Happy Reading!
--
Chapter 22
“Gago ka talaga, Justin.” iyon na lamang ang
tangi kong nasabi matapos kong masaksihan ang pagsasayaw ng grupo niya sa
harapan ko. Naramdaman kong kinuha niya ang dalawa kong kamay. Sobrang cliché,
na parang sa mga pelikula, alam ko, pero kapag pala ikaw na mismo ang nasa
moment na iyon ay hindi mo na rin iyon iintindihin. Iniangat niya ang dalawa
kong kamay, at kung gaano kabilis ang naging pagtibok ng puso ko ay siya ring
kabilis mawala ng mga kamay ni Justin sa akin.
Nagtaka ako kung bakit siya bumitaw at nang
mapagtanto ko kung ano ang nangyari ay lubusan akong nag-alala. Nakita kong
nakapagitna sa aming dalawa si Trisha na miya mong handa nang umatake anong
oras man. Hindi ko nakikita ang ekspresyon ng mukha nito, ngunit base sa
paninigas ng katawan nito at sa natatakot na ekspresyon ni Justin ay hindi na
ako nag-isip pa para malaman kung galit ba ito o hindi.
“Stay away from Gab.” matigas na sabi nito.
Kahit mahina ang pagkakasabing iyon ni Trisha ay sapat na iyon para kahit
sinumang lalaki ay matakot dito. Wala ng sinayang na oras si Trisha at bigla
akong hinaltak papaalis sa grupo ng tao sa lobby. Marahas niya akong hinila
papalayo, at dahil ako ay nabigla pa rin sa mga nangyari ay wala na akong
ginawa o sinabi para pigilan ito.
“Gab, sandali lang!” narinig kong paghabol sa
amin ni Justin, at doon ay huminto kaming dalawa ni Trisha at muli siyang
pumagitna sa aming dalawa. Nang mapagtanto ko ang maaaring mangyari, at ang mga
consequences noon, I decided to finally step up.
“Trisha. I can handle this.” kalmado kong
saad, ngunit gaya ng inaasahan ay hindi ako pinansin nito. “Turuan ko lang ‘to
ng leksyon, Gab. Pa-isa lang!” banta nito sa lalaking kaharap namin ngayon.
Kitang-kita naman kay Justin ang kagustuhan nitong magsorry sa akin – sa aming
dalawa – sa mga kagaguhang nagawa nito dati, and I can’t help but feel a bit of
warmth, dahil siguro nga ay unti-unti na akong paparating sa punto na malapit
ko na itong patawarin.
“Ikaw, lalaki ka! How dare you go near him
after mo siyang paglaruan! Tapos ngayon may pasayaw-sayaw ka pa...” pagsisimula
niya. “Trisha.” banta ko dito, ngunit dahil nga may pagka-matigas ang ulo nito
ay walang naging epekto iyon at imbes ay nagpatuloy lamang ito sa kanyang ginagawa.
“So ano, hindi ka pa ba nakukuntento? Hindi ka pa ba nasisiyahan? Hindi ka pa
b—“
“Patricia!” galit kong suway dito.
Pareho silang natigilan sa inasta ko.
MAlamang ay hindi nila pareho inasahan ang iaakto ko. I was losing my patience
with Trisha, pero pinakalma ko ang sarili ko. Isa pa, after kong makita ang
takot at gulat na mukha nito ay naisipan kong pabulaanan ang ginawa ko. Minsan
lang kasi akong umarte ng ganito kaya siguro gulat na gulat silang dalawa lalo
na si Trisha.
“Look, Trisha.” huminga muna ako ng malalim
bago magpatuloy. “I appreciate your concern, pero kaya ko ang sarili ko. Okay?
Huwag ka ng masyadong mastress.” pahayag ko dito. Naramdaman kong gusto pa
niyang magprotesta, ngunit dahil na rin siguro sa takot at pagkabigla ay
natameme na lamang ito. Binaling ko ang atensyon ko kay Justin at napansin kong
wala pa rin itong imik. Ngunit nang mapansin niyang nakabaling ang atensyon ko
sa kanya ay tila agad itong bumalik sa realidad at nagsalita.
“Gab.” masuyong tawag nito sa akin.
“Trisha... we need to talk.” pagsisimula ko
habang palipat-lipat ang tingin ko sa dalawa. Kita ko kay Justin ang concern,
at kita naman kay Trisha ang pagtataka.
--
Flashback
“Mahal kita,
Caleb.” sabi ko.
I froze. Ano
nga ba ‘tong nasabi ko? Nanigas ako sa kinatatayuan ko, at maging si Caleb ay
naramdaman kong nanigas din bago ako nito tuluyang pihitin paharap sa kanya.
Nang magkatinginan ang mga mata namin ay kitang-kita ko sa mukha nito ang
matinding gulat at pagtataka dala ng sinabi ko. Naisip kong may panahon pa para
bawiin ang sinabi ko, ngunit sadyang natulala na lamang ako dahil sa hindi
inaasahang pangyayari.
Matagal ng
umaaligid sa isip ko ang posibilidad na iyon, at iyon ay isa sa mga bagay na
ayaw na ayaw kong harapin. Alam kong noong unang beses ko pa lamang siya nakita
ay naakit na ako nito, at sa mga away, bulyawan, at sapakan na naganap sa amin
ay sadyang napapalapit ako dito sa ‘di malamang dahilan. The more he tries to
push me away, the more I desire to be near him.
Mali ito.
Mali.
Ito ang
palagi kong sinasabi sa sarili ko. Kapatid ko siya! Hindi ito ppwede, kaya
naman dapat gumising na ako sa kahibangan kong ito. Ngunit nang tuluyan na
kaming magkabati ni Caleb, at nang tuluyan nang mapalapit ang loob ko dito ay
doon na nagsimula ang mas mahirap na dagok ng buhay ko. The more I get to know
him, the deeper I fall, and the more frustrated I feel, dahil nga imposible ang
gusto ko sa simula pa lamang. Kung hindi ako nagpakatanga, kung hindi ko
hinayaan ang sarili kong tuluyang mahulog sa kanya ay hindi ako dadating sa
ganitong sitwasyon.
“Ano?” ang
una at tanging salitang lumabas sa labi nito. Rinig ko sa boses nito ang
pagkabigla, na hindi ito makapaniwala sa sinabi ko. Lalo akong natulala, tila
naputulan ako ng dila dahil sadyang hindi ko alam ang sasabihin ko dito.
Malamang ang nahalata nito ang pagkabigla ko, at malamang dahil doon ay
nahinuha na niya ang tunay kong ibig sabihin.
Bigla akong
nakaramdam ng isang malakas na pwersa at nakita ko na lamang ang sarili kong
nakatumba sa semento.
“Putangina mo!
Totoo ba, Gab?!” galit na bulyaw sa akin ni Caleb. Lumakad ito ng papadyak
patungo sa direksyon ko at sinipa ako sa sikmura. Sunod nitong pinuntirya ang
mukha ko. Tumama ang sipa nito sa may panga ko na siyang pinasakit pa dahil
kasalukuyan itong nakasuot ng rubber shoes. Kahit ramdam ko ang sakit ay hindi
ako lumaban, sa katunayan, mas matindi pa ang sakit na narararamdaman ng puso
ko kasama ng awa at pagkainis ko sa sarili ko kumpara sa pisikal na sakit na
dulot ng sipa niya.
“I trusted
you, Gab! Tapos ah, fuck!” ramdam ko ang pait at galit sa tinig nito. Bigla ako
nitong iniangat, hinawakan nang mahigpit ang baba ko para magkatinginan kaming
dalawa. Kitang-kita ko ang pinaghalong lungkot at galit sa mga mata nito. “Tell
me you’re joking and I’ll forget this happened.” desperadong utos nito sa akin.
Alam kong
wala akong maisasagot dito, at kung may maisagot man ako ay hindi iyon
magugustuhan ni Caleb. Natatakot ako para sa sarili ko, para sa kung ano ang
maaari nitong gawin sa akin. Hindi na ang Caleb na nakilala ko ang nakikita ko
ngayon sa harap ko. Tuluyan na siyang nilamon ng galit, at ako ang dahilan kung
bakit siya nagkakaganito.
Naramdaman
ko ang paggaan ng baba ko nang may isang tao ang nag-iwas sa akin kay Caleb.
Nagising ako mula sa kaliliman ng aking isip nang makita ko ang isang galit na
galit na si Justin. Nagpupuyos ito at hingal na hingal habang nakatingin kay
Caleb na nakahandusay na sa may semento.
“Huwag mo
siyang hawakan. Huwag mo na siyang lalapitan.” matalim na saad ni Justin kay
Caleb. Nagulat na lamang ako nang matawa nang mapait si Caleb. “Ano? Makikialam
ka na naman? Kung makapagsalita ka parang ang bait-bait mo. May I remind you na
ikaw ang nanloko, Justin! Huwag kang makialam sa buhay ko lagi. Masyado kang
nagmumukhang desperado na maangatan ako. Umuwi ka na.” pagkutya nito kay
Justin.
Ramdam ko
ang sakit ng mga salitang binitawan ni Caleb kay Justin ngunit ang mas
kinagulat ko ay tila walang naging epekto ang mga sinabi ni Caleb sa kanya.
“May karapatan akong makialam dahil mahal ko siya, Caleb!” buong loob na bulyaw
nito kay Caleb na siyang ikinagulat ko. Ikinakainis ko kung bakit hindi ako
makagalaw, hindi ako makapagsalita. Gustong-gusto kong makialam, pero tila may
sariling utak ang katawan kong mag-isang nagdesisyong maging estatwa muna sa
kasalukuyan.
“Mahal?
Naririnig mo ba ‘yang sarili mo, Justin?!” tudyo ni Caleb.
Walang
sinabi si Justin bilang tugon at dahil doon ay lalong uminit ang ulo ni Caleb.
“Putangina!
Magsama-sama kayong mga bakla! Kadiri ka. Kinaibigan kita mula pagkabata natin?
So ano? Kaya mo ako kinaibigan dahil may gusto ka sa akin? Dahil
pinagpapatantasyahan mo ‘tong katawan ko? Da-“ naputol ang mga sinasabi ni
Caleb nang bigla itong sugurin ni Justin. Nagpambuyo ang dalawa at doon na ako
tuluyang nagising sa aking pagkakatuod at agad-agad kong pinuntahan ang dalawa
at pinigilan ito.
Nagpalitan
ng suntok at mga mura ang dalawang lalaki at dahil sa taglay nilang lakas ay
nahirapan akong pigilan ang mga ito. “Mas nakakadiri ka, Caleb! Walang
magmamahal sa’yo sa ganyang pag-uugali mo!” mapait na bulyaw ni Justin kay
Caleb na siyang ikinagalit ng huli. Nagpatuloy at mas tumindi pa ang pagbunuan
ng dalawa hanggang sa magulat na lamang ako nang biglang lumabas ang isang
lalaki – matangkad, at halatang mas matanda ito sa amin ng mga limang taon – at
walang sabi-sabing pinaghiwalay ang dalawa. “Justin, ilayo mo na si Gab dito.
Ako ng bahala kay Caleb.” utos nito kay Justin. “Gab, umalis na kayo dito.”
seryosong baling ng lalaki sa akin.
Natauhan
kaming pareho ni Justin dahil doon. Walang sabi-sabi niya akong hinatak papunta
sa kotse ko. “Susi.” kalmado nitong utos sa akin, ngunit sa tantya ko ay ngayon
pa lamang humuhupa dito ang galit dahil sa nangyaring tensyon sa kanila ni
Caleb. Bumuntong-hininga muli ito kaya naman binigay ko na sa kanya ang susi ng
kotse ko.
--
Habang nasa
daan ay ramdam kong nagpapakiramdaman kami ni Justin. Pilit kong iwinawaksi
mula sa utak ko ang mga nangyari kanina, na ngayon alam na ni Caleb ang
pinakaininigat-ingatan kong sikreto. Kita kong malalim ang paghinga nito at
medyo napapahigpit na ang kapit nito sa manibela ng kotse ko. Napansin siguro
nitong nakatingin ako sa kanya at nang bumaling siya sa akin ay tila ba
awtomatikong naging kalmado ito at biglang namutawi sa mga mata nito ang pag-aalala
para sa akin. Bumilis ang tibok ng puso ko dahil doon. Kinuha nito ang isang
kamay ko, hinawakan, at pinisil, na tila sinasabi sa aking nandito lamang siya
para sa akin. Hinigpitan ko rin ang hawak ko sa kamay niya na tila sinasabing
naiintindihan ko ang gusto niyang ipahiwatig.
“I heard
everything.” sabi nito sa akin.
Lalo kong
hinigpitan ang kapit ko sa kamay niya dahil sa narinig ko.
“It’s okay,
Gab.” pag-aasure nito sa akin.
Tiningnan ko
lamang ito ng malalim habang ang atensyon nito ay nasa daan. “Gab, stop staring
at me... hindi kita hinuhusgahan, kung iyan lang ang pinag-aalala mo, okay? So
stop worrying.” sabi nito sa akin.
“Saan ba
tayo pupunta?” tanong ko dito makalipas ang ilang minuto. Napansin ko kasing
hindi ako gaanong pamilyar sa area na tinatahak ng kotse nito. “Uhm, to be
honest, hindi ko kasi alam kung saan kita dadalhin. Kaya heto, dalhin na lang
kita sa condo ko.” kibit-balikat nitong tugon sa akin. “Ay, pwede bang ihatid
mo na lang ako sa condo ni Trisha? Medyo malapit lang naman dito ‘yun... I
think.” sagot ko dito dahil ikinagulat ko naman talaga ang sinabi nito. Hindi
ko rin kasi siya masisi dahil halos buong byahe akong nakatunganga at tulala
kaya siguro hindi na rin niya ako tinanong kung saan ba ako dapat dalhin.
“Too late.
Nandito na tayo, eh.” sagot nito, at nang mapadako ang tingin ko sa bintana ay
nakita ko ang hindi kataasang gusali, far from what I expected. “I don’t like
high places, kaya sa low rise ako.” sabi ni Justin, as if nababasa nito ang sa
isip ko. Tumango na lamang ako at hindi na nagsalita hanggang sa makarating
kami sa unit niya sa fourth floor ng gusali.
“Make your
self comfortable. Sorry medyo magulo pa. Hindi ko rin kasi ‘to nagagamit
madalas.” sabi nito sa akin. Tumalima na lamang ako tiningnan ang paligid.
Maliit ang lugar, pero tamang-tama na ito para sa isa o dalawang tao. May
maliit na TV sa harapan, isang dining room, at maliit na kusina. Namangha naman
ako dahil hindi ko inaasahang napakasimple ng magiging itsura ng unit niya,
dahil wala gaanong mwebles at ang TV nito ay lumang modelo na. Kahit mayaman
ito ay napansin ko ngang may pagkasimple itong si Justin.
Nakaramdam
ako ng mahinang pagyugyog ng kutson at nang mapadako ang tingin ko sa kanya ay
nakita kong nakatingin lamang ito sa harapan. Naaninag ko sa maamo nitong mukha
na hindi nito alam ang gagawin, o ang sasabihin, dahil malamang ay naiilang pa
ito sa akin. Hindi ko rin alam kung bakit ba ang civil ko ngayon pagdating sa
kanya considering what went down before, pero dahil na rin siguro sa nangyari
kanina ay medyo lumuwag na ang pakikitungo ko dito.
“Gab, I
think...” pagsisimula nito. Rinig ko sa malamlam nitong boses na kinakabahan
ito kaya naman tuluyan ko ng ibinaling ang atensyon ko sa kanya.
“... that
dapat akong magpaliwanag on what I did... alam mo na, ‘yung ginawa ko sa’yo
dati.” nahihiyang pagpapatuloy nito. Wala akong sinabi at imbes ay nakinig na
lamang. Tuluyan na ako nitong tiningnan at marahil ay nakita niyang nakikinig
ako kaya naman nagpatuloy na siya.
“Caleb and
I... friends kami noon kasi nga first, magkapitbahay kami. I just live across
the street from their house. Since prep school ata magkasama na kami, but for
some reason ay hindi kami ganoong magkalapit. Yes, pumupunta-punta siya sa
amin, or ako sa kanila kapag walang makausap or bored, pero hindi kami umabot
sa level na masasabi kong comfortable kami sa isa’t-isa. Kumbaga ‘yung
friendship namin ay nasa superficial level pa lamang, pero medyo malalim na rin
kasi matagal na...” tumawa ito ng panandalian.
“Ang gulo ko
magkwento noh? Anyway... I have to admit, and magpapakatotoo na talaga ako
sa’yo... I like playing with people. Madalas kong gawin ‘yon sa mga taong
nagkakagusto sa akin, which ay hindi ko naman sila masisi kasi... well.”
pagbubuhat nito ng bangko. Natawa ako sa loob-loob ko, ngunit hindi ko iyon
pinakita sa kanya.
“Sorry.
Anyway, going back, I was like that noong high school. May kasama pa nga ako,
eh. Alam kong kilala mo si Matt, bestfriend ko ‘yun, and nagulat na lang ako
noong bigla niya akong kinonfront about sa ginawa ko sa’yo.” pagkkwento pa ni
Justin. Nagpasalamat naman ako sa loob-loob ko dahil tinupad ni Matt ang
pangako niyang kakausapin nito si Justin. I made a mental note to thank him
later.
“That’s the
first part of the story... so bakit nga ba kita ginago? It’s because of Caleb.
Oo, inutusan niya ako, pero lalo pa akong na-motivate kasi... I hate him.”
pag-amin nito.
Kumunot ang
noo ko.
“Since we
grew up together, palagi kaming naco-compare sa isa’t-isa, and palagi siya ang
nananalo... even my parents prefer him over me. And the sad thing is, I saw you
as a way to get back to him, para mapatunayan na matatalo ko siya, and para
magbackfire ang mga plano niya... which eventually did, but not in the way I
intended hehe.” pagtatapos niya.
Katahimikan.
“Gab... I’m
so sorry.” finally ay sinabi na niya ito.
“O-okay...”
was all what I could say.
Bumuntong-hininga
ito at ngumiti.
“Wait lang,
ah. Gagamutin ko lang ‘yung mga sugat mo sa mukha.” paalam nito bago tuluyang
mawala sa paningin ko.
Little did he know na hindi lamang ang mga
pisikal na sugat ang nagamot niya kagabi.
--
“Oh my God. Wait lang.” nakapikit na sabi ni
Trisha. Malamang ay pilit pa rin niyang inaabsorb ang mga kinwento ko sa kanya.
Kumurap-kurap ang mga mata nito at nagpalipat-lipat ang tingin sa aming dalawa
ni Justin. Tumigil ang tingin niya sa akin at ako naman ay biglang nailang
dahil hindi ko alam kung ano na ang iniisip niya tungkol sa akin ngayong alam
na niya ang lahat. Napayuko na lamang ako habang hinihintay ang isasagot nito.
Naramdaman kong lumingkis ang braso ni Justin sa bewang ko at tinapik ito.
“Wow lang.” finally ay nagsalita na rin ito.
“I can’t believe you fell in love with your
brother!” hindi makapaniwalang sabi nito, na medyo napalakas kaya naman biglang
tinakpan ni Justin ang bibig ni Trisha gamit ang buong kamay nito na siyang
ikinagulat ko. “Shh.” pagsuway ni Justin na rinig sa boses ang matinding inis.
Agad namang inalis ni Trisha ang kamay ng huli at inismiran lamang ito.
“Excuse me, Justin, FYI hindi ka pa rin cleared
sa akin! Sinaktan mo kaya si Gabby kaya wala kang karapatang mainis sa akin! At
isa pa walan namang tao sa paligid oh!” singhal nito kay Justin. “Kung
makapag-react ka naman kasi parang hindi sensitive information ang sinasabi mo!
It’s not safe for Gab!” pabalik na sagot nito.
“Eh bakit ka ba nakikialam?!” si Trisha.
“Concerned ako kay Gab!” si Justin.
“Concerned nga ba or selos ka lang sa kapatid
niya?” gatong ni Trisha. Napansin kong nagtense ang katawan ni Justin kaya
naman sumabat na ako sa usapan nila.
“Tama na ‘yan.” kalmado kong pagsuway. Pareho
naman silang natigilan at napatingin sa akin. Malamang ay natatakot ang
dalawang sigawan ko na naman kaya siguro sumunod. Bumuntong-hininga si Trisha
at umiling-iling, habang si Justin naman ay sumandal na lamang sa kinauupuan
nito.
“Oh ano? Anong plano mo sa mokong na ‘yan?”
tanong ni Trisha habang nakatingin sa akin at nakaturo ang daliri kay Justin.
Bumuntong-hininga muna ako bago ko sabihin
ang desisyon ko, dahil siguradong ikakagulat nila iyon pareho.
“Let him stick around.” sabi ko.
Natahimik silang pareho. Inoobserbahan ko ang
mga naging reaksyon nila. Kita ko kay Trisha na hindi niya inexpect ang sinabi
ko, habang si Justin naman ay ngingiti-ngiti na tila inaasar si Trisha at
masayang-masaya na siyang ikinailing ko na lamang.
“I’m watching you! Isang mali mo lang,
magpaalam ka na.” babala ni Trisha kay Justin.
“Does this mean na bati na tayo?” nakangising
tanong sa akin ni Justin, na hindi pinansin ang patutsada ni Trisha.
“Yeah, pero huwag ka muna magpakasaya. Babawi
ka pa.”
--
“Where at?” tanong nito sa akin habang
minamaneho niya ang kotse ko. Kasalukuyan kaming papalabas ng isa sa mga
parking lots ng school. “Wait lang, I just have to make a call.” sabi ko dito
sabay kuha ng cellphone ko mula sa aking bulsa. I searched through my contacts
until I found the name I was looking for. Agad kong denial ang number ng landline
ng bahay namin.
“Hello?” tanong ni Ate Jen, isa sa mga
kasambahay nila papa.
“Hello, ate. Si Gab po ito.” sagot ko sa
kanya.
“Oh, sir! Ano pong meron? Uuwi na po ba kayo?”
tanong nito sa akin.
“Ahm, opo pupunta ako diyan. Sino po bang
nandiyan?” tanong ko dito. Kinabahan ako sa maaari niyang isagot sa akin, dahil
kung nandoon si Caleb ay malamang hindi na ako tutuloy pa.
“Ah, si Ma’am Audrey lang po. Wala sila sir
at ‘yung mga kapatid mo, nasa school.” sagot niya.
“Okay, sige po.” paalam ko bago ko ibaba ang
phone.
“Uuwi ako.” sabi ko kay Justin. Medyo
napansin kong naalarma siya sa naging sagot ko dito. “Pero...” pagtutol nito. “Relax.
Wala si Caleb. Si tita lang daw ang nandoon.” sagot ko dito.
Katahimikan.
Tinitingnan ko lamang ang mga lugar na
dinadaanan namin habang iniisip ko kung ano ba ang mga bagay na dapat kong
gawin susunod. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong gawin. Dapat ba akong
manatili sa bahay? Because I need to leave eventually. I can’t go on like this,
ngayong alam na ni Caleb ang saloobin ko, and seeing how he reacted, I know
that it’s not going to work out fine. Isa pa, mali na naman ‘tong lintik na
damdamin ko sa simula pa lamang, eh. Naisip ko rin na baka pwede rin naman
akong bumalik kay mama, ngunit hindi pa siguro ngayon ang tamang panahon.
Masyado pang maaga.
“Anong iniisip mo, Gab? At saka ano ‘yung
sasabihin mo sa akin bago ka pumasok kanina?” tanong sa akin ni Justin.
Naramdaman ko ang pamumula ng pisngi ko.
“Uhm, wala naman... Magpapasalamat lang
ako... for everything.” sabi ko dito, nakayuko. Hindi ko na nakita pa kung ano
ang naging reaksyon nito, dahil sadyang nahihiya akong tingnan siya.
“So anong iniisip mo ngayon? Parang
nababahala ka, eh.” sabi niya makalipas ang ilang sandali. Napabuntong-hininga
ako bago magsalita. “What happens next? I know that eventually kailangan kong
umalis sa bahay na ‘yon. Things will never be the same after that... basta alam
mo na.” sagot ko dito. Tiningnan ko siya at nakita kong nakatuon pa rin ang
atensyon niya sa daan, ngunit ang kaibahan ngayon ay nakakunot ito na tila ba
nag-iisip ng malalim hanggang sa mawala ang kunot sa mukha niya at biglang
magliwanag ang mukha nito.
“Alam ko na!” natutuwang sabi niya.
--
“Just talk to tita. For sure naman
maiintindihan niya ‘yan.” sabi niya sa akin. “May kukunin lang ako sa bahay.”
paalam nito sa akin. “Sige.” sagot ko dito. Pumasok na ako sa gate ng bahay
namin at doon ay bumungad sa akin si tita na nagdidilig ng mga halaman niya sa
may garden area namin sa harapan ng bahay. “Gabriel! You’re home finally.”
masayang bati nito sa akin. Tumigil sa kanyang mga ginagawa at lumapit sa akin
para yakapin ako na siyang ikinatuwa ko kahit papaano.
“Kumain ka na ba?” tanong nito. Tumango ako,
ngunit nagpumilit pa rin ito at pinapasok ako ng bahay. Nagpahanda siya ng
merienda at niyaya akong maupo sa dining area namin. “How was school? Siguro
masyadong mahirap for you kaya umalis ka muna ng bahay, no? But I’m glad you’re
back.” pagsisimula nito, and I want to facepalm myself dahil lalo akong
pinapahirapan ni tita na sabihin ang gusto kong sabihin sa kanya.
“Opo, medyo stressful nga po.” sagot ko dito.
“Uhm, tita?”
“Yes?”
“Uhm, don’t take this the wrong way, but...
can I leave the house for a while? Indefinitely, perhaps?” maingat kong
pagsisimula. Parang naalarma naman si tita sa sinabi ko.
“Bakit naman, hijo?”
“It’s just that...” bumuntong-hininga muna
ako bago magpatuloy. “Things are not looking good right now, and I feel that
kailangan ko ng time para sa sarili ko. Idagdag mo pa ‘yung stress sa school. I
just want some time for myself kaya I will move out po muna.” sabi ko dito.
“Ano bang problema, Gabriel? concerned niyang
tanong.
“Tita, I wish na pwede kong sabihin, pero
ayoko po muna. It does not concern anything in the house naman po.”
pagsisinungaling ko. “In fact, hindi ko man po nasasabi, pero nagpapasalamat po
ako dahil tinanggap niyo ako kahit pa... hehe, basta.”
“Eh anong plano mo ngayon?” tanong niya.
Thank God, at mukhang naintindihan niya ako.
“Well, Justin agreed na ipa-rent muna sa akin
‘yung condo niya. And I plan to stay there for a while. Don’t worry, palagi ko
po kayong tatawagan ni papa. I just need this, tita. Please.” pagtatapos ko.
Isang ngiti na may bakas ng pag-aalala ang
ibinigay nito sa akin.
“Oh sige, hijo. Ipapahanda ko na ba ang mga
gamit mo?” tanong nito sa akin. Tumango ako dito at nagpasalamat.
“And tita... ok lang ba if pagtakpan niyo
muna ako kay dad? Paki—“ sabi ko dito nang biglang maputol ang sasabihin ko
nang tumango ito at tumawa. “Oo na. Naiintindihan ko. Ang lungkot mong bata ka,
kumain ka na nga lang.” nakangiti nitong pagpapatahimik sa akin.
Lumipas ang ilang oras at sinabihan akong
nakahanda na ang mga gamit ko. Kinuha ko ang isang maleta at nagpaalam at
nagpasalamat kay tita sa pag-intindi sa akin.
--
Nang lumabas ako sa gate namin ay nakita ko
si Justin na nakaupo sa may sidewalk at may isang malaking maleta ring dala na
siyang ikinataka ko.
“Oh, ba’t may dala kang maleta?” tanong ko
dito.
Ngumiti ito at labis kong ikinagulat ang
sinabi nito.
“Syempre. Hahayaan ba naman kitang mag-isa
doon? I’m staying with you.”
YES!! YES!! YES!! talagang inaabangan ko 'to. Thank you author ah!!!
ReplyDeleteYES!!!! Mag kasama sila hahaha
ReplyDeleteTy sa pag update author <3
Ran.
Ayeeeh. Hehe. Go justin. Sana sila na lang. Hayaan mo na yang si caleb pero tingin ko may past lang si caleb about gays. Or hate to be one of them. Lol. Thanks mr.author sa update.
ReplyDelete-tyler
but I prefer Caleb than Justin for Gabriel..
ReplyDeleteAyan. Nababawasan na yung bias ko kay Caleb. Huhuhu. Go Justin! Pero sana magka-ayos pa rin sila ni Caleb. :( ~Ken
ReplyDeleteD
ReplyDeleteNaman. Nakakaasar naman si Caleb. Me pisikal n pananakit p n nangyari. I hate him for that. But nonetheless I still want him for Gab. At sana me happy ending din for Justin.
ReplyDeleteI think Caleb's reaction is part of Justin's dirty mind games. Still, CALEB-GAB. Di ako matitinag. Hahaha. Go Caleb! I know, this clever author is just playing mind games with us. LOL
ReplyDeleteGO CALEB.
Sorry to the Justin fans here. But I really think he is up to something. And it is bad. Hahaha. Just saying. Mr A.Lim, sorry, did I spill SOME beans? haha