Followers

Thursday, June 26, 2014

Fated Encounter 18


Salamat nang marami. 
CHAPTER EIGHTEEN



NASA isang restaurant si Vin. Nandoon siya dahil doon ang tagpuan nila ni Joen. Kanina ay bigla na lang itong nag-text sa kanya na may sasabihin ito. Masyado daw iyong urgent at hindi na ito makakapaghintay na sabihin iyon sa kanya.

            Ngunit  ilang minuto na siyang naghihintay ay wala pang Joen na dumarating. Sa loob-loob niya ay baka i-ne-echus lang siya ng lalaki. May nalalaman pa itong pa-urgent-urgent pero wala pa ito. Kapag dumating ito ay kukutusan niya talaga si Joen.
            Maya-maya ay may tumabi sa kanya.
            Hindi siya nagtaas nang paningin. Kahit hindi niya iyon gawin alam niyang si Joen iyon dahil pamilyar na sa kanya ang amoy ng pabango nito. Ang sabi niya ay kapag dumating ito ay kukutusan niya ito pero hindi naman niya magawa. Nanatili siyang nakayuko at hindi ito pinansin.
            "Okay ka lang ba?" tanong nito.
            Saka lang siya nagtaas ng paningin sa tanong nito. Talagang iyon pa ang itinanong nito. "Mukha ba akong okay?" Balik-tanong niya saka sumimangot.
            "Bakit naiinis ka?" tanong nito na hindi makapaniwala sa reaksyon na ipinapakita niya.
            "Hindi ako naiinis sa `yo," ang sabi niya. "Inis na inis ako Joen. May nalalaman ka pang urgent at hindi ka na makapaghintay na sabihin sa `kin kung ano man ang sasabihin mo tapos ma-le-late."
            Lumambot ang ekspresyon ng mukha nito. "Pasensya na," anito. "Na-traffic kasi ako, eh. I'm sorry if I keep you waiting."
             Lumapit ito sa kanya. Umiwas siya at umisod palayo dito.
            Bumuntung-hininga ito. "Pwede ba akong magtanong?"
            "Ano `yon? Akala ko ba may sasabihin ka? Bakit ka nagtatanong."
            Hindi nito iyon pinansin. "Wala ka pa bang natitipuhan sa mga pinsan ko?"
            "Ano sa tingin mo?" balik-tanong niya dito.
            "Wala," sagot nito. "Ang sabi mo nga sa `kin ay hindi ka marunong magmahal. Pero hindi naman ako naniniwala doon, Vin. Marunong ka n'un ang kaso ay natatakot ka. Pwede bang malaman kung ano ang ikinakatakot mo?"
            "Alam ko naman na hindi ka naniniwala, Joen. Kilala na kita kahit papaano at kilala mo na rin ako. Kung ano man ang dahilan ko kung bakit ako natatakot ay hindi ko pwedeng sabihin sa `yo. Masyadong personal iyon at hindi ko kayang sabihin."
            "Katulad na lang ng sa tatay mo," anito. Ikinagulat niya ang sinabi nito. Natatandaan niya na minsan ay nasigawan niya ito dahil sa pag-uusisa nito tungkol sa galit niya sa tatay niya.
            "Oo. Katulad din doon."
            "`Di ba kaibigan mo `ko?"
            Tumango siya. "Oo." Hindi lang basta kaibigan dahil bukod pa doon. Kissing friend tayo, Joen, eh. Ikaw lang at ako.
            "Kailan mo balak sabihin sa `kin ang personal mong problema?"
            "`Pag kaya ko na, Joen. Sa ngayon kasi hindi ko pa kayang sabihin sa `yo ang personal kong problema. It will take time. Kung kailan ang panahon na `yon ay hindi ko alam. Basta ang alam ko ay masasabi ko `yon sa `yo."
            "Vin, can I ask for a favor."
            "Favor? Ano naman `yon?"
            "`Di ba okay lang naman na sa `yo na halikan kita."
            Kinabahan siya sa sinabi nito but at the same time ay na-e-excite siya. Mukhang may hinala na siya kung ano ang pabor na hihilingin nito. At siyempre ay willing siyang pagbigyan ito dahil iyon naman ang kagustuhan niya.
            "Okay na sa `kin na halikan mo `ko. Hindi ko na `yon ginagawang big deal dahil baka magkalayo na naman tayo."
            Ngumiti ito. "So, okay lang sa `yo na halikan kita kapag gusto ko?"
            "Depende." Pakipot niyang sabi.
            "Eh ngayon, pwede mo ba akong pagbigyan sa pabor ko?"
            "Hindi. Alam mo naman kung nasaan tayo, Joen. At kung hindi mo naiisip ay ipapaalala ko sa `yo na nasa labas tayo at hindi sa pribadong lugar. Gusto mo bang magkagulo dito? Gusto mong makakuha ng atensyon?"
            "Sa ibang pagkakataon, pwede?"
            Pasimple siyang tumango na ikinaluwang ng ngiti nito.
            Ano nga ba talaga silang dalawa? Certified 'kissing friend' na ba talaga. Walang commitment pero naghahalikan.
            "Paano kong sabihin ko sa `yo Vin na gusto kita. Ano ang magiging reaksyon mo?"
            Nagulat siya sa sinabi ni Joen. Nanatiling nakatutok ang tingin niya dito.
            Nagpatuloy ito. "I love kissing your lips. I like having you in my side. Nagseselos ako kapag nilalapitan ka ng mga pinsan ko. Kung pwede ko nga lang sabihin sa `yo na huwag kang magpaligaw sa kanila ay ginawa ko na kaso wala naman akong karapatan na gawin `yon. Masaya ako kasi wala kang gusto sa kanila pero at the same time ay nalulungkot rin ako kasi sabi mo hindi ka marunong magmahal. Gusto kita, Vin. Pwede ba o kaya naman ay may pag-asa bang maging tayo kung liligawan din kita katulad ng ginagawa ng mga pinsan ko sa `yo?"
            Shit! Gusto niyang mahimatay sa mga sinabi ni Joen. Gusto niyang.. Gusto siya nito! Hindi siya makapaniwala. Heto na ba ang sinasabi nito sa text na 'urgent' at 'hindi na ito makapaghintay na sabihin sa kanya'.
            "Paanong nagustuhan mo `ko, Joen?" tanong niya nang maalala na sinabi nitong para lang ito sa babae at hindi para sa mga katulad niya.
            "Marami ang dahilan pero hindi ko kayang i-explain, Vin. Basta gusto kita. Hindi na nga lang gusto kasi mahal na kita."
            Gusto niyang mahimatay.
            Para siyang lumilipad sa malawak na kalangitan sa mga narinig niya mula sa bibig ni Joen. Masayang-masaya siya sa nalaman na mahal siya nito. Ngunit sa kabila niyon ay may takot at kalungkutan sa puso niya. Gusto niyang sagutin ito ng malaking 'oo' at 'may gusto rin ako sa `yo' at 'mahal din kita' kaso ay pinangungunahan siya ng takot. Takot para sa sarili dahil alam niyang hindi siya karapat-dapat kay Joen. Takot na masaktan si Nick at Mack kapag nalaman ng mga ito ang mga sinasabi sa kanya ni Joen. Nasasaktan na niya ang mga ito at ayaw niyang mas masktan pa ang mga ito nang dahil sa kanya. Isa pa ay ayaw niyang magkagulo ang mga ito nang dahil sa kanya. At ang panghuli na takot niyang nadarama ay ang magiging reaksyon ni Joen kapag nalaman nito ang madilim niyang nakaraan. Ang nakaraan na hindi naman dapat nangyari sa katulad niya. 
            Oo, sinasabi ng karamihan na ang pag-ibig ay parang sugal. Kailangan mong sumugal para lumigaya ka at makamit mo iyon kahit na panandalian lamang. Kung hindi ka susugal ay hindi ka magiging maligaya. Nasa isang tao na `yon kung paano nito tatanggapin ang magiging sagot ng taong pagtatapatan nito ng nararamdaman. Pero hindi siya matapang. Hindi niya kayang sumugal. Kung masasaktan siya ay mas masasaktan niya ang tatlong lalaki na mahalaga sa buhay niya. Lalo na ang kaharap niya.
            Nag-ipon siya ng lakas ng loob. Lumunok muna siya bago magsalita. Pakiramdam niya ay may kung anong bagay ang nakaharang sa lalamunan niya.
            "Pwede bang maging magkaibigan na lang tayo, Joen. Natutuwa ako na nagustuhan mo `ko pero hanggang doon lang ang kaya kong ibigay sa `yo. I'm sorry."
            A sad smile curved in Joen's lips.
            Pasensya na, Joen. Kahit gusto kong sabihin at isigaw sa harapan mo ang totoong nararamdaman ko ay hindi ko kaya. Sapat na sa `kin na nasa tabi kita.
            "Sana walang magbago sa pagkakaibigan natin."
            Tumango lang ito.
            Pinigilan naman niya ang pagtulo ng luha niya. Gusto kita Joen. Mahal na nga rin kita, kaso ay hindi naman tayo pwedeng magkaroon ng relasyon. Hindi ako tama para sa `yo...


NAGISING si Vin sa mahinang pagyugyog ng kung sino sa balikat niya. Unti-unti niyang iminulat ang mata para makita kung sino ang may gawa niyon. Sinalubong siya ng nakangiting mukha ng pinakagwapo na yatang nilalang na naugnay sa kanya.
            "Ang sarap ng tulog mo, ah," anito.
            Natigilan siya nang maalala ang panaginip niya. Tila totoong-totoo iyon. Kahit gising na siya ay dama pa rin niya ang pait sa kanyang puso sa pagtanggi niya sa pagtangi sa kanya ni Joen. Kung nasaktan niya ito sa panaginip ay mas nasaktan naman siya at patunay na doon ang nadarama niya ngayon.
            Nakatingin lang siya dito. Magkasabay silang umuwi nito sa bahay nila. Hindi niya namalayan na nakaidlip pala siya habang nakasandal sa dibdib nito. Nakatulog siya dala ng sobrang pagod sa restaurant. Nang mga huling oras na kasi ay hindi na siya nagpatinag kay Mack at Nick. Siya na ang gumawa ng mga gawain niya. Kahit hindi nga niya dapat gawin ay inako na niya.
            "May dumi ba `ko sa mukha?"
            Umiling siya sa tanong nito. Naglalaro pa rin sa isipan niya ang nakita niyang reaksyon sa mukha nito nang sabihin niyang hanggang sa pagkakaibigan lang sila. He clearly saw the sadness in his eyes even he smiled at him. HIndi niya kayang tingnan ang malungkot nitong mukha. Nagtatanong na rin siya sa sarili kung makakaya ba niyang saktan ito kung sakali man na mangyari ang ganoong senaryo sa totohanan at hindi lang sa panaginip.
            "Alam kong gwapo ako, Vin. `Wag mo akong tingnan ng ganyan kung ayaw mong mangyari na naman ang hindi dapat."
            "Baliw ka talaga," aniya saka kumalas dito. Lumayo siya dito saka tumayo para magtungo sa kusina nila at maghanda ng pagkain.
            "Ayaw mo bang mangyari ulit iyon, Vin? `Di ba nag-enjoy ka naman sa kissing natin. Kung hindi nga dumating si Nick at Mack ay baka lumampas tayo doon, eh. Kiss ulit tayo." Parang batang pang-uudyok nito sa kanya.
            Napailing na lang siya. "Para kang sira, alam mo ba `yon? Umayos ka nga. Ang laki mong tao tapos umaakto ka ng ganyan. Hindi bagay, Joen, ang sagwa."
            Sumimangot ito saka hinarangan ang dinaraanan niya. "Kahit hindi mo aminin alam ko na nasarapan ka. Hindi ka naman gaganti, eh. Saka `yong nangyari kanina. Ikaw ang nag-kiss sa `kin sa lips."
            He won't deny nor admit such things with him. Alam niya na alam ni Joen kung ano ang standing niya pagdating doon. Mahilig lang talaga itong mang-asar.
            "Tumabi ka nga dyan, Joen."
            Hindi naman ito natinag. "Sabihin mo muna sa `kin ang totoo. May hint na ako pero mas masaya kung maririnig ko mula sa `yo ang katotohanan, Vin. Just answer my question with yes or no. Nasarapan ka ba sa halik ko?"
            Hindi siya sumagot. "Tabi na dyan. Nagugutom na ako. Gusto ko ng kumain, Joen. Ikaw, baka nagugutom ka na rin kaya ganyan ang mga tanong mo."
           "Yes. I'm hungry but not with food but with this," Joen said then touched his lips. "I wanted to taste this again, Vin. Wouldn't you mind if I do it?"
            "Ewan," pakipot niyang sabi. Ang kabaliwan niya talaga. Malala na siya!
            "Ang ewan ay oo na rin." Hindi papatalong sabi nito.
            Lalayo sana siya dito pero hinapit siya nito palapit dito. Wala na siyang kawala. He waited for his lips to land in his lips. Their faces were a few inches with each other when they both heard a coming footstep. Agad niyang itinulak si Joen palayo sa kanya at naglakad siya palayo dito. Ang lola niya iyon, alam niya. Muntikan na naman silang mahuli.
            Nag-uunahan silang pumunta ni Joen sa kusina. Natawa na lang siya nang tumawa ito nang malakas.
           "`Wag nga kayong maingay na dalawa. Gabi na at nakakaistorbo na kayo," saway ng lola niya na ikinatigil nila.

ARAW ng Martes. Ang araw na sana ay nakatoka kay Mack para masolo niya si Vin, umaga hanggang gabi. Iyon sana ang araw na dapat ay siya ang susundo kay Vin sa bahay nito at sabay uuwi pagsapit ng gabi. Ngunit.. May malaking ngunit dahil purnada na naman ang pagsasama nilang dalawa.
            Ang araw na ito kasi ang kaarawan ng kapatid niyang si Danna at siya ang punong abala. Gusto niyang suwayin ang mama niya sa mga iniuutos nito sa kanya. Para sa kanya ay nagawa na niya ang parte niya. Pagkakataon naman ng mga magulang niya na gawin ang parte ng mga ito para sa kaarawan ng kanyang kapatid. Pero katulad ng dati ay kailangan pa rin siya.
            He just sighed in defeat.
            Maaga siyang nagising. Maaga niyang inihanda ang sarili para sunduin si Vin. Kasalanan rin naman niya kasi. Nakalimutan niya na ngayong araw gaganapin ang kaarawan ni Danna. Wala na siyang magagawa kundi ang tawagan na lang si Vin at sabihin dito na hindi niya ito masusundo at hindi siya papasok sa restaurant ngayon.
            Kinuha niya ang cellphone niya sa bulsa. Agad niyang idinayal ang numero ni Vin. He waited for a minute before Vin answered his call. Kagabi ay nag-text siya dito na siya ang susundo dito para sabay na silang magpunta sa restaurant. Thankful siya dahil agad itong pumayag at hindi na nag-usisa pa.
            "Napatawag ka Mack?" Ang bungad nitong tanong. "Malapit ka na ba dito sa bahay kaya ka tumatawag?"
            "No, Vin, nandito pa rin ako sa bahay. Tinawagan kita para ipaalam sa `yo na hindi kita masusundo at hindi ako papasok ngayong araw."
            "Bakit?" usisa nito. Mahihimigan ng kuryusidad ang boses.
            "It's Danna's birthday. Tuesday ngayon at nakalimutan ko `yon. Pasensya na, Vin. Babawi ako sa `yo, promise."
            "Ano ka ba, Mack? Okay lang `yon sa `kin. Ako nga ang dapat na mahiya sa `yo dahil susunduin mo pa `ko, samantalang hindi naman dapat. Naiintindihan ko po."
            He sighed in relief. "Thanks Vin. `Punta ka dito mamaya, ah. Sumabay ka kay Nick o kaya kay Joen para makapunta ka dito," suhestiyon niya.
            "Okay. Sige, expect me to be there. Okay lang naman siguro na walang regalo," anito sa nagbibirong tono.
            "It is okay."
            "Anong 'it is okay' ka dyan. Nakakahiya kaya `yon. Sige na, bye na." Ang paalam nito saka nawala sa kabilang linya.
            Ang suhestiyon niya kanina ay hindi bukal sa kanyang kalooban. Hindi niya gusto na  pasabayin si Vin kay Joen o kay Nick.
            He knew his cousins very well. Aatake at aatake ang mga ito kapag may pagkakataon. Lingid sa kaalaman ni Vin. Pagkatapos nitong makausap si Nick at Joen n'ung linggo ay tinawagan niya ang kanyang mga pinsan para makausap ang mga ito.
            Muling naglaro sa isipan niya ang mga pinag-usapan nila.
            Isang ideya ang sumagi sa isipan ni Mack. Sa kakaisip niya kay Vin at sa problema niya sa dalawang pinsan ay nakapag-isip siya ng solusyon para walang lamangan sa kanilang magpipinsan at hindi sila mag-away. Agad niyang kinuha ang kanyang cellphone at unang tinawagan si Joen. Alam niyang tapos nang mag-usap ang tatalo. Pasado alas-sais na ng gabi at tiyak niyang nakauwi na ito sa bahay nito.
            Hindi naman siya naghintay nang matagal sa sagot ng pinsan.
            "Bakit ka tumawag?" Aburidong pambungad ni Joen na ikinasimangot niya. Tila galing ito sa pagtulog at naistorbo niya iyon. Well, wala siyang pakialam.
            "We need to settle things between us three, Joen. Get up. Pumunta ka dito sa bahay namin. Magkita tayong tatlo nina Nick dito."
            "Para saan ba ang pag-uusapan natin?" usisa nito.
            "Just come here and we gonna talk about it here," aniya. He knew that he was sounding demanding but he don't care. Kailangan niyang daanin sa sindak ito.
            "You're demanding. Istorbo ka sa pagtulog ko," aburidong sabi nito. "Maghintay ka dyan at tatawid na lang ako," anito saka nawala sa kabilang linya.
            Sunod niyang tinawagan si Nick.
            "Bakit ka tumawag?"
            "We need to talk. Pumunta ka dito sa bahay. Pupunta din ngayon dito si Joen. Kailangan nating mag-usap tungkol kay Vin at sa ating tatlo, as well."
            "Ganoon ba. Okay, expect me to be there in a minute," anito saka nagpaalam.
            Nakahinga siya nang maluwang. Kung kay Joen ay pahirapan, kay Nick ay mabilisan. Wala nang paliwanagan pa. Mabuti na lang at agad itong sumang-ayon sa sinabi niya. Walang pagdadalawang isip.
            Mga ilang minuto ang hinintay niya. Halos magkasunod na dumating ang mga pinsan niya. It's just funny na nauna pa si Nick kay Joen samantalang katabi lang ng bahay nito ang bahay nila.
            "Ano ba ang pag-uusapan natin?"  Bungad na tanong ni Joen. Halata ang boredom sa mukha nito.
            Niyaya niya ang mga ito sa library room nila. Doon ay malaya silang makakpag-usap nang walang makakarinig o pipigil sa kanila.
            "Sinabi ko na sa `yo kung para saan ang pag-uusap na ito, Joen, `wag kang mainipin," saway niya dito na hindi naman nito pinansin.
            Pasalampak itong umupo sa mahabang sofa. Inokupa naman ni Joen ang single seater.
            "I want us to have an agreement," simula niya.
            Nakuha niya ang atensyon ng mga ito.
            "Anong klaseng agreement?" ani Nick.
            "Gusto kong maging fair ang laban nating tatlo pagdating kay Vin. Ayoko nang maulit ang nangyari sa `tin. Mag-pi-pinsan pa rin tayo at hindi tayo dapat mag-away nang dahil sa kanya. Hindi dapat dahil ayokong malayo sa kanya dahil sa gulo natin."
            "Ang daming sinabi. Just spill it, Mack. Ang dami mong pasakalye," Joen said then yawned.
            "Para maging fair. Dapat nating hatiin ang mga araw para makasama natin si Vin. Dalawang araw natin siyang makakasama nang sarilinan. Pero siyempre ay kahit na ganoon ay hindi natin pipigilan ang isa't-isa sa pagpapansin sa kaniya. Okay lang ba `yon sa inyo? Papayag ba kayo?"
            "It's okay with me," agad na sagt ni Nick.
            Sabay silang napatingin nito kay Joen. They both waiting for him to answer.
            "Okay lang sa `kin. Para maging fair nga tayo sa isa't-isa at para `wag n'yo kong pag-isipan na dalawa nang masama kapag kasama ko siya," sabi nito pero nakangisi. "Ano ba ang set-up natin? SIno at ano ba ang araw na para sa `tin?"
            Napangiti siya sa tanong nito. He started saying to them his condition and set-up. Sa huli ay nakagawa sila ng desisyon. Tuwing Lunes at Huwebes ay makakasama ni Joen si Vin. Siya naman ay tuwing Martes at Biyernes, kay Nick naman natoka ang araw ng Miyerkules at Sabado. Sila na ang bahala kung anong diskarte ang gagawin nila para makuha si Vin. Alam niyang pareho silang dehado ni Nick dahil sa katotohanan na mahal ni Vin si Joen. Pero kahit na ganoon ay malakas pa rin ang loob niya. Hindi siya susuko.
            So far he was satisfied with it. Sana nga ay maging effective iyon.
            Natigil siya sa pag-iisip ng pinag-usapan nilang mag-pi-pinsan nang marinig niya ang pagtawag sa pangalan niya ng kanyang ina. Lumabas siya sa kanyang kwarto at pinuntahan ito.
            Humugot siya nang malalim na hininga. This day will be a boring day for him. Kung pwede niyang hilahin ang araw at oras para maging hapon na ay gagawin niya. Ang pakunswelo na lang niya ay makikita niya mamaya si Vin. Sapat na iyon na reward sa boring na araw na ito.


NANG malaman ni Joen mula sa kanyang daddy na hindi papasok ngayong araw si Mack ay agad siyang nakapag-isip ng ideya. Nagtungo siya sa library room para kausapin ang kanyang ama. Nadatnan niya itong abala sa pakiki-pag-usap sa kung sino sa telepono nito.
            "Can I talk to you, dad."
            Sumenyas ito ng 'sandali lang'. Narinig niya ang pag-papa-alam nito sa kausap sa kabilang linya. Humarap ito sa kanya.
            "Tungkol saan ang pag-uusapan natin, Joen."
            "Pwede bang huwag na muna akong pumasok ngayon saka si Vin."
            Nanalaki ang mga mata nito sa sinabi niya. "At bakit, Joen? Can you give me a valid reason why should I give you what you want?"
            "It's Danna's birthday," agad niyang sagot. "Ako at si Vin, imbitado sa birthday party niya dahil niyaya kami ni Mack. So, that's why I'm asking for it. Gusto ko kasing makapaghanda para doon at makabili na rin ng regalo kasama si Vin."
           Binigyan siya ng hindi naniniwalang tingin ng kanyang ama. "Iyon lang ba talaga o gusto mo lang masolo si Vin, Joen. Sabihin mo sa `kin ang totoo."
            He grinned.
            Talagang kilala siya nito. Hindi talaga siya makakatago ng anuman dito.
            "You got me. Gusto kong masolo si Vin," aniya. "Papayagan mo ba akong mag-absent at si Vin?"
            "Hindi ka ba nahihiya sa `kin, Joen? O kaya ay sa ibang empleyado doon?"
            "HIndi, well a little bit, pero babawi naman ako, eh. Just give this day to me, dad. `Di ba gusto mo kong maging masaya." Tumango ito. "Then I'll be happy if you allow us."
            Napailing na lang ito. "Ano pa nga ba ang magagawa ko. Basta bumawi ka sa `kin."
            Napangiti siya nang malawak saka nagpaalam dito. Nakasakay na siya sa motorsiklo niya nang pumasok naman si Nick sa gate nila. Nagkagulatan pa sila pero hindi nagpansinan.
            Pinaandar niya ang motor nang makita na binuksan na ng guard ang malaking gate. Agad niyang pinuntahan si Vin sa bahay nito. This day will be a great day for both of them. Susulitin niya ang araw na ito para magkasama sila. Sana ay walang maging istorbo.


NAGPUNTA si Nick sa bahay ng Tito Ric niya para magpaalam dito na hindi siya papasok ngayong araw sa restaurant. Nakakahiya man dahil pangalawang araw pa lang ng pasok niya ay agad siyang a-absent. Kailangan lang kasi. May pupuntahan kasi siya kasama si Arkin at hindi iyon pwedeng ipagbukas pa. Ang totoo ay hindi niya alam kung saan sila pupunta ni Arkin pero dahil sa mapilit ito ay pumayag na rin siya.
            Pagdating niya sa bahay ng Tito Ric niya ay naabutan niya si Joen na nakasakay sa motor nito. May pupuntahan siguro ito. Nagkagulatan pa sila ngunit hindi nagpansinan. Aaminin niya na kahit nagkasundo na silang mag-pi-pinsan ay hindi pa rin magaan ang loob niya dito. Kahit na pinagkasundo na sila ni Vin ay hindi pa rin nababawasan ang galit na nadarama niya dito. Parang naki-pag-plastikan lang siya dito at nararamdaman niyang ganoon din si Joen sa kanya. Nagsusumigaw pa rin kasi sa isipan niya ang katotohanan na nahalikan na nito si Vin at nakita niya ang hitsura nito noong magpunta siya sa bahay ni Vin at nangyari ang gulo. Sa abot ng kanyang makakaya ay iiwas siya dito para hindi sila ulit magkagulo.
            Nakasalubong niya ang isang katulong at nagtanong dito kung saan ang Tito Ric niya. Nang sabihin nitong sa library ay agad siyang nagpunta doon. Kumatok muna siya. Nang marinig niya ang boses ng Tito Ric niya na pinapapasok siya ay pumasok na siya. Naabutan niya itong may kausap sa cellphone nito.
            "He's already here," anito sa kausap. "Sige, bye." Nang matapos ang pakikipag-usap nito ay humarap ito sa kanya.
            "Tito, magpapalam po ako na hindi papasok ngayon."
            "Alam ko na `yon, Nick. Nakausap ko si Arkin at ipinaalam ka niya sa `kin. It's okay with me. Matanong ko lang, hindi ka ba pupunta sa birthday party ni Danna?"
            "Dadalo po ako, tito. Madali lang naman daw kami sa pupuntahan namin ni Arkin. HIndi naman siguro kami magtatagal nang sobra doon."
            "Ganoon ba. I'll be expecting you there," anito.
            Tumango siya saka nagpaalam na dito.
            Bumalik siya sa kanilang bahay at doon ay naabutan niya si Arkin na kausap ang mama niya. Hanggang ngayon, kapag nakikita niya ito ay parang may nakikita siya dito na kilala niya. Arkin's feature was quite resembled with Vin. Though he knew something about Vin's true identity there is, still a hanging question in his mind. Ano ba ni Arkin si Vin?
            Pinagmasdan niya ang mukha nito. Nang humarap ito sa kanya ay agad siyang nag-iwas ng tingin. Baka mahuli siya nito na pinagmamasdan ang mukha nito. Mahirap na.
            "Nakapag-paalam ka na?" usisa nito nang makalapit siya. Nagpaalam naman na ang mama niya sa kanila na tutungo sa kwarto nito para magbihis.
            Sinimangutan niya ito. "Ipinaalam mo na pala ako tapos hindi mo man lang sinabi sa `kin. Pinagod mo pa `ko," reklamo niya na tinawanan lang nito.
            "Hindi ka naman nagtanong, eh. Saka okay na rin `yon na nakapag-paalam ka ng personal."
            "Ano pa nga ba," aniya. "You know what, Arkin, you already told me things about Vin but still, there's a hanging question in me. Ano mo ba si Vin?"
            Nag-iwas ito ng tingin. "Mas mabuti na tama na `yang alam mo, Nick. Just help me with him."
            Naguluhan siya sa sagot nito. Nagdulot iyon ng kunot sa kanyang noo. Mukhang hindi pa ito handa na sabihin kung ano ang ugnayan nito kay Vin. kung bakit ganoon na lang ito ka-eager na bantayan niya si Vin habang wala ito. Pagbabantay na hindi naman niya nagagawa dahil sa pagiging abala sa personal na aspeto ng kanyang buhay na alam niyang ikakaunlad niya.
             In a month, he'll be opening his own restaurant with the help of his parents. Sa ngayon ay ang mga magulang na muna niya ang abala sa paglalakad ng mga papeles. Kapag nag-open ang restaurant at bar niya ay hands-on na siya doon. Sana pagdating niyon ay makuha na rin niya si Vin at mapaibig ito.
            Sana...

NAGMAMADALING nagtungo si Vin sa gate nila nang marinig ang sunod-sunod na pagkatok doon. Nasa kwarto siya at kasalukuyang nag-aayos ng sarili para sa pagpasok niya sa restaurant. Nanggigigil siya sa kumakatok dahil kung makakatok ito ay tila wala ng bukas. Tila may balak na sirain ang gate nila habang hindi pa ito napagbubuksan.
            Nakasimangot niyang binuksan ang gate. Tumambad sa kanya ang nakasimangot na mukha ni Joen.
            "Bakit ang tagal mong buksan?" Ang pambungad nito.
            "Bakit kung makakatok ka ay parang sisirain mo na ang gate namin?" balik-tanong niya.
            "Tinatanong kita nang maayos tapos sasagutin mo `ko ng tanong. `Ayos ka talaga, Vin," ang nang-iinis na sabi nito.
            "Bakit ka ba nandito?" tanong niya. Napansin niya ang suot nito. "Bakit ganyan lang ang suot mo?"
            Nakasuot si Joen ng simpleng puting t-shirt at basketball short naman ang pangbaba nito. Tsinelas naman ang sapin nito sa paa. Pambahay na pambahay ang get-up ng lalaki. Parang hindi ito papasok sa restaurant. Samantalang siya ay todo postura pa para lang maging kaaya-aya sa mga kustomer.
            "First question, I'm here para sunduin ka. May pupuntahan tayo. For the second question, ganito ang suot ko dahil hindi ako papasok sa restaurant, tayo pala para maging eksakto."
            Umawang ang labi niya sa sinabi nito.
            "Anong ibig mong sabihin na susunduin mo `ko at hindi tayo papasok? Baliw ka ba? Nasisiraan ng ulo o naka-drugs. Para sa kaalaman mo ay second day pa lang tayo. Agad-agad a-absent."
            Pumalatak ito. "Unang-una, hindi ako baliw. Pangalawa, hindi ako nasisiraan ng ulo. Pangatlo, hindi ako gumagamit ng drugs. Kahit na barumbado ako minsan ay never kong ginawa `yon. Takot ko lang kaya. At panghuli, alam kong second day pa lang natin kaya nga ako nagpaalam kay daddy na hindi tayo papasok."
            "`Ayos ka rin, no? Ikaw ba ako. Basta-basta ka na lang nag-de-desisyon nang hindi nagpapaalam sa `kin."
            "`Wag ka nang tumanggi," anito saka siya mahinang itinulak papasok ulit. Muntikan pa siyang matumba sa ginawa nito. Mabuti na lamang at maagap ito at agad siyang naalalayan.
            "Be careful," nakangising paalala nito.
            Inirapan niya ito. "Salamat sa paalala, ah. Nahiya naman tuloy ako sa pagtulak mo sa `kin. Baliw kang lalaki ka."
            "Pumasok ka na kasi. Ang dami mong daldal. Sundin mo na lang ako, Vin. `Wag kang kumontra. Habang naghihintay ako sa sala n'yo ay magpalit ka na ng damit mo."
            "Masyado kang demanding. Kung maka-pag-utos ka akala mo bahay n'yo `to."
            Nauna siya sa paglalakad. Wala siyang balak na hintayin ito. Bahala ang lalaking ito. Hindi pa siya medyo nakakalayo dito ay hinila na siya nito pabalik.
            "Bakit?"
            "Hintayin mo `ko. Remember I'm your visitor."
            "Ay bisita ka pala. Akala ko kasi ikaw ang may-ari ng bahay na `to, eh," sarkastiko niyang ganti.
            "Ang taray-taray mo na naman. May sanib ka ba ngayon?" Saglit itong natigilan. "O baka meron kang buwanang dalaw." Natatawang sabi nito.
            "Pakialam mo ba. Wala akong sanib at lalong hindi ako dadatnan ng buwanang dalaw baka ikaw ang meron."
            Hindi siya magpapatalo dito sa mga ganitong bagay. Oo, naiinis siya ng konti kay Joen sa pagtulak nito sa kanya ngunit natutuwa naman ang kalooban niya dahil nagbalik ulit sila sa dati. Walang ilangan at parang walang nangyari na gulo noong isang araw.
            "Gusto mo bang halikan kita, Vin."
            Natigilan siya sa sinabi nito. tila nag-evaporate ang katarayan niya. Tila nalulon niya ang dila sa simpleng katanungan nito.
            Gusto niya. Gusto niyang halikan mo siya! Agad na sagot ng malanding bahagi ng pagkatao niya. Samantalang ang totoong siya ay tila naumid ang dila.
            "Silence means yes as I've told you yesterday, Vin. Gusto mo talagang halikan kita. Well, gusto ko rin. `Pag nakapasok na tayo sa bahay n'yo ay hahalikan kita."
            Inipon niya ang katinuan sa kanyang sarili. "Umayos ka nga. masyado kang malandi. masyado ka nang nawiwili sa halik mo," pagsusungit niya na ginantihan lang nito ng isang matamis na ngiti.
            "Pakipot. Gusto rin naman," anito.
            Hindi niya pinansin ang pang-aasar nito. Iniwanan niya ito.
            Pakipot. Iyon nga siya.



9 comments:

  1. Ay sayang! akala ko naman mag-kakaaminan na kaso panaginip lang.
    Ang dami pa talagang mga katanungan sa storya na to: Sino ba talaga si Arkin at anong kaugnayan niya kay Vin? Ano ba kasi yung madilim niyang nakaraan niya na pumipigil sa kanya mag-mahal? mukhang sa mga susunod na kabanata malalaman na natin ang misteryo sa nakaraan ni Vin.

    Go #TeamJoen!

    ReplyDelete
  2. salamat po sa update.

    bharu

    ReplyDelete
  3. Hahaha. Bangayan na naman. Maganda ang chapter na to. Hindi boring. I mean lahat ng chapter ibaiba ang emotions. Thank sa variation Mr Author.

    ReplyDelete
  4. Ayan nararamdaman ko na pag level up niya haha Sino kaya si Arkin? Pero team Joen padin ako. Haha

    Go Vienne!

    Marvs :-) nakachat ko si Blue, amazed daw sya sayo. Hehe

    ReplyDelete
  5. Nakakalito si Vin. Gusto niya ang tatlo. He should know that all is fair in love. Kung sinong tinitibok ng puso di siya.

    ReplyDelete
  6. Gusto ko ung mga ganung moment. Ung kunwari nag-aaway, nag-aasaran pero andun ung kilig!

    #TeamJoen

    -hardname-

    ReplyDelete
  7. Nice nice nice ^_^


    --aZ

    ReplyDelete
  8. Tatay siguro ni vin si arkin : P

    -Zephie

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails