Followers

Friday, July 10, 2015

Love, Stranger (Chapter 3)

AUTHOR'S NOTE:
First of all, I would like to thank everyone na sumusubaybay sa Love, Stranger. I promise na iimprove ko pa ang pagsusulat ko para sa inyo. ^_^

Second, sana po ay huwag kayong mahiyang magcomment regarding the story. Welcome rin po ang feedback and suggestion para maimprove ko pa ang pagsusulat ko. Please, please, comment lang po kayo. I accept any criticism as long as constructive at hindi bastos.
You can add me on my facebook, tara usap tayo. I want to keep in touch with you guys.
https://www.facebook.com/gabriel.montenegro.35
Please like my page na rin. Thanks in advance!
https://www.facebook.com/whitepal.gabriel
Again. FRIDAY - SUNDAY po ako nag-uupdate ng story. Once or twice a week. Depende po pag feeling ko bitin or maiksi ang latest chapter. Hehehe. :-D
Muli, MARAMING SALAMAT!
(Next post, babatiin ko ang ilan sa mga readers ko. Hehehe. One of my ways to thank you guys.)

======================================================================


CHAPTER THREE
“Bakit kaya siya ganoon tumitig sa akin kanina? Nacu-cutean ba siya sa akin? Hihihi!” sabi ko sa aking sarili habang pangiti-ngiting parang tangang naglalakad sa Happo-en Garden. Maaraw dito ngunit malamig ang hanging humahaplos sa aking balat.
Tumingin ako sa kanya. Nakita kong nakabusangot ang mukha nito.
“Okay ka lang?”
“Hindi.”
“Oh, bakit naman?”
“Ikaw kasi, kanina pinaupo mo ako sa harap during Tea Ceremony. Ako tuloy ang naging guest of honor. Mukha akong tanga, nakakahiya, hindi ko nahawakan ng maayos ‘yung cup.” bakas sa kanyang mukha ang pagka-inis. Matulis rin ang tingin na binigay niya sa akin.
Hindi ko napigilang humalakhak. Alam ko kasing magiging guest of honor ang uupo sa harap. Naalala ko ang itsura niya kanina sa tea ceremony, hiyang-hiya ang mokong dahil mali ang hawak niya sa cup. Aba’y malay ko bang hindi niya alam ang tamang paghawak.
“Tawa ka pa. Kung alam ko lang na ganoon iyon, ikaw ang pinauna ko.” sabi niya sabay simangot. Ang cute niya pag naiinis. Lalo siyang mas nagmumukhang lalaki sa paningin ko. Napansin ko na lang na biglang bumilis ang kanyang paglalakad. Naiwan akong nakatayo sa ilalim ng Sakura o cherry blossom; wala itong dahon dahil winter season ngayon.
“Rome! Huy! Galit ka talaga?” sigaw ko rito. May 10 feet na ang kanyang layo mula sa kinatatayuan ko. Binilisan ko ang aking paglalakad. “Wait!” sigaw ko ulit.
“Bahala ka!” sigaw niya. Lalong bumilis ang kanyang paglalakad, pilit ko siyang hinabol. Sobrang tahimik sa lugar na ito na tanging maririnig lang ay ang pagkiskis at paghalik ng mga bato sa swelas ng aming mga sapatos; parang malulutong na nadudurog ang mga batong ito sa aking pandinig.
Ilang saglit pa’y naabutan ko siya at dalawang beses kong tinapik ang kanyang likuran. “Sorry. Hindi ko naman kasi alam na hindi mo alam ang tamang paghawak ng cup. I just want you to experience something.” tinitignan ko ang kanyang mukha. Nakasimangot pa rin ito.
“Ano kahihiyan?” matigas ang kanyang boses. Diretso pa rin siyang nakatingin sa harap.
“No that’s not what I... Putangina!” naramdaman ko na lang ang paglusot ng kanan kong paa kasabay ang pagbagsak ng aking katawan. Bumilis ang tibok ng aking puso, napakabilis. Nakita ko ang tubigan sa aking harapan ngunit hindi ako tuluyang nahulog dito dahil isang braso ang mabilis na sumalo sa aking katawan, naramdaman ko naman ang mahigpit na pagkakahawak ng isang kamay sa aking likuran, halos mapunit ang suot kong black coat. Tiningnan ko ang nagmamay-ari ng brasong naka-akap sa aking katawan at taong humila sa akin, si Rome ito.
“Okay ka lang?” bakas sa boses niya ang pag-aalala. Matigas pa rin ang mga salita nito. Tiningnan ko siya, nawala ang inis na kanina’y naka-ukit sa kanyang mukha. Tumango ako senyales na okay lang ako.
Ramdam ko pa rin ang mabilis na pagpintig ng aking puso. Kahit malamig ang lugar ay naramdaman kong nag-umpisang lumabas ang pawis mula sa aking noo. Magkahalong takot at kilig ang naramdaman ko. Takot na mahulog sa malamig na tubig at kilig dahil sinalo niya ako. Hihihi!
“Puro ka kasi daldal, try mo nga manahimik minsan. Kaya ka napapahamak eh.” sabi nito at pagkatapos ay mabilis na dumiretso sa tulay na gawa sa bato, katabi nito ang batuhan at tubigan na dapat ay huhulugan ko kanina.
Mabilis akong naglakad; linagpasan ko ang batong tulay na kanyang dinaanan. Naabutan ko siya. Tinapik ko ang kanyang likuran. “Sorry na.” binitiwan ko ang isang malalim na buntong hininga.
“Okay na ‘yon. Let’s not talk about it.” sagot niya. Tahimik. Mistulang nakakabingi ang katahimikang bumalot sa amin. Muli kong narinig ang paghalik ng swelas ng aming mga sapatos sa bato, humahalik naman ang malamig na hangin sa aking mukha’t kamay; ang tanging parte ng aking katawan na nakalabas.
Pasimple ko siyang tiningnan. Hmmm. Gusto kong alamin ang kanyang background. Gusto ko siyang kilalanin. Pero paano? Oo aaminin kong malakas ang attraction na nararamdaman ko sa kanya, at dahil dito, hindi ko magawang maging spontaneous. Kinakain ako ng nararamdaman ko. Lumunok ako. Kasabay ng paglunok sa aking laway ay siya ring paglunok sa aking kahihiyan.
“So dude, bakit ka ngapala nasa Japan?” pagbasag ko sa katahimikan.
“Bakasyon bro.” bahagya siyang yumuko. “Ikaw?” tanong nito habang patuloy sa paglalakad.
“Same.” casual kong sabi. Dinaanan namin ang isang tubigan na may mini-waterfalls, umalingawngaw ang agos ng tubig nito sa aking tenga. Napakasigla at napakaganda nito sa aking pandinig. I’m a nature lover eh.
“First time mo rito?” tanong ko sabay kuha sa aking Samsung Grand Prime at kinuhanan ang mini-waterfalls.
“Hindi. Kaya nga ako sumama sa tour at may tour guide eh.”
Bigla akong napatingin sa kanya. Ngiting nakakagago ang nakita ko sa kanyang mukha. Pilosopo ng hinayupak na ito.
“Seryoso ka diyan?” I know he’s making fun of me. Nakakagago ang sagot niya.
Hindi ito kumibo. Nagalakad siya at sinundan ang pathway sabay bitiw ng isang nakakalokong ngiti. Sumunod ako. Dumaan kami sa pagitan ng mga puno.
“Single or married?” random question ko. Lumingon siya sa akin. He gave me a quizzical look.
“Why do you ask?”
“Mukha ka na kasing tatay.” sabi ko sabay halakhak.Nakaganti rin ako, yes!
“Wow. Itsura kong ito mukhang tatay? Ang gwapo ko namang tatay.” sabi nito sabay ngiti. Muling bumakat ang malalim niyang dimples. Shit.
“Oo itsura mo talaga, mukha ka ng may isang dosenang anak.” muli akong humalakhak. Alam kong nag-gagaguhan na lang kami.
“Ang gwapo ko namang ama ng doseng mga bata.” preskong sabi nito sabay talikod at diretsong naglakad. Lakas! Ibang klase rin itong si gago eh. Hindi makausap nang matino.
“Oo at mahilig ka!” sigaw ko dito sabay takbo at batok sa kanyang ulo.
“Aray! Malakas iyon ah.” sabay lingon sa akin.
“Ikaw eh. Ang labo mo.”
“Syempre hindi malinaw.” pamimilosopo nito ulit. Sa totoo lang ay naiirita na ako sa kanya. I’m trying to break the ice between us. Linunok ko na nga ang hiya ko at kinapalan itong mukha ko para lang makilala siya, tapos ganito pa ang isasagot niya. Putangina.
“Ano work mo?” random question ko ulit.
“Tambay.” sagot nito sabay ngisi. Tiningnan ko siya, hindi ko napigilang mapangiti. Ngiting nang-aasar.
“Haha! Nakakatawa.” sarcastic kong sabi. “Sarap naman ng buhay mong tambay ka. Travel lang nang travel. Hoy, gurang ka na! May dose ka na ngang anak eh. Baka naman asawa mo pa ang gumastos sa iyo para makapunta rito.”
“Wala akong asawa. Doseng anak lang. Lahat panganay.” pagsuporta niya sa banat ko kanina.
“Ayos ka talaga dude!”
“Naman.”
“Edi magulang mo pa ang gumastos sa iyo para lang makapunta kang Japan? Ang lakas talaga! Ikaw na!” sarcastic kong sigaw sabay palakpak.
“Tado! Naniwala ka naman?”
“Ulul, alam kong ginagago mo ako. Hindi lang ikaw marunong mang-gago rito.” sabi ko. Mula sa kanya’y inikot ko ang aking mga mata; nakita ko ang magandang kapaligiran. May tubigan at may mga puno, dagdag pang maganda ang langit. Napansin ko rin na nasa pagitan kami ng dalawang Sakura o cherry blossom tree. Kinuha kong muli ang aking cellphone at nag-umpisang mag-picture.
“Ang ganda.” sabi ko pagkakuha ng litrato.
“Ako na lang kaya kuhanan mo ng picture.” sabat niya. Tiningnan ko siya, nakita kong inaabot niya ang kanyang cellphone. Matulis ko siyang tiningnan.
“Ginawa mo pa akong photographer.”
“Wala pa akong kuha eh.” pagpupumilit nito. At ginawa ko ang gusto niya.
“Ako naman.” sabi ko sabay abot ng cellphone sa kanya. Kinuhanan niya ako.
“Mas gwapo ako.” nakangiting sabi nito sabay abot sa aking cellphone
“Gōman'na.” matigas kong sabi sa kanya pagkatapos ay tiningnan ko ang picture kong kinuhanan niya. Ang cute ko talaga. Hihihi!
“Ano ‘yon? Hapon ba iyan? Hoy wala namang ganyanan! Daya nito!” sagot nito. Tiningnan ko siya, nakita kong nakakunot ang kanyang noo. “Ano ibig sabihin ng sinabi mo?” napansin kong naging matigas ang pagkakasara ng kanyang labi. Tinawanan ko siya nang malakas. Alam kong naiirita na ito.
“Secret.” sabi ko sabay angat ng aking cellphone na naka-open ang camera at tinapat sa kanya.
“Ano nga? itutulak kaya kita diyan sa tubigan. Maliligo ka panigurado.” matigas na sabi nito. Nasa likuran ko kasi ang tubigan.
Ngumiti ako na parang nang-iinis. Pinindot ko ang capture, tumunog ito at nakunan ang mukha niyang inis na inis. Alam kong narinig niya ito.
“Ah ganoon.” sabi nito habang papalapit sa akin upang itulak ako. Tumakbo ako nang mabilis palayo sa kanya. Narinig ko ang swelas ng kanyang sapatos, alam kong tumatakbo rin siya. Hindi nagtagal ay naabutan niya ako, dahil na rin siguro’y masmatangkad siya at masmahaba ang kanyang biyas. Naramdaman ko ang malakas na paghatak niya sa aking black coat. Kinulong niya ako sa kanyang braso habang ang isa niyang kamay ay pilit kinukuha ang aking cellphone. Pilit kong tinago ang aking phone sa loob ng aking coat.
“Rome, huwag kang magulo baka mahulog ang CP ko!”
“Delete that thing!”
“Papaano ko madedelete kung ayaw mo akong bitiwan?” pagkarinig niya noon ay pinakawalan niya ako. Lumingon ako sa kanya, bakas sa pa rin sa kanyang mukha ang inis. “Look oh. You look like a kid na sinusumpong.” bakas sa tono ng aking boses ang pang-iinis. Tumawa ako na parang nang-iinis.
Hindi pa man siya nakakasagot ay napansin ko ang pagtingin ng kanyang mga mata sa malayo. Nagbago ang kanyang mukha, naging seryoso ito. Tiningnan ko ang direksyon na kanyang tinitingnan. Nakita kong naglalakad ang isang babaeng naka-white and pink kimono dress, hindi lang basta dress ito, alam kong bridal kimono iyon. Kasabay ng babae sa paglalakad ang isang lalaking naka-suot ng black montsuki at kulay gray with white stripes na hakama, ito ang groom.
Nabalot kami ng katahimikan. Muli ko siyang tiningnan. Bukod sa seryoso ang kanyang mukha’y bakas sa kanyang mga mata ang malalim na iniisip.
“They’re newlywed couples. Pwede kasi magdaos ng kasal doon sa shrine ng Happo-en Garden.” pagbasag ko ng katahimikan.
“Ah.” bland niyang sagot. “Tara.” lumapit siya sa akin at mabilis akong hinatak palayo sa lugar na iyon. Naramdaman kong bumalot ang kanyang braso sa aking likuran at batok, inakbayan niya pala ako! Ramdam ko ang init ng kanyang balat. Nagdulot ito ng kakaibang sensasyon sa aking katawan, pakiramdam ko’y para akong nakukuryente at natatae at the same time. Para akong nanghina. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko, napakabilis ng tibok ng aking puso. Bakit ganito? Napansin ko na lang na nakangiti na pala ako.
Tiningnan ko siya, seryoso ang kanyang mukha at malayo ang tingin. Sa aking paglingon ay naamoy ko ang kanyang pabango, blvgari ito at lalaking-lalaki ang amoy. Tinuon ko ang aking mga mata sa harap, patuloy pa ring sumasabay ang aking mga paa sa kanya. Muli kong pinakiramdaman ang kanyang bisig na naka-akbay sa akin. Masaya ako. Kinikilig, pero higit sa lahat I feel safe, secure. Weird pero ito ang nararamdaman ko.
***
“Bakit kaya para siyang gago? Hhhmmm... Maybe, he wants everything to be private kahit ‘yung mga simpleng bagay. So it means that we’re not friends. He’s still a stranger. Hay.” bulong ko sa aking sarili.
“Pst.” ingay na umalingawngaw sa kanan kong tenga. Alam kong siya ‘yon. Lumingon ako. Halos magdikit na ang aming mukha. Kahit naka-black jacket siya’y ramdam ko pa rin ang init ng kanyang katawan na nakadikit sa aking braso. Hindi ko tuloy maiwasang kiligin. Ramdam ko mabilis na tibok ng aking puso. Ang hirap huminga kapag ganito kayo kalapit sa isa’t-isa ng crush mo.
“Ano pala ibig sabihin ng sinabi mo kanina?” mahina nitong tanong sa akin. Nasa loob kasi kami ng elevator. Hindi naman dapat ganito kasikip kaso ay naipit kami ni Rome sa pinakaloob ng elevator; nasa aming harap ang dalawang European couple na parehas na malalaki ang mga backpack. Blue at red pa ang kulay nito at bumabangga-banga sa aking katawan. Tsk.
“Anong kanina? Alin doon?”
“‘Yung Japanese word?”
“Gōman'na?”
“Yes.”
“Mayabang.”
“Hoy. Hindi ako mayabang. Mas gwapo naman talaga ako sa iyo.” madiin niyang sabi. Bilib ako sa taas ng self-confidence ng lalaking ito.
“Matangkad ka lang Rome at mas may muscles. Kung mukha ang pag-uusapan ay di hamak na mas mukha kang gurang, at itong itsurang kong cute ay napagkakamalang teenager. So shut up dude.” pagkasabi ko noon ay bumukas ang elevator. Isa-isang naglabasan ang mga tao. Hay sa wakas, nakahinga na rin. I saw gigantic windows right before my eyes. Namangha ako sa aking nakita. Makikita dito ang iba’t-ibang mga gusali sa tokyo.
“Oo na lang.” sagot niya habang naglalakad palapit sa binta. Hindi siya gaano lumapit sa edge, ewan ko kung bakit. Bukod sa mga gusali ay natanaw rin namin ang Mount Fuji. Kulay blue ang ibabang parte ng bundok habang nababalot naman ng snow ang itaas na bahagi nito. Napansin kong natatakpan nang makakapal na clouds ang ilang bahagi ng Mount Fuji.
“Alam mo bang swerte raw kapag nagpakita ang Mount Fuji sa iyo nang buong-buo? Kasi sobrang dalang lang mangyari iyon.” kwento ko sa kanya habang nakatingin sa isa sa pinakasikat na bundok. Beauty is an understatement to describe this mountain.
“Kaya siguro hindi nagpakita sa atin ng buo dahil may taglay kang kamalasan.” pang-iinis na naman niya. Tumingin ako sa kanya at nakita kong nakangisi si gago habang ang mga mata’y nakatingin sa akin. Naisip ko lang bigla, maraming beses na akong nakapuntang Japan dahil work related. Pero never kong nakitang buo ang Mount Fuji, not even once. Ayoko man isipin na malas ako dahil hindi ako naniniwala roon. Nagkataon lang siguro na maulap sa tuwing titingin ako rito.
“Ikaw masyado kang nega! Pupunta tayo diyan sa third day ng tour di ba? Malay mo naman.” sagot ko habang nagkakamot ng ulo. Tumalikod ako at yumuko, napansin kong nakatayo ako sa lookdown window. Biglang humampas ang tuwa at excitement sa aking katawan, para akong nakalutang sa ere. Kitang-kita ko ang pulang paa ng Tokyo Tower pati na rin ang kalsada. Mapapansin din dito ang mga sasakyan at mga tao sa ibaba na animo’y kasing laki lang ng bigas.
“Rome, look oh.” masaya kong sabi sabay turo sa kanyang paang nakatayo rin sa lookdown window. Nakita kong nanlaki ang kanyang mga mata.
“Tangina!” sigaw niyang nagpapanic. Napaupo siya habang ang mga kamay ay napahawak sa lapag, mabilis siyang gumapang palayo sa lookdown window at umupo ng fetal position. Kapansin-pansin ang pamumutla ng kanyang mukha. Nanginginig ang kanyang mga kamay.
“Hey okay ka lang?” agad akong lumapit sa kanya. Hinawakan ko siya, malamig ang kanyang balat, pinagpapawisan din ito. Pati ako’y gusto na ring magpanic sa kanyang itsura, ngunit hindi dapat. Kailangan ko siyang pakalmahin. “Rome, hey. Nandito ako. You’re safe. Huwag kang matakot. Look at me. Look at me please.” hinawakan ko ang kanyang mukha at tinapat sa akin.
“Relax. Please. Huminga ka sa ilong mo Rome. Follow me. Inhale.” huminga ako ng malalim, sumunod siya. “Exhale.” binuga ko ang hangin, sumunod siya. “Inhale... Exhale.” inulit namin ngunit hindi pa rin siya kumakalma.
“Close your eyes rome.” tinakpan ko ang kanyang mata, ngunit sinigurado kong hawak ng isa kong kamay ang dalawa niyang malalamig na kamay. “It’s okay, you’re safe. Huwag kang matakot... Again. Inhale... Exhale.”
Halos mag-iisang minuto kaming ganoon bago kumalma si Rome.
“Bili lang ako ng tubig sa vending machine ha. Dito ka lang.” Mabilis akong tumakbo papunta sa pinakamalapit na vending machine, hindi ito kalayuan sa inuupuan ni Rome. Bumili ako ng dalawang bote ng tubig at dalawang bote ng ice tea. Mabilis akong bumalik sa kinauupuan niya, dinaanan ko ang tatlong batang chinese na naghaharutan. Pagtapat ko sa kanya’y agad kong binuksan ang isang boteng tubig at pinainom ito sa kanya.
“Thanks Ray.”
“How are you?” umupo ako sa tabi niya.
“I’m good.” medyo tulala pa rin siya. Pero alam kong tapos na ang nakakatakot na sandali. Lumagok siya ng tubig.
“Sure?”
“Oo nga.” tumingin siya sa akin at ngumiti. Muling bumakat sa kanyang pisngi ang malalim na dimples. “Salamat ha.”
“Wala ‘yon. Sorry rin kasi tinuro ko pa sa iyo yung lookdown window.”
“It’s not your fault. Hindi mo naman alam eh.”
“And Rome, thanks ngapala kanina sa paghatak mo sa akin sa Happo-en Garden, kung hindi mo ginawa iyon baka naligo na ako ng wala sa oras.” sabi ko. Nagtawanan kami.
“You’re welcome.” sabi niya sabay ngiti.
“Nauhaw ako sa iyo.” sabi ko. Binuksan ko ang isa pang bote ng tubig, linagok ko ito at agad na naubos.
“Pati sa tubig matakaw ka.” biro niya.
“Eh inuhaw mo ako eh.”
“Pasensya naman.”
“Okay lang. Ubos na tubig ko. Ice tea naman.” binuksan ko ang malamig na ice tea. Akmang iinom na ako’y natabig ng isang bata ang aking braso. Natapunan kaming dalawa ni Rome. Basa ang aking black coat at shirt sa loob, ramdam ko ang malamig na ice tea sa aking katawan. Ganoon din ang black jacket niya at shirt. Bahagya kasing nakabukas ang aming coat at jacket dahil may heater naman dito sa loob ng Tokyo Tower.
“Talaga nga naman oh. Ang harot kasi eh!” sigaw ko.
“Hey bata iyan pagpasensyahan mo na.” sabi niya sabay tapik sa aking braso.
“Eh kasi eh. Kanina pa iyang mga iyan eh!” marahas kong kinamot ang aking ulo. Hindi rin naiwasan ng aking palad na burahin ang aking mukha. Bwisit kasi eh.
“Oh, ikaw naman ngayon ang pakakalmahin ko?” sabi niya sabay tawa. “Bili na lang tayo ng shirt bro. Ang alam ko may Goods Shop sa 2nd floor.”
Umakyat kami sa second floor at bumili ng souvenir shirt ng Tokyo Tower. Gusto ko sana ay color black, kaso ay out of stock na ang black. Kaya nakigaya na lang ako sa kanya. Parehas kaming naka-white.
“Tara bro sa CR.” sabi niya sabay tapik. Nanlaki ang aking mga mata sa narinig at sa naisip. There are images that appeared in my head, mga malalaswang imahe na talaga namang nakakapag-init ng katawan. Nanlamig ako. Napansin ko na lang na nanginginig ang aking mga kamay kasabay ang aking panga. Bumilis ang tibok ng aking puso, napakabilis. Hindi ko maipaliwanag ang aking mararamadaman. Alam kong magpapalit lang kami ng damit ngunit hindi ako mapakali, para akong natatae na hindi ko maintindihan. Ewan ko.
Ilang saglit pa’y naramdaman kong bumalot ang kanyang braso sa aking likod at balikat. Parang may napakalakas na kuryente ang nanggaling dito at pumasok sa aking sistema. Nanghihina ako. Nanlalambot. Lumalim ang aking paghinga. Pumasok na kami sa banyo.

ITUTULOY

5 comments:

  1. Thanks as update Kuya author.... nice and simple ang flow ng story no

    Jharz

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hi Jharz! Thank you po sa pagbabasa at sa comment. :-)

      Delete
  2. Exciting..superb work..abangan ko to every fri and sun..keep it up

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hi Edison. Maraming salamat po sa support at pagbabasa. Have a nice day po. Ingat! ^_^

      Delete
  3. Exciting..superb work..abangan ko to every fri and sun..keep it up

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails