Disclaimer: Ang larawan ay hindi ko pag-aari. Ginamit ko lang ito para may visual representation ang mga character sa kuwento. Kung meron man ang na-ooffend sa larawan, paki-e-mail po ako at tatanggalin ko ang larawan asap.
E-mail address: comegetmycookies@gmail.com
Facebook fan page: https://www.facebook.com/CookieCuttersCut/ (Cookie Cutter's Cut)
---
“Oh,
ano? Tutunganga ka lang ba?!” Asar na tanong ng lalake sabay alok ng kanyang
kamay para tulungan akong makatayo.
CHAPTER 1
“As
for you Jacob Santos, baka maisipan mo naman sigurong huwag matulog sa klase
para makaraos ka naman sa Golden Exam. Class dismissed.” Kinusot ko aking mga
mata at nakita kong mabilis na nagtatakbuhan aking mga kaklase. Political
History 402 ang klase namin at napansin kong masama ang tingin ni Prof. Martin
sa akin habang inaantay niya na paisa-isang makalabas ng classroom ang mga tao.
“Ayan,
awards night ka na naman kay professor.” Si Jenny, best friend ko. Akay-akay
niya ang kanyang pulang bag sa kanyang mga braso habang inaayos ang sling nito
sa kanyang balikat, inaantay akong matapos magligpit ng gamit.
“Paano
naman kasi, hindi maayos ang tulog ko kagabi. Hindi ako mapakali baka bukas
kalaunan aatake na ang Punyasenyales dito sa Habisig.” Garalgal ko nang napasok
ko na ang makapal kong libro sa aking pulang backpack.
“Natataranta
ka sa mga pangyayaring hindi pa nga nagaganap. Chill ka nga lang. Okay tayo
dito. Maswerte tayo kasi ligtas tayo. Ewan na lang kung wala ang Pader. Kung
wala siguro ang Pader lagot at iisa-isahin tayo ng mga Punyasenyales.” Pangaral
ni Jenny sabay tapik sa balikat ko, paalala na kailangan ko na magmadali.
“Safe
nga, pero tingnan mo nga ‘tong mga bag natin. Ang papangit. Puro pula. Gusto ko
naman ng color blue o kaya medyo may disenyo-“
“Ano ka ba wag ka ngang magsalita ng ganyan! Baka marinig ka at itapon ka sa Labas.” Pabulong na pasabi ni Jenny sa akin habang sabay kaming naglakad palabas ng classroom patungong cafeteria.
“Ano ka ba wag ka ngang magsalita ng ganyan! Baka marinig ka at itapon ka sa Labas.” Pabulong na pasabi ni Jenny sa akin habang sabay kaming naglakad palabas ng classroom patungong cafeteria.
Ako
si Jacob Santos, 18 years old. Buong buhay ko sa Habisig na ako nakatira –
isang bansa na pinapalibutan ng makapal at mahabang pader… na tinatawag naming
“Pader”. Ginawa ang Pader upang maprotektahan kami laban sa mga Punyasenyales –
pangkalahatang tawag namin sa mga rebeldeng nasa labas ng Pader.
Sinasabing
ang Habisig ang nag-iisang lugar kung saan nagkasama-sama ang mga “Founding
Fathers”. Noong unang panahon, lahat ay nakatira sa isang environment na walang
seguridad, walang gobyerno, walang proteksyon, at walang kapayapaan. Dahil
walang batas na umiipon sa mga tao noong unang panahon, lahat ay umaasta ayon
sa kanilang kagustuhan at interes: ang pumatay, magnakaw, mangloko, mang-uto,
mangkidnap, manggahasa, mang-ransak, at kung anu-ano pa.
Kaya
naisipan ng mga Founding Fathers na magkaisa at binuo nila ang kauna-unahang
pundasyon ng Habisig – ang Pader para maprotektahan ang mga nais mamuhay ng
payapa. Kasunod nito ay ang pagbuo ng gobyerno, ng batas, ng seguridad.
Lahat
ng mga pangkatauhang seguridad ay ibinibigay sa mga naninirahan sa Habisig – na
tinatawag na mga “Habis” – nang walang kaukulang bayad. Libreng edukasyon,
libreng pagkain, libreng pagpapagamot, libreng organisasyon na malayang
isinusulong ang welfare ng bawat Habis.
Payapa
rito. Sa loob ng pader walang tulisan, walang rapist, walang droga, walang
krimen. Matiwasay ang aming pamumuhay at ang huling natalang krimen ay bago pa
man ako mapanganak nang may Habis na pinuslit ang isang Punyasenyales sa loob
ng Pader. Ayon sa batas ng Habis, bago makapasok ang isang Punyasenyales ay
isinasalang muna ito sa training at “special intensive education” para
matutunan nito ang pamumuhay ng isang Habis para mapanatili ang kapayapaan ng Habisig.
Kaya
pati bag namin, libre. Mahigpit din na ipinagbabawal ng gobyerno na
pinamumunuan ng “Parlyamento” ang magtayo ng pamilihan. Naniniwala kaming
matiwasay lamang ang isang komunidad kung hindi nangunguna ang pansariling
interes, at bigay naman ng gobyerno pati pagkain at pabahay namin – kaya walang
rason para kumita ang mga Habis sa loob ng Pader.
Ang
pamilihan na initiative ng Habisig ay ginaganap lamang sa labas ng Pader. Sa
unang tingin parang okay naman magbenta sa labas ng Pader, kaso hindi lahat ay
matapang para lumabas ng Pader dahil sa dilim, usok, at kakulangan ng
seguridad. Iilan lang ang matibay na nag-aapply sa Parlyamento para makadalo sa
buwan-buwan na pamilihan sa labas ng Pader. Bantay rin ng mga Parlyamento ang
mga nagbebenta sa labas ng Pader para masiguradong hindi sila bangkay pagpasok
nila muli sa Pader. Kaso lahat ng kita ay napupunta sa Parlyamento para
panggastos sa lahat ng tao.
Siguro
ang ibig ko lang sabihin sa inyong lahat ay masaya kami sa loob ng Pader, at
hindi namin gugustuhing makalabas. Ganon din ang mga Punyasenyales, dahil hindi
sila makasunod sa simpleng pamumuhay namin sa Habisig, ang mga pinapayagang
makapasok sa loob ay hindi rin nagtatagal. Siguro sa sampung Punyasenyales na
pumapasok sa Habisig, isa lang ang nakakasabay sa aming pamumuhay.
“Ano
na, bes? Handa ka na ba sa Golden Exam? Para kasing tulog ka lang ng tulog sa
klase eh.” Tanong ni Jenny sabay lapag ng pagkain namin sa mesa.
“Hindi
naman siguro ganyan kahirap ang Golden Exam, Jenny. Baka ina-exaggerate lang ng
mga nakatapos-“
“Hoy! Hindi mo ba alam na sa 100% na nagtetake ng Golden Exam, 20% ang hindi nakakapasa at automatic na naaassign sa military.”
“Alam ko yan, siyempre.” Kumuha ako ng fish sticks at sinubo. “Hindi naman masamang ma-assign sa military sa labas. At saka naman hindi ka naman talaga bumabagsak sa Golden Exam dahil bobo ka. Inaalam lang nito ang kakayahan mo para malaman nilang saan tayo ilalagay sa mga trabaho trabaho sa Habisig.”
“Hoy! Hindi mo ba alam na sa 100% na nagtetake ng Golden Exam, 20% ang hindi nakakapasa at automatic na naaassign sa military.”
“Alam ko yan, siyempre.” Kumuha ako ng fish sticks at sinubo. “Hindi naman masamang ma-assign sa military sa labas. At saka naman hindi ka naman talaga bumabagsak sa Golden Exam dahil bobo ka. Inaalam lang nito ang kakayahan mo para malaman nilang saan tayo ilalagay sa mga trabaho trabaho sa Habisig.”
Sa
mga nagdaang linggo, bukambibig ng mga mag-aaral ang Golden Exam. Ang Golden
Exam ang naglalagay sa aming mga graduating high school students sa mga
kaukulang training job na papasukan namin. Finafacilitate ito isang beses sa
isang taon. Naglalaman ito ng iba’t-ibang tanong na sinusuri ang aming talent
at ang aming personality. Sasagutan lang namin ang mga tanong at paglabas ng
exam malalaman namin kung sa Music Department kami itetrain para maging
musikero, o sa Arts Department para maging artist. Para naman sa magaling sa
Science, sa Research Department ang punta nila. Marami pang mga departments ang
pwedeng paglagyan ng mga estudyante, pero ang pinaka inaabangan ay ang
Parliament Grounds.
Ang
Parliament Grounds ay ang training para sa mga pwedeng maging susunod na
leaders ng Habisig. Ang Parlyamento kasi, ang namumuno ng gobyerno, ay binubuo
ng 51 members mula sa iba’t-ibang parte ng Habisig. Ang Habisig ay binubuo ng
51 provinces, at ang capital nito ay ang Central District, kung saan kami
nakatira.
Siguro
iniisip ninyo “ay mas okay siguro sa Central District kasi kabisera.” Pero
hindi ito totoo. Sa katunayan, lahat ng mga napatapon na mga leader ay mula sa
parliament member ng Central District dahil sa mga issue sa corruption. Ang
kaparusahan sa mga corrupt parliamentarian ay ineexile sa labas ng Pader.
Ngunit,
ang Punong Ministro ng Habisig ay posibleng magmula sa kahit saang bahagi ng
Habisig. Ang kasalukuyang Punong Ministro namin – na namumuno sa buong
Parlyamento – ay si Wendel Ferdinando na taga-Central District.
Isang
malaking karangalan kasi para sa mga nakakapasok sa Parliament Ground ang
mabahagi sa programang ito. Taon-taon, sa 20,000 na estudyante na kumukuha ng
Golden Exam, sampu lang ang kinukuha para makapasok sa prestihiyosong
programang ito. Nasa 0.0005% lang ang mapalad.
Sa
totoo lang, gusto ko makapasok sa sampung trainees na ito. Pero parang
imposible dahil sa tindi ng competition para rito. Pero kahit naman siguro
hindi ako makapasok sa sampu, okay lang. Mahirap nga makapasok sa sampu, mas
mahirap naman maging future leader para sa payapang Habisig.
Kapag
natapos na ng sampu ang kanilang training sa Parliament Grounds, inaassign sila
sa 51 districts at bahagi sila ng representatives sa district na nakaassign sa
kanila. Ibig sabihin, kailangan nilang lumipat ng tirahan at pamunuan ang
kanilang district government. Para mapili ang Punong Ministro, pinagpipilian
ito mula sa 51 parliament members ng lahat ng mga Habis. Ibig sabihin, may
eleksyon ding nagaganap. Kada parliament member ay pinagpipilian sa district eleksyon
mula sa mga district representatives.
Kaya
medyo nag-aalangan ako kung sakaling makapasok ako sa sampu para sa Parliament
Ground – maliban sa imposible kasi maraming matatalino – mahirap na ngang
mamuno ng isang district, isang bansa pa kaya?
Pero
kontra sa kaba ni Jenny, walang bumabagsak sa Golden Exam. In fact, ang mga
“bumagsak”, hindi sila tuluyang “bumagsak”. Wala lang talagang kaukulang
department ang pwedeng paglagyan sa kanila ayon sa kanilang skills at
personality. Kaya automatikong inaassign sila sa military para sa labas, para
protektahan ang Habisig.
Kung
ang Parliament Grounds ang pinakaprestihiyosong department, ang Military
Department naman ang pinakainaasam ng lahat. Hindi namin naisip kahit ni minsan
ang mga militar bilang sacrificial lamb, tinatanaw naming utang na loob ang
mapabilang dito, at marami din talaga ang napapabilang sa Military Department.
Siguro sa 20000 na kumuha ng Golden Exam, 12000 ang na-aassign sa Military
Department para sa pagprotekta sa loob at labas ng Pader.
“Huwag
ka magalit Jacob ah, pero kanina sabi ni Prof. Martin, parang alam na niya raw
ang isa sa pwedeng ma-assign sa Military Department… habang nakatingin sa’yo
nung tulog ka. Kasi raw hindi mo pinag-iigihan ang pag-aaral sa politics kaya
malabong makapasok ka raw sa sampu.” Inom ni Jenny sa kanyang juice sabay tali
sa kanyang mahabang, kulay pula na buhok at ayos sa kanyang kulay pink na
dress, na school uniform namin.
“Sus.
Baka tama siya. Okay naman yata sa Military Department.” Kinukulikot ko ang na-trap
na pagkain sa aking ngipin sabay inom ng tubig.
“You
would look so hot! Siyempre, medyo matipuno katawan mo. Tapos matangos ilong
mo. Moreno. Defined ang panga. Matangkad. Konting training mo lang siguro sa
Military Department pwede ka nang itapon sa Theater Department. Hahaha!” Tukso
ni Jenny habang dinaramdam ang kanyang maputing balat at pumipikit tila isang
model.
Umirap
lang ako para sabihing hindi ako natutuwa.
“Kaso
nga lang, mga lalake mga type mo! Jusko naman kasi, kontrolado na nga ng
Parlyamento ang buhay natin sana magpasa na rin sila ng batas na ang mga babae
para lamang sa mga lalake at vice versa! Para tayo na lang sana bes!” At
umaktong malungkot si Jenny at tumawa kalaunan. Tapos na rin akong kumain at
uminom ako ng tubig mula sa bottled water nang tinitigan ko siya ng malalim.
“Uy,
bes, walang ganyanan!” Nag-iba ang reaksyon ni Jenny habang dinilaan ko ang
aking mga labi.
“Putang
ina, kadiri ka! Alam mo ‘yun! Bes, tigilan mo ako.” Lumaki ang mata ni Jenny
sabay labas ng kanyang kamao sa aking mukha.
Tumawa
ako ng malakas.
“Harhar.
Hoy, Jacob, kahit kailan hindi kita papatusin kasi kilala na kita mula ulo
hanggang paa.” Umirap si Jenny sabay tapon ng natirang buto ng manok sa akin.
Matagal
na kaming magbestfriend ni Jenny. Magkababata kami dahil sa lapit ng bahay
namin noon. Kaso lumipat sila ng pamilya nila ng mas malapit sa Central
District University para hindi na malate palagi si Jenny sa klase. Sa kabila ng
distansya, nanatili kaming matalik na magkaibigan.
Nasa
5’4 ang taas ni Jenny at maputi ang kanyang balat. Maganda ang hubog ng kanyang
katawan at para bang lahat ng bigay na damit ng Habisig ay maganda sa kanya.
Maagang nalaman ni Jenny na hindi ako nagkakagusto sa mga babae. Legal ang
pagiging homosexual dito sa Habisig at walang diskriminasyon – hindi kagaya sa
mga Punyasenyales na pinapatay ang mga nagpapakita ng senyales na homosexual
sila.
Kaso,
hindi pa ako nagkakaboyfriend, pero nagkakaroon na ako ng mga sexual encounter
na… enjoy. Si Jenny naman, tatlong taon na ang nakaraan nung huli siyang
nagkaboyfriend at parang kailangan niya madiligan araw-araw dahil sa ingay ng
kanyang bunganga na puro sex kung natatamaan ng libog.
“Tara
na nga! Baka makalimutan kong magbestfriend tayo, at bakla ka – masunggaban kita.
Sus ka!” Asta ni Jenny sabay tayo dala-dala ang aming mga pinagkain. Nang
nadaanan namin ang washroom, nilagay na niya ang aming mga pinggan at diretso
na kami sa sunod naming klase.
Naglalakad
kami patungo sa Arts and Science building, sa kabilang dulo ng Central District
University para sa klase namin sa Biology nang bukambibig ni Jenny ang mga
crush niya sa buong semester.
“Oo!
At bes! Don’t me, nag-iwan siya ng bulaklak sa locker ko last week at ewan ko
na lang kung anong sasabihin ko kasi medyo naturn off ako. Pogi sana kaso alam
mo ‘yun, medyo maliit ‘yung…” Isang hilaw na ngiti ang tinapon ni Jenny habang
nagsasalita at kaagad ko namang nakuha ang kanyang ibig sabihin.
“Ano
naman kung maliit? Baka malay mo magaling naman.” Sabi ko nang umiling si
Jenny.
“Hindi!
Ano ka ba. Ibang usapan ang galing. Ang usapan ay ang laki. Narinig ko nga mula
sa classmate ko sa Art Appreciation na may nakakahook up daw siya palagi na
importanteng tao sa Habisig. Estudyante! At sabi ni friend ang laki daw talaga mga,
otso pulgada siguro. Ganern. Ibang klase rin si ate kasi hindi naman siya ganon
kaganda talaga pero wow naman ate! How to be you po!” Sigaw ni Jenny nang
napansin ko na ang sintas ng aking sapatos ay nalalaglag. Uupo sana ako upang
itali ito muli nang may naramdaman kong may papalapit na mabibigat at malalakas
na yapak na tila tumatakbo. Lilingon na sana ako nang…
BLAG! Hindi ako makakita at parang may malagkit na naramdaman ako sa aking mukha.
BLAG! Hindi ako makakita at parang may malagkit na naramdaman ako sa aking mukha.
“Tumatambay
pa kasi sa corridor, tangina naman oh! Next time, ‘huwag kayo dito magdaldalan.
Nakakaasar!” Galit na usal ng lalake habang marahan kong tinatanggal ang
nakaharang na malapot na bagay sa aking mga mata.
Nang
natanggal ko na ang malagkit na bagay sa aking mga mata, nakakita ako ng
anghel.
Itutuloy...
UNTIL MY LAST BULLET.
Enter your comment...promising story...
ReplyDeleteParang maganda ang story!
ReplyDeleteGo author
Parang divergent/insurgent yung kwento. Dahil sa PADER. haha. Btw welcome back Cookie cutter. At last mabubuhay na tong Blogsite na to. Charot!
ReplyDeleteWow. Atlast may bago. Susubaybayan ko to Sana mabilisan update xD
ReplyDelete-Rave Valentine
Putcha! Ngayon ko Lang to nabasa! Mukhang maganda ahahahaha idol talaga e ~KG
ReplyDelete