The Wind, The Leaf and The Tree
Chapter 13
“Endlessly”
By: Jace Knight
https://www.facebook.com/jace.pajz
Author’s
Note:
Good day
minions! Sorry sa matagal na pag-update ha? Pero don’t worry, ito nay un oh.
Walang humpay na pasasalamat sa lahat ng nagbabasa, sumusuporta at nag-aabang
sa updates ng storyang ito. Maraming salamat talaga.
Welcome ko
lang po ang mga bagong minions ni Jace. Sina Sir Mike Suarez, Emjay, Dilos,
Ran, dark wizard, at Alfred of TO. ADD nyo po ako sa facebook pls, para mas
makilala ko pa kayo. Kaway-kaway din sa existing pools of minions ni Jace, lalo
na sa mga malalapit na sa puso ko. Ang bunso kong sina Hao Inoue, Ken, at Eros.
Sa mga kuya kong sina Mr.CPA, Allen, Cord, Raffy at kay Jess. Hahaha. Natutuwa
lang po, nang dahil sa TLW, nakilala ko lahat kayo.
Broken-hearted
na naman ang lolo nyo pero, ayos lang. im better now. Nyahahaha. Single ulit.
Kayo nalang inspirasyon ko sa ginagawa kong ito, so keep the comments and
reactions coming okay?
I dedicate
this chapter to Ken, ang makulit kong kapatid na nag-introduce sakin ng kanta
na ifineature ko dito. Hahaha. Ken, alam ko someday, makikita din natin ang
totoong tayo. Yung tayo na pipiliin natin, at hindi yung anino na iniiwasan
natin. Cheer up kapatid! :)
The 13th
Chapter of TLW.. Enjoy!
==========================
== The LEAF
==
“And by
okay, you mean?” Natatawa na ako sa tono niya. Nakita ko lang ang pagkunot ng
noo nya. “What?”
“Wala
lang. Okay naman. Nakausap ko na din ng
matino yung hambog na yun. Hindi naman pala sya ganun ka sama.” Ngiti ko pa.
“Wait. Iba
yang mga ngiting yan ah? Anong meron?” Napatingin naman ako sa kanya na
natatawa na ulit. Ano ba problema nito?
“Wala. Mag
drive ka na nga lang.” Iling ko nalang at tumingin na sa labas ng bintana.
Natahimik naman kami sa loob ng sasakyan nito. Maya-maya..
“Jayden,
gusto mo ba si Alfer?” Biglaang tanong nya. Napatingin naman ako dito. Nakita
ko ang seryosong aura nito.
Pabalik-balik
sa akin ang tingin nito at sa kalsadang tinatahak namin. Natahimik ako, ngunit
maya-maya pa’y napahagalpak na sa tawa.
“What?”
“Hoy! Itsura
mo. Ano na naman yang naiisip mo? Mukha ba akong bakla?” Naiiling na tugon ko.
“Kasi..”
“Kasi ano?”
Natatawa talaga ako sa inaasta nito. Ganito ba ang may bespren-slash-kuya? Ang
kulit. Nyahahaha.
“Y-yung mga
ngiti mo kasi. A-akala ko gusto mo si Alfer.” Alanganing tugon nito.
“Hoy Yoh.
Kilabutan ka nga sa mga pinagsasabi mo. Lalaki yun, at mas lalong lalaki ako.”
Natatawa pa rin ako sa nagiging takbo ng usapan namin. “Selos ka naman?” Hirit
ko pa.
“O-oo..”
Narinig kong sabi nya?
Ano?
Nagseselos sya? “Ano ulit sabi mo?”
“W-wala.
Sabi ko nagseselos ako baka kasi iisnob mo na ako nyan kasi may katipan ka na.”
Pilit naman syang tumawa, pero hilaw ang naging kinalabasan nito.
“Haay. Ewan
ko sayo. Basta ikaw pa rin ang Kuya-Slash-Bespren ko. Mag drive ka na. Inaantok
na ako.” Ngumiti pa ako sa kanya ng ubod ng tamis.
Haaay. Yui.
Ikaw ata ang nagugustuhan ko eh. Pero hindi pwede.
Una, best
friend kita. Ayoko mangyari ulit na best friend na nga kita, at baka mawala ka
pa sa akin pag sinabi ko sayo ang kalituhang ito. Worse is, baka maparehas lang
tayo sa naging sinapit namin ni Karin.
Pangalawa,
baka confused lang ako. Hindi pa ako sigurado sa mga nararamdaman ko sayo.
Well, I’m pretty sure na espesyal ka sa akin dahil nga best friend kita, pero,
yung beyond sa pagkakaibigang yun, hindi ko alam.
At pangatlo,
natatakot ako. Natatakot ako sa posibilidad na baka nga bakla ako. Siguro sa
ngayon, oobserbahan ko muna ang mga bagay-bagay. Ayoko muna magpadalos-dalos.
Mas
makakabuti sigurong maging magkaibigan na muna tayo. Let’s enjoy what we have.
Atleast pag nag stay tayo dito sa ganitong set-up, sigurado tayong masaya tayo.
Pero kung piliin ko mang magtapat sayo, may posibilidad na baka mawala itong
lahat sa atin.
Yui.
Nagising ako
sa tapik ni Yui sa aking balikat. Nakatulog pala ako.
“Yoh. Yoh,
gising na. Andito na tayo sa inyo.”
“Hummmn?”
Ungol ko pa at nagdilat na ng mata. Putek may laway pang tumutulo sa gilid ng
bibig ko. Nakakahiya.
“Yoh, laway
mo oh. Bilis na. Baba ka na at may naghahanap sayo.” Tawa nya pa.
Naghahanap?
Sino naman? Inayos ko lang ang sarili ko at bumaba na nga sa kotse ni Yui. Andidito
na pala kami sa tapat ng bahay.
Nagngangalit
na ako sa galit ng makita kung sinuman ang taong nasa tapat ng gate ng bahay
namin. Ayoko muna ito maka-usap at makaharap. Ayoko muna. I’m still not yet
ready.
Pagkakita ko
dito, simple lang akong naglakad sa harapan nito at binuksan na ang gate para
makapasok.
“Anak.
J-jayden.” Narinig kong sabi nito.
Di lang ako
umimik. Nawala na sa isipan ko si Yui, at dire-diretsong pumasok sa loob ng
bahay. Binato ko lang ang bag na dinala ko sa sofa at agad umakyat sa kwarto
ko. Ayokong makausap yung taong iyon. Atleast not now.
Hindi pa ako
handa. Yung galit ko kagabi, akala ko nawala na, pero naririto pa pala sa
dibdib ko. Alam kong hindi agad ito mawawala kaya papabayaan ko muna. Sabi nga
ni Yui kanina, may tamang panahon para bitawan ang lahat ng sakit at poot sa
dibdib. At ang panahong iyon ay hindi ang ngayon.
Papaano ako
makakalimot nito kung nandidito na naman yang Miguel Gonzales na iyan upang
ipaalala sa akin ang sakit ng nagdaang kahapon? Hanggang ngayon, namumuhi pa
rin ako dito. Pero alam ko, balang araw, makakalimot din ako.
Sa lahat ng
pag-iisip ko, di ko namalayang tumutulo na ang luha ko. Pero pilit ko tong
pinipigilan. Sinabi ko na sa sarili ko na di na ako iiyak para sa parehong
rason. Pagod na pagod na ako at ubos na ang mga luha sa aking mata.
Haaist.
Takte. Pinahid ko lang ang mga luha ko at agad tinungo ang banyo upang
maghilamos. Pagkatapos, nagbihis ako ng tshirt at agad bumaba. Lumabas ako ng
bahay, at dun ko lang naalala si Yui.
“Nasaan na
kaya siya? Sorry Yoh. Nakalimutan na kita kanina.”
Palabas na
ako ng gate ng biglang… “Yoh! San ka pupunta?” Napatingin ako sa
pinanggagalingan ng boses. Nakita ko si Yui na nasa may garahe ng bahay.
“Pinasok ko na ang kotse ko ha? Sasamahan ulit kita ngayong gabi.” Ngiti nito.
Andidito pa
pala sya? “Y-yoh, gusto ko uminom. Bibili lang sana ako ng beer sa may
convenience store?”
“Ah ganun
ba? Sige. Samahan kita. Nauuhaw na rin ako eh.” Ngiti pa nito.
Nilakad lang
namin ang convenience store na bukas buog gabi. Malapit lang naman. Tahimik
lang kami sa paglalakad. Na awkward tuloy ako bigla.
“Yoh, ano
gusto mong pulutan?” Pagbasag nya sa katahimikan namin.
“Ah, chips
nalang siguro Yoh, tas mani.” Nakatungo lang ako habang naglalakad. Naramdaman
ko naman itong lumapit sa akin at saka umakbay sa akin. Naiilang ako, pero
parang nagugustuhan ko ang ginagawa nito.
“Sisig,
gusto mo?” Ngiti nya.
“Di ako
marunong magluto nyan eh. Tas isa pa, wala ng mabibilhan ng sisig ngayon.”
Kumalas naman ito sa pagkaka-akbay sa akin.
“Sinabi ko
bang ikaw ang magluto? Tss. Dami mong alam Yoh.” Ngiti nito. Napangiti na din
ako sa kakulitan nito. “Yoh, yung papa mo kanina…”
“Wag na muna
natin yang pag-usapan Yoh.” Pilit lang akong ngumiti sa kanya. Nagkibit-balikat
nalang ito sabay tapik sa aking balikat.
Narating na
namin ang convenience store. Bumili lang kami ng can ng beer, chichirya, at mga
sangkap ng sisig. Buti nalang at may Pork Belly pa na natira sa ref sa bahay.
Umuwi na
kami sa bahay at si Yui ay nagsimula ng magluto ng sisig. Pinapanood ko lang
itong magluto habang tamang kwentuhan lang. Pagkatapos magluto, umakyat kami sa
may balcony sa second floor ng bahay namin at dun naglatag ng comforter, naupo
sa sahig at nagsimulang tumungga ng beer.
“Yoh, wala
pa bang text si Nanay sayo?”
“Wala pa eh.
Nakalimutan ko na ding itext. Bukas, tatawagan ko. Baka naman kasi naaabala na
kita sa pagpapasama sa akin dito. Kaya ko namang mag-isa eh.” Tumungga ako ng
beer at sumubo ng sisig.
“Yaan mo na.
Nag-eenjoy naman ako dito sa bahay nyo eh.”
“Baka naman
masyado ka ng mawili dito at dito ka na tumira? Naku. Lagot ako kina Tita Pearl
nyan.” Tumatawang saad ko. Nakatingala lang ako sa mga bituin nung panahong
iyon. Ang sarap nila titigan kasi napakadami nila.
“Papayag
naman yun si Mama eh. Alam naman nyang..” Nagtaka lang ako sa sinabi nito at
napatingin dito. “Ah eh, sabi ko, alam naman ni Mama na wala kang kasama dito.”
“Swerte mo
sa Mama mo no?” Napatungo lang ako. Na-miss ko tuloy si Mama ko.
Tinapik
naman ako sa likod nito ng makitang nag-iba ang ekspresyon ng mukha ko. “Pwede
mo namang maging mama si Mama eh. Welcome na welcome ka sa bahay Yoh. Alam mo
yan.”
“Nakausap mo
ba si Papa kanina Yoh?”
“Ah. Oo Yoh.
Ayun, kinukumusta ka lang.”
Napabuntong-hininga
naman ako. Bakit ko ba kasi tinatanong ang tungkol kay Papa? Haist.
“Yoh, sorry
sa sasabihin ko ha? Alam kong di ka pa handa na harapin si Papa mo at yung mga
kapatid mo, pero nakita ko sa mga mata ng papa mo kanina ang sinseridad eh. The
sincerity to win you back and start all over again.”
“Yoh, hindi
ko pa rin kasi lubusang maisip ang mga nangyari. Lalo na yung pag-trato ng
pangalawang asawa ni Papa sa akin nun. Masakit pa Yoh.” Tumingala nalang ako
para hindi lubusang tumulo ang mga luha ko.
Lumapit
naman sakin si Yui at tinapik ang balikat ko. “Yoh, just give him a chance. Talk
to him. Hindi ko sinasabing ngayon, pero alam ko, in time, maghihilom lahat ng
sugat.” Ngiti nya sa akin.
Haay.
Napatingin na naman ako sa pamatay na ngiting iyon. “Jayden, control yourself.”
Nasabi ko sa sarili ko. “Yoh, di mo pa sinasabi sakin yung tungkol sa crush mo.
Ano na ba nangyari dun?” Pag-iiba ko sa usapan.
“Wala eh.
Bopols pa rin ako dun. Natotorpe akong umamin dun.” Ngiti nya at tumungga pa ng
beer.
“Haay. Si
Yukito Ramirez na makulit at parang megaphone kung magsalita, natotorpe sa
isang babae? Unbelievable.” Natatawang saad ko.
“Bakit?
Sinabi ko bang babae ang crush ko?” Mahina pero sapat na para marinig ko ang
sinabi nya. Nanlaki naman ang mga mata kong biglang napatingin sa kanya.
“What?! What
do you mean Yoh?”
“A-aah, eh.
Malay mo baka tomboy, diba?” tumatawa pa sya. “Anyways, kunin mo muna yung ipod
na binigay ko sayo. May ipaparinig ako sayo.”
Naguguluhan
man ako sa sinabi nito, tumayo nalang ako’t kinuha sa kwarto ko ang ipod na
binigay ni Yui at ang portable speaker ko. Bumalik naman agad ako sa may
balkonahe at ibinigay kay Yui ang ipod at speaker. May hinanap lang syang kanta
at ipinatugtug ito.
“Pakinggan
mo. Endlessly, by The Cab. Favorite song ko to.” Ngiti nya pa sa akin.
“There's a shop down the street, where they
sell plastic rings, for a quarter a piece, I swear it. Yeah, I know that it's
cheap, not like gold in your dreams, but I hope that you'll still wear it.
Yeah, the ink may stain my skin, and my
jeans may all be ripped. I'm not perfect, but I swear, I'm perfect for you.”
I'm not
perfect, but I swear, I'm perfect for you. Tumatak talaga ang linyang iyon sa
isipan ko. Ang ganda ng kanta. Nagustuhan ko na agad ito kahit ito pa ang
kauna-unahang beses na narinig ko ito.
“And there's no guarantee, that this will be
easy. It's not a miracle ya need, believe me. Yeah, I'm no angel, I'm just me,
but I will love you endlessly. Wings aren't what you need, you need me.”
Nakakainlove
talaga ang chorus. Napapangiti naman ako sa naririnig kong kanta, na miminsan
ay sinasabayan ni Yui sa pagkanta. Ang cute ng boses nya pagkumakanta sya.
“Ink may stain my skin, and my jeans may all
be ripped. I'm not perfect, but I swear, I'm perfect for you. And there's no
guarantee, that this will be easy. It's not a miracle ya need, believe me.
Yeah, I'm no angel, I'm just me, but I will love you endlessly. Wings aren't
what you need, you need me.”
I’m inlove
with the song. Grabe pumili ng kanta itong si Yui. First, was Mirrors by Justin
Timberlake. Now, ito na naman. Kung bakit ba kasi di ko pa masyadong nagagamit
tong ipod na to?
“Oh diba?
Maganda?” Ngiti pa ni Yui sa akin.
“Hanep Yoh!
Kung ako babae, tas kinantahan mo ko
nyan, kow. Hindi lang panty ko ang malalaglag, kundi lahat ng saplot ko sa katawan!
Hahahaha.” At nagtatawa na ako sa sinabi ko. Nakita ko naman syang natigilan ng
saglit pero tumawa na rin. Namumula sya. Siguro dahil sa beer.
“Glad you
liked it Yoh.” Ngiti pa nito.
Sa buong
gabing iyon sa balkonahe, biruan, kantahan, kwentuhan at inuman lang ang ginawa
namin. Wala talagang dull moments pag kasama ko si Yui. At isa pang nadiskubre
ko sa kanya, maganda pala boses nito. Yung tipong pang singer.
Kahit
hilong-hilo na kami pareho, tuloy pa rin ang kulitan hanggang maubos na namin
ang beer at ang mga pulutan. I had a great time. Pasalamat talaga ako kay Yui
at hindi ko na naalala ang mga pasanin ko sa buhay kapag andidito sya sa tabi
ko.
“Yui, mahal
na ata kita.” Nasabi ko sa sarili ko. Hilong-hilo na talaga ako at nakahiga na
ako sa kama. Buti nalang at nakabihis na ako ng pantulog kanina bago kami
nagsimulang uminom. Si Yui, sya na ang naglinis ng kalat namin, at maya-maya
pa’y nahiga na rin sa tabi ko.
“Goodnight
Yoh. Dami nating nainom no? Pero, salamat. Nag-enjoy ako.” Sabi nya. Nakapikit
na ang mga mata ko nun pero gising pa ang diwa ko.
Umungol lang
ako, kasi di na kaya ng mata ko ang dumilat at sumagot kay Yui. Naramdaman ko
lang na pinatay na niya ang lampshade na nasa tabi ng kama ko. At tuluyan na
nga akong nawala sa kamalayan.
Kadiliman.
Katahimikan. Bigla akong nagising ng maramdamang may humahawak sa mga kamay ko
at yinayakap ako mula sa likod. Gulong-gulo ang isipan ko kung sino yung taong katabi
ko sa kamang iyon. Pilit kong inaalala ang mga nangyari, pero wala akong
matandaan.
Inaalala ko
pa rin ang mga nangyari, pero mas kinabahan ako sa mga nangyayari. Kinakabahan
na nagugustuhan ko rin naman. Naramdaman ko naman na iniharap ang katawan ko sa
taong katabi ko ngayon. Gusto ko man umangal kasi di ko naman kilala ang taong
ito pero hindi ko magawa dahil sinasapian pa rin ako ng espirito ng alcohol. At
aaminin kong naeexcite na rin ako sa mga maaring mangyari kaya nagpa-ubaya
nalang ako.
Nabigla ako
ng tuluyang may kung anung malambot na bagay ang dumampi sa halik ko. Mamasa-masa
ang mga iyon. At natigalan lang ako ng kusang gumalaw ang bagay na iyon, na ngayon
ay kaulayaw na din ng labi ko. Ewan ko pero gustung-gusto kong tugunin ang mga
halik na iyon. And so I did.
“Fuck! I’m
kissing somebody, and I don’t know who she is.” Tili ng isip ko. “But I love
it.”
Patuloy pa
rin kaming naghahalikan ng maramdaman ko ang mga palad nito na nilalakbay ang
buo kong katawan. Pero may napansin lang ako sa mga palad nito. Hindi ito palad
ng isang babae. May malaking kaibahan ito sa palad ng isang babae. Sino ito?
Nagiging mas
mapusok na ang halikan. At habang tumatagal, mas nagugustuhan ko na ang
ginagawa namin. Natutunan ko na ding makipagsabayan sa kanya. Nag-eespadahan na
kami ng mga dila at naglalakbay na rin ang mga kamay ko sa katawan nito.
“I love you,
Yoh.” Ang narinig kong saad ng taong kaulayaw ko ngayon. Bigla naman akong
natigilan at na shock sa pangyayari. Agad-agad namang lumayas ang espirito ng
alak sa buo kong katawan.
Si Yui ang
kahalikan ko ngayon? Bigla lang bumalik sa alaala ko ang mga nangyari kagabi.
Oo, si Yui ang katabi ko sa kama. Si Yui. Si Yui na bestfriend ko. Si Yui.
Bigla ko
lang syang tinulak palayo sa akin. Hindi naman ito nangulit pa at maya-maya
pa’y naririnig ko na ang mga hilik nito.
“Shit! What
just happened Jayden?!” Galit na sabi ko sa sarili. Pilit kong pinapakalma ang
sarili habang bumabalik sa pagtulog. Haaist. Sana tulad kagabi, wala itong
maalala sa mga nangyari ngayon. Haist. “Ang tanga-tanga mo Jayden!”
Siguro,
nadala lang kami sa kalasingan. Siguro, normal lang talaga tong nangyayari.
Siguro, pareho lang kaming tigang sa sex at hindi na nakontrol ang mga
nangyayari sa paligid namin lalo pa’t puro kami lasing. Haaay.
Sana naman.
Sana naman wag nya maalala. Ayokong maging awkward kami ni Yui sa isa’t isa.
Mahal ko sya bilang kaibigan at ayokong mawala pa sya sa akin.
“Okay
Jayden. Bukas, relaks ka lang. Wag mong isipin ang nangyari. Kakalimutan mo
yan.” Pakonswelo ng utak ko.
====================================================
== The TREE
==
Friday.
Klase sa taxation. Absent si Jayden.
Takte. Bakit ko ba sya hinahanap?
Pagkatapos
ng klase ko nung araw na iyon, pupunta na sana ako sa cafeteria para maghanap
ng makakain ng makita ko si Jayden sa may fountain area na mag-isang nakaupo
habang nakasukbit na naman sa leeg nito ang headphones nito.
Naisipan
kong lapitan ito at kumustahin.
Iniangat ko
lang ang headphones nya at binulungan sya sa tenga nya. “Hi.”
Nagulat
naman ito ng mapatingin sa kinaroroonan ko. Agad lang nitong itinabi ang
headphones nya sa bag at pilit na ngumiti sa akin. Pero halata sa mukha nito na
marami itong iniisip. “Oh, ikaw pala?”
“Ba’t parang
nakakita ka ng multo?” Lumipat naman ako ng pwesto at umupo sa tabi nito. “Nasaan pala si Yui.
Ba’t di kayo magkasama?”
Nakita ko
lang itong nag-iwas ng tingin. “A-ah. Hindi ko pa sya nakikita ngayong araw
eh.”
“Ah ganun
ba? May gagawin ka pa?” Tanong ko lang. Ewan ko pero gusto kong mapalapit din
kay Jayden. Sa isang parte ng pagkatao ko, naiinggit ako kay Yui dahil close na
sila ni Jayden.
“W-wala
naman. T-tambay lang muna ako dito. Walang kasama sa bahay.”
“Gala muna
tayo?” Ngiti ko sa kanya.
“S-sige.
S-san tayo pupunta?” Alanganing tanong nya.
“Ikaw?”
“Kwek-kwek
tayo?” Ngiti nya. Wow. Yung mga ngiting yun, bakit ba ako natutulala dun?
“H-ha? Di
ako kumakain nyan eh. M-mall nalang tayo?” Ngiti ko pa. Actually, hindi talaga
ako nahilig sa mga street foods. Pihikan kasi ako eh. Malay mo, baka marumi
yang mga yan? Magkasakit pa ako.
“S-sige.”
Agad ko
naman syang dinala sa mall para maglibang. Naglaro lang kami sa Arcade, tapos
nanuod ng movie. Captain America: The Winter Soldier. Matagal ko ng planong
manuod nito, kaya lang badtrip si Paul ayaw nyang manuod. Tinatamad daw sya.
Nasiyahan
naman ako ng makita si Jayden na nag-eenjoy naman sa akin. Napapangiti talaga
ako pag nakikita syang masaya at nakangiti. Haaay, Alfer, ano ba?!
Pagkatapos
manood ng sine, hinatak ko sya sa may Department Store at namili ng mga bagong
damit. Pati rin sya pinapili ko na rin.
“Ah, Alfer,
wag na. Wala akong pera para dito.” Sabi nya ng binigyan ko sya ng ilang tshirt
upang isukat nya.
“Isukat mo
lang. Wag ka ng kumontra. Sige na, mamimili lang din ako dito.” Ngiti ko sa
kanya.
Napapakamot
nalang ito sa ulo na tinungo ang dressing room at isa-isang sinukat ang mga
napili ko para sa kanya. Ewan ko kung bakit ko ginagawa nito, basta alam ko
lang, masaya ako na kasama ko sya ngayon.
Bumagay
talaga sa kanya ang mga damit na napili ko. And I admit, this man is more gorgeous
than me. For the first time, may ganitong klaseng bagay akong inamin sa sarili
ko. Nang dahil kay Jayden. Haaay.
“Sige,
dalhin ko na to sa sales lady para mabalik na sa istante.” Sabi ni Jayden
pagkalabas naming ng fitting room.
Pinigilan ko
naman ito at bumaling sa Sales Lady. “Miss, pakidala po sa counter.” Ngiti ko
dito.
“Al, wag na
kasi. Wala akong pera para jan.”
“Sino ba
nagsabi na pera mo ang ipambibili ko dun?” Ngiti ko sa kanya.
“Alfer, you
don’t have to do this.”
“Yes, I don’t
have to, but I want to. So makisabay ka nalang, pwede?” Kunwaring inis na sagot
ko.
Nagkibit
nalang ito ng mga balikat at sumunod sa akin sa counter.
Pagkatapos
magbayad, plinano kong dalhin si Jayden sa isang mamahaling restaurant. I want
this night to be special. Ito na yung chance ko upang mapalapit kay Jayden.
Napapansin
ko pa rin syang nayayamot sa mga pinamili ko para sa kanya. Natutuwa ako kasi
siya yung tanging naiba sa mga kaibigan ko. Kung ang iba ay parang dyos ang
tingin sa akin na kulang nalang ay lumuhod sa harapan ko at mamatay sa kilig
pag binibigyan ko ng kung anu-anong regalo, si Jayden hindi.
At yun ang
nagustuhan ko sa kanya. Ang prinsipyo nya. Ang pagiging iba nya sa lahat ng
nakilala ko. Ang katapangan nya. Haaay, inlove na ba talaga ako kay Jayden?
Bakla ba talaga ako?
Wala akong
pakialam. Basta masaya ako sa ginagawa at nararamdaman ko, itutuloy ko to.
Total naman, mukhang wala din naman akong magiging problema kay Mom. Ewan ko
lang kay Dad. Di kami close nun.
Jayden is
really special. Sa tuwing naiisip ko sya, ewan ko pero napapangiti ako. Alam mo
yun? Parang bumalik ako sa pagiging high school pag kinikilig? Di naman ako
ganito dati. Pero, I’m willing to embrace this drastic change sa pagkatao ko
kasi alam kong masaya ako.
“Gutom na
ako. Tara, kain muna tayo?” Sabi ko sa kanya. Nakita ko lang itong sumimangot
sa akin at inirapan lang ako. “Hoy, anung nangyari sayo?”
“Nakakainis
ka Alfer. Sana di na ako sumama sayo.”
Kinuha ko
naman ang mga kamay nya. Binabawi nya
ito, pero mahigpit ko lang itong hinawakan para di sya makawala sa akin.
Pinagtitinginan na kami ng mga tao. Imagine? Dalawang napaka-gwapong lalaki,
magka-holdinghands habang naglalakad? Ang sweet no?
“San mo ba
kasi ako dadalhin?” Inis pa ring sabi nya. “Hoy! Yung kamay ko. Nakakahiya na
sa mga tao.” Pilit pa rin syang nagpupumiglas sa aking pagkakahawak sa kamay
nya.
Ang sarap hawakan ng kamay nya. Haaay. “Basta sumunod ka nalang. Kakain tayo.”
Umirap pa
ito sa akin pero di ko nalang pinansin. Kahit nagsusungit ito, gwapo pa rin.
Yung mga mata nya. They were so expressive. Isang titig mo palang sa mga matang
iyon, masasabi mo ng malalim ang taong nagmamay-ari ng mga ito.
Dinala ko
sya sa isang three-star na hotel. Katabi lang yun ng mall. Pagkarating namin sa
hotel, dinala ko sya sa rooftop nito kung saan naroroon ang restaurant ng hotel
na iyon.
Nakita ko si
Jayden na namangha sa nakikita nitong view. Semi-open ang rooftop ng hotel. May
parte na may bubong pa rin, at may isang parte, sa may dulo, na wala talaga
bubong at makikita mo talaga ang kabuuan ng syudad. Pero mas maganda yun
pagmasdan sa gabi, kasi parang langit lang ang view na iyon. Parang langit kung
saan nakasabit ang mga mumunting stars.
Romantic
talaga ang lugar na to. At sinadya ko talagang dito dalhin si Jayden. Honestly,
hindi pa ako nag-effort ng ganito para sa isang kaibigan o naging girlfriend.
Sa mga ordinaryong lugar ko lang sila dinadala para mag date. Pero si Jayden? I
want the best for him.
“Alfer, ang
mahal ng mga pagkain dito. Punta nalang tayo sa may boulevard, madaming
masasarap at mura—“ Hindi na nya naituloy ang iba pang sasabihin habang
tumitingin sa menu ng restaurant. Alam kong magrereklamo na naman ito.
“Shhh! Wag
kang maingay. Andami mong reklamo. Di naman kita dinala dito para pagbayarin sa
mga kakainin natin eh.” Irap ko pa sa kanya. Kahit maingay at mareklamo tong
taong ito, mahal ko na ata to. At natutuwa ako sa company nya.
Nilapag
nalang niya ang menu sa mesa. “Ikaw na bahala pumili para sa akin. Di ko alam
yung mga menu nila. Tss.” Simangot pa niya.
Simple. Yun
ang isa pang nagustuhan ko sa kanya. Napakasimple lang pero prinsipyadong tao.
Napangiti
naman ako ng makita itong ngumingiti at naaaliw sa view.
“Kumusta
pala kayo ni Yui?” Bigla kong natanong habang kumakain na kami. Natigilan naman
ito sa pagsubo at nag-iwas ng tingin.
“Kayo,
kumusta kayo ng Dad mo?” Pag-iiba nya sa usapan.
“Ako una
nagtanong sayo eh.” Umiling naman ito.
“Okey naman.
Best friend pa rin.” How I wish I was Yui. How I wish na naging maganda yung
pagkakakilala sa akin ni Jayden para di ako mahirapang magsabi sa kanya. “Kayo
ng Dad mo?” Sabay titig sa akin. Mata sa mata.
“Same old, same
old. Ayun, di pa rin kami close. Wala syang pakialam sa akin, at wala din akong
pakialam sa kanya. Tapos.” Nag-iwas na din ako ng tingin. Grabe yung mga titig
nya, nakakatunaw.
“Eh bakit
kasi ayaw mong mag reach-out sa kanya? Know what? Di ko gusto makialam pero,
parang feeling ko, ikaw lang yung lumalayo sa kanya eh. Nararamdaman ko naman
na okey naman mga kapatid at Mom mo sa kanya.”
Iba talaga
tong si Jayden. “Haaay. Nasanay na din akong walang tatay na nakasama sa
paglaki. At di naman yun malaking issue sa akin eh.”
Napabuntong-hininga
sya. “Di ba talaga malaking issue yun? Sa tingin mo yang pagiging bully at
egoistic mo ay hindi dahil sa pagrerebelde mo sa Dad mo?”
May laman yung mga hirit ni Jayden. Hindi ako naka-imik kasi tinamaan ako ng mga hirit na iyon. Tama sya. Unconciously, nagrerebelde ako sa pagiging hindi ko masyadong malapit sa Dad ko. Ngayon ko lang na realize. Tama si Jayden.
May laman yung mga hirit ni Jayden. Hindi ako naka-imik kasi tinamaan ako ng mga hirit na iyon. Tama sya. Unconciously, nagrerebelde ako sa pagiging hindi ko masyadong malapit sa Dad ko. Ngayon ko lang na realize. Tama si Jayden.
“Siguro, may
pagkukulang din ang Dad mo sayo. Pero I think you guys can work it out.”
Tumitig ulit
ako sa mga mata niya. Nakangiti na ito at enjoy na enjoy sa pagkain at sa view.
“Don’t get
me wrong Alfer, salamat dito at for the first time naligaw ako sa ganito
kamamahaling restaurant. Pero hindi mo naman kailangan na gumastos para lang
bumawi sa akin.” Ngiti pa nito.
Natawa naman
ako sa sinabi nito. “At sinong nagsabing bumabawi ako sayo? Assuming.” Although
may bahid ng katotohanan yung sinabi niya. I want to make up to him, at the
same time, maging malapit pa sa kanya.
“Yan na
naman yang pride at ego na yan. Aminin mo na kasi. Nahihiya ka lang.” Natatawa
na rin sya. Ang sarap nyang titigan habang tumatawa sya.
“Aminin ang
alin?” Pa-inosenteng tanong ko.
“Na bumabawi
ka sa pangga-gago mo sa akin nun.”
“Ginago ba
kita? Napaka harsh naman ng word na yun.”
Ngumiti sya.
“Ganun talaga. Most of the times, I can be so kind. But sometimes, hard core
ako. Harsh. Mean. Naalala mo yung ginawa ko sayo nung isang araw?”
Natatawang
napapailing na din ako sa pag-alala nung panahon na harap-harapan nya akong
sinuntok sa harap ng napakaraming estudyante sa Student Center.
“Kaya ko
ulit gawin yun.” Banta nya pa, pero nakangiti sya.
Natatawa na
rin ako. “Oo na. Sige na. Ikaw na ang malakas sumuntok. Sorry na.” Alanganing
paghingi ko ng paumanhin sa nagawa ko dito. Hindi ko to normally na ginagawa,
pero what can I do? Espesyal tong taong kaharap ko ngayon.
“Good. Yan
naman pala eh. Kung ganyan ka ba ng ganyan, eh magkakasundo talaga tayo.” At ngumiti
sya ng ubod ng tamis.
Noon ko lang
nakita ang mga ngiting iyon. Pakiramdam ko, napakaswerte kong tao kasi
nabiyayaan ako ng pagkakataong masilayan ang mga ngiting iyon. Ang mga ngiting
nagbubukas sa pinto papuntang langit.
This is
really it. I admit. Inaamin ko na sa sarili ko na gustong-gusto ko si Jayden.
At gusto ko syang maging akin.
Wala akong
pakialam kung ano magiging tingin ng ibang tao sa akin at sa aming dalawa.
Mahal ko si Jayden. Nararamdaman ko sa puso ko.
“Napanood mo
na yung Frozen Jayden?” Maya-maya ay natanong ko sa kanya. This is it Alfer.
“Alin dun?
Yung movie ba na-stuck silang tatlo sa isang gondola ride sa bundok habang
nagso-snow at namatay sila lahat dahil sa ginaw?” Nakakunot ang noong tanong
niya.
Natawa naman
ako. May movie bang ganun? “Hindi! Yung may kanta bang Do You Wanna Make a
Snowman? Yung si Queen Elsa at Princess Anna?”
“Oo.
Napanuod namin yan ni Yui nung isang araw. Maganda nga eh. Bakit?” Natawa na
rin sya sa naging sagot nya nung una.
Tss. Si Yui
na naman. “Natandaan mo yung usapan nina Prince Hans at Princess Anna? Yung
tungkol sa ‘Can I say something crazy?’”
Nakakunot
parin ang noo niya habang ngumingiti sa akin. “Oh bakit nga?”
“Because I’ve
got crazier stuffs up my sleeves.” Bumuntong hininga ako at tumitig sa mga mata
nya. “So, can I say something crazy?”
“Ano?”
“I think.. I
think.. I like you..” Mahinang saad ko. Nakita ko lang ang panlalaki ng mga
mata niya.
“Whaaaat?!”
Fail..
- Itutuloy -
enjoy mga kuya.. please add me up on facebook at jace.page12@gmail.com.. kita kits :D
ReplyDeleteGoodness gracious, that was good! I like this Alfer - Jayden part. Ang galing. Feel na feel ko yong mga eksena. Para akong nanunuod ng teleserye. Okay ah! O wag ng intindhin yong heartbreak, keri mo yan. Sulat ka lang ng sul at mawawala yang pains and sorrows of break-ups.It's a good theraphy 4 u. Cheer-up!
DeleteWaaah! Nakakatuwa naman tong 3 nato! Haha salamat po mr. Author. Parehas tayo BH. Tsk! -dimi
Deleteokay na ako Kuya Surfer. hahaha. ganun talaga ang buhay eh. yep, will continue to give you good updates.. :)
DeleteDimi, ayos lang yan. just stand up and tell yourself, i deserve better.. :)
Peborit ko yang kantang iyan author. Kilig hanggang bone marrow tong story na to. XD
ReplyDelete-Kevin
jace hanep ka talaga sa pangbibitin,
ReplyDeletewala akong masabi sa mga punchline mo sa ending.
Galing mo talaga, next chapter plssssss! ha...ha...ha...
hahahaha! Thank you po. glad you liked it. akala ko nakokornihan kayo sa mga banat eh :)
DeleteSuper cute! Thanks sa update!! Will wait patiently para sa next update :-D
ReplyDelete-Mike
Super cute! Thanks sa update!! Will wait patiently para sa next update :-D
ReplyDelete-Mike
Super cute! Thanks for the update!! Will wait patiently until the next one comes. :-D
ReplyDelete- Mike
Yui bilisan mo. Unahan ka pa ni alfer pero im sure mas lamang si yui kesa kay alfer. Hehe. Thanks mr. Author sa update.
ReplyDeleteSweet ng dalawa :)))
ReplyDeleteI think.. I think.. I like you <3
ReplyDeleteGanda ganda *.*
Ty po sa pag update
Ran.
May update pla d manlang ako nsabihan peo tnx pa din sa nice story
ReplyDeleteCord
Super ganda .. Next chapter na po agad :))
ReplyDeleteParang nagbasa ako ng manga na may halong koreanovela. Hehe! Nice story Jace! Keep it up. One of the best stories I've read so far. Keep the literary juices flowing!
ReplyDelete- Malachi
thank you so much Malachi :)
DeleteHmmm.. Nice one.
ReplyDeleteHi Jace! Sa tagal ko ng nagbabasa as a silent reader dito sa MSOB! Kagabi ko lang naisipang basahin ang TLW. Know what? Can I say much crazier? Haha? In-love na ako sa story na ito! Aside from NICKO na inaabangan ko talaga, yung iba naman tapos ko ng basahin, itong story mo ang nagpagising sa akin sa boung shift ko. Haha. I started reading this at around 11:30 pm (April 3, 2014), tapos natapos ko ng 2 am (April 4, 2014). Keep it up! Asahan mong hihintayin ko ang update mo! Kung nasa wattpad lang siguro ito, nasa reading list ko na ito. Pero since, Master Ponse and Master Mike (and other admins of this blog) gave you the opportunity to gain your fame here, give them all the credits. Sana makapag-post din ako ng story dito. I have drafts, pero di ko pa sigurado kung makakakiha ito ng atensyon. Anyhow! Haha. To much about me! The praise is all yours Jace! Ang ganda ng story na ito! Nobela na ba ito? Haha! Congrats ulit!
ReplyDelete- Rye :^)
wow. im speechless right now Kuya Rye. anyways, walang humpay na pasasalamat na pak na pak ang gusto kong ipaabot sayo. hehehe. yeah, hanga ako kela Kuya Ponse at Kuya Mike for creating a blog as awesome as this.. hehehe.. yung story mo, ipost mo na.. malay mo diba? mas maganda pa pala yan kesa dito.. we will never know it kuya until you try posting it. just like me, experimental lang naman ito at first.. add me up on fb kuya rye ha? :)
DeleteHi Jace! Sa tagal ko ng nagbabasa as a silent reader dito sa MSOB! Kagabi ko lang naisipang basahin ang TLW. Know what? Can I say much crazier? Haha? In-love na ako sa story na ito! Aside from NICKO na inaabangan ko talaga, yung iba naman tapos ko ng basahin, itong story mo ang nagpagising sa akin sa boung shift ko. Haha. I started reading this at around 11:30 pm (April 3, 2014), tapos natapos ko ng 2 am (April 4, 2014). Keep it up! Asahan mong hihintayin ko ang update mo! Kung nasa wattpad lang siguro ito, nasa reading list ko na ito. Pero since, Master Ponse and Master Mike (and other admins of this blog) gave you the opportunity to gain your fame here, give them all the credits. Sana makapag-post din ako ng story dito. I have drafts, pero di ko pa sigurado kung makakakiha ito ng atensyon. Anyhow! Haha. To much about me! The praise is all yours Jace! Ang ganda ng story na ito! Nobela na ba ito? Haha! Congrats ulit!
ReplyDelete- Rye :^)
Wahaha. Ang bilis lang ni Alfer. Kay Yuo padin ako.
ReplyDelete-Allen
nice kuya whahaha...... ^^ i like it...ito na ang unsa sa listahan ko ^^
ReplyDeleteBontit! :) I miss you!
ReplyDelete