The Tree, The Leaf, and The Wind
Chapter 17
“Words I Couldn’t Say”
By: Jace Knight
https://www.facebook.com/jace.pajz
Author’s
Note:
Hi.
Magandang araw sa ating lahat. Paumanhin po sa mabagal na update. Medyo
nagiging busy na kasi ang inyong lingkod sa internship. Hahaha! Pero salamat pa
rin at kahit ganun pa man, sinusubaybayan nyo pa rin ito. Maraming salamat po.
Special
mention kina Joma of Bicol, JM, franz, Khelton, KRVT61 (na namiss daw ako, pero
di man lang ako sa FB L),
KERNELS (Salamat sa eye-opener J),
tyler, Vienne Chase, Boholano blogger, jm_virgin2009, lei andrew, Natejohn,
jeo, dilos, malachi, nel casti, red 08,
blaze sensation (Kuya?), poch, at sa mga iba pang di ko na namention, lalong
lalo na sa mga bunso kong sina Kenken at Hao Inoue (for the first song by Up
Dharma Down), pati ang kuya kong si Mr. CPA, na nag-introduce sakin nung
pangalawang kanta. MARAMING SALAMAT! Capslock para intense. Nyahahaha
The 17th
chapter ng TLW. Tissue please for #TEAMYui. O ayan na mga #TEAMAlfer, this is
it. Enjoy!..
==========================================================
“The TREE was standing on the saddest part
of the forest. He was losing sight of his life. Slowly, his trunk and branches
were slowly dying. He know, he doesn’t have much time. Eventually, the gift of
life will leave him. But one day, he saw this one LEAF, clinging on his
branches. The sight of the LEAF made him realize; there is more to life to give
it up. The LEAF was so special to the TREE. And so, this is their story…”
== The WIND
==
“Good
morning Yoh! Hang-over ka no?” Napangiti lang ako ng makita ko si Jayden na
nakaupo na sa breakfast table, at namumungay pa ang mga mata. Halatang
kakagising lang.
“Oo Yoh eh.
Andami ko atang nainom kagabi. Di ko na nga maalala kung pano ako nakapasok sa
kwarto.” Simangot nito. Ang cute lang nito pag bagong gising lang.
“Hahahaha!
Yan. Inom-inom pa kasi. Inalalayan po kita kasi ngarag ka na eh.” Pang-aasar ko
pa sa kanya. Kasalukuyan akong nagluluto ng breakfast namin. Gusto ko kasi yung
mga seafoods dito sa rest house nila Alfer, puro sariwa. At gusto ko din
malibang kahit papaano. Ayoko na isipin yung kagabi. Haaays.
“Asan pala
yung apat?” Tanong ni Jayden.
“Andun sa
dalampasigan. Gumagawa ng sand castle.” Nagprepare na ako at malapit na akong
matapos sa mga niluluto ko. “Una ka na dun Yoh. Okey lang ako dito. Matatapos
na din ito. Dun na tayo sa dalampasigan kakain.” Ngiti ko pa dito.
“Sige Yoh.
Galingan mo sa pagluluto ah?” Ang cute talaga ng Yoh ko pag ngumingiti.
“Yes boss!” Saludo
ko sa kanya.
Lumabas na ito
ng bahay. Haay. Jayden. Is it too late for the both of us? Makukuha pa ba kita
mula kay Alfer? Those smiles and the way you looked at him last night. Shit!
Naiinggit ako.
“You deserve
it, Yukito! Kung bakit ba kasi napakaduwag mo kung minsan?! Yun na yun eh!
Pinakawalan mo pa. Hinahayaan mo nalang tangayin ng basta-basta ang mahal mo!”
Ayan na naman si konsensya ko. Nasasaktan na nga ako ng todo-todo, nagse-second
the motion pa. Tss.
Napabuntong-hininga
nalang ako at tinuon ko nalang ang atensyon sa nilulutong sunny side up egg.
Pero bakit ganito? Habang nakatulala ako sa pinipritong itlog, mukha pa rin ni
Jayden ang nakikita ko. Ano na naman to Yukito? Kakalimutan mo na nga lang
diba?
“You’ve had
him. But you didn’t fought for him! So wala kang karapatang magmukmuk at
magluksa jan. You brought this unto yourself. Magdusa ka!” Konsensya naman,
maawa ka sa akin!
Buntong-hininga
ulit.
Oh well,
there’s no crying over spilled milk. Siguro nga, dapat ko nalang kalimutan
talaga si Jayden. Gusto ko sya maging akin, pero ayoko naman gawing komplikado
ang aming sitwasyon. Lalo pa’t may Alfer na umeeksensa. Tss.
But come to
think of it, no matter how hard and how many times I told myself to forget him,
I still can’t do it. Mas lalong lumalala ang pagnanais kong makita at makasama
si Jayden. At mas lalong lumalalim ang aking pagnanasa na maging akin sya sa
bandang huli.
Buntong-hininga
ulit. For the nth time.
Nahuhulog na
naman ako sa malalim na pag-iisip. Kamuntikan pang ma overcooked ang piniprito
kong itlog. Gusto pa naman ni Jayden na di gaanong maluto ang yolk ng itlog. Gusto
niya ng malasado.
Haaay.
Jayden na naman. “Move on! Wag maging Bitter Ocampo!” Sigaw pa ng konsensya ko.
Buntong-hininga
na naman. Wake up Yui! Wake up.
“Just a
single sign Lord na hindi kami pwede ni Jayden. Just one sign, and I’ll give
up.”
Naiiling
nalang ako sa sarili ko, at sinimulan ng dalhin sa may dalampasigan ang mga
niluto ko para sa agahan namin. Daing, itlog, hotdog, fried rice, na sinamahan
pa ng mangga, at saging, with iced tea. Buti naman at tinulungan ako ni Manong
Joe sa pagdadala ng mga ito.
“Perfect
timing ka talaga dude. Gutom na ako!” Ngisi ni Paul sa akin. Kow. Kahit kelan
talaga tong si Paul, antakaw talaga. San kaya nito nilalagay ang mga kinakain
nito? “T-teka, ihi muna ako, para wala ng istorbo sa pagkain mamaya.”
“Sis, punta
lang ako sa kwarto natin. Baka nagtext si Dad. Wait lang.” Si Kira.
“S-sama ako.
Nakalimutan ko kasing magtext sa kanya kanina eh.” At humabol na si Karin dito.
Kami nalang
ni Alfer ang natira sa may dalampasigan. Walang imikan. Nakaupo na ito sa may
lamesa. Ako naman ay nagpalinga-linga. Hinahanap si Jayden.
“Nagpaalam
lang siya kanina dude. Maliligo muna daw.” Narinig kong sabi ni Alfer.
“Ahh. Kain
ka na dude. Aantayin ko lang sina Kira.” Lumingon lang ako sa kanya at ngumiti
nalang ng pilit para naman di nito maramdaman ang pagbabago ng dating ko sa
kanya.
“Sabay-sabay
na tayo.” Ngumiti lang ito. Naka! Grabe talaga pinagbago nito pagkatapos ng
tatlong buwan. Ibang-iba na nga ang nakilala kong Alfer sa Alfer na kaharap ko
ngayon. “Dude, okay lang ba sa iyo na nanliligaw ako kay Yoh mo?” Nakatungong
tanong ni Yui. Nag-iwas naman ako ng tingin dito.
“And why are
you asking me this dude? Malaki na kayo. Alam kong alam nyo naman tong
pinapasok nyo.” Bumuntong-hininga lang ako. “Sana lang, kung anu’t anuman ang
mangyayari, wag na wag mong sasaktan si Jayden. He’s been through a lot, and I
just don’t wanna see him cry again.” Why do I sound like a jealous and
frustrated lover? Napaka-deffensive ng tono ko. Patay. Baka mahalata ni Alfer.
Ang tanga mo Yui!
“Mahal mo
talaga si Jayden no?” What? Halata ba talaga? Di dapat malaman ng iba ang
nararamdaman ko. Magugulo lang ang sitwasyon.
“Mahal ko
siya. Bespren nga kami diba?” Wag kang papahalata Yui. Wag na wag! “Pareho ko
kayong kaibigan, pero alam ko kasing hindi naman capable si Jayden na saktan
ka. Pero ikaw, kilala kita.” At natawa nalang ako para wag ng maghinala pa si
Alfer.
“Grabe ka
naman dude. Mahal ko si Jayden. At siguro naman, may nararamdaman din siya sa
akin. Basta, salamat at pumapayag kang ligawan ko siya.” Tumayo ito at umakbay
sa akin.
“Ang kapal
talaga! Ang lakas ng loob na mag-assume.” Sabi ko nalang sa sarili ko. Hindi
naman ako plastic kay Alfer eh. It’s just that the competition between us is
too tight, and the prize is too precious. Kaya siguro nagkakaganito ako.
Kanina pa
hinahanap ng mata ko si Jayden. Pero di ko talaga siya makita eh. Pagkatapos ng
ilang sandali, nakita ko ang mga kamay niya na pilit kumakaway. Natigilan at
nanlaki lang ang mga mata ko ng marealize kung ano ang nangyayari kay Jayden.
“Alfer! Si
Jayden!” Sabay tayo at tinanggal ang tshirt ko. Napalingon lang ako sa likod
ko, kung san nandoon si Alfer. Nakita ko lang itong nakatulala lang nanlalaki
ang mga mata. “Alfer! Shit!”
Umibis na
ako ng takbo sa tubig. Hindi ko na muna inisip ang kung ano pa man. Ang
importante ay si Jayden.
“Panginoon,
iligtas Nyo po ang taong mahal ko. Maawa po Kayo. Please!” ang dasal ko nalang
habang mabilis na nilalangoy ang kinaroroonan ni Jayden. Huminto muna ako sa
paglangoy para masiguro kung nasaan siya. Nanghina lang ang tuhod ko ng di ko
na makita ang mga kamay niya. “God. Please no!”
Pero
nagpatuloy pa rin ako sa paglangoy. Kahit natatakot ako sa maaaring kahinatnan
nito, lumangoy pa rin ako. Jayden. Hang-on. I’m coming.
Sumisid ako.
Nakita ko lang si Jayden na unti-unti ng lumulubog sa tubig. Nawalan na ito ng
ulirat. Mabilis naman akong lumangoy papalapit sa kanya at inahon siya sa
ibabaw ng tubig, at pinakapit sa likod ko.
Kahit
nahihirapan ako, pinilit ko pa ring marating ang dalampasigan. “Yoh. Kapit ka
lang.” Kahit nakakainom na rin ako ng tubi-dagat, lumalangoy pa rin ako. Jayden!
Hang-on.
Sa wakas!
Narating na namin ang dalampasigan. Binuhat ko lang si Jayden at inilapag ito
sa buhanginan. Nakita ko kanina si Alfer na na-shock pa rin at hindi man lang
makagalaw. Di ko nalang to binigyan ng pansin. Si Jayden.
Hindi sya
humihinga. “God! Please, wag naman po.” Dali-dali kong pinump ang dibdib ni
Jayden. 1, 2, 3. Tas itinaas ang nguso nito, tinakpan ang ilong, at binigyan
siya ng CPR. Dalawang buga ng hangin, at pinakinggan ang hininga niya. Wala pa
rin. “Come on Jayden! Wake up!” Pinump ko naman ulit ang dibdib nito. “Alfer!
Call for a help, dali!” Pasigaw na sabi ko kay Alfer.
1, 2, 3
pumps. Binugahan ko na naman ng hangin ang bibig nito habang tinatakpan ang
ilong. Pinakinggan ko ulit ang hininga niya, pero wala pa rin. Nanghihina na
ako, pero ayokong tumigil.
“Yoh!
Gumising ka, putek ka naman oh!” Di ko na namamalayan na tumutulo na ang luha
ko. “Yoh, wag kang sumuko. Wag mo kong iwan!” Sabi ko sa sarili ko. Pinump ko
ulit ang dibdib nito. 1, 2, 3. Natuwa lang ako nang makitang umuubo na siya at
lumalabas na sa bibig niya ang tubig. “Thank God!” Sa isip ko. Bumaling naman
ako sa nakatulala pa ring si Alfer. “Alfer! Tuwalya!” Sigaw ko dito, pero hindi
man lang ito nakagalaw.
Putek naman
o. Nag-aagaw-buhay na nga si Jayden, may gana pa siyang tumunganga nalang?!
Tumayo nalang ako ng mabilis at kumuha ng tuwalya na nasa lamesa. Babalik na
sana ako ng makita kong nakaupo na si Alfer sa tabi ni Jayden. Bumubuka na ang
mga mata ni Jayden. Salamat Lord.
“B-babe?
Okay ka lang?” Si Alfer na inagawan na ako ng pwesto sa tabi ni Jayden. Kahit
kelan talaga oh.
Nakita ko
namang napapakurap-kurap ng mga mata si Jayden. Siguro inaalala lang ang mga
nangyari. Nang mahimasmasan siya, yumakap lang ito kay Alfer.
Ang sakit.
Ang sakit-sakit. Di ko kayang makita sila na magkayakap. Tumutulo na naman ang
mga luha ko pero buti naman di nila masyadong mapapansin kasi nabasa na ako.
“Babe,
a-akala ko mamamatay na ako. N-natakot ako babe.” Si Jayden. Babe? Does it
mean..?
“Babe?”
Kunot-noong tanong ni Alfer sa kanya. Kumalas naman sila sa pagkakayap.
“S-sinasagot mo na ba a-ako?” Ano?! Kamuntikan nang malunod si Jayden, eto pa
rin nasa isip nito?! Putang-ina!
Bumontong-hininga
si Jayden. Hinahabol ang hininga. “Oo babe! Tayo na.” Nakita ko pa ang mga
ngiti sa mga labi ni Jayden. At kasabay ng mga ngiting iyon, ay ang biglang
paguho ng mundo ko.
“Jayden?
Mahal na mahal kita! Wag mo namang gawin to o.” Pagsusumamo ng utak ko. Pero
ang lahat ng mga katagang ito, ay nanatili na lang sa aking kalooban, hindi na
naisatinig. Dumadaloy na ang luha sa aking mga pisngi. Pero pinapahid ko lang
ang mga ito.
“Yes!
Salamat babe! I love you!” At yumakap na naman ang linta sa mahal ko. Ang
sakit. Ang sakit. “Narinig nyo ba yon? Kami na ng mahal ko! Yoohoo!” At sumigaw
pa ang gago.
“I love you
too, babe.”
At tuluyan
na ngang nabasag ang puso ko. Ang saklap. Kahit gaano mo pilit na kalimutan ang
nararamdaman mo, babalik at babalik pa rin ito. At ngayon, nasasaktan ako ng
todo, mas gusto ko nalang maglaho sa mundong ibabaw.
Shit! It’s
over for you Yui. Wala na. Gameover.
Nagyayakapan
pa sila ng mapansin ako ni Jayden. Pilit lang akong ngumiti sa kanya. Inisip ko
nalang na dapat pa rin akong magpasalamat kasi naisalba ko ang buhay ng taong
pinakamamahal ko.
Lumapit
nalang ako dito ng kumalas sila sa pagkakayakap. Ibinigay ko lang kay Alfer ang
tuwalya, na masyadong na overwhelm sa nangyari, at ibinalot lang ito sa katawan
ni Jayden.
“S-sino b-ba
a-ang nagligtas s-sa akin?” Alanganing tanong ni Jayden.
Hindi naman
naka-imik si Alfer. Nag-iwas lang ito ng tingin.
“Si Alfer,
Yoh.” Pagsisinungaling ko.
I give up. Kasalanan ko ang lahat ng ito.
Isusuko ko na si Jayden. Ang kamuntikang pagkalunod ni Jayden at pagsagot niya
kay Alfer ang naging sensyales na dapat na akong sumuko. The signs I was asking
from God. It’s over.
“Pinilit ko
humabol, pero napakabilis lumangoy nitong si Alfer.” Nag-iwas nalang ako ng
tingin pagkatapos ngumiti ng mapait. “Wag na wag mo kaming pakakabahin ng
ganoon Yoh ah?” Ayoko na dumagdag sa sitwasyon. Sila na. Wala na akong
magagawa.
“D-dude.”
Sambit ni Alfer.
“Thank you
Babe. Utang ko sayo buhay ko.” Ang narinig ko pang sabi ni Jayden sabay yakap
dito.
Ayun na nga.
Sinaksak na nila ng paulit-ulit ang puso ko. Haaay. “Get yourself together,
Yui. Pretend like you’re ok. Pretend like you’re not affected. You’re a good
actor. Patunayan mo yun sa kanila. Kaya mo to. Kakayanin mo to!” Sabi ng utak
ko.
“Anong
nangyayari dito?” Si Kira. Nakabalik na pala sila sa dalampasigan.
“S-si
Jayden. Muntikan na malunod.” Saad ko. Napatingin naman si Karin sa akin, habang
si Kira at Paul ay inalalayan namang makatayo si Jayden, kasama ang bago nitong
kasintahan.
Ikinuwento
ko nalang sa kanila ang nangyari, pero pinalabas kong si Alfer ang nagligtas
kay Jayden. Ewan ko kung bakit ko to ginagawa. Si Alfer naman ay tumititig lang
sa akin na parang may gustong sabihin. Nginingitian ko nalang siya. Yun ang
naging takbo ng usapan namin habang pinagsasaluhan ang agahan.
Pagkatapos
ng kainan, nagpahinga muna kaming lahat. Nagbanlawan sila, at kanya-kanya ng
pasok sa mga kwarto ng bawat isa. Si Alfer, napansin kong gusto niya akong
makausap na kaming dalawa lang, pero umiwas muna ako. Di ko pa alam ang
sasabihin ko dito.
Pagkapasok
ng kwarto. Agad naman akong nahiga sa kama. Si Jayden ay pumasok pa sa banyo.
Pagkalabas nito, nagkunwari nalang akong natutulog. Pinapakiramdaman ko nalang
habang nakapikit ang mga mata ko.
“Yoh.
Matutulog ka?” Narinig kong saad nito.
“Oo Yoh.
Inaantok eh. Ang aga ko nagising kanina. Ang lakas mong humilik.” Biro ko sa
kanya. Pero wala man lang itong reaksyon sa sinabi ko.
“Yoh.” At
humiga ito sa tabi ko. Pagkadilat ko ng isa kong mata, nakita ko lang ito na
titig na titig sa akin.
“What?”
“Hindi si
Alfer ang nagligtas sa akin. Umamin ka.” Seryosong saad ni Jayden.
“Ha? Bakit
mo naman nasabi? Si Alfer nga nagligtas sa iyo.”
“Yoh, wag ka
na ngang magsinungaling. Kung si Alfer yun, asan ka kanina?” Patay! Ano
irarason ko dito?
“Ah, eh,
nagluluto nga ako ng breakfast diba?”
“Nakita na
kita kanina sa may dalampasigan.” Shit! Pati yun? Pano to?
“Tatakbo na
sana ako papunta sayo Yoh eh. Kaming dalawa ni Alfer. Pero mabilis lang
talagang lumangoy si Alfer Yoh kaya siya nakauna sayo. Siya din ang nag CPR
sayo.” Sige pa Yui. “Magsinungaling ka pa. Tingnan ko lang kung ano magiging
itsura mo nyan.” Sabi ko sa sarili. Ewan! Bahala na si Batman. Papanindigan ko
nalang to.
“Don’t lie
to me Yoh.” Seryoso pa rin ang mga titig nito.
“At bakit
naman kasi ako magsisinungaling Yoh? Ano ba makukuha ko kung gagawin ko yun?”
Bumuntong-hininga naman siya at nakipagtitigan na rin sa kisame. “Sorry Yoh.
Nadidisappoint ako sa nangyari. Di ko alam kung papano ko papakiharapan si
Nanay nito.” Kunwaring malungkot na sabi ko.
“Di mo naman
yun kasalanan Yoh eh. You’ve been with me for the last three months, at doon pa
lang, masasabi ko ng swerte ako, dahil nakilala ko ang isang kapatid at
kaibigan sayo.” Bumuntong-hininga ito. “Alam mo, kanina? Sisising-sisi ako.Di
pa ako nakakapagpasalamat sa lahat ng tao na tumulong sa akin, lalo na ikaw
Yoh. Akala ko talaga, mamamatay na ako.” Malungkot na wika nito.
“Kaya nga
binigyan ka pa ni Lord ng pangalawang pagkakataon eh, para makabawi sa amin.
Lalo na kay Alfer na nagligtas sa iyo.” Shit Yui! You’ve gotta stop this.
Ginagawa mo lang kawawa ang sarili mo.
“S-sigurado
ka ba Yoh?” At tumitig ito sa akin. Napatitig naman ako, kahit ayokong matunaw
sa kama. Pero kelangan. Para ipakitang totoo daw ang sinasabi ko.
“Oo Yoh.
Sorry if I was not there for you. Pero alam ko, aalagaan kang mabuti ni Alfer.
You changed him so much that I would be willing to swallow everything I’ve said
before.” Walang hingahan. Mata sa mata.
Napangiti
naman siya ng pilit. “Sana nga Yoh. Sana nga di ako magsisi na sinagot ko
siya.” Bumuntong-hininga naman ito.
“I’m happy
for the both of you Yoh. Ingatan nyo yan. Wag papabayaan ang isa’t isa.”
Ngumiti pa ako. Pero sa likod ng ngiting iyon ay ang sakit ng damdaming pilit
dumudurog sa aking puso.
Nagpahinga
na nga muna kami. Si Jayden ay naghihilik na sa tabi ko, pero ako nama’y di na
dinalaw ng antok.
Totoong wala
akong masyadong tulog kagabi. Pano ka naman makakatulog kung katabi mo na naman
sa kama ang taong inaasam-asam ng buo mong pagkatao pero alam mo rin namang
hindi na siya mapapasa-iyo.
“You’re so
near, yet so far Yoh.” Sabi ng isip ko habang pinagmamasdan si Jayden. Sabi nga
sa kanta na pinapakinggan ko ngayon..
“Di mo lang alam, naiisip kita, baka sakali
lang maisip mo ako. Di mo lang alam, hanggang sa gabi, inaasam makita kang
muli. Nagtapos ang lahat sa di inaasahang panahon, at ngayon ako'y iyong
iniwang
luhaang, sugatan di mapakinabangan. Sana
nagtanong ka lang kung di mo lang alam. Sana nagtanong ka lang kung di mo lang
alam.
Ako'y iyong nasaktan, baka sakali lang
maisip mo naman. Hindi mo lang alam kay tagal nang panahon
ako'y nandirito pa rin hanggang ngayon para
sayo. Lumipas man ang araw na ubod ng saya, di pa rin nagbabago ang aking
pagsinta. Kung ako'y nagkasala patawad na sana. Puso kong pagal ngayon lang
nagmahal. Di mo lang alam, ako'y iyong nasaktan o baka sakali lang maisip mo
namang puro siya na lang, sana ako naman.
Di mo lang alam ika'y minamasdan. Sana iyong
mamalayan. Hindi mo lang pala alam. Di mo lang alam. Kahit tayo'y magkaibigan
lang, bumabalik ang lahat sa tuwing nagkukulitan. Baka sakali lang maisip mo
naman, ako'y nandito lang. Hindi mo lang alam, matalino ka naman.
Kung ikaw at ako ay tunay na bigo sa laro na
ito ay dapat bang sumuko? Sana hindi ka na lang pala aking nakilala, kung alam
ko lang ako'y masasaktan ng ganito. Sana nakinig na lang ako sa nanay ko. Di mo
lang alam ako'y iyong nasaktan. O baka sakali lang maisip mo namang puro siya
na lang, sana ako naman. Di mo lang alam, ika'y minamasdan. Sana iyong
mamalayan. Hindi mo lang pala alam. Malas mo, ikaw ang natipuhan ko. Di mo lang
alam, ako'y iyong nasaktan..”
Di ko
namamalayang tumutulo na pala ang luha ko dahil sa kantang tumugtog. At mas di
ko namalayang ang ipod na hawak-hawak ko ay ang lumang ipod ni Jayden na
punong-puno ng mga masasakit at mapapait na kanta. Haaay.
Bumabaliktad
na ang mundo. Ako na naman tong emong-emo ngayon. Tss. Pero, ang sarap pala ng
pakiramdam no? Na parang sinasabayan ka nalang ng kanta sa kalungkutan mo?
Ganito pala nararamdaman ni Jayden noon.
Yung kanta.
Damang-dama ko ang mensahe nun. “Baka sakali lang maisip mo namang puro siya na
lang, sana ako naman.” Napaka-bitter nung linyang iyon, pero puno pa rin ng
pagmamahal. Ganun na ganun ang nararamdaman ko ngayon, lalo na kaninang nakita
ko sila na magkayakap.
Buntong-hininga.
Isa pa. Tas isa pa. Haaay. Wala na akong magawa kundi punuin ang dibdib ng
hangin at umasang kasabay ng paglabas nito ang sakit na nararamdaman ko ngayon.
“Yui. Move
on ka na. Wala ka ng magagawa eh.” Pagkakalma ko nalang sa sarili at tinago na
ulit ang lumang ipod ni Jayden at pinilit nalang magpahinga.
You are
better than this Yui. Gamitin mo ang galing mo sa arte. Ang naging buhay teatro
mo noon. Smile like nothing happened. Don’t ruin this vacation for Jayden.
Just.. let him go.
…
“Yui, wake
up.” Panggigising sa akin ni Kira. Kakaasar naman tong babaeng to oh. Istorbo
sa tulog, ngayon nga lang nakabawi. “Tayo na jan!”
“Bakit ba?”
Mga alas tres na yun ng hapon.
“Punta tayo
ng bayan. Madami daw’ng murang mabibili dun. Tara na!” Niyuyugyug pa niya ang
mga balikat ko. Anak ng kwek kwek naman o. Tss.
“S-si
Jayden? Asan sila?” Pupungas-pungas na sabi ko. Tumayo nalang ako’t pumunta ng
banyo para maghilamos.
“Andun na po
sa baba. Hinihintay ka.” Narinig ko pang sabi ni Kira.
Naghilamos
lang ako at lumabas na din sa banyo. Hinihintay pa rin ako ni Kira na nakaupo
lang sa kama.
“Ang sweet
ng dalawa ah? Kamuntikan na nga malunod, pero sige pa rin ng sige si Alfer.
Aggressive. Impressive.” Ngiti pa ni Kira.
“Ano naman
kasing impressive dun?” Naiiritang tanong ko. Nagbihis lang ako ng tshirt.
“Impressive
kasi nasaklolohan niya ang kapatid ko. Hiss hardwork had really paid off din
naman.”
“Kung alam
mo lang.” Mahinang sabi ko.
“Ano?”
Nagtatakang tanong niya.
“Wala. Tara
na!” Aya ko nalang sa kanya. Kahit nangungulit ito ng kakatanong sa akin kung
ano yung sinabi ko, di ko nalang pinansin at lumabas na nga kami ng kwarto.
Pagkababa
namin sa may sala ng bahay ay naabutan lang namin sina Paul, Karin, Jayden, at
si Alfer na titig na titig pa rin sa akin. Naiiling nalang ako pag ganitong
nakikita ko siyang nakatingin sa akin.
“Let’s go
babe?” Tanong ni Alfer kay Jayden.
“Tara na
Yoh!” Aya ni Jayden sa akin na todo ngiti pa.
Nag-iwas nalang
ako ng tingin dito at bulaing kay Karin. “Tara na miss beautiful?” Ngiti ko
dito. Nagtaka naman ito sa inasal ko.
“Pangalawang
loveteam ba?” Panunukso pa ni Kira.
“Tara na!”
Si Paul.
Pagkatapos
ng ilang minutong byahe, bumungad naman sa amin ang bayan. Napakalinis nito.
Malayong-malayo sa itsura ng syudad na nagkalat ang basura kung saan-saan.
Malinis pa rin ang simoy ng hangin. Napapaligiran ng punong-kahoy ang plaza
nila, na sa dulo ay ang ipinagmamalaki nitong simbahan na bagama’t luma na ay matatag
at maganda pa rin sa paglipas ng panahon.
Pinark naman
namin ang van ni Alfer malapit sa may plaza. Bumaba naman kami at
naglakad-lakad nalang habang nililibot ang buong lugar.
Sina Kira at
Paul ay nawili sa kakatingin sa mga souvenir shops at kung anu-ano pang mga
tolda-toldang tindahan na nagbebenta ng kung ano-anong mga produkto. Kami naman
ni Karin ay pumunta sa simbahan at tiningnan ang malaparaisong hardin nito.
Ewan ko kung san napunta sina Jayden at Alfer. Iwas muna ako. Para iwas sa
gulo.
Kasalukuyan
kaming tumitingin lang sa mga halaman at bulaklak na nakatanim sa hardin na
iyon. Mahilig din pala si Karin sa mga ito.
“Mahal mo
talaga si Jayden no?” Kapagkuwa’y natanong niya. Nagulat naman ako. Out of
nowhere, itatanong nalang sa akin ni Karin ang mga bagay na ganito. I mean,
come on. Give me a break!
Di nalang
ako umimik. Alam niya, kagabi pa, na may nararamdaman ako para kay Jayden. Is
she just too smart to read me? Or am I just too transparent to be read easily?
Haaay.
“You saved
him,because you love him. Pero bakit pinasa mo pa ang good deed na iyon kay
Alfer? Kay Alfer pa na karibal mo? What were you thinking?” What? Pati ang
totoong nangyari, alam niya?
“Ano ba
pinagsasabi mo Karin?” Kibit-balikat nalang ang nagawa ko. Di ako nakakapagtago
sa babaeng ito.
“You know
what I’m talking about Yui. Wag ka na kasing magkaila sa akin.” Tumitig lang
ito sa mga mata ko at ngumiti ng mapait. “Paano yan ngayon? Sila na. At
binitawan mo pa yung kaisa-isang alas na hawak-hawak mo?”
“Karin, he’s
better off without me. Mas mabuti na rin sigurong ganito nalang kami. Atleast
pag naging magkaibigan kami, nagtatagal kami sa buhay ng isa’t isa.” Ayokong
tumitig sa mga mata ni Karin. Para akong inuusig ng puso ko ng harap-harapan.
“Pero kaya
mo ba talagang itago yan? Hanggang kailan Yui?” Sarkastikong tanong nito.
“I don’t
know Karin! I don’t know! Basta ang alam ko lang, gusto ko lang makitang masaya
ang kapatid mo. At sa nakikita ko ngayon, mukhang okey naman. That’s enough for
me.” Mapait na saad ko sa kapatid ng minamahal ko.
Oo. Alam
kong napaka-ipokrito ko sa mga sinasabi ko ngayon. Alam kong hindi lahat ng
puso’t isip ko ang sumasang-ayon sa mga gusto kong mangyari.
Pero paano
ko pa mababawi ang isang bagay na hinayaan ko lang makuha ng iba? Paano ko
makukuhang muli ang isang bagay na pagmamay-ari na ng iba? “I deserve this.” I
really sound like a sore loser.
“Only
lossers think that way, Yui. Hindi pa naman huli ang lahat eh.” At nakita ko
lang itong umupo sa may duyan ng hardin na iyon.
“So what are
you suggesting, smart girl? Manggulo sa relasyon nila at makitang nahihirapan ang
kapatid mo? No way Karin! Ayokong nakikitang umiiyak at nasasaktan ang kapatid
mo.” Tinitigan ko lang siya. Nakita ko naman siyang napapangiti.
“Ikaw na.
Ikaw na ang dakilang mangingibig. Masyado kang martyr Yu. Haay.”
Buntong-hininga nito. “Sana lang mapanindigan mo yan. Pero sa tingin ko, di mo
makakaya yan.”
“Wag mo ko
hinahamon, babae. Kaya ko yan. Tiga-teatro kaya ako. You’ll see soon enough.”
Sabay kindat ko pa sa kanya. Naku! Napasubo na naman ako sa babaeng ito. “Ego,
Yui. That damn ego!” Asik ng utak ko.
Maski ako,
kinakabahan ako sa babaeng ito, at sa mga katagang pinagsasabi ko
Ibang klase
ang babaeng ito. Di ako nakakapagtago ng aking emosyon sa likod ng aking mga
ngiti. Matalas. Mapagmatyag. Mapangahas. Matanglawin! Hahahaha. Ewan ko.
Ini-enjoy ko nalang ang bakasyong ito kahit na isa ito sa mga pinakamasasakit
na kabanata ng buhay ko.
Namasyal pa
kami hanggang dumilim. Sa simbahan, sa may ukay-ukay, sa may town plaza, at sa
kung saan-saan pa. Pag-uwi namin, ako nalang ang nag-prisentang mag-drive.
Kitang-kita ko pa rin sa may driver’s mirror ang ka-sweetan ng dalawa. Haaay.
“Babe? Napagod
ka ba?” Masuyong tanong ni Alfer kay Jayden. Magkatabi sila sa likurang upuan
ng van. Si Paul at si Kira naman ang nakaupo sa may gitna, tas si Karin ang
naka-upo sa tabi ko.
“Medyo babe.
Eto kasing si Kira. Kung anu-ano nalang pinapabitbit sa akin.” Reklamo ni
Jayden.
“Ano pa ang silbi ng may kasamang mga kalalakihan kung hindi ko gagawing tigabitbit?” Sabay halakhak pa nito. “Hoy Paul! Gising. Lagi ka nalang tulog!” Niyugyug pa nito si Paul, na nakatulog na naman sa byahe.
“Wag ka ng
umasang magigising yan Sis. Ganyan yan pag bumabyahe eh. Tulog ng tulog.” Sabi
pa ni Alfer. “Babe, usog ka dito. Sandal ka sa balikat ko. Pahinga ka.” Sus!
Umepal naman ang paking tape na to. “I love you babe!” Sabay nakaw ng halik sa
pisngi ni Jayden.
Dugo. Dugo
na naman ang tumulo sa puso ko. “I love you too babe.” Umusog pa si Jayden at
sumandal na nga sa dibdib ni Alfer. Ayun! Bumulwak na ang galon-galong dugo
mula sa puso ko. Shit!
Mabuti
nalang at malapit na kami sa resthouse nila Alfer. Kundi, ay baka mabangga na
kami sa sobrang pagka-distracted ko. “Asus! Ang sweet ng mag-jowa!” Si Kira. “Matanong
nga kita Alfer, kaya mo bang ipaglaban tong kapatid namin sa kung sinumang
hahadlang jan sa relasyon nyo?” Seryosong tanungan na.
“Sis. Wag na
muna anting pag-usapan yan ngayon.” Saway ni Jayden.
“Bro, p-pano
si Dad? Ano plano mo dun?”
“Sis. Just
let me handle him. Ayoko munang isipin ang mga ganyang bagay. We are here para
mag-enjoy.” Ngiti nalang ni Jayden.
Fuck! Gusto
ko pa naman sanang malaman ang isasagot ni Alfer. Pero he got away with that,
thanks to his “babe”. Tsss. Kaya nga ba niya? Well, malalaman natin sa mga
susunod na araw.
7pm na. At
nakarating na din kami sa resthouse nila Alfer. Pagkarating namin doon, tinawag
na kami sa hapag-kainan. Gutom ako, pero wala akong ganang kumain, kaya habang
kumakain sila, dun ako tumambay sa may lanai at hawak-hawak lang ang aking
gitara. Ang aking gitara na naging sandalan ko noon sa aking mga kalungkutan at
kasiyahan.
Ang sarap ng
ihip ng hangin. Malakas, malamig, at maaliwalas sa pakiramdam. Ang sarap tuloy
mag-emote. Nyahahaha. Ano ba to? Nawala na nga ang kalungkutan sa mga mata ni
Jayden, pero dito naman sa akin lumipat?
Haaay. Si Jayden
na naman. Kelan ko ba sya mawawaglit sa puso’t isipan ko? Ang hirap kasi.
Ang
hirap-hirap tumitig sa mga mata niya, at sabihing hindi ko siya mahal.
Ang
hirap-hirap itago sa puso ang mga salitang pilit kumakawala mula sa aking mga
labi. Ang mga katagang hindi ko masabi-sabi.
Kaya idadaan
ko nalang to sa kanta. Sana naman, maging okay na ako. Hindi man ngayon, pero..
Soon.
“In a book in a box in the closet. In a line
in a song I once heard. In a moment on a front porch late one June. In a breath
inside a whisper beneath the moon. There it was at the tip of my fingers. There
it was on the tip of my tongue. There you were and I had never been that far. There
it was the whole world wrapped inside my arms. And I let it all slip away,
What do I do now that you're gone? No back
up plan, no second chance, and no one else to blame. All I can hear in the
silence that remains, are the words I couldn't say.
There's a rain that'll never stop falling. There's
a wall that I've tried to take down. What I should've said just wouldn't pass
my lips. So I held back and now we've come to this. And it's too late now,
What do I do now that you're gone? No back
up plan, no second chance, and no one else to blame. All I can hear in the
silence that remains, are the words I couldn't say.
Are the words I couldn’t say. I should have
found a way to tell you how I felt. Now the only one I'm tellin' is myself.
What do I do now that you're gone? No back
up plan, no second chance, and no one else to blame. All I can hear in the
silence that remains, are the words I couldn't say.
What do I do, what do I say. And no else to
blame. All I can hear in the silence that remains, are the words I couldn't say..”
Clap clap
clap clap clap. Napalingon naman ako ng marinig ang palakpak mula sa likod. Si
Karin. Nakangiti lang itong lumapit sa akin at umupo sa tabi ko.
“Ang ganda
naman nun. Obvious na may pinanghuhugutan ah?” Sarkastikong ngiti nito.
“Tss.” Anas
ko lang dito. Nag-iwas nalang ako ng tingin mula dito. Tumutulo na pala ang mga
luha ko habang kinakanta ang pinakapaborito kong kanta. Ngayon ko lang
naintindihan ng buo ang mensahe ng kanta ng Rascal Flatts. “Words I Couldn’t
Say.” Sambit ko sa pamagat ng kanta. Haaay. Putek! Headshot ako sa kantang yun
ah? The fuck.
“Ikaw naman
kasi Yu eh. Ayaw mo pang sabihin.” Kibit-balikat na sabi ni Karin.
“Here we go
again.” At pinahid ko lang ang mga luhang kanina pa dumadaloy ng masagana sa
mga mata ko. “Panira ka ng eksena eh. Minsan na nga lang ako mag-drama,
sinisira mo pa.” Simangot ko pa dito.
Natawa naman
ito. “Ang ganda pala ng boses mo no? Sigurado ka bang hindi mo nabihag si
Jayden jan?”
Napakunot
naman ako ng noo. “Ang boses ay boses. Hindi gayuma.” Dinaan ko nalang ang
lahat sa patawa. Ayoko na. Sawa na akong masaktan. “I’ll try to forget him.
Wala na akong magagawa sa sitwasyon na kinakaharap naming tatlo ngayon.”
Malungkot na saad ko.
“Sigurado ka
na ba talaga?” Seryoso lang itong tumitig sa mga mata ko.
“I deserve
this Karin. Naging mahina ako. Tinatanggap ko na ang pagkatalo ko.” Napatungo
nalang ako. “Hindi naman kasi sa lahat ng oras, nakukuha natin ang gusto natin.
At hindi lahat ng kwento, nauuwi sa happy ending. Siguro, ang kwento kong ito
na kasama si Jayden, ay hindi naman talaga ang totoong kwento ng buhay ko. Baka
hindi naman talaga kami ni Jayden.”
“Sayang Yui eh. Sayang. Kita ko pa naman kung pano mo naiahon sa kulungang ginawa ko si Jayden. Kita ko kung papano mo pinapahalagahan at minamahal si Jayden.”
“Ganun
talaga ang buhay Karin.” Buntong-hininga. “Pero kakayanin ko to. Anyways, mag
bestfriend pa rin kami ni Jayden. Ok na yun. Better than just being friends.”
“Dude..” Napalingon
naman ako sa pinagmumulan ng boses. Tumayo naman si Karin.
“Sige Yu. Una na ko matulog.” Paalam ni Karin at pumasok na ng bahay.
Naramdaman
ko namang umupo sa tabi ko si Alfer dala-dala ang iilang can ng beer. As much
as possible, ayoko muna makipag-usap dito, pero parang wala na akong takas.
Sige. This is
it Yui.
“Hi.” Bati
nito sa akin.
“Hey.” Kumuha
naman kami ng beer at binuksan lang to.
“Nag-eenjoy
naman kayo?” Ngiti pa nito sakin.
“Oo dude.
Namiss ko to. High school pa tayo nung huli tayong napunta dito ni Paul eh.”
Nginitian ko na din to.
“Oo nga.”
“So..”
Bumuntong-hininga muna ako. “Kumusta kayo ni Jayden?”
“Bakit mo
ginawa yun kaninang umaga?” Wew. Far-out naman ang diretsahangng tanong nito. “Dude.”
“Wala lang.
Masama ba?” Ngiti ko nalang sa kanya. Oo, plastic. Pero, ewan. Basta. Bahala na
si Bataman.
“Dude, why?”
“Wala nga. Ang
kulit mo eh.” Inom.
“That was
not a joke dude. Kamuntikan ng mamatay si Jayden, pero bakit mo sinabing ako
ang nagligtas sa kanya?”Sabay tungga ng beer. Tss. Sya pa tong may ganang
magalit, siya na nga tong tumungaga lang sa tabi.
“Trip ko
lang.”
“Wag mo kong
pinagloloko Yui. Answer me!” Galit na si Alfer. Whoa! Lumalabas na naman ulit
ang ego nito. Nyahahaha.
Hindi lang
ako umimik. Gusto kong magalit ito sa akin. Gusto kong malaman kung ano ba
talaga ang lagay ni Jayden sa lalaking ito.
“Yukito!”
Tawag pa nito sa akin. Pero ako? Nakatingin lang ako sa payapang paghampas ng
mga alon sa dalampasigan, habang nakangiti.
Katahimikan.
Mukhang huminahon naman si Alfer. Palitan lang kami ng tungga ng beer sa can na
hawak-hawak namin. Maya-maya, nagulat ako sa pagbasag ni Alfer sa katahimikang
yun.
“Mahal mo ba
si Jayden? Mahal na mas higit pa sa pagkakaibigan?” What?! “Tell me the truth
Yui.”
- Itutuloy -
ENJOY po! ui. nga pala, di ko intensyong itago yung twist about sa savior ni Jayden ah? alam kong magkakaroon kayo ng idea dun. nyahahaha. ADD ME ON FB! :)
ReplyDeleteKeLan po yung next chapter? Nakakabitin ee hehe
DeleteGaaaawwwdd gumuho ang mundo ko huhuhuhu omg nooooo #TeanYui hindi ko matatanggap na natalo tayoooo! Hindeeeeeeeee huhuhu Yui bakit kasi ang duwag mooooo? ~Ken
ReplyDeleteui naka special mention pa oh. haha.
ReplyDeletebtw. grabe mr. author, mas mabigat naman ngaun. nasan ang hustisya para kay yui na martyr? haha.d aq susuko sa jayden-yui tandem kht sumuko na ung character. haha.
great update mr. author :)
*lei andrew
Nice one! Pero kelangan tlaga buong "lyrics" ng songs isali? Para humaba lng ang update? :p. neweiyz, ang ganda pa rin. Update na agad! :)
ReplyDeleteang ganda kasi ng lyrics eh. bagay sa moment. hehehe :)
DeleteUngas pa la iyang si Yui (lol)
ReplyDeleteAyan na i can wait na mabasa kuna next chapter ka abang2x talaga
ReplyDeleteFranz
Hindi ba si Yui lang yung lumangoy?
ReplyDeleteEh bat hindi man lang nila napansin na hindi basa si Alfer kung sya yung nagligtas?
Haha
Team Yui pa din ako!
Hindi ba si Yui lang yung lumangoy?
ReplyDeleteEh bat hindi man lang nila napansin na hindi basa si Alfer kung sya yung nagligtas?
Haha
Team Yui pa din ako!
wag po kasing pangunahan ang istorya kuya. nagmamadali? hehehe. loko lang po. please do watch out for 18 :)
DeleteHaha sorry po! :D
DeleteExcited lang po ako para sa next chapter! XD
-Jem nga po pala hehe
Annoying! Ang pathetic ni Yui dito! Nakakainis! Hahaha. Pero annoyingly good. Nagugustuhan ko na how it escalates.
ReplyDelete-dilos
kelan mabbgyan ng hustisya ito.. hehehe.. ui yui lavan din pag may time... author.. sobrang api n si yui ehh.... Ahahaha...
ReplyDeleteWag ka mag alala yui mahal ka ni jayden, magsinungaling ka man, sa puso nya ikaw ang hero nya..... masyado ka lang torpe yui. yui at jayden parin ako....hhahaah
ReplyDeleteBoholano blogger
Ba yan natalo ang alas ko kaya pa yan teamyui. Konting kembot pa
ReplyDeleteimpressive, as always :) keep it up, idol :)
ReplyDeletethank you po Sir Alex Chua :)
DeleteI expect that jayden would notice na ndi basa si alfer but what happened. Bakit ganun? The last scene is much awaited. Madami pwede mangyari, pwedeng habang nagkakaaminan sina alfer at yui, bigla naman madidinig ni jayden ang lahat or pag naglaaing si yui, masasabi na nyang lahat kay jayden or pwede ding alfer will give yui a fair battle to wins jayden's heart. Hehe. Thanks mr. Author.
ReplyDelete-tyler
Hindi ko alam kung dapat ko bang hangaan si Yui sa pinagagawa niya. Siya ang gumawa ng dahilan para maging miserable siya. Tsk..Tsk..
ReplyDeletehaha grabe nagiging mas exciting ha salamat s update KOYA AUTHOR =)))
ReplyDeleteat s pagmention hehe <3
KRVT61
Ay wow may special mention mula kay author.. tnx po.. :)) Ang ganda talga ng story na ito.. para sakin hindi q malamn kung kanino talga mapupunta si jayden.. hehehe.. pero #teamyui aq eh.. hahaha.. tnx po ulit mr. author sa update.. more power saiyo.. :))
ReplyDelete-joma
update agad mr. author ! chos! ahahah! ilovethisstory... i wont go for alfer .. kay Yukito ako! :)
ReplyDelete-jo
Ako #teamalfer ako pero di ko gusto yung bilis ng pagsagot ni jayden kay alfer nakakarelate naman ako kay yukito.. But it really is.. A great story.. Lagi ko syang inaabangan... Great job mr. Author :)
ReplyDelete- dave
kung babasahin mo from the start at pag si alfer ang makatuloyan nya sa huli pangit ang story.lol :D
ReplyDeleteKahit na ganoon si Yui. Sa kanya pa rin ako. Go for Team Yui! Umayos ka kasi. Nasasaktan ka dahil sa pinagagawa mo!
ReplyDeleteSana patayin na lang yung character ni yui. Pathetic! Im sorry author pero nakakainis yung pinagaaarte nya. Sana naman gawin mong realistic yung actions ng characters mo. I know it is just a story. Pero that does not justify making a character stupid.
ReplyDeleteActually ikaw ang pathetic. This is reality. May mga taong tanga. Deal with it.
Deletefirst time ko pa lang po magcomment dito author kht mtagal ko ng sinusubayabayan.. heheheh.. sorrryyy po..
ReplyDeletepero yung tipo pong nakasalukbaba lang po ako sa harap ng monitor, naka nguso tas pungay2 mata habang sumisikip daw ung dib2.. ahhhhhhh
dalang2 po talga ako pag binnasa to author.. sana po me update agad..
danda danda e.. hahaaa
jihi ng pampanga
nu ba yan? lahat ng #TeamAlfer nun, napunta lahat sa #TeamYui? nyahahaha. Yui maybe is STUPID for being such a coward, but aminin nyo namang may mga taong ganyan talaga. yung tipong kahit sila ang masaktan, go lang, basta hindi maging komplikado ang sitwasyon para sa minamahal nila. Siguro, halos lahat tayo, nadadaan sa sitwasyong yan eh. at ako man mismo, may kilala akong tao na ganyang-ganyan ka martyr eh. siguro let us just be taken by the flow of the story. di pa naman tapos eh. tas isa pa, magiging PREDICTABLE ang istorya kung magiging CONVENTIONAL masyado ang i-aakto ng mga tauhan natin. RELAX lang mga brad :)
ReplyDeletehahaha.. I agree.. (balimbing lang ang peg) pero .. pero.. pero talaga. Nakaka-asar pa rin ang kamartiran niya!
Deletekeep it up jace :) late q na nacheck mga updates.. asar ang netcon eh unstable ilang araw na T_T
ReplyDeleteteka pla.. bket parang my pinaghugutan ka ng chapter na 2 author.?xD
- poch
Dapat ang mga martir ay pinapatay! Wala akong simpatya sa iyo YUI, nagpakasuper tanga ka na talaga.
ReplyDeleteAyaw kong nagbabasa ng mga kwentong nakakainis! nakakaturn off sa mga reador yung ganoong mga sitwasyon, na yung karacter ay gustong gostong saktan ang kanyang sarili. Dali todo basa ako bawat word bawat letra, madalas inuulit ko pa, pero this time palundag lundag na ako ng paragraph, sobrang nakakainis na kasi.
Sorry Mr author, pero gung ganito ang style mo sa pagsulat na inisin ang mga readers sa halip na maexcite o kiligin? di na ko magbabasa pa ng ibang kwento mo kung meron mman.
Exway
i understand if that's your preference sir. i won't defend my style cause it's as if you have already decided. thanks for your time nalang :)
DeleteSorry kung di maganda yung naging comment ko previously, nainis kasi ako right after akong magbasa. Pero sa totoo lang araw araw ko pa ring inaabangan yung update mo mr author, which means gusto ko pa rin tong story mo. Sadista ka lang kasi eh!
ReplyDeleteExway