Followers

Saturday, January 25, 2014

'Untouchable' Chapter 18

Hi, guys! 

Salamat ulit sa patuloy na pagsuporta. I want to know what you think about this chapter. Leave me a comment. :)

Happy reading!

--


Chapter 18

“Nandito na ako sa labas ng bahay niyo.” sabi ko kay Trisha nang sagutin niya ang tawag ko. Naiinis man dahil alas nuebe ng gabi na siya nagpasundo. “Okay, babe. Pababa na rin ako.” sagot niya, at dahil doon ay tuluyan ko ng pinutol ang tawag. Ngunit ang ‘di ko inaasahan ay ang biglaang pagring ulit ng cellphone ko. Inakala kong si Trisha lamang ulit iyon dahil may nakalimutan lamang siyang sabihin or something, ngunit nang tingnan ko ang pangalan ng caller sa screen ay natigilan at napabuntong-hininga ako. Ni-reject ko ang tawag niya.

Justin.

Buong linggo ko ng hindi pinapansin ang binata. Kahit sa bahay ay pinipilit kong huwag lumabas. Maging ang pag-alis ko papuntang school ay pilit kong inaagahan para hindi niya ako maabangan at magkrus pa ang landas namin. Kahit sa school ay hindi na ako tumatambay sa mga nakagawian kong paglagian dahil natatakot akong magkita kaming dalawa. After what he did to me... hindi ko masisikmurang makita ang pagmumukha niya. At marahil ay itong inis, o galit na nararamdaman ko sa kanya ang dahilan kung bakit napapayag ako ni Trisha sa plano niya—kahit wala akong kaide-ideya kung anuman iyon.

Tumunog naman ang message alert tone ko, indicating na may nagtext sa akin. At nagulat naman ako dahil hindi ko inaasahang magtetext si Justin.

”May problema ba tayo, Gab?” ang sabi ng text niya.

Sa tanong niyang iyon ay milyon-milyong emosyon ang naramdaman ko. Hindi ko akalaing may guts talaga siyang ipagpatuloy ang gaguhang ito, na ganoon pala talaga siya kasama. Wala naman akong ginawa sa kanya, wala akong atraso sa kanya. In the first place, kung hindi naman siya nagpakilala sa akin—which I think was a part of his plan all along—ay hindi naman ako magiging involved sa kanya. And he’s doing this for what? Para may mapatunayan siya? Kung anuman iyon, ay napakabigat siguro noon para gumawa siya ng mga bagay na makakasakit sa ibang tao.

Napailing na lamang ako.

Napukaw ang atensyon ko nang marinig ko ang pagbukas ng gate ng bahay nila Trisha. Paglabas ng kaibigan ko ay hindi ko maiwasang mapanganga sa itsura niya. Totoong maganda si Trisha, kaya naman siguro ay marami talagang nanliligaw dito. Ngunit napansin kong parang may kakaiba sa ayos niya. Unang-una, ay nakamake-up ito—pula pa ang lipstick—nakakulot rin ang buhok niya. Si Trisha kasi ay isa sa mga babae na hindi mahilig mag-ayos ng sarili, iyon bang kuntento na sa pagiging simple. Ikalawa ay ang damit niya. Naka-jacket ito na nakasara ang zipper hanggang leeg, at nakamaikling palda, which I find weird, dahil ang init-init naman ngayon at hindi ko makuha ang kombinasyon ng damit niya.

Nagtaka ako dahil imbes na pumasok sa passenger side ay nagpunta siya sa driver’s side at binuksan ang pinto. “Palit tayo. Ako ng magddrive.” pahayag niya. Hindi na rin ako tumutol, dahil wala rin naman ako sa mood magdrive ngayon, at saka baka kung ano pa ang gawin niya sa akin kaya tumalima na ako. Wala rin naman akong choice pagdating sa kanya. Pagkatapos naming makapwesto ay agad ko siyang tinanong kung bakit ganoon ang suot niya. “Ba’t ka naka-jacket? Ang init ah.” puna ko sa kanya habang tinatahak ang daan palabas ng subdivision nila. Imbes na sagutin ako ay hinila niya ang zipper ng jacket niya pababa at tumambad sa akin ang suot niyang black dress.

“Trisha, have some decency!” protesta ko, pilit inaalis ang paningin ko sa kanya. Masyado kasing malalim ang suot niya at kitang-kita na ang cleavage nito. Tumawa naman siya ng matining na tila natutuwa pa sa pagkaasar ko. “Bakit ka ba naka-ganyan? Para kang pokpok.” walang pasubali kong saad. “Gab, relax. It’s not for you, noh? As if. It’s all part of my plan.” sabi niya sa akin bago ako kindatan.

“Saan ba kasi talaga tayo pupunta? At ano ba talagang plano mo?” tanong ko.

“Shh. I’m driving.” pagsuway nito sa akin.

“And one last reminder, Gab... huwag kang maging maawain mamaya. Sometimes, magandang pinaiiral ang galit. Sadyang may mga taong kailangang turuan ng lesson.” makabuluhang pahayag nito.

--

“Bakit tayo nandito? Di mo man lang sinabi na pa-party pala tayo. Buti na lang maayos suot ko ngayon.” sabi ko kay Trisha pagkababa namin ng kotse ko. Dinala niya ako sa isang sikat na club sa Pasay. “Uh, is this your plan? Pa-party tayo para makalimot ako? Alam mo namang wala akong hilig sa mga ganyang bagay.” komento ko. Truth to be told, na-surprise ako dahil nag-expect ako ng mas higit pa kay Trisha dahil kilala ko ito, at ang kanyang mga kakaibang plano.

“Hindi, ah! Excuse me. I’m not that boring and cliché, Gabby. Basta, let’s go inside na. He’s waiting for us.” sabi niya sa akin habang hila-hila ako papasok ng club. “Huh? Sino naman?” tanong ko.”

“An old friend.” pahayag niya matapos tuluyang hubarin ang jacket na kanina pa nagtatago sa kakarampot na suot niya.

--

Maingay, hindi lamang dahil sa malakas ang tugtog sa loob ng club, ngunit dahil na rin sa sobrang daming tao ngayon. Malamang ang dahilan nito ay Friday night kasi, at maraming kabataang tulad namin ang excited na matapos ang linggong ito. Masikip, at mabaho—amoy sigarilyo. Ito ay ilan lamang sa mga rason kung bakit never kong natipuhan ang ganitong klaseng mga lugar. Kaya naman talagang nagtataka ako kung bakit sa ganitong uri ng lugar pa naisipan ni Trisha isagawa kung anuman ang kanyang pinaplano. Ni hindi ko nga alam kung ano ba talagang uri ng plano niya—maghihiganti ba kami, ipapahiya si Justin, o papaaminin lamang ito. Ngunit naisip ko rin na paano namin magagawa iyon kung wala naman si Justin dito?

Unless...

“Trisha!” sigaw ko sa kanya, dahil sa sobrang ingay ng music. “Yeah?!” pasigaw rin niyang tanong. Kasalukuyan itong sumasayaw na parang baliw habang may hawak-hawak na bote ng beer. Napansin ko rin na kanina pa siya pinagtitinginan ng iba’t-ibang lalaki na nadadaanan siya. Eh sino ba naman ang hindi mapapatingin sa kanya? Bukod sa maganda na siya, ay ganiyan pa ang suot niya? Kaya lang siguro walang nagtatangkang lumapit dito ay dahil kasama niya ako.

“Nandito ba si Justin?!” sigaw ko sa kanya. Tiningnan naman niya ako at kinindatan. “Finally! Na-gets mo na rin!” tuwang-tuwa niyang pahayag sa akin. At ako naman ay biglang kinabahan dahil alam ko na ang mga planong ganito ay hindi magandang isinasagawa sa ganitong uri ng mga lugar, lalo na kapag may alak na involved dahil siguradong gulo lamang ang kalalabasan ng mga iyon. Alam kong kahit anong mangyari ngayong gabi ay kailangan ko na siyang harapin, na may confrontation na magaganap. Dapat ihanda ko na rin ang puso ko mula sa mga masasakit na bagay na siguradong maririnig ko mamaya mula sa kanya.

“O, Gab. Wait lang. Nandito na daw siya. Mamaya ka na papasok sa eksena. Tandaan mo, follow my instructions. Huwag kang gagawa ng kahit ano, unless iutos ko sa’yo. I’ve got this under control. Sumunod ka sa akin after mga 10 seconds, tapos pag nakita mo na siya, pumwesto ka somewhere na hindi ka niya makikita.” pag-instruct niya sa akin bago tuluyang maglakad papalayo sa pwestong kinatatayuan ko. Pinagmasdan ko muna ang kaibigan ko, at hindi ko maiwasang mapangiti dahil totoong kaibigan talaga ito. Imagine going all through this effort, all this shit with me.

Makalipas ang sampung segundo ay tinahak ko na ang direksyong nilakad ni Trisha.

--

Trisha.

Great. Everything’s going according to plan. Unang-una ay napapayag kong makipagkita sa akin ang hambog na si Justin. Sinabi ko na lamang sa kanya na malapit na ang birthday ni Gab at kailangan ko ng tulong niya sa preparations na pinaniwalaan naman ng gago. Clearly, ay hindi niya talaga mahal ang kaibigan ko at niloloko lamang niya ito dahil ni birthday nga ni Gab ay hindi nito alam! At isa pa, ni hindi man lamang ito nagtaka kung bakit sa ganitong klase ng lugar ko siya naisipang yayain.

The truth is, kaya ko siya sa isang bar inaya ay para mas mapadali ang trabaho ko. Hindi ba’t sabi nga nila kapag may alak ay mas nagiging honest ang isang tao dahil lumalakas ang loob nito? Based from experience ay totoo iyon. Kahit naman si Gab, o si Juno kapag nalasing ay tila nawawala sa mga normal na sarili nila. Kaya naman naisip kong dapat mapainom ko ng sapat na dami ng alak si Justin para mapaamin ko siya. At habang umaamin ang gago ay ire-record ko iyon ng lingid sa kanyang kaalaman. Or probably not. Siguro ay papakabahin ko na lamang ito hanggang sa umamin siya sa harap ni Gab. That’s probably a better plan.

Lastly, kaya ako nagsuot ng ganito ay para ma-encourage siyang mag-open up sa akin. Oo, kaya kahit ayaw ko ng suot ko ngayong gabi ay tiniis ko pa rin dahil sa tingin ko ay mapapadali ang trabaho ko kapag ganitong damit ang suot ko. Ganyan naman ang karamihan ng mga lalaki, eh. Puro katawan lang ng mga babae ang unang tinitingnan—puro kamanyakan ang pinapairal. But hey, I’m not generalizing here. Pero napansin ko na kanina pa ako pinagtitinginan dito ng mga lalaki, which is a good sign, dahil most likely ay gagana rin it okay Justin. Ngunit hindi naman ako gagawa ng kahit ano physical in nature, marahil siguro kaunti, pero gagawin ko lamang iyon kapag mapansin kong hindi gumagana ang plano ko. I need to catch him cheating somehow, kahit with me, so I’ll have basis, and hence, proof – that’s plan B. However, ayoko ng dumating pa ako doon. Mas gusto kong aminin na lamang niya lahat sa harap ni Gab para hindi na maging komplikado pa ang mga bagay.

And speaking of the devil, I spotted my target sa may bar, tahimik na nakaupo, which was perfect because mas makakapag-usap kami doon ng masinsinan.

Nilapitan ko siya, kinalabit, at binigyan ng isang makahulugang halik sa pisngi. “Hi, Justin.” medyo malandi kong bati sa kanya. “Ang hot mo ngayong gabi, ah.” pagpansin ko sa kanya, trying to show excitement sa boses ko. Napansin ko naman na medyo natigilan siya, lalo na nang mapansin niya ang tube dress kong suot, ngunit agad din naman siyang nakabawi. “Hey. Kamusta?” pagbati niya sa akin. “Okay naman.” simpleng sagot ko.

“Paano na pala ‘yung plano sa birthday ni Gab?” tanong niya, ngunit iniba ko ang topic, dahil gusto ko ay mamaya na namin pag-usapan si Gab—kapag marami ng alak sa sistema niya. “Let’s talk about that later. Mahaba pa ang gabi... and since ako ang nagyaya sa’yo dito, libre ko na ‘yung drinks!” pahayag ko. Napansin ko namang napangiti ito sa sinabi ko kaya naman napangiti na rin ako sa loob-loob ko dahil talagang nagiging maganda ang flow ng plano ko.

--

Habang lumalalim ang gabi ay napapansin kong unti-unting pamumula ng pisngi niya at ang unti-unting paglamlam ng mga mata nito. Kaya naman kinuha ko iyon bilang senyales na simulan na ang tunay na pakay ko. Nag-order muna ako ng isang set ng shots ng iba’t-ibang uri ng cocktails bago ko simulan.

“I have an idea. Let’s play a game.” pagsisimula ko. Umayos naman siya ng pwesto, at tila interesado sa naging mungkahi ko. “This game’s called ‘I have never’. If nagawa mo na ang isang bagay, that is, if contradictory siya sa statement na sasabihin ng taya, then shot ka na. If hindi ka uminom, syempre dapat honest ka though, you get to keep on dictating until you drink na rin, then yung kalaro mo naman magsasabi. If you both drink, then alternate na lang. Simple lang. Gets?” pahayag ko. Tumango naman ito.

Ako na ang nagsimula.

“I have never... had sex.” pahayag ko. Kaya naman pareho kaming nagshot ni Justin, which is hindi naman nakakagulat. Tinanong ko iyon para hindi siya makahalata. “I have never... cheated on a test.” si Justin. Kaya naman pareho kaming uminom. Nagpatuloy ang mga simple at cliché na tanong na ito ng mga limang beses pa hanggang sa itanong ko na ang tanong na magpapatakbo muli ng aking plano.

“I have never... told anyone I loved them and didn’t mean it.” pahayag ko. Uminom naman ito, at napansin kong parang nagitla siya sa naging statement ko matapos niyang uminom sa shot glass. Ako ay hindi uminom dahil totoo naman na kahit marami akong naging boyfriend, ay hindi ko sila sinasabihan na mahal ko sila unless sigurado na ako. Kaya naman ako pa rin ang nagsasalita. “I have never...” pagsisimula ko. “... fooled or tricked someone to be in a relationship with me, and broke their heart in the end, just because I want to prove something.” mahabang pahayag ko. Doon ay nanlaki ang mata nito, as in. Nakakatawa ang reaksyon ni Justin, at alam ko, na sa reaksyon pa lang niyang iyon ay huli ko na ito.

“Oh my! Kwentuhan mo naman ako. I mean, sobrang random noon kasi wala na akong maisip na sabihin kaya nagulat ako na nagshot ka!” tanong ko sa kanya. Napansin ko ang unti-unting pamumuo ng pawis sa may noo niya. “Kaibigan mo ba siya? Kaklase?... Kapitbahay?” tanong ko, at doon binigyan ko ng emphasis ang salitang ‘kapitbahay’. Nagpaikot-ikot ang mata niya sa kanan at kaliwa, pinaglauran niya ang baso niya, at napansin ko ang paggalaw ng mga binti niya. Hindi ito mapakali base sa mga movements ng katawan niya. I’ve shaken him up, kaya nagpatuloy ako.

“Hala. Pinagpapawisan ka. Halika, lumabas muna tayo.” pagyaya ko sa kanya. Nilapag ko ang bayad sa may table at hinila siya palabas ng club para hindi na siya makatutol o makapagreact. Secretly, ay tinext ko si Gab na palabas na kami sa club at sumunod siya sa amin. Nang makalabas kami sa club ay pinuntahan namin ang parking lot. Dinala ko siya sa may isang gilid.

“Going back. Actually, I have a friend na... nakaranas na rin ng ganyan. Although ang pinagkaiba nga lang, siya ‘yung victim ng isang gagong lalaki. Nako, kapag nakita ko ‘yung lalaking iyon, ewan ko na lang talaga. Baka kung ano pa magawa ko sa kanya.” pagsisimula ako at nararamdaman ko ang pagtindi ng pagka-nerbyos ni Justin. Alam ko na sa mga oras na ito ay may ideya ng namumuo sa isipan niya na baka may alam ako tungkol sa ginawa niya sa kaibigan ko, ngunit natatakot lamang siyang tanungin ako dahil baka mali siya, or natatakot siya sa magiging consequences.

“Naiinis talaga ako. Kasi ang bait-bait ng friend ko na ‘yon. Love na love ko siya, eh. Tapos gagaguhin lang noong boyfriend niya, quote-unquote. Umasa siya, eh. Tapos... hay. Ewan ko ba kung bakit may mga ganyang klaseng tao. Kaya Justin, itigil mo na ‘yan. Masama kasi.” sabi ko sa kanya. Tumango siya, na tila wala sa sarili.

“Actually, kasama ko siya tonight! OMG, tatawagan ko siya. Wait lang.” sabi ko. Bigla naman itong nagpanic at pinigilan ako. Sa wakas, ay nagsalita rin ang hunghang! “Huwag na, Trisha!” hindi niya mapakaling pagpigil sa akin. “Silly! Bakit ka ba kinakabahan, ang OA mo!” pagdismiss ko sa kanya. “Para kang may tinatagong hindi ko alam kung makaarte ka diyan!” dagdag ko, which drove him nuts. Dinial ko ang number ni Gab.

“Hey, friend! Nandito kami doon sa malapit sa car mo. Sa may wall. Sige, see you in a minute.” sabi ko kay Gab. Bago pa siya makarating ay hinanda ko na lahat ng kailangan para sa magiging komprontasyon nila. Napabuntong-hininga ako. Nakita ko ang isang figure malayo sa amin na papalapit sa amin, and by the looks of it, ay si Gab iyon kaya naman sinimulan ko na. I’ve decided that I should leave them alone and settle things on their own, but I won’t leave until magawa ko itong last part ng plano ko.

“Hey wait lang, ha. CR lang ako. Dadating na rin ‘yung friend ko. Kausapin mo muna.” sabi ko. Tumango ito. “And one last thing?” nakangiti kong pahayag bago ko siya bigyan ng isang  malakas at malutong na sampal sa kanang pisngi niya. “That’s for being a jerk!” sigaw ko sa kanya bago ko sampalin ng mas malakas pa ang kaliwang pisngi niya. “And that’s for hurting Gab!” galit na galit kong bulyaw sa kanya bago ko siya iwanang mag-isa sa kinatatayuan niya, just in time for Gab to finally arrive at our spot.

“My work here is done. Make me proud.” bulong ko kay Gab bago ko sila tuluyang lisanin at bumalik muna sa loob ng club.

--

Gab.

“Gab, I can explain.” nanginginig na pagsisimula ni Justin nang madatnan niya ako. For some unexplainable reason, dahil na rin siguro sa naitulong ni Trisha sa akin, at sa ilang bote ng beer na nainom ko, ay nagkaroon ako ng lakas ng loob.

 “Wala ng dapat pag-usapan, Justin! Ginago mo ako, eh! Sana man lang hindi mo na ako pinaasa!” galit na galit kong pagsisimula. Napansin ko naman na namumuo na ang luha sa mga mata ni Justin, na siyang hindi ko inasahan, ngunit naalala ko na baka parte na naman ito ng plano at pagpapanggap niya kaya hindi ako nagpadala.

“Gab, believe me. I’m going to tell you one of these days. Medyo naghinala na ako na baka alam mo na kaya hindi mo ako pinapansin, and it drives me nuts, Gab!” wala sa sarili mong bigkas. “Stop acting, for fuck’s sake, Justin! Pagod na ako! Tanggap ko na! Napaikot mo na ako. Ang sakit kasi, kasi... sa simula pa lang, talo na pala ako. Noong una kasi hindi pa kita mahal, pero nitong mga nakaraang araw, may naramdaman na rin ako para sa’yo, eh. Tapos bigla ko na lang malalaman na ganito... na pinaglalaruan mo lang pala ako.” at hindi ko na rin napigilan ang emosyon, at kusa ng dumaloy ang luha mula sa mga mata ko, ngunit hindi ko iyon ginawang hadlang para maipahayag lahat ng saloobin ko.

“Tangina, Justin! Pinagmukha mo akong tanga. Nakakatakot isipin lahat ng tumatakbo diyan sa loob ng utak mo tuwing magkasama tayo, kung ano ang tingin mo sa akin—na parang isang tutang pinapaikot mo lang at pinapasunod sa lahat ng gusto mo. Tapos si Casey, sabi mo kaibigan mo lang siya, pero nalaman kong girlfriend mo pala talaga siya... All I can say is, ang galing mong maglaro talaga! Napaikot mo ako! Talo ako sa laban! Ano? Masaya ka na? Nasaktan mo na ako, eh. Iyan lang naman ang gusto mong marinig, hindi ba?” pahayag ko habang dinuduro-duro siya.

“Gab, please. Believe me. Minahal kita!” pagmamakaawa ni Justin sa akin, na siyang lalong nakapagpatindi ng nararamdaman kong galit.

“Putangina! Stop the bullshit! Please, Justin! Tigilan mo na ako!” sigaw ko.

“Maniwala ka, Gab! Oo! Niloko lang talaga kita, pero nitong mga nakaraang araw, nalilito na rin ako sa sarili ko! Hindi mo ba alam na sobrang nagui-guilty na ako sa panloloko ko sa’yo? Kasi nakita ko kung gaano ka kabait na tao, Gab! Ako rin ang natalo sa laro ko, eh. Kasi minahal kita! Ako ang nahulog sa’yo. Gab, maniwala ka naman. Alam kong niloko kita, pero itong sinasabi ko sa’yo ngayon, totoo ‘to! ‘Yung hindi mo pagpansin sa akin these past few days, sobrang mababaliw na ako noon. Kaya naman when Trisha called me and told me na pagpplanuhan namin ‘yung birthday celebration mo, I immediately agreed kasi gusto kong makabawi sa’yo! At isa pa, binreak ko na si Casey, kasi nalaman kong ikaw talaga ang mahal ko, Gab. Please believe me, Gab. I can’t lose you, not like this—not when I’m in love with you, and not when nasaktan kita.” mahabang pahayag niya. “Let’s start. Magsimula tayo. Please, Gab?” pagmamakaawa ni Justin. Doon ay napahagulgol na siya.

Ramdam ko ang sinseridad at katotohanan sa mga sinasabi ni Justin, ngunit dahil nga kung dati ay napaikot niya ako, ay naisip ko rin na baka nagsisinungaling pa rin ito. At isa pa, matapos ang ginawa niya sa akin ay nawala na rin ang papausbong na sanang pagmamahal ko para sa kanya.

“Stop! Tigilan mo na ako sa mga kasinungalingan mo, Justin! And even if you’re telling the truth this time, you’ve lost your chance! Tama nga si Caleb! Mahilig kang magpaikot. Nagsisisi ako kung bakit hindi ako nakinig sa kanya!” bulyaw ko. At doon ay natigilan ka at ang kaninang malungkot mong mukha ay tuluyang nilamon ng galit.

“Si Caleb?! Si Caleb na lang! Puro na lang si Caleb! Lahat kayo! Si Caleb na lang lagi ang bukambibig. Is he that perfect? Bakit lahat na lang kayo baliw na baliw sa kanya? Lahat na lang kayo, siya na lang ang nakikita! Ba—“

“Don’t talk about my brother that way! Siya ang nagwarn sa akin tungkol sa’yo! Kaya nga nagpapasalamat ako sa kanya, eh. Hindi siya katulad mo, Justin!”

Tumawa siya ng mapait.

“Gab, you’re so clueless. Kung akala mong si Caleb ang savior mo, then you thought wrong.” nakangisi mong pahayag.

“What are you talking about?” tanong ko.


“Kung hindi naman niya akong inutusang lokohin ka, hindi ko gagawin ‘yon, eh.” pahayag mo na siyang ikinatigil ng mundo ko.

--

Itutuloy...

8 comments:

  1. bitin!.. ang ganda ng twist

    ReplyDelete
  2. galit lang si caleb nung mga panahon na yun nung inutusan si justin. haha. now nagsisisi na sila sa ginawa nila.

    bharu

    ReplyDelete
  3. Nakakabitin! Sana habaan naman sobrang bitin kasi. Tas medyo matagal ang update.., malaki ang twist sa chapter na ito. Ano kaya ang kaugnayan nina caleb at justin? Im wondering..

    ReplyDelete
  4. bakit naman laging bitin ang chapters mo. napakaikli lagi. once a week n nga lang napopost eh. anyare na dun sa katulad nung unexpected na story na tlgang mahaba bawat chapters?

    ReplyDelete
  5. sabi na ee. Haha pero mukhang nung una lang yun kasi pinigilan na ni caleb si gab ee hahai bitin ulit. Dalamat sa update. :-) :-) :-)

    ReplyDelete
  6. hala..... nagulat me sa ending..... galing mong magpaikot author...... hehehe

    ReplyDelete
  7. Hi, guys. Sorry dahil sa sobrang delay ng next update, and sorry dahil matatagalan pa ng konti ang susunod dahil NAWALA YUNG FILE NG UNTOUCHABLE. :( I have to rewrite all the succeedding chapters again. :(( Sana maintindihan niyo. PLEASE DON'T STOP THE SUPPORT. I WILL FINISH THIS ONE, PANGAKO. :)

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails