Hi, guys!
Salamat ulit sa patuloy na pagsuporta. I want to know what you think about this chapter. Leave me a comment. :)
Happy reading!
--
Chapter 18
“Nandito na ako sa labas ng bahay
niyo.” sabi ko kay Trisha nang sagutin niya ang tawag ko. Naiinis man dahil
alas nuebe ng gabi na siya nagpasundo. “Okay, babe. Pababa na rin ako.” sagot
niya, at dahil doon ay tuluyan ko ng pinutol ang tawag. Ngunit ang ‘di ko
inaasahan ay ang biglaang pagring ulit ng cellphone ko. Inakala kong si Trisha
lamang ulit iyon dahil may nakalimutan lamang siyang sabihin or something,
ngunit nang tingnan ko ang pangalan ng caller sa screen ay natigilan at
napabuntong-hininga ako. Ni-reject ko ang tawag niya.
Justin.
Buong linggo ko ng hindi
pinapansin ang binata. Kahit sa bahay ay pinipilit kong huwag lumabas. Maging
ang pag-alis ko papuntang school ay pilit kong inaagahan para hindi niya ako
maabangan at magkrus pa ang landas namin. Kahit sa school ay hindi na ako
tumatambay sa mga nakagawian kong paglagian dahil natatakot akong magkita
kaming dalawa. After what he did to me... hindi ko masisikmurang makita ang
pagmumukha niya. At marahil ay itong inis, o galit na nararamdaman ko sa kanya
ang dahilan kung bakit napapayag ako ni Trisha sa plano niya—kahit wala akong
kaide-ideya kung anuman iyon.
Tumunog naman ang message alert
tone ko, indicating na may nagtext sa akin. At nagulat naman ako dahil hindi ko
inaasahang magtetext si Justin.
”May problema ba tayo, Gab?” ang sabi ng text niya.
Sa tanong niyang iyon ay
milyon-milyong emosyon ang naramdaman ko. Hindi ko akalaing may guts talaga
siyang ipagpatuloy ang gaguhang ito, na ganoon pala talaga siya kasama. Wala
naman akong ginawa sa kanya, wala akong atraso sa kanya. In the first place,
kung hindi naman siya nagpakilala sa akin—which I think was a part of his plan
all along—ay hindi naman ako magiging involved sa kanya. And he’s doing this
for what? Para may mapatunayan siya? Kung anuman iyon, ay napakabigat siguro
noon para gumawa siya ng mga bagay na makakasakit sa ibang tao.
Napailing na lamang ako.
Napukaw ang atensyon ko nang
marinig ko ang pagbukas ng gate ng bahay nila Trisha. Paglabas ng kaibigan ko
ay hindi ko maiwasang mapanganga sa itsura niya. Totoong maganda si Trisha,
kaya naman siguro ay marami talagang nanliligaw dito. Ngunit napansin kong
parang may kakaiba sa ayos niya. Unang-una, ay nakamake-up ito—pula pa ang
lipstick—nakakulot rin ang buhok niya. Si Trisha kasi ay isa sa mga babae na
hindi mahilig mag-ayos ng sarili, iyon bang kuntento na sa pagiging simple. Ikalawa
ay ang damit niya. Naka-jacket ito na nakasara ang zipper hanggang leeg, at
nakamaikling palda, which I find weird, dahil ang init-init naman ngayon at
hindi ko makuha ang kombinasyon ng damit niya.
Nagtaka ako dahil imbes na
pumasok sa passenger side ay nagpunta siya sa driver’s side at binuksan ang
pinto. “Palit tayo. Ako ng magddrive.” pahayag niya. Hindi na rin ako tumutol,
dahil wala rin naman ako sa mood magdrive ngayon, at saka baka kung ano pa ang
gawin niya sa akin kaya tumalima na ako. Wala rin naman akong choice pagdating
sa kanya. Pagkatapos naming makapwesto ay agad ko siyang tinanong kung bakit
ganoon ang suot niya. “Ba’t ka naka-jacket? Ang init ah.” puna ko sa kanya
habang tinatahak ang daan palabas ng subdivision nila. Imbes na sagutin ako ay
hinila niya ang zipper ng jacket niya pababa at tumambad sa akin ang suot
niyang black dress.
“Trisha, have some decency!”
protesta ko, pilit inaalis ang paningin ko sa kanya. Masyado kasing malalim ang
suot niya at kitang-kita na ang cleavage nito. Tumawa naman siya ng matining na
tila natutuwa pa sa pagkaasar ko. “Bakit ka ba naka-ganyan? Para kang pokpok.”
walang pasubali kong saad. “Gab, relax. It’s not for you, noh? As if. It’s all
part of my plan.” sabi niya sa akin bago ako kindatan.
“Saan ba kasi talaga tayo
pupunta? At ano ba talagang plano mo?” tanong ko.
“Shh. I’m driving.” pagsuway nito
sa akin.
“And one last reminder, Gab...
huwag kang maging maawain mamaya. Sometimes, magandang pinaiiral ang galit.
Sadyang may mga taong kailangang turuan ng lesson.” makabuluhang pahayag nito.
--
“Bakit tayo nandito? Di mo man
lang sinabi na pa-party pala tayo. Buti na lang maayos suot ko ngayon.” sabi ko
kay Trisha pagkababa namin ng kotse ko. Dinala niya ako sa isang sikat na club
sa Pasay. “Uh, is this your plan? Pa-party tayo para makalimot ako? Alam mo
namang wala akong hilig sa mga ganyang bagay.” komento ko. Truth to be told,
na-surprise ako dahil nag-expect ako ng mas higit pa kay Trisha dahil kilala ko
ito, at ang kanyang mga kakaibang plano.
“Hindi, ah! Excuse me. I’m not
that boring and cliché, Gabby. Basta, let’s go inside na. He’s waiting for us.”
sabi niya sa akin habang hila-hila ako papasok ng club. “Huh? Sino naman?”
tanong ko.”
“An old friend.” pahayag niya
matapos tuluyang hubarin ang jacket na kanina pa nagtatago sa kakarampot na
suot niya.
--
Maingay, hindi lamang dahil sa
malakas ang tugtog sa loob ng club, ngunit dahil na rin sa sobrang daming tao
ngayon. Malamang ang dahilan nito ay Friday night kasi, at maraming kabataang
tulad namin ang excited na matapos ang linggong ito. Masikip, at mabaho—amoy
sigarilyo. Ito ay ilan lamang sa mga rason kung bakit never kong natipuhan ang
ganitong klaseng mga lugar. Kaya naman talagang nagtataka ako kung bakit sa
ganitong uri ng lugar pa naisipan ni Trisha isagawa kung anuman ang kanyang
pinaplano. Ni hindi ko nga alam kung ano ba talagang uri ng plano
niya—maghihiganti ba kami, ipapahiya si Justin, o papaaminin lamang ito. Ngunit
naisip ko rin na paano namin magagawa iyon kung wala naman si Justin dito?
Unless...
“Trisha!” sigaw ko sa kanya,
dahil sa sobrang ingay ng music. “Yeah?!” pasigaw rin niyang tanong.
Kasalukuyan itong sumasayaw na parang baliw habang may hawak-hawak na bote ng
beer. Napansin ko rin na kanina pa siya pinagtitinginan ng iba’t-ibang lalaki
na nadadaanan siya. Eh sino ba naman ang hindi mapapatingin sa kanya? Bukod sa
maganda na siya, ay ganiyan pa ang suot niya? Kaya lang siguro walang nagtatangkang
lumapit dito ay dahil kasama niya ako.
“Nandito ba si Justin?!” sigaw ko
sa kanya. Tiningnan naman niya ako at kinindatan. “Finally! Na-gets mo na rin!”
tuwang-tuwa niyang pahayag sa akin. At ako naman ay biglang kinabahan dahil
alam ko na ang mga planong ganito ay hindi magandang isinasagawa sa ganitong
uri ng mga lugar, lalo na kapag may alak na involved dahil siguradong gulo
lamang ang kalalabasan ng mga iyon. Alam kong kahit anong mangyari ngayong gabi
ay kailangan ko na siyang harapin, na may confrontation na magaganap. Dapat
ihanda ko na rin ang puso ko mula sa mga masasakit na bagay na siguradong
maririnig ko mamaya mula sa kanya.
“O, Gab. Wait lang. Nandito na
daw siya. Mamaya ka na papasok sa eksena. Tandaan mo, follow my instructions.
Huwag kang gagawa ng kahit ano, unless iutos ko sa’yo. I’ve got this under
control. Sumunod ka sa akin after mga 10 seconds, tapos pag nakita mo na siya,
pumwesto ka somewhere na hindi ka niya makikita.” pag-instruct niya sa akin
bago tuluyang maglakad papalayo sa pwestong kinatatayuan ko. Pinagmasdan ko
muna ang kaibigan ko, at hindi ko maiwasang mapangiti dahil totoong kaibigan
talaga ito. Imagine going all through this effort, all this shit with me.
Makalipas ang sampung segundo ay
tinahak ko na ang direksyong nilakad ni Trisha.
--
Trisha.
Great. Everything’s going
according to plan. Unang-una ay napapayag kong makipagkita sa akin ang hambog
na si Justin. Sinabi ko na lamang sa kanya na malapit na ang birthday ni Gab at
kailangan ko ng tulong niya sa preparations na pinaniwalaan naman ng gago.
Clearly, ay hindi niya talaga mahal ang kaibigan ko at niloloko lamang niya ito
dahil ni birthday nga ni Gab ay hindi nito alam! At isa pa, ni hindi man lamang
ito nagtaka kung bakit sa ganitong klase ng lugar ko siya naisipang yayain.
The truth is, kaya ko siya sa
isang bar inaya ay para mas mapadali ang trabaho ko. Hindi ba’t sabi nga nila
kapag may alak ay mas nagiging honest ang isang tao dahil lumalakas ang loob
nito? Based from experience ay totoo iyon. Kahit naman si Gab, o si Juno kapag
nalasing ay tila nawawala sa mga normal na sarili nila. Kaya naman naisip kong
dapat mapainom ko ng sapat na dami ng alak si Justin para mapaamin ko siya. At
habang umaamin ang gago ay ire-record ko iyon ng lingid sa kanyang kaalaman. Or
probably not. Siguro ay papakabahin ko na lamang ito hanggang sa umamin siya sa
harap ni Gab. That’s probably a better plan.
Lastly, kaya ako nagsuot ng
ganito ay para ma-encourage siyang mag-open up sa akin. Oo, kaya kahit ayaw ko
ng suot ko ngayong gabi ay tiniis ko pa rin dahil sa tingin ko ay mapapadali
ang trabaho ko kapag ganitong damit ang suot ko. Ganyan naman ang karamihan ng
mga lalaki, eh. Puro katawan lang ng mga babae ang unang tinitingnan—puro
kamanyakan ang pinapairal. But hey, I’m not generalizing here. Pero napansin ko
na kanina pa ako pinagtitinginan dito ng mga lalaki, which is a good sign,
dahil most likely ay gagana rin it okay Justin. Ngunit hindi naman ako gagawa
ng kahit ano physical in nature, marahil siguro kaunti, pero gagawin ko lamang
iyon kapag mapansin kong hindi gumagana ang plano ko. I need to catch him
cheating somehow, kahit with me, so I’ll have basis, and hence, proof – that’s
plan B. However, ayoko ng dumating pa ako doon. Mas gusto kong aminin na lamang
niya lahat sa harap ni Gab para hindi na maging komplikado pa ang mga bagay.
And speaking of the devil, I
spotted my target sa may bar, tahimik na nakaupo, which was perfect because mas
makakapag-usap kami doon ng masinsinan.
Nilapitan ko siya, kinalabit, at binigyan
ng isang makahulugang halik sa pisngi. “Hi, Justin.” medyo malandi kong bati sa
kanya. “Ang hot mo ngayong gabi, ah.” pagpansin ko sa kanya, trying to show
excitement sa boses ko. Napansin ko naman na medyo natigilan siya, lalo na nang
mapansin niya ang tube dress kong suot, ngunit agad din naman siyang nakabawi.
“Hey. Kamusta?” pagbati niya sa akin. “Okay naman.” simpleng sagot ko.
“Paano na pala ‘yung plano sa
birthday ni Gab?” tanong niya, ngunit iniba ko ang topic, dahil gusto ko ay
mamaya na namin pag-usapan si Gab—kapag marami ng alak sa sistema niya. “Let’s
talk about that later. Mahaba pa ang gabi... and since ako ang nagyaya sa’yo
dito, libre ko na ‘yung drinks!” pahayag ko. Napansin ko namang napangiti ito
sa sinabi ko kaya naman napangiti na rin ako sa loob-loob ko dahil talagang
nagiging maganda ang flow ng plano ko.
--
Habang lumalalim ang gabi ay
napapansin kong unti-unting pamumula ng pisngi niya at ang unti-unting
paglamlam ng mga mata nito. Kaya naman kinuha ko iyon bilang senyales na
simulan na ang tunay na pakay ko. Nag-order muna ako ng isang set ng shots ng
iba’t-ibang uri ng cocktails bago ko simulan.
“I have an idea. Let’s play a
game.” pagsisimula ko. Umayos naman siya ng pwesto, at tila interesado sa
naging mungkahi ko. “This game’s called ‘I have never’. If nagawa mo na ang
isang bagay, that is, if contradictory siya sa statement na sasabihin ng taya,
then shot ka na. If hindi ka uminom, syempre dapat honest ka though, you get to
keep on dictating until you drink na rin, then yung kalaro mo naman magsasabi.
If you both drink, then alternate na lang. Simple lang. Gets?” pahayag ko.
Tumango naman ito.
Ako na ang nagsimula.
“I have never... had sex.”
pahayag ko. Kaya naman pareho kaming nagshot ni Justin, which is hindi naman
nakakagulat. Tinanong ko iyon para hindi siya makahalata. “I have never...
cheated on a test.” si Justin. Kaya naman pareho kaming uminom. Nagpatuloy ang
mga simple at cliché na tanong na ito ng mga limang beses pa hanggang sa
itanong ko na ang tanong na magpapatakbo muli ng aking plano.
“I have never... told anyone I
loved them and didn’t mean it.” pahayag ko. Uminom naman ito, at napansin kong parang
nagitla siya sa naging statement ko matapos niyang uminom sa shot glass. Ako ay
hindi uminom dahil totoo naman na kahit marami akong naging boyfriend, ay hindi
ko sila sinasabihan na mahal ko sila unless sigurado na ako. Kaya naman ako pa
rin ang nagsasalita. “I have never...” pagsisimula ko. “... fooled or tricked
someone to be in a relationship with me, and broke their heart in the end, just
because I want to prove something.” mahabang pahayag ko. Doon ay nanlaki ang
mata nito, as in. Nakakatawa ang reaksyon ni Justin, at alam ko, na sa reaksyon
pa lang niyang iyon ay huli ko na ito.
“Oh my! Kwentuhan mo naman ako. I
mean, sobrang random noon kasi wala na akong maisip na sabihin kaya nagulat ako
na nagshot ka!” tanong ko sa kanya. Napansin ko ang unti-unting pamumuo ng
pawis sa may noo niya. “Kaibigan mo ba siya? Kaklase?... Kapitbahay?” tanong
ko, at doon binigyan ko ng emphasis ang salitang ‘kapitbahay’. Nagpaikot-ikot
ang mata niya sa kanan at kaliwa, pinaglauran niya ang baso niya, at napansin
ko ang paggalaw ng mga binti niya. Hindi ito mapakali base sa mga movements ng
katawan niya. I’ve shaken him up, kaya nagpatuloy ako.
“Hala. Pinagpapawisan ka. Halika,
lumabas muna tayo.” pagyaya ko sa kanya. Nilapag ko ang bayad sa may table at
hinila siya palabas ng club para hindi na siya makatutol o makapagreact.
Secretly, ay tinext ko si Gab na palabas na kami sa club at sumunod siya sa
amin. Nang makalabas kami sa club ay pinuntahan namin ang parking lot. Dinala
ko siya sa may isang gilid.
“Going back. Actually, I have a
friend na... nakaranas na rin ng ganyan. Although ang pinagkaiba nga lang, siya
‘yung victim ng isang gagong lalaki. Nako, kapag nakita ko ‘yung lalaking iyon,
ewan ko na lang talaga. Baka kung ano pa magawa ko sa kanya.” pagsisimula ako
at nararamdaman ko ang pagtindi ng pagka-nerbyos ni Justin. Alam ko na sa mga
oras na ito ay may ideya ng namumuo sa isipan niya na baka may alam ako tungkol
sa ginawa niya sa kaibigan ko, ngunit natatakot lamang siyang tanungin ako
dahil baka mali siya, or natatakot siya sa magiging consequences.
“Naiinis talaga ako. Kasi ang
bait-bait ng friend ko na ‘yon. Love na love ko siya, eh. Tapos gagaguhin lang
noong boyfriend niya, quote-unquote. Umasa siya, eh. Tapos... hay. Ewan ko ba
kung bakit may mga ganyang klaseng tao. Kaya Justin, itigil mo na ‘yan. Masama
kasi.” sabi ko sa kanya. Tumango siya, na tila wala sa sarili.
“Actually, kasama ko siya
tonight! OMG, tatawagan ko siya. Wait lang.” sabi ko. Bigla naman itong
nagpanic at pinigilan ako. Sa wakas, ay nagsalita rin ang hunghang! “Huwag na,
Trisha!” hindi niya mapakaling pagpigil sa akin. “Silly! Bakit ka ba
kinakabahan, ang OA mo!” pagdismiss ko sa kanya. “Para kang may tinatagong
hindi ko alam kung makaarte ka diyan!” dagdag ko, which drove him nuts. Dinial
ko ang number ni Gab.
“Hey, friend! Nandito kami doon
sa malapit sa car mo. Sa may wall. Sige, see you in a minute.” sabi ko kay Gab.
Bago pa siya makarating ay hinanda ko na lahat ng kailangan para sa magiging
komprontasyon nila. Napabuntong-hininga ako. Nakita ko ang isang figure malayo
sa amin na papalapit sa amin, and by the looks of it, ay si Gab iyon kaya naman
sinimulan ko na. I’ve decided that I should leave them alone and settle things
on their own, but I won’t leave until magawa ko itong last part ng plano ko.
“Hey wait lang, ha. CR lang ako.
Dadating na rin ‘yung friend ko. Kausapin mo muna.” sabi ko. Tumango ito. “And
one last thing?” nakangiti kong pahayag bago ko siya bigyan ng isang malakas at malutong na sampal sa kanang
pisngi niya. “That’s for being a jerk!” sigaw ko sa kanya bago ko sampalin ng
mas malakas pa ang kaliwang pisngi niya. “And that’s for hurting Gab!” galit na
galit kong bulyaw sa kanya bago ko siya iwanang mag-isa sa kinatatayuan niya,
just in time for Gab to finally arrive at our spot.
“My work here is done. Make me
proud.” bulong ko kay Gab bago ko sila tuluyang lisanin at bumalik muna sa loob
ng club.
--
Gab.
“Gab, I can explain.” nanginginig
na pagsisimula ni Justin nang madatnan niya ako. For some unexplainable reason,
dahil na rin siguro sa naitulong ni Trisha sa akin, at sa ilang bote ng beer na
nainom ko, ay nagkaroon ako ng lakas ng loob.
“Wala ng dapat pag-usapan, Justin! Ginago mo
ako, eh! Sana man lang hindi mo na ako pinaasa!” galit na galit kong
pagsisimula. Napansin ko naman na namumuo na ang luha sa mga mata ni Justin, na
siyang hindi ko inasahan, ngunit naalala ko na baka parte na naman ito ng plano
at pagpapanggap niya kaya hindi ako nagpadala.
“Gab, believe me. I’m going to
tell you one of these days. Medyo naghinala na ako na baka alam mo na kaya
hindi mo ako pinapansin, and it drives me nuts, Gab!” wala sa sarili mong
bigkas. “Stop acting, for fuck’s sake, Justin! Pagod na ako! Tanggap ko na!
Napaikot mo na ako. Ang sakit kasi, kasi... sa simula pa lang, talo na pala
ako. Noong una kasi hindi pa kita mahal, pero nitong mga nakaraang araw, may
naramdaman na rin ako para sa’yo, eh. Tapos bigla ko na lang malalaman na
ganito... na pinaglalaruan mo lang pala ako.” at hindi ko na rin napigilan ang
emosyon, at kusa ng dumaloy ang luha mula sa mga mata ko, ngunit hindi ko iyon
ginawang hadlang para maipahayag lahat ng saloobin ko.
“Tangina, Justin! Pinagmukha mo
akong tanga. Nakakatakot isipin lahat ng tumatakbo diyan sa loob ng utak mo
tuwing magkasama tayo, kung ano ang tingin mo sa akin—na parang isang tutang
pinapaikot mo lang at pinapasunod sa lahat ng gusto mo. Tapos si Casey, sabi mo
kaibigan mo lang siya, pero nalaman kong girlfriend mo pala talaga siya... All
I can say is, ang galing mong maglaro talaga! Napaikot mo ako! Talo ako sa
laban! Ano? Masaya ka na? Nasaktan mo na ako, eh. Iyan lang naman ang gusto
mong marinig, hindi ba?” pahayag ko habang dinuduro-duro siya.
“Gab, please. Believe me. Minahal
kita!” pagmamakaawa ni Justin sa akin, na siyang lalong nakapagpatindi ng
nararamdaman kong galit.
“Putangina! Stop the bullshit!
Please, Justin! Tigilan mo na ako!” sigaw ko.
“Maniwala ka, Gab! Oo! Niloko
lang talaga kita, pero nitong mga nakaraang araw, nalilito na rin ako sa sarili
ko! Hindi mo ba alam na sobrang nagui-guilty na ako sa panloloko ko sa’yo? Kasi
nakita ko kung gaano ka kabait na tao, Gab! Ako rin ang natalo sa laro ko, eh.
Kasi minahal kita! Ako ang nahulog sa’yo. Gab, maniwala ka naman. Alam kong
niloko kita, pero itong sinasabi ko sa’yo ngayon, totoo ‘to! ‘Yung hindi mo
pagpansin sa akin these past few days, sobrang mababaliw na ako noon. Kaya
naman when Trisha called me and told me na pagpplanuhan namin ‘yung birthday
celebration mo, I immediately agreed kasi gusto kong makabawi sa’yo! At isa pa,
binreak ko na si Casey, kasi nalaman kong ikaw talaga ang mahal ko, Gab. Please
believe me, Gab. I can’t lose you, not like this—not when I’m in love with you,
and not when nasaktan kita.” mahabang pahayag niya. “Let’s start. Magsimula
tayo. Please, Gab?” pagmamakaawa ni Justin. Doon ay napahagulgol na siya.
Ramdam ko ang sinseridad at
katotohanan sa mga sinasabi ni Justin, ngunit dahil nga kung dati ay napaikot
niya ako, ay naisip ko rin na baka nagsisinungaling pa rin ito. At isa pa,
matapos ang ginawa niya sa akin ay nawala na rin ang papausbong na sanang
pagmamahal ko para sa kanya.
“Stop! Tigilan mo na ako sa mga
kasinungalingan mo, Justin! And even if you’re telling the truth this time,
you’ve lost your chance! Tama nga si Caleb! Mahilig kang magpaikot. Nagsisisi
ako kung bakit hindi ako nakinig sa kanya!” bulyaw ko. At doon ay natigilan ka
at ang kaninang malungkot mong mukha ay tuluyang nilamon ng galit.
“Si Caleb?! Si Caleb na lang!
Puro na lang si Caleb! Lahat kayo! Si Caleb na lang lagi ang bukambibig. Is he
that perfect? Bakit lahat na lang kayo baliw na baliw sa kanya? Lahat na lang
kayo, siya na lang ang nakikita! Ba—“
“Don’t talk about my brother that
way! Siya ang nagwarn sa akin tungkol sa’yo! Kaya nga nagpapasalamat ako sa
kanya, eh. Hindi siya katulad mo, Justin!”
Tumawa siya ng mapait.
“Gab, you’re so clueless. Kung
akala mong si Caleb ang savior mo, then you thought wrong.” nakangisi mong
pahayag.
“What are you talking about?”
tanong ko.
“Kung hindi naman niya akong
inutusang lokohin ka, hindi ko gagawin ‘yon, eh.” pahayag mo na siyang
ikinatigil ng mundo ko.
--
Itutuloy...
OMG PLOT TWIST!
ReplyDeletebitin!.. ang ganda ng twist
ReplyDeletegalit lang si caleb nung mga panahon na yun nung inutusan si justin. haha. now nagsisisi na sila sa ginawa nila.
ReplyDeletebharu
Nakakabitin! Sana habaan naman sobrang bitin kasi. Tas medyo matagal ang update.., malaki ang twist sa chapter na ito. Ano kaya ang kaugnayan nina caleb at justin? Im wondering..
ReplyDeletebakit naman laging bitin ang chapters mo. napakaikli lagi. once a week n nga lang napopost eh. anyare na dun sa katulad nung unexpected na story na tlgang mahaba bawat chapters?
ReplyDeletesabi na ee. Haha pero mukhang nung una lang yun kasi pinigilan na ni caleb si gab ee hahai bitin ulit. Dalamat sa update. :-) :-) :-)
ReplyDeletehala..... nagulat me sa ending..... galing mong magpaikot author...... hehehe
ReplyDeleteHi, guys. Sorry dahil sa sobrang delay ng next update, and sorry dahil matatagalan pa ng konti ang susunod dahil NAWALA YUNG FILE NG UNTOUCHABLE. :( I have to rewrite all the succeedding chapters again. :(( Sana maintindihan niyo. PLEASE DON'T STOP THE SUPPORT. I WILL FINISH THIS ONE, PANGAKO. :)
ReplyDelete