Followers

Wednesday, October 21, 2015

Kuya Renan 7

By Michael Juha
Fb: getmybox@yahoo.com

WARNING: This post contains scenes which are not suitable for readers under 18.

Bati Portion:
Binabati ko po ang mga commenters ng KR6: Paulo, MegaYasutoshi, Bharu, Ernz, Philip Zamora, Jess, Jodeyz Jedoyz, Topher Cruz, Alfred of T.O., Mars, Benny Ramos, Tim Tsui, russ, Dada Abet, kim bords, Michael Tan, 1006, berting banago, Gilrez Laurente, John Kenneth Santos, djhay19, mynameiscj, James Garcia, and last but not least, MJ, ang aking tokayo na 1st commenter sa KR1.

Special mention din kay James Silver sa kanyang ginawang image.

Maraming salamat din sa mga MSOB Resident Authors na active na nagpopost: “Loving You...” by Seyren, “Hopia” by Ponse, “String from the Heart” by Vienne Chase, “”Love, Stranger...” by White_Pal, “Trombonista...” by bluerose, “Andromeda” by Jam Camposano.

At guys, paki boto na rin ako sa aking Bloggys nomination. Mejo may kaunting disappointment lang dahil ni wala man lang isa sa mga readers or commenters na nagsabing “Done” na sila sa pag-vote. I have to admint, nanumbalik ang aking sigla sa pagsusulat dahil sa motivation ko sa Bloggys2015. Sa boto ninyo, sana ay maipanalo natin ang kahit most popular blog man lang, kagaya ng dating contests. Kung kaya natin noon, sana ay nariyan pa rin kayo para sa MSOB.

Anyway, dito po kayo boboto –


Pakihanap po ang michaelsshadesofblue.blogspot.com at i-click ang box sa gilid nito.

Need po ang email address ninyo, yung fb  na email.

I would appreciate it very much kapag naka vote na kayo at sa comment ninyo ay lagyan ninyo ng “DONE VOTING

Thanks guys for supporting MSOB!

PS. Hindi ko na proof-read ito dahil may mga nag-aabang... Kung may inconsistencies at malaking error/s, please bring them to my attention.

Enjoy reading po!

J

-Michael Juha-

---------------------------------------------------


Natulala ako sa aking narining na ipapakasal sila kung sakaling magsama sila sa isang bubong. Pati si Kuya Renan ay hindi rin nakasagot kaagad. Mistulang nasabugan ng isang malakas na bomba.

“N-nay sandali… pag-usapan natin ito! Hindi madali ang ganyang dire-diretso ang desisyon. Hindi simpleng bagay ang pagpapakasal.” ang pakiusap ni Kuya Renan. Tiningnan ko ang reaksyon ni Cathy. Mistula itong isang banal na tupa na nagyuyukyok at humihikbi.

“Ginawa mo iyan, Renan kaya ano pa ba ang puwede mong gawin?” ang giit naman ng kanyang inay.

“Ihahatid ko iyan sa kanila…” ang sambit ni Kuya Renan sabay tubmok sa kinauupuan ni Cathy at hinila ang braso palabas ng bahay.

“Renan! Hindi ako puwedeng umuwi! Papatayin ako ng aking itay! Baka madamay ka pa!” ang pagmamakaawa naman ni Cathy na ayaw tumayo at humawak pa talaga sa upuan.”

Nahinto si Kuya Renan, tiningnan ang kanyang inay. “Pwes, inay, kung bawal naman pala talagang magsama sa isang bubong na hindi kasal, ako na ang aalis rito.”

“At saan ka naman pupunta?” ang tanong ng kanyang inay.

Ibinaling ni Kuya Renan ang tingin niya sa akin. “Akin na iyong susi mo sa bahay, ‘Tol… doon muna ako titira sa bahay ninyo.”

Nagulat man sa bilis ng mga desisyon nila, akmang ibigay ko na sana ang susi nang sumigaw naman si Cathy. “Noooo!”

“Anong no??? Gusto mo talagang dito tayo magsama para mapilitan akong pakasalan ka? No way! Hindi pa ako handa!”

Doon na lalo pang humagulgol si Cathy. “Sobra ka naman kung makapagsalita, Renan. Pareho nating ginusto ito eh, tapos ngayon iiwanan mo ako sa ere?’

“Pareho nating ginusto? Di ba ikaw lang ang may gusto niyan? Ang sabi mo pa sa akin nang hinikayat mo akong gawin natin na huwag akong matakot dahil hinid ka mabubuntis. Dahil alam mo kung paano…”

Hindi na nakasagot si Cathy. Ibinaling niya ang tingin niya sa inay ni Kuya Renan. “Nay… p-puwede naman sigurong k-kahit dito ako titira, hindi lang muna kami magpakasal ni Renan?”

Wala nang nagawa pa ang inay ni Kuya Renan kundi ang sumang-ayon. “Ano pa ba ang magagawa ko?” ang sagot niya.

Nang tiningnan ko naman si Kuya Renan, napailing ito, matulis ang tingin kay Cathy na halatang may matinding pagkadismaya. Narinig ko pa ang pigil niyang pagmumura. “Tangina!!!” at nakita kong tinumbok niya ang pintuan atsaka lumabas. Nag walk-out.

“Sige, ipasok mo na ang mga gamit mo sa kuwarto ni Renan.” ang sambit ng Nanay ni Kuya Renan kay Cathy.

Para naman akong nabigla sa narinig. Kasi ang cabinet sa kuwarto ni Kuya Renan ay kasya lamang sa aming mga gamit. Dali-dali akong umakyat, inunahan si Cathy. Agad kong tinumbok ang cabinet kung saan naroon ang aking mga damit. Tinanggal ko ang mga ito at inilatag sa sahig. Nang nabakante na ang cabinet ng mga damit ko ay siya namang pagpasok ni Cathy na agad ding nagbulatlat ng kanyang mga damit at gamit at inilagay ang mga ito sa nabakante ko nang cabinet, ni hindi man lang ako kinakausap.

Pumunta naman ako ng kusina upang kumuha ng plastic. Nang nakabalik na ako ng kuwarto, ang mga damit ko ay nasa labas na ng kuwarto. Dinampot ko na lang ang mga ito at isinilid sa tatlong plastic bag na nakuha ko mula sa kusina.

Nakapagdesisyon na ako sa puntong iyon na bumalik na lang sa bahay namin ng inay. Bitbit ang mga plastic bags na naglalaman ng aking mga gamit ay siya namang pagpasok ni Kuya Renan. nagkasalubong kami sa may puntuan. “Saan ka pupunta?” ang tanong niya sa akin.

“U-uuwi na po ako sa amin, Kuya.”

“At sino ang nagsabi sa iyong uuwi ka?”

“W-wala naman po.”

“Bakit ka aalis?”

“Eh… g-gusto ko lang umuwi na kuya.”

“Hindi! Hindi ka puwedeng umalis.” sabay agaw sa mga bitbit kong plastic at dinala iyon sa loob ng kanyang kuwarto. Ngunit nang ibalik n asana niya ang mga damit ko sa cabinet, nagulat siya nang naroon na ang mga damit ni Cathy. “Bakit dito mo inilagay ang mga gamit mo?” ang tanong niya kay Cathy.

“Eh… tinanggal niya ang mga damit niya eh. Akala ko ay inutusan mo siyang tanggalin ang mga gamit niya para magamit ko ang cabinet niya.”

“Hindi ko siya inutusan at ayaw kong gamitin mo ang cabinet niya.” Tinanggal niya ang mga damit at gamit ni Cathy at inilatag ang mga ito sa sahig. “Ibalik mo ang mga gamit mo sa bag mo. Huwag mong baguhin ang set-up ng bahay. Hindi porket nandito ka na ay babaguhin mo ang mga nakasanayan namin dito. Ikaw dapat ang mag-adjust.”

“Bakit ka ba ganyan ngayon Renan! Hindi ka naman ganyan dati ah! Bakit sinisigawan mo ako ngayon?” ang sabi ni Cathy na umiiyak na.

“Hindi kita sinisigawan. Sinasabihan lang kita.”

“Pinapagalitan mo ako eh. Nang dahil lang sa mga gamit ni Bugoy ay ginaganyan mo na ako?”

“Lintek na. Hindi nga kita pinapagalitan, sinabi ko lang sa iyo kung ano ang dapat mong gawin.”

“Pinapagalitan mo nga ako...”

Doon na tumaas ang boses ni Kuya Renan. “O e di, kung pinapagalitan nga kita, umalis ka na lang dito! Ang Pinatuloy ka namin dito, ang kulit mo pa. Hindi ka pa ba nakuntento? Anong gusto mong mangyari? Kami ang sunod-sunuran sa gusto mo?”

Hindi umimik si Cathy bagkus ay humiga ito sa kama at patuloy na nag-iiyak.

Natulala na lang ako sa narinig na argumento nila.

“Bugoy, ibalik mo ang mga gamit mo sa cabinet mo.” ang utos sa akin ni Kuya Renan.

“Eh…” ang sambit ko. “D-dito na lang ito sa plastic Kuya.”

“Hindi puwede! Magagalit ako sa iyo!”

Kaya nag-aalangan man, ibinialik ko na lang ang aking mga damit sa cabinet.

May-maya lang ay tumaway ang inay ni Kuya Renan para sa aming hapunan. Nang nasa harap na kami ng hapag-kainan, tila nakakabingi ang katahimikan. Kung hindi lang nagsalita ang inay ni Kuya Renan ay baka matatapos an gaming kainan nang walang ni isa man ay umiimik.

“Anong plano ninyo ngayon?” ang pagbasag niya sa katahimikan.

“Basta inay, ga-graduate po ako at kapag graduate na ako nitong semester na ito, saka na kami mag-isip ng kasal.” ang sagot ni Kuya Renan.

“P-paano naman ako. H-hindi ako makaka-graduate?”

“Patuloy ka lang na pumasok. Ibibigay rin naman ang diploma kapag na-kumpleto mo ang lahat ng requirements.”

“Hindi ibibigay ang diploma kung hindi ako kasal.” ang sagot naman ni Cathy.

“Sinong may sabi?”

Hindi nakasagot si Cathy. yumuko lang ito.

“Ang alam ko ay hindi ka lang makatungtong ng stage pero ibibigay pa rin ang diploma mo. Kung hindi ni la ibibigay ang diploma mo ay puwede silang makasuhan niyan.” dagdag pa ni Kuya Renan.

Hindi na kumibo si Cathy. Hanggang sa natapos namin ang hapunan at nag-volunteer siya na siya na ang mag-hugas. Ngunit pinigilan siya ng inay ni Kuya Renan, sinabing si Kuya Renan na ang maghugas. Assignment dawni Kuya Renan ang maghugas ng kinakainan namin sa gabing iyon.

Dumiretso ako sa aming kuwarto. Dahil alam kong doon mahiga si Cathy, ako na ang nag-ayos ng higaan. Pinagpag koi to, pinalitan ko ang bed sheets at punda ng mga unan. Ipinagtabi ko ang dalawang unan para sa kanila. Nang nilingon  ko ang aking likuran, naroon pala si Cathy na nakamasid lang sa akin. Hindi na ako kumibo. Hindi rin naman siya nagsalita kaya ipinagpatuloy ko na lang ang aking ginawa.

Nang matapos na, kumuha naman ako ng extra na banig, unan, at kumot at doon naglatag sa gilid ng kama ni Kuya Renan.

“Bakit d’yan ka naglatag? Hindi ba puwedeng doon ka sa labas ng kuwarto namin ni Renan matulog?” ang tanong sa akin ni Cathy.

“Eh… s-sige. D-doon na lang ako.” ang sagot ko naman. Agad kong tinanggal ang banig at ang unan at kumot at dinala ko ang mga ito sa sala. Doon naman ako naglatag. Pagkatapos kong maglatag ay nagdasal ako atsaka humiga na.

Malapit na akong maidlip nang narinig ko naman ang boses ni Kuya Renan. “Nasaan si Bugoy? Bugoy?”

“Dito lang po ako Kuya…” ang sagot ko naman.

Iyon… nagalit na siya at pinabalik ako sa kuwarto. Tinangka ko pang pumalag dahil ayaw kong mag-away uli sila, ngunit ayaw pumayag ni Kuya Renan. Halos susuko na ako sa puntong iyon pa lang. Parang ayaw ko na. Dahil sa pangungulit ni Kuya Renan kaya muli kong binitbit ang aking banig, kumot at unan pabalik sa loob ng kuwarto niya.

“Bakit k aba doon naglatag ng matutulugan mo sa labas?” ang tanong ni Kuya Renan sa akin.

Napatingin ako kay Cathy na yumuko naman at tila ayaw akong pansinin. “S-sabi kasi ni Cathy kung hindi ba raw puwedeng doon ako sa labas matulog.” ang sagot ko.

Ngunit agad ding sumagot si Cathy ng, “Hindi iyan ang sabi ko ah! May pagkasinungaling pala itong si Bugoy. Di ba ang sabi ko sa iyo, maglatag ka na lang diyan. Malay ko bang lumabas pala siya.” ang sambit ni Cathy. At baling kay Kuya Renan, “Abala kasi ako noon sa pag-ayos nitong higaan natin. Pinalitan ko ng bed sheet at mga punda, tapos nang nakita ko siya, ang sabi ko ay maglatag na lang sa sahig kasi alangan namang ako pa rin ang maglatag para sa kanya…”

Mistula akong natulala sa aking narinig. Hindi ko talaga akalaing ako pa ang babaliktariin niya. Akala ko kasi noong una ay mabait siya.

“Totoo ba, Bugoy?” ang tanong sa akin ni Kuya Renan.

“Ang narinig kop o kuya ay sabi niya kung hindi ba raw puwedeng sa labas ako matulog. Iyan ang aking narinig. Atsaka iyong pag-ayos ng higaan ninyo kuya, ako po ang gumawa niyan. Nakatayo lang siya sa likuran ko at nagmasid” ang sambit ko. Talagang pinanindigan ko ang aking sinabi.

“Aba… at talagang napakasinungaling mo Bugoy! Ako pa ngayon ang binaliktad mo!”

“Totoo naman ang sinabi ko eh!” ang sagot ko rin.

“Tama na! Tama na! Maliit na bagay ay pinag-awayan ninyo. Basta si Bugoy ay dapat dito sa loob ng kuwarto ko matutulog. Period.”

Natahimik na lang kaming dalawa. Kahit masama ang loob ko, humiga na lang ako sa aking inilatag na banig. Humiga na rin si Cathy. Nakita kong nakatayo lang si Kuya Renan sa gitna namin. Tiningnan si Cathy sa ibabaw ng kama niya, tapos ako naman na nakatihaya sa banig. Doon tuloy ako napaisip kung pinagpipilian ba niya kaming tabihan.

Tumagilid akong patalikod sa kanya. Nalungkot lang kasi ako. Iyon kasi ang pinakaunang gabi ko roon sa bahay nila na hindi ko siya katabi. Maya-maya ay narinig ko ang ingay ng pagbukas ng cabinet at pagkatapos ay ang pagbukas naman ng pinto. Sa isip ko ay nagtungo siya sa banyo upang maligo. Marahil ay wala pag sampung minuto ay may narinig uli akong ingay ng pag bukas ng pito. Nanatili lang akong nagkunyaring tulog. Maya-maya lang ay namatay ang ilaw ng fluorescent at narinig ko ang paggalaw ng kama. Doon ko na-confirm sa sarili na kay Cathy siya tumabi. Tanggap ko na.

Naidlip na ako nang nagising ako sa mahinang kaluskos sa aking tabi at naramdaman ko pang hinila ang aking kumot. “Usog doon!” ang narinig kong pigil na boses na nag-uutos.

“Si Kuya Renan!” sa isip ko. Tumihaya ako at pigil din ang paggalaw. “Bakit ka narito ah!” ang pigil ko ring boses na sinita siya.

“Ayaw ko roon. Usog na!” ang pigil na boses pa rin niyang sabi.

“Kuya naman eh!” ang pigil ko pa ring pagmamaktol. “Maliit lang ang banig!”

“’Yaan mo na. Gusto ko lang makatabi ang baby bro ko.”

Wala na akong nagawa kundi ang umusog ng kaunti. Nang nakatihaya na ako, itinaklob niya ang kumot ko sa aming katawan. Maya-maya ay idinantay niya ang kanyang isang paa sa aking harapan. pagkatapos ay hinawakan niya ang isa kong kamay at iginiya ito sa kanyang harapan.

Napaigtad ako sa kanyang ginawa. Nakapa ko ang ulo ng matigas niyang ari na nakausli sa kanyang brief.

“Kuya naman eh…” ang bulong ko. “nariyan siya, baka Makita niya!”

“Hindi niya makita. Sige na, miss na kita.” ang bulong uli niya, ang boses ay mistulang atat na atat na.

Wala na akong nagawa kundi ang hawakan iyon, Dahil nakatihaya lang ako at nakatagilid siya, Pilit na itinaas-baba ko na lang ang aking kamay habang marahan naman niyang ikinanyod-kanyod ang kanyang gitnang katawan at ang aking bukol sa harapan ay kanya ring hinihimas.

Nasa ganoon kaming pagsamsam sa sarap ng aming pagnanasa nang biglang, bumukas ang ilaw. “Bakit ka nariyan Renan?” ang sambit ni Cathy. “May malaking kama naman eh!”

Sa pagkagulat ay bigla akong tumagilid habang si Kuya Renan naman ay nahinto. Naramdaman kong tinanggal niya ang nakatalukbong na kumot sa aming pang-itaas na katawan. “Ano bang problema mo kung dito ako sa tabi ni Bugoy hihiga?” ang sambit ni Kuya Renan.

“Diyos ko naman Renan, mag-asawa na tayo, tapos iyan ang gagawin mo sa akin? Sino ba iyang Bugoy na iyan sa buhay mo at mas gusto mo pang sipingan iyan?” ang sarkastikong wika ni Cathy.

“Di ba ang sabi ko sa iyo, ikaw ang mag-adjust sa amin. Kahit sa labas pa kami ng bahay matulog, wala kang pakialam. Gusto mong dumito? Wala namang problema. Huwag mo lang kaming pakialaman. At sa tanong mo kung sino si Bugoy? Bunso ko iyan. Inihabilin ito ng inay niya sa akin bago siya bawian ng buhay. At kung gusto ko siyang sipingan?” nahinto siya sandali. “...at least ito, hindi nabubuntis.” sabay tawa.

“Hindi ka nakakatawa, Renan! Hindi ako matutulog sa kama kapag hindi ka tumabi sa akin.”

“O, e di halika rito. Tabi tayong tatlo. Pagitnaan natin si Bugoy.”

“Arrrrgghh!” ang pigil naman na pagsigaw ni Cathy na walang nagawa kundi ang magdabog at bumalik sa higaan pagkatapos niyang patayin ang ilaw.

Kinikiliti naman ako ni Kuya Renan nang nakitang nainis si Cathy. Tuwang-tuwa.

Gabi-gabi ay ganoon na ang ginawa namin ni Kuya Renan. Ingat na rin kami sa aming mga ginagawa subalit kung wala si Cathy at kaming dalawa lang sa bahay ay hindi maaaring walang mangyari. Nag-usap na rin kami ni Kuya Renan na huwag na lang pansinin si Cathy at na huwag nang patulan pa. Pinayuhan din niya ako na huwag mag-isip na umalis ng bahay nila. “Bahagi ka naman ng pamilyang ito eh. At bunso kita.” ang payo ni Kuya Renan. 

Isang araw, kaming dalawa lang ni Cathy ang naiwan sa bahay. Nilinis ko ang bahay. Nagbunot ako noon sa sahig ng sala. Habang ganoong abala ako sa pagbubunot, sunod nang sunod naman siya sa akin at iniinis ako.

“Ano ba ang pinapakain mo kay Renan at sa iyo iyan dumidikit? Hindi ka naman nila kaano-ano. Ano ba ang ipinakain mo sa kanya? Ha? Ang kapal ng mukha mo, hindi mo ba naintindihan na pabigat ka rito? Dapat ay sa akin naka-focus si Renan dahil may anak na kami, hindi sa iyo! Ano ka ba niya? Bakla ka siguro ano? May pagnanasa ka sigusor sa kanya, ano? Kapag nalaman kong may pagnanasa ka sa kanya, matitikman mo, ipakukulam kita!”

Hindi ko na lang siya sinagot. Inisip ko na lang na wala akong kasama. Basta naka-focus lang ako sa aking ginagawa.

“Hoy! Sagutin mo ako! Huwag mo akong dedmahin!” ang pagtaas na ng kanyang boses.

Ngunit hindi ko pa rin siya pinansin. Sige pa rin ako sa pagbubunot.

Hanggang sa naalimpungatan ko na lang na sinugod niya ako at hinablot ng malakas ang aking buhok. “Hayop ka! Wala kang modo! Iniinis mo talaga ako!!!”

Hinayaan ko na lang ang pagsambunot niya sa akin. Natumba ako at napatihaya at nang nasa sahig na, inupuan niya ang aking tiyan. Hindi pa rin niya nilubayan ang pagsambunot sa aking buhok. Napaiyak na ako. “Huwag naman Cathy, huwag!” ang pagmamakaawa ko.

Nasa ganoon kaming ayos nang siya namang pagpasok ng inay ni Renan. “Diyos na mahabagin!!!” ang narinig kong sigaw ng inay ni Kuya.

Agad namang tumayo si Cathy at nilapitan ang inay ni Kuya Renan, umiiyak. “Inay… si Bugoy. Tinangka niyang sipain ang aking tiyan upang malaglag daw ang baby namin ni Renan. Nagseselos daw siya! Nag-bunot lang naman ako sa sahig at naglinis ng bahay, tingnan niyo po, malinis na ang sala dahil pagbubunot ako. Ngunit imbes na tulungan niya ako, pinagsasabihan niya ako ng masama! Sampid lang daw ako rito, dagdag-problema lang daw ako sa inyo… walanghiya raw po ako!” ang pagsusumbong ni Cathy sabay hagulgol.

Napatingin sa akin ang inay ni Kuya Renan. “Totoo ba, Bugoy?”

“H-hindi po iyan totoo, Nay. Binaliktad po niya ako!”

“Kung totoo man iyan, Bugoy, alam mong masama iyan ha? Hindi ako papaya na may titirang tao sa pamamahay na ito na may masamang ugali.”

“M-mabait lang po siya Inay kapag narito po kayo. Ngunit kapag kaming dalawa lang, grabe kung makapang-lait. Kesyo raw, hindi siya papayag na sa akin tatabi si Renan sa pagtulog. S-sila po kasi ang nagtatabi Inay eh.”

“Totoo ba Bugoy na kayo ang nagtatabi sa pagtulog?”

“Eh... s-si Kuya Renan po kasi...”

“Kung ganoon ay tama si Cathy sa kanyang mga sinasabi?”

Doon na ako natameme. Napakasalbahe pala talaga ng babae ni Kuya Renan. Kaya pala, kahit noon pa, hindi siya namansin sa akin kahit magkasalubong kami sa eskuwelahan. May itinatago pala siyang pangit na pag-uugali. Wala na akong nagawa kundi ang yumuko atsaka pumasok na lang sa kuwarto at doon ay magmumukmok.

Maya-maya lang ay may narinig na akong tawanan nilang dalawa ng inay sa kusina. Sinilip ko sila sa guwng ng pintuan ng kuwarto. Nakita ko si Cathy na may niluto. Pilit kong pinakinggan ang kanilang pinag-uusapan.

“Matitikman mo ngayon, ‘Nay kung gaano ako kasarap magluto ng minatamis na saging!” sabay tawa.

“Sige nga, tingnan ko kung ano ang pinagkaiba ng minatamis mo sa ibang nagluluto niyan.” Ang sagot naman ng inay ni Kuya Renan.

“Naku, naku... kapag natikman niyo po, hahanap-hanapin po ninyo ako. Hinding-hindi niyo po ako malilimutan!” Ang sagot naman ni Cathy na tumatawa pa. Pagkatapos ay umupo ito at tumabi sa inay ni Kuya Renan. Doon na niya pinakialam ang buhok ng matanda. “Gusto po ninyong ayusin ko po ang buhok, ninyo ‘Nay? Tanggalin natin ang mga puting buhok nnyo at gawan ko po kayo ng tirintas.”

“Naku, ang batang ito. Marumi iyang buhok ko, hindi pa ako nakapaligo. Atsaka huwag na. Sanay na ako sa ganitong ayos.”

“Nay naman, ang ganda-ganda ninyo po! At mas lalong gaganda pa kayo kapag naayos po natin ang buhok ninyo! Malay po ninyo… may manligaw sa inyo kapag nakita kayong ang bata-bata pa ring tingnan!”

“Ay naku… hindi na ako nangangarap pa na magkaroon ng lalaki. Nariyan na si Renan at nariyan pa si Bugoy. Sila na lang ang mga lalaki ko sa buhay.” ang sagot ng inay ni Kuya Renan na tumawa na rin.

“Hindi inay, dapat ay ayusin natin ang buhok mo para magandang tingnan.” ang pangungulit pa rin ni Cathy. “Sigurado akong magugustuhan po ninyo ang ayos ninyo.” dagdag pa niya.

“O, e siya… kung gusto mo talaga, maligo muna ako.”

“Tamang-tama po. Habang hinihintay nating maluto ang minatamis ko…”

Nang nakaalis na ang inay ni Kuya Renan at si Cathy na lang ang naiwan, napadayo ang tingin niya sa aking kinaroroonan. Nang nakita niya ako, bigla rin niyang binitiwan ang isang matulis na tingin habang ang mukha ay galit na galit na parang sa demonyo.

Muli kong isinara ang pinto. “Ang sama talaga ng babaeng iyon!” sa isip ko lang.

Maya-maya lang ay narinig ko na ang tawanan ng dalawa.

“Nay! Anong nangyari sa iyo?!” ang narinig ko. Dumating na pala si Kuya Renan. Nanatili kasi ako sa loob ng kuwarto.

Muli akong sumilip sa guwang ng pinto. Nakita ko ang inay na naka-tirintas ang buhok at ang mga kamay ay naka-anagt at naka-unat ang mga daliri, at ang damit ay iyong bistida na animoy magtatrabaho ng bar.

“Pati mga daliri ninyo ay may kulay na rin? At saan k aba kumuha ng damit na iyan?”

“O di ba? Pati si Renan ay namangha. Damit ko iyang suot ng inay, love, at ako ang nag-ayos sa kanya.”

“Hubarin niyo nga iyan ‘Nay!” ang sigaw ni Kuya Renan. “Ang sagwa! para kayong hostess ng bar! Ang tanda niyo nap o para d’yan!”

“Ito kasing si Cathy… ayaw akong tantanan eh. Sinabi ko nang ayaw ko, pero namimilit.”

“Cathy, huwag mong daanin si Nanay sa ganyan! Nakakahiya!”

“Nakakahiya? Ang ganda nga niya?” at baling sa matanda, “Di ba po ‘Nay?”

“Naiilang lang ako.”

“Masasanay ka rin po. Ganyan talaga kapag hindi ka pa sanay sa mga ganyan. mamaya naman po ay ipi-pedicure kita para makasuot ka ng high heels at magandang tingnan iyang paa po ninyo.”

“Nay… kapag ganyan po ang ayos ninyo, mawawalan po kayo ng anak. Nakakahiya!” ang sambit ni Kuya Renan at umakyat na ito sa kuwarto. Dali-dali naman akong bumalik sa loob. Patay-malisya lang.

Iyon ang naging situwasyon namin s bahay na iyon simula nang dumating si Cathy. Kinukuha niya ang loob ng inay ni Kuya Renan at pilit na inimpluwensyahan ito. Kapag ganyang kumpleto kami sa bahay, behave na behave si Cathy. Siya ang nagluluto, siya ang naghuhugas ng kainan, naglilinis ng bahay, ngunit kapag wala sila at kami lang dalawa ang naiiwan sa bahay, sa akin ipapagawa at ipapatapos ang lahat nang Gawain, my bonus pang pagmumura, kung hindi man sambunot, kurot, o sampal.

“Bugoy! ako na riyan! doon ka na sa kuwarto ha? hayaan mong si Ate Cathy mo ang maghugas ng mga pinagkainan natin ha?” ang sambit niya, nilakasan pa talaga ang boses para marinig ng lahat. Isang beses iyon matapos kaming kumain at dumiretso na ako sa lababo upang maghugas ng pinggan. Ako naman talaga ang naka assign palagi s apaghuhugas eh.

“Ako na. Ako naman talaga ang naka-assign dito eh.”

“Ako na. Doon ka na sa kuwarto at mag-aral ka na. Ako dapat ang gumawa nito.” ang paggiit pa niya.

Tumalima na lang ako. Sanay na kasi ako sa ganoong eksena. Alam ko naman na ako rin ang gagawa noon kapag walang nakatingin sa kanya.

Tiniis ko ang lahat. Ang payo kasi ni Kuya Renan ay huwag ko siyang patulan. Hindi na lang din ako nagsumbong upang huwag nang lumala pa ang problema sa pamilya nina Kuya Renan. Ayokong ako ang magiging sanhi ng kanilang pag-aaway, lalo na’t napansin kong tila nagtiwala na ang inay ni Kuya Renan sa kanya. Palagi na silang nagkukuwentuhan, palagi nang isinasama ng inay ni Kuya Renan si Cathy kapag ganyang namamalengke, magsimba, may pupuntahang kung anu-ano. Nag-iba na rin ang ayos ng kanyang ina. Minimake-upan siya ni Cathy palagi, kahit nasa loob lang ng bahay, naka kulay na rkin ang mga kuku sa kamay at paa.

Isang araw, maaga akong umuwi ng bahay at hindi pa dumating si Kuya Renan. Nagulat na lang ako nang sa pagpasok ko ng kuwarto ay biglang lumabas si Cathy na nag-iiyak, dinaanan pa ako sa may pintuan na parang hindi nakakakita ng tao. Nagsisigaw siya. “Inay! Inayyyy!”

Sinundan ko siya ng tingin. Tinumbok niya ang kuwarto ng inay ni Kuya Renan.

“Ano ang nangyari??” ang sagot naman ng inay ni Kuya Renan. Nakita ko siyang nagmamadaling lumabas ng kanyang kuwarto at sinalubong si Cathy.

“Nawala po ang aking kuwintas at pendant po! Heirloom poi yon ng aming pamilya, ibinigay sa akin ng aking inay. Mahal poi yon! May locket poi yon at ang nasa loob noon ay litrato ng aking lola!!” ang sabi niya. At patuloy pa rin ang pag-iiyak.

“Saan mo ba kasi inilagay!” ang sagot naman ng inay ni Kuya Renan na sinabayan si Cathy pabalik ng kuwarto.

“Sa lagayan po ng aking mga damit.” ang sagot ni Cathy. Ang lagayan kasi ng kanyang damit ay iyong de-zipper lang na plastic, binili ni Kuya Renan para sa kanya dahil ayaw nga ni Kuya na sa cabinet ko ilagay ang mga damit at gamit niya.

Nilampasan lang nila ako na nasa bungad lang ng pinto. Tila hindi nila ako nakita. “Halungkatin mo uli, baka nariyan lang iyan.” ang sambit ng inay ni Kuya Renan.

Naghalungkat uli si Cathy. Wala siyang nakita.

“Hindi mo kaya na-misplaced lang iyon? Wala bas a banyo?”

“Sigurado po akong diyan ko po inilagay kasi kagabi po ay tiningnan ko pa siya, na-alala ko kasi ang lola ko kaya tiningnan ko siya.”

“Sino naman ang puwedeng magnakaw noon?” ang tanong ng inay ni Kuya Renan.

“Halughugin na lang po natin ang mga cabinet po. baka mayroong nagtago.” ang sagot ni Cathy.

Hindi pa man nakasagot ang inay ni Kuya Renan ay agad nang hinalungkat ni Cathy ang aking cabinet. Iyong drawer na walang lock lagayan ng aking mga damit at underwear.

balewala lang naman sa akin ang eksenang iyon dahil wala naman akong kaalam-alam sa pendnt niya. Ni hindi ko nga nakita pa iyon. Ngunit doon na ako kinabahan nang, “Inay! narito lang po sa mga gamit ni Bugoy!!!”

Sa sinabi niyang iyon ay napatingin sa akin ang inay ni Kuya Renan. “Bugoy… itinago mo ang kwintas ng Ate Cathy mo?”

Pakiramdam ko ay simputi ng papel ang aking mukha. Ramdam ko pa ang pagkabog ng aking dibdib sasobrang kalituhan kung bakit napunta ang kwintas niya sa aking cabinet at kung paano ko iyon ipaliwanag. “H-hindi kop o alam, ‘Nay… ngayon ko nga lang iyan nakita eh.”

“Bugoy… hindi basta-basta pupunta ang isang bagay sa isang lugar kung walang naglagay nito doon. At sa cabinet mo pa.”

“H-hindi ko nga po alam, ‘Nay… Maniwala po kayo, hindi ko po alam talaga.” ang sambit kong nanginginig sa takot at nangingilid na ang mga luha.

“Mahirap paniwalaan na hindi mo alam, Bugoy. Nasa cabinet mo ito. Aminin mo na…”

Doon na ako umiyak. “Nay… kahit po ako ganito, hindi po ako marunogn magnakaw. Hindi po ako tinuruan ng aking namayapang inay na mang-angkin ng gamit ng iba. Kung nakita po ninyo, naglalako po ako ng isda sa madaling araw upang magkaroon ng sariling kita, ng sariling ipon. Alam ko pong masama ang magnakaw. Hindi po ako ganoon. Kung naalala po ninyo iyong kaibigan ninyong abroad na bumisita sa rito, naiwanan niya ang kanyang wallet na may lamang pera at dolyar at mamahaling cell phone. Hindi ko po iyon itinago. Ibinigay ko po iyon sa inyo upang kayo ang magsauli sa kanya. Ang sabi mo nga sa akin noon ay proud ka sa akin. Hindi ko po kailangang magnakaw, Nay. Marunong po akong maghanap-buhay.”

Hindi na nakaimik pa ang inay ni Kuya Renan.

“Hayaan mo na siya, inay… Baka hindi naman talaga siya ang naglagay nito sa cabinet nniya.”

“O sige, Bugoy. Sa ngayon ay pagbigyan kita. Ngunit kapag nauulit pa ito, ang ibig sabihin niyan ay walang ibang taong gumawa niyan kundi ikaw lang.”

Nang dumating si Kuya Renan, tinanong kaagad siya ng inay niya kung may kinalaman siya sa pagkawala ng kwintas ni Cathy. Nasa hapag-kainan kami noon.

“Wala ah! Bakit ko pag-interesan iyon? Anong mapapala ko sa kwintas niya?” ang pabalang naman na sagot ni Kuya Renan.

Hindi na ako kumibo. Yumuko na lang ako habang tahimik na kumakain.

Pagkatapos naming kumain, niyaya ko si Kuya Renan na mamasyal. Gusto ko kasing sabihin sa kanya ang nangyari, na inakusahan nila ako na siyang nagnakaw sa kwintas ni Cathy. Pinaunlakan naman ako ni Kuya Renan. Doon pa rin kami nagpunta sa paborito naming restaurant. Nag-rder siya ng dalawang beer, Tig-iisa kami.

“Ano???” ang birit kaagad ni Kuya Renan. “Walang duda na pakana ang lahat nang ito ni Cathy.” ang sambit niya.

“G-gusto ko nang umalis ng bahay ninyo Kuya eh.”

“Huwag muna Bugoy. Tiisin mo lang muna, Bugoy. Basta palagi mong tandaan, sa iyo lang ako naniniwala. Iyan ang importante.”

“Paano kung hindi ko na kaya?”

 “Basta kakayanin mo. Para sa akin, ha? Nabu-buwesit na rin ako d’yan sa inay eh. Kapag hindi ko na rin kaya lalayasan ko na iyan.”

“S-saan ka naman pupunta? Iiwanan mo rin ako?” ang sambit kong halos maiyak na rin sa kanyang sinabi.

“Iiwanan natin sila. Doon tayo sa bahay ninyo. Kung love ng inay ang Cathy na iyan, sila ang magsama. Girl-girl sila.” nahinto ng sandal atsaka binitiwan ang isan gpilyong ngiti. “…Boy-boy naman tayo.” ang dugtong niya.

Napangiti ako sa kanyang sinabi. Kinilig na hindi ko mawari. “Niloloko mo ako eh!” ang sambit ko na lang.

“Iyan…yan ang gusto ko, ngumingiti. Ang cute kaya ng ngiti ng baby bro ko. Kung wala lang sanang tao rito ay nilamutak ko na iyang mga labi na iyan eh. Nakakagigil. Ang sarap paglaruan.”

“Baliw!” ang sagot ko na lang.

Pagkatapos namin sa restaurant ay dumaan muna kami sa plaza. Doon kami sa likod ng public stage kung saan ay may harang at walang tao. Dahil gabi na, kaming dalawa lang ang naroon. Doon kami sumaglit sa panandaliang pagnanasa naming sa isa’t-isa.

Sa gabing iyon ay nagkasundo kami na tiisin na lang muna ang lahat. Kahit may takot pa rin ako na baka mangyari uli ang frame up na ginawa ni Cathy sa akin, tila nabigyan uli ako ng lakas ng loob na magpatuloy pa rin kina Kuya Renan.

Ngunit sa araw-araw kong pagpasok sa school ay hindi ko maiwasang hindi mag-alala. At napansin ito ni Mico nang nagpatutor siya sa akin. “Bakit ka parang malungkot nitong nagdaang mga araw? Parang minsan ay napapansin kitang natulala ah!” ang sambit niya.

“Wala ito…”

“Oww… dahil ba ‘yan kay Cathy?”

Mistula akong nagulat na natumbok niya ang aking problema. Hindi na ako nakakibo pa.

“Bakit ano ba ang ginawa ng Cathy na iyan sa iyo?”

“Wala nga… ang kulit mo.” ang sago tko na lang.

“Try me! Kilala ko ang Cathy na iyan. Baka naman makatulogn ako sa iyo.”

“Kilala mo talaga siya?”

“Oo. Pero ayaw ko nang palakihin ang issue. Pero kung sasabihin mo, baka may maitutulong ako kahit papaano.”

Doon ko sinabi sa kanya ang lahat.

“Hayop pa rin talaga ang babaeng iyan. Hindi na natuto.” ang sambit lang ni Mico.

“Bakit ano ba ang ginawa niya sa inyo?”

“Wala naman…” ang pagbawi rin niya, sabay bitiw ng isang ngiting hilaw. 

“Okay…” ang sagot ko na lang na tila nadismaya sa hinid niya pagsabi kung ano ang kuwento.

“Woi… huwag kang magtampo. Ang cute pa naman nito” sabay pisil sa aking pisngi. “Matutulungan kita. Heto ang gagawin mo.”

Iyon, sinabi ni Mico kung paano ko labanan ang kasamaan ni Cathy. Binigyan din niya ako ng tip ng mga tamang gawin at kung paano i-approach ang sitwasyon.

“Basta kapag sinaktan ka niya, o may sinasabi, huwag mong patulan. Pumunta ka lang sa kuwarto ninyo at hayaan mo siyang magtalak. Kung susundan ka niya, mas okay…”

Napangiti naman ako sa kanyang sinabi.

“O wala man lang kiss d’yan?”

“S-salamat Mico. Maaasahan ka talaga.”

“Syempre, love yata kita eh.”

Hinalikan ko siya. Sinuklian din niya ang aking halik… 

Sinunod ko nga ang payo ni Mico. Ginawa ko ang mga payo niya na dapat kong gawin. Dahil dito, hindi na ako natakot na umuwi ng bahay kahit kami lang dalawa ni Cathy ang naroon. Parang excited pa nga ako, palaban.

Nang dumating ang pagkakataon na iyon na kaming dalawa lang ang nasa bahay, sinunod ko ang sinabi ni Mico. 

“Hoy, palamunin! Labhan mo ang mga labahin ko!” ang sambit ni Cathy.

Linisin ko muna ang kuwarto.” Ang sagot ko sabay takbo patungo sa kuwarto namin.

“Aba’t tinalikuran ako ah!” ang sigaw niya habang tumakbo ring sinundan ako.

Agad kong kinuha ang walis at bunot upang magsimula nang maglinis. Ngunit naabutan niya ako at agad akong sinambunutan. “Ang sabi ko sa iyo ay maglaba ka muna! Labhan mo muna ang mga damit ko! Bingi ka ba?!!!” ang sigaw niyang ang mga mata ay mistulang nanlilisik sa galit.

“Sandali lang naman itong linisin eh. Isunod ko na lang iyon.”

“Isunod mo? Tapos kapag dumating na sina Renan at ang inay niya, makikita nilang ikaw ang naglalaba ng mga damit ko? Tapos ako naman itong magmukhan gkontrabida? Ganoon? Iyan ang plano mo?”

“Wala po akong planong ganoon.”

“Puwes sunsdin mo ako!” Sabay hablot sa walis na hawak ko at pinalo ako sa ulo at sa tiyan.

“Isusumbong kita kay Inay!” ang sabi ko. “...para malaman niyang salbahe ka.”

Natawa siya. “Isusumbong mo ako sa utrong uto-utong iyon? At akala mo ay kakampihan ka niya? No way! Dahil ang matandang iyon ay malandi! Gustong-gusto sa mga pinaggagawa ko sa kanya kahit nagmukha siyang pokpok! Isusumbong mo ako? Baka kayong dalawa ang ipasalvage ko. Ipapa-rape ko pa ang talipandas na matandang haliparot na iyon! Kapag hindi niya kayang puwersahin si Renan na makasal ako sa kanya, kayong dalawa ang ipapakidnap ko at ipapasalvage! Tandaan mo iyan! P***ng ina ninyo! Nagtiis lang ako, nagtiis lang ako! Ngunit kapag hindi ko na kaya, todas kayong lahat!”

Nagulat talaga ako sa kanyang mga sinabi. Parang nag level up ang kanyang kasamaan. Hindi ko lang alam kung totoo ang kanyang banta o tinakot lang niya ako. Ngunit wala na akong nagawa kundi sundin ang kanyang utos. Kinuha ko ang kanyang mga labahin at tumungo sa banyo.

“Dalian mooooooo!!! Baka madatnan ka pa ng bakulaw na ina ni Renan!!!” ang sigaw niya.

Hindi ko na siya pinansin. Binilisan ko na lang talaga ang paglalaba. Sa isip ko ay ang sinabi sa akin ni Mico na gagawin ko. “Sana ay tama ang ginawa ko...” ang bulong ko sa aking sarili.

Pagkatapos kong maglaba ay tinapos kong linisin ang kuwarto. Lilinisin ko pa sana ang sala ngunit inutusan na niya akong magluto. “Darating na sila, magluto ka na! Iwanan mo lang at ako na ang bahala!”

Nang dumating na sina Kuya Renan at ang kanyang inay, nasa kusina na si Cathy. Parang wala lang nangyari at syempre, dahil nakita nila na naroon siya sa kusina, ang nasa isip nila ay siya talaga ang naghanda ng pagkain.

“Mukhang masarap iyang niluto mo, ah!” ang sambit ng inay ni Kuya Renan kay Cathy.

“Sana nga, inay. Pasensya na, minamadali ko lang ito dahil naglalaba pa ako ng mga damit ko, tapos nilinis ko pa ang kuwarto namin. Gusto ko pa nga sanang linisin ang kuwarto po ninyo kaso alam kong darating na po kayo eh.” Ang paliwanag ni Cathy.

“Ito namang batang ito. Huwag mo nang linisin ang kuwarto ko. Nililinis ko naman iyon eh.”

“Basta ‘Nay, aayusin ko ho ang kuwarto ninyo. Pagagandahin ko pa po iyon.

Iiling-iling na lang ako. Pati si Kuya Renan at napatingin na rin sa akin. Iyong tingin na na-OA-han sa kanilang dalawa.

Isang araw, kaming dalawa naman ni Kuya Renan ang nasa bahay. Ang inay ni Kuya Renan ay nagpunta sa kabilang isla dahil binyag ng apo ng kanyang best friend daw. At dahil malayo ay hindi ito makakauwi sa gabing iyon. Si Cathy naman ay may lakad, hindi naming alam kung saan nagpunta.

“Bugoy... tayogn dalawa lang ang narito.” Ang sambit ni Kuya Renan.

“Ano ngayon kung tayong dalawa lang?” ang biro ko.

“Wala ka bang na-miss?”

“Wala naman” ang pagmaang-maangan ko pa rin.

“Ah wala kang na-miss. Puwes, ako ay may na-miss, at miss na miss na!” sabay karga sa akin at nagtatakbong dinala ako sa kuwarto at ibinagsak sa kama. “Alam mo na kung ano ang na-miss ko?” at dali-daling naghubad ng kanyang t-shirt.

“Manyak!” ang biro ko.

Ngunit hanggang biro lang naman ako. Dahil nang niyakap at hinalikan na ako ni Kuya Renan, hindi na ako nakapalag. Sinuklian ko na rin ang kanyang pagyakap at paghalik.

Humantong ang lahat sa paghubad namin ng aming mga damit. Nakatayo kaming pareho noon, naghahalikan. Nakaharap ako sa binatanang jalousie at siya naman ay nakaharap sa pintuan.

Mapusok ang aming paghahalikan. Hanggang sa itinulak ni Kuya Renan ang aking ulo pababa. Alam ko na ang ibign niyang mangyari. Lumuhod ako at isinubo ang kanyang naghuhumindig na pagkalalaki sa aking bibig.

Nasa ganoong ayos kami nang biglang hinugot ni Kuya Renan ang kanyang ari mula sa aking bibig sabay sa pagtakip nito ng kanyang kamay.

Sa aking pagkagulat, tiningnan ko ang mukha ni Kuya Renan na mistulang nakakita ng multo. Nilingon ko ang pintuan. At biglang kumalampag ang aking dibdib nang nakita ko roon si Cathy!

“Oh my God!!! Kaya pala! Kaya palaaaaaaaa!!!! Mga hayop! Mga hayop! Nakakadiriiiiiiiii!!!” ang sigaw niya habang nagtatakbo palabas ng bahay.

(Itutuloy)

45 comments:

  1. waaaaah nakita talaga ni cathy..., kinakabahan ako bugoy....! kinakabahan tuloy ako kay bugoy.....

    ReplyDelete
  2. done voting..., sir isang bese lang poba boboto?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Thank sooooooo much Achilis! Isa kang tunay na follower. :-)

      Delete
    2. salamas sir eh love kopo talaga mag basa, nakakatuwa pong isipin na may mga bromance stories na available hehe salamat talaga sa pag shashare....,

      Delete
  3. Ano ang itinuro ni Mico sa kanya para magamit nya laban kay Cathy? Bakit hindi nya gamitin ung gadget na binigay sa kanya ni Mico para magamit nya sa pag-record sa mga inaasal o pinagsasasabi ni Cathy p ag sila lng dalawa?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hmmmm, mukhang pareho tayo ng iniisip frend! He he hee, kaso mejo malala na situation now. Hmmmmm, what do you think? Next chapter is more exciting ah!

      Delete
  4. Caught in flagrante, hehe..exciting!

    ReplyDelete
  5. OMG KUYA MIKEEEE! DI KO KINAKAYA DI KO MA-TAKE! PAANO NA DIS? OMG! Kontrabida pa lang Cathy na yan. Haliparot, mapag-imbot, MAPAGPANGGAP! ARGH! Patayin na yang character na yan!

    Ano na lang gagawin kila Renan at Bugoy nyan? Baka palayasin si Bugoy halaaaaa!

    Kuya Mike salamat sa update! At sana masundan agad to kahit na alam kong super busy ka. Salamat dahil you still find time to write. Thank you!

    - Tim Tsui

    ReplyDelete
  6. Hahaha. Nahuli sila. Yan ang gagamitin ni Cathy na panlaban kay Renan para sumunod eto sa lahat ng gusto niya. Paano na si Bugoy, sanay umalis na sya ng bahay at sana matulungan siya ni Mico laban kay Cathy. Masyado nang kaawa awa si Bugoy. Mas nanaisin ko pang sa iba na lang mapunta si Bugoy kung lagi siyang nagiging kaawa awa. Salamat sa update mr. Author.

    ReplyDelete
  7. Wow! Naman talaga.... As in ganun tagpo Hindi pede naghahalikan lang!
    May pang blackmail na so cathy Kay renan...
    Poor bugoy!....

    Red 08

    ReplyDelete
  8. Replies
    1. Thank you... "unknown". I really appreciate it. :-)

      Delete
  9. Haha sana naman may record sa boses c baby bro.... sa ,ga sinasabi nix cathy.. tnx kuya

    ReplyDelete
  10. Nako.. Kawawa si Bugoy nito.. :( letse tlga si Cathy.kontrabida. haha. 😒😜🙅

    ReplyDelete
  11. Sana Bugoy hindi ka ilaglag ni Renan just to save his ass. Kawawa ka naman. Pero nandyan naman si Mico at may bahay ka pa pero ang sakit lang kung mangyari yun sa edad mong yan na ginamit ka lang.

    ReplyDelete
  12. Done voting kuya.. :) thumbs up and super salute talaga ako sau at sa mga stories mo.. You never failed my satisfaction.. Napapatawa, napapaiyak (na ayaw ko sana kaso di ko kayang pigilan), naiinis (sa mga kontrabida), at napifeel ko na parang nanjan din ako sa story, yung tipong katabi ko ang bida habang nag aaway sila ng love team nya.. Hahaha

    ReplyDelete
    Replies
    1. Thank you soooooo much Stephen! Love you! Mwah!

      Delete
  13. e record lahat ng mga sinabi nya gamitin pang black mail un ang tinuro nya..hehe

    ReplyDelete

  14. Tanglandi kc n Kuya renan yan tuloy kawawa nyan c bugoy ang lilibog kc d mgsara ng pinto.. D p nga Nya na bottom c bugoy mgkkhwalay n cla. Go mico save bugoy!, update na po Agad thnx.

    ReplyDelete
  15. Oh well waitin for update again

    ReplyDelete
  16. nalintikan na ang talipandas na si cathy na makati nahuli pa ang dalawa...kawawang bugoy mas lalo xang pag iintan nito. pero mukhang alam ko ang tinuro ni mico kay bugoy nirecord nya sa tablet ung mga pinagsasabi nito tungkol sa ina ni kuya renan.

    ALVIN OSEA

    ReplyDelete
  17. Hehehe Kala ko khit ilang beses, sayang if only i can vote a million times gagawin ko manalo kalang Kuya Mike! :). "Done"-Paolo

    ReplyDelete
    Replies
    1. Thanks a lot Paolo! I so much appreciate it. I think one time lang. But try mo next week baka pede na uli. :-)

      Delete
  18. sana magupdate na po .....

    kudos sa author makatotohanan ang story ......

    ReplyDelete
  19. Ang borikat na c cathy for sure hindi c renan ang ama nang dinadala nya,,, sana ma buko na sha ,, bugoy patulan muna please

    ReplyDelete
  20. haha! napapamura ako sa hayop na bubae na yan!
    lol

    ReplyDelete
  21. Grabe naman ung Nanay ni Renan.. Mas matagal na niyang kilala at kasama si bugoy pero si Cathy ang mas pinaniwalaan niya? Asan ang hustisya? xD Sana maexplain sa next chap kung bakit ganun na lang kung magtiwala ung nanay ni renan sa bruhang Cathy na yan haha :) Waiting for next chap ! :)

    Done voting ! :)

    ERNZ

    ReplyDelete
  22. WtF, ano nang mangyayari sa kanila ngayon.. bat ba kasi may asungot pa. Haha. Next chapter pls.. agad agad haha, thanks sir Mike sa update.

    ReplyDelete
  23. kung pwede lang sumingit sa kwento at sabunutan si Cathy ay ginawa ko na.....

    ReplyDelete
  24. Wowwww! Im so excited for the next chapter Sir Mike...

    --Pabs

    ReplyDelete
  25. This is a good story.

    ReplyDelete
  26. diko yata naclik ang comment ko kahapon. baka yung pagboto ko ang nauna haha.
    (done voting na po kahapon)

    bharu

    ReplyDelete
  27. ISA PO AKONG TAHIMIK AT MASUGID NA MAMBABASA SA BLOG NA TO MATAGAL NA NGAYON KO LANG PO NAGAWANG MAG COMMENT. :) SANA WELCOME AKO DITO.
    :)
    . KAKATAPOS KO LANG BASAHIN TONG STORY... ANG GANDA TALAGA. :) KELAN PO ANG UPDATE?
    THUMBS UP.

    -JHIE-

    ReplyDelete
  28. I love the story.... KUYA RENAN reminds me of ERWIN of SI UTOL AT ANG CHATMATE KO....
    Once again, I feel in love with this...

    Thanks idol mike...

    #LSDee

    ReplyDelete
  29. OH MY G! OH MY G! OH MY G! Ano ng nangyare grabe hahaha nakita bi cathy ang nangyayare sa kanila oh my oh my wala akong masabi ang galing talaga love love kobtalaga to hihi

    ReplyDelete
  30. OH MY G! OH MY G! OH MY G! Ano ng nangyare grabe hahaha nakita bi cathy ang nangyayare sa kanila oh my oh my wala akong masabi ang galing talaga love love kobtalaga to hihi

    ReplyDelete
  31. p***** i** mo cathy! istorbo ka hahaha! lech*

    ReplyDelete
  32. Whooo can't wait for the next chapter.. Thank you po Mr. Author for the update..

    Az

    ReplyDelete
  33. ohhh my god natatakot na ako huhuhuhu :(


    "DONE VOTING"

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails