Nagpapasalamat ako nang marami sa mga taong naglalaan ng oras para basahin ang istoryang ito. Sa mga sumusunod na readers. Kina Hardname(na walang sawa na nag-iiwan ng komento simula sa umpisa), kay Marvs at Ruhtra Villanueva (na nasisiyahan ako sa pagbibigay ng puna), kay Kuya Rye Evangelista (na kapalitan ko ng message sa G+), Sir Alfred of T.O., Angel, Russ, John Paul Grey, Dave, Bharu, Xen at Chuchii. Salamat sa comment(booster kasi `yon, eh). Pati kay Kuya Bluerose, sa pag-po-promote ng story na `to. Salamat talaga nang marami.
CHAPTER SEVENTEEN
KATULAD
NG sinabi
ni Vin kay Mack ay kakausapin niya si Nick. Kaya naman ay tinawagan niya si
Nick at nag-set siya ng lugar at oras para makausap ito. Nasa loob siya ng
fastfood chain at hinihintay ang pagdating ng lalaki. Ang usapan nila ay alas
tres ng hapon sila magkikita pero lampas na sa nakasaad na oras ay wala pa rin si
Nick.
Naging
maayos naman ang pag-uusap nila nang tawagan niya ito. Pero bakit wala pa rin
ito? Siguro ay na-traffic ito kaya ganoon. Sagot niya sa sariling tanong. He
started tapping the table using his finger. Kanina pa ubos ang in-order niyang
pagkain, bago kasi mag-alas tres ay nandoon na siya.
Sa
bawat taong papasok sa pintuan ay nakaabang siya. Nagbabakasakali siya na isa
si Nick sa papasok. Nababanas na siya sa paghihintay. Humikab siya dala ng
pagkabagot. Kapag hindi pa dumating si Nick pagkatapos ng sampung minuto ay
aalis na siya.
Kinuha
niya ang kanyang cellphone at nag-type ng mensahe na i-ti-text niya kay Nick.
Dahil sa abala sa ginagawa ay hindi niya namalayan ang pag-upo ng kung sino sa
upuan na nasa harap ng inuupuan niya.
Nag-angat
siya ng tingin. Nanlaki ang mata niya nang makita kung sino ang lalaking nasa
harapan niya. Si Nick!
Nag-iba
ang hitsura nito. Wala na itong suot na salamin at bagong gupit ito na bumagay
dito. Nagkaroon ng ibang kulay ang itim na buhok nito na bumagay dito.
Nick
smiled at him.
Gwapo
na ito kahit nakasuot ng salamin pero mas gumwapo pa ito ngayon. Patunay na
doon ang mga sulyap at tingin ng mga babae na nasa loob ng fastfood chain.
Para
siyang timang na nakatulala sa kagwapuhan nito.
"Sorry
kung pinaghintay kita," paumanhin nito.
Hindi
siya sumagot. His eyes were still focused at him. Para magising lang siya sa
trance na iyon ay pumitik pa si Nick gamit ang daliri nito sa tapat ng mukha
niya. It helped. Bigla siyang natauhan. Bigla rin siyang nahiya.
"Pasensya
ka na Nick," aniya.
"Walang
kaso `yon. I'm glad you like my new look. Satisfied ako sa reaksyon mo,"
ang sabi nito na nagdulot ng pamumula sa kanyang pisngi.
Lantaran
naman talaga kasi ang ginawa niyang pagtitig dito. Humanga talaga siya sa
kagwapuhan nito. Sa bago nitong hitsura.
"A-ang
gwapo mo na, mas gumwapo ka pa ngayon." Nahihiyang sabi niya.
"Salamat.
Pasensya na ulit sa paghihintay sa `kin," ulit na paumanhin nito.
"Bago kasi ako magpunta dito ay nagpagupit pa ako at nagpakulay ng buhok
ko." Paliwanag nito.
"Okay
na, Nick. Ang mahalaga ay dito ka na. Pasalamat ka at naabutan mo pa ako dito,"
pagbibiro niya.
Nick
chuckled.
"Ano
ba ang pag-uusapan natin?"
Sumeryoso
siya. "Tungkol sa nangyari
kagabi."
"I'm
sorry about that," anito.
"I'm
also sorry," aniya. "Ako ang dahilan ng gulo kagabi at ako ang dapat
mag-ayos niyon. I'm sorry kasi nasaktan kita sa nakita mo."
Gumuhit
ang mapait na ngiti sa labi nito. "`Yong totoo, Vin, may gusto ka ba kay
Joen? Bakit siya nasa loob ng kwarto mo? Bakit ganoon lang ang suot niya? May
namamagitan na ba sa inyo?"
"Walang
namamagitan sa `min ni Joen," sagot niya. Damn him for lying again. May nangyari sa inyo ni Joen. You two kissed
twice. At ang una na halikan ay nakita ni Mack kaya nalaman niya na may gusto
ka sa pinsan nila. "Nasa kwarto ko siya dahil doon siya
matutulog."
"Hindi
mo pa nasasagot ang una kong tanong, Vin. May gusto ka ba kay Joen?"
"Ang
totoo ay.." Napatingin siya sa pintuan. Nakita niya ang pagpasok ni Joen
at pagngiti nito sa kanya. Lumapit ito sa kanila. Handa na siyang sabihin kay
Nick ang totoo pero dumating si Joen. Ano ba ang ginagawa ng lalaking ito dito?
"Why
are you here?' tanong dito ni Nick.
"Pinapunta
ako dito ni Mack," cool na sagot nito. Hinila nito ang bakanteng upuan
mula sa kabilang mesa at doon umupo.
"Tutal
ay nandito ka na, mas mabuti sigurong marinig mo mula kay Vin kung may gusto ba
siya sa `yo o wala."
Nawala
ang coolness sa mukha ni Joen. Bigla itong sumeryoso. Alam niyang alam na nito
ang magiging sagot niya dahil sinabi niya dito na hindi siya marunong magmahal.
Na hindi naman nito pinaniniwalaan.
"Sabihin
mo na Vin," udyok sa kanya ni Joen.
Huminga
muna siya nang malalim. "Wala akong gusto kay Joen. Wala akong pagtingin
sa kanya. Kung may pagtingin man ako sa kanya ay pagtinging kaibigan lang
iyon."
"You
heard him, Nick. Wala kang dapat ipagselos sa `kin dahil hindi siya
magkakagusto sa `kin." Habang sinasabi iyon ni Joen ay nakita niya ang
lungkot sa mukha nito. Lungkot? Para saan?
Sa pagsasabi na hindi mo siya gusto!
Gagi! Hindi gusto pero kung maki-paghalikan akala mo may relasyon sila. Malaki
kang sinungaling. Lampas sa height mo, Vinnezer!
"Hindi
pa rin na hindi pwede Joen. Alam mo na alam ko ang totoo.."
Magsasalita
pa sana si Nick nang patlangin ito ni Joen. "`Wag ka nang magsalita pa, Nichollo."
Nagtitigan
ang dalawa. Nag-usap ang mga ito gamit ang mata. Hindi siya maka-connect sa mga
ito. Parang bigla-bigla ay nagkaroon ng sariling pag-uusap ang mga ito sa bagay
na may kinalaman siya pero hindi gustong ipaalam ng dalawa sa kanya.
"Pwede
bang magbati na kayong dalawa," pagsingit niya sa mga ito. "Sana ay
magbati na kayo. Papasok na tayo bukas sa restaurant at sana bago iyon ay
maayos na ang gusot sa pagitan n'yo. Sana maging okay na kayong tatlo na
magpi-pinsan."
"I'm
okay with it. Willing akong makipagbati kay Nick. Kaya nga ako nagpunta dito ay
dahil doon," ani Joen saka inilahad ang kamay.
Inabot
naman iyon ni Nick. "I'm also willing. Tama si Vin, mag-pinsan tayo at
dapat na magka-ayos lang tayo."
Nag-shake
hands ang dalawa.
Napangiti
siya sa nakita.
At
last it was settled. Mabuti na lang talaga. Sana ay walang maging problema pa
sa mga ito. Dahil kapag naulit muli ang pag-aaway ng mga ito at siya ang maging
dahilan ay lalayo siya nang tuluyan sa mga ito. Kahit na ayaw niyang gawin
iyon.
SIMULA
NA NANG unang araw ni Vin sa pagtatrabaho sa restaurant.
Sobrang excited siya. At patunay na doon ang paggising niya nang maaga at
paghahanda ng mga susuotin niya. Bago maligo ay nagluto muna siya ng almusal.
Nakapag-init na rin siya ng tubig para sa kape nilang mag-lola.
Pagkatapos
niyang maligo ay agad siyang nagbihis. Humarap siya sa salamin na nasa loob ng
kwarto niya. Napangiti siya nang malawak nang makita ang sariling repleksyon.
Bagay sa kanya ang kulay asul na polo shirt na pinaresan niya ng kulay
kayumanggi na pantalon. `Pag sa restaurant na lang niya susuotin ang uniporme
na ibinigay sa kanya ni Joen kahapon pagkatapos niyang makausap si Nick at ito.
Speaking
of them. Maliban sa pagiging excited sa pagpasok sa restaurant ay excited din
siyang makita ang tatlong lalaki. Gusto niyang makita ang mga ito na suot ang
uniporme ng restaurant. Tiyak niya kasi na babagay sa mga ito iyon.
Sa
mga araw na nagdaan ay naging malaking bahagi ng kanyang buhay ang tatlong
lalaki na sa isang araw lang niya nakilala. Its been a week since the day he met
them and some changes came to his life.
Nagkaroon
siya ng manliligaw sa katauhan ni Nick at Mack. Sa unang pagkakataon ay
na-in-love siya kay Joen. Pakiramdam na nagdudulot ng kasiyahan sa kanya ngunit
sa kabila niyon ay naghahatid din ng kalungkutan. Kung sana ay pwedeng maging
sila pero hindi naman pwede. Hindi pwedeng mangyari iyon kahit na nagsusumigaw
ang katotohanan na dalawang beses silang naghalikan.
Ayaw
niya ng kumplikasyon pero siya rin ang nagpapa-komplika ng bagay. Hindi niya
mapipigilan ang nadarama niya. Alam niya iyon at wala naman siyang balak na
pigilan iyon. Ang kailangan lang niyang gawin ay isalugar iyon.
GUMISING
NANG maaga si Joen. Sinadya niya iyon para huwag
siyang ma-late sa unang araw ng trabaho niya sa restaurant nila. He maybe the
son of the owner but he wanted to be impressive again. Gusto niyang mapalitan
ang masamang imahe niya na idinulot niya sa ibang empleyado ng daddy niya. Isa
pa ay gusto rin niyang magpa-sikat kay Vin. Gusto niyang sa unang araw ng pasok
nila sa restaurant ay sila ni Vin ang magkasama. Gusto niyang siya ang una
nitong makita.
He
tried his best effort to look pleasant in his appearance. He wanted to be
attractive infront of him. Mula kasi nang sabihin ni Vin na hindi ito marunong
magmahal na hindi naman niya pinaniniwalaan ay parang may bumubulong sa kanya
na gumawa ng effort para mas magustuhan siya nito. Nasaktan rin siya sa sinabi
nito kahapon na hanggang tinging kaibigan lang ang tingin nito sa kanya.
Masakit iyon na marinig pero hindi naman siya naniniwala doon. Alam niya kasi
at nakikita niya na espesyal siya kay Vin. Ayaw lang nitong aminin iyon dahil
sa kung anong bagay na bumabagabag dito.
Yes,
they kissed twice but maybe for Vin it was nothing. Kung kay Vin ay dala lang
iyon ng init ng katawan at pakikipag-flirt niya dito, sa kanya ay hindi. May
kahulugan iyon. Mas ipapadama niya dito ang pagmamahal niya dito sa pamamagitan
ng mga simpleng effort. Hindi niya muna iyon sasabihin dito. Hahanap siya ng
mabisang paraan para masabi iyon dito.
Isa
pang problema niya ay ang dalawang pinsan na kaagaw niya kay Vin. Simula na ng
totoong laban nila kay Vin. Alam niya na mag-e-effort ang mga ito lalo na at
alam na ng mga ito ang totoong pagtingin niya kay Vin. Kung titingnan ay mas
lamang ang mga ito dahil malaya ang mga ito na sabihin kay Vin ang totoong
nararamdaman ng mga ito. Samantalang siya ay hindi pa. Pero magpapatalo ba siya
dahil lang doon? Siyempre hindi. Mas lamang pa nga siya sa mga ito dahil
nahalikan na niya si Vin ng dalawang beses at ang halik na iyon ay hindi lang
basta halik. At malaki ang paniniwala niya na may espesyal rin sa kanyang
pagtingin si Vin. He see it in his actions.
Napangiti
siya.
Pagkatapos
nilang makausap ni Nick si Vin kahapon ay nakatanggap sila ng mensahe galing kay
Mack. May kasunduan silang tatlo na alam niyang hindi niya magagawa. Bahala na
kung ano ang mangyari. He will try his best to stand for it.
Nang
matapos magbihis ay nag-text siya kay Vin.
Goodmorning Vin! Sabay na tayo pumasok sa
restaurant.
Hindi
rin nagtagal ay nakatanggap siya ng reply mula dito.
Goodmorning din! Hindi ba nakakahiya? Imbes
na umabante ka na ay aatras ka pa para sa `kin.
Napangiti
siya. He really love him. Sa simpleng paraan nito ay napapangiti siya.
Hindi `yon nakakahiya, Vin. Ayos lang sa
`kin ang umatras para sa `yo. Ayokong umabante kung hindi ka kasama.
May
pagka-cheesy man ang kanyang mensahe ay ayos lang.
Wala
na siyang natanggap na tugon mula dito. Muli niyang inayos ang sarili. Nang
makuntento sa hitsura niya ay nagmamadali siyang sumakay sa kanyang motorsiklo.
Mas okay sa kanya ang sumakay doon para maging malapit sa kanya si Vin. Mayayakap
siya nito.
Hindi
`yon nakakahiya, Vin. Ayos lang sa `kin ang umatras para sa `yo. Ayokong
umabante kung hindi ka kasama.
Simpleng
text message lang iyon mula kay Joen ngunit ang epekto kay Vin ay sadyang
malala. Nagbigay iyon sa kanya ng kilig. Parang gusto niyang sumigaw dahil
doon. Maluwang ang pagkakangiti niya. Tila hindi na iyon mabubura sa mukha
niya. His day started fine but because of Joen's message it became the best morning
he ever had.
Nasa
labas na siya ng bahay nila at hinihintay ang pagdating ni Joen. Speaking of
Joen, nakita niya ito. Nakasakay sa motorsiklo nito. Malawak ang pagkakangiti
nito habang palapit sa kanya. Wala itong suot na helmet.
Pwede
naman niyang gawin ang mga ganitong bagay. Kung magkakaroon kaya ng label ang
relasyon nilang dalawa ni Joen ay ano ang pwede. Nakakatawa lang siya dahil
hindi niya nga masabi dito ang totoo niyang nararamdaman ay nag-iisip siya ng
mga ganoon na bagay. Pero ayos lang naman dahil siya lang naman ang nakakaalam.
Siguro bagay na itawag sa pagkakaibigan nila ay 'kissing friend.'
Nang
huminto ang motor ni Joen sa tapat niya ay parang may sariling buhay ang mga
paa niya na lumapit dito. Mas nakakagulat ang sunod niyang ginawa. Hinalikan
niya sa pisngi si Joen. Hindi ito nagsalita pero lumawak ang ngiti nito.
Para saan `yon Vinnezer? tanong niya sa
sarili.
Hindi ko alam. Basta gusto ko siyang
halikan.
Baliw ka na talaga.
Oo. Baliw na nga ako. Baliw na ako
sa pagmamahal ko sa kanya. Sana ay pwedeng maging kami.
Nagpapatawa ka ba. Ikaw lang naman ang
problema eh. Masyado kang nag-aalala sa masamang nangyari sa `yo sa nakaraan.
Parang nabubuhay ka dahil lang doon.
Hindi iyon madaling makalimutan. It
haunts me.
Natigil
lang siya sa pakikipag-debate sa sarili nang isuot sa kanya ni Joen ang helmet.
"Salamat sa halik, Vin. Sana maulit," anito.
"Baliw."
Ang tanging nasabi niya saka sumakay sa motor.
"Yumakap
ka sa `kin nang mahigpit. Bibilisan ko ang pagpapatakbo," anito.
"I-try
mo lang, sasampalin kita," aniya na tinawanan nito.
Pinaandar
na nito ang motor. Sa una ay mabagal lamang ang pagpapatakbo nito kaya hindi
siya masyadong yumayakap dito. Habang patagal ay bumilis iyon at sa gulat niya
ay napasubsob siya sa likuran nito. Humigpit rin ang pagkakayakap niya dito.
Naramdaman niya ang solidong likuran nito pati ang pipis na tiyan na alam niya
kung gaano kaganda. Ilang ulit na rin niyang nakita ang maganda nitong katawan.
Imbes na
magreklamo pa sa pagpapatakbo nito ay in-enjoy na lang niya ang pagkakataon.
Magiging choosy pa ba siya kung ito na ang gumagawa ng paraan para matsansingan
niya. At sa nakikita niya ay walang kaso iyon kay Joen.
PAGDATING
NI Vin at Joen sa restaurant ay agad niyang nakita sina
Nick at Mack. Nginitian niya ang mga ito at lumapit. Iniwanan niya si Joen na
i-pina-park ang motor nito. Nagulat siya nang basta na lang siyang yakapin ni
Mack, pagkatapos ay si Nick naman.
Nag-ngitian
ang dalawa nang makita ang reaksyon niya.
"Para
saan `yon?" takang tanong niya.
"Wala
lang," sagot ng mga ito. Halos magkasabay pa.
"Na-miss
ka lang namin ng sobra, Vin," ani Mack. Agad namang sinang-ayunan iyon ni
Nick.
Napailing
na lang siya. "Nagkita pa lang tayo kahapon, Nick, at doon ka natulog sa
bahay Mack n'ung isang araw. Paanong na-miss n'yo agad ako?"
Masaya
siya na muli ay naging komportable sila sa isa't-isa. Tila walang nangyaring
gusot sa pagitan nilang apat. Sana ay magtuloy-tuloy na nga ang kasiyahan na
ito. Sana ay walang magbago kahit na wala siyang sagutin sa mga ito.
"Bakit
mo `ko iniwan, Vin?" Nakabusangot na tanong ni Joen sa kanya nang
makalapit ito.
"Ayos
na `yon, Joen," nakangiting sabi niya dito. "Kaya mo naman na mag-isa
ang mag-park ng motor mo, eh. Hindi na ako kailangan."
"Kahit
na," anito sa ka bumaling sa mga pinsan nito. "Para saan ang yakap na
`yon?" tanong nito. "Ako rin ba merong yakap mula sa inyo. Bagong
dating din naman ako, ah."
Tinawanan
lang ito ng dalawa.
"Bakit
nililigawan ka ba namin?"
"Bakit
gusto mo ba akong ligawan, Mack?" ganting tanong naman ni Joen.
Nag-anyong
nasusuka si Mack. Tumawa siya. Hay! Ang
saya lang. Sana mag-tuloy-tuloy na ito. Muling sabi niya sa sarili.
"Ang
PDA n'yong dalawa, alam n'yo `yon? `Wag nyong kalimutan na kamag-anak pa rin
kayo ng may-ari ng restaurant na ito. Kahit waiter lang tayo ay kailangan pa
rin nilang igalang tayo."
"Ang
galing mong manermon. Ikaw nga pumapasok sa kwarto ni Vin."
Napayuko
siya sa sinabi ni Nick.
"Iba
`yon. Kahit papaano ay nasa loob kami ng kwarto, ng bahay nina Vin. Hindi
katulad sa inyong dalawa. Wala kayong pinipili na lugar. Kahit saan na lang ay
yumayakap at humahalik."
Nagbangayan
pa ang mga ito patungkol sa mga ginagawa ng mga ito. Siya ang nahihiya sa ginagawa
ng mga pesteng lalaking ito. Kung may mga nakikinig lang na ibang tao sa mga
ito ay tiyak niyang matatawa na lang.
"Tumahimik
na nga kayo," saway niya sa mga ito. "Nandito tayo para magtrabaho at
hindi para magbangayan. Mahiya naman kayo, kamag-anak pa naman kayo ng may-ari
tapos mag-iingay kayong tatlo. Lalo ka na, Joen, anak ka ng may-ari. Sa ating
lahat ikaw dapat ang matino. `Wag mong ipahiya si Tito Ric."
Sumimangot
si Joen. "Oo na kamahalan," pang-aasar nito na hindi niya pinansin.
Bumaling
siya kay Mack at Nick. "Please. Maawa kayo sa `kin. Pwede bang `pag
pag-uusapan niyo ko ay `wag sa harapan ko. Ako ang nahihiya sa pinagagawa
n'yo."
Pagkatapos
niyang sabihin iyon ay nauna na siyang pumasok sa loob ng restaurant.
HINDI
MAN IPAHALATA NI VIN, alam niya na napapansin ng
magpi-pinsan ang pagkayamot niya sa nangyari sa araw na iyon. First day of work
ngunit wala naman siyang ginawa. Nagmistulan siyang amo at hindi empleyado sa
ginawa nina Nick at Mack. Bawat bagay kasi na gawin niya ay inaako ng mga ito.
Kahit na tumanggi siya ay mapilit ang mga ito kaya sa huli ay ang mga ito ang
nasusunod. Nang minsan siyang tumanggi ay nakakuha sila ng atensyon ng mga
kumakain sa restaurant dahil sa pagtaas ng boses niya. Nakakainis lang na sobra
na ang ginagawang pagpapapansin ng mga ito sa kanya. Alright, hindi naman siya
manhid para hindi ma-appreciate ang effort ng mga ito para ipakita kung gaano
siya kahalaga sa mga ito. Pero sa palagay niya ay sumosobra na. Hindi siya
mapagsamantalang tao at ayaw niya sa mga nangyayari. Para huwag na siyang
sumabog pa sa inis na nadarama kay Nick at Mack ay pinili niyang umupo sa isang
sulok habang kumakain ng pananghalian sa loob ng staff room ng restaurant.
Nauna na siyang kumain para huwag na niyang makasabay si Nick at Mack dahil
alam niya kung ano na naman ang mangyayari kung makakasabay niya ang dalawa.
Nang
matapos siyang kumain ay nagpahinga muna siya. Pagkatapos ay lumabas siya ng
staff room at nakipagpalitan sa isang kasamahan nila. Eksaktong pagpasok niya
doon ay pumasok naman si Charles. Agad itong ngumiti nang makita siya.
Pupuntahan
na niya ito nang harangin siya ni Nick.
"Bakit?"
kunot ang noong tanong niya. Sa aksyon nito ay alam na niya kung ano ang balak
nito: pipigilan na naman siya na magtrabaho.
"Si Charles ang pupuntahan mo,
`di ba?"
Tumango
siya. "Oo. Customer natin siya, `di ba?"
"Oo
pero ako na ang mag-aasikaso sa kanya. Magpapansin lang naman siya sa `yo,
eh."
Sumimangot
siya. "Katulad ng ginagawa niyo ni Mack. Pwede ba, Nick, pagalawin n'yo
ako. Hindi ako amo dito, katulad niyo ay empleyado din ako, ordinaryong
empleyado. Unang araw ko ito sa trabaho."
"Galit
ka ba?" tanong nito.
"Ano
sa tingin mo?" balik-tanong niya.
Nick
sighed in defeat. "Okay. Sige gawin mo na ang trabaho mo," anito saka
siya iniwanan.
Humugot
siya nang malalim na hininga saka pinuntahan si Charles. Nang makalapit siya
dito ay medyo nanibago siya sa suot nito. Pormal ang suot nito at tila
kagagaling pa lang sa isang interview.
"Kumusta
Mack?" aniya dito saka ibinigay ang menu.
Nakangiting
kinuha nito iyon. "Nakita ko ang lahat, Vin," anito, himig
nang-aasar. "Ang haba ng hair. Ang haba ng hair. Nag-rejoice ka ba Vin?
Haba ng hair, sa `yo na ang korona.. Haba ng hair ikaw na ang malupit." Ang
pagkanta nito na ikinasimangot niya.
Tumawa
ito.
"Hindi
ka nakakatuwa, Charles. Nandito ka ba para asarin lang ako? Kanina pa ako hindi
natutuwa sa nangyayari tapos dadagdagan mo pa `yon. Um-order ka na nga. Tawagin
mo na lang ako kapag nakapili ka na."
Aktong
aalis na siya nang pigilan siya nito at paupuin sa bakanteng upuan.
"Nasa
trabaho po ako kung hindi mo naaalala, mister."
"Alam
ko `yon," kampanteng sagot nito. "Wala naman `yong manager n'yo,
hindi ba?"
"Wala
nga. So, anong connect?"
"Hindi
ka mapapagalitan."
"Ewan
ko sa `yo, Charles. Sige, maiwan na kita dito," aniya sabay iwan dito.
Lumapit
siya kay Nick at Mack. Parehong nakasimangot ang mga ito. Nang tingnan ng mga ito
si Charles ay tumalim ang titig ng mga ito. Parang handang sumugod kahit ano
mang oras.
"Umayos
nga kayong dalawa. Tandaan n'yo na customer ang tinitingnan n'yo ng
masama."
Wala siyang nakuhang tugon sa mga ito
saka umalis. Napailing na lang siya. Alam na niya ang dahilan ng pagkakaganoon
ng mga ito. Hindi na talaga nakakatuwa ang pinapakitang reaksyon ng dalawang
lalaking iyon. Masyadong possessive kahit hindi naman dapat. Ang hirap naman ng
sitwasyon niya.
Nang
makaalis ang dalawa ay si Joen naman ang lumapit sa kanya. Agad siyang naghanda
ng matamis na ngiti sa kanyang labi. Ginantihan naman iyon ni Joen nang mas
maluwang na ngiti.
"Kumusta
ang first day?" tanong nito na tila walang alam.
"Hindi
okay at alam mong dahilan kung bakit hindi."
"Pagpasensiyahan mo na lang
sila. Ganoon lang talaga ang mga `yan."
"Ano
pa ba ang magagawa ko kundi iyon. Malala na ang mga pinsan mo. Hindi na sila
nakakatuwa sa totoo lang."
"Just
keep calm, Vin. Kaya mo `to." Masuyong sabi nito saka siya hinawakan sa
pisngi.
Napatingin na lang siya dito sa
ginawa nito. Nakadama siya ng kilig. Ibang-iba na talaga ang pakikitungo nila
sa isa't-isa. Nagbabangayan nga sila pero iyon ang bumubuo sa kanila. At kapag
sa ganitong pagkakataon na seryoso silang nag-uusap ay lalo lang siyang nahuhulog
sa lalaking ito.
Na-Miss Kita
ReplyDeleteSino? :))
DeleteSalamat sa pagbabasa!
Looking forward for the next update. Ang ganda talaga ng storya mukhang nagiging desperado na sina Mack at Nick makuha lang si Vin.
ReplyDeleteAngel,
DeleteSalamat sa pagbabasa!
Oo nga eh, nagiging desperado sila kaya nahihirapan ako mag-isip kung paano sila patitigilin.
:))
Waaaahhh!! Kinikilig ako! Ang haba talaga ng hair mo vin. More kilig moments please.
ReplyDelete#TeamJoen
-hardname-
Hardname,
DeleteKanino ka kinikilig?
Thanks for reading!
Sau! :)
Delete-hardname-
:)
DeleteHaba ng hair, nag-rejoice ka ba, Vin? Haba ng hair, sa'yo na ang korona. Haba ng hair, ikaw na ang malupet! Bwesit na dalawang yun! Masyadong nakakairita! Haha. Kung ako man ang nililigawan ng dalawang yun, maiinis din ako. For erfs sake! May mga kamay at paa rin ako no! Haha. Anyways, makikisimpatya na lang ako sa dalawang yun, Vin, although hindi niya maamin-amin ang nararamdaman, his choice will always be, Joen!
ReplyDeleteVienne! May mga imaginary characters ba sila? Who the who? Pwede mo ba i-share saakin? Hoho! Sa G+ dali! Please! Hahaha. Kelan nga ang aminan? Inabangan ko yun dito eh. :D
Kuya Rye, chapter 20 ang aminan!!
DeleteImaginary characterS? Waley eh..
Yung susunod na chapter may part ata na mag-aaminan. LoL!
Kuya, salamat sa reads!
salamat po sa update. nakakatuwa na nakakainis ang ginagawa nila mack at nick sa oras ng trabaho. magresign ka nlang kaya vin para dika ma-stress haha.
ReplyDeletebharu
Bharu,
DeleteAlso thanks for reading!
Hirap naman pag maraming manliligaw.....Thanks Mr Author...
ReplyDeleteBy the way Mr Vienne Chase, huwag naman "Sir". Nakakahiya.....Hindi po ako royalty tsaka hindi rin teacher o prof. Alfred na lang. Thanks
ReplyDeletePasensya na po.. Parang kagalang-galang kasi ang pangalan n'yo Sir Alfred. Ay mali Alfred na lang pala.
DeleteNa-se-sense ko lang.. hahaha..
Salamat nang marami sa pagbabasa!
Ayt, simpleng viennena lang po. Ayoko ng mister o kaya ay sir. Nakakatanda. Bata pa ako sa puso :))
DeleteHaha cute ni Vin. Pero parang gusto ko narin si Nick, lumelevel siya kay Joen. Haha Vienne, super sorry ha di talaga ako makampante na sa 1 week nangyari lahat yun. Hahah but anyway naalala ko nung una ko to binasa excited ako kasi ang ganda. Keep the momentum going, alam ko may iaangat pa to. Keep it up!
ReplyDeleteMarvs :-)
Marvs,
DeleteIt's okay. My fault.. Napansin ko na rin ang mga sinasabi mo!
Hahaha..
Eneweiz,, sabi ko nga okay lang sa akin ang mga puna.
As long as it edible, keri na `yon.
Naghihintay rin ako ng mga komento for technicality, eh.
Salamat sa pagbabasa!
Harhar.. dapat pala sa susunod maging particular na ako sa date at timeline. Hindi ako magsasabi ng tapos na magagawa ko pero susubukan ko. Mahirap na kung may aasa!
DeleteHala! Momentum! Sana nga may iaangat pa `to! Pakitulungan ako!
Deletewow ang cute ng chapter na ito puro kilig moments ^_^ ang kukulit ng magpipinsan. hmm ano kaya yung pinapagawa ni nick at mack kay joen hhhmmmm??? smells fishy let's see sa next chapter
ReplyDeletesi charles...mukhang mabigat din ang magiging role nya dito hehe can't wait to see kung ano talaga ang purpose nya
thanks sa update vienne ;)))
Ruhtra,
DeleteActually wala ng masyadong appearance si charles.
May mabigat siyang role sa ibang story.. err.. his own story pala. :))
Grabe vin.. The best ka.. Hahaha.. I wanna be like you when I grow up.. Hahaha :) the best ka author.. Isa talaga sa mga Inaabangan ko lagi tong story mo.. Fav. Ko yung moments ni vin saka ni papa joen :) -dave
ReplyDeleteSalamat Dave sa paglalaan ng oras at pag-aabang!
DeleteLate na masyado ang reply ko. :)
ang onte .. bumilis pa hehe
ReplyDeleteven
Whaaaaahh !! Its you already Vin.please go to the parlor.ahha. update please.. i cant wait for the next chap. (Demanding ?? Ahha) well its a nice story. keep it up Mr.Author.
ReplyDelete---aZ
Bukas po may update ako..
DeleteSalamat sa pagbabasa, Az
Well its a nice story nmn kya its worth reading. keep the momentum going.
Delete--aZ