Followers

Wednesday, November 18, 2015

Dear Stranger (Chapter 1) - Love, Stranger Book 2

AUTHOR'S NOTE (PLEASE READ!):
Una, gusto ko pong mag-sorry dahil na-late ng dalawang araw ang Book 2 ng "Love, Stranger". I made some MAJOR REVISION DITO. Naka-tatlong drafts ako bago ko nasulat ang mababasa niyo ngayon. Sana po ay magustuhan niyo.
Anyway, 'di ko na patatagalin pa dahil alam kong matagal kayong naghintay. Next chapter na lang ang mga ibang bagay na gusto kong sabihin. ENJOY READING!
MARAMING SALAMAT PO!

MAY MGA TYPO'S AND PROBABLY GRAMMAR ERROR ITO. 'DI KO PA NA-EEDIT DAHIL MEDYO BUSY PO AKO. SA BOOK VERSION (SOON IN BUQO), NANDOON PO ANG EDITED VERSION AND BETTER VERSION. (May mga bonus clip and scenes din po akong balak idagdag doon so kung gusto niyo pong mabasa, I suggest you get a copy po once na available na.)  
======================================================





DEAR STRANGER
(Book 2 of "Love, Stranger")

CHAPTER ONE
ROME:
“Hindi ka ba naging masaya kasama ako? Hindi ka ba naging masaya noong dalawang gabi tayong magkatabi at magkayakap matulog? Hindi ka naging masaya sa tatlong araw?” patuloy ang pagdaloy ng iyong luha.
“Masaya...”
“Oh eh anong hindi pwede? Bakit hindi pwede? Rome, ipaintindi mo naman sa akin!” sigaw niyang sabay crack ang boses.
“Ray, lalaki ako. Hindi kita kayang mahalin bilang isang kasintahan. I’m sorry. Hindi ko kayang mahalin ka kagaya ng pagmamahal mo sa akin.” Ito ang pinakamalaking kasinungalingang sinabi ko sa iyo.

***

ROME:
“Anak.” Isang boses ang gumising sa akin. Narinig ko rin ang paghawi ng kurtina. Dumilat ako, ngunit hindi ko magawa. Nasilaw ako sa maliwanag at mainit na sikat ng araw. Kahit hindi ko nakikita ay alam kong si Mama ito.
“Anak, kain na tayo.” Aya niya sa akin sabay tapik ng dalawang beses sa braso ko.
“Susunod na po ako.”
Ilang saglit pa’y narinig ko ang pagsara ng pinto. Nagbitiw ako ng isang malalim na hinga. Sinubukan ko muling idilat ang aking mga mata. Nakita ko ang puting kisame sa aking kwarto pati na rin ang hugis bilog na ilaw. Dahan-dahan akong umupo sa gilid ng kama. Yumuko. Naalala ko ang panaginip ko kanina. Na-miss na naman kita Ray. Tumingin ako sa aking kaliwa kung saan nakapatong sa end-table ang aking cellphone. Pinindot ko iyon, nakita ko ang oras at petsa.
“Exactly one year simula noong nagkita tayo ulit sa Japan. Walang araw na hindi kita inisip. I miss you so much Ray.” Sambit ko. Mabigat ang dibdib ko. Gusto kong umiyak ngunit wala na akong mailabas pa. Napagod na ako. Nagsawa na ako.
Lumingon ako sa pinanggagalingan ng sikat ng araw. Napakaliwanag nito. Dapat nagbibigay ito ng sigla at pag-asa sa akin, ngunit iba ang nakikita ko rito, pag nakikita ko ito’y naiisip ko ang isa na namang araw na wala ka sa akin.
Nagbitiw ako ng isang malalim na hinga. Tumayo ako. Sinarado ko ang kurtina. Kagaya ng aking pagkatao, nabalot ng kadiliman ang aking kwarto.
Ilang saglit pa’y tinumbok ko ang pintuang kulay dark-brown na gawa sa mahogany, binuksan ko ito at lumabas ng kwarto. Naglakad ako sa hallway at dumiretso sa staircase. Agad kong nakita ang maliwanag na ilaw na nakasabit sa kisame, sa ilalim nito ay ang mahabang dinning table, nakaupo sa hapagkainan sila Mama at Papa.
“Good morning anak! Maagang umalis ang mga Kuya at Ate mo. Tara sabayan mo na kami ng Mama mo.” Sabi ni Papa at pagkatapos ay uminom ng tubig.
Habang bumababa ng hagdan ay nagkamot ako ng ulo. Inaantok pa ako at wala akong ganang bumangon sa kama. Pagkarating sa upuan ko sa hapagkainan ay hinatak ko ito. Agad akong umupo.
“Anak kain ka na.” Tumayo si Mama at linagyan ng sinangag at mga ulam ang plato ko. Ilang saglit pa’y umupo na siya.
“Salamat.” Sabay hikab.
Tahimik. Patuloy silang kumain habang ako’y nakatitig sa pagkain sa aking plato. Nakikita ko ang pagkain pero ang laman ng utak ko ay ikaw Ray. Hindi ko na maalala kung gaano katagal na akong naging ganito. Siguro ay simula noong nagkahiwalay tayo ng landas ay naging ganito ako, patapon.
“Bunso?” pagising ni Papa sa lutang kong isip. Kanina pa ata niya ako kinakausap.
“Yes pa?”
“Sabi ko naalala ko iyong project na ginawa mo noon... Pwedeng mag improve ang company natin kapag inasikaso mo iyon. Sana pagbigyan ako anak.”
“Ibibigay ko po sa inyo ang plan. Kayo na lang po ang magtuloy. Hindi ko po kayang bumalik ng Japan para magawa iyon eh.” Walang gana kong sagot.
“Pero anak hindi ko pwedeng iwan ang negosyo natin dito.”
“Then give my plan to Kuya. I don’t want to go back to Japan.” Emotionless kong sabi.
Kinain kami ng katahimikan.
“Sige anak, kumain ka na muna ha.” Si Mama.
Kahit walang gana ay sinubukan kong ibuka ang bibig ko at nguyain ang pagkaing sinubo ko. Hindi ko alam kung gaano katagal pa akong magiging ganito.
“I’m sorry Ray. Miss na miss na kita. Araw-araw akong nangungulila sa iyo. Sana magkita na tayo at mapatawad mo pa ako.” Sigaw ko sa aking utak. Wala na akong maiiyak, pero ang puso ko ay walang patid ang paghagulgol sa iyong pagkawala. A voiceless cry. A silent pain that slowly ate me alive eversince you left me. Hirap na hirap na ako.

***

ROME:
“Pre wala kang problema sa titirhan mo kasi pwede dito sa tinutuluyan ko.” Sagot ng kaibigan kong si Jess.
“Ayoko ngang bumalik ‘dyan.” Sabi ko habang naglalaro ng Dota.
“Tokyo iyon Pare, malayo ang Tokyo sa Osaka. Lagpas tatlong oras ang travel time doon pag train. More than six hours pag sasakyan. Hindi mo siya makikita. Ang alam ko rin ay nasa Pinas siya.”
“Hindi naman siya Pare eh. Iyong memories namin ang ayokong maalala.” Sabi ko. Biglang namatay ang character ko sa Dota. Putangina panalo na eh! Ang ganda pa naman ng build ko. Ang gulo kasi ni Jess eh. Tsk.
“Rome, walang mangyayari sa buhay mo kung hindi ka kikilos.”
“Bahala na. Sige na magpapahinga pa ako.” Sagot ko sabay end call. Binato ko ang cellphone ko sa kama.
Tumayo ako. Hinugot ko ang saksakan ng PC, hindi ko na nagawang i-shut down ng maayos dahil sa pagkabanas. Kinuha ko ang bote ng beer sa tabi ko at pagkatapos ay tinungga ito. Hindi ko na mabilang kung naka-ilang bote na ako gabi. Tinumbok ko ang pinto ng kwarto ko at lumabas.
“I can’t do it...” bulong ko sa sarili ko habang naglalakad sa hallway. Gusto kong gawin ang pinapakiusap ni Papa, pero laging pumapasok sa utak ko ang mga nangyari sa Japan. Paano ko magagawa ng maayos ang trabaho ko doon kung puro masamang ala-ala ang dulot ng lugar na iyon sa akin? Papalpak lang ako and I don’t want to fail again.
Nadaanan ko ang pinto ng kwarto ng mga magulang ko, naka-awang ito ng kaunti. Lalagpasan ko lang sana ito ngunit na-alarma ako sa aking narinig. Si Mama, umiiyak!
“Sinubukan naman natin isalba pero hindi pa rin sapat. Pa, hindi pwedeng mawala ang pinagpaguran natin. Dito nakadepende ang kabuhayan ng pamilya natin. Paano ang mga anak natin? Ang mga apo natin? Yung bunso natin si Rome, hindi pa nakakabangon.” Sumilip ako sa kwarto. Nakita ko naka-upo si Mama at nakayuko. Si Papa naman ay naka-akbay sa kanya.
“Magiging maayos din ang lahat.”
“Paano? Anim na buwan na tayong ganito Pa! Kung hindi lang sana tayo nagtiwala sa kumpare natin ay hindi hahantong ang lahat sa ganito. Sana may pambayad tayo sa mga utang natin ngayon.”
“Utang!? Anong utang!?” sigaw ko sa utak kong may panlulumo. Pakiramdam ko’y tumigil ang paghinga ko.
“Huwag kang mag-alala Ma, mababayaran natin ang mga utang. Babangon ang negosyo natin.”
“Paano?” gumaralgal na ang boses ni Mama. Ilang saglit pa’y narinig ko ang paghagulgol niya. “Yung apo natin lumalaki na, anong ipapamana natin sa kanya? Yung mga anak natin nakadepende sa negosyo, paano na? Si Rome hindi pa nakakabangon, pag nalaman niya ito baka kung anong gawin niya sa sarili niya. Pa, paano na ang pamilya natin?” pautal-utal na sabi niya habang humahagulgol.
Hindi ako makakibo. Hindi ako makakilos. Nanlamig ang daliri ko, unti-unti itong gumapang sa katawan ko. Parang sumabog ang mundo ko sa narinig. Bakit mawawala ang kumpanyang pinagpaguran ng mga magulang ko? Anong nangyari? Puno ng napakaraming tanong ang utak ko.
Napansin ko na lang na naglalakad ako pabalik ng aking kwarto. Hindi ko kinaya ang nakita at narinig ko. Hindi ko kayang makita ang mga magulang ko sa ganoong kalagayan. Narinig ko ang pagsarado ng pinto ng kwarto ko. Dahan-dahan akong napaupo. Yinakap ko ang sarili ko.
Anong nangyari? Paano nangyari ang lahat ng ito? Oo nagbubulakbol ako, oo patapon ako, oo marami akong ginawang kapalpakan simula noong umuwi ako galing Japan isang taon na ang nakaraan, pero hindi ko inaasahan na ganito ang mangyayari. Paano na ang pamilya ko?
Nakatingin ako sa kawalan. Ang bigat ng dibdib ko, gusto kong umiyak pero wala na akong maiiyak. Naubos na simula nang iwan mo ako Ray.
Inhale, exhale. Nahimasmasan ako. Nag-isip.
Ilang saglit pa’y naalala ko ang pinag-usapan namin ni Papa kaninang umaga. Anim na buwan na niya akong kinukulit na ituloy ang project na nagawa ko. Ilang taon ko na ring nagawa iyon pero hindi ko maisakatuparan dahil walang oras. Plano ko sanang gawin na iyon pagkauwi ko galing Japan. I went to Japan to forget my Ex-Girlfriend. Pero masmatinding pagkabigo at heartbreak ang dulot sa akin ng vacation na iyon. This lead me to abandon the project at huwag nang bumalik pang Japan.
Naisip ko ngayon, kaya pala matagal na akong kinukulit ni Papa dahil sa utang ng kumpanya namin. It’s the only possible way to solve the problem. Anim na buwan na ang problema sa kumpanya, and all those times ay nagbingi-bingihan at nagbulag-bulagan ako sa paghingi ng saklolo ng mga magulang ko sa akin. I’m worthless. I’m selfish. Hindi ko inisip ang ibang tao. Gusto kong magalit sa sarili ko ulit dahil wala na akong ginawang tama, but there’s no time to hate myself right now. Kailangan nila ako. Kailangan ako ng ibang tao.
“Hindi pwede ito. Hindi lang pamilya ko ang apektado dito, pati ang mga empleyado ng kumpanya namin na kasamang bumuo at nagtatag ng nito ay maaapektuhan. Paano na ang mga pamilya nila? Sinong bubuhay sa kanila? Ang daming maaapektuhang tao. I need to do something.” bulong ko sa sarili ko.
Mula sa pagkakaupo sa sahig ay dahan-dahan akong tumayo. Mula sa pagkakayuko ay tinaas ko ang aking ulo. Pinindot ko ang switch ng ilaw sa aking kanan. Mabilis akong naglakad papunta sa desk. Binuksan ko ito. Kinuha ko ang isang long envelop. Binuksan ko ito. Bahagyang gumaan ang loob ko sa nabasa ko. Ang patay kong pagkatao ay unti-unting nagkaroon ng buhay.
“The Game Changer” madiin kong pagbasa sa title ng project ko. Bahagya akong napangiti. Iba ang tono ng boses ko ngayon. May nandoon na wala dati. It’s a will. Ang kagustuhang mabuhay para sa mga taong mahal ko at kailangan ako. Tumingin ako sa aking kanan. Nakita ko ang kurtina ng bintana ng kwarto ko. Bahagya kong hinawi ito upang makita ang kalangitan. Wala akong makitang bituin. Kahit ang buwan ay hindi ko makita. Nasa ganoon ang pagtitig sa langit nang makita ko ang isang bituin na nasa gitna ng madilim na kalangitan. Napangiti ako.
“There’s hope. Tomorrow is the start of The Game Changer. Tomorrow is a new day.” Napangiti ako.

***

ROME:
Lumabas ako ng banyo. Basa pa ang buhok at katawan ko. Agad akong dumiretso sa bintana. Malakas kong hinawi ang magkabilang parte ng bintana. Sinalubong ako ng mainit at nakakasilaw na sikat ni haring araw. Napangiti ako. Kung dati ay nakikita ko ang araw bilang isang pagkakataon para magmukmok, ngayon nakikita ko ang araw bilang simbolo ng pag-asa.
Pumihit ako sa aking kanan. Nakita ko ang salamin. I saw how wasted I am. Hindi enough ang ligo para ayusin ang itsura ko. Bumalik akong banyo, humarap sa lababo at salamin at pagkatapos ay kinuha ang pang-ahit sa tapat nito.
“Goodbye Jerome the wasted. Hello Rome, ang taong babangon kasama ang kumpanya at pamilya niya.” Nakangiti kong sabi at pagkatapos ay inumpisahan ang pag-aahit sa makapal kong balbas.

***

ROME:
Pinatay ko ang makina ng sasakyan, kakauwi ko lang. Tiningnan ko ang itsura ko sa front camera ng iPhone ko. Bagong gupit, bagong shave, at fresh na fresh ang dating ko. Nasa ganoon ang pagtingin sa sarili nang tumunog ito. May nag-email! Excited akong buksan ito, I’m expecting someone, sana ito na nga. Pagkabukas ay nabasa ko ang sender.
“Mr. Kyou!” masaya kong sigaw sa loob ng sasakyan ko. Agad kong binasa ang laman ng email niya.
“Wooooooohhh!!! Rock n’ Roll to the world!” sigaw ko pagkabasa ng message niya. Everything is working according to my plan.
Agad akong lumabas ng kotse at pumasok sa loob ng bahay ko. Narinig ko si Mama at Papa sa dinning area. Lumapit ako sa kanila.
“Ma, Pa.” Sambit ko. Lumingon sila. Kitang-kita ko ang paglaki ng kanilang mga mata.
“May balita po ako...” hindi ako natapos magsalita dahil agad tumayo si Mama at tumakbo palapit sa akin upang yakapin ako. Napakahigpit ng kanyang yakap. Gumanti ako. Ilang saglit pa’y sumama si Papa sa amin.
“Ma, Pa, hindi na po ako makahinga.”
“Ay sorry.” Sabi ni Papa sabay kalas sa akin.
“Masaya lang kami ng Papa mo na makitang okay ka. Iba ang glow ng mukha mo ngayon anak. Ang gwapo-gwapo mo na ulit parang artista.” Sabi ni Mama sabay pahid ng luha. Isang taon din kasi akong patapon at hindi makarecover sa nangyari. Now I’m trying to be okay, para sa kanila.
“Si Mama nag-joke na naman.” Natatawa kong sabi.
“Anong ibabalita mo anak?” Tanong ni Papa.
“Three days from now I’m flying back to Japan. Itutuloy ko ang project na sinasabi ni Papa. Kaka-reply lang ngayon ni Mr. Kyou and he wants to see me the next day ng flight ko.”
“That’s good news. Basta anak, kahit ano man ang mangyari, kung maging successful man ang project mo na iyan ay susuportahan ka namin ng Mama mo.”
“Salamat.”
Muli nila akong yinakap. Napangiti ako. It’s been a while bago ko muling naramdaman ito. Napakagaan sa pakiramdam. Napakasarap, para akong nabuhay muli.

***

ROME:
“Ma, Pa, nag-abala pa kayo. Na-traffic pa tuloy kayo. Malaki na ako hindi niyo na po ako kailangan pang ihatid.”
“Hayaan mong gawin namin ito Bunso. Proud lang naman kami sa iyo eh.” Sabi ni mama sabay abot ng isang chocolate bar sa akin. Naka-upo siya sa tabi ni Papa na nagmamaneho ng sasakyan.
“Ma, diet ako. I need to regain my old figure.”
“Ngayon lang anak.” Pagpupumilit niya.
Napakamot ako ng ulo. “Babaunin ko na lang po.”
“Be sure to eat it ha.”
“Opo. Pa, dito na lang ako, traffic na and baka maiwan ako ng airplane ko.”
“No anak, gusto naming ihatid ka.”
“Ma, hayaan mo na ang anak mo, malaki na iyan.” Sabi ni Papa sabay bukas ng pinto. Nagpunta siya sa compartment ng kotse at binuksan ito.
“Anak i-message mo ako agad sa FB pagkarating mo doon ah.”
“Opo. Una na po ako.” Sabay kiss sa pisngi niya.
“Ingat anak! I love you.” Sabi niya habang binubuksan ko ang pinto. Lumabas ako.
“Love you too.” Pagkatapos ay sinara ang pinto. Kinuha ko kay Papa ang maleta ko. Yinakap niya ako.
“Take care Bunso.”
Tumango lang ako. Kumalas ako at pagkatapos ay hinila ang maleta papunta sa pila papasok ng airport. Sinundan ko sa pila ang isang lalaking naka-kulay itim na jacket, may kausap ito sa cellphone.
Bahagya kong inayos ang puti kong long-sleeve.
Napalingon ako sa aking likuran. Pinagmasdan ko ang paligid. Medyo matatagalan bago ko muling makita ang Pilipinas. Tumingala ako sa langit. Naisip kita Ray.
“Kung nasaan ka man ngayon, I’m sorry. Nangako ako noon na hahanapin kita. Pero hindi ko muna magagawa iyan ngayon. Sorry kung binigo na naman kita. But I can’t keep my promise now kasi may mga taong mas nangangailagan sa akin ngayon. Kailangan ako ng pamilya ko, kailangan ako ng mga taong umaasa sa kumpanya namin. Mahal kita Ray, but I think it’s time to move on. If ever our paths will cross again, sana sa panahon na iyon ay pwede kong ituloy ang pangako ko. But now, I have to choose my family.” Bulong ko sa iyo kahit alam kong hindi mo ako maririnig. Sana lang ay madala ng hangin ang nararamdaman at desisyon ko para sa atin.

***

RAY:  
“Otousan bakit po biglaan? Ano pong nangyari?” sabi ko sabay kamot sa ulo ko. Three days ago kinontact niya ako through email na magpunta akong Japan, ngayon ko lang siya nakausap through phone. May bago raw siyang project na gagawin sa mga business niya. I don’t know the details pero kilala ko si Chichi. He will not call me at papupuntahin doon unless it’s an urgent thing.
Nasa ganoon akong pakikipag-usap kay Chichi nang maramdaman ko ang isang maletang tumama sa likod ng binti ko. Lumingon ako at tiningnan ang may-ari nito. Isang lalaking matangkad na naka-puting long-sleeve. Nakatalikod siya.
“Peste naman oh.” Sigaw ko sa isip ko. Binalik ko ang atensyon ko sa pakikipag-usap kay Chichi.
“Anyway, sige po let’s talk na lang pagdating ko po ‘dyan.” sabay pasok ng kanang kamay ko sa loob ng itim na jacket na suot ko. 
Nagsalita siya sa kabilang linya.
“Okay po. Sayonara!” sabi ko sabay baba ng phone.
Nagbitiw ako ng isang buntong hininga. Naisip ko ang Japan. It’s my second home. Pero hindi magandang ala-ala ang dulot nito sa akin simula noong nagkita kami ng stranger na iyon doon.
Ilang saglit pa’y tumunog ang messenger ko. Nag-message ang kaibigan kong si Kim.
“Have a safe trip Ray!” sabi niya na may smiley pa sa dulo.
“Thanks. And thanks for not mentioning na maging happy ako sa pagpunta ko roon. Kasi alam mong hindi ako happy.”
“Why? Naalala mo siya?”
“Stop it and don’t ever mention that stalker stranger to me.”
“Naku! Malay mo nasa likuran mo na!”
“Shut up bitch!” Gigil kong sambit sabay send ng message sa kanya. Wala akong pakielam kung may makakarinig sa akin.

ITUTULOY




19 comments:

  1. Tadhana ang gumagawa ng way para magsama ang dalawang taong ngmamahalan at para sa isat sa..... Next update na kuya gab,......

    This is t the start


    Jharz

    ReplyDelete
    Replies
    1. Thanks for reading. Ang masasabi ko lang ay mapaglaro ang tadhana. Kahit sa amin ni Crush. Hay...

      Delete
  2. 1st comment hahaha. Talagang nag pm pa si author if nabasa ko na. I cant wait to read the chapter 2..well good job for this 1st chapter

    ReplyDelete
    Replies
    1. Yes. Alam kong atat na atat ka na eh. Hehe. Salamat sa pagbabasa.

      Delete
  3. Maraming salamat sa pagbabasa. All comments, feedback, and suggestions are welcome.
    Have a great day! God Bless! ^_^

    ReplyDelete
  4. Naku Ray, lumingon ka na lang. Kilig to the max. Salamat sa update.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Magkasunod pa lang sa pila kilig na agad. Paano pa ang next chapter at mga susunod pa? :-))))
      Thanks for reading.

      Delete
  5. I hope magtuloy tuloy na yung momentum ng story, very promising to, iba yung impact compare sa 1st part, cant wait for the upcoming chapters..l keep it up Author, Thanks for this awesome 1st chapter..

    Az

    ReplyDelete
    Replies
    1. Maybe because kilala niyo na sila at ang past nila? Or dahil nakapag-practice na ako? Hehe.
      Anyway Thanks for reading. :-)

      Delete
  6. Grabe!!! Worth it ang pghhntay q... maikli man to PEO
    Kakilig!!
    Haaaay.... in love nnman AQ white pal.....

    Hmm..

    #LSDee

    ReplyDelete
    Replies
    1. Nakita pa lang nila likod ng isa't-isa kinilig ka na agad, papaano pa kung magkita na sila talaga? Naku abangan ang next chapter. :-)
      Thanks for reading. :-)

      Delete
  7. I like the transition of Rome. At gaya ng iba dito kinilig din ako sa last part!!! Sana magkita na sila!!!
    RomAy FTW!

    - Zefyr

    ReplyDelete
    Replies
    1. RomAy? Yan ba name ng loveteam nila? Hahaha! Wala nga ako maisip na magandang shipping name nila Ray at Rome eh. :-))))

      Delete
  8. Great chapter to start book 2!

    Excited much, kelan next?

    ReplyDelete
  9. What a great way to start itong book 2.. Hehehe palaban na ba lalo si ray dto? 😜😜😜 thanks author and goodluck sa book 2 mo and congratulations.. 👏👏👏👏👏

    ReplyDelete
  10. Excited for next chapter!

    -hardname-

    ReplyDelete
    Replies
    1. Thanks for reading! Excited na rin akong i-share sa inyo ang mga susunod na chapters. :-)

      Delete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails