Followers

Monday, June 23, 2014

Fated Encounter 17

Nagpapasalamat ako nang marami sa mga taong naglalaan ng oras para basahin ang istoryang ito. Sa mga sumusunod na readers. Kina Hardname(na walang sawa na nag-iiwan ng komento simula sa umpisa), kay Marvs at Ruhtra Villanueva (na nasisiyahan ako sa pagbibigay ng puna), kay Kuya Rye Evangelista (na kapalitan ko ng message sa G+), Sir Alfred of T.O., Angel, Russ, John Paul Grey, Dave, Bharu, Xen at Chuchii. Salamat sa comment(booster kasi `yon, eh). Pati kay Kuya Bluerose, sa pag-po-promote ng story na `to. Salamat talaga nang marami.



CHAPTER SEVENTEEN

KATULAD NG sinabi ni Vin kay Mack ay kakausapin niya si Nick. Kaya naman ay tinawagan niya si Nick at nag-set siya ng lugar at oras para makausap ito. Nasa loob siya ng fastfood chain at hinihintay ang pagdating ng lalaki. Ang usapan nila ay alas tres ng hapon sila magkikita pero lampas na sa nakasaad na oras ay wala pa rin si Nick.
            Naging maayos naman ang pag-uusap nila nang tawagan niya ito. Pero bakit wala pa rin ito? Siguro ay na-traffic ito kaya ganoon. Sagot niya sa sariling tanong. He started tapping the table using his finger. Kanina pa ubos ang in-order niyang pagkain, bago kasi mag-alas tres ay nandoon na siya.
            Sa bawat taong papasok sa pintuan ay nakaabang siya. Nagbabakasakali siya na isa si Nick sa papasok. Nababanas na siya sa paghihintay. Humikab siya dala ng pagkabagot. Kapag hindi pa dumating si Nick pagkatapos ng sampung minuto ay aalis na siya.
            Kinuha niya ang kanyang cellphone at nag-type ng mensahe na i-ti-text niya kay Nick. Dahil sa abala sa ginagawa ay hindi niya namalayan ang pag-upo ng kung sino sa upuan na nasa harap ng inuupuan niya.
            Nag-angat siya ng tingin. Nanlaki ang mata niya nang makita kung sino ang lalaking nasa harapan niya. Si Nick!
            Nag-iba ang hitsura nito. Wala na itong suot na salamin at bagong gupit ito na bumagay dito. Nagkaroon ng ibang kulay ang itim na buhok nito na bumagay dito.
            Nick smiled at him.
            Gwapo na ito kahit nakasuot ng salamin pero mas gumwapo pa ito ngayon. Patunay na doon ang mga sulyap at tingin ng mga babae na nasa loob ng fastfood chain.
            Para siyang timang na nakatulala sa kagwapuhan nito.
            "Sorry kung pinaghintay kita," paumanhin nito.
            Hindi siya sumagot. His eyes were still focused at him. Para magising lang siya sa trance na iyon ay pumitik pa si Nick gamit ang daliri nito sa tapat ng mukha niya. It helped. Bigla siyang natauhan. Bigla rin siyang nahiya.
            "Pasensya ka na Nick," aniya.
            "Walang kaso `yon. I'm glad you like my new look. Satisfied ako sa reaksyon mo," ang sabi nito na nagdulot ng pamumula sa kanyang pisngi.
            Lantaran naman talaga kasi ang ginawa niyang pagtitig dito. Humanga talaga siya sa kagwapuhan nito. Sa bago nitong hitsura.
            "A-ang gwapo mo na, mas gumwapo ka pa ngayon." Nahihiyang sabi niya.
            "Salamat. Pasensya na ulit sa paghihintay sa `kin," ulit na paumanhin nito. "Bago kasi ako magpunta dito ay nagpagupit pa ako at nagpakulay ng buhok ko." Paliwanag nito.
            "Okay na, Nick. Ang mahalaga ay dito ka na. Pasalamat ka at naabutan mo pa ako dito," pagbibiro niya.
            Nick chuckled.
            "Ano ba ang pag-uusapan natin?"
            Sumeryoso siya.  "Tungkol sa nangyari kagabi."
            "I'm sorry about that," anito.
            "I'm also sorry," aniya. "Ako ang dahilan ng gulo kagabi at ako ang dapat mag-ayos niyon. I'm sorry kasi nasaktan kita sa nakita mo."
            Gumuhit ang mapait na ngiti sa labi nito. "`Yong totoo, Vin, may gusto ka ba kay Joen? Bakit siya nasa loob ng kwarto mo? Bakit ganoon lang ang suot niya? May namamagitan na ba sa inyo?"
            "Walang namamagitan sa `min ni Joen," sagot niya. Damn him for lying again. May nangyari sa inyo ni Joen. You two kissed twice. At ang una na halikan ay nakita ni Mack kaya nalaman niya na may gusto ka sa pinsan nila. "Nasa kwarto ko siya dahil doon siya matutulog."
            "Hindi mo pa nasasagot ang una kong tanong, Vin. May gusto ka ba kay Joen?"
            "Ang totoo ay.." Napatingin siya sa pintuan. Nakita niya ang pagpasok ni Joen at pagngiti nito sa kanya. Lumapit ito sa kanila. Handa na siyang sabihin kay Nick ang totoo pero dumating si Joen. Ano ba ang ginagawa ng lalaking ito dito?
            "Why are you here?' tanong dito ni Nick.
            "Pinapunta ako dito ni Mack," cool na sagot nito. Hinila nito ang bakanteng upuan mula sa kabilang mesa at doon umupo.
            "Tutal ay nandito ka na, mas mabuti sigurong marinig mo mula kay Vin kung may gusto ba siya sa `yo o wala."
            Nawala ang coolness sa mukha ni Joen. Bigla itong sumeryoso. Alam niyang alam na nito ang magiging sagot niya dahil sinabi niya dito na hindi siya marunong magmahal. Na hindi naman nito pinaniniwalaan.
            "Sabihin mo na Vin," udyok sa kanya ni Joen.
            Huminga muna siya nang malalim. "Wala akong gusto kay Joen. Wala akong pagtingin sa kanya. Kung may pagtingin man ako sa kanya ay pagtinging kaibigan lang iyon."
            "You heard him, Nick. Wala kang dapat ipagselos sa `kin dahil hindi siya magkakagusto sa `kin." Habang sinasabi iyon ni Joen ay nakita niya ang lungkot sa mukha nito. Lungkot? Para saan?
            Sa pagsasabi na hindi mo siya gusto! Gagi! Hindi gusto pero kung maki-paghalikan akala mo may relasyon sila. Malaki kang sinungaling. Lampas sa height mo, Vinnezer!
            "Hindi pa rin na hindi pwede Joen. Alam mo na alam ko ang totoo.."
            Magsasalita pa sana si Nick nang patlangin ito ni Joen. "`Wag ka nang magsalita pa, Nichollo."
            Nagtitigan ang dalawa. Nag-usap ang mga ito gamit ang mata. Hindi siya maka-connect sa mga ito. Parang bigla-bigla ay nagkaroon ng sariling pag-uusap ang mga ito sa bagay na may kinalaman siya pero hindi gustong ipaalam ng dalawa sa kanya.
            "Pwede bang magbati na kayong dalawa," pagsingit niya sa mga ito. "Sana ay magbati na kayo. Papasok na tayo bukas sa restaurant at sana bago iyon ay maayos na ang gusot sa pagitan n'yo. Sana maging okay na kayong tatlo na magpi-pinsan."
            "I'm okay with it. Willing akong makipagbati kay Nick. Kaya nga ako nagpunta dito ay dahil doon," ani Joen saka inilahad ang kamay.
            Inabot naman iyon ni Nick. "I'm also willing. Tama si Vin, mag-pinsan tayo at dapat na magka-ayos lang tayo."
            Nag-shake hands ang dalawa.
            Napangiti siya sa nakita.
            At last it was settled. Mabuti na lang talaga. Sana ay walang maging problema pa sa mga ito. Dahil kapag naulit muli ang pag-aaway ng mga ito at siya ang maging dahilan ay lalayo siya nang tuluyan sa mga ito. Kahit na ayaw niyang gawin iyon.


SIMULA NA NANG unang araw ni Vin sa pagtatrabaho sa restaurant. Sobrang excited siya. At patunay na doon ang paggising niya nang maaga at paghahanda ng mga susuotin niya. Bago maligo ay nagluto muna siya ng almusal. Nakapag-init na rin siya ng tubig para sa kape nilang mag-lola.
            Pagkatapos niyang maligo ay agad siyang nagbihis. Humarap siya sa salamin na nasa loob ng kwarto niya. Napangiti siya nang malawak nang makita ang sariling repleksyon. Bagay sa kanya ang kulay asul na polo shirt na pinaresan niya ng kulay kayumanggi na pantalon. `Pag sa restaurant na lang niya susuotin ang uniporme na ibinigay sa kanya ni Joen kahapon pagkatapos niyang makausap si Nick at ito.
            Speaking of them. Maliban sa pagiging excited sa pagpasok sa restaurant ay excited din siyang makita ang tatlong lalaki. Gusto niyang makita ang mga ito na suot ang uniporme ng restaurant. Tiyak niya kasi na babagay sa mga ito iyon.
            Sa mga araw na nagdaan ay naging malaking bahagi ng kanyang buhay ang tatlong lalaki na sa isang araw lang niya nakilala. Its been a week since the day he met them and some changes came to his life.
            Nagkaroon siya ng manliligaw sa katauhan ni Nick at Mack. Sa unang pagkakataon ay na-in-love siya kay Joen. Pakiramdam na nagdudulot ng kasiyahan sa kanya ngunit sa kabila niyon ay naghahatid din ng kalungkutan. Kung sana ay pwedeng maging sila pero hindi naman pwede. Hindi pwedeng mangyari iyon kahit na nagsusumigaw ang katotohanan na dalawang beses silang naghalikan.
            Ayaw niya ng kumplikasyon pero siya rin ang nagpapa-komplika ng bagay. Hindi niya mapipigilan ang nadarama niya. Alam niya iyon at wala naman siyang balak na pigilan iyon. Ang kailangan lang niyang gawin ay isalugar iyon.


GUMISING NANG maaga si Joen. Sinadya niya iyon para huwag siyang ma-late sa unang araw ng trabaho niya sa restaurant nila. He maybe the son of the owner but he wanted to be impressive again. Gusto niyang mapalitan ang masamang imahe niya na idinulot niya sa ibang empleyado ng daddy niya. Isa pa ay gusto rin niyang magpa-sikat kay Vin. Gusto niyang sa unang araw ng pasok nila sa restaurant ay sila ni Vin ang magkasama. Gusto niyang siya ang una nitong makita.
            He tried his best effort to look pleasant in his appearance. He wanted to be attractive infront of him. Mula kasi nang sabihin ni Vin na hindi ito marunong magmahal na hindi naman niya pinaniniwalaan ay parang may bumubulong sa kanya na gumawa ng effort para mas magustuhan siya nito. Nasaktan rin siya sa sinabi nito kahapon na hanggang tinging kaibigan lang ang tingin nito sa kanya. Masakit iyon na marinig pero hindi naman siya naniniwala doon. Alam niya kasi at nakikita niya na espesyal siya kay Vin. Ayaw lang nitong aminin iyon dahil sa kung anong bagay na bumabagabag dito.
   Yes, they kissed twice but maybe for Vin it was nothing. Kung kay Vin ay dala lang iyon ng init ng katawan at pakikipag-flirt niya dito, sa kanya ay hindi. May kahulugan iyon. Mas ipapadama niya dito ang pagmamahal niya dito sa pamamagitan ng mga simpleng effort. Hindi niya muna iyon sasabihin dito. Hahanap siya ng mabisang paraan para masabi iyon dito.
            Isa pang problema niya ay ang dalawang pinsan na kaagaw niya kay Vin. Simula na ng totoong laban nila kay Vin. Alam niya na mag-e-effort ang mga ito lalo na at alam na ng mga ito ang totoong pagtingin niya kay Vin. Kung titingnan ay mas lamang ang mga ito dahil malaya ang mga ito na sabihin kay Vin ang totoong nararamdaman ng mga ito. Samantalang siya ay hindi pa. Pero magpapatalo ba siya dahil lang doon? Siyempre hindi. Mas lamang pa nga siya sa mga ito dahil nahalikan na niya si Vin ng dalawang beses at ang halik na iyon ay hindi lang basta halik. At malaki ang paniniwala niya na may espesyal rin sa kanyang pagtingin si Vin. He see it in his actions.
            Napangiti siya.
            Pagkatapos nilang makausap ni Nick si Vin kahapon ay nakatanggap sila ng mensahe galing kay Mack. May kasunduan silang tatlo na alam niyang hindi niya magagawa. Bahala na kung ano ang mangyari. He will try his best to stand for it.
            Nang matapos magbihis ay nag-text siya kay Vin.
            Goodmorning Vin! Sabay na tayo pumasok sa restaurant.
            Hindi rin nagtagal ay nakatanggap siya ng reply mula dito.
            Goodmorning din! Hindi ba nakakahiya? Imbes na umabante ka na ay aatras ka pa para sa `kin.
            Napangiti siya. He really love him. Sa simpleng paraan nito ay napapangiti siya.
            Hindi `yon nakakahiya, Vin. Ayos lang sa `kin ang umatras para sa `yo. Ayokong umabante kung hindi ka kasama.
            May pagka-cheesy man ang kanyang mensahe ay ayos lang.
            Wala na siyang natanggap na tugon mula dito. Muli niyang inayos ang sarili. Nang makuntento sa hitsura niya ay nagmamadali siyang sumakay sa kanyang motorsiklo. Mas okay sa kanya ang sumakay doon para maging malapit sa kanya si Vin. Mayayakap siya nito.


Hindi `yon nakakahiya, Vin. Ayos lang sa `kin ang umatras para sa `yo. Ayokong umabante kung hindi ka kasama.
            Simpleng text message lang iyon mula kay Joen ngunit ang epekto kay Vin ay sadyang malala. Nagbigay iyon sa kanya ng kilig. Parang gusto niyang sumigaw dahil doon. Maluwang ang pagkakangiti niya. Tila hindi na iyon mabubura sa mukha niya. His day started fine but because of Joen's message it became the best morning he ever had.
            Nasa labas na siya ng bahay nila at hinihintay ang pagdating ni Joen. Speaking of Joen, nakita niya ito. Nakasakay sa motorsiklo nito. Malawak ang pagkakangiti nito habang palapit sa kanya. Wala itong suot na helmet.
            Pwede naman niyang gawin ang mga ganitong bagay. Kung magkakaroon kaya ng label ang relasyon nilang dalawa ni Joen ay ano ang pwede. Nakakatawa lang siya dahil hindi niya nga masabi dito ang totoo niyang nararamdaman ay nag-iisip siya ng mga ganoon na bagay. Pero ayos lang naman dahil siya lang naman ang nakakaalam. Siguro bagay na itawag sa pagkakaibigan nila ay 'kissing friend.'  
            Nang huminto ang motor ni Joen sa tapat niya ay parang may sariling buhay ang mga paa niya na lumapit dito. Mas nakakagulat ang sunod niyang ginawa. Hinalikan niya sa pisngi si Joen. Hindi ito nagsalita pero lumawak ang ngiti nito.
            Para saan `yon Vinnezer? tanong niya sa sarili.
            Hindi ko alam. Basta gusto ko siyang halikan.
            Baliw ka na talaga.
            Oo. Baliw na nga ako. Baliw na ako sa pagmamahal ko sa kanya. Sana ay pwedeng maging kami.
            Nagpapatawa ka ba. Ikaw lang naman ang problema eh. Masyado kang nag-aalala sa masamang nangyari sa `yo sa nakaraan. Parang nabubuhay ka dahil lang doon.
            Hindi iyon madaling makalimutan. It haunts me.
            Natigil lang siya sa pakikipag-debate sa sarili nang isuot sa kanya ni Joen ang helmet. "Salamat sa halik, Vin. Sana maulit," anito.
            "Baliw." Ang tanging nasabi niya saka sumakay sa motor.
            "Yumakap ka sa `kin nang mahigpit. Bibilisan ko ang pagpapatakbo," anito.
            "I-try mo lang, sasampalin kita," aniya na tinawanan nito.
            Pinaandar na nito ang motor. Sa una ay mabagal lamang ang pagpapatakbo nito kaya hindi siya masyadong yumayakap dito. Habang patagal ay bumilis iyon at sa gulat niya ay napasubsob siya sa likuran nito. Humigpit rin ang pagkakayakap niya dito. Naramdaman niya ang solidong likuran nito pati ang pipis na tiyan na alam niya kung gaano kaganda. Ilang ulit na rin niyang nakita ang maganda nitong katawan.
            Imbes na magreklamo pa sa pagpapatakbo nito ay in-enjoy na lang niya ang pagkakataon. Magiging choosy pa ba siya kung ito na ang gumagawa ng paraan para matsansingan niya. At sa nakikita niya ay walang kaso iyon kay Joen.


PAGDATING NI Vin at Joen sa restaurant ay agad niyang nakita sina Nick at Mack. Nginitian niya ang mga ito at lumapit. Iniwanan niya si Joen na i-pina-park ang motor nito. Nagulat siya nang basta na lang siyang yakapin ni Mack, pagkatapos ay si Nick naman.
            Nag-ngitian ang dalawa nang makita ang reaksyon niya.
            "Para saan `yon?" takang tanong niya.
            "Wala lang," sagot ng mga ito. Halos magkasabay pa.
            "Na-miss ka lang namin ng sobra, Vin," ani Mack. Agad namang sinang-ayunan iyon ni Nick.
            Napailing na lang siya. "Nagkita pa lang tayo kahapon, Nick, at doon ka natulog sa bahay Mack n'ung isang araw. Paanong na-miss n'yo agad ako?"
            Masaya siya na muli ay naging komportable sila sa isa't-isa. Tila walang nangyaring gusot sa pagitan nilang apat. Sana ay magtuloy-tuloy na nga ang kasiyahan na ito. Sana ay walang magbago kahit na wala siyang sagutin sa mga ito.
            "Bakit mo `ko iniwan, Vin?" Nakabusangot na tanong ni Joen sa kanya nang makalapit ito.
            "Ayos na `yon, Joen," nakangiting sabi niya dito. "Kaya mo naman na mag-isa ang mag-park ng motor mo, eh. Hindi na ako kailangan."
            "Kahit na," anito sa ka bumaling sa mga pinsan nito. "Para saan ang yakap na `yon?" tanong nito. "Ako rin ba merong yakap mula sa inyo. Bagong dating din naman ako, ah."
            Tinawanan lang ito ng dalawa.
            "Bakit nililigawan ka ba namin?"
            "Bakit gusto mo ba akong ligawan, Mack?" ganting tanong naman ni Joen.
            Nag-anyong nasusuka si Mack. Tumawa siya. Hay! Ang saya lang. Sana mag-tuloy-tuloy na ito. Muling sabi niya sa sarili.
            "Ang PDA n'yong dalawa, alam n'yo `yon? `Wag nyong kalimutan na kamag-anak pa rin kayo ng may-ari ng restaurant na ito. Kahit waiter lang tayo ay kailangan pa rin nilang igalang tayo."
            "Ang galing mong manermon. Ikaw nga pumapasok sa kwarto ni Vin."
            Napayuko siya sa sinabi ni Nick.
            "Iba `yon. Kahit papaano ay nasa loob kami ng kwarto, ng bahay nina Vin. Hindi katulad sa inyong dalawa. Wala kayong pinipili na lugar. Kahit saan na lang ay yumayakap at humahalik."
            Nagbangayan pa ang mga ito patungkol sa mga ginagawa ng mga ito. Siya ang nahihiya sa ginagawa ng mga pesteng lalaking ito. Kung may mga nakikinig lang na ibang tao sa mga ito ay tiyak niyang matatawa na lang.
            "Tumahimik na nga kayo," saway niya sa mga ito. "Nandito tayo para magtrabaho at hindi para magbangayan. Mahiya naman kayo, kamag-anak pa naman kayo ng may-ari tapos mag-iingay kayong tatlo. Lalo ka na, Joen, anak ka ng may-ari. Sa ating lahat ikaw dapat ang matino. `Wag mong ipahiya si Tito Ric."
            Sumimangot si Joen. "Oo na kamahalan," pang-aasar nito na hindi niya pinansin.
            Bumaling siya kay Mack at Nick. "Please. Maawa kayo sa `kin. Pwede bang `pag pag-uusapan niyo ko ay `wag sa harapan ko. Ako ang nahihiya sa pinagagawa n'yo."
            Pagkatapos niyang sabihin iyon ay nauna na siyang pumasok sa loob ng restaurant.

HINDI MAN IPAHALATA NI VIN, alam niya na napapansin ng magpi-pinsan ang pagkayamot niya sa nangyari sa araw na iyon. First day of work ngunit wala naman siyang ginawa. Nagmistulan siyang amo at hindi empleyado sa ginawa nina Nick at Mack. Bawat bagay kasi na gawin niya ay inaako ng mga ito. Kahit na tumanggi siya ay mapilit ang mga ito kaya sa huli ay ang mga ito ang nasusunod. Nang minsan siyang tumanggi ay nakakuha sila ng atensyon ng mga kumakain sa restaurant dahil sa pagtaas ng boses niya. Nakakainis lang na sobra na ang ginagawang pagpapapansin ng mga ito sa kanya. Alright, hindi naman siya manhid para hindi ma-appreciate ang effort ng mga ito para ipakita kung gaano siya kahalaga sa mga ito. Pero sa palagay niya ay sumosobra na. Hindi siya mapagsamantalang tao at ayaw niya sa mga nangyayari. Para huwag na siyang sumabog pa sa inis na nadarama kay Nick at Mack ay pinili niyang umupo sa isang sulok habang kumakain ng pananghalian sa loob ng staff room ng restaurant. Nauna na siyang kumain para huwag na niyang makasabay si Nick at Mack dahil alam niya kung ano na naman ang mangyayari kung makakasabay niya ang dalawa.
            Nang matapos siyang kumain ay nagpahinga muna siya. Pagkatapos ay lumabas siya ng staff room at nakipagpalitan sa isang kasamahan nila. Eksaktong pagpasok niya doon ay pumasok naman si Charles. Agad itong ngumiti nang makita siya.
            Pupuntahan na niya ito nang harangin siya ni Nick.
            "Bakit?" kunot ang noong tanong niya. Sa aksyon nito ay alam na niya kung ano ang balak nito: pipigilan na naman siya na magtrabaho.
            "Si Charles ang pupuntahan mo, `di ba?"
            Tumango siya. "Oo. Customer natin siya, `di ba?"
            "Oo pero ako na ang mag-aasikaso sa kanya. Magpapansin lang naman siya sa `yo, eh."
            Sumimangot siya. "Katulad ng ginagawa niyo ni Mack. Pwede ba, Nick, pagalawin n'yo ako. Hindi ako amo dito, katulad niyo ay empleyado din ako, ordinaryong empleyado. Unang araw ko ito sa trabaho."
            "Galit ka ba?" tanong nito.
            "Ano sa tingin mo?" balik-tanong niya.
            Nick sighed in defeat. "Okay. Sige gawin mo na ang trabaho mo," anito saka siya iniwanan.
            Humugot siya nang malalim na hininga saka pinuntahan si Charles. Nang makalapit siya dito ay medyo nanibago siya sa suot nito. Pormal ang suot nito at tila kagagaling pa lang sa isang interview.
            "Kumusta Mack?" aniya dito saka ibinigay ang menu.
            Nakangiting kinuha nito iyon. "Nakita ko ang lahat, Vin," anito, himig nang-aasar. "Ang haba ng hair. Ang haba ng hair. Nag-rejoice ka ba Vin? Haba ng hair, sa `yo na ang korona.. Haba ng hair ikaw na ang malupit." Ang pagkanta nito na ikinasimangot niya.
            Tumawa ito.
            "Hindi ka nakakatuwa, Charles. Nandito ka ba para asarin lang ako? Kanina pa ako hindi natutuwa sa nangyayari tapos dadagdagan mo pa `yon. Um-order ka na nga. Tawagin mo na lang ako kapag nakapili ka na."
            Aktong aalis na siya nang pigilan siya nito at paupuin sa bakanteng upuan.
            "Nasa trabaho po ako kung hindi mo naaalala, mister."
            "Alam ko `yon," kampanteng sagot nito. "Wala naman `yong manager n'yo, hindi ba?"
            "Wala nga. So, anong connect?"
            "Hindi ka mapapagalitan."
            "Ewan ko sa `yo, Charles. Sige, maiwan na kita dito," aniya sabay iwan dito.
            Lumapit siya kay Nick at Mack. Parehong nakasimangot ang mga ito. Nang tingnan ng mga ito si Charles ay tumalim ang titig ng mga ito. Parang handang sumugod kahit ano mang oras.
            "Umayos nga kayong dalawa. Tandaan n'yo na customer ang tinitingnan n'yo ng masama."
            Wala siyang nakuhang tugon sa mga ito saka umalis. Napailing na lang siya. Alam na niya ang dahilan ng pagkakaganoon ng mga ito. Hindi na talaga nakakatuwa ang pinapakitang reaksyon ng dalawang lalaking iyon. Masyadong possessive kahit hindi naman dapat. Ang hirap naman ng sitwasyon niya.
            Nang makaalis ang dalawa ay si Joen naman ang lumapit sa kanya. Agad siyang naghanda ng matamis na ngiti sa kanyang labi. Ginantihan naman iyon ni Joen nang mas maluwang na ngiti.
            "Kumusta ang first day?" tanong nito na tila walang alam.
            "Hindi okay at alam mong dahilan kung bakit hindi."
            "Pagpasensiyahan mo na lang sila. Ganoon lang talaga ang mga `yan."
            "Ano pa ba ang magagawa ko kundi iyon. Malala na ang mga pinsan mo. Hindi na sila nakakatuwa sa totoo lang."
            "Just keep calm, Vin. Kaya mo `to." Masuyong sabi nito saka siya hinawakan sa pisngi.
            Napatingin na lang siya dito sa ginawa nito. Nakadama siya ng kilig. Ibang-iba na talaga ang pakikitungo nila sa isa't-isa. Nagbabangayan nga sila pero iyon ang bumubuo sa kanila. At kapag sa ganitong pagkakataon na seryoso silang nag-uusap ay lalo lang siyang nahuhulog sa lalaking ito.


28 comments:

  1. Looking forward for the next update. Ang ganda talaga ng storya mukhang nagiging desperado na sina Mack at Nick makuha lang si Vin.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Angel,

      Salamat sa pagbabasa!
      Oo nga eh, nagiging desperado sila kaya nahihirapan ako mag-isip kung paano sila patitigilin.
      :))

      Delete
  2. Waaaahhh!! Kinikilig ako! Ang haba talaga ng hair mo vin. More kilig moments please.

    #TeamJoen

    -hardname-

    ReplyDelete
  3. Haba ng hair, nag-rejoice ka ba, Vin? Haba ng hair, sa'yo na ang korona. Haba ng hair, ikaw na ang malupet! Bwesit na dalawang yun! Masyadong nakakairita! Haha. Kung ako man ang nililigawan ng dalawang yun, maiinis din ako. For erfs sake! May mga kamay at paa rin ako no! Haha. Anyways, makikisimpatya na lang ako sa dalawang yun, Vin, although hindi niya maamin-amin ang nararamdaman, his choice will always be, Joen!

    Vienne! May mga imaginary characters ba sila? Who the who? Pwede mo ba i-share saakin? Hoho! Sa G+ dali! Please! Hahaha. Kelan nga ang aminan? Inabangan ko yun dito eh. :D

    ReplyDelete
    Replies
    1. Kuya Rye, chapter 20 ang aminan!!
      Imaginary characterS? Waley eh..

      Yung susunod na chapter may part ata na mag-aaminan. LoL!

      Kuya, salamat sa reads!

      Delete
  4. salamat po sa update. nakakatuwa na nakakainis ang ginagawa nila mack at nick sa oras ng trabaho. magresign ka nlang kaya vin para dika ma-stress haha.

    bharu

    ReplyDelete
  5. Hirap naman pag maraming manliligaw.....Thanks Mr Author...

    ReplyDelete
  6. By the way Mr Vienne Chase, huwag naman "Sir". Nakakahiya.....Hindi po ako royalty tsaka hindi rin teacher o prof. Alfred na lang. Thanks

    ReplyDelete
    Replies
    1. Pasensya na po.. Parang kagalang-galang kasi ang pangalan n'yo Sir Alfred. Ay mali Alfred na lang pala.
      Na-se-sense ko lang.. hahaha..

      Salamat nang marami sa pagbabasa!

      Delete
    2. Ayt, simpleng viennena lang po. Ayoko ng mister o kaya ay sir. Nakakatanda. Bata pa ako sa puso :))

      Delete
  7. Haha cute ni Vin. Pero parang gusto ko narin si Nick, lumelevel siya kay Joen. Haha Vienne, super sorry ha di talaga ako makampante na sa 1 week nangyari lahat yun. Hahah but anyway naalala ko nung una ko to binasa excited ako kasi ang ganda. Keep the momentum going, alam ko may iaangat pa to. Keep it up!

    Marvs :-)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Marvs,

      It's okay. My fault.. Napansin ko na rin ang mga sinasabi mo!
      Hahaha..
      Eneweiz,, sabi ko nga okay lang sa akin ang mga puna.
      As long as it edible, keri na `yon.
      Naghihintay rin ako ng mga komento for technicality, eh.

      Salamat sa pagbabasa!

      Delete
    2. Harhar.. dapat pala sa susunod maging particular na ako sa date at timeline. Hindi ako magsasabi ng tapos na magagawa ko pero susubukan ko. Mahirap na kung may aasa!

      Delete
    3. Hala! Momentum! Sana nga may iaangat pa `to! Pakitulungan ako!

      Delete
  8. wow ang cute ng chapter na ito puro kilig moments ^_^ ang kukulit ng magpipinsan. hmm ano kaya yung pinapagawa ni nick at mack kay joen hhhmmmm??? smells fishy let's see sa next chapter

    si charles...mukhang mabigat din ang magiging role nya dito hehe can't wait to see kung ano talaga ang purpose nya



    thanks sa update vienne ;)))

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ruhtra,

      Actually wala ng masyadong appearance si charles.
      May mabigat siyang role sa ibang story.. err.. his own story pala. :))

      Delete
  9. Grabe vin.. The best ka.. Hahaha.. I wanna be like you when I grow up.. Hahaha :) the best ka author.. Isa talaga sa mga Inaabangan ko lagi tong story mo.. Fav. Ko yung moments ni vin saka ni papa joen :) -dave

    ReplyDelete
    Replies
    1. Salamat Dave sa paglalaan ng oras at pag-aabang!

      Late na masyado ang reply ko. :)

      Delete
  10. ang onte .. bumilis pa hehe


    ven

    ReplyDelete
  11. Whaaaaahh !! Its you already Vin.please go to the parlor.ahha. update please.. i cant wait for the next chap. (Demanding ?? Ahha) well its a nice story. keep it up Mr.Author.

    ---aZ

    ReplyDelete
    Replies
    1. Bukas po may update ako..

      Salamat sa pagbabasa, Az

      Delete
    2. Well its a nice story nmn kya its worth reading. keep the momentum going.

      --aZ

      Delete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails