*******7:30 am*******
Nakalimutan na ni Chan ang
kaniyang binitawang salita sa mga Kopra Farmers sa kabilang Hacienda na
pag-aari ng kanilang Family Friend na si Mr. Valderama kaya nama'y hindi na
niya ito nabanggit pa sa kaniyang Daddy.
Naging occupied din si Chan sa
pagiging abala na i-enjoy na lamang niya ang kaniyang pag stay sa Haienda
Luciente - Cervantes since wala naman palang masamang nangyari sa kanilang
Daddy.
Ang pinaka higit na pinag
kaabalahan talaga ng pamintang si Chan ay ang palaging makakuha ng chance na
mapuntahan or makausap ang kaniyang kababatang si Benjie. Naging successful
naman siya dahil nakahanap siya ng solution para hindi naman siya mahalata
nito. Naging way niya ang kaniyang pag-i-early morning jogging sa kanilang
lugar na ginawa na rin niyang daily routine everyday.
*******One Early Morning*******
Hindi maalis alis talaga ang
matamis na ngiti sa mga labi ni Chan habang nag-jo-jogging siya pabalik sa
kanilang Hacienda.
Kahit na saglit lang niyang
nakita't nakausap itong si Benjie dahil kinakailangan nitong samahan si Don
Miguel sa meeting nito sa Bayan ay sapat na sapat na ito upang maging buo at
maganda ang buong arawng binata.
"SIR CHAAAAAAN!!!" Ang
malakas na pagtawag ng boses ng isang babae na biglang nagpatalon sa nagulat
and nagjo-jogging na si Chan.
"Sino naman itong Dugyot na
ito?" Ang naiinis na isip-isip ni Chan nang makita niya ang babaeng
naghihikahos na ngayong papalapit sa kaniya.
"SIR CHAAAAAN!!!" Ang
natutuwang pagtawag muli ng Babae sa binata na kinakunot pang lalo ng noo ni
Chan.
"Parang kilala ko ito ah..."
Ang sumagi sa isipan ni Chan nang mapansin niyang familiar ang face ng
papalapit na 40-ish na babae.
"POTAH!" Ang nausal na
lamang ni Chan kasabay ng panglalaki ng dalawa niyang mga mata.
"SIR CHAAAAN!!! SAAN KA
PUPUNTA!!!???" Ang palahaw ng babae ng makita niyang kumaripas ng takbo
ang binata.
Automatic na gumalaw ang mga paa
ng binata nang ma-Realized niya kung saan nga ba niya nakita ang babae...
"SIR CHAAAN!!! SAGLIT LANG
PO!!!" Ang malakas na sigaw ng Babae sa papalayong si Chan.
"SHIT! SHIT! SHIT!" Ang
sunod-sunod na usal ng tumatakbong si Chan nang lumingon siya sa likod.
"SIR CHAAAN!!! SIR
CHAAAAN!!!"
Lalo pang binilisan ni Chan ang
kaniyang pagtakbo nang makita niyang humahabol na sa kaniya ang Babae...
Nakilala ng Binata ang Babae na
isa sa mga Kopra Farmers ng kabilang Hacienda dahil nakita niya ito a couple of
Days ago ng magpunta ang mga ito sa gate ng Hacienda Luciente - Cervantes upang humingi ng tulong sa kaniyang
Daddy...
Nag-aasume kaagad itong si Chan na
iistorbohin siya nito upang humingi muli ng tulong sa kaniya...
"SIR CHAN!!!"
"Leave me alone..." Ang
mangiyak-ngiyak na usal ni Chan dahil tila ba hindi napapagod ang Babae sa
paghabol sa kaniya.
Kahit na sana'y na sana'y tumakbo
siyang mag-jogging ay nakakaramdam na siya ng pagkahingal...
"SIR CHAAAAAAAAN!!!" ang
muling pagtawag ng humahabol na Babae na lalo pang ikina-Panic ng Binata.
Ramdam ni Chan na maabutan na siya
nito...
Wala siyang panahong makipag-usap
dito...
Kahit na nakaTracking Shoes itong
si Chan ay slight na bumabagal na ang kaniyang pagtakbo dahil nagawi na sila sa
baku-bakong kalsada patungo sa kanilang Hacienda...
Sana'y kasing magJogging sa
sementado at palitadong mga Streets sa US itong binata...
Kabaligtaran naman sa situation ng
Babaeng Kopra Farmer dahil sanay na sanay ito at napakalakas ng Resistensya...
"LORD..." Ang usal usal
ni Chan dahil wala na siyang mahugot na Energy upang makatakbo pa ng mas
mabilis.
"SIR CHAAAAN!!!"
"SYET!!! MALAPIT NA!!!"
Ang usal muli ni Chan at talaga namang ayaw na ayaw niyang makausap ito.
Aminado din naman ang binata na
hindi siya comfy na makipaghalubilo sa mga katulad ng Babaeng Kopra Farmers
since nakakataas ang kanilang Status kaysa sa kanila na hamak na mang-gagawa at
utusan lamang...
"Kaunti na lang Chan... Don't
give up..." Ang pagpapalakas ng loob ni Chan sa kaniyang sarili nang
makita na niyang malapit-lapit na siya sa gate ng kanilang Hacienda.
"YEEEES!!!" Ang malakas
na outburst ni Chan nang makapasok na siya sa gate ng Hacienda nila.
"AAAAY!!!" Ang malakas
na outburst naman ng Babae na ikinahintong bigla ni Chan.
"HAAAGHHH...
HAAAAGHHH..." Ang malakabayong hingal ng binata nang kasabay ng pagtuon
niya sa direction ng napatigil ding babae.
"Haaaagh..." Hinihingal
pa din itong si Chan habang pinagmamasdan niya ang hitsura ng Babae.
Nakayuko lang ito at normal na
normal pa din ang paghinga na ikinabilib naman ni Chan dahil halos lumabas na
ang kaniyang mga lungs dahil sa ginawa niyang pagtakbo para lamang matakasan
ang humahabol sa kaniya...
Mas lalo pang nanlaki ang mga mata
ni Chan nang makita niyang naka tisnelas lamang ang Babae...
"Sir Chan... Pasensya na
po... Napigtal yung plastic bag..." Ang sincere na paumanhin ng Babae sa
hinihingal na binata.
Now lang napansin ni Chan ang mga
Suman na kumalat sa kalsada...
"Kagabi ko lang po yan niluto
para ibigay sa po sa inyo... Alam ko pong hindi po kayo madalas nakakakain ng
ganiyan sa Amerika..." Ang explain ng Babae habang pinupulot ang mga
nalaglag na suman.
Lalo pang natameme itong si Chan
sa kaniyang napag-alamanan...
"Pasensya na ho... Igagawa ko
na lang po ulit kayo..." Ang walang tigil na usal ng Babae habang
nagpupulot ng kaniyang pinagpuyatang suman.
"Eh sana sinabi nyo kaagad sa
akin..." Ang nasambit na lamang ni Chan sa Babae.
"Bigla po kasi kayong
nagtatakbo eh..." Ang reply naman nito sa Binata.
"What Happened?" Ang
biglang narinig na lamang nina Chan at ng Babae sa kalagitnaan ng kanilang
usapan.
"Ate Chin..." Ang bati
ni Chan sa kaniyang panganay na kapatid.
"Anyare sayo at pawis na
pawis ka?" Ang nagtatakang tanong kaagad ni Chin nang makalapit na ito sa
kapatid.
"MA'AM CHIN!!!" Ang
outburst kaagad ng Babae ang panganay sa magkakapatid.
"Ikaw pala..." Ani naman
ni Chin.
"Naipaabot nyo na po ba kay
Sir Greg ang pakiusap po namin..." Ang hopeful na tanong kaagad ng Babae.
"Nasabi ko na ho sa asawa
ko... Kaya lang eh ang magde desisyon naman talaga kasi eh si Mr.
Valderama..." Ang magalang na sambit naman ni Chin.
Nakiusap din kasi ang mga Farmers
sa Koprahan ni Mr. Valderama kay Chin na huwag munang madaliin ang pagbebenta
sa Hacienda ng kanilang amo na ikinakunot namang bigla ng noo ni Chan...
"Magkano ba yang
suman...?" Ang biglang hirit ni Chan para maiba ang usapan.
Alam ni Chan na hindi titgil ang
Babae na makiusap sa kaniyang Ate Chin...
"Naku Sir Chan hindi ko po
yan itinitinda... Ibibigay ko po sana yan sa inyo..." Ang explain naman ng
Babae habang matiyaga niyang pinupulot ang mga suman.
"Ate Chin pengeng pera...
Babayaran na lang kita pag nasa bahay na tayo..." Ang sambit ni Chan na
para bang hindi narinig ang sinabi ng Babae.
"Naku huwag na ho Sir
Chan..." Ang sambit ng Babae.
"Chan..." Ang gulat na
saway ni Chin nang bigla na lamang hinablot ng kaniyang nakababatang kapatid at
kalkalin nito ang hawak niyang handbag.
"Chan!" Ang muling saway
ni Chin sa kapatid nang nakadukot ito ng P200 bill mula sa kaniyang purse.
"Ayan na po ang bayad... Para
di po masayang yang niluto nyo..." Ang sambit ni Chan habang iniaabot niya
sa naka Squat na Babae ang bill.
Napatigil ang babae sa kaniyang
pagpulot sa mga nalaglag na suman at tila ba nagulat sa ginawa ni Chan.
Gayundin naman itong si Chin ay natameme sa iniasal ng kapatid...
"Ayan na ho... Huwag na po
kayong mag abala po sa susunod..." Ang muling sambit ni Chan sabay lapag
niya ng P200 bill sa lupa.
Tahimik pa din ang Babae habang
pinagmamasdan nito ang P200 na nasa lupa...
"Hindi pa naman ho madumi
yan... Sige ho... at ako na lang ang mag uuwi nyan..." Ang segway ni Chin
at kahit hirap na hirap siyang mag squat dahil sa sobrang laki ng kaniyang
tiyan ay tinulungan na din niya sa pagpulot ng mga suman ang Babae.
"ATE!!! Umuwi na
tayo!!!" Ang alburuto ni Chan sa kaniyang Ate Chin habang naglalakad na
ito papasok sa Hacienda Luciente - Cervantes.
"Pagpasensyahan nyo na ho ang
kapatid ko at baka pagod lang... Sige ho at akin na lang ho yang mga suman at di naman madumi..."
Ang paghingi ng paumanhin ni Chin sa Babae.
"Naku huwag na ho Ma'am
Chin..." Ang tanggi ng Babae nang pinulot ni Chin ang P200 bill at iniabot
sa kaniya.
"Sige na ho at tanggapin nyo
na po yan... Pambili nyo po ulit ng ingredients ninyo at gawan nyo ho ulit ako
ng suman..." Ang reply ni Chin at pagkatapos ay kaagad siyang tumayo at
humabol sa kaniyang papauwing kapatid.
Tahimik lamang ang Babaeng Kopra
Farmer habang pinagmamasdan niya ang dalawang papalayong magkapatid...
"Tulungan nyo po kami
Panginoon..." Ang namutawing mahinang panalangin na lamang ng Babae dahil
hindi niya alam kung pinakinggan ba ng dalawang magkapatid ang kaniyang
pakiusap at paghingi ng tulong ukol sa kanilang suliranin sa kanilang
pinagtratrabahuhang Kopra Farm.
***************
"CHAN!!! ANO KA
BA!!!???" Ang sigaw ng hinihingal na si Chin nang maabutan niya sa
paglalakad pabalik ng Mansion si Chan.
"Anong ano ka ba?" Ang
reply naman kaagad ni Chan.
"Bakit ganon ang inasal mo
doon sa babae?!" Ang galit na sambit ni Ate Chin habang binubuksan na niya
ang isa sa mga dala dala niyang suman.
"Pati ba naman yan eh hindi
mo paliligtasin Ate! Madumi na yan!" Ang puna ni Chan sa kapatid na
nagsisimula nang kumain ng Suman.
"Hindi kaya! Yung balat ang
nadumihan... Malinis ang loob... Tikman mo at ang sarap..."
"Lahat na lang masarap sa
iyo... Kaya ka hindi napayat eh..." Ang ismid ni Chan.
"HUWAG MONG IBAHIN ANG
USAPAN!!!" Ang defensive na sambit kaagad ni Ate Chin.
Senstive talaga sa kaniyang
pagkamataba itong panganay nina Don Miguel and Donya Fidela...
"Bakit ganoon ang ipinakita
mong Behaviour kanina... Kawawa naman yung Babae sa kabilang Hacienda..."
Ang next na sermon ni Ate Chin sa kapatid.
"Alangan namang gayahin kita
Ate..."
"ANSABE MO!!!???"
"Ang sabi ko eh alangan
namang gayahin ko ang paraan mo..."
"What do you mean
Chan..."
"Nagpapakita kang concern sa
mga tauhan ni Mr.Valderama pero wala ka namang ginagawa para tulungan sila...
Kinausap mo na ba si Greg tungkol sa pagbili nila sa Koprahan ni Mr.
Valderama?" Ang sunod-sunod na sinabi ni Chan na ikinatameme naman kaagad ng
kaniyang Ate Chin.
...
...
...
"Oh... Hindi ka nakapagsalita...
Wala ka din namang pakialam sa kanila di ba?" Ang smart ass na sambit ng
nakangising si Chan sa tahimik pa din niyang Ate.
"Atleast eh magalang ako sa
kanila... Unlike you!" Ang resbak naman ni Chin para di siya masyadong
maguilty sa sinabi ng kapatid.
"Atleast ako eh hindi ko na
sila binibigyan ng False Hope... Atsaka para hindi na nila tayo istorbohin...
Nakakainis na sila... Pati problema nila sa kabilang Hacienda eh dinadala pa
dito!" Ang sambit naman ni Chan.
"Tama ba ako Ate Chin?"
"Ahm... Ehm..." Ang usal
ni Chin at hindi talaga siya makasagot sa sinabi ni Chan.
Mixed emotions itong Eldest sa
magkakapatid na si Chin dahil sumasang-ayon siyang hindi sa explanation ng
kaniyang Young Brother...
"Teka pala Ate..." Ang
pagsisimula muli ni Chan habang naglalakad sila pauwing Mansion.
"Ano yun Chan..."
"Malaki ba matatanggap nina
Mr. Valderama kapag nabili na ang Koprahan nila..."
"They'll be paid handsomely
as well as the Farmers..." Ang reply ni Chin habang kumakain pa din ito ng
Suman.
"Not Bad at all..."
"Ba't kakaiba ang Ngisi mo
Chan..." Ang ipinagtaka ni Chin nang mapansin niya ang kapatid.
"Wala lang... Just in case na
mangulit si Papa ulit na ako ang magpatakbo ng Coffee Farm natin eh ibenta ko
na lang kaya..."
"WHAAAT!!!???" Ang shock
na shock na sambit ni Chin.
"Balak pa lang naman Ate...
Ha ha ha..." Ang natatawang sambit ni Chan sa nagulantang niyang Ate.
"Who told you na sa iyo
ipapamana ni Papa ang Hacienda?"
"Ako ang lalaki kaya naman sa
akin talaga ipapamana ni Papa ang Hacienda natin..." Ang mayabang na
sambit ni Chan.
"Ayoko naman talaga at mas
gusto kong mag stay na lang sa US..." Ang next na sambit ni Chan at
pagkatapos ay napa-Sigh na lamang siya dahil na miss na niya ang buhay niya sa
US dahil doon ay nakakapag -Out siya bilang isang Bisexual.
"Ikaw Ate Chin... Gusto mo
bang sa iyo ipamana ni Papa ang Hacienda... Sabihin mo lang para sabihin ko kay
Papa..." Ang next na sambit ni Chan.
"AYOKO NGA!!!" Ang
mabilis na reply ni Chin sa kapatid.
"See... Ayaw mo din
naman..." Ang smart ass and triumphant na sagot naman ni Chan.
Hindi na kaila sa kanilang Family
na mas dedicated ang Eldest Daughter na si Chin sa pagiging House Wife niya sa
kaniyang Land Developer na Husband na si Greg...
"Susupportahan na lang
kita... Peaceful na ako with Greg..." Ang sambit ni Chin na ikina smile na
lamang ni Chan.
Unti unting may nabubuong plano na
itong si Chan paungkol sa kaniyang gagawin kapag naipamana na sa kaniya ng
kaniyang Daddy na si Don Miguel ang Coffee Farm...
POT! POT! POT!
"AY SHET!" Ang malakas
and gulat na usal ni Chin nang biglang humaribas sa daanan ang Owner-Type na
Jeep ng kanilang Bunsong kapatid na si Sue.
SCREEEEEEEEEEEEEETCH!!!
"HINDI N’YO BA NAKITANG
DUMADAAN AKO!!!" Ang galit na usal ng naghihikahos na si Sue sa kaniyang
Ate Chin and Kuya Chan nang makapag Brake ito.
"NYETA NAMAN EH!" Ang
usal ni Chan kay Sue.
"Saan ka pupunta ng ganitong
kaaga at bihis na bihis ka!?" Ang puna ni Chin nang makita ang Get Up ni
Sue.
"Papasok sa School!" Ang
sambit ni Sue.
"WHAT?!" Ang gulat na
naibulalas na lamang ni Chin na ikinabungisngis ni Chan.
"WOW SUMAN! Penge Ate!"
Ang outburst naman ni Sue nang makita niya ang mga hawak na Suman ng kaniyang
Ate.
"AYOKO!"
"Ang dami-dami nyan Ate
eh..." Ang maktol ni Sue.
"Nahulog na ito sa Kalsada...
Madumi na ito..."
"Kahit na may balot
naman..."
"Isa lang ha..." Ang
sambit ni Chin nang binigyan niya ng one piece na Suman si Sue.
"ANG TAKAW MO TALAGA!"
"ANSABE MO SUSAN?!"
"Sige na Sue at baka ma late
ka!" Ang segway ni Chan para hindi na magtagal pa ang usapan.
...
...
...
"Saan yun papasok?" Ang
naguguluhang sambit ni Ate Chin sa nakangising si Chan.
"Sa Davao State..."
"HA???!!!"
"Sinamahan kong mag Enroll at
nakiusap kami na kahit late na eh tanggapin pa din siya..."
"Ahm... Anong Course..."
"Agriculture!" Ang
matagumpay na sambit ni Chan sa kapatid.
"WHAAAT?! Pumayag si Papa
doon?" Ang hindi makapaniwalang usal kaagad ni Ate Chin.
Napailing na lamang itong si Chan
sa Kapatid...
"Hindi alam ni Papa... Ha ha
ha..."
"ANO BA ANG PUMASOK DYAN SA
ISIP NYO AT GUMAWA KAYO NG GANIYAAN!" Ang outburst ni Ate Chin dahil alam
niya na magagalit ng Bigtime ang kanilang Daddy sa ginawa ng kaniyang dalawang
nakababatang kapatid.
"Just Relax Ate Chin...
Ipapaalam din naman namin kay Papa eh..." Ang explain naman ni Chan sa
Kapatid.
"Teka nga pala Ate Chin...
Ba't ka naman napadalaw dito ng ganitong oras..."
"Wala kasi akong kasama sa
Bahay kaya pumasyal ako dito..."
"Si Kuya Greg?"
"Lumuwas ng Manila to
finalized the transaction with Mr. Valderama..."
"So... Tuloy na tuloy na pala
ang pagbenta ni Mr. Valderama ng kaniyang Hacienda..."
"Yup... Nakapirma na si Mr.
Valderama..."
"Eh ba't sabi mo dun sa Babae
eh ipapaalam mo yung concern ng mga Kopra Farmers sa Husband mo?"
"Pakitang tao lang yun!"
Ang mabilis na sambit ni Chin na ikinahalhak naman nitong si Chan.
"Malaki laki siguro ang
makukuhang pera nina Mr. Valderama ano..."
"Siempe naman ano! A Very
Handsome amount..."
"Can you tell me all the
details ng ginagawa ni Kuya Greg..." Ang next na sambit ni Chan.
"Huh?"
"Sabi ko Ate eh paki explain
yung industry ni Greg at kung ano ang ginagawa nila sa mga nabili nilang mga
lupa..."
"... ... ..." Naging tahimik na lamang itong si Ate Chin at
masusi niyang pinagmasdan ang seryosong mukha ng kaniyang kapatid.
"HOY ATE CHIN!!!" Ang pagpukaw muli ni Chan sa
attention ng kaniyang Ate nang hindi ito mag react.
"Ah eh... Sige let's talk
about it during lunch..." Ang nasambit na lamang ni Ate Chin.
Napabuntong hininga na lamang
itong si Ate Chin at muli niyang pinagmasdan ang masayang mukha ng kaniyang
kapatid…
Hindi niya mapigilang slight na
mangamba at kinukutuban siya na may binabalak itong si Chan.
*******After Several Days*******
*******5:00 am*******
Halos mapatalon sa gulat itong si
Bentong na mabungaran niya itong si Chan nang pumasok siya sa loob ng mansion…
“Bakulaw na bakulaw ka ganyan ka
makatili…” Ang sarcastic na sambit ni Chan sa kababata.
“Malay ko bang nandiyan ka! Tuwing
pumapasok ako dito ng ganitong oras eh walang tao…” Ang usal naman ni Bentot.
That day kasi ay pupunta sina
Benjie aka Bentot and Don Miguel sa Coffee Farm ng Hacienda Luciente –
Cervantes para ma check ang nalalapit ng anihan ng kanilang mga Coffee Trees.
“Eh ano naman ngayon kung nandito
ako… Mansion naman namin ito ah…” Ang reply ni Chan.
Nagpapakita ng sarcasm itong si
Chan sa kababata pero deep inside eh medyo overwhelmed siyang makita itong si
Benjie lalo na’t naamoy pa niya ang malamyos na amoy ng SafeGuard white mula sa
katawan nito…
“Kala ko naman kung anong
maingay…” Ang biglang usal ni Don Miguel sa dalawa nang makababa na ito ng
hagdanan.
“Good Morning po Sir.” Ang pag
greet kaagad ni Benjie sa kaniyang amo.
“Good Morning Papa.” Ang bati
naman ni Chan.
“Ang aga mo namang nagising Chan…”
Ang nagtatakang usal ni Don Miguel sa anak dahil alam niyang tanghali na ito
kung magising.
“Maaga po akong nagising Pa… Sama
po ako sa Coffee Farm…” Ang reply naman ni Chan na ikinagulat nina Don Miguel
and Benjie.
“Ansabe mo anak?”
“Sama po ako sa Coffee Farm…”
“Ikaw!!!??? Sasama doon!!!???” Ang
nagtatakang tanong ni Benjie.
Hindi talaga makapaniwala itong si
Benjie dahil nakitaan nga niya itong si Chan ng pagkawala ng concern sa
Hacienda noong mga nakaraang araw.
“Hindi ba pwede?” Ang snap naman
kaagad ni Chan.
“Gising na ba si Manang? Mag
Breakfast ka muna at buong araw tayo doon…” Ang galak namang sambit ni Don
Miguel at natutuwa siyang makakasama nila ang kaisa-isang anak nilang lalaki sa
Coffee Farm.
“Okay na po ako Pa…” Ang sambit
nitong si Chan habang pinipigilan nitong ngumiti.
Kitang-kita ni Chan ang expression
ng kaniyang Daddy na si Don Miguel. Alam ni Chan na medyo natuwa ito sa
kaniyang pasama sa Coffee Farm. Ito talaga ang plano ni Chan. Magpapakita
siyang gilas kay Don Miguel and ipapakita niya na interested siya sa kanilang
Coffee Farm.
After kasi niyang makipag usap
noon sa kaniyang Ate Chin ay may nabuo ng plan sa isip nitong si Chan how to
handle their Daddy. Kahit ayaw man ni Chan sa idea ni Don Miguel na sa kaniya
ipapamana ang Coffee Farm ay naisip-isip niyang impossibleng hindi niya iyon
mapigilan at batid naman niya na since siya lang ang lalaki sa kanilang
magkakapatid ay sa kaniya talaga mapupunta ang pamamahal ng Hacienda in the
Future.
Kapag siya na ang ginawang
tagapamahal ng lahat-lahat sa Hacienda Luciente – Cervantes ay hihingin niya
ang tulong ng Husband ng kaniyang Ate Chin na si Greg para madispatcha na
kaagad niya ang kanilang property at makabalik na siya sa US.
Wala na naman siyang
proproblemahin dahil malaki ang pera ng kaniyang mga parents sa kanilang
retirement and may iba pa silang properties sa Davao and Manila na tiyak na ipapamana
sa kaniyang Ate Chin and sa youngest nilang kapatid na si Sue.
Wala namang magiging problem sa
kanilang mga workers dahil mababayaran din naman silang lahat once na maipagbili
na ang kanilang Coffee Farm.
Tanggap na ni Chan ang kaniyang
gagawing pagsasakripisyo pero kung makiki go siya sa flow sa gustong mangyari
ni Don Miguel sa kanilang Hacienda and Coffee Farm ay mabilis niyang
maisasakatuparan ang kaniyang plan.
…
…
…
Walang kamuang-muang ang lahat sa binabalak
nitong si Chan…
…
…
…
Lingid sa kaalaman ng binata ay
mayroong kaisa-isang nakakaalam ng kaniyang plano…
*******At The Coffee Farm*******
Tahimik lamang itong si Benjie
habang pinagmamasdan niya itong si Chan habang nasa sa Coffee Farm sila…
“Okay ka pa ba?” Ang tanong ni
Benjie kay Chan nang makatiyempo ito.
“Oo naman… Nag e enjoy nga ako
eh…”
“Weh?” Ang di makapaniwalang usal
ni Benjie.
“Anong nakain mo’t sumama ka
dito?”
“Masama ba?” Ang defensive na usal
naman ni Chan na ikinangiti naman ni Benjie.
Kaagad na nakitaan niya ng
pagkairita itong si Chan.
“Problema mo Bentot?” Ang snap
kaagad nitong si Chan nang makita niyang nakangisi itong si Benjie. Medyo
nawawala na ang kaniyang pagka Cool at that moment dahil sa tindi ng init ng
panahon.
Hirap na hirap na itong si Chan sa
pagpapanggap na nag-i-enjoy siya sa pagsama sa Coffee Farm. Bukod sa napaka
tinding init ay nakadagdag pa sa dusa ng binata ang tuyong-tuyo’t maalikabok na
lupa.
“Kunin mo nga yung towel sa kotse
at nanlalagkit na ako sa pawis…” Ang bratinellong utos ni Chan na lalo pang
ikinatuwa ni Benjie.
“Sabi ko na nga be eh… Bakit ka
sumama dito?” Ang nang aasar na usal ni Benjie.
“I’m bored na sa Mansion!” Ang
mabilis na pagkakadulas naisagot ni Chan.
“Tara na’t doon naman tayo sa
isang area pumunta.” Ang singit ni Don Miguel sa dalawa.
“Okay po Pa…” Ang malambing at
eager na reply ni Chan sa kaniyang Daddy na ikinatawa naman ni Benjie.
“Bakit ka natatawa?” Ang tanong ni
Chan.
“Eh kanina nagrereklamo ka eh.”
“Masasanay din ako sa init ng
panahon dito…” Ang mabilis na sagot ni Chan.
“Kailangan mo talagang masanay
Anak… Para makapagpahinga-pahinga na din ako at pakapag retire.” Ang usal naman
ng umaasang si Don Miguel.
Sa ipinakita kasi ni Chan kay Don
Miguel today ay medyo slight na naibsan ang pag-aagam-agam sa puso nito.
Pakiramdam kasi nilang mag-asawa na walang concern ang kanilang anak sa
kanilang Coffee Farm.
“I know Pa…” Ang usal na lamang ni
Chan na ikinatuwa naman ni Don Miguel.
Unti-unting nabubuhayan ng loob
itong si Don Miguel na mapupunta sa magandang mga kamay ang Coffee Farm…
“Asan na Towel ko Bentot!?” Ang
segway naman ni Chan kay Benjie habang tinutungo na nila ang next area ng
Coffee Farm na kanilang bibisitahin.
Napailing at napangiti na lamang
itong si Don Miguel at hindi niya maikakaila na spoiled brat ang kaniyang anak…
*******After A Few Weeks*******
Talagang nagpakitang gilas itong
si Chan sa kaniyang Daddy na si Don Miguel at wala siyang palya sa pagsama-sama
niya dito sa tuwing pupunta ito sa kanilang Coffee Farm. At that rate din ay
mabilis na natutunan ni Chan ang pasikot-sikot sa pagpapatakbo ng kanilang
Business.
Ipinakilala na din siya ni Don
Miguel sa mga ilan nilang ka Partners and Investors sa kanilang Business at awa
naman ng Diyos ay nakapalagayan naman nila ng loob itong si Chan.
Umaayon ang lahat sa plinaplano
nitong Chan kaya nama’y lalo pa niyang pinag-igihan ang kaniyang ginagawa na
ikinatuwa pang lalo ng kaniyang Daddy na si Don Miguel.
*******One Morning*******
Hindi talaga maitago nitong si Don
Miguel ang pagkakaroon niya ng good mood at kahit itong si Benjie din ay ganoon
din ang saya habang hinihintay nila itong si Chan na bumaba mula sa second
floor ng mansion at saluhan sila sa Breakfast.
“Good Morning Pa… Morning Ma…” Ang
greet ni Chan sa kaniyang parents kasabay ng pagbibigay niya ng kiss sa cheeks
ng mga ito.
“Late ka na atang magising anak…”
Ang masayang bati ni Donya Fidela sa nakaupo ng si Chan.
“May ginawa lang po ako…”
“Anak…” Ang masayang pagsisimula
ni Don Miguel.
“Yes Pa…”
“I want to ask you a favor…”
“Ano po yun…”
“Sad to say na naipagbili na ni
Mr. Valderama ang kaniyang Kopra Farm and wala ng mga trabaho ang kanilang mga
farm workers…”
“… … …” Walang naisagot itong si
Chan at tahimik lang niyang pinagmamasdan ang nakangiti niyang Daddy.
Labis na nagtataka ang binata
dahil concern na concern itong si Don Miguel sa mga Kopra Farm Workers ni Mr.
Valderama kaya nagtataka siya kung bakit nakikitaan niya ng kasiyahan ang mukha
nito nang ipinaalam nito sa kaniya ang nangyari sa Koprahan ni Mr. Valderama.
“Richard… Gusto kong tipunin mo
ang mga trabahador ni Mr. Valderama and hire them para makatulong sa nalalapit
ng anihan ng mga Kape natin…” Ang pagpapatuloy ni Don Miguel.
“Do we need to do that Pa… We have
lot’s of Workers sa Coffee Farm and I think their numbers are sufficient enough
sa anihan…” Ang sagot ni Chan.
“Sayang lang ang ibabayad natin sa
dagdag na mga Laborers…” Ang sunod na sinabi ni Chan.
“Don’t worry about that Anak…
Gusto ko lang makatulong sa kanila…” Ani naman ni Don Miguel.
Tahimik lang itong si Benjie
habang binabantayan niya kung ano ang sasabihin nitong si Chan. Sariwa pa sa
kaniyang memory kung gaano ka Hostile ang kaniyang kababatang si Chan nang
humingi ng tulong sa kanila ang mga Laborers ni Mr. Valderama.
“Atsaka kikitain din naman kaagad
natin yun…” Ang masayang sinabi ni Don Miguel.
“What do you mean Pa…”
“Dadalaw dito ang isang malaking
company na nag e export ng mga Coffee Bean… Gusto nilang makita ang Coffee Farm
natin at balak nilang mag invest at i-Export sa ibang bansa ang products
natin…”
“That’s good…” Ang nasambit nitong
si Chan.
“Kaya nga… I want you to talk with
the Laborers ni Mr. Valderama para makatulong sila sa nalalapit na Anihan…”
“Sige po… Kailan nyo po gusto…”
Ang sambit ni Chan na ikinagulat ni Benjie. Sure na sure na kasi itong si
Benjie na hindi papayag itong si Chan.
“Sana mamaya mo na gawin…” Ang
masayang sambit ni Don Miguel sa anak. Kahit itong si Donya Fidela ay labis
labis ang pagkatuwa dahil sa malaking pagbabagong nakita niya sa kaniyang anak.
“Okay po Pa…” Papasama po ako kay
Bentot kapag kinausap ko sila.
“Sasamahan ako ni Benjie at may
meeting kami sa mga magiging partners natin…” Ang sambit ni Don Miguel.
“Ganun po ba Pa…” Ang medyo dissappointed
na tugon ni Chan dahil matagal na niyang gustong masolo itong si Bentot.
Nakakasama lang niya kasi ang kababata kapag nasa Coffee Farm sila at kasama
itong si Don Miguel.
“Oo anak… Balak ko nga na sa
anihan mismo papuntahin sila para ma-inspection nila ang farm…” Ang ani ni Don
Miguel.
“Si Susan na lang kaya ang isama
mo… Marami siyang kilala sa mga Laborers sa Koprahan ni Don Miguel…” Ang
suggestion ni Donya Fidela sa anak.
“Speaking of Susan… Parang hindi
ko ata siya nakikita… Tuwing Dinner lang…” Ang puna ni Don Miguel.
“Oo nga… Kahit ako din… Sa gabi ko
lang siya nakikita…” Ani naman ni Donya Fidela.
Kaagad namang ikina-Panic nitong
si Chan ang naging situation at nawala na sa kaniyang isipan na pumapasok na
ang bunso niyang Kapatid sa Davao State University…
“Nasan na ba si Susan…” Ang ani ni
Don Miguel. Labis na naging busy kasi siya for the past weeks dahil sa
nalalapit na anihan at dahil na din sa pagpasok ng isang malaking company sa
kanilang Business to Invest.
“Hindi ko na din nakikita si Sue…”
Ang ani din ni Benjie na lalo pang ikina-Panic ni Chan.
Tanging ang magkakapatid lamang
ang nakakaalam na kumukuha ito ng Agriculture sa Davao State University dahil
alam ni Chan na malalagot silang dalawa ni Sue kapag nalaman ito ng kanilang
Daddy. Against na against kasi itong si Don Miguel dahil gusto niyang kumuha ng
Management itong si Sue sa Manila. Mas prefer ni Don Miguel na sa UST mag-aral
ito just like her Eldest daughter na si Chin.
“Lately eh palagi na lang nakina
Ate Chin si Sue…” Ang palusot ni Chan.
“KUYA CHAAAAAAAN!!!!!” Ang malakas
na pag alingaw-ngaw ng boses ni Sue sa loob ng Mansion na ikinagulat naman ng
lahat.
Kaagad na tumayo itong si Chan
upang puntahan itong si Sue…
“Susan… We’re here sa Dining
room…” Ang mabilis na pagtawag naman ni Don Miguel sa kaniyang bunsong anak.
“FUCK!” Ang naisigaw na lamang ni
Chan sa kaniyang utak dahil ang alam niya’y maagang pumapasok sa School itong
si Susan.
“AALIS NA PO AKO!!!” Ang mabilis
at malakas na boses ni Susan na umalingaw-ngaw ulit sa loob ng Mansion.
Kahit si Susan ay nabigla nang
marinig niya ang boses ng kaniyang Daddy. Alam kasi niyang sa ganoong oras ay
umaalis na itong si Don Miguel papunta sa Coffee Farm.
“Puntahan ko lang po si Sue…” Ang
pag excuse ni Chan sa mesa at pagkatapos ay mabilis niyang hinabol itong si
Susan.
“Kuya…” Ang pabulong na sambit ni
Sue nang makita niya ang kaniyang Kuya Chan.
“Sa labas tayo mag-usap…” Ang
pabulong din na sambit ni Chan sa kapatid at lalo pa itong nagpanic nang
makitang suot-suot nito ang isang shirt ng Agriculture Department ng Davao
State University.
Naka ID pa itong si Sue…
…
…
…
“Ano ka ba naman…” Ang kaagad na
inis na bulong ni Chan sa kaniyang kapatid nang makalabas na sila ng Mansion.
Inis na inis itong si Chan kay Sue
dahil sa kanilang gamuntikan ng pagkabuking.
“Sabi kasi ni Mama eh may
appointment siya somewhere and ganoon din si Papa kaya akala ko eh wala sila
dito sa Mansion…” Ang bulong na explanation naman ni Sue sa kaniyang Kuya Chan.
“Sana nagText or tumawag ka muna…”
“Nawala sa isip ko Kuya Chan…”
“Ba’t ka pala bumalik ng bahay…”
“Hihingi sana ako ng pera kasi may
babayadan kami sa School… Nakalimutan ko kagabi eh…”
“Magkano ba…”
“Atsaka gustong pumunta dito ng
mga classmate ko para makita ang Coffee Farm natin… May field project kasi
kami…” Ang pagpapatuloy ni Sue.
“HINDI PWEDE!” Ang mabilis na
saway naman ni Chan.
“Alin ang hindi pwede?” Ang boses
ni Don Miguel na ikinatalon sa gulat ng magkapatid na Chan and Sue.
“Dali magkano ba ang kailangan
mong bayaran para makaalis ka na!” Ang bulong ulit ng nagpa-Panic na si Chan.
“P2,800.00 Kuya…” Ang
nagmamadaling sambit naman ni Sue at tanging nasa isip na lamang ng dalawa ay
matapos na ang kanilang transaction para maka eskapo na sila.
Tahimik pa din na nakamasid sa
kanilang dalawa itong si Don Miguel…
“Bumalik ka na sa School at
pupuntahan na lang kita mamaya para ibigay ang pera…” Mahinang usal ni Chan.
“Sige Kuya…” Ani ni Sue.
“BYE PA!!! SEE YOU MAMAYA!!!” Ang
sambit ni Sue kay Don Miguel at pagkatapos ay mabilis itong tumakbo papunta sa
owner type jeep nito.
“SUSAAAAAAN!” Ang mabilis na
pagtawag ni Don Miguel na ikinahinto ni Sue at ikinalunok naman kaagad ng laway
nitong si Chan.
“Ano yang suot mo…” Ang tanong ni
Don Miguel sa kaniyang Bunso nang makita niya ang Agriculture Shirt ng Davao
State University na suot ni Sue.
“HA… Ano po Papa…” Ang nasambit na
lamang ni Sue nang makita niya ang kaniyang Shirt.
“SHIT!” Ang naiusal na lamang ni
Chan sa kaniyang isipan habang mabilis siyang nag iisip ng magandang excuse na pupuwedeng
kakagatin ng kanilang Daddy.
Mabilis na lumapit itong si Don
Miguel kay Sue at kinuha nito ang kamay nito…
“Patay…” Ani na lamang ni Sue sa
sarili habang kinakapa-kapa ng dalawang kamay ni Don Miguel ang kaniyang palad.
Nasa sa labas na din itong si Donya Fidela at Benjie.
“Kailan pa ito…” Ang stern na
tanong ni Don Miguel sa hindi makasagot na si Sue.
“Ahm… Eh…” Ang naiusal lang ni Sue
habang tinitignan niya ang kaniyang nagpa-Panic din na Kuya Chan.
“Yang T-Shirt mo tapos yang mga
kalyo sa kamay mo… Sa pagtatanim at pagbubungkal lang ng lupa nakukuha ang
ganiyang kalyo…” Ang sambit ni Don Miguel sa na Corner na si Sue.
“Anyare ba…” Ani ng nagtatakang si
Donya Fidela nang lumapit na ito sa Dalawa.
“Kaya pala hindi natin nakikita
itong si Susan eh may pinagkaka abalahan pala…” Sagot ni Don Miguel sa kaniyang
wife habang itinuturo nito ang Agriculture Shirt na suot ni Sue.
Kinuha ni Don Miguel ang ID ni Sue
at pinagmasdan…
“Tignan mo ito Honey…” Ani muli ni
Don Miguel at ibinigay niya sa kaniyang asawang si Donya Fidela ang kamay ni
Sue.
“Pumasok ka sa School…” Ang
nagtatakang sambit ni Donya Fidela sa anak sabay tingin niya sa kaniyang
asawang si Don Miguel.
Halata nitong si Donya Fidela na
dissapointed ang kaniyang Husband sa napag-alamanang kinabi-busy-han ng
kanilang Bunsong anak…
“Ahm… Ako po ang nag suggest kay
Sue…” Ang biglang sambit ni Chan na ikinalingon naman ng lahat.
Alam ni Chan na baka lalo pa
silang mapa Trouble ni Sue kapag pinagpatuloy pa ng kaniyang Daddy ang
pag-i-interogate dito…
“Eh kasi naman Papa eh nakatambay
lang yan dito sa Mansion…
Walang pinagkaka abalahan…
Hindi mo alam kung anong gusto sa
buhay…
Mabuti nga po eh napapayag ko pong
mag enroll para hindi sayang yung time niya…
Atsaka in the future pag nakatapos
si Sue eh makakatulong siya sa akin sa pagma Manage ng Coffee Farm natin…
Pag-aaralin nyo nga sa Manila di
naman mabantayan tapos hindi pa tatapusin ang semester eh magdra-Drop na kaagad…
Sayang lang ang tuition niya…
Mas mabuti ng dito na lang siya
mag-aaral at least kahit na mag drop siya eh mura lang ang tuition niya…” Ang
mala armalite na sunod-sunod na pag-i-explain ni Chan sa kaniyang Daddy habang
taimtim siyang nagdadasal sa kaniyang sarili na sana’y kagatin ito ng kaniyang
mga Parents.
“Pakiulet ang sinabi mo…” Ang
sambit naman kaagad ni Don Miguel kay Chan.
“Ahm… Ako po ang nag enroll kay
Sue…” Ang ulit ni Chan.
“Yung isa pa…” Sambit ni Don
Miguel
“Sayang lang ang pagtambay ni Sue
dito…”
“Yung isa mo pang sinabi…”
“Hindi niya alam kung anong gusto
niya sa buhay?”
“Hindi… yung isa pa…”
“Para hindi sayang ang time niya?”
Ang panghuhula ni Chan.
“Yung sumunod dun…” Ani ni Don
Miguel.
“PagnakaGraduate si Sue eh
makakatulong siya sa akin sa pagma-Manage ng Coffee Farm?” Ang sunod na hula ni
Chan hoping na ito na ba ang pinauulit sa kaniya ng kanilang Daddy.
“Halika dito Anak…” Usal ni Don
Miguel.
Kaagad namang pumunta itong si
Chan sa tabi ni Sue at pareho silang hindi makatingin sa blank face ng kanilang
Daddy…
Halatang guilty na guilty ang
dalawa at alam nilang nilubag nila ang pinakakaayaw ng kanilang Daddy…
“HHHHHHMMMMPPPP…” Ang naisambit na
lamang ni Don Miguel habang sabay niyang niyakap ng mahigpit ang nagtatakang
sina Chan and Sue.
“Bilisan mong maka Graduate Susan
para matulungan mo ang Kuya Chan mo sa pagapatakbo ng Coffee Farm natin…” Ang
nakasmile na sambit ni Don Miguel sa nagtataka pa ding si Sue.
“I’m so Proud of you… Hinihintay
ko lang na manggaling sa iyo na ikaw ang mamamahal ng Coffee Farm…” Ang next na
sambit ni Don Miguel kay Chan.
Nagkatingan na lamang itong sina
Chan and Sue at hindi sila makapaniwalang hindi sila pinagalitan ng kanilang
Daddy…
“Malalaki na kayo at nagtitiwala
akong alam nyo na ang ginagawa nyo…” Ang mahinahon at masayang sambit ni Don
Miguel sa dalawa.
“Yes Papa! hinding-hindi na po ako
magdro-drop…
Ito po talaga ang bet kong course…
Kayo lang po ni Mama ang ayaw…
Hinding-hindi po ako aalis sa tabi
ni Kuya Chan…
Aalagaan po namin ang Coffee
Farm…” Ang sambit ni Sue na labis na ikinatuwa ng kaniyang Parents habang itong
si Chan ay ina-absorb pa din ang pangyayari.
“Ahm… Pa…”
“Ano yun Richard…”
“Ahm… Blessing po ba yan na okay
ng mag Agri si Sue?”
“Oo naman Anak… Blessing ko din
yan sa iyo na ikaw na talaga ang magmamana ng Coffee Farm natin…” Ang masayang
sambit ni Don Miguel sa anak habang nakaakbay siya ng mahigpit sa kaniyang
masaya ring asawang si Donya Fidela.
Parang nanalo sa Lotto itong si
Don Miguel…
“Ahm… Hindi po ba kayo
nagdadalawang isip Pa…” Ang pagko- Confirm ni Chan na inilingan na lamang ng
natatawang si Don Miguel.
Kaagad na tinapik si Chan ni Sue
at nginitian…
Masaya itong si Sue para sa
kaniyang Kuya Chan…
Mas malinaw naman kasi sa sikat ng
araw na ayaw nina Ate Chin and Sue na sila ang mamahal ng Coffee Farm…
Batid din nila na kay Chan talaga
ibibigay ng kanilang Parents ang pamamahala sa Coffee Farm…
“So wala na pong problem Pa…” Ang
tanong ni Sue.
“Wala na Dear...” Ang sagot naman
ni Don Miguel.
“Bigyan mo na ako ng pambayad sa
School Kuya Chan!”
“Ano ba babayadan mo?” Ang tanong
ni Chan.
“Magbabayad nga kami para sa Field
Project namin…”
“What do you mean Field Project?”
Ang tanong ulit ng Clueless na si Chan.
“Yan ba yung mag-o-Observe kayo sa
isang Agriculture Farm…” Ang singit ni Benjie.
“Yup… Bat alam mo yun Bentot?” Ang
sagot naman ni Sue.
“Ginawa din naman namin yun kasi
dati…” Ani ni Benjie.
“Ay oo nga pala… Dun ka din kumuha
ng Agriculture sa Davao State…” Sagot ni Sue.
“Bakit may Bayad?” Ang tanong ulit
ni Chan.
“Eh kasi private naman ang field
na pupuntahan namin Kuya Chan.”
“Ayaw nyo dito? Eh dito sa Coffee
Farm kami noon nag Field Project para walang bayad…” Ang suggeston ni Benjie.
“Gusto nga ng mga classmate ko
dito eh…” Ang mabilis na sambit ni Sue.
“Walang problema Susan… Inform
them… Dito na lang kayo mag Field Project...” Ang sagot naman ni Don Miguel.
“Talaga Pa…” Ang tanong ulit ni
Susan na tinunguhan naman ng naka-smile na si Don Miguel.
Hindi maipaliwanag nitong si Don
Miguel ang labis niyang nasaksihan na nagma-mature na din sa wakas ang kaniyang
mga anak at natitiyak niya na magiging nasa sa mabuting kamay ang kanilang
Coffee Farm…
“O paano mga anak… Mauna na kami
ni Benjie…” Ang paalam ni Don Miguel.
“Sige po Pa…” Ang reply naman ni
Sue.
“Richard…”
“Ano po yun Pa…” Ang reply naman
ni Chan kay Don Miguel.
“Yung pinagagawa ko…”
“Ano po yun Pa?”
“Kausapin mo ang mga dating
nagtratrabaho sa Kopra Farm ni Mr.Valderama…”
“Ay oo nga po pala… Sige po Pa…”
Ang sambit na lamang ni Chan.
Madaling nakalimutan nitong si
Chan ng ipinagagawa sa kaniya nitong si Don Miguel dahil may biglang pumasok na
bagong plano sa isipan ng binata…
“I’m so Proud to both of you…” Ang
masayang usal naman ni Donya Fidela kina Chan and Sue kasabay ng pagyakap niya
sa kaniyang dalawang anak nang makaalis na sina Don Miguel and Benjie.
Katulad ng kaniyang Husband ay
masaya din itong si Donya Fidela sa situation…
…
…
…
Ngunit ang pinakamasaya sa lahat
ay itong si Chan…
…
…
…
Napakabilis na nangyari ang
kaniyang pinagplanuhan…
…
…
…
Bilib na bilib na sa kaniya itong
si Don Miguel…
…
…
…
“Next Plan…” Ang masayang namutawi
sa isipan nitong si Chan habang nginingitian niya ang kaniyang Mommy.
“Huwag mong kalimutan ang
pinagagawa sa iyo ng Papa mo…” Ang bilin muli ni Donya Fidela sa anak bago ito
tuluyang pumasok na sa loob ng kanilang Mansion.
“Sama ako Kuya…” Ang hirit ni
Susan sa kaniyang Kuya Chan.
“Kayo na lang kaya ni Bentot ang
kumausap sa mga dating trabahador ni Mr. Valderama?”
“Eh di ba umalis si Bento kasama
ni Papa…”
“Pagdating niya saka kayo lumakad…
Di ba may pasok ka pa…” Ang sambit ni Chan.
“Kahit gabi eh pwede nyo silang
ipatawag at mabilis pa sa alas kuwatro na magsisidatingan ang mga yun at mga
nangangailangan kasi…” Ang dire direchong usal nitong si Chan.
“Kuya naman…”
“Anong Kuya naman… eh totoo namang
mga nangangailangan ang mga iyon at wala na silang mapagtratrabahuhan eh…” Ang
sarkastikong reply naman nitong si Chan na ikinatahimik na lamang nitong si
Sue.
Labis pa din ang pagtataka ng
kaniyang kapatid kung bakit napaka Hostile nitong si Chan sa mga tao…
“Pumasok ka na at may pupuntahan
ako…” Ang nagmamadaling usal ni Chan sa kapatid.
Hindi na patatagalin pa ni Chan
ang kaniyang susunod na plano…
“San ka pupunta Kuya…” Ang sunod
na usal ni Sue.
“Kulit naman…” Ang naiiritang
naiusal sa isipan nitong si Chan.
“BIBILI AKO NG ARIEL! YUNG 7.50!”
Ang snap ni Chan kay Sue at pagkatapos ay mabilis na siyang pumasok pabalik sa
loob ng Mansion at iniwang clueless na clueless ang kaniyang nakababatang
kapatid na si Sue sa labas.
*******
“San na nga ba yun…” Ang bulong ni
Chan sa sarili habang brina-browse niya sa kaniyang contact sa kaniyang smart
phone.
“Here it is…” Ang masayang usal ng
binata nang makita niya ang hinahanap at pagkatapos ay kaagad siyang tumawag sa
phone.
“GREG!” Ang usal ni Chan nang
sumagot na ang kaniyang tinatawagan.
“Sino to?”
“Si Chan…”
“Napatawag ka… Musta ang US…”
“Nabili nyo na pala ang Kopra Farm
ni Mr. Valderama…” Ang straight to the point na usal ni Chan.
“Ah… yun ba… He he he…” Ang usal
ng Land Developer na Brother-In-Law ni Chan sa kabilang linya.
“Teka… Bat ka nga pala napatawag?”
“Pwede ba tayong mag usap…” Ang
usal ni Chan.
“Nag uusap na nga tayo…” Ang smart
ass na sambit ni Greg.
“Fuck You…” Ang isip isip ni Chan
pertaining sa Husband ng kaniyang Ate Chin.
Kahit si Chan ay banas na banas
paminsan sa napakayabang na si Greg…
“Bahala ka sa buhay mo…” Ang reply
na lamang ni Chan at nawalan na siya ng mood kausapin ang kaniyang
Brother-in-law at that time.
“Nagbibiro lang naman… Kakausapin
mo ba ang Ate Chin mo…”
“Hindi… Ikaw gusto kong makausap…”
“Ano naman pag uusapan natin...”
“Can you estimate nga kung magkano
aabutin ng Coffee Farm…”
“… … … … …”
“… … … … …”
“… … … … …”
“Buhay ka pa ba?” Ang sarkastikong
usal ni Chan.
“Ansabe mo?!” Ang sunod na narinig
ng binata mula kay Greg.
Halata sa Tono ni Greg ang
pagkagulat…
“ANG-SABI-KO-EH-PAKI-ESTIMATE-KUNG-MAGKANO-AABUTIN-ANG-COFFEE-FARM-NAMIN-KAPAG-BINENTA…”
“Baket… may bumibili ba? Wait
lang… Huwag muna kayong magde decide… We can offer you better…” Ang nagpaPanic
na usal ni Greg at talaga naman kasing gusto din ng kanilang company na mabili
ang Coffee Farm para ma Develop.
Matagal nang minungkahi ni Greg
kay Don Miguel ang idea na ito pero to his dismay ay tinanggihan ito ni Don
Miguel…
“Wala pa naman… Ano… Magkano
estimate mo?”
“Teka lang Chan… Hindi basta-basta
ang pag e estimate…”
“Magkano nga?” Ang bratinelong
usal ulit ni Chan.
“Can we talk personally?”
“Now na.” Ang mala prinsipeng
sagot ni Chan.
“Sunduin kita sa inyo… Tas sa
labas tayo mag usap…” Ang mungkahi ni Greg.
“Dito na lang tayo sa Mansion…
Sasabihin ko kay Mama na pupunta ka…” Ang pang-aasar ni Chan.
“Chan naman… Ayokong pumunta dyaan…”
Napangisi na lamang itong si Chan
at talaga namang halatang-halata sa tono nitong si Greg ang pagtutol nito…
Medyo badtrip kasi itong sina Don
Miguel and Donya Fidela sa trabaho nitong si Greg dahil nasaksihan ng mag-asawa
kung paano binili at pinatayuan ng mga establishment and resort ang mga kapitbahay
nilang mga Farm…
Ang company din ni Greg ang
dahilan kung bakit madaming mga Farmers ang nawalan ng trabaho…
Wala namang magawa ang mag-asawa
at di na sila tumutol dahil mahal na mahal ng kanilang Eldest Daughter na si
Chin itong si Greg…
Nung nag College kasi itong si
Chin sa Manila ay nakilala niya itong si Greg at doon na nag start ang kanilang
pagiging sweetheart…
Nakita naman nina Don Miguel and
Donya Fidela kung gaano kamahal ni Greg itong si Chin kaya nag Go na sila sa
planong magpakasal ng dalawa…
Mabuting tao si Greg ngunit ang
kinaiinisan lang talaga ng mag-asawa ay ang line of work and business nito…
“Sige na nga… Sa labas na tayo
mag-usap basta treat mo… iText mo ako kung saan tayo magkikita… Bilisan mo ha…”
Ang last na sinabi ni Chan at pagkatapos ay kaagad niyang pinutol ang linya.
Napangisi itong si Chan at na over
power niya niya sa usapan itong si Greg...
…
…
…
“Ipapa Estimate lang naman eh…”
Ang sambit ni Chan sa kaniyang sarili habang nagpre-prepare na siya sa kanilang
meeting ni Greg.
Medyo kasi slight na nakusensya
itong si Chan sa kaniyang plinaplano para sa kanilang Coffee Farm pero mas
nanaig ang kaniyang pagiging business minded and ang kaniyang wisyong makabalik
kaagad sa US.
*******After A Couple Of Weeks*******
Naging sobrang busy ang buong
Hacienda Luciente-Carvantes dahil sa panahon ng anihan sa Coffee Farm kaya
nama’y di na din minsan nagpapangbot itong sina Don Miguel at Chan…
Nakatulong din ng malaki ang mga
inupahan nilang mga dating farmers na nanggaling sa kabilang Kopra Farm ni Mr.
Valderama dahil ngayong anihan ay naging triple ang kanilang mga inaning Coffee
Bean Pod sa Coffee Farm nina Don Miguel…
Labis-labis ang tuwa ng mga Kopra
Farmers dahil malaki ang naitulong ng Hacienda Luciente-Cervantez sa pag-Hire
sa kanila ngayong anihan…
Productive naman ang naging Field
Project ng Class nina Sue sa Coffee Farm at kahit sila’y tumulong na din sa
pag-aani ng mga Coffee Bean Pod…
Ini-Schedule nina Don Miguel ang
pagbisita ng kanilang new investor sa mismong anihan para makita ng mga ito
kung gaano kaganda at High Grade ang kanilang First Class na mga Coffee Pod…
Tanging ang Hacienda Luciente - Cervantez
lamang ang nakakapag Produce ng ganoong class ng mga Coffee Bean at bihira
lamang kasi tumubo sa buong Davao ang ganoong class ng Coffee Tree…
Ang lahat na mga tanim na Coffee
Tree sa kanilang Coffee Farm ay nang galing pinakamatandang Puno ng kanilang
Hacienda na nasa sa Ancient Coffee Tree Hill ngunit hindi nakuha ng kanilang
mga pananim na kape ang kalidad ng bunga ng pinakamatandang puno sa Coffee Farm…
Ito ang Puno na pinaniniwalaan ng
mga taga-doon na may ‘Magic’ since noong panahon pa ng Kastila…
Naani na nila ang lahat ng mga
Coffee Pod sa Farm at itinaon nila na sa huling araw ng aniha’y kanilang bubuksan
ang mga ito upang kuhanin ang mga Coffee Bean kapag nandoon na ang mga bisita
nilang mga Future New Investors…
On that day din ay i-a-Announce na
ni Don Miguel sa buong Hacienda Luciente-Cervantes ang transition ng kaniyang
anak na si Chan bilang bagong taga-pamahala ng Coffee Farm…
Labis labis ang galak naman nitong
si Chan at sa wakas ay dumating na din ang kaniyang pinakahihintay…
*******On The Final Harvest Day*******
*******5:00 am*******
Tahimik lamang itong si Benjie sa
pagmamaneho at kung minsay sinusulyapan niya sa rear view mirror ang nananahimik
ding si Don Miguel…
Hindi na nila isinama itong si
Chan papuntang Coffee Farm dahil tulog na tulog pa ito at napagod kagahapon…
“Ayos lang po ba kayo Don Miguel…”
Ang concern na tanong ni Benjie sa tahimik na si Don Miguel.
“Pakibilisan mo Benjie ang
pag-dri-Drive…” Ang tanging usal lamang ni Don Miguel na kaagad namang simunod
na si Benjie.
Hindi na nagsalita pa itong si
Benjie at tanging pagpapatakbo lamang ng mabilis sa kaniyang minamanehong Revo
ang inatupag nito…
Kahit siya’y nagnanais na
makarating sa Coffee Farm…
Nakatanggap kasi ng Emergency Call
itong si Benjie mula sa mga nagbabantay ng inani nilang Coffee Pod at
pinapupunta kaagad sila doon ni Don Miguel.
*******
“Anong nangyari?” Ang kaagad na bungad
ni Don Miguel sa kaniyang mga tauhan nang makarating na sila sa main warehouse
kung nasa saan nila inilagay muna ang karamihan sa mga inaning Coffee Bean Pod.
“Don Miguel… Ang mga bunga ng
Kape…” Ang naiusal na lamang ng isang matandang Coffee Farmer habang itinuturo
ang mga Coffee Pods.
“KAILAN PA ITO?” Ang gulat na
sambulat ni Benjie sa mga Coffee Farmers.
Nandoon ang lahat ng mga Coffee
Farmers ng buong Hacienda Luciente-Cervantez at pati na din ang mga inupahan
nilang mga nawala ng trabahong Kopra Farmers.
“Nakita lang po namin na ganyaan
ang mga hitsura nila…” Ang sagot ng isang manggagawa.
Hindi makakilos itong si Don
Miguel habang tinititigan niya ang mga inuuod at nabubulok na mga Coffee Bean Pod…
“Yung mga nasa ibang kamalig?” Ang
tanong ni Benjie sa lahat.
“Ganoon din Benjie… Lahat…” Ang
malungkot at di makapaniwalang sambit ng isa pang Coffee Farmer.
“Magbukas kayo ng isa…”: Ang
mahinahong usal ni Don Miguel.
“Pakikuha ako ng bangko…” Ang
sunod niyang iniutos habang unti-unti niyang nararamdaman ang panglalambot ng
kaniyang dalawang tuhod.
Kaagad namang pinaupo ng kaniyang
mga tauhan itong si Don Miguel at pagkatapos ay kaagad silang nagbukas ng isang
Coffee Bean Pod…
“Ba’t nagkaganyan…” Ang hindi makapaniwalang
usal ni Benjie nang makita nilang lahat na haaggang sa loob ng Coffee Bean Pod
ay puno din ng nagtatabaang mga uod.
Tahimik pa din itong si Don
Miguel…
Hindi niya lubusang maisip ang
pangyayari…
Malulusog at magaganda naman
kahapon ang kanilang mga inaning Coffee Bean Pod…
“Ba’t nagkaganito…” Ang
paulit-ulit na lamang na tanong ni Don Miguel sa kaniyang isipan.
…
…
…
Kahit kaila’y hindi pa pinepeste
ang kanilang Coffee Farm...
…
…
…
Malaki ang magiging problema ng
Hacienda-Luciente Cervantez sa nangyari…
Sa kanilang mga matagal ng Local
Clients…
Sa kanilang mga Investors na
nag-e-Export ng kanilang mga Kape…
At higit sa lahat ay sa kanilang magiging
mga visitors today na nagbabalak na mag-invest sa kanila…
“Tawagan mo mamaya ang mga
bibisita natin ngayon at iCancel mo ang appointment nila sa pagpunta dito sa
Coffee Farm…” Ang sambit ni Don Miguel kay Benjie.
“Tignan ninyo ang lahat ng kamalig
baka sakaling may ibang mga hindi na Peste…” Ang sunod na iniutos ni Don Miguel
sa lahat ng kaniyang mga Trabahador at pagkatapos ay tahimik siyang tumayo’t
lumabas.
“Saan po kayo pupunta Don Miguel…”
Ang tanong ni Benjie.
“Magpapahangin lang…”
“Samahan ko na po kayo…” Ang
concern na suggestion ni Benjie sa kaniyang Amo.
“Huwag na… Tulungan mo na lang
sila dito at gawin mo ang pinagagawa ko…” Ang last na sambit ni Don Miguel at
wala namang magawa itong si Benjie kundi pagmasdan na lamang niya ang amo
niyang nanlulumong lumakad palabas sa kamalig.
*******
“Anyare dito?” Ang usal ni Don
Miguel nang makita niya ang hitsura ng kanilang pinakamatandang Coffee Tree.
Dahil sa nangyari sa kanilang mga
inani ay pumunta itong si Don Miguel sa Ancient Coffee Tree Hill upang
mapag-isa…
Lagi niya kasi itong ginagawa
kapag medyo Stress siya dahil pakiramdam niya na sa tuwing dadalawin niya ang
lugar kung nasaan pinaniniwalaan nila na nakalagak ang mga labi ni Tandang Lola
ay nagkakaroon siya ng panibagong lakas at nare Refresh…
“… … …” Tahimik lamang itong si
Don Miguel habang pinagmamasdan ang Ancient Coffee Tree.
Tuyong-tuyo ang mga dahon nito…
Ganoon din ang mga sanga ng puno…
Pati na din ang Bark nito na
nagsisimula nang magsituklapan mula sa katawan ng puno dahil sa pagkatuyo…
Sa lupa nama’y nandoon ang mga
nangalagas na dahon nito…
“Ano ba ang nangyayari…” Ang medyo
kinakabahang usal ni Don Miguel sa kaniyang sarili.
Mistulang unti-unting namamatay
ang puno…
“Lord…” Ang namutawi na lamang sa
naguguluhang si Don Miguel.
…
…
…
Hindi niya maipaliwanag ang
lahat-lahat…
…
…
…
Ang biglaang pagka-Peste ng
kanilang mga inani…
…
…
…
At ang pagkatuyo ng Ancient Coffee
Tree…
Ang Punong pinanggalingan ng
kanilang mga tanim sa kanilang Coffee Farm…
“This is bad…” Ang last na sinabi
ni Don Miguel at pagkatapos ay kaagad na siyang bumalik sa kaniyang mga tauhan.
Wala pa din siyang maisip kung ano
ang kaniyang susunod na gagawin ng mga sandaling yaon…
*******At the Hacienda Luciente-Cervantez Mansion*******
*******1:00 pm*******
Nilibot na ni Chan ang buong
mansion ngunit wala pa din siyang nakitang mga tao doon kaya nama’y dumirecho
siya sa kanilang kusina…
“YAYA???” Ang malakas na pagtawag
ni Chan ngunit wala din ang kanilang Yaya sa Kusina.
“Asan na ba ang mga tao dito?” Ang
usal na lamang ng nagsisimula ng mainis na si Chan.
“Fuck!” Ang naisambulat na lamang
ni Chan at pagkatapos ay kaagad-agad siyang umakyat sa kaniyang kuwarto.
“Ang tanga mo talaga Chan.” Ang
sermon ni Chan sa sarili.
Dahil sa bagong gising ay hindi na
naisip ni Chan na tignan muna ang kaniyang iPhone bago bumaba…
Maagang nagising itong si Chan
kanina ngunit dahil sa sobrang pagkapagod niya for the past few weeks because
of the Harvest Season ay nakatulog ulit ito at tinangghali na ng gising…
…
…
…
‘On the way na kami ni Mama sa
Coffee Farm kasama si Yaya kasi nagdala ng Lunch for Papa. Sinundo kami ni
Bentot. Hindi ka na namin ginising dahil ang sarap ng tulog mo. Bilisan mo at
pumunta ka na agad sa Coffee Farm.’
Ang nabasang message lang ni Chan na
galing sa kaniyang kapatid na si Sue.
Napangisi na lamang itong si Chan
dahil ngayon ay ang bigday na ipapaalam na ni Don Miguel sa buong Hacienda
Luciente-Cervantez ang pagbibigay sa kaniya ng Blessing bilang bagong
tagapamahala ng Hacienda…
Alam ni Chan na today din ang
pagbisita ng mga future investor nila sa kanilang Coffee Farm kaya nama’y hindi
na nagmadali itong si Chan sa pagpre-prepare at talaga namang aayusan niya ang
kaniyang get-up para magmukha siyang smart at kagalang-galang pagdating niya sa
Coffee Farm…
Excited na excited talaga itong si
Chan at isang napaka-Big Deal kasi para sa kaniya ang magtiwala na ng lubusan sa
kaniya ang kaniyang Daddy…
Nagbunga din sa wakas ang kaniyang
pagtitiis at pagkukunwari na gusto niya ang buhay sa kanilang Hacienda…
Clueless na Clueless itong si Chan
sa kasalukuyang masaklap na nangyayari sa kanilang Coffee Farm…
*******After 2 Hours*******
Hindi na nagreklamo itong si Chan
kahit na medyo di siya comfy na iDrive ang Owner Type Jeep ng kaniyang
nakababatang kapatid na si Sue. Kanina pa niya kasi tinatawagan sina Sue and
Benjie sa fone para magpasundo ngunit kahit nakailang ulit na siya sa pag tawag
ay hindi pa rin sumasagot ang mga ito. Hindi na din niya mabilang ang kaniyang
ipinadalang text sa kanila na magpapasundo siya.
Kahit wala siyang lisensya ay
naglakas loob na lamang siyang magmaneho dahil balwarte naman nila iyon…
“Ipagtata-tapon ko ang mga phone
ninyo…” Ang nag-ngingit-ngit sa inis na sinabi ni Chan nang nag-give up na
siyang kontakin ang dalawa.
“Syet lang…” Ang sunod na
inireklamo ni Chan at talaga namang hirap siyang iDrive ang Owner Type Jeep ni
Sue.
“Sumunod ka naman…” Ang usal ni
Chan habang pinupwersa niya ang kambyo ng Owner type jeep dahil napakatigas
nito.
“Teka nga lang…” Ang next na
sambit ni Chan habang nagmamaneho at pagkatapos ay dinukot niya sa kaniyang
backpack na nasa sa passenger seat ang kaniyang dala-dalang Clinique Happy For
Men.
Smart na smart ang get up nitong
si Chan pero dahil sa init ng panahon at medyo pasaway pa ang kaniyang
idrina-Drive na sasakya’y pinagpapawisan na siya…
Ayaw ni Chan na magmukha siyang
haggard pagdating niya sa Coffee Farm…
Nagbabalak siya na mag grand
entrance bilang susunod na magiging tagapamahala ng kanilang Hacienda…
“Dala-dala ko ba…” Ang tanong ni
Chan sa sarili nang hindi niya makapa ang bote ng Clinique Happy For Men.
Nawala ang attention ni Chan sa
daan at napunta ang kaniyang tuon sa paghahanap niya ng kaniyang cologne sa
loob ng bag…
“Hay Salamat…” Ang sambulat ni
Chan nang makapa na niya ang bote ng Cologne.
Kaagad siyang nag spray at baka
mangamoy pawis siya at pagkatapos ay saka lang niya na realized na may
masasagasan siyang naglalakad sa kalsada…
“FUUUUUUUCK!!!” Ang sambulat na
lamang ng binata kasabay ng mabilis at madiin na pagtapak niya sa Break.
“SCREEEEEEEEEEEEEEEEECH!!!”
“Fuck… fuck… fuck…” Ang
paulit-ulit na usal ni Chan habang hinihimas-himas niya ang kaniyang dibdib
dahil sa pagkakatama nito sa manibela nang biglaan siyang prumeno.
“PASAWAY KA LOLA!!!” Ang malakas
na sigaw ni Chan nang makita niyang patuloy pa din sa paglalakad ang Matandang
Babae na muntikan na niyang masagasaan.
“Ano yun iho?” ng clueless na
sambit ng Matandang Babae nang inilapag nito ang kaniyang bitbit na dalawang
malalaking kaing.
“MUNTIK KO NA KAYONG
MASAGASAAN!!!” Ang sigaw muli ni Chan.
“Naku pasensya ka na iho at di ko
namalayan…”
“TUMABITABI KASI KAYO AT DYAN PA
KAYO SA GITNA NG KALSADA NAGLALAKAD… ANG LIIT-LIIT NA NGA LANG NG DAANAN EH!!!”
Ang bulyaw nitong si Chan.
“Pasensya na iho… Itatabi ko na…”
Ang sambit ng Matandang Babae at pagkatapos ay binuhat na nito ang isang kaing
upang itabi.
“ANO KO NA NGA HO DYAN AT BAKA
BUKAS PA KAYO MATAPOS!!!” Ang masungit na sigaw ulit ni Chan dahil babagal-bagal
ang Matandang Babae.
Kaagad na bumaba itong si Chan
upang siya na mismo magbuhat ng isa pang kaing ng Matandang Babae…
“Ako na diyan iho at mabigat
yaan…” Ang saway ng matanda.
“AKO NA LOLA AT KAYANG-KAYA KO
ITO…”
“Baka hindi mo makaya iho…”
“SHHHHHHH!!!” Ang saway ni Chan at
pagkatapos ay buong lakas niyang binuhat ang isa pang kaing na nasa gitna ng
kalsada.
“ANO BANG LAMAN NITO LOLA!!!” Ang
naiinis na sambit ni Chan at talaga namang halos iluwa na niya ang kaniyang
dalawang Lungs dahil sa pagbuhat sa kaing.
“Ako na diyan iho…” ANg concern na
sambit ng Matandang Babae.
“SHHHHHHHH!!!” Ang saway muli ni
Chan habang pinapagpatuloy na niya ang pagbubuhat sa isa pang kaing para maitabi
ito sa kalsada..
Ayaw mapahiya ng binata sa matanda
at baka sabihin nitong hindnga talaga niya kayang buhatin ang isa sa dalawang
kaing na dala-dala nito kanina habang naglalakad…
*******After 20 minutes*******
“Ayos ka lang ba iho…” Ang tanong
ng matanda sa nakaupong si Chan.
Umabot ng halos 15 minutes bago
maitabi ni Chan ang napakabigat na kaing na dala-dala ng Matandang Babae and
sakto naman na may isang maliit na tindahan sa tabi ng kalsada kaya nama’y
nagpahinga muna ng kaunti itong si Chan.
“Bilib din naman ako sa trip nyo
Lola… Ano bang dala-dala nyo dyan at bakit kayo ang nagbibit-bit nyaan?!” Ang
usal ni Chan habang nakatingin sa dalawang kaing. Nababalutan kasi ng Diaryo
ang ibabaw ng kaing kaya na curious itong si Chan kung bakit ganoon na lamang
kabigat ang dala ng matanda.
“Kailangan iho eh..” Ang
napapangiting sambit ng Matandang Babae sa binata.
“Wala ba kayong mautusan na Boys?”
Ang tanong ng humihingal na si Chan na inilingan na lamang ng Matandang Babae.
“Saan ho ba ang punta ninyo?”
“Sa Kapehan nina Don Miguel…”
“Naku malayo-layo pa yun… Gudlak
Lola!” Ang sambit ni Chan sa matanda at pagkatapos ay tumayo na ito upang
bumalik na sa kaniyang minamanehong owner type jeep.
Kaagad na ini-Start ni Chan ang
sasakyan at kaagad na humarurot papuntang Coffee Farm…
5 secs…
10 secs…
15 secs…
30 secs…
35 secs…
40 secs…
45 secs…
50 secs…
55 secs…
1 minute…
“TSK!!!” Ang usal ni Chan at
kaagad-agad siyang nag preno at tumingin sa side view mirror.
Kitang-kita niya sa salamin na
binubuhat na ng Matandang Babae ang dalawang kaing…
Alam ni Chan na magpapatuloy na
ito sa paglalakad…
“HAAAAY! KAINIS!!!” Ang walang
magawang sambit ni Chan at pagkatapos ay nilagay niya sa Reverse ang kambyo at
kaagad na umatras upang balikan ang Matandang Babae.
“Sabay na ho kayo sa akin Lola at
doon din naman ako papunta…” Ang sinabi ni Chan sa Matandang Babae nang
matapatan na niya ito.
“Naku iho huwag na at baka maabala
ka pa…”
“Huwag na po kayong pasaway lola
at ako ang nahihirapang tignan kayo…” Ang nakasimangot na sambit ni Chan sa
matanda.
“Salamat iho…” Ang reply naman ng Matandang
Babae at pagkatapos ay tinulungan na siya ni Chang iakyat ang dalawang
mabibigat na kaing sa sasakyan.
“Sige po Lola at sumakay na kayo
para makapunta na tayo doon… Nagmamadali ako…” Ang usal lang ni Chan and he
didn’t even bothered na tulungang makaupo sa passenger seat ang matanda.
“Bilisan nyo naman ho…” Ang
nagmamadaling usal ni Chan sa Matandang
Babae.
“WHADAFUCK???!!!” Ang next na naiusal
ni Chan ng biglang namatay ang makina ng owner type jeep nang apakan na niya
ang silinyador nito.
“ANYARE???” Ang sambit ni Chan
nang makailang ulit na niyang sinimulang iStart ang sasakyan.
“FUUUUUUUCK!!!” Ang malakas na
naisambulat ni Chan nang makita niyang umusok ang harapan ng sasakyan.
Kaagad na bumaba itong si Chan at
binuksan ang hood ng sasakyan at doo’y lalo pang kumapal ang usok sa kanilang
paligid…
“Not now…” Ang helpless na sambit
ng binata nang mapagtanto niyang nag overheat ang sasakyan.
“May problema ba iho?” Tanong ng
matanda.
“NAKU WALA HO!!!” Ang sarcastic na
sagot naman ni Chan.
*******After 30 mins*******
Hindi na nag iStart pa ang Owner
Type Jeep at wala ng magawa itong si Chan dahil clueless na clueless siya sa
Automotive…
Halos walang dumadaang tao sa
kalsada at halos ma low bat na kakatawag itong si Chan kina Benjie at Susan
ngunit hindi pa din ito mga sumasagot sa phone…
Wala din namang maitulong ang
batang babae na nagtatao sa tindahan at that time kaya nama’y bad trip na bad
trip na itong si Chan…
“Iho…”
“Naku Lola manahimik na lang kayo
kung wala kayong maitutulong…”
“May kakilala akong mekaniko…”
“Eh ba’t ngayon nyo lang ho
sinabi…”
“Ngayon ko lang naalala…”
“Puntahan po natin…”
“Sa bayan pa ang talyer niya…”
“Sabi ng huwag na lang po kayo
magsalita kung wala kayong maitutulong…” Ang mangiyak-ngiyak na sambit ng helpless
na binata.
“Talaga bang walang dumadaang
tricycle dito…” Ang tanong ni Chan sa batang babae na nagtatao sa tindahan.
“Meron naman kuya kaya lang di ko
alam kung bakit walang dumadaan ngayon…”
“HAAAAISSST…” Ang naiinis na
reaction na lamang ni Chan at wala na siyang maisip na gawin.
“Gusto mo iho eh ako ang pumunta
ng Bayan at tumawag ng mekaniko…” Ang offer ng matanda.
“Huwag na ho at baka bukas pa ho
kayo makarating…”
“Sige maiwan na muna kita at
dadalhin ko pa itong kaing sa Kapehan at kailangang-kailangang ito ni Don
Miguel…”
“Ansabe ninyo Lola?”
“Kailangan-kailangan ni Don Miguel
itong dala-dala ko…”
Natahimik itong si Chan at
tinignan ang kaing na nasa sa loob ng sasakyan…
“Mahihirapan lang ho kayo…
Maghintay na lang tayo ng Tricycle…”
“Maglalakad na lang ako at kanina
pa walang tricycle… Baka makasalubong ako ng isa habang naglalakad…” Ang pilit
ng Matandang Babae.
“Kaya ba kayo naglalakad kanina
Lola?”
“Oo iho… Wala talagang tricycle na
dumadaan…”
“Huwag nyo na pong dalhin yan…
iwan nyo na po sa akin at ako na magbibigay kay Papa…”
“Anak ka ni Don Miguel?”
Tumango na lang si Chan at di
makapaniwalang di siya kilala ng Matandang Babae. Kaagad na pinagmasdan ni Chan
ang kausap na Matandang Babae at ngayon lang niya ito nakita kahit na matagal
na siyang sumasama-sama kina Don Miguel and Benjie sa Coffee Farm…
“Nagtratrabaho ho ba kayo sa
Coffee Farm…” Ang tanong ni Chan.
“Hindi iho… Ibibigay ko lang ito
kay Don Miguel at kailangang-kailangan niya ito ngayon…” Ang reply lang ng Matandang
Babae habang ibinababa na nito ang dalawang kaing mula sa sasakyan.
“Kung ayaw nyong magpapigil… sige
ho… Maghihintay na lang po ako ng tricycle dito at baka madaanan pa namin kayo
papunta doon…” Ang sambit lang ni Chan at pagkatapos ay naupo na siya sa
mahabang upuan na nasa sa harap ng tindahan.
Tahimik lang ang Matandang Babae
nang lumakad na ito buhat-buhat ang dalawang mabibigat na kaing…
Medyo naiinis itong si Chan dahil
nakukunsensya na naman siya…
“Bahala na nga kayo… Tigas ng
ulo…” Ang explain na lamang ni Chan sa sarili upang medyo mabawas-bawasan ang
kaniyang guilty feelings.
“Pabile nga ako ng coke zero…” Ang
next na sambit ni Chan sa batang babae sa tindahan.
“Wala kaming ganoon Kuya…”
“Pepsi Light…”
“Wala din po…”
“Nagtayo pa kayo ng tindahan..
Anong meron sa inyo…”
“RC… Coke Mismo… Royal…”
“Ano ang madalas bilhin ng mga tao
dito?”
“Ariel 7.50” Ang mabilis na sagot
ng batang babae.
“Na Soft drinks!” Ang masungit na
sambit ni Chan.
“AY! Di mo naman sinabi Kuya eh… Coke
Mismo po…”
“Sige bigyan mo ako ng dalawa…
yung malamig… Bilis…” Ang utos ni Chan na sinunod naman ng batang babae.
Pagkabigay na pagkabigay ng batang
babae ng dalawang Coke Mismo kay Chan ay agad na tumakbo si Chan upang habulin
ang Matandang Babae…
“Lola mag Coke ka muna…” Ang
sambit ni Chan sa Matandang Babae sabay bigay ng isang bote ng Coke Mismo.
“Naku iho nagmamadali ako at
kailangang-kailangan ito ni Don Miguel…”
“Hindi na ho ba makakapaghintay
yaan…”
“Hindi na iho…”
“Ang kulit nyo talaga Lola… Adik
ka din…”
“Mag Coke muna kayo at ako na
magdadala nyan… Papunta din naman ho ako sa Coffee Farm…”
“Ako na lang iho… Kaya ko na ito…”
“Huwag na po kayo makulit Lola…
Ang tanda-tanda nyo na ho…”
Kaagad na binuksan ni Chan ang
dalawang bote ng Coke Mismo at iniabot niya ang isa sa Matandang Babae at
pagkatapos ay nilaklak na niya ang isa pang bote na hindi tumagal ng five
seconds…
“Bantayan nyo na lang ho yung
jeep…” Ang next na sinabi ni Chan at pagkatapos ay kaagad niyang binitbit ang
dalawang mabibigat na kaing at mabilis na lumakad na papalayo.
“Pagpalain ka iho…” Ang nasambit
na lamang ng Matandang Babae kahit na hindi siya pinapansin at nililingon ng
nagmamadali sa paglalakad na si Chan.
“Tumahimik na kayo Lola at baka
magbago pa isip ko…” Ang namutawi na lamang sa isipan ng binata at talaga
namang kahit labag sa loob niyang magkawang-gawa’y nanaig pa din sa binata ang
kaniyang good side.
Nakatanim pa din sa pagkatao ni
Chan ang itinuro sa kanilang magkakapatid ng kanilang mga magulang na maging
matulungin sa mga nangangailangan…
********After Two Hours*******
********At The Coffee Farm*******
Bad trip na bad trip at talaga
namang labis na nagsisisi itong si Chan kung bakit nakatihan pa niyang tulungan
ang Matandang Babae…
Wala talagang dumaan or
nakasalubong na tricycle ang binata kaya nama’y napilitan siyang maglakad sa
ilalim ng matinding sikat ng araw…
Kung kanina’y smart na smart ang
hitsura nitong si Chan sa kaniyang porma’y kabaligtaran naman ngayon. Dugyot na
dugyot na ang binata at puno na siya ng pawis at alikabok dahil sa paglalakad
at pagbibit-bit ng kung anumang mabigat na nasa sa dalawang kaing…
“ASAN NA ANG MGA TAO DITO???!!!”
Ang bulyaw ni Chan nang makarating na siya sa Coffee Farm.
Walang katao-tao sa buong Coffee
Farm at tanging mga puno lamang ng Kape ang nakikita niya…
“SYET TALAGA!!!” Ang reklamo ni
Chan habang patuloy siyang maglakad.
“kaunti na lang…” Ang paulit-ulit
na bulong ng binata sa kaniyang sarili upang palakasin ang kaniyang loob upang
madala niya ang mabibigat na kaing sa pinaka main na kamalig/Warehouse ng
Coffee Farm.
“Humanda kayo sa akin kapag wala
pa kayo doon…” Ang next na reklamo nitong si Chan dahil para na siyang bibigay
at mabubuwal sa paglalakad dahil sa kaniyang bitbit.
Wala pa din siyang makita ni isang
workers sa Coffee Farm…
********Inside the Main Warehouse Of The Coffee Farm*******
Tahimik na pinagmamasdan lamang
nina Don Miguel at Donya Fidela ang kanilang mga bisita habang ini-Inspection
nito ang mga napesteng mga inaning Cofee Bean Pod…
Nagbubulungan din ang mga ito na
tila ba may pinagmi-meeting-an…
Nag-insist ang mga Future Investor
na tumuloy sa Coffee Farm dahil yun lamang kasi ang ipinunta nila sa Davao kaya
wala nang nagawa pa itong si Benjie kundi ikunsulta ang request kay Don Miguel…
Matagal ding nag-usap ang
mag-asawa and they decided na papuntahin na lamang ang kanilang bisita sa
Coffee Farm dahil wala na naman silang magagawa at pagod na din ang isipan ni
Don Miguel and he can’t afford to come up with an excuse to them. Nahihiya din
naman sila at talagang gumastos pa ang mga ito upang personal na pumunta sa
Davao at pumunta sa kanilang Coffee Farm…
“Don Miguel…” Ang bungad ng head
ng mga bisita.
“Ano yun…”
“Kahit kami ay di makapaniwala sa
nangyari…”
“Kagabi ay magaganda pa yang mga
ani namin… Hindi ko din alam kung bakit nagkauod at nabulok ang mga yan
overnight…”
“With due respect Don Miguel…
According sa mga nakalap naming information eh maganda ang reputation ng inyong
Coffee Farm Production…” Ang sinabi naman ng isang future investor from the
group.
“… … …” Walang maisip na sasabihin
ang mag-asawa.
“Kailangan lang siguro naming mag
meeting to decide kung worth ba na mag-invest but it doesn’t mean that we’re going
to back out…”
“Is there any chance na may mga
hindi napesteng Coffee Bean Pod sa mga inani ninyo…”
“Lahat-lahat ay pineste…
Pinahalungkat ko na sa mga Farmers namin dito sa Hacienda ang mga kamalig and
sad to say walang natira at lahat ay nabulok at inuod ang loob…” Ang malungkot
na sambit ni Don Miguel.
Hindi pa din makaisip itong sina
Donya Fidela, Sue, Benjie at ang lahat ng mga Coffee Farmers kung ano ang sanhi
ng pagkapeste ng mga inani…
Labis din ang kanilang pagtataka
dahil kagahapon ay magaganda at talaga namang maipagmamalaki ang mga inani
nila…
“Ngayon lang talaga nangyari na
magkaganito dito…” Ang sambit ni Donya Fidela sa group of Future Investors.
“Malaki ang mawawala sa inyo dahil
dito…” Ani naman ng isa pang future investor.
“We know…” Ang helpless na sambit
ni Donya Fidela.
“Gusto sana naming makapag-uwi sa
Manila ng Sample ng inyong Coffee Bean Pod kaya lang according to you ay wala
ni isang bunga ng Kape ang di naapektuhan…” Ang sambit ng pinakahead from the
group na matamlay na tinunguhan na lamang ni Don Miguel.
“Is it okay na ipa check mo ulit
sa mga Workers mo at baka sakaling makakita sila… Kahit isa lang at dadalhin
namin ito sa Office namin sa Manila para ipakita sa Big Boss namin abroad?” Ang
request ng Head.
“We tried… I’m sorry…” Ang reply
ni Don Miguel.
“Titignan ulit namin Don Miguel…”
Ang volunteer ng mga Workers nila.
Kahit sila’y affected sa nangyari
at ayaw nilang makita sa ganoong situation ang kanilang Amo…
Hindi na nagsalita pa itong si Don
Miguel at hinayaan na lamang niya ang kaniyang mga Workers sa gagawin ng mga
ito…
Pagod na din siya mentally and
physically at that time…
Give up na siya sa nangyari…
“Hintay-hintay lang po kayo Sir…”
Ang magalang na sambit ni Benjie sa head ng group ng mga future investor at
pagkatapos ay kaagad na sumama na ito sa mga Coffee Farmers upang tignan muli
ang kanilang mga inani.
Nagbabakasakali ang lahat na
makakita sila ng kahit isang healthy na inani nilang Coffee Bean Pod…
“Are you okay Pa… Ma…” Ang concern
na tanong ni Sue sa kaniyang Parents.
“Oh God… What happened…” Ang hindi
mapigilang pag-iyak ni Donya Fidela at labis ang kalungkutan niya sa nangyari
sa pinakamamahal nilang Coffee Farm.
“BA’T KAYO NANDITONG LAHAT???!!!”
Ang malakas na boses ni Chan na umalingaw-ngaw sa loob ng buong warehouse na
ikinagulat ng lahat.
“BA’T AYAW KAYONG MAGSIPAGSAGOT…
HA…
ANONG GINAGAWA NYONG LAHAT DITO…
KAILANGAN BANG NANDITO KAYONG
LAHAT SA LOOB…
HINDI NYO BA ALAM NA HALOS MAMATAY
NA AKO SA BITBIT KO…
WALA MAN LANG AKONG NAKITANG TAO
SA LABAS…
IKAW BENTOT…
BAT HINDI MO SINASAGOT ANG PHONE
MO…
NASAN SI SUSAN…
SINA PAPA AT MAMA NASAAN…
BITBITIN NYO NGA ITO…” Ang galit
na galit na bulahaw ni Chan sa mga Coffee Farmers at kayBenjie.
Clueless na clueless ang binata sa
masaklap na nangyari sa kanilang Coffee Farm…
“May bisita kayo… Shhhh…” Ang
pabulong na saway ni Benjie kay Chan nang lapitan niya ito.
“SINA PAPA…”
“Nandoon at kausap ang mga
bisita…”
“ISUNOD MO NGA YAN SA AKIN…” Ang
malaPrinisipeng utos ni Chan kay Benjie at pagkatapos ay pumunta na ito kung nasa
saan itong sina Don Miguel.
“KUYA…” Ang sambulat ni Sue nang
makita ang kapatid.
“BA’T DI MO SINASAGOT ANG PHONE
MO…” Ang bulyaw ni Chan kay Sue.
Wala ng pakialam ang binata sa mga
bisita…
“What happened Dear… Ba’t ganyan
ang hitsura mo…” Ang tanong ni Donya Fidela nang makita niya ang dugyot na si
Chan.
“Nilakad ko lang po papunta dito…”
Ang explain ni Chan sa kaniyang Mommy.
“He’s my Son… Pasensya na kayo…”
Ang paumanhin ni Don Miguel sa mga nagulantang na bisita.
“Ano bang nangyari Richard…” Ang
tanong ni Don Miguel kay Chan at kahit siya ay nagulat din sa hitsura nitong
pawisan at punong-puno ng alikabok.
“Naglakad lang po ako papunta
dito…
Dala-dala ko po yan…
Hindi ko po alam kung anong laman
nyan…
Magpapasundo nga po ako kaya lang
hindi naman sumasagot sa phone sina Bentot at Sue…
Walang dumaang tricycle…
Kaya ganito hitsura ko…” Ang
rat-rat nitong si Chan sa kaniyang Daddy.
“Maupo ka muna anak…” Ang usal ni
Donya Fidela para lang makapag relax itong si Chan.
“Kuha mo ng tubig ang Kuya mo…”
Ang next na usal ni Donya Fidela kay Sue upang mapatahimik ang magsisimula na
naman sa pagrereklamong si Chan.
“What’s this?” Ang tanong di Don
Miguel ng makita nito ang dalawang kaing.
“Hindi ko po alam Pa…
Basta mabigat siya…
Kailangan nyo daw po yan kaya
dinala ko dito…
Ang bigat-bigat kaya nyan…
Wala man lang akong nakitang
tauhan natin pagpasok ko sa Farm para tulungan akong bitbitin yan…”
“Inom ka muna Anak…” Ang pagudlot
ni Donya Fidela sabay lapit ng baso ng malamig na tubig sa mukha ng kaniyang
anak para matigil lang ito sa pagra-rat-rat.
“SAN MO NAKUHA ANG MGA ITO
RICHARD???” Ang malakas at gulat na tanong ni Don Miguel nang alisin na niya
ang nakatakip na diaryo sa ibabaw ng dalawang kaing.
“Ansabe mo Pa?” Ang tanong ni Chan
pagkatapos niyang maubos ang malamig na
tubig sa isang lagukan.
“San nanggaling ito Richard…”
“Dala po yan ng isang Matandang
Babae…
Ang tigas ng ulo ng Matandang yun…
Ayaw pa ipagpabukas yan…” Ang
pagsisimula na naman nitong si Chan.
“Inom ka ulet ng tubig Kuya…” Ang
singit ni Sue
“Tignan mo ito Honey…” Ang next na
usal ni Don Miguel at kaagad namang lumapit sa kaniya itong si Donya Fidela
upang tignan ang laman ng dalawang kaing.
“SAN NANGGALING ITO RICHARD?” Si
Donya Fidela naman ang nabigla.
“THAT’S A HANDSOME COFFEE BEAN
POD…” Ang malakas na expression ng Head ng mga Group of Future Investor.
“Basta dala lang yan nung pasaway
na Matandang Babae…” Ang nasambit na lamang ni Chan.
Kaagad na kinumpulan ng mga bisita
nina Don Miguel ang dalawang kaing at labis silang namangha sa laman nito…
“Ganito ba ang klase ng Kape ang
naproproduce nyo dito…” Ang tanong ng isang future investor.
“Mas mababang Quality ang Kape
namin kaysa dito…” Ang sambit ni Don Miguel na tila ba natutulala at naka
concentrate pa din sa mga Coffee Bean Pod na nasa sa Kaing.
“San galing ito…” Tanong ng Head
ng mga Future Investor.
Lahat ay tumingin sa nakaupong si
Chan na lumalagok pa ng tubig…
“Dala-dala lang po yan ng Pasaway
na matanda kanina at dadalhin dito kasi kailangan daw ni Papa…” Ang explain
lang ni Chan.
“Hindi ito nanggaling dito?”
“Nope…” Ang sagot muli ni Don
Miguel.
“May iba pa bang Coffee Farm na
malapit dito…”
“Wala na… Nasa ibang bayan ang iba
pang Coffee Farm…”
“These are High Grade Class Don
Miguel… “ Ang manghang sambit ng Head ng Group of Future Investor nang binuksan
nito ang isang Coffee Bean Pod.
Hindi tulad ng mga inaning Kape
nina Don Miguel ang hitsura ng Kape na na dala-dala ni Chan…
Walang mantsa ng pagkabulok ito at
hindi din inuuod ang loob…
“… … …” Tahimik lamang itong si
Don Miguel at gayundin naman itong si Donya Fidela. Na parehong nakatingin sa
mga bagong dating na kape dala ang Kape.
“Can we take some of these pabalik
ng Manila…” Ang next na sinabi ng Head sa mag-asawa.
“AH… Sure… Sure…” Ang nasambit na
lamang ni Don Miguel sa kausap.
“If I’m not mistaken eh hindi ito
tumutubo dito sa Pinas…” Ang sambit ng isang Future Investor.
Nakalimutan na ng lahat ang
nangyaring pagkapeste sa mga inani nina Don Miguel…
“But we need to make sure what is
type are these handsome Coffee Pod…” Ang next na sambit ng Head ng Group.
“Hindi ba talaga namumunga ng
ganito ang mga Kape nyo dito Don Miguel…”
“Ah… Nagtataka lang ako…” Ang
reply ni Don Miguel sabay tingin niya sa mga mata ni Donya Fidela.
“Anong pinagtataka nyo Don
Miguel…” Ang curious na tanong ng Head ng mga Future Investor.
“Matagal na ako sa Coffee Farming
Industry dito sa Davao at isa lang ang alam kong namumunga ng ganyang klase…”
Ani ni Don Miguel.
“Where is it…”
“Dito sa Farm namin… Ang
pinakamatandang puno ng Kape dito…”
“… … …” Tahimik lang itong si
Donya Fidela.
“Tama ba ako Honey?”
“Yes Dear… Pero hindi ba sabi mo
matagal na at yun na ang pinakalast na namunga ang Ancient Coffee Tree natin…”
Ani ni Donya Fidela.
“Kailan naman ho yun…”
“I’m Seven years old at that
time…” Ang namutawi lamang kay Don Miguel na ikinatahimik ng lahat.
“Kahit na nanggaling ang lahat ng
mga puno namin ng Kape dito sa Coffee Farm mula sa pinakamatandang puno ay
hindi nito nakuha ang quality ng naproproduce na mga Coffee Bean Pod ng punong
yun…”
“San mo ba talaga nakuha itong mga
ito…” Ang tanong ulit ni Don Miguel sa kaniyang anak.
“Dala po yan ng pasaway na
matanda…” Ang ulit ni Chan na medyo naiirita na.
“Well I think we should be going
now Don Miguel… Pagmi-meeting-an namin ang aming decision if we’re going to
invest sa inyong business but for now kailangan na naming madala ito sa Manila
para maipa check… I’m not sure kung anong klaseng coffee ito but this is one of
a kind…” Ang sambit ng Head habang hawak hawak at himas himas ang isang Coffee
Bean Pod na dinala ni Chan.
“Pasensya na ho talaga…” Ani ni
Donya Fidela.
“We hope na magkaroon kayo ng
Solution sa nangyari…” Ang sambit ng isang future investor bago sila tuluyan
nang lumabas ng main Warehouse ng Coffee Farm.
*******
Pagkatapos na umalis ang kanilang
mga bisita ay pinagbilinan ni Don Miguel ang kaniyang mga tauhan na sunugin na
ang mga pineste nilang ani at inihabilin din niya sa mga ito na tignan ang
Ancient Coffee Tree at gawan ng paraan ang unti-unti nitong pagkatuyo.
Kahit na gusto pang mag-stay si
Don Miguel upang iSupervise ang kanilang mga tauha’y umuwi na din sila dahil
exhausted na silang lahat dahil sa nangyari at sumasabay pa sa pagta-Tantrum
itong si Chan at di maka-Get Over sa dinanas niyang pagdurusa that day.
“Kung hindi kayo marunong sumagot
sa tawag sa inyo eh ipagtatapon nyo na nga lang mga phone ninyo…
Ano yan palamuti…” Ang mala
Armalite na sermon ni Chan kina Sue at Benjie.
Kahit hanggang sa loob ng Revo
nilang sinasakya’y nagpapatuloy pa din sa pagta-tantrum itong si Chan…
Hindi na nito napigilan ang
pagiging likas na Bratinelo…
“Busy kami Kuya…” Ang sambit
lamang ni Sue habang itong si Benjie ay tahimik lamang na nagdri-Drive.
“Malapit na ba tayo Richard…” Ang
singit ni Don Miguel upang udlutin ang kuda ng kaniyang anak.
“Yes Pa… Ayun na yung walang
kwentang jeep ni Sue…” Ang sambit ni Chan sabay turo sa sasakyan ni Susan na
nakaparada sa tabi ng tindahan.
“Nandun pa siguro yung pasaway na
matanda… Pinabantayan ko yung Jeep…” Ani ni Chan.
“Hindi ka na naawa sa matanda…”
Ang sumbat ni Sue.
“Ako pa ang hindi naawa… Hindi ka
ba naawa sa akin nang naglakad ako papuntang Coffee Farm bitbit yung mabibigat
na kaing…” Ang balik sumbat kaagad ni Chan.
Kaagad na bumaba itong si Chan sa
kanilang Revo nang maipark na ito ni Benjie malapit sa nag-overheat na owner
type jeep ni Sue…
Sumunod naman itong sina Don
Miguel and Donya Fidela…
“KUYA!!!” Ang malakas na tawag ng
batang babae na nagtitinda kanina.
“Nasan na yung pasaway na
matanda?” Ang tanong kaagad ni Chan na ikinibit balikat na lamang ng bata.
“Sinabi ko na dun na bantayan ang
Jeep eh!” Ang naiinis na usal ni Chan.
“AY Don Miguel… Donya Fidela… Kayo
ho pala… Magandang gabi ho…” Ang bungad ng isang babae na sa tingin ni Chan na
nanay nung batang nagtitinda nang lumabas ito sa tindahan.
“Nakita nyo ba ang isang Matandang
Babae na sinasabi ng anak ko…” Ang tanong ni Don Miguel sa babae.
“Naku po nung dumating ako galing
sa palengke kanina eh nakita ko na lang yang jeep na yan na nakaparada dito…”
“Wala kang nakitang Matandang
Babae?” Ang paninigurado ni Don Miguel na inilingan na lamang ng babae.
“Pasaway talaga yung matandang
yun…” Ang sambit muli ni Chan na inis na inis pa din sa Matandang Babae.
Ngayon lang kasi nakaranas ng
matinding pagpapahirap ang binata sa tanang buhay nito…
“Ineng…” Si Donya Fidela naman ang
kumausap sa bata.
“Ano po yun…”
“Nagpaalam ba yung Matandang Babae
kanina kung saan siya pupunta…”
“Hindi po… Bigla na lang po nawala
eh…” Ang inosenteng sagot ng Bata.
Nagkatinginan na lamang itong sina
Donya Fidela at Don Miguel…
“VROOOOOOOOOM!!!” Ang biglang
malakas na pag-atungal ng makina ng Jeep na ikinagulat ni Chan.
“Kuya naandar naman ang Jeep ah!”
Ani ni Susan nang sinubukan niyang iStart ang engine ng kaniyang sasakyan.
“Kanina eh umuusok yan!” Ang
sambit naman ni Chan.
“Wala namang senyales na nag
overheat ah…” Ani naman ni Benjie habang ini-inspection niya ang makina.
“Di ba umusok yan kanina…” Ang
sambit ni Chan sa batang babae.
Napanguso na lamang itong si Chan
ng nagkibit balikat lamang ang bata na tila ba clueless na clueless sa kaniyang
pinagsasabi…
“May itatanong pa ba kayo Pa sa
kanila… Gusto ko na pong umuwi para makaligo…” Ang usal ni Chan sa kaniyang
Daddy.
“Wala na Richard… Sige na umuwi na
tayo…” Ang usal na lamang ni Don Miguel.
Kahit siya’y gusto na ding umuwi
para makapagpahinga na. Nagbakasakali lang naman silang mag-asawa na makita at
makausap ang Matandang Babae na sinasabi ng kaniyang anak na si Chan upang
pasalamatan…
“KUYA!!! BAYAD MO!!!” Ang sigaw ng
batang babae kay Chan.
“Anong Bayad?”
“Hindi mo pa nabayaran yung
dalawang Coke Mismo na nakuha mo…”
“Tinik mo sa pera!” Ang sumbat ni
Chan nang inabot na niya ang bayad sa bata.
“Kulang pa Kuya… Ikaw daw ang
magbayad muna sa kinuhang Ariel 7.50 nung Lola…”
“Kapal ng mukha talaga ng
matandang yun!” Ang inis na sambit ni Chan habang kumukuha pa siya ng coins sa
kaniyang bulsa.
“Hanapin mo bukas yung Matandang
Babae…” Ang utos ni Don Miguel kay Chan pagkasakay nila sa Revo.
“Ay talaga Pa hahanapin ko yung
pasaway na matandang yun at may utang yun sa akin!” Ang mabilis na sagot kaagad
ni Chan.
Si Susan nama’y walang naging
problemang iDrive ang kaniyang Jeep at nagConvoy na lamang sila pabalik sa
mansion…
Wala pa ding imik itong sina Don
Miguel and Donya Fidela dahil nahihiwagaan sila sa nangyari kanina…
…
…
…
Ang biglaang pagkapeste ng
kanilang mga Kape…
…
…
…
Ang pagkakatuyo ng Ancient Coffee
Tree sa kanilang Coffee Farm…
…
…
…
Ang timing na timing na pagdating
ni Chan dala ang kaing…
…
…
…
Ang misteryosong Matandang Babae
na nagpadala nito…
…
…
…
At higit sa lahat ay ang bunga ng
Kape na nagligtas ng reputasyon ng kanilang Coffee Farm…
…
…
…
Ang Bunga ng Kape na hinding hindi
sila magkakamali na tanging nanggagaling lamang sa Ancient Coffee Tree…
*******At the Hacienda Luciente - Cervantez Mansion*******
******10:30 pm******
Pagkadating na pagkadating ng
buong pamilya sa Mansion ay kaagad na umakyat na sa kuwarto itong si Chan upang maligo at
makapagpahinga na…
Bago siya tuluyang matulog ay
kaaagad siyang nag text sa kaniyang brother-in-law na si Greg upang ipaalam
dito ang nangyaring peste sa kanilang mga inani…
‘May bearing ba sa value ng
property kapag ganoon ang nangyari sa isang Farm’ Ang tanong ni Chan sa text
niya kay Greg.
‘Wala naman’ Reply ni Greg.
‘That’s good. Bukas na tayo mag
usap at pagod na pagod ako’ Ang last na text message ni Chan kay Greg nang
gabing iyon.
Kahit na nagkapeste-peste ang
kanilang mga inani at alam ni Chan na malaki ang magiging kawalan nila
financially sa business dahil sa nangyari’y may ngiti pa din siya sa kaniyang
mga labi bago makatulog…
“May malaki ng reason para ibenta
na ang Coffee Farm…” Ang masayang nasambit na lamang ni Chan sa sarili bago
tuluyan na itong nahimbing dahil sa sobrang kapaguran.
…
…
…
Tila ba nagiging desidido na itong
si Chan sa kaniyang binabalak.
*******At The Ancient Coffee Tree Hill********
Habang tulog na tulog na ang mga
tao sa buong Hacienda Luciente - Cervantes ay may isang nilalang na gising na
gising pa din…
Nakaupo ang isang Matandang Babae
sa isang malaking bato na nasa sa tabi ng Ancient Coffee Tree ng Hacienda…
…
…
…
“Ako pa ang tinatawag mong
Pasaway…” Ang usal ng Matandang Babae pertaining to Chan.
…
…
…
“Salbahe kang bata ka…
Walang kang puso…
Manhid ka sa mga nangyayari sa
paligid mo…” Ang pagpapatuloy ng Matandang Babae.
…
…
…
“Pasalamat ka’t mababait ang mga
magulang mo…
Hindi tulad mo…”
…
…
…
“Sana’y hindi masayang ang
pagmamahal ng mga ninuno mo sa inyong Kapehan…
Mababalewala lang ang lahat-lahat
dahil sa iyo…
Hindi naman natin hawak ang
panahon at hindi rin natin masasabi ang tadhana ng inyong Kapehan…” Ang
malungkot na pagpapatuloy ng Matandang Babae.
…
…
…
“Haaaaaaaay… Pasaway ka Richard…”
Ang usal muli ng Matandang Babae at dahil sa maaliwasang klima ngayong summer
ay binuksan muli nito ang bote ng Coke Mismo na ibinigay sa kaniya ni Chan
upang ubusin na ang natitirang laman nito.
“Burp! Ang sarap pala nito… Sayang
at di nauso ito noong panahon namin…” Ang sambit ng Matandang Babae habang
pinagmamasdan nito ang hawak na bote ng Coke Mismo.
Napangiti ang Matandang Babae nang
mabasa niya ang nakasulat sa likod ng Bote ng Coke Mismo…
Naalala ng Matandang Babae na
kahit medyo pasaway itong si Chan ay nakuha pa din siya nitong tulungan kanina…
Alam ng Matandang Babae na
napipilitan lamang itong si Chan sa pagtulong pero hindi din niya maikakaila na
nakitaan niya ng kabutihan sa puso ang binata…
“Pagbibigyan pa kita Richard…
Para sa inyong pamilya…
Sa inyong mga ninuno…
Sa lahat ng kabutihan ng pamilya
ninyo sa inyong nasasakupan…
Para sa mga taong nagsusumikap at
nagsasakripisyo upang mapabuti ang Kapehan…
Alam kong may itinatago kang
kabutihan sa puso mo…” Ang malumanay na namutawi sa Matandang Babae.
Muling napangiti ang Matandang
Babae habang pinagmamasdan niya ang likod ng Bote ng Coke Mismo…
…
…
…
Naalala niya kanina nang iniabot
ito sa kaniya ni Chan…
…
…
…
Alam niyang mabuting tao ang binata…
…
…
…
Kahit na hindi lubusang maisip ng
Matandang Babae na naipasa ng binata ang pagsubok na ibinigay niya dito…
…
…
…
Nananalangin siya na sana’y hindi
siya nagkamaling bigyan pa ng isa pang pagkakataon ang binata…
…
…
…
Naniniwala siyang may kabutihan pa
ding naitatago sa pagkatao ang binata…
…
…
…
Muling pinagmasdan ng Matandang
Babae ang hawak niyang Coke Mismo at napabuntong hiningang napangiti itong muli dahil sa label nito…
…
…
…
‘Share A Coke With LOLA’
To Be Continued
Embedded music comes from Katrina and the Waves : Walking On Sunshine
ReplyDeletemay inilagay ang story sa Pinoy Daddies at baka di nyo pa nababasa ang 'Mano Po Ninong'
:)
Ay buhay p pla tong story n to! Kala ko nailibing na ksbay ng final requirements
ReplyDeleteOpkors buhay na buhay pa si Ponse :)
Deleteneed ulit basahin mula umpisa... nakalimutan na ang story...
ReplyDeleteAtleast 3 chapters pa laang kaya di mahaba ang ri review hin mo :)
DeleteAny tagal ng update Pedro sunlit nmn next chapter again author
ReplyDeleteRegular na po update ni Ponse :)
DeleteMr Author, Maraming salamat sa update. Matagal ko nang hinihintay to. Sana may update ulit. Take care. God Bless You.
ReplyDeleteI will. Nagkaroon laang ng malaking transition ang Kuya Ponse mo. :)
DeletePonce, your back! Tagal kong hinintay ang moment na to... Thanks at nasundan na! Dominic here!
ReplyDeleteNi Poke kita sa FB mo Kuya Doms :)
DeleteNyeta! Sobrang haba nanakit mata ko hahaha! Pero sulit! Ang tagal kong hinintay yung next chapter nito't di ko akalaing natatandaan ko pa yung huling pangyayari sa nakaraang dalawang chapter ng istoryang to. Ang galing mo po talaga sir Ponse! Kahit wala pa yung mga kilig moments, madadala ka talaga sa daloy ng istorya eh. Sana ganto nalang lahat ng mga nababasa ko dito! Haha galing ^_^v
ReplyDeleteHahaha hanggang ngayon natatawa pa din ako sa "Share a Coke with Lola"! XD
-muel (silent reader po na ngayon lang naglakas loob na magcomment dahil masyadong naexcite sa mga susunod na kabanata).
Okay lang yun kasi nanakit din mata ng Kuya Ponse mo habang nagta type! :))
DeleteSee you sa next episode!
wow! at last may update kna ule ponse! he he he. suppppppeeeerrrr tagal bago nadugtungan ah. hope tuloy tuloy na ule itong masterpice mo. keep up the good work grend!.
ReplyDeleteNaging busy po masyado si Ponse Tito Robert. Tuloy tuloy na po yaan. :))
Delete