Alam ko na may maiinis na naman sa `kin dahil sa chapter na ito!! LoL
CHAPTER SIXTEEN
WALA
sa
plano ni Mack ang magtungo sa bahay ni Vin. Ang tanging gusto niya lang kaya
ito tinawagan ay para marinig ang boses nito at makahingi ng paumanhin sa
ginawa niya. Ang kaso ay hindi nito sinasagot ang tawag niya. Bigla rin siyang
kinutuban ng kung ano. May bumubulong sa kanya na dapat ay magtungo siya doon
dahil parang may mangyayari na hindi dapat.
Nakinig
siya sa 'bulong' na iyon at ngayon nga ay patungo na siya sa bahay ng lalaki.
Nang makarating siya sa bahay ni Vin ay agad niyang napansin ang pamilyar na
motorsiklo na nakaparada sa tabi ng poste. Lumapit siya doon para makumpirma
ang kanyang hinala. Hindi nga siya nagkamali. Ang motor ay pag-aari ng pinsan
niyang si Joen.
Alam
niya na tatlong araw lang ang bakasyon nito dahil narinig niya iyon. Nakauwi na
ito at pruweba nga ang nakaparadang motor ni Joen.
Bakit
ba siya magtataka? Mahalaga si Vin kay Joen, kaya sa pagdating nito ay si Vin
agad ang pupuntahan nito. Siyempre, para makita at makausap si Vin. The two
were reunited again. Dapat ba siyang maging masaya sa pagdating ng pinsan niya?
Siyempre ay hindi. Hindi siya magiging masaya dahil isa lang ang ibig sabihin
ng pagdating ni Joen. Muling magkakasama ang dalawa. Muling magkakaroon ng
pagkakataon ang mga ito na magsama ng matagal. At siya, siya ay mawawala sa
eksena. Muling uusbong ang pinipigil na damdamin at baka nga sa pagbalik ni
Joen ay matuldukan na iyon.
Bago
mahuli ang lahat ay kailangan na niyang mapigilan iyon. Tawagin na siyang
makasarili ay wala siyang pakialam. He needed to stop it before his time runs
out.
Nasa
harap na siya ng kulay kahel na gate nang huminto ang isang tricycle sa harap
at mula doon ay bumaba si Nick. Nagulat ito nang makita siya ngunit agad din
iyong nawala. Lumapit ito sa kanya.
"Anong
ginagawa mo dito?" tanong nito.
"Katulad
ng gagawin mo," ang malamig niyang tugon.
Oo,
pinsan niya ito, pero sa pagkakataon na ito ay nakikita niya si Nick bilang
karibal katulad kay Joen.
"Goodluck,"
sabi ni Nick saka kumatok sa gate.
Ganoon
din ang ginawa niya. Habang ginagawa nila iyon ay hindi sila nagpapansinan.
They acted totally stranger with each other.
Mga
ilang minuto pa ay bumukas na ang gate. Tumambad sa kanila ang lola ni Vin.
"Magandang
gabi po," bati niya.
"Goodevening
po, lola," ani Nick.
Magkasabay
pa nilang binati ang matanda. Nagkatinginan silang dalawa.
"Si
Vin ang sadya niyo, hindi ba?" ani Lola Fe.
Sabay
silang tumango at sumagot ni Nick.
Ngumiti
si Lola Fe. "Kung ganoon ay pumasok na kayo. Nasa kwarto niya si Vin,
halina kayo at sasamahan ko kayo doon.
Iyon
nga ang ginawa nila. While walking towards Vin's room, Mack heart was thumping
hard. Nagtatanong siya sa sarili kung handa ba siya sa makikita niya? Joen and
Vin were alone in the room. Makakaya ba niyang huwag sumambulat ang galit kapag
nakita niya si Joen at ang ginagawa nito kasama si Vin?
Nasa
kwarto ang dalawa kahit hindi iyon sinabi ni Lola Fe. Nasa kwarto ang mga ito
at posibleng may ginagawa na hindi dapat. Hindi siya malisyoso ngunit hindi
niya mapigilan ang mag-isip ng malisya sa dalawa.
May
nararamdaman ang mga ito sa isa't-isa. Pwedeng mangyari ang hindi dapat
mangyari kung mawalan ng control ang mga ito. Kilala niya si Joen at kung gaano
ito katinik pagdating sa mga ganoon na bagay.
Nang
makarating sila sa harap ng kwarto ni Vin ay kumatok si Lola Fe. Agad naman
bumukas ang pintuan at tumambad sa kanila ang pulang-pula na mukha ni Vin.
Bumangon
ang sakit at pait sa puso niya. He assesses Vin's face. He clearly saw how
swollen his lip was and his flushed face. The two were doing something before
they came. Kung hindi sila dumating ay baka kung ano pa ang nangyari. Ito na ba
ang 'bulong' na kanina pa sa puso niya?
May
tinanong si Lola Fe kay Vin. Sumagot naman ito at saka nagpaalam ang matanda.
May sinabi rin si Nick ngunit hindi niya iyon naproseso. Masyadong nabibingi
ang pandinig niya sa sakit at pait na nadarama niya.
He
controlled his self. He controlled his feeling. Tumiim ang pagkakatitig niya kay
Vin at kumunot ang noo niya.
"Nasa
loob ba si Joen?"
Napatingin
sa kanya si Nick. Nagulat naman si Vin. HIndi nakapag-salita.
"Nandito
nga ako," sagot ng taong nasa loob.
His
heart break into pieces. He stop his tears to fall down. He was hurt. Deeply
hurt.
Wala na ba talaga siyang pag-asa na
mapansin ni Vin. Na mahalin nito katulad ng pagmamahal na ibinibigay niya.
Ganoon na ba nito kamahal si Joen?
BAGO
magpunta
si Nick sa bahay ni Vin ay alam na niya na nandoon si Joen sa bahay nito. Bago
siya kasi magpunta ay nakausap niya si Kuya Arkin. Wala sana siyang balak na
magpunta sa bahay ni Vin kaso ay bumangon ang pag-aalala sa puso niya sa
kaalaman na si Joen ay nandoon.
Now,
looking at Vin and Joen, he was hurt. Bakit nasa kwarto ni Vin si Joen? Bakit
magkasama ang mga ito? Bakit tanging boxer short lang ang suot ng pinsan niya?
May nangyari ba bago sila dumating? Kaya ba ganoon na lang ang reaksyon ni Mack
dahil alam din nito ang posibleng mangyari sa dalawa.
Alam
niya ang nararamdaman ni Joen kay Vin. Pero si Vin ay hindi. Paano kung in-love
na pala si Vin kay Joen? Sawi na ba siya kaagad. Silang dalawa ni Mack.
Bago
pa siya mag-burst out ay nag-back out na siya. Gawain na hindi niya gawain pero
kailangan niyang gawin. Hindi niya kaya ang nakikita. Hindi niya kaya na makita
at malaman pa kung ano ang nangyari sa dalawa.
"Nick,
saan ka pupunta?" tanong ni Vin sa kanya.
Hindi
siya tumugon. Lumapit ito sa kanya at hinawakan siya sa siko. Napatingin siya
sa kamay nito na nakahawak sa kanya saka sa mukha nito. HInawakan niya ang
kamay nito at inalis. Niyakap niya nang mahigpit si Vin. Pagkatapos ay
hinawakan niya ang magkabilang pisngi nito saka hinalikan sa labi. Nagulat ito
sa ginawa niya. Nakita niya ang panlalaki ng mata nito.
Narinig
niya ang pagsinghap ng dalawang pinsan niya. Wala siyang pakialam gusto niyang maipadama
ang pagmamahal niya kay Vin. Hindi pa nagtatagal ang paghalik niya kay Vin ay
hinila ito ng kung sino palayo sa kanya. Bago pa niya mahila ito ay humila na
sa kanya at sinuntok siya ng malakas sa pisngi.
Bumangon
ang galit sa kanyang puso nang makita kung sino ang may gawa niyon. Si Joen.
Gumanti siya ng suntok. Nagkaroon ng komosyon dahil sa pagsusuntukan nila.
Walang gustong magpapigil. Kahit saan na lang tumatama ang suntok niya kay Joen
at ganoon din ito. Walang gustong magpatalo sa kanilang dalawa.
Minura
niya si Joen. Gumanti naman ito ng mura.
"Wala
kang karapatan na suntukin ako Joen! Ako ang may karapatan na gawin iyon! Ano
ang ginagawa mo sa kwarto ni Vin!?"
"Wala
kang pakialam kung ano man ang ginagawa ko sa loob ng kwarto ni Vin. Wala
kayong pakialam ni Mack."
Magsasalita
pa sana ito pero sinuntok na ito ni Mack.
"May
pakialam kami Joen. Manliligaw kami ni Vin. Hindi ka niya manliligaw pero bakit
nandoon ka. Alam kong alam mo ang gusto naming sabihin. Sinabi ko na sa `yo na--"
Sinuntok
ni Joen si Mack.
Ang
dalawa naman ang nagpalitan ng suntok.
Narinig
niya ang pagpapatigil ni Vin sa mga ito. Narinig rin niya ang boses nito kanina
habang nagsusuntukan sila ni Joen. Nakita niya ang pagkabahala sa mukha nito.
Makikita rin doon ang nagbabadyang pag-iyak. Lumapit siya dito at niyakap ito
nang mahigpit.
"I'm
sorry, Vin. Hindi ko na kaya `to. Mahal kita. Sana huwag mo naman kaming saktan
ng masyado ni Mack. Sana bago pa mahuli ang lahat at mahulog na kami ng lubusan
sa `yo ay masabi mo na kung sino ba talaga ang nilalaman ng puso mo." Ang
sabi niya saka ito inilayo sa kanya. Tinalikuran niya ito. Narinig pa niya ang
pagtawag nito sa kanya ngunit hindi niya pinansin.
Umalis
siya sa bahay nina Vin. Wala siyang pakialam kung ano pa ang nangyayari sa mga
pinsan niya. Siya ang nagsimula pero ang dalawa ang tumapos. HInawakan niya ang
masakit na bahagi ng mukha niya. Tinaggal niya ang salamin na may lamat na.
Inilagay niya iyon sa bulsa.
Habang
pauwi sa kanila ay isang bagay ang naglalaro sa isipan ni Nick. Kailangan
niyang baguhin ang pisikal na anyo. Tama na ang pagsuot ng salamin. Hindi naman
malabo ang kanyang mata pero nakasanayan na niya iyon. Tamang pagkakataon na para
i-make over niya ang sarili.
Ngayon
lang siya nakipagbasagan ng ulo at sa pinsan pa niya talaga. At ang dahilan ay
ang pagmamahal niya kay Vin.
Ano
ba `tong
nagawa ko?
Ang
tanong ni Vin sa sarili habang inaasikaso ang dalawang lalaki na nagsuntukan kani-kanina
lang. Kung hindi pa dumating ang Lola Fe niya ay hindi pa titigil ang dalawa sa
pagsusuntukan ng mga ito. Sinaway ang mga ito ni Lola Fe at ang kinalabasan nga
ay nandito silang tatlo. Naghihintay sa panenermon ng matanda sa kanila.
May
pait siyang nalalasahan sa bibig niya. May sakit sa puso niya. Nagsusumigaw
kasi sa kanya ang sinabi ni Nick sa kanya bago ito umalis. Nasaktan niya nang
masyado ang kalooban ng mga ito ng makita si Joen sa loob ng kwarto niya at
tanging boxer shorts lang ang suot. Idagdag pa ang sobrang pamumula ng mukha niya
at pamamaga ng labi niya dala ng matinding halikan sa pagitan nila ni Joen.
Hindi
ngayon mahalaga ang halik na nagyari sa kanila ni Joen. Ang mahalaga sa kanya
ay makausap si Nick at Mack nang mag-isa. Gusto niyang humingi ng paumanhin sa
mga ito. Lalo na kay Nick. Wala pang alam si Nick sa totoong pagtingin niya kay
Joen. Si Mack pa lang. Pero sa mga reaksyon ni Nick ay alam na niyang alam na
nito ang totoo. Baka nga noon pa.
Mahalaga
sa kanya ang dalawa at ayaw niyang mabalewala ang pagkakaibigan nilang tatlo
dahil sa nararamdaman ng mga ito sa kanya. Kung may dapat mang sisihin sa sitwasyon
niya ngayon ay walang iba kundi siya. Nagtapat na siya ng totoong pagtingin
niya kay Joen kay Mack. Kay Nick ay hindi pa.
Nilagay
niya ang icebag sa pisngi ni Joen. Iyon din ang ginawa niya kay Mack. Habang
ginagawa niya iyon ay sa pagitan siya nakaupo ng mga ito. Dama pa kasi niya ang
tensyon sa pagitan ng mga ito.
"Alin
pa ba ang masakit?" tanong niya kay Mack.
Itinuro
nito ang sulok ng labi nito na namumula at may sugat. Tinapalan niya iyon ng icebag.
"I'm
sorry, Mack." Hindi makatingin na paumanhin niya dito.
"Okay
lang Vin. Aaminin ko na nagseselos ako hanggang ngayon pero ano ba ang magagawa
ko. Manliligaw mo pa lang ako at sinabi mo na sa kin ang totoo. Ako lang naman
ang makulit, eh. Kahit na nasasaktan na `ko ay gusto ko pa rin sumige. Isa lang
ang pakiusap ko sa `yo. `Wag mo akong pipigilan sa panliligaw ko sa `yo. At
sana, sana lang naman ay maging sensitive ka naman sa nararamdaman namin ni
Nick. Mabuti ako, alam ko na ang totoo, eh, siya. Hindi pa. Siya ang mas
nasaktan sa amin. Kausapin mo siya at sana ay isaalang-alang mo ang sinabi ko
sa `yo." Mahabang sabi nito.
Nakokonsensya
siya ng sobra pero ayaw niyang lumayo kay Joen. Siguro, ang dapat niyang gawin
ay muling maglagay ng distansya sa pagitan nila at laging isipin na kung ano
ang meron sila at hindi pwedeng lumampas pa doon. Dapat ay huwag niyang
pairalin ang totoo niyang nararamdaman dito. Ayaw niyang makasakit pero nagawa
na niya. Ang bobo lang niya.
"Bakit?
Ano ba ang totoo?" Pagsingit ni Joen. Napatingin siya dito pati si Mack.
Bigla naman siyang kinabahan. Bago pa magsalita si Mack ay inunahan na niya
ito.
"Wala.
Hindi ka kasama sa pag-uusap namin." Tiningnan lang siya ni Joen. Hindi
ito umimik. Nang hindi niya makaya ang tiim ng titig nito ay muli siyang
bumaling kay Mack. "Gagawin ko `yon," aniya kay Mack at niyakap ito
na ikinagulat nito.
"Para
saan `yon?" tanong nito.
"My
way of saying I'm sorry." Sa simpleng yakap niya ipapadama kay Mack kung
gaano siya nagsisisi sa sakit at gulo na idinulot niya dito at kay Nick. Sana
sa munting paraan niyang iyon ay gumaan ang pakiramdam ni Mack.
Nang
matapos silang mag-usap ni Mack ay humarap naman siya kay Joen. Hawak nito ang
icebag at idinadampi iyon sa magang bahagi ng mukha nito. Seryoso ang mukha
nito at hindi makatingin sa kanya. Siyempre ay disente na ang hitsura nito. Suot
na nito ang damit niya na malaki sa kanya.
"Okay
ka lang ba?" tanong niya dito kahit obvious naman na hindi. Wala lang.
Gusto lang niya na may masabi dito. Nahihiya rin kasi siya dito sa nangyari
kanina. Ramdam na ramdam pa rin niya ang epekto nito sa kanya at ang epekto
niya dito.
"Do
I look like fine, Vin?" Balik-tanong nito. Tila irita sa tanong niya.
"Hindi
nga." Sagot niya sa sariling tanong.
"May
pasa at sugat rin ako sa mukha at sa labi, Vin. Yayakapin mo rin ba ako dahil
doon?"
Nagulat
siya sa tanong nito. Tunog nagseselos ang boses nito. Napatingin siya kay Mack.
Nakatingin din ito sa kanila ni Joen.
"Fine.
Base on your reaction ay hindi mo nga gagawin `yon. I understand, Vin. `Wag
kang mag-alala walang kaso `yon sa `kin." Ang sabi nito saka tumayo.
"Saan
ka pupunta?"
"Sa
kwarto mo. Matutulog na `ko. I'm tired."
Sinundan
na lang niya ito ng tingin. Nang hindi na niya ito makita ay bumaling siya kay
Mack.
"Ikaw,
Mack? May balak ka pa bang umuwi?"
"Meron.
Pero kung pipigilan mo `ko at sasabihin mo na dito ako matulog ay gagawin
ko."
"Tutal
gabi na. Dito ka na matulog, Mack," aniya. "Ilalabas ko `yong kutson
dito sa sala at dito ka na matulog."
"Can
I ask for a favor, Vin."
"Ano
`yon?"
"Pwede
bang tabihan mo `ko?" Nawalan siya ng imik. Nakatingin lang siya dito. Ano
ba ang isasagot niya? Nasa kwarto niya si Joen at ito ang katabi niya. Sino ba
ang dapat na tabihan niya?
"Hindi
ka pwedeng tabihan ni Vin, Mack. Kami ang magtatabi sa kwarto niya." Ang
pagsingit ni Joen.
Mabuti
na lang at bumalik ito. Hindi niya talaga alam kung ano ang isasagot kay Mack.
"Hindi
rin kayo pwedeng magtabi ni Vin habang nandito ako, Joen." Hindi
papatalong sagot ni Mack.
Muling
umalis si Joen nang hindi nagpapaalam sa kanila. Saglit siyang nagpaalam kay
Mack para sundan si Joen. Nagtungo si Joen sa loob ng kwarto niya. Sinundan
niya ito doon. Alam niya na nagtatampo ito sa kanya sa ginawa niya kay Mack at
hindi dito.
"Joen,"
tawag niya dito para makuha ang atensyon nito.
Tiningnan
siya nito. "Bakit? Ba't mo `ko sinundan Vin?"
Hindi
siya sumagot. Lumapit siya dito saka niyakap ito nang mahigpit. Naramdaman niya
ang pagkagulat nito sa ginawa niya ngunit hiondi naglaon ay gumanti ito.
Sa
tatlo, si Joen, ang pinakanasaktan, ito ang pinagtulungan. Naaawa siya dahil nasaktan
ito dahil sa kanya.
"Akala
ko hindi mo na ako yayakapin, Vin," bulong nito na nagbigay sa kanya ng
kilig at kiliti. Napaigtad siya nang ihipan pa nito iyon.
"`Wag
ka ngang magulo. Umayos ka, Joen, nakikiliti ako." Ang pagsaway niya dito.
"I'm
just happy. Hindi mo rin pala ako kasi matitiis. Parang nawala `yong sakit ng
mga suntok sa `kin ng dalawa sa ginawa mo. Salamat, ah. Kahit na badtrip ako
dahil hindi kita masosolo ngayon."
Nakahinga
siya nang maluwang sa mga sinabi nito. "Ayos na `yon, Joen," tanging
nasabi niya.
"Wala
naman na akong magagawa," kumalas ito sa pagyakap sa kanya. "Sige,
puntahan mo na si Mack, baka kung ano na naman ang isipin ng lalaking `yon,
`buti kung may mangyayari sa `tin."
Tiningnan
niya muna ito bago sundin. Nang magkasya siya sa nakikitang reaksyon sa mukha
nito ay saka pa lang niya binalikan si Mack. Mga ilang minuto ay sumunod ito at
tumabi sa kanya. Wala sa kanilang nagsasalita.
Bumalik
si Lola Fe na galing sa kwarto nito. Napatingin silang lahat dito.
"Para
magkakatabi kayong tatlo, dito kayo matulog sa sala. Pagitnaan niyo ang apo ko
para wala ng away pa. Habang nandito kayo sa loob ng pamamahay ko ay iwasan
n'yo `yon. Ayoko ng gulo at ayokong dito kayo magpatayan. Hindi ko pa kayo
nasesermunan sa ginagawa niyo. Hindi na `yon dapat na gawin pa dahil matatanda
na kayo pero sa mga inasal n'yo kanina ay nakakadismaya kayo. Kung hindi kayo
titigil sa pagbabangayan n'yong dalawa ay mabuti pang layuan niyo na lang ang
apo ko. Magiging masamang impluwensya lang kayo sa kanya kahit na ganyan siya.
`Yon din ang sabihin n'yo sa isa n'yong pinsan. Mga pasaway na lalaki."
Litanya ni Lola Fe saka sila iniwan.
They
were speechless.
Hindi
niya inaasahan na hindi sila sesermunan ng lola niya. Pinagsabihan, oo, pero
hindi iyong katulad ng inaasahan niya na gagawin nito. At talagang pinagdiinan
pa nito ang 'katulad niya'. Bakit ano ba siya? Nakakatawa lang.
"Narinig
n'yo ang lola ko. `Wag kayong mag-away habang nandito kayo sa bahay kung ayaw
n'yong ma-ban kayo dito. O kaya naman ay `wag kayong mag-away kahit sa labas
kayo dahil wala naman `yong maidudulot na mabuti sa inyo." Magsasalita
sana ang dalawa pero inunahan na niya ang mga ito. "`Wag na kayong
kumontra pa. Maghintay kayo dito at kukunin ko na `yong kutson. Behave
ah," aniya saka iniwanan ang mga ito.
NANG
MAKAALIS si Vin ay may tensyon pa rin na nakapagitan
kay Joen at Mack. Hindi man sila nag-uusap na dalawa ay damang-dama niya ang aimosidad
ng pinsan niya sa kanya. Sa haba ng pagsasama nila at pagiging close nilang
tatlo sa isa't-isa ay ngayon lang sila nagkaroon ng malubhang away. Talagang
nagsuntukan pa silang tatlo sa harap ni Vin. Siya laban kay Mack at Nick.
Aaminin niya na siya ang may kasalanan at pinagmulan ng lahat. Siya ang unang
umatake at siya ang pinagtulungan. Hindi naman siya nagsisisi dahil nagselos
siya sa ginawa ni Nick kay Vin. Oo, naghalikan sila ni Vin at kung hindi
dumating ang dalawa ay baka lumampas sila doon. Hindi siya magsisisi kung
mangyari man iyon. Magiging masaya pa nga siya.
Ang
pagsagot niya sa tanong ni Mack ay sinadya at pagdungaw sa pintuan na tanging
boxer shorts lang ang suot. Gusto niya kasing ipakita sa dalawa kung gaano sila
ka-close nila ni Vin. Mali ang diskarte niyang iyon dahil kapag nagmamahal ang
isang tao ay nagiging conscious sa mga pangyayari tungkol sa taong mahal nito
at mag-iisip ng malisya kapag nakitang may kasamang iba ang mahal. Iyon ang
nangyari sa dalawa niyang pinsan at iyon din ang nangyari sa kanya ng halikan
ni Nick sa kanilang harapan si Vin.
Sa
nangyaring halikan sa kanila ni Vin ay baka mangyari na naman ang kinakatakutan
niya. Baka lumayo na naman sa kanya si Vin. At sana ay huwag mangyari iyon. At
mukhang hindi naman mangayayari iyon dahil tila balewala lang iyon sa mga
reaksyon na ipinapakita ni Vin.
Nang yakapin
ni Vin si Mack bilang paghingi ng paumanhin ay sobra siyang nagselos. Gusto
niya ay siya lang ang makayakap dito at wala nang iba pa. Oo, given na
naghalikan sila sa loob ng kwarto nito pero makasarili siya. Gusto niya ay siya
lang. Ngunit ang pagseselos na iyon ay nawala nang sundan siya ni Vin sa kwarto
at yakapin din nang mahigpit. Sa ginawa ni Vin ay alam niya na mahalaga talaga
siya dito.
"Sinabihan
na kita na huwag mo kaming kataluhin ni Nick sa likuran namin Joen. Ano bang
mahirap intindihin sa sinabi kong iyon sa `yo?"
Napatingin
siya kay Mack. "Wala. Walang hindi mahirap intindihin sa sinabi mo Mack
pero mapipigilan mo ba ako sa ginagawa ko?"
Nakita
niya ang pagkuyom ng kamao nito.
"Kung
ganoon lang pala ang gusto mo ay iyon din ang gagawin ko. Sa oras na ito ay
asahan mo na hindi ako mawawala sa tabi ni Vin. Mahirap na Joen. Kilala kita.
Aatake at aatake ka kahit pigilan ka namin. Walang dapat na mangyari sa inyo ni
Vin dahil magkaibigan lang kayo. May nararamdaman ka nga sa kanya pero hindi mo
pa nasasabi iyon."
"Then
be it. Bakuran mo siya katulad ng ginagawa ko sa kanya ngayon. Be the best man
win, Mack. Tandaan mo na hindi ako magpapatalo sa `yo. Sa inyo ni Nick."
PARA
KAY Vin
ay naging maayos ang gabing kasama niya sa pagtulog si Mack at Joen. Walang
nangyari na hindi dapat mangyari sa pagitan nilang tatlo. Naging matiwasay iyon
at nakatulog siya ng mahimbing habang hawak ni Mack ang kanang kamay niya. Si
Joen naman ay nakatalikod sa kanila.
Kinaumagahan
ay nagising siya ng maaga. Dama niya ang mabigat na bagay na nakapatong sa dibdib
niya. Nang imulat niya ang mata ay nakita niyang nakayakap sa kanya si Joen
habang nasa pagitan ng leeg at mukha niya ang mukha nito. Dahan-dahan niyang
inalis ang braso ni Joen na nakayakap sa kanya. Maya-maya ay napangiti siya
nang mapagmasdan ang mukha nito. Hindi ito nakakasawang tingnan. Maamo ang
mukha nito habang tulog at tila hindi iisipin na masungit at pilyo ito. Bago pa
siya malunod sa pagtingin sa mukha nito ay bumaling siya kay Mack. Katulad kay
Joen ay himbing na himbing rin ito sa pagtulog.
Totoong
walang itatapon sa dalawa. Parehong gwapo ang mga ito ngunit ang puso niya ay
tumitibok na kay Joen. Sa tuwing titingnan niya si Mack pati na rin si Nick ay
nalulungkot siya dahil kahit na anong gawin ng mga ito ay hindi mapapalitan ng
mga ito ang pinsan nito.
Nang
gumalaw si Mack ay agad siyang tumayo mula sa kanilang higaan at muling
pinagmasdan ang dalawang lalaki na sa kaunting pagkakataon ay naging malaking
bahagi ng buhay niya. Sana ay walang magbago dahil sa kanya.
Dumiretso
siya sa kusina at naabutan ang lola niya doon. Nakaupo ito at kasalukuyang
humihigop ng mainit na kape.
"`Gandang
umaga `la," bati niya dito.
Tiningnan
lang siya nito. "Kumusta si Joen at Mack?" tanong nito. "Bakit
ba nag-away ang mga `yon kagabi?" Usisa nito.
Kagabi,
ay naabutan ng lola niya na nagsusuntukan si Mack at Joen. Ito ang sumaway sa
dalawa dahil hindi niya mapigilan ang mga ito. Hindi rin sila sinermunan nito.
May alam ito kung bakit nag-away ang dalawa pero pahapyaw lamang ang nalalaman
nito. Hindi nila ikinwento ang totoong nangyari at wala siyang balak na sabihin
iyon dito.
"Misunderstanding
lang po lola," ang maiksi niyang sagot.
"Ganoon
ba," anito.
Nakahinga
siya nang maluwang. Mabuti na lang at kinagat nito ang sagot niya. Sana ay hindi
na ito mag-usisa pa.
"Opo."
"Kumusta
na ba ang mga pasa nila?"
"Ayos
na po. Natutulog pa po sila."
"Hayaan
mo na muna sila. Gusto kitang makausap tungkol sa nangyari apo. Sa susunod na mag-away
ang mga iyon ay kusa ka nang lumayo sa kanila. Ayaw kong madamay ka sa gulo
nila. Pwera na lang kung ikaw ang dahilan ng gulo."
Natahimik
siya sa sinabi nito. Siya ang dahilan kung bakit nagkagulo ang mga ito kagabi. Naisip
rin niya na kapag naulit ang gulo katulad kagabi ay siya na ang kusang lalayo sa
mga ito. Ayaw niyang masira ang relasyon ng magpipinsan dahil sa kanya.
Hala Giyera na to! kaso sa tingin ko si Joen talaga ang gusto ni Vin, sa susunod na update ulit Author.
ReplyDelete#teamJoen
Giyera na nga, Angel, umpisa pa lang `yan. May susunod pa..
DeleteHi Vienne,
ReplyDeleteDi naman siya nakakainis. Haha Tagal umamin ni Joen. Btw, what I mean sa timeline is parang ang bagal ng pacing. Parang ang daming nagyari tas magugulat nalang ako isang araw lang pala yun or 2 days. Haha but I get the title thing, it all started with a fated encounter. I'm not sure kung meron kang time table para makita mo exact happenings, parang ung sa start ng work sa resto andami na chapters hindi padin nangyayari. Im not sure if part ng plan mo na super bagal ng pace para mas detailed at maintindihan. It is then it's ok. Yun lang. Pero the story itself is nice. Go Joen!
Marvs :-)
Hi Marvs,
DeleteMatagal pa talaga ang pag-amin niya. Nasa chapter 20 pa eh.. Mabagal ba ang pacing? Hahaha.. Natumbok mo po! Aaminin ko na kahit ako naguguluhan din minsan sa mga paligoy-ligoy na iyon eh. Yong dapat na flow ng story hindi nasunod. Kapag nakaharap na kasi ako sa word wala na. Iyon na. Hahaha.. Wala rin akong time table, basta kung ano yong maisip ko ay go na lang. Wala rin akong plano. Pero nung umpisa na isulat ko ito ay dapat hanggang 10 chapters lang..
Salamat sa puna. :))
Stated: Si Joen ang Gusto at Mahal ni Vin!
ReplyDeleteThe only way to stop them is that, Vin needs to tell the truth about his feelings. That, his heart beats for only on man, and that's Joen. Mahirap naman talaga kasing umamin, lalo na't, Joen concluded to himself that he will never fall for gays. Mahirap ding basta na lang kainin ang mga salitang nasabi mo na. But then, if they truly love each other, there are too many ways to shrug all the things we said or act in the past. It's our heart that tells us who to love, we just need our mind to decide.
Vienne! Nai-excite ako! Hayst! Magka-aminan na kasi!
Kuya Rye, obvious na obvious naman po silang dalawa.
DeleteYong aminan nila mangyayari sa chapter twenty at magpapatuloy sa chapter 21 at malapit nang matapos! Pero tengga muna si ako. Wala pang ending, eh. LoL
Hayst! Ewan ko nga ba sa dalawang yan at sa next chapter pa ang aminan. Lols! Keep up lang, Vienne. We'll wait.
DeleteJoen umamin na kasi bago mahuli ang lahat. Halata naman na may gusto rin sau si vin eh.
ReplyDeleteGo #TeamJoen
-hardname-
Hardname,
DeleteAng pag-amin nila sa isa't.isaay mangyayari sa chapt 20.
Salamat sa pagbasa.
haba ng hair ni vinnezer -_- pahiram nga ng gunting lakas maka-rapunzel :3
ReplyDeleteanyways ok pa rin naman ang daloy ng storya tama si marvz medyo mabagal yung pacing pero tiyak kalaunan nyan dadaloy din ang ginhawa (maynilad) :)))
overall nice chapter pa rin except dun sa malaEDSAng haba ng buhok ni vin NAKAKAINGGIT UBER :D
thanks sa update vienne ;)))
Ruthra,
DeleteHahaha.. Natutuwa ako sa komento mo at ni Marvs.
Ipinapakita lang kasi ng mga komento niyo ang technicality ng sinusulat ko. Salamat
:))
May nag-comment dati na mabagal ang pacing ng story na itey. Binalikan ko yong mga comment sa ibang chapters..
Iyong sinabi mo na dadaloy ang ginhawa ay malapit na. Sa simbahan din yata sila tutuloy eh.
ang haba ng storya na until now di pa nakapag simula si Vin magtrabaho sa restaurant. hahhaahahah
ReplyDeleteMagsisimula na po.. hahaha.. sa next chapter :) pero palagay ko hindi na iyon masyadong ma-ha-high light. :))
DeleteSalamat sa reads Btw.
DeleteKudos to you Mr written! Keep it up!
ReplyDeleteXen
Salamat!
DeleteSalamat sa pagbabasa nito!
saksakin mo sa leeg JOEN :)
ReplyDeletewahaha
-ChuChi
Chuchi,
DeleteHindi pwede! Hahaha..
Makukulong siya pag ginawa niya yon! LOL
VIEENNNNE! huhuhu. tumi-trending tong gawa mo ah? hahaha. good job po! Nasa chapter one pa lang ako pero, napakalakas na ng hatak sakin eh. Hahaha. sorry, mejo busy lang. di ko pa nababasa ang second chapter hanggang dito. tsk. pero congrats to you and your work. galing galing! keep it up :)
ReplyDeleteTumi-trending? Paano? Hahaha.. salamat sa pagbabasa, JACE!
Delete