Finally, tapos na ang botohan sa bloggys at para po sa mga bumoto, taos puso po akong nagpasalamat sa inyo -
* Iyong mga fb friends na hindi ko pa naka-chat pero bigla na lang sumulpot para ipaalam na bumuto sila
* Para sa mga friends na matagal nang walang contact ngunit bigla na lang sumulpot upang mag pm na nakaboto na sila
* Iyong mga nangampanya rin sa mga kaibigan nila para makaboto
* Iyong kahit naka free data lang ngunit gumawa ng paraan para makaboto
* Iyong nalito at hindi malaman kung paano sundan ang proseso ngunit nag-effort na ulit-ulitin ang proseso hanggang sa tuluyang makuha ang proseso
* Iyong mga friends na I'm sure kahit hindi nagpm or nagpost na nakaboto sila pero bumoto
* Sa mga MSOB followers, fans, and friends
* Sa lahat na bumoto, in spite of everything...
Maraming-maraming salamat po sa inyo!
Sa November 21 po malalaman ang resulta. Ang boto po ay ang pagdetermine lamang sa "People's Choice" Award sa category na naisali ang MSOB. I am not expecting na manalo in any category pero the process of participation and the support that MSOB got from you guys feeling ko ay panalo na tayo.
Nakakataba ng puso, nakaka-inspire na tayong nasa LGBT group ay nagkaisa para sa ating entry.
Muli, maraming salamat sa unwavering support ninyo para sa akin at sa MSOB. Salamat sa inyong pagmamahal.
More power po sa ating lahat!
-Michael Juha-
Deserving naman pong manalo tong blogsite. Through sa stories published dito, na inspire po akong harapin ang mga pagsubok ng buhay. I have been your avid reader since I first discovered this blog in the year 2010 :)
ReplyDeleteYou're welcome po...
ReplyDeleteSana manalo ang MSOB *fingers crossed* haha
ReplyDelete