The Wind, The Leaf and The Tree
Chapter 10
“Confusions and Realizations”
By: Jace Knight
https://www.facebook.com/jace.pajz
Author’s
Note:
Konnichiwa.
Hello sa lahat. Ito na po ang pang-sampung chapter ng TLW. Salamat sa mga
nag-aabang at sumusuporta nitong mga gawa ko. Kung mejo korni, eh hayaan nyo na
muna. La lang inspirasyon sa ngayon. Am just putting myself back together, so
have patience with me mga Kuya. :)
Anyways,
salamat sa mga bagong minions ni Jace. Sina poch, sir Michael Jadie Alamo, bruneiyuki214,
suzaku, mvg, surfer from oz (sensya na talaga sa RAPPORT, hahaha), growling
engineer, si Sir Robert Mendoza, at Mr.
CPA. Sa mga anons na nagbabasa, PLEASE LANG PO. Lagyan natin ng kahit codename
ang mga comments natin para malaman ko at ma recognize ko kayo. Hehehehe.
Tulad ng
dati, you guys can add me on FB at facebook.com/jace.pajz, or send me an email
at jaceanime@gmail.com. Sorry po kung mabibitin kayo dito, pero yun talaga
pakay ko eh. Hahaha. Eto na po, ang Chapter 10. Enjoy J
- Jace
==========================================
== The TREE
==
Kasalukuyan
akong naglalakad kasama niya sa hallway ng college namin. Kakatapos lang namin
sa klaseng Taxation. I thought of saying hi, so I followed him.
“What?”
Nagtaka ako ng bigla siyang huminto sa paglalakad, at hinarap ako na ang mata
ay nagtatanong.
“Ba’t iba
yata ang ihip ng hangin ngayon?” Tanong niya.
“Well,
siguro dahil nagi-guilty ako sa mga sinabi ko sayo noong mga nakalipas na
araw.” Which is somehow true. His sad eyes were haunting me for how many days
now. Dagdagan pa na pinaki-usapan ako ni Mom.
“Tingnan mo
nga naman. Marunong pala ma-guilty ang isang Alfer Samonte?” Lalo pang
napakunot ang noo ko sa tinuran nito.
“Di
magandang gawain ang maging mapaghinala sa kapwa Jayden.” Napangisi lang ako
pagkatapos bitiwan ang mga parinig na yun.
“And why not
Mister Samonte? Sa pagkakaalam ko kasi, ikaw ang taong di marunong mag-guilty.
Let alone ang makipagkaibigan sa mga taong nakabangga mo na.” What? Ganun ba
talaga ako kasama?
“Gonzales, I
don’t consider you as an enemy. I wanted us to be friends. Mahirap bang
paniwalaan yun? Pano tayo magiging successful pareho, kung ikaw ang tutor ko,
pero di man lang tayo nakakapag-establish ng good rapport?” mahinahong pahayag
ko, pero sa totoo lang, gusto ko ng sumabog. Ako na nga tong nagpapakumbaba,
ganito pa sya sa akin.
“Who gives a
damn about good rapport? Ang kelangan lang natin gawin, do your job para
matuto, and I’ll do my job na turuan ka. That’s how simple it is.” Medyo
tumataas na ang boses niya. Seriously?
“Ang hirap
sayo Gonzales, ikaw na nga tong ina-approach, ikaw pa may ganang mang-repel ng
tao. Tsk!” At sumabog na ang ego ko. Nilapitan ko siya at tinitigan ng mata sa
mata. Napaatras siya sa ginawa kong paglapit hanggang lumapat ang likod niya sa
wall ng hallway. “Tandaan mo, we’re both tied unto this. Wala na tayong choice
kundi pakisamahan ang isa’t isa.”
Ayun.
Nasindak ko siya. Nakita ko siyang napapakurap ng mga mata. Success!
“So, what
would it be, Mr. Gonzales?” Pag-provoke ko pa sa kanya. Nilalapit ko pa ang
mukha ko sa mukha niya, habang naka-suporta na ang isang kamay ko sa dingding
ng hallway.
“Okay. See you tomorrow nalang.” Bigla niyang
sinabi. Nakita ko ang pagtulo ng pawis sa maamo niyang mukha. At umalis na sya
sa kanyang kinatatayuan.
Tinatanaw ko
lang ang unti-unting niyang paglayo. And I just realized something. Jayden
Gonzales is like everybody else. Nadadaan sa sindak at takot. Ngayon, alam ko
na ang dapat gawin upang di ako mahirapan sa kanya.
Nung nawala
na sya sa paningin ko, may lumapit naman sa akin. Sina Sheena. Ang head
cheerleader ng varsity. Kasa-kasama ang kaibigan nitong si Quimee. Ngayon ko
lang napagtanto na marami palang mga mata ang nakakita sa aming engkwentro ni
Jayden.
“Hi Alfer.”
Masiglang bati ni Sheena.
“Hi.”
Malamig na tugon ko. Tinanguan ko lang si Quimee.
“Mukhang di
maganda ang pag-uusap nyo nung si Gonzales ah?”
“May
problema ba papa Alfer?” pagkompirma ni Quimee.
“Wala.”
Napatikhim
lang si Quimee. Naglakad lang ako habang silang dalawa ay nakasunod lang sa
akin. Si Sheena, halatang gusto niya talaga ako. Nakapulupot lang ang kamay nya
sa braso ko, pero hinayaan ko nalang.
“Anyways
Alfer, tuloy ba tayo mamayang gabi?”
Haay.
Napangakuan ko pala ito ng date kahapon. Kahit di ko na gustong ituloy, sige
nalang. Total, wala naman akong gagawin mamaya after practice.
“Sige. I’ll
pick you up mamayang 5pm sa Student Center.”
“Okay Alfer.
See you later.” Si Sheena.
Iniwan ko na
sila. At habang papalayo na ako, naririnig ko parin si Sheena na nagtitili sa
saya. Panu ba naman? Napakaswerte nya na sya na ang susunod sa listahan ng mga
babaeng ika-kama ko at papaiyakin din sa huli.
“Pathetic
girls.”
Kinahapunan,
dating-gawi. Practice lang ng basketball kasama ang team. Grabe. Pagkatapos
nun, napagod ako ng husto. Naka-upo lang ako sa may bleachers pagkatapos ng
practice game, at nagpapahinga. Nakita ko na papalapit na si Sheena at ang
grupo nito kaya umiwas muna ako.
“Takte!
Gusto ko pang magpahinga eh.” Pero wala na akong choice kundi tunguhin ang
locker at maligo na. Kesa naman pagkaguluhan pa ako ng mga cheerleaders na yun.
Anyways, si Sheena lang naman ang lalandiin ko sa kanila eh.
Papasok na
ako ng locker room ng makita ko mula sa binta ng hallway ng gym si Jayden na
tinutungo ang daan papuntang fountain. Ang alam ko, dun ito lage tumatambay. At
tulad pa rin sya ng dati. Naka -headphones na naman ito. I thought he was still
the Jayden I saw last Monday night. Pero nung inistima ko sya ng mabuti,
napag-alaman kong may ipinagbago na pala siya.
Ang mga
matang parating malungkot, ang mga matang gumising sa aking konsensya nung
isang gabi, ay nakangiti na ngayon. Base sa nakikita ko sa kanya, di na nga sya
ang dating Jayden na nakilala at nakabangga ko.
Kung dati,
palaban at magaspang ang inaakto nito sa harapan ko, nagulat ako kanina nang
makita kong may takot pa pala ito sa katawan. Ganun ba yun? Na kapag naging
masayahin ang isang malungkuting tao, humihina at nawawalan ito ng katapangan?
Siguro.
Nagsa-shower
na ako sa locker room. Kasabay ng pagbuhos ng tubig sa aking hubad na katawan
ang pagbabalik ng mga ala-ala ng aming unang pagtatagpo namin ni Jayden.
Pumasok ako sa Dean’s Office na siyang
ibinilin ni Mom. Ipapakilala daw nya ang napili niya na magiging tutor ko.
Pagkarating ko sa loob ng opisina ni Mr. Miro, nakita ko si Mom, ang aming
dean, at si Gonzales.
Si Jayden Gonzales. Ang kilalang consistent
top-achiever ng college namin. Sa pagkakaalam ko second year palang ito na
Accountancy ang kinukuha. Pero bakit siya?
“Wait
Mom, siya? Eh di ba nga second year lang sya? Pano nya matuturuan ang isang
third year na gaya ko?” iritadong reklamo ko kay Mom. Wala akong pakialam kung
marinig niya ang hindi ko pag affirm sa desisyon ni Mom.
“Mr. Samonte, sinisigurado ko po sa inyo na
may capacity at potential tong si Mr. Gonzales. Since first year ay Dean’s
Lister at matataas ang grado niya.” Si Sir Miro.
“Yes anak. I have read all of his records
and credentials. We already talked about this, so sucked it up. Si Denzel na
ang bago mong tutor.” Nakarinig na naman ako ng sarkastikong himig sa tono ni
Mom.
Naiinis ako kay Mom. Bakit ba hindi muna nya
ako kinunsulta bago kumuha ng tutor? Payag naman akong may tutor eh, pero ang
kinaiinisan ko lang ay kung bakit parang wala akong “say” sa mga nagyayari sa
paligid ko. Ego? Siguro.
Matuman lang akong nakatitig kay Jayden,
ini-estima ang kabuuan nito. Inaalam kung madali ko ba tong mapapapayag sa
anumang gustuhin ko, kung sakali man. Tiningnan ko ito, mula ulo hanggang paa,
na syang ikinatalim ng mga mata nito na sumukli sa akin.
Grabe. Sa aura palang, may itinatagong
bangis na itong mokong na ito. Ewan ko lang pero naba-bother ako sa presensya
nito. Hindi ko na matiis ang pagkapahiya ko sa harap ni Dean at ni Gonzales,
kasi nga wala na akong choice kundi sundin si Mom. Lumabas nalang ako ng Office
at pabalabag ni sinara ang pinto.
Bago ang
tagpong iyon, nakikita ko naman yang si Gonzales eh. Panu ba naman? Magkaklase
kami sa Taxation, at siguro sa mga nagdaan kong subject. Ang pangalan nito ay
palaging nalalagay sa Bulletin Board ng college, bilang isang Dean’s Lister at
kung anu-ano pang recognitions.
Nung makita
ko siya nung araw na yun, dun ko nakita kung ganito ito ka palaban at ka
talino. Pero kanina, mukhang nawala na ang katapangan nito. Bakit kaya? Hindi
ko talaga malaman kung bakit nagsubmit sya agad sa gusto kong mangyari. Pwede
naman siyang magback-out sa offer ni Mom. Hindi ko talaga siya maintindihan.
Paano nya nalulunok ang pride nya?
Paglabas ko
ng shower room, nakita ko si Paul na tinutuyo ang buhok. Galing din pala ito sa
shower, pero di ko namalayan ang presensya nya. Siguro, nahulog lang ako sa
malalim na pag-iisip tungkol kay Jayden. Pero bakit ko nga ba sya iniisip?
“Shit.”
“Ano
problema mo dude?” Napalingon si Paul sa kinaroroonan ko. Narinig pala nito ang
pagmura ko. Haaay. What the hell is happening to me?
“Wala bro.
May iniisip lang.” Umupo lang ako sa may bench at nagtutuyo ng buhok.
“Teka, tuloy
ba kayo ni Sheena ngayon? Ang hot nun dude.” Si Paul na nagbibihis na.
“Tsk! Oo nga
pala. Kelangan ko pa syang ilabas ngayon. Pero tinatamad na ako bro.”
“Ui bro,
wag. Dapat magkagusto sya ng todo sayo. Para naman maging malakas ang koneksyon
ng fraternity natin sa kanilang sorority.” Ngisi pa ni Paul.
Binato ko
ito ng tuwalya. “Sira ka pala e! Kung gusto mo ikaw nalang makipaglandian dun!”
Nayayamot kong tinungo ang locker ko.
“Ui bro,
chill lang. Bakit ang init-init ng ulo mo ngayon?” Natatawa pa si Paul.
Natigilan
naman ako. “Sorry dude. Marami lang iniisip.” Kung meron man akong dapat
hingian ng sorry, itong taong lang ito. Bespren ko ata to.
“Sus. Tara
na nga. Punta na tayo sa Student Center.”
Pagkatapos ng
ilang minuto, nasa center na kami at nag-aantay kay Sheena. Naka-upo lang kami
sa isang mesa nang may babaeng halatang nagdadalawang-isip na lumapit sa amin.
Napatayo naman ako nang mapansin na may box itong dala-dala.
“H-hi.
A-alfer. P-para sayo.” Alanganing sabi ng babae. Binuksan ang box at nakita
namin ni Paul na may chocolate cake sa loob nito. Nag-umpukan naman ang mga
estudyante na nakiki-usyoso sa mga nangyayari.
“Wow dude!
May admirer ka na. Lakas talaga ng alindog mo!” Kantyaw pa ni Paul.
Wala lang
akong imik. Habang nakamasid lang ako sa babae at sa mga tao sa may bandang
likuran nito. Nakita ko si Jayden at si Yui. Wait, magkasama na naman sila?
“A-ah.
A-alfer. Masarap yan. Ako nag-bake nyan!” At ngumiti pa ang babae.
Naka-isip
naman ako ng plano kung papano ko masasagot ang lahat ng katanungan sa isip ko.
Kung ano ba talaga ang katauhan nitong si Jayden Gonzales. Matapang ba talaga
ito, o natatapakan lang din ng takot? Siguro mababaw ang mga iniisip ko, pero
ayaw akong patahimikin nitong si Jayden e.
Inaabot pa
rin ng babae ang cake. Tinitingnan ko lang ang cake. Walang ka emo-emosyon ang
mukha ko. Conscious ako na nakatingin lang din sa amin ang mga estudyante,
kabilang na si Jayden at Yui.
“Ui dude.
Cake daw oh.” Sabi pa ni Paul.
“Masarap ba
to?” Malamig na tanong ko sa babae. Tumango naman ito na kakakakitaan talaga ng
kaba sa ginagawa nitong hayagang pagbibigay ng regalo sa akin.
Ipinadaan ko
ang aking kanang hintuturo sa cake at nilasap ang icing nito.
Inabot ko
ang cake mula sa dalaga habang nakangisi. “Salamat.” Tumalikod ako ng bahagya
pero agad ring hinarap ang babae para imudmud sa mukha nito ang cake. Masarap
naman pero kelangan ko lang malaman ang magiging reaction ni Jayden. And the
only way to do that is to provoke him.
Hindi
mahulugang-karayom ang center sa pagkagulat ng mga nandudun. Pero pagkatapos ng ilang segundo, nakabawi na
ang mga manunuod at nagtatawanan na sa ginawa ko sa babae.
Binaling ko
ang tingin ko sa kinaroroonan nina Jayden at nakita ko itong parang bulkan na
sasabog na. “This is it, Al.” Sabi ko sa sarili.
Kitang-kita
ang galit at inis sa mga mukha at mata nito. Kung makatingin sa akin, akala mo
lalamunin na ako ng buo.
“Sorry miss.
Hindi ako tumatanggap ng basura.” Sarkastikong sabi ko sa babae. Nakita ko
itong maluha-luha na dahil sa kahihiyan. Well, ginusto naman niyang hayagang
humarap sa akin. She should be ready for the consequences. Nagkalat pa ang cake
at icing sa mukha nito.
Nakita kong
humakbang palapit si Jayden. Pinigilan sana ito ni Yui, pero ayaw nitong
magpapigil. Galit na galit talaga ito. Malakas pa rin ang tawanan ng mga
estudyanteng nakakita, kahit nagbalik na ito sa mga kani-kanilang pwesto.
Hinanda ko naman ang aking sarili sa papalapit na si Jayden.
“Oo nga no?” Nilakasan pa nya ang boses nya na
naging dahilan kung bakit bumalik sa umpukan ang mga estudyante sa aming gilid.
“Bakit nga ba tatanggapin ng isang basura ang basura’ng kagaya din nya? Sabi
nga sa kasabihan, ang magnanakaw ay takot sa kapwa magnanakaw.” At
binigyang-diin pa talaga nito ang salitang basura at magnanakaw.
Nanlaki lang
ang mga mata ng mga nakakita sa amin, pati sina Yui at Paul. Wala lang akong
imik habang patuloy pa sya sa paglapit sa amin. Umiiyak na ang babae, pero di
man lang ito naka-alis sa kinatatayuan nito.
“Gonzales.” Nasambit
ko na nakataas lang ang kilay.
“Gago ka!” Ang tangi ko lang narinig, habang nakita
at naramdaman ko nalang ang mabilis na kamao ni Jayden sa aking kaliwang
pisngi. Gulat na gulat ako. Maging ang mga tao sa paligid namin. Hindi ko
inakalang magiging ganito ang kinahinatnan ng pagsubok ko sa pagkatao ni
Jayden.
Katahimikan.
Maya-maya ay nakabawi na ako sa ginawang pagsuntok sa akin ni Jayden. Nakita ko
si Paul na aktong susugod na kay Jayden ngunit pinigilan ko na ito. Ayokong
lumaki pa lalo ito.
“At sinong
may sabi sa iyo na pwede ka nang mamahiya ng tao, ha Samonte?!” Nanggagalaiting
bulyaw nito. Napatayo naman ako mula sa pagkakatumba. “Sa pagkakaalam ko, ang
eskwelahan lang ang pag-aari nyo, at hindi ang bawat estudyanteng pumapasok
dito!”
Nakita kong
lumapit si Yui sa kanya at pilit itong pinapapakalma.
“Eto tandaan
mo, Samonte! Hindi pa tayo tapos. Oras na makita ko pa yang ka-hambugan mo dito
sa campus, di lang yan ang aabutin mo sa akin!” Hinila niya na ang babaeng
nag-abot sa akin ng cake at nilabas na ang center kasama si Yui.
Nanatili pa
ring nakatanaw lang sa amin ang mga estudyante. Ilang minuto na ang nakakalipas
nang makaalis sila Jayden ng center, pero ang tahimik pa rin ng paligid.
Kinakain na ako ng kahihiyan sa nangyari. Right. My ego.
Lumapit sa
akin si Sheena at tinangkang aluin ako sa pamamagitan ng paghimas sa likod ko,
pero tinampal ko ang kanyang mga kamay at dali-daling lumabas ng center.
Narinig ko pa itong tinawag ang aking pangalan, pero di ko na ito pinansin.
Dumudugo ang
bibig ko. Sapo-sapo ko ito habang tinatahak ang daan papunta sa garahe ng
school kung san naka-park ang sasakyan ko. Asar! Bumalik sa akin ang masamang
binalak ko laban kay Jayden. Pero hindi ako magpapatalo!
Pero ano ba
ang gagawin ko? What happened was of my own doing. I gotta admit, he took me by
surprise. Di ko akalaing ganun pala sya kabangis. Pero bakit nadaan ko sya sa
sindak kaninang umaga? He’s really weird.
Weird but in
an amazing way. Amazing kasi siya ang kauna-unahang tao ang kumalaban sa akin.
I thought he was like everybody else na lumuluhod sa mga gusto ko. But I was
wrong.
Pero sa
halip na mainis at magalit sa mokong na iyon, nagtataka pa ako sa sarili ko
kung bakit napapangiti ako sa tuwing maaalala ang pagsuntok ni Jayden sa akin
kanina.
“Wait,
what?” Ano ba tong nararamdaman ko?
================================
== The Wind
==
“Pero Yoh,
sa nangyari, manganganib ka dito sa eskwelahan. Alam ko kung paano mag-isip at
gumanti yang si Alfer.” Alalang-alala ako sa magiging kinahinatnan ng mga
naging aksyon ni Jayden. Di ko tantyado kung ano magiging consequences ng lahat
ng ito.
“Wala akong
pakialam! Magkikita kami sa impyerno!” Bumaling naman si Jayden sa babae.
“Miss, okay ka lang?!”
Umiiyak pa
rin ito. “O-o-okay l-lang. S-salamat h-ha?” nagpupunas ito ng pinaghalong luha,
cake at icing sa mukha. Sa totoo lang talaga, naghalong pagtawa, pag-alala, at
pagka-inis ang nararamdaman ko ngayon.
Pagkatapos
ng ilang sandali, nakita kong nag-angat ng mukha ang babae. Nagtaka ako kasi
parang kilala ni Jayden ang babae, base sa panlalaki ng mga mata nito ng
makitang mabuti ang mukha ng babae.
“I-ikaw?!” Biglang naibulalas ni Jayden na
lalong ipinagtaka ko. Yeah. Na-alala ko na. Kamukha sya nung isang babae sa
isang litrato sa photo album ni Jayden. Si Karin ba siya?
“Wait, so
you two knew each other?” Tanong ko sa kanilang dalawa.
Hindi
maka-imik ang babae. Parang nahihiya sya na si Jayden ang kaharap niya ngayon.
Maya-maya ay hilaw na tumatawa na si Jayden. “Hindi ko akalaing ikaw pala ang
ipinagtanggol ko sa hayop na Alfer Samonte’ng iyon. Why are you even here?”
Sarkastikong tanong ni Jayden. Teka, why do I feel some tension between this
two? Sino ang babaeng ito?
“J-jayden.”
Alanganing nasambit ng babae. Tinangka nitong hawakan ang mga kamay ni Jayden
pero iniwas lang nito ang mga kamay. Halatang hindi naman sila magkaibigan. At
ang mga mata ni Jayden. Punong-puno ng inis at galit.
“Just answer
my question.” Malamig na tugon ni Jayden. Di naman ito makatingin sa babae na
maluha-luha pa rin.
“Jayden. Di
mo pa ba ako napapatawad hanggang ngayon?” Malungkot na tanong ng babae.
“At bakit
kita papatawarin? Pinagkatiwalaan kita.”
So this girl
is someone from Jayden’s past? Pero sino nga ba talaga ito at bakit galit si
jayden dito? Siya ba ang babaeng dating minahal ni Jayden, si Karin?
Mukhang
sensitibo na ang pinag-uusapan nila so nagpaalam na muna ako kay Jayden para
makapag-usap sila ng maayos. “A-ah Yoh. Mukang marami ata kayong pag-uusapan
ah? Iwan ko muna kayo.”
Napatango
lang si Jayden, senyales na pumapayag itong maiwan ko muna sila. Lumabas na ako
ng cafeteria at tinungo ang sasakyan ko sa may parking lot.
Hindi ko
parin maiwasan ang pag-alala para kay Jayden. Sigurado, hindi lang si Alfer at
ang mga kaibigan nito ang magkakaroon ng ideyang paghigantihan si Jayden, kundi
ang mga estudyanteng umiidolo at yung mga tumuturing kay Alfer bilang dyos na
kulang nalang ay lumuhod sa harapan nito upang sambahin at pag-alayan ng buhay.
Pero alam mo
kung ano ang ikinasiya ko ngayon? Yun ay yung nakita at nalaman kong may paninindigan
at tapang na loob si Jayden para ipaglaban ang tama. Bumilib talaga ako sa
kanya. Kasi maging ako man, di ko magagawa yun.
Sa nakita
kong ginawa ni Jayden, mas lalo tuloy akong nahuhulog sa kanya. Sana ako rin.
Sana makita ko rin ang katapangan ng loob na sabihin sa kanya na mahal ko sya.
“Jayden, mahal kita.” Sa sarili ko.
“Yui!”
Naglalakad na ako papunta sa sasakyan ko sa parking lot ng may tumawag sa akin.
“Hey!” Pagharap ko sa aking bandang kaliwa, nakita ko si Alfer. “Tara! Gala
tayo.”
“Ah, Al. May
gagawin pa ako sa bahay. Next time, perhaps.”
“Bakit ba
palagi mo nalang akong tinatanggihan, Yui? Napapansin na namin ni Paul. What
happened to you dude?” Lumapit ito sa akin at inakbayan ako.
“Hindi sa
ganun dude. Pero after what, 3 years? Madami ng nangyari. It’s just that, back
then I was too timid para suwayin ang gusto mo Al.”
Wala lang
itong imik. Maya-maya ay ngumiti ito. “Ganun na ba talaga ako kasama dude?
Lumayo ka sa amin ni Paul dahil ganun ang nararamdaman mo?” Kumalas ako sa
pagkaka-akbay nito.
“For
goodness’ sake Al. Babaan mo naman kasi yang pride at ego mo para makita mo
lahat ng nararamdaman ng tao sa iyo. Di mo masisisi si Jayden sa ginawa nya
sayo kanina. He was just standing for
the girl’s right.”
“And what’s
with you and Jayden? Pinagpalit mo na kami ni Paul dahil sa Jayden na iyan?!”
“Don’t blame
others for your own misery pare. Kung nahihirapan ka sa mga nangyayari sa iyo,
ibahin mo ang style mo.”
Napabuntong-hininga
ito. “Tara. Usap tayo sa dating tambayan.”
Mukhang
kumalma naman ito, kaya pinagbigyan ko nalang ito. Sumakay kami sa
kanya-kanyang kotse at tinahak ang paborito naming bar simula pa noong mga high
school pa kami.
Wala lang
kaming imikan habang naka-upo sa may bar at dahan-dahan lang tinungga ang aming
mga inumin. Pero maya-maya’y ako na mismo ang bumasag sa katahimikan.
“About
Jayden.” Tanong ko na nakayuko lang at nakatingin sa inumin na hawak-hawak ko.
“What about
him?” Napatingin sa akin si Al.
“Are you
plotting a revenge against him?” harap-harapang tanong ko. Gusto ko lang
malaman kung ganu ka safe si Jayden sa mga nangyayari. Kasi dapat ko ding
ihanda ang sarili ko para protektahan sya.
Napangisi
lang ito. “Hindi ko alam dude.” Nalipat naman ang tingin nito mula sa akin,
patungo sa iniinom nito. Tinititigan nya lang ito, kagaya ng ginagawa ko.
“Dapat ba akong magalit? Ewan. Di ko alam ang gagawin. Honestly, may kung ano
sa Jayden na yan na hindi ko maintindihan eh.”
What? Pati
sya? Naramdaman din ni Alfer yun? Jayden is really special. Kaya nya’ng guluhin
ang sistema ng isang Alfer Samonte.
Isang sistema na nabulok na ng dahil sa pride at ego. Interesting.
“Ngayon alam
ko na kung bakit napaka-protective mo sa kanya.”
“Oo Al.
Jayden is my bestfriend. At ayokong may masamang mangyayari sa kanya. I can be
atleast civil to you, pero wag na wag mong ipapahamak si Jayden.” Seryosong
banta ko sa kanya.
“Chill bro.
Sa ngayon wala pa naman eh.” Nakangising tugon niya.
“Siguraduhin
mo lang Al. Ako makakalaban mo.”
Ang init na
ng tensyon sa pagitan namin ni Alfer. Pero nagpapasalamat pa rin ako at
nakokontrol pa rin namin ang aming mga sarili. Siguro dahil na rin sa mga
pinagsamahan namin dati.
Ayoko ng
gulo, pero kapag ang taong mahal ko ang ginago ng iba, humanda na kayo.
Apektado talaga ako sa mga nangyayari, lalo pa’t kapakanan ni Jayden ang
naka-taya dito.
Mahal ko na
ata talaga siya. “Haaay, Jayden. Bakit ba kasi sa iyo ako na-inlove? Sa iyo pa
na kaibigan ko. Sa iyo pa na natatakot akong magsabi ng aking nararamdaman.”
Himutok ko sa sarili.
“Naaalala mo nung nasa second year high school tayo?” Maya-maya’y narinig kong sabi ni Alfer.
“Alin dun?”
Napatingin ako sa kanya. Nakita ko siyang nakangiti.
“Nung
nagsuntukan tayo dahil lang sa isang babae?”
“Yeah. I
remember. Ano ba pangalan nun?”
“Di ko na
rin maalala eh.” Sabi pa ni Alfer.
“Pero sa tingin
mo ba, ngayong matured na tayong mag-isip, magkakagulo pa rin tayo sa isang
babae?” Agad naman itong napatingin sa direksyon ko na ang mga mata’y
nagtataka.
“Bakit mo
natanong Yui? Hanggang ngayon ba, pareha pa rin tayo ng taste sa babae?”
“Ewan, siguro.”
At napatawa nalang ako. “Just a random thought.”
Naalala ko
dati. May niligawan akong babae, nung second year high school palang kami. Pero
nung ipinakilala ko ang babae kina Paul at Alfer, bigla nalang itong
nagpahiwatig na gusto rin niya ang babae.
The next I
know was that he courted her. At nung nalaman ko, nagtanong ako kay Alfer, at
siya pa tong may ganang magalit. Sinugod nya ako, at nagpambuno kami sa harap
ng klase.
Pero dahil
nga siguro magkapatid na ang turingan namin nun, nagka-ayos naman kami
pagkatapos ng ilang oras. Pero yun nga, ako ang naggive-way. Sa lahat ng
pinag-awayan naming babae nun, ako parati naggigive-way.
Pero,
posible kaya na pati sa pagmamahal ko kay Jayden ay maging karibal ko rin si
Alfer? Pero di naman ito bakla. At ako, bakla ba ako? Diba hindi naman, pero
nahulog pa rin ang loob ko kay Jayden.
“Arrgh! Ano
ba tong nangyayari? Katapusan na ba ng mundo at nagrereverse na ang mga
magnetic poles ng mundo, kaya nagkakaroon ng confusion ang mga tao?” Natatawang
tanong ko sa sarili.
Mabuti naman
at naging lighter na ang hangin sa pagitan namin ni Alfer. Kwentuhan nalang
kami ng gaya ng dati. At naramdaman kong medyo nagbabago na nga sya. Well, sana
nga magbago na sya.
Nagpaalam na
kami sa isa’t isa pagkatapos ng ilang sandali na pagkukwentuhan.
It was too
early to go home. Naisipan kong tumawag kay Jayden. Nung una, ring lang ng ring
ang phone nya. Nung pangalawang beses, may sumagot ng phone pero walang
nagsasalita. Hello lang ako ng hello. It seems he is in trouble. Kelangan ko
syang puntahan.
Tumawag ako
sa landline nila sa bahay. At nakompirma ko kay Nanay Nimfa na kanina pa ito
dumating. Agad kong pinuntahan ito sa kanilang bahay. Medyo tipsy na ako, pero
nung tumatawag ako sa phone niya, nawala ang pagkalasing ko.
Pagkatapos
ng mahigit sampung minuto ng pagda-drive, narating ko agad ang bahay nila
jayden. Naabutan ko si Nanay Nimfa na naka-upo lang sa may sala. Agad akong
nag-mano dito at kinumusta si Jayden.
“Ayun nasa
taas hijo. Kanina nung dumating yan, umiiyak at hanggang ngayon ay di pa
kumakain.” Alalang sabi ni Nanay sa akin.
“Sige po.
Ako na ang bahala sa kanya.”
Umakyat na
ako sa pangalawang palapag ng bahay at agad na tinungo ang kwarto ni Jayden.
Kumakatok na ako, pero hindi nya binubuksan. Nakakailang katok na ako, pero
ayaw pa rin nya ako pagbuksan.
Nang pihitin
ko ang door knob ng kwarto niya, hindi naman pala ito naka lock. Pumasok na
ako. Ang dilim ng buong kwarto. Nakakarinig ako ng konting hikbi. “Jayden?”
tawag ko sa pangalan nito. Hinagilap ko naman ang switch ng ilaw at pinihit
ito.
Nang
magka-ilaw na ang kwarto, nakita ko si Jayden na nakaupo sa sahig, sa may
bandang paanan ng kama nito. Namumugto ang mga mata nito, at nakatulala lang
ito sa direksyon ng pinto. Nahabag ako sa anyo nya ngayon. Nilapitan ko agad
ito.
“Yoh. Anong
nangyari?”
Wala lang
siyang imik. Nakatulala pa rin ito.
“Yoh!”
Paulit-ulit
ko syang tinatawag pero hindi siya nagsasalita. Umupo ako sa tabi niya at
narinig ko ang kanyang pag-iyak. Naaawa ako sa kanya.
“Ano ba kasi nangyari? Yoh, kausapin mo ako.”
Umiiyak lang sya. Isinandal ko ang ulo nya sa balikat ko, at hinayaan syang dun
iiyak lahat ng sama ng loob niya. “Yoh.”
Maya-maya’y
tumahan siya. Nag-angat ng mukha at sinabing.. “Yoh. Si karin.”
“Anong tungkol
kay Karin?”
“Si Karin.”
Napapahikbi na naman sya.
“Yoh.”
Hinagod-hagod ko ang likod nito para gumaan
ang pakiramdam niya.
Palakas na
ng palakas ang pag-iyak niya.
“Yoh, si
Karin. All this time, all this years, andidito lang sya sa Pilipinas..”
- Itutuloy -
Enjoy mga dude... wag kalimutang maglagay ng kahit code name sa comments.. add me on facebook at facebook.com/jace.pajz.. salamat :)
ReplyDeleteI really do like your story! That's why I always take notice of little "spiels" that could be better read if it gets uplifted in its right form. ex.: all this time would probably sound better if you say"all these times": plural form." all these years"."this" is singular, while "these" is plural.
DeleteJace, you do not have to publish my suggestions. As long as you are aware and you take notice. Well and good. keep writing!
DeleteJace wag ka ng matulog post mu na agad ung next hahahaha....
ReplyDeleteSna may next na agad :))
hahahaha.. but im only Human kuya Raff.. and i bleed when i fall down :D chillax kuya :)
DeleteOhmy! May ganun! Anong twist na naman ito! C: ~Ken
ReplyDeletego ka lang dear bongga,,,kahapon ko pa inaabangan tong chapter na to...thank you sa update.
ReplyDeletebruneiyuki214
hehehe.. salamat po kuya, add me on FB :)
DeleteGanda ng story
ReplyDeleteBoholano blogger
welcome po sa ating storya Boholano Blogger.. silingan ra diay ta? hehehe.. salamat po :)
DeleteAsa diay dapit inyoha
DeleteBoholano
taga dumaguete ko brad :)
DeleteAw mao diay, taga bohol lo pero deri nako sa makati nagwork.
DeleteBoholano blogger
kawawang jayden niloko lang ni karin. yui wag mo iwan c yoh mo need k niya. tnx jace sa update.
ReplyDeleterandzmesia
kawawa nman c jayden niloko lang ni karin. yui wag mo iiwan c yoh need k niya. tnx jace sa update.
ReplyDeleterandzmezia
kaya nga kuya eh. napakalaking HAAIIISSST neto.. hahaha :D
DeleteSana may update na agad Jace. Can't wait to read it..
ReplyDeleteNaalala ko tuloy ang love story ko..haha
Mr. CPA
ganun kuya CPA? hahaha. add muko sa fb ha? usap tayo tungkol jan sa love story na yan.. :)
DeleteSure..i will add you up..
DeleteMr. CPA
Ganda ng story. Sana may update ulit. Parang bitin kasi. I guess yung babae e common friend nila ni karin at napag alaman nya lahat dun ang nangyari kay karin. Mr. Author salamat sa update.
ReplyDeleteAbangan sa susunod na chapter ang panibagong karakter sa ating kwento.. will she be a friend, or a foe? :D
ReplyDeletePakaarte nyang Karin na yan.. Isako! Hahah
ReplyDelete-Allen
nakakawala talaga ng stress tobg story na to .... hu grabe HABA NG HAIR TLAGA NI JAYDEN ... pahingi nman kahit isang hibla haha keep up po author
ReplyDeleteKRVT61
pa add po sa fb kuya :)
Deletesulit xa paghintay ng update author xD ganda ng chap. n 2..hehe everyone is in roller coaster ride.. kea we demand of atleast thrice a week update para swak n swak xa byahe XD biro lng jace hehe bxta wag mu madaliin ang pagsulat para ndi masacrifice ang QUALITY ha :) keep it up..
ReplyDelete- poch
Hanep ang story na E2 next chapter na agad please...
ReplyDeleteJoey
If jayden, yui and alfer are the leaf, wind and tree, then what is karin in the story? Will she be the raindrops that would complete there lives or the typhoon that would uproot everything on its way..I prefer her to be the former, friends..
ReplyDeleteMaau unta kun walay tragedy..I detest it.
Grey
grey, every love story has its tragedy. di pwedeng walang mangyaring bagyo sa isang pagsasama kasi dahil dun, masusubukan mo ang sarili mo at ng partner mo.. will you stay, or will you let go? ganun lang yun grey. ang mahalaga, POSITIVE tayo sa lahat ng unos na pagdaraanan natin :)
Delete