa iyon ng pagkatao ko dahil alam niyang gusto ko siya at idinaan ko sa pakikipagtalik sa kanya dahil sa isang bagay na “kapalit” na gusto niya sa akin. Parang ang cheap ko. Nakaka-insulto. At masakit.

Muli akong tumagilid patalikod sa kanya. “Pag-isipan ko pa.” ang sagot ko.

Ngunit maya-maya lang ay nagulat na lang ako na biglang umalog ang aking hinigaan. Nang nilingon ko siya, naroon na siya sa ibabaw ng aking kama. “Bakit nandito ka?” ang tanong ko.

“Magtabi tayo.” Ang sagot niya. “Di ba iyang ang gusto mo?”

“Gusto ko. Pero hindi mo gusto.” Ang sagot kong tumagilid patalikod sa kanya.

“Sino ba ang nagsabing hindi ko gusto ang magtabi tayo sa higaan?”

“Di ba sabi mo iyan?”

“Sex ang sinabi ko, tanga, hindi ang magtabi. At iyong sex naman, hindi naman sa ayaw ko, naaasiwa lang ako. Hindi ako kumportable. At hindi mo naman siguro ako masisisi dahil lalaki ako.”

Natahimik ako sa sinabi niyang iyon. Bull’s eye ang kanyang sinabi. Totoo namang lalaki siya at bakla ako. Gusto ko siya subakit hindi niya ako gusto. At hindi ko siya masisisi dahil lalaki siya, babae ang gusto niya. Siguro nga ay dapat ko siyang intindihin. Nasa akin ang mali. “Bumalik ka na nga sa kama mo?” ang sambit ko na lang.

Ngunit ewan kung inasar ba niya ako ngunit ipinatong pa niya ang kanyang braso sa aking katawan. “Alam mo, nasasabik akong makasama ang aking mga binatilyong utol.”

Napatingin ako sa kanya. “M-may nakababatang kapatid ka? S-sila iyong nasa restaurant na nakita natin?”

Natigilan siya sa aking tanong. “A-ang ibig kong sabihin, nasasabik akong magkaroon ng nakababatang kapatid na kagaya mo. Ikaw, alam kong wala kang kuya, hindi ka ba nasasabik na magkaroon ng kuya? Magtabi tayo sa kama na walang malisya. Na parang ang turing ko sa iyo ay little bro, at ikaw naman, ang turing mo sa akin ay big bro. Di ba masaya?” ang sagot niya.

“Magsabi ka nga ng totoo sa akin, Jerome! Kapatid mo ba sila? Sila ba ang mga magulang mo?”

“Wala iyon! Drama ko lang iyon.”

Doon na ako napikon. “Bumalik ka na nga sa kama mo? May pa bro-bro ka pang nalalaman. Puntahan mo ang mga kapatid mong si Allan at mag-usap kayo ng maayos. Siya ang yakap-yakapin mo! Huwag ako ang pagpraktisan mo.”

“Ang harsh mo naman.”

“Harsh na kung harsh. Bumalik ka na sa kama mo!” ang utos ko.

“Ayoko nga.” Ang sabi niya. Sabay singit ng braso niya sa ilalim ng aking ulo.

“Jerome naman! Bumalik ka na sa kama mo, ano ka ba?”

“Galit ka ba sa akin?”

“Hindi ako galit sa iyo. Ayoko lang na may katabi.”

“Alam mo, di kita maintindihan. Sabi mo gusto mo akong makatabi. Ngayon na ako na mismo ang tatabi sa iyo, ayaw mo naman. Ano ba talaga?”

Hindi na ako umimik. Hindi ko naman talaga alam kung ano ang gusto ko. Siguro para sa kanya ay simple lang iyon. Iyan ay dahil wala siyang naramdaman. Parang barkada lang, parang kaibigan na puwedeng tabihan nang walang sex, na na walang malisya. Puro harutan lang, biruan, tuksuhan. Pero para sa akin ay mahirap iyon dahil may nararamdaman ako para sa kanya. At habang siya itong lumalapit sa akin, lalao lamang lalalim ang aking nararamdaman na alam kong walang patutunguhan. Kapag ganyang yayakapin niya ako, normal lang sa kanya. Ngunit para sa akin, hindi ko maiwasang magtanim ng malisya… na maaaring ikatutukso ko pa.

Binitiwan ko ang isang malalim na buntong-hininga. Hinayaan ko na lang din ang braso niya na isiniksik niya sa ibaba ng aking ulunan.

Kinabukasan sa paggising ko, nakapatong na ang kanyang isang kamay sa aking dibdib, pati ang kanyang paa ay ipinatong din sa aking hita. Ramdam ko ang init ng kanyang balat na dumampi sa aking katawan.

Dahil sa pakisuyo ni Jerome, napagdesisyunan kong i-extend muna ang aking pananatili sa boarding house. Naisip ko rin naman kasi na tama siya. Mas lalong kaawa-awa siya kung iiwanan kong wala man lang pamasahe o ibibili ng pagkain. Sa akin lang siya umaasa sa pagpasok niya sa eskuwelahan. Sa pananghalian naman na hindi libre ang pagkain, minsan ay sa akin siya lumalapit, ititext niya ako kung kumain na, tapos kung hindi pa ay magparamdam na hindi pa rin siya kumakain.

Kaya bumalik muli kami sa eksena kung saan ay ako ang nagdadala sa bisekleta at siya naman itong nakaback-ride patungo at pabalik mula sa eskuwelahan. Sa pagtulog naman namin, hinahayan ko siya kung saan niya gustong matulog. Minsan sa kama ko, minsan naman ay sa kama niya. Pero napapansin ko na kapag wala siya sa mood na makikipag-usap o malungkot siya, sa kama ko siya hihiga. Kadalasan ay isisingit niya ang braso niya sa ibaba ng aking ulunan at ipapatong ang kanyang kamay sa aking dibdib. At kapag-ganyan, kahit nararamdaman kong minsan ay dumadampi ang pagkalalaki niya sa aking likuran ay dedma ko na lang ito. May pagkakataon din na habang nasa ganoon kaming ayos, medaling araw iyon, nakatalikod ako sa kanaya habang siya ay nakatagilid paharap sa akin at inilingkis ang kanyagn bisig sa aking dibdib, naramdaman kong idinikit niya ang kanyang pagkalalaki sa aking likuran. Nang tiningnan ko siya, nakapikit ang kanyang mga mata. Tulog. Ang ginawa ko ay inilagay ko ang aking palad sa aking likuran at itinulak ang kanyang gitnang katawa. Dakmang-dakma ko ang kanyang tigas na tigas na pagkalalaki sa ilalim ng kanyang brief. Bigla siyang napaigtad. Nang tiningnan ko siya, nakamulat ang kanyang mga mata na nakatingin sa akin. “Lumayo ka kasi!” ang sambit ko. Wala siyang imik na tumalikod. Dedma…

Minsan din ay gusto niyang habang nasa kama ko siya natutulog ay magharutan kami. Pipisilin niya ang ilong o pisngi ko. Sasambunutan ko naman siya o di kaya ay sasapakin ang kanyang ulo. Tapos tawanan. Pero hanggang doon na lang. Ayaw kong aabot sa punto na hahanap-hanapin ko ang mga ito. Ayokong pagdating ng panahon ay ako ang magiging kaawa-awa dahil sa pagitan ng lalaki at bakla, kahit pagbabaliktarin man ang mundo, bakla pa rin ang talo.

Sa sex life naman ni Jerome, hindi na niya pinayagang makapasok sa kuwarto ang babaeng patay na patay sa kanya, si Ressa. Kapag nariyan si Ressa, aalis ako ng kuwarto upang bigyan sila ng privacy. Ngunit lalabas din pala si Jerome at susundan ako sa sitting room. Aalis na lang si Ressa na nagmamaktol. Ngunit syempre, alam kong nagpaparaos si Jerome. Isang madaling araw kasi, nahuli ko siya sa banyo. Dahil nga minartilyo niya ang door knob nito, wala na itong lock. Iihi sana akonoon  ngunit nang buksan ko ang pinto, nakita ko siyang nakatayo, nakababa ang kanyang boxers at nilalaro ang kanyang ari. Nang nakita niya ako, ni hindi man lang siya huminto at nahiya. Ipinagpatuloy pa rin niya ang paglalaro sa kanyang ari. Ako na lang ang tumalikod. Nang nakabalik na siya sa higaan, parang wala lang nangyari. Saka na uli ako bumalik sa banyo upang umihi… at dahil nalibugan ako sa ginawa niya na sariwa pang naglalaro sa aking isip, dagdagan pang nandoon pa ang maraming dagta na lumabas sa kanya, sariwang-sariwa rin na nagkalat sa tiles ng kubeta, hindi ko na rin maiwasang hindi magparaos. Tuluyan kong ibinaba ang aking brief at short, sinalok ko sa aking palad ang kanyang dagta na nagkalat sa tiles atsaka inamoy-amoy iyon habang nag-eenjoy ako sa paglalaro sa aking tigas na tigas kong pagkalalaki.

Ilang araw ding ganoon ang routine namin. PInanindigan ko ang aking sinabi na huwag munang umalis hanggang hindi siya gumaling at nakapaghanap ng trabaho. Isang linggo ang lumipas, dalawang linggo, tatlong linggo. Sa tatlong linggo na iyon ay napansin kong hindi na rin siya naninigarilyo.

“Hindi ka na yata naninigarilyo?” ang tanong ko.

“Ayoko na.”

“Bakit?”

“Bakit gusto mo bang bumalik ako sa paninigarilyo?”

“Hindi naman. Gusto ko lang malaman ang dahilan.”

“Either walang pera, health reason, o dahil ayaw ko na lang talaga. Pili ka.” Ang sagot niyang tumawa pa.

“Walang pera?”

Tumawa siya.

Sa tatlong linggong iyon ay mistulang wala akong nakitang improvement sa kalagayan ni Jerome.  Ganoon pa rin siyang paika-ikang naglalakad, hindi makatakbo, nahirapan sa pag-akyat sa hagdanan. Nagworry na ako dahil baka tuluyan siyang malumpo.

“Ipatingin na lang uli natin iyan kaya, Jerome. Baka tuluyan ka nang hindi makalakad!” ang sambit ko.

“Huwag na. Dagdag gastos lang. Nakakahiya na sa inyo.”

“Anong nakakahiya? Okay lang sa aking inay iyan!”

“Basta huwag na. Kapag pagkatapos ng isang buwan ay wala pa ring nangyayari rito, saka na ako magpatingin uli.” Ang sambit niya.

Kaya hindi ko na iginiit sa kanya na magpatingin sa panahong iyon. Sumang-ayon na lang ako sa kanyang sinabi.

Isang araw, sumiklab ang sunog sa 3rd floor ng aming boarding house. Gabi iyon kaya naroon kaming lahat. Nakatulog na sana kami nang tumunog ang alarm at nagsisigawan ang mga estudyanteng boarders. Nang binuksan ko ang pinto, nakita ko ang mga boarders na nagsitakbuhan, galing sa itaas dala-dala ang kanilang mga bag at gamit. Dali-dali kong ginising si Jerome na nataranta na rin. Nasa second floor kasi an gaming kuwarto kaya malapit lang ang sunog sa amin. Mabilis na isinilid namin ang aming mga damit sa bag, ang mga importantedn dokumento at gamit, ang laptop ko, at iba pang mga abubot.

Nang matapos na ako, nagtatkbuhan kami ni Jerome patungo sa labas ng boarding house. Nang nasa labas na kami, naroon na rin ang halos lahat ng mga boarders maliban sa isang estudyante na na-trap daw sa third floor, si Celine. Dali-daling umakyat si Jerome.

“Saan ka Jerome!!!” ang sigaw ko.

“Hanapin ko si Celine!” ang sagot niya.

“Delikado, Jerome, baka mapaano ka!!!” ang sigaw ko rin.

Ngunit hindi niya ako pinansin. Simbilis ng kidlat na tumabko siya paakyat sa hagdanan. Doon na ako natakot. Wala pang bente minutos ay nakita naming bumaba si Jerome sa hagdanan at karga-karga pa niya sa kanyang bisig ang estudynteng si Celine.

Nagpalakpakan ang mga boarders nang nakita si Jerome na nangingitim pa ang mukha nang dahil sa usok. Si Celine naman ay bagamat nahirpang huminga at nahihilo pa ay maayos naman. Nilapatan kaagad siya ng first aid.

Siya namang pagdating ng mga bombero. At wala pang 30 minutos ay agad nagdeklara sila na kontrolado na nila ang apoy. Limang kuwarto sa 3rd floor ang natupok ng apoy. Marahil ay kung hindi kungkreto ang building ng aming boarding house baka natupok na ang lahat ng kuwarto nito.

Tila naubusan ako ng lakas sa pag-akyat kong muli sa hagdanan na iyon. Nang nasa loob na uli kami ng aming kuwarto, umupo ako sa gilid ng aking kama. Ganoon din si Jerome.

Tinitigan ko siya. Lalo akong napahanga sa kanyang ginawang pagsagip sa isang boarder nan a-trap sa kuwartong nasunog. Mistula siyang lalo pang gumaguwapo sa aking paningin. Mas lalo ko pa siyang hinangaan. Mas lalo ko pa siyang iniidolo. Sobrang confident niya sa kanyang sarili, sobrang tapang, na walang pakialam kung may mangyaring masama sa kanya, mailigtas lamang ang isang taong nasa bingit ng kamatayan.

“Isa kang hero…” ang sambit ko sa kanya.

“Okay. What now? Wala naman sa akin iyon. At wala rin namang nagbabago, di ba?”

“Mayroon.” Ang sagot ko.

“Ano?”

“So matagal na palang maayos ang pinsala mo? Nakakalakad ka na ng maayos, nakakatakbo na parang kabayo… pero nagkunwari kang hindi pa rin makakalakad? Kailangan pang masunog itong boarding house natin upang malaman ko na maayos ka na pala?”

Natahimik siya. “M-may sasabihin ako sa iyo…”

“Okay, makikinig ako. Ayusin mo lang pagdadahilan mo dahil kung hindi ako kumbinsido ay lalayasan na kita, at ngayon na, lalo’t nakabalot na itong mga gamit ko.” Ang pananakot ko sa kanya.

“K-kung naalala mo iyong bababaeng nakita natin sa restaurant, kasama ang iyong inay??”

“Oo naalala ko. Anong kinalaman niya sa pagsisinungaling mo na magaling ka na?”

“Siya ang aking inay. Ang lalaking kasama niya ay ang bago niyang asawa. Anak nila ang mga bagito na kasama nila, half-brothers ko sila. H-hindi kasal ang aking ama at ang aking inay. Nang isinilang niya ako, bigla siyang naglaho at iniwan niya ako sa piling ng aking ama. Nang makita ko sa aking birth certificate ang pangalan ng aking inay, agad ko siyang hinanap at nang natunton ko ang kanyang address ay pinuntahan ko ito. Iyon na rin iyong panahon na nakapagdesisyon ako na umalis na sa poder ng aking ama. Nang nasa gate pa lamang ako ng kanilang bahay, nagpakilala agad ako. Sinabi ko sa kanya na ako ang anak niya. Ngunit itinanggi niya na may ibang anak siya. Wala raw siyang kilalang Jerome, at lalo nang wala siyang anak sa labas. Nang binanggit ko ang pangalan ng aking itay, itinanggi rin niyang killala niya ito. Nang lumabas ng bahay ang kanyang asawa kasama ang dalawa nilang anak at nakita nila ako, tinanong siya ng kanyang asawa kung sino ako. Ang sagot niya ay salesman daw ako ng encyclopedia.” Nahinto si Jerome at binitiwan ang isang hilaw na ngiti, iyong may pagka sarcastic, napailng. “Salesman ng encyclopedia? Ang aking inay ay binebentahan ko ng encyclopedia?” Doon na siya tumawa. “Sa tindi ng pagkadismaya ko ay tumalikod na lang ako…” ang dugtong ni Jerome.

Hindi ko maintindihan kung ano ang connection ng kuwento niyang iyon sa pagtatanong ko kung bakit siya nagsisinungaling. Ngunit tila isang sibat ito na tumusok sa aking puso. Tuluyan na akong natahimik sa sinabi niya. Nakarelate ako dahil anak ako sa pagkadalaga ng aking inay. Inabandona kami ng aking itay nang nasa sinapupunan pa lang niya ako. Ngunit never na itinakwil ako ng aking inay. Gusto kong maawa sa kanya. Gusto kong sabihin sa kanya na hindi siya nag-iisa. Gusto ko siyang yakapin.

Ngunit talaga lang sigurong matapang si Jerome. Kaya pala tinawag siyang siga dahil kaya niyang i-handle hinlang ang pisikal na sakit kungdi pati na rin ang emosyonal na sakit...

“Bakit mo sinasabi sa akin iyan? Ano ang kinalaman niyan sa iyong pagsisinungaling sa akin na magaling ka na?” ang matigas kong tanong sa kanya.

Doon ko na napansin ang biglang paglungkot ng kanyang mukha. Yumuko siya. “A-ayaw ko kasing umalis ka, ‘tol… sobrang lungkot ko. H-hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kapag wala ka. Ikaw na lang ang itinuturing kong pamilya ko. Ikaw na lang at ang iyong inay ang nakakaintindi sa akin. Sa iyo lang ako sumusunod kahit anong sasabihin mo. Kahit iyong paninigarilyo ko, hininto ko iyon dahil sa iyo. Itinakwil ako ng tunay kong inay, ‘tol. Hindi ko kayang makisama sa aking itay. Nag-iisa na lang ako. Paano na lang ako kapag iniwan mo rin ako?”  Ang sambit niya.

At napansin kong tila may mga luhang pumatak mula sa kanyang mga mata. Bagamat hindi ako sigurado dahil nakayuko siya, napansin kong pinunasan niya ng kanyang palad ang kanyang pisngi. Kung umiyak man siya, iyon ang pinakaunang pagkakataon na nakita kong umiiyak siya.

“Ngunit nagsisinungaling ka Jerome. Hindi maganda ang ganoon. Ilang beses ka nang nagsinungaling?”

“Kung sinabi ko ba sa iyo ang totoo ay magbago ang iyong isip?”

(Itutuloy)

7 comments:

  1. hayssst... yan na... lalambot na ang puso ni jerome. . nakakakilig.... sana eh wag siyang iwan ni july. . ready na ako for the chapter.

    ReplyDelete
  2. Nice,wala talagang ka kupas kupas boss mike

    ReplyDelete
  3. Enter your comment...update po please

    ReplyDelete
  4. kelan po kaya ulit ang update ?

    ReplyDelete
  5. The best ka talaga sir Mike. I started following your stories way back 2012.Unang story na nagpa iyak at the same time nag pa inspired sa akin yung Munting Lihim. I hope magawan ng movie ang mga sulat niyo po.

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails