Followers

Tuesday, August 26, 2014

The Tree The Leaf and The Wind 26: Sino Na Ako Sayo



The Tree, The Leaf, and The Wind
Chapter 26
“Sino Na Ako Sa’yo”
By: Jace Page
https://www.facebook.com/jace.pajz




Author’s Note:

Hello sa lahat! Grabe. Three weeks na naman akong delayed. Sorry talaga. I’m stucked with school and most especially with our Feasib. Haaay. Humihingi po ako ng konting unawa sa lahat ng mga nag-aabang sa update na to. Sorry talaga mga kaibigan. Pero, mahal ko naman po kayo eh! :)

Yang kanta na napapakinggan nyo sa background ay ang kanta kung san ko nabuo ang konsepto ng istoryang ito. Maaaring hindi lahat sa inyo ay magustuhan ang kanta, pero gusto ko naman ang mensahe ng kanta eh. At isa pa, maganda naman ang clevage ni Angeline Quinto jan. Tahahahaha!

Salamat po sa mga kapatid kong sina Hao Inoue, si Ken at si Kuya Mr. CPA, at syempre-syempre ang newest addition sa aming magkakapatid na si Jorge. Tahahaha! Oh ayan bunso ah? Nabati na kita. Wag na magtampo. Salamat din po kina Kuya Rye Evangelista, Vienne Chase, at Kuya Bluerose Claveria para sa pagpa-plug ng mga gawa ko sa kani-kanilang mga updates. Salamat din kina Red08, Boholano Blogger, Bluekakero, Jihi ng Pampangga, Tyler, Dave, Jake, Yuki, Rafael, Excellion, at lalo na sina Kuya Nards, si Paul John, at si Kuya Yuen, na nagbibigay komento sa FB.

Without further ado, eto na ang selebrasyon ng mga #teamYui jan. The 26th Chapter of TLW. Enjoy you guys. :)



================================================



== The LEAF ==

Linggo ng umaga. Ramdam na ramdam ko pa rin ang sakit at bigat ng damdamin sa ginagawang hayagang pag-iwas sa akin ni Alfer. Kahit anong pilit ko sa sarili kong wag magpaapekto ng ganito sa mga nangyayari, di ko din masunod ang mga sarili kong payo kasi nga.. mahal ko si Alfer.

Gabi-gabi, umiiyak nalang ako’t ilang araw ng hidi kumakain. I sleep late at night, crying, thinking what, and where I went wrong. And when I wake up the next morning, that shitty feeling is still there. Kahit isang eksplenasyon man lang sana ang mahagilap ko. Kaso hanggang ngayon, pagkatapos ng dalawang mahabang linggo, bigo pa rin ako.

Halos masira na ang phone ko sa kakatext at kakatawag kay Alfer. Hindi ko na mabilang kung ilang beses ko ng tinangkang kontakin siya. At sa dalawang linggong lumipas, wala pa rin siyang planong sumagot.

At ngayon, hawak-hawak ko na naman ang phone ko at sinusubukan na namang tawagan si Babe.

“Babe. Please pick up the phone. Pick up, pick up.” Dasal ko habang hinihitay na mag-connect ang linya. Nagri-ring na ang telepono ni Babe. Sinadya ko na sa landline niya sa kwarto tumawag para di niya malaman na ako ang tumatawag.

“Hello?” Ayun sa wakas, sinagot din niya. Pero bakit ang tamlay tamlay ng boses niya? Pero no matter, I still missed the sound of his voice.

“Babe!Ako to. We-wait, wag mong ibababa, please. Mag-usap naman tayo.” Pagsusumamo ko sa kanya. Kesehodang lunukin ko ang pride ko, basta makausap ko lang si Alfer. Bahala na si Batman. “Babe, please. Kausapin mo ko.”

Wala itong imik sa kabilang linya. Alam kong naririnig niya ako, dahil sa mga naririnig kong buntong-hininga.

“Babe, ano ba kasing nangyari? Okay naman tayo nung date natin nung Valentine’s diba? Bakit nagkaganito?” I know. I was being so pesky. But I need answers. “Babe. Please. Magsalita ka.”

Bigo pa din akong makatanggap ng kahit anumang reaksyon mula sa kabilang linya. Pero atleast ngayon sinagot na niya ang tawag ko.

“Babe, diba nangako tayo sa isa’t isa na sabay nating haharapin ang lahat?Mahal kita babe, at mahal mo ako. Alam kong mahal mo ako! At para sa akin, yun lang naman ang pinakaimportante sa lahat eh. Babe, kausapin mo naman ako. Wag mo namang gawin sa‘kin to. Babe, please.”

Isang malalim na buntong-hininga na naman ang narinig ko sa kabilang linya.

“Babe. I love you so much. Please, mag-usap---“

“Toot. Toot. Toot.” Di ko na natapos ang aking sasabihin pa nang bigla kong narinig na naputol na pala ang linya. Sinubukan kong tumawag ulit, pero di na sinasagot ni Alfer ang tawag.

“Fuck! Ano ba kasing problema niya?Why is he doing this to me?!”

Gusto kong magalit kay Alfer, pero pinipigilan ko pa rin ang sarili ko dahil hindi ko pa naman talaga napapakinggan ang sarili niyang pananaw sa mga nangyayari.

Gusto kong magalit kay Alfer, pero hindi ko magawa. I love him. Tanga na kung tanga. Wala naman akong ibang magagawa kundi magpa-alipin sa nararamdaman kong ito.

Kung di niya masikmura na minamata kami ng tao, at gusto na niyang kumalas sa relasyong ito, dapat sana sabihin nalang niya sa akin.

Pero wag naman sana. Wag naman sana akong iwan ni Alfer.

Sa mga nangyayari, para lang akong bumalik sa panahon kung san lugmok na lugmok ang kalagayan ng puso ko. I went back to being the heart-broken Jayden that I was, after my failed relationship with Karin.

Noon ko naalala ang luma kong Ipod na punong-puno ng mga nakaka-depress na kanta. Inihabilin to ni Yui kay James para ibalik sa akin, nung araw na tumulak ito papuntang Japan.

Ayoko na sanang bumalik sa pagiging emo, pero I just needed it now. Kinuha ko ang lumang Ipod sa drawer ko at ang headphones na ibinigay sa akin dati ni Yui. Naalala ko na naman si Yui. Panigurado, kung andito lang yun, papagalitan na naman ako dahil binubuhay ko na naman ang dating ako.

“Sorry Yoh. Wala ka kasi eh. Kaya ito na muna ang isasama ko sa aking kalungkutan.” At binuhay ko na nga ang luma kong Ipod at isinuot sa tenga ang headphones.

Madilim ang kalangitan.Malamig ang simoy ng hangin. Swak na swak para mag emote. Nakikisabay lang ang panahon sa nararamdaman ko ngayon.

At tumugtog na nga ang unang kanta na napili ko.

“Hindi mo na pinapansin, mga yakap kong magsasabing ikaw pa rin. Nasa'n na ba ang 'yong lambing, dati mong binubulong sa 'kin ako pa rin? 'Di mo ba sinasadya, o meron nang iba sa puso mo? Dapat sa 'kin lang iibig. 'Di ko na nakikita, sarili ko sa iyong mata.”

Ang kantang ‘to.

“Sino na ako sa 'yo? Sino na sa puso mo? Hindi mo ba napapansin lumalayo ka na sa 'kin? Lumalamig na ang halik na dati rati kay tamis. Sino na ako sa 'yo? Sino na ako sa puso mo?”

“Sino na nga ba ako sayo, Alfer? Ako pa rin ba ang mahal mo?”

Di ko na namamalayang kanina pa pala tumutulo na parang gripo ang mga luha habang nakikinig sa kanta.

“Mahal mo pa ba ako?”


….

Kinahapunan, sa mall.

Ang lamig lamig ng panahon. Lalo pang lumukas ang ulan. Nagsisimula na ring tumulo ang luha ko sa sobrang saya na nakita ko na si Babe. Sana naman pagbigyan na ako nito na makausap siya.

“Babe!” Nakatingin lang ito sa akin habang blangko pa rin ang mukha. Nakita ko naman itong tumalikod na at nagsimula ng maglakad ng mabilis palayo. “Baaaaaabe!” Inihagis ko sa gilid ang payong na hawak-hawak ko para mapabilis ang paghabol ko sa kanya.

Aktong tatakbo na ako para habulin ulit si Alfer nang may naramdaman akong mga kamay na pumulupot sa aking bewang at niyakap ako mula sa likod habang nababasa na kami ng ulan.

“Dito ka lang. Dito ka lang sa tabi ko.” Ang boses na yun. Imposible! Lalo pang humihigpit ang yakap na iyon. Parang kay tagal niya akong hinintay, na ewan. Di ko alam kung ano ang mararamdaman sa yakap na iyon.

“Y-y-yui?” Dahan-dahan akong pumihit paharap sa taong yumayakap sa akin. Pero kasabay ng pagpihit kong iyon, ay ang unti-unting paglabo ng aking mga mata, hanggang sa tuluyan na akong mawalan ng malay. Pero bago pa man ako mawalan ng ulirat, alam kong mukha ni Yui ang nakita kong nakangiti sa akin.

Imposible!




==================================


== The WIND ==

Linggo ng umaga.

Hello again, bansang Pilipinas! Kadarating ko lang mula sa Japan kahapon. At as usual, di namin napigilang umeksena sa airport kahapon na mag-anak. Lalo na si Mama. Kala mo naman, nawala ako ng mga sampung taon. Eh dalawang buwan lang naman ako sa Japan.

I was really planning to stay for good sa Japan. But things had started to turn upside-down. Nang malaman ko mula kay Ate Reema ang nangyari kay Jayden, at nang ma-realize ko na I should fight for this once-in-a-lifetime feeling I have for my bestfriend, agad akong nag-desisyon upang bumalik ng Pilipinas.

When I heard about what happened to Jayden, I realized how stupid I was to leave his side. At nung time na ipinaubaya ko siya kay Alfer, pinagsisihan ko yun. Asan ba kasi si Alfer nung time na dinukot at pinagtulungang bugbugin si Yoh ko? Tss. It maybe wasn’t a good idea to invest too much trust on Alfer.

Sa nangyaring iyon, I knew that Jayden needs me now more than ever. At ipinapangako ko sa sarili ko, na sa pagkakataong ito, ipaglalaban ko si Jayden at ang nararamdaman ko para sa kanya.

This was too stupid for me to realize now that many things had happened over the course of time. Pero siguro naman, hindi pa huli ang lahat para maipaglaban ko si Jayden. Mahal na mahal ko ang best friend ko at makikipag-patayan ako para dun. Hahaha. Just kidding.

Pero seryoso ako dun sa sinabi kong lalaban ako. Basta, bahala na si Batman.

“Good morning Mama, Papa, Ate at bunso!” Bati ko kina Mama nung makababa ako mula sa aking kwarto at dumulog na sa lamesa para makakain na ng breakfast. Today will be the birth of the new Yukito Ramirez Fujiwara.

“Good morning, anak!” Sabay na bati nila Mama at Papa sa akin. Grabe. Hindi halatang na miss nila ako. Hehehehe. Ang sarap ng ganitong pakiramdam? Yung namiss ka ng parents mo? At alam mong magiging spoiled ka ng ilang araw dahil nananabik sila sa pagbabalik mo? Nyahahaha!

“So, ang saya-saya natin ngayon kapatid, no? Anong meron?” Pang-iingtriga ni Ate Reema. “Ngayon mo na ba sisimulan? Dali na, kwento mo na ang plano.”

“Yep. Basta. Susurpresahin ko nalang si Yoh. Malalaman nyo din soon.” Ngiting-aso ko.

“Ayan tayo Kuya eh. Kahit konting kwento, nagdadamot ka na naman!” Irap sakin ni James.

“Wushu! Namiss mo lang ako bunso eh!” Pang-iinis ko pa dito. Lahat naman kami nagkatawanan.

Yes. I will stay here for good sa Pilipinas. Para sa pinakamamahal kong si Jayden.

Nung mga panahon na hindi ko siya pinapansin sa email, sa skype, at maging sa Facebook, gusto ko lang isipin niya na hindi na talaga ako babalik. Pero ang totoo, tinitiis ko lang talaga na ignorahin si Yoh, para surpresahin ito sa aking muling pagbabalik.

Pagkatapos naming mag-usap ni Atty. Kuroi nung gabing ma-realize ko na di ako pwedeng sumunod sa yapak ni Papa, ginawa ko agad ang plano ko, sa tulong narin ni Attorney. Karamihan sa mga ari-arian ni Papa ay ipinagbili namin, at ang pera ay idinonate ko sa mga charitable institutions ng Japan.

Ang ibang properties din ay inilipat namin sa pangalan ni Attorney. At ang pera ni Papa ay sa akin napunta. Balak kong i-donate din ang kalahati ng iyon sa isang Charity sa Pilipinas na malapit sa aking puso. Kahit matagal ang pag-process ng lahat ng iyon, ay nagpasalamat naman ako at sa tulong ni Attorney ay nagawan naman ng paraan. Kating-kati na kasi akong makauwi sa Pilipinas.

“I’ve never wanted to be rich anyways.”  Sabi ko kay Attorney Kuroi nang minsang tanungin nya ako kung bakit biglang nagbago ang isip ko.

Sa lahat ng property ni Papa sa buong Japan, ang bahay lang sa Okinawa ang pinili kong ihabilin sa aking pangalan. Plano kong dalhin si Jayden dun, balang araw. Alam kong magugustuhan nya dun.

Bago ako umuwi ng Pilipinas, binisita namin ni Attorney ang puntod ni Papa sa bahay sa Okinawa upang magpaalam. At alam kong sa lahat ng ginawa ko sa mga ari-arian ni Papa, alam kong masaya din ito sa pinili kong landas na tahakin.




Alas dos ng hapon. Katext ko na si Nanay Nimfa. Kinuntsaba ko ito para surpresahin si Jayden. Magkikita kami ngayon sa may mall. Hindi pa alam ni Yoh na nakabalik na ako ng Pinas. Kaya nga surprise diba?

“Yui, asan ka na? Andito kami sa may bench malapit sa may south exit ng mall. Hintayin ka namin dito.” Text ni Nanay sa akin. Grabe to si Nanay, bias na bias. Natawa talaga ako kanina nung tinanong niya ako kung bakla din ba daw ako. Kasi nga daw, mas gusto niya ako para kay Jayden. Hahaha.

“Sige po.Papunta na po ako.” Ang reply ko sa text ni Nanay. Dumaan pa kasi ako sa comfort room para siguraduhin na magiging gwapo pa rin ako sa paningin ni Yoh ko. Hihihi.

Papalabas na ako ng comfort room ng makita kong papasok sana ang isang lalaki, pero natigilan ito nang makita ako. Nung naklaro ko kung sino ito, si Alfer pala.

Tila naging estatwa ito sa kinatatayuan nito nang Makita ako. Di ito makagalaw, o kahit makapagsalita man lang.

Siguro, dahil na rin sa pagkagulat nito na Makita akong nakabalik na mula sa Japan. Kahit ako, di ko din alam kung ano ang sasabihin sa kanya matapos ang lahat ng nangyari mahigit tatlong buwan na ang nakakalipas.

“Sorry dude. Pero binabawi ko na ang mga sinabi ko. I will fight for Jayden.” Nasabi ko sa aking sarili.

Pagkatapos ng ilang segundo na walang imikan, napakurap si Alfer ng mata, at nagmamadaling umalis. Gusto kong habulin ito at kausapin ng maayos, pero I wasn’t prepared for this. Ano naman ang sasabihin ko sa kanya?

“Haaay. Focus, Yukito. Si Jayden ang pakay mo ngayong araw. Mamaya mo na problemahin si Alfer.” Sabi ng isip ko. Bumalik muna ako sa CR upang i-double check ang sarili. “This is it Yui. Just suck it all up, and tell him. Straight in his eyes.”

Papunta na ako sa may South Exit ng mall. Nang nilinga-linga ko ang mga malalapit na benches, nakita ko ang isang matandang babae na nakatayo at sa tingin ko ay kumakaway sa akin. Si Nanay. Papalapit na ako sa kinaroroonan ni Nanay nang mapansin kong hindi nito kasama si Jayden.

Bahagyang kumunot ang mga noo ko. Nakita siguro ni Nanay ang inakto ko’t napansin ko din ‘tong itinuro ang exit na malapit dun. Nung nilingon ko ang labasan ng mall, nakita ko lang si Jayden na tumatakbo papalabas ng mall. Hinabol ko naman to.

Nang makalabas na ako’t nakita kong tumatakbo na si Jayden papunta sa Parking Building ng mall, hinabol ko pa ulit to. May naririnig akong sinisigaw nito, pero di ko masyadong marinig kung ano yun dahil na rin sa lakas ng ulan.

Basang-basa na ako sa ulan kakahabol kay Jayden, nang mapansin ko itong tumigil sa pagtakbo. Natigil din ako ng bahagya ng makramdam ng pagod. Hinihingal na din ako. Grabe.

“Babe!” Sigaw nito na nakatanaw lang sa malayo. Nang sipatin kong mabuti kung sino ang tinatawag nito, nakita ko lang si Alfer na natigil din sa pagtakbo. Basang-basa na din ito. “Baaaaaabe!”

Si Alfer. Kaya pala. Pero bakit tila umiiwas kay Jayden, pati na rin sa akin si Alfer. May problema ba sila?

Kahit hinihingal pa din ako, unti-unti naman akong lumapit kay Jayden. Nakita ko itong ibinato sa may gilid ang payong na kanina pa niya hawak-hawak. Nang maramdaman kong tatakbo na naman sana ito, nagmadali akong makalapit sa kanya at niyakap siya mula sa likod para pigilan itong habulin pa si Alfer.

“Dito ka lang. Dito ka lang sa tabi ko.” Naramdaman kong nangingig na ang katawan nito sa sobrang lamig, at dahil na rin sa pagkakabasa nito sa ulan. Naramdaman kong unti-unti itong pumipihit paharap sa akin.

Nang masilayan ko na ang mukha nito, napansin kong nagbago ang itsura nito. Pumayat, naging malungkot na naman ang mga mata, at naging hungkag ang ekspresyong ng kabuuan niya. Napansin ko din ang sobrang pamumutla niya.

Nang ganap na nakaharap na ito sa akin, unti-unti siyang bumibigat sa mga kamay ko at pumikit ang mga mata nito. Dun ko lang na-realize ang lahat. Nawalan ito ng malay-tao.

“Yoh!”




=========================================

== The LEAF ==

Unti-unting nagliliwanag ang aking paningin. At nang maka-recover na ako, napansin kong nakahiga na naman ako sa isang kama’ng di naman pamilyar sa akin. Nang nilibot ko ang aking mga paningin sa kabuuan ng kwarto, nakita ko si Nanay na nakatalikod sa akin.

“N-nay.” Tawag ko dito. Nabigla naman ito at humarap sa akin at lumapit.

“Gising ka na pala anak. Ginulat mo naman ako dun. Kumusta na pakiramdam mo?”

“Masakit po ang ulo ko Nay. Nauuhaw po ako, pwede po bang makahingi ng tubig?” Kumuha naman ito ng tubig at inabot sa akin. Ininom ko lang ito, at naaramdam ng ginhawa sa lalamunan. “N-nasa hospital na naman po ba ako?”

“Ano pa nga ba? Haaay. Ewan ko sayo bata ka! Ilang ulit ka bang babalik sa hospital nato sa loob ng isang buwan ha? Papatayin mo na naman ako sa pag-aalala.” Sermon ni Nanay.

Ano ba kasi ang nangyari? Nauntog na naman ba ako kaya hindi ko na naman maalala ang mga nangyari?

“Na-dehydrate ka anak, at sabi pa ng doktor, napasma ka din daw. Ano ba ang ginagawa mo nung mga nakaraang araw ha? Nagkukulong ka lang naman sa kwarto mo, at pag tinatanong kita kung nakakain ka na ba, panay oo naman sagot mo. Yun pala, ilang araw ka ng hindi kumakain! Ano ba ang nangyayari sayo bata ka?”

Nagtatalak pa si Nanay pero nakatungo lang akong naka-upo sa kama ko. Pilit na iniisip ang lahat ng mga nangyari.

Si Yui. Oo, tama. Si Yui! Hindi ako nagkakamali. Si Yui yung nakita ko kanina sa labas ng mall! Pero.. Baka naman nagdedeliryo lang ako’t kung sinu-sino na nakikita ko? Pero, parang totoo eh. Si Yui talaga yung nakita ko.

“N-nay, si Y-yui po…?” Nakita ko lang itong natigilan sa kaka-sermonat bahagyang napangisi at tumalikod. “Si Y-yui po k-kasi. N-nakita ko siya k-kanina.”

“Ha? Ganun ba? B-baka naman dala lang yan ng lagnat mo, anak?” At narinig ko pa ang mahinang tawa nito. “Matulog ka muna ulit, anak. Maya-maya, gigisingin ka nalang namin pag andito na ang pagkain. Ha?”

“S-sige po Nay.” Di ko alam kung paniginip lang ba talaga yun, o kung totoo talaga. Pero ewan. Sumasakit ang ulo ko sa kaiisip sa mga bagay na imposible ng mangyari. “He’s not coming back Jayden. Masaya na sya dun sa Japan. Hayaan mo nalang.” Sabi ko sa sarili, at muling nahiga at pumikit.


….


“Nak. Nak. Gising na. Andito na pagkain mo.” Narinig kong tawag sa akin ni Nanay na siyang gumising sa akin. Kinukusot-kusot ko pa ang aking mga mata nang madinig kong bumukas ang pinto ng kwarto ko. May lumabas ata.

Nang ganap ko ng maidilat ang aking mga mata, natigilan ako sa mukhang bumungad sa akin. Ilang segundo ko pa itong tinitigan ng mabuti. Maya-maya pa’y kinusot ko ulit ang aking mga mata upang maniguro na hindi ako namamalik-mata.

Pero nang matapos ako’y mukha nya pa rin ang nakatitig sa akin na may nakadikit na ngiti sa mga labi nito.

“Hi.” Matipid nitong bati.

“H-h-hello?” Gosh! I don’t know what to say to this fella. Ano ba dapat sabihin ko? I’m at a lost for words right now. Tengene’ng utak to, oo! Gumana ka!

“O, bakit tila yata may kaharap kang multo’t di ka makapag-salita?” Ngisi nito sakin.

Sinisipat ko pa rin kung totoo nga ba ‘tong nasa harapan ko, o baka naman kaya ilusyon na naman?

“Hoy!” Tawag nito sakin. Napasimangot naman ito ng maramdamang nahihiwagaan pa rin ako sa nakikita ko.

“Y-yoh?” Tawag ko dito. Napatango naman ito ng dahan-daha. At ang labi nito’y kumurba ng kabaligtaran.Nakangiti lang ito. Tinampal ko naman ng dtatlong beses ang dalawa kong pisngi upang talagang maniguro na hindi ako nananaginip.

At hindi nga ako nananaginip. Si Yukito nga ang nasa harapan ko. Grabe. Mas lalo itong gumwapo ngayon! Ang dati nitong mahabang buhok, ngayon, maikli na at naka-ayos na mukhang isang Korean superstar. Shitte! Ang best friend ko nga ito!

“Yoh!” At sinugod ko ito ng yakap. Dahil sa sobrang pagka-miss sa kanya, hindi ko napigilan ang aking sarili. Narinig ko naman itong tumawa, at gumatin ng yakap.

“Grabe! Di ka pa rin nagbabago. Ang OA mo pa rin Yoh. Tahahaha!” Tawa pa nito. Natauhan naman ako sa pinagagawa ko at kumalas sa pagkakayakap sa kanya.

“Oh, bakit ka nandidito? Akala ko ba sa Japan ka na titira?” Irap ko dito. Nagkibit-balikat at bumalik sa pagkakasandal sa may kama.

“Bakit?” Ngiti nito. “Ayaw mo na ba akong makita?” Inirapan ko ulit ito at nag-iwas ng tingin. “Hoy, para kang bata jan. Wag ka nga! Hahahaha.” Tawa pa nito.

“Kaw kasi eh! Daya-daya mo. Umaalis ka ng walang paalam, tas ngayon, babalik ka din ng walang paalam? Tsk.”

Inabot lang nito ang pisngi ko, tsaka kinurot. “Ang cute cute talaga ng Yoh ko. Hahaha! Gutom lang yan. O, lika na. Kain ka na.”

“Ayaw.”

“Kakain ka ba, o kakain ka. Ha?” Pangungulit nito.

“Ayaw nga sabi eh.”

“Ganun ah?” At lumapit pa uli ito sa akin at sinimulan akong kilitiin sa tagiliran. Grabe! Tawang-tawa ako sa sobrang pagkakiliti. Halos mahulog na ako sa kama sa sobrang gulo namin. Buti nalang tinanggal na ang dextrose na nakakabit sa akin kanina nung nagising ako. “Kakain ka ba, o kikilitiin pa kita? Ha? Hahahaha.”

“O-oo Yoh. K-kakain na. Hahahaha.” Grabe tong tao na to. Kayang-kaya akong paamuhin. Alam nya talaga mga kiliti ko.

“Good boy.” At may kinuha lang itong mga lalagyan ng ulam at isang malaking mangkok na nasa mesa at ipinatong ang mga iyon sa tray, at dinala ito sa kama ko. “Eto, nagluto ako ng paborito mong Chicken Kare-kare at fresh from Japan, Misso Soup. Taadaaa!”

“Awtsu. Galing lang ng Japan, maypa-Misso Misso Soup pang nalalaman ah? At talagang ginaya pa talaga ang Kare-kare ni Nanay.” Natawa naman ako sa inakto ni Yui dahil sa pagmamalaki nito sa kanyang Misso Soup.

“Wag ka nga. Alam kong mas masarap naman ang Kare-kare ko kesa kay Nanay, Pero syempre, secret lang na sinabi ko yun, baka paluin ako nun pag nalaman nun ang sinabi ko.” At nagkatawanan pa ulit kami. Kinuha nito ang kutsara at kumuha ng Misso Soup at isusubo na sana sa akin, pero pinigilan ko ang kamay nito. “Bakit? Say aahh na, Yoh.”

“Yoh naman eh. Ka-awkward. Para naman akong bata nyan. May kamay naman kasi ako. Ako na.”

“Ayaw. Namiss ko ang baby ko eh. Bakit ba? Nganga na.” Pangungulit pa nito.

“Yoh naman eh. Ako na nga-----“ At bigla nalang niyang pinasok ang kutsara sa aking bibig. “Yoh!”

“Wag ka na ngang maarte. Let me do this okay? Nanghihina pa yang katawan mo, baka mabitawan mo pa ang pagkain, at matapon. Sayang naman.”

“Wushu! Para-paraan ka din minsan eh.”

Nginitian lang ako nito. Wala din naman akong magawa kundi ang sumunod nalang sa gusto nito.

Maya-maya pa, malapit na akong matapos kumain habang sinusubuan na parang bata ni Yui, nang biglang dumating si Karin at si Kira.

“Ang sweet naman eh! May subuan pang nagaganap dito.” Tatawa-tawang pahayag ni Karin. “Araaay! Andaming langgam!”

“Hoy, Yukito! Buti naman at naisipan mo pang bumalik ng Pilipinas. Asan na pasalubong namin?” Si Kira.

“Hahahaha. Andun sa bahay. Andami kasi eh. Kaya di ko nadala agad-agad. Umandar na naman kasi ‘tong si Ginoong Himatayin.” At nagkatawanan lang si Yui at si Karin, habang ako naman ay sinamaan lang ng tingin si Yui.

“Telege? Medeme beng pere se eken?” Takte tong si Kira. Basta pasalubong talaga, hanep! Ang arte pa magsalita. Tss.

“Oo naman.” Ngiti ni Yui sa kanila.

“Hoy, nga pala. Asan na yung mayabang mong boyfriend?” Tanong ni Kira.

Bigla naman akong natahimik at napatungo. Bigla kong naalala ang mga nangyayari sa amin ni Alfer. Kung bakit ako nagkakaganito, at kung bakit ako umabot sa puntong ito. Nalungkot ako bigla. Nang nag-angat ako ng tingin at kumuha ng tubig sa may side-table, nakita kong siniko lang ni Karin si Kira.

“Ay. Sorry, kapatid.” Hingi ng dispensa ni Kira.

“Anyway. Yui, kumusta naman ang Japan?” Pag-iiba ng topic ni Karin. Nahiga naman ulit ako at ipinikit ang aking mga mata, pero di ko binalak na matulog.

“Ayos naman. Maganda. Pero sa sobrang busy ko dun, di ako masyadong nakapag-enjoy. May kulang kasi.” Bigla naman akong na-intriga sa sinabing “kulang” ni Yui. Ahh siguro, si Karin ang tinutukoy nito. Haaay. “Matutulog ka na ba Yoh? Inumin mo muna tong gamot mo oh.”

“Hindi pa naman.” Sagot ko, at bumangon na upang inumin ang gamot na ibinilin raw ng doktor kanina. Ininom ko ito. Ang sama ng lasa. Tss. “Karin, si Papa pala?”

“Andito siya kanina, pero tulog ka pa ata. Babalik din yun mamaya. Si Nanay naman, umuwi muna upang kumuha ng mga gamit. Ano ba naman yan bro? Ilang beses ka ba babalik ng ospital sa isang buwan? Naka-quota ka na ba? Ano ba kasi pinagagawa mo?” Sermon ni Karin.

“Ano ba yan? Magkatunog na kayo kung mag-sermon ni Nanay, Sis.” Irap ko dito.

Kwentuhan lang kaming apat hanggang sa dumating si Papa. Nung dumating ito, hinanap agad nito si Alfer. Nagtataka kung bakit di pa dumadalaw dito sa ospital simula pa nung isinugod ako kaninang hapon.

“Dad, pwede ba tayong mag-usap? Sa labas?” Pakiusap ni Kira kay Papa. Tumango naman ito.

“Ako din po, Tito. Gusto ko din po kayong maka-usap.” Si Yui? Pero ano namang sasabihin nito kay Papa? Kinakabahan na ako sa mangyayari. Sana naman, di magalit si Papa kay Babe. Kahit ganun inaakto nun, siguro naman may rason siya kung bakit ako iniiwasan.

Sabay na lumabas ang tatlo sa kwarto. As usual, kami na naman ni Karin ang naiwan dito sa kwarto. Parang nagka dejavu lang ako nung na-ospital din ako dati.

“Kira naman eh! Napaka-sumbungera talaga!” Naiinis kong saad na ikina-ngisi ni Karin. “Haaay. Babe. Sana, kausapin mo na ako.” Sabi ko nalang sa sarili.




========================================

== The TREE ==

Monday night. Another restless one that I’m having for the past few weeks.

Parang binobomba na naman ako ng konsensya ko sa aking ginagawang pag-iwas kay Jayden. Tss. When will it ever stop?

“Yan kasi. Andami mong pangakong binitawan nun kay Jayden, tas ngayon, ayaw mo din naman palang panindigan ang mga pangakong yun. Ikaw na nga nagkasala, ikaw pa tong ayaw makipag-usap. And to top it all, ikaw pa tong nagpapahabol ng habol. Aba matinde!” Pang-uusig na naman ng konsensya ko.

“You’re right. Pero ano naman magagawa ko? Di pa ako handang humarap at mag-explain kay Jayden. Natatakot ako. Not now.”

“Eh, kelan pa?”

“Basta. Just give me some time. Mahal ko naman yun eh. Pero kasi…”

“Kasi nangingibabaw ang pride at ego mo? Kasi di mo malunok yang mga yan para sa pagmamahal mo kay Babe mo? Ano pa ba hinihintay mo ha Alfer, na magsawa na sa kakahabol sayo si Jayden at tuluyan ka nang iwan dahil din sa mga pinagagawa mo? Mag-isip ka nga!”


Napahugot nalang ako ng isang malalim na buntong-hininga. Tama ang sinasabi ng konsensya ko.

When I met Jayden, I thought I had expelled all pride and ego out of my body. Turns out, I was wrong. At ang dalawan bagay na yun, ang pinakamalaking kalaban ng pagmamahal ko kay Jayden. Buntong-hininga.

Noon ko naramdaman si Mom sa tabi ko na nakaakbay na pala sa akin. Ang lalim siguro nga ng mga iniisip ko kung kaya saglit akong nawala sa reyalidad.

“Anak, okay ka lang ba? You look so distracted. Ilang linggo ka ng ganyan. May problema, oo, alam ko. Can’t you atleast share it with me?” Si Mom.

“Mom, it’s complicated. Don’t worry, I’ll be okay soon.”

“Come on hijo. Tell me. And I know about you guys.” What?

“A-ano?”

“Oh please hijo. Hindi naman ako tanga para di makahalata. At lalo na, I’m your Mom.” Ano ba pinagsasabi nitong si Mom? “Oo, alam ko. You and Jayden.”

Nag-iwas naman ako ng tingin at natulala nalang sa nalaman kong pasabog ni Mom. How did she know? Sinabi ba ni Jayden sa kanya ang totoo? Di naman ako makapagsalita.

“And it’s not like ako lang ang nakakaalam. Pati ang Dad mo, alam niya.”

What?! Napatitig lang ako kay Mom na nanlalaki ang mga mata.

“At hindi siya galit, kaya wala kang dapat ipag-alala.”Sabi nito nang tila nabasa niya ang katanungan sa aking mukha. “Jayden was about to tell me about you guys, pero inunahan ko na siya. So you have no reason to be mad at him, okay? Halata naman kasi kayo eh.” Tawa pa ng mahina ni Mom.

Shit! Ano ba tong mga nangyayari? Nag-iwas na ulit ako ng tingin kay Mom. Nahihiya ako.

“So please, tell me. Ano bang nangyayari sa inyo ni Jayden? He was here nung nakaraan. Hinahanap ka. It seems he really do care for you guys, pero parang ikaw naman tong iwas ng iwas.”

“I d-don’t k-know Mom.”

“Oh stop it Alfer. Don’t make such invalid excuses in front of me. Sige na, wag ka ng mahiya. Malay mo, matulungan kita.”

“M-mom kasi..”

“Kasi ano?”

“I really don’t know what is going on with me. I just woke up one day, questioning my feelings for Jayden. I don’t know Mom.”

“What does your heart tells you, son?”

“Yan din ang hindi ko alam Mom. Mahal ko si Jayden Mom, pero di ko matiis na minamata kami ng nga tao dahil sa ganitong klaseng relasyon.”

“Pride yan anak. At hindi yan maganda sa isang relasyon.”

“Alam ko Mom. And I’m really helpless about this.”

“You’re just going through dilemmas na natural para sa inyong na-expose sa mga bagong environment Son. You’ll find your answers soon. And kahit na anuman ang mapili mong gawin, you have our blessings. Pero sana, kausapin mo na si Jayden ha? Mabait na bata yun. Lagot ka sakin pag nagsumbong ulit yun.” Tawa pa ni Mom at pumasok na ulit sa loob.

That was a relief. Atleast, alam na naman pala nila Mom at Dad. Siguro tama nga si Mom. Natural lang na magka-ganito ako dahil nga bago at ibang klase ang pinasukan kong relasyon.

“Hoy, Alfer Samonte!” Ayan na naman siya. Tss. “Wag mo ngang i-justify yang ginagawa mo dahil lang nagkakaroon ka ng dilemma jan. Hindi yan excuse para pasunurin mo na parang tuta si Jayden.”

Oo na, alam ko! Konting panahon pa. Haharapin ko din si Babe. Haaay.

Pero, may isa pa pala akong problema. Si Yui. Hindi ako nagkakamali. Si Yui yung nakita ko kahapon sa mall.

Why is he here? Is it a sign for me to let Jayden go?




========================================


== The LEAF ==


Sinabi sa amin ni Kira ang lahat ng nangyari sa pagitan nina Jayden at Alfer. Nagulat din ako nang malaman na alam din pala ni Tito Migue ang tungkol kina Yoh.

At wow! Si Alfer. Sa dami ng pangako niya nun kay Jayden, di ko aakalaing sa kabila ng katapangang ginawa ni Yoh sa pagpapahayag sa lahat ng namumuo nilang pagtitinginan, ngayon pa talaga niya iniwan sa ere si Jayden? Ang kapal!

Binantaan pa ako nito na wag ng bumalik sa Pilipinas noon. At para ano? Di nga niya kayang panindigan ang kanyang desisyong suyuin at itali sa kanya si Jayden. Tsk!

This whole thing just gave me more reasons to fight for Jayden. And believe me, Alfer, I will take Jayden from you.

“Kira, pwede ko bang makausap si Tito?” Tumango naman si Kira at pumasok na muli ng kwarto.

“Teka hijo, wag mong sabihing..?” Si Tito Miguel na di naman madugtungan ang nais pa sana nitong sasabihin.

“Opo Tito. Mahal na mahal ko po ang anak ninyo.”


..


Kinabukasan ng tanghali, bumuti na ang pakiramdam ni Yoh. At nung sumapit ang dapit-hapon, pinayagan na itong makauwi at doon na magpahinga sa bahay.

Imba din itong si Yoh eh. Ayaw na ayaw niya ang nagtatagal sa ospital. Para daw siyang sinisilaban dun sa ospita;. Baka daw lumala pa daw ang sakit niya dun.

Nung gabing iyon, ako ang personal na nagbantay sa kanya. Dun ako matutulog sa kanya. For the first time, after two long months, makakasama ko na naman si Yoh ko. Sa iisang kama.

Gustong-gusto ko ng ipahayag sa kanya ang nararamdaman ko, pero alam kong di pa ito ang tamang panahon para maging selfish ako. Alam kong may pinagdadaanan pa sila ni Alfer. Pero sana naman, lumipas na ang lahat ng mga yun.

Simula kahapon, ayaw ni Yoh na kumain. Pero pag ako na ang nag-utos at nagpaandar, napipilitan talaga itong kumain. Siguro, alam ko lang talaga ang mga kiliti at kahinaan ni Jayden, kaya napapasunod ko ito. Para sa kabutihan nya naman din yun eh.

“Yoh, halika na. Tulog na tayo.” Aya ko dito.

Nahiga naman ito sa tabi ko. “Hindi pa ako inaantok Yoh eh. Mauna ka na. Kanina mo pa ako binabantayan na parang bata. Sigurado ako, pagod ka na.” Ngiti nito sa akin.

“Sus, ikaw pa! Best friend ata kita. Lahat naman siguro ng best friend, ganun din ang gagawin.” Sinuklian ko din ang mga ngiti nito. “How was school?”

“Ayos naman Yoh. Same old, same old.” Pareho lang kaming nakatitig sa kisame ng kwarto niya. “Ikaw Yoh, mag-aaral ka na ba ulit sa June?”

“Natural. Nasayang lang ako thi sem, kasi nga natigil ako sa Japan ng dalawang buwan. Alam mo Yoh, maganda dun. Lalo na sa bahay ni Papa sa Okinawa. Sigurado ako, magugustuhan mo dun.”

“Nyay. Imposible namang makapunta ako dun Yoh.”

“Bakit naman?”

“Basta.”

“Hahaha. Sige. Ako bahala. Basta someday, dadalhin kita dun.” Ngiti ko sa kanya.

“Yoh, usog ka dito. Lapit ka sakin. Baka mahulog ka sa kama.” Sabi nito nang maramdamang lumiliit na ang espasyo na ginagalawan ko sa kama nito. Dun ko naisipang banatan si Yoh.

“Ay! Pag umusog ako jan, baka sayo naman ako mahulog.”

“Awtsu! Kape pa Yoh! Hahahahaha.” At nagkatawanan na naman kami. “Na miss ko yang mga banat mo ah?”

Haaay. Na miss ko ang ganitong mga panahon. Yung kami lang dalawa sa isang pribadong lugar. Nag-uusap, nagkukulitan, nagkukumustahan.

Pero may kulang pa rin eh. The spark in his eyes. Hindi ko mahagilap sa kanya. Siguro nga dahil sa nangyayari sa kanila. Tss.

“Pero, promise ko sayo Yoh. This time, lalaban na ako. Ipaglalaban na kita. Ipaglalaban ko na ang nararamdaman ko para sayo. Asahan mo yan.” Sabi ko sa aking sarili, habang tinititigan ang maamong mukha ni Jayden.

“Salamat Yoh.” Pagkuwan ay nasabi nito.

“For what?”

“For being here with me. Kahit alam kong naging selfish ako dati nung nagtampo ako sa biglaan mong pag-alis, andito ka pa rin sa tabi ko’t dumadamay sa panahong kailangan ko ng masasandalan.” At may nasilayan na nga akong luha na namumuo sa gilid ng mga mata nito.

“Nyay. Bawal mag emo ngayon Yoh.” At pinahid ko ang mga luha niya sa mata. “Sabi ko naman sayo dati, hindi bagay sayo ang umiiyak. At ayaw na ayaw ko ang nakikita kang ganyan Yoh.”

“Masaya lang ako Yoh. Masaya lang ako’t andidito ka na ulit.” Ngiti nito, pero parang gusto na nitong gumuho at umiyak ng umiyak. Alam kong kinukubli lang nito ang sakit sa likod ng mga ngiti nito.

Niyakap ko si Jayden ng mahigpit. “Dito lang ako. At di na ako aalis pa. Andito na ako Yoh. Kaya wag ka ng malungkot ha?” Kapagkuwan ay kumalas na din ako sa yakap na yun. “O siya, matulog na po tayo. Good night Yoh.”

“Good night, Yukito.” Sabi nito. Nakita ko namang pumikit na si Jayden.

Pinatay ko na nga ang lampshade na nasa sidetable ng kama nito, at tuluyan na nga akong nakatulog.




Madaling-araw na ata. Nagising ako sa mga naririnig kong hikbi. Agad akong napabalikwas sa hinihigaan at binuksan ang lampshade. Nakita kong nasa sahig na si Jayden at umiiyak. Nilapitan ko lang ito at niyakap.

“Yoh, what’s wrong?”

“Yoh.” Humihikbi pa rin ito. “Yoh. Si Alfer.”

“Shhh.” Pagpapatahan ko dito at inalalayan itong ma-upo sa kama. “Wag mo a muna siyang isipin Yoh. Matulog ka na ulit.”

“Pero Yoh. Mahal ko yun eh. Di ko lang.. maintindihan kung bakit.. ginagawa niya sakin ito.”

“Shhh.”

“Okay lang naman kung.. hindi niya nagustuhan.. ang ginawa kong.. pag-amin tungkol sa amin. Pero sana.. kausapin nya naman ako. Hirap.. na hirap na ako Yoh.” Sa nakikita kong kalagayan ni Jayden ngayon, hindi ko maiwasang hindi magalit kay Alfer.

Tila hinihiwa ang buo kong katawan ng libu-libong kutsilyo sa tuwing nakikita kong nasasaktan si Jayden. Hindi ko kaya. Hindi.

Siguro kasalanan ko din ito eh. Kung sana, ipinaglaban ko noon si Jayden. Kung sana hindi ko nalang siya ipinaubaya kay Alfer. Di siguro hahantong sa ganito ang lahat. Pero wala ng saysay ang sisihin pa ang mga nangyari na.

“Yoh, tama na. Kakausapin ko si Alfer bukas na bukas din.”

“G-gagawin mo yun Yoh?” Humihikbi pa rin ito, pero hindi na sya gaanong umiiyak.

“Oo, naman Yoh. Wag ka ng umiiyak ah? Ayokong nakikita kang ganyan.” Sabi ko dito.

“Yoh?” Tawag niya sa akin ng maalalayan ko na siyang humiga na ulit sa kama. Napatingin naman ako sa kanya. “Hindi ko alam kung dine-deserve ba kita o ano. Pero, bakit mo to ginagawa? Bakit ang bait mo sa akin?”

Natigilan naman ako sa tinanong nyang iyon.

Naka-upo na ako sa kama, habang siya ay nakahiga na. Di ko siya matingnan ng direcho sa mga mata. Bahala na. Bahala na si Batman. All I have to do is to let my heart speak for me.

“Dahil mahal kita Yoh. Mahal na mahal kita.”



- Itutuloy -


12 comments:

  1. malapit na pong matapos ang istoryang ito. at nagawa ko na po ang Plot nung pangalawa kong storya. pero mamaya ko na yun ipopost pag tapos na, para iwas-delay. sana nagustuhan nyo ang chapter.. :)

    ReplyDelete
  2. Omg bmlik n c yui sna mgktuluyan n cla no jayden

    ReplyDelete
  3. next chapter plsss..team YuiDen...

    --> enzoh69

    ReplyDelete
  4. Ohmygod! #TeamYui panahon na para lumaban ulit! Faito! Ipaglalaban natin to di ba? #TeamYui tayo e! :D ~Ken

    ReplyDelete
  5. Bittersweet reunion. Sana sila na ang magkatuluyan. Thanks sa update.

    ReplyDelete
  6. thnx! Jace sa update,, sana tuloy tuloy na ang update mo.
    thank you so much!

    red 08

    ReplyDelete
  7. Next chapter pls...author

    ReplyDelete
  8. Waaahhhh ang ganda, yukito at jayden dapat kasi sila ang tunay na nagmamahan.


    Boholano Blogger

    ReplyDelete
  9. waaaaah! GRABE kuya jace! you sneeky, great author. bwahahaha! i love this chapter. panahon na para lumaban si Yukito. naaaays! kuya jace, add kita sa FB ah? hope to be good friends with you..

    ReplyDelete
  10. huhuhu patapos nah . . .Thanks po sa storyang ito kuya Jace . .hehehe . .teamALFER po ako dati ngay0n teamYOH na . .hihi

    ~jake

    ReplyDelete
  11. Yui my loves is back! Ipaglaban na yan!:)

    ReplyDelete
  12. eto na yon!! #TeamYui FTW .. kuya jace .. eto ha nagcomment na ulit ako.. lagi lang kasi ako nakamobile ih.. alam mo na.. thesis .. sorry na po ha..

    --Hao_Inoue--

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails