Followers

Tuesday, March 18, 2014

You're Mine - Chapter 2 (The Start Of Something New And Something Bad)



YOU’RE MINE- Chapter 2 (The start of something new and something bad)

Stefan “Jules” Salvatore

What the hell??

Yan ang mga salitang unang pumasok sa isip ko nung marinig  ko ang mga sinabi ni Mr. Delon. Sa tingin ko puputok na ngayon ang mga mata ko sa sobrang pagkagulat. I mean ako? Ok ok. Shasha’s right. I like Dima. Sino ba namang hindi? Look at him. Strong jaw line, perfect posture, caramel like skin, stone hard body, kissable. . . .ok that’s not my point. Oo, gusto ko siya pero ni minsan hindi sumagi sa isp ko na kausapin o lapitan man lang siya. And now this? God! I’m so screwed!

“What? Ako po? Tutor niya? I don’t get it.” takang sunod sunod na tanong ko sa principal. Bakit ako? Pwede naman silang maghire ng private tutor ahh! Ang yaman yaman kaya nila!


“Here’s the thing. His parents already tried hiring private tutors. Pero walang nakakatagal sa kanya.” Paliwanag sa akin ng principal. Walang nakakatagal? Then what made him think na makakatagal ako sa kanya? Tsss. Pero bakit kaya walang nakakatagal sa kanya? Ganun nab a siya kasama? Well, he’s the bad boy of the campus. A man whore to be more specific. Pero paano? Nilalandi niay yung mga tutor niya ganun? Ewwww. That’s gross! Or talaga lang na wala na siyang pag-asa?

“Because he’s too dumb?” tanong ko sa principal. Huli na nang marealize ko kung anong nasabi ko. Shet shet shet! Bakit ba hindi ko mapigilan ang dila ko! Damn Jules! Nasa harap mo pa rin siya remember? Haist. Ang tanga tanga!

“Sorry.” Sabi ko na tumingin sa kanya. And that was a wrong move. Pagtingin na pagtingin ko sa kanyanakita ko siyang nakatitig sa akin with a poker face. I literally froze on the spot and felt my blood rushing towards my face probably making my cheeks blush like crazy. Bakit siya nakatingin sa akin? I wanted to tear my gaze away from him, but like what I’ve said, I literally froze on the spot. Hindi ako makagalaw. Tangina naman eh.

“I’m not dumb.” Sabi niya with a cold voice. So that explains the stare. He’s pissed at me for what I’ve said, for calling him dumb. Nice start Jules. Nice start.

Pero I’m curious. What does he have to say about this? Hindi pa nga siya nagsasalita about ditto ehh. Maybe he’ll disagree with it. Gay ako. Maybe homophobe siya, given the fact that he’s one the jockass of the school. Pwedeng ayaw niyang may lumalapit sa kanya na gay. Baka ayaw niya kasi gusto niya. . . . .

“So anong manyayari?” narinig ko na lang na sabi niya. Wait, wait wait! Anong nangyayari?

“You’re actually agreeing with this idea? Hindi ka tumututol ditto?” gulat na tanong ko.

“Yes, I’m agreeing with this. At bakit ako tututol? Kung sa tingin ni Mr. Delon ikaw ang makakatulong sa akin para umayos ang mga grades ko at makapasa then I’d gladly accept you as my tutor.” Sabi niya na nakatitig sa mga mata ko habang nakasandal ang likod niya sa upuan. Kung nakatayo lang ako ngayon siguro natumba na ako. Bakit? Kasi nanalalambot nap o ang mga tuhod ko. Bakit kailangan ganyan kaintense ang titig niya?

Maybe I should say the magic word. Baka hindi niya alam at kapag nalaman niya magbabackout siya! Tama! Yun nga!

“I’m gay.” Sabi ko na walang kagutal gutal. That should do the trick. I know for sure he’s a homophobe.

“Ehh ano naman? It’s not like I’m a homophobe.” Sabi niya still with oozing confidence and coldness in his voice. Pero nung nagsink in na sa akin ang mga sinabi niya napatunganga na lang ako. Hindi siya homophobe? Parang may konting pag asang biglang sumilip sa pagkatao ko. May pag asa kayang mangyari yun? Ayyy Jules! Hindi dahil sinabi niyang hindi siya homophobe ehh hindi na siya straight. He has girls drooling at his feet remember? So stop your stupid fantasies. Back to reality, hindi siya homophobe?

“You’re not a homophobe?”

“I’m not a homophobe.”

“But you’re a jockass.”

“First of all, I’m not a jockass. Second I hate homophobes. So ok lang sa akin ito. Kung matutulungan mo ako then good, I’ll be thankful. Kung hindi di hindi.”

Isang napakalakas na tawa ang biglang narinig namin sa buong kwarto. Halos mapatalon na rin ako sa sobrang pagkagulat. At sino ang tumatawa? Si Mr. Delon. The principal.


“Oh God. I think I just made up the perfect pair. As much as I want to watch you guys two fighting, I mean, you two are just hilarious, I need to explain everything sa inyo. Oh God. I love this.” Sabi niya sa aming dalawa. Alam kong nagbablush na naman ako. Damn. I totally forgot the principal is here too. Nakakahiya! “Ok. Baka sabihin niyo hindi ko kayo kinkunsulta on this matter at bigla bigla na lang akong nagdedecide. But no. I already told your parents and both companies agreed to this idea given the fact that they are good friends and good business partners. Bahala na kayo kung ilang beses sa isang lingo gusto niyong magkita. Basta dapat at least 3 hours a session.” Sabin g principal.

“Ok lang sa akin. Ewan ko lang sa kanya.” Sabi ni Dima sabay tingin ulit sa akin. Oh for goodness sake, stop staring!

“Ok. I’ll accept it. Pero anong makukuha ko in return?” tanong ko. Alangan namang magtuturo lang ako ng walang nakukuhang bayad diba?

“So kung makapasa man siya sa finals niyo which means makakapasa siya sa lahat ng subjects niyo at hindi siya magrerepeat ng last year ng highschool, then you could ask me anything you’d want to ask dahil alam ko namang hindi mo kailangan ng pera at grades given na marami ka ng mga ganun.” Sabi ni principal. Anything? Oooh. That’s great.!

“Then it’s a deal.” Agad ko namang sagot. After naming magdeal dalawa pinalabas na rin kami ng principal sa room niya. At dun ko lang din narealize kung anong napasok ko. O MY GOD!!! NO! Napasandal na lang ako sa pader na katabi ng pinto nang makalabas na kami. Ahhh!! Ano bay an? Halos mapatalon na naman ako sa kinatatayuan ko nang makarinig na naman ako ng napakalakas na tawa. Nang tingnan ko si Dima pala. Parang mamatay na siya sa itsura niya sa kakatawa. Ang isang kamay niya ay nakasandal sa pader habang ang isa naman ay nakahawak sa may bandang tiyan niya. Damn! He’s so hot when he laughs. Those pearly whites of his na pantay pantay. Ok!!!! Stop! Check if you’re drooling. Ok. I’m not. Pero anong nakakatawa?


“Ahm. Anong nakakatawa?”

“Ikaw. Kanina pa ako nagpipigil dun sa loob. You were doing everything you can just to stop this, but then you still agreed, and now, napasandal ka na lang sa pader. Damn. You’re cute!” sabi niya pagkatapos niyang mapakalma ang sarili niya at tumingin sa akin a nakangiti. At anong sabi niya? Cute ako? Did I hear that right or was it just my mind playing with me? No. he said I’m cute!!. Ngayon sigurado na ako na nagbablush ako sa sinabi niya. Yumuko na lang ako at siniguradong hindi niya nakikita ang mukha ko. The last thing that I want him to see now is me blushing. At let me tell you kapag ako ang nagbablush halatang halata!


“I’m not a girl. I’m not cute.” Sabi ko na lang bago ako nagtatakbong papaunta sa cafeteria. I seriously need Shasha right now.


Alexander “Dima” Lebedev

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at napatawa na lang ako nung nakita ko siyang napasandal sa pader at napabuntung hininga. Damn! He’s too adorable. Kanina pa ako nagpipigil sa loob ng principal’s office kanina, because I didn’t want to burst out laughing infront of the principal. He was doing everything just to stop the idea of the principal. He even called me a jockass and he thought I was a homophobe, which is definitely wrong. And then, nakipagtitigan siya sa akin nung tinawag niya akong bobo. Doon ko siya napagmasdang mabuti. Like what I’ve said, he’s cute. That’s funny to say, but no one can deny that. Kahit straight na lalaki mapapansin yun. well, his eye color is brown, medyo brownish din ang buhok niya, maliit siya for a 4th year HS student but it suits him, and his skin is super pale. As in sobrang puti niya. Mas maputi pa siya dun sa babaeng kasa-kasama niya lagi. That rich girl? Ohhh nevermind. Pero ang nakapukaw talaga ng atensyon ko was his constant blushing which made him more adorable. Ewan ko. Dapat nga inis inis na ako sa kanya ngayon ehh pero hindi ko magawa. Sino ban an kasing may kayang magalit sa isang tulad niya. I bet anyone would just love to cuddle him, including me of course. That’s so gay, but it’s true.


Nung sigurado na akong nakalayo na siya, nagsimula na rin akong maglakad papunta sa cafeteria. Nung matapat ako sa entrance, I scanned the area first looking for my friends, hoping they already bought me lunch kasi gutom na gutom na ako. Pero unang nakita ng mga mata ko si Stefan. Nakikipagusap na siya ngayon sa babaeng kasa kasama niya lagi, and he’s sort of relaxing already. The girl quite has an effect on him. Then I searched for my friends. Fortunately binilhan na nila ako ng lunch.

Agad akong pumunta sa usual table naming at naupo. Nandoon na silang lahay noon. Si Emily na cousin ko, si Sohie na bestfriend ni Emily, si Tyler  na co-player ko, at si Trevor na co-player ko rin. Naupo ako at ni isa wala man lang tumingin sa akin. Pero ok lang yun. kinuha ko ang burger at kakagat na sana nung maalala ko na naman si Stefan. Awtomatikong kumurba ang isang ngiti sa mga labi ko nung oumasok ang itsura niya hbang nagbablush sa isip ko. (Hindi talaga ako kumakain ng rice kapag lunch!)


“That’s creepy. Bakit ka nakangiti?” biglang tanong sa akin ni Emily na ngayo’y nakatingin na pala sa akin. And just with that nakuha ko ang atensyon nilang lahat. Pero hanggang ngayon hindi pa rin matanggal ang mgiti sa mga labi ko.


“When did me smiling become creepy?” tanong ko still with a smile. Damn it. Sorry naman. Hindi ko mapigilan ehh.


“Anong nangyari sa loob ng principals office?” balik tanong ni Sophie.


“May inassign na student tutor sa akin si Mr. Delon.” Kaswal ko lang na sagot sa kanila bago kumagat sa burger na hawak hawak ko.


“And what’s so smiley smiley about it?” – Emily.

“Well, the kid totally hates my guts. He called me jockass and a homophobe.” Sagot ko.

“And you’re not pissed. In fact, you’re smiling like a Cheshire cat. I still don’t get it.” – Sophie ulit.


“And sino ba kasi ito?” tanong ulit ni Emily na halatang halatang curious curious na. Dami namang tanong ehhh.

“Stefan Salvatore.” Maikling sagot ko lang ulit at kumagat ulit sa burger ko.

“You’re calling him kid ehh ka age lang natin siya?” – Tyler.


“He reminds me of a kid kasi cute siya.” Sabi ko out of the blue. Halos mapangiti na naman ako sa sinabi ko pero napigilan ko ito nung Makita ko ang mga itsura nila. Trevor choked on his jjuice, which is gross, samantalang ang iba ay parang nakakita ng multo sa laki ng mga mata nila at dahil na rin halos mahulog na ang mga panga nila sa lupa. Oooooooooooooooook, what’s the matter?”


“What?” tanong ko na takang taka.

“Dude, you’ve never even call a girl cute or beautiful before. You just kiss them, slam them down, have sex with them, and take them senseless. Now you’re calling a guy cute?” sabi ni Tyler na halos mapasigaw na. Nakuha na namin ang atensyon ng buong cafeteria dahil sa kanya. When I looked  sa table nina Stefan wala na sila. I scanned the place and fortunately mukhang lumabas na naman sila. Thank God!

“Lower your voice will you?” sabi ko.

“Not to mention a gay guy.” Dagdag ulit ni Trevor.

“Ohhh shut it. The kid is cute and that’s final. Now I want to enjoy my lunch. Pwede naman siguro no?” sabi ko. They kept quiet but mababakas pa rin sa mukha nila ang pagkagulat.

What’s so wrong with me calling someone cute?

Jules

(Uwian time)

Haist salamat naman at uwian na. masyadong maraming nangyari ngayong araw. Ako na naging tutor ni Dima. Him calling me cute and the like. Buti na lang nanjan si Shasha para pakalmahin ako. The thought of me falling for someone again scared me. I almost hyperventilated kanina nung naalala ko siya. Nang nalala ko ang mga nangyari sa kanya. Ni hindi ko alam kung ako ba ang sinisisi niya sa nangyari sa kanya. Tsss. Sino bang niloloko ko? Ako ang may kasalanan at galit siya sa akin. Galit siya kasi hindi ko siya nailigtas. Galit siya kasi ang tanga tanga koo. Galit siya sa akin. Naramdaman ko na naman ang kakaibang pakiramdam na dumadaloy sa buong katawan ko. Nagsisimula na naming bumigat ang pakiramdam ko, nanginginig at pinagpapawisan na naman ako. Agad akong humawak kay Shasha. Naramdaman naman niya at hinawakan naman niya agad ang mga kamay ko na nakahawak sa braso niya. My body immediately responded to her touch. Agad akong kumalma. Siya lang ang may kayang makapagpakalma sa akin.

“Nandito ako Jules. Don’t think of him. Clear your mind of those thoughts. You know I won’t leave you.” Sabi niya sa akin na nakangiti. Agad ko namang binura ang mga ala ala niya kahit alam ko namang babalik at babalik pa rin sila. Lalo na sa mga panaginip ko. Itinuloy na naming ang pagalalakad nung alam niyang kumalma na ako. Nasa parking lot kami ngayon.

Ok n asana lahat ehh, pero nakita ko si Dima na naksandal sa isa sa mga kotse. Siguro hinihintay niya ang isa sa mga babae niya. Lalagpasan na sana naming siya pero bigla na lang siyang nagsalita at tinawag kami.

“Hey.”

Agad naman kaming tumigil ni Shasha at tumingin sa kanya, si Shasha nakangiti samantalang ako nakatingin sa kanya with a poker face. You could guess that I’m trying my best not to blush.

“Yes?” narinig kong sagot ni Shasha. Buti na lang hindi na ako nakahwak kay Shasha at baka isipin pa niyang nagsisinungaling ako nung sinabi kong gay ako sa kanya.


“Pwede bang nakawin ko muna siya sa iyo?” tanong niya sa kay Shasha habang tinuturo ako. Nakawin? Don’t tell me magsisimula na kami ngayon? No way.

“Ahm. Saan kayo pupunta?” tanong naman ni Shasha. Nakangiti siya pero alam kong nag aalala siya considering the fact that I nearly had an attack ditto sa school.

“kung pwede lang kasi gusto ko na sanang mag start na kami sa mga sessions naming.” Tanong niya na nakangiti. Oh no. Not now. Paano kung malaman niya na may gusto ako sa kanya? Mandidiri ba siya sa akin? Aist. Natatakot ako na malaman niya. Natatakot din akong mahulog nang tuluyan sa kanya. Hindi ko kaya. Hindi ako handa. Hindi pwede. But then. Tumingin na lang ako sa bright side. Hndi naman porke magkakasama na kami mahuhulog na ako sa kanya. This should be pure business only. Hindi dapat gumamit ng emosyon. Tama.

Nang nagbalik na ako sa riyalidad, nakita kong nakikipag hand shake na si Shasha kay Dima. Errr. What’s happening?

“Are you two flirting with each ooher?” tanong ko. Ehh, ano pa bang aasahan ko. Matinik si Dimas a mga babae. Malaks ang karisma. Hindi malayong maakit niya din ang bestfriend ko. Tsaka napakaganda ni Shasha. She’s the prettiest girl sa campus namin. Bagay sila.

“Oh God Jules. No! nagpapakilala lang yung tao. I mean Dima’s handsome and everything but he’s not my type.” Sabi niay habang nakatingin sa akin. Nakalimutan niya bang nasa harap naming si Dima? “No offense.” Dagdag naman niya pagkatapos tumingin kay Dima.

“I’ll come with you. Pero ihahatid ko lang si Shasha sa kotse niya. Just wait for me here and do not move.” Sabi ko at hinatak ko si Shasha papunta sa direksyon ng kotse niya.

“Don’t even try to escape me.” Sigaw pa niya nang mejo makalayo na kami.

“I won’t.” balik sigaw ko habang hinahatak pa rin si Shasha. Nang nakarating na kami sa kinaroroonan ng kotse si Shasha tumigil muna kami at inarap ko siya dahil alam kong gusto muna niya akong kausapin bago ako pumunta ditto. But I need to get through this. Kailangan. Hindi ako dapat nakatago lang lagi sa likod ni Shasha.

“Are you sure about this?” tanong niya.

“I am. Kailangan ko itong gawin. I need to get rid of him. Of his thoughts. Ayokong maging takot na lang lagi.” Sabi ko habang nakatingin sa sahig. Kailangan ko itong gawin. Kailangan. Hindi lagging nanjan si Shasha para sa akin. Kailangan matuto ako kung paano labanan ang mga ala ala niya. Naramdaman ko na lang ang mga daliring humawak sa baba ko at iginalaw ang ulo ko pataas at tinignan ako nang diretso sa mga mata. Si Shasha. Nakangiti siya sa akin.

“Just call me kung alam mong hindi mo na kaya ok?” sabi niiya. Tumango ako na nakangiti bago tumakbo ulit papunta sa diresyon ni Dima. Nang nakabalik na ako nasa kotse na nama siya at nakabukas na ang pinto ng kotse nila habang ang driver naman niya ay nasa loob na.

“Get inside the car. Aalis na tayo.” Sabi niya sa akin habang nakangiti. Wait? Sasakay ako sa kotse niya? I have my own driver and car.

“May kotse ako at may driver din. Sabihin mo na lang kung saan tayo pupunta at susunod ako.”

Akala ko papasok na siya nung nagsimula siyang maglakad pero hindi. Pumunta siya sa likod ko timulak ako sa kotse niya at pinaupo ako sa loob I’m surprised kung pano niya ako kadali napapasok.

“I didn’t asked and I don’t care. Itext mo na lang yung driver niyo na sundan tayo. And no arguments anymore.” And with that pumasok na siya at tumabi sa akin at nagsimula nang tumakbo ang kotse. Wala na akong nagwa kung hindi ang tawagan ang driver ko at pinasunod siya sa amin. Good thing nakuha ko ang plate number ng kotse niya. Nabigla na lang ako nung malaman ko kung saan kami pupunta. Sa bahay pala nila. Hindi na lang ako umimik para hindi na ako makapagsabi ng kung ano. Ok. Jules relax. Everything is fine. 3 hours lang ito. Ok lang yan.


5 mins after, nakarating na kami sa bahay nila it’s a typical two storey mansion house pero sa unang tingin pa lang alam mo nang mayaman ag nakatira. Agad naman niya akong pinapasok sa loob. Agad naman akong umupo sa may sofa at naglabas ng mga notes ko.


“What are you doing?” tanong niya nung Makita niya ang mga ginagawa ko. Obvious ba? Tssss.


“Nagreready para sa tutor session natin?” sagot ko.


“Hindi tayo jan. dun sa taas. Sa kwarto ko.” Tanong niya na parang wala lang. O MY GOD!!! Did he forget I’m gay? Bakit kailangan sa kwarto pa niya? Pwede namang ditto sa sala nalang nila ahh. Ahyy. Ano ba yan? Kalma Jules. Sunod kong namalayan ay nasa harap na ako ng isang kwarto. Halos mabingi ako sa lakas ng kabog ng dibdib ko. Nang bumukas ang pinto at pumasok siya nabingi na talag ako. Hindi ko alam kung anong pumasok sa akin pero parang may sarlig isip ang mga paa ako at pumasok na rin ako. Inilibot ko ang paningin ko sa buong kwarto. He’s too neat for a guy.

Hindi ko inasahan ang sumunod na nangyari. Nang tumingin ako sa kanya nakita naghhubad siya nh t shirt niya. Agad akong tumalikod at tarantang nagsalita.

“ o my God!! Anong ginagawa mo?” halos pasigaw kong sabi sa kanya. May balak ba itong patayin ako sa sobrang nerbyos at hiya? Kainis naman ehh!!

There was a big pause bago ko narinig ang biglang pagtawa nang malakas. Gusto ko sanang tumigin pero ayokong Makita siyang walang t-shirt.


“You’re hilarious!!!” rinig kong sabi niya in between laughs. At may gana pa siyang tumawa ahh!!! Walang hiya ito!!


“Nakalimutan mo na bang gay ako? Pumasok ka sa banyo dali!” sabi ko na nakatalikod pa rin.


“Ok. OK.” Sabi niya bago ko narinig na naglakad siya sa isang diresyon na hindi ko alam kung saan. “This is priceless.” Rinig ko pang sabi niya bago ko narinig na may sumarang pinto. Agad naman akong gumalaw nang marinig ong sumara na nga ang pinto. Nakita ko ang table na nasa gitna ng room na may dalawang upuan. Pumunta agad ako dun at nag ayos ng mga kailangan.


Ilang Segundo lang ang lumipas, may pumasok sa kwarto na nakapangmaid attire na may dala dalang snacks. Nilapag niya ito sa lamesa. Nagpasalamat naman ako bago siya umalis. ilang minute lag ang lumipas narinig ko namang bumukas ang pinto nung silid na pinuntahan ni Dima.


“Let’s start and get this over with.” Sabi ko na hindi tumitingin sa kanya habang nagsusulat ng mga pwedeng topic na review’n. Narinig ko namang umulos ang upuan sa harap ko.

“Why do you hate me?” rinig kong tanong niya. Nabiga naman ako sa tanong niya. Nang tingnan ko namn siya wala nang bahid ng panloloko rito at purong kaseryosohan na lang. nakonsensya naman ako syempre.

“I don’t hate you.” Sabi ko. I actually like you idiot.!!!


“Then let’s do this again. Hello. I’m Alexander Dima Lebedev. 16 years old. 4th year HS student.” Sabi niya habang inooffer ang kamay niya for a hand shake. Napaisip ako. Wala naman sigurong masama kung makikipagkaibigan ako diba? And lagi kaming magkakasama for more than a month, hindi ko maiiwasang hindi kausapin siya. Ayoko namang isipin niya na masungit ako.



“Stefan Jules Salvatore. 15 years old. 4th year HS student.” Sabi ko habang tinatanggap ang kamay niya. “And friends.” Dagdag ko pa.



“Friends.” Sagot naman niya. And naramdaman ko na lang na gumaan ang pakiramdam ko pagkatapos.



(After the tutor session)

The session went well naman at wala naman naging problema. Ngayon sumasakay na ako sa kotse at papauwi na ako. Pero bago pa man ako sumakay nakaramdam na naman ako ng mga matang nakatingin sa akin. Tumaas lahat ng balahibo ko. Nang tingnan ko naman ang paligid wala akong nakita ni anino. Guni guni ko lang siguro.


The drive papunta sa bahay was quiet. Nakarating kami sa bahay na walng problema. Pumasok ako pero parang walang tao. Ipinagwalang bahala ko naman yun at dire diretso akong pumunta sa kwarto ko. Napahiga na lang ako sa kama ko nang hindi pa nagpapalit. Nakakapagod ang araw na ito. Papikit n asana ang mga mata ko nang makarinig ako ng kakaibang ingay na naggaling sa garden naming salikod bahay. Parang may nabasag. Agad naman akong tumayo at pumunta sa human size na bintana ng kwarto ko na kung titingin ka sa baba ay makikita ang bakuran naming. But I was horrified with what I saw. Tumayo ang lahat ng mag balahibo ko. Binalot ng takot ko ang boung katawan at pagkatao ko. Halos hindi ako makagalaw sa kinalalagyan ko sa sobrang kabog ng dibdib ko.


May nakatayo sa gitna ng garden naming na tao. Hindi ko alam kung lalaki o babae basta nandun lang siya nakatayo. Nakasuot siya ng nakakatakot na mascara at nakakapa siya ng itm na bumabalot sa buong katawan niya na sumasayad na sa lupa at may hood sa bandang ulo. Pero ang nagpatakot sa akin ay ang dahilan na nakatingin siya sa direksyon ng kwarto ko. Sa direksyon ng bintana na kinalalgyan ko ko. Nakatingin siya mismo sa akin.

Nang rumihestro sa akin ang lahat agad akong tumakbo papunta sa hagdan at nagsisigaw. Tinawag ko lahat ng pangalan ng mga kasambahay namin pero walang sumasagot. Patakbo ulit akong pumunta papasok sa kwarto ko papunta sa bintana para tingnan kung nandun pa siya pero wala na. mas lalo akong natakot nang narinig kong bumukas ang entrance door naming. Halos matisod ako pero nagawa kong makapunta sa pinto ng kwarto ko at nilock ito. Napaatras na lang ako pagkatapos nun. Hinihingal kinakabahan. Sino siya? magnanakaw? Pero bakit siya nakatingin sa akin kanina?


Lalo pang tumaas ang lebel ng takot ko nang makarinig ako ng mabibigat na mga yabag na naglalakad pataas ng hagdan. Agad kong dinukot ang cellphone ko at denial ang number ni Shasha.

“Shasha. Pls come here Shasha. May tao sa bahay. May nakapasok. Shasha wala akong kasama. Pls. shasha.pls.” tarantang sabi ko sa kanya. Pero bago pa man makasagot si Shasha nahulog ko na ang cellphone ko sa lupa dahil narinig kong tumigil mismo sa may pinto ng kwarto ko ang mga yabag. Pinagpapawisan na ako ng malamig sa mga nangyayari. Nasaan ba ang mga tao sa bahay? Bakit wala sila? Shit shit shit. Shasha please vilisan mo.




“Jules.” Rinig kong bulong ng nasa kabilang side ng pinto. Nanginig ang buong katawan ko sa lamig ng boses niya. Kilala niya ako. Sino siya anong kailangan niya? Gusto kong magsalita pero hind ko magawa sa sobrang takot. Sunod kong namalayan ay pagsubok niyang buksan ang pinto. Agad agad naman akong tumakbo papunta sa banyo at nilock ang pinto. Bago ko pa man mailock ang dalawang lock ng banyo narinig ko nang bumukas ang pinot ng kwarto ko. Narinig ko na naman ang mga yabag. Pero hndi lang yun. narinig kong parang may hinihila siya. nakakairita ang tunog. Napaupo na lang ako sa sahig ng banyo sa sobrang takot. Niyakap ko ang mga tuhod ko at nilubog ang mukha ko sa sobrang takot. Iyak na lang ako ng iyak. Shasha asaan kana.Shasha. pls pumunta ka rito.


Hindi ko alam kung gaano ako katagal na nakaupo at umiiyak lang sa sahig ng banyo pero sunod ko na lang namataan ay ang biglang pagkalampag ng pinto ng banyo. May kumakataok. Halos mapasigaw ako sa sobrang takot pero agad din akong tumayo at binuksan ang pinto nang marnig ako kung sino ang nandun.


“Jules nanjan kaba Jules?” boses ni Shasha habang katok ng katok. Agad akong tumayo tumakbo paunta sa pinto at binuksan ito. Pagkabukas na pagkabukas ko ng pinto agad kong niyakap si Shasha nang mahigpit. Natatakot ako. Nanginginig ang buong katawan ko. Baka nandito pa siya. baka tinitingnan lang niya kami.


“Jules anong nanyari?” sabi ni Shasha sa akin na nasa tono ang pag aalala. Nandito siya. may tao rito kanina. Nakakatakot. Nakapasok siya  sa kwarto ko. Natatakot ako. Gusto kong magsalita pero natatakot pa rin ako. Umiiyak, naginginig pa rin ako, habang ipinatong ko ang ulo ko sa balikat ni Shasha.

Bigla ko na lang naramdaman ang paninigas ng katawan n Shasha. Bigla din siyang nanlamig. Nanginig ng konti ang katawan niya. Humigpit ang yakap niya at napasinghap siya pero hindi pa rin tinatanggal ang yakap sa akin.


“Oh my God.” Halos bulong niyang sabi. Tinignan ko ang dahilan ng pagkagulat niya. Nang tininginan ko siya nakapako lang ang tingin niya sa isang direksyon sa pader ng kwarto ko na walang laman. Nang tingnan ko kung anong meron at nanigas din ang katawan ko.


May nakasulat sa pader na isang salita na nakakatakot ang pagkakaksulat. Ang mas nakakatakot pa kulay dugo at masangsang ang amoy ng likidong ginamit sa pagsulat nito. Napakalaki ng nakasulat kaya imposibleng hindi mo mapapansin pag nakita mo. At ang nakasulat na salita ay. . . .





MINE.

8 comments:

  1. Ganda ganda naman!! Keep up tge great work author! Plus the names sound so Russian, something new. I like your story!

    ReplyDelete
  2. the word you used in one or two lines above "jockass" is "jackass"meaning an idiot, a pain in the "butt". etc

    ReplyDelete
  3. Cguro stalker ung lalaki sa may garden,at patay n patay s kanya.haha

    ReplyDelete
  4. pasensya na for the past chapters kung maraming grammar errors tsaka typo errors. i'll make sure na sa susunod na update ok na siya. sorry sorry po talaga. tsaka may nagbabasa ba? wala ata. hahaha. thank you na lang sa mga nagbabasa at nagbigay ng constructive criticism .

    -author

    ReplyDelete
  5. Wooow astig to! ~Ken

    ReplyDelete
  6. author ang galing mo..... at same pa kame ng pangalan.. Jules

    ReplyDelete
  7. Maganda ang story,plot and ang flow .but sobrang takot na takot na ako nung bandang may stalker na sobrang obsess sa kanya or baka naman sinasabe na sakanya lang ang isang tao like Dima sana wala nang epal sa lufe nya and good work Mr.Author

    ReplyDelete
  8. KIJILABUTAN AKO. ANONG ORAS KO AN AKSI TO BINASA. Naoapranoid na din tuloy ako :(( galing mo author nakakadala ng sobra :((

    PS: Di kaya si Shasah yon?

    - vhian

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails