Followers

Thursday, April 24, 2014

The Tree The Leaf and The Wind 17: Words I Couldn't Say



The Tree, The Leaf, and The Wind
Chapter 17
“Words I Couldn’t Say”
By: Jace Knight
https://www.facebook.com/jace.pajz

 



Author’s Note:

Hi. Magandang araw sa ating lahat. Paumanhin po sa mabagal na update. Medyo nagiging busy na kasi ang inyong lingkod sa internship. Hahaha! Pero salamat pa rin at kahit ganun pa man, sinusubaybayan nyo pa rin ito. Maraming salamat po.

Special mention kina Joma of Bicol, JM, franz, Khelton, KRVT61 (na namiss daw ako, pero di man lang ako sa FB L), KERNELS (Salamat sa eye-opener J), tyler, Vienne Chase, Boholano blogger, jm_virgin2009, lei andrew, Natejohn, jeo,  dilos, malachi, nel casti, red 08, blaze sensation (Kuya?), poch, at sa mga iba pang di ko na namention, lalong lalo na sa mga bunso kong sina Kenken at Hao Inoue (for the first song by Up Dharma Down), pati ang kuya kong si Mr. CPA, na nag-introduce sakin nung pangalawang kanta. MARAMING SALAMAT! Capslock para intense. Nyahahaha

The 17th chapter ng TLW. Tissue please for #TEAMYui. O ayan na mga #TEAMAlfer, this is it. Enjoy!..



==========================================================


“The TREE was standing on the saddest part of the forest. He was losing sight of his life. Slowly, his trunk and branches were slowly dying. He know, he doesn’t have much time. Eventually, the gift of life will leave him. But one day, he saw this one LEAF, clinging on his branches. The sight of the LEAF made him realize; there is more to life to give it up. The LEAF was so special to the TREE. And so, this is their story…”


== The WIND ==

“Good morning Yoh! Hang-over ka no?” Napangiti lang ako ng makita ko si Jayden na nakaupo na sa breakfast table, at namumungay pa ang mga mata. Halatang kakagising lang.

“Oo Yoh eh. Andami ko atang nainom kagabi. Di ko na nga maalala kung pano ako nakapasok sa kwarto.” Simangot nito. Ang cute lang nito pag bagong gising lang.

“Hahahaha! Yan. Inom-inom pa kasi. Inalalayan po kita kasi ngarag ka na eh.” Pang-aasar ko pa sa kanya. Kasalukuyan akong nagluluto ng breakfast namin. Gusto ko kasi yung mga seafoods dito sa rest house nila Alfer, puro sariwa. At gusto ko din malibang kahit papaano. Ayoko na isipin yung kagabi. Haaays.

“Asan pala yung apat?” Tanong ni Jayden.

“Andun sa dalampasigan. Gumagawa ng sand castle.” Nagprepare na ako at malapit na akong matapos sa mga niluluto ko. “Una ka na dun Yoh. Okey lang ako dito. Matatapos na din ito. Dun na tayo sa dalampasigan kakain.” Ngiti ko pa dito.

“Sige Yoh. Galingan mo sa pagluluto ah?” Ang cute talaga ng Yoh ko pag ngumingiti.

“Yes boss!” Saludo ko sa kanya.

Lumabas na ito ng bahay. Haay. Jayden. Is it too late for the both of us? Makukuha pa ba kita mula kay Alfer? Those smiles and the way you looked at him last night. Shit! Naiinggit ako.

“You deserve it, Yukito! Kung bakit ba kasi napakaduwag mo kung minsan?! Yun na yun eh! Pinakawalan mo pa. Hinahayaan mo nalang tangayin ng basta-basta ang mahal mo!” Ayan na naman si konsensya ko. Nasasaktan na nga ako ng todo-todo, nagse-second the motion pa. Tss.

Napabuntong-hininga nalang ako at tinuon ko nalang ang atensyon sa nilulutong sunny side up egg. Pero bakit ganito? Habang nakatulala ako sa pinipritong itlog, mukha pa rin ni Jayden ang nakikita ko. Ano na naman to Yukito? Kakalimutan mo na nga lang diba?

“You’ve had him. But you didn’t fought for him! So wala kang karapatang magmukmuk at magluksa jan. You brought this unto yourself. Magdusa ka!” Konsensya naman, maawa ka sa akin!

Buntong-hininga ulit.

Oh well, there’s no crying over spilled milk. Siguro nga, dapat ko nalang kalimutan talaga si Jayden. Gusto ko sya maging akin, pero ayoko naman gawing komplikado ang aming sitwasyon. Lalo pa’t may Alfer na umeeksensa. Tss.

But come to think of it, no matter how hard and how many times I told myself to forget him, I still can’t do it. Mas lalong lumalala ang pagnanais kong makita at makasama si Jayden. At mas lalong lumalalim ang aking pagnanasa na maging akin sya sa bandang huli.

Buntong-hininga ulit. For the nth time.

Nahuhulog na naman ako sa malalim na pag-iisip. Kamuntikan pang ma overcooked ang piniprito kong itlog. Gusto pa naman ni Jayden na di gaanong maluto ang yolk ng itlog. Gusto niya ng malasado.

Haaay. Jayden na naman. “Move on! Wag maging Bitter Ocampo!” Sigaw pa ng konsensya ko.

Buntong-hininga na naman. Wake up Yui! Wake up.

“Just a single sign Lord na hindi kami pwede ni Jayden. Just one sign, and I’ll give up.”

Naiiling nalang ako sa sarili ko, at sinimulan ng dalhin sa may dalampasigan ang mga niluto ko para sa agahan namin. Daing, itlog, hotdog, fried rice, na sinamahan pa ng mangga, at saging, with iced tea. Buti naman at tinulungan ako ni Manong Joe sa pagdadala ng mga ito.

“Perfect timing ka talaga dude. Gutom na ako!” Ngisi ni Paul sa akin. Kow. Kahit kelan talaga tong si Paul, antakaw talaga. San kaya nito nilalagay ang mga kinakain nito? “T-teka, ihi muna ako, para wala ng istorbo sa pagkain mamaya.”

“Sis, punta lang ako sa kwarto natin. Baka nagtext si Dad. Wait lang.” Si Kira.

“S-sama ako. Nakalimutan ko kasing magtext sa kanya kanina eh.” At humabol na si Karin dito.

Kami nalang ni Alfer ang natira sa may dalampasigan. Walang imikan. Nakaupo na ito sa may lamesa. Ako naman ay nagpalinga-linga. Hinahanap si Jayden.

“Nagpaalam lang siya kanina dude. Maliligo muna daw.” Narinig kong sabi ni Alfer.

“Ahh. Kain ka na dude. Aantayin ko lang sina Kira.” Lumingon lang ako sa kanya at ngumiti nalang ng pilit para naman di nito maramdaman ang pagbabago ng dating ko sa kanya.

“Sabay-sabay na tayo.” Ngumiti lang ito. Naka! Grabe talaga pinagbago nito pagkatapos ng tatlong buwan. Ibang-iba na nga ang nakilala kong Alfer sa Alfer na kaharap ko ngayon. “Dude, okay lang ba sa iyo na nanliligaw ako kay Yoh mo?” Nakatungong tanong ni Yui. Nag-iwas naman ako ng tingin dito.

“And why are you asking me this dude? Malaki na kayo. Alam kong alam nyo naman tong pinapasok nyo.” Bumuntong-hininga lang ako. “Sana lang, kung anu’t anuman ang mangyayari, wag na wag mong sasaktan si Jayden. He’s been through a lot, and I just don’t wanna see him cry again.” Why do I sound like a jealous and frustrated lover? Napaka-deffensive ng tono ko. Patay. Baka mahalata ni Alfer. Ang tanga mo Yui!

“Mahal mo talaga si Jayden no?” What? Halata ba talaga? Di dapat malaman ng iba ang nararamdaman ko. Magugulo lang ang sitwasyon.

“Mahal ko siya. Bespren nga kami diba?” Wag kang papahalata Yui. Wag na wag! “Pareho ko kayong kaibigan, pero alam ko kasing hindi naman capable si Jayden na saktan ka. Pero ikaw, kilala kita.” At natawa nalang ako para wag ng maghinala pa si Alfer.

“Grabe ka naman dude. Mahal ko si Jayden. At siguro naman, may nararamdaman din siya sa akin. Basta, salamat at pumapayag kang ligawan ko siya.” Tumayo ito at umakbay sa akin.

“Ang kapal talaga! Ang lakas ng loob na mag-assume.” Sabi ko nalang sa sarili ko. Hindi naman ako plastic kay Alfer eh. It’s just that the competition between us is too tight, and the prize is too precious. Kaya siguro nagkakaganito ako.

Kanina pa hinahanap ng mata ko si Jayden. Pero di ko talaga siya makita eh. Pagkatapos ng ilang sandali, nakita ko ang mga kamay niya na pilit kumakaway. Natigilan at nanlaki lang ang mga mata ko ng marealize kung ano ang nangyayari kay Jayden.

“Alfer! Si Jayden!” Sabay tayo at tinanggal ang tshirt ko. Napalingon lang ako sa likod ko, kung san nandoon si Alfer. Nakita ko lang itong nakatulala lang nanlalaki ang mga mata. “Alfer! Shit!”

Umibis na ako ng takbo sa tubig. Hindi ko na muna inisip ang kung ano pa man. Ang importante ay si Jayden.

“Panginoon, iligtas Nyo po ang taong mahal ko. Maawa po Kayo. Please!” ang dasal ko nalang habang mabilis na nilalangoy ang kinaroroonan ni Jayden. Huminto muna ako sa paglangoy para masiguro kung nasaan siya. Nanghina lang ang tuhod ko ng di ko na makita ang mga kamay niya. “God. Please no!”

Pero nagpatuloy pa rin ako sa paglangoy. Kahit natatakot ako sa maaaring kahinatnan nito, lumangoy pa rin ako. Jayden. Hang-on. I’m coming.

Sumisid ako. Nakita ko lang si Jayden na unti-unti ng lumulubog sa tubig. Nawalan na ito ng ulirat. Mabilis naman akong lumangoy papalapit sa kanya at inahon siya sa ibabaw ng tubig, at pinakapit sa likod ko.

Kahit nahihirapan ako, pinilit ko pa ring marating ang dalampasigan. “Yoh. Kapit ka lang.” Kahit nakakainom na rin ako ng tubi-dagat, lumalangoy pa rin ako. Jayden! Hang-on.

Sa wakas! Narating na namin ang dalampasigan. Binuhat ko lang si Jayden at inilapag ito sa buhanginan. Nakita ko kanina si Alfer na na-shock pa rin at hindi man lang makagalaw. Di ko nalang to binigyan ng pansin. Si Jayden.

Hindi sya humihinga. “God! Please, wag naman po.” Dali-dali kong pinump ang dibdib ni Jayden. 1, 2, 3. Tas itinaas ang nguso nito, tinakpan ang ilong, at binigyan siya ng CPR. Dalawang buga ng hangin, at pinakinggan ang hininga niya. Wala pa rin. “Come on Jayden! Wake up!” Pinump ko naman ulit ang dibdib nito. “Alfer! Call for a help, dali!” Pasigaw na sabi ko kay Alfer.

1, 2, 3 pumps. Binugahan ko na naman ng hangin ang bibig nito habang tinatakpan ang ilong. Pinakinggan ko ulit ang hininga niya, pero wala pa rin. Nanghihina na ako, pero ayokong tumigil.

“Yoh! Gumising ka, putek ka naman oh!” Di ko na namamalayan na tumutulo na ang luha ko. “Yoh, wag kang sumuko. Wag mo kong iwan!” Sabi ko sa sarili ko. Pinump ko ulit ang dibdib nito. 1, 2, 3. Natuwa lang ako nang makitang umuubo na siya at lumalabas na sa bibig niya ang tubig. “Thank God!” Sa isip ko. Bumaling naman ako sa nakatulala pa ring si Alfer. “Alfer! Tuwalya!” Sigaw ko dito, pero hindi man lang ito nakagalaw.

Putek naman o. Nag-aagaw-buhay na nga si Jayden, may gana pa siyang tumunganga nalang?! Tumayo nalang ako ng mabilis at kumuha ng tuwalya na nasa lamesa. Babalik na sana ako ng makita kong nakaupo na si Alfer sa tabi ni Jayden. Bumubuka na ang mga mata ni Jayden. Salamat Lord.

“B-babe? Okay ka lang?” Si Alfer na inagawan na ako ng pwesto sa tabi ni Jayden. Kahit kelan talaga oh.

Nakita ko namang napapakurap-kurap ng mga mata si Jayden. Siguro inaalala lang ang mga nangyari. Nang mahimasmasan siya, yumakap lang ito kay Alfer.

Ang sakit. Ang sakit-sakit. Di ko kayang makita sila na magkayakap. Tumutulo na naman ang mga luha ko pero buti naman di nila masyadong mapapansin kasi nabasa na ako.

“Babe, a-akala ko mamamatay na ako. N-natakot ako babe.” Si Jayden. Babe? Does it mean..?

“Babe?” Kunot-noong tanong ni Alfer sa kanya. Kumalas naman sila sa pagkakayap. “S-sinasagot mo na ba a-ako?” Ano?! Kamuntikan nang malunod si Jayden, eto pa rin nasa isip nito?! Putang-ina!

Bumontong-hininga si Jayden. Hinahabol ang hininga. “Oo babe! Tayo na.” Nakita ko pa ang mga ngiti sa mga labi ni Jayden. At kasabay ng mga ngiting iyon, ay ang biglang paguho ng mundo ko.

“Jayden? Mahal na mahal kita! Wag mo namang gawin to o.” Pagsusumamo ng utak ko. Pero ang lahat ng mga katagang ito, ay nanatili na lang sa aking kalooban, hindi na naisatinig. Dumadaloy na ang luha sa aking mga pisngi. Pero pinapahid ko lang ang mga ito.

“Yes! Salamat babe! I love you!” At yumakap na naman ang linta sa mahal ko. Ang sakit. Ang sakit. “Narinig nyo ba yon? Kami na ng mahal ko! Yoohoo!” At sumigaw pa ang gago.

“I love you too, babe.”

At tuluyan na ngang nabasag ang puso ko. Ang saklap. Kahit gaano mo pilit na kalimutan ang nararamdaman mo, babalik at babalik pa rin ito. At ngayon, nasasaktan ako ng todo, mas gusto ko nalang maglaho sa mundong ibabaw.

Shit! It’s over for you Yui. Wala na. Gameover.

Nagyayakapan pa sila ng mapansin ako ni Jayden. Pilit lang akong ngumiti sa kanya. Inisip ko nalang na dapat pa rin akong magpasalamat kasi naisalba ko ang buhay ng taong pinakamamahal ko.

Lumapit nalang ako dito ng kumalas sila sa pagkakayakap. Ibinigay ko lang kay Alfer ang tuwalya, na masyadong na overwhelm sa nangyari, at ibinalot lang ito sa katawan ni Jayden.

“S-sino b-ba a-ang nagligtas s-sa akin?” Alanganing tanong ni Jayden.

Hindi naman naka-imik si Alfer. Nag-iwas lang ito ng tingin.

“Si Alfer, Yoh.” Pagsisinungaling ko.

 I give up. Kasalanan ko ang lahat ng ito. Isusuko ko na si Jayden. Ang kamuntikang pagkalunod ni Jayden at pagsagot niya kay Alfer ang naging sensyales na dapat na akong sumuko. The signs I was asking from God. It’s over.

“Pinilit ko humabol, pero napakabilis lumangoy nitong si Alfer.” Nag-iwas nalang ako ng tingin pagkatapos ngumiti ng mapait. “Wag na wag mo kaming pakakabahin ng ganoon Yoh ah?” Ayoko na dumagdag sa sitwasyon. Sila na. Wala na akong magagawa.

“D-dude.” Sambit ni Alfer.

“Thank you Babe. Utang ko sayo buhay ko.” Ang narinig ko pang sabi ni Jayden sabay yakap dito.

Ayun na nga. Sinaksak na nila ng paulit-ulit ang puso ko. Haaay. “Get yourself together, Yui. Pretend like you’re ok. Pretend like you’re not affected. You’re a good actor. Patunayan mo yun sa kanila. Kaya mo to. Kakayanin mo to!” Sabi ng utak ko.

“Anong nangyayari dito?” Si Kira. Nakabalik na pala sila sa dalampasigan.

“S-si Jayden. Muntikan na malunod.” Saad ko. Napatingin naman si Karin sa akin, habang si Kira at Paul ay inalalayan namang makatayo si Jayden, kasama ang bago nitong kasintahan.

Ikinuwento ko nalang sa kanila ang nangyari, pero pinalabas kong si Alfer ang nagligtas kay Jayden. Ewan ko kung bakit ko to ginagawa. Si Alfer naman ay tumititig lang sa akin na parang may gustong sabihin. Nginingitian ko nalang siya. Yun ang naging takbo ng usapan namin habang pinagsasaluhan ang agahan.

Pagkatapos ng kainan, nagpahinga muna kaming lahat. Nagbanlawan sila, at kanya-kanya ng pasok sa mga kwarto ng bawat isa. Si Alfer, napansin kong gusto niya akong makausap na kaming dalawa lang, pero umiwas muna ako. Di ko pa alam ang sasabihin ko dito.

Pagkapasok ng kwarto. Agad naman akong nahiga sa kama. Si Jayden ay pumasok pa sa banyo. Pagkalabas nito, nagkunwari nalang akong natutulog. Pinapakiramdaman ko nalang habang nakapikit ang mga mata ko.

“Yoh. Matutulog ka?” Narinig kong saad nito.

“Oo Yoh. Inaantok eh. Ang aga ko nagising kanina. Ang lakas mong humilik.” Biro ko sa kanya. Pero wala man lang itong reaksyon sa sinabi ko.

“Yoh.” At humiga ito sa tabi ko. Pagkadilat ko ng isa kong mata, nakita ko lang ito na titig na titig sa akin.

“What?”

“Hindi si Alfer ang nagligtas sa akin. Umamin ka.” Seryosong saad ni Jayden.

“Ha? Bakit mo naman nasabi? Si Alfer nga nagligtas sa iyo.”

“Yoh, wag ka na ngang magsinungaling. Kung si Alfer yun, asan ka kanina?” Patay! Ano irarason ko dito?

“Ah, eh, nagluluto nga ako ng breakfast diba?”

“Nakita na kita kanina sa may dalampasigan.” Shit! Pati yun? Pano to?

“Tatakbo na sana ako papunta sayo Yoh eh. Kaming dalawa ni Alfer. Pero mabilis lang talagang lumangoy si Alfer Yoh kaya siya nakauna sayo. Siya din ang nag CPR sayo.” Sige pa Yui. “Magsinungaling ka pa. Tingnan ko lang kung ano magiging itsura mo nyan.” Sabi ko sa sarili. Ewan! Bahala na si Batman. Papanindigan ko nalang to.

“Don’t lie to me Yoh.” Seryoso pa rin ang mga titig nito.

“At bakit naman kasi ako magsisinungaling Yoh? Ano ba makukuha ko kung gagawin ko yun?” Bumuntong-hininga naman siya at nakipagtitigan na rin sa kisame. “Sorry Yoh. Nadidisappoint ako sa nangyari. Di ko alam kung papano ko papakiharapan si Nanay nito.” Kunwaring malungkot na sabi ko.

“Di mo naman yun kasalanan Yoh eh. You’ve been with me for the last three months, at doon pa lang, masasabi ko ng swerte ako, dahil nakilala ko ang isang kapatid at kaibigan sayo.” Bumuntong-hininga ito. “Alam mo, kanina? Sisising-sisi ako.Di pa ako nakakapagpasalamat sa lahat ng tao na tumulong sa akin, lalo na ikaw Yoh. Akala ko talaga, mamamatay na ako.” Malungkot na wika nito.

“Kaya nga binigyan ka pa ni Lord ng pangalawang pagkakataon eh, para makabawi sa amin. Lalo na kay Alfer na nagligtas sa iyo.” Shit Yui! You’ve gotta stop this. Ginagawa mo lang kawawa ang sarili mo.

“S-sigurado ka ba Yoh?” At tumitig ito sa akin. Napatitig naman ako, kahit ayokong matunaw sa kama. Pero kelangan. Para ipakitang totoo daw ang sinasabi ko.

“Oo Yoh. Sorry if I was not there for you. Pero alam ko, aalagaan kang mabuti ni Alfer. You changed him so much that I would be willing to swallow everything I’ve said before.” Walang hingahan. Mata sa mata.

Napangiti naman siya ng pilit. “Sana nga Yoh. Sana nga di ako magsisi na sinagot ko siya.” Bumuntong-hininga naman ito.

“I’m happy for the both of you Yoh. Ingatan nyo yan. Wag papabayaan ang isa’t isa.” Ngumiti pa ako. Pero sa likod ng ngiting iyon ay ang sakit ng damdaming pilit dumudurog sa aking puso.

Nagpahinga na nga muna kami. Si Jayden ay naghihilik na sa tabi ko, pero ako nama’y di na dinalaw ng antok.

Totoong wala akong masyadong tulog kagabi. Pano ka naman makakatulog kung katabi mo na naman sa kama ang taong inaasam-asam ng buo mong pagkatao pero alam mo rin namang hindi na siya mapapasa-iyo.

“You’re so near, yet so far Yoh.” Sabi ng isip ko habang pinagmamasdan si Jayden. Sabi nga sa kanta na pinapakinggan ko ngayon..

“Di mo lang alam, naiisip kita, baka sakali lang maisip mo ako. Di mo lang alam, hanggang sa gabi, inaasam makita kang muli. Nagtapos ang lahat sa di inaasahang panahon, at ngayon ako'y iyong iniwang
luhaang, sugatan di mapakinabangan. Sana nagtanong ka lang kung di mo lang alam. Sana nagtanong ka lang kung di mo lang alam.

Ako'y iyong nasaktan, baka sakali lang maisip mo naman. Hindi mo lang alam kay tagal nang panahon
ako'y nandirito pa rin hanggang ngayon para sayo. Lumipas man ang araw na ubod ng saya, di pa rin nagbabago ang aking pagsinta. Kung ako'y nagkasala patawad na sana. Puso kong pagal ngayon lang nagmahal. Di mo lang alam, ako'y iyong nasaktan o baka sakali lang maisip mo namang puro siya na lang, sana ako naman.

Di mo lang alam ika'y minamasdan. Sana iyong mamalayan. Hindi mo lang pala alam. Di mo lang alam. Kahit tayo'y magkaibigan lang, bumabalik ang lahat sa tuwing nagkukulitan. Baka sakali lang maisip mo naman, ako'y nandito lang. Hindi mo lang alam, matalino ka naman.

Kung ikaw at ako ay tunay na bigo sa laro na ito ay dapat bang sumuko? Sana hindi ka na lang pala aking nakilala, kung alam ko lang ako'y masasaktan ng ganito. Sana nakinig na lang ako sa nanay ko. Di mo lang alam ako'y iyong nasaktan. O baka sakali lang maisip mo namang puro siya na lang, sana ako naman. Di mo lang alam, ika'y minamasdan. Sana iyong mamalayan. Hindi mo lang pala alam. Malas mo, ikaw ang natipuhan ko. Di mo lang alam, ako'y iyong nasaktan..”

Di ko namamalayang tumutulo na pala ang luha ko dahil sa kantang tumugtog. At mas di ko namalayang ang ipod na hawak-hawak ko ay ang lumang ipod ni Jayden na punong-puno ng mga masasakit at mapapait na kanta. Haaay.

Bumabaliktad na ang mundo. Ako na naman tong emong-emo ngayon. Tss. Pero, ang sarap pala ng pakiramdam no? Na parang sinasabayan ka nalang ng kanta sa kalungkutan mo? Ganito pala nararamdaman ni Jayden noon.

Yung kanta. Damang-dama ko ang mensahe nun. “Baka sakali lang maisip mo namang puro siya na lang, sana ako naman.” Napaka-bitter nung linyang iyon, pero puno pa rin ng pagmamahal. Ganun na ganun ang nararamdaman ko ngayon, lalo na kaninang nakita ko sila na magkayakap.

Buntong-hininga. Isa pa. Tas isa pa. Haaay. Wala na akong magawa kundi punuin ang dibdib ng hangin at umasang kasabay ng paglabas nito ang sakit na nararamdaman ko ngayon.

“Yui. Move on ka na. Wala ka ng magagawa eh.” Pagkakalma ko nalang sa sarili at tinago na ulit ang lumang ipod ni Jayden at pinilit nalang magpahinga.

You are better than this Yui. Gamitin mo ang galing mo sa arte. Ang naging buhay teatro mo noon. Smile like nothing happened. Don’t ruin this vacation for Jayden. Just.. let him go.


“Yui, wake up.” Panggigising sa akin ni Kira. Kakaasar naman tong babaeng to oh. Istorbo sa tulog, ngayon nga lang nakabawi. “Tayo na jan!”

“Bakit ba?” Mga alas tres na yun ng hapon.

“Punta tayo ng bayan. Madami daw’ng murang mabibili dun. Tara na!” Niyuyugyug pa niya ang mga balikat ko. Anak ng kwek kwek naman o. Tss.

“S-si Jayden? Asan sila?” Pupungas-pungas na sabi ko. Tumayo nalang ako’t pumunta ng banyo para maghilamos.

“Andun na po sa baba. Hinihintay ka.” Narinig ko pang sabi ni Kira.

Naghilamos lang ako at lumabas na din sa banyo. Hinihintay pa rin ako ni Kira na nakaupo lang sa kama.

“Ang sweet ng dalawa ah? Kamuntikan na nga malunod, pero sige pa rin ng sige si Alfer. Aggressive. Impressive.” Ngiti pa ni Kira.

“Ano naman kasing impressive dun?” Naiiritang tanong ko. Nagbihis lang ako ng tshirt.

“Impressive kasi nasaklolohan niya ang kapatid ko. Hiss hardwork had really paid off din naman.”

“Kung alam mo lang.” Mahinang sabi ko.

“Ano?” Nagtatakang tanong niya.

“Wala. Tara na!” Aya ko nalang sa kanya. Kahit nangungulit ito ng kakatanong sa akin kung ano yung sinabi ko, di ko nalang pinansin at lumabas na nga kami ng kwarto.

Pagkababa namin sa may sala ng bahay ay naabutan lang namin sina Paul, Karin, Jayden, at si Alfer na titig na titig pa rin sa akin. Naiiling nalang ako pag ganitong nakikita ko siyang nakatingin sa akin.

“Let’s go babe?” Tanong ni Alfer kay Jayden.

“Tara na Yoh!” Aya ni Jayden sa akin na todo ngiti pa.

Nag-iwas nalang ako ng tingin dito at bulaing kay Karin. “Tara na miss beautiful?” Ngiti ko dito. Nagtaka naman ito sa inasal ko.

“Pangalawang loveteam ba?” Panunukso pa ni Kira.

“Tara na!” Si Paul.

Pagkatapos ng ilang minutong byahe, bumungad naman sa amin ang bayan. Napakalinis nito. Malayong-malayo sa itsura ng syudad na nagkalat ang basura kung saan-saan. Malinis pa rin ang simoy ng hangin. Napapaligiran ng punong-kahoy ang plaza nila, na sa dulo ay ang ipinagmamalaki nitong simbahan na bagama’t luma na ay matatag at maganda pa rin sa paglipas ng panahon.

Pinark naman namin ang van ni Alfer malapit sa may plaza. Bumaba naman kami at naglakad-lakad nalang habang nililibot ang buong lugar.

Sina Kira at Paul ay nawili sa kakatingin sa mga souvenir shops at kung anu-ano pang mga tolda-toldang tindahan na nagbebenta ng kung ano-anong mga produkto. Kami naman ni Karin ay pumunta sa simbahan at tiningnan ang malaparaisong hardin nito. Ewan ko kung san napunta sina Jayden at Alfer. Iwas muna ako. Para iwas sa gulo.

Kasalukuyan kaming tumitingin lang sa mga halaman at bulaklak na nakatanim sa hardin na iyon. Mahilig din pala si Karin sa mga ito.

“Mahal mo talaga si Jayden no?” Kapagkuwa’y natanong niya. Nagulat naman ako. Out of nowhere, itatanong nalang sa akin ni Karin ang mga bagay na ganito. I mean, come on. Give me a break!

Di nalang ako umimik. Alam niya, kagabi pa, na may nararamdaman ako para kay Jayden. Is she just too smart to read me? Or am I just too transparent to be read easily? Haaay.

“You saved him,because you love him. Pero bakit pinasa mo pa ang good deed na iyon kay Alfer? Kay Alfer pa na karibal mo? What were you thinking?” What? Pati ang totoong nangyari, alam niya?

“Ano ba pinagsasabi mo Karin?” Kibit-balikat nalang ang nagawa ko. Di ako nakakapagtago sa babaeng ito.

“You know what I’m talking about Yui. Wag ka na kasing magkaila sa akin.” Tumitig lang ito sa mga mata ko at ngumiti ng mapait. “Paano yan ngayon? Sila na. At binitawan mo pa yung kaisa-isang alas na hawak-hawak mo?”

“Karin, he’s better off without me. Mas mabuti na rin sigurong ganito nalang kami. Atleast pag naging magkaibigan kami, nagtatagal kami sa buhay ng isa’t isa.” Ayokong tumitig sa mga mata ni Karin. Para akong inuusig ng puso ko ng harap-harapan.

“Pero kaya mo ba talagang itago yan? Hanggang kailan Yui?” Sarkastikong tanong nito.

“I don’t know Karin! I don’t know! Basta ang alam ko lang, gusto ko lang makitang masaya ang kapatid mo. At sa nakikita ko ngayon, mukhang okey naman. That’s enough for me.” Mapait na saad ko sa kapatid ng minamahal ko.

Oo. Alam kong napaka-ipokrito ko sa mga sinasabi ko ngayon. Alam kong hindi lahat ng puso’t isip ko ang sumasang-ayon sa mga gusto kong mangyari.

Pero paano ko pa mababawi ang isang bagay na hinayaan ko lang makuha ng iba? Paano ko makukuhang muli ang isang bagay na pagmamay-ari na ng iba? “I deserve this.” I really sound like a sore loser.

“Only lossers think that way, Yui. Hindi pa naman huli ang lahat eh.” At nakita ko lang itong umupo sa may duyan ng hardin na iyon.

“So what are you suggesting, smart girl? Manggulo sa relasyon nila at makitang nahihirapan ang kapatid mo? No way Karin! Ayokong nakikitang umiiyak at nasasaktan ang kapatid mo.” Tinitigan ko lang siya. Nakita ko naman siyang napapangiti.

“Ikaw na. Ikaw na ang dakilang mangingibig. Masyado kang martyr Yu. Haay.” Buntong-hininga nito. “Sana lang mapanindigan mo yan. Pero sa tingin ko, di mo makakaya yan.”

“Wag mo ko hinahamon, babae. Kaya ko yan. Tiga-teatro kaya ako. You’ll see soon enough.” Sabay kindat ko pa sa kanya. Naku! Napasubo na naman ako sa babaeng ito. “Ego, Yui. That damn ego!” Asik ng utak ko.

Maski ako, kinakabahan ako sa babaeng ito, at sa mga katagang pinagsasabi ko

Ibang klase ang babaeng ito. Di ako nakakapagtago ng aking emosyon sa likod ng aking mga ngiti. Matalas. Mapagmatyag. Mapangahas. Matanglawin! Hahahaha. Ewan ko. Ini-enjoy ko nalang ang bakasyong ito kahit na isa ito sa mga pinakamasasakit na kabanata ng buhay ko.

Namasyal pa kami hanggang dumilim. Sa simbahan, sa may ukay-ukay, sa may town plaza, at sa kung saan-saan pa. Pag-uwi namin, ako nalang ang nag-prisentang mag-drive. Kitang-kita ko pa rin sa may driver’s mirror ang ka-sweetan ng dalawa. Haaay.

“Babe? Napagod ka ba?” Masuyong tanong ni Alfer kay Jayden. Magkatabi sila sa likurang upuan ng van. Si Paul at si Kira naman ang nakaupo sa may gitna, tas si Karin ang naka-upo sa tabi ko.

“Medyo babe. Eto kasing si Kira. Kung anu-ano nalang pinapabitbit sa akin.” Reklamo ni Jayden.

“Ano pa ang silbi ng may kasamang mga kalalakihan kung hindi ko gagawing tigabitbit?” Sabay halakhak pa nito. “Hoy Paul! Gising. Lagi ka nalang tulog!” Niyugyug pa nito si Paul, na nakatulog na naman sa byahe.

“Wag ka ng umasang magigising yan Sis. Ganyan yan pag bumabyahe eh. Tulog ng tulog.” Sabi pa ni Alfer. “Babe, usog ka dito. Sandal ka sa balikat ko. Pahinga ka.” Sus! Umepal naman ang paking tape na to. “I love you babe!” Sabay nakaw ng halik sa pisngi ni Jayden.

Dugo. Dugo na naman ang tumulo sa puso ko. “I love you too babe.” Umusog pa si Jayden at sumandal na nga sa dibdib ni Alfer. Ayun! Bumulwak na ang galon-galong dugo mula sa puso ko. Shit!

Mabuti nalang at malapit na kami sa resthouse nila Alfer. Kundi, ay baka mabangga na kami sa sobrang pagka-distracted ko. “Asus! Ang sweet ng mag-jowa!” Si Kira. “Matanong nga kita Alfer, kaya mo bang ipaglaban tong kapatid namin sa kung sinumang hahadlang jan sa relasyon nyo?” Seryosong tanungan na.

“Sis. Wag na muna anting pag-usapan yan ngayon.” Saway ni Jayden.

“Bro, p-pano si Dad? Ano plano mo dun?”

“Sis. Just let me handle him. Ayoko munang isipin ang mga ganyang bagay. We are here para mag-enjoy.” Ngiti nalang ni Jayden.

Fuck! Gusto ko pa naman sanang malaman ang isasagot ni Alfer. Pero he got away with that, thanks to his “babe”. Tsss. Kaya nga ba niya? Well, malalaman natin sa mga susunod na araw.

7pm na. At nakarating na din kami sa resthouse nila Alfer. Pagkarating namin doon, tinawag na kami sa hapag-kainan. Gutom ako, pero wala akong ganang kumain, kaya habang kumakain sila, dun ako tumambay sa may lanai at hawak-hawak lang ang aking gitara. Ang aking gitara na naging sandalan ko noon sa aking mga kalungkutan at kasiyahan.

Ang sarap ng ihip ng hangin. Malakas, malamig, at maaliwalas sa pakiramdam. Ang sarap tuloy mag-emote. Nyahahaha. Ano ba to? Nawala na nga ang kalungkutan sa mga mata ni Jayden, pero dito naman sa akin lumipat?

Haaay. Si Jayden na naman. Kelan ko ba sya mawawaglit sa puso’t isipan ko? Ang hirap kasi.

Ang hirap-hirap tumitig sa mga mata niya, at sabihing hindi ko siya mahal.

Ang hirap-hirap itago sa puso ang mga salitang pilit kumakawala mula sa aking mga labi. Ang mga katagang hindi ko masabi-sabi.

Kaya idadaan ko nalang to sa kanta. Sana naman, maging okay na ako. Hindi man ngayon, pero.. Soon.


“In a book in a box in the closet. In a line in a song I once heard. In a moment on a front porch late one June. In a breath inside a whisper beneath the moon. There it was at the tip of my fingers. There it was on the tip of my tongue. There you were and I had never been that far. There it was the whole world wrapped inside my arms. And I let it all slip away,

What do I do now that you're gone? No back up plan, no second chance, and no one else to blame. All I can hear in the silence that remains, are the words I couldn't say.

There's a rain that'll never stop falling. There's a wall that I've tried to take down. What I should've said just wouldn't pass my lips. So I held back and now we've come to this. And it's too late now,

What do I do now that you're gone? No back up plan, no second chance, and no one else to blame. All I can hear in the silence that remains, are the words I couldn't say.

Are the words I couldn’t say. I should have found a way to tell you how I felt. Now the only one I'm tellin' is myself.

What do I do now that you're gone? No back up plan, no second chance, and no one else to blame. All I can hear in the silence that remains, are the words I couldn't say.

What do I do, what do I say. And no else to blame. All I can hear in the silence that remains, are the words I couldn't say..”


Clap clap clap clap clap. Napalingon naman ako ng marinig ang palakpak mula sa likod. Si Karin. Nakangiti lang itong lumapit sa akin at umupo sa tabi ko.

“Ang ganda naman nun. Obvious na may pinanghuhugutan ah?” Sarkastikong ngiti nito.

“Tss.” Anas ko lang dito. Nag-iwas nalang ako ng tingin mula dito. Tumutulo na pala ang mga luha ko habang kinakanta ang pinakapaborito kong kanta. Ngayon ko lang naintindihan ng buo ang mensahe ng kanta ng Rascal Flatts. “Words I Couldn’t Say.” Sambit ko sa pamagat ng kanta. Haaay. Putek! Headshot ako sa kantang yun ah? The fuck.

“Ikaw naman kasi Yu eh. Ayaw mo pang sabihin.” Kibit-balikat na sabi ni Karin.

“Here we go again.” At pinahid ko lang ang mga luhang kanina pa dumadaloy ng masagana sa mga mata ko. “Panira ka ng eksena eh. Minsan na nga lang ako mag-drama, sinisira mo pa.” Simangot ko pa dito.

Natawa naman ito. “Ang ganda pala ng boses mo no? Sigurado ka bang hindi mo nabihag si Jayden jan?”

Napakunot naman ako ng noo. “Ang boses ay boses. Hindi gayuma.” Dinaan ko nalang ang lahat sa patawa. Ayoko na. Sawa na akong masaktan. “I’ll try to forget him. Wala na akong magagawa sa sitwasyon na kinakaharap naming tatlo ngayon.” Malungkot na saad ko.

“Sigurado ka na ba talaga?” Seryoso lang itong tumitig sa mga mata ko.

“I deserve this Karin. Naging mahina ako. Tinatanggap ko na ang pagkatalo ko.” Napatungo nalang ako. “Hindi naman kasi sa lahat ng oras, nakukuha natin ang gusto natin. At hindi lahat ng kwento, nauuwi sa happy ending. Siguro, ang kwento kong ito na kasama si Jayden, ay hindi naman talaga ang totoong kwento ng buhay ko. Baka hindi naman talaga kami ni Jayden.”

“Sayang Yui eh. Sayang. Kita ko pa naman kung pano mo naiahon sa kulungang ginawa ko si Jayden. Kita ko kung papano mo pinapahalagahan at minamahal si Jayden.”

“Ganun talaga ang buhay Karin.” Buntong-hininga. “Pero kakayanin ko to. Anyways, mag bestfriend pa rin kami ni Jayden. Ok na yun. Better than just being friends.”

“Dude..” Napalingon naman ako sa pinagmumulan ng boses. Tumayo naman si Karin.

“Sige Yu. Una na ko matulog.” Paalam ni Karin at pumasok na ng bahay.

Naramdaman ko namang umupo sa tabi ko si Alfer dala-dala ang iilang can ng beer. As much as possible, ayoko muna makipag-usap dito, pero parang wala na akong takas.

Sige. This is it Yui.

“Hi.” Bati nito sa akin.

“Hey.” Kumuha naman kami ng beer at binuksan lang to.

“Nag-eenjoy naman kayo?” Ngiti pa nito sakin.

“Oo dude. Namiss ko to. High school pa tayo nung huli tayong napunta dito ni Paul eh.” Nginitian ko na din to.

“Oo nga.”

“So..” Bumuntong-hininga muna ako. “Kumusta kayo ni Jayden?”

“Bakit mo ginawa yun kaninang umaga?” Wew. Far-out naman ang diretsahangng tanong nito. “Dude.”

“Wala lang. Masama ba?” Ngiti ko nalang sa kanya. Oo, plastic. Pero, ewan. Basta. Bahala na si Bataman.

“Dude, why?”

“Wala nga. Ang kulit mo eh.” Inom.

“That was not a joke dude. Kamuntikan ng mamatay si Jayden, pero bakit mo sinabing ako ang nagligtas sa kanya?”Sabay tungga ng beer. Tss. Sya pa tong may ganang magalit, siya na nga tong tumungaga lang sa tabi.

“Trip ko lang.”

“Wag mo kong pinagloloko Yui. Answer me!” Galit na si Alfer. Whoa! Lumalabas na naman ulit ang ego nito. Nyahahaha.

Hindi lang ako umimik. Gusto kong magalit ito sa akin. Gusto kong malaman kung ano ba talaga ang lagay ni Jayden sa lalaking ito.

“Yukito!” Tawag pa nito sa akin. Pero ako? Nakatingin lang ako sa payapang paghampas ng mga alon sa dalampasigan, habang nakangiti.

Katahimikan. Mukhang huminahon naman si Alfer. Palitan lang kami ng tungga ng beer sa can na hawak-hawak namin. Maya-maya, nagulat ako sa pagbasag ni Alfer sa katahimikang yun.

“Mahal mo ba si Jayden? Mahal na mas higit pa sa pagkakaibigan?” What?! “Tell me the truth Yui.”


- Itutuloy -


35 comments:

  1. ENJOY po! ui. nga pala, di ko intensyong itago yung twist about sa savior ni Jayden ah? alam kong magkakaroon kayo ng idea dun. nyahahaha. ADD ME ON FB! :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. KeLan po yung next chapter? Nakakabitin ee hehe

      Delete
  2. Gaaaawwwdd gumuho ang mundo ko huhuhuhu omg nooooo #TeanYui hindi ko matatanggap na natalo tayoooo! Hindeeeeeeeee huhuhu Yui bakit kasi ang duwag mooooo? ~Ken

    ReplyDelete
  3. ui naka special mention pa oh. haha.

    btw. grabe mr. author, mas mabigat naman ngaun. nasan ang hustisya para kay yui na martyr? haha.d aq susuko sa jayden-yui tandem kht sumuko na ung character. haha.

    great update mr. author :)


    *lei andrew

    ReplyDelete
  4. Nice one! Pero kelangan tlaga buong "lyrics" ng songs isali? Para humaba lng ang update? :p. neweiyz, ang ganda pa rin. Update na agad! :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. ang ganda kasi ng lyrics eh. bagay sa moment. hehehe :)

      Delete
  5. Ungas pa la iyang si Yui (lol)

    ReplyDelete
  6. Ayan na i can wait na mabasa kuna next chapter ka abang2x talaga



    Franz

    ReplyDelete
  7. Hindi ba si Yui lang yung lumangoy?
    Eh bat hindi man lang nila napansin na hindi basa si Alfer kung sya yung nagligtas?
    Haha
    Team Yui pa din ako!

    ReplyDelete
  8. Hindi ba si Yui lang yung lumangoy?
    Eh bat hindi man lang nila napansin na hindi basa si Alfer kung sya yung nagligtas?
    Haha
    Team Yui pa din ako!

    ReplyDelete
    Replies
    1. wag po kasing pangunahan ang istorya kuya. nagmamadali? hehehe. loko lang po. please do watch out for 18 :)

      Delete
    2. Haha sorry po! :D
      Excited lang po ako para sa next chapter! XD

      -Jem nga po pala hehe

      Delete
  9. Annoying! Ang pathetic ni Yui dito! Nakakainis! Hahaha. Pero annoyingly good. Nagugustuhan ko na how it escalates.
    -dilos

    ReplyDelete
  10. kelan mabbgyan ng hustisya ito.. hehehe.. ui yui lavan din pag may time... author.. sobrang api n si yui ehh.... Ahahaha...

    ReplyDelete
  11. Wag ka mag alala yui mahal ka ni jayden, magsinungaling ka man, sa puso nya ikaw ang hero nya..... masyado ka lang torpe yui. yui at jayden parin ako....hhahaah


    Boholano blogger

    ReplyDelete
  12. Ba yan natalo ang alas ko kaya pa yan teamyui. Konting kembot pa

    ReplyDelete
  13. impressive, as always :) keep it up, idol :)

    ReplyDelete
  14. I expect that jayden would notice na ndi basa si alfer but what happened. Bakit ganun? The last scene is much awaited. Madami pwede mangyari, pwedeng habang nagkakaaminan sina alfer at yui, bigla naman madidinig ni jayden ang lahat or pag naglaaing si yui, masasabi na nyang lahat kay jayden or pwede ding alfer will give yui a fair battle to wins jayden's heart. Hehe. Thanks mr. Author.

    -tyler

    ReplyDelete
  15. Hindi ko alam kung dapat ko bang hangaan si Yui sa pinagagawa niya. Siya ang gumawa ng dahilan para maging miserable siya. Tsk..Tsk..

    ReplyDelete
  16. haha grabe nagiging mas exciting ha salamat s update KOYA AUTHOR =)))
    at s pagmention hehe <3

    KRVT61

    ReplyDelete
  17. Ay wow may special mention mula kay author.. tnx po.. :)) Ang ganda talga ng story na ito.. para sakin hindi q malamn kung kanino talga mapupunta si jayden.. hehehe.. pero #teamyui aq eh.. hahaha.. tnx po ulit mr. author sa update.. more power saiyo.. :))

    -joma

    ReplyDelete
  18. update agad mr. author ! chos! ahahah! ilovethisstory... i wont go for alfer .. kay Yukito ako! :)

    -jo

    ReplyDelete
  19. Ako #teamalfer ako pero di ko gusto yung bilis ng pagsagot ni jayden kay alfer nakakarelate naman ako kay yukito.. But it really is.. A great story.. Lagi ko syang inaabangan... Great job mr. Author :)

    - dave

    ReplyDelete
  20. kung babasahin mo from the start at pag si alfer ang makatuloyan nya sa huli pangit ang story.lol :D

    ReplyDelete
  21. Kahit na ganoon si Yui. Sa kanya pa rin ako. Go for Team Yui! Umayos ka kasi. Nasasaktan ka dahil sa pinagagawa mo!

    ReplyDelete
  22. Sana patayin na lang yung character ni yui. Pathetic! Im sorry author pero nakakainis yung pinagaaarte nya. Sana naman gawin mong realistic yung actions ng characters mo. I know it is just a story. Pero that does not justify making a character stupid.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Actually ikaw ang pathetic. This is reality. May mga taong tanga. Deal with it.

      Delete
  23. first time ko pa lang po magcomment dito author kht mtagal ko ng sinusubayabayan.. heheheh.. sorrryyy po..
    pero yung tipo pong nakasalukbaba lang po ako sa harap ng monitor, naka nguso tas pungay2 mata habang sumisikip daw ung dib2.. ahhhhhhh
    dalang2 po talga ako pag binnasa to author.. sana po me update agad..
    danda danda e.. hahaaa

    jihi ng pampanga

    ReplyDelete
  24. nu ba yan? lahat ng #TeamAlfer nun, napunta lahat sa #TeamYui? nyahahaha. Yui maybe is STUPID for being such a coward, but aminin nyo namang may mga taong ganyan talaga. yung tipong kahit sila ang masaktan, go lang, basta hindi maging komplikado ang sitwasyon para sa minamahal nila. Siguro, halos lahat tayo, nadadaan sa sitwasyong yan eh. at ako man mismo, may kilala akong tao na ganyang-ganyan ka martyr eh. siguro let us just be taken by the flow of the story. di pa naman tapos eh. tas isa pa, magiging PREDICTABLE ang istorya kung magiging CONVENTIONAL masyado ang i-aakto ng mga tauhan natin. RELAX lang mga brad :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahaha.. I agree.. (balimbing lang ang peg) pero .. pero.. pero talaga. Nakaka-asar pa rin ang kamartiran niya!

      Delete
  25. keep it up jace :) late q na nacheck mga updates.. asar ang netcon eh unstable ilang araw na T_T

    teka pla.. bket parang my pinaghugutan ka ng chapter na 2 author.?xD

    - poch

    ReplyDelete
  26. Dapat ang mga martir ay pinapatay! Wala akong simpatya sa iyo YUI, nagpakasuper tanga ka na talaga.
    Ayaw kong nagbabasa ng mga kwentong nakakainis! nakakaturn off sa mga reador yung ganoong mga sitwasyon, na yung karacter ay gustong gostong saktan ang kanyang sarili. Dali todo basa ako bawat word bawat letra, madalas inuulit ko pa, pero this time palundag lundag na ako ng paragraph, sobrang nakakainis na kasi.
    Sorry Mr author, pero gung ganito ang style mo sa pagsulat na inisin ang mga readers sa halip na maexcite o kiligin? di na ko magbabasa pa ng ibang kwento mo kung meron mman.

    Exway

    ReplyDelete
    Replies
    1. i understand if that's your preference sir. i won't defend my style cause it's as if you have already decided. thanks for your time nalang :)

      Delete
  27. Sorry kung di maganda yung naging comment ko previously, nainis kasi ako right after akong magbasa. Pero sa totoo lang araw araw ko pa ring inaabangan yung update mo mr author, which means gusto ko pa rin tong story mo. Sadista ka lang kasi eh!

    Exway

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails