YOU’RE
MINE- Chapter 2 (The start of something new and something bad)
Stefan
“Jules” Salvatore
What the hell??
Yan ang mga salitang unang pumasok sa isip
ko nung marinig ko ang mga sinabi ni Mr.
Delon. Sa tingin ko puputok na ngayon ang mga mata ko sa sobrang pagkagulat. I
mean ako? Ok ok. Shasha’s right. I like Dima. Sino ba namang hindi? Look at
him. Strong jaw line, perfect posture, caramel like skin, stone hard body,
kissable. . . .ok that’s not my point. Oo, gusto ko siya pero ni minsan hindi
sumagi sa isp ko na kausapin o lapitan man lang siya. And now this? God! I’m so
screwed!
“What? Ako po? Tutor niya? I don’t get it.”
takang sunod sunod na tanong ko sa principal. Bakit ako? Pwede naman silang
maghire ng private tutor ahh! Ang yaman yaman kaya nila!
“Here’s the thing. His parents already
tried hiring private tutors. Pero walang nakakatagal sa kanya.” Paliwanag sa
akin ng principal. Walang nakakatagal? Then what made him think na makakatagal
ako sa kanya? Tsss. Pero bakit kaya walang nakakatagal sa kanya? Ganun nab a
siya kasama? Well, he’s the bad boy of the campus. A man whore to be more
specific. Pero paano? Nilalandi niay yung mga tutor niya ganun? Ewwww. That’s
gross! Or talaga lang na wala na siyang pag-asa?
“Because he’s too dumb?” tanong ko sa
principal. Huli na nang marealize ko kung anong nasabi ko. Shet shet shet!
Bakit ba hindi ko mapigilan ang dila ko! Damn Jules! Nasa harap mo pa rin siya
remember? Haist. Ang tanga tanga!
“Sorry.” Sabi ko na tumingin sa kanya. And
that was a wrong move. Pagtingin na pagtingin ko sa kanyanakita ko siyang
nakatitig sa akin with a poker face. I literally froze on the spot and felt my
blood rushing towards my face probably making my cheeks blush like crazy. Bakit
siya nakatingin sa akin? I wanted to tear my gaze away from him, but like what
I’ve said, I literally froze on the spot. Hindi ako makagalaw. Tangina naman
eh.
“I’m not dumb.” Sabi niya with a cold
voice. So that explains the stare. He’s pissed at me for what I’ve said, for
calling him dumb. Nice start Jules. Nice start.
Pero I’m curious. What does he have to say
about this? Hindi pa nga siya nagsasalita about ditto ehh. Maybe he’ll disagree
with it. Gay ako. Maybe homophobe siya, given the fact that he’s one the
jockass of the school. Pwedeng ayaw niyang may lumalapit sa kanya na gay. Baka
ayaw niya kasi gusto niya. . . . .
“So anong manyayari?” narinig ko na lang na
sabi niya. Wait, wait wait! Anong nangyayari?
“You’re actually agreeing with this idea?
Hindi ka tumututol ditto?” gulat na tanong ko.
“Yes, I’m agreeing with this. At bakit ako
tututol? Kung sa tingin ni Mr. Delon ikaw ang makakatulong sa akin para umayos
ang mga grades ko at makapasa then I’d gladly accept you as my tutor.” Sabi
niya na nakatitig sa mga mata ko habang nakasandal ang likod niya sa upuan.
Kung nakatayo lang ako ngayon siguro natumba na ako. Bakit? Kasi nanalalambot nap
o ang mga tuhod ko. Bakit kailangan ganyan kaintense ang titig niya?
Maybe I should say the magic word. Baka
hindi niya alam at kapag nalaman niya magbabackout siya! Tama! Yun nga!
“I’m gay.” Sabi ko na walang kagutal gutal.
That should do the trick. I know for sure he’s a homophobe.
“Ehh ano naman? It’s not like I’m a
homophobe.” Sabi niya still with oozing confidence and coldness in his voice.
Pero nung nagsink in na sa akin ang mga sinabi niya napatunganga na lang ako.
Hindi siya homophobe? Parang may konting pag asang biglang sumilip sa pagkatao
ko. May pag asa kayang mangyari yun? Ayyy Jules! Hindi dahil sinabi niyang
hindi siya homophobe ehh hindi na siya straight. He has girls drooling at his
feet remember? So stop your stupid fantasies. Back to reality, hindi siya
homophobe?
“You’re not a homophobe?”
“I’m not a homophobe.”
“But you’re a jockass.”
“First of all, I’m not a jockass. Second I
hate homophobes. So ok lang sa akin ito. Kung matutulungan mo ako then good,
I’ll be thankful. Kung hindi di hindi.”
Isang napakalakas na tawa ang biglang
narinig namin sa buong kwarto. Halos mapatalon na rin ako sa sobrang
pagkagulat. At sino ang tumatawa? Si Mr. Delon. The principal.
“Oh God. I think I just made up the perfect
pair. As much as I want to watch you guys two fighting, I mean, you two are
just hilarious, I need to explain everything sa inyo. Oh God. I love this.”
Sabi niya sa aming dalawa. Alam kong nagbablush na naman ako. Damn. I totally
forgot the principal is here too. Nakakahiya! “Ok. Baka sabihin niyo hindi ko
kayo kinkunsulta on this matter at bigla bigla na lang akong nagdedecide. But
no. I already told your parents and both companies agreed to this idea given
the fact that they are good friends and good business partners. Bahala na kayo
kung ilang beses sa isang lingo gusto niyong magkita. Basta dapat at least 3
hours a session.” Sabin g principal.
“Ok lang sa akin. Ewan ko lang sa kanya.”
Sabi ni Dima sabay tingin ulit sa akin. Oh for goodness sake, stop staring!
“Ok. I’ll accept it. Pero anong makukuha ko
in return?” tanong ko. Alangan namang magtuturo lang ako ng walang nakukuhang
bayad diba?
“So kung makapasa man siya sa finals niyo
which means makakapasa siya sa lahat ng subjects niyo at hindi siya magrerepeat
ng last year ng highschool, then you could ask me anything you’d want to ask
dahil alam ko namang hindi mo kailangan ng pera at grades given na marami ka ng
mga ganun.” Sabi ni principal. Anything? Oooh. That’s great.!
“Then it’s a deal.” Agad ko namang sagot.
After naming magdeal dalawa pinalabas na rin kami ng principal sa room niya. At
dun ko lang din narealize kung anong napasok ko. O MY GOD!!! NO! Napasandal na
lang ako sa pader na katabi ng pinto nang makalabas na kami. Ahhh!! Ano bay an?
Halos mapatalon na naman ako sa kinatatayuan ko nang makarinig na naman ako ng
napakalakas na tawa. Nang tingnan ko si Dima pala. Parang mamatay na siya sa
itsura niya sa kakatawa. Ang isang kamay niya ay nakasandal sa pader habang ang
isa naman ay nakahawak sa may bandang tiyan niya. Damn! He’s so hot when he laughs.
Those pearly whites of his na pantay pantay. Ok!!!! Stop! Check if you’re
drooling. Ok. I’m not. Pero anong nakakatawa?
“Ahm. Anong nakakatawa?”
“Ikaw. Kanina pa ako nagpipigil dun sa
loob. You were doing everything you can just to stop this, but then you still
agreed, and now, napasandal ka na lang sa pader. Damn. You’re cute!” sabi niya
pagkatapos niyang mapakalma ang sarili niya at tumingin sa akin a nakangiti. At
anong sabi niya? Cute ako? Did I hear that right or was it just my mind playing
with me? No. he said I’m cute!!. Ngayon sigurado na ako na nagbablush ako sa sinabi
niya. Yumuko na lang ako at siniguradong hindi niya nakikita ang mukha ko. The
last thing that I want him to see now is me blushing. At let me tell you kapag
ako ang nagbablush halatang halata!
“I’m not a girl. I’m not cute.” Sabi ko na lang bago ako nagtatakbong papaunta sa cafeteria. I seriously need Shasha right now.
Alexander
“Dima” Lebedev
Hindi ko na napigilan ang sarili ko at
napatawa na lang ako nung nakita ko siyang napasandal sa pader at napabuntung
hininga. Damn! He’s too adorable. Kanina pa ako nagpipigil sa loob ng
principal’s office kanina, because I didn’t want to burst out laughing infront
of the principal. He was doing everything just to stop the idea of the
principal. He even called me a jockass and he thought I was a homophobe, which
is definitely wrong. And then, nakipagtitigan siya sa akin nung tinawag niya
akong bobo. Doon ko siya napagmasdang mabuti. Like what I’ve said, he’s cute.
That’s funny to say, but no one can deny that. Kahit straight na lalaki
mapapansin yun. well, his eye color is brown, medyo brownish din ang buhok
niya, maliit siya for a 4th year HS student but it suits him, and
his skin is super pale. As in sobrang puti niya. Mas maputi pa siya dun sa
babaeng kasa-kasama niya lagi. That rich girl? Ohhh nevermind. Pero ang
nakapukaw talaga ng atensyon ko was his constant blushing which made him more
adorable. Ewan ko. Dapat nga inis inis na ako sa kanya ngayon ehh pero hindi ko
magawa. Sino ban an kasing may kayang magalit sa isang tulad niya. I bet anyone
would just love to cuddle him, including me of course. That’s so gay, but it’s
true.
Nung sigurado na akong nakalayo na siya,
nagsimula na rin akong maglakad papunta sa cafeteria. Nung matapat ako sa
entrance, I scanned the area first looking for my friends, hoping they already
bought me lunch kasi gutom na gutom na ako. Pero unang nakita ng mga mata ko si
Stefan. Nakikipagusap na siya ngayon sa babaeng kasa kasama niya lagi, and he’s
sort of relaxing already. The girl quite has an effect on him. Then I searched
for my friends. Fortunately binilhan na nila ako ng lunch.
Agad akong pumunta sa usual table naming at
naupo. Nandoon na silang lahay noon. Si Emily na cousin ko, si Sohie na
bestfriend ni Emily, si Tyler na
co-player ko, at si Trevor na co-player ko rin. Naupo ako at ni isa wala man
lang tumingin sa akin. Pero ok lang yun. kinuha ko ang burger at kakagat na
sana nung maalala ko na naman si Stefan. Awtomatikong kumurba ang isang ngiti
sa mga labi ko nung oumasok ang itsura niya hbang nagbablush sa isip ko. (Hindi
talaga ako kumakain ng rice kapag lunch!)
“That’s creepy. Bakit ka nakangiti?”
biglang tanong sa akin ni Emily na ngayo’y nakatingin na pala sa akin. And just
with that nakuha ko ang atensyon nilang lahat. Pero hanggang ngayon hindi pa
rin matanggal ang mgiti sa mga labi ko.
“When did me smiling become creepy?” tanong
ko still with a smile. Damn it. Sorry naman. Hindi ko mapigilan ehh.
“Anong nangyari sa loob ng principals
office?” balik tanong ni Sophie.
“May inassign na student tutor sa akin si
Mr. Delon.” Kaswal ko lang na sagot sa kanila bago kumagat sa burger na hawak
hawak ko.
“And what’s so smiley smiley about it?” –
Emily.
“Well, the kid totally hates my guts. He
called me jockass and a homophobe.” Sagot ko.
“And you’re not pissed. In fact, you’re
smiling like a Cheshire cat. I still don’t get it.” – Sophie ulit.
“And sino ba kasi ito?” tanong ulit ni
Emily na halatang halatang curious curious na. Dami namang tanong ehhh.
“Stefan Salvatore.” Maikling sagot ko lang
ulit at kumagat ulit sa burger ko.
“You’re calling him kid ehh ka age lang
natin siya?” – Tyler.
“He reminds me of a kid kasi cute siya.”
Sabi ko out of the blue. Halos mapangiti na naman ako sa sinabi ko pero
napigilan ko ito nung Makita ko ang mga itsura nila. Trevor choked on his
jjuice, which is gross, samantalang ang iba ay parang nakakita ng multo sa laki
ng mga mata nila at dahil na rin halos mahulog na ang mga panga nila sa lupa.
Oooooooooooooooook, what’s the matter?”
“What?” tanong ko na takang taka.
“Dude, you’ve never even call a girl cute
or beautiful before. You just kiss them, slam them down, have sex with them,
and take them senseless. Now you’re calling a guy cute?” sabi ni Tyler na halos
mapasigaw na. Nakuha na namin ang atensyon ng buong cafeteria dahil sa kanya.
When I looked sa table nina Stefan wala
na sila. I scanned the place and fortunately mukhang lumabas na naman sila.
Thank God!
“Lower your voice will you?” sabi ko.
“Not to mention a gay guy.” Dagdag ulit ni
Trevor.
“Ohhh shut it. The kid is cute and that’s
final. Now I want to enjoy my lunch. Pwede naman siguro no?” sabi ko. They kept
quiet but mababakas pa rin sa mukha nila ang pagkagulat.
What’s so wrong with me calling someone
cute?
Jules
(Uwian time)
Haist salamat naman at uwian na. masyadong
maraming nangyari ngayong araw. Ako na naging tutor ni Dima. Him calling me cute
and the like. Buti na lang nanjan si Shasha para pakalmahin ako. The thought of
me falling for someone again scared me. I almost hyperventilated kanina nung
naalala ko siya. Nang nalala ko ang mga nangyari sa kanya. Ni hindi ko alam
kung ako ba ang sinisisi niya sa nangyari sa kanya. Tsss. Sino bang niloloko
ko? Ako ang may kasalanan at galit siya sa akin. Galit siya kasi hindi ko siya
nailigtas. Galit siya kasi ang tanga tanga koo. Galit siya sa akin. Naramdaman
ko na naman ang kakaibang pakiramdam na dumadaloy sa buong katawan ko.
Nagsisimula na naming bumigat ang pakiramdam ko, nanginginig at pinagpapawisan
na naman ako. Agad akong humawak kay Shasha. Naramdaman naman niya at hinawakan
naman niya agad ang mga kamay ko na nakahawak sa braso niya. My body
immediately responded to her touch. Agad akong kumalma. Siya lang ang may
kayang makapagpakalma sa akin.
“Nandito ako Jules. Don’t think of him.
Clear your mind of those thoughts. You know I won’t leave you.” Sabi niya sa
akin na nakangiti. Agad ko namang binura ang mga ala ala niya kahit alam ko
namang babalik at babalik pa rin sila. Lalo na sa mga panaginip ko. Itinuloy na
naming ang pagalalakad nung alam niyang kumalma na ako. Nasa parking lot kami
ngayon.
Ok n asana lahat ehh, pero nakita ko si Dima
na naksandal sa isa sa mga kotse. Siguro hinihintay niya ang isa sa mga babae
niya. Lalagpasan na sana naming siya pero bigla na lang siyang nagsalita at
tinawag kami.
“Hey.”
Agad naman kaming tumigil ni Shasha at
tumingin sa kanya, si Shasha nakangiti samantalang ako nakatingin sa kanya with
a poker face. You could guess that I’m trying my best not to blush.
“Yes?” narinig kong sagot ni Shasha. Buti
na lang hindi na ako nakahwak kay Shasha at baka isipin pa niyang
nagsisinungaling ako nung sinabi kong gay ako sa kanya.
“Pwede bang nakawin ko muna siya sa iyo?”
tanong niya sa kay Shasha habang tinuturo ako. Nakawin? Don’t tell me
magsisimula na kami ngayon? No way.
“Ahm. Saan kayo pupunta?” tanong naman ni
Shasha. Nakangiti siya pero alam kong nag aalala siya considering the fact that
I nearly had an attack ditto sa school.
“kung pwede lang kasi gusto ko na sanang
mag start na kami sa mga sessions naming.” Tanong niya na nakangiti. Oh no. Not
now. Paano kung malaman niya na may gusto ako sa kanya? Mandidiri ba siya sa
akin? Aist. Natatakot ako na malaman niya. Natatakot din akong mahulog nang
tuluyan sa kanya. Hindi ko kaya. Hindi ako handa. Hindi pwede. But then.
Tumingin na lang ako sa bright side. Hndi naman porke magkakasama na kami
mahuhulog na ako sa kanya. This should be pure business only. Hindi dapat
gumamit ng emosyon. Tama.
Nang nagbalik na ako sa riyalidad, nakita
kong nakikipag hand shake na si Shasha kay Dima. Errr. What’s happening?
“Are you two flirting with each ooher?”
tanong ko. Ehh, ano pa bang aasahan ko. Matinik si Dimas a mga babae. Malaks
ang karisma. Hindi malayong maakit niya din ang bestfriend ko. Tsaka
napakaganda ni Shasha. She’s the prettiest girl sa campus namin. Bagay sila.
“Oh God Jules. No! nagpapakilala lang yung
tao. I mean Dima’s handsome and everything but he’s not my type.” Sabi niay
habang nakatingin sa akin. Nakalimutan niya bang nasa harap naming si Dima? “No
offense.” Dagdag naman niya pagkatapos tumingin kay Dima.
“I’ll come with you. Pero ihahatid ko lang
si Shasha sa kotse niya. Just wait for me here and do not move.” Sabi ko at
hinatak ko si Shasha papunta sa direksyon ng kotse niya.
“Don’t even try to escape me.” Sigaw pa
niya nang mejo makalayo na kami.
“I won’t.” balik sigaw ko habang hinahatak
pa rin si Shasha. Nang nakarating na kami sa kinaroroonan ng kotse si Shasha
tumigil muna kami at inarap ko siya dahil alam kong gusto muna niya akong
kausapin bago ako pumunta ditto. But I need to get through this. Kailangan.
Hindi ako dapat nakatago lang lagi sa likod ni Shasha.
“Are you sure about this?” tanong niya.
“I am. Kailangan ko itong gawin. I need to
get rid of him. Of his thoughts. Ayokong maging takot na lang lagi.” Sabi ko
habang nakatingin sa sahig. Kailangan ko itong gawin. Kailangan. Hindi lagging
nanjan si Shasha para sa akin. Kailangan matuto ako kung paano labanan ang mga
ala ala niya. Naramdaman ko na lang ang mga daliring humawak sa baba ko at
iginalaw ang ulo ko pataas at tinignan ako nang diretso sa mga mata. Si Shasha.
Nakangiti siya sa akin.
“Just call me kung alam mong hindi mo na
kaya ok?” sabi niiya. Tumango ako na nakangiti bago tumakbo ulit papunta sa
diresyon ni Dima. Nang nakabalik na ako nasa kotse na nama siya at nakabukas na
ang pinto ng kotse nila habang ang driver naman niya ay nasa loob na.
“Get inside the car. Aalis na tayo.” Sabi niya sa akin habang
nakangiti. Wait? Sasakay ako sa kotse niya? I have my own driver and car.
“May kotse ako at may driver din. Sabihin
mo na lang kung saan tayo pupunta at susunod ako.”
Akala ko papasok na siya nung nagsimula
siyang maglakad pero hindi. Pumunta siya sa likod ko timulak ako sa kotse niya
at pinaupo ako sa loob I’m surprised kung pano niya ako kadali napapasok.
“I didn’t asked and I don’t care. Itext mo na lang yung driver niyo
na sundan tayo. And no arguments anymore.” And with that pumasok na siya at
tumabi sa akin at nagsimula nang tumakbo ang kotse. Wala na akong nagwa kung
hindi ang tawagan ang driver ko at pinasunod siya sa amin. Good thing nakuha ko
ang plate number ng kotse niya. Nabigla na lang ako nung malaman ko kung saan
kami pupunta. Sa bahay pala nila. Hindi na lang ako umimik para hindi na ako
makapagsabi ng kung ano. Ok. Jules relax. Everything is fine. 3 hours lang ito.
Ok lang yan.
5 mins after, nakarating na kami sa bahay nila it’s a typical two
storey mansion house pero sa unang tingin pa lang alam mo nang mayaman ag
nakatira. Agad naman niya akong pinapasok sa loob. Agad naman akong umupo sa
may sofa at naglabas ng mga notes ko.
“What are you doing?” tanong niya nung Makita niya ang mga ginagawa
ko. Obvious ba? Tssss.
“Nagreready para sa tutor session natin?” sagot ko.
“Hindi tayo jan. dun sa taas. Sa kwarto ko.” Tanong niya na parang
wala lang. O MY GOD!!! Did he forget I’m gay? Bakit kailangan sa kwarto pa
niya? Pwede namang ditto sa sala nalang nila ahh. Ahyy. Ano ba yan? Kalma
Jules. Sunod kong namalayan ay nasa harap na ako ng isang kwarto. Halos mabingi
ako sa lakas ng kabog ng dibdib ko. Nang bumukas ang pinto at pumasok siya
nabingi na talag ako. Hindi ko alam kung anong pumasok sa akin pero parang may
sarlig isip ang mga paa ako at pumasok na rin ako. Inilibot ko ang paningin ko
sa buong kwarto. He’s too neat for a guy.
Hindi ko inasahan ang sumunod na nangyari. Nang tumingin ako sa
kanya nakita naghhubad siya nh t shirt niya. Agad akong tumalikod at tarantang
nagsalita.
“ o my God!! Anong ginagawa mo?” halos pasigaw kong sabi sa kanya.
May balak ba itong patayin ako sa sobrang nerbyos at hiya? Kainis naman ehh!!
There was a big pause bago ko narinig ang biglang pagtawa nang
malakas. Gusto ko sanang tumigin pero ayokong Makita siyang walang t-shirt.
“You’re hilarious!!!” rinig kong sabi niya in between laughs. At may
gana pa siyang tumawa ahh!!! Walang hiya ito!!
“Nakalimutan mo na bang gay ako? Pumasok ka sa banyo dali!” sabi ko
na nakatalikod pa rin.
“Ok. OK.” Sabi niya bago ko narinig na naglakad siya sa isang
diresyon na hindi ko alam kung saan. “This is priceless.” Rinig ko pang sabi
niya bago ko narinig na may sumarang pinto. Agad naman akong gumalaw nang
marinig ong sumara na nga ang pinto. Nakita ko ang table na nasa gitna ng room
na may dalawang upuan. Pumunta agad ako dun at nag ayos ng mga kailangan.
Ilang Segundo lang ang lumipas, may pumasok sa kwarto na
nakapangmaid attire na may dala dalang snacks. Nilapag niya ito sa lamesa.
Nagpasalamat naman ako bago siya umalis. ilang minute lag ang lumipas narinig
ko namang bumukas ang pinto nung silid na pinuntahan ni Dima.
“Let’s start and get this over with.” Sabi ko na hindi tumitingin sa
kanya habang nagsusulat ng mga pwedeng topic na review’n. Narinig ko namang
umulos ang upuan sa harap ko.
“Why do you hate me?” rinig kong tanong niya. Nabiga naman ako sa
tanong niya. Nang tingnan ko namn siya wala nang bahid ng panloloko rito at
purong kaseryosohan na lang. nakonsensya naman ako syempre.
“I don’t hate you.” Sabi ko. I actually like you idiot.!!!
“Then let’s do this again. Hello. I’m Alexander Dima Lebedev. 16
years old. 4th year HS student.” Sabi niya habang inooffer ang kamay
niya for a hand shake. Napaisip ako. Wala naman sigurong masama kung
makikipagkaibigan ako diba? And lagi kaming magkakasama for more than a month,
hindi ko maiiwasang hindi kausapin siya. Ayoko namang isipin niya na masungit
ako.
“Stefan Jules Salvatore. 15 years old. 4th year HS
student.” Sabi ko habang tinatanggap ang kamay niya. “And friends.” Dagdag ko
pa.
“Friends.” Sagot naman niya. And naramdaman ko na lang na gumaan ang
pakiramdam ko pagkatapos.
(After the tutor session)
The session went well naman at wala naman naging problema. Ngayon
sumasakay na ako sa kotse at papauwi na ako. Pero bago pa man ako sumakay
nakaramdam na naman ako ng mga matang nakatingin sa akin. Tumaas lahat ng
balahibo ko. Nang tingnan ko naman ang paligid wala akong nakita ni anino. Guni
guni ko lang siguro.
The drive papunta sa bahay was quiet. Nakarating kami sa bahay na
walng problema. Pumasok ako pero parang walang tao. Ipinagwalang bahala ko
naman yun at dire diretso akong pumunta sa kwarto ko. Napahiga na lang ako sa
kama ko nang hindi pa nagpapalit. Nakakapagod ang araw na ito. Papikit n asana
ang mga mata ko nang makarinig ako ng kakaibang ingay na naggaling sa garden
naming salikod bahay. Parang may nabasag. Agad naman akong tumayo at pumunta sa
human size na bintana ng kwarto ko na kung titingin ka sa baba ay makikita ang
bakuran naming. But I was horrified with what I saw. Tumayo ang lahat ng mag
balahibo ko. Binalot ng takot ko ang boung katawan at pagkatao ko. Halos hindi
ako makagalaw sa kinalalagyan ko sa sobrang kabog ng dibdib ko.
May nakatayo sa gitna ng garden naming na tao. Hindi ko alam kung
lalaki o babae basta nandun lang siya nakatayo. Nakasuot siya ng nakakatakot na
mascara at nakakapa siya ng itm na bumabalot sa buong katawan niya na sumasayad
na sa lupa at may hood sa bandang ulo. Pero ang nagpatakot sa akin ay ang
dahilan na nakatingin siya sa direksyon ng kwarto ko. Sa direksyon ng bintana
na kinalalgyan ko ko. Nakatingin siya mismo sa akin.
Nang rumihestro sa akin ang lahat agad akong tumakbo papunta sa
hagdan at nagsisigaw. Tinawag ko lahat ng pangalan ng mga kasambahay namin pero
walang sumasagot. Patakbo ulit akong pumunta papasok sa kwarto ko papunta sa
bintana para tingnan kung nandun pa siya pero wala na. mas lalo akong natakot
nang narinig kong bumukas ang entrance door naming. Halos matisod ako pero
nagawa kong makapunta sa pinto ng kwarto ko at nilock ito. Napaatras na lang
ako pagkatapos nun. Hinihingal kinakabahan. Sino siya? magnanakaw? Pero bakit
siya nakatingin sa akin kanina?
Lalo pang tumaas ang lebel ng takot ko nang makarinig ako ng
mabibigat na mga yabag na naglalakad pataas ng hagdan. Agad kong dinukot ang
cellphone ko at denial ang number ni Shasha.
“Shasha. Pls come here Shasha. May tao sa bahay. May nakapasok.
Shasha wala akong kasama. Pls. shasha.pls.” tarantang sabi ko sa kanya. Pero
bago pa man makasagot si Shasha nahulog ko na ang cellphone ko sa lupa dahil
narinig kong tumigil mismo sa may pinto ng kwarto ko ang mga yabag.
Pinagpapawisan na ako ng malamig sa mga nangyayari. Nasaan ba ang mga tao sa
bahay? Bakit wala sila? Shit shit shit. Shasha please vilisan mo.
“Jules.” Rinig kong bulong ng nasa kabilang side ng pinto. Nanginig
ang buong katawan ko sa lamig ng boses niya. Kilala niya ako. Sino siya anong
kailangan niya? Gusto kong magsalita pero hind ko magawa sa sobrang takot.
Sunod kong namalayan ay pagsubok niyang buksan ang pinto. Agad agad naman akong
tumakbo papunta sa banyo at nilock ang pinto. Bago ko pa man mailock ang
dalawang lock ng banyo narinig ko nang bumukas ang pinot ng kwarto ko. Narinig
ko na naman ang mga yabag. Pero hndi lang yun. narinig kong parang may hinihila
siya. nakakairita ang tunog. Napaupo na lang ako sa sahig ng banyo sa sobrang
takot. Niyakap ko ang mga tuhod ko at nilubog ang mukha ko sa sobrang takot.
Iyak na lang ako ng iyak. Shasha asaan kana.Shasha. pls pumunta ka rito.
Hindi ko alam kung gaano ako katagal na nakaupo at umiiyak lang sa
sahig ng banyo pero sunod ko na lang namataan ay ang biglang pagkalampag ng
pinto ng banyo. May kumakataok. Halos mapasigaw ako sa sobrang takot pero agad
din akong tumayo at binuksan ang pinto nang marnig ako kung sino ang nandun.
“Jules nanjan kaba Jules?” boses ni Shasha habang katok ng katok.
Agad akong tumayo tumakbo paunta sa pinto at binuksan ito. Pagkabukas na
pagkabukas ko ng pinto agad kong niyakap si Shasha nang mahigpit. Natatakot
ako. Nanginginig ang buong katawan ko. Baka nandito pa siya. baka tinitingnan
lang niya kami.
“Jules anong nanyari?” sabi ni Shasha sa akin na nasa tono ang pag
aalala. Nandito siya. may tao rito kanina. Nakakatakot. Nakapasok siya sa kwarto ko. Natatakot ako. Gusto kong
magsalita pero natatakot pa rin ako. Umiiyak, naginginig pa rin ako, habang
ipinatong ko ang ulo ko sa balikat ni Shasha.
Bigla ko na lang naramdaman ang paninigas ng katawan n Shasha. Bigla
din siyang nanlamig. Nanginig ng konti ang katawan niya. Humigpit ang yakap
niya at napasinghap siya pero hindi pa rin tinatanggal ang yakap sa akin.
“Oh my God.” Halos bulong niyang sabi. Tinignan ko ang dahilan ng
pagkagulat niya. Nang tininginan ko siya nakapako lang ang tingin niya sa isang
direksyon sa pader ng kwarto ko na walang laman. Nang tingnan ko kung anong
meron at nanigas din ang katawan ko.
May nakasulat sa pader na isang salita na nakakatakot ang
pagkakaksulat. Ang mas nakakatakot pa kulay dugo at masangsang ang amoy ng
likidong ginamit sa pagsulat nito. Napakalaki ng nakasulat kaya imposibleng
hindi mo mapapansin pag nakita mo. At ang nakasulat na salita ay. . . .
MINE.
Ganda ganda naman!! Keep up tge great work author! Plus the names sound so Russian, something new. I like your story!
ReplyDeletethe word you used in one or two lines above "jockass" is "jackass"meaning an idiot, a pain in the "butt". etc
ReplyDeleteCguro stalker ung lalaki sa may garden,at patay n patay s kanya.haha
ReplyDeletepasensya na for the past chapters kung maraming grammar errors tsaka typo errors. i'll make sure na sa susunod na update ok na siya. sorry sorry po talaga. tsaka may nagbabasa ba? wala ata. hahaha. thank you na lang sa mga nagbabasa at nagbigay ng constructive criticism .
ReplyDelete-author
Wooow astig to! ~Ken
ReplyDeleteauthor ang galing mo..... at same pa kame ng pangalan.. Jules
ReplyDeleteMaganda ang story,plot and ang flow .but sobrang takot na takot na ako nung bandang may stalker na sobrang obsess sa kanya or baka naman sinasabe na sakanya lang ang isang tao like Dima sana wala nang epal sa lufe nya and good work Mr.Author
ReplyDeleteKIJILABUTAN AKO. ANONG ORAS KO AN AKSI TO BINASA. Naoapranoid na din tuloy ako :(( galing mo author nakakadala ng sobra :((
ReplyDeletePS: Di kaya si Shasah yon?
- vhian