Followers

Thursday, June 19, 2014

Fated Encounter 16

Alam ko na may maiinis na naman sa `kin dahil sa chapter na ito!! LoL

CHAPTER SIXTEEN

WALA sa plano ni Mack ang magtungo sa bahay ni Vin. Ang tanging gusto niya lang kaya ito tinawagan ay para marinig ang boses nito at makahingi ng paumanhin sa ginawa niya. Ang kaso ay hindi nito sinasagot ang tawag niya. Bigla rin siyang kinutuban ng kung ano. May bumubulong sa kanya na dapat ay magtungo siya doon dahil parang may mangyayari na hindi dapat.
            Nakinig siya sa 'bulong' na iyon at ngayon nga ay patungo na siya sa bahay ng lalaki. Nang makarating siya sa bahay ni Vin ay agad niyang napansin ang pamilyar na motorsiklo na nakaparada sa tabi ng poste. Lumapit siya doon para makumpirma ang kanyang hinala. Hindi nga siya nagkamali. Ang motor ay pag-aari ng pinsan niyang si Joen.
            Alam niya na tatlong araw lang ang bakasyon nito dahil narinig niya iyon. Nakauwi na ito at pruweba nga ang nakaparadang motor ni Joen.
            Bakit ba siya magtataka? Mahalaga si Vin kay Joen, kaya sa pagdating nito ay si Vin agad ang pupuntahan nito. Siyempre, para makita at makausap si Vin. The two were reunited again. Dapat ba siyang maging masaya sa pagdating ng pinsan niya? Siyempre ay hindi. Hindi siya magiging masaya dahil isa lang ang ibig sabihin ng pagdating ni Joen. Muling magkakasama ang dalawa. Muling magkakaroon ng pagkakataon ang mga ito na magsama ng matagal. At siya, siya ay mawawala sa eksena. Muling uusbong ang pinipigil na damdamin at baka nga sa pagbalik ni Joen ay matuldukan na iyon.
            Bago mahuli ang lahat ay kailangan na niyang mapigilan iyon. Tawagin na siyang makasarili ay wala siyang pakialam. He needed to stop it before his time runs out.
            Nasa harap na siya ng kulay kahel na gate nang huminto ang isang tricycle sa harap at mula doon ay bumaba si Nick. Nagulat ito nang makita siya ngunit agad din iyong nawala. Lumapit ito sa kanya.
            "Anong ginagawa mo dito?" tanong nito.
            "Katulad ng gagawin mo," ang malamig niyang tugon.
            Oo, pinsan niya ito, pero sa pagkakataon na ito ay nakikita niya si Nick bilang karibal katulad kay Joen.
            "Goodluck," sabi ni Nick saka kumatok sa gate.
            Ganoon din ang ginawa niya. Habang ginagawa nila iyon ay hindi sila nagpapansinan. They acted totally stranger with each other.
            Mga ilang minuto pa ay bumukas na ang gate. Tumambad sa kanila ang lola ni Vin.
            "Magandang gabi po," bati niya.
            "Goodevening po, lola," ani Nick.
            Magkasabay pa nilang binati ang matanda. Nagkatinginan silang dalawa.
            "Si Vin ang sadya niyo, hindi ba?" ani Lola Fe.
            Sabay silang tumango at sumagot ni Nick.
            Ngumiti si Lola Fe. "Kung ganoon ay pumasok na kayo. Nasa kwarto niya si Vin, halina kayo at sasamahan ko kayo doon.
            Iyon nga ang ginawa nila. While walking towards Vin's room, Mack heart was thumping hard. Nagtatanong siya sa sarili kung handa ba siya sa makikita niya? Joen and Vin were alone in the room. Makakaya ba niyang huwag sumambulat ang galit kapag nakita niya si Joen at ang ginagawa nito kasama si Vin?
            Nasa kwarto ang dalawa kahit hindi iyon sinabi ni Lola Fe. Nasa kwarto ang mga ito at posibleng may ginagawa na hindi dapat. Hindi siya malisyoso ngunit hindi niya mapigilan ang mag-isip ng malisya sa dalawa.
            May nararamdaman ang mga ito sa isa't-isa. Pwedeng mangyari ang hindi dapat mangyari kung mawalan ng control ang mga ito. Kilala niya si Joen at kung gaano ito katinik pagdating sa mga ganoon na bagay.
            Nang makarating sila sa harap ng kwarto ni Vin ay kumatok si Lola Fe. Agad naman bumukas ang pintuan at tumambad sa kanila ang pulang-pula na mukha ni Vin.
            Bumangon ang sakit at pait sa puso niya. He assesses Vin's face. He clearly saw how swollen his lip was and his flushed face. The two were doing something before they came. Kung hindi sila dumating ay baka kung ano pa ang nangyari. Ito na ba ang 'bulong' na kanina pa sa puso niya?
            May tinanong si Lola Fe kay Vin. Sumagot naman ito at saka nagpaalam ang matanda. May sinabi rin si Nick ngunit hindi niya iyon naproseso. Masyadong nabibingi ang pandinig niya sa sakit at pait na nadarama niya.
            He controlled his self. He controlled his feeling. Tumiim ang pagkakatitig niya kay Vin at kumunot ang noo niya.
            "Nasa loob ba si Joen?"
            Napatingin sa kanya si Nick. Nagulat naman si Vin. HIndi nakapag-salita.
            "Nandito nga ako," sagot ng taong nasa loob.
            His heart break into pieces. He stop his tears to fall down. He was hurt. Deeply hurt.
            Wala na ba talaga siyang pag-asa na mapansin ni Vin. Na mahalin nito katulad ng pagmamahal na ibinibigay niya. Ganoon na ba nito kamahal si Joen?

BAGO magpunta si Nick sa bahay ni Vin ay alam na niya na nandoon si Joen sa bahay nito. Bago siya kasi magpunta ay nakausap niya si Kuya Arkin. Wala sana siyang balak na magpunta sa bahay ni Vin kaso ay bumangon ang pag-aalala sa puso niya sa kaalaman na si Joen ay nandoon.
            Now, looking at Vin and Joen, he was hurt. Bakit nasa kwarto ni Vin si Joen? Bakit magkasama ang mga ito? Bakit tanging boxer short lang ang suot ng pinsan niya? May nangyari ba bago sila dumating? Kaya ba ganoon na lang ang reaksyon ni Mack dahil alam din nito ang posibleng mangyari sa dalawa.
            Alam niya ang nararamdaman ni Joen kay Vin. Pero si Vin ay hindi. Paano kung in-love na pala si Vin kay Joen? Sawi na ba siya kaagad. Silang dalawa ni Mack.
            Bago pa siya mag-burst out ay nag-back out na siya. Gawain na hindi niya gawain pero kailangan niyang gawin. Hindi niya kaya ang nakikita. Hindi niya kaya na makita at malaman pa kung ano ang nangyari sa dalawa.
            "Nick, saan ka pupunta?" tanong ni Vin sa kanya.
            Hindi siya tumugon. Lumapit ito sa kanya at hinawakan siya sa siko. Napatingin siya sa kamay nito na nakahawak sa kanya saka sa mukha nito. HInawakan niya ang kamay nito at inalis. Niyakap niya nang mahigpit si Vin. Pagkatapos ay hinawakan niya ang magkabilang pisngi nito saka hinalikan sa labi. Nagulat ito sa ginawa niya. Nakita niya ang panlalaki ng mata nito.
            Narinig niya ang pagsinghap ng dalawang pinsan niya. Wala siyang pakialam gusto niyang maipadama ang pagmamahal niya kay Vin. Hindi pa nagtatagal ang paghalik niya kay Vin ay hinila ito ng kung sino palayo sa kanya. Bago pa niya mahila ito ay humila na sa kanya at sinuntok siya ng malakas sa pisngi.
            Bumangon ang galit sa kanyang puso nang makita kung sino ang may gawa niyon. Si Joen. Gumanti siya ng suntok. Nagkaroon ng komosyon dahil sa pagsusuntukan nila. Walang gustong magpapigil. Kahit saan na lang tumatama ang suntok niya kay Joen at ganoon din ito. Walang gustong magpatalo sa kanilang dalawa.
            Minura niya si Joen. Gumanti naman ito ng mura.
            "Wala kang karapatan na suntukin ako Joen! Ako ang may karapatan na gawin iyon! Ano ang ginagawa mo sa kwarto ni Vin!?"
            "Wala kang pakialam kung ano man ang ginagawa ko sa loob ng kwarto ni Vin. Wala kayong pakialam ni Mack."
            Magsasalita pa sana ito pero sinuntok na ito ni Mack.
            "May pakialam kami Joen. Manliligaw kami ni Vin. Hindi ka niya manliligaw pero bakit nandoon ka. Alam kong alam mo ang gusto naming sabihin. Sinabi ko na sa `yo na--"
            Sinuntok ni Joen si Mack.
            Ang dalawa naman ang nagpalitan ng suntok.
            Narinig niya ang pagpapatigil ni Vin sa mga ito. Narinig rin niya ang boses nito kanina habang nagsusuntukan sila ni Joen. Nakita niya ang pagkabahala sa mukha nito. Makikita rin doon ang nagbabadyang pag-iyak. Lumapit siya dito at niyakap ito nang mahigpit.
            "I'm sorry, Vin. Hindi ko na kaya `to. Mahal kita. Sana huwag mo naman kaming saktan ng masyado ni Mack. Sana bago pa mahuli ang lahat at mahulog na kami ng lubusan sa `yo ay masabi mo na kung sino ba talaga ang nilalaman ng puso mo." Ang sabi niya saka ito inilayo sa kanya. Tinalikuran niya ito. Narinig pa niya ang pagtawag nito sa kanya ngunit hindi niya pinansin.
            Umalis siya sa bahay nina Vin. Wala siyang pakialam kung ano pa ang nangyayari sa mga pinsan niya. Siya ang nagsimula pero ang dalawa ang tumapos. HInawakan niya ang masakit na bahagi ng mukha niya. Tinaggal niya ang salamin na may lamat na. Inilagay niya iyon sa bulsa.
            Habang pauwi sa kanila ay isang bagay ang naglalaro sa isipan ni Nick. Kailangan niyang baguhin ang pisikal na anyo. Tama na ang pagsuot ng salamin. Hindi naman malabo ang kanyang mata pero nakasanayan na niya iyon. Tamang pagkakataon na para i-make over niya ang sarili.
            Ngayon lang siya nakipagbasagan ng ulo at sa pinsan pa niya talaga. At ang dahilan ay ang pagmamahal niya kay Vin.

Ano ba `tong nagawa ko?
            Ang tanong ni Vin sa sarili habang inaasikaso ang dalawang lalaki na nagsuntukan kani-kanina lang. Kung hindi pa dumating ang Lola Fe niya ay hindi pa titigil ang dalawa sa pagsusuntukan ng mga ito. Sinaway ang mga ito ni Lola Fe at ang kinalabasan nga ay nandito silang tatlo. Naghihintay sa panenermon ng matanda sa kanila.
            May pait siyang nalalasahan sa bibig niya. May sakit sa puso niya. Nagsusumigaw kasi sa kanya ang sinabi ni Nick sa kanya bago ito umalis. Nasaktan niya nang masyado ang kalooban ng mga ito ng makita si Joen sa loob ng kwarto niya at tanging boxer shorts lang ang suot. Idagdag pa ang sobrang pamumula ng mukha niya at pamamaga ng labi niya dala ng matinding halikan sa pagitan nila ni Joen.
            Hindi ngayon mahalaga ang halik na nagyari sa kanila ni Joen. Ang mahalaga sa kanya ay makausap si Nick at Mack nang mag-isa. Gusto niyang humingi ng paumanhin sa mga ito. Lalo na kay Nick. Wala pang alam si Nick sa totoong pagtingin niya kay Joen. Si Mack pa lang. Pero sa mga reaksyon ni Nick ay alam na niyang alam na nito ang totoo. Baka nga noon pa.
            Mahalaga sa kanya ang dalawa at ayaw niyang mabalewala ang pagkakaibigan nilang tatlo dahil sa nararamdaman ng mga ito sa kanya. Kung may dapat mang sisihin sa sitwasyon niya ngayon ay walang iba kundi siya. Nagtapat na siya ng totoong pagtingin niya kay Joen kay Mack. Kay Nick ay hindi pa.
            Nilagay niya ang icebag sa pisngi ni Joen. Iyon din ang ginawa niya kay Mack. Habang ginagawa niya iyon ay sa pagitan siya nakaupo ng mga ito. Dama pa kasi niya ang tensyon sa pagitan ng mga ito.
            "Alin pa ba ang masakit?" tanong niya kay Mack.
            Itinuro nito ang sulok ng labi nito na namumula at may sugat. Tinapalan niya iyon ng icebag.
            "I'm sorry, Mack." Hindi makatingin na paumanhin niya dito.
            "Okay lang Vin. Aaminin ko na nagseselos ako hanggang ngayon pero ano ba ang magagawa ko. Manliligaw mo pa lang ako at sinabi mo na sa kin ang totoo. Ako lang naman ang makulit, eh. Kahit na nasasaktan na `ko ay gusto ko pa rin sumige. Isa lang ang pakiusap ko sa `yo. `Wag mo akong pipigilan sa panliligaw ko sa `yo. At sana, sana lang naman ay maging sensitive ka naman sa nararamdaman namin ni Nick. Mabuti ako, alam ko na ang totoo, eh, siya. Hindi pa. Siya ang mas nasaktan sa amin. Kausapin mo siya at sana ay isaalang-alang mo ang sinabi ko sa `yo." Mahabang sabi nito.
            Nakokonsensya siya ng sobra pero ayaw niyang lumayo kay Joen. Siguro, ang dapat niyang gawin ay muling maglagay ng distansya sa pagitan nila at laging isipin na kung ano ang meron sila at hindi pwedeng lumampas pa doon. Dapat ay huwag niyang pairalin ang totoo niyang nararamdaman dito. Ayaw niyang makasakit pero nagawa na niya. Ang bobo lang niya.
            "Bakit? Ano ba ang totoo?" Pagsingit ni Joen. Napatingin siya dito pati si Mack. Bigla naman siyang kinabahan. Bago pa magsalita si Mack ay inunahan na niya ito.
            "Wala. Hindi ka kasama sa pag-uusap namin." Tiningnan lang siya ni Joen. Hindi ito umimik. Nang hindi niya makaya ang tiim ng titig nito ay muli siyang bumaling kay Mack. "Gagawin ko `yon," aniya kay Mack at niyakap ito na ikinagulat nito.
            "Para saan `yon?" tanong nito.
            "My way of saying I'm sorry." Sa simpleng yakap niya ipapadama kay Mack kung gaano siya nagsisisi sa sakit at gulo na idinulot niya dito at kay Nick. Sana sa munting paraan niyang iyon ay gumaan ang pakiramdam ni Mack.
            Nang matapos silang mag-usap ni Mack ay humarap naman siya kay Joen. Hawak nito ang icebag at idinadampi iyon sa magang bahagi ng mukha nito. Seryoso ang mukha nito at hindi makatingin sa kanya. Siyempre ay disente na ang hitsura nito. Suot na nito ang damit niya na malaki sa kanya.
            "Okay ka lang ba?" tanong niya dito kahit obvious naman na hindi. Wala lang. Gusto lang niya na may masabi dito. Nahihiya rin kasi siya dito sa nangyari kanina. Ramdam na ramdam pa rin niya ang epekto nito sa kanya at ang epekto niya dito.
            "Do I look like fine, Vin?" Balik-tanong nito. Tila irita sa tanong niya.
            "Hindi nga." Sagot niya sa sariling tanong.
            "May pasa at sugat rin ako sa mukha at sa labi, Vin. Yayakapin mo rin ba ako dahil doon?"
            Nagulat siya sa tanong nito. Tunog nagseselos ang boses nito. Napatingin siya kay Mack. Nakatingin din ito sa kanila ni Joen.
            "Fine. Base on your reaction ay hindi mo nga gagawin `yon. I understand, Vin. `Wag kang mag-alala walang kaso `yon sa `kin." Ang sabi nito saka tumayo.
            "Saan ka pupunta?"
            "Sa kwarto mo. Matutulog na `ko. I'm tired."  
            Sinundan na lang niya ito ng tingin. Nang hindi na niya ito makita ay bumaling siya kay Mack.
            "Ikaw, Mack? May balak ka pa bang umuwi?"
            "Meron. Pero kung pipigilan mo `ko at sasabihin mo na dito ako matulog ay gagawin ko."
            "Tutal gabi na. Dito ka na matulog, Mack," aniya. "Ilalabas ko `yong kutson dito sa sala at dito ka na matulog."
            "Can I ask for a favor, Vin."
            "Ano `yon?"
            "Pwede bang tabihan mo `ko?" Nawalan siya ng imik. Nakatingin lang siya dito. Ano ba ang isasagot niya? Nasa kwarto niya si Joen at ito ang katabi niya. Sino ba ang dapat na tabihan niya?
            "Hindi ka pwedeng tabihan ni Vin, Mack. Kami ang magtatabi sa kwarto niya." Ang pagsingit ni Joen.
            Mabuti na lang at bumalik ito. Hindi niya talaga alam kung ano ang isasagot kay Mack.
            "Hindi rin kayo pwedeng magtabi ni Vin habang nandito ako, Joen." Hindi papatalong sagot ni Mack.
           Muling umalis si Joen nang hindi nagpapaalam sa kanila. Saglit siyang nagpaalam kay Mack para sundan si Joen. Nagtungo si Joen sa loob ng kwarto niya. Sinundan niya ito doon. Alam niya na nagtatampo ito sa kanya sa ginawa niya kay Mack at hindi dito.
            "Joen," tawag niya dito para makuha ang atensyon nito.
            Tiningnan siya nito. "Bakit? Ba't mo `ko sinundan Vin?"
            Hindi siya sumagot. Lumapit siya dito saka niyakap ito nang mahigpit. Naramdaman niya ang pagkagulat nito sa ginawa niya ngunit hiondi naglaon ay gumanti ito.
            Sa tatlo, si Joen, ang pinakanasaktan, ito ang pinagtulungan. Naaawa siya dahil nasaktan ito dahil sa kanya.
            "Akala ko hindi mo na ako yayakapin, Vin," bulong nito na nagbigay sa kanya ng kilig at kiliti. Napaigtad siya nang ihipan pa nito iyon.
            "`Wag ka ngang magulo. Umayos ka, Joen, nakikiliti ako." Ang pagsaway niya dito.
            "I'm just happy. Hindi mo rin pala ako kasi matitiis. Parang nawala `yong sakit ng mga suntok sa `kin ng dalawa sa ginawa mo. Salamat, ah. Kahit na badtrip ako dahil hindi kita masosolo ngayon."
            Nakahinga siya nang maluwang sa mga sinabi nito. "Ayos na `yon, Joen," tanging nasabi niya.
            "Wala naman na akong magagawa," kumalas ito sa pagyakap sa kanya. "Sige, puntahan mo na si Mack, baka kung ano na naman ang isipin ng lalaking `yon, `buti kung may mangyayari sa `tin."
            Tiningnan niya muna ito bago sundin. Nang magkasya siya sa nakikitang reaksyon sa mukha nito ay saka pa lang niya binalikan si Mack. Mga ilang minuto ay sumunod ito at tumabi sa kanya. Wala sa kanilang nagsasalita.
            Bumalik si Lola Fe na galing sa kwarto nito. Napatingin silang lahat dito.
           "Para magkakatabi kayong tatlo, dito kayo matulog sa sala. Pagitnaan niyo ang apo ko para wala ng away pa. Habang nandito kayo sa loob ng pamamahay ko ay iwasan n'yo `yon. Ayoko ng gulo at ayokong dito kayo magpatayan. Hindi ko pa kayo nasesermunan sa ginagawa niyo. Hindi na `yon dapat na gawin pa dahil matatanda na kayo pero sa mga inasal n'yo kanina ay nakakadismaya kayo. Kung hindi kayo titigil sa pagbabangayan n'yong dalawa ay mabuti pang layuan niyo na lang ang apo ko. Magiging masamang impluwensya lang kayo sa kanya kahit na ganyan siya. `Yon din ang sabihin n'yo sa isa n'yong pinsan. Mga pasaway na lalaki." Litanya ni Lola Fe saka sila iniwan.
            They were speechless.
            Hindi niya inaasahan na hindi sila sesermunan ng lola niya. Pinagsabihan, oo, pero hindi iyong katulad ng inaasahan niya na gagawin nito. At talagang pinagdiinan pa nito ang 'katulad niya'. Bakit ano ba siya? Nakakatawa lang.
            "Narinig n'yo ang lola ko. `Wag kayong mag-away habang nandito kayo sa bahay kung ayaw n'yong ma-ban kayo dito. O kaya naman ay `wag kayong mag-away kahit sa labas kayo dahil wala naman `yong maidudulot na mabuti sa inyo." Magsasalita sana ang dalawa pero inunahan na niya ang mga ito. "`Wag na kayong kumontra pa. Maghintay kayo dito at kukunin ko na `yong kutson. Behave ah," aniya saka iniwanan ang mga ito.


NANG MAKAALIS si Vin ay may tensyon pa rin na nakapagitan kay Joen at Mack. Hindi man sila nag-uusap na dalawa ay damang-dama niya ang aimosidad ng pinsan niya sa kanya. Sa haba ng pagsasama nila at pagiging close nilang tatlo sa isa't-isa ay ngayon lang sila nagkaroon ng malubhang away. Talagang nagsuntukan pa silang tatlo sa harap ni Vin. Siya laban kay Mack at Nick. Aaminin niya na siya ang may kasalanan at pinagmulan ng lahat. Siya ang unang umatake at siya ang pinagtulungan. Hindi naman siya nagsisisi dahil nagselos siya sa ginawa ni Nick kay Vin. Oo, naghalikan sila ni Vin at kung hindi dumating ang dalawa ay baka lumampas sila doon. Hindi siya magsisisi kung mangyari man iyon. Magiging masaya pa nga siya.
            Ang pagsagot niya sa tanong ni Mack ay sinadya at pagdungaw sa pintuan na tanging boxer shorts lang ang suot. Gusto niya kasing ipakita sa dalawa kung gaano sila ka-close nila ni Vin. Mali ang diskarte niyang iyon dahil kapag nagmamahal ang isang tao ay nagiging conscious sa mga pangyayari tungkol sa taong mahal nito at mag-iisip ng malisya kapag nakitang may kasamang iba ang mahal. Iyon ang nangyari sa dalawa niyang pinsan at iyon din ang nangyari sa kanya ng halikan ni Nick sa kanilang harapan si Vin.
            Sa nangyaring halikan sa kanila ni Vin ay baka mangyari na naman ang kinakatakutan niya. Baka lumayo na naman sa kanya si Vin. At sana ay huwag mangyari iyon. At mukhang hindi naman mangayayari iyon dahil tila balewala lang iyon sa mga reaksyon na ipinapakita ni Vin.
            Nang yakapin ni Vin si Mack bilang paghingi ng paumanhin ay sobra siyang nagselos. Gusto niya ay siya lang ang makayakap dito at wala nang iba pa. Oo, given na naghalikan sila sa loob ng kwarto nito pero makasarili siya. Gusto niya ay siya lang. Ngunit ang pagseselos na iyon ay nawala nang sundan siya ni Vin sa kwarto at yakapin din nang mahigpit. Sa ginawa ni Vin ay alam niya na mahalaga talaga siya dito.
            "Sinabihan na kita na huwag mo kaming kataluhin ni Nick sa likuran namin Joen. Ano bang mahirap intindihin sa sinabi kong iyon sa `yo?"
            Napatingin siya kay Mack. "Wala. Walang hindi mahirap intindihin sa sinabi mo Mack pero mapipigilan mo ba ako sa ginagawa ko?"
            Nakita niya ang pagkuyom ng kamao nito.
            "Kung ganoon lang pala ang gusto mo ay iyon din ang gagawin ko. Sa oras na ito ay asahan mo na hindi ako mawawala sa tabi ni Vin. Mahirap na Joen. Kilala kita. Aatake at aatake ka kahit pigilan ka namin. Walang dapat na mangyari sa inyo ni Vin dahil magkaibigan lang kayo. May nararamdaman ka nga sa kanya pero hindi mo pa nasasabi iyon."
            "Then be it. Bakuran mo siya katulad ng ginagawa ko sa kanya ngayon. Be the best man win, Mack. Tandaan mo na hindi ako magpapatalo sa `yo. Sa inyo ni Nick."

PARA KAY Vin ay naging maayos ang gabing kasama niya sa pagtulog si Mack at Joen. Walang nangyari na hindi dapat mangyari sa pagitan nilang tatlo. Naging matiwasay iyon at nakatulog siya ng mahimbing habang hawak ni Mack ang kanang kamay niya. Si Joen naman ay nakatalikod sa kanila.
            Kinaumagahan ay nagising siya ng maaga. Dama niya ang mabigat na bagay na nakapatong sa dibdib niya. Nang imulat niya ang mata ay nakita niyang nakayakap sa kanya si Joen habang nasa pagitan ng leeg at mukha niya ang mukha nito. Dahan-dahan niyang inalis ang braso ni Joen na nakayakap sa kanya. Maya-maya ay napangiti siya nang mapagmasdan ang mukha nito. Hindi ito nakakasawang tingnan. Maamo ang mukha nito habang tulog at tila hindi iisipin na masungit at pilyo ito. Bago pa siya malunod sa pagtingin sa mukha nito ay bumaling siya kay Mack. Katulad kay Joen ay himbing na himbing rin ito sa pagtulog.  
            Totoong walang itatapon sa dalawa. Parehong gwapo ang mga ito ngunit ang puso niya ay tumitibok na kay Joen. Sa tuwing titingnan niya si Mack pati na rin si Nick ay nalulungkot siya dahil kahit na anong gawin ng mga ito ay hindi mapapalitan ng mga ito ang pinsan nito.
            Nang gumalaw si Mack ay agad siyang tumayo mula sa kanilang higaan at muling pinagmasdan ang dalawang lalaki na sa kaunting pagkakataon ay naging malaking bahagi ng buhay niya. Sana ay walang magbago dahil sa kanya.
            Dumiretso siya sa kusina at naabutan ang lola niya doon. Nakaupo ito at kasalukuyang humihigop ng mainit na kape.
            "`Gandang umaga `la," bati niya dito.
            Tiningnan lang siya nito. "Kumusta si Joen at Mack?" tanong nito. "Bakit ba nag-away ang mga `yon kagabi?" Usisa nito.
            Kagabi, ay naabutan ng lola niya na nagsusuntukan si Mack at Joen. Ito ang sumaway sa dalawa dahil hindi niya mapigilan ang mga ito. Hindi rin sila sinermunan nito. May alam ito kung bakit nag-away ang dalawa pero pahapyaw lamang ang nalalaman nito. Hindi nila ikinwento ang totoong nangyari at wala siyang balak na sabihin iyon dito.
            "Misunderstanding lang po lola," ang maiksi niyang sagot.
            "Ganoon ba," anito.
            Nakahinga siya nang maluwang. Mabuti na lang at kinagat nito ang sagot niya. Sana ay hindi na ito mag-usisa pa.
            "Opo."
            "Kumusta na ba ang mga pasa nila?"
            "Ayos na po. Natutulog pa po sila."
            "Hayaan mo na muna sila. Gusto kitang makausap tungkol sa nangyari apo. Sa susunod na mag-away ang mga iyon ay kusa ka nang lumayo sa kanila. Ayaw kong madamay ka sa gulo nila. Pwera na lang kung ikaw ang dahilan ng gulo."
            Natahimik siya sa sinabi nito. Siya ang dahilan kung bakit nagkagulo ang mga ito kagabi. Naisip rin niya na kapag naulit ang gulo katulad kagabi ay siya na ang kusang lalayo sa mga ito. Ayaw niyang masira ang relasyon ng magpipinsan dahil sa kanya.



20 comments:

  1. Hala Giyera na to! kaso sa tingin ko si Joen talaga ang gusto ni Vin, sa susunod na update ulit Author.

    #teamJoen

    ReplyDelete
    Replies
    1. Giyera na nga, Angel, umpisa pa lang `yan. May susunod pa..

      Delete
  2. Hi Vienne,

    Di naman siya nakakainis. Haha Tagal umamin ni Joen. Btw, what I mean sa timeline is parang ang bagal ng pacing. Parang ang daming nagyari tas magugulat nalang ako isang araw lang pala yun or 2 days. Haha but I get the title thing, it all started with a fated encounter. I'm not sure kung meron kang time table para makita mo exact happenings, parang ung sa start ng work sa resto andami na chapters hindi padin nangyayari. Im not sure if part ng plan mo na super bagal ng pace para mas detailed at maintindihan. It is then it's ok. Yun lang. Pero the story itself is nice. Go Joen!

    Marvs :-)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hi Marvs,

      Matagal pa talaga ang pag-amin niya. Nasa chapter 20 pa eh.. Mabagal ba ang pacing? Hahaha.. Natumbok mo po! Aaminin ko na kahit ako naguguluhan din minsan sa mga paligoy-ligoy na iyon eh. Yong dapat na flow ng story hindi nasunod. Kapag nakaharap na kasi ako sa word wala na. Iyon na. Hahaha.. Wala rin akong time table, basta kung ano yong maisip ko ay go na lang. Wala rin akong plano. Pero nung umpisa na isulat ko ito ay dapat hanggang 10 chapters lang..

      Salamat sa puna. :))

      Delete
  3. Stated: Si Joen ang Gusto at Mahal ni Vin!

    The only way to stop them is that, Vin needs to tell the truth about his feelings. That, his heart beats for only on man, and that's Joen. Mahirap naman talaga kasing umamin, lalo na't, Joen concluded to himself that he will never fall for gays. Mahirap ding basta na lang kainin ang mga salitang nasabi mo na. But then, if they truly love each other, there are too many ways to shrug all the things we said or act in the past. It's our heart that tells us who to love, we just need our mind to decide.

    Vienne! Nai-excite ako! Hayst! Magka-aminan na kasi!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Kuya Rye, obvious na obvious naman po silang dalawa.
      Yong aminan nila mangyayari sa chapter twenty at magpapatuloy sa chapter 21 at malapit nang matapos! Pero tengga muna si ako. Wala pang ending, eh. LoL

      Delete
    2. Hayst! Ewan ko nga ba sa dalawang yan at sa next chapter pa ang aminan. Lols! Keep up lang, Vienne. We'll wait.

      Delete
  4. Joen umamin na kasi bago mahuli ang lahat. Halata naman na may gusto rin sau si vin eh.

    Go #TeamJoen

    -hardname-

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hardname,

      Ang pag-amin nila sa isa't.isaay mangyayari sa chapt 20.

      Salamat sa pagbasa.

      Delete
  5. haba ng hair ni vinnezer -_- pahiram nga ng gunting lakas maka-rapunzel :3


    anyways ok pa rin naman ang daloy ng storya tama si marvz medyo mabagal yung pacing pero tiyak kalaunan nyan dadaloy din ang ginhawa (maynilad) :)))


    overall nice chapter pa rin except dun sa malaEDSAng haba ng buhok ni vin NAKAKAINGGIT UBER :D


    thanks sa update vienne ;)))

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ruthra,

      Hahaha.. Natutuwa ako sa komento mo at ni Marvs.
      Ipinapakita lang kasi ng mga komento niyo ang technicality ng sinusulat ko. Salamat
      :))

      May nag-comment dati na mabagal ang pacing ng story na itey. Binalikan ko yong mga comment sa ibang chapters..
      Iyong sinabi mo na dadaloy ang ginhawa ay malapit na. Sa simbahan din yata sila tutuloy eh.

      Delete
  6. ang haba ng storya na until now di pa nakapag simula si Vin magtrabaho sa restaurant. hahhaahahah

    ReplyDelete
    Replies
    1. Magsisimula na po.. hahaha.. sa next chapter :) pero palagay ko hindi na iyon masyadong ma-ha-high light. :))

      Delete
  7. Kudos to you Mr written! Keep it up!

    Xen

    ReplyDelete
  8. saksakin mo sa leeg JOEN :)

    wahaha

    -ChuChi

    ReplyDelete
    Replies
    1. Chuchi,

      Hindi pwede! Hahaha..
      Makukulong siya pag ginawa niya yon! LOL

      Delete
  9. VIEENNNNE! huhuhu. tumi-trending tong gawa mo ah? hahaha. good job po! Nasa chapter one pa lang ako pero, napakalakas na ng hatak sakin eh. Hahaha. sorry, mejo busy lang. di ko pa nababasa ang second chapter hanggang dito. tsk. pero congrats to you and your work. galing galing! keep it up :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Tumi-trending? Paano? Hahaha.. salamat sa pagbabasa, JACE!

      Delete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails