Followers

Wednesday, April 9, 2014

'Untouchable' Chapter 22

Maraming salamat sa patuloy na suporta. Keep the comments coming! :)

Happy Reading!

--

Chapter 22

“Gago ka talaga, Justin.” iyon na lamang ang tangi kong nasabi matapos kong masaksihan ang pagsasayaw ng grupo niya sa harapan ko. Naramdaman kong kinuha niya ang dalawa kong kamay. Sobrang cliché, na parang sa mga pelikula, alam ko, pero kapag pala ikaw na mismo ang nasa moment na iyon ay hindi mo na rin iyon iintindihin. Iniangat niya ang dalawa kong kamay, at kung gaano kabilis ang naging pagtibok ng puso ko ay siya ring kabilis mawala ng mga kamay ni Justin sa akin.

Nagtaka ako kung bakit siya bumitaw at nang mapagtanto ko kung ano ang nangyari ay lubusan akong nag-alala. Nakita kong nakapagitna sa aming dalawa si Trisha na miya mong handa nang umatake anong oras man. Hindi ko nakikita ang ekspresyon ng mukha nito, ngunit base sa paninigas ng katawan nito at sa natatakot na ekspresyon ni Justin ay hindi na ako nag-isip pa para malaman kung galit ba ito o hindi.

“Stay away from Gab.” matigas na sabi nito. Kahit mahina ang pagkakasabing iyon ni Trisha ay sapat na iyon para kahit sinumang lalaki ay matakot dito. Wala ng sinayang na oras si Trisha at bigla akong hinaltak papaalis sa grupo ng tao sa lobby. Marahas niya akong hinila papalayo, at dahil ako ay nabigla pa rin sa mga nangyari ay wala na akong ginawa o sinabi para pigilan ito.

“Gab, sandali lang!” narinig kong paghabol sa amin ni Justin, at doon ay huminto kaming dalawa ni Trisha at muli siyang pumagitna sa aming dalawa. Nang mapagtanto ko ang maaaring mangyari, at ang mga consequences noon, I decided to finally step up.

“Trisha. I can handle this.” kalmado kong saad, ngunit gaya ng inaasahan ay hindi ako pinansin nito. “Turuan ko lang ‘to ng leksyon, Gab. Pa-isa lang!” banta nito sa lalaking kaharap namin ngayon. Kitang-kita naman kay Justin ang kagustuhan nitong magsorry sa akin – sa aming dalawa – sa mga kagaguhang nagawa nito dati, and I can’t help but feel a bit of warmth, dahil siguro nga ay unti-unti na akong paparating sa punto na malapit ko na itong patawarin.

“Ikaw, lalaki ka! How dare you go near him after mo siyang paglaruan! Tapos ngayon may pasayaw-sayaw ka pa...” pagsisimula niya. “Trisha.” banta ko dito, ngunit dahil nga may pagka-matigas ang ulo nito ay walang naging epekto iyon at imbes ay nagpatuloy lamang ito sa kanyang ginagawa. “So ano, hindi ka pa ba nakukuntento? Hindi ka pa ba nasisiyahan? Hindi ka pa b—“

“Patricia!” galit kong suway dito.

Pareho silang natigilan sa inasta ko. MAlamang ay hindi nila pareho inasahan ang iaakto ko. I was losing my patience with Trisha, pero pinakalma ko ang sarili ko. Isa pa, after kong makita ang takot at gulat na mukha nito ay naisipan kong pabulaanan ang ginawa ko. Minsan lang kasi akong umarte ng ganito kaya siguro gulat na gulat silang dalawa lalo na si Trisha.

“Look, Trisha.” huminga muna ako ng malalim bago magpatuloy. “I appreciate your concern, pero kaya ko ang sarili ko. Okay? Huwag ka ng masyadong mastress.” pahayag ko dito. Naramdaman kong gusto pa niyang magprotesta, ngunit dahil na rin siguro sa takot at pagkabigla ay natameme na lamang ito. Binaling ko ang atensyon ko kay Justin at napansin kong wala pa rin itong imik. Ngunit nang mapansin niyang nakabaling ang atensyon ko sa kanya ay tila agad itong bumalik sa realidad at nagsalita.

“Gab.” masuyong tawag nito sa akin.

“Trisha... we need to talk.” pagsisimula ko habang palipat-lipat ang tingin ko sa dalawa. Kita ko kay Justin ang concern, at kita naman kay Trisha ang pagtataka.

--

Flashback

“Mahal kita, Caleb.” sabi ko.

I froze. Ano nga ba ‘tong nasabi ko? Nanigas ako sa kinatatayuan ko, at maging si Caleb ay naramdaman kong nanigas din bago ako nito tuluyang pihitin paharap sa kanya. Nang magkatinginan ang mga mata namin ay kitang-kita ko sa mukha nito ang matinding gulat at pagtataka dala ng sinabi ko. Naisip kong may panahon pa para bawiin ang sinabi ko, ngunit sadyang natulala na lamang ako dahil sa hindi inaasahang pangyayari.

Matagal ng umaaligid sa isip ko ang posibilidad na iyon, at iyon ay isa sa mga bagay na ayaw na ayaw kong harapin. Alam kong noong unang beses ko pa lamang siya nakita ay naakit na ako nito, at sa mga away, bulyawan, at sapakan na naganap sa amin ay sadyang napapalapit ako dito sa ‘di malamang dahilan. The more he tries to push me away, the more I desire to be near him.

Mali ito. Mali.

Ito ang palagi kong sinasabi sa sarili ko. Kapatid ko siya! Hindi ito ppwede, kaya naman dapat gumising na ako sa kahibangan kong ito. Ngunit nang tuluyan na kaming magkabati ni Caleb, at nang tuluyan nang mapalapit ang loob ko dito ay doon na nagsimula ang mas mahirap na dagok ng buhay ko. The more I get to know him, the deeper I fall, and the more frustrated I feel, dahil nga imposible ang gusto ko sa simula pa lamang. Kung hindi ako nagpakatanga, kung hindi ko hinayaan ang sarili kong tuluyang mahulog sa kanya ay hindi ako dadating sa ganitong sitwasyon.

“Ano?” ang una at tanging salitang lumabas sa labi nito. Rinig ko sa boses nito ang pagkabigla, na hindi ito makapaniwala sa sinabi ko. Lalo akong natulala, tila naputulan ako ng dila dahil sadyang hindi ko alam ang sasabihin ko dito. Malamang ang nahalata nito ang pagkabigla ko, at malamang dahil doon ay nahinuha na niya ang tunay kong ibig sabihin.
Bigla akong nakaramdam ng isang malakas na pwersa at nakita ko na lamang ang sarili kong nakatumba sa semento.

“Putangina mo! Totoo ba, Gab?!” galit na bulyaw sa akin ni Caleb. Lumakad ito ng papadyak patungo sa direksyon ko at sinipa ako sa sikmura. Sunod nitong pinuntirya ang mukha ko. Tumama ang sipa nito sa may panga ko na siyang pinasakit pa dahil kasalukuyan itong nakasuot ng rubber shoes. Kahit ramdam ko ang sakit ay hindi ako lumaban, sa katunayan, mas matindi pa ang sakit na narararamdaman ng puso ko kasama ng awa at pagkainis ko sa sarili ko kumpara sa pisikal na sakit na dulot ng sipa niya.

“I trusted you, Gab! Tapos ah, fuck!” ramdam ko ang pait at galit sa tinig nito. Bigla ako nitong iniangat, hinawakan nang mahigpit ang baba ko para magkatinginan kaming dalawa. Kitang-kita ko ang pinaghalong lungkot at galit sa mga mata nito. “Tell me you’re joking and I’ll forget this happened.” desperadong utos nito sa akin.

Alam kong wala akong maisasagot dito, at kung may maisagot man ako ay hindi iyon magugustuhan ni Caleb. Natatakot ako para sa sarili ko, para sa kung ano ang maaari nitong gawin sa akin. Hindi na ang Caleb na nakilala ko ang nakikita ko ngayon sa harap ko. Tuluyan na siyang nilamon ng galit, at ako ang dahilan kung bakit siya nagkakaganito.

Naramdaman ko ang paggaan ng baba ko nang may isang tao ang nag-iwas sa akin kay Caleb. Nagising ako mula sa kaliliman ng aking isip nang makita ko ang isang galit na galit na si Justin. Nagpupuyos ito at hingal na hingal habang nakatingin kay Caleb na nakahandusay na sa may semento.

“Huwag mo siyang hawakan. Huwag mo na siyang lalapitan.” matalim na saad ni Justin kay Caleb. Nagulat na lamang ako nang matawa nang mapait si Caleb. “Ano? Makikialam ka na naman? Kung makapagsalita ka parang ang bait-bait mo. May I remind you na ikaw ang nanloko, Justin! Huwag kang makialam sa buhay ko lagi. Masyado kang nagmumukhang desperado na maangatan ako. Umuwi ka na.” pagkutya nito kay Justin.

Ramdam ko ang sakit ng mga salitang binitawan ni Caleb kay Justin ngunit ang mas kinagulat ko ay tila walang naging epekto ang mga sinabi ni Caleb sa kanya. “May karapatan akong makialam dahil mahal ko siya, Caleb!” buong loob na bulyaw nito kay Caleb na siyang ikinagulat ko. Ikinakainis ko kung bakit hindi ako makagalaw, hindi ako makapagsalita. Gustong-gusto kong makialam, pero tila may sariling utak ang katawan kong mag-isang nagdesisyong maging estatwa muna sa kasalukuyan.

“Mahal? Naririnig mo ba ‘yang sarili mo, Justin?!” tudyo ni Caleb.

Walang sinabi si Justin bilang tugon at dahil doon ay lalong uminit ang ulo ni Caleb.

“Putangina! Magsama-sama kayong mga bakla! Kadiri ka. Kinaibigan kita mula pagkabata natin? So ano? Kaya mo ako kinaibigan dahil may gusto ka sa akin? Dahil pinagpapatantasyahan mo ‘tong katawan ko? Da-“ naputol ang mga sinasabi ni Caleb nang bigla itong sugurin ni Justin. Nagpambuyo ang dalawa at doon na ako tuluyang nagising sa aking pagkakatuod at agad-agad kong pinuntahan ang dalawa at pinigilan ito.

Nagpalitan ng suntok at mga mura ang dalawang lalaki at dahil sa taglay nilang lakas ay nahirapan akong pigilan ang mga ito. “Mas nakakadiri ka, Caleb! Walang magmamahal sa’yo sa ganyang pag-uugali mo!” mapait na bulyaw ni Justin kay Caleb na siyang ikinagalit ng huli. Nagpatuloy at mas tumindi pa ang pagbunuan ng dalawa hanggang sa magulat na lamang ako nang biglang lumabas ang isang lalaki – matangkad, at halatang mas matanda ito sa amin ng mga limang taon – at walang sabi-sabing pinaghiwalay ang dalawa. “Justin, ilayo mo na si Gab dito. Ako ng bahala kay Caleb.” utos nito kay Justin. “Gab, umalis na kayo dito.” seryosong baling ng lalaki sa akin.

Natauhan kaming pareho ni Justin dahil doon. Walang sabi-sabi niya akong hinatak papunta sa kotse ko. “Susi.” kalmado nitong utos sa akin, ngunit sa tantya ko ay ngayon pa lamang humuhupa dito ang galit dahil sa nangyaring tensyon sa kanila ni Caleb. Bumuntong-hininga muli ito kaya naman binigay ko na sa kanya ang susi ng kotse ko.

--

Habang nasa daan ay ramdam kong nagpapakiramdaman kami ni Justin. Pilit kong iwinawaksi mula sa utak ko ang mga nangyari kanina, na ngayon alam na ni Caleb ang pinakaininigat-ingatan kong sikreto. Kita kong malalim ang paghinga nito at medyo napapahigpit na ang kapit nito sa manibela ng kotse ko. Napansin siguro nitong nakatingin ako sa kanya at nang bumaling siya sa akin ay tila ba awtomatikong naging kalmado ito at biglang namutawi sa mga mata nito ang pag-aalala para sa akin. Bumilis ang tibok ng puso ko dahil doon. Kinuha nito ang isang kamay ko, hinawakan, at pinisil, na tila sinasabi sa aking nandito lamang siya para sa akin. Hinigpitan ko rin ang hawak ko sa kamay niya na tila sinasabing naiintindihan ko ang gusto niyang ipahiwatig.

“I heard everything.” sabi nito sa akin.

Lalo kong hinigpitan ang kapit ko sa kamay niya dahil sa narinig ko.

“It’s okay, Gab.” pag-aasure nito sa akin.

Tiningnan ko lamang ito ng malalim habang ang atensyon nito ay nasa daan. “Gab, stop staring at me... hindi kita hinuhusgahan, kung iyan lang ang pinag-aalala mo, okay? So stop worrying.” sabi nito sa akin.

“Saan ba tayo pupunta?” tanong ko dito makalipas ang ilang minuto. Napansin ko kasing hindi ako gaanong pamilyar sa area na tinatahak ng kotse nito. “Uhm, to be honest, hindi ko kasi alam kung saan kita dadalhin. Kaya heto, dalhin na lang kita sa condo ko.” kibit-balikat nitong tugon sa akin. “Ay, pwede bang ihatid mo na lang ako sa condo ni Trisha? Medyo malapit lang naman dito ‘yun... I think.” sagot ko dito dahil ikinagulat ko naman talaga ang sinabi nito. Hindi ko rin kasi siya masisi dahil halos buong byahe akong nakatunganga at tulala kaya siguro hindi na rin niya ako tinanong kung saan ba ako dapat dalhin.

“Too late. Nandito na tayo, eh.” sagot nito, at nang mapadako ang tingin ko sa bintana ay nakita ko ang hindi kataasang gusali, far from what I expected. “I don’t like high places, kaya sa low rise ako.” sabi ni Justin, as if nababasa nito ang sa isip ko. Tumango na lamang ako at hindi na nagsalita hanggang sa makarating kami sa unit niya sa fourth floor ng gusali.

“Make your self comfortable. Sorry medyo magulo pa. Hindi ko rin kasi ‘to nagagamit madalas.” sabi nito sa akin. Tumalima na lamang ako tiningnan ang paligid. Maliit ang lugar, pero tamang-tama na ito para sa isa o dalawang tao. May maliit na TV sa harapan, isang dining room, at maliit na kusina. Namangha naman ako dahil hindi ko inaasahang napakasimple ng magiging itsura ng unit niya, dahil wala gaanong mwebles at ang TV nito ay lumang modelo na. Kahit mayaman ito ay napansin ko ngang may pagkasimple itong si Justin.

Nakaramdam ako ng mahinang pagyugyog ng kutson at nang mapadako ang tingin ko sa kanya ay nakita kong nakatingin lamang ito sa harapan. Naaninag ko sa maamo nitong mukha na hindi nito alam ang gagawin, o ang sasabihin, dahil malamang ay naiilang pa ito sa akin. Hindi ko rin alam kung bakit ba ang civil ko ngayon pagdating sa kanya considering what went down before, pero dahil na rin siguro sa nangyari kanina ay medyo lumuwag na ang pakikitungo ko dito.

“Gab, I think...” pagsisimula nito. Rinig ko sa malamlam nitong boses na kinakabahan ito kaya naman tuluyan ko ng ibinaling ang atensyon ko sa kanya.

“... that dapat akong magpaliwanag on what I did... alam mo na, ‘yung ginawa ko sa’yo dati.” nahihiyang pagpapatuloy nito. Wala akong sinabi at imbes ay nakinig na lamang. Tuluyan na ako nitong tiningnan at marahil ay nakita niyang nakikinig ako kaya naman nagpatuloy na siya.

“Caleb and I... friends kami noon kasi nga first, magkapitbahay kami. I just live across the street from their house. Since prep school ata magkasama na kami, but for some reason ay hindi kami ganoong magkalapit. Yes, pumupunta-punta siya sa amin, or ako sa kanila kapag walang makausap or bored, pero hindi kami umabot sa level na masasabi kong comfortable kami sa isa’t-isa. Kumbaga ‘yung friendship namin ay nasa superficial level pa lamang, pero medyo malalim na rin kasi matagal na...” tumawa ito ng panandalian.

“Ang gulo ko magkwento noh? Anyway... I have to admit, and magpapakatotoo na talaga ako sa’yo... I like playing with people. Madalas kong gawin ‘yon sa mga taong nagkakagusto sa akin, which ay hindi ko naman sila masisi kasi... well.” pagbubuhat nito ng bangko. Natawa ako sa loob-loob ko, ngunit hindi ko iyon pinakita sa kanya.

“Sorry. Anyway, going back, I was like that noong high school. May kasama pa nga ako, eh. Alam kong kilala mo si Matt, bestfriend ko ‘yun, and nagulat na lang ako noong bigla niya akong kinonfront about sa ginawa ko sa’yo.” pagkkwento pa ni Justin. Nagpasalamat naman ako sa loob-loob ko dahil tinupad ni Matt ang pangako niyang kakausapin nito si Justin. I made a mental note to thank him later.

“That’s the first part of the story... so bakit nga ba kita ginago? It’s because of Caleb. Oo, inutusan niya ako, pero lalo pa akong na-motivate kasi... I hate him.” pag-amin nito.

Kumunot ang noo ko.

“Since we grew up together, palagi kaming naco-compare sa isa’t-isa, and palagi siya ang nananalo... even my parents prefer him over me. And the sad thing is, I saw you as a way to get back to him, para mapatunayan na matatalo ko siya, and para magbackfire ang mga plano niya... which eventually did, but not in the way I intended hehe.” pagtatapos niya.

Katahimikan.

“Gab... I’m so sorry.” finally ay sinabi na niya ito.

“O-okay...” was all what I could say.

Bumuntong-hininga ito at ngumiti.

“Wait lang, ah. Gagamutin ko lang ‘yung mga sugat mo sa mukha.” paalam nito bago tuluyang mawala sa paningin ko.

Little did he know na hindi lamang ang mga pisikal na sugat ang nagamot niya kagabi.

--

“Oh my God. Wait lang.” nakapikit na sabi ni Trisha. Malamang ay pilit pa rin niyang inaabsorb ang mga kinwento ko sa kanya. Kumurap-kurap ang mga mata nito at nagpalipat-lipat ang tingin sa aming dalawa ni Justin. Tumigil ang tingin niya sa akin at ako naman ay biglang nailang dahil hindi ko alam kung ano na ang iniisip niya tungkol sa akin ngayong alam na niya ang lahat. Napayuko na lamang ako habang hinihintay ang isasagot nito. Naramdaman kong lumingkis ang braso ni Justin sa bewang ko at tinapik ito.

“Wow lang.” finally ay nagsalita na rin ito.

“I can’t believe you fell in love with your brother!” hindi makapaniwalang sabi nito, na medyo napalakas kaya naman biglang tinakpan ni Justin ang bibig ni Trisha gamit ang buong kamay nito na siyang ikinagulat ko. “Shh.” pagsuway ni Justin na rinig sa boses ang matinding inis. Agad namang inalis ni Trisha ang kamay ng huli at inismiran lamang ito.

“Excuse me, Justin, FYI hindi ka pa rin cleared sa akin! Sinaktan mo kaya si Gabby kaya wala kang karapatang mainis sa akin! At isa pa walan namang tao sa paligid oh!” singhal nito kay Justin. “Kung makapag-react ka naman kasi parang hindi sensitive information ang sinasabi mo! It’s not safe for Gab!” pabalik na sagot nito.

“Eh bakit ka ba nakikialam?!” si Trisha.

“Concerned ako kay Gab!” si Justin.

“Concerned nga ba or selos ka lang sa kapatid niya?” gatong ni Trisha. Napansin kong nagtense ang katawan ni Justin kaya naman sumabat na ako sa usapan nila.

“Tama na ‘yan.” kalmado kong pagsuway. Pareho naman silang natigilan at napatingin sa akin. Malamang ay natatakot ang dalawang sigawan ko na naman kaya siguro sumunod. Bumuntong-hininga si Trisha at umiling-iling, habang si Justin naman ay sumandal na lamang sa kinauupuan nito.

“Oh ano? Anong plano mo sa mokong na ‘yan?” tanong ni Trisha habang nakatingin sa akin at nakaturo ang daliri kay Justin.

Bumuntong-hininga muna ako bago ko sabihin ang desisyon ko, dahil siguradong ikakagulat nila iyon pareho.

“Let him stick around.” sabi ko.

Natahimik silang pareho. Inoobserbahan ko ang mga naging reaksyon nila. Kita ko kay Trisha na hindi niya inexpect ang sinabi ko, habang si Justin naman ay ngingiti-ngiti na tila inaasar si Trisha at masayang-masaya na siyang ikinailing ko na lamang.

“I’m watching you! Isang mali mo lang, magpaalam ka na.” babala ni Trisha kay Justin.

“Does this mean na bati na tayo?” nakangising tanong sa akin ni Justin, na hindi pinansin ang patutsada ni Trisha.

“Yeah, pero huwag ka muna magpakasaya. Babawi ka pa.”
--
“Where at?” tanong nito sa akin habang minamaneho niya ang kotse ko. Kasalukuyan kaming papalabas ng isa sa mga parking lots ng school. “Wait lang, I just have to make a call.” sabi ko dito sabay kuha ng cellphone ko mula sa aking bulsa. I searched through my contacts until I found the name I was looking for. Agad kong denial ang number ng landline ng bahay namin.

“Hello?” tanong ni Ate Jen, isa sa mga kasambahay nila papa.

“Hello, ate. Si Gab po ito.” sagot ko sa kanya.

“Oh, sir! Ano pong meron? Uuwi na po ba kayo?” tanong nito sa akin.

“Ahm, opo pupunta ako diyan. Sino po bang nandiyan?” tanong ko dito. Kinabahan ako sa maaari niyang isagot sa akin, dahil kung nandoon si Caleb ay malamang hindi na ako tutuloy pa.

“Ah, si Ma’am Audrey lang po. Wala sila sir at ‘yung mga kapatid mo, nasa school.” sagot niya.

“Okay, sige po.” paalam ko bago ko ibaba ang phone.

“Uuwi ako.” sabi ko kay Justin. Medyo napansin kong naalarma siya sa naging sagot ko dito. “Pero...” pagtutol nito. “Relax. Wala si Caleb. Si tita lang daw ang nandoon.” sagot ko dito.

Katahimikan.

Tinitingnan ko lamang ang mga lugar na dinadaanan namin habang iniisip ko kung ano ba ang mga bagay na dapat kong gawin susunod. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong gawin. Dapat ba akong manatili sa bahay? Because I need to leave eventually. I can’t go on like this, ngayong alam na ni Caleb ang saloobin ko, and seeing how he reacted, I know that it’s not going to work out fine. Isa pa, mali na naman ‘tong lintik na damdamin ko sa simula pa lamang, eh. Naisip ko rin na baka pwede rin naman akong bumalik kay mama, ngunit hindi pa siguro ngayon ang tamang panahon. Masyado pang maaga.

“Anong iniisip mo, Gab? At saka ano ‘yung sasabihin mo sa akin bago ka pumasok kanina?” tanong sa akin ni Justin.

Naramdaman ko ang pamumula ng pisngi ko.

“Uhm, wala naman... Magpapasalamat lang ako... for everything.” sabi ko dito, nakayuko. Hindi ko na nakita pa kung ano ang naging reaksyon nito, dahil sadyang nahihiya akong tingnan siya.

“So anong iniisip mo ngayon? Parang nababahala ka, eh.” sabi niya makalipas ang ilang sandali. Napabuntong-hininga ako bago magsalita. “What happens next? I know that eventually kailangan kong umalis sa bahay na ‘yon. Things will never be the same after that... basta alam mo na.” sagot ko dito. Tiningnan ko siya at nakita kong nakatuon pa rin ang atensyon niya sa daan, ngunit ang kaibahan ngayon ay nakakunot ito na tila ba nag-iisip ng malalim hanggang sa mawala ang kunot sa mukha niya at biglang magliwanag ang mukha nito.

“Alam ko na!” natutuwang sabi niya.

--

“Just talk to tita. For sure naman maiintindihan niya ‘yan.” sabi niya sa akin. “May kukunin lang ako sa bahay.” paalam nito sa akin. “Sige.” sagot ko dito. Pumasok na ako sa gate ng bahay namin at doon ay bumungad sa akin si tita na nagdidilig ng mga halaman niya sa may garden area namin sa harapan ng bahay. “Gabriel! You’re home finally.” masayang bati nito sa akin. Tumigil sa kanyang mga ginagawa at lumapit sa akin para yakapin ako na siyang ikinatuwa ko kahit papaano.

“Kumain ka na ba?” tanong nito. Tumango ako, ngunit nagpumilit pa rin ito at pinapasok ako ng bahay. Nagpahanda siya ng merienda at niyaya akong maupo sa dining area namin. “How was school? Siguro masyadong mahirap for you kaya umalis ka muna ng bahay, no? But I’m glad you’re back.” pagsisimula nito, and I want to facepalm myself dahil lalo akong pinapahirapan ni tita na sabihin ang gusto kong sabihin sa kanya.

“Opo, medyo stressful nga po.” sagot ko dito. “Uhm, tita?”

“Yes?”

“Uhm, don’t take this the wrong way, but... can I leave the house for a while? Indefinitely, perhaps?” maingat kong pagsisimula. Parang naalarma naman si tita sa sinabi ko.

“Bakit naman, hijo?”  

“It’s just that...” bumuntong-hininga muna ako bago magpatuloy. “Things are not looking good right now, and I feel that kailangan ko ng time para sa sarili ko. Idagdag mo pa ‘yung stress sa school. I just want some time for myself kaya I will move out po muna.” sabi ko dito.

“Ano bang problema, Gabriel? concerned niyang tanong.

“Tita, I wish na pwede kong sabihin, pero ayoko po muna. It does not concern anything in the house naman po.” pagsisinungaling ko. “In fact, hindi ko man po nasasabi, pero nagpapasalamat po ako dahil tinanggap niyo ako kahit pa... hehe, basta.”

“Eh anong plano mo ngayon?” tanong niya. Thank God, at mukhang naintindihan niya ako.

“Well, Justin agreed na ipa-rent muna sa akin ‘yung condo niya. And I plan to stay there for a while. Don’t worry, palagi ko po kayong tatawagan ni papa. I just need this, tita. Please.” pagtatapos ko.

Isang ngiti na may bakas ng pag-aalala ang ibinigay nito sa akin.

“Oh sige, hijo. Ipapahanda ko na ba ang mga gamit mo?” tanong nito sa akin. Tumango ako dito at nagpasalamat.

“And tita... ok lang ba if pagtakpan niyo muna ako kay dad? Paki—“ sabi ko dito nang biglang maputol ang sasabihin ko nang tumango ito at tumawa. “Oo na. Naiintindihan ko. Ang lungkot mong bata ka, kumain ka na nga lang.” nakangiti nitong pagpapatahimik sa akin.

Lumipas ang ilang oras at sinabihan akong nakahanda na ang mga gamit ko. Kinuha ko ang isang maleta at nagpaalam at nagpasalamat kay tita sa pag-intindi sa akin.

--
Nang lumabas ako sa gate namin ay nakita ko si Justin na nakaupo sa may sidewalk at may isang malaking maleta ring dala na siyang ikinataka ko.

“Oh, ba’t may dala kang maleta?” tanong ko dito.

Ngumiti ito at labis kong ikinagulat ang sinabi nito.


“Syempre. Hahayaan ba naman kitang mag-isa doon? I’m staying with you.”

8 comments:

  1. YES!! YES!! YES!! talagang inaabangan ko 'to. Thank you author ah!!!

    ReplyDelete
  2. YES!!!! Mag kasama sila hahaha

    Ty sa pag update author <3


    Ran.

    ReplyDelete
  3. Ayeeeh. Hehe. Go justin. Sana sila na lang. Hayaan mo na yang si caleb pero tingin ko may past lang si caleb about gays. Or hate to be one of them. Lol. Thanks mr.author sa update.

    -tyler

    ReplyDelete
  4. but I prefer Caleb than Justin for Gabriel..

    ReplyDelete
  5. Ayan. Nababawasan na yung bias ko kay Caleb. Huhuhu. Go Justin! Pero sana magka-ayos pa rin sila ni Caleb. :( ~Ken

    ReplyDelete
  6. Naman. Nakakaasar naman si Caleb. Me pisikal n pananakit p n nangyari. I hate him for that. But nonetheless I still want him for Gab. At sana me happy ending din for Justin.

    ReplyDelete
  7. I think Caleb's reaction is part of Justin's dirty mind games. Still, CALEB-GAB. Di ako matitinag. Hahaha. Go Caleb! I know, this clever author is just playing mind games with us. LOL

    GO CALEB.

    Sorry to the Justin fans here. But I really think he is up to something. And it is bad. Hahaha. Just saying. Mr A.Lim, sorry, did I spill SOME beans? haha

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails