The Tree, The
Leaf, and The Wind
Chapter 26
“Sino Na Ako
Sa’yo”
By: Jace Page
https://www.facebook.com/jace.pajz
Author’s Note:
Hello sa lahat! Grabe. Three weeks na
naman akong delayed. Sorry talaga. I’m stucked with school and most especially
with our Feasib. Haaay. Humihingi po ako ng konting unawa sa lahat ng mga
nag-aabang sa update na to. Sorry talaga mga kaibigan. Pero, mahal ko naman po
kayo eh! :)
Yang kanta na napapakinggan nyo sa
background ay ang kanta kung san ko nabuo ang konsepto ng istoryang ito. Maaaring
hindi lahat sa inyo ay magustuhan ang kanta, pero gusto ko naman ang mensahe ng
kanta eh. At isa pa, maganda naman ang clevage ni Angeline Quinto jan.
Tahahahaha!
Salamat po sa mga kapatid kong sina Hao
Inoue, si Ken at si Kuya Mr. CPA, at syempre-syempre ang newest addition sa
aming magkakapatid na si Jorge. Tahahaha! Oh ayan bunso ah? Nabati na kita. Wag
na magtampo. Salamat din po kina Kuya Rye Evangelista, Vienne Chase, at Kuya
Bluerose Claveria para sa pagpa-plug ng mga gawa ko sa kani-kanilang mga
updates. Salamat din kina Red08, Boholano Blogger, Bluekakero, Jihi ng
Pampangga, Tyler, Dave, Jake, Yuki, Rafael, Excellion, at lalo na sina Kuya
Nards, si Paul John, at si Kuya Yuen, na nagbibigay komento sa FB.
Without further ado, eto na ang
selebrasyon ng mga #teamYui jan. The 26th Chapter of TLW. Enjoy you
guys. :)
================================================
== The LEAF ==
Linggo ng umaga. Ramdam na ramdam ko pa
rin ang sakit at bigat ng damdamin sa ginagawang hayagang pag-iwas sa akin ni
Alfer. Kahit anong pilit ko sa sarili kong wag magpaapekto ng ganito sa mga
nangyayari, di ko din masunod ang mga sarili kong payo kasi nga.. mahal ko si
Alfer.
Gabi-gabi, umiiyak nalang ako’t ilang
araw ng hidi kumakain. I sleep late at night, crying, thinking what, and where
I went wrong. And when I wake up the next morning, that shitty feeling is still
there. Kahit isang eksplenasyon man lang sana ang mahagilap ko. Kaso hanggang
ngayon, pagkatapos ng dalawang mahabang linggo, bigo pa rin ako.
Halos masira na ang phone ko sa kakatext
at kakatawag kay Alfer. Hindi ko na mabilang kung ilang beses ko ng tinangkang
kontakin siya. At sa dalawang linggong lumipas, wala pa rin siyang planong
sumagot.
At ngayon, hawak-hawak ko na naman ang
phone ko at sinusubukan na namang tawagan si Babe.
“Babe. Please pick up the phone. Pick up,
pick up.” Dasal ko habang hinihitay na mag-connect ang linya. Nagri-ring na ang
telepono ni Babe. Sinadya ko na sa landline niya sa kwarto tumawag para di niya
malaman na ako ang tumatawag.
“Hello?” Ayun sa wakas, sinagot din niya.
Pero bakit ang tamlay tamlay ng boses niya? Pero no matter, I still missed the
sound of his voice.
“Babe!Ako to. We-wait, wag mong ibababa,
please. Mag-usap naman tayo.” Pagsusumamo ko sa kanya. Kesehodang lunukin ko
ang pride ko, basta makausap ko lang si Alfer. Bahala na si Batman. “Babe,
please. Kausapin mo ko.”
Wala itong imik sa kabilang linya. Alam
kong naririnig niya ako, dahil sa mga naririnig kong buntong-hininga.
“Babe, ano ba kasing nangyari? Okay naman
tayo nung date natin nung Valentine’s diba? Bakit nagkaganito?” I know. I was
being so pesky. But I need answers. “Babe. Please. Magsalita ka.”
Bigo pa din akong makatanggap ng kahit
anumang reaksyon mula sa kabilang linya. Pero atleast ngayon sinagot na niya
ang tawag ko.
“Babe, diba nangako tayo sa isa’t isa na
sabay nating haharapin ang lahat?Mahal kita babe, at mahal mo ako. Alam kong
mahal mo ako! At para sa akin, yun lang naman ang pinakaimportante sa lahat eh.
Babe, kausapin mo naman ako. Wag mo namang gawin sa‘kin to. Babe, please.”
Isang malalim na buntong-hininga na naman
ang narinig ko sa kabilang linya.
“Babe. I love you so much. Please,
mag-usap---“
“Toot. Toot. Toot.” Di ko na natapos ang
aking sasabihin pa nang bigla kong narinig na naputol na pala ang linya.
Sinubukan kong tumawag ulit, pero di na sinasagot ni Alfer ang tawag.
“Fuck! Ano ba kasing problema niya?Why is
he doing this to me?!”
Gusto kong magalit kay Alfer, pero
pinipigilan ko pa rin ang sarili ko dahil hindi ko pa naman talaga
napapakinggan ang sarili niyang pananaw sa mga nangyayari.
Gusto kong magalit kay Alfer, pero hindi
ko magawa. I love him. Tanga na kung tanga. Wala naman akong ibang magagawa
kundi magpa-alipin sa nararamdaman kong ito.
Kung di niya masikmura na minamata kami
ng tao, at gusto na niyang kumalas sa relasyong ito, dapat sana sabihin nalang
niya sa akin.
Pero wag naman sana. Wag naman sana akong
iwan ni Alfer.
Sa mga nangyayari, para lang akong
bumalik sa panahon kung san lugmok na lugmok ang kalagayan ng puso ko. I went
back to being the heart-broken Jayden that I was, after my failed relationship
with Karin.
Noon ko naalala ang luma kong Ipod na
punong-puno ng mga nakaka-depress na kanta. Inihabilin to ni Yui kay James para
ibalik sa akin, nung araw na tumulak ito papuntang Japan.
Ayoko na sanang bumalik sa pagiging emo,
pero I just needed it now. Kinuha ko ang lumang Ipod sa drawer ko at ang
headphones na ibinigay sa akin dati ni Yui. Naalala ko na naman si Yui.
Panigurado, kung andito lang yun, papagalitan na naman ako dahil binubuhay ko
na naman ang dating ako.
“Sorry Yoh. Wala ka kasi eh. Kaya ito na
muna ang isasama ko sa aking kalungkutan.” At binuhay ko na nga ang luma kong
Ipod at isinuot sa tenga ang headphones.
Madilim ang kalangitan.Malamig ang simoy
ng hangin. Swak na swak para mag emote. Nakikisabay lang ang panahon sa
nararamdaman ko ngayon.
At tumugtog na nga ang unang kanta na
napili ko.
“Hindi
mo na pinapansin, mga yakap kong magsasabing ikaw pa rin. Nasa'n na ba ang
'yong lambing, dati mong binubulong sa 'kin ako pa rin? 'Di mo ba sinasadya, o
meron nang iba sa puso mo? Dapat sa 'kin lang iibig. 'Di ko na nakikita, sarili
ko sa iyong mata.”
Ang kantang ‘to.
“Sino
na ako sa 'yo? Sino na sa puso mo? Hindi mo ba napapansin lumalayo ka na sa
'kin? Lumalamig na ang halik na dati rati kay tamis. Sino na ako sa 'yo? Sino
na ako sa puso mo?”
“Sino na nga ba ako sayo, Alfer? Ako pa
rin ba ang mahal mo?”
Di ko na namamalayang kanina pa pala
tumutulo na parang gripo ang mga luha habang nakikinig sa kanta.
“Mahal mo pa ba ako?”
….
Kinahapunan, sa mall.
Ang lamig lamig ng
panahon. Lalo pang lumukas ang ulan. Nagsisimula na ring tumulo ang luha ko sa
sobrang saya na nakita ko na si Babe. Sana naman pagbigyan na ako nito na
makausap siya.
“Babe!” Nakatingin lang
ito sa akin habang blangko pa rin ang mukha. Nakita ko naman itong tumalikod na
at nagsimula ng maglakad ng mabilis palayo. “Baaaaaabe!” Inihagis ko sa gilid
ang payong na hawak-hawak ko para mapabilis ang paghabol ko sa kanya.
Aktong tatakbo na ako para
habulin ulit si Alfer nang may naramdaman akong mga kamay na pumulupot sa aking
bewang at niyakap ako mula sa likod habang nababasa na kami ng ulan.
“Dito ka lang. Dito ka
lang sa tabi ko.” Ang boses na yun. Imposible! Lalo pang humihigpit ang yakap
na iyon. Parang kay tagal niya akong hinintay, na ewan. Di ko alam kung ano ang
mararamdaman sa yakap na iyon.
“Y-y-yui?” Dahan-dahan akong pumihit
paharap sa taong yumayakap sa akin. Pero kasabay ng pagpihit kong iyon, ay ang
unti-unting paglabo ng aking mga mata, hanggang sa tuluyan na akong mawalan ng
malay. Pero bago pa man ako mawalan ng ulirat, alam kong mukha ni Yui ang
nakita kong nakangiti sa akin.
Imposible!
==================================
== The WIND ==
Linggo ng umaga.
Hello again, bansang Pilipinas!
Kadarating ko lang mula sa Japan kahapon. At as usual, di namin napigilang
umeksena sa airport kahapon na mag-anak. Lalo na si Mama. Kala mo naman, nawala
ako ng mga sampung taon. Eh dalawang buwan lang naman ako sa Japan.
I was really planning to stay for good sa
Japan. But things had started to turn upside-down. Nang malaman ko mula kay Ate
Reema ang nangyari kay Jayden, at nang ma-realize ko na I should fight for this
once-in-a-lifetime feeling I have for my bestfriend, agad akong nag-desisyon
upang bumalik ng Pilipinas.
When I heard about what happened to
Jayden, I realized how stupid I was to leave his side. At nung time na
ipinaubaya ko siya kay Alfer, pinagsisihan ko yun. Asan ba kasi si Alfer nung
time na dinukot at pinagtulungang bugbugin si Yoh ko? Tss. It maybe wasn’t a
good idea to invest too much trust on Alfer.
Sa nangyaring iyon, I knew that Jayden
needs me now more than ever. At ipinapangako ko sa sarili ko, na sa
pagkakataong ito, ipaglalaban ko si Jayden at ang nararamdaman ko para sa
kanya.
This was too stupid for me to realize now
that many things had happened over the course of time. Pero siguro naman, hindi
pa huli ang lahat para maipaglaban ko si Jayden. Mahal na mahal ko ang best
friend ko at makikipag-patayan ako para dun. Hahaha. Just kidding.
Pero seryoso ako dun sa sinabi kong
lalaban ako. Basta, bahala na si Batman.
“Good morning Mama, Papa, Ate at bunso!”
Bati ko kina Mama nung makababa ako mula sa aking kwarto at dumulog na sa
lamesa para makakain na ng breakfast. Today will be the birth of the new Yukito
Ramirez Fujiwara.
“Good morning, anak!” Sabay na bati nila
Mama at Papa sa akin. Grabe. Hindi halatang na miss nila ako. Hehehehe. Ang
sarap ng ganitong pakiramdam? Yung namiss ka ng parents mo? At alam mong
magiging spoiled ka ng ilang araw dahil nananabik sila sa pagbabalik mo?
Nyahahaha!
“So, ang saya-saya natin ngayon kapatid,
no? Anong meron?” Pang-iingtriga ni Ate Reema. “Ngayon mo na ba sisimulan? Dali
na, kwento mo na ang plano.”
“Yep. Basta. Susurpresahin ko nalang si
Yoh. Malalaman nyo din soon.” Ngiting-aso ko.
“Ayan tayo Kuya eh. Kahit konting kwento,
nagdadamot ka na naman!” Irap sakin ni James.
“Wushu! Namiss mo lang ako bunso eh!”
Pang-iinis ko pa dito. Lahat naman kami nagkatawanan.
Yes. I will stay here for good sa
Pilipinas. Para sa pinakamamahal kong si Jayden.
Nung mga panahon na hindi ko siya
pinapansin sa email, sa skype, at maging sa Facebook, gusto ko lang isipin niya
na hindi na talaga ako babalik. Pero ang totoo, tinitiis ko lang talaga na
ignorahin si Yoh, para surpresahin ito sa aking muling pagbabalik.
Pagkatapos naming mag-usap ni Atty. Kuroi
nung gabing ma-realize ko na di ako pwedeng sumunod sa yapak ni Papa, ginawa ko
agad ang plano ko, sa tulong narin ni Attorney. Karamihan sa mga ari-arian ni
Papa ay ipinagbili namin, at ang pera ay idinonate ko sa mga charitable
institutions ng Japan.
Ang ibang properties din ay inilipat
namin sa pangalan ni Attorney. At ang pera ni Papa ay sa akin napunta. Balak
kong i-donate din ang kalahati ng iyon sa isang Charity sa Pilipinas na malapit
sa aking puso. Kahit matagal ang pag-process ng lahat ng iyon, ay nagpasalamat
naman ako at sa tulong ni Attorney ay nagawan naman ng paraan. Kating-kati na
kasi akong makauwi sa Pilipinas.
“I’ve never wanted to be rich
anyways.” Sabi ko kay Attorney Kuroi
nang minsang tanungin nya ako kung bakit biglang nagbago ang isip ko.
Sa lahat ng property ni Papa sa buong
Japan, ang bahay lang sa Okinawa ang pinili kong ihabilin sa aking pangalan.
Plano kong dalhin si Jayden dun, balang araw. Alam kong magugustuhan nya dun.
Bago ako umuwi ng Pilipinas, binisita
namin ni Attorney ang puntod ni Papa sa bahay sa Okinawa upang magpaalam. At
alam kong sa lahat ng ginawa ko sa mga ari-arian ni Papa, alam kong masaya din
ito sa pinili kong landas na tahakin.
…
Alas dos ng hapon. Katext ko na si Nanay
Nimfa. Kinuntsaba ko ito para surpresahin si Jayden. Magkikita kami ngayon sa
may mall. Hindi pa alam ni Yoh na nakabalik na ako ng Pinas. Kaya nga surprise
diba?
“Yui, asan ka na? Andito kami sa may
bench malapit sa may south exit ng mall. Hintayin ka namin dito.” Text ni Nanay
sa akin. Grabe to si Nanay, bias na bias. Natawa talaga ako kanina nung
tinanong niya ako kung bakla din ba daw ako. Kasi nga daw, mas gusto niya ako
para kay Jayden. Hahaha.
“Sige po.Papunta na po ako.” Ang reply ko
sa text ni Nanay. Dumaan pa kasi ako sa comfort room para siguraduhin na
magiging gwapo pa rin ako sa paningin ni Yoh ko. Hihihi.
Papalabas na ako ng comfort room ng
makita kong papasok sana ang isang lalaki, pero natigilan ito nang makita ako.
Nung naklaro ko kung sino ito, si Alfer pala.
Tila naging estatwa ito sa kinatatayuan
nito nang Makita ako. Di ito makagalaw, o kahit makapagsalita man lang.
Siguro, dahil na rin sa pagkagulat nito
na Makita akong nakabalik na mula sa Japan. Kahit ako, di ko din alam kung ano
ang sasabihin sa kanya matapos ang lahat ng nangyari mahigit tatlong buwan na
ang nakakalipas.
“Sorry dude. Pero binabawi ko na ang mga
sinabi ko. I will fight for Jayden.” Nasabi ko sa aking sarili.
Pagkatapos ng ilang segundo na walang
imikan, napakurap si Alfer ng mata, at nagmamadaling umalis. Gusto kong habulin
ito at kausapin ng maayos, pero I wasn’t prepared for this. Ano naman ang
sasabihin ko sa kanya?
“Haaay. Focus, Yukito. Si Jayden ang
pakay mo ngayong araw. Mamaya mo na problemahin si Alfer.” Sabi ng isip ko.
Bumalik muna ako sa CR upang i-double check ang sarili. “This is it Yui. Just
suck it all up, and tell him. Straight in his eyes.”
Papunta na ako sa may South Exit ng mall.
Nang nilinga-linga ko ang mga malalapit na benches, nakita ko ang isang
matandang babae na nakatayo at sa tingin ko ay kumakaway sa akin. Si Nanay.
Papalapit na ako sa kinaroroonan ni Nanay nang mapansin kong hindi nito kasama
si Jayden.
Bahagyang kumunot ang mga noo ko. Nakita
siguro ni Nanay ang inakto ko’t napansin ko din ‘tong itinuro ang exit na
malapit dun. Nung nilingon ko ang labasan ng mall, nakita ko lang si Jayden na
tumatakbo papalabas ng mall. Hinabol ko naman to.
Nang makalabas na ako’t nakita kong
tumatakbo na si Jayden papunta sa Parking Building ng mall, hinabol ko pa ulit
to. May naririnig akong sinisigaw nito, pero di ko masyadong marinig kung ano
yun dahil na rin sa lakas ng ulan.
Basang-basa na ako sa ulan kakahabol kay
Jayden, nang mapansin ko itong tumigil sa pagtakbo. Natigil din ako ng bahagya
ng makramdam ng pagod. Hinihingal na din ako. Grabe.
“Babe!” Sigaw nito na nakatanaw
lang sa malayo. Nang sipatin kong mabuti kung sino ang tinatawag nito, nakita
ko lang si Alfer na natigil din sa pagtakbo. Basang-basa na din ito.
“Baaaaaabe!”
Si Alfer. Kaya pala. Pero
bakit tila umiiwas kay Jayden, pati na rin sa akin si Alfer. May problema ba
sila?
Kahit hinihingal pa din
ako, unti-unti naman akong lumapit kay Jayden. Nakita ko itong ibinato sa may
gilid ang payong na kanina pa niya hawak-hawak. Nang maramdaman kong tatakbo na
naman sana ito, nagmadali akong makalapit sa kanya at niyakap siya mula sa
likod para pigilan itong habulin pa si Alfer.
“Dito ka lang. Dito ka lang sa tabi ko.”
Naramdaman kong nangingig na ang katawan nito sa sobrang lamig, at dahil na rin
sa pagkakabasa nito sa ulan. Naramdaman kong unti-unti itong pumipihit paharap
sa akin.
Nang masilayan ko na ang mukha nito,
napansin kong nagbago ang itsura nito. Pumayat, naging malungkot na naman ang
mga mata, at naging hungkag ang ekspresyong ng kabuuan niya. Napansin ko din
ang sobrang pamumutla niya.
Nang ganap na nakaharap na ito sa akin,
unti-unti siyang bumibigat sa mga kamay ko at pumikit ang mga mata nito. Dun ko
lang na-realize ang lahat. Nawalan ito ng malay-tao.
“Yoh!”
=========================================
== The LEAF ==
Unti-unting nagliliwanag ang aking
paningin. At nang maka-recover na ako, napansin kong nakahiga na naman ako sa
isang kama’ng di naman pamilyar sa akin. Nang nilibot ko ang aking mga paningin
sa kabuuan ng kwarto, nakita ko si Nanay na nakatalikod sa akin.
“N-nay.” Tawag ko dito. Nabigla naman ito
at humarap sa akin at lumapit.
“Gising ka na pala anak. Ginulat mo naman
ako dun. Kumusta na pakiramdam mo?”
“Masakit po ang ulo ko Nay. Nauuhaw po
ako, pwede po bang makahingi ng tubig?” Kumuha naman ito ng tubig at inabot sa akin.
Ininom ko lang ito, at naaramdam ng ginhawa sa lalamunan. “N-nasa hospital na
naman po ba ako?”
“Ano pa nga ba? Haaay. Ewan ko sayo bata
ka! Ilang ulit ka bang babalik sa hospital nato sa loob ng isang buwan ha?
Papatayin mo na naman ako sa pag-aalala.” Sermon ni Nanay.
Ano ba kasi ang nangyari? Nauntog na
naman ba ako kaya hindi ko na naman maalala ang mga nangyari?
“Na-dehydrate ka anak, at sabi pa ng
doktor, napasma ka din daw. Ano ba ang ginagawa mo nung mga nakaraang araw ha?
Nagkukulong ka lang naman sa kwarto mo, at pag tinatanong kita kung nakakain ka
na ba, panay oo naman sagot mo. Yun pala, ilang araw ka ng hindi kumakain! Ano
ba ang nangyayari sayo bata ka?”
Nagtatalak pa si Nanay pero nakatungo
lang akong naka-upo sa kama ko. Pilit na iniisip ang lahat ng mga nangyari.
Si Yui. Oo, tama. Si Yui! Hindi ako
nagkakamali. Si Yui yung nakita ko kanina sa labas ng mall! Pero.. Baka naman
nagdedeliryo lang ako’t kung sinu-sino na nakikita ko? Pero, parang totoo eh.
Si Yui talaga yung nakita ko.
“N-nay, si Y-yui po…?” Nakita ko lang
itong natigilan sa kaka-sermonat bahagyang napangisi at tumalikod. “Si Y-yui po
k-kasi. N-nakita ko siya k-kanina.”
“Ha? Ganun ba? B-baka naman dala lang yan
ng lagnat mo, anak?” At narinig ko pa ang mahinang tawa nito. “Matulog ka muna
ulit, anak. Maya-maya, gigisingin ka nalang namin pag andito na ang pagkain.
Ha?”
“S-sige po Nay.” Di ko alam kung
paniginip lang ba talaga yun, o kung totoo talaga. Pero ewan. Sumasakit ang ulo
ko sa kaiisip sa mga bagay na imposible ng mangyari. “He’s not coming back
Jayden. Masaya na sya dun sa Japan. Hayaan mo nalang.” Sabi ko sa sarili, at
muling nahiga at pumikit.
….
“Nak. Nak. Gising na. Andito na pagkain
mo.” Narinig kong tawag sa akin ni Nanay na siyang gumising sa akin. Kinukusot-kusot
ko pa ang aking mga mata nang madinig kong bumukas ang pinto ng kwarto ko. May
lumabas ata.
Nang ganap ko ng maidilat ang aking mga
mata, natigilan ako sa mukhang bumungad sa akin. Ilang segundo ko pa itong
tinitigan ng mabuti. Maya-maya pa’y kinusot ko ulit ang aking mga mata upang
maniguro na hindi ako namamalik-mata.
Pero nang matapos ako’y mukha nya pa rin
ang nakatitig sa akin na may nakadikit na ngiti sa mga labi nito.
“Hi.” Matipid nitong bati.
“H-h-hello?” Gosh! I don’t know what to
say to this fella. Ano ba dapat sabihin ko? I’m at a lost for words right now.
Tengene’ng utak to, oo! Gumana ka!
“O, bakit tila yata may kaharap kang
multo’t di ka makapag-salita?” Ngisi nito sakin.
Sinisipat ko pa rin kung totoo nga ba
‘tong nasa harapan ko, o baka naman kaya ilusyon na naman?
“Hoy!” Tawag nito sakin. Napasimangot
naman ito ng maramdamang nahihiwagaan pa rin ako sa nakikita ko.
“Y-yoh?” Tawag ko dito. Napatango naman
ito ng dahan-daha. At ang labi nito’y kumurba ng kabaligtaran.Nakangiti lang
ito. Tinampal ko naman ng dtatlong beses ang dalawa kong pisngi upang talagang
maniguro na hindi ako nananaginip.
At hindi nga ako nananaginip. Si Yukito
nga ang nasa harapan ko. Grabe. Mas lalo itong gumwapo ngayon! Ang dati nitong
mahabang buhok, ngayon, maikli na at naka-ayos na mukhang isang Korean
superstar. Shitte! Ang best friend ko nga ito!
“Yoh!” At sinugod ko ito ng yakap. Dahil
sa sobrang pagka-miss sa kanya, hindi ko napigilan ang aking sarili. Narinig ko
naman itong tumawa, at gumatin ng yakap.
“Grabe! Di ka pa rin nagbabago. Ang OA mo
pa rin Yoh. Tahahaha!” Tawa pa nito. Natauhan naman ako sa pinagagawa ko at
kumalas sa pagkakayakap sa kanya.
“Oh, bakit ka nandidito? Akala ko ba sa
Japan ka na titira?” Irap ko dito. Nagkibit-balikat at bumalik sa pagkakasandal
sa may kama.
“Bakit?” Ngiti nito. “Ayaw mo na ba akong
makita?” Inirapan ko ulit ito at nag-iwas ng tingin. “Hoy, para kang bata jan.
Wag ka nga! Hahahaha.” Tawa pa nito.
“Kaw kasi eh! Daya-daya mo. Umaalis ka ng
walang paalam, tas ngayon, babalik ka din ng walang paalam? Tsk.”
Inabot lang nito ang pisngi ko, tsaka
kinurot. “Ang cute cute talaga ng Yoh ko. Hahaha! Gutom lang yan. O, lika na.
Kain ka na.”
“Ayaw.”
“Kakain ka ba, o kakain ka. Ha?”
Pangungulit nito.
“Ayaw nga sabi eh.”
“Ganun ah?” At lumapit pa uli ito sa akin
at sinimulan akong kilitiin sa tagiliran. Grabe! Tawang-tawa ako sa sobrang
pagkakiliti. Halos mahulog na ako sa kama sa sobrang gulo namin. Buti nalang
tinanggal na ang dextrose na nakakabit sa akin kanina nung nagising ako.
“Kakain ka ba, o kikilitiin pa kita? Ha? Hahahaha.”
“O-oo Yoh. K-kakain na. Hahahaha.” Grabe
tong tao na to. Kayang-kaya akong paamuhin. Alam nya talaga mga kiliti ko.
“Good boy.” At may kinuha lang itong mga
lalagyan ng ulam at isang malaking mangkok na nasa mesa at ipinatong ang mga
iyon sa tray, at dinala ito sa kama ko. “Eto, nagluto ako ng paborito mong
Chicken Kare-kare at fresh from Japan, Misso Soup. Taadaaa!”
“Awtsu. Galing lang ng Japan, maypa-Misso
Misso Soup pang nalalaman ah? At talagang ginaya pa talaga ang Kare-kare ni
Nanay.” Natawa naman ako sa inakto ni Yui dahil sa pagmamalaki nito sa kanyang
Misso Soup.
“Wag ka nga. Alam kong mas masarap naman ang Kare-kare ko kesa kay Nanay, Pero syempre, secret lang na sinabi ko yun, baka paluin ako nun pag nalaman nun ang sinabi ko.” At nagkatawanan pa ulit kami. Kinuha nito ang kutsara at kumuha ng Misso Soup at isusubo na sana sa akin, pero pinigilan ko ang kamay nito. “Bakit? Say aahh na, Yoh.”
“Wag ka nga. Alam kong mas masarap naman ang Kare-kare ko kesa kay Nanay, Pero syempre, secret lang na sinabi ko yun, baka paluin ako nun pag nalaman nun ang sinabi ko.” At nagkatawanan pa ulit kami. Kinuha nito ang kutsara at kumuha ng Misso Soup at isusubo na sana sa akin, pero pinigilan ko ang kamay nito. “Bakit? Say aahh na, Yoh.”
“Yoh naman eh. Ka-awkward. Para naman
akong bata nyan. May kamay naman kasi ako. Ako na.”
“Ayaw. Namiss ko ang baby ko eh. Bakit
ba? Nganga na.” Pangungulit pa nito.
“Yoh naman eh. Ako na nga-----“ At bigla nalang niyang pinasok ang kutsara sa aking bibig. “Yoh!”
“Wag ka na ngang maarte. Let me do this
okay? Nanghihina pa yang katawan mo, baka mabitawan mo pa ang pagkain, at
matapon. Sayang naman.”
“Wushu! Para-paraan ka din minsan eh.”
Nginitian lang ako nito. Wala din naman
akong magawa kundi ang sumunod nalang sa gusto nito.
Maya-maya pa, malapit na akong matapos
kumain habang sinusubuan na parang bata ni Yui, nang biglang dumating si Karin
at si Kira.
“Ang sweet naman eh! May subuan pang
nagaganap dito.” Tatawa-tawang pahayag ni Karin. “Araaay! Andaming langgam!”
“Hoy, Yukito! Buti naman at naisipan mo
pang bumalik ng Pilipinas. Asan na pasalubong namin?” Si Kira.
“Hahahaha. Andun sa bahay. Andami kasi
eh. Kaya di ko nadala agad-agad. Umandar na naman kasi ‘tong si Ginoong
Himatayin.” At nagkatawanan lang si Yui at si Karin, habang ako naman ay
sinamaan lang ng tingin si Yui.
“Telege? Medeme beng pere se eken?” Takte
tong si Kira. Basta pasalubong talaga, hanep! Ang arte pa magsalita. Tss.
“Oo naman.” Ngiti ni Yui sa kanila.
“Hoy, nga pala. Asan na yung mayabang
mong boyfriend?” Tanong ni Kira.
Bigla naman akong natahimik at napatungo.
Bigla kong naalala ang mga nangyayari sa amin ni Alfer. Kung bakit ako
nagkakaganito, at kung bakit ako umabot sa puntong ito. Nalungkot ako bigla.
Nang nag-angat ako ng tingin at kumuha ng tubig sa may side-table, nakita kong
siniko lang ni Karin si Kira.
“Ay. Sorry, kapatid.” Hingi ng dispensa
ni Kira.
“Anyway. Yui, kumusta naman ang Japan?”
Pag-iiba ng topic ni Karin. Nahiga naman ulit ako at ipinikit ang aking mga
mata, pero di ko binalak na matulog.
“Ayos naman. Maganda. Pero sa sobrang
busy ko dun, di ako masyadong nakapag-enjoy. May kulang kasi.” Bigla naman
akong na-intriga sa sinabing “kulang” ni Yui. Ahh siguro, si Karin ang
tinutukoy nito. Haaay. “Matutulog ka na ba Yoh? Inumin mo muna tong gamot mo
oh.”
“Hindi pa naman.” Sagot ko, at bumangon
na upang inumin ang gamot na ibinilin raw ng doktor kanina. Ininom ko ito. Ang
sama ng lasa. Tss. “Karin, si Papa pala?”
“Andito siya kanina, pero tulog ka pa
ata. Babalik din yun mamaya. Si Nanay naman, umuwi muna upang kumuha ng mga
gamit. Ano ba naman yan bro? Ilang beses ka ba babalik ng ospital sa isang
buwan? Naka-quota ka na ba? Ano ba kasi pinagagawa mo?” Sermon ni Karin.
“Ano ba yan? Magkatunog na kayo kung
mag-sermon ni Nanay, Sis.” Irap ko dito.
Kwentuhan lang kaming apat hanggang sa
dumating si Papa. Nung dumating ito, hinanap agad nito si Alfer. Nagtataka kung
bakit di pa dumadalaw dito sa ospital simula pa nung isinugod ako kaninang
hapon.
“Dad, pwede ba tayong mag-usap? Sa
labas?” Pakiusap ni Kira kay Papa. Tumango naman ito.
“Ako din po, Tito. Gusto ko din po kayong
maka-usap.” Si Yui? Pero ano namang sasabihin nito kay Papa? Kinakabahan na ako
sa mangyayari. Sana naman, di magalit si Papa kay Babe. Kahit ganun inaakto
nun, siguro naman may rason siya kung bakit ako iniiwasan.
Sabay na lumabas ang tatlo sa kwarto. As
usual, kami na naman ni Karin ang naiwan dito sa kwarto. Parang nagka dejavu
lang ako nung na-ospital din ako dati.
“Kira naman eh! Napaka-sumbungera
talaga!” Naiinis kong saad na ikina-ngisi ni Karin. “Haaay. Babe. Sana,
kausapin mo na ako.” Sabi ko nalang sa sarili.
========================================
== The TREE ==
Monday night. Another restless one that I’m
having for the past few weeks.
Parang binobomba na naman ako ng
konsensya ko sa aking ginagawang pag-iwas kay Jayden. Tss. When will it ever
stop?
“Yan kasi. Andami mong pangakong
binitawan nun kay Jayden, tas ngayon, ayaw mo din naman palang panindigan ang
mga pangakong yun. Ikaw na nga nagkasala, ikaw pa tong ayaw makipag-usap. And
to top it all, ikaw pa tong nagpapahabol ng habol. Aba matinde!” Pang-uusig na
naman ng konsensya ko.
“You’re right. Pero ano naman magagawa
ko? Di pa ako handang humarap at mag-explain kay Jayden. Natatakot ako. Not
now.”
“Eh, kelan pa?”
“Basta. Just give me some time. Mahal ko
naman yun eh. Pero kasi…”
“Kasi nangingibabaw ang pride at ego mo?
Kasi di mo malunok yang mga yan para sa pagmamahal mo kay Babe mo? Ano pa ba
hinihintay mo ha Alfer, na magsawa na sa kakahabol sayo si Jayden at tuluyan ka
nang iwan dahil din sa mga pinagagawa mo? Mag-isip ka nga!”
Napahugot nalang ako ng isang malalim na
buntong-hininga. Tama ang sinasabi ng konsensya ko.
When I met Jayden, I thought I had expelled
all pride and ego out of my body. Turns out, I was wrong. At ang dalawan bagay
na yun, ang pinakamalaking kalaban ng pagmamahal ko kay Jayden.
Buntong-hininga.
Noon ko naramdaman si Mom sa tabi ko na
nakaakbay na pala sa akin. Ang lalim siguro nga ng mga iniisip ko kung kaya
saglit akong nawala sa reyalidad.
“Anak, okay ka lang ba? You look so
distracted. Ilang linggo ka ng ganyan. May problema, oo, alam ko. Can’t you
atleast share it with me?” Si Mom.
“Mom, it’s complicated. Don’t worry, I’ll
be okay soon.”
“Come on hijo. Tell me. And I know about
you guys.” What?
“A-ano?”
“Oh please hijo. Hindi naman ako tanga
para di makahalata. At lalo na, I’m your Mom.” Ano ba pinagsasabi nitong si
Mom? “Oo, alam ko. You and Jayden.”
Nag-iwas naman ako ng tingin at natulala
nalang sa nalaman kong pasabog ni Mom. How did she know? Sinabi ba ni Jayden sa
kanya ang totoo? Di naman ako makapagsalita.
“And it’s not like ako lang ang
nakakaalam. Pati ang Dad mo, alam niya.”
What?! Napatitig lang ako kay Mom na
nanlalaki ang mga mata.
“At hindi siya galit, kaya wala kang
dapat ipag-alala.”Sabi nito nang tila nabasa niya ang katanungan sa aking
mukha. “Jayden was about to tell me about you guys, pero inunahan ko na siya. So
you have no reason to be mad at him, okay? Halata naman kasi kayo eh.” Tawa pa
ng mahina ni Mom.
Shit! Ano ba tong mga nangyayari?
Nag-iwas na ulit ako ng tingin kay Mom. Nahihiya ako.
“So please, tell me. Ano bang nangyayari
sa inyo ni Jayden? He was here nung nakaraan. Hinahanap ka. It seems he really
do care for you guys, pero parang ikaw naman tong iwas ng iwas.”
“I d-don’t k-know Mom.”
“Oh stop it Alfer. Don’t make such
invalid excuses in front of me. Sige na, wag ka ng mahiya. Malay mo, matulungan
kita.”
“M-mom kasi..”
“Kasi ano?”
“I really don’t know what is going on
with me. I just woke up one day, questioning my feelings for Jayden. I don’t
know Mom.”
“What does your heart tells you, son?”
“Yan din ang hindi ko alam Mom. Mahal ko
si Jayden Mom, pero di ko matiis na minamata kami ng nga tao dahil sa ganitong
klaseng relasyon.”
“Pride yan anak. At hindi yan maganda sa
isang relasyon.”
“Alam ko Mom. And I’m really helpless
about this.”
“You’re just going through dilemmas na
natural para sa inyong na-expose sa mga bagong environment Son. You’ll find
your answers soon. And kahit na anuman ang mapili mong gawin, you have our
blessings. Pero sana, kausapin mo na si Jayden ha? Mabait na bata yun. Lagot ka
sakin pag nagsumbong ulit yun.” Tawa pa ni Mom at pumasok na ulit sa loob.
That was a relief. Atleast, alam na naman
pala nila Mom at Dad. Siguro tama nga si Mom. Natural lang na magka-ganito ako
dahil nga bago at ibang klase ang pinasukan kong relasyon.
“Hoy, Alfer Samonte!” Ayan na naman siya.
Tss. “Wag mo ngang i-justify yang ginagawa mo dahil lang nagkakaroon ka ng
dilemma jan. Hindi yan excuse para pasunurin mo na parang tuta si Jayden.”
Oo na, alam ko! Konting panahon pa.
Haharapin ko din si Babe. Haaay.
Pero, may isa pa pala akong problema. Si
Yui. Hindi ako nagkakamali. Si Yui yung nakita ko kahapon sa mall.
Why is he here? Is it a sign for me to
let Jayden go?
========================================
== The LEAF ==
Sinabi sa amin ni Kira ang lahat ng
nangyari sa pagitan nina Jayden at Alfer. Nagulat din ako nang malaman na alam
din pala ni Tito Migue ang tungkol kina Yoh.
At wow! Si Alfer. Sa dami ng pangako niya
nun kay Jayden, di ko aakalaing sa kabila ng katapangang ginawa ni Yoh sa
pagpapahayag sa lahat ng namumuo nilang pagtitinginan, ngayon pa talaga niya
iniwan sa ere si Jayden? Ang kapal!
Binantaan pa ako nito na wag ng bumalik
sa Pilipinas noon. At para ano? Di nga niya kayang panindigan ang kanyang
desisyong suyuin at itali sa kanya si Jayden. Tsk!
This whole thing just gave me more
reasons to fight for Jayden. And believe me, Alfer, I will take Jayden from
you.
“Kira, pwede ko bang makausap si Tito?”
Tumango naman si Kira at pumasok na muli ng kwarto.
“Teka hijo, wag mong sabihing..?” Si Tito
Miguel na di naman madugtungan ang nais pa sana nitong sasabihin.
“Opo Tito. Mahal na mahal ko po ang anak
ninyo.”
..
Kinabukasan ng tanghali, bumuti na ang
pakiramdam ni Yoh. At nung sumapit ang dapit-hapon, pinayagan na itong makauwi
at doon na magpahinga sa bahay.
Imba din itong si Yoh eh. Ayaw na ayaw
niya ang nagtatagal sa ospital. Para daw siyang sinisilaban dun sa ospita;.
Baka daw lumala pa daw ang sakit niya dun.
Nung gabing iyon, ako ang personal na
nagbantay sa kanya. Dun ako matutulog sa kanya. For the first time, after two
long months, makakasama ko na naman si Yoh ko. Sa iisang kama.
Gustong-gusto ko ng ipahayag sa kanya ang
nararamdaman ko, pero alam kong di pa ito ang tamang panahon para maging
selfish ako. Alam kong may pinagdadaanan pa sila ni Alfer. Pero sana naman,
lumipas na ang lahat ng mga yun.
Simula kahapon, ayaw ni Yoh na kumain.
Pero pag ako na ang nag-utos at nagpaandar, napipilitan talaga itong kumain.
Siguro, alam ko lang talaga ang mga kiliti at kahinaan ni Jayden, kaya
napapasunod ko ito. Para sa kabutihan nya naman din yun eh.
“Yoh, halika na. Tulog na tayo.” Aya ko
dito.
Nahiga naman ito sa tabi ko. “Hindi pa
ako inaantok Yoh eh. Mauna ka na. Kanina mo pa ako binabantayan na parang bata.
Sigurado ako, pagod ka na.” Ngiti nito sa akin.
“Sus, ikaw pa! Best friend ata kita.
Lahat naman siguro ng best friend, ganun din ang gagawin.” Sinuklian ko din ang
mga ngiti nito. “How was school?”
“Ayos naman Yoh. Same old, same old.”
Pareho lang kaming nakatitig sa kisame ng kwarto niya. “Ikaw Yoh, mag-aaral ka
na ba ulit sa June?”
“Natural. Nasayang lang ako thi sem, kasi
nga natigil ako sa Japan ng dalawang buwan. Alam mo Yoh, maganda dun. Lalo na
sa bahay ni Papa sa Okinawa. Sigurado ako, magugustuhan mo dun.”
“Nyay. Imposible namang makapunta ako dun
Yoh.”
“Bakit naman?”
“Basta.”
“Hahaha. Sige. Ako bahala. Basta someday,
dadalhin kita dun.” Ngiti ko sa kanya.
“Yoh, usog ka dito. Lapit ka sakin. Baka
mahulog ka sa kama.” Sabi nito nang maramdamang lumiliit na ang espasyo na
ginagalawan ko sa kama nito. Dun ko naisipang banatan si Yoh.
“Ay! Pag umusog ako jan, baka sayo naman
ako mahulog.”
“Awtsu! Kape pa Yoh! Hahahahaha.” At nagkatawanan na naman kami. “Na miss ko yang mga banat mo ah?”
Haaay. Na miss ko ang ganitong mga
panahon. Yung kami lang dalawa sa isang pribadong lugar. Nag-uusap,
nagkukulitan, nagkukumustahan.
Pero may kulang pa rin eh. The spark in
his eyes. Hindi ko mahagilap sa kanya. Siguro nga dahil sa nangyayari sa
kanila. Tss.
“Pero, promise ko sayo Yoh. This time,
lalaban na ako. Ipaglalaban na kita. Ipaglalaban ko na ang nararamdaman ko para
sayo. Asahan mo yan.” Sabi ko sa aking sarili, habang tinititigan ang maamong
mukha ni Jayden.
“Salamat Yoh.” Pagkuwan ay nasabi nito.
“For what?”
“For being here with me. Kahit alam kong
naging selfish ako dati nung nagtampo ako sa biglaan mong pag-alis, andito ka
pa rin sa tabi ko’t dumadamay sa panahong kailangan ko ng masasandalan.” At may
nasilayan na nga akong luha na namumuo sa gilid ng mga mata nito.
“Nyay. Bawal mag emo ngayon Yoh.” At
pinahid ko ang mga luha niya sa mata. “Sabi ko naman sayo dati, hindi bagay
sayo ang umiiyak. At ayaw na ayaw ko ang nakikita kang ganyan Yoh.”
“Masaya lang ako Yoh. Masaya lang ako’t
andidito ka na ulit.” Ngiti nito, pero parang gusto na nitong gumuho at umiyak
ng umiyak. Alam kong kinukubli lang nito ang sakit sa likod ng mga ngiti nito.
Niyakap ko si Jayden ng mahigpit. “Dito
lang ako. At di na ako aalis pa. Andito na ako Yoh. Kaya wag ka ng malungkot
ha?” Kapagkuwan ay kumalas na din ako sa yakap na yun. “O siya, matulog na po
tayo. Good night Yoh.”
“Good night, Yukito.” Sabi nito. Nakita
ko namang pumikit na si Jayden.
Pinatay ko na nga ang lampshade na nasa
sidetable ng kama nito, at tuluyan na nga akong nakatulog.
…
Madaling-araw na ata. Nagising ako sa mga
naririnig kong hikbi. Agad akong napabalikwas sa hinihigaan at binuksan ang
lampshade. Nakita kong nasa sahig na si Jayden at umiiyak. Nilapitan ko lang
ito at niyakap.
“Yoh, what’s wrong?”
“Yoh.” Humihikbi pa rin ito. “Yoh. Si
Alfer.”
“Shhh.” Pagpapatahan ko dito at
inalalayan itong ma-upo sa kama. “Wag mo a muna siyang isipin Yoh. Matulog ka
na ulit.”
“Pero Yoh. Mahal ko yun eh. Di ko lang..
maintindihan kung bakit.. ginagawa niya sakin ito.”
“Shhh.”
“Okay lang naman kung.. hindi niya
nagustuhan.. ang ginawa kong.. pag-amin tungkol sa amin. Pero sana.. kausapin
nya naman ako. Hirap.. na hirap na ako Yoh.” Sa nakikita kong kalagayan ni
Jayden ngayon, hindi ko maiwasang hindi magalit kay Alfer.
Tila hinihiwa ang buo kong katawan ng
libu-libong kutsilyo sa tuwing nakikita kong nasasaktan si Jayden. Hindi ko
kaya. Hindi.
Siguro kasalanan ko din ito eh. Kung
sana, ipinaglaban ko noon si Jayden. Kung sana hindi ko nalang siya ipinaubaya
kay Alfer. Di siguro hahantong sa ganito ang lahat. Pero wala ng saysay ang
sisihin pa ang mga nangyari na.
“Yoh, tama na. Kakausapin ko si Alfer
bukas na bukas din.”
“G-gagawin mo yun Yoh?” Humihikbi pa rin ito, pero hindi na sya gaanong umiiyak.
“Oo, naman Yoh. Wag ka ng umiiyak ah?
Ayokong nakikita kang ganyan.” Sabi ko dito.
“Yoh?” Tawag niya sa akin ng maalalayan
ko na siyang humiga na ulit sa kama. Napatingin naman ako sa kanya. “Hindi ko
alam kung dine-deserve ba kita o ano. Pero, bakit mo to ginagawa? Bakit ang
bait mo sa akin?”
Natigilan naman ako sa tinanong nyang
iyon.
Naka-upo na ako sa kama, habang siya ay
nakahiga na. Di ko siya matingnan ng direcho sa mga mata. Bahala na. Bahala na
si Batman. All I have to do is to let my heart speak for me.
“Dahil mahal kita Yoh. Mahal na mahal
kita.”
- Itutuloy -
malapit na pong matapos ang istoryang ito. at nagawa ko na po ang Plot nung pangalawa kong storya. pero mamaya ko na yun ipopost pag tapos na, para iwas-delay. sana nagustuhan nyo ang chapter.. :)
ReplyDeleteOmg bmlik n c yui sna mgktuluyan n cla no jayden
ReplyDeletenext chapter plsss..team YuiDen...
ReplyDelete--> enzoh69
Ohmygod! #TeamYui panahon na para lumaban ulit! Faito! Ipaglalaban natin to di ba? #TeamYui tayo e! :D ~Ken
ReplyDeleteBittersweet reunion. Sana sila na ang magkatuluyan. Thanks sa update.
ReplyDeletethnx! Jace sa update,, sana tuloy tuloy na ang update mo.
ReplyDeletethank you so much!
red 08
Next chapter pls...author
ReplyDeleteWaaahhhh ang ganda, yukito at jayden dapat kasi sila ang tunay na nagmamahan.
ReplyDeleteBoholano Blogger
waaaaah! GRABE kuya jace! you sneeky, great author. bwahahaha! i love this chapter. panahon na para lumaban si Yukito. naaaays! kuya jace, add kita sa FB ah? hope to be good friends with you..
ReplyDeletehuhuhu patapos nah . . .Thanks po sa storyang ito kuya Jace . .hehehe . .teamALFER po ako dati ngay0n teamYOH na . .hihi
ReplyDelete~jake
Yui my loves is back! Ipaglaban na yan!:)
ReplyDeleteeto na yon!! #TeamYui FTW .. kuya jace .. eto ha nagcomment na ulit ako.. lagi lang kasi ako nakamobile ih.. alam mo na.. thesis .. sorry na po ha..
ReplyDelete--Hao_Inoue--