Salamat nang marami.
CHAPTER EIGHTEEN
NASA isang restaurant si Vin.
Nandoon siya dahil doon ang tagpuan nila ni Joen. Kanina ay bigla na lang itong
nag-text sa kanya na may sasabihin ito. Masyado daw iyong urgent at hindi na
ito makakapaghintay na sabihin iyon sa kanya.
Ngunit ilang minuto na siyang naghihintay ay wala
pang Joen na dumarating. Sa loob-loob niya ay baka i-ne-echus lang siya ng
lalaki. May nalalaman pa itong pa-urgent-urgent pero wala pa ito. Kapag
dumating ito ay kukutusan niya talaga si Joen.
Maya-maya ay may tumabi sa kanya.
Hindi
siya nagtaas nang paningin. Kahit hindi niya iyon gawin alam niyang si Joen
iyon dahil pamilyar na sa kanya ang amoy ng pabango nito. Ang sabi niya ay
kapag dumating ito ay kukutusan niya ito pero hindi naman niya magawa. Nanatili
siyang nakayuko at hindi ito pinansin.
"Okay ka lang ba?" tanong
nito.
Saka lang siya nagtaas ng paningin
sa tanong nito. Talagang iyon pa ang itinanong nito. "Mukha ba akong
okay?" Balik-tanong niya saka sumimangot.
"Bakit naiinis ka?" tanong
nito na hindi makapaniwala sa reaksyon na ipinapakita niya.
"Hindi ako naiinis sa
`yo," ang sabi niya. "Inis na inis ako Joen. May nalalaman ka pang
urgent at hindi ka na makapaghintay na sabihin sa `kin kung ano man ang
sasabihin mo tapos ma-le-late."
Lumambot
ang ekspresyon ng mukha nito. "Pasensya na," anito. "Na-traffic
kasi ako, eh. I'm sorry if I keep you waiting."
Lumapit ito sa kanya. Umiwas siya at umisod
palayo dito.
Bumuntung-hininga ito. "Pwede
ba akong magtanong?"
"Ano `yon? Akala ko ba may
sasabihin ka? Bakit ka nagtatanong."
Hindi nito iyon pinansin. "Wala
ka pa bang natitipuhan sa mga pinsan ko?"
"Ano sa tingin mo?"
balik-tanong niya dito.
"Wala," sagot nito.
"Ang sabi mo nga sa `kin ay hindi ka marunong magmahal. Pero hindi naman
ako naniniwala doon, Vin. Marunong ka n'un ang kaso ay natatakot ka. Pwede bang
malaman kung ano ang ikinakatakot mo?"
"Alam ko naman na hindi ka
naniniwala, Joen. Kilala na kita kahit papaano at kilala mo na rin ako. Kung
ano man ang dahilan ko kung bakit ako natatakot ay hindi ko pwedeng sabihin sa
`yo. Masyadong personal iyon at hindi ko kayang sabihin."
"Katulad na lang ng sa tatay
mo," anito. Ikinagulat niya ang sinabi nito. Natatandaan niya na minsan ay
nasigawan niya ito dahil sa pag-uusisa nito tungkol sa galit niya sa tatay
niya.
"Oo. Katulad din doon."
"`Di ba kaibigan mo `ko?"
Tumango siya. "Oo." Hindi
lang basta kaibigan dahil bukod pa doon. Kissing friend tayo, Joen, eh. Ikaw
lang at ako.
"Kailan mo balak sabihin sa
`kin ang personal mong problema?"
"`Pag kaya ko na, Joen. Sa
ngayon kasi hindi ko pa kayang sabihin sa `yo ang personal kong problema. It
will take time. Kung kailan ang panahon na `yon ay hindi ko alam. Basta ang
alam ko ay masasabi ko `yon sa `yo."
"Vin, can I ask for a
favor."
"Favor? Ano naman `yon?"
"`Di ba okay lang naman na sa
`yo na halikan kita."
Kinabahan siya sa sinabi nito but at
the same time ay na-e-excite siya. Mukhang may hinala na siya kung ano ang
pabor na hihilingin nito. At siyempre ay willing siyang pagbigyan ito dahil
iyon naman ang kagustuhan niya.
"Okay na sa `kin na halikan mo
`ko. Hindi ko na `yon ginagawang big deal dahil baka magkalayo na naman
tayo."
Ngumiti ito. "So, okay lang sa
`yo na halikan kita kapag gusto ko?"
"Depende." Pakipot niyang
sabi.
"Eh ngayon, pwede mo ba akong
pagbigyan sa pabor ko?"
"Hindi. Alam mo naman kung
nasaan tayo, Joen. At kung hindi mo naiisip ay ipapaalala ko sa `yo na nasa labas
tayo at hindi sa pribadong lugar. Gusto mo bang magkagulo dito? Gusto mong
makakuha ng atensyon?"
"Sa ibang pagkakataon,
pwede?"
Pasimple siyang tumango na
ikinaluwang ng ngiti nito.
Ano nga ba talaga silang dalawa?
Certified 'kissing friend' na ba talaga. Walang commitment pero naghahalikan.
"Paano kong sabihin ko sa `yo
Vin na gusto kita. Ano ang magiging reaksyon mo?"
Nagulat siya sa sinabi ni Joen.
Nanatiling nakatutok ang tingin niya dito.
Nagpatuloy ito. "I love kissing
your lips. I like having you in my side. Nagseselos ako kapag nilalapitan ka ng
mga pinsan ko. Kung pwede ko nga lang sabihin sa `yo na huwag kang magpaligaw sa
kanila ay ginawa ko na kaso wala naman akong karapatan na gawin `yon. Masaya
ako kasi wala kang gusto sa kanila pero at the same time ay nalulungkot rin ako
kasi sabi mo hindi ka marunong magmahal. Gusto kita, Vin. Pwede ba o kaya naman
ay may pag-asa bang maging tayo kung liligawan din kita katulad ng ginagawa ng
mga pinsan ko sa `yo?"
Shit! Gusto niyang mahimatay sa mga
sinabi ni Joen. Gusto niyang.. Gusto siya nito! Hindi siya makapaniwala. Heto
na ba ang sinasabi nito sa text na 'urgent' at 'hindi na ito makapaghintay na
sabihin sa kanya'.
"Paanong nagustuhan mo `ko,
Joen?" tanong niya nang maalala na sinabi nitong para lang ito sa babae at
hindi para sa mga katulad niya.
"Marami ang dahilan pero hindi
ko kayang i-explain, Vin. Basta gusto kita. Hindi na nga lang gusto kasi mahal
na kita."
Gusto niyang mahimatay.
Para siyang lumilipad sa malawak na
kalangitan sa mga narinig niya mula sa bibig ni Joen. Masayang-masaya siya sa
nalaman na mahal siya nito. Ngunit sa kabila niyon ay may takot at kalungkutan
sa puso niya. Gusto niyang sagutin ito ng malaking 'oo' at 'may gusto rin ako
sa `yo' at 'mahal din kita' kaso ay pinangungunahan siya ng takot. Takot para
sa sarili dahil alam niyang hindi siya karapat-dapat kay Joen. Takot na
masaktan si Nick at Mack kapag nalaman ng mga ito ang mga sinasabi sa kanya ni
Joen. Nasasaktan na niya ang mga ito at ayaw niyang mas masktan pa ang mga ito
nang dahil sa kanya. Isa pa ay ayaw niyang magkagulo ang mga ito nang dahil sa
kanya. At ang panghuli na takot niyang nadarama ay ang magiging reaksyon ni
Joen kapag nalaman nito ang madilim niyang nakaraan. Ang nakaraan na hindi
naman dapat nangyari sa katulad niya.
Oo, sinasabi ng karamihan na ang
pag-ibig ay parang sugal. Kailangan mong sumugal para lumigaya ka at makamit mo
iyon kahit na panandalian lamang. Kung hindi ka susugal ay hindi ka magiging
maligaya. Nasa isang tao na `yon kung paano nito tatanggapin ang magiging sagot
ng taong pagtatapatan nito ng nararamdaman. Pero hindi siya matapang. Hindi
niya kayang sumugal. Kung masasaktan siya ay mas masasaktan niya ang tatlong
lalaki na mahalaga sa buhay niya. Lalo na ang kaharap niya.
Nag-ipon siya ng lakas ng loob.
Lumunok muna siya bago magsalita. Pakiramdam niya ay may kung anong bagay ang
nakaharang sa lalamunan niya.
"Pwede bang maging magkaibigan
na lang tayo, Joen. Natutuwa ako na nagustuhan mo `ko pero hanggang doon lang
ang kaya kong ibigay sa `yo. I'm sorry."
A sad smile curved in Joen's lips.
Pasensya na,
Joen. Kahit gusto kong sabihin at isigaw sa harapan mo ang totoong nararamdaman
ko ay hindi ko kaya. Sapat na sa `kin na nasa tabi kita.
"Sana walang magbago sa
pagkakaibigan natin."
Tumango lang ito.
Pinigilan naman niya ang pagtulo ng
luha niya. Gusto kita Joen. Mahal na nga rin
kita, kaso ay hindi naman tayo pwedeng magkaroon ng relasyon. Hindi ako tama
para sa `yo...
NAGISING si Vin sa mahinang pagyugyog ng kung sino sa balikat
niya. Unti-unti niyang iminulat ang mata para makita kung sino ang may gawa
niyon. Sinalubong siya ng nakangiting mukha ng pinakagwapo na yatang nilalang
na naugnay sa kanya.
"Ang
sarap ng tulog mo, ah," anito.
Natigilan
siya nang maalala ang panaginip niya. Tila totoong-totoo iyon. Kahit gising na
siya ay dama pa rin niya ang pait sa kanyang puso sa pagtanggi niya sa pagtangi
sa kanya ni Joen. Kung nasaktan niya ito sa panaginip ay mas nasaktan naman
siya at patunay na doon ang nadarama niya ngayon.
Nakatingin
lang siya dito. Magkasabay silang umuwi nito sa bahay nila. Hindi niya
namalayan na nakaidlip pala siya habang nakasandal sa dibdib nito. Nakatulog
siya dala ng sobrang pagod sa restaurant. Nang mga huling oras na kasi ay hindi
na siya nagpatinag kay Mack at Nick. Siya na ang gumawa ng mga gawain niya.
Kahit hindi nga niya dapat gawin ay inako na niya.
"May
dumi ba `ko sa mukha?"
Umiling siya
sa tanong nito. Naglalaro pa rin sa isipan niya ang nakita niyang reaksyon sa
mukha nito nang sabihin niyang hanggang sa pagkakaibigan lang sila. He clearly
saw the sadness in his eyes even he smiled at him. HIndi niya kayang tingnan
ang malungkot nitong mukha. Nagtatanong na rin siya sa sarili kung makakaya ba
niyang saktan ito kung sakali man na mangyari ang ganoong senaryo sa totohanan
at hindi lang sa panaginip.
"Alam
kong gwapo ako, Vin. `Wag mo akong tingnan ng ganyan kung ayaw mong mangyari na
naman ang hindi dapat."
"Baliw
ka talaga," aniya saka kumalas dito. Lumayo siya dito saka tumayo para
magtungo sa kusina nila at maghanda ng pagkain.
"Ayaw
mo bang mangyari ulit iyon, Vin? `Di ba nag-enjoy ka naman sa kissing natin.
Kung hindi nga dumating si Nick at Mack ay baka lumampas tayo doon, eh. Kiss
ulit tayo." Parang batang pang-uudyok nito sa kanya.
Napailing
na lang siya. "Para kang sira, alam mo ba `yon? Umayos ka nga. Ang laki
mong tao tapos umaakto ka ng ganyan. Hindi bagay, Joen, ang sagwa."
Sumimangot
ito saka hinarangan ang dinaraanan niya. "Kahit hindi mo aminin alam ko na
nasarapan ka. Hindi ka naman gaganti, eh. Saka `yong nangyari kanina. Ikaw ang
nag-kiss sa `kin sa lips."
He
won't deny nor admit such things with him. Alam niya na alam ni Joen kung ano
ang standing niya pagdating doon. Mahilig lang talaga itong mang-asar.
"Tumabi ka nga dyan, Joen."
Hindi
naman ito natinag. "Sabihin mo muna sa `kin ang totoo. May hint na ako
pero mas masaya kung maririnig ko mula sa `yo ang katotohanan, Vin. Just answer
my question with yes or no. Nasarapan ka ba sa halik ko?"
Hindi
siya sumagot. "Tabi na dyan. Nagugutom na ako. Gusto ko ng kumain, Joen. Ikaw,
baka nagugutom ka na rin kaya ganyan ang mga tanong mo."
"Yes.
I'm hungry but not with food but with this," Joen said then touched his
lips. "I wanted to taste this again, Vin. Wouldn't you mind if I do
it?"
"Ewan,"
pakipot niyang sabi. Ang kabaliwan niya talaga. Malala na siya!
"Ang
ewan ay oo na rin." Hindi papatalong sabi nito.
Lalayo
sana siya dito pero hinapit siya nito palapit dito. Wala na siyang kawala. He
waited for his lips to land in his lips. Their faces were a few inches with
each other when they both heard a coming footstep. Agad niyang itinulak si Joen
palayo sa kanya at naglakad siya palayo dito. Ang lola niya iyon, alam niya.
Muntikan na naman silang mahuli.
Nag-uunahan
silang pumunta ni Joen sa kusina. Natawa na lang siya nang tumawa ito nang
malakas.
"`Wag
nga kayong maingay na dalawa. Gabi na at nakakaistorbo na kayo," saway ng lola
niya na ikinatigil nila.
ARAW ng Martes. Ang araw na sana ay nakatoka kay
Mack para masolo niya si Vin, umaga hanggang gabi. Iyon sana ang araw na dapat
ay siya ang susundo kay Vin sa bahay nito at sabay uuwi pagsapit ng gabi. Ngunit..
May malaking ngunit dahil purnada na naman ang pagsasama nilang dalawa.
Ang
araw na ito kasi ang kaarawan ng kapatid niyang si Danna at siya ang punong
abala. Gusto niyang suwayin ang mama niya sa mga iniuutos nito sa kanya. Para
sa kanya ay nagawa na niya ang parte niya. Pagkakataon naman ng mga magulang
niya na gawin ang parte ng mga ito para sa kaarawan ng kanyang kapatid. Pero
katulad ng dati ay kailangan pa rin siya.
He
just sighed in defeat.
Maaga
siyang nagising. Maaga niyang inihanda ang sarili para sunduin si Vin.
Kasalanan rin naman niya kasi. Nakalimutan niya na ngayong araw gaganapin ang
kaarawan ni Danna. Wala na siyang magagawa kundi ang tawagan na lang si Vin at
sabihin dito na hindi niya ito masusundo at hindi siya papasok sa restaurant
ngayon.
Kinuha
niya ang cellphone niya sa bulsa. Agad niyang idinayal ang numero ni Vin. He
waited for a minute before Vin answered his call. Kagabi ay nag-text siya dito
na siya ang susundo dito para sabay na silang magpunta sa restaurant. Thankful
siya dahil agad itong pumayag at hindi na nag-usisa pa.
"Napatawag
ka Mack?" Ang bungad nitong tanong. "Malapit ka na ba dito sa bahay
kaya ka tumatawag?"
"No,
Vin, nandito pa rin ako sa bahay. Tinawagan kita para ipaalam sa `yo na hindi
kita masusundo at hindi ako papasok ngayong araw."
"Bakit?"
usisa nito. Mahihimigan ng kuryusidad ang boses.
"It's
Danna's birthday. Tuesday ngayon at nakalimutan ko `yon. Pasensya na, Vin.
Babawi ako sa `yo, promise."
"Ano
ka ba, Mack? Okay lang `yon sa `kin. Ako nga ang dapat na mahiya sa `yo dahil
susunduin mo pa `ko, samantalang hindi naman dapat. Naiintindihan ko po."
He
sighed in relief. "Thanks Vin. `Punta ka dito mamaya, ah. Sumabay ka kay
Nick o kaya kay Joen para makapunta ka dito," suhestiyon niya.
"Okay.
Sige, expect me to be there. Okay lang naman siguro na walang regalo,"
anito sa nagbibirong tono.
"It
is okay."
"Anong
'it is okay' ka dyan. Nakakahiya kaya `yon. Sige na, bye na." Ang paalam
nito saka nawala sa kabilang linya.
Ang
suhestiyon niya kanina ay hindi bukal sa kanyang kalooban. Hindi niya gusto na pasabayin si Vin kay Joen o kay Nick.
He
knew his cousins very well. Aatake at aatake ang mga ito kapag may pagkakataon.
Lingid sa kaalaman ni Vin. Pagkatapos nitong makausap si Nick at Joen n'ung
linggo ay tinawagan niya ang kanyang mga pinsan para makausap ang mga ito.
Muling
naglaro sa isipan niya ang mga pinag-usapan nila.
Isang
ideya ang sumagi sa isipan ni Mack. Sa kakaisip niya kay Vin at sa problema
niya sa dalawang pinsan ay nakapag-isip siya ng solusyon para walang lamangan
sa kanilang magpipinsan at hindi sila mag-away. Agad niyang kinuha ang kanyang
cellphone at unang tinawagan si Joen. Alam niyang tapos nang mag-usap ang
tatalo. Pasado alas-sais na ng gabi at tiyak niyang nakauwi na ito sa bahay
nito.
Hindi naman siya naghintay nang
matagal sa sagot ng pinsan.
"Bakit
ka tumawag?" Aburidong pambungad ni Joen na ikinasimangot niya. Tila
galing ito sa pagtulog at naistorbo niya iyon. Well, wala siyang pakialam.
"We need to settle things
between us three, Joen. Get up. Pumunta ka dito sa bahay namin. Magkita tayong
tatlo nina Nick dito."
"Para saan ba ang pag-uusapan
natin?" usisa nito.
"Just come here and we gonna
talk about it here," aniya. He knew that he was sounding demanding but he
don't care. Kailangan niyang daanin sa sindak ito.
"You're demanding. Istorbo ka
sa pagtulog ko," aburidong sabi nito. "Maghintay ka dyan at tatawid
na lang ako," anito saka nawala sa kabilang linya.
Sunod niyang tinawagan si Nick.
"Bakit ka tumawag?"
"We need to talk. Pumunta ka
dito sa bahay. Pupunta din ngayon dito si Joen. Kailangan nating mag-usap
tungkol kay Vin at sa ating tatlo, as well."
"Ganoon ba. Okay, expect me to
be there in a minute," anito saka nagpaalam.
Nakahinga siya nang maluwang. Kung
kay Joen ay pahirapan, kay Nick ay mabilisan. Wala nang paliwanagan pa. Mabuti
na lang at agad itong sumang-ayon sa sinabi niya. Walang pagdadalawang isip.
Mga ilang minuto ang hinintay niya.
Halos magkasunod na dumating ang mga pinsan niya. It's just funny na nauna pa
si Nick kay Joen samantalang katabi lang ng bahay nito ang bahay nila.
"Ano ba ang pag-uusapan
natin?" Bungad na tanong ni Joen. Halata
ang boredom sa mukha nito.
Niyaya niya ang mga ito sa library
room nila. Doon ay malaya silang makakpag-usap nang walang makakarinig o
pipigil sa kanila.
"Sinabi ko na sa `yo kung para
saan ang pag-uusap na ito, Joen, `wag kang mainipin," saway niya dito na
hindi naman nito pinansin.
Pasalampak itong umupo sa mahabang
sofa. Inokupa naman ni Joen ang single seater.
"I want us to have an
agreement," simula niya.
Nakuha niya ang atensyon ng mga ito.
"Anong klaseng agreement?"
ani Nick.
"Gusto kong maging fair ang
laban nating tatlo pagdating kay Vin. Ayoko nang maulit ang nangyari sa `tin.
Mag-pi-pinsan pa rin tayo at hindi tayo dapat mag-away nang dahil sa kanya.
Hindi dapat dahil ayokong malayo sa kanya dahil sa gulo natin."
"Ang daming sinabi. Just spill
it, Mack. Ang dami mong pasakalye," Joen said then yawned.
"Para maging fair. Dapat nating
hatiin ang mga araw para makasama natin si Vin. Dalawang araw natin siyang
makakasama nang sarilinan. Pero siyempre ay kahit na ganoon ay hindi natin
pipigilan ang isa't-isa sa pagpapansin sa kaniya. Okay lang ba `yon sa inyo? Papayag
ba kayo?"
"It's okay with me," agad
na sagt ni Nick.
Sabay silang napatingin nito kay
Joen. They both waiting for him to answer.
"Okay lang sa `kin. Para maging
fair nga tayo sa isa't-isa at para `wag n'yo kong pag-isipan na dalawa nang
masama kapag kasama ko siya," sabi nito pero nakangisi. "Ano ba ang
set-up natin? SIno at ano ba ang araw na para sa `tin?"
Napangiti siya sa tanong nito. He started saying
to them his condition and set-up. Sa huli ay nakagawa sila ng desisyon. Tuwing
Lunes at Huwebes ay makakasama ni Joen si Vin. Siya naman ay tuwing Martes at
Biyernes, kay Nick naman natoka ang araw ng Miyerkules at Sabado. Sila na ang
bahala kung anong diskarte ang gagawin nila para makuha si Vin. Alam niyang
pareho silang dehado ni Nick dahil sa katotohanan na mahal ni Vin si Joen. Pero
kahit na ganoon ay malakas pa rin ang loob niya. Hindi siya susuko.
So far he was satisfied with it.
Sana nga ay maging effective iyon.
Natigil
siya sa pag-iisip ng pinag-usapan nilang mag-pi-pinsan nang marinig niya ang
pagtawag sa pangalan niya ng kanyang ina. Lumabas siya sa kanyang kwarto at
pinuntahan ito.
Humugot
siya nang malalim na hininga. This day will be a boring day for him. Kung pwede
niyang hilahin ang araw at oras para maging hapon na ay gagawin niya. Ang
pakunswelo na lang niya ay makikita niya mamaya si Vin. Sapat na iyon na reward
sa boring na araw na ito.
NANG malaman ni Joen mula sa kanyang daddy na hindi
papasok ngayong araw si Mack ay agad siyang nakapag-isip ng ideya. Nagtungo
siya sa library room para kausapin ang kanyang ama. Nadatnan niya itong abala
sa pakiki-pag-usap sa kung sino sa telepono nito.
"Can
I talk to you, dad."
Sumenyas
ito ng 'sandali lang'. Narinig niya ang pag-papa-alam nito sa kausap sa
kabilang linya. Humarap ito sa kanya.
"Tungkol
saan ang pag-uusapan natin, Joen."
"Pwede
bang huwag na muna akong pumasok ngayon saka si Vin."
Nanalaki
ang mga mata nito sa sinabi niya. "At bakit, Joen? Can you give me a valid
reason why should I give you what you want?"
"It's
Danna's birthday," agad niyang sagot. "Ako at si Vin, imbitado sa
birthday party niya dahil niyaya kami ni Mack. So, that's why I'm asking for
it. Gusto ko kasing makapaghanda para doon at makabili na rin ng regalo kasama
si Vin."
Binigyan
siya ng hindi naniniwalang tingin ng kanyang ama. "Iyon lang ba talaga o
gusto mo lang masolo si Vin, Joen. Sabihin mo sa `kin ang totoo."
He
grinned.
Talagang
kilala siya nito. Hindi talaga siya makakatago ng anuman dito.
"You
got me. Gusto kong masolo si Vin," aniya. "Papayagan mo ba akong
mag-absent at si Vin?"
"Hindi
ka ba nahihiya sa `kin, Joen? O kaya ay sa ibang empleyado doon?"
"HIndi,
well a little bit, pero babawi naman ako, eh. Just give this day to me, dad.
`Di ba gusto mo kong maging masaya." Tumango ito. "Then I'll be happy
if you allow us."
Napailing
na lang ito. "Ano pa nga ba ang magagawa ko. Basta bumawi ka sa `kin."
Napangiti
siya nang malawak saka nagpaalam dito. Nakasakay na siya sa motorsiklo niya
nang pumasok naman si Nick sa gate nila. Nagkagulatan pa sila pero hindi
nagpansinan.
Pinaandar
niya ang motor nang makita na binuksan na ng guard ang malaking gate. Agad
niyang pinuntahan si Vin sa bahay nito. This day will be a great day for both
of them. Susulitin niya ang araw na ito para magkasama sila. Sana ay walang maging
istorbo.
NAGPUNTA si Nick sa bahay ng Tito Ric niya para magpaalam dito na
hindi siya papasok ngayong araw sa restaurant. Nakakahiya man dahil pangalawang
araw pa lang ng pasok niya ay agad siyang a-absent. Kailangan lang kasi. May
pupuntahan kasi siya kasama si Arkin at hindi iyon pwedeng ipagbukas pa. Ang
totoo ay hindi niya alam kung saan sila pupunta ni Arkin pero dahil sa mapilit
ito ay pumayag na rin siya.
Pagdating
niya sa bahay ng Tito Ric niya ay naabutan niya si Joen na nakasakay sa motor
nito. May pupuntahan siguro ito. Nagkagulatan pa sila ngunit hindi nagpansinan.
Aaminin niya na kahit nagkasundo na silang mag-pi-pinsan ay hindi pa rin magaan
ang loob niya dito. Kahit na pinagkasundo na sila ni Vin ay hindi pa rin nababawasan
ang galit na nadarama niya dito. Parang naki-pag-plastikan lang siya dito at
nararamdaman niyang ganoon din si Joen sa kanya. Nagsusumigaw pa rin kasi sa
isipan niya ang katotohanan na nahalikan na nito si Vin at nakita niya ang
hitsura nito noong magpunta siya sa bahay ni Vin at nangyari ang gulo. Sa abot
ng kanyang makakaya ay iiwas siya dito para hindi sila ulit magkagulo.
Nakasalubong
niya ang isang katulong at nagtanong dito kung saan ang Tito Ric niya. Nang
sabihin nitong sa library ay agad siyang nagpunta doon. Kumatok muna siya. Nang
marinig niya ang boses ng Tito Ric niya na pinapapasok siya ay pumasok na siya.
Naabutan niya itong may kausap sa cellphone nito.
"He's
already here," anito sa kausap. "Sige, bye." Nang matapos ang
pakikipag-usap nito ay humarap ito sa kanya.
"Tito,
magpapalam po ako na hindi papasok ngayon."
"Alam
ko na `yon, Nick. Nakausap ko si Arkin at ipinaalam ka niya sa `kin. It's okay
with me. Matanong ko lang, hindi ka ba pupunta sa birthday party ni
Danna?"
"Dadalo
po ako, tito. Madali lang naman daw kami sa pupuntahan namin ni Arkin. HIndi
naman siguro kami magtatagal nang sobra doon."
"Ganoon
ba. I'll be expecting you there," anito.
Tumango
siya saka nagpaalam na dito.
Bumalik
siya sa kanilang bahay at doon ay naabutan niya si Arkin na kausap ang mama
niya. Hanggang ngayon, kapag nakikita niya ito ay parang may nakikita siya dito
na kilala niya. Arkin's feature was quite resembled with Vin. Though he knew
something about Vin's true identity there is, still a hanging question in his
mind. Ano ba ni Arkin si Vin?
Pinagmasdan
niya ang mukha nito. Nang humarap ito sa kanya ay agad siyang nag-iwas ng
tingin. Baka mahuli siya nito na pinagmamasdan ang mukha nito. Mahirap na.
"Nakapag-paalam
ka na?" usisa nito nang makalapit siya. Nagpaalam naman na ang mama niya
sa kanila na tutungo sa kwarto nito para magbihis.
Sinimangutan
niya ito. "Ipinaalam mo na pala ako tapos hindi mo man lang sinabi sa
`kin. Pinagod mo pa `ko," reklamo niya na tinawanan lang nito.
"Hindi
ka naman nagtanong, eh. Saka okay na rin `yon na nakapag-paalam ka ng
personal."
"Ano
pa nga ba," aniya. "You know what, Arkin, you already told me things
about Vin but still, there's a hanging question in me. Ano mo ba si Vin?"
Nag-iwas
ito ng tingin. "Mas mabuti na tama na `yang alam mo, Nick. Just help me
with him."
Naguluhan
siya sa sagot nito. Nagdulot iyon ng kunot sa kanyang noo. Mukhang hindi pa ito
handa na sabihin kung ano ang ugnayan nito kay Vin. kung bakit ganoon na lang
ito ka-eager na bantayan niya si Vin habang wala ito. Pagbabantay na hindi
naman niya nagagawa dahil sa pagiging abala sa personal na aspeto ng kanyang
buhay na alam niyang ikakaunlad niya.
In a month, he'll be opening his own
restaurant with the help of his parents. Sa ngayon ay ang mga magulang na muna
niya ang abala sa paglalakad ng mga papeles. Kapag nag-open ang restaurant at
bar niya ay hands-on na siya doon. Sana pagdating niyon ay makuha na rin niya
si Vin at mapaibig ito.
Sana...
NAGMAMADALING nagtungo si Vin sa gate nila nang marinig ang
sunod-sunod na pagkatok doon. Nasa kwarto siya at kasalukuyang nag-aayos ng
sarili para sa pagpasok niya sa restaurant. Nanggigigil siya sa kumakatok dahil
kung makakatok ito ay tila wala ng bukas. Tila may balak na sirain ang gate
nila habang hindi pa ito napagbubuksan.
Nakasimangot
niyang binuksan ang gate. Tumambad sa kanya ang nakasimangot na mukha ni Joen.
"Bakit ang tagal mong
buksan?" Ang pambungad nito.
"Bakit
kung makakatok ka ay parang sisirain mo na ang gate namin?" balik-tanong
niya.
"Tinatanong
kita nang maayos tapos sasagutin mo `ko ng tanong. `Ayos ka talaga, Vin,"
ang nang-iinis na sabi nito.
"Bakit
ka ba nandito?" tanong niya. Napansin niya ang suot nito. "Bakit
ganyan lang ang suot mo?"
Nakasuot
si Joen ng simpleng puting t-shirt at basketball short naman ang pangbaba nito.
Tsinelas naman ang sapin nito sa paa. Pambahay na pambahay ang get-up ng
lalaki. Parang hindi ito papasok sa restaurant. Samantalang siya ay todo
postura pa para lang maging kaaya-aya sa mga kustomer.
"First
question, I'm here para sunduin ka. May pupuntahan tayo. For the second
question, ganito ang suot ko dahil hindi ako papasok sa restaurant, tayo pala
para maging eksakto."
Umawang
ang labi niya sa sinabi nito.
"Anong
ibig mong sabihin na susunduin mo `ko at hindi tayo papasok? Baliw ka ba?
Nasisiraan ng ulo o naka-drugs. Para sa kaalaman mo ay second day pa lang tayo.
Agad-agad a-absent."
Pumalatak
ito. "Unang-una, hindi ako baliw. Pangalawa, hindi ako nasisiraan ng ulo.
Pangatlo, hindi ako gumagamit ng drugs. Kahit na barumbado ako minsan ay never
kong ginawa `yon. Takot ko lang kaya. At panghuli, alam kong second day pa lang
natin kaya nga ako nagpaalam kay daddy na hindi tayo papasok."
"`Ayos
ka rin, no? Ikaw ba ako. Basta-basta ka na lang nag-de-desisyon nang hindi
nagpapaalam sa `kin."
"`Wag
ka nang tumanggi," anito saka siya mahinang itinulak papasok ulit.
Muntikan pa siyang matumba sa ginawa nito. Mabuti na lamang at maagap ito at
agad siyang naalalayan.
"Be
careful," nakangising paalala nito.
Inirapan
niya ito. "Salamat sa paalala, ah. Nahiya naman tuloy ako sa pagtulak mo
sa `kin. Baliw kang lalaki ka."
"Pumasok
ka na kasi. Ang dami mong daldal. Sundin mo na lang ako, Vin. `Wag kang
kumontra. Habang naghihintay ako sa sala n'yo ay magpalit ka na ng damit
mo."
"Masyado
kang demanding. Kung maka-pag-utos ka akala mo bahay n'yo `to."
Nauna
siya sa paglalakad. Wala siyang balak na hintayin ito. Bahala ang lalaking ito.
Hindi pa siya medyo nakakalayo dito ay hinila na siya nito pabalik.
"Bakit?"
"Hintayin
mo `ko. Remember I'm your visitor."
"Ay
bisita ka pala. Akala ko kasi ikaw ang may-ari ng bahay na `to, eh,"
sarkastiko niyang ganti.
"Ang
taray-taray mo na naman. May sanib ka ba ngayon?" Saglit itong natigilan.
"O baka meron kang buwanang dalaw." Natatawang sabi nito.
"Pakialam
mo ba. Wala akong sanib at lalong hindi ako dadatnan ng buwanang dalaw baka
ikaw ang meron."
Hindi
siya magpapatalo dito sa mga ganitong bagay. Oo, naiinis siya ng konti kay Joen
sa pagtulak nito sa kanya ngunit natutuwa naman ang kalooban niya dahil
nagbalik ulit sila sa dati. Walang ilangan at parang walang nangyari na gulo
noong isang araw.
"Gusto
mo bang halikan kita, Vin."
Natigilan
siya sa sinabi nito. tila nag-evaporate ang katarayan niya. Tila nalulon niya
ang dila sa simpleng katanungan nito.
Gusto niya. Gusto niyang halikan mo
siya! Agad na sagot ng malanding bahagi ng pagkatao
niya. Samantalang ang totoong siya ay tila naumid ang dila.
"Silence
means yes as I've told you yesterday, Vin. Gusto mo talagang halikan kita.
Well, gusto ko rin. `Pag nakapasok na tayo sa bahay n'yo ay hahalikan
kita."
Inipon
niya ang katinuan sa kanyang sarili. "Umayos ka nga. masyado kang malandi.
masyado ka nang nawiwili sa halik mo," pagsusungit niya na ginantihan lang
nito ng isang matamis na ngiti.
"Pakipot.
Gusto rin naman," anito.
Hindi
niya pinansin ang pang-aasar nito. Iniwanan niya ito.
Pakipot. Iyon nga siya.
Ay sayang! akala ko naman mag-kakaaminan na kaso panaginip lang.
ReplyDeleteAng dami pa talagang mga katanungan sa storya na to: Sino ba talaga si Arkin at anong kaugnayan niya kay Vin? Ano ba kasi yung madilim niyang nakaraan niya na pumipigil sa kanya mag-mahal? mukhang sa mga susunod na kabanata malalaman na natin ang misteryo sa nakaraan ni Vin.
Go #TeamJoen!
salamat po sa update.
ReplyDeletebharu
Hahaha. Bangayan na naman. Maganda ang chapter na to. Hindi boring. I mean lahat ng chapter ibaiba ang emotions. Thank sa variation Mr Author.
ReplyDeleteAyan nararamdaman ko na pag level up niya haha Sino kaya si Arkin? Pero team Joen padin ako. Haha
ReplyDeleteGo Vienne!
Marvs :-) nakachat ko si Blue, amazed daw sya sayo. Hehe
Nakakalito si Vin. Gusto niya ang tatlo. He should know that all is fair in love. Kung sinong tinitibok ng puso di siya.
ReplyDeleteGusto ko ung mga ganung moment. Ung kunwari nag-aaway, nag-aasaran pero andun ung kilig!
ReplyDelete#TeamJoen
-hardname-
Nice nice nice ^_^
ReplyDelete--aZ
Tatay siguro ni vin si arkin : P
ReplyDelete-Zephie
31 Si Arkin, 21 si Vin
Delete:))