Followers

Wednesday, August 6, 2014

Love Is... Chapter 06




AUTHOR’S NOTE: Unang-una sa lahat ang pagpapasalamat ko sa lahat ng taga-pagbasa ng akda ko na ito. Ang sarap sa pakiramdam na kahit sa simpleng paraan lang ay may makakapagpataba ng puso ko. Hinay-hinay lang kayo ha? Baka mahigh-blood ako. Nyahahahaha! Ito na yung mahaaaaabang A/N. Dahil hindi ako nakapag-A/N dun sa last updates ko. :D

Salamat kila EPPY2667 (Hi Baby! :D), MR. YOSO, REY T., PRINCE JUSTIN (Hi Red! :D), JOHNNY QUEST, VALINTIN OLINGAY, FRANZ, MADZTORM, MARVS, ANGELO OF KUWAIT, ERIC DOWE, GREEN (Meron na bang new episode yung FREE: Eternal Summer? Haha), ALFRED OF T.O., JIHI NG PAMPANGA, ANGEL (Na nagbigay suggestion tungkol sa POV’s. Hahaha! Pasensya ka na kung ngayon ko lang ito mamimention dito. Salamat! :D), JOE, -HARDNAME-, AZ, BHARU, KRVT61, M.D.A.E. TAN, YELSNA REYES, YEORIM, sa mga SILENT READERS at sa hindi mabilang na ANONYMOUS! Kapit lang guys! Sana ay marami pa tayong pagsasamahan. Pati na rin sa mga bago kong FB FRIENDS, at sa mga bagong members ng GROUP. Hindi ko na kayo iisa-isahin, I know na gusto niyo rin naman na mamention dito, kaso, ang totoo niyan eh, hindi ko matandaan kayo lahat. Hehe. Sorry! :D

Gusto ko lang sagutin dito sa A/N na to yung issue ni PRINCE JUSTIN sa Chapter 5. Bakit daw naging bakla si Riel? When the fact is, sinasabi niyang Bi lang daw siya? First of all, Riel categorized himself as Bisexual kasi: una, Riel thought that being gay is like those all out kung makapagpahayag ng kanilang kasarian. Well basically, ang dami naman talagang classification ng pagiging bakla di ba? It is about every person’s preferences; pangalawa, gaya nga nung sabi sa kanya nung Ate niya, mas gusto niya ang lalaki kesa sa babae, so it’ll make him gay. May nakausap nga ako dati, some bisexuals daw ay mas preferred yung same sex ang partners kesa sa opposite. I am really not an expert about these things, sinasabi ko lamang kung ano ang sa palagay ko ang explanation ng isipan ko. Ang dami kasing nanghuhusga, kaya mapipilitan ka na lamang tanggapin kung ano yung sinasabi ng iba, para lang makibagay at matanggap ka.

Maraming salamat din kila Sir Ponse at Sir Mike sa pagbigay ng opportunity na maipost dito itong kwento na gawa ko. :D

Hi Bluerose, Jace at Alvin! Kumusta kayo?

So! Ito na ang simula ng pagbabago. Longer chapters are on! :D Chapter 6! Enjoy! :D Hindi ko nga alam kung mahaba na ba ito para sa inyo, pero sana ganun na nga. Haha.

Don’t forget to drop your thoughts after reading guys. Dun niyo kasi ako napapasaya. Please do add me also sa

Group: www.facebook.com/groups/ryeevangelistasstories. Feel free! :D I love you all!  

DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author’s imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.


LOVE IS…
  Rye Evangelista
theryeevangelista@gmail.com


CHAPTER VI


“Uhm. Red. Wait lang.” Pagpigil ko sa kanya sa pagpasok.

“Ano yun?” Nag-aalalang tanong niya.

“Don’t worry. Hindi mo dapat ikabahala ito. Gusto ko lang magpasalamat.” Sambit ko.

“Para saan?” Naguguluhan niyang tanong.

“Sa pag-aalala. Hayaan mo, pag-iisipan ko yung lahat ng sinabi mo. Just give me time, okay?” Sa wakas nasabi ko rin. Kapag kasi gusto kong sabihin to sa kanya, palagi na lang akong nahihiya.

Ugh!

Bumibigay na talaga ako sa kanya.

Okay lang naman, kasi totoo naman yung paghingi niya ng tawad. Isang maling galaw lang na gawin niya. Matutulad din siya kay Elijah.

Lumiwanag naman ang kanyang mukha.

Yung parang nabuhayan.

“Talaga? Salamat ha!” Masayang tugon niya.

Nayakap pa niya ako.

Nagulat man ako, sinuklian ko rin naman ito.

Napabalikwas naman siya sa pagkakayakap sa akin.

Natulala ulit ako.

Napakamot naman siya ng ulo.

“Ah… Eh… Sorry ha? Hehe. Masaya lang ako.” Aniya. Tumakbo na rin ito papasok sa classroom. Makikita mo sa kanya ang tuwa.

Nasaan na kaya si Brett?

Siguro di pa nakukuha yung reward.

Pumasok na lang ako sa classroom namin. 20 minutes pa bago ang sunod na subject namin. Nakinig na lang ako sa iPod ko’t tumingin sa labas ng bintana.

Napailing na lang ako sa aking mga iniisip.

Invisible Elijah.

Itatatak ko yan sa utak ko.

------

Natapos ang apat na subject namin sa umaga. Nakikinig lamang ako buong oras sa mga subject na yun dahil sa paglipad ng isip ko. I had enough today. Gusto ko munang umuwi ng maaga mamayang uwian. Pagbibilinan ko na lang ang SC members na bukas na lang kami magmimeet.

Naglunch kami nila Brett, Ate Xynth at Yukino sa labas ng campus. Yung paborito kong Café malapit sa school. I feel like I want sweets for lunch.

Nagreklamo nga si Brett na hindi kami nun mabubusog. Pero sumang-ayon naman sakin sila Ate Xynth at Yukino. Talo siya, kaya doon din ang tuloy namin.

Inorder ko ang paborito kong Cookies and Cream flavored ice cream at ang paborito kong Choco Brownie Cake! Yay! Mabubusog ako nito! Buti na lang may naipon ako. Miss ko na rin dito kumain, kasi nung bago magbakasyon, sila Brett lang naman ang kasama ko kapag may pera akong pangkain dito. Most of the time na kakain kami dito nililibre ako ng best friend ko. O di ba? Di ka pa ba niyan mai-in-love kay Brett.

Masaya lang naming kinain yung mga inorder namin.

Natigil naman sa kakasalita yung mga kasama ko.

Napatingin tuloy ako sa kanila.

“Anyare?” Tanong ko sabay subo ng cake.

Nakita ko namang ngumuso si Yukino.

Tumingin naman ako sa direksyon ng nginunguso niya.

Natigil din kasi sila Ate Xynth at Brett. Alam kong alam na ni Ate Xynth kung sino itong lumapit sa table namin. Hindi maitatangging maraming chismosa sa school.

“Oh! Ericka, bakit ka andito?” Tanong ko sa kanya. Yung kapatid niya naman yung kaaway ko. So wala akong dahilan para hindi siya bigyan ng magandang pakikitungo.

Napansin ko rin na may kung anong tinatago siya sa likod.

“Ah… Eh…” Nahihiya niyang pagsisimula.

“Uyyy!” Pang-aalaska nila Ate Xynth at Yukino. Humagikgik pa sila. Kala siguro nila magkoconfess. Kung alam lang nila.

Si Brett? Patuloy sa pagkain.

Alam na niya kasi. Naikwento ko na nung recess. Nagalit din nga eh, pero sabi ko hayaan na lang. Kasi nga invisible na siya para sa akin.

“Hmmmm?” Pagkukumbinsi ko sa kanyang magpatuloy.

“I believe, this one is yours.” Aniya. Sabay abot noong paperbag.

Napatango na lang ako.

Napansin kong bukas na rin ito.

“No. Sa kapatid mo na yan. Pakisabi na lang na remembrance ko. At least may alaala siya ni Gabriel Dela Rama.” Mahinahon kong pahayag sa kanya.

Kita sa mukha niya ang pagkadismaya. Napatango na lang ito at tuluyan nang umalis.

Nabigla naman sila Ate Xynth at Yukino sa sinabi ko. Brett knows what’s going on, pero yung dalawa hindi. Kaya ayun, ikwenento ko na rin sa kanila.

I think they deserve to know. Yun nga, nang maisalaysay ko, nasa panig ko na rin ang dalawa kong kaibigan.

-----

Bumalik kami ng school for our last subjects.

Natapos naman ito agad.

Yosh! Makakauwi na ako!

Binilin ko na lang kay Brett yung pagkansela ng meeting namin ngayong hapon.

Nagpaalam na rin naman ako kay Ms. Salveda.

Nagsimula na akong maglakad pauwi. As usual, nakinig ulit ako ng musika. Kinakanta ko pa ito habang naglalakad. Marami nga akong napapansin na nakikinig sa akin. Marami silang sinasabi, hindi ko naman maintindihan kasi malakas akong magpatugtug. 75% ang volume ko. Ewan ko kung bakit hindi pa basag eardrums ko. Haha.

5 minutes na lang na lakarin, makakarating na rin ako sa bahay.

Napansin kong may nakaconvoy pala sa akin na itim na kotse. Hindi pamilyar kaya ininda ko na lang. Ready na ako kung sakali man na holdup o kidnap to. Haha. Pinabilinan na kasi ako ni Ate, nung maikwento ko sa kanya yung nangyari sa akin nung isang araw.

Pepper spray! Yay! Salamat kay Eya! Hahaha.

Patuloy lang ako sa paglalakad. Pakanta-kanta ulit.

“Aray!” Naisigaw ko nang may kung anong matigas na bagay ang tumama sa aking paa.

Napansin ko yung paperbag na nasa loob sana yung reward namin sa quiz.

Kinuha ko ito at binuksan para malaman kung hindi napano yung bagay na nasa loob.

Nabunutan naman ako ng tinik dahil hindi naman ito nasira.

Tumingin ako doon sa kotse na sumusunod saakin.

Nakita ko si Elijah at Ericka sa loob nun.

Nabigla man ako. I kept my cool. Invisible Elijah. Tsk.

Nagpatuloy naman ako sa paglalakad.

Medyo hininaan ko ang volume ng pinapakinggan ko.

“Gabriel. Sorry na, please…” Sigaw ni Elijah.

Hindi ko naman ito pinansin. Magpapanggap na lang ako na wala akong naririnig.

“Gabriel. Sorry na!” Sigaw niya ulit.

Aba! Kung makahingi ng sorry ay parang kay dali-dali. Nagpatuloy pa rin ako sa paglalakad.

“Gabriel. Patawarin mo na si Eli. Please?” Ngayon si Ericka naman yung nagsisigaw.

Napatingin tuloy ako dun sa kanila.

Papanindigan ko na lang kong ano ang gusto ko. Malapit na rin ako sa bahay. Sampung tapak na lang.

“Ano yun Ericka?” Tanong ko rito sabay tanggal ko sa aking earpods.

“Patawarin mo na si Eli...” Pag-uulit niya rito.

Sakto ang dating ko.

“Who’s Eli?” Balik tanong ko rito. Nalungkot naman ito sa aking sinabi.

Nanlumo din yung kuwago. Buti nga sayo.

“I don’t know what you’re talking about Ericka.” Huling saad ko sa kanya. Bago ako pumasok. Inilagay ko sa may basurahan yung paperbag. “Sige Ericka, pasok na ko.” Natulala lamang sila sa ginawa ko.

Sorry Ericka. Ayoko nang masaktan ulit.

Your brother deserves it.

Tuluyan na nga akong pumasok. Nagsisisi man akong ganun ang akto ko sa kanila, okay na rin yun para makita niyang seryoso ako sa mga sinabi ko.

Dahil sweldo day ni Ate, nagbilin siyang huwag na akong magluto. Magdadala na lang daw sila ni Kuya Terrence ng mga pagkain.

Kaya ito ako ngayon sa sala namin. Naghihintay sa pagdating nilang dalawa. Nakabihis na rin ako ng pambahay.

Siguro dahil sa pagod, kaya napaidlip na rin ako.

-----

Elijah’s POV

Nasagad ko ata ang pasensya ni Gabriel.

Nanlumo lang ako nang hindi niya tinanggap ang paghingi ko ng tawad.

Nakita ko na lang na nilapag niya ang paperbag sa tabi ng basurahan sa harapan ng kanilang bahay bago ito tuluyang pumasok.

Natulala ako sa ginawa niya.

“Manong itigil niyo po ang kotse.” Nanlulumo kong utos sa driver namin.

Agad naman itong sumangguni sa aking utos.

“Eli. Anong gagawin mo?” Tanong ng kapatid ko.

Hindi ko siya sinagot.

Dali-dali kong binuksan ang pinto ng kotse at nagtungo sa basurahan na nasa harap ng bahay nila Gabriel.

Agad kong pinulot ang paperbag na yun.

I went too overboard.

Oo. Naiinis ako sa kanya dahil dun sa nangyari kahapon. Pero, nawala na yun lahat dahil sa nangyari kanina.

Yes! I want to provoke him. Pero, sa inis ko, ang daming lumabas sa bibig ko. Yun bang maituturing na ‘below-the-belt’. Pero ako talaga yun. That’s me when I’m still in Manila. Kaya nga kami lumipat dito, dahil sa akin. Naexpel lang naman ako. Kaya nadamay na rin ang kakambal ko sa paglipat ko.

Hindi ko nga malaman sa sarili ko na nagpatalo na lang ako sa tulad niya. Pero kasi, lahat ng mga sinabi niya kanina, tagos sa pagkatao ko. Well, kasalanan ko naman. I deserve that kind of treatment from him.

“Eli!” Mahinang pagtawag sa akin ni Eri. Napalingon naman ako sa kanya.

Napailing na lang ito. Tanda ng pagsuko.

Napatango na lang ako sa kanya.

Bago ako bumalik sa kotse, nilingon ko na lang ang bahay nila Gabriel.

Someday, mapapatawad mo rin ako.

I’ll do everything.

Hawak-hawak ko pa rin yung paperbag sa pagbabalik ko sa loob ng kotse namin. Alam ko na ang laman nito.

Naalala ko tuloy yung sinabi niya bago siya umalis dun sa lugar kung saan dapat niyang makukuha ang bagay na ito.

“By the way. Iyo na lang yang reward ko. I know na naman kung ano yan. Baka sakaling hindi ka pa nagkakaron niyan.”

Dahan-dahan kong binuksan ang paperbag at kinuha ang bagay na nasa loob nito.

Alarm Clock ito. I know, typical na giveaway gift. Marami kaya nito sa mall.

Pero tuluyan kong napagtanto ang importansya nito noong una ko itong makita.

Hindi lang kasi ito Alarm Clock lang. Hugis puso rin ito.

Am I that mean? Na it makes me heartless?

Wala ba talaga akong puso? Aish!

Alam ko ang sama ko!

Alarm Clock. Ang gigising sayo sa umaga kapag may pasok at sa mga oras na kinakailangan mo. Ang mag-papaalala sayo na may dapat ka pang gawin.

Ito na ba ang oras para sa pagbabago?

Napangiti na lang ako sa mga iniisip ko.

The Great Elijah Martinez has been defeated by Gabriel Dela Rama.

“Okay ka lang Eli? Weird mo masyado. Ikaw na nga yung nagkaroon ng katapat, nakangiti ka pa riyan.” Nagtatakang tanong nito.

Napailing naman ako sa kanya.

“Hay naku! Bakit kasi dinala mo pa yang ugali mo rito sa bago nating school. Ayoko na lumipat ulit huh! Dapat college na tayo! Pero dahil sayo, heto tayo ngayon. Senior High ulit!” Out of frustrations niyang pahayag.

“Hayaan mo na, dahil sa akin, hindi natin mamimiss ang pagiging estudyante sa high school di ba? At least nagkaroon pa tayo ng isa pang taon.” Natatawa kong sagot sa kanya.

Totoo naman kasi di ba? High school is the best part of our life!

“Ahhhhhh! Ewan ko sayo! Basta ayusin mo na to! Ayoko ko na talagang lumipat at umulit ng umulit! Ayokong maiwan ulit ng mga kaibigan ko!” Pagmamaktol niya.

“Oo na. Promise.” Napailing na lang ako.

“Manong, tara na po. Uwi na po tayo.” Utos naman ni Eri sa driver namin.

Napabuntong-hininga na lamang ako at tumingin sa labas.

Kaya ko bang magbago?

Wala naman sigurong masama di ba?

Kasabay dun ang pagkuha ng loob ni Gabriel.

I have this feeling na dapat ko siyang makabati.

He’s the reason why I am like this anyway. Mabuti na lang nagkaroon na ng kulay ang high school life ko.


Riel’s POV

“Riel! Riel!” Aniya ng gumigising sa akin.

“Hmm.” Sagot ko rito.

Unti-unti ko namang binuksan ang mga mata ko’t nakita ang nakangiting sila Ate at Kuya Terrence.

“Oh, andito na pala kayo. Kakain na ba?” Tanong ko sa kanila. Tanging tango lamang ang naging tugon nito sa aking tanong.

Iniwan nila ako roon sa sala para pumunta sa dining area namin.

Agad naman akong napabalikwas ng pagkakahiga upang pumunta roon sa dining.

“Wow! Ayos Ate ah! May bonus ka bang natanggap ngayon? Ang dami ata ng hapunan natin ngayon.” Masayang sambit ko.

“Wala, alam mo naman tong Kuya Terrence mo, kapag payday eh, parang fiesta kung makapamili ng pagkain.” Tugon nito sa akin.

Tumango naman ako para sa aking sagot.

Masaya naming pinagsaluhan ang mga pagkaing nakahain sa aming harapan. Nagkwentuhan na rin kami sa gitna ng aming mga pag-subo.

“Hayst! Busog na busog ako dun ah!” Nasambit ko sa kanila ng matapos kaming kumain. Naisandal ko pa ang aking likod sa Backrest ng aking upuan.

Natawa naman yung dalawa sa inasal ko.

“Halata nga. Halos ikaw kaya yung nakaubos nung chicken.” Si Ate sabay tawa. Nakitawa na rin sa kanya si Kuya Terrence.

Nagkatinginan itong dalawa na parang may pinag-uusapan gamit lamang ang isipan.

Weird!

Ano kayang pinag-uusapan nila?

Tumango si Ate Karisma sa mga titig ni Kuya Terrence. Humarap ito sa akin.

“Riel…” Pagsisimula nito.

Itinuon ko naman ang atensyon ko sa kanya.

“Ano yun? May sasabihin ba kayo sa akin? Kanina pa kayo parang nag-uusap thru telepathy.” Naguguluhan kong tugon.

“Pupunta na kasi kami ni Terrence sa malayong lugar. Uhm, kung sakali ba, okay lang sayo na maiwan?” Medyo may lungkot sa pagkakasambit niya nito.

“Saan naman kayo pupunta? After ba ng kasal? Oo naman no! Ayoko namang makasagabal sa mga gagawin niyo.” Sagot ko kay Ate.

Naguguluhan ako sa mga pinagsasabi ni Ate. It’s like nagpapaalam sila for good.

Ipinagkibit-balikat ko na lang itong mga iniisip ko. Naisip ko na makinig muna sa mga sasabihin nila. Baka tungkol lang naman to sa mga plano nila after ng kasal.

“Ang ibig sabihin ng Ate mo ay yung for good.” Dagdag ni Kuya Terrence. Hindi naman ito makatingin sa akin.

“Oo naman Kuya, Ate, don’t worry about me. Kaya ko na ang sarili ko no. Besides, Senior na kaya ako, scholar naman ako. Yung allowance na lang siguro ang poproblemahin ko. Siguro naman makakapag-hanap na rin ako ng part-time jobs di ba? Tsaka, ayoko naman na maging pabigat sainyo, kapag college na ako.” Pagpapaliwanag ko. Although, hindi ko pa alam kung kaya ko nga ba talaga na mag-isa..

Napabuntong-hininga naman si Ate sa aking mga sinabi.

Mayroon akong narinig na mga yapak papalapit sa dining area namin.

“May bisita ba tayo?” Tanong ko sa dalawa. Hindi naman nila ako sinagot.

Papalingon na sana ako nang marinig kong tumunog ang aking cell phone. Saan ko ba yun naiwan? Ah! Sa sala! Tumayo ako para sana magmadali para kunin ang aking cell phone. Pagkaharap ko sa daanan papuntang sala ay natigilan na lamang ako bigla.

“Mama… Papa…” Agad na nasambit ko nang makita sila. Naitakip ko na lang bigla sa aking bibig ang aking kanang kamay.

Marahan namang pumunta sa tabi nila sila Ate Karisma at Kuya Terrence.

“Basta Riel. Ipangako mo na magiging matatag ka sa lahat ng oras. This is not God’s fault, yan ang pakatatandaan mo. Mag-iingat ka lagi Riel. Mahal na mahal ka namin.” Sambit ni Ate.

Hindi ko na namalayan na tumulo na ang mga luha ko.

“Ano bang ibig mong sabihin, Ate?” Medyo nauutal kong tanong dahil sa aking paghikbi. Unti-unti namang lumalayo ang mga imahe nila sa paningin ko.

Kriiiiiiiiiiiing! Kriiiiiiiiiiiing! Kriiiiiiiiiiiing!

“Hindi!” Naisigaw ko.

Narinig kong muli ang tunog ng aking cell phone, nasa tabi ko lang pala ito.

Nag-alarm nga pala kasi ako ng 6:30.

Hinahabol ko ang aking hininga sa nangyari.

Panaginip lang pala.

Malalim akong napabuntong-hininga.

Agad ko namang kinuha ang aking cell phone at sinagot ito.

“Hello, Ate Xynth, bakit napatawag ka?” Tanong ko rito.

“Riel! Nanonood ka ba ng balita ngayon? Bilisan mo, panoorin mo!” Mabilis nitong tugon sa akin. Medyo natataranta pa ito base sa boses nito.

Naguguluhan man, agad kong inabot ang remote at binuksan ang TV.

Bumungad sa akin ang isang live flash news ng aksidente malapit sa aming subdivision. Isang kotse na nabundol ng Truck.

Kinabahan ako sa aking nakita. Alam kong kapareho ng kotse na yon ang kotse ni Kuya Terrence.

Dali-dali kong nilakasan ang volume ng TV para marinig ang kabuuan ng balita.

Diyos ko! ‘Wag naman po sana. Dasal ko.

“Kasalukuyan pong isinugod ang mga biktima ng aksidente sa malapit na ospital. Napagkakilanlan ang dalawang biktima mula sa mga nakuhang Identification Cards, ito’y sila Terrence Chua at Karisma Dela Rama…” Sambit ng Reporter.

Natulala ako sa aking narinig.

Hindi! Hindi ito nangyayari di ba?

“Sa mga kamag-anak po ng mga biktima, mainam po na pumunta na lamang kayo sa St. Joseph Hospital. Kasalukuyang nasa custody na ng mga pulis ang driver ng truck na napag-alaman ding lasing—“ Hindi ko na tinapos pa ang balita.

Dali-dali akong nagbihis at pumunta sa nasabing ospital.

Hindi na rin pala ako nakapag-paalaman kay Ate Xynth sa kabilang linya. Pinutol niya na rin ito ng kusa.

Nakarating ako sa ospital na hindi alam ang gagawin.

Nakita ko na lamang sa isang sulok ang pamilya ni Kuya Terrence. Umiiyak silang lahat.

Naguguluhan man ako. Sinikap ko na magpakatatag, gaya ng sabi sa akin ni Ate sa panaginip ko.

Buhay pa sila.

Yun ang itinatak ko sa isipan ko.

Lumapit agad sa akin si Joyce nang makita niya ako, kapatid siya ni Kuya Terrence.

“Kuya Riel…” Umiiyak pa rin siya. Tinatagan ko pa rin ang sarili ko.

“Okay na sila di ba? Hindi naman ganoon kalala ang nangyari di ba? Wag kang mag-alala Joyce, malakas silang dalawa. Kakayanin nila to.” Mahinahon kong tugon sa kanya.

Umiiling ito sa sinabi ko. Umiyak siya lalo.

“Ano ba Joyce? Okay lang sila di ba? Ikakasal pa sila!” Muling tanong ko sa kanya. Tumaas na rin ang boses ko.

“Riel, Iho. Calm down.” Ani ng isang nakatatandang babae sa akin. Lumapit pala sa amin sila Tita Rina at Tito Armando.

“Tito, Tita… Okay lang po sila di ba? Nagpapagaling na po sila di ba? Si Joyce po kasi hindi ako sinasagot.” Napapaiyak na ako sa katotohanan na gusto kong malaman. Pero ayoko, ayokong maging mag-isa. Ulila na nga ako sa mga magulang. Iiwan pa ako ng kapatid ko. Hindi iyon maaari!

Umiyak muli si Tita Rina sa mga sinabi ko. Agad naman itong dinaluhan ni Tito Armando.

Bumaling muli ito sa akin at tanging iling lamang ang isinukli sa mga tanong ko.

“Dead on arrival sila, Kuya Riel.” Tugon sa akin ni Joyce. Napahagulhul na ito.

Napaupo ako sa pagsuko. Unti-unti na lang bumuhos ang mga luha sa aking mga mata. Naitakip ko na lang ang mga kamay ko sa aking mukha. Humagulhol na rin ako sa katotohanan.

Mag-isa na lang ako. Bakit ba kailangan mangyari sa akin to?

Agad akong nakaramdam ng mga bisig na yumakap sa akin.

Safety is what you can feel from it.

Iniiyak ko lang lahat ng nasa aking kalooban.

Nangako kami noon ni Ate na hindi na kami muling iiyak. Pero, sa mga oras na ito, hindi ko kayang hindi ilabas ang nararamdaman ko.

Nakaramdam ako ng mga haplos sa aking likuran, it somewhat gave me calmness.

Iniyak ko na lamang lahat, hanggang sa maubos ang mga ito. Sabi nga nila, sa pamamagitan ng pag-iyak, mailalabas lahat ng hinanakit mo sa buhay. Matagal ko na rin tong gustong ilabas, pero, napagkasunduan namin ni Ate na magpakakatag na lang.

Kinalaunan, unti-unti na rin akong tumigil sa pag-iyak.

Di ko pa man kilala kung sino itong nagpagaan ng loob ko ngayon, nagpapasalamat na ako’t kahit papaano, ay nadama ko na hindi ako nag-iisa sa mga oras na ito.

Naalala ko na lang yung mga bilin ni Ate sa panaginip ko.

Sisikapin kong maging matatag kahit na mahirap. Hindi naman ordinaryong problema tong kinakaharap ko ngayon.

Unti-unti akong kumalas sa pagkakayakap ng kung sino man na nakayakap sa akin. I’ve tried to compose myself a little para naman hindi ako wasted kapag nagpasalamat na ako sa kanya.

“Red?” Naiusal ko.

Ngumiti lamang ito bilang tugon. Mababasa mo sa mga mata niyang parang sinasabing magiging okay din ang lahat.

Tango lamang ang naitugon kong muli sa kanya.

“Thank you.”

Tumango ito at pinunas ang basang pisngi ko.

Nagulat man ako sa ginawa niya, hinayan ko na lang bilang ganti sa pagpapatahan sa akin.


Red’s POV

Yakap-yakap ko si Riel habang siya’y umiiyak. I can feel him. He’s just letting his self burst all the emotions he’s feeling right now. Hindi ko pa man naranasan na mawalan ng kapamilya, alam ko ang sakit, lungkot o ang pakiramdam ng ganoon. I don’t want him crying. Nasasaktan ako.

“Red?” Nagtataka niyang tanong ng sa wakas ay tumigil na siya sa pag-iyak.

Tanging ngiti lamang ang isinukli ko sa kanya. I want him to know that I’m always here. That somehow, I can feel him.

That’s the Riel I know, simpleng gestures lang, kuha ka na niya.

How do I know? Stalker nga ako di ba?

Tumango naman ito sa aking ginawa. O di ba? Gabriel Dela Rama is definitely a mind reader.

“Thank you!” Sinserong tugon niya.

Napansin kong pulang-pula ang kanyang mga mata, basang-basa rin ang kanyang pisngi. Kaya pala konti lang yung basa ng damit ko sa may parte ng balikat ko kung saan siya nag-iiyak. Hindi niya pala idinampi ang kanyang mukha sa aking balikat.

Pinunasan ko ang pisngi niya gamit ang panyong kanina ko pa hawak-hawak.

Umalis kasi yung pamilya ng nobyo ng kapatid ni Riel, para asikasuhin ang mga labi ng dalawa.

“Riel!” Sigaw ng kararating pa lang na si Brett.

Napatingin naman ako sa kinaroroonan nito.

Hinahabol pa nito ang hininga dahil sa pagod.

Napatingin naman si Riel sa kanya.

Napangiti ito, ngunit bakas dito ang lungkot.

Agad namang lumapit sa amin si Brett.

“Kumusta sila Ate Karisma?” Agad na tanong nito sa best friend.

For the first time, nauna ako kay Brett.

Pero, di iyon ang issue ngayon. I don’t care who came first to somewhat make Riel feel, that he has a shoulder to cry on. Ang importante ngayon ay ang karamay niya sa mga oras na ito. Masaya lang ako dahil, ako ang nauna sa pagpapadamang may makakapitan siya.

Hindi ko nga alam kung anong pumasok sa isip ko na magmadali papunta rito sa ospital. I just found myself driving my way here matapos kong marinig ang balita. At agad siyang niyakap ng makitang nasa ganoon siyang kalagayan.

Tanging iling lamang ang naisagot nito kay Brett. Mahahalata mo sa ekspresyon ng kanyang mukha na iiyak na naman siya.

Agad ko namang hinaplos ang kanyang likod para kumalma.

Napatingin lamang ito sa akin dahil sa aking ginawa at tumango.

Nanlumo naman sa sagot ni Riel si Brett. “Condelence, Riel.” Huling tugon nito sa kaibigan. Hinaplos na lang nito ang balikat ni Riel tanda ng pakikiramay.

Tumango naman ito sa kanya.

Napatingin naman sa akin si Brett. May pagtataka sa kanyang mga titig.

“Buti, nakapunta ka agad, Red. At least, may nakasama siya rito.”Aniya.

Tanging tango na lamang ang aking naisagot. Riel needs silence for the mean time. Alam kong di pa siya tuluyang nakakaahon sa nangyari. Gaya na lang noong namatay ang kanyang mga magulang.

Napagkasunduan ng pamilya ni Kuya Terrence na iburol ang mga labi ng magkasintahan sa tahanan ng mga Chua. Umayon naman dito si Riel.

Lugmok pa rin siya sa mga pangyayari.

Ngumingiti kapag kailangan, ngunit pagkatapos nito’y mababakas sa mukha niya ang lahat ng sakit na nadarama niya.

He’s not crying though, but still, it shows how hard for him to accept what has happened.

Naalala ko tuloy yung sinabi ni Elijah sa kanya noong hinahanap namin yung reward namin galing kay Ms. Salveda.

Ulila na nga siyang tuluyan.

Masakit tanggapin na sa isang iglap lamang, mararanasan niya ito ng tuluyan.

Gabi-gabi, kapag kami-kami na lamang ang nasa loob ng sala kung saan makikita ng mga bisita ang mga labi ng magkasintahan, umiiyak si Riel. It seems, he wants to show people that he’s strong, pero kapag wala nang nakamasid o kumakausap sa kanya, ibinubuhos niya lahat ng kanyang nararamdaman.

“Hayaan muna natin siya.” Pagpigil sa akin ni Brett, isang gabing nakita ko na naman siyang umiiyak. “Riel, will get through it. We just have to give him time and space. Alam kong nag-aalala ka sa kanya, but please understand.” Dagdag niya.

Tanging tango lamang ang naisagot ko sa kanya noon, at nagmasid na lamang ako sa isang tabi, just in case na maghanap siya ng makakasama.

As much as possible, sinisigurado kong andito ako after class. Umuuwi lamang ako kapag nasigurado ko nang nagpapahinga na siya. Mabuti na lamang at maunawain ang pamilya nila Kuya Terrence. 10 days daw kasi ang burol, kaya 10 days din na hindi papasok si Riel.


Brett’s POV

Nagtataka ako sa kinikilos ng pinsan ko simula noong nakita ko siya sa ospital kasama si Riel. Although, I have nothing about it, maganda ngang nandoon siya to comfort Riel. It’s just weird seeing him in such incident.

Kaya one time, I asked him as to what’s going on.

Hindi ako nakakuha ng direktang sagot. Nakita kong he’s bullying Riel, almost everyday noong Junior High kami. Ewan ko nga ba sa kanya. Hindi naman siya ganoon noong lower years. Pala-aral at friendly naman siya.

Pero, matapos nung pag-uusap namin, ako na mismo ang nakapagkompirma kung bakit, base sa mga kinikilos niya kapag kaharap si Riel.

Naguluhan nga ako. Hindi naman siya ganito noon. I’ve witnessed how he dated girls, noong Grade 10 kami. Napabarkada kasi sa maling grupo.

“I have nothing against what you feel about Riel. I just want you to know that, I love Riel. I love my best friend.” Saad ko sa kanya noong gusto niya sanang lapitan si Riel dahil umiiyak na naman ito.

Napatingin naman siya sa akin, nagtataka. Maraming katanungan na mababasa mo sa kanyang mata.

Yes, I love him! Sigaw ng isipan ko. Ngunit hindi na iyon maaari.

“Ayoko siyang nasasaktan.” Dagdag ko. Tumango naman ito. Tumingin ulit siya kay Riel. Puno ng pag-aalala.

Ganyan din ang naramdaman ko noong nawala ang mga magulang niya. Yung parang dinudurog ang puso mo sa nakikita mo sa kanya. Na ayaw mong nasasaktan siya ng sobra. Na kung pwede lamang na makipagpalit ng sitwasyon ay gagawin mo, wag lamang masaktan ang taong mahal mo.

“Kaya kung kaya mo, gawin mong masaya ang best friend ko. Alam kong ayaw mo rin siyang nakikitang malungkot at umiiyak. He’s been through a lot; he doesn’t deserve to be in this situation again.” Payo ko sa kanya. Kahit papaano, kilala ko ang pinsan ko. Ginagawa niya rin ito sa mga pinsan namin kapag may ganitong sitwasyon, pero iba itong ngayon, kasi ito’y para sa gusto niyang tao, kay Riel.

“Alam ko naman yun, Brett. Salamat sa tiwala. Sa abot ng aking makakaya, gagawin kong masaya muli ang mundo ni Riel, pagkatapos nito.” Aniya.

Mahal ko ang best friend ko, higit pa sa relasyon na meron kami. Pero sa pagkakataong ito, hindi na yun maaaring mangyari. Our fate is to be best friends only. Mahal ko siya, pero mahal ko rin ang fiancée ko. Mas nauna ko kasing minahal si Iris, bago siya. Ang pag-ibig na nabuo dahil sa mga karanasan na naranasan ko kasama Riel.

Riel deserves to be happy. At kung si Red ang makakapagbigay noon, hahayaan ko siya. Andito pa rin naman ako eh, magmamahal ng palihim. Ngunit, pagmamahal na nakalimita lamang bilang isang matalik na kaibigan.

I wonder if Tita knows about his preference. Well, hindi ako ang dapat magsabi nun sa kanila. I know Red has his ways.




Itutuloy…

18 comments:

  1. nakakaiyak naman, sobrang lungkot. ayoko ng malungkot, gusto ko masaya. pero pag may lungkot, may kapalit nmang ligaya. kelan pa kaya yun, e ke bata-bata pa nya.

    bharu

    ReplyDelete
  2. Ang gandah!! Ahahahaha... OMG. nakakainis. Kaya mo yan riel.

    ReplyDelete
  3. So tragic...meron bamg nangyari na ganito sa totoong buhay? I sure hope not......Mahirap....Thanks for the update Rye(hope you don't mind me calling you Rye). You are a good writer. Maaatake kami sa puso nito Hahaha.

    ReplyDelete
  4. Oh my ang tragic naman ng life ni Riel. Ang bilis ng turn ng events. Anyway, I super love Red's character, reminds me of Aldred from Blue. Haha Si Brett naman may lihim na pag-ibig, mapanindigan kaya niya yan?. Hmmm. And Eli, ang susunod na Red sa buhay ni Riel. It's getting complicated, which is good. Keep it up! Marvs

    ReplyDelete
  5. Woww.. Great work :)

    O nag.comment na ako mr.author :)

    -Geology stud

    ReplyDelete
  6. Aww bakit naman ganun? Kawawa naman ang bida natin paano na siya ngayon? Sino kaya ang tutulong kay Riel para makabangon ulit? Si Brett Red o Eli? Hay affected much. author sa wakas ang tagal ko na iniintay yun eh.

    ReplyDelete
  7. Author may tanong lang ako bakit parang may madilim na nakaraan si Eli? Isa ba yung misteryo na dapat namin abangan?

    ReplyDelete
  8. too bad, some relationships are just befitted to as being best of friends only..
    ang drama nmn ng buhay ni riel.. hahaha.. pero aklis me ngmamahal pa rin
    skanya khit palihim haha

    jihi ng pampanga

    ReplyDelete
  9. Maayos lang, kuya Rye..

    Ikaw? Kumusta din? lol

    ReplyDelete
    Replies
    1. Mabuti naman kung ganun! FE!! Syet! Magbabasa na ako! Haha!

      Delete
    2. Hahaha! Naka-post na kaya yong FE ko.. jan na siya..

      Delete
  10. Hahaha mahaba haba na sya :) wala pa atang new episode baka sunday lol thanks sa pag mention sakin rye.and CONGRATS ayiii nekekekeleg wahahaha .ganda talaga ng story mo ayii ang bait talaga ni red nandyan para kay riel sana ganon din si eli -ω- kaso malabo pa yon ngayon sana mapatawad sya ni riel
    -GREEN

    ReplyDelete
  11. Nice :)

    - Prince Justin

    ReplyDelete
  12. NAKAKAIYAK KA NMAN AUTHOR EH !!! =(((((

    KRVT61

    ReplyDelete
  13. Unexpected. Hindi ko aakalaing mamamatay din yung ate niya... a good chapter sir! ^^

    ReplyDelete
  14. Nice!! <3 nex chapter please

    ReplyDelete
  15. shemms.!! kawawa naman si riel :(
    pero thanks po sa pag-update author. :)

    ReplyDelete
  16. Very commendable. Naantig ako. Grabe, may pinaghuhugutan. Awesome.

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails