AUTHOR’S NOTE: Unang-una sa lahat ang pagpapasalamat ko sa lahat ng
taga-pagbasa ng akda ko na ito. Ang sarap sa pakiramdam na kahit sa simpleng
paraan lang ay may makakapagpataba ng puso ko. Hinay-hinay lang kayo ha? Baka
mahigh-blood ako. Nyahahahaha! Ito na yung mahaaaaabang A/N. Dahil hindi ako
nakapag-A/N dun sa last updates ko. :D
Salamat
kila EPPY2667 (Hi Baby! :D), MR. YOSO, REY T., PRINCE JUSTIN (Hi Red! :D),
JOHNNY QUEST, VALINTIN OLINGAY, FRANZ, MADZTORM, MARVS, ANGELO OF KUWAIT, ERIC
DOWE, GREEN (Meron na bang new episode yung FREE: Eternal Summer? Haha), ALFRED
OF T.O., JIHI NG PAMPANGA, ANGEL (Na nagbigay suggestion tungkol sa POV’s.
Hahaha! Pasensya ka na kung ngayon ko lang ito mamimention dito. Salamat! :D), JOE,
-HARDNAME-, AZ, BHARU, KRVT61, M.D.A.E. TAN, YELSNA REYES, YEORIM, sa mga
SILENT READERS at sa hindi mabilang na ANONYMOUS! Kapit lang guys! Sana ay
marami pa tayong pagsasamahan. Pati na rin sa mga bago kong FB FRIENDS, at sa
mga bagong members ng GROUP. Hindi ko na kayo iisa-isahin, I know na gusto niyo
rin naman na mamention dito, kaso, ang totoo niyan eh, hindi ko matandaan kayo
lahat. Hehe. Sorry! :D
Gusto ko
lang sagutin dito sa A/N na to yung issue ni PRINCE JUSTIN sa Chapter 5. Bakit
daw naging bakla si Riel? When the fact is, sinasabi niyang Bi lang daw siya? First of all,
Riel categorized himself as Bisexual kasi: una, Riel thought that being gay is
like those all out kung makapagpahayag ng kanilang kasarian. Well basically,
ang dami naman talagang classification ng pagiging bakla di ba? It is about
every person’s preferences; pangalawa, gaya nga nung sabi sa kanya nung Ate niya,
mas gusto niya ang lalaki kesa sa babae, so it’ll make him gay. May nakausap
nga ako dati, some bisexuals daw ay mas preferred yung same sex ang partners
kesa sa opposite. I am really not an expert about these things, sinasabi ko
lamang kung ano ang sa palagay ko ang explanation ng isipan ko. Ang dami kasing
nanghuhusga, kaya mapipilitan ka na lamang tanggapin kung ano yung sinasabi ng
iba, para lang makibagay at matanggap ka.
Maraming
salamat din kila Sir Ponse at Sir Mike sa pagbigay ng opportunity na maipost
dito itong kwento na gawa ko. :D
Hi
Bluerose, Jace at Alvin! Kumusta kayo?
So! Ito na
ang simula ng pagbabago. Longer chapters are on! :D Chapter 6! Enjoy! :D Hindi ko nga alam kung mahaba na ba ito para sa inyo, pero sana ganun na nga. Haha.
Don’t
forget to drop your thoughts after reading guys. Dun niyo kasi ako napapasaya. Please
do add me also sa
Facebook: www.facebook.com/theryeevangelista and
the
Group: www.facebook.com/groups/ryeevangelistasstories.
Feel free! :D I love you all!
DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Names, characters,
businesses, places, events and incidents are either the products of the
author’s imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual
persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
LOVE
IS…
Rye
Evangelista
theryeevangelista@gmail.com
CHAPTER VI
“Uhm.
Red. Wait lang.” Pagpigil ko sa kanya sa pagpasok.
“Ano
yun?” Nag-aalalang tanong niya.
“Don’t
worry. Hindi mo dapat ikabahala ito. Gusto ko lang magpasalamat.” Sambit ko.
“Para
saan?” Naguguluhan niyang tanong.
“Sa
pag-aalala. Hayaan mo, pag-iisipan ko yung lahat ng sinabi mo. Just give me
time, okay?” Sa wakas nasabi ko rin. Kapag kasi gusto kong sabihin to sa kanya,
palagi na lang akong nahihiya.
Ugh!
Bumibigay
na talaga ako sa kanya.
Okay lang
naman, kasi totoo naman yung paghingi niya ng tawad. Isang maling galaw lang na
gawin niya. Matutulad din siya kay Elijah.
Lumiwanag
naman ang kanyang mukha.
Yung
parang nabuhayan.
“Talaga?
Salamat ha!” Masayang tugon niya.
Nayakap
pa niya ako.
Nagulat
man ako, sinuklian ko rin naman ito.
Napabalikwas
naman siya sa pagkakayakap sa akin.
Natulala
ulit ako.
Napakamot
naman siya ng ulo.
“Ah… Eh…
Sorry ha? Hehe. Masaya lang ako.” Aniya. Tumakbo na rin ito papasok sa
classroom. Makikita mo sa kanya ang tuwa.
Nasaan na
kaya si Brett?
Siguro di
pa nakukuha yung reward.
Pumasok
na lang ako sa classroom namin. 20 minutes pa bago ang sunod na subject namin.
Nakinig na lang ako sa iPod ko’t tumingin sa labas ng bintana.
Napailing
na lang ako sa aking mga iniisip.
Invisible
Elijah.
Itatatak
ko yan sa utak ko.
------
Natapos
ang apat na subject namin sa umaga. Nakikinig lamang ako buong oras sa mga
subject na yun dahil sa paglipad ng isip ko. I had enough today. Gusto ko
munang umuwi ng maaga mamayang uwian. Pagbibilinan ko na lang ang SC members na
bukas na lang kami magmimeet.
Naglunch
kami nila Brett, Ate Xynth at Yukino sa labas ng campus. Yung paborito kong
Café malapit sa school. I feel like I want sweets for lunch.
Nagreklamo
nga si Brett na hindi kami nun mabubusog. Pero sumang-ayon naman sakin sila Ate
Xynth at Yukino. Talo siya, kaya doon din ang tuloy namin.
Inorder
ko ang paborito kong Cookies and Cream flavored ice cream at ang paborito kong
Choco Brownie Cake! Yay! Mabubusog ako nito! Buti na lang may naipon ako. Miss
ko na rin dito kumain, kasi nung bago magbakasyon, sila Brett lang naman ang
kasama ko kapag may pera akong pangkain dito. Most of the time na kakain kami
dito nililibre ako ng best friend ko. O di ba? Di ka pa ba niyan mai-in-love
kay Brett.
Masaya
lang naming kinain yung mga inorder namin.
Natigil
naman sa kakasalita yung mga kasama ko.
Napatingin
tuloy ako sa kanila.
“Anyare?”
Tanong ko sabay subo ng cake.
Nakita ko
namang ngumuso si Yukino.
Tumingin
naman ako sa direksyon ng nginunguso niya.
Natigil
din kasi sila Ate Xynth at Brett. Alam kong alam na ni Ate Xynth kung sino
itong lumapit sa table namin. Hindi maitatangging maraming chismosa sa school.
“Oh!
Ericka, bakit ka andito?” Tanong ko sa kanya. Yung kapatid niya naman yung
kaaway ko. So wala akong dahilan para hindi siya bigyan ng magandang
pakikitungo.
Napansin
ko rin na may kung anong tinatago siya sa likod.
“Ah… Eh…”
Nahihiya niyang pagsisimula.
“Uyyy!”
Pang-aalaska nila Ate Xynth at Yukino. Humagikgik pa sila. Kala siguro nila
magkoconfess. Kung alam lang nila.
Si Brett?
Patuloy sa pagkain.
Alam na
niya kasi. Naikwento ko na nung recess. Nagalit din nga eh, pero sabi ko hayaan
na lang. Kasi nga invisible na siya para sa akin.
“Hmmmm?”
Pagkukumbinsi ko sa kanyang magpatuloy.
“I
believe, this one is yours.” Aniya. Sabay abot noong paperbag.
Napatango
na lang ako.
Napansin
kong bukas na rin ito.
“No. Sa
kapatid mo na yan. Pakisabi na lang na remembrance ko. At least may alaala siya
ni Gabriel Dela Rama.” Mahinahon kong pahayag sa kanya.
Kita sa
mukha niya ang pagkadismaya. Napatango na lang ito at tuluyan nang umalis.
Nabigla
naman sila Ate Xynth at Yukino sa sinabi ko. Brett knows what’s going on, pero
yung dalawa hindi. Kaya ayun, ikwenento ko na rin sa kanila.
I think
they deserve to know. Yun nga, nang maisalaysay ko, nasa panig ko na rin ang
dalawa kong kaibigan.
-----
Bumalik
kami ng school for our last subjects.
Natapos
naman ito agad.
Yosh!
Makakauwi na ako!
Binilin
ko na lang kay Brett yung pagkansela ng meeting namin ngayong hapon.
Nagpaalam
na rin naman ako kay Ms. Salveda.
Nagsimula
na akong maglakad pauwi. As usual, nakinig ulit ako ng musika. Kinakanta ko pa
ito habang naglalakad. Marami nga akong napapansin na nakikinig sa akin. Marami
silang sinasabi, hindi ko naman maintindihan kasi malakas akong magpatugtug.
75% ang volume ko. Ewan ko kung bakit hindi pa basag eardrums ko. Haha.
5 minutes
na lang na lakarin, makakarating na rin ako sa bahay.
Napansin
kong may nakaconvoy pala sa akin na itim na kotse. Hindi pamilyar kaya ininda
ko na lang. Ready na ako kung sakali man na holdup o kidnap to. Haha.
Pinabilinan na kasi ako ni Ate, nung maikwento ko sa kanya yung nangyari sa
akin nung isang araw.
Pepper
spray! Yay! Salamat kay Eya! Hahaha.
Patuloy
lang ako sa paglalakad. Pakanta-kanta ulit.
“Aray!”
Naisigaw ko nang may kung anong matigas na bagay ang tumama sa aking paa.
Napansin
ko yung paperbag na nasa loob sana yung reward namin sa quiz.
Kinuha ko
ito at binuksan para malaman kung hindi napano yung bagay na nasa loob.
Nabunutan
naman ako ng tinik dahil hindi naman ito nasira.
Tumingin
ako doon sa kotse na sumusunod saakin.
Nakita ko
si Elijah at Ericka sa loob nun.
Nabigla
man ako. I kept my cool. Invisible Elijah. Tsk.
Nagpatuloy
naman ako sa paglalakad.
Medyo
hininaan ko ang volume ng pinapakinggan ko.
“Gabriel.
Sorry na, please…” Sigaw ni Elijah.
Hindi ko
naman ito pinansin. Magpapanggap na lang ako na wala akong naririnig.
“Gabriel.
Sorry na!” Sigaw niya ulit.
Aba! Kung
makahingi ng sorry ay parang kay dali-dali. Nagpatuloy pa rin ako sa
paglalakad.
“Gabriel.
Patawarin mo na si Eli. Please?” Ngayon si Ericka naman yung nagsisigaw.
Napatingin
tuloy ako dun sa kanila.
Papanindigan
ko na lang kong ano ang gusto ko. Malapit na rin ako sa bahay. Sampung tapak na
lang.
“Ano yun
Ericka?” Tanong ko rito sabay tanggal ko sa aking earpods.
“Patawarin
mo na si Eli...” Pag-uulit niya rito.
Sakto ang
dating ko.
“Who’s
Eli?” Balik tanong ko rito. Nalungkot naman ito sa aking sinabi.
Nanlumo
din yung kuwago. Buti nga sayo.
“I don’t
know what you’re talking about Ericka.” Huling saad ko sa kanya. Bago ako
pumasok. Inilagay ko sa may basurahan yung paperbag. “Sige Ericka, pasok na
ko.” Natulala lamang sila sa ginawa ko.
Sorry Ericka.
Ayoko nang masaktan ulit.
Your
brother deserves it.
Tuluyan
na nga akong pumasok. Nagsisisi man akong ganun ang akto ko sa kanila, okay na
rin yun para makita niyang seryoso ako sa mga sinabi ko.
Dahil
sweldo day ni Ate, nagbilin siyang huwag na akong magluto. Magdadala na lang
daw sila ni Kuya Terrence ng mga pagkain.
Kaya ito
ako ngayon sa sala namin. Naghihintay sa pagdating nilang dalawa. Nakabihis na
rin ako ng pambahay.
Siguro
dahil sa pagod, kaya napaidlip na rin ako.
-----
Elijah’s
POV
Nasagad
ko ata ang pasensya ni Gabriel.
Nanlumo
lang ako nang hindi niya tinanggap ang paghingi ko ng tawad.
Nakita ko
na lang na nilapag niya ang paperbag sa tabi ng basurahan sa harapan ng
kanilang bahay bago ito tuluyang pumasok.
Natulala
ako sa ginawa niya.
“Manong
itigil niyo po ang kotse.” Nanlulumo kong utos sa driver namin.
Agad
naman itong sumangguni sa aking utos.
“Eli. Anong
gagawin mo?” Tanong ng kapatid ko.
Hindi ko
siya sinagot.
Dali-dali
kong binuksan ang pinto ng kotse at nagtungo sa basurahan na nasa harap ng
bahay nila Gabriel.
Agad kong
pinulot ang paperbag na yun.
I went
too overboard.
Oo.
Naiinis ako sa kanya dahil dun sa nangyari kahapon. Pero, nawala na yun lahat
dahil sa nangyari kanina.
Yes! I
want to provoke him. Pero, sa inis ko, ang daming lumabas sa bibig ko. Yun bang
maituturing na ‘below-the-belt’. Pero ako talaga yun. That’s me when I’m still
in Manila. Kaya nga kami lumipat dito, dahil sa akin. Naexpel lang naman ako.
Kaya nadamay na rin ang kakambal ko sa paglipat ko.
Hindi ko
nga malaman sa sarili ko na nagpatalo na lang ako sa tulad niya. Pero kasi,
lahat ng mga sinabi niya kanina, tagos sa pagkatao ko. Well, kasalanan ko
naman. I deserve that kind of treatment from him.
“Eli!”
Mahinang pagtawag sa akin ni Eri. Napalingon naman ako sa kanya.
Napailing
na lang ito. Tanda ng pagsuko.
Napatango
na lang ako sa kanya.
Bago ako
bumalik sa kotse, nilingon ko na lang ang bahay nila Gabriel.
Someday,
mapapatawad mo rin ako.
I’ll do
everything.
Hawak-hawak
ko pa rin yung paperbag sa pagbabalik ko sa loob ng kotse namin. Alam ko na ang
laman nito.
Naalala
ko tuloy yung sinabi niya bago siya umalis dun sa lugar kung saan dapat niyang
makukuha ang bagay na ito.
“By the way. Iyo na lang yang reward ko. I
know na naman kung ano yan. Baka sakaling hindi ka pa nagkakaron niyan.”
Dahan-dahan
kong binuksan ang paperbag at kinuha ang bagay na nasa loob nito.
Alarm
Clock ito. I know, typical na giveaway gift. Marami kaya nito sa mall.
Pero
tuluyan kong napagtanto ang importansya nito noong una ko itong makita.
Hindi
lang kasi ito Alarm Clock lang. Hugis puso rin ito.
Am I that
mean? Na it makes me heartless?
Wala ba
talaga akong puso? Aish!
Alam ko
ang sama ko!
Alarm
Clock. Ang gigising sayo sa umaga kapag may pasok at sa mga oras na
kinakailangan mo. Ang mag-papaalala sayo na may dapat ka pang gawin.
Ito na ba
ang oras para sa pagbabago?
Napangiti
na lang ako sa mga iniisip ko.
The Great
Elijah Martinez has been defeated by Gabriel Dela Rama.
“Okay ka
lang Eli? Weird mo masyado. Ikaw na nga yung nagkaroon ng katapat, nakangiti ka
pa riyan.” Nagtatakang tanong nito.
Napailing
naman ako sa kanya.
“Hay
naku! Bakit kasi dinala mo pa yang ugali mo rito sa bago nating school. Ayoko
na lumipat ulit huh! Dapat college na tayo! Pero dahil sayo, heto tayo ngayon. Senior
High ulit!” Out of frustrations niyang pahayag.
“Hayaan
mo na, dahil sa akin, hindi natin mamimiss ang pagiging estudyante sa high
school di ba? At least nagkaroon pa tayo ng isa pang taon.” Natatawa kong sagot
sa kanya.
Totoo
naman kasi di ba? High school is the best part of our life!
“Ahhhhhh!
Ewan ko sayo! Basta ayusin mo na to! Ayoko ko na talagang lumipat at umulit ng
umulit! Ayokong maiwan ulit ng mga kaibigan ko!” Pagmamaktol niya.
“Oo na.
Promise.” Napailing na lang ako.
“Manong,
tara na po. Uwi na po tayo.” Utos naman ni Eri sa driver namin.
Napabuntong-hininga
na lamang ako at tumingin sa labas.
Kaya ko
bang magbago?
Wala
naman sigurong masama di ba?
Kasabay
dun ang pagkuha ng loob ni Gabriel.
I have
this feeling na dapat ko siyang makabati.
He’s the
reason why I am like this anyway. Mabuti na lang nagkaroon na ng kulay ang high
school life ko.
Riel’s
POV
“Riel!
Riel!” Aniya ng gumigising sa akin.
“Hmm.”
Sagot ko rito.
Unti-unti
ko namang binuksan ang mga mata ko’t nakita ang nakangiting sila Ate at Kuya
Terrence.
“Oh, andito
na pala kayo. Kakain na ba?” Tanong ko sa kanila. Tanging tango lamang ang
naging tugon nito sa aking tanong.
Iniwan
nila ako roon sa sala para pumunta sa dining area namin.
Agad
naman akong napabalikwas ng pagkakahiga upang pumunta roon sa dining.
“Wow!
Ayos Ate ah! May bonus ka bang natanggap ngayon? Ang dami ata ng hapunan natin
ngayon.” Masayang sambit ko.
“Wala,
alam mo naman tong Kuya Terrence mo, kapag payday eh, parang fiesta kung
makapamili ng pagkain.” Tugon nito sa akin.
Tumango
naman ako para sa aking sagot.
Masaya
naming pinagsaluhan ang mga pagkaing nakahain sa aming harapan. Nagkwentuhan na
rin kami sa gitna ng aming mga pag-subo.
“Hayst!
Busog na busog ako dun ah!” Nasambit ko sa kanila ng matapos kaming kumain.
Naisandal ko pa ang aking likod sa Backrest ng aking upuan.
Natawa
naman yung dalawa sa inasal ko.
“Halata
nga. Halos ikaw kaya yung nakaubos nung chicken.” Si Ate sabay tawa. Nakitawa
na rin sa kanya si Kuya Terrence.
Nagkatinginan
itong dalawa na parang may pinag-uusapan gamit lamang ang isipan.
Weird!
Ano
kayang pinag-uusapan nila?
Tumango
si Ate Karisma sa mga titig ni Kuya Terrence. Humarap ito sa akin.
“Riel…”
Pagsisimula nito.
Itinuon
ko naman ang atensyon ko sa kanya.
“Ano yun?
May sasabihin ba kayo sa akin? Kanina pa kayo parang nag-uusap thru telepathy.”
Naguguluhan kong tugon.
“Pupunta
na kasi kami ni Terrence sa malayong lugar. Uhm, kung sakali ba, okay lang sayo
na maiwan?” Medyo may lungkot sa pagkakasambit niya nito.
“Saan
naman kayo pupunta? After ba ng kasal? Oo naman no! Ayoko namang makasagabal sa
mga gagawin niyo.” Sagot ko kay Ate.
Naguguluhan
ako sa mga pinagsasabi ni Ate. It’s like nagpapaalam sila for good.
Ipinagkibit-balikat
ko na lang itong mga iniisip ko. Naisip ko na makinig muna sa mga sasabihin
nila. Baka tungkol lang naman to sa mga plano nila after ng kasal.
“Ang ibig
sabihin ng Ate mo ay yung for good.” Dagdag ni Kuya Terrence. Hindi naman ito
makatingin sa akin.
“Oo naman
Kuya, Ate, don’t worry about me. Kaya ko na ang sarili ko no. Besides, Senior
na kaya ako, scholar naman ako. Yung allowance na lang siguro ang poproblemahin
ko. Siguro naman makakapag-hanap na rin ako ng part-time jobs di ba? Tsaka,
ayoko naman na maging pabigat sainyo, kapag college na ako.” Pagpapaliwanag ko.
Although, hindi ko pa alam kung kaya ko nga ba talaga na mag-isa..
Napabuntong-hininga
naman si Ate sa aking mga sinabi.
Mayroon
akong narinig na mga yapak papalapit sa dining area namin.
“May bisita
ba tayo?” Tanong ko sa dalawa. Hindi naman nila ako sinagot.
Papalingon
na sana ako nang marinig kong tumunog ang aking cell phone. Saan ko ba yun
naiwan? Ah! Sa sala! Tumayo ako para sana magmadali para kunin ang aking cell
phone. Pagkaharap ko sa daanan papuntang sala ay natigilan na lamang ako bigla.
“Mama…
Papa…” Agad na nasambit ko nang makita sila. Naitakip ko na lang bigla sa aking
bibig ang aking kanang kamay.
Marahan
namang pumunta sa tabi nila sila Ate Karisma at Kuya Terrence.
“Basta Riel.
Ipangako mo na magiging matatag ka sa lahat ng oras. This is not God’s fault,
yan ang pakatatandaan mo. Mag-iingat ka lagi Riel. Mahal na mahal ka namin.”
Sambit ni Ate.
Hindi ko
na namalayan na tumulo na ang mga luha ko.
“Ano bang
ibig mong sabihin, Ate?” Medyo nauutal kong tanong dahil sa aking paghikbi.
Unti-unti namang lumalayo ang mga imahe nila sa paningin ko.
Kriiiiiiiiiiiing! Kriiiiiiiiiiiing!
Kriiiiiiiiiiiing!
“Hindi!”
Naisigaw ko.
Narinig
kong muli ang tunog ng aking cell phone, nasa tabi ko lang pala ito.
Nag-alarm
nga pala kasi ako ng 6:30.
Hinahabol
ko ang aking hininga sa nangyari.
Panaginip
lang pala.
Malalim
akong napabuntong-hininga.
Agad ko
namang kinuha ang aking cell phone at sinagot ito.
“Hello, Ate
Xynth, bakit napatawag ka?” Tanong ko rito.
“Riel!
Nanonood ka ba ng balita ngayon? Bilisan mo, panoorin mo!” Mabilis nitong tugon
sa akin. Medyo natataranta pa ito base sa boses nito.
Naguguluhan
man, agad kong inabot ang remote at binuksan ang TV.
Bumungad
sa akin ang isang live flash news ng aksidente malapit sa aming subdivision.
Isang kotse na nabundol ng Truck.
Kinabahan
ako sa aking nakita. Alam kong kapareho ng kotse na yon ang kotse ni Kuya
Terrence.
Dali-dali
kong nilakasan ang volume ng TV para marinig ang kabuuan ng balita.
Diyos ko!
‘Wag naman po sana. Dasal ko.
“Kasalukuyan
pong isinugod ang mga biktima ng aksidente sa malapit na ospital.
Napagkakilanlan ang dalawang biktima mula sa mga nakuhang Identification Cards,
ito’y sila Terrence Chua at Karisma Dela Rama…” Sambit ng Reporter.
Natulala
ako sa aking narinig.
Hindi!
Hindi ito nangyayari di ba?
“Sa mga
kamag-anak po ng mga biktima, mainam po na pumunta na lamang kayo sa St. Joseph
Hospital. Kasalukuyang nasa custody na ng mga pulis ang driver ng truck na
napag-alaman ding lasing—“ Hindi ko na tinapos pa ang balita.
Dali-dali
akong nagbihis at pumunta sa nasabing ospital.
Hindi na
rin pala ako nakapag-paalaman kay Ate Xynth sa kabilang linya. Pinutol niya na
rin ito ng kusa.
Nakarating
ako sa ospital na hindi alam ang gagawin.
Nakita ko
na lamang sa isang sulok ang pamilya ni Kuya Terrence. Umiiyak silang lahat.
Naguguluhan
man ako. Sinikap ko na magpakatatag, gaya ng sabi sa akin ni Ate sa panaginip
ko.
Buhay pa
sila.
Yun ang
itinatak ko sa isipan ko.
Lumapit
agad sa akin si Joyce nang makita niya ako, kapatid siya ni Kuya Terrence.
“Kuya
Riel…” Umiiyak pa rin siya. Tinatagan ko pa rin ang sarili ko.
“Okay na
sila di ba? Hindi naman ganoon kalala ang nangyari di ba? Wag kang mag-alala
Joyce, malakas silang dalawa. Kakayanin nila to.” Mahinahon kong tugon sa
kanya.
Umiiling
ito sa sinabi ko. Umiyak siya lalo.
“Ano ba
Joyce? Okay lang sila di ba? Ikakasal pa sila!” Muling tanong ko sa kanya.
Tumaas na rin ang boses ko.
“Riel,
Iho. Calm down.” Ani ng isang nakatatandang babae sa akin. Lumapit pala sa amin
sila Tita Rina at Tito Armando.
“Tito,
Tita… Okay lang po sila di ba? Nagpapagaling na po sila di ba? Si Joyce po kasi
hindi ako sinasagot.” Napapaiyak na ako sa katotohanan na gusto kong malaman.
Pero ayoko, ayokong maging mag-isa. Ulila na nga ako sa mga magulang. Iiwan pa
ako ng kapatid ko. Hindi iyon maaari!
Umiyak
muli si Tita Rina sa mga sinabi ko. Agad naman itong dinaluhan ni Tito Armando.
Bumaling muli
ito sa akin at tanging iling lamang ang isinukli sa mga tanong ko.
“Dead on
arrival sila, Kuya Riel.” Tugon sa akin ni Joyce. Napahagulhul na ito.
Napaupo
ako sa pagsuko. Unti-unti na lang bumuhos ang mga luha sa aking mga mata.
Naitakip ko na lang ang mga kamay ko sa aking mukha. Humagulhol na rin ako sa
katotohanan.
Mag-isa
na lang ako. Bakit ba kailangan mangyari sa akin to?
Agad
akong nakaramdam ng mga bisig na yumakap sa akin.
Safety is
what you can feel from it.
Iniiyak
ko lang lahat ng nasa aking kalooban.
Nangako
kami noon ni Ate na hindi na kami muling iiyak. Pero, sa mga oras na ito, hindi
ko kayang hindi ilabas ang nararamdaman ko.
Nakaramdam
ako ng mga haplos sa aking likuran, it somewhat gave me calmness.
Iniyak ko
na lamang lahat, hanggang sa maubos ang mga ito. Sabi nga nila, sa pamamagitan
ng pag-iyak, mailalabas lahat ng hinanakit mo sa buhay. Matagal ko na rin tong
gustong ilabas, pero, napagkasunduan namin ni Ate na magpakakatag na lang.
Kinalaunan,
unti-unti na rin akong tumigil sa pag-iyak.
Di ko pa
man kilala kung sino itong nagpagaan ng loob ko ngayon, nagpapasalamat na ako’t
kahit papaano, ay nadama ko na hindi ako nag-iisa sa mga oras na ito.
Naalala
ko na lang yung mga bilin ni Ate sa panaginip ko.
Sisikapin
kong maging matatag kahit na mahirap. Hindi naman ordinaryong problema tong
kinakaharap ko ngayon.
Unti-unti
akong kumalas sa pagkakayakap ng kung sino man na nakayakap sa akin. I’ve tried
to compose myself a little para naman hindi ako wasted kapag nagpasalamat na
ako sa kanya.
“Red?”
Naiusal ko.
Ngumiti
lamang ito bilang tugon. Mababasa mo sa mga mata niyang parang sinasabing
magiging okay din ang lahat.
Tango
lamang ang naitugon kong muli sa kanya.
“Thank
you.”
Tumango
ito at pinunas ang basang pisngi ko.
Nagulat
man ako sa ginawa niya, hinayan ko na lang bilang ganti sa pagpapatahan sa
akin.
Red’s
POV
Yakap-yakap
ko si Riel habang siya’y umiiyak. I can feel him. He’s just letting his self
burst all the emotions he’s feeling right now. Hindi ko pa man naranasan na
mawalan ng kapamilya, alam ko ang sakit, lungkot o ang pakiramdam ng ganoon. I
don’t want him crying. Nasasaktan ako.
“Red?”
Nagtataka niyang tanong ng sa wakas ay tumigil na siya sa pag-iyak.
Tanging
ngiti lamang ang isinukli ko sa kanya. I want him to know that I’m always here.
That somehow, I can feel him.
That’s
the Riel I know, simpleng gestures lang, kuha ka na niya.
How do I
know? Stalker nga ako di ba?
Tumango
naman ito sa aking ginawa. O di ba? Gabriel Dela Rama is definitely a mind
reader.
“Thank
you!” Sinserong tugon niya.
Napansin
kong pulang-pula ang kanyang mga mata, basang-basa rin ang kanyang pisngi. Kaya
pala konti lang yung basa ng damit ko sa may parte ng balikat ko kung saan siya
nag-iiyak. Hindi niya pala idinampi ang kanyang mukha sa aking balikat.
Pinunasan
ko ang pisngi niya gamit ang panyong kanina ko pa hawak-hawak.
Umalis
kasi yung pamilya ng nobyo ng kapatid ni Riel, para asikasuhin ang mga labi ng
dalawa.
“Riel!”
Sigaw ng kararating pa lang na si Brett.
Napatingin
naman ako sa kinaroroonan nito.
Hinahabol
pa nito ang hininga dahil sa pagod.
Napatingin
naman si Riel sa kanya.
Napangiti
ito, ngunit bakas dito ang lungkot.
Agad
namang lumapit sa amin si Brett.
“Kumusta
sila Ate Karisma?” Agad na tanong nito sa best friend.
For the
first time, nauna ako kay Brett.
Pero, di
iyon ang issue ngayon. I don’t care who came first to somewhat make Riel feel,
that he has a shoulder to cry on. Ang importante ngayon ay ang karamay niya sa
mga oras na ito. Masaya lang ako dahil, ako ang nauna sa pagpapadamang may
makakapitan siya.
Hindi ko
nga alam kung anong pumasok sa isip ko na magmadali papunta rito sa ospital. I just
found myself driving my way here matapos kong marinig ang balita. At agad
siyang niyakap ng makitang nasa ganoon siyang kalagayan.
Tanging
iling lamang ang naisagot nito kay Brett. Mahahalata mo sa ekspresyon ng
kanyang mukha na iiyak na naman siya.
Agad ko
namang hinaplos ang kanyang likod para kumalma.
Napatingin
lamang ito sa akin dahil sa aking ginawa at tumango.
Nanlumo
naman sa sagot ni Riel si Brett. “Condelence, Riel.” Huling tugon nito sa
kaibigan. Hinaplos na lang nito ang balikat ni Riel tanda ng pakikiramay.
Tumango
naman ito sa kanya.
Napatingin
naman sa akin si Brett. May pagtataka sa kanyang mga titig.
“Buti,
nakapunta ka agad, Red. At least, may nakasama siya rito.”Aniya.
Tanging
tango na lamang ang aking naisagot. Riel needs silence for the mean time. Alam
kong di pa siya tuluyang nakakaahon sa nangyari. Gaya na lang noong namatay ang
kanyang mga magulang.
Napagkasunduan
ng pamilya ni Kuya Terrence na iburol ang mga labi ng magkasintahan sa tahanan
ng mga Chua. Umayon naman dito si Riel.
Lugmok pa
rin siya sa mga pangyayari.
Ngumingiti
kapag kailangan, ngunit pagkatapos nito’y mababakas sa mukha niya ang lahat ng
sakit na nadarama niya.
He’s not
crying though, but still, it shows how hard for him to accept what has
happened.
Naalala
ko tuloy yung sinabi ni Elijah sa kanya noong hinahanap namin yung reward namin
galing kay Ms. Salveda.
Ulila na
nga siyang tuluyan.
Masakit
tanggapin na sa isang iglap lamang, mararanasan niya ito ng tuluyan.
Gabi-gabi,
kapag kami-kami na lamang ang nasa loob ng sala kung saan makikita ng mga
bisita ang mga labi ng magkasintahan, umiiyak si Riel. It seems, he wants to
show people that he’s strong, pero kapag wala nang nakamasid o kumakausap sa
kanya, ibinubuhos niya lahat ng kanyang nararamdaman.
“Hayaan
muna natin siya.” Pagpigil sa akin ni Brett, isang gabing nakita ko na naman
siyang umiiyak. “Riel, will get through it. We just have to give him time and
space. Alam kong nag-aalala ka sa kanya, but please understand.” Dagdag niya.
Tanging
tango lamang ang naisagot ko sa kanya noon, at nagmasid na lamang ako sa isang
tabi, just in case na maghanap siya ng makakasama.
As much
as possible, sinisigurado kong andito ako after class. Umuuwi lamang ako kapag
nasigurado ko nang nagpapahinga na siya. Mabuti na lamang at maunawain ang
pamilya nila Kuya Terrence. 10 days daw kasi ang burol, kaya 10 days din na
hindi papasok si Riel.
Brett’s
POV
Nagtataka
ako sa kinikilos ng pinsan ko simula noong nakita ko siya sa ospital kasama si
Riel. Although, I have nothing about it, maganda ngang nandoon siya to comfort
Riel. It’s just weird seeing him in such incident.
Kaya one
time, I asked him as to what’s going on.
Hindi ako
nakakuha ng direktang sagot. Nakita kong he’s bullying Riel, almost everyday
noong Junior High kami. Ewan ko nga ba sa kanya. Hindi naman siya ganoon noong
lower years. Pala-aral at friendly naman siya.
Pero,
matapos nung pag-uusap namin, ako na mismo ang nakapagkompirma kung bakit, base
sa mga kinikilos niya kapag kaharap si Riel.
Naguluhan
nga ako. Hindi naman siya ganito noon. I’ve witnessed how he dated girls, noong
Grade 10 kami. Napabarkada kasi sa maling grupo.
“I have
nothing against what you feel about Riel. I just want you to know that, I love
Riel. I love my best friend.” Saad ko sa kanya noong gusto niya sanang lapitan
si Riel dahil umiiyak na naman ito.
Napatingin
naman siya sa akin, nagtataka. Maraming katanungan na mababasa mo sa kanyang
mata.
Yes, I love him! Sigaw ng isipan ko. Ngunit hindi na iyon
maaari.
“Ayoko
siyang nasasaktan.” Dagdag ko. Tumango naman ito. Tumingin ulit siya kay Riel.
Puno ng pag-aalala.
Ganyan
din ang naramdaman ko noong nawala ang mga magulang niya. Yung parang dinudurog
ang puso mo sa nakikita mo sa kanya. Na ayaw mong nasasaktan siya ng sobra. Na
kung pwede lamang na makipagpalit ng sitwasyon ay gagawin mo, wag lamang
masaktan ang taong mahal mo.
“Kaya
kung kaya mo, gawin mong masaya ang best friend ko. Alam kong ayaw mo rin
siyang nakikitang malungkot at umiiyak. He’s been through a lot; he doesn’t
deserve to be in this situation again.” Payo ko sa kanya. Kahit papaano, kilala
ko ang pinsan ko. Ginagawa niya rin ito sa mga pinsan namin kapag may ganitong
sitwasyon, pero iba itong ngayon, kasi ito’y para sa gusto niyang tao, kay
Riel.
“Alam ko
naman yun, Brett. Salamat sa tiwala. Sa abot ng aking makakaya, gagawin kong
masaya muli ang mundo ni Riel, pagkatapos nito.” Aniya.
Mahal ko
ang best friend ko, higit pa sa relasyon na meron kami. Pero sa pagkakataong
ito, hindi na yun maaaring mangyari. Our fate is to be best friends only. Mahal
ko siya, pero mahal ko rin ang fiancée ko. Mas nauna ko kasing minahal si Iris,
bago siya. Ang pag-ibig na nabuo dahil sa mga karanasan na naranasan ko kasama Riel.
Riel
deserves to be happy. At kung si Red ang makakapagbigay noon, hahayaan ko siya.
Andito pa rin naman ako eh, magmamahal ng palihim. Ngunit, pagmamahal na
nakalimita lamang bilang isang matalik na kaibigan.
I wonder
if Tita knows about his preference. Well, hindi ako ang dapat magsabi nun sa
kanila. I know Red has his ways.
Itutuloy…
nakakaiyak naman, sobrang lungkot. ayoko ng malungkot, gusto ko masaya. pero pag may lungkot, may kapalit nmang ligaya. kelan pa kaya yun, e ke bata-bata pa nya.
ReplyDeletebharu
Ang gandah!! Ahahahaha... OMG. nakakainis. Kaya mo yan riel.
ReplyDeleteSo tragic...meron bamg nangyari na ganito sa totoong buhay? I sure hope not......Mahirap....Thanks for the update Rye(hope you don't mind me calling you Rye). You are a good writer. Maaatake kami sa puso nito Hahaha.
ReplyDeleteOh my ang tragic naman ng life ni Riel. Ang bilis ng turn ng events. Anyway, I super love Red's character, reminds me of Aldred from Blue. Haha Si Brett naman may lihim na pag-ibig, mapanindigan kaya niya yan?. Hmmm. And Eli, ang susunod na Red sa buhay ni Riel. It's getting complicated, which is good. Keep it up! Marvs
ReplyDeleteWoww.. Great work :)
ReplyDeleteO nag.comment na ako mr.author :)
-Geology stud
Aww bakit naman ganun? Kawawa naman ang bida natin paano na siya ngayon? Sino kaya ang tutulong kay Riel para makabangon ulit? Si Brett Red o Eli? Hay affected much. author sa wakas ang tagal ko na iniintay yun eh.
ReplyDeleteAuthor may tanong lang ako bakit parang may madilim na nakaraan si Eli? Isa ba yung misteryo na dapat namin abangan?
ReplyDeletetoo bad, some relationships are just befitted to as being best of friends only..
ReplyDeleteang drama nmn ng buhay ni riel.. hahaha.. pero aklis me ngmamahal pa rin
skanya khit palihim haha
jihi ng pampanga
Maayos lang, kuya Rye..
ReplyDeleteIkaw? Kumusta din? lol
Mabuti naman kung ganun! FE!! Syet! Magbabasa na ako! Haha!
DeleteHahaha! Naka-post na kaya yong FE ko.. jan na siya..
DeleteHahaha mahaba haba na sya :) wala pa atang new episode baka sunday lol thanks sa pag mention sakin rye.and CONGRATS ayiii nekekekeleg wahahaha .ganda talaga ng story mo ayii ang bait talaga ni red nandyan para kay riel sana ganon din si eli -ω- kaso malabo pa yon ngayon sana mapatawad sya ni riel
ReplyDelete-GREEN
Nice :)
ReplyDelete- Prince Justin
NAKAKAIYAK KA NMAN AUTHOR EH !!! =(((((
ReplyDeleteKRVT61
Unexpected. Hindi ko aakalaing mamamatay din yung ate niya... a good chapter sir! ^^
ReplyDeleteNice!! <3 nex chapter please
ReplyDeleteshemms.!! kawawa naman si riel :(
ReplyDeletepero thanks po sa pag-update author. :)
Very commendable. Naantig ako. Grabe, may pinaghuhugutan. Awesome.
ReplyDelete