Followers

Friday, November 20, 2015

Enchanted: Broken (Snippets from Various Chapters)

Writer: Peter Jones Dela Cruz

Paalala: Ang kwentong ito ay may mga bahaging hindi akma sa mga bata. Gabay lamang po. 


“Good morning, sir.”

Nagulat si Errol nang makita si Ivan sa mismong harap nito sa pagdilat ng kanyang mga mata. Nakangiti ito sa kanya. Litaw ang kanyang mapuputing ngipin. At dahil wala siyang pang-itaas, kita ni Errol ang matipuno nitong katawan. Gusto man nitong haplusin ang balat niya ay di niya kayang gawin. Nagkusot na lang siya ng mata at bumati na rin. “Good morning. Nakatulog ka ba nang maayos?”

“Syempre naman.”

Nakakatunaw talaga ang ngiti ni Ivan. Bakit ba lagi itong nakangiti? Nakita niyang nilapit ni Ivan ang kanyang kamay sa mukha niya. Nagtaka naman siya.

“May muta ka,” saad ni Ivan pagkatapos ay tumawa.

Bumaba si Errol sa kama at tiningnan ang mukha sa salamin. Pagkatapos ay lumingon sa kasamang nakahiga pa sa kama. Nakita niyang natatakpan ng kumot ang gitnang bahagi ng katawan nito. Napatigil na naman siya sa napakagandang tanawin. “Di ka pa babangon?”

“Mamaya na. Matigas pa si junior, eh.”

Napalunok si Errol sa narinig. Ano daw? ‘Yung matigas na bagay na tumatama sa likod niya kagabi? At ang loko-loko may pangiti-ngiti pa. Sarap lantakan ng lintek! At dahil hindi na naman alam ng binatang guro ang isasagot sa pilyong ulam na nakahiga sa kama niya ay bumalik ito sa pagsipat sa sariling repleksiyon sa salamin.

“Psst...”


* * *


Nakita ni Erik na sandaling tumigil ang kaibigan sa pagsasalita. May pumigil dito na tapusin ang gustong sabihin at alam niya ang nais tukuyin nito. Nakita niya rin ang pamumula ng mata ng kaibigan. Kaya naman ay nilapit niya ang pagkakaupo dito at hinagod niya ang likod nito.

“Sana, Erik, pwede, ano?” Sumulyap si Errol kay Erik, ngunit umiba din kaagad ng tingin. “Sana pwede.”

Walang maisagot si Erik kaya naman hinimas niya na lang ang likod ng kaibigan.

“Pero” -- tumawa ng pilit si Errol -- “ganito lang ako, eh.”

Nakita ni Erik na tumulo na ang luha ng kaibigang kanina lamang ay masaya at kinikilig.

“Halika nga dito.” Niyakap ni Erik ang umiiyak na kaibigan. “Mahal naman kita, eh.”

“Bilang kaibigan. Alam ko. Kaya naman nagpapasalamat ako sa’yo, Erik, kasi kahit nung nalaman mo kung ano ako, hindi ka lumayo. Nandiyan ka lang.”

Bilang isang kaibigan? Siguro nga tama si Errol. Mahal niya ito bilang isang kaibigan. Ngunit bakit siya nagseselos kay Ivan? Bakit tila mas higit pa doon ang nararamdaman niya para sa kaibigan? “Lagi lang akong andito para sa’yo, Rol. Kahit mag-asawa at magkapamilya ako, andito lang ako.”

Inilayo na ni Errol ang katawan niya at tumango sa sinabi ni Erik. “Alam mo, Erik, namimiss din kita.”

Napangiti si Erik sa narinig at may nangingilid ding luha sa mga mata nito. “Sabi ko na nga ba, eh.”

“Ayaw ko lang ipahalata sa’yo kasi iba na kasi ang sitwasyon ngayon. Hindi na gaya noong estudyante pa lang tayo.”


* * *


Pinikit ni Errol ang mga mata sa pag-aakalang sa muling pagdilat niya ay babalik ang ilaw at magiging normal ulit ang lahat. Dumilat siya. Wala pa rin siyang makita. Madilim. Tumakbo siya sa gitna ng dilim, naghahanap ng makakapa, naghahanap ng malulusutan. Naisip niyang sumigaw at humingi ng tulong. Ngunit walang tumugon. Madilim. Nakakabingi ang katahimikan. Ang kaitiman ng kawalang ito ay nakakapanghilakbot. “Patay na ba ako? Lord, patay na ba ako? Bakit dito ako napunta? Madilim. Nagsisimba naman ako.”

Katahimikan.

Maya-maya pa ay may naaninag siyang mga ilaw. Nakalutang ang mga ito sa kadiliman na animo’y nagsasayaw. Papalapit ang mga ito sa kanya. Napaatras si Errol. Ano ba itong mga ito? Anong kinalaman ng mga ito sa matandang ermitanyo? Asan na nga pala ang matanda?

Pinaligiran na si Errol ng apat na mga kumikislap na mga bato. Animo’y nagsasayaw ang mga ito habang umiikot sa palibot niya. Ang isa ay kulay kayumanggi. Ang isa naman ay pinaghalong asul at puting ilaw. Ang isa ay tila kulay mapusyaw na puting usok. At ang huli ay animo’y pinaghalong dilaw at pulang usok. Kumikinang ang mga ito. Nilapit ni Errol ang kanyang kamay sa isang ilaw. Lumagpas lang ang kanyang kamay. Hindi niya ito mahawakan. Ganoon din ang iba.

Walang anu-ano’y may narinig siyang halakhak. Lumingon-lingon siya, hinahanap kung saan nanggagaling ang halakhak. Subalit mukhang ito ay nanggagaling sa lahat ng direksiyon.

Maya-maya pa ay biglang may lumitaw na malaking mukha sa harapan niya. Mukha ito ng maputing babaeng may matangos na ilong. Dilat na dilat ang mga mata nito. Ang buhok nito ay nakatali sa likod nang mahigpit, tila binabanat ang anit nito. Ang labi nito ay mamasa-masa at pulang pula na parang pininturahan ng dugo. Bigla nitong binuka ang bibig at lumabas ang mataas, matinis, at mala-ahas nitong boses. “Pangahas!”


* * *


Sa gitna ng kadiliman ay biglang lumitaw ang makislap na liwanag sa ere na animo’y nagsasayaw. Unti-unti itong binabalutan ng maitim na usok, ngunit umigting ang liwanag na tila winawaksi ang pagyakap ng itim na enerhiya. Tila nagbubunuan ang itim at puting enerhiya, nagbabanggaan, naghahabulan -- hanggang sa bumalot ang puting enerhiya sa itim at ikinulong ito. Unti-unting nalusaw ang mga enerhiya sa ere.

Maya-maya pa ay lumitaw muli ang liwanag mga dalawampung metro sa ibabaw ng rooftop, at niluwa nito ang itim na enerhiyang bumagsak sa sahig. Ang liwanag ay naghiwahiwalay at naging mga maliliit na bilog na ilaw na nagkumpol-kumpol at bumaba sa sahig.

Unti-unting lumitaw ang imahe ng matanda sa gitna ng mga nagkumpulang ilaw na dahan-dahang nalusaw. “Nawawala na ang bisa ng ginawa mong orasyon, Cassandra.” Paika-ikang naglakad si Melchor tungo sa nakahandusay na babae na nagkaroon ng mga galos sa balat at mga punit sa damit. Nakita niyang hirap ito sa pagtayo kaya lumapit siya rito at inalalayan ang pamangkin.

“Lumayo ka!” sigaw ng babae. Nanlilisik ang mga mata nito.

Ngunit hindi lumisan si Melchor sa kanyang tabi. Bagkus ay hinawakan niya ang ulo ng babae. Nagpumiglas naman si Sandy, ngunit hinigpitan ni Melchor ang pagkakahawak sa kanya. Biglang nagliwanag ang mukha ng babae. Sumilip ang liwanag sa mata, ilong, at bunganga nito.

“Tigilan mo ito, tanda! Aaargghhh...”

Wala nang nagawa si Sandy kahit magpumiglas pa ito. Nasaktan siya sa enkwentro nila sa ere. Mula sa kanyang katawan ay sumingaw ang itim na usok na mabilis na pumaitaas at bumalik sa kalawakan. Nanumbalik ang puting bahagi ng mata ni Sandy.

“Ano’ng ginawa mo?” Hinihingal si Sandy. Nakayuko ito, ang isang siko ay nakatukod sa sahig, ang kabila ay hindi maigalaw.

“Pinadali ko lang ang pagkawala ng bisa ng itim na mahika.”


* * *

I will post the first four chapters tomorrow. Maraming salamat.

11 comments:

  1. Sumakit ang ulo ko dun ah,haha. Student teacher affair ba ito, mukhang exciting to kasi my nabasa ako noon n student teacher story kaso di tinapos. GL sir Peter

    ReplyDelete
  2. Thank you, Edison, for checking it out. Good luck talaga to me. Hindi siya student-teacher affair, kasi bawal daw sa school policy. Baka biglang matanggal kaagad sa trabaho ang bida natin. hehehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. Yun nga dn sir Peter dahilan nung dati kong sinubaybayan kaya itinigil nya true to life story p nmn yun tapos my nakakilala sa kanya kaya di nya tinapos, sige sir basahin ko mamaya ung story, Godbless po

      Delete
    2. Sayang naman. Pero I can assure you you will get to see the end of this kasi tapos na ang both book 1 and 2. Minor edits na lang ang ginagawa ko. Salamat :)

      Delete
  3. hmmmmp abangan ko ito..., goodluck sir sana mapasakit mo ulo namin...., errol errol errol

    ReplyDelete
  4. Napost na ba ito dati? Para kasing familiar sakin. Di ko lang masyadong maalala.

    -hardname-

    ReplyDelete
    Replies
    1. New writer ako dito. Hehe, Kakajoin ko pa lang.

      Delete
    2. Same here. Parang familiar. Haha. But I'm glad na tapos na ang book 1 at may book 2 pa. Thank you for sharing your story. God bless po.

      Delete
  5. Welcome po sayo new author

    Susubaybayan ko po ito.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Thank you, Azrael. Don't hesitate to post your feedback ha.

      Delete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails